Bigkis-Balita (Tomo I Bilang 2-Expanded)

Page 1

BUB, tinalakay sa 1st KNL Brgy Assembly Day ng 2016 Huling pagtitipong pambarangay ng 2015, mas dinumog; forums, naging mainit Ni June Ace G. Esteban

Walang bakante. Puno ang venue (kaliwa) ng Barangay Assembly Day noong Nobyembre 7, 2015 na dinaluhan ni Irene Belmonte (gitna, naka-blue). Binabasa naman ni Kika Dizon ang unang isyu ng bigkis-Balita. Mga larawan kuha ni Kristian Lloyd Sagun

Tinalakay ng Sangguniang Barangay (Barangay Council) ang bottom-up budgeting (BUB) ng gobyerno sa unang Barangay Assembly Day noong Marso 19 at nagbotohan sa mga proyektong paglalaanan ng BUB budget kasama ang mahigit 200 kataong dumalo — ‘di hamak na mas kaunti kumpara sa 530 attendees sa huling pagtitipong pambarangay noong Nobyembre 7, 2015.

Layon ng BUB system na magkaroon ng mas aktibong partisipasyon ang mga mamamayan sa paggawa ng pondo at mga paggagamitan nito. Pipiliin lamang ang dalawang proyektong may pinakamataas na bilang ng boto ng mga mamamayan mula sa inisyal na listahan ng mga proyekto na ipinanukala ng Sangguniang Barangay.

Sa anim na iminungkahing proyekto ng Sanggunian ng Barangay Krus Na Ligas (KNL), ang nakakuha ng pinakamaraming boto mula sa 200 dumalo ay ang paggawa ng public address system at pagdaragdag ng closed-circuit television (CCTV) cameras. Ang apat na iba pang pinagpilian ay ang paggawa ng

disaster database ng barangay, 4 Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, libreng hatid at sundo sa mga senior citizens papunta at mula sa Quezon City Hall, at mass feeding program. Sa kabilang banda, nagkaroon naman nang maiinit na diskusyon sa mga forums noong mga nasabing Barangay Assembly Day — na

Baluyot Street, brgy hall, sinimulang ayusin noong Marso

Sinimulan nang ayusin ang kalye at drainage (kanal) ng Baluyot habang kinukumpuni at pinagaganda naman ang isang bahagi ng barangay hall ng Krus Na Ligas (KNL). Kilala sa matinding pagsisikip nang daloy ng trapiko dahil sa pagpa-park ng mga sasakyan sa dalawang lane at dahil sa mga nagka-counterflow, ang mga pagsasaayos na ginagawa sa Baluyot Street ay nagsimula noong Marso at inaasahang matatapos sa Mayo. Ang kontrata sa pagsasaayos ng kalsada at kanal ay nagkakahalaga ng halos limang milyong piso (4,905,962.36). Ang ahensyang nagpapatupad ng nasabing proyekto ay ang Office of the City Engineer at ang contractor nito ay ang Presam Construction and General Services.

Giba at gawa. Kani-kaniyang sa pagsira at pagbaklas (kaliwa, gitna) ng bahagi ng People’s Park ang mga manggagagawa. Makikita naman ang kasalukuyang mukha ng Baluyot Street (kanan.) Mga larawan kuha ni June Ace Esteban

Maliban sa pagsasaayos, kasalukuyan ginigiba ang bahagi ng People’s Park na pinakamalapit sa Maginhawa Street. Ayon sa foreman nito, gagawin itong daanan ng mga sasakyan kung saan madaraanan ang Masinsinan Street papasok ng Maginhawa. Samantala, ang pagkukumpuni at pagpapaganda ng KNL Barangay Hall ay ipinatutupad ng Department of Public Works and Highways-Quezon City Second Engineering District

(DPWH-QCSED) at contractor ang Greenwall Construction. Ang kontrata sa pagsasaayos ng KNL Barangay Hall ay nagkakahalaga ng halos tatlong milyong piso (2,910,190.00) at nagmula ang pondo sa 101-General Appropriations Act (GAA) ng fiscal year 2016. Bagaman parehong nagsimula ang pagsasaayos ng Baluyot Street at barangay hall nito lamang Marso, hindi ito ang

nakasulat sa tarpaulin ng parehong proyekto na nagdedetalye sa taumbayan tungkol sa mga nasabing paggawa. Ang pagsasaayos ng Baluyot Street ay nakasaad na nagsimula noong May 20, 2015 at dapat matapos nang July 19, 2015, habang ang pagpapaganda ng barangay hall ay nakasulat na nagsimula noong February 4, 2016 at may completion date na April 3, 2016.

parehong ginanap ng gabi sa KNL Plaza Covered Court — kung saan uminit ang ulo ng ilang mga tao. Sa pagtitipon noong 2015, naging mainit ang usapin tungkol sa pagtatayo ng silong sa may kalye ng Tiburcio at pagpapaalis sa mga nagtitindang walang kaukulang permit. Nito namang nakalipas na assembly, pinakamainit na isyung ipinukol ay ang buhol-buhol na trapiko sa Baluyot Street at ang mga nakahambalang na sasakyan sa lugar. Noon ding Nobyembre 7, 2015, ipinamahagi sa mga tao ang Bigkis-Balita, ang una at opisyal na diyaryong pambarangay ng KNL. Pinangunahan itong gawin ng mga journalists ng KRUSADA, ang opisyal na student publication ng KNL High School (KNLHS). Kabilang naman sa tinalakay sa 2016 Barangay Assembly Day ang Abot-Alam Convergence Program na ipinrisinta at ipinaliwanag ni Jeffrey Villamor mula KNLHS, ang financial report ng barangay na iniulat ng Ingat-Yaman na si Catalina Austria, ang ulat ng mga kagawad sa mga nagawang proyekto sa kaagahan ng 2016, at ang State of the Barangay Address (SOBA) ni Kapitan Julian Santos. Ang komiteng namahala sa pagtitipon ng 2016 ay hindi na kumuha nang magbibigay ng intermission numbers tulad ng Zumbalicious at Black Point Dance Company, na maaaring naging dahilan ng mababang bilang ng mga dumalo.


2

BALITA

Tomo I Bilang 2

Seminar para sa mga PWDs at senior citizens, ginawa sa Bulacan “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan,” saad ni Gat Jose Rizal. Bago pa man ang mga kabataan ng kasalukuyan, una nang pinunlaan ng karunungan at inaruga ang pamayanan ng mga ngayo’y matatandang mamamayan na kailangan ngayon ang hele ng lipunan. Bilang pagkilala at pagpapahalaga sa mga buhay na aklat ng kasaysayan, ang mga senior citizens ng Barangay Krus Na Ligas (KNL) kasama ang mga persons with disabilities (PWDs) o mga may kapansanan ay dinala sa isang seminar sa Bulacan. Ang seminar — tinawag na Healthy Getaway and CapabityBuilding Seminar for Senior Citizens and Persons With Disabilities — ay ginawa para tulungan ang mga nasabing mamamayan na magamit ang kanilang kapasidad na

bunga ng karanasan para sa kapakanan nila at ng KNL. Maliban dito, pinagusapan din ang badyet ng mga senior citizens at PWDs, kung saan isang bahagdan ang ilalaan mula sa kabuuang taunang badyet ng barangay na paghahatian ng dalawang nasabing grupo. Dumalo sa nasabing capacity-building seminar ang focal person ng PWDs na si Matthew Kevin Naval, coordinator ng PWDs na si Adora Revilloza at ang kura paroko ng Holy Cross Parish na si Rev. Fr. Marvin Pajarillaga. Naroon din bilang panauhin at tagapagsalita ang isang opisyal mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) at ang kalihim ng lokal na pamahalaan ng Quezon City. Kasama rin ang Sangguniang Barangay sa nasabing seminar gayundin si Mc Kenneth Baluyot na tumayong host ng programa.

