Bigkis-Balita (Tomo I Bilang 1)

Page 1

SB birthday surprise sa KNL Petisyon sa lupang kinatitirikan, nasa Senado na! Ni June Ace G. Esteban

P

unong-puno ng masisiglang pagbati at sayawan gayundin ng samu’t saring palamuti, lobo at kasuotan — ganito pinaghandaan ng Sangguniang Barangay (Baran-

gay Council) at sinalubong ng mga mamamayan ng Krus Na Ligas (KNL) ang pagdating ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. noong Oktubre 1, 2015. Sa halip na ang tagapagsalita ng Kamara ang magpasaya dahil sa

ipamimigay niyang mga kagamitan, siya pa ang higit na pinaligaya at hinandugan ng maraming sorpresa dahil sa ika-79 niyang kaarawan sa araw matapos ang kaniyang pagbisita at bilang pasasalamat na rin sa marami niyang ginawa para sa mga tagarito. Sorpresang pagdiriwang Matapos ang pambungad na pananalita ni Kapitan Julian Santos, sinaksihan naman ni Belmonte at ng lahat ng iba pang bisita noon sa KNL Covered Court ang isang audio-visual presentation (AVP) na inihanda ng Sangguniang Barangay. Ang nasabing AVP ay naglalaman ng mga pasasalamat at pagbati ng mga mamamayan at mga miyembro ng iba’t ibang institusyon, asosasyon, at mga grupong politikal, panrelihiyon at panlipunan sa KNL. Ipagpatuloy sa pahina 10...

Kuha nina Kristian Lloyd Sagun at Jeremy Corales

Kuha nina Kristian Lloyd Sagun at Jeremy Corales

Student journalists, ipinahiram ang talento para sa diyaryong pambarangay Ni Zyra Corrine G. Cabudoc

Sa halip na magpahinga o mamasyal sa isang linggong semestral break, nagpursigi at nagsakripisyo ang mga student journalists (estudyanteng mamamahayag) mula sa Krus Na Ligas High School (KNLHS) at isang dating national champion sa kolehiyo para mailimbag ang kauna-unahang diyaryong pambarangay. Ang paggawa sa nasabing diyaryo ay pinangunahan

ng mga batikan at mahuhusay na manunulat — karamihan ay bahagi ng kasalukuyang Editorial Board (Lupon ng Patnugutan) — ng KRUSADA at CRUSADER, ang 22 taong gulang na official student publication ng KNLHS para sa Filipino at Ingles. Mula sa CRUSADER, ang mga nasabing editors (patnugot) ay ang mga sumusunod: Wynona Ipagpatuloy sa pahina 10...


2 | BALITA Computer School Krus Na Ligas, potensyal na tourist spot ng QC on Wheels, rumatsada sa KNL Ni John Lester P. Francisco

Para pagyamanin ang kaalaman ng kabataan sa mas makabuluhang paggamit ng computers at hindi lang sa gaming, dinaluhan ng 18 kabataan ang programang Computer School on Wheels noong ika-16 hanggang ika-20 ng Marso 2015 sa ganap na alas-otso ng umaga sa Krus Na Ligas (KNL) Covered Court. Ang nasabing programa ay ipinatupad at inisponsoran ni Konsehal Bayani Hipol at ng Bagong Henerasyon Foundation, Inc. Ang nasabing grupo ay itinatag ni Rep. Bernadette Herrera-Dy noong 2001. Inaprubahan ni Kagawad Romeo “Ome” Jose, chairman ng livelihood and business trade, ang natatanging programa na madalang matanggap ng maraming kabataan. Ang programa ay may layuning pataasin ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa paggamit ng mga computer software at program. Kaugnay rito, itinuro ang iba pang gamit ng Microsoft Softwares na Word, Excel at Powerpoint kasama na ang basic computer programming at ilan pang hindi gaanong kilalang computer programs. Bukod sa KNL, napuntahan na rin ng Computer School on Wheels ang ilang probinsya sa Pilipinas tulad ng Angono, Rizal , Malolos, Bulacan, Pagsanjan at Laguna. Ayon sa isyu ng pahayagang Krusada (Oktubre-Disyembre 2002), ang opisyal na student publication ng Krus Na Ligas High School (KNLHS), nagdaos ng Computer Literacy Program ang City Bank Group of Companies, kung saan itinuro ang Microsoft Dekstop Publishing sa loob ng walong Sabado mula Nobyembre ng taong iyon hanggang Enero 2003 na dinaluhan ng 25 estudyante ng KNLHS.

Replika ng simbahan, mural ni Bonifacio, gagawin Ni June Ace G. Esteban

H

indi malayo na sa mga susunod na taon, makilala ang pagiging makasaysayan ng Barangay Krus Na Ligas (KNL) at potensyal na maging isang mahalagang tourist spot ng Quezon City. Ito ang mahihinuha sa nakasaad sa kopya ng unang pagpupulong ng Sangguniang Barangay (Barangay Council) nitong nakaraang ika-7 ng Setyembre. Nabanggit na napag-usapan ni Kagawad Maurina

Fulgencio-Magalong at Mayor Herbert Bautista ang posibilidad ng pagiging tourist spot ng pamayanan, bagama’t hindi pa malinaw ang mga detalye ukol dito. Upang maging ganap ang planong ito, mahalaga ang pagkakaroon ng replika ng orihinal na simbahan ng Holy Cross Parish na, ayon kay Kapitan Julian Santos ay ang pinakamatandang simbahan sa Quezon City. Nang magpunta si House

TFYD, Kgwd. Mau, tumutulong sa mga kabataan makapag-aral Ni Wynona Geralda S. Del Rosario

Kuha ni Kristian Lloyd Sagun.

P

atuloy na pagtaas ng bilihin at matrikula. Walang paglago sa kabuhayan o pagtaas ng kinikita. Ito ay ilan lang sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming kabataan ang tumitigil sa pag-aaral at mas maraming bata na sa mas murang edad ay nagbabanat na ng buto. Bilang tugon sa palala nang palalang dropout rate at nagpapatong-patong na problema sa edukasyon ng mga pamilya, itinaguyod ng Task Force on Youth Development (TFYD) — sa pamumuno ni Kagawad Maurina “Mau” Fulgencio-Magalong — ang Youth Educational Support (YES) program upang maibsan ang pagdurusang pinansyal ng maraming magulang at kabataan kaugnay sa kanilang pag-aaral.

Ang programa tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga estudyanteng nakatira sa Krus Na Ligas (KNL) at nag-aaral sa KNL Elementary o High School, gayundin sa mga nag-aaral sa kolehiyo na nakapasa sa mga kalingkingan

Kuha ni Kristian Lloyd Sagun.

Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. sa barangay noong October 1 para mamahagi ng iba’t ibang gamit, nabanggit niya sa kaniyang talumpati ang panghihinayang sa ginawang mga pagbabago sa nasabing simbahan. Maliban sa nasabing replika, binigyang diin naman ni Kagawad Romeo “Ome” Jose sa hiwalay na panayam ang pagpapagawa ng mural ni Andres Bonifacio at ng mga Katipunero bilang pagkilala sa papel ng Krus Na Ligas sa kasaysayan. Sinabi niya na ang lokal na pamahalaan ng lungsod ay inaalam ang mga dinaanan at pinaghimpilin, panandalian man o matagal, ni Bonifacio at ng kaniyang mga hukbo dito sa lungsod para gawan ng isang uri ng landmark. Ito ay upang maipalam din sa mga mamamayan ang kontribusyon sa kasaysayan at pakikibaka para sa kalayaan ng bawat lugar. Ayon sa mga kuwento, ilang

mga dokumento at sinabi rin ni Santos na ang KNL ay naging isang mahalagang lugar para sa Katipunan. Dagdag pa niya na ang ilan sa mga unang nanirahan dito ay mga rebolusyonaryong Katipunero. Kaugnay rito, sinabihan sila ni Vice Mayor Joy Belmonte na humanap ng site kung saan magandang itayo ang replika at mural, isumite kay Belmonte at ang opisina nang bise na ang bahala sa pondo. Sa ngayon, ang nakikita ng Sanggunian na pinakamaayos na pagtayuan ng replika ng simbahan ay sa People’s Park sa C.P. Garcia, samantalang ang mural ni Bonifacio at ng mga Katipunero ay sa isang bahagi ng Barangay Hall. Maliban sa mga nabanggit na planong ipagawa, ayon sa tala ng unang pagpupulong noong Setyembre, balak ding magpagawa ng Quezon City ng sarili nitong ocean park at zoo.

upang maging scholar. Ang nasabing programa sa elementarya at sekundarya ay iniisponsoran ni Magalong, habang ang sa kolehiyo ay sinusuportahan nina kay Konsehal Marvin Rillo, Vice Mayor Joy Belmonte at House Speaker Sonny Belmonte. Ang mga mag-aaral ng elementarya at hayskul ay binibigyan ng mga gamit at kasuotang kailangan sa paaralan tulad ng mga kuwaderno,

ballpen, lapis at PE uniform. Samantala, ang mga iskolar sa kolehiyo ay nakatatanggap ng 30 bahagdang diskwento sa tuition fee kapag nag-aral sila sa Central Institute of Technology. Ayon kay Magalong, kung sa ibang pamantasan naman mag-aaral ang estudyante ay makatatanggap ito ng educational assistance sa ilalim ng programang SYDP, ngunit may mga requirements na kailangan ipasa, sundin at panatilihin.


