Ang Totoo Tungkol sa PASKO

Page 1

Gumising! DISYEMBRE 2010

Ang Totoo Tungkol sa

PASKO


Gumising!

KATAMTAMANG LIMBAG 38,451,000 INILATHALA SA 84 NA WIKA

3 5 8 12 20 22

25

26

29 30 31 32

Dumarami ang Nagdiriwang ng Pasko—Bakit? Ang Totoo Tungkol sa Pasko “Ang Katotohanan ay Magpapalaya sa Inyo”! Inaliw Ako ng Diyos sa Lahat ng Pinagdaanan Ko Mas Marami Pang Malalakas na Lindol ang Inaasahan Ang mga Kabataan ay Nagtatanong Paano Ko Ipaliliwanag ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Homoseksuwalidad? May Nagdisenyo ba Nito? Ang Mahusay na Istilo ng Paglangoy ng Salmon Isang Aklat na Mapagkakatiwalaan Mo Bahagi 2—Ulat ng Bibliya Tungkol sa Asirya Pagmamasid sa Daigdig Indise ng mga Paksa Para sa 2010 Gumising! Repaso Para sa Pamilya Natututo Rin Siya Kasabay Nila

10 Bakit Hindi Pa Pinupuksa ng Diyos ang Diyablo?

Tinitiyak sa atin ng Bibliya na pupuksain ng Diyos si Satanas sa tamang panahon. Alamin kung bakit hindi pa niya ito ginagawa.

Lindol sa Haiti—Kung

14 Paano Ipinakita ang

Pananampalataya at Pag-ibig Noong Enero 2010, winasak ng lindol sa Haiti ang mga gusali at daandaang libo ang namatay. Alamin kung paano nagbigay ng tulong, sumagip ng buhay, at nagbigay ng pag-asa ang mapagsakripisyong mga boluntaryo.

Ang Totoo Tungkol sa Pasko 3-9 Alamin kung paano natulungan ang mga pamilya nang malaman nila ang tungkol sa pinagmulan ng Pasko.


Dumarami ang Nagdiriwang ng Pasko

BAKIT? N

ASASABIK ka ba sa Pasko? O nai-stress ka habang papalapit na ito? Milyun-milyong tao ang nagtatanong: ‘Sinu-sino kaya ang bibigyan ko ng regalo? Anu-ano ang mga ireregalo ko? Kaya ba ito ng bulsa ko? Gaano katagal ko kaya mababayaran ito?’ Sa kabila nito, napakarami pa ring nagdiriwang ng Pasko. Sa katunayan, ipinagdiriwang na rin ito maging sa mga bansang diKristiyano. Sa Japan, karamihan sa mga pamilya ay nagdiriwang na ng Pasko, hindi dahil sa kanilang relihiyon, kundi dahil masaya ang okasyong ito. Sa China, “nakadispley sa mga tindahan sa pangunahing mga lunsod ang masaya at namumulang mukha ni Santa Claus,” ang sabi ng The Wall Street Journal. Idinagdag pa nito: “Gustung-gusto na rin ng bagong grupo ng mga may-kaya sa buhay sa mga lunsod sa China na magdiwang ng Pasko dahil pa´ nahon ito para mamilı, magkainan, at magparty.” Sa maraming bansa, nakatulong nang malaki ang Pasko sa pagunlad ng ekonomiya. Totoong-totoo ito sa China na “nag-e-export ng napakaraming Christmas tree, Christmas light, at iba pang dekorasyong pampasko,” ang sabi ng Journal. Sa mga bansang Muslim, may mga pagdiriwang din na katulad ng sa Pasko, bagaman hindi Disyembre 25. Sa Ankara, Turkey, at sa Beirut, Lebanon, karaniwan nang ang mga tindahan ay may mga displey na regalo at punong may dekorasyon. Sa Indonesia, nag-iisponsor ng masasayang aktibidad ang mga hotel at shopping mall, at ang mga bata ay maaaring kumain o magpakuha ng litrato kasama ni Santa. Sa mga bansang Kristiyano sa Kanluran, halos negosyo na lang ngayon ang Pasko. Maraming anunsiyo na “halatang pinupuntirya ang mga bata,” ang sabi ng Royal Bank Letter ng Canada. Totoo namang may ilan pa ring mga nagsisimba pagsapit ng kapaskuhan. Pero mas dinudumog ng mga tao ang mga shopping mall na nagpapatugtog ng mga kantang pamasko. Bakit? Dahil kaya ito sa pinagmulan ng Pasko? Ano ang pinagmulan nito? Bago talakayin ang mga tanong na ito, makabubuting basahin muna ang ulat ng Bibliya na sinasabing pinagkunan ng konsepto ng Belen. Gumising! Disyembre 2010

