Isyu 9 | Agosto 2020 Katotohanan at karapatan para sa makataong kinabukasan
Church in Action (3)
Pilipinas LABAN sa Pandemya (4)
Tayo ang Lunas
Heal as One (6)
IPASA PAGKABASA
ANG BUHAY at kaligtasan ay karapatan nating lahat — walang dapat maiwan — sa anumang panahon. Hindi dapat tayo magkibit-balikat sa pagkukulang ng pamahalaan na gampanan ang obligasyon nila sa taumbayan. Resistensya natin ang nagkakaisang pagkilos para ipaglaban ang ating kaligtasan sa gitna ng pandemya. Buhay ang nakataya sa laban kontra sa pandemyang COVID-19. Ligtas ang lahat, kung magiging ligtas ang bawat isang mamamayan. Ang karapatang ito ng bawat Pilipino, higit kailanman ay dapat unang prayoridad ng pamahalaan
lalo na sa panahon ng sakuna. Ngunit, hanggang ngayon, malabo pa rin ang tinatahak na direksyon ng gobyerno sa pagresolba ng krisis pangkalusugan. (Itutuloy sa Pahina 2)
2
ED ITORYA L
BALITA
Volunteer ‘To the Rescue’ kahit Lockdown
Tayo ang lunas Sa katunayan, mistulang hindi nga sineseryoso ni Pangulong Duterte ang nangyayari at tila walang malasakit ang Administrasyon sa ating kalagayan. Imbis na bumuo ng isang matibay na plano at stratehiya, mas pinagtuunang pansin ang ibang mga isyu tulad ng pagsasabatas ng Anti-Terror Bill at pagkondena sa mga kritiko ng pamahalaan. Ang kanilang pagpapataw ng community quarantine simula Marso ang naging takbuhang solusyon ng Administrasyon pero sa kabila nito, lalo pang bumilis ang pagtaas ng mga positibong kaso sa bansa. Sa halip na tugunan ang pangangailangang medikal, mas pinaigting ang pagpapalakas at pagpapalawak sa solusyong militar na nagbunga ng pagtaas pa lalo ng karahasan sa panahon ng lockdown. Kung hindi pagbabanta, mga papuri at pasasalamat sa mga ka-alyado ng Pangulo at sa Tsina ang ating natutunghayan sa mga hating-gabing press conferences —walang paglalahad sa konkretong plano o detalye ng aksyon ng gobyerno. Hanggang ngayon, taranta pa rin ang Department of Health (DOH) sa mabilis na pagkalat ng virus. Umiinda pa rin ang mga institusyong medikal sa kakulangan ng esensyal na suplay na sasalba sa buhay ng mga pasyente. Wala pa ring accessible at malawakang COVID-19 tests na tinuturing na mabisang paraan para mapigilan na ang pagkalat ng sakit. Nasa bingit rin ang buhay ng mga health workers na ilang buwan nang nakikidigma bilang frontliners.
Samantala, lalong nalugmok ang mga pamilya sa gutom at kahirapan. Ang ilan ay binawian na lang ng buhay sa paghihintay ng tulong sa gobyerno. Kung manlilimos ka tulad ng mga tsuper ng dyip, ikukulong ka naman ng mga pulis at kikitilin ang kalayaan. Iilan lang sila sa sa 7.3 milyong manggagawa, kasama ng mga OFWs, na nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng pandemya. Hindi naman naging sapat at epektibo ang sistema ng pagbibigay ng ayuda. Kahit na kung tutuusin, nakalikom na tayo ng pondo para tugunan ang pangangailangan ng taumbayan. Aabot sa higit Php 8.6 trilyon na ang utang ng bansa. May karagdagang Php 275 bilyon pa mula sa “emergency powers” na iginawad sa Pangulo at daang bilyong piso mula sa pribadong sektor, mga opisyal at tulong mula sa ibang bansa. Pero walang silbi ang pondo kung hindi ito naipaaabot sa mga nasa laylayan ng bayan. Kung kaya naman, tayo mismo ang magsisilbing lunas. Hindi ito ang panahon para magkibit-balikat lamang sa pagkukulang ng pamahalaan na gampanan ang obligasyon nila sa taumbayan. Hindi tayo matitikom sa lideratong pinaiiral ang takot at pagbabanta sa mamamayan. Resistensya natin ang nagkakaisang pagkilos ng mamamayan para ipaglaban ang ating buhay at kaligtasan sa panahon ng pandemya. Ang krisis na ito ay hindi isang laro ng matira-matibay. Hindi