BALITA | 3 Sinasanay sa iba’t ibang ikabubuhay

11 programang pangkabuhayan, ipinatupad ni Kgwd. Jose N

asa 11 o higit pa ang libreng programang isinagawa ni Livelihood and Business Trade Chairman Kagawad Romeo “Mama Jose” Jose sa loob ng nakalipas na dalawang taon para paunlarin ang kakayanan, kasanayan at karanasan ng mga mamamayan sa Barangay Krus Na Ligas (KNL) patungkol sa iba’t ibang trabaho at uri ng hanapbuhay. Ngayong taon, unang hinatid ni Jose ang programa tungkol sa matalinong paggamit ng computers sa ilalim ng pagsasanay ng Computer School on Wheels noong Marso. Sumunod ang dalawang libreng pagsasanay sa ilalim ng paggabay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) tungkol sa call center at English proficiency noong Mayo 4 hang-

Ni Andrea Nicole B. Cabiles

gang 14 para sa mga kabataan at out-of-school youth; at ang Serbisyo Caravan noong Setyembre sa Sitio Lambak na may libreng pagsasanay sa pagmamasahe, paggugupit ng buhok at paggawa ng tinapay. Noong nakaraang taon, nakapagpatupad si Jose ng pitong programa kabilang na rito ang dalawang haircutting program noong Marso at Abril. May anim na iba pang pagsasanay siyang itinampok para sa mga kabataan at mas matatandang kalalakihan at kababaihan: manicure and pedicure gayundin ang baking ng cakes at iba pang minatamis (pastries), parehong sa pagtuturo ng dalawang pribadong organisasyon; at pagkukumpuni ng tricycle at paghahanda para sa call center, sa ilalim ng patnubay ng TESDA.

Katuwang ni Jose ang Foundation of Filcreates Society sa baking training noong Hunyo, ang Grupo Unero Incorporated sa nail-beautification program noong Abril, at si Konsehala Raquel Malangen bilang sponsor sa free facial and hair spa noong Marso 2014. Ilan lamang ito sa mga nakatalang gawain sa mga ulat, at mayroon pa marahil na mga proyekto na hindi natukoy sa panahon na ang artikulong ito ay isinusulat. Banchetto at tabing kanto Sa isang panayam, malinaw ang pananabik ni Jose tungkol sa posibilidad ng pagkakaroon ng banchetto ng KNL ngunit pagkadismaya naman dahil sa patuloy na pagsaIpagpatuloy sa pahina 11...

Pagpapaunlad sa mga imprastraktura, isinagawa ni Kgwd. Fulgencio Ni Phebe Judith L. Austria

Sa loob ng ilang taong panunungkulan ni Kagawad Willy Fulgencio, chairman of infrastructure ng komunidad, ay may mga natapos na mga proyektong pagpapaayos sa ilang mga imprastraktura na makatutulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan at ikauunlad ng Barangay Krus Na Ligas (KNL). Isa sa mga proyektong naisagawa ng kagawad ay ang katatapos lamang na pagpapalit ng mga tubo at pagpapatatag ng drainage mula sa kalsada ng TiburKuha ni June Ace Esteban.

TFYD, iba pang sektor, nagsagawa ng seminars QCPD, Sangguniang Barangay tungkol sa pamumuno at sakuna umaksyon kontra droga Ipagpatuloy sa pahina 11...

Ni June Ace G. Esteban

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” sambit ni Gat Jose Rizal, at upang siguraduhing ang mga kabataan ay may kakayahan — at prinsipyo — na mamuno nang mahusay at mabuti, nakipagtulungan ang Task Force on Youth Development (TFYD) at si Kagawad Mau Fulgencio-Magalong sa simbahan at mga paaralan sa pagbuo ng dalawang seminar. Binuo ng TFYD at ni Magalong at ng mga guro sa Krus Na Ligas High ang TYFD Leadership Training Camp at School (KNLHS) na sina Mc Kenneth Barangay Disaster Risk-Reduction and Baluyot at Benedick Lapuz. Si Baluyot Management (DRRM) seminar para sa ang adviser ng Supreme Student Govmga pinuno at kasapi ng mga student ernment (SSG) sa KNLHS. council ng Krus Na Ligas High School Ang DRRM seminar ay may (KNLHS) at Elementary School (KNLES). temang Kabataan Na Laging HanKatuwang nila ang Holy Cross da Sa Sakuna o KNL [ay] Handa sa Parish Youth Ministry sa pangunguna Sakuna. Ang dalawang aktibidad ay ni Kevin Naval, parish youth coordinator, ginawa sa Majayjay, Laguna mula Nobyembre 20 hanggang 23 nang nakaraang taon. Ang Leadership Training Camp ay tinampukan ng iba’t ibang karaniwang teambuilding events upang paunlarin ang kakayahan ng bawat isang mamuno at makipagtulungan, gayundin ay matuklasan at tanggapin ang kani-kaniyang Kuha nina Kristian Lloyd Sagun. kalakasan at kahinaan.

D

Ni Sophia Hannah O. Alburo

ahil hindi pa rin napupuksa hanggang ngayon ang paggamit at pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot, nagsagawa ng kaniya-kaniyang operasyon ang Quezon City Police District (QCPD) Anonas Station 9 at Sangguniang Barangay (Barangay Council) ng Krus Na Ligas (KNL) kontra rito. Nagsagawa ang QCPD ng Oplan Galugad sa nasabing barangay, partikular sa ilang kabahayan at iskinita sa mga kalye ng Salvador at Santos, habang sumailalim noong ika10 ng Hunyo taong pangkasalukuyan sa drug testing ang mga kawani ng barangay at mga miyembro ng BPSO. Sinabi ni barangay Deputy Executive Officer (Ex-O) Jonathan Undan na noong huling operasyon ng pulisya ay may lima kataong nahuling nag-pa-“pot session”, apat na nagiinom sa may tabi ng kalsada at tat-

long nagmamaneho ng walang sapat na dokumento. Sa panayam kay Kapitan Julian Santos, sinabi niya na mas makabubuti na kung sino mang magpositibo sa drug test ay huwag suspendihin sa trabaho. Sa halip, isailalim sa counselling at rehabilitasyon dahil hindi sila matutulungan kung aalisin sila sa trabaho. Naniniwala ang punong barangay na ganito rin ang saloobin ni Belmonte. Ipinanukala ni Melendres, chairman of health and sanitation, na magkaroon ng medical examination ang lahat ng mga kawani lalo na ang mga street sweeper at mga declogger na palaging exposed sa dumi sa labas. Ang mga miyembro ng Barangay Public Safety Officers (BPSO) ay nasa ilalim ni Kagawad Webster Baluyot, chairman of peace and order.


4 | EDITORYAL EDITORYAL Sa tamang panahon Matatapos na ang panahon ng pakikihati at mga hiram na sandali. Ito ang mahihinuha — o dapat asahan — sa ibinalita ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. noong unang araw nitong nakaraang Oktubre sa pagbisita sa ating barangay. Inihayag niyang nasa Senado na ang petisyon patungkol sa ganap na kasarinlan mula sa UP Diliman ng lupang tinatawag nating tahanan, ang Krus Na Ligas. Kung ang lahat ay aayon sa plano at ang pangarap ay magkakatotoo, ang lupang kinatatayuan mo sa kasalukuyan, ang lupang kinatatayuan ng iyong upuan, ang lupang sasayad sa mga talampakan ng iyong magiging anak at kaniyang lalakaran ay isang lupang nakaaalam at nakauunawa nang kalayaan — malaya sa takot na mapalayas sa kinalakhan, malaya sa pangamba na gigising ka isang umaga at matatanggap ang panawagan na kayo (tayo) ay lumisan. Sa wakas, magkakaroon na rin tayo ng sariling atin, hindi lang sa salita kun’di maging sa opisyal na tala na may lagda. Salamat sa mga taong ginawa itong posible, sa Sangguniang Barangay (Barangay Council) sa pamumuno ni Kapitan Julian Santos, sa iba’t ibang grupo na tumulong at kay Belmonte na laging sumusuporta at matatawag na isang buhay na patron ng ating barangay. Kung wala ang pagkakaisang ito, siguradong nananatili pa ring isang pangarap ang pag-abot sa Senado ng petisyon. Kung patuloy nating hinintay ang tamang panahon na ipagkaloob sa atin ang lupa (o kahit anu pa mang bagay), kung patuloy tayong naghintay sa tamang panahon ngunit hindi naman umaksyon, kung gan’un ay tiyak na maghihintay tayo sa panghabang-panahon. Dahil minsan, naghihintay tayo sa tamang panahon habang ang tamang panahon ay naghihintay rin sa mga tamang aksyon at desisyon na gagawin natin ngayon. ****** Ang snakes-and-ladders na trapiko sa kalye ng Baluyot ang isa sa pangunahing isyu ng barangay maliban sa bentahan ng iligal na droga sa mga Paraisong Bato. Masosolusyunan lamang ang isyu sa trapiko kung mismong mga mamamayan ang magsisimula ng pagbabago. Iwasan na sana ng mga mayari ng kotse ang paglalaro ng turu-turuan na may paboritong linyang nagsisimula sa “Bakit ako…” o “Siya/Sila/‘Yun muna...” Magawan din sana MULI ng Sangguniang Barangay ng sagot ang isyung ito na minsan na nilang naresolba noon. Hindi po natin kailangan ng band-aid solutions o panandaliang solusyon para sa isang matagal nang, at lumalala pang, problema. Para naman sa iba’t ibang pamunuan, tungkol sa bentahan at paggamit ng iligal na droga, lalo na ng mga kabataang sa kapal ng kalyo sa mukha ay nagpapaka-high maging sa loob ng paaralan, ano na po ang pinakamabisang aksyon para matigil na ito? ****** Noong nakaraang taon, may mga magulang at mga alumni ng KNL High School ang nagtanong at nagbigay reaksyon hinggil sa isang guro na nagbebenta ng mga keychain at inililista bilang proyekto ng estudyante kapag bumili. Dagdag pa rito, isa pang “project” ang pagbili o paggawa ng rosaryo sa nasabing guro kahit ng mga hindi Katoliko. Bagama’t may masasabi, pinipiling hindi na lang magsalita ng mga estudyante dahil sa takot na mapag-initan ng tinutukoy na guro. Sana po ay mamatyagan ng kinauukulan ang ganitong uri ng teaching at grading method upang maiwasan. Hindi dapat sinusukat ang kahalagahan ng isang aralin at ang marka ng isang estudyante batay sa pagbili, dahil para na ring grades for sale ang nangyayari.