Pasko ng Kabataan, inilunsad ni Kgwd Mau at TFYD

Aabot sa 80 kabataan ang nakatanggap ng maagang pamasko nang isagawa ni Kagawad Mau Magalong at ng Task Force on Youth Development (TFYD) ang “Pasko ng Kabataan” noong ika-23 ng Disyembre sa Plaza Covered Court. Binigyan nina Magalong at ng mga miyembro ng TFYD ang mga kabataan ng mga ecobags na may grocery items na saktong panghanda sa Noche Buena at Pasko na kasya para sa isang pamilya. Ilan sa mga nilalaman ng bawat ipinamigay ay pasta, spaghetti sauce, macaroni elbows, drink supplement at cookies. Ang nasabing pagtitipon ay nagsilbi ring general assembly ng mga miyembro ng TFYD para ipresenta ang accomplishment report ng grupo sa taong 2015.

Naroon din sa nasabing pagtitipong ang mga scholars ni Magalong at ng TFYD. Ang mga nasabing scholars ay nasa ilalim ng Youth Educational Support (YES) Program ni Magalong o ‘di kaya ay kaniyang inilapit para maging scholar ng mga konsehal ng lungsod. Ilan sa mga miyembro ng TFYD na nagpapatupad ng YES ay sina Honey Rose Buenaventura, Joshua Calag, Romarc Pimentel, Joel Evangelista,

Kimberly Antolino, Leonard Marcelino, Luisa Villanueva at Joe-Marie Jalla. Maliban sa pamimigay ng mga grocery items at pagtitipon ng mga miyembro ng TFYD at mga scholars, nagkaroon din ng raffle draw na may premyong pera. Ang badyet sa nasabing raffle ay nagmula sa sariling bulsa ng mga kagawad ng barangay. Ang mga inimbitahan sa Pasko ng Kabataan ay nasa pagitan ng edad 15 at 21.

Kabataan at bayan. Sabay-sabay umawit ng mga kabataan ang pambansang himno ng Pilipinas, ang Lupang Hinirang, upang buksan ang programa para sa “Pasko ng Kabataan” na isinagawa ng TFYD at ni Kagawad Mau Magalong. (Larawan kuha ni Kristian Lloyd Sagun)

Grupo ng kababaihan ng KNL, finalist sa ‘The Amazing Pinay’ ng QC

Napabilib ang mga manonood at nagawang haplusin ang kanilang mga puso, naging finalists ang mga kinatawan ng KNL sa paligsahan na Gabriela’s Amazing Pinay Challenge na ginanap noong Enero 22 sa Fisher Mall sa kanto ng Roosevelt at Quezon Avenue. Itinaas nina Maricris Francisco, Patricia Mariano, Chimberly Anne Palacio at Luisa Villanueva ang respeto sa mga kababaihan ng Ang larawan ay kuha ni Kristian Lloyd Sagun barangay matapos ipakita ang pinagsamaIpinakita ng apat na dalaga ng Barangay Krus Na Ligas kani-kanilang samang kagandahan, (KNL) na hindi lamang pisikal na ganda ang meron sila kun’di maging talento at talino para ipakita ang halaga katalinuhan at kahusayan sa kanilang itinanghal. ng mga kababaihan sa lipunan.

Poi dance o isang uri ng pagsasayaw na parang pinag-isang contemporary dance at gymnastic routines ang kanilang inihandog sa mga manonood. Sinamahan din nina Francisco, Mariano, Palacio at Villanueva nang pag-arte ang kanilang presentasyon, kung saan ginampanan nila ang iba’t ibang mga hanap-buhay ng mga kababaihan sa lipunan. Pumapel si Francisco bilang guro, si Mariano bilang inhinyero, si Palacio bilang mamamahayag at si Villanueva bilang isang doktor.

Ang nasabing patimpalak na binuo sa pagtutulungan ni Vice Mayor Joy Belmonte at ng women’s partylist na Gabriela ay naglalayong itaas ang pagkilala sa mga Pilipina at bigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na ipakita ang kanilang kakayahan. Kasama sa mga nanonood at sumoporta ang ilang mga kawani ng opisina ng barangay, mga kaibigan ng mga lumahok, sina Kagawad Romeo “Mama Ome” Jose at Kagawad Mau Magalong gayundin si Kapitan Julian Santos.


Tomo I Bilang 2

BALITANG KAMPUS

3

Matapos pangalanang pinakamahusay sa NCR

Estudyante ng KNLHS, kinilalang isa sa pinakamagaling na student journalist ng bansa

Ang mga larawan ay kuha nina Rachelle Anne E. Copina at Jessica G. Sarmiento. Ang ibang mga larawan ay mula sa iba’t ibang Facebook accounts ng mga NSPC delegates.

Bagaman maliit at pampubliko lamang, unti-unting nakikilala sa buong bansa ang Krus Na Ligas High School (KNLHS) sa larangan ng pamamahayag o journalism dahil sa mga makasaysayan mga panalo ng mga Crusaders.

Kasama sa 4,794 kinatawan ng 17 rehiyon sa Pilipinas, tinanghal si Sophia Hannah Alburo na isa sa pinakamahusay na sports writer sa buong bansa matapos kunin ang pang-anim na puwesto sa National

KNLES, HS, ikinasa ang enrollment sa Mayo

Ikinasa ng mga pampublikong paaralan sa barangay ang opisyal na simula ng enrollment sa unang dalawang linggo ng Mayo. Itinakda ng pamunuan ng Krus Na Ligas Elementary School (KNLES) ang enrollment period para sa lahat ng baitang sa ika-16 hanggang 20 ng Mayo simula ika-siyam ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali. Para naman sa papasok ng KNLHS, Mayo 2 hanggang 6 ang pagpapalista para sa mga incoming seventh graders, Mayo 10 hanggang 13 para sa eighth graders, Mayo 16 hanggang 20 para sa ninth graders, Mayo 23 hanggang 27 para sa 10th graders at Mayo 30 hanggang Hunyo 3 para sa transferees at repeaters.

Sa araw ng pag-i-enroll, kailangan ay nakasuot ng opisyal na uniporme nang KNLES at KNLHS ang mga dati na nilang mag-aaral dala ang kanilang form 138 (Report Card) at birth certificate mula sa National Statistics Office (NSO). Ang KNLES ay pinapaalala na kailangan ang isang 1x1 na identification (ID) na larawan sa enrollment at Certificate of Good Moral Character para naman sa mga papasok ng hayskul. Ayon sa ulat ng Manila Bulletin noong Abril 2 at sa inilabas ng Department of Education na Memo No. 53 Series of 2016, sa ika-13 ng Hunyo (June 13) ang opisyal na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.

Schools Press Conference (NSPC) na ginanap sa Koronadal, South Cotabato mula Pebrero 22 hanggang 26, 2016. Matapos ang 16 na taon Isang estudyante pa lamang sa kasaysayan ng KNLHS ang nagwagi sa indibidwal na kategorya ng NSPC. Bago ang

panalo ngayong taon, ang huling Crusader na nakapuwesto sa pambansang paligsahan ay si Edmon Martin noong 2002 sa General Santos City. Tinapos ni Alburo ang 16 na taong paghihintay na may muling manalong Crusader sa indibidwal na kategorya ng NSPC matapos manalo sa kompetisyon sa sports writing sa midyum na Filipino. Ang kanilang pinanood at ginawan ng artikulo ay archery. Mas mataas na karangalan din ang nakuha ni Alburo kumpara kay Martin. Inuwi ni Alburo — kasalukuyang Patnugot ng Isports ng pahayagang KRUSADA — ang 6th place sa Pagsulat ng Balitang Pampalakasan, habang si Martin ay nagwagi ng 7th place sa Pagkuha ng Larawang Pampahayagan. Sa tuktok ng NCR Bago ang NSPC, inuwi ni Alburo ang gintong medalya mula sa National Capital Region Secondary Schools Press Conference (NCRSSPC) noong ika-5 ng Disyembre 2015. Siya lamang ang tanging Crusader at tanging estudyante ng KNLHS sa

kasaysayan na pinangalanang kampeon sa NCRSSPC. Sa kabila ng malalaking panalo, walang nag-akala kaibigan o kaklase na kaya ni Alburo na maging pinakamagaling sa buong NCR at maging isa sa pinakamahusay sa buong Pilipinas. Nagsimula si Alburo maging Crusader — tawag sa journalist mula KNLHS — ng KRUSADA (opisyal na student publication ng KNLHS) noong taong-pampaaralan 2014-2015. Hindi tulad ng mga kasabayan niya na madalas manalo, bago siya tanghaling kampeon ng NCR ay isang beses lamang siyang nanalo sa dalawang taon. Ito ay noong iuwi niya ang ikapitong puwesto sa 2015 District SSPC bago mabigong makapasok sa Top 10 ng Quezon City SSPC. Gayon man, ipinakita ni Alburo na kung may dedikasyong magsanay nang husto at mahirapan para gawing pulido ang mga kakayahang ipinagkaloob ng Diyos, magagawang makabangon sa kabiguan at magsulat ng isang makasaysayang panalo na hindi makakalimutan.