3
Abbie Litao “Dalawang Mukha Ikaw ang Bahala kung Kanino ka Maniniwala” Reverse Poetry ni Zenie Peña Balatico Naniniwala akong Diyos sa atin ay may magandang plano Mga salitang di naman totoo Wala na tayong pagkakaisang mga Pilipino Hindi na natin pinakikinggan hinaing ng ibang mga tao Wala namang katotohanan na Magiging maayos din ang lahat Sapagkat ang totoo Wala ng pag- asa itong ating mundo Kabulaanan lamang na Mawawala ang pandemyang ito Maniwala kayo na Hindi na makaiimbento ng gamot para dito At hindi totoo na Lubhang nakatutulong ang mga ibinibigay ng mga mabubuting tao at gubyerno Sapagkat Umaangal ang iba sa mga tulong na natatanggap nila Hindi rin kasi maganda na Dapat tayong magpasalamat at makuntento kung anong meron tayo
“SIGE na laban na ito, suntok sa buwan na. Hawak na sa patalim, susugal na kami.” Sa kabila ng mga pagsubok, ito ang pinanghawakan ni Julieta Azusano, isang community volunteer sa Kalookan. Bilang myembro rin ng Commission on Social Service and Development ng Birhen ng Lourdes, naging abala ang 54-anyos na si Julieta kasama ng iba pang volunteers sa paghahatid ng tulong sa mga kapus-palad na pamilya. Ayon sa kanya, ang kanilang komunidad ay “kumpleto rekado ng lahat ng mahihirap” at sila rin daw ang nasakal lalo nang lockdown. “Ang uhaw ng tao ay makakain lang kahit isang beses sa isang araw. Sila ‘yung mga mahihirap na dumidiskarte lang ng hanapbuhay — scavengers, naglalabada, namumulot sa palengke, disabled, solo parent,” dagdag pa niya.
MULAT KABATAAN. Ako si Zennie P. Balatico, isang kabataan na tumutulong sa aking kapwa sa pamamagitan ng Kapatiran Kaunlaran Foundation Inc. Ang aking adbokasiya o hangarin ay mas mabigyang halaga ang edukasyon. Ako ay naniniwala na ito ang sagot sa kahirapang kinakaharap ng ating bansa.
pwedeng hayaang magdesisyon ang agwat ng lipunan kung sino ang “swerte” na maililigtas. Hindi dapat ito ituring na biro tulad ng ginagawa ng mga namumuno. Maging kritikal tayo sa ginagawa ng gobyerno at maniningil sa ating mga karapatan. Palakasin at pangalagaan natin ang ating sarili at pamilya. Paigtingin ang malasakit sa ating kapwa at pakikiisa sa komunidad. Maging mas mapagmatyag sa
katotohanan at hustisya. Maging responsable tayo sa kapwa tao hanggang mabuo ang malakas na resistensyang kakalampag sa pamahalaan para gampanan nila ang kanilang tungkulin na pagsilbihan ang sambayanang Pilipino. Ang ating boses at iisang pagkilos ang siyang diwa ng isang demokratikong bayang lumalaban — hindi matitinag at magtatagumpay sa anumang kinakaharap na pagsubok o pandemya.
Editor-in-Chief: Dada Grifon • Layout Director: Kel Almazan • Cartoonists: Mariannel Crisostomo, Bladimer Usi Infographics: Soleil Vinoya, Mariannel Crisostomo, Mikhaela Dimpas • Research: Gianna Catolico, Ivan Valcos Writers: Bea Del Rio, Abbie Litao, Tuesday Lagman, Charmen Balana, KZ Briana
Ang Dignidad tabloid ay inilimbag ng IDEALS, Inc. mula 2018 upang ibahagi ang mahahalagang balita at kwento sa ating lipunan. Layunin nitong mulatin at palakasin ang komunidad sa pamamagitan ng katotohanan at kaalaman ukol sa karapatang pantao.