Lupon ng Patnugutan June Ace G. Esteban Punong Patnugot Mc Kenneth M. Baluyot Tagapayo Richelle Mae B. Bautista Head Layout Artist Sophia Hannah O. Alburo Tagapamahalang Patnugot Felix Gabriel A. Lapuz III Audrie January A. Orense Mga Katipong Patnugot Bryan John P. Gonzales Punong Kartunista

Mauna ang bayan, bago ang sarili

P

ahayag ng mamamayan na mapakikinggan.

Para sa akin, ito ang pinakatumpak na depinisyon — at tungkulin — ng isang PAHAYAGAN. Isang gabi nang Setyembre 2015, ipinatawag ako ni Kagawad Mau Magalong kay Chim Palacio para sa isang pagpupulong na dinaluhan din nina Michael “Bhuda” Alvarez, sir Mc Kenneth Baluyot at Kagawad Romeo “Ome” Jose. Nais nilang ako ang tumayong punong patnugot (Editor-in-Chief) at si sir Kenneth bilang consultant sa diyaryong ngayo’y inyong binabasa. Dahil pahayagang pambarangay ang aking ginagawa at nasa ilalim ako (at ang pondo, yikes) ng Sangguniang Barangay (Barangay Council), isa sa mahahalagang utos sa akin ay dapat “pro-barangay” ang ilalathala. Wala akong problema sa pagsulat ng magagandang bagay para at tungkol sa ating

barangay. Ang dalawang pangunahing pagsubok-slash-problema ko ay (1) ang pagsulat ng mga bagay — mga bagay na totoong nangyayari — na hindi gaanong kaaya-aya tungkol sa barangay na maaaring ‘di tumalima sa iniutos sa akin at (2) siguraduhing hindi magmumukhang Facebook Fan Page ng bawat isang opisyal ang bawat isang pahina. Ngunit may mga utos na kailangan suwayin kung “marapat, kinakailangan, at makatarungan”. Naniniwala akong walang mabuting maidudulot ang pagsasabi ng purong kalinisan sa isang lipunan na may kanikaniyang kadungisan, gayundin ay dapat manatili ang integridad at kalayaan ng pahayagan kahit sino pa ang nasa katungkulan. Dahil ano pang silbi ng isang pahayagan na hindi magawang mailimbag ang katotohanan at ang damdamin ng mamamayan? Ang silbi na lamang nito ay gawing panggatong sa sinaing na lulutuin sa kalang ulinguling, na may mga kaning tutong na kasing kunat ng balat ng mga taong ayaw sabihin o pakinggan ang damdamin ng mga nasasakupan, kahit na minsa’y wala na sa katwiran ang mismong mga pinaglilingkuran. Ano pang silbi ng mga lingkod-bayan at mga pinuno kung hindi nila magagawang makinig sa kanilang mga nasasakupan? Magiging katulad sila ng mga taong isinulat ni Rizal at tinukoy ni Pilosopo Tasyo: “Sa bayan ng mga bulag, ang hari ay pisak (isang mata lang ang nakakakita).” At ayokong maging bulag. Kaya isinangguni ko kay sir Baluyot at, oh Lord, kay Kagawad Mau at Kagawad Ome ang planong maglaan ng espasyo sa diyaryo para sa mga hinaing at mga hindi gaanong mabuting balita sa pamayanan [na ilalabas sa mga

Rachelle Anne E. Copina Jessica G. Sarmiento Kristian Lloyd E. Sagun Jeremy Corales Mga Litratista Michael B. Alvarez Chimberly Anne S. Palacio Administrative Support Staff KRUSADA at CRUSADER Katuwang na mga Pahayagan hinaharap na paglalathala, kung masusundan man ito] at sa mga namumuno rito. Dahil ang boses ng mga tao ay ang pahayagan at ang diyaryong nagagawa nito, at ang kanilang tulay ay ang punong patnugot at ang mga manunulat nito. Kung sakaling hindi sila sumang-ayon sa paglalathala ng mga bagay na ‘di kaaya-aya, hindi niyo man lang mababasa ang kolum na ito. Pero kung sakaling binabasa niyo ito sa mga sandaling ito, ibig sabihin ay may dalawang pinuno tayong tunay na handang makinig. ****** Para sa alumni ng KRUSADA, para sa mga kapwa ko Crusaders. MARAMING SALAMAT sa patuloy na pagtulong sa bagong henerasyon — pagtulong na walang kapalit na pera — kahit pa may mga taong nasa posisyon na naninira. Nakalulungkot na kung sino ang mga taong nangako ng tulong at nasa posisyon para tumulong, sila pa itong HINDI TUMUTULONG at maraming satsat. Tunay nga ang sabi sa Bibliya, “Ang propeta ay hindi tinatanggap sa sarili niyang bayan.” Para sa may mga kuwestyon, komento, puna, reaksyon at mga taong tinamaan na nais magmalinis, halika kayo! Padalhan ako ng mensahe sa acespitfire07@gmail.com


OPINYON | 5 Lantang Dahon ng Puno

T

ulad nga ng kanta ng bandang Asin na may pamagat na “Masdan Mo Ang Kapaligiran” na may lirikong “Bakit di natin pag-isipan / ang nangyayari sa ating kapaligiran / hindi na masama ang pag-unlad / kung hindi nakakasira ng kalikasan / darating ang panahon / mga ibong gala ay wala nang madadapuan / masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag / ngayo’y namamatay dahil sa’ting kalokohan.” Isa akong taong makabayan at makakalikasan; isang kabataan na nagmamalasakit sa Inang Kalikasan. Sa ngayon, hindi imposibleng mawala sa isang iglap ang kanlungan ng bawat nilalang. Marahil, hindi naman lingid sa ating kaisipan na ang kalikasan ay bigay ng Diyos para sa sanlibutan upang ito’y ating pakinabangan nang husto at pagyamanin. Kalikasan ang nagbibigay sa bawat nilalang ng masarap na makakain at malinis na inumin; ng tahimik na buhay para sa mga inosenteng hayop na naninirahan sa ating kalupaan, katubigan at himpapawid. Ngunit bakit sa paglipas ng panahon ay unti-unting nagbabago ang ating kapaligiran. Mga nagtataasan at nakalululang mga gusali, at isang dagat ng basura na nagmula kung saan-saan. Bakit pilit natin tinatanggal ang mga punongkahoy na sana’y tirahan ng mga hayop na nagbibigay himig at pang-akit sa ating mga kagubatan? Mga punongkahoy

na sana ay tutulong sa paghupa ng mga baha. Kamusta naman ang mga tapon dito, tapon doon ng mga basura at kemikal na nakalalason, na pumapatay sa mga ilog at karagatan? Isama mo pa ang unti-unting pagkaubos ng mga laman-dagat. Nagagawa mo pa bang huminga sa maitim na hangin na nagmumula sa mga tambutso ng mga sasakyan at pabrika na pagawaan ng kung ano-ano? Sa pandaigdigang aspeto, ilan lang ang mga ito sa dahilan kung bakit lumalala ang global warming na nagdudulot ng pagkatunaw ng mga yelo sa ilang bahagi ng daigdig. Tinanong mo na ba sa sarili mo kung bakit nagkakaroon nang walang tigil na buhos ng ulan na dahilan ng malalakas na pagbaha sa ating siyudad? Kung parama nang parami ang lumalambot at gumuguhong mga lupa mula sa kabundukan? Kung bakit patindi nang patindi ang init ng araw na nagpapatigang sa lupa at ikinamamatay ng marami dito at sa ilan pang bansa? Ito pa ba ang Inang Kalikasan na minsan mong kinagisnan at nagbigay ng buhay para sa bawat isa? ito ba ang nais mong makita ng mga susunod na henerasyon? Baka wala na silang abutan. Ang lahat ng ito ay nagiging isang malaking tanong sa aking isip. Kahit minsan ba ay sumagi sa iyong konsensya kung bakit ganito na lamang gumanti ang ating Inang Kalikasan sa mga tao. Sino ba ang dapat sisihin sa lahat nang nangyayari sa kapaligiran? Walang iba kung hindi tayong pumapatay sa kaniyang sigla at taglay na ganda. ‘Di ba dapat tayong mga tao ang may malaking responsibilidad para alagaan at mahalin ang ating kalikasan, ngunit bakit tayo pa ang nagiging sanhi ng unti-unting pagkasira, pagkawasak at pagkawala nito.

