Matapos pangalanang pinakamahusay sa NCR
Estudyante ng KNLHS, kinilalang isa sa pinakamagaling na student journalist ng bansa Bagaman maliit at pampubliko lamang, unti-unting nakikilala sa buong bansa ang Krus Na Ligas High School (KNLHS) sa larangan ng pamamahayag o journalism dahil sa mga makasaysayang mga panalo ng mga Crusaders. Kasama sa 4,794 kinatawan ng 17 rehiyon sa Pilipinas, tinanghal si Sophia Hannah Alburo na isa sa pinakamahusay na sports writer sa buong bansa matapos kunin ang panganim na puwesto sa National Schools Press Conference (NSPC) na ginanap sa Koronadal, South Cotabato mula Pebrero 22 hanggang 26, 2016. Matapos ang 16 na taon Isang estudyante pa lamang sa kasaysayan ng KNLHS ang nagwagi sa indibidwal na kategorya ng NSPC. Bago ang panalo ngayong taon, ang huling Crusader na nakapuwesto sa pambansang paligsahan ay si Edmon Martin noong 2002 sa General Santos City. Tinapos ni Alburo ang 16 na taong paghihintay na may muling manalong Crusader sa indibidwal na kategorya ng NSPC matapos manalo
sa kompetisyon sa sports writing sa midyum na Filipino. Ang kanilang pinanood at ginawan ng artikulo ay archery. Mas mataas na karangalan din ang nakuha ni Alburo kumpara kay Martin. Inuwi ni Alburo — kasalukuyang Patnugot ng Isports ng pahayagang KRUSADA — ang 6 th place sa Pagsulat ng Balitang Pampalakasan, habang si Martin ay nagwagi ng 7 th place sa Pagkuha ng Larawang Pampahayagan.
Sa tuktok ng NCR Bago ang NSPC, inuwi ni Alburo ang gintong medalya mula sa National Capital Region Secondary Schools Press Conference (NCRSSPC) noong ika-5 ng Disyembre 2015. Siya lamang ang tanging Crusader at tanging estudyante ng KNLHS sa kasaysayan na pinangalanang kampeon sa NCRSSPC. Sa kabila ng malalaking panalo, walang nag-akala kaibigan o kaklase na kaya ni Alburo
na maging pinakamagaling sa buong NCR at maging isa sa pinakamahusay sa buong Pilipinas. Nagsimula si Alburo maging Crusader — tawag sa journalist mula KNLHS — ng KRUSADA (opisyal na student publication ng KNLHS) noong taongpampaaralan 20142015. Hindi tulad ng mga kasabayan niya na madalas manalo, bago siya tanghaling kampeon ng NCR ay isang beses lamang siyang nanalo sa dalawang taon.
Ito ay noong iuwi niya ang ikapitong puwesto sa 2015 District SSPC bago mabigong makapasok sa Top 10 ng Quezon City SSPC. Gayon man, ipinakita ni Alburo na kung may dedikasyong magsanay nang husto at mahirapan para gawing pulido ang mga kakayahang ipinagkaloob ng Diyos, magagawang makabangon sa kabiguan at magsulat ng isang makasaysayang panalo na hindi makakalimutan.
Ang mga larawan ay kuha nina Rachelle Anne E. Copina at Jessica G. Sarmiento. Ang ibang mga larawan ay mula sa iba’t ibang Facebook accounts ng mga NSPC delegates.
2
BALITA
Tomo II Bilang 1 | Marso 2016
Seminar para sa mga PWDs at senior citizens, ginawa sa Bulacan “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan,” saad ni Gat Jose Rizal. Bago pa man ang mga kabataan ng kasalukuyan, una nang pinunlaan ng karunungan at inaruga ang pamayanan ng mga ngayo’y matatandang
mamamayan na kailangan ngayon ang hele ng lipunan. Bilang pagkilala at pagpapahalaga sa mga buhay na aklat ng kasaysayan, ang mga senior citizens ng Barangay Krus Na Ligas (KNL) kasama ang mga persons with disabilities (PWDs) o mga may kapansanan ay
dinala sa isang seminar sa Bulacan. Ang seminar — tinawag na Healthy Getaway and CapabityBuilding Seminar for Senior Citizens and Persons With Disabilities — ay ginawa para tulungan ang mga nasabing mamamayan na magamit ang kanilang kapasidad na
LGBT League at Mothers’ Cup, ikinasa ng TFYD at ni Kgwd Mau
Bilang pagsuporta sa mga lesbians, gays, bisexuals at transgenders (LGBT) sa Barangay Krus Na Ligas (KNL) gayundin para mabigyang atensyon ang mga nanay, nagkasa ng dalawang volleyball tournaments ang isang grupo ng kabataan at isang kagawad. Sa pangunguna ng Task Force on Youth Development at ni Kagawad Magalong, isinagawa ang LGBT One-Day League Volleyball Tournament para sa mga LGBT ng KNL mula sa iba’t ibang purok noong ika-14 ng Pebrero sa Sitio Lambak Covered Court. Ang nasabing kompetisyon ay tinampukan ng pagsasanib ng mga kalahok mula sa iba’t ibang purok upang makabuo ng
bunga ng karanasan para sa kapakanan nila at ng KNL. Maliban dito, pinagusapan din ang badyet ng mga senior citizens at PWDs, kung saan isang bahagdan ang ilalaan mula sa kabuuang taunang badyet ng barangay na paghahatian ng dalawang nasabing grupo. Dumalo sa nasabing capacity-building seminar ang focal person ng PWDs na si Matthew Kevin Naval, coordinator ng PWDs na si Adora Revilloza at
ang kura paroko ng Holy Cross Parish na si Rev. Fr. Marvin Pajarillaga. Naroon din bilang panauhin at tagapagsalita ang isang opisyal mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) at ang kalihim ng lokal na pamahalaan ng Quezon City. Kasama rin ang Sangguniang Barangay sa nasabing seminar gayundin si Mc Kenneth Baluyot na tumayong host ng programa.