Mahigit 25 na taon na niyang aktibong pinaglilingkuran ang 18 barangay na sakop ng kanilang parokya. Sa kasamaang palad, nitong Abril, pumanaw ang kanyang kapatid na si Wilfredo dahil sa pneumonia. Minarkahan na “Person Under Investigation” si Wilfredo pero hanggang ngayon, hindi pa kumpirmado kung positibo ito sa COVID-19. Sa loob ng ospital, naranasan rin ni Julieta ang hirap ng
pakikipagsapalaran. Nahirapan rin ang kanyang pamilya sa pagpapalibing sa kanyang kapatid. “Parang matutumba na sila (health workers) sa pagod. ‘Yung dedikasyon nila, ‘yung panahon na inilalaan makikita mo talaga. Kahit na ganun ang sitwasyon, inaalala ko pa rin ang mga doktor,” aniya. Aminado si Julieta na malaki ang kakulangan ng gobyerno sa pagsuporta sa mga kailangan ng ospital sa pagtugon sa COVID-19
Namahagi ng pagkain para sa mga detainees ang mga volunteers sa tulong ng Simbahan.
pandemic. Hindi rin daw maayos at patas ang pagbibigay ng pamahalaan ng ayuda sa may kailangan. Sa kabila ng pinagdaanan, patuloy ang pagtulong ni Julieta sa kapwa. Naging malaki rin ang kontribusyon nilang mga volunteers sa pagtatala at pag-uulat ng mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng lockdown. Para kay Julieta, bukod sa pagkain at iba pang pangunahing serbisyo, ang kailangan ng kanilang komunidad ay isang tao na titindig para sa kanilang karapatan. “Ang simbahan ay kumikilos nang tahimik, hindi nakabunyag. Dapat ibaba ng tama ang kung ano mang mayroon para sa mga nasa laylayan. May ginagawa ang simbahan,” giit pa niya.
Kuha ni Julieta Azusano
Church in Action laban sa pandemic Tuesday Lagman SA GITNA ng krisis dulot ng pandemya, pinaigting ng Simbahan ang pagtulong sa mga komunidad na lubhang naapektuhan sa ilalim ng community quarantine. Nagsagawa ng relief operations ang Diyosesis ng Kalookan, sa pamumuno ni Obispo Ambo David katuwang ang Caritas Caloocan at ministry volunteers sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Navotas. Sa Barangay Krus na Ligas sa Quezon City, nakatanggap ang mga pamilyang kapus-palad ng tulong pinansyal mula sa Caritas
Manila “Damayan” at Project Ugnayan ng pribadong sektor. “Kahit na alam nating paralisado tayo sa ilalim ng quarantine, makisama at makiisa tayo para matigil na talaga ang paglaganap ng COVID-19. Makakalipas rin tayo sa krisis na ating pinagdadaanan, matatapos rin ito,” ani Rev. Fr. Jover Domanico ng Holy Cross parish. Naghatid rin ng relief goods ang Diyosesis ng Novaliches sa mahihirap na pamilya sa kanilang komunidad. Bukod sa matinding pangangailangan ng relief goods, may matinding kakulangan rin ng mga Personal
Protective Equipment (PPE) para sa ating mga frontliners sa ospital. Upang tugunan ito, nakiisa si Fr. Danny Pilario ng Solidarity for Orphans and Widows (SOW) sa Opisina ni Bise Presidente Leni Robredo upang magtahi ng mga PPEs na ipapamigay sa mga ospital. Binubuo ang SOW ng mga manggagawang nawalan ng kita at kabuhayan buhat ng lockdown. Iilan lamang ito sa patunay na buhay ang pagtutulungan, malasakit at bayanihan sa pusong Pilipino lalo sa panahon ng sakuna.
Layunin ng Project Ugnayan na tulungan ang higit isang milyong pamilya, lalo na ang mga nawalan ng hanap-buhay. Kuha ni Dada Grifon
MARSO 11 Tinawag na “pandemic” ng World Health Organisasyon ang COVID-19 Naitala ang unang pagkamatay ng Pilipino na 67-taong gulang na babaeng may pneumonia.
PEBRERO 11 Inanunsyo ng WHO na tatawaging “COVID-19” o coronavirus disease 2019 ang virus.
PEBRERO 1 Naitala sa Pilipinas ang unang pagkasawi dahil sa COVID-19 sa labas ng China. Ito ay ang kasamahan ng kapwa Tsino na dumating sa bansa mula sa Wuhan. ENERO 26 Nagpadala ng 3.16 milyong face masks mula Bataan patungong Wuhan, China ang Philippine Red Cross sa kabila ng kakapusan sa supply dahil kasalukuyan ring tinutugunan ang nag-aalburutong bulkang Taal.
