Sinagtala 2 | September 2019

Page 1

Sinagtala ISYU 2

SEPTEMBER 2019

The struggle of finding one’s purpose FEATURE

The first radio drama series of Equal Access International Philippines hit its first airing a month ago across four radio stations in Mindanao. The series, called Saranggola (“Kite”), is one of EAI’s participatory media approaches in generating social and behavioral change on preventing and transforming violent extremism among target vulnerable communities and audiences. But, why Saranggola? their parents and his three younger Saranggola follows the story of sisters were massacred for a crime his Omar, an 18-year old boy from a Muslim father had been accused of. community of Balabao. But like Akmad, Omar struggled in Back in the days of his young life, finding his true purpose, and peace from Omar had a strong admiration for kites within that he needed after years of while playing with his brother, Akmad, carrying the burden of hopelessness and who left him and went to join a rebel lack of self-determination. He eventually group called the Al Sinaan. grew up believing that he could no longer Akmad, in one of the pilot episodes be a better version of himself, settling for of Saranggola, mentioned this while he less, and never wanting more. reminisced the good old days with his Saranggola as a story is more than younger brother, Omar. just the personal struggles faced by its The plot thickens after the succeeding characters. It also depicts the threats episodes revealed the reasons behind their community is facing such as the Akmad’s union with the rebel group, rise of violent extremism, the divided showing the opposing sides of his cooperation among constituents, and character as being smart, talented yet an impulsive young man. This happened ten years ago when

the acceptance of the change the Moro people have long been fighting for. Though fictional in nature, the radio drama series is inspired from and a commentary on different social issues and concepts including the idea of the Bangsamoro Regional Law (or the Bangsamoro Organic Law). As the series unfolds, the question that begs to be answered is how do each of the characters create that positive social change in the community when they themselves struggle in finding their true purpose and potential? The 48-episode radio drama is divided into three key themes -- youth empowerment, w o m e n empowerment, and

governance. It highlights the life of its main protagonists Omar, Hadja Patima and Radiya who represent each of the theme respectively. It airs every Thursday and Friday on EAI’s four partner radio stations in Mindanao. 5.00-5.30 PM DXND Radyo Bida Kidapawan 747 khz AM 5.00-5.30 PM DXND Radyo Bida Koronadal 963 khz AM 5.00-5.30 PM DXXX Radyo Pilipinas Network 1008 khz AM 7.00-7.30 PM DXOC Radyo Asenso 1494 khz The series also streams online through Equal Access International Philippines Facebook page. Irish Calungsod


2

Sinagtala

Marawi Compensation Bill muling isinusulong sa Kongreso

News Sept. 2019

Raizza Bello

Muling isinumite sa kongreso ang Marawi Siege Compensation Act o House Bill (HB) No. 3418 noong Agosto 05 upang mabigyang-daan na mabayaran ang mga residenteng nawasak ang mga tahanan at istrukturang pangkomersyal noong 2017 Marawi siege. Mahigit dalawang taon mula noong Bill na nagmumungkahi ng P50 billion matapos ang bakbakan, libo-libong budget para sa mga operasyon ng pamilya pa rin ang nagbabakwit sa mga Marawi Compensation Board (MCB) temporary shelters at evacuation center. at kabayaran sa mga apektadong Marami pa rin ang naghahangad makauwi mamamayan. sa kanilang mga bahay sa ground zero Ang MCB ay bubuuhin sa ilalim ng at naghihintay ng kasagutan sa gitna Department of Housing and Urban ng mga isyu ng patuloy na recovery at Development kung saan may isang rehabilitation efforts sa Marawi. chairman at dalawang miyembro na Upang pagtibayin ang mga gawain hihirangin ng kalihim ng kagawaran. tungo sa paghilom ng lungsod, Sila rin ang magpoproseso ng mga isinusulong ang Marawi Compensation dokumento at magpapasya ng nararapat

Hanggang kailan? Nananatiling wasak ang kalakhan ng Ground Zero sa Marawi City dalawang taon matapos ang bakbakan sa siyudad. Giit ng mga residente ang mabilis na recovery at rehabilitation efforts upang sila ay makabalik sa kanilang mga tahanan. Kuha ni Raizza Bello.

na kabayaran sa mga qualified claimants batay sa fair market value ng pag-aari noong panahon ng bakbakan. “Granting monetary compensation is a form of post-conflict rehabilitation. There will never be a full rehabilitation effort unless we compensate the victims of the material loss they have suffered,” idineklara ni Hon. Ansaruddin Abdul Giving back. Tech campers are expected to use their learnings to bring about positive change in their communities. Photo from EAI-PH.