Mga nasunugan sa Bagong Taon, tinulungan ng Council Pagtanggap at pagsasaya. Masayang nag-pose para sa isang larawan ang mga kalahok sa LGBT Volleyball Tournament at ang nag-organisa na si Kagawad Mau Magalong. (Larawang kuha ni Kristian Lloyd Sagun)
sariling koponan. Ang liga ay nagsimula sa ikawalo ng umaga at natapos sa ika-10 ng gabi. Ang lumahok sa nasabing liga ay 42 miyembro ng LGBT community sa KNL. S a m a n t a l a , ang Mothers’ Cup na naglayong bigyan ng ibang pagkakaabalahan ang mga nanay ng bawat purok ay pinasimulan noong Pebrero at natapos sa unang linggo
ng Marso. Karamihan ng mga laro sa pagitan ng mga purok ay ginanap sa Plaza Covered Court. Tinanghal na kampeon sa Mothers’ Cup ang Purok 2 na sinundan naman ng first runner-up na Sangguniang Kabataan batch 1996 o kilala bilang SK’96. Pangalawa at pangatlong runners-up naman ang Purok 1 at Purok 7, ayon sa pagkakasunod.
tinatawag ngayong YouCat Filipino, ay naglalayong tulungan ang mga kabataang Pilipino na mas madaling matutunan at maunawaan ang katekismo ng Simbahang Katoliko. Ayon sa panayam ni Raymond Sebastian mula sa pahayagang Catholic Bishops Coference of the Philippines (CBCP) News, sinabi ni Baluyot na isang magandang karanasan ang tagumpay na maisalinwika ang libro sa gitna ng kaniyang
trabaho bilang guro. Si Baluyot ay nagtuturo ng ekonomiks sa KNLHS, adviser (tagapayo) ng unang pangkat sa ika-10 baitang at ng Supreme Student Government ng paaralan, at volunteer na Christian Living educator sa Miriam Adult Education. Maliban sa mga ito, aktibo rin siya sa paglilingkod sa Parokya ng Holy Cross (Holy Cross Parish) at sa pamayanan katulong ang Sangguniang
Tumanggap ng tulong mula sa mga opisyal ng barangay at lokal na pamahalaan ng lungsod ang 12 pamilyang mula sa kalye ng Tiburcio Extention na nasunugan ng tirahan at ari-arian noong Bagong Taon. Binigyan ang mabawasan ang gastusin. nasabing mga pamilya ng Ang nasabing tulong mga grocery items tulad ng ay nanggaling sa konsehal mga de lata, bigas,instant ng lungsod na si Marvin Rillo noodles, at pancit canton at mga kumakandidatong gayundin ng mga saplot tulad konsehal na sina Al Flores at ng mga pinaglumaang damit Irene Belmonte katuwang ang upang kahit panandalian ay Sangguniang Barangay.
Guro ng KNLHS, kinilala sa pagsasalinwika ng internasyunal na libro ukol sa katekismo
Patuloy na pinatutunayan ng Krus Na Ligas High School (KNLHS) na marami itong mahuhusay na guro. Noong nakaraang taon, kinilala si Mc Kenneth Baluyot dahil sa kaniyang husay sa pagsasalin sa wikang Filipino ng internasyunal na librong Youth Cathechism (YouCat), kung saan may foreword (paunang salita) ang dating Santo Papa na si Pope Benedict XVI. Ang nasabing libro,
Tulong-tulong. Nagpaabot ng tulong ang mga kawani ng barangay, mga opisyal ng lungsod at mga kagawad ng Krus Na Ligas sa mga nasunugan ng tirahan at ari-arian noong nakalipas na Bagong Taon. (Larawang kuha ni Kristian Lloyd Sagun)
Barangay (Barangay Council). Si Baluyot, dating valedictorian ng KNLHS at KNL Elementary School at dating journalist ng pahayagang CRUSADER sa hayskul, ay pinili ng Claretian Communications Foundation para isalinwika ang libro dahil na rin sa rekomendasyon ni Rev. Fr. Jonathan Bitoy.
ANUNSYO:
Ang internasyunal na librong Youth Cathechism (YouCat) na isinalinwika ni Mc Kenneth Baluyot ay makikita sa Claretian Bookstore sa # 8 Mayumi Street, U.P. Village, Diliman. Maaari ring tumawag sa (02) 921-39-84 o 922-00-11.