DISYEMBRE 31 Natanggap ng World Health Organization (WHO) ang mga ulat ng pneumonia cases mula sa Wuhan City, Hubei, China.
Naging tagapagsalita muli si Harry Roque matapos niyang palitan si Salvador Panelo, na ngayo’y Chief Presidential Legal Counsel. Kinalaunan, naging tagapagsalita na rin si Roque ng Inter-Agency Task Force on COVID-19.
Inanunsyo ni Pangulong Duterte na muling palalawigin ang ECQ sa mga piling lugar hanggang Mayo 15.
HUNYO 1 Ipinatupad ang GCQ sa NCR kasama ang Davao City, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Pangasinan at Albay. Ito ay sa kabila ng patuloy na pag-akyat ng bilang ng mga kaso sa bansa at kawalan ng sistematikong COVID-19 testings.
co
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang RA 11469 o ang Bayanihan to Heal As One Act. Dahil sa pagpasa ng naturang batas, magkakaroon ng karagdagang kapangyarihan ang pangulo para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
MAYO 8 Binatikos si NCRPO Chief Debold Sinas matapos ang magarbong mañanita sa gitna ng banta kontra COVID-19. Kahit dinepensahan siya ni Duterte, mahaharap sa kaso si Sinas at 18 niyang kasamahan.
toli
ABRIL 24
Gi
an
na
ABRIL 13
ni
MARSO 16 Bunsod ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19, idineklara ni Pangulong Duterte na nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong Luzon. Sakop naman ng General Community Quarantine (GCQ) ang Visayas at Mindanao. Isinailalim ni Duterte sa national health emergency ang bansa matapos umabot sa 142 ang COVID-19 patients at 12 na ang namatay.
MARSO 25
Ca
L ATHA L AIN
si
k
4
ABRIL 3
MARSO 12 Inanunsyo ni Pangulong Duterte na isinailalim sa “community lockdown” ang buong Kamaynilaan at bahagi ng Cainta, Rizal, mula Marso 15 hanggang Abril 14.
Nagsimula ang Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD para sa 18 milyong pamilya na tinatayang makakukuha ng ayuda. Samantala, 3,018 na ang naitalang COVID-19 cases at 136 na ang namatay. Noong Abril 7, inextend ang Luzon lockdown hanggang Abril 30.
ABRIL 16 Sa isang resolusyon, hinikayat ng 14 na senador si DOH Secretary Francisco Duque na magbitiw sa puwesto dahil sa palpak at hindi raw epektibo umano ang kanyang pamumuno sa pagitigil ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
MAYO 5 Sa gitna ng pandaigidigang krisis kung saan napakahalaga ng gampanin ng media at balita, itinigil ang TV at radio operations ng ABS-CBN matapos maglabas cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) kaugnay ng isyu nito sa prangkisa.
MAYO 12
S
k ali
Isinailalim na ang Metro Manila at ibang lalawigan sa Luzon sa Modified Enhanced Community Quarantine mula Mayo 16 hanggang 31. Samantala, nananatiling nasa ECQ ang Cebu at GCQ sa ibang parte ng Pilipinas.
MARSO 6 Naitala ang unang local COVID-19 infection, mula sa isang lalaki na hindi nag-byahe sa ibang bansa at madalas pumunta sa Greenhills, San Juan City. Ito ang naging ikalimang kaso sa bansa. Samantala, nasa 98,000 na ang kaso at 3,383 na ang pumanaw dahil sa virus sa buong mundo. PEBRERO 5 -10 Nakumpirma ang pangatlong COVID-19 patient na isang Chinese. Samantala, 30 repatriates mula sa Wuhan ang nakauwi sa Pilipinas at isinailalim sila sa 14-day quarantine. Sinama naman sa travel ban ang Taiwan. ENERO 30 Naitala ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Siya ay isang 38-anyos na Tsino mula sa Wuhan at bumiyahe sa Pilipinas galing Hong Kong. Sinundan ito ng pagsusupinde ng mga byahe mula sa China. ENERO 7 Natukoy ang bagong virus at tinawag itong novel coronavirus (nCoV) or 2019-nCoV.