TFYD, naghandog ng pagkain sa 450 mag-aaral ng KNLHS sa Sat NAT prep

Paanong papasok, mauunawaan at maaalala ang mga itinuturo ng kaguruan kung walang laman ang tiyan? Upang masiguradong hindi magiging sagabal ang gutom sa pag-iimpok ng kaalaman, naghandog ng libreng mga pagkain at inumin ang Task Force on Youth Development (TFYD) sa mga magaaral na grade 10 mula sa Krus Na Ligas High School (KNLHS) noong ika-30 ng Enero 2016. Mahigit-kumulang nasa 450 estudyante ang nabigyan ng libreng pagkain upang maibsan ang pagod at gastos ng mga estudyante na naghahanda noon para sa National Achievement Test (NAT). Ilang beses pumasok ng Sabado ang mga estudyante para paghandaan ang nasabing pagsusulit na hindi

Panlaman-karunungan. Nagbigay ng mga libreng pagkain at inumin ang mga miyembro ng Task Force on Youth Development at si Kagawad Mau Magalong upang malamnan ng tiyan ang mga mag-aaral na naghahanda sa naunsyaming National Achievement Test.

na matutuloy ngayong taongpampaaralan (school year), ayon sa mga ulat. Sinusukat ng NAT ang kaalaman ng mga estudyante ng bawat paaralan sa mga asignaturang English, Science, Mathematics, Araling Panlipunan at Filipino. Meron ding bahagi sa pagsusulit na susukat sa Critical Thinking. Mula sa kabuuang mean percentage score na 56.36 noong taong 2013-2014, naging 45.99

ang MPS ng KNLHS sa school year 2014-2015. Ang halos 11 porsiyentong pagbaba ng kabuuang MPS ang pinakamalaking pagbagsak ng paaralan sa kasaysayan ng NAT, ayon sa pahayagang KRUSADA. Nangyari ito sa panahon ng panunungkulan ng dating punongguro na si Janet Dionio. Ang TFYD na nanguna sa libreng pakain para sa mga mag-aaral ay nasa pangangasiwa ni Kagawad Mau Magalong.


4

EDITORYAL

OP-ED

Tomo I Bilang 2

Puntod at de latang puro uod “Great leaders don’t seek power, they’re called by necessity. (Ang mga dakilang pinuno ay hindi hinanap ang kapangyarihan, sila ay tinawag ng pangangailangan.)” — Johanna Reyes Sa paparating na pambansang halalan sa Mayo, ang dalawang pinakamataas na upuan sa ating lipunan ay pag-aagawan — limang katao ang nagtutunggali para sa pagkapangulo at anim naman para sa pagiging bise-presidente. Nasa atin, tayong mga ordinaryong mamamayan, nasa atin ang kapangyarihan na iluklok ang dalawang taong maaaring sumira pang lalo o bumuo mula sa napipintong pagguho ng ating bayan. Ang pangungusap sa itaas tungkol sa mga “dakilang pinuno” ay mula sa nobela at pelikulang Allegiant sa ilalim ng trilogy na Divergent. Akma ito sa ating pagmumuni sa kung sino talaga ang nararapat na mamuno sa Pilipinas at kung bakit sila karapat-dapat. Ngunit ang pagsuri sa pinakakarapat-dapat na pinuno ay parang paghahanap ng pinakamagandang bituing meron sa langit. Walang sigurado. Walang eksakto. Ang tanging masisigurado natin matapos ang eleksyon ay ito — magkakaroon ng MALAKING PAGBABAGO. Kung masama o mabuti man pagbabagong iyon, ‘yun ang walang makapagsasabi. Maliban dito, haharap sa mga MALALAKING PAGSUBOK ang susunod na pinuno. Ang pinakamalaking isyu ay ang West Philippine Sea kung saan napakarami nang kinamkam na teritoryo ang China, tinayuan ng mga base-militar, meron ng mga surface-to-air missiles ang mga Tsino at binabakuran ng malalaking barko ng Chinese Coast Guard. Labag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang ginagawa ng China. Hanggang ngayon ay halatang takot ang gobyernong Tsino na daanin sa ligal na proseso ang agawan sa teritoryo dahil hindi ito lumahok sa mga ginanap na pagdinig ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands. Nariyan din ang mga problema sa pampublikong transportasyon tulad ng MRT na madalas tumirik at ang pangforever na daloy ng trapiko sa EDSA, na nagpapaisip sa ilang kababayan kung saan nga ba napupunta ang ibinabayad na buwis. Dapat ding talakayin muli ang pagtaas ng sahod ng kaguruan at ang dagdag na pensyon ng mga SSS beneficiaries na parehong hindi inaprubahan ng kasalukuyang pangulo, gayundin ang pagsisiyasat sa modus na tanim-bala sa NAIA. Bigyan diin din ang paggalugad sa katarungan at panagutin ang dapat managot sa pagpatay sa 44 na police commandos mula sa Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF). Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nawalan ng gana — at tiwala — ang mga mambabatas na ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Gayundin, dapat aksyunan ang lumalalang krisis sa pagbabago ng klima (climate change) na pinatitindi pa nang walang habas na pagmimina at pagkalbo sa mga kagubatan at kabundukan para kumita nang limpak-limpak na pera. Lahat ng problemang ito at iba pang hindi ko alam, itong mga ito ang dapat harapin, suriin at pamunuang aksyunan ng susunod na mga lider ng ating bayan.

Kung sino man ang nais iboto ng bawat isa sa atin, sana pag-isipan natin nang mabuti kung ang iboboto ay isang PUNTOD o, kakatwa man gawing paghahambing, ay isang DINUGUAN. Ang kumakandidato bang ito ay puntod na sa panlabas lang ang kagandahan ngunit may pilit itinatagong nabubulok na kalooban? Ang kandidato bang ito ay maihahalintulad mo sa isang dinuguan na kahit mukhang nakakasuka ang panlabas na kaanyuan ay magbibigay sa iyo ng sarap at kabusugan? Kaya sana... huwag natin ipagbili ang ating mga boto. Huwag sana tayong masilaw sa mga pangako dahil kahit ang pinakamatibay na bubong o ang dingding at kisame sa ating mga bahay, kahit gaano man katibay ay nabubutas, nagbibitak at nasisira sa paglipas ng panahon at sa pagharap sa iba’t ibang hamon. Huwag sanang LIMANDAANG PISO LANG ANG KATUMBAS NG IYONG BOTO — at buhay — na ibibigay sa mga taong maaaring kumita nang milyon-milyon sa loob ng anim na taon na pag-upo sa pinakamataas na posisyon. Dahil ang pagbebenta ng boto ay parang pagbili ng isang napakamurang de lata sa halagang bente-singko sentimo — de lata na magtatawid sana sa atin mula sa gutom na inihatid ng ilang nagdaang administrasyon at ilang sinayang na pagkakataon. De latang sa ating pagbukas ay tatambad ang katotohanan na puro uod ang laman at tayo, tayong mga ordinaryong mamamayan, ay hindi makikinabang ngunit pinakinabangan lang. Hindi ka ba nagsasawa na pakinabangan lang? Nasa atin, tayong mga ordinaryong mamamayan, nasa atin ang kapangyarihan para iluklok ang mga taong sa tingin natin ay totoong makabubuti sa ating buhay at bayan. Tayo — tayong mga ordinaryong mamamayan — nasa atin ang isang hindi ordinaryong kapangyarihan: isang botong higit pa sa kumpol nang malulutong na tig-li-limandaan.