Tomo II Bilang 1 | Marso 2016
EDITORYAL
3
EDITORYAL
Puntod at de latang puro uod
“Great leaders don’t seek power, they’re called by necessity. (Ang mga dakilang pinuno ay hindi hinanap ang kapangyarihan, sila ay tinawag ng pangangailangan.)” — Johanna Reyes Sa paparating na pambansang halalan sa Mayo, ang dalawang pinakamataas na upuan sa ating lipunan ay pag-aagawan — limang katao ang nagtutunggali para sa pagkapangulo at anim naman para sa pagiging bise-presidente. Nasa atin, tayong mga ordinaryong mamamayan, nasa atin ang kapangyarihan na iluklok ang dalawang taong maaaring sumira pang lalo o bumuo mula sa napipintong pagguho ng ating bayan. Ang pangungusap sa itaas tungkol sa mga “dakilang pinuno” ay mula sa nobela at pelikulang Allegiant sa ilalim ng trilogy na Divergent. Akma ito sa ating pagmumuni sa kung sino talaga ang nararapat na mamuno sa Pilipinas at kung bakit sila karapat-dapat. Ngunit ang pagsuri sa pinakakarapat-dapat na pinuno ay parang paghahanap ng pinakamagandang bituing meron sa langit. Walang sigurado. Walang eksakto. Ang tanging masisigurado natin matapos ang eleksyon ay ito — magkakaroon ng MALAKING PAGBABAGO. Kung masama o mabuti man pagbabagong iyon, ‘yun ang walang makapagsasabi. Maliban dito, haharap sa mga MALALAKING PAGSUBOK ang susunod na pinuno. Ang pinakamalaking isyu ay ang West Philippine Sea kung saan napakarami nang kinamkam na teritoryo ang China, tinayuan ng mga basemilitar, meron ng mga surface-to-air missiles ang mga Tsino at binabakuran ng malalaking barko ng Chinese Coast Guard. Labag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang ginagawa ng China. Hanggang ngayon ay halatang takot ang gobyernong Tsino na daanin sa ligal na proseso ang agawan sa teritoryo dahil hindi ito lumahok sa mga ginanap na pagdinig ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands. Nariyan din ang mga problema sa pampublikong transportasyon tulad ng MRT na madalas tumirik at ang pangforever na daloy ng trapiko sa EDSA, na nagpapaisip sa ilang kababayan kung saan nga ba napupunta ang ibinabayad na buwis. Dapat ding talakayin muli ang pagtaas ng sahod ng kaguruan at ang dagdag na pensyon ng mga SSS beneficiaries na parehong hindi inaprubahan ng kasalukuyang pangulo, gayundin ang pagsisiyasat sa modus na tanim-bala sa NAIA. Bigyan diin din ang paggalugad sa katarungan at panagutin ang dapat managot sa pagpatay sa 44 na police commandos mula sa Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF). Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit mawalan ng gana — at tiwala — ang mga mambabatas na ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Gayundin, dapat aksyunan ang lumalalang krisis sa pagbabago ng klima (climate change) na pinatitindi pa nang walang habas na pagmimina at pagkalbo sa mga kagubatan at kabundukan para kumita nang limpak-limpak na pera. Lahat ng problemang ito at iba pang hindi ko alam, itong mga ito ang dapat harapin, suriin at pamunuang aksyunan ng susunod na mga lider ng ating bayan.
Kung sino man ang nais iboto ng bawat isa sa atin, sana pag-isipan natin nang mabuti kung ang iboboto ay isang PUNTOD o, kakatwa man gawing paghahambing, ay isang DINUGUAN. Ang kumakandidato bang ito ay puntod na sa panlabas lang ang kagandahan ngunit may pilit itinatagong nabubulok na kalooban? Ang kandidato bang ito ay maihahalintulad mo sa isang dinuguan na kahit mukhang nakakasuka ang panlabas na kaanyuan ay magbibigay sa iyo ng sarap at kabusugan? Kaya sana... huwag natin ipagbili ang ating mga boto. Huwag sana tayong masilaw sa mga pangako dahil kahit ang pinakamatibay na bubong o ang dingding at kisame sa ating mga bahay, kahit gaano man katibay ay nabubutas, nagbibitak at nasisira sa paglipas ng panahon at sa pagharap sa iba’t ibang hamon. Huwag sanang LIMANDAANG PISO LANG ANG KATUMBAS NG IYONG BOTO — at buhay — na ibibigay sa mga taong maaaring kumita nang milyon-milyon sa loob ng anim na taon na pag-upo sa pinakamataas na posisyon. Dahil ang pagbebenta ng boto ay parang pagbili ng isang napakamurang de lata sa halagang bente-singko sentimo — de lata na magtatawid sana sa atin mula sa gutom na inihatid ng ilang nagdaang administrasyon at ilang sinayang na pagkakataon. De latang sa ating pagbukas ay tatambad ang katotohanan na puro uod ang laman at tayo, tayong mga ordinaryong mamamayan, ay hindi makikinabang ngunit pinakinabangan lang. Hindi ka ba nagsasawa na pakinabangan lang? Nasa atin, tayong mga ordinaryong mamamayan, nasa atin ang kapangyarihan para iluklok ang mga taong sa tingin natin ay totoong makabubuti sa ating buhay at bayan. Tayo — tayong mga ordinaryong mamamayan — nasa atin ang isang hindi ordinaryong kapangyarihan: isang botong higit pa sa kumpol nang malulutong na tig-li-limandaan.