Young Mindanawon influencers undergo training to create alternative narratives of peace Val Amiel Vestil

Thirty young influencers from across five regions in Mindanao gathered last August 26-30 in Hotel Koresko, Cagayan de Oro City OURmindaNOW Tech Camp organized by Equal Access International Philippines (EAI-PH).

The Tech Camp aims to train young influencers from Northern Mindanao, South Central, CARAGA-Davao, Lanao, and the Zambasulta Region to create powerful alternative narratives that promote peace. “We want to train more peace influencers here in Mindanao so we can reach even more youth and Mindanaoans through their different campaigns and community projects,” said Joel Dizon, EAI PH Program Manager. Campers underwent a 5-day training with sessions that helped them have a deeper understanding of peace and conflict, VEO narratives and how to creative alternative messages to counter them, and how they fit in the bigger picture of peace in Mindanao. “The most special thing about the camp is putting everyone in one setting

in spite of coming from different tribes of Mindanao which eventually erased any prejudices we had,” said Ahmad Bantuas. A highlight output of the camp was the creation of impactful digital campaigns that promote peace, and among them was the “Orphans, OURphans” campaign from the South Central region team. TThe campaign aims to share the diverse narratives of orphans from Maguindanao to promote their potentials and personal identity in spite of their circumstances. “We consider children to be one of the most vulnerable sectors of society, most especially those who have been orphaned, which is exactly why we need to invest in them more,” said Abdul Rahman Alongan, one of the proponents from Cotabato City. EAI-PH aims to create local messaging hubs that builds the capacity of the youth to amplify alternative messaging that promotes social cohesion and broader inclusions, develop alternative messaging strategies, support digital and grassroots initiatives, and engage at-risk population.

Malik Adiong, district representative ng unang distrito ng Lanao del Sur, na nageendorso ng panukala. Isinumite ang HB No. 3418 isang araw bago ipasa ang isa pang panukala sa Marawi Compensation, ang HB No. 3543 o Marawi Siege Compensation Act of 2019 na magkasanib na iniendorso nina Basilan Representative Mujiv Hataman at Anak Mindanao Representative Amihilda Sangcopan. Sa kasalukuyang, ang HB No. 3418 ay isinangguni sa Committee on Disaster Management at naghihintay ng pagdinig sa kongreso.

MAY MGA KWENTO, LARAWAN, O TULA KA BANG NAIS IBAHAGI? ANG SINAGTALA AY TUMATANGGAP NG MGA KONTRIBUSYON! Mag-PM lamang sa S’bang Ka Marawi o S’bang Ka Maguindanao Facebook Page.


News Sept. 2019

3

Sinagtala

Pagbibigay inspirasyon ng EAI Radio Drama series, ibinahagi ng mga komunidad sa pamamagitan ng kanilang mga kwento Equal Access International - Philippines Communications Unit

Dahan-dahang naglakad papunta sa barangay hall ang isang maliit na grupo ng mga residente at nagtumpok sa palibot ng isang audio speaker habang sila’y naghihintay na mapakinggan ang radio drama na kanilang sinusubaybayan ilang linggo na ang nakaraan. Ito ang karaniwang matutunghayan sa isang sesyon ng Listening and Discussion Action Group (LDAG) na halos sabay na nagaganap sa sampung at-risk na barangay sa iba’t-ibang parte ng Mindanao. Higit sa pakikinig sa radio drama, ito ay nagdudulot ng bagong katuturan at halaga para sa mga mamamayan, naging paraan ito kung saan ibinabahagi ng mga takapakinig ang kanilang sariling mga kwento, ng pakikibaka sa buhay at sariling mga tagumpay. Kagaya ng isang kwento na naibahagi sa barangay South Manuangan, Pigcawayan, Cotabato, kung saan ikinumpara ng isang tagapakinig ang pagkapareho ng kwento ng bida sa drama at sa naging karanasan niya sa pagsunod sa kanyang lola na huwag umanib sa