Lupon ng Patnugutan Mc Kenneth M. Baluyot Tagapayo ng Lupon Chimberly Anne S. Palacio Michael B. Alvarez Administrative Staff Frances Sophia R. Bandiola Punong Patnugot ng KRUSADA Johanna Alexandra Marie G. de Jesus Tagapagdisenyo Äugustine Donnell A. Mitra Cartoonist June Ace G. Esteban Punong Patnugot issuu.com/krusada


OP-ED

Tomo I Bilang 2

Sayang ang boto mo

Ang isang boto ay parang isang baril: ang silbi nito ay nakasalalay sa pagkatao ng gagamit. (salinwika) — Theodore Roosevelt

Si MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO ang iboboto ko. Kapag sinasabi ko ‘to, madalas sabihin ng mga piling taong nabibilang sa dalawang “kategorya” na “Sayang lang ang boto mo.” Ang unang kategorya ay mga kabataang ilang taong nakababata sa’kin at hindi pa maaaring bumoto. Ang ikalawang kategorya ay ‘yung mas matatanda kaysa sa akin. Mula sa parehong kategorya, madalas sinasabi sa akin na mag-Duterte na ako dahil (1) una sa survey ang mayor ng Davao habang (2) sobrang baba ng ratings ni Santiago at (3) baka mamatay lang ito agad sa sakit niyang kanser kung maging pangulo. “Sayang lang ang boto mo.” Oo, una madalas sa survey results ng Social Weather System (SWS) at Pulse Asia Survey (PAS) si Duterte. Oo, sadsad ang ratings ni Miriam. Siguro, baka mamatay siya agad dahil sa kanser. O siguro, hindi siya mapapatay agad nang sakit niya dahil “hindi [siya] pinatay ng guardian angel [niya].” N a p a ka m ata l i n g h a ga na unang tinuruan si Miriam na labanan ang kanser sa katawan niya bago siya itulak ng Panginoon at pagkakataon na labanan ang mas matinding kanser ng lipunan. “Sayang lang ang boto mo. Kung ako sa’yo, mag-Duterte ka na lang.” Bago pa mag-alburoto ang mga tagasuporta niya, lilinawin ko po: naniniwala ako sa kakayahan ni Digong. Hindi ako anti-Duterte, pero antibandwagon ako. Ayon sa dati kong propesor ng political science sa Far Eastern University (FEU) at nagtuturo sa Ateneo De Manila University na si Jerry Apolonio, isa sa pinakamalaking pagkakamali na paulit-ulit ginagawa ng mga tao sa panahon ng halalan ay iboto ang isang kandidato dahil lang lamang at popular ito sa surveys at TV, kahit hindi naman

talaga ito ang bet o nais nilang iboto. Isama mo ang social media generation na meron tayo lalo na dito sa Pilipinas at doble o triple ang epekto ng ganitong pananaw. Sa logic, ito ang tinatawag na argumentum ad populum o ang paniniwalang ang isang paksa o panig ay tama dahil lang marami ang may nais nito. Popularity kontra preference. Payasong kandidato kontra matalino at mapagmalasakit na perspektibo. Sa isang bansang pinalaya mula sa mga mananakop at may sistemang demokratiko, parang walang sariling isip ang mga boboto. Lagi tayong sunod sa sikat at uso. “Sayang ang boto mo.” Hindi sayang ang boto ko. Ang tunay na sayang na boto ay SA’YO, mahal kong mambabasa — ang boto mong hindi susuhulan ng pera ngunit ng isang sikat na ideya dahil lang sa mahusay na advertising, pangangampanya at propaganda; ang boto mong ibibigay mo sa iba dahil lang nawalan ka nang pag-asa sa tunay mong nais iluklok sa silya. Isa ako sa tatlong bahagdan (3%) DAW na boboto kay Miriam. At isa ako sa mga pinagsasabihan ng mga katagang: “Sayang ang boto mo.” Siguro. Pero mas nananaig sa akin ang isang boses na may mas matinding panghihinayang, nagsasabing ‘wag kong iwan ang isang babaeng lumalaban pa rin at hindi pa ako iniiwan o sinusukuan, isang tinig na nagsasabing ‘wag kong iwan si Miriam. “Sayang. Iboto mo.” ****** Hindi ako makaMar, hindi ako maka-LP, pero

susuportahan ko si Leni. Matapos kong mapanood ang Vice-Presidential Debate ng CNN Philippines noong April 10, nakapagdesisyun na akong iboto ang isang taong noong una’y hindi sumagi sa isip ko na karapatdapat manalo o may kakayahang mamuno kahit pa may simpatya siya sa mga tao. Kahanga-hanga kung paano niyang tinukoy hindi lamang ang mga pangunahing problema kun’di pati mga marginalized issues lalo na “ng mga nasa laylayan ng lipunan”. Maliban sa problema ng mass transit system tulad ng madalas tumirik na tren ng MRT at usad-uod na daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, pinunto rin niya ang modernisasyon ng PNR at pagpapaunlad ng mga probinsiya tulad ng Bicol. Inihayag din niya ang pagnanais na magkaroon ng fixed na sahod ang mga drayber ng bus upang hindi sila maging takawaksidente dahil sa pag-uunahang maabot ang kota. Hindi ko inasahang hindi niya gagamitin ang pangalan ng yumao niyang asawa para makuha ang ating simpatya, at hindi rin niya ginamit ang mga salitang “daang matuwid” at “administrasyon” (sa halip ay “gobyerno”). Nagkamali ako isiping isa lang siyang housewife na sinusubukang punan ang puwesto ng yumaong asawa, na naghahangad lang gumawa nang mabuti (tulad ng ginawa niya sa public attorney’s office) sa mas malaking saklaw. Iba siya sa lahat ng mga katunggali niyang bise pangulo. Nagkamali akong isipin na isa siyang tuta ng Partido Liberal na walang sariling paninindigan at na kinuha lamang na kumandidato dahil wala nang pagpipilian. Sa dalawang oras at kalahating debate noon, naramdaman kong isa siyang independent na babae — may talino, kakayahan, wala sa anino ninuman at may sariling paninindigan na iba sa mga kasamahan. Ipinakita niya kung ano isang empowered woman. Hindi ako maka-LP pero... si Leni ang aking VP.