Lupon ng Patnugutan Mc Kenneth Baluyot Tagapayo ng Lupon Chimberly Anne Palacio Michael Alvarez Administrative Staff Frances Sophia R. Bandiola Punong Patnugot ng KRUSADA Johanna Alexandra Marie G. de Jesus Tagapagdisenyo Äugustine Donnell Mitra Cartoonist June Ace G. Esteban Punong Patnugot
4
LATHALAIN
Ni June Ace Sa kabila ng panlilibak, paninisi, mga hirap, lungkot at sakit na ipinaranas sa Kaniya, nagmahal Siya. Minahal ka Niya sa gitna ng mga panahong hindi mo Siya magawang mahalin kun’di buntungan lang ng poot at parating sisihin. Ito ang tanging kuwento kung saan ang bayani ay namatay para sa mga itinuturing Siyang kaaway. Ito ang istorya kung saan ang pambabastos, pagkamuhi, pagkasuklam ay sinagot ng pusong mapagtiis at kabutihan. Ito ang istorya kung saan ang mga ibinatong samu’t saring masasakit na salitang walang katotohanan ay sinagot ng pagtitiis, pang-unawa at kapatawaran. Ito ang ating istorya. Ito ang Semana Santa... Linggo ng Palaspas (o Domingo de Ramos) Pag-alala sa pagdating ni Hesus sa Herusalem sakay ng isang buriko (donkey) at pagsalubong sa Kaniya ng mga taong naroroon sa Panahon ng Paskwa na sumisigaw na Siya ang Messiah o tagapagligtas. Ang buriko ay simbolo ng pagpapakumbaba (humilty) na sumasalamin din sa Kaharian ng Diyos sa Langit. Sa isang banda, ito rin ay salamin ng Diyos mismo na nagkatawang tao, na hinayaan ang sarili Niya at piniling maranasan ang nararanasan ng mga ordinaryong tao, maranasang masaktan, madapa, masugatan, pintasan at ipagtabuyan. Gayundin, matapos nito ay ipapakita ang pagbangon, pagtayo at pagpapatuloy mula sa mga masasakit na karanasan. Ang kabalintunaan nito ay ang mga taong sumalubong sa Kaniya sa Herusalem at tinawag siyang Messiah ay siya ring mananakit at mang-iiwan sa Kaniya, sa puntong isisigaw na patayin siya.
Huwebes Santo
Pag-alala sa Huling Hapunan ni Hesus kasama ang labindalawang apostol, ang paghuhugas sa kanilang mga paa, ang unang tala ng Komunyon o paghahandog ng Eukaristiya, ang pagtatraydor ni Hudas Iscariote at ang pagdarasal ni Hesus habang natutulog ang mga apostol. Ito ay ukol sa pag-alala sa huling salo-salo ng mga tagasunod ni Hesus na matagal Niyang nakasama sa samu’t saring hirap at paglalakbay. Gayundin, ito ay pag-alala sa “bagong”mandato o utos na ibinigay ni Hesus: ang pagmamahal sa isa’t isa, pagmamahal sa kapwa.
Biyernes Santo
Pag-alala sa paglilitis, pagpapakasakit, pagpapako sa krus at paglilibing kay Hesus sa pamamagitan ng Senakulo at ang kaniyang huling pitong salita o Siete Palabras. Isa ring mahalagang bahagi ng araw na ito nang Santo Entierro, ang yumaong Hesus na nakahiga. Ang krus, ayon sa mga tala at dokumentaryo, ay isang parusang nakalaan para sa pinakamasasahol na kriminal na gumawa ng mga
Tomo II Bilang 1 | Marso 2016
5
e G. Esteban pinakakahindik-hindik na krimen. Ang kabalintunaan nito ay ipinapatay ang isang walang pagkakasala para iligtas ang lahat sa kanilang mga kasalanan. Simbolo ang araw na ito ng kadiliman habang “walang” Diyos. Sa mas personal na pagpapakahulugan, sumisimbolo ito sa kadilimang bumabalot sa mga tao kung itinuturing nilang patay ang Diyos sa kanilang mga buhay. Ang mga misa sa araw na ito ay madalas nagtatapos sa kadiliman kung saan, sa ilang pagkakataon, ang kandilang sumisimbolo sa pagkamatay ni Kristo ay inilalabas sa sanktuwaryo. Madalas, nagtatapos din ang misa sa isang malakas na ingay na sumisimbolo sa pagsasara ng libingan ni Hesus, at susundan ng tahimik na paglisan ng mga nagmisa.
Sabado de Gloria
Pag-alala, pangungulila at paghihinagpis dahil sa “pagkamatay”ng Diyos at pananatili ng katawan sa libingan. Sa araw na ito pinagninilayan ang kadiliman sa isang mundong walang Diyos, sa kasalukuyan man o sa hinaharap. Sa araw rin na ito ay ginugunita ang mga yumaong kamag-anak, kaibigan at mga mahal sa buhay. Gayundin, ang araw na ito ay isang “paghahanda” para sa muling pagkabuhay.
Linggo ng Pagkabuhay
Pagsasaya at pagdiriwang sa pagkabuhay muli ni Hesus sa pamamagitan ng Salubong sa umaga, kung saan magtatagpo ang Birheng Maria at si Hesus sa isang nakatakdang lugar na tatayo bilang Galilea, madalas ay sa tapat ng simbahan. Ang Birheng Maria ay nakasuot ng itim na belo bilang simbolo ng pagluluksa at paghihinagpis. May darating na isang babaeng anghel, aawit ng Regina Coeli at tatanggaling ang belo ng Birheng Maroia. Mula roon, siya ay tatawaging Nuestra Senora de Alegria (Our Lady of Joy), kung saan sasabuyan na ang estatwa ng mga confetti at bulaklak. Huhudyatan ito nang sunod-sunod na pagpapatunog ng mga kampana at minsan pa nga ay pagpapaputok , na susundan ng misa. Ito ang araw na ipinakita ng Hesus na siya ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Ito ang istorya kung saan ang pambabastos, pagkamuhi, pagkasuklam ay sinagot ng pusong mapagtiis at kabutihan. Ito ang istorya kung saan ang mga ibinatong samu’t saring masasakit na salitang walang katotohanan ay sinagot ng pagtitiis, pang-unawa at kapatawaran. Ito ang Semana Santa, paalala na mahigit dalawang libong taon na ang nakararaan, hindi sumuko ang Diyos sa tao kahit iniwan at pinagkaisahan na Siya; pagpapaalala sa isip, puso at kaluluwa na ang tao ang sumusuko sa Diyos kapag hirap na hirap na sila. Paalala na mahal na mahal ka Niya sa kabila ng minsan o ilang ulit na pang-iiwan mo sa Kaniya.