isang violent extremist organization. Kwento ni Jimmy na noong high school siya ay hinimok siyang sumapi ng isang armed group. Ngunit nilahad ng kanyang ama na mas mainam na jihad ang pag-aaral kaysa pananakit ng ibang tao. Kagaya ni Omar sa radio drama, nakinig siya sa kanyang mga magulang at nanatili sa pag-aaral. “Kung hindi ako nakinig sa mga magulang ko, malamang hindi ako kasama sa grupo ng LDAGs ngayon, o di kaya ay patay na ako,” ani Jimmy. Sa parehong munisipalidad, ibinahagi ng isang nakikinig na nakikita niya ang kanyang sarili kay Omar, ang pangunahing karakter sa Saranggola. Kinumbinsi siya ni Hadia Patima, ang kanyang lola, na lumahok sa isang Tech Camp na bubuo sa kanyang mga kakayahan. Dalawampung LDAGS ang binuo mula sa iba’t-ibang parte ng Mindanao kasama ang sampung Community Reporters na kapartner ng EAI PH bilang mga volunteers. “Maraming youth issues ang namumutawi sa kanila mga napapagiwanan dahil sa kakulangan sa suporta o

serbisyo mula sa gobyerno, naiisantabi dahil sa pagiging miyembro ng isang tribo, malayo mula sa kabihasnan kung saan nagaganap ang mga kaunlaran, at nakararanas ng karahasan mismo sa komunidad o kalapit na bayan,” ibinahagi ni Norhanie Abutazil, isang LDAG Community Reporter sa Cotabato. Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Norhanie na sa pamamagitan ng radio drama series at LDAG sessions ay nabibigyan lakas ang mga tagapakinig upang panindigan ang kanilang mga paniniwala at lumahok bilang boses ng kanilang komunidad. Ang LDAG ay isang forum sa ilalim ng participatory media at technology strategy ng EAI. Kasama sa mga layunin nito ay ang pagpapatibay na maabot ng programming sa radyo, pagbibigay ng patuloy na puna at pagtatasa, pagpapatibay at pag-konteksto ng impormasyon sa pamamagitan ng talakayan, pagbibigay ng supportive environment at network, at paghikayat sa pagkilos.

Mga SK idinaos ang ikalawang Linggo ng Kabataan Nur-saleha Dadayan, Noroden Monaim, Yana Sanday

Libu-libong mga kabataan mula Lanao Del Sur at Cotabato City ang dumalo sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan sa kani-kanilang mga lugar noong Agosto upang patuloy na isulong ang pangkapayapaang layunin sa rehiyon. Sa pamumuno ng mga Sangguniang Kabataan sa probinsya at sa tulong ng mga boluntaryo, ginanap ang sari-saring mga aktibidades katulad ng palakasan, cultural performance at poster making contest. Sa Marawi, ito ay ginanap mula Agosto 04 hanggang 20 na may temang “Upholding Peace thru Culture and Arts,” at sa Cotabato noong Agosto 9 hanggang 11 na may temang “Transforming Education.” Mga 14 na munisipalidad sa Lanao del Sur at 37 na barangay sa Cotabato ang nakilahok sa selebrasyon kung saan nilalayong bigyang halaga ang papel ng kabataan sa komunidad at bigyang pagkakataon na ipamalas ang kanilang mga potensyal.

Ayon sa mga opisyales at boluntaryo, napapanahon ang mga ganitong pagtitipon at gawain dahil sa mga isyung ikinakaharap ng mga kabataan noong mga nakaraang taon ang mga spekulasyong pagsali sa mga violent extremist groups at gangs, at paggamit ng bawal na gamot. Naging tulay din ang pagdiriwang upang magkita-kita at magkakilala ang mga kabataan mula sa siba’t ibang mga barangay at organisasyon. Dahil dito, mas lumakas ang kanilang adbokasiyang tulungan ang bawat isa at trabahuhin ang kapayapaan sa kanilang mga komunidad. Ang Linggo Ng Kabataan ay taontaong selebrasyong sa samu’t saring mga lugar sa Pilipinas alinsunod sa

Tungo sa kapayapaan. Makulay na pagdiriwang at mga kakaibang talento ang gumayak sa Linggo ng Kabataan upang ipagdiwang ang lakas at potensyal ng mga kabataan sa pagsulong ng kapayaan sa kanilang mga komunidad.