tayo sa nakalipas na pitong buwang “Pilipinas, Laban sa Pandemya” Magbalik-tanaw paglaban ng ating bayan sa COVID-19 pandemic. Bea Del Rio
Naiulat ang unang kaso ng COVID-19 sa bansa noong Enero —panahon kung saan nakatutok pa ang bayan sa pagputok ng bulkang Taal. Anim na buwan mula nang kumalat ang pandemya, hindi pa rin napupuksa ang virus. Sa Pilipinas, ang pinakaunang nag-positibo sa coronavirus o si “Patient 1” ay isang 38-anyos na Tsino mula sa Wuhan, China—ang naturing na sentro ng pandemya. Ang kasamahan niya na kapwa Tsino ay pumanaw noong Pebrero 1 na siyang unang naitalang kaso ng pagkasawi dahil sa COVID-19 sa labas ng China. Bagamat lumabas ang mga kaso na ito, naging kampante parin si Pangulong Duterte, “There is nothing really to be extra scared of nCoV although it has affected a lot of countries. One or two confirmed cases in any country are not really fearsome,” aniya noong Pebrero 3.
Kahit lubusan na ang paghihigpit ng mga karatig-bansa sa travel ban, tumanggi naman si pangulo na tumulad sa kanila at nanatiling bukas ang ating mga paliparan. Ang pagbalewala ng gobyerno ay sinundan ng mas mabilis at mas maraming pasyente sa paglipas ng linggo. Nagdeklara ang pangulo na magkaroon ng “community lockdown” sa Kamaynilaan at sa ilang bahagi ng Rizal noong Marso 12. Marso 16 itinaas sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong Luzon. Sinuspinde ang mga klase at opisina, tigil-pasada ang lahat ng pampublikong sasakyan at mga lokal at internasyonal na byahe. Piling negosyo lang ang pinayagang magpatuloy. Ang biglaang pahayag ay gumambala sa bansa at nagdulot ng pangamba sa taumbayan lalo pa at walang inilahad na konkretong plano sa loob ng lockdown.
Tungkulin vs tugon ng gobyerno Inaprubahan ang “emergency powers” na binigay kay Duterte sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act at nilagdaan ito noong Marso 25. Sa kabila nito, hindi naging malinaw saan napunta ang karagdagang pondo at kapangyarihan ng pangulo. Noong Abril 3. nagkaroon ng Social Amelioration Program (SAP). Naging kontrobersyal ito dahil sa sa kawalan ng maayos na sistema ng distribusyon. Nakaprente rin ang mga programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Displaced o TUPADD at Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) para sa mga OFWs na hindi naman naging sapat para tugunan ang milyong manggagawa na nawalan ng trabaho. Kulang pa rin ang mga PPEs, testing kits, medical supplies at
iba pang suporta para sa mga frontliners. Sa isang report noong Mayo 18, ang health workers sa Pilipinas ang may pinakamataas na death rate sa buong mundo. Karapatan at Kapangyarihan sa Ilalim ng Lockdown Si Pangulong Duterte mismo ang nag-utos na higpitan ang pagpapatupad ng ECQ at parusahan ang mga lumalabag dito. Kasunod nito ang pagdami ng naitalang karahasan at pang-aabuso sa karapatan ng mga mamamayan. “My orders are sa pulis pati militar, pati mga barangay… Shoot them dead! Kaysa manggulo kayo diyan, eh ilibing ko na kayo,” banta ni Duterte sa publiko noong Abril 1. Naiulat ang hindi makataong pag-aresto, pagpapakulong at pagkitil sa karapatan ng di-umano’y violators ng community quarantine na karamihan ay mga inosenteng nasa laylayan ng lipunan.
Noong Abril 21, ang dating sundalo na si Winston Ragos ay binaril ng militar sa checkpoint nang tumanggi itong umuwi sa bahay. Mayo 7 naman nang arestuhin at ikinulong ang tindero ng isda na si Joseph ‘Dodong’ Jimeda dahil di-umano’y maling quarantine pass ang dala niya. Sumunod na araw, naiulat ang pagdaraos ng “mañanita” para sa kaarawan ni NCRPO Chief Debold Sinas. Kumalat sa social media ang pambabatikos sa mga opisyal na mismong lumalabag sa kanilang patakaran. Sa kabila nito, pinagtanggol siya ni Pangulong Duterte at ni DOH Secretary Francisco Duque sa kabila ng panghihikayat ng mga mambabatas na bumaba siya sa pwesto dahil sa di-umano’y palpak na tugon sa pandemya.