6
BALITA
Tomo II Bilang 1 | Marso 2016
Isang pakiusap mula sa isang ‘kalaban’ Isa akong “kalaban” at ako’y may pakiusap... ***** Nais ko pong humiling na sa darating na taongpampaaralan (school year) ay maresolba — sa pamumuno ng mga kinauukulan na SSG, PTA at School Administration — ang problemang pinansyal ng isang partikular na grupo. Kung hindi man, sana po ay mabawasan ito nang malaki. Para sa mga estudyante, magulang, ilang mga guro at ilang mismong mga Crusaders, HINDI PO IBINEBENTA o IPINAGBIBILI ang diyaryo sa halagang 90 piso. Hindi po tama sabihing ipinagbibili o ibinebenta. Ito po ay contribution at may kaukulang pinatutunguhan ang bawat sentimo sa halagang iyan. Ayon sa DepEd Order No. 41 series of 2012, bawal mangolekta ng kahit anong fees mula kindergarten hanggang grade 4 sa anumang bahagi ng taon. PERO mula grade 5 at pataas, maaari at awtorisado ang koleksyon simula sa buwan ng Agosto sa bawat taong-pampaaralan. ***** Nag-uwi ng mga makasaysayan at bigating mga parangal ang Krus Na Ligas High School (KNLHS) sa nakaraang NCR Regional Secondary Schools Press Conference (NCRSSPC) noong Disyembre 2015 at National Schools Press Conference nitong Pebrero 2016. Nagawa ito sa kabila ng kulang na tulong at suportang natanggap. Kung maliliit na pagwawagi ang ating pinaguusapan, kung hanggang pandistrito lamang ang napananalunan ay kauna-unawa ang uri at dami ng “tulong” na natatanggap ng pahayagang CRUSADER at KRUSADA, ang mga opisyal na student publications ng KNLHS. Ngunit simula noong taong-pampaaralan 2013-2014, sunod-sunod ang malalaking panalo ng mga Crusaders (tawag sa mga student journalists mula sa KNLHS). Mula sa Mini-District Press Conference noong 2013 hanggang NSPC 2016, tatlong taon po nag-uuwi ng mga karangalan ang mga pahayagan. ‘Yun po ay katumbas ng dalawampu’t isang (21) sunodsunod na panalo. Kabilang sa mga panalo ang limang pandibisyong patimpalak, anim na panrehiyong
paligsahan at dalawang pambansang kompetisyon. Hindi napaglalaanan nang marapat, kinakailangan, makatarungan, sapat at katumbas na suporta ang mga buwisbuhay na gawain at karangalang ibinibigay ng adviser na si Marsha Gepiga (mula sa Caloocan) at ng kaniyang mga “anak” na journ students. (Hindi po “Journal” kung sino man ang nagsabi noon n’un na may masamang tinapay) Ito’y mga buwis-buhay na gawaing nagpakilala sa Krus Na Ligas mula sa pagiging “Saan ‘yung lugar niyo?” o “Saang school ‘yun?” na naging mga bulungan ng mga guro at estudyante ng ibang paaralan na “Magaling ang school na ‘yan” at “Ui, taga-KNL, malakas ‘yan.” Ito’y mga bulong na maririnig sa bawat paligsahan sa pamamahayag (journalism) na magpaparamdam sa’yo na nagkaroon sila ng respeto hindi lang sa’yo bilang indibidwal at sa iyong kakayahan kun’di respeto’t paghanga mula at para sa iyong pinanggalingan at sa mga nagturo sa’yo. “Naging pugad ka nang aming kamalayan / Pinagyaman mo ang murang isipan / Ng kabataan sa ating paaralan / ay maging mabuting mamamayan / Integridad at katapatan / yaman ay karunungan... Paaralang Sekundarya / Mahal Kong Krus Na Ligas...” Ito ay mga linya mula sa Himno ng KNLHS na likha ni Mc Kenneth Baluyot. (Sana ay alam pa ito ng mga Krusians lalo na ng mga grade 10) Ipinapakita po ng mga Crusaders ang pagmamahal sa paaralan sa bawat panalo. Pero marami po silang — kaming — hindi mabubuting naririnig at masasamang karanasan sa kabila ng lahat ng kabutihang dinala naman sa paaralan. I think the alumni who continue to assist — financially, emotionally, and skills-wise as well as through allowing us to use their place and lend us their personal gadgets — feel the same way. Marahil ay maiinis, magagalit at maiinsulto kayo sa akin dahil sa kolum na ito, ngunit sana po ay malaman, maunawaan at maaksyunan ang mga pagkukulang sa susunod na taong-pampaaralan. Para po sa mga maninira na naman sa akin at sa amin, kilalanin niyo po muna kami bago kayo maniwala sa mga ikukuwento sa inyo. Bakit hindi niyo kausapin ang taong tunay na
Isulong ang progreso