3


ANG ULAT NG MGA MANUNULAT NG EBANGHELYO Ang apostol na si Mateo: “Pagkatapos na maipanganak si Jesus sa Betlehem ng Judea noong mga araw ni Herodes na hari, narito! ang mga astrologo mula sa mga silanganing bahagi ay pumaroon sa Jerusalem, na nagsasabi: ‘Nasaan ang isa na ipinanganak na hari ng mga Judio? Sapagkat nakita namin ang kaniyang bituin noong naroon kami sa silangan, at pumarito kami upang mangayupapa sa kaniya.’ Sa pagkarinig nito ay naligalig si Haring Herodes.” Kaya itinanong niya sa “mga punong saserdote . . . kung saan ipanganganak ang Kristo.” Nang malaman niya na ito ay “sa Betlehem,” sinabi ni Herodes sa mga astrologo: “Humayo kayo at maingat na hanapin ang bata, at kapag nasumpungan ninyo siya ay ipaalam ninyo sa akin.” “Lumakad na sila; at, narito! ang bituin na nakita nila noong naroon sila sa silangan ay nagpauna sa kanila, hanggang sa ito ay huminto sa itaas ng kinaroroonan ng bata. . . . Nang pumasok sila sa loob ng bahay ay nakita nila ang bata na kasama ni Maria na kaniyang ina.” Pagkatapos na maibigay kay Jesus ang mga regalo, “binigyan sila ng babalang mula sa Diyos sa isang panaginip na huwag bumalik kay Herodes, [kaya] sila ay umalis patungo sa kanilang lupain sa pamamagitan ng ibang daan.” “Pagkaalis nila, narito! ang anghel ni Jehova ay nagpakita kay Jose sa panaginip, na sinasabi: ‘Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas ka patungong Ehipto . . . ’ Kaya bumangon siya at dinala ang bata at ang kaniyang ina nang kinagabihan at umalis . . . Nang magkagayon, sa pagkakitang pinaglalangan siya ng mga astrologo, si Herodes ay lubhang nagngalit, at nagsugo siya at ipinapatay ang lahat ng mga batang lalaki sa Betlehem at sa lahat ng mga distrito nito, mula ´ dalawang taong gulang pababa.”—Mateo 2:1-16.

Ang alagad na si Lucas: Si Jose ay “umahon mula sa Galilea, mula sa lunsod ng Nazaret, patungo sa Judea, sa lunsod ni David, na tinatawag na Betlehem, . . . upang magparehistrong kasama ni Maria . . . Habang naroon sila, . . . isinilang niya ang kaniyang anak na lalaki, ang panganay, at binalot niya ito ng mga telang pamigkis at inihiga ito sa isang sabsaban, sapagkat walang dako sa silid-tuluyan para sa kanila.” “Mayroon ding mga pastol sa mismong lupaing iyon na naninirahan sa labas at patuloy na nagbabantay sa gabi sa kanilang mga kawan. At bigla na lang, ang anghel ni Jehova ay tumayo sa tabi nila, . . . at lubha silang natakot. Ngunit sinabi ng anghel sa kanila: ‘Huwag kayong matakot, sapagkat, narito! ipinahahayag ko sa inyo ang mabuting balita tungkol sa malaking kagalakan na tataglayin ng lahat ng mga tao, sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon ang isang Tagapagligtas, na siyang Kristo na Panginoon, sa lunsod ni David.’ ” At ang mga pastol ay dali-daling “pumaroon at nasumpungan si Maria at gayundin si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.” —Lucas 2:4-16.

Gumising! ANG BABASAHING ITO AY INILALATHALA para sa kapakinabangan ng buong pamilya. Ipinakikita nito kung paano haharapin ang mga problema sa ngayon. Iniuulat nito ang mga pangyayari sa daigdig at nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa mga tao sa maraming lupain. Tinatalakay rin nito ang hinggil sa relihiyon at siyensiya. Ngunit hindi lamang iyan. Sinusuri nitong mabuti ang kasalukuyang mga pangyayari at sinasabi ang tunay na kahulugan ng mga iyon, subalit lagi itong neutral sa pulitika at hindi nagtatangi ng lahi. Pinakamahalaga, layunin ng magasing ito na patibayin ang pagtitiwala sa Maylalang at sa kaniyang pangako na ang kasalukuyang napakasama at magulong sistema ng mga bagay ay malapit nang palitan ng isang payapa at tiwasay na bagong sanlibutan. 4

Gumising! Disyembre 2010

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan. Awake! (ISSN 0005-237X) is published monthly in the United States by Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.; M. H. Larson, President; G. F. Simonis, Secretary-Treasurer; 25 Columbia Heights, Brooklyn, NY 11201-2483, U.S.A., and in the Philippines by Watch Tower Bible and Tract Society of the Philippines, Inc., PO Box 2044, 1060 Manila, R.P. Periodicals Postage Paid at Brooklyn, NY, and at additional mailing offices. Entered as second-class matter at the Manila Central Post Office on September 12, 1961. 5 2010 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. Reserbado ang lahat ng karapatan. Printed in R.P. Disyembre 2010, Tomo 91, Blg. 12

Monthly

TAGALOG


Ang Totoo Tungkol sa Pasko G

USTO mo bang malaman ang katotohanan mula sa Bibliya? Kung oo, siguro naitanong mo na ang mga ito: (1) Disyembre 25 ba talaga ipinanganak si Jesus? (2) Sino ang mga “pantas na lalaki,” at talaga bang tatlo sila? (3) Anong uri ng “bituin” ang umakay sa kanila kay Jesus? (4) Ano ang kaugnayan ni Santa Claus kay Jesus at sa kaniyang kapanganakan? (5) Ano ang pangmalas ng Diyos sa pagbibigayan ng regalo, partikular na ang pagpapalitan ng regalo, tuwing Pasko? Tingnan natin ngayon kung ano ang sinasabi ng mga ulat ng Bibliya at ng kasaysayan tungkol dito.

