LIGTAS ISSUE 4

Page 1

TISYA HUSTISYA Rights mo, ask mo!

3 Kilalanin ang mga Bakuna

0953 382 6935 - Globe at TM 0951 077 4412 - Smart, TNT, at Sun

4 Community Pantry sa Barangay

ISYU 4

HULYO 2021

ligtas na kapaligiran dr. gene nisperos Sa ngayon, tuluy-tuloy na ang pagbabakuna. Kahit na sinusunod pa rin ang prayoritisasyon sa mga health workers, mga seniors at matatanda, at mga taong may matagal nang sakit (co-morbidities), binabakunahan na rin ang iba pang economic frontliners. Unti-unti na ring niluluwagan ang antas ng kwarantina. Bumabalik na sa trabaho ang mas maraming mga manggagawa at nagbubukas na ang ibang maliliit na negosyo. Mahalaga na muling bumubukas ang ating lipunan. Maganda na tumatakbo na ulit ang ekonomiya upang matulungan ang taumbayan magkaroon ng mga gawain. Marami ang nagnanais na muling makaagapay sa

kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan. Sa kabilang dako, nariyan pa rin ang banta ng COVID-19. Ang mga bagong anyo ng virus na sanhi ng COVID-19, gaya ng Delta variant, ay nagbabadya pa rin maghasik ng lagim. Sa gayon, mainam na patuloy na maging ligtas ang ating kapaligiran. May mahahalagang hakbang para diyan na dapat gawin ng ating pamahalaan. Una, patuloy na kontrolin ang pagkalat ng COVID-19. Magagawa ito sa pamamagitan ng sapat at mas laganap na testing, kasabay ng epektibong contact tracing. Kung alam natin kung saan kumakalat ang sakit, mas madali tiong masusugpo. Pangalawa, palakasin ang ating sistemang pangkalusugan.

Nakita sa nakaraang surge ng mga kaso ng COVID-19 na hindi kaya ng ating sistemang pangkalusugan ang biglang dagsa ng mga pasyente, lalo na yung mga nasa malalang kalagayan. Mabilis na napupuno ang mga ospital, nagkakaubusan ng gamit at gamot, at hindi kinakaya ng mga healthcare workers ang bigat ng dagdag pasanin. Higit sa lahat, palawakin ang papel ng komunidad. Alam na ba ng mga tao ang gagawin kung may kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar? Kanino sila lalapit at hihingi ng tulong? Sa komunidad nagsisimula ang pagkalat ng sakit kaya’t dun din pinakamainam na masugpo ito. Pero sa komunidad din pinakamahina ang ating sistemang pangkalusugan.

Kasabay nito ang mga hakbangin para gawing ligtas ang mga paaralan at lugar ng panarbahuan. Kaya mahalaga ang health education at health promotion. Marami pa rin ang kumakalat ng maling impormasyon at haka-haka tungkol sa COVID-19 at sa bakuna. Kailangan ang patuloy na paglilinaw at pagwawasto ng maling paniniwala. Sa huli, nasa atin pa rin ang kapangyarihan upang magtatag ng isang ligtas na kapaligiran kahit na patuloy ang pandemya. Hindi natin kinakailangan maghintay ang higit na maayos at maaliwas ng bukas matapos ang pandemya. Ngayon pa lang ay pwede na nating simulan ang pagpapanday nito.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
LIGTAS ISSUE 4 by IDEALS Inc. - Issuu