5 Isulong ang progreso

Ayon kay Vice President Jejomar Binay, “karanasan” ang isa sa pinakamahalagang dapat taglayin ng isang pinunong karapat-dapat maihalal sa posisyon. Ayon naman kay Senator Grace Poe, hindi mahalaga ang karanasan; sa halip, mas mahalaga ang “katapatan”. Sila ay mga kumakandidato sa pagkapangulo sa eleksyon 2016 at mapupuna sa kanilang mga sinabi na tila ba pinatutungkulan at pinatatamaan nila ang isa’t isa. Matatandaan din na nagkaroon ng palitan ng maaanghang na salita sa pagitan ni DILG Secretary Mar Roxas at Mayor Rodrigo Duterte. Nariyan pa ang nagkayayaan magsapakan ang dalawa. Hindi na rin naman nakapagtataka, ganito naman ang politika rito sa Pilipinas. Binabatikos ang kalaban, nagsisiraan para mapabango ang pangalan. Bigla ko tuloy naalala ang isang linya sa pelikulang Heneral Luna, “Mas madali pang pagkasunduin ang langit at lupa kaysa dalawang Pilipino tungkol sa kahit anong bagay.” Bawat isa sa mga tumatakbo sa posisyon ay may kanikaniyang paraan sa kung paano nila bibigyang solusyon ang lalo pang lumalalang problema sa ating bansa. Mayroon silang kanikaniyang opinyon na taliwas sa pananaw ng bawat isa kaya’t nagkakaroon ng alitan. Nasa kamay na ng taumbayan kung kanino sila maniniwala at magtitiwala. Bilang isang mag-aaral, naaapektuhan din ako at ang aking kapwa kabataan sa mga isyu sa ating bansa at nais din naman namin itong masolusyonan. Wala pa ako sa wastong gulang upang magkaroon ng kakayahan para bumoto. Subalit, umaasa ako na kung sinuman ang maluklok na pinuno ngayong eleksyon ay magawa niyang tugunan ang walang humpay na pagragasa ng suliranin at pangangailangan ng bansa. Hindi maikakaila na naging makabuluhan din kahit paano ang panunungkulan at buong termino ni Pangulong Aquino, at kung ano man ang maganda nitong sinimulan, marapat lamang na ipagpatuloy sana ito. Kung may naging pagkukulang man, magawa rin sana itong mapunan. Sa nalalapit na pagbubukas ng bagong kabanata sa buhay nating mga Pilipino, sana’y magbukas rin ang pinto para sa pagbabagong hinahangad nating lahat. Problema sa kahirapan, kawalan at kakulangan sa trabaho, paglaganap ng krimen, solusyon sa trapik at transportasyon, korapsyon, edukasyon at marami pang iba. Ang mga ito ang ilan sa pinakamabigat na problema na tayong mga nasasakupan ang sumasalo at pinakanaaapektuhan. Kailangan na natin ng lider na makapagbibigay ng agarang aksyon at solusyon sa mga ito, bagay na hindi pa nagagawa ng mga naluklok na lider sa mga nagdaang termino. Makapaghalal sana ng bagong pinuno na handang tanggapin nang buong puso ang hamong ipinagkaloob at makapaglilikha ng mga platapormang magbubunsod sa atin para sa inaasam na pagbabago. Tungkol sa kolumnista: Si Bandiola ay ang Punong Patnugot (Editor-in-Chief) ng pahayagang KRUSADA, opisyal na student publication ng Krus Na Ligas High School, sa taongpampaaralan 2015-2016. Tinanghal siyang ikaapat na pinakamagaling at ikalawang pinakamahusay na manunulat ng editoryal sa buong District IV sa dalawang magkasunod na pandistritong paligsahan noong 2015.


6

LATHA

Ni June Ace Sa kabila ng panlilibak, paninisi, mga hirap, lungkot at sakit na ipinaranas sa Kaniya, nagmahal Siya. Minahal ka Niya sa gitna ng mga panahong hindi mo Siya magawang mahalin kun’di buntungan lang ng poot at parating sisihin. Ito ang tanging kuwento kung saan ang bayani ay namatay para sa mga itinuturing Siyang kaaway. Ito ang istorya kung saan ang pambabastos, pagkamuhi, pagkasuklam ay sinagot ng pusong mapagtiis at kabutihan. Ito ang istorya kung saan ang mga ibinatong samu’t saring masasakit na salitang walang katotohanan ay sinagot ng pagtitiis, pang-unawa at kapatawaran. Ito ang ating istorya. Ito ang Semana Santa...

Linggo ng Palaspas (o Domingo de Ramos) Pag-alala sa pagdating ni Hesus sa Herusalem sakay ng isang buriko (donkey) at pagsalubong sa Kaniya ng mga taong naroroon sa Panahon ng Paskwa na sumisigaw na Siya ang Messiah o tagapagligtas. Ang buriko ay simbolo ng pagpapakumbaba (humilty) na sumasalamin din sa Kaharian ng Diyos sa Langit. Sa isang banda, ito rin ay salamin ng Diyos mismo na nagkatawang tao, na hinayaan ang sarili Niya at piniling maranasan ang nararanasan ng mga ordinaryong tao, maranasang masaktan, madapa, masugatan, pintasan at ipagtabuyan. Gayundin, matapos nito ay ipapakita ang pagbangon, pagtayo at pagpapatuloy mula sa mga masasakit na karanasan. Ang kabalintunaan nito ay ang mga taong sumalubong sa Kaniya sa Herusalem at tinawag siyang Messiah ay siya ring mananakit at mang-iiwan sa Kaniya, sa puntong isisigaw na patayin siya.

Huwebes Santo

Pag-alala sa Huling Hapunan ni Hesus kasama ang labindalawang apostol, ang paghuhugas sa kanilang mga paa, ang unang tala ng Komunyon o paghahandog ng Eukaristiya, ang pagtatraydor ni Hudas Iscariote at ang pagdarasal ni Hesus habang natutulog ang mga apostol. Ito ay ukol sa pag-alala sa huling salo-salo ng mga tagasunod ni Hesus na matagal Niyang nakasama sa samu’t saring hirap at paglalakbay. Gayundin, ito ay pag-alala sa “bagong”mandato o utos na ibinigay ni Hesus: ang pagmamahal sa isa’t isa, pagmamahal sa kapwa.

Biyernes Santo

Pag-alala sa paglilitis, pagpapakasakit, pagpapako sa krus at paglilibing kay Hesus sa pamamagitan ng Senakulo at ang kaniyang huling pitong salita o Siete Palabras. Isa ring mahalagang bahagi ng araw na ito nang Santo Entierro, ang yumaong Hesus na nakahiga. Ang krus, ayon sa mga tala at dokumentaryo, ay isang parusang nakalaan para sa pinakamasasahol na kriminal na gumawa ng mga

Sa buhay Kristiyano, mawawala ang Sema na talaga iyon ng buh sa pinakaimportanteng Kristiyano para sa’ting kung paano iniligtas buong s

— Kevin Naval, P


ALAIN

Tomo I Bilang 2

7

e G. Esteban

o, hindi na talaga ana Santa; parte hay Kristiyano. Isa siya g selebrasyon ng pagiging lahat dahil doon ipinakita s at sinalba ni Kristo ang sanlibutan.

Parish Youth Ministry coordinator

pinakakahindik-hindik na krimen. Ang kabalintunaan nito ay ipinapatay ang isang walang pagkakasala para iligtas ang lahat sa kanilang mga kasalanan. Simbolo ang araw na ito ng kadiliman habang “walang” Diyos. Sa mas personal na pagpapakahulugan, sumisimbolo ito sa kadilimang bumabalot sa mga tao kung itinuturing nilang patay ang Diyos sa kanilang mga buhay. Ang mga misa sa araw na ito ay madalas nagtatapos sa kadiliman kung saan, sa ilang pagkakataon, ang kandilang sumisimbolo sa pagkamatay ni Kristo ay inilalabas sa sanktuwaryo. Madalas, nagtatapos din ang misa sa isang malakas na ingay na sumisimbolo sa pagsasara ng libingan ni Hesus, at susundan ng tahimik na paglisan ng mga nagmisa.

Sabado de Gloria

Pag-alala, pangungulila at paghihinagpis dahil sa “pagkamatay”ng Diyos at pananatili ng katawan sa libingan. Sa araw na ito pinagninilayan ang kadiliman sa isang mundong walang Diyos, sa kasalukuyan man o sa hinaharap. Sa araw rin na ito ay ginugunita ang mga yumaong kamag-anak, kaibigan at mga mahal sa buhay. Gayundin, ang araw na ito ay isang “paghahanda” para sa muling pagkabuhay.