25 ba Ipinanganak si Jesus? – Disyembre

Tradisyon: Ayon sa tradisyon, Disyembre 25 ang kapanganakan ni Jesus, at ipinagdiriwang ito sa petsang iyon. Sinabi ng Encyclopedia of Religion na ang “Pasko” ay nangangahulugang “misa para sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Kristo.” Pinagmulan: “Ang pagdiriwang tuwing Disyembre 25 ay hindi mula sa Bibliya,” ang sabi ng The Christmas Encyclopedia, “kundi mula sa paganong mga kapistahan ng mga Romano sa pagtatapos ng taon,” sa panahon ng winter solstice sa Hilagang Hemisperyo. Kasali rito ang Saturnalia, bilang pagpaparangal kay Saturn, diyos ng agrikultura, “at pinagsamang kapistahan para sa dalawang diyos ng araw na sina Sol ng Roma at Mithra ng Persia,” ang sabi pa ng ensayklopidi-

Mga Wika: Afrikaans, Albanian, Amharic, Arabic, Armenian, Bislama, Bulgarian, Cebuano, Chichewa, Chinese (Simplified), Chinese (Traditional)7 (audio Mandarin only), Chitonga, Cibemba, Croatian, Czech,7 Danish,7 Dutch,67 English,67 Estonian, Ewe, Fijian, Finnish,7 French,687 Georgian, German,67 Greek, Gujarati, Hebrew, Hiligaynon, Hindi, Hungarian, Icelandic, Igbo, Iloko, Indonesian, Italian,67 Japanese,67 Kannada, Kinyarwanda, Kirghiz, Kirundi, Korean,67 Latvian, Lingala, Lithuanian, Luvale, Macedonian, Malagasy, Malayalam, Maltese, Myanmar, Norwegian,67 Polish,67 Portuguese,687 Punjabi, Rarotongan, Romanian, Russian,67 Samoan, Sepedi, Serbian, Sesotho, Shona, Silozi, Sinhala, Slovak, Slovenian, Spanish,67 Swahili, Swedish,7 Tagalog, Tamil, Thai, Tok Pisin, Tongan, Tsonga, Tswana, Turkish, Ukrainian, Urdu, Vietnamese, Xhosa, Yoruba, Zulu

6 Makukuha rin sa CD. 8 Makukuha rin sa MP3 CD-ROM. 7 Makukuha rin ang audio recording sa www.jw.org.

ya. Pareho itong ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25, ang winter solstice sa kalendaryong Julian. Ang paganong mga ´ kapistahan ay ginawang “Kristiyano” noong taong 350, nang ideklara ni Pope Julius I ang Disyembre 25 bilang araw ng kapanganakan ni Kristo. “Unti-unting pumalit sa lahat ng ritwal ng solstice ang pagdiriwang sa kapanganakan ni Kristo,” ang sabi ng Encyclopedia of Religion. “Ginagamit na rin ang araw bilang simbolo ng binuhay-muling si Kristo (na tinawag na Sol Invictus), at ang pabilog na sinag ng liwanag . . . ay makikita na sa ulo ng mga santong Kristiyano.” Ang sinasabi ng Bibliya: Hindi sinasabi ng Bibliya ang petsa ng kapanganakan ni Jesus. Pero tamang sabihin na hindi siya ipinanganak ng Disyembre 25. Bakit? Ayon sa Bibliya, nang ipinanganak si Jesus, ang mga pastol ay “naninirahan sa labas” at nag-aalaga ng kanilang mga kawan sa gabi malapit sa Betlehem. (Lucas 2:8) Kadalasan nang nagsisimula ang malamig na tag-ulan sa buwan ng Oktubre, at dinadala ng mga pastol—lalo na sa malalamig at matataas na lugar, gaya ng sa palibot ng Betlehem—ang kanilang mga tupa sa mga kanlungan sa gabi. Ang pinakamalamig na panahon, na kung minsan ay may kasamang niyebe, ay tuwing Disyembre.1

Kapansin-pansin, hindi ipinagdiwang ng 1 Lumilitaw na ipinanganak si Jesus sa buwan ng Ethanim (Setyembre-Oktubre) sa sinaunang kalendaryo ng mga Judio. —Tingnan ang reperensiyang Insight on the Scriptures, Tomo 2, pahina 56, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