Aminin mo man o hindi, nagkaroon ka nang kasalanan sa bawat pagkasira ng ating kapaligiran. Tayo ang sumira sa isang napakagandang biyaya ng Poong Maykapal para sa sanlibutan. Minsan ba naiisip mo kung paano pa kaya ang ating kinabukasan? Mabubuhay pa kaya tayo nang matagal tulad ng panahong wala pang gaanong polusyon? “Hindi naman masama ang pag-unlad at malayo-layo na rin ang ating narating” ngunit napansin mo ba ang kalikasan? Napansin mo ba na kung hindi sa angkin nitong kakayahan ay hindi tayo makararating at uunlad. Kaya ikaw, kaibigan, may panahon at oras upang bigyang pansin ang ating kalikasan. Ang puno, halaman at hayop ay ating muling pagyamanin at pausbungin. Ang NAKARAAN ay sana magsilbing aral at babala para sa ating lahat. NGAYON gumising ka sa bangungot ng kahapon at magkapitbisig ang bawat isa upang buhayin at muling manumbalik ang sigla at saya sa ating Inang Kalikasan. Tandaan mo ikaw, ako, sila at tayong mga mamamayan na may pusong makakalikasan ay may obligasyon na kumilos para muli nating itaguyod ang ating kalikasan. Huwag natin hayaang lubusang malason ang ating lupa, tubig at hangin na ating nilalanghap. Pausbungin natin ang ating adhikain para sa ating Inang Kalikasan dahil tayo ang magiging susi sa HINAHARAP na pagbabago ng ating kapaligiran. Lagi natin isaalang-alang ang bawat buhay ng mga nilalang sa ating mundo ay isa sa pinakamagandang regalo sa atin ng Poong Maykapal kaya ito ay ating alagaan, pagyamanin, mahalin at gamitin ng nararapat. Dahil tayo’y mga dahon lamang ng isang matatag na puno.

Badtrip ka ba? Badtrip. Badtrip. Badtrip. Lagi ka na lang badtrip. Bakit ‘di mo kaya subukang huminga nang malalim at sikaping huwag gaanong magpaapekto sa mga negatibong bagay na nagaganap dito sa mundong ibabaw? Pero sabagay, mahirap nga namang gawin iyon lalo na kung tila normal na lang ito sa iyo dahil nakasanayan mo na. Sa bawat oras na lang ng buhay mo, hindi na bago ang mga hindi inaasahang pangyayari na makasisira sa maganda mong araw. Dumadating ang mga pagkakataong maiinis ka na lang sa mga taong nakapaligid sa iyo kahit na wala naman talaga silang ginagawang masama o kung meron man, hindi ka naman dapat maapektuhan kasi hindi naman ikaw ‘yung pinatutungkulan nila. Sadyang apektado ka lang talaga. Kumalma ka kasi. Naranasan mo na ba ‘yung tipong badtrip ka, tapos biglang may mga eksena pang lalo mong ikaiinis? Tulad na lang ng hindi naging maganda ‘yung araw mo tapos makakakita ka pa ng mga naglalandian sa daan habang naglalakad ka, eh bitter ka pa naman. Ang saya hindi ba? Mapapailing at maibubulong mo na lamang sa sarili mo ang sikat na katagang “walang forever, magbi-break din kayo.” Eh, yung ma-thug life ka kaya? Nagkataong wala ka pa naman sa mood. Isa pa, inis ka na nga kasi mahuhuli ka na sa klase dahil hindi ka nagising sa alarm mo, tapos pagbyahe mo, nagkataong traffic pa. Sino kayang hindi makararamdam ng kahit kaunting kayamutan kung ganoon nga? Marahil ang bawat isa ay nakaranas nang mai-stalk. ‘Yun bang inis na inis ka na kasi kahit saan ka pumunta, lagi siyang sumusunod sa iyo. Ang malala pa ay hindi ka magawang sukuan at tantanan kahit na pilit mo man siyang ipagtabuyan at ipagtulakan palayo. Ooops! Teka, hindi ito tulad ng iniisip mo. Oo, mai-stalk, pero hindi ng tao, kun’di ng problema. Tipong pagod na pagod ka na ngang tumakbo pero walang humpay kang hinahabol nito. Hindi na nga tinatanggap pero patuloy pa rin niyang ipinagsisiksikan ‘yung sarili niya sa iyo. Nagsasawa ka na. Lagi ka na lang bang masasaktan at mag-a-adjust? Nakuha pang humugot, ‘di ba? Hindi na mabilang ang mga bagay na nakasisira ng kasiyahan natin dito sa mundo. ‘Yung magtatanong ka nang maayos tapos sasagutin ka nang kung anu-ano at lolokohin ka pa; ‘yung groupings niyo pero ikaw lang naman gumagawa; ‘yung magalang at maayos kang nakikipag-usap tapos beastmode na agad siya/sila; ‘yung hindi mo maalala ang panaginip mo; ‘yung hindi mo mahanap ang hinahanap mo; ‘yung pakikielaman ang gamit mo nang walang paalam; ‘yung pagtsitsismisan ka na nga lang, mali-mali pa; ‘yung hindi na-a-appreciate ang efforts mo; at iba pa. Sa dinami-rami ng mga hindi magandang pangyayari sa buhay mo, mapapapikit, mapapabuntong-hininga at minsan mapapaiyak ka na lang sa gabi kung kailan sarado na ang mga ilaw hanggang sa makatulog ka. Aminin mo: kaya ka talaga as in naba-badtrip kasi dumarating sa punto na napapagod ka na, na nasasaktan ka na. Kung may mga bagay na humihila sa iyo pababa, isipin mo na lang na siguro may magandang dahilan kung bakit nangyayari ‘yun. Malay mo may isa palang oportunidad na naghihintay sa iyo. Lagi nga sa amin pinapaalala ni sir Cavite, guro sa MAPEH, ang salitang GRATITUDE. Ibig sabihin, ituring mo ang bawat kaganapan sa buhay mo bilang biyaya maging masaya man ang dulot nito o hindi. Lagi mo ring tatandaan na ang buhay ay parang isang malaki at mahabang kadena. Magkakakabit. Sa oras na may magalaw na isa, magagalaw rin ang lahat. Sa madaling salita, ‘yang badtrip mo, hindi lang sariling kalooban mo ang sinisira at naapektuhan kun’di pati ang mga taong nakasasalamuha mo. Sa huli, ang pinakamahalagang dapat nating tandaan upang matulungan natin ang ating sarili sa pag-iwas sa mga hindi mabuting enerhiya ay ang magdasal. Wag na wag mong kalilimutang magdasal. At lagi mong itatak sa kokote mo na may dahilan ang Diyos kung bakit mo pinagdadaanan kung anuman ang pinagdadaanan mo ngayon. Basta always think positive and never lose hope na magkakaroon ng mga kapana-panabik na eksena at may mga mapagtatanto ka na magiging rason sa muling pagkislap ng iyong mga mata. Kung badtrip ka ngayon, subukan mong pumikit at paulit–ulit na isipin ‘yung mga bagay na nagpapasaya sa iyo at ang mga taong dahilan kung bakit patuloy mong pinagsusumikapang mabuhay nang maayos. Marami namang paraan para umaliwalas ‘yang mukha mo. Makita mo nga lang si crush tapos magkatinginan kayo masaya ka na, buo na araw mo. At kung nainis ka dahil sa hindi mo trip ang mga pahayag sa parteng ito ng diyaryo, chill ka lang. Ngiti-ngiti rin ‘pag may time. Sige ka, kung laging nakakunot ‘yang noo mo, mabilis kang tatanda. Good vibes lang po tayo. ‘Wag mo nang sirain ang namumutawing ngiti sa iyong mga labi.


6 | LATHALAIN

Ni Wynona Geral

H

angad ang serbisyo para sa lahat lalo na para sa mga kabataan, nagsagawa ng marami at sunud-sunod na proyekto sa loob lamang ng maikling panahon si Kagawad Maurina Fulgencio-Magalong sa tulong ng binuo niyang Task Force on Youth Development (TFYD) at kasama ang mga opisyal ng Krus Na Ligas. Si Magalong ay chairwoman ng maraming sektor: una ay ang Task Force on Youth Development; ikalawa ay education, sports, cultural affairs and tourism; at ikatlo ay women, family and children. Mas kilala sa tawag na “Mau”, siya ay nagsasagawa ng mga aktibidad na tumutulong sa mga kabataan at sa mga kababaihan. Kaniyang binuo ang TFYD upang makatulong sa pagpapatupad ng mga proyekto at ayon na rin sa ibinabang memorandum ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pagbuo ng pansamantalang hahalili sa Sangguniang Kabataan.