Linggo ng Pagkabuhay

Pagsasaya at pagdiriwang sa pagkabuhay muli ni Hesus sa pamamagitan ng Salubong sa umaga, kung saan magtatagpo ang Birheng Maria at si Hesus sa isang nakatakdang lugar na tatayo bilang Galilea, madalas ay sa tapat ng simbahan. Ang Birheng Maria ay nakasuot ng itim na belo bilang simbolo ng pagluluksa at paghihinagpis. May darating na isang babaeng anghel, aawit ng Regina Coeli at tatanggaling ang belo ng Birheng Maroia. Mula roon, siya ay tatawaging Nuestra Senora de Alegria (Our Lady of Joy), kung saan sasabuyan na ang estatwa ng mga confetti at bulaklak. Huhudyatan ito nang sunod-sunod na pagpapatunog ng mga kampana at minsan pa nga ay pagpapaputok , na susundan ng misa. Ito ang araw na ipinakita ng Hesus na siya ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Ito ang istorya kung saan ang pambabastos, pagkamuhi, pagkasuklam ay sinagot ng pusong mapagtiis at kabutihan. Ito ang istorya kung saan ang mga ibinatong samu’t saring masasakit na salitang walang katotohanan ay sinagot ng pagtitiis, pang-unawa at kapatawaran. Ito ang Semana Santa, paalala na mahigit dalawang libong taon na ang nakararaan, hindi sumuko ang Diyos sa tao kahit iniwan at pinagkaisahan na Siya; pagpapaalala sa isip, puso at kaluluwa na ang tao ang sumusuko sa Diyos kapag hirap na hirap na sila. Paalala na mahal na mahal ka Niya sa kabila ng minsan o ilang ulit na pang-iiwan mo sa Kaniya. Ang mga larawan ay mula sa iba’t ibang Facebook accounts, online news portals at blogs.


8

TASK FORCE ON YOUTH DEV’T

Tomo I Bilang 2


BALITA

Tomo I Bilang 2

9

KNL ‘banchetto’, binuksan sa publiko sa panahon ng Pasko

KNL Kainan. Masayang pinasinayaan at binuksan ang kauna-unahang banchetto ng Barangay Krus Na Ligas sa People’s Park na dinaluhan ni Vice Mayor Joy Belmonte (kaliwa, itaas) noong Disyembre 4, 2015. (Mga larawan kuha ni Kristian Lloyd Sagun)

Habang ang kalye ng Maginhawa at Malingap ay kinikilala na ng marami bilang mga “food capital” ng Quezon City at hinihintay na gawing opisyal na “Art and Food Hub” ng lungsod, ikinasa naman ng Sangguniang Barangay (Barangay Council) ang pagkakaroon ng sariling “banchetto” ng Krus Na Ligas.

At noong Disyembre 4, 2015, pormal na binuksan ang nasabing proyekto sa People’s Park sa pagitan ng kahabaan ng C.P. Garcia at kanto ng Baluyot.

LGBT League at Mothers’ Cup, ikinasa ng TFYD at ni Kgwd Mau

Bilang pagsuporta sa mga lesbians, gays, bisexuals at transgenders (LGBT) sa Barangay Krus Na Ligas (KNL) gayundin para mabigyang atensyon ang mga nanay, nagkasa ng dalawang volleyball tournaments ang isang grupo ng kabataan at isang kagawad. Sa pangunguna ng Task Force on Youth Development at ni Kagawad Magalong, isinagawa ang LGBT One-Day League Volleyball Tournament para sa mga LGBT ng KNL mula sa iba’t ibang purok noong ika-14 ng Pebrero sa Sitio Lambak Covered Court. Ang nasabing kompetisyon ay tinampukan ng pagsasanib ng mga kalahok mula sa iba’t ibang purok upang makabuo ng

Pagtanggap at pagsasaya. Masayang nag-pose para sa isang larawan ang mga kalahok sa LGBT Volleyball Tournament at ang nag-organisa na si Kagawad Mau Magalong. (Larawang kuha ni Kristian Lloyd Sagun)

sariling koponan. Ang liga ay nagsimula sa ikawalo ng umaga at natapos sa ika-10 ng gabi. Ang lumahok sa nasabing liga ay 42 miyembro ng LGBT community sa KNL. S a m a n t a l a , ang Mothers’ Cup na naglayong bigyan ng ibang pagkakaabalahan ang mga nanay ng bawat purok ay pinasimulan noong Pebrero at natapos sa unang linggo

ng Marso. Karamihan ng mga laro sa pagitan ng mga purok ay ginanap sa Plaza Covered Court. Tinanghal na kampeon sa Mothers’ Cup ang Purok 2 na sinundan naman ng first runner-up na Sangguniang Kabataan batch 1996 o kilala bilang SK’96. Pangalawa at pangatlong runners-up naman ang Purok 1 at Purok 7, ayon sa pagkakasunod.

Ayon sa mga kagawad na sina Ireneo “Toto” Melendres at Romeo “Mama Ome” Jose at kay Kapitan Julian Santos, maraming mamamayan ng KNL ang makikinabang sa pagpapalawig ng proyektong ito sa hinaharap. Sa magkakahiwalay na panayam, ang mga nasabing opisyal ay pare-pareho ng ideya patungkol sa benepisyo ng nasabing proyekto — karagdagang kita para sa mga mamamayan ng barangay dahil mga naninirahan dito ang pangunahing bibigyang oportunidad na umupa ng mga puwesto, gayundin ay makilala ang KNL at hindi lang ang mga nakapaligid ditong lansangan.

Ngunit ano nga ba ang isang banchetto? Ang banchetto ay isang lumang Italyanong salita, kinuha mula sa salitang banco (salinwika sa Filipino: bangko, Ingles: bench), na ginagamit sa mga pagkaing kinakain ng mga Italyano habang nakaupo sa bench. Sa Pilipinas, ang nasabing salita, na ang literal na salinwika sa Filipino ay piging at sa Ingles ay banquet, ay tumutukoy sa isang malaking lugar na mayroong samu’t saring pagkain. Mula street foods hanggang high class na lutuin, karaniwang bukas ang isang banchetto mula kalagitnaan ng gabi hanggang bago ang pagsikat ng araw, at dinaragsa ng maraming tao mula pa sa malalayong lugar para kumain, magkuwentuhan at magsaya.

Mga nasunugan sa Bagong Taon, tinulungan ng Council Tumanggap ng tulong mula sa mga opisyal ng barangay at lokal na pamahalaan ng lungsod ang 12 pamilyang mula sa kalye ng Tiburcio Extention na nasunugan ng tirahan at ari-arian noong Bagong Taon. Binigyan ang mabawasan ang gastusin. nasabing mga pamilya Ang nasabing ng mga grocery items tulong ay nanggaling sa tulad ng mga de lata, konsehal ng lungsod na bigas,instant noodles, at si Marvin Rillo at mga pancit canton gayundin kumakandidatong konsehal ng mga saplot tulad ng na sina Al Flores at Irene mga pinaglumaang damit Belmonte katuwang ang upang kahit panandalian ay Sangguniang Barangay.

Tulong-tulong. Nagpaabot ng tulong ang mga kawani ng barangay, mga opisyal ng lungsod at mga kagawad ng Krus Na Ligas sa mga nasunugan ng tirahan at ari-arian noong nakalipas na Bagong Taon. (Larawang kuha ni Kristian Lloyd Sagun)


10

BALITANG KAMPUS

Tomo I Bilang 2

KNLHS, 2nd best school sa NCR Mga Crusaders, binitbit ang paaralan sa larangan ng journalism Simula nang nabuo ang pahayagang CRUSADER noong 1992 at ang KRUSADA noong 1998, hindi pa nagawang makapasok ng student publications ng Krus Na Ligas High School (KNLHS) sa “Five Highest School Pointers” ng National Capital Region Secondary Schools Press Conference (NCRSSPC). Sa kasaysayan, apat na beses nang nagawa ng paaralan ng mga Crusaders na makapasok sa limang

pinakamahusay na paaralan sa District SSPC — noong 2000, 2005, 2013 at 2015. Tig-isang beses naman nitong nagawang makapuwesto sa 10 Most Oustanding Publications sa dalawang pandibisyong kompetisyon — noong 2013 sa Quezon City SSPC at noong 2014 sa paligsahang inorganisa ng Young Men’s Christian Association. Makalipas ang 24 na taong pagsubok at pagkabigo, matapos ang dalawang dekada nang pag-