Nais mo ba ng higit pang impormasyon o walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya? Pakisuyong humiling sa mga Saksi ni Jehova gamit ang isa sa mga adres na nakatala sa ibaba. Para sa kumpletong listahan ng adres, tingnan ang www.watchtower.org/address. Australia: PO Box 280, Ingleburn, NSW 1890. Britain: The Ridgeway, London NW7 1RN. Canada: PO Box 4100, Georgetown, ON L7G 4Y4. France: BP 625, F-27406 Louviers cedex. Germany: 65617 Selters. Hawaii: 2055 Kamehameha IV Road, Honolulu, HI 96819-2619. Hong Kong: 4 Kent Road, Kowloon Tong, Kowloon. Israel: PO Box 29345, 61293 Tel Aviv. Italy: Via della Bufalotta 1281, I-00138 Rome RM. Japan: 4-7-1 Nakashinden, Ebina City, Kanagawa-Pref, 243-0496. Korea, Republic of: PO Box 33, Pyungtaek PO, Kyunggi-do, 450-600. Malaysia: Peti Surat No. 580, 75760 Melaka. Philippines: PO Box 2044, 1060 Manila. Spain: Aparta´ do 132, 28850 Torrejon de Ardoz (Madrid). Taiwan: 3-12, Shetze Village, Hsinwu 32746. United States of America: 25 Columbia Heights, Brooklyn, NY 11201-2483.

Gumising! Disyembre 2010

5


unang mga Kristiyano, na marami sa kanila ay nakasama ni Jesus sa ministeryo, ang kapanganakan ni Jesus sa anumang petsa. Ang tanging inaalala nila ay ang kamatayan ni Jesus bilang pagsunod sa utos niya. (Lucas 22:17-20; 1 Corinto 11:23-26) Pero baka itanong pa rin ng ilan, ‘Masama ba kung pagano ang pinagmulan ng mga pagdiriwang na ito?’ Oo, sa pangmalas ng Diyos. Sinabi ni Jesu-Kristo: “Sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan.”—Juan 4:23.

mga “Pantas na Lalaki” —Ilan Sila? Sino Sila? — Ang

Tradisyon: Sinasabing matapos akayin ng isang “bituin” mula sa silangan, ang tatlong “pantas na lalaki” ay nagbigay ng mga regalo kay Jesus na nasa sabsaban noon. Kung minsan, may mga pastol ding makikita sa tagpong iyan. Pinagmulan: Maliban sa maikling ulat ng Bibliya, “ang lahat ng isinulat tungkol sa mga Pantas na Lalaki ay mula sa alamat,” ang sabi ng The Christmas Encyclopedia. Ang sinasabi ng Bibliya: Hindi sinasabi ng Bibliya kung ilan ang “pantas na lalaki” na dumalaw kay Jesus. Maaaring dalawa sila, tatlo, apat, o higit pa. Sa ilang salin ng Bibliya, tinawag silang mga “pantas na lalaki.” Pero ang orihinal na salitang ginamit para dito ay magoi na nangangahulugang astrologo o manggagaway—mga taong gumagawa ng mga bagay na ayon sa Bibliya ay “karima-rimarim kay Jehova.” (Deuteronomio 18:10-12) Dahil sa mahabang paglalakbay mula sa Silangan, hindi na naabutan ng mga astrologo si Jesus sa sabsaban. Sa halip, matapos ang ilang buwang paglalakbay, “pumasok sila sa loob ng bahay,” kung saan nakatira si Jesus. Doon, nakita nila “ang bata na kasama ni Maria na kaniyang ina.”—Mateo 2:11.

Uri ng Bituin ang Umakay sa mga Astrologo? ˜ Anong

Malalaman natin ang sagot kapag isinaalangalang natin ang ginawa ng bituin. Una, hindi nito inakay ang mga lalaki deretso sa Betlehem, kundi sa Jerusalem, kung saan nagtanong sila tungkol kay Jesus na nabalitaan naman ni Haring Herodes. Kaya “palihim na ipinatawag ni Herodes 6

Gumising! Disyembre 2010

ang mga astrologo,” na nagsabi sa kaniya tungkol sa bagong-silang na “hari ng mga Judio.” Pagkatapos ay sinabi ni Herodes: “Maingat [ninyong] hanapin ang bata, at kapag nasumpungan ninyo siya ay ipaalam ninyo sa akin.” Pero masama ang balak ni Herodes kay Jesus. Gusto ng mapagmataas at walang-awang tagapamahalang ito na ipapatay si Jesus!—Mateo 2:1-8, 16. Kapansin-pansin, inakay naman ng “bituin” ang mga astrologo sa timog papuntang Betlehem. Pagkatapos, “huminto” ito sa itaas ng bahay kung saan naroroon si Jesus.—Mateo 2:9, 10. Maliwanag, hindi ito ordinaryong bituin! At bakit naman ang Diyos, na gumamit ng mga anghel para ipaalam sa mapagpakumbabang mga pastol ang pagsilang kay Jesus, ay gagamit ngayon ng bituin para akayin ang paganong mga astrologo—una sa kaaway ni Jesus at pagkatapos ay sa bata mismo? Ang tanging makatuwirang dahilan ay ginamit ni Satanas ang bituing ito para sa kaniyang masamang pakana. Kayang-kayang gawin ito ni Satanas. (2 Tesalonica 2:9, 10) Ang kakatwa, ang dekorasyong bituin ng Betlehem ay kadalasan nang makikita sa mismong tuktok ng Christmas tree.