Republic Act 10742 o ang tinatawag na SK Reform Law, kasabay ng pagdiriwang ng International Youth Day. Sa susunod

na taon, inaasahan na higit pang kabataan ang maaabot at makakalahok sa mga iaalay na programa.


4

Sinagtala “Bago ako naging community worker, napaka judgemental ko talaga.” Ito ang mga salitang buong loob na isinambit ni Alanisa Tomara habang siya’y nagbabalik-tanaw sa kanyang mga simulain bilang isang Marawi peace hero. Ngayon isang 23 anyos na community dialogue facilitator ng Community and Family Services International, si Analisa’y aktibong tagataguyod ng edukasyon para sa kapayapaan, lalo na sa mga kabataan at komunidad ng Marawi. Ipinanganak sa Ganassi, Lanao del Sur, si Alanisa ay lumipat sa Marawi sa murang edad dahil sa kagustuhan ng kanyang mga magulang na siya’y makatanggap ng dekalidad na edukasyon. Sa kanyang paglaki sa lungsod, ang madalas niyang nakasama ay ang kanyang lolo.

“Lifestyle ko kasi uwi bahay galing paaralan so hindi ako maka-relate sa community,” kuwento ni Analisa. Kaya nang siya’y nakatuntong ng kolehiyo noong 2014, hindi patungkol sa komunidad ang kursong unang ninais na kunin ni Alanisa. Ilang beses siyang nagpalipat-lipat hanggang sa siya’y napadpad sa kursong community development. Walang kaalam-alam sa pinapasok na mundo, tumuloy si Analisa sa kurso dulot ng kagustuhang umusisa. Sa mga unang taon sa kurso, nagkaroon ng mga pangunahing kaalaman si Analisa tungkol sa konsepto ng komunidad at mga pangangailangan ng mga tao. Ngunit tunay na nagbago ang kanyang pananaw bilang isang peace advocate at community worker nang biglaang pumutok ang bakbakan sa Marawi noong Mayo 2017. Sa kasagsagan ng bakbakan, nagaaral si Analisa sa Mindanao State University Main Campus at mayroon pa siyang dalawang klase bago magtapos ng kolehiyo. Dahil sa panganib na maaaring harapin dulot ng engkwentro, napilitan siyang

Features Sept. 2019

Si Alanisa ay tunay na may puso para sa mga kababaihan at kabataan. Kahit siya mismo ay apektado ng bakbakan sa Marawi, hindi ito alintana sa kanyang aktibong pag-alalay at pagtulong sa mga biktima ng karahasan.

pansamantalang lumikas patungong Iligan kasama ng kanyang pamilya. Sa kanyang pamamalagi sa lungsod, nagkaroon si Analisa ng maraming oras at nakipagtipun-tipon sa mga kapwa kakurso. Sa mga pagpupulong na ito, naghanap din sila ng paraan upang tumugon sa nangyayaring krisis sa sariling bayan. Nagbunga ang kanilang mga paguusap at nabigyang pagkakataon si Analisa na maging boluntaryo sa Ranao Rescue Team sa Iligan, kung saan tumutulong siya mag-empake ng mga relief goods para sa mga kababayang apektado ng bakbakan. Simula noon, higit na nababad si Analisa sa mga kalagayan at kuwento ng mga marhinalisadong komunidad sa Marawi. Kaya sa kanyang pagbalik sa lungsod noong Oktubre 2017, pinagsabay niya ang kanyang pag-aaral at pagiging aktibo sa mga proyekto’t gawaing umaalalay sa mga biktima ng

karahasan katulad ng mga kababaihan at mga bata. “‘Yung pain mo is hindi mo machange ‘yung situation nila,” pagninilay ni Analisa.

Patuloy dapat maging tulay ang kabataan sa pagmulat at paggising sa kapwa upang maisulong ang pangarap na kapayapaan para sa Marawi at Mindanao. Ngunit para sa kanya, patuloy dapat maging tulay ang kabataan sa pagmulat at paggising sa kapwa upang maisulong ang pangarap na kapayapaan para sa Marawi at Mindanao. Layon ni Analisa mapuksa ang kaisipan ng mga marhinalisado, “Hanggang dito na lang kami. Mamamatay din kaming ganito.”, at magbukas pa ng maraming pinto para sila’y magkaroon ng dekalidad na edukasyon at buhay na may pagkakapantay-pantay.