Kaalaman, Kultura, Kababaihan Ang nasabing kagawad ay patuloy na nagpapatupad ng pangmatagalang programang Youth Educational Support (YES) program na ang layon ay tumulong sa mga mahihirap ngunit masisipag na estudyante sa elementarya, sekundarya at kolehiyo. Si Magalong ang sumusuporta sa mga elementarya at hayskul, habang sina Konsehal Marvin Rillo, Vice Mayor Joy Belmonte at House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte ang tumutulong sa mga nasa kolehiyo. Sa larangan naman ng pag-indak para sa kabataan, binuo at sinusuportahan ni Magalong ang KNL Cultural Dance Troupe, isang grupo na binuo niya sa paniniwalang ang kabataang mahihilig sa modernong sayaw ang siya ring may kakayahang bumuhay sa mga nililimot na folk at cultural dance. Ang grupo ay humataw ng mga katutubo at alternatibong sayaw noong Cultural Night ng pista at maging sa nakaraang QC Food Ferstival sa kalye ng Maginhawa. Ipagpatuloy sa pahina 7...


|7

lda S. Del Rosario

Tulong at pakinabang... mula sa pahina 6

Maliban sa mga kabataang may potensyal ngunit kapos sa buhay, tinutulungan ni Kagawad Mau ang mga solo parent o mga magulang na wala nang asawa, lalo na ang kababaihan, upang pag-aralin ang kanilang mga anak at ibigay ang mga basikong pangangailangan. Himno, curfew at iba pa Naghandog si Magalong ng mga instrumento para sa Krus Na Ligas High School (KNLHS) Drum and Lyre Corp. (DLC), kilala sa pangalang Royal Knights, noong 2014 at nagpondo sa musiko noong pista. Bunga ng kaniyang suhestiyon, nasulat ang himno ng barangay — ang kaisa-isang himnong pambarangay sa buong Quezon City. Ito ay likha ni Mc Kenneth Baluyot, guro sa KNLHS, at nilapatan ng musika at himig ng noo’y kura paroko ng Holy Cross Parish na si Father Ron Mariano Roberto. Upang mapanatili ang kaligtasan ng kabataan at mailayo sila sa masasamang impluwensiya, sa pamumuno ni Magalong ay ipinatupad ang “Discipline Hours” o curfew sa barangay mula alas-10 ng gabi hanggang alas-singko ng umaga simula noong Agosto 11, 2014. Huling nagkaroon ng curfew sa barangay noong panahon ng dating kapitan na si Silverio Cruz, ayon sa student publication ng KNLHS na Krusada (Oktubre-Disyembre 2002). Nakiisa rin si Magalong at ang TFYD sa paghahanda sa sakuna at pagsasanay sa tamang pamumuno nang gawin ang Barangay Disaster Risk-Reduction and Management seminar kasabay ng Leadership Training Camp para sa mga student leaders ng KNLHS at Elementary School na ginanap sa Laguna noong Nobyembre 2014. Nagsulong din si Magalong ng iba pang mga proyekto tulad ng libreng gupit ng buhok para sa mga mag-aaral sa elementarya at sekundarya tuwing nalalapit ang periodical test, at treeplanting activity sa People’s Park. Kuha nina Rachelle Anne Copina, Jessica Sarmiento, Kristian Lloyd Sagun at Jeremy Corales


8 | PANITIKAN

I

sang hindi pamilyar na pangyayari ang sumalubong sa aking umaga. Tumayo Mahigit isang oras na rin ang nakalipas at nakapag-usap na rin kami kahit ako at lumabas ng kwarto para silipin kung bakit aligaga ang mga tao sa papapaano. Madami na rin akong nalaman tungkol sa kaniya. Wala siyang kaibigan ligid ko. May nakita akong mga tao na binubuhat paunti-unti ang mga gamit dahil lumalayo sa kaniya ang mga dati niyang kaibigan dahil sa pinagbabawalan sa aming bahay at dinadala sa isang trak na nasa labas. Mukhang mangyayari na ito ng kanilang mga magulang. Malapit nang gumabi nang ihatid ko siya pauwi. nga ang ayaw ko: lilipat na kami ng tirahan. Malapit na kami sa kanila nang makita kami ng kaniyang tatay na mukhang galit. Huminto kami sa isang maliit na barangay. Mas maliit ang kanilang opisiBigla na lamang hinila at kinaladkad ng kaniyang tatay ang bata hanggang sa na kumpara sa pinanggalingan namin. Mayroong simbahan sa tapat nito at mga makarating sila sa kanilang bahay. Nang magtama ang aming paningin, napaatras nagtitinda sa magkabilang kalsada. Marami ring mga paslit na naglalaro at naako ng bahagya. Pulang-pula ang kaniyang mata na tila ilang araw nang walang ghahabulan. Inikot ko pang muli ang aking paningin at paulit-ulit lamang ang tulog. Payat din ang pangangatawan nito na halos kita na ang buto-buto. Sa kabila aking nakikita. niyang kamay, naaninag ko ang isang maliit na plastik na Nakarating na kami sa aming bagong tirahan. may puting laman. Pinaalalahanan akong muli ng aking nanay na mag-inKinabukasan, isang napakaingay na umaga ang gugat sa mga taong nakatambay sa labas na nag-iinuman mising sa akin. May malakas na sigawan, may naghahabuat walang pantaas. Wala akong ibang ginawa sa bahay lan, umiiyak, at nagmamakaawa. Pero ang mas ikinagulat kun’di ang mag-Internet, kumain, at matulog. Wala nako ay ang isang ingay na ngayon ko lamang narinig. Nang man kasi akong alam na puwede kong puntahan sa lugar na ito tinanong ko ang aking nanay, sinabi niyang may nangyayaring raid maliban sa parke na puno naman ng mga batang tuwang-tuwa sa kabilang kalsada. Ni Sophia Hannah O. Alburo habang naglalaro. Laking gulat ko ng may kumatok sa pinto namin. Pinagbuksan ko Isang linggo ang nakalipas at paulit-ulit lang ang ginagawa ko, kaya ito at at isang bata ang nakita ko. Siya ang kausap ko kahapon. Umiiyak siya na naman napagpasyahan kong libutin sandali ang maliit na komunidad na akin lumapit at mas ikinagulat ko pa ang kaniyang ginawa — yumakap siya sa akin. nang kinabibilangan. Mas malaki pala ito kaysa aking iniisip. Kung lalakarin Pinakain muna siya ng aking nanay at saka hinatid sa kanilang bahay. Nang ko ang bawat kalye na mayroon ito, mapapagod din pala ako. Pero isang bata malapit na kami sa kanila, nagmamadali siyang kinuha sa akin ng isang matandang na sa tingin ko ay nasa edad 10 ang pumukaw sa aking atensyon. Marumi babae na nagpakilalang tita niya. Kukupkupin niya raw muna ito dahil nabaril sa ang suot, tulala habang dala-dala ang kaniyang manika. Nilapitan ko siya at raid ang tatay nito. binigyan ng tinapay, ngunit tinanggihan niya ito at bigla na lamang humikbi Dahil sa nangyari, minabuti na ng aking nanay na lumipat na lang kami. na aking ikinagulat. Isang tahimik na lugar at halos wala kang maririnig na kahit ano sa bago naming titirhan.

Pagbabago

Magbabalik Ni Zyra Maree Allelee Briones

Alas-kwatro ng umaga nang unang masilayan. Tanong sa sarili, “bakit makitid ang mga daan?” Pagbaba ng sasakyan, bumungad ang simbahan. Tinanong sa sarili, “bakit ako nandito?” Sa ikalawang palapag, sa bagong tahanan, pagsikat ng araw ay aking namasdan. Tumunog ang kampana, at ang mga tao ay naglipana. Sumisilip sa bintana, ito na ang simula. Madilim pa lamang ay ginigising na ng aking ina. Hindi ba pwede na matulog muna? Biglang naalala, ako pala ay high school na. Ang dati na si Zyra ay naging si Allelee na. Sa Krus na Ligas nakahanap ng mga tunay na kaibigan Sa Krus na Ligas nakahanap ng kaligayahan Umalis lang ako panandalian, ngunit Krus na Ligas, ikaw ay aking babalikan.

Tila’y hindi ako makaalis sa aking puwesto. Tanging naririnig, tibok ng aking puso. Nadarama lamang ang malamig na lupang tinatapakan. Nasisiwalat ang nakakabulag na sinag ng dilim. Hindi ko alam kung saan ako naroroon, ako’y nangangapa’t nadadapa, unti-unting nanghihina. Binabalot ng kakaibang takot ang sistema, nadarama ang luhang dumadaloy sa aking pisngi. Nauubusan ako ng paninindigan at pag-asa. Saan man lumiko, sadyang walang matunghayan. May papatak sa aking mukha, titingin sa gawing itaas. Nawawari ko ang isang bubong na butas-butas. Nakikita ko na ang pinto ng liwanag, Abot-kamay ang kalayaan at pagbabagong inaasam. Pero ‘di naglaon, ako’y nakakulong pa rin Nakaposas sa ilalim ng dilim.

Sa Ilalim ng Dilim Ni Carlos Emillio Pablo

Umaasang may Pag-asa Ni John Lester Francisco

Ginagawa ko man ay kahiya-hiya At kahit ano pa ang isipin ng iba Pilit ko pa ring ipagsisigawan sa madla Na tanging ikaw lang ang minahal ko nang sobra

Puso mo ma’y iba ang nilalaman at tinitibok Andito pa rin ako na sayo’y hayok na hayok Na handang dumaan sa malalagim na pagsubok Upang patunayang pag-ibig ko sayo’y hindi rurupok Ang tunay na nagmamahal ay hindi napapagod Kahit abutin pa ‘kong matanda na uugod-ugod Kahit ang aking mga darili ay unti-unting mapudpod Ikaw lang ang bida na aking pinanonood Hindi pa rin ako naniniwala sa forever Sapagkat hindi pa tayo together Darating rin kayo sa panahong it’s over At ako ang iyong soon to be sweet lover.