ang Kaugnayan ni Santa Claus kay Jesus at sa Kaniyang ™ Ano Kapanganakan? Tradisyon: Sa maraming bansa, kilala si Santa Claus na nagbibigay ng regalo sa mga bata.1 Karaniwan nang sumusulat ang mga bata kay Santa para sa regalo na ayon sa tradisyon ay inihahanda ni Santa at ng mga katulong niyang duwende sa headquarter niya sa North Pole. Pinagmulan: Ayon sa alam ng marami, ang konsepto tungkol kay Santa Claus ay hango sa katauhan ni Saint Nicholas, Arsobispo ng Mira sa Asia Minor, na Turkey ngayon. “Halos lahat ng isinulat tungkol kay St. Nicholas ay batay sa alamat,” ang sabi ng The Christmas Encyclopedia. Ang pangalang “Santa Claus” ay maaaring mula sa salitang Sinterklaas, nabagong-anyo ng terminong “Saint Nicholas” sa wikang Olandes. Batay sa kasaysayan at sa Bibliya, walang kaugnayan si Santa Claus kay Jesu-Kristo. 1 Sa ilang bansa sa Europa, gaya ng Austria, “mas inaabangan pa rin ang pagdating ng batang Kristo kaysa kay Santa,” ang sabi sa ulat ng BBC. Pero regalo rin ang dahilan ng pagbisita.


Ang Pasko, gaya ng sinaunang kapistahan ng Saturnalia, ay panahon ng pagsasaya, kainan, at inuman

ang Pangmalas ng Diyos sa Bigayan ng Regalo at Pagsasaya š Ano Tuwing Pasko? Tradisyon: Naiiba ang pagbibigay tuwing Pasko dahil pangunahin nang ito ay palitan ng regalo. Panahon din ito ng pagsasaya, kainan, at inuman. Pinagmulan: Ang kapistahang Saturnalia ng sinaunang Roma ay nagsisimula tuwing Disyembre 17 at nagtatapos sa ika-24 ng buwang ito, kung kailan nagpapalitan ng regalo. Napakaingay sa mga bahay at lansangan. Ang mga tao ay nagsasaya, nag-iinuman, at napakagulo. Ang Sat-

urnalia ay sinusundan ng isang pagdiriwang sa unang araw ng Enero. Ito ay isa ring kapistahan na karaniwan nang tumatagal ng mga tatlong araw. Ang pagdiriwang ng Saturnalia at unang araw ng Enero ay malamang na bumubuo ng iisang kapistahan. Ang sinasabi ng Bibliya: Bahagi ng tunay na pagsamba ang kagalakan at pagkabukas-palad. “Magalak, kayong mga matuwid; at humiyaw kayo nang may kagalakan,” ang sabi ng Bibliya. (Awit 32:11) Kadalasan nang dahil sa pagkabukas-palad ang kagalakang iyan. (Kawikaan 11:25) “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap,” ang sabi ni Jesu-Kristo. (Gawa 20:35) Sinabi rin niya: “Ugaliin ang pagbibigay,” o gawin itong bahagi ng iyong buhay.—Lucas 6:38. Ang gayong pagbibigay ay iba sa pagbibigay na napipilitan, marahil dahil sa tradisyon. Sa pagpapaliwanag sa totoong kahulugan ng pagkabukaspalad, sinasabi ng Bibliya: “Bawat isa’y magbigay ayon sa ipinasya ng kanyang puso, maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang pagkat mahal ng Dios ang nagbibigay nang masaya.” (2 Corinto 9:7, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino) Gumising! Disyembre 2010

7

% 5 Mary Evans Picture Library

Ang sinasabi ng Bibliya: “Ngayong inalis na ninyo ang kabulaanan, magsalita ang bawat isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa.” Ang ´ pinakamalapıt nating “kapuwa” ay ang ating pamilya. (Efeso 4:25) Sinasabi rin ng Bibliya na dapat nating “ibigin . . . ang katotohanan,” anupat “nagsasalita ng katotohanan sa [ating] puso.” (Zacarias 8:19; Awit 15:2) Totoo, maaaring katuwaan lang na sabihin sa mga bata na si Santa (o ang batang Kristo) ang nagdadala ng regalo tuwing Pasko. Pero tama ba na lokohin ang mga bata, mabuti man ang intensiyon? Hindi ba kakatwa na ang isang okasyon na dapat sana’y nagpaparangal kay Jesus ay ginagamit para lokohin ang mga bata?