ANG PAGKAMULAT NI ANALISA

Raizza Bello


Gawing lakas ang kahinaan Diane Lim

Si Lo Ivan Castillon ay ang tagapangulo ng Volunteers’ Initiatives in Bridging and Empowering Society (VIBES) at Monitoring and Evaluation Officer at Technical Assistant sa Bangsamoro Regional Inclusive Development for Growth and Empowerment ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Tatlong taon nagtrabaho sa nongovernment agency (NGO) at Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) si Ivan. Makikita sa lahat ng kanyang ginagawa at pinagkakaabalahan ang kanyang mgaa adbokasiyang pangkapayapaan, pang-kalikasan, youth empowerment at karapatan ng mga bata. Sa kasalukuyan, kasapi siya sa Peace Promotion Fellowship ng Equal Access International (EAI) Philippines. Upang makapasok sa fellowship na ito, kailangan munang magtapos ng Tech Camp ng EAI. Ano ang pinagkaiba ng Peace Promotion Fellowship sa Tech Camp ng EAI? Sa Tech Camp, tinuturuan ang mga peace heroes ng skills development and capacity building. Ang Peace Promotion Fellowship ay nagbibigay daan at paggamit ng mga natutunan noong Tech Camp. Isa sa 14 na fellows sa buong Mindanao si Ivan. Nitong Hunyo 2019 sinimulan ang unang Peace Promotion

Si Ivan ay naniniwala na ang mga kabataan sa komunidad ay dapat na bigyan ng kakayahang maging peacebuilders dahil sila ang tunay na nakakaalam ng kalagayan sa lugar.

Fellowship. Layon nitong mas bigyangdiin ang paggamit ng social media at mapahusay ang mga gawain sa komunidad. Anim na buwan ang Peace Promotion Fellowship ng EAI. Isa sa mga interesentang aspeto ng programa ay ang pagpapatupad ng isang proyektong pang-kapayaan sa katapusan ng anim na buwan ang mga peace heroes.

It is very painful for me to see that the youth of Mindanao are easily ignored after armed conflict. Sa simula ng fellowship, magpi-pitch sila ng ideya ng kanilang proyekto o programa at gagabayan ang mga peace fellows o peace heroes ng EAI. “It is very painful for me to see that the youth of Mindanao are easily ignored after armed conflict.” Ang programang naisip ni Ivan ay Bangsamoro Youth Peace-Building. Ayon sa kanya, hindi nabibigyang pansin ang mga damdamin at kailangan ng mga kabataan pag nasa post-conflict situation na ang komunidad. Para sa komunidad, mapayapa na ang kanilang kalagayan dahil nagtapos na ang giyera. Ngunit dahil napapabayaan ang mga kabataan, mas madali silang ma-recruit ng mga armadong grupo. Ang isa sa mga prayoridad ni Ivan ay kilalalin kabataang lider na kumakatawan sa kanilang mga komunidad lalung-lalo na ang mga batang ulila, mag-aaral, youth organizations na communitybased at church-based organizations, at mga Lumad sa lungsod ng Cotabato at Maguindanao. Ang mga kabataang ito ay bibigyan ng kakahayang maging mga peace-builders. Wala pang nakitang representasyon ng mga ulila sa mga trainings at seminars si Ivan kahit maraming mga bahay-

ampunan sa lungsod at sa Maguindanao. Isa sa mga hamon ni Ivan sa programa ay ang kalagayan ng mga church-based organizations. Karamihan sa mga proyekto ng mga church-based organizations ay puro mga aktibidad ng simbahan lamang. Hindi nila tinutugon ng pansin ang ibang mga isyu mapapolitikal man o hindi. Nais niyang gawing mas aktibo ang mga church-based organizations sa mga isyung politikal at panlipunan dahil hindi ito maiiwasan nang habang buhay lalung-lalo na’t namumuhay tayo sa isang politikal na lipunan. “Ano ang problema kung dala mo ang simbahan mo? I think there is nothing wrong with that. Actually, mas magandang tools nga siya for me.” Layon ng programang bigyan ng lakas at kakayahan ang mga kabataang nasa laylayan. Karamihan sa mga bumabahagi sa mga trainings at seminars ay ang mga mag-aaral na magagaling na dahil