BALITA | 9

Segregation, anti-plastic campaign, isinulong ni Kgwd. Cuevas Ni Felix Gabriel Lapuz III

Maliban sa mga karaniwang pangaraw-araw na gawain ukol sa kalinisan, nagpatupad si Kagawad Leona Cuevas, chairman of waste management and segregation ng Barangay Krus Na Ligas (KNL), ng dalawang pangunahing kampanyang pangkapaligiran — ang proper waste segregation campaign at anti-plastic bag campaign. Bagaman naipasa na ang mga ordinansa at makabubuti ang pagsunod sa mga ito para sa kalusugan at ka-

paligiran, sinabi ni Cuevas na aminado ‘Di tulad sa ibang lungsod, siyang marami pa ring mamamayan halimbawa sa Pasig kung saan hindi kiang kulang sa disiplina at hindi sumusu- nukuha ng nag-iikot na tagatapon ang nod sa mga nasabing ordinansa. basura kapag hindi naka-segregate, ang Quezon City at mga mamamayan nito Paghihiwalay at pag-aayos ay bigo sa pagpapatupad at pagsunod Ang pag-si-segregate o pa- sa ordinansa. ghihiwalay ng mga nabubulok sa hindi Maliban dito, binaggit din ni nabubulok ay hindi lamang isang pam- Cuevas na walang sariling lote ang babarangay na ordinansa kun’di ordinan- rangay na maaaring gawing segregasang panlungsod na mismong iniiutos tion pit. Ipagpatuloy sa pahina 11... ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Kgwd. Magalong, tuloy sa mga proyektong pampalakasan Ni Rachelle Anne E. Copina

Kuha ni Kristian Lloyd Sagun.

M

asayang ipinakita ng mga kabataan ang kanilang lakas sa paglalaro ng basketball at volleyball sa iba’t ibang summer sports clinic at sports competition sa barangay na muling inilunsad ni Kagawad Mau Fulgencio-Magalong ngayong 2015. Kasabay ng Linggo ng Pagkabuhay noong ika-5 ng Abril, nagsimula ang 2nd Barangay Cup — isang kompetisyon sa girls volleyball at men’s basketball sa pagitan ng mga kabataan mula sa walong purok ng Krus Na Ligas (KNL). Layunin ng nasabing patimpalak na panatilihin ang kanilang kalusugang pisikal at mental, ilayo sila sa masasamang bisyo at bigyan sila ng maayos na mapaglilibangan sa ka-

nilang bakasyon. Maliban dito, ang nasabing paligsahan ay naging daan din ng pagbubuklod ng bawat purok kung saan ipinakita nila ang kanilang suporta sa kanilang koponan at kani-kaniyang hiyawan bawat laro sa KNL Covered Court. Sa basketball league ay nasa pagitan ng 15 at 21 taong gulang ang mga kalahok, samantalang nasa pagitan ng 13 at 18 taong gulang ang kasali sa volleyball. Ang unang Barangay Cup ay ginawa noong 2014. Sa perehong taon, ginawa rin ang Barangay Cup “The Reunion” na nagtampok sa iba’t ibang mga nakalipas na manlalaro at koponan mula sa bawat purok sa panahon nila

bilang kabatan. Samantala, upang bigyang partisipasyon ang mas maraming mga bata at kabataan na hindi mapipili sa labanan ng mga purok, nagsagawa rin ang nasabing kagawad ng sports clinics sa parehong isports na nagsimula sa Abril at tumagal hanggang Mayo. Ang klinika sa basketball ay puro lalaki ang kalahok na nasa mga edad walo hanggang 14, habang volleyball clinic naman na para sa mga babae ay nasa pagitan ng edad pito at 12. Ang mga nasabing palaro ay nakapagdulot ng kasiyahan para sa lahat ng mga kabataan at nagbigay buhay sa maraming gabi ng kanilang bakasyon tuwing summer.

Katahimikan at kaayusan, pinanatili ni Kgd. W. Baluyot

A

Ni Wynona Geralda S. Del Rosario at June Ace G. Esteban

yon sa huling datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 95 porsyento ng mga barangay sa Metro Manila ay may isyu ng bentahan, pagtutulak at paggamit ng iligal na droga. Bagama’t hirap sugpuin ang isyu ng ipinagbabawal na gamot na talaga namang talamak sa maraming barangay, ginawan ito — at ang iba pang, ayon nga kay Jose Rizal, “kanser ng lipunan” — ng paraan ni Kagawad Webster “Web” Baluyot upang, kun’di man masupil, mabawasan ang perwisyong dulot nito. Ilan sa mga hakbang na ginagawa ni Baluyot, chairman of peace and order, at ng kaniyang nasasakupang Barangay Public Safety Officer (BPSO) ay ang pagpapasa ng watch list sa Anonas Police Station 9 at Camp Karingal tungkol sa mga lugar na hinihinalang pinaglulunggaan at mga taong nagtutulak ng iligal na droga sa Barangay Krus Na Ligas (KNL), saad ni Deputy Executive Officer (Ex-O) Jonathan Undan. Kanser ng kabataan Ayon kay Undan, nakikipagtulungan si Baluyot at ang kanilang mga tauhan sa pulisya at minsan ay sa pamunuan ng KNL High School (KNLHS) hinggill sa mga kabataang gumagamit ng bawal na gamot lalo na sa loob ng paaralan kung saan hindi maaaring pasukin at imbestigahan basta-basta ng BPSO. Ang administrasyon at faculty ng KNLHS, maging ang ParentsTeachers Association (PTA), ang may pangunahing direktiba sa mga mahuhuli o mapatutunayang gumagamit, nagbebenta o nagmamay-ari ng iligal na droga sa loob ng paaralan. Dagdag ni Undan, maaaring niriresolba na ng mga nasabing grupo ang isyu sa loob pa lang dahil kaunti ang bilang ng dinadala sa kanila ukol dito. Sinabi ni Undan na bagama’t napakahirap sugpuin ng isyu ng iligal na droga, patuloy ang koordinasyon nila sa mga istasyon ng pulis para mamatyagan — at masakote — ang mga nagpapalaganap nito.

Madalas din nagkakaroon ng Oplan Galugad ang pulisya, huli pagsasagawa nito ay nitong lamang ikatlong linggo ng Oktubre sa may Kalye Salvador at Santos. Ang nasabing gawain ay isang metrowide na aktibidad ng iba’t ibang kagawaran ng pulisya para hulihin ang mga sumusuway sa batas — hindi lamang ang may kinalaman sa iligal na droga kun’di sa iba pang paglabag sa patakaran. Progresibo Tinukoy ni Undan na ang tatlong pangunahing problema sa KNL ay iligal na droga, pagnanakaw, at crime against property tulad ng modus na akyat-bahay at mga magnanakaw na nagpapanggap na boarder — maninirahan lamang panandalian para hindi paghinalaan bago magnakaw. Ayon sa kaniya, naresolba nila ang mga karakas ng mga magnanakaw na ito at ang mga nag-aakyat-bahay naman na kanilang nahuli noon na mula pa sa ibang barangay. Dagdag ni Undan na sa pamumuno ni Baluyot, at na pagtulong ng dating kagawad na si Bobby Javier, ay naging mas matiwasay at maayos na ang barangay, lalo pa’t wala nang rambulan ng mga frats. Sinabi niyang kinausap at pinagsabihan nilang mga BPSO ang mga miyembro at pamunuan ng frats sa KNL hinggil sa isyu ng pagrarambulan at pakikipag-away, na tinugunan naman nang maayos ng mga grupo. Ang mga miyembro ng BPSO ay hinahati sa pang-umaga at panggabing tungkulin. Ang mga nasa morning shift sa kasalukuyan ay sina Lito Aliño, Benjie Alfaro, Jeff Gagarin, Ricardo Rolle, Elena Flores, Dennis Nailog, Joseph Bahande, Romulo Cabrera, Jocel Fajardo, David Fulgencio at Justino Sumalde. Ang mga nasa graveyard shift naman ay sina Melecio Bayta, Rhoding Arsenio, Julian Gagarin, Ramon Casipi, Cris Colina, Rommel Andrade, Ricardo Riego, Randolf Arsenio at Larry Dela Paz.


10 | BALITA Mga proyektong pangkalusugan, isinagawa sa pamumuno ni Kgwd. Melendres

U

Nina Bryle Desabelle at Sophia Hannah O. Alburo

pang pigilan ang paglala at paglaganap ng mga karamdaman, gayundin ay ipalaganap ang pag-aalaga sa kalusugan ng bawat mamamayan, nagsagawa si Kagawad Ireneo “Toto” Melendres, chairman of health and sanitation, ng mga proyektong tutugon sa medikal na pangangailangan ng mga mamamayan. Bilang pagpapakita na ang pinakamahalagang regalo sa isang pinuno ay ang kapakanan ng kaniyang nasasakupan, isa sa pinakaimportanteng proyektong isinulong ni Melendres ay ang pag-aayos ng isang medical mission sa kaniya mismong kaarawan noong ika-23 ng Mayo 2015.

Marami pa siyang inorganisa na medical at dental missions, maging pagbibigay ng mga libreng gamoit at bakuna, para masiguro na lahat ng mamamayan — mula sangol hanggang matatanda — ay mabibigyan ng kaukulang pagkalinga. Ang huling medical mission ni Melendres ay noong ika-17 ng Oktubre, at inaasahang susundan sa darating na Disyembre. Katulong si Kagawad Leona Cuevas, pinangunahan ni Melendres ang anti-dengue spraying and fumigation activity noong Agosto 6 at 18 sa buong barangay. Sumunod dito ang muling pagtutulungan ng dalawa sa clean-up drive upang malinis ang mga lugar at sulok na pamumugaran ng mga lamok na may dalang dengue.