KUNG ANO ANG INIHASIK, IYON ANG AANIHIN May panahon na “mahigpit na nilabanan ng Simbahan ang anumang bagay na may kinalaman sa paganismo,” ang sabi ng aklat na Christmas Customs and Traditions—Their History and Significance. Pero nang maglaon, ang mga lider ng simbahan ay naging mas interesadong magparami ng miyembro kaysa sa magturo ng katotohanan. Kaya, “nagbulagbulagan” na lang sila sa mga paganong gawain hanggang sa lubusan na nila itong tanggapin. ‘Kung ano ang inihasik mo, iyon ang aanihin mo,’ ang sabi ng Bibliya. (Galacia 6:7) Pagkatapos ihasik ang mga binhi ng paganismo, hindi dapat magtaka ang mga simbahan na inaani nila ang masamang bunga nito. Ang isang pagdiriwang na sinasabing parangal sa kapanganakan ni Jesus ay naging panahon ng lasingan at labis-labis na pagsasaya, mas dinudumog ng mga tao ang mga shopping mall kaysa sa mga simbahan, nababaon sa utang ang mga pamilya dahil sa pagbili ng mga regalo, at hindi na alam ng mga bata kung ano ang totoo at kung ano ang alamat, kung sino si Santa Claus at kung sino si Jesu-Kristo. Oo, makatuwirang sabihin ng Diyos: “Tigilan na ninyo ang paghipo sa maruming bagay.”—2 Corinto 6:17.

Ang mga sumusunod sa napakagandang simulaing ito ng Bibliya ay nagbibigay dahil iyon ang udyok ng kanilang puso, anumang araw ng taon. Tiyak na ang ganitong pagbibigay ay pinagpapala ng Diyos, at hindi ito pabigat. Isang Panloloko!

Kung susuriin ang sinasabi ng Bibliya, halos bawat aspekto ng Pasko ay may paganong pinagmulan o pagpilipit sa mga ulat ng Bibliya. Kaya ang Pasko ay Kristiyano lang sa pangalan. Paano nangyari iyon? Ilang siglo pagkamatay ni Kristo, maraming lumitaw na bulaang guro, gaya ng inihula ng Bibliya. (2 Timoteo 4:3, 4) Ang walang-prinsipyong mga taong ito ay mas interesado na gawing katanggap-tanggap sa mga pagano ang Kristiyanismo sa halip na ituro ang katotohanan. Kaya unti-unti nilang ipinagdiwang ang popular na mga kapistahang pagano at tinawag ang mga ito na kapistahang “Kristiyano.” Nagbabala ang Bibliya na ang gayong “mga bulaang guro” ay ‘mananamantala sa inyo sa pamamagitan ng huwad na mga salita. Ngunit kung tungkol sa kanila, ang hatol mula noong sinauna ay hindi nagmamabagal, at ang pagkapuksa sa kanila ay hindi umiidlip.’ (2 Pedro 2:1-3) Para sa mga Saksi ni Jehova, seryosong bagay iyan at ang lahat ng iba pang sinasabi ng Bibliya dahil itinuturing nila itong nasusulat na Salita ng Diyos. (2 Timoteo 3:16) Kaya itinatakwil nila ang huwad na relihiyosong mga kaugalian o pagdiriwang. Napagkakaitan ba sila ng kaligayahan dahil sa paninindigan nila? Hinding-hindi! Gaya ng makikita natin sa susunod na artikulo, masasabi nila mula sa kanilang karanasan na ang katotohanan sa Bibliya ay nagpapalaya!

“Ang Katotohanan ay Magpapalaya sa Inyo”! NG sinabing iyan ni Jesu-Kristo na mababasa sa Juan 8:32 ay isang di-matututulang katotohanan. Pinalalaya tayo ng katotohanang iyan sa mga pamahiin at kaugaliang nakasasama sa atin at hindi nakalulugod sa Diyos. Makikita sa mga sumusunod kung paano pinalaya ng katotohanan ng Bibliya ang mga tao sa iba’t ibang bansa mula sa pabigat na mga tradisyon ng Pasko.

A

8

Gumising! Disyembre 2010

Pinalaya Sila ng Katotohanan ng Bibliya! Argentina “Nakalaya na ang pamilya namin sa mga problemang dulot ng sobrang pagkain at pag-inom at sa pagbili ng mga regalong hindi naman kaya ng bulsa namin,” ang sabi ni Oscar. Nakadama si Mario ng malaking kaginhawahan nang sabihin sa kaniya ang tungkol sa “kasinungalingan ng Pasko,” gaya ng tawag niya dito.