KNLHS, nagsagawa ng summer classes, 4th academic camp

Upang maihanda ang mga kabataang may bagsak na marka at nahirapang makapasa sa iba’t ibang asignatura, ang pampublikong hayskul ng komunidad ay naglunsad ng mga karagdagang programang pang-akademiko sa panahon ng bakasyon para sa mga nagkaproblema sa taongpampaaralan 2015-2016. Inilunsad ng Krus Na Ligas High School (KNLHS) ang 4th Summer Reading, Science and Math Camp noong ika-11 hanggang ika-15 ng Abril. Nilayon ng programa na tulungan ang mga estudyanteng may isa o dalawang bagsak sa isang markahan (grading period) mula sa ikapito, ikawalo at ikasiyam na baitang para hindi na ito maulit. S a m a n t a l a , nagsimula naman ang summer classes noong ika11 ng Abril, at kasalukuyan pa ring isinasagawa, para sa mga mag-aaral na may bagsak na kabuuang marka sa isang asignatura (subject). Ang leksyon sa bawat asignaturang ibinagsak ay may habang dalawang oras. May kabuuang 173 estudyante ang pumapasok

sa summer classes ng KNLHS, pinakamarami ang umuulit ng mga asignatura sa ikapitong baitang (67 estudyante), sinundan ng ikawalo (49), ikasiyam (48) at ika-10 (siyam) baitang. Sa ika-10 baitang, anim ang bumagsak sa Technology and Livelihood Education (TLE), dalawa sa English at isa sa Mathematics. Sa ikasiyam na baitang, una sa listahan ng mapupunong klase ang English (18 estudyante) kasunod ang Filipino (12) at TLE (11). Sa grade eight, ang mga major subjects na Filipino (18 estudyante), English (10) at Math (9) ang pinakapuno. Sa grade seven, maraming estudyante ang umuulit ng TLE (29) ngayong bakasyon — pinakamarami sa lahat ng grade level at asignatura — sinundan ng English (13) at Math (7). Batay sa pamantayan ng K-12, kapag ang isang estudyante ay may tatlong bagsak na asignatura o higit pa, kailangan na niyang ulitin maging ang mga asignaturang hindi niya ibinagsak. Samakatuwid, kailangan ulitin ng isang mag-aaral ang buong baitang sa lahat ng markahan.

asang ipinasa sa susunod na henerasyon at pangakong napako, nagawa na ng mga Crusaders na itaas ang pangalan ng KNLHS sa isang rurok ng tagumpay matapos kilalanin bilang 2nd Highest School Pointer sa buong NCR noong ika-5 ng Disyembre 2015. Ito ang unang beses sa kasaysayan ng KNLHS na magawang makatanggap ng nasabing pampublikong paaralan ng isang parangal sa isang panggrupong kategorya sa panrehiyong antas. Mas mataas lang ng dalawang puntos ang kinilalang pinakamahusay na paaralan, ang Mandaluyong High School. Pinangunahan nina John Lester Francisco (4th place, Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita), Sophia Hanna Alburo (1st place, Pagsulat ng Balitang Isports) at Joannah Mae Manalang (2nd place, Pagsulat ng Lathalain) ang makasaysayang panalo ng

Karangalan ng Pamayanan. Ipinakilala ng mga Crusaders ang Krus Na Ligas High School sa buong rehiyon ng NCR matapos iuwi ang pagkilalang pangalawang pinakamagaling na paaralan pagdating sa pamamahayag o journalism.

mga Crusaders. Bahagi ng nanalong grupo ng mga mamamahayag ang grade 7 na si Andrea Nicole Cabiles; mga grade 8 na sina Ceejhay Soriano at James Bryan Morgado; mga grade 9 na sina January Audrie Orense, Francheska Alleine Galang, Felix Gabriel Lapuz III at Katherine Flor Castillo; at mga grade 10 na sina Zyra Corrine Cabudoc, Phebe Judith Austria, Jireh Jannie Desabelle at Frances Sophia Bandiola. Si Marsha Gepiga ang student publication

adviser ng mga journalists. Dahil sa panalo, pinili si Gepiga ng DepEd Regional Office na nag-iisang kinatawan ng Quezon City para sa high school journalism at ipinadala sa National Training of Trainors (NTOT) sa Naga City noong Enero 2016. Ang 2016 NCRSSPC, ang ika-39 na edisyon ng nasabing panrehiyong kompetisyon, ay may temang “The Role of the 21st Century Campus Journalists in Upholding Good Governance, Leadership and Transparency”.

Guro ng KNLHS, kinilala sa pagsasalinwika ng internasyunal na libro ukol sa katekismo

Patuloy na pinatutunayan ng Krus Na Ligas High School (KNLHS) na marami itong mahuhusay na guro. Noong nakaraang taon, kinilala si Mc Kenneth Baluyot dahil sa kaniyang husay sa pagsasalin sa wikang Filipino ng internasyunal na librong Youth Cathechism (YouCat), kung saan may foreword (paunang salita) ang dating Santo Papa na si Pope Benedict XVI. Ang nasabing libro, tinatawag ngayong YouCat Filipino, ay naglalayong tulungan ang mga kabataang Pilipino na mas

madaling matutunan at maunawaan ang katekismo ng Simbahang Katoliko. Ayon sa panayam ni Raymond Sebastian mula sa pahayagang Catholic Bishops Coference of the Philippines (CBCP) News, sinabi ni Baluyot na isang magandang karanasan ang tagumpay na maisalinwika ang libro sa gitna ng kaniyang trabaho bilang guro. Si Baluyot ay nagtuturo ng ekonomiks sa KNLHS, adviser (tagapayo) ng unang pangkat sa ika10 baitang at ng Supreme Student Government ng paaralan, at volunteer na

Christian Living educator sa Miriam Adult Education. Maliban sa mga ito, aktibo rin siya sa paglilingkod sa Parokya ng Holy Cross (Holy Cross Parish) at sa pamayanan katulong ang Sangguniang Barangay (Barangay Council). Si Baluyot, dating valedictorian ng KNLHS at KNL Elementary School at dating journalist ng pahayagang CRUSADER sa hayskul, ay pinili ng Claretian Communications Foundation para isalinwika ang libro dahil na rin sa rekomendasyon ni Rev. Fr. Jonathan Bitoy.


Tomo I Bilang 2

BALITANG PAROKYA

11

Mga nagsipagtapos sa PREX ng HCP, aabot na sa 900 katao

Nag-pose ang mga graduates ng golden batch ng Parish Renewal Experience noong Nobyembre 2014 kasama ang dating kura paroko ng Holy Cross Parish na si Rev. Fr. Ron Mariano Roberto. (Larawan mula kay Rhoda Mariz Butardo)

HCP, Sangguniang Brgy, pumirma ng MOA para sa UBAS Upang mapaigting ang kinakailangang partisipasyon ng simbahang Katoliko sa mga gawain ukol sa pamumuno at hindi lang isang simpleng tagamasid, lumagda sa isang mahalagang at natatanging kasunduan ang Sangguniang Barangay, Department of Interior and Local Government (DILG) at Holy Cross Parish (HCP). Ang Memorandum of sa lokal na mga simbahan na Agreement (MOA) na sinang- mabilang sa pamumuno para ayunan at nilagdaan ni Kapitan tulungan ang mga iniluklok na Julian Santos, ng kinatawan opisyal na gawin ang kanilang ng DILG at ni Rev. Fr. Marvin mga ipinangako.” (isinalinwika) Pajarillaga ay bilang pagtugon Ang mga pangunahing sa programang Ugnayan ng elemento ng UBAS ay Barangay at Simbahan (UBAS). pagiging “grassroots-based” Ginawa ang pormal na o pagtulong na gawing sentro paglagda sa MOA noong Marso 19, ng at para sa pag-unlad ang 2016 sa Barangay Assembly Day. barangay sa pamamagitan Pinasimulan ni ng pagtutulungan ng mga yumaong Interior Secretary magkaka-barangay at Jesse Robredo, sa isang liham pagkakaroon ng aktibong sa lahat ng obispo ng Pilipinas mga layko; “faith-impelled” o noong Enero 2011 ay sinabi ng pagkakaroon ng pamumunong kalihim na nais niyang “ibilang itinutulak ng pananampalataya; ang mga parokya sa mga at “interfaith” o pagtanggap proseso at gawain ng lokal na at pagsasanib ng iba’t ibang pamahalaan.” (isinalinwika) paniniwala para sa ikabubuti Noong Pebrero 2011, ng lahat. sinang-ayunan ito ni Bishop Para sa iba pang detalye Tobias habang nasa Diocese ukol sa nasabing programa, ng Novaliches at sinabing bisitahin ang website ng UBAS “matindi ang pangangailangan na www.ubas.org.ph/about-us