Kuha ni Kristian Lloyd Sagu. SB birthday surprise... mula sa pahina 1

Sinundan ito ng paghahandog ng two-layered cake ng mga kagawad ng barangay habang suot ang kani-kaniyang birthday hats kasabay ang pagsasayaw sa tugtuging “Mambo No. 5”. Hindi pa rito natapos ang pagsurpresa kay Speaker Belmonte dahil inawitan siya ng “Happy Birthday” ng lahat ng mga mamamayan na nasa court sabay pag-ihip sa kandila at ang pagpapaputok ng mga party poppers.

Pinupunasan pa ang mga mata gamit ang kaniyang panyo, maluha-luhang nagpasalamat si Belmonte, kilala ng marami sa pangalang “Sonny” o “SB”, sa lahat para sa mainit na pagtanggap kahit pa umambon, at higit na pagpapasalamat sa Sanggunian na maiging naghanda ng grandiyosong sorpresa para sa kaniya.

Student journalists... mula sa pahina 1

Geralda Del Rosario (Editor-in-Chief o EIC), Phebe Judith Austria (Managing Editor), Andrea Nicole Cabiles (News Editor), Audrie January Orense (Features Editor), Felix Gabriel Lapuz III (Sports Editor), Jessa Divine Celeste Omamalin (Science Editor) at Coleen Francisco. Para naman sa KRUSADA, ang naglaan ng kani-kanilang panahon ay sina Frances Sophia Bandiola (Punong Patnugot), John Lester Francisco (Tagapamahalang Patnugot), Zyra Corrine Cabudoc (Patnugot ng Balita), Francheska Alleine Galang (Patnugot ng Lathalain), Sophia Hannah Alburo (Patnugot ng Isports), Sofia Gutierrez (Patnugot ng Agham), Rachelle Anne Copina (Punong Litratista), Joellyn Aplacador at Bryle Desabelle. Noong ika-17 ng Agosto ay tinanghal na 4th Highest School Pointer (HSP) ang KNLHS sa District Secondary Schools Press Conference. Iyon ang ikaapat na beses sa kasaysayan na pumuwesto sa limang pinakamahusay na pahayagang pampaaralan sa District IV ang KNLHS. Nag-uwi ang mga student journalists ng 20 awards — wagi sa 13 ng 16 na kategorya — sa nasabing patimpalak, ang pinakamaraming gantimpalang naiuwi ng KNLHS mula lamang sa isang contest. Hindi pa natatalo ang KRUSADA at CRUSADER sa loob ng tatlong taon. Umabot na sa 17 magkakasunod na kompetisyon ang

at ang kaniyang talumpati, naghandog din ng sariling regalo si Belmonte sa mga taga-KNL nang kaniyang ihayag na nasa Senado na — at malaki ang tsansang maaprubahan — ang petisyon para ang lupang kinatitirikan ng barangay ay maipangalan at maging pagmamay-ari na mismo ng mga mamamayan ng Krus Na Ligas. Kasunod nito, namahagi siya ng Kagamitan at lupang kinatitirikan iba’t ibang mga kagamitan — computer Matapos ang mga surpresa units, emergency kits, spine boards —

kanilang napanalunan kabilang ang limang QC-wide, limang NCR-wide at isang national competition. Ang huling beses na walang naiuwi ang pahayagan ay noon pang Nobyembre 2012 sa panrehiyong patimpalak. Mga haligi Ang journalism adviser (tagapamatnubay) ng mga student journalists sa KNLHS ay si Marsha Gatchalian-Gepiga, guro sa Ingles at dating tagapamatnubay ng pahayagan ng Quezon City Science High School. Unang pinamunuan ni Gepiga, nakatira sa Caloocan, ang KRUSADA at CRUSADER noong 2012. Si Mc Kenneth Baluyot, adviser ng Supreme Student Government ng KNLHS, ang consultant ng diyaryong pambarangay. Siya ay alumnus ng KNLHS, dating punong patnugot ng Krusada (TP 2004-2005) at valedictorian ng kanyang batch, gayundin ay aktibong naglilingkod sa simbahan at barangay. Ang Punong Patnugot ng diyaryong pambarangay ay si June Ace Esteban, kampeon sa sports writing (coverage at feature) sa National Sports Writing Competition noong 2010. Ito ay kompetisyong nilahukan ng mga pamantasan mula sa iba’t ibang panig ng bansa kabilang ang mga pahayagang The La Sallian ng De La Salle University-Taft at The Varsitarian ng University of Santo Tomas (UST). Si Esteban ay kumuha ng kursong BS Psychology sa Far Eastern University (FEU)-Manila, bagaman hindi nakapagtapos. Itinalaga siyang

Sports Editor (2011-2012) ng 80 taong gulang na pahayagang FEU Advocate (o “Advo”) matapos talunin sa pagsusulit at panel interview ang isang magna cum laude na kaagaw sa posisyon. Ang Advo ang University-wide student publication ng FEU-Manila. Ayon kay Esteban, malaki ang kaniyang pasasalamat sa pagtuturo at sakripisyo nina Melita Llacar, dating tagapamatnubay ng KRUSADA at CRUSADER, at kay Eliazar Iñigo. Sinabi niyang si Iñigo ay pumupunta noon sa KNLHS isa o dalawang beses sa isang linggo sa tuwing wala o bago siya pumasok sa klase sa UP Diliman para turuan siya — nang hindi nagpapabayad — tungkol sa sports writing. Pagdating sa kolehiyo, natuto si Esteban sa kahusayan ng 2011-2012 EIC ng Advo na si Precious Alora Velarde, ang tinanghal sa 2009 OSSEI National Conference on Campus Journalism bilang sports writing champion at pasok din sa top 10 sa copyreading and headline writing. Sumunod siyang natuto kay Lora Gene Tumulak at Maria Criselda Tan, parehong nagtapos na cum laude at co-founders ng website na The Magic Room Project o TMRP (themagicroomproject.com). Si Tumulak ay dating sports correspondent para sa Yahoo! Sports at 2010-2011 Sports Editor ng Advo, habang Features Officer-in-Charge naman si Tan ng parehong pahayagan.

sa kani-kaniyang mga kinatawan mula sa limang barangay mula sa area 13 at anim naman mula sa area 24. Ang mga nasabing mga barangay sa unang area ay Teachers Village-East at West, San Vicente, Old Capitol at UP Village, samantalang sa ikalawa area naman ay ang Central, Pinyahan, Sikatuna Village, Botocan, Malaya at ang KNL. Sa nasabing programa, naging guro ng palatuntunan si Mc Ken-

neth Baluyot, guro sa Krus Na Ligas High School. Nagsidalo rin ang ilang matataas na opisyal ng KNL High School (KNLHS) at Elementary School (KNLES), mga konsehal ng lungsod na sina Marvin Rillo, Vincent Belmonte at Atty. Bayani Hipol, Racquel Malañgen. Si Belmonte ay hinandugan ng pambungad na tugtugin ng Drum and Lyre Corp. (DLC) ng KNLHS sa paggabay ni Oscar Javier Jr.


BALITA | 11 Kgwd. V. Baluyot, tahimik na nagpatupad ng mga proyekto Ni June Ace G. Esteban

Ang daloy ng trapiko sa kalye ng Baluyot ay isang problemang kahit sinong opisyal ay mahihirapang lutasin. Isang dahilan ay ang mga nag-su-shortcut at counterflow na mga sasakyan mula at papunta sa kahabaan ng Maginhawa, C.P Garcia at Katipunan. Isa pang dahilan ang

katigasan ng ulo ng ilang mga taong hindi inaalintana ang makaperwisyo. Sa panunungkulan ni Kagawad Vicente Baluyot, chairman of traffic, transportation and communication ng Krus Na Ligas (KNL), sinabi niyang minsan nang lumuwag magdamag at araw-araw ang daloy ng

Segregation, anti-plastic... mula sa pahina 9

Sinabi pa ni Leona, asawa ng dati ring kagawad na si Felix, na isa sa maaaring gawin upang mapaigting ang kampanya ay ang mas personal na pagpapakalat ng impormasyon tulad ng pagbabahaybahay o pagkakaroon ng pulong sa mga purok na pamumunuan ng kani-kaniyang purok leader. Bawal ang plastik Katuwang si Kagawad Maurina “Mau” Fulgencio-Magalong, isinulong ni Cuevas ang anti-plastic bag campaign, isa ring kampanyang isinulong ng Quezon City government. Tulad ng naunang ordinansa, hindi ito sinusunod ng maraming mamamayan ng komunidad. Ayon sa ilang ulat at pagaaral, ang hindi paggamit ng mga plastik ay hindi lang makababawas sa dumi kung hindi pati sa gastusin sa matagalan na panahon. Kailangan mapansin na ang eco-bags ay isang beses lamang bibilhin at magagamit paulit-ulit kaya mas makatitipid kumpara sa ilang beses na pagbili ng plastik. Hiling pa ni Cuevas na kung susundin ng lahat sa pamayanan ang mga nasabing ordinansa, mapapansin ng mga tao ang sinasabi niyang mga personal at pangkapaligirang benepisyo. Oplan Kalinisan Maliban sa mga ordinan-

sang nabanggit, si Cuevas ay aktibo rin sa pagsasagawa ng declogging o ang pagtanggal ng dumi sa mga kanal. Nilinaw niya na walang malawakang baha na nangyayari sa barangay, ngunit nagkakaroon naman ng mga panandaliang mabababang pagbabaha sa mga lugar tulad sa kalye ng Kabalitang at Sitio Lambak na umaabot hanggang bukung-bukong. Isinasagawa rin ni Cuevas ang buwanang paglilinis sa barangay na “Operation Linis” — malawakang clean-up drive na ginagawa ng kaniyang grupo upang masiguro ang kalinisan ng lahat ng purok. Kasama si Kagawad Ireneo “Toto” Melendres, chairman of health and sanitation, at minsan ay pati mga kawani mula Department of Health (DOH), nagsasagawa sila ng fumigation o pag-i-spray kontra dengue sa komunidad at mga paaralan. Araw-araw naman, lalo na tuwing umaga, ay sinisigurado niyang nililinis ng kaniyang mga pinamamahalaang kawani ang mga lansangan. Ang mga street sweepers at decloggers ay kinilalang sina Marta Albaña, Jesus Salvacio, Cristina Del Valle, Ma. Luisa Pascual, May Lati, Reynaldo Desuloc, Concepcion at Amelia Santos, Florencio Santos, Mark Mapa, Ferdinand Urbano, Erlinda Tila, Alquen Molejon, Ma. Cristina Solana at Alejandro Carvajal.

