RUMOR BULLETIN ISSUE NO.1
Papalapit na ang halalan sa 2022, kaya naman parami na rin nang parami ang mga kumakalat na tsismis o sabi-sabi sa ating paligid. Para masigurong malinis at matagumpay ang halalan, laging tandaan: importanteng tama ang nakukuha nating kaalaman! Sa pamamagitan ng rumor bulletin na ito, ating sagutin ang mga talamak na tsismis at itama ang mga maling kaalamang maaaring magdulot ng kapahamakan sa ating halalan.
Mga Marka:
Sabi-sabi #1:
Hindi Totoo Ang sabi-sabi ay napatunayang HINDI TOTOO sa pamamagitan ng pag factcheck gamit ang mga kilala at kagalang-galang na sources.
Sara Duterte, kumpirmadong tatakbo bilang bise-presidente kasama si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Totoo Ang sabi-sabi ay napatunayang TOTOO sa pamamagitan ng pag fact-check gamit ang mga kilala at kagalang-galang na sources. Halo Ang sabi-sabi ay natagpuang may halong katotohanan at kasinungalingan.
Marka: Hindi Totoo
Walang Basehan Walang mahanap na kilala at kagalang - galang na sources para makumpirma kung may katotohanan ang sinasabi. Link na pinagmulan: https://bit.ly/3D0Cj1Y
Maraming kumakalat na post at video na nagsasabing kumpirmado na ang pagtakbo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio—kung hindi man bilang pangulo ay ikalawang pangulo naman sa ilalim ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa pagkakasulat ng bulletin na ito, wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Duterte-Carpio ukol sa kanyang pagtakbo sa kahit anong pambansang posisyon sa darating na halalan. Nauna na siyang maghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa kanyang ikatlo at huling termino bilang alkalde ng Davao City. Nobyembre 15 ang huling araw ng substitution ng mga kandidato.