nakakaalam ng kanser na untiunting nag-me-“metastasize”? Isa akong kalaban dahil kalaban akong itinituring. Isa akong kalaban dahil ako’y patuloy na sinisiraan at agad namang naniniwala ang mga taong walang alam sa katotohanan maliban sa nakikita ng mata at sinasabi ng mahilhilig sa mga haka-haka. Isa akong kalaban at ako’y nakikiusap... ...ng tulong mula sa mga kinauukulan para sa mga taong ilang beses ko nang nakitang naghirap para magdala ng karangalan sa paaralan. ...ng tulong mula sa mga kinauukulan para sa mga taong ilang ulit lumaban at nanalo para ipakita na ang mga estudyante at kaguruan ng isang maliit na pampublikong paaralan ay mataas din ang kahusayan. ...ng tulong mula sa mga kinauukulan para sa mga taong patuloy na mahihirapan sa hinaharap bunga ng isang problemang hindi naman dapat nila pasan dahil ito’y tungkulin ninyong kinauukulan. Isa akong kalaban at ako’y nakikiusap — nanlilimos — nang malasakit para sa mga mahal ko, dahil kahit ako’y kalaban may malasakit ako at tumutulong nang husto. Inuulit ko: tumutulong lang, ngunit minamasama pa. Hinahanapan pa ng dumi. Kung walang mahanap, pupulot ng putik kung saan at ibabato sa’min. Narinig ko ito noon, hindi ko na matandaan kung saan ngunit sa palagay ko’y mula sa isang kilalang tao na noon ay nagsusulong ng demokrasya sa Pilipinas. Sabi niya, “If you cannot help us... please do not be against us.” Kung meron kayong mga komento, puna, payo, hiling o masamang reaksyon, padalhan ako ng email sa acespitfire07@ gmail.com
Ayon kay Vice President Jejomar Binay, “karanasan” ang isa sa pinakamahalagang dapat taglayin ng isang pinunong karapat-dapat maihalal sa posisyon. Ayon naman kay Senator Grace Poe, hindi mahalaga ang karanasan; sa halip, mas mahalaga ang “katapatan”. Sila ay mga kumakandidato sa pagkapangulo sa eleksyon 2016 at mapupuna sa kanilang mga sinabi na tila ba pinatutungkulan at pinatatamaan nila ang isa’t isa. Matatandaan din na nagkaroon ng palitan ng maaanghang na salita sa pagitan ni DILG Secretary Mar Roxas at Mayor Rodrigo Duterte. Nariyan pa ang nagkayayaan magsapakan ang dalawa. Hindi na rin naman nakapagtataka, ganito naman ang politika rito sa Pilipinas. Binabatikos ang kalaban, nagsisiraan para mapabango ang pangalan. Bigla ko tuloy naalala ang isang linya sa pelikulang Heneral Luna, “Mas madali pang pagkasunduin ang langit at lupa kaysa dalawang Pilipino tungkol sa kahit anong bagay.” Bawat isa sa mga tumatakbo sa posisyon ay may kanikaniyang paraan sa kung paano nila bibigyang solusyon ang lalo pang lumalalang problema sa ating bansa. Mayroon silang kanikaniyang opinyon na taliwas sa pananaw ng bawat isa kaya’t nagkakaroon ng alitan. Nasa kamay na ng taumbayan kung kanino sila maniniwala at magtitiwala. Bilang isang mag-aaral, naaapektuhan din ako at ang aking kapwa kabataan sa mga isyu sa ating bansa at nais din naman namin itong masolusyonan. Wala pa ako sa wastong gulang upang magkaroon ng kakayahan para bumoto. Subalit, umaasa ako na kung sinuman ang maluklok na pinuno ngayong eleksyon ay magawa niyang tugunan ang walang humpay na pagragasa ng suliranin at pangangailangan ng bansa. Hindi maikakaila na naging makabuluhan din kahit paano ang panunungkulan at buong termino ni Pangulong Aquino, at kung ano man ang maganda nitong sinimulan, marapat lamang na ipagpatuloy sana ito. Kung may naging pagkukulang man, magawa rin sana itong mapunan. Sa nalalapit na pagbubukas ng bagong kabanata sa buhay nating mga Pilipino, sana’y magbukas rin ang pinto para sa pagbabagong hinahangad nating lahat. Problema sa kahirapan, kawalan at kakulangan sa trabaho, paglaganap ng krimen, solusyon sa trapik at transportasyon, korapsyon, edukasyon at marami pang iba. Ang mga ito ang ilan sa pinakamabigat na problema na tayong mga nasasakupan ang sumasalo at pinakanaaapektuhan. Kailangan na natin ng lider na makapagbibigay ng agarang aksyon at solusyon sa mga ito, bagay na hindi pa nagagawa ng mga naluklok na lider sa mga nagdaang termino. Makapaghalal sana ng bagong pinuno na handang tanggapin nang buong puso ang hamong ipinagkaloob at makapaglilikha ng mga platapormang magbubunsod sa atin para sa inaasam na pagbabago. Tungkol sa kolumnista: Si Bandiola ay ang Punong Patnugot (Editor-in-Chief) ng pahayagang KRUSADA, opisyal na student publication ng Krus Na Ligas High School, sa taongpampaaralan 2015-2016. Tinanghal siyang ikaapat na pinakamagaling at ikalawang pinakamahusay na manunulat ng editoryal sa buong District IV sa dalawang magkasunod na pandistritong paligsahan noong 2015.
