LIGTAS ISSUE 2

Page 1

TISYA HUSTISYA Rights mo, ask mo!

2 Ang papel ng bakuna sa pandemya

0953 382 6935 - Globe at TM 0951 077 4412 - Smart, TNT, at Sun

4 Barangay Ligtas

ISYU 2

HUNYO 2021

“Bakuna, Karapatan at Pananagutan Natin” atty. mario maderazo Isang malaking kabalintunaan na natatakot tayong madapuan at mamatay sa COVID-19, pero marami ring natatakot na magpabakuna. Ang takot ng karamihan na magpabakuna ay tila isa na ring epidemya na dapat nating sugpuin. Responsibilidad ang magpabakuna upang magkaroon tayo ng proteksyon at mapigilan ang pagkalat ng virus. Malinaw ang paliwanag ng mga eksperto na ang bakuna ay hindi isang agimat laban sa COVID-19. Ito ay magbibigay lamang ng dagdag na proteksyon upang kung tamaan man tayo ng sakit ay hindi magiging malubha ang epekto nito at upang magsalba ng marami pang buhay. Ang pagpapabakuna ay karapatan din natin. Pinatupad ang RA 11525 o National Vaccination Program laban sa COVID-19 kung saan nakasaad ang tungkulin ng gobyerno na maipaabot sa bawat mamamayan ang ligtas at epektibong bakuna.

Bagamat maaaring tumanggi o i-waive ang karapatang mabakunahan, mas hinihikayat pa rin ang publiko na magpabakuna, upang mas mapabagal na ang pagkalat ng virus. Kaya napakahalagang paigtingin ang pagpapalaganap ng sapat at tamang impormasyon ukol sa pagbabakuna upang ma-engganyo ang publiko na tangkilikin ang National Vaccination Program. Ngunit paano na kung ang iilang opisyal ng gobyerno pa mismo ang nagbabahagi ng maling impormasyon? Kung sila mismo ang sumasalungat sa mga protocols at hindi umaayon

sa mga medical experts? Paano kung ang mismong Pangulo at mga lingkod-bayan ang nagmamando ng maling direksyon para labanan ang pandemya? Ang mga pangyayaring ito ay nagbibigay lang lalo ng kalituhan at pangamba sa taumbayan. Sumasalamin lamang ito na bukod sa kakulangan sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon, wala pa ring malinaw na pananagutan ang mga nanunungkulan. Ang batas ay binabalewala. Kaya bilang responsableng mamamayan, tungkulin naman nating mas maging mapanuri at kritikal sa mga impormasyong

ating pinaniniwalaan. Sa panahon ng pandemya, mas mainam na magdesisyon batay sa payo ng mga health and medical experts na bumase sa ebidensya at siyensa. Hindi sa mga pulitiko na nagsusulong lang ng interes ng iilan. Dapat maiparating ang tamang impormasyon mula sa mga eksperto sa medisina upang magabayan ang publiko sa dapat gawin. At dadaloy ang sapat at tamang impormasyon sa pamahalaang may pananagutan, at may pagkilala sa ating mga karapatan. Magpabakuna na. Karapatan at responsibilidad natin ito.

Si Atty. Mario Maderazo ay isang abogado at consultant para sa human rights program ng IDEALS, Inc. Siya rin ay isang environmental lawyer at legal counsel ng Philippine Misereor Partnership, Inc (PMPI).


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.