sila’y may pribilehiyong pumasok sa magandang paaralan at makibahagi sa mga magagandang program. Sa loob ng apat na buwan, magkakaroon ng intensive trainings ang mga kabataan linggo-linggo. Sa pagtatapos nito sana ay mas mapalaganap at maparami ang peacebuilders ng mga kabataan sa kanikanilang mga komuninad. “Kumbaga gusto ko yung mga na left behind from the table, sila sana iyong masali ko sa table.”

“Kumbaga gusto ko ‘yong mga na left behind from the table, sila sana iyong masali ko sa table.”


6

Sinagtala

Islamophobia: Lason sa mga Muslim

Special Sept. 2019

Bai Nhorjannah Ali

Magpahanggang sa ngayon, ang iilang mga tao sa ating lipunan ay nakatingin pa rin sa mga Muslim na may diskriminasyon at galit sa kanilang mga mata. Kami ay nakikita bilang isang talampasan, isang pamayanan na naguugat sa karahasan at nagdudulot ng mga kaguluhan. Noong 2015, isang malakas na bomba ang sumabog sa isang bus sa Zamboanga City na pumatay ng isang tao at nakasugat sa limampung iba pa. Ang karaniwang suspek? Isang Muslim. Sa parehong taon, isang sketch ng suspek na gumagawa ng ingay sa social media na naglalarawan sa kanya bilang isang taong "gumagamit ng wikang Tagalog" at isang "uri ng Muslim". Ang paglalarawan ay malinaw na nagpapatunay na ang anti-Muslim bigotry at Islamophobia ay mapanganib na nanggugulo sa kalooban ng marami sa atin. Ang lason na dinala ng Islamophobia ay nagresulta sa pagdurusa ng maraming Muslim. Maraming mga kwento ng mga propesyonal na Muslim ang hindi makahanap ng trabaho dahil sa kanilang hijab o dahil sa kanilang mga pangalan ang mga pangalan na uri ng Muslim. Dahil dito, maraming mga Muslim ang nagugutom ngayon sa mga bilangguan ng Pilipinas at marami sa kanila ang masasabing naaresto at nakulong dahil lamang sa sila ay pinaghihinalaang naghahasik ng gulo na nagreresulta sa terorismo. Pinaaalalahanan tayo ng isang Muslim na nakasakay sa isang flight ng Delta Air Lines kasama ang kanyang mga anak na na-harass noong Pebrero 2015. Isang babae ang nagreklamo sa mga anak ni Darlene Hider na diumano ay nakakagambala daw ang mga ito sa kanya. Ngunit matapos mapansin ang

Sinagtala EDITORIAL BOARD

kanyang hijab, sinabi ng babae sa kanya, "This is America!". Sa Pilipinas, ang mga Muslim ay matagal nang bikima ng diskriminasyon. Bilang isang Muslim, napakasakit isipin na sa bawat pag-atake, bawat pambobomba, bawat pagpatay, bawat kaso ng korapsyon at bawat kaguluhan sa ating bansa maging sa iba pang panig ng daigdig ay tayo ang una't palaging nakikita. Kung tutuosin, kung ating pagaaralan at babalikan ang mga naitalang kaso ng mga nabanggit na uri ng mga gawain sa kasaysayan o "history" ay hindi maikakailang karamihan sa kanila ay hindi mga Muslim o non-Muslim. Kabilang na rito si Adolf Hitler na pumatay ng halos dalawang libong mga Hudyo noong World War II at walang awang pinag-eksperimentuhan. Si dating pangulong Ferdinand E. Marcos na kung saan, sa panahon ng kanyang termino at panunungkulan at daan-daang libong mga Pilipino mapa Muslim at Kristiyano ang nasawi nang kanyang ideklara at ipasailalim sa Batas Militar ang bansa. Gayunpaman, mahalagang malaman ng bawat isa sa atin na tayong lahat ay pare-pareho at magkakapamilya dahil isa lang ang ating pinanggalingan. Nawa'y ating isa-puso at isa-isip ang respeto, pagkakaisa at pagmamahal sa bawat isa sa kabila ng pagkakaiba ng ating mga relihiyon nang sa gayo'y makamtan at matagpuan natin ang kapayapaan sa ating mga sarili. Marahil imposibleng malimot ang nakaraan ngunit dapat natin itong gawing inspirasyon upang ang bangungot ng nakaraan ng dulot ng digmaan at karahasan ay hindi na muling maulit pa, ngayon at sa mga susunod na henerasyon.