“Mas masaya ako ngayon dahil naipakikita ko ang pagpapahalaga sa iba sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo anumang petsa ng taon at kung kailan kaya ng bulsa ko.” Canada “Gustung-gusto kong magbigay at tumanggap ng mga regalo,” ang isinulat ni Elfie. “Pero ayoko ng pilit na pagbibigay. Napakalaking ginhawa simula noong hindi na nagpapasko ang pamilya namin!” Naalaala ni Ulli, isa sa mga anak na babae ni Elfie: “Simula noong hindi na nagpapasko ang mga magulang namin, lagi na nila kaming sinosorpresa ng masasayang aktibidad o mga regalo sa buong taon, at gustung-gusto namin iyon! Kapag tinatanong ng mga kaklase namin kung ano ang okasyon, masaya naming sinasabi, ‘Wala lang!’ Pero hindi naging madali para sa mga magulang namin na sundin ang sinasabi ng Bibliya dahil sa pagsalansang ng mga kamag-anak namin. Gayunman, nanindigan sila. Napatibay ako ng determinasyon nila na maging katanggaptanggap sa Diyos na Jehova ang kanilang pagsamba.” Para kay Silvia, “ang laking ginhawa” nang tumigil na siya sa pagdiriwang ng Pasko. Sinabi niya, “Napakasarap ng pakiramdam! Alam kong napasasaya ko ang Diyos na Jehova, at mas masarap iyon kaysa sa libu-libong ulit na pagdiriwang ng Pasko.” Kenya Isinulat ni Peter: “Noong nagpapasko pa ako, nangungutang ako nang malaki para ipambili ng mga regalo at sobra-sobrang pagkain. At dahil diyan, kailangan kong mag-overtime. Nawawalan tuloy ako ng panahon sa pamilya ko. Ang saya-saya ko dahil hindi ko na kailangang gawin ang lahat ng iyon!” “Nagbibigay ako—at tumatanggap—ng regalo sa aking pamilya at mga kaibigan kahit walang okasyon,” ang sabi ni Carolyne. “Naniniwala ako na ang gayong mga regalo na di-inaasahan at ibinigay mula sa puso ang pinakamasarap tanggapin.” Japan “Kahit kailan hindi umasa ng regalo ang aming mga anak,” ang isinulat nina Hiroshi at Rie, “tapos ay babale-walain lang nila. Bilang mga magulang, natutuwa kaming makitang naiintindihan nila na ang pagbibigay ay dapat bukal sa puso.”

Ang mga Kristiyano ay nagbibigay ng regalo mula sa puso anumang petsa ng taon

Naalaala ni Keiko: “Nagpapasko dati ang pamilya namin. Kapag tulog na ang aming anak, maglalagay kami ng asawa ko ng regalo sa tabi ng kaniyang kama. Kinaumagahan, sasabihin namin sa kaniya: ‘Mabait ka kasing bata kaya binigyan ka ni Santa ng regalo.’ Nang malaman ko ang katotohanan tungkol sa Pasko at sabihin ko ito sa anak ko, nagulat siya at umiyak. Natauhan ako. Hindi pala maganda ang Pasko. Isa itong kasinungalingan, at dahil sa pagsuporta sa kasinungalingang ito, parang niloko ko ang anak ko.” Pilipinas Sinabi ni Dave: “Mahirap tumbasan ng salita ang kagalakang ibinibigay sa atin ni Jehova sa pamamagitan ng katotohanan mula sa Bibliya. Kapag nagbibigay ang pamilya namin ng regalo sa iba, hindi kami umaasa ng anumang kapalit. Nagbibigay kami mula sa puso.” Sila ay ilan lamang sa milyun-milyong nagpatunay na nakapagpapalaya ang katotohanan ng Bibliya. Pero mas mahalaga pa rito, kapag namumuhay tayo ayon sa katotohanan, napasasaya natin ang puso ng Diyos. (Kawikaan 27:11) Sinabi ni Jesu-Kristo: “Sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat, sa katunayan, hinahanap ng Ama ang mga tulad nito upang sumamba sa kaniya.” (Juan 4:23) Kapag sinuri ng Diyos ang puso mo, makikita kaya niya na sabik kang malaman ang katotohanan? Sana ang sagot mo ay isang malinaw na oo! Gumising! Disyembre 2010

9


ANG PANGMALAS NG BIBLIYA

UNG kaya mong tapusin ang pagdurusa ng iba, gagawin mo ba? Sumusugod ang mga relief worker sa mga lugar ng sakuna para tumulong at magligtas ng buhay ng mga taong hindi nila kilala. Kaya baka maitanong ng isa, ‘Bakit kaya hindi pa pinupuksa ng Diyos ang Diyablo, ang may kagagawan ng labis na pagdurusa ng tao?’ Para masagot iyan, isipin ang nangyayari sa paglilitis ng isang malaking kaso. Ang mamamatay-tao, na desperadong ihinto ang paglilitis, ay nagsasabi na nandaraya ang hukom na humahawak ng kaso at na sinusuhulan pa nito ang mga hurado. Kaya pinahintulutang magbigay ng testimonyo ang napakaraming testigo. Alam ng hukom na hindi biru-biro ang isang masusing paglilitis, at ayaw niyang maantala ang

K

Bakit Hindi Pa Pinupuksa ng Diyos ang Diyablo? kaso. Pero alam niya na para makabuo ng desisyon na magiging basehan ng mga kasong posibleng bumangon sa hinaharap, kailangan ng bawat panig ng sapat na panahon para maipagtanggol ang kanilang sarili. Ano ang pagkakatulad ng ilustrasyong ito sa hamon ng Diyablo—tinatawag ding “dragon,” “serpiyente,” at “Satanas”—laban kay Jehova, “ang Kataas-taasan sa buong lupa”? (Apocalipsis 12:9; Awit 83:18) Sino ba talaga ang Diyablo? Anu-ano ang akusasyon niya sa Diyos na Jehova? At kailan siya pupuksain ng Diyos? Kung Bakit Kailangan ng Isang Basehan

Ang Diyablo ay dating isang sakdal na espiritung persona, isa sa mga anghel ng Diyos. (Job 1:6, 7) Ginawa niyang Diyablo ang kaniyang sarili nang magkaroon siya ng makasariling am-