Kinabukasan ng Bayan Nitong Hulyo, naisabatas ang Anti-Terror Bill na nanganganib na kumitil sa demokratikong espasyo at karapatan ng mga mamamayan. Samantala, hindi lang pinagkaitan ng prangkisa ang ABS-CBN na pinakamalaking network sa bansa, pero pinagkaitan rin ang milyong Pilipino ng pagkukunan ng entertainment, balita at trabaho naman sa higit 11,000 na empleyado nito sa gitna pa mismo ng pandemya. Sa kasalukuyan, higit sa 60,000 na ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 at mas lalo pang bumibilis ang pagkalat ng virus habang wala pa ring epektibo at malawakang solusyon ang gobyerno para umaksyon laban sa pandemya.
6
OPINYON
PANAWAGAN
nong kay Tisya Hustisya Magta
Nakakaranas ka ba ng lungkot o pagkabalisa?
Hindi ka nag-iisa
RIGHTS MO, SAGOT KO!
Ako si Tisya Hustisya, kakampi mo sa paglaban para sa karapatan!
? !
TANONG Pwede po bang humingi ng legal advice kasi gusto po ako arestuhin dahil sa pagpo-post ko po ng opinyon tungkol sa pagbibigay ng relief operations sa amin. Gusto po akong magpa-public apology dahil sa pinost ko.
KZ Briana
#
SAGOT
Maaari niyo rin pong isumbong ang inyong barangay sa DILG sa mga numerong: 02-8876-3454 loc. 8806/8810, 02-8925-0343, 09274226300, 09150054535, 099613849272 at 096177216681.
Hindi po kayo maaaring pilitin na maglabas ng public apology dahil karapatan niya po bilang mamamayan na maghayag ngkanyang mga opinyon, basta’t ito’y napapaloob sa batas bilang balidong kritisismo sa pamahalaan at hindi nakakapanirang-puri. Ito po ay tinatawag na freedom of expression, isang karapatang pinoprotektahan ng Sec. 4, Art. III ng Saligang Batas. Bagkus ay hindi po kailangang mag-public apology ng inyong tita kung labag ito sa kanyang kalooban.
Subalit pakatandaan po na kapag lumagpas na sa pawang opinyon lamang ang mga pahayag at nakasisira na ito ng pangalan o reputasyon ng ibang tao, magkakaroon po kayo ng kaakibat na pananagutan, ayon sa batas.
Oras na pagbantaan, takutin, o sindakin ng mga opisyal ang inyong tita upang mapilitan siyang maglabas ng public apology, maituturing itong Grave Coercion, isang krimen sa ilalim ng Art. 286 ng Revised Penal Code. Maaari niyo itong isumbong sa mga pulis o sa piskal sa lugar po ninyo kung nais ninyong magsampa ng kaso.
Kailangan mo ba ng libreng legal advice? Mag-pm na sa Tisya Hustisya FB Page o magtext sa Globe at TM (0953 382 6935) o sa Smart, TNT at Sun (0951 077 4412)
Heal as One HUMARAP ang ating bayan sa hindi inaasahang pandemya. Sa dinaranas nating krisis, kailangan ang pagtutulungan para makamit ang iisang paghilom. “Ano ang ambag mo?” Marahil ilang ulit mo na itong naririnig. Bilang responsableng mamamayan, hindi pa huli ang lahat para itaya ang anumang ambag na tulong para masugpo ang COVID-19 pandemic. Ngunit paano nga ba? Simulan sa pag-aalaga ng sarili at kapwa. Isa sa pinakamahalagang dapat gawin ay palakasin ang resistensya, kumain ng masustansya, mag ehersisyo, at kung may hindi mabuting nararamdaman ay sumangguni kaagad sa awtoridad. Manatili lamang sa loob ng bahay kung hindi naman esensyal ang dahilan upang lumabas.