Dugo at pawis ang puhunan ng mga magsasaka sa Negros. Kuha ni Mikhaela Dimpas.

Agrikultura - ika’y ibabangon na Princess Sheryn A. Mamucao

Kailangan pa bang tag-gutom ay hintayin upang ikaw ay mapansin? Kailangan pa bang magkulang ang mga organikong pagkain na balang araw ay di na kikilalanin? Nakakalungkot isipin na ang kilala ng mga bagong henerasyon ay ang mga makabagong pagkain na dumaan sa ilang mga proseso upang ito ay magbigay ng makabagong lasa na inayon pa sa ibang bansa. Ito marahil ay isa sa mga dahilan kung bakit ang mga organikong pagkain ay di na nabibigyan ng pansin at patuloy na bumababa ang halaga ng mga ito sa merkado. Ang ating mga magsasaka ay hindi umaangat ang antas ng pamumuhay sapagkat sila ay hindi natutulungan sa pag-angkat ng kanilang mga produkto kaya sila ay napipilitan na ipalabas ito sa murang halaga. Napakasakit isipin na ang ating mga magsasaka na nagbibigay

Mikhaela Dimpas Editor-in-Chief

Naimah Abdulrahman. Sittie Kadir Researchers

Diane Lim. Raizza Bello Managing Editors

Luke Perry Saycon Editorial Cartoonist

Mikhaela Dimpas Layout Director

MIkhaela Dimpas. Diane Lim. Raizza Bello. Equal Access International Philippines. Photos

Diane Lim Graphics

ng ating mga pangunahing pagkain ay hindi nagkakaroon ng sapat na pagkain para sa kanilang pamilya. Bilang resulta nito, unti-unti silang nawawalan ng kabuhayan at ang ilan ay napipilitang huminto sa pagsasaka at humanap ng ibang mapagkukunan ng kabuhayan. Agrikultura, bumangon ka. Hindi pa huli ang lahat upang ang bawat isa ay umunlad. Ang iyong muling pagbangon ay may kaakibat na kaunlaran sa ating mga mamamayan. Hindi madali ngunit mangyayari kung ang lahat ng sektor ay magtutulungan upang ikaw ay muling sumigla. Hindi mabilis ngunit posible ang pag-unlad kung ito ay sisimulan. Kay rami na ang mga taong ika’y ipinaglalaban kaya hindi pa huli ang lahat. Ikaw ay aming ipaglalaban, ang aming adbokasiya ay ang hindi pagtalikod sa iyo na nangangailangan ng aming pagkalinga ngayon. Ang lathalain na ito ay unang isinali sa isang Essay Writing Contest ng AKMAPTM Partylist sa BARMM. Ang gawang ito ay nanalo ng 1st place.

Princess Sheryn Mamucao. Bai Nhorjannah Ali. Nur-saleha Dadayan. Noroden Monaim. Yana Sanday. Irish Calungsod. Val Amiel Vestil. Raizza Bello. Diane Lim. Writers Sinagtala is the official newsletter of the Muslim Youth Voices for Peace Project. It is produced by IDEALS Inc. in partnership with Equal Access International Philippines.


Hangad ang muling pagbalik Sulat at kuha ni Diane Lim

494 na pamilyang residente ng Barangay Bagong Upam higit nang isang buwang bakwit sa Barangay Kuloy dahil sa patuloy na bakbakan sa kanilang mga tinitirhan. Pabigla-bigla ang pagtapon ng 105mm mortar shell sa Brgy. Bagong Upam. Isinasakay ng mga residente ang kanilang mga gamit sa sasakyan payongpayong, multicab, karitong hinihila ng kalabaw, at mga motor. Ngunit karamihan sa mga bakwit ay iniiwan na lamang ang kanilang mga kagamitan sa kanilang mga bahay sa Bagong Upam. Kahit madalas ang kanilang pagbakwit sa Brgy. Kuloy, dala-dala ng mga residente ang kanilang mga kagamitan tuwing bumabalik sila sa kanilang mga tahanan. Paminsan wala pang 24 oras nang sila’y umuwi sa kanilang mga tahanan babalik sila sa evacuation center dahil