Tulungan. Sabay-sabay nilagdaan ng DILG representative ng QC (kaliwa), Rev. Fr. Marvin Pajarillaga (gitna) at Kapitan Julian Santos (kanan) ang Memorandum of Agreement ng Ugnayan ng Barangay at Simbahan (UBAS) sa Krus Na Ligas. (Larawan kuha ni Kristian Lloyd Sagun) Larawan kuha ni Kristian Lloyd Sagun)

Kasama ang mga bagong graduates ng Parish Renewal Experience (PREX) 58 noong Abril 9 at 10, tinatayang nasa 900 katao na ang nakapagtapos sa nasabing formation seminar simula noong unang batch sa ilalim ng Holy Cross Parish (HCP). “Ang PREX, tumutulong para kilalanin [pa nang husto] ang sarili bilang Katoliko kaugnay ang simbahan; para mas makilala natin ang Diyos sa buhay natin,” saad ni Rowena “Weng” Francisco. Siya at ang asawa niyang si Ramil ay kapwa coordinators ng PREX. Maliban sa pagiging isang tulay na may layong punan muli o mapapanumbalik (renewal) ang diwa ng tao sa parokya, sa Simbahang Katolika at sa Diyos,

ang PREX ay nagsisilbi ring pasukan upang maging parte ng ministeryo ng isang parokya at makapagsilbi kasama nito. “Ang PREX, hindi naman talaga siya ministry ng simbahan. Under pa rin [ito] ng Formation Ministry tapos ‘yung PREX ang pinaka-entry point ng mga nag-si-serve sa simbahan,” paglilinaw ni Francisco. “From PREX, pwede sila pumili kung saan nila gustong pumunta. Ini-endorse namin sila sa gusto nilang pasukang ministry,” saad niya. Dagdag pa niya, karamihan ng mga graduates ng PREX ay nagpatuloy bilang greeters at collectors, habang ang iba naman ay naging lectors at staff ng mga sumunod na PREX seminars.

Nilinaw ni Francisco na hindi obligado ang mga nagsipagtapos na sumali sa isang ministeryo ng simbahan, ngunit lubos silang hinihikayat. Sa nakaraang PREX seminar, walo ang mga nagsipagtapos. Ang mga ito ay sina Ma. Cristina Mae De Leon, 16 na taong gulang; Stephanie Anne Charlotte Bres, 17; Erwin Una, 33; Lea Monforte, 36; Ma. Gina Lambino, 42; Evangeline Querobin, 50; Cecilia Carabaña, 58; at Myrna Parafina, 64. Sina Mc Kenneth Baluyot at Adoracion “Adora” Revilloza ang mga naging leads sa nakaraang PREX seminar. Ang PREX 59 ay inisyal na nakatakdang gawin sa ika-15 at 16 ng Mayo 2016.

Ika-6 na taon ng Disco Days, matagumpay na ginawa ng Parokya ng Holy Cross “Formation siya ng isang tipikal na bata para mas makilala niya ‘yung kaniyang sarili, ‘yung kaniyang kinabibilangang relihiyon at ‘yung kaniyang kahalagahan bilang isang kabataan sa lipunan.” Ganito inilarawan ni Jeffrey Solano sa isang panayam ang Discovery Days o Disco Days ng Holy Cross Parish (HCP) bago ito ganapin sa Our Lady of Mediatrix of All-Grace Chapel sa San Mateo, Rizal noong ika-15 hanggang 17 ng Abril. Nasa pang-anim na taon na ngayon, sinabi ni Solano na ang Disco Days ay pinaikling pamagat ng programang “Discovering yourself, your God, your family and your community” at naiiba sa ibang uri ng formations dahil sa target nila ang isang partikular na grupo ng mga kabataan. Ayon kay Solano, ang pinagkaiba ng Disco Days sa Parish Renewal Experience (PREX), na isa ring formation na isinasagawa ng HCP ilang beses sa isang taon, ay ang pokus at antas. “‘Yung PREX kasi is renewal formation based on your experience. So, ito (PREX) ‘yung seminar na [sasagot kung] papaano mo maiintindihan ‘yung plano ng simbahan bilang ikaw ay kabahagi ng simbahan. Pero ‘yung Disco Days kasi nag-po-focus siya sa youth,” saad ni Solano. “Yung mga ginagawa dito sa Disco Days ay more on ‘yung pinagdadaanan ng kabataan ngayon. ‘Yung ‘PREX kasi ‘yun ay level up naman na pagpapalalim ng iyong pananampalataya, samantalang ‘yung Discovering Yourself ay simula ng kung paano mo paniniwalaan ang

Ginagabayan ng mga Parish Youth Ministry facilitators ang mga attendees sa unang gabi ng pre-camp sessions sa Holy Cross Parish para sa Disco Days Year 6. (Larawan mula sa Facebook Page ng Pym HolyCross)

pananampalatayang iyong kinagisnan,” dagdag niya. Target ng Disco Days ang partikular na grupo ng kabataan na ikinakategorya bilang “Bukal” o nasa pagitan ng edad 17 at 21. Ang dalawang iba pang kategorya ay “Binhi” (edad 13 hanggang 16) at “Siklab” (edad 22 pataas). Ang mga kabataang nasa kategorya ng Bukal ang pakay ng Disco Days dahil, ayon kay Solano, ang edad na sakop nito ang “crucial part kung saan na-di-develop ‘yung decisionmaking niya, ‘yung interes niya nandodoon at ‘yung maturity stage na magdesisyon para sa sarili niya nand’un din.” Ipinaliwanag ni Solano na ang Disco Days ay “unique” dahil “HCP lang ang gumagamit ng [pangalang] Disco Days” habang ang gamit ng ibang mga parokya ay JAM o Jesus And Me, na orihinal na inilabas ng Diocese of Cubao. Dalawampu’t limang kabataan lamang ang pinili mula sa lahat ng sumali gamit ang

tatlong magkakahiwalay na gabi ng pre-camp sessions “to focus and mas madaling i-handle ang mga participants.” “D’un sa sesyon (precamp) kasi na ‘yun dun sasalain ‘yung mga kabataang dadaan ng formation ng Disco Days. So mas nasasala sila, mas nakikita ‘yung effectivity nu’ng ibibigay na program d’un sa bata kasi mas makikilala nang mas maaga ‘yung mga participants,” saad ni Solano. Natapos ang Disco Days sa isang misa sa HCP at testimonial night kung saan ibinabahagi ng mga attendees ang kani-kanilang karanasan sa nasabing formation. Si Solano, dating nagsisilbi sa pamunuan at HCP at ngayon ay nasa Holy Family Parish na, ay tumayong isa sa tatlong camp masters ng nakaraang Disco Days kasama. Ang dalawang iba pa ay sina Mc Kenneth Baluyot at Rev. Fr. Marvin Pajarillaga, na siyang itinuturing na head master at namuno sa spiritual guidance.


Tomo I Bilang 2

SENAKULO

12

Ang mga larawan ay mula sa iba’t ibang Facebook accounts, online news portals at blogs.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.