trapiko sa kanto ng Baluyot. Katuwang ang dating kagawad na si Bong Abrena, nagpatupad si Baluyot nang mahigpit na ordinansang nagbabawal mag-parking ng mga sasakyan sa kalyeng nabanggit noong kaniyang unang termino, na ‘di kalaunan ay ginawa na lamang oneside parking. Ayon sa kaniya ay nawalan nang lakas ang ordinansa noong hindi na muling mahalal si Abrena, kasabay nang pagtangging makipagtulungan ng mga may-ari ng mga tow truck, kakapusan ng sariling pondo at ilang tao na may paraang makalusot sa batas-trapiko. Magkagayon man, sa dalawang termino ni Baluyot, kilala sa tawag na “Vic”, ay epektibo niyang napatupad ang one-way traffic scheme sa mga kalye ng Lt. J, V. at P. Francisco, gayundin sa kanto ng Santos. Maliban sa mga ito, may ilang mga ordinansa pang ipinanukala at batas na ipinatupad ang kagawad na hindi niya pinalagyan ng kaniyang pangalan. Sinabi rin niyang huwag nang tukuyin pa sa balita ang mga ito dahil hindi niya hangad na ibalandra ang kaniyang mukha at pangalan sa mga serbisyong kaniyang ibinibigay sa mga kababayan. 11 programang... mula sa pahina 3

kop nang malaking puwesto ng mga nagtitinda sa kalye. Hinihiling ni Jose na magkaroon ng disiplina ang mga nagtitinda at huwag sakupin ang daanan dahil hindi naman nila ito pagmamay-ari. Dagdag pa niya ay parami nang parami ang mga nagrereklamong may-ari ng tindahan at may sariling puwesto na humihiling gawan ng paraan ang mga nagtitindang walang business permit. Maliban sa hindi magandang

Pagpapaunlad sa mga... mula sa pahina 3

cio hanggang P. Franciso na nagsimula nitong buwan ng Mayo hanggang Agosto. Isa pa sa natapos niyang proyekto noong Mayo ng taong ito rin ay ang pagsasaayos ng opisina ng mga kagawad sa unang palapag ng Barangay Hall. . Noong Hunyo ng nakaraang taon, sa pamumuno ni Fulgencio ay binago ang pangalan ng Antipolo Street at pinalitan ng T. Fulgencio Street. Marso rin ng nakaraang taon, pinalitan ang mga luma at nangangalawang na mga bubong, nilinis at inayos ang sahig at pinapinturahan ang mga bintana ng burulan sa kalye ng Flores at Sitio Lambak upang magmukang bago ang isang palapag na gusali. Ngayong taon, pinaplano niya ang muling pagpapagawa rito upang lalo pang mapaganda ang nasabing burulan. Sa pagkakataong ito, palalakihin at palalawakin pa ang gusali, gagawin nang air-conditioned at maglalagay pa rito ng karadagang palapag. Natapos na niya ang pagsasaayos ng ilang mga poste ng ilaw na hindi na gumagana sa kalye ng Angeles. Sa panahon ng pagsulat ng artikulong ito, nakabitin ang pagtatapos sa walo pang poste sa Kalye Baluyot na hawak

ng Quezon City Hall at apat pa sa sa Kalye Eugenio at Kalye V. Francisco na sinasabing hawak naman ng Meralco. Inaasahang maitatawag ni Fulgencio sa PLDT at Bayan Tel ang pagpatatanggal ng mga inabandunang kawad na nagdudulot ng hindi maayos na pagdaloy ng mga umaandar na linya at mabibigyan ng kalutasan ang problema sa pagkakabuhol-buhol ng mga kable ng kuryente na pinapangambahang maging sanhi ng sunog. Nito lamang gabi ng ika28 ng Oktubre ay pumutok ang isang transformer sa may Kalye Lt. J. Francisco na nagdulot ng blackout sa ilang mga kabahayan sa nasabing lansangan. Sa sumunod na araw ay inayos ng mga kawaning linesmen ng Jonas Electric Contractor ang mga linya ng kuryente sa intersection ng Kalye P. Francisco at Tiburcio.

makita ang pagsisiksikan sa daan at pagkakaroon ng masikip na daloy ng trapiko, hindi ikinatutuwa ni Jose at ng mga nagrereklamo na ang mga mamamayan ng KNL na may mga kaukulang dokumento para magtinda ay bawas ang kita dahil sa mga sidewalk vendors na walang permit at karamihan ay dayo pa mula sa ibang lugar. Hindi tulad sa ibang lungsod at barangay na puwersahang pinalalayas ang mga sidewalk vendors at sinisira o kinukuha ang kanilang mga

paninda, mas may pang-unawa at puso si Kagawad Jose. Umaasa siya na matutong sumunod sa ordinansa ang mga nasabing nagtitinda. Sa isang banda, sinabi niya na ang pagkakaroon ng banchetto rito sa komunidad ay magbibigay oportunidad sa mga lokal na entrepreneur na magkaroon ng dagdagkita. Higit pa rito, ang pagkakaroon daw ng banchetto, ayon kay Jose, ay maaaring makapang-engganyo ng mga taong madalas mapadpad sa kalye ng Maginhawa.

Tala ng Patnugot: Isang linggo matapos isulat ang balitang ito, lahat ng nasabing poste ng ilaw sa mga Kalye Baluyot, Eugenio at V. Francisco ay gumagana nang lahat. Ang pumutok na transformer ay nakita mismo nang may-akda dahil ang kanilang tahanan ay nasa tapat lamang nito.


12 | BALITA

Bagong gusali ng KNLHS, pinasinayaan na! N Ni Frances Sophia R. Bandiola

agbunga rin ang halos dalawang taong pagpaplano at paghahanda sa pagpapatayo ng gusali na gagamitin ng mga mag-aaral ng Krus Na Ligas High School (KNLHS) na siguradong magdudulot nang mas matatag at mas magandang kalidad ng edukasyon sa mga kabataan. Pinasinayaan ang may apat na palapag at 12 silid-aralang PAGCOR building nito lamang ika-16 ng Oktubre 2015. Ito ay dinaluhan ng ilang mahahalagang panauhin kabilang sina House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. at ang chairman and chief executive officer (CEO) ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na si Cristino Naguiat. Sinalubong din nang mainit na pagtanggap si Belmonte ng mga guro, suot-suot ang kanilang uniporme para sa World Teachers Day at ng mga magaaral na may kaniya-kaniyang hawak na flaglets na may nakasulat na “#SBpamore” at “I <3 SB”. Pinangunahan ni Belmonte ang ribbon-cutting kasunod ang paglalahad

ng kani-kaniyang talumpati. “Iisa lang ang standard natin dito [sa Quezon City]. Ano ang standard na iyon? Excellence,” ang pinakamalakas na pahayag ni Belmonte sa kaniyang talumpati. Noong si Belmonte pa ang mayor ng Quezon City, pinangalanan siyang “Outstanding Mayor of the Philippines” sa 2003 Local Government Leadership Awards. Sa kaniyang unang termino ay binansagan ang lungsod bilang “Richest City in the Philippines” nang hinigitan ng QC ang revenue ng Lungsod ng Makati, ang taun-taong pinapangalanang pinakamayamang lungsod sa bansa. May deficit noon ang Quezon City na mahigit 10 milyong piso, ngunit simula nang maupo siya sa puwesto noong July 2001 ay nagkaroon na ang lungsod ng tatlong bilyong pisong cash balance, ayon sa ulat ni Mc Kenneth Baluyot sa Crusader,

ang opisyal na student publication sa Ingles ng KNLHS, na lumabas noong Enero 2004. Samantala, tinalakay ni Naguiat sa kaniyang talumpati kung paanong ang bawat isang gusaling itinatayo para sa sektor ng edukasyon ay pinananatili ang pag-asa sa mga kabataan. Gayundin, pinaalalahanan niya ang mga guro na pangalagaan ang mga silid-aralan at pinayuhan ang mga estudyante na dagdagan pa ang oras sa pag-aaral.

Kuha nina Rachelle Anne Copina at Jessica Sarmiento


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.