Sinagtala 6 | January 2020

Page 1

Sinagtala JANUARY 2020

Tahanan na may hangganan Ang pag-abuso sa kalikasan ay itinuturing na ngayon bilang ikaapat na pinakamalaking krimen sa buong bansa. Ayon sa report ng United Nations Environment Program, umaabot na sa $258 bilyon at patuloy na tumataas ng lima hanggang pitong porsyento kada taon. Hindi lang ito nakaaapekto sa kaban ng bayan, kundi sa mas indibidwal at personal na buhay ng mga apektado. Higit na ang usapin sa climate change. Ang usapin na natin dapat ay climate emergency dahil ang ating sitwasyon ngayon ay nagangailangan na ng mabilisan at malawakang aksyon upang mahinto ang pagsira sa ating kalikasan. Kamakailan lamang ay nagulintang ang buong mundo sa isa sa pinakamalalang bushfire sa Australia. Mahigit 3,000 na kabahayan na ang nasira dahil dito, habang ang ibang uri ng mga koala ay extinct na. Ayon sa mga eksperto, mas lalong lumala at lumawak ang pinsala ng bushfires dahil sa climate change, at habang tumatagal ay lalo itong lalala. Tayong mga Pilipino ay hindi naman kaiba sa ganitong mga pangyayari. Ang lokasyon ng Pilipinas ang isa sa mga dahilan kung bakit

hitik tayo sa mga bagyo, lindol, at ang mga masasamang epekto nito Ayon sa pagaaral ng World Economic Forum, noong 2017, 61.5 na porsyento ng mga displaced ay dahil sa mga climaterelated na mga trahedya, samantalang 38.5 na porsyento naman ang dahil sa bakbakan. Ang ganitong klaseng mga pangyayari ay nakakaapekto sa lahat ng tao sa mundo at sa bansa. Wala itong

ISYU 6

pinipiling edad, kasarian, at estado sa buhay. Ngunit mahalagang isipin na mas nakamamatay ang mga epekto ng ganitong kalamidad sa mga mahihirap at sa mga hindi naaabot ng mas malawak na tulong mula sa iba, lalo na mula sa gobyerno. Kapag nagkaroon ng bagyo at pagbaha, ang unang nakararamdam nito ay ang mga pamilya na kinakailangang lumikas dahil hindi angkop ang kanilang barung-barong na bahay para sila ay protektahan. Madalas ay wala silang iba pang maililikas kundi ang kanila lamang mga sarili, mga anak, at kaunting mga kailangan. Pagkatapos ng sakuna, mahihirapan rin ang pamilya na bumangon muli dahil sa simula palang, sila ay dehado na.

Ang buong planeta ay hitik sa yaman ng kalikasan. Ang lahat ng ating kailangan ay ibinibigay ni Inang Kalikasan, ngunit imbis na pasasalamat, ang nakukuha niya ay pagsira. Nandito ang polusyon mula sa malalaking mga kumpanya, ang maliliit na pagtapon ng basura sa mga katawan ng tubig, ang pagputol ng mga puno sa gubat, at marami pang iba. Ngunit hindi pa tapos ang lahat, malaki ang magagawa ng mga maliit nating pagbabago gaya ng pag-iwas sa paggamit ng plastik, pagtatapon ng basura sa tamang lugar, o di kaya ang pagrerecycle ng mga bagay na maaari parin namang magamit. Liban dito ay nasa ating mga kamay rin ang pagtawag ng atensyon ng malalaking kumpanya na patuloy na sumisira sa ating kalikasan. Marami tayong pwedeng gawin gaya ng pag-post sa social media ng mga hindi magandang practice ng mga kumpanya upang mas maraming makaalam nito. Sa kasalukuyan, nagtetrending na rin ang pag-boycott sa mga masahol na kumpanya na walang pakundanga sa kanilang mga empleyado at sa kalikasan. Hindi lingid sa ating kaalaman na mahirap ang ganitong mga uri ng pagbabago, ngunit ito ay kailangan nating simulan, Magandang ang sentro at pinaghuhugutan natin ng lakas ay ang katotohanan na mayroon lamang tayong iisang tirahan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.