Tomo II Bilang 1 | Marso 2016
KNLHS, 2nd best school sa NCR
BALITA
7
Mga Crusaders, binitbit ang paaralan sa larangan ng journalism Simula nang nabuo ang pahayagang CRUSADER noong 1992 at ang KRUSADA noong 1998, hindi pa nagawang makapasok ng student publications ng Krus Na Ligas High School (KNLHS) sa “Five Highest School Pointers” ng National Capital Region Secondary Schools Press Conference (NCRSSPC). Sa kasaysayan, apat na beses nang nagawa ng paaralan ng mga Crusaders na makapasok sa limang pinakamahusay na paaralan sa District SSPC — noong 2000, 2005, 2013 at 2015. Tig-isang beses naman nitong nagawang makapuwesto sa 10 Most Oustanding Publications
sa dalawang pandibisyong kompetisyon — noong 2013 sa Quezon City SSPC at noong 2014 sa paligsahang inorganisa ng Young Men’s Christian Association. Makalipas ang 24 na taong pagsubok at pagkabigo, matapos ang dalawang dekada nang pag-asang ipinasa sa susunod na henerasyon at pangakong napako, nagawa na ng mga Crusaders na itaas ang pangalan ng KNLHS sa isang rurok ng tagumpay matapos kilalanin bilang 2nd Highest School Pointer sa buong NCR noong ika-5 ng Disyembre 2015. Ito ang unang beses sa kasaysayan ng KNLHS na magawang makatanggap ng nasabing pampublikong
TFYD, naghandog ng pagkain sa mga mag-aaral ng KNLHS na nag-aaral ukol sa NAT
paaralan ng isang parangal sa isang panggrupong kategorya sa panrehiyong antas. Mas mataas lang ng dalawang puntos ang kinilalang pinakamahusay na paaralan, ang Mandaluyong High School. Pinangunahan nina John Lester Francisco (4th place, Pagwawasto at Paguulo ng Balita), Sophia Hanna Alburo (1st place, Pagsulat ng Balitang Isports) at Joannah Mae Manalang (2nd place, Pagsulat ng Lathalain) ang makasaysayang panalo ng mga Crusaders. Bahagi ng nanalong grupo ng mga mamamahayag ang grade 7 na si Andrea Nicole Cabiles; mga grade 8 na sina Cee-jhay Soriano at James Bryan Morgado; mga grade 9 na sina January Audrie Orense, Francheska Alleine Galang, Felix Gabriel
Ipinakilala ng mga Crusaders ang Krus Na Ligas High School sa buong rehiyon ng NCR matapos iuwi ang pagkilalang pangalawang pinakamagaling na paaralan pagdating sa pamamahayag o journalism.
Lapuz III at Katherine Flor Castillo; at mga grade 10 na sina Zyra Corrine Cabudoc, Phebe Judith Austria, Jireh Jannie Desabelle at Frances Sophia Bandiola. Si Marsha Gepiga ang student publication adviser ng mga journalists. Dahil sa panalo, pinili si Gepiga ng DepEd Regional Office na nag-iisang kinatawan ng Quezon City para
sa high school journalism at ipinadala sa National Training of Trainors (NTOT) sa Naga City noong Enero 2016. Ang 2016 NCRSSPC, ang ika-39 na edisyon ng nasabing panrehiyong kompetisyon, ay may temang “The Role of the 21st Century Campus Journalists in Upholding Good Governance, Leadership and Transparency”.
Pasko ng Kabataan, inilunsad ni Kgwd Mau at TFYD
Panlaman-karunungan. Nagbigay ng mga libreng pagkain at inumin ang mga miyembro ng Task Force on Youth Development at si Kagawad Mau Magalong upang malamnan ng tiyan ang mga mag-aaral na naghahanda sa naunsyaming National Achievement Test.
Paanong papasok, mauunawaan at maaalala ang mga itinuturo ng kaguruan kung walang laman ang tiyan? Upang masiguradong hindi magiging sagabal ang gutom sa pag-iimpok ng kaalaman, naghandog ng libreng mga pagkain at inumin ang Task Force on Youth Development (TFYD) sa mga mag-aaral na grade 10 mula sa Krus Na Ligas High School (KNLHS) noong ika-30 ng Enero 2016. Mahigit-kumulang nasa 450 mga estudyante ang nabigyan ng libreng pagkain upang maibsan ang pagod at gastos ng mga estudyante na naghahanda noon para sa National Achievement Test (NAT). Ilang beses pumasok ng Sabado ang mga estudyante para paghandaan ang nasabing pagsusulit na hindi na matutuloy ngayong taong-pampaaralan (school
year), ayon sa mga ulat. Sinusukat ng NAT ang kaalaman ng mga estudyante ng bawat paaralan sa mga asignaturang English, Science, Mathematics, Araling Panlipunan at Filipino. Meron ding bahagi sa pagsusulit na susukat sa Critical Thinking. Mula sa kabuuang mean percentage score na 56.36 noong taong 20132014, naging 45.99 ang MPS ng KNLHS sa school year 2014-2015. Ang halos 11 porsiyentong pagbaba ng kabuuang MPS ang pinakamalaking pagbagsak ng paaralan sa kasaysayan ng NAT, ayon sa pahayagang KRUSADA. Nangyari ito sa panahon ng panunungkulan ng dating punongguro na si Janet Dionio. Ang TFYD na nanguna sa libreng pakain para sa mga mag-aaral ay nasa pangangasiwa ni Kagawad Mau Magalong.
