RUMOR BULLETIN ISSUE NO.2
Papalapit na ang halalan sa 2022, kaya naman parami na rin nang parami ang mga kumakalat na tsismis o sabi-sabi sa ating paligid. Para masigurong malinis at matagumpay ang halalan, laging tandaan: importanteng tama ang nakukuha nating kaalaman! Sa pamamagitan ng rumor bulletin na ito, ating sagutin ang mga talamak na tsismis at itama ang mga maling kaalamang maaaring magdulot ng kapahamakan sa ating halalan.
Mga Marka: Hindi Totoo Ang sabi-sabi ay napatunayang HINDI TOTOO sa pamamagitan ng pag factcheck gamit ang mga kilala at kagalang-galang na sources.
Sabi-sabi #1:
Panig ni Bise Presidente Robredo, may pakana raw sa disqualification case laban kay Marcos Jr.
Totoo Ang sabi-sabi ay napatunayang TOTOO sa pamamagitan ng pag fact-check gamit ang mga kilala at kagalang-galang na sources. Halo Ang sabi-sabi ay natagpuang may halong katotohanan at kasinungalingan.
Marka: Hindi Totoo
Walang Basehan Walang mahanap na kilala at kagalang - galang na sources para makumpirma kung may katotohanan ang sinasabi.
Ayon sa mga kumakalat na post sa social media, kampo raw ni Bise Presidente Leni Robredo ang naghain ng isang petisyon para ipakansela ang Certificate of Candidacy (COC) ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pagkapangulo. Hindi konektado sa opisina ni Robredo ang mga naghain ng petisyon. Sila ay mula sa iba’t ibang non-government at non-profit na organisasyon. Karamihan sa mga ito ay binubuo ng mga biktima ng Batas Militar sa panahon ni Ferdinand Marcos, ang ama ni Marcos Jr. Kabilang sa mga organisasyong naghain ng petisyon noong Nobyembre 2 ay ang Task Force Detainees of the Philippines, PH Alliance of Human Rights Advocates, Balay Rehabilitation Center, Kapatid, Families of Victims of Involuntary Disappearance, at Medical Action Group.
Link na pinagmulan: https://bit.ly/30NZwX6