PAALALA
Charmen Balana Kung kinakailangan talagang lumabas upang magtrabaho o mamili ng pagkain at gamot, siguraduhing nasusunod ang physical distancing o pag-distansya (6ft) mula sa mga taong nakakasalamuha. Siguraduhin din
Hindi lahat ng nakikita, nababasa o naririnig natin sa TV, radio, at internet ay totoo. na palaging mayroong suot na facemask o anumang pantakip sa ilong at bibig. Panatilihin ang kalinisan, hindi lamang sa loob ng ating mga
bahay, kundi pati sa buong komunidad. Ang palaging paglilinis, paghuhugas ng kamay at pagbahing o ubo sa tamang paraan, ay malaki ang maitutulong upang maiwasang kumalat ang virus. Makibalita para laging handa sa panahon ng krisis. Alamin ang tamang proseso ng mga programa ukol sa COVID-19. Alamin ang inyong mga karapatan, maging mapagmatyag sa kaganapan sa inyong paligid, at tulungan ang ating kapwa na higit na nangangailangan ng tulong sa sitwasyon ngayon. Ang pagkakaroon at pagbabahagi ng tama at angkop na impormasyon ay napakahalaga upang maiwasan ang panic at kaguluhan. Hindi lahat ng nakikita, nababasa or naririnig natin sa TV, radio, at internet ay totoo.
Upang higit na makatulong sa iyong sarili, pamilya at komunidad, marapat na magsaliksik muna kung totoo ang mga nababalitaan bago ipamahagi ang impormasyon sa iba para hindi magpakalat ng maling balita o fake news. Kumustahin rin ang mga pamilya at kaibigan. Kaakibat ng isolation o quarantine ay ang kalungkutan, pangamba at stress ng pandemyang ito. Ang simpleng tawag, or text na “Kumusta ka?” o “Magandang umaga”, ay may malaking epekto sa kausap at makakabawas sa pakiramdam na ikaw ay mag-isa. Sa simpleng mga bagay nagsisimula ang ambag natin para sama-samang malampasan ang krisis na kinakaharap.
Okay lang maging hindi okay. Ang pandemyang COVID-19 at ang pagpapatupad ng community quarantine sa buong Pilipinas ay maaaring makaepekto sa sikolohikal na kalagayan ng isang indibidwal. Kung ikaw ay nakararanas ng tensyon, pangamba sa nangyayari at mga posibleng mangyari sa hinaharap, pagkabalisa, pagkairita, pagkalumbay, pagkatakot, pagkapagod, at kawalan ng gana sa pagtratrabaho, narito ang mga paraan upang mapangalagaan at maprotektahan ang iyong mental na kalusugan:
1. Kilalanin ang iyong damdamin. Mahalagang kilalanin ito upang alam mo kung ano ang kailangan mong bantayan at alagaan. Kung patuloy at palagiang pagkaramdam ng kalungkutan at pagkabahala sa loob ng dalawang linggo o higit pa ay mainam nang ikonsulta sa mga mental health care provider.
2. Alagaan ang kalusugan at palakasin ang iyong resistensya laban sa sakit. Subukang kumain ng wastong pagkain, matulog nang hindi bababa sa anim na oras, uminom ng tubig, mag-ehersisyo, at panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid. 3. Kung kinakailangan, magtakda ng limitasyon sa paggamit ng social media o pakikinig ng balita lalo na kung nagdudulot ito ng stress, pagkabalisa, o negatibong emosyon. Mainam na may sapat na kaalaman tungkol sa COVID-19 ngunit maging mapanuri at maingat rin sa tinatanggap na impormasyon. 4. Makipag-ugnayan sa iyong mga mahal sa buhay, mga kaibigan at iba pa. Mahalaga ang kamustahan at pagbabahagi ng mga karanasan sa gitna ng krisis. Ganoon din ang pagbibigay ng emosyonal na suporta sa bawat isa. Tandaang hindi ka nag-iisa at maraming pwedeng dumamay sa iyo.
Mahalaga ang pangangalaga sa mental na kalusugan dahil ito ay nakakaapekto sa kilos, paggawa, pag-iisip, at emosyon. Ngayong pandemya kung saan halos puro negatibong balita ang naihahayag, ang intensyonal na pangangalaga at pagprotekta sa iyong mental na kalusugan ay makakatulong sa buong kaginhawaan at kagalingan ng sarili at mga tao sa iyong paligid.
May kuwento, larawan o guhit ka bang nais ibahagi? Maging kontribyutor sa Dignidad!
Nagustuhan mo ba ang isyu na ito ng Dignidad? Sabihan niyo kami kung ano ang gusto niyong pang makita sa susunod!
Mag-PM sa IDEALS Facebook Page O mag-text sa 0966 760 9397
7
Bea Del Rio