Aabot sa 80 kabataan ang nakatanggap ng maagang pamasko nang isagawa ni Kagawad Mau Magalong at ng Task Force on Youth Development (TFYD) ang “Pasko ng Kabataan” noong ika-23 ng Disyembre sa Plaza Covered Court. Binigyan nina Magalong at ng mga miyembro ng TFYD ang mga kabataan ng mga ecobags na may grocery items na saktong panghanda sa Noche Buena at Pasko
na kasya para sa isang pamilya. Ilan sa mga nilalaman ng bawat ipinamigay ay pasta, spaghetti sauce, macaroni elbows, drink supplement at cookies. Ang nasabing pagtitipon ay nagsilbi ring general assembly ng mga miyembro ng TFYD para ipresenta ang accomplishment report ng grupo sa taong 2015. Naroon din sa nasabing pagtitipong ang mga scholars ni Magalong
Kabataan at bayan. Sabay-sabay umawit ng mga kabataan ang pambansang himno ng Pilipinas, ang Lupang Hinirang, upang buksan ang programa para sa “Pasko ng Kabataan” na isinagawa ng TFYD at ni Kagawad Mau Magalong.
at ng TFYD. Ang mga nasabing scholars ay nasa ilalim ng Youth Educational Scholarship (YES) Program ni Magalong o ‘di kaya ay kaniyang inilapit para maging scholar ng mga konsehal ng lungsod. Ilan sa mga miyembro ng TFYD na nagpapatupad ng YES ay sina Honey Rose Buenaventura, Joshua Calag, Romarc Pimentel, Joel Evangelista, Kimberly Antolino, Leonard Marcelino, Luisa Villanueva at Joe-Marie Jalla. Maliban sa pamimigay ng mga grocery items at pagtitipon ng mga miyembro ng TFYD at mga scholars, nagkaroon din ng raffle draw na may premyong pera. Ang badyet sa nasabing raffle ay nagmula sa sariling bulsa ng mga kagawad ng barangay. Ang mga inimbitahan sa Pasko ng Kabataan ay nasa pagitan ng edad 15 at 21.
BALITA
Tomo II Bilang 1 | Marso 2016
8
Grupo ng kababaihan ng KNL, finalist sa ‘The Amazing Pinay’ ng QC Ipinakita ng apat na dalaga ng Barangay Krus Na Ligas (KNL) na hindi lamang pisikal na ganda ang meron sila kun’di maging talento at talino para ipakita ang halaga ng mga kababaihan sa lipunan. Napabilib ang mga manonood at nagawang haplusin ang kanilang mga puso, naging finalists ang mga kinatawan ng KNL sa paligsahan na Gabriela’s Amazing Pinay Challenge na ginanap noong Enero 22 sa Fisher Mall sa kanto ng Roosevelt at Quezon Avenue. Itinaas nina Maricris Francisco, Patricia Mariano,
Ang mga larawan ay kuha ni Kristian Lloyd Sagun
Chimberly Anne Palacio at Luisa Villanueva ang respeto sa mga kababaihan ng barangay matapos ipakita ang knai-kanilang pinagsama-samang kagandahan, katalinuhan at kahusayan sa kanilang itinanghal.
Poi dance o isang uri ng pagsasayaw na parang pinag-isang contemporary dance at gymnastic routines ang kanilang inihandog sa mga manonood. Sinamahan din nina Francisco, Mariano, Palacio at Villanueva ang
ng pag-arte ang kanilang presentasyon, kung saan ginampanan nila ang iba’t ibang mga hanap-buhay ng mga kababaihan sa lipunan. Pumapel si Francisco bilang guro, si Mariano bilang inhinyero, si Palacio bilang mamamahayag at
si Villanueva bilang isang doktor. Ang nasabing patimpalak na binuo sa pagtutulungan ni Vice Mayor Joy Belmonte at ng women’s partylist na Gabriela ay naglalayong itaas ang pagkilala sa mga Pilipina at bigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na ipakita ang kanilang kakayahan. Kasama sa mga nanonood at sumoporta ang ilang mga kawani ng opisina ng barangay, mga kaibigan ng mga lumahok, sina Kagawad Romeo “Mama Ome” Jose at Kagawad Mau Magalong gayundin si Kapitan Julian Santos.
KNL ‘banchetto’, binuksan sa publiko sa panahon ng Pasko
Habang ang kalye ng Maginhawa at Malingap ay kinikilala na ng marami bilang mga “food capital” ng Quezon City at hinihintay na gawing opisyal na “Art and Food Hub” ng lungsod, ikinasa naman ng Sangguniang Barangay (Barangay Council) ang pagkakaroon ng sariling “banchetto” ng Krus Na Ligas. At noong Disyembre 4, 2015, pormal na binuksan ang nasabing proyekto sa People’s Park sa pagitan ng kahabaan ng C.P. Garcia at kanto ng Baluyot. Ayon sa mga kagawad na sina Ireneo “Toto” Melendres at Romeo “Mama Ome” Jose at kay Kapitan Julian Santos, maraming mamamayan ng KNL ang makikinabang sa pagpapalawig ng proyektong ito sa hinaharap.
Sa magkakahiwalay na panayam, ang mga nasabing opisyal ay parepareho ng ideya patungkol sa benepisyo ng nasabing proyekto — karagdagang kita para sa mga mamamayan ng barangay dahil mga naninirahan dito ang pangunahing bibigyang oportunidad na umupa ng mga puwesto, gayundin ay makilala ang KNL at hindi lang ang mga nakapaligid ditong lansangan. Ngunit ano nga ba ang isang banchetto? Ang banchetto ay isang lumang Italyanong salita, kinuha mula sa salitang banco (salinwika sa Filipino: bangko, Ingles: bench), na ginagamit sa mga pagkaing kinakain ng mga Italyano habang nakaupo sa bench. Sa Pilipinas, ang nasabing salita, na ang literal na salinwika sa
Filipino ay piging at sa Ingles ay banquet, ay tumutukoy sa isang malaking lugar na mayroong samu’t saring pagkain. Mula street foods
hanggang high class na lutuin, karaniwang bukas ang isang banchetto mula kalagitnaan ng gabi hanggang bago ang pagsikat ng
araw, at dinaragsa ng maraming tao mula pa sa malalayong lugar para kumain, magkuwentuhan at magsaya.
Ang mga larawan ay kuha ni Kristian Lloyd Sagun