Tulugan ni G. Salahudin sa kanyang lumang temporary shelter.

hindi pa natatapos ang bakbakan. Karamihan sa mga pamilyang bakwit sa Brgy. Kuloy at may higit sampung

anak. Higit isang taon na silang paulit-ulit at pabalik-balik nang bumabakwit mula sa kanilang mga tahanan sa Brgy. Bagong Upam. Ayon kay Ginoong Salahudin, 64, sa ilang buwan na sila’y nasa Barangay Kuloy, hindi sila umaalis. Nakakatanggap sila ng tulong at sustento mula sa gobyerno at mga NGO. May tulong silang natatanggap mula sa MSS-BARRM. Binibigyan sila ng MSS ng 5kg bigas bawat pamilya kada ikatlong linggo. Ang ICRC ay nagbibigay ng mga trapal para sa kanilang mga temporary shelter na sila-sila lang din ang nagtayo. Kanyakanya ang pagtayo ng bahay. Mahirap ang pamumuhay ng mga bakwit. Ang iilang mga residenteng may motor ay namamasahada. Ang mga walang motor, naghihintay tulad ni G. Salahudin. Ang iba umuutang sa bodega. Karamihan sa mga residente ay magsasaka. Tuwing kinakaya nila, bumabalik sila sa Bagong Upam para mag-ani ng kanilang mga saka. Bago magkabakbakan higit isang taon noon ang pamumuhay ng karamihang residente ay pagsasaka ng palay. Kung tama ang naalala ni G. Salahuddin, nagsimula ito noong ika15 ng Nobyembre 2017. Biglang may nahulog na 105mm mortar shell sa kanilang barangay. Kapag lumalamig ang panahon sa Bagong Upam, bumabalik ang iilang mga residente. Susubukan nilang magtanim ng gulay. Paminsan hindi mabuhay-

buhay ang kanilang tanim. Tuwing tagulan, mayroon silang naaani. Walang maayos na banyo sa Brgy. Kuloy. Hindi pa aabot ng sampung banyo. Paano ang tubig? Maraming silang poso na kani-kanila lang ginawa. Pumapasok

Brgy. Kuloy, naghihintay na lamang ng oras hangga’t umuwi ang mga bata mula paaralan. Araw-araw, gabi-gabi takot ang mga residente dahil hindi nila alam kung kailan may itatapong 105mm mortar shell. Limang hektarya ang sakop na lupa ng mga bakwit mula sa Bagong Upam. Maliban sa gusto na nilang umuwi nang matagalan, ang hinihingi nilang tulong na lamang ay para sa kanilang pamumuhay ang mga kagamitang panluto. Sana matapos na ang gulo at magkaroon na ng katahimikan sa kanilang barangay.

Temporary shelter na hindi natapos at pinabayaan na lamang.

pa rin sa paaralan ang iilang mga bata, may iilan ding hindi. Ginang Tayano, 40, limang (5) anak, sa sapa naliligo ang mga bata. Asawa ay treasurer ng barangay kapitan. Minsan umuutang, nagpapa-advance ng sahod. Mayroon silang payong-payong. Ang mga gamit nilang binibigyang prayoridad ay mga gamit panluto pati mga moskitero at malong. Mula noong sila’y nagbakwit, pareho na lamang ang nagiging takbo ng araw ni G. Tayano. Gigising siya ng alas kwatro ng umaga, magsampay ng mga damit, magsaing ng kanin. Ihanda ang mga anak pumasok ng paraalan. Kung sila ay nasa Bagong Upam, magtatanim pa siya ng gulay. Ngunit dahil sila ay nasa temporary shelters sa

Si Tayano at ang kanyang bunsong anak.

MAY MGA KWENTO, LARAWAN, O TULA KA BANG NAIS IBAHAGI? ANG SINAGTALA AY TUMATANGGAP NG MGA KONTRIBUSYON! Mag-PM lamang sa S’bang Ka Marawi o S’bang Ka Maguindanao Facebook Page.



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.