Para makabuo ng desisyon na magiging basehan ng mga kasong posibleng bumangon sa hinaharap, kailangan ng bawat panig ng sapat na panahon para maipagtanggol ang kanilang sarili


bisyon na sambahin siya ng mga tao. Kaya hinamon niya ang karapatan ng Diyos sa pamamahala. Pinalabas pa nga niya na hindi karapatdapat ang Diyos sa ating pagsunod. Sinabi niya na naglilingkod lang ang tao sa Diyos dahil sa ibinibigay Niyang pagpapala. Sinabi ni Satanas na kapag nagdusa na ang tao, “susumpain” niya ang kaniyang Maylalang.—Job 1:8-11; 2:4, 5. Ang akusasyong iyan ni Satanas ay hindi masasagot ng basta pagpapakita ng kapangyarihan. Sa katunayan, kung pinuksa agad ng Diyos ang Diyablo, baka isipin ng ilan na tama ang Diyablo. Kaya sinimulan ng Diyos, na may ganap na awtoridad, ang isang paglilitis para masagot ang gayong mga isyu sa harap ng lahat ng nagmamasid. Kaayon ng mga simulain at sakdal na katarungan ng Diyos na Jehova, ipinahiwatig niya na ang bawat panig ay maglalabas ng mga testigo na susuporta sa kanila. Hinayaan ng Diyos na lumipas ang panahon. Dahil dito, nabigyan ng pagkakataon ang mga inapo ni Adan na mabuhay at magbigay ng testimonyo sa panig ng Diyos sa pamamagitan ng pananatiling tapat sa Kaniya udyok ng pag-ibig sa kabila ng mga pagsubok. Gaano Pa Kaya Katagal?

Alam na alam ng Diyos na Jehova na patuloy na magdurusa ang mga tao sa panahon ng paglilitis na ito. Pero desidido siyang isara ang kaso sa lalong madaling panahon. Inilarawan siya ng Bibliya bilang “ang Ama ng magiliw na kaawaan at ang Diyos ng buong kaaliwan.” (2 Corinto 1:3) Maliwanag, hindi hahayaan ng “Diyos ng buong kaaliwan” na matagal pang umiral ang Diyablo, ni hahayaan niyang magpatuloy ang mga epekto ng impluwensiya nito. Sa kabilang banda, hindi pupuksain ng Diyos ang Diyablo nang mas maaga—sa panahong hindi pa lubusang natatapos ang kaso na nagsasangkot sa buong uniberso. Kapag nalutas na ang mga isyu, lubusan na ring naipagbangong-puri ang karapatang mamahala ni Jehova. Ang kaso laban kay Satanas ay magiging batayan magpakailanman. Dahil dito, sakali mang may bumangon muling ganitong kaso, hindi na kakailanganin ng paglilitis.

Sa takdang panahon, uutusan ng Diyos na Jehova ang kaniyang binuhay-muling Anak na puksain ang Diyablo at alisin ang lahat ng pinsalang ginawa nito. Sinasabi ng Bibliya na darating ang panahon na ‘ibibigay ni Kristo ang kaharian sa kaniyang Diyos at Ama, kapag pinawi na niya ang lahat ng pamahalaan at ang lahat ng awtoridad at kapangyarihan. Sapagkat kailangan siyang mamahala bilang hari hanggang sa mailagay ng Diyos ang lahat ng kaaway sa ilalim ng kaniyang mga paa. Bilang huling kaaway, ang kamatayan ay papawiin.’—1 Corinto 15:24-26. Salamat sa pangako ng Bibliya na ang buong lupa ay magiging paraiso. Mabubuhay roon nang payapa ang mga tao gaya ng nilayon ng Diyos! “Ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.” Oo, “ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.”—Awit 37:11, 29. Isip-isipin ang napakagandang pag-asa ng mga lingkod ng Diyos gaya ng inilalarawan sa Bibliya: “Narito! Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan, at tatahan siyang kasama nila, at sila ay magiging kaniyang mga bayan. At ang Diyos mismo ay sasakanila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.”—Apocalipsis 21:3, 4. NAPAG-ISIP-ISIP MO NA BA?

˘ Ano ang mga maling akusasyon ng Diyablo sa Diyos at sa tao?—Job 1:8-11. ˘ Anong mga katangian ng Diyos ang tumitiyak sa atin na darating ang panahong pupuksain niya ang Diyablo? —2 Corinto 1:3.

˘ Anong pag-asa ang ibinibigay ng Bibliya? —Apocalipsis 21:3, 4.

Gumising! Disyembre 2010

11


Inaliw Ako ng Diyos sa Lahat ng Pinagdaanan Ko AYON SA SALAYSAY NI VICTORIA COLLOY

Sinabi ng isang doktor sa nanay ko: “Wala na kaming magagawa para sa anak mo. Kailangan na niyang magsaklay at magsuot ng suporta sa kaniyang binti habambuhay.â€? Parang gumuho ang mundo ko! Paano na kung hindi ako makakalakad? PINANGANAK ako noong Nobyembre 17, pos ay sinabi ng doktor na kailangan ko nang 1949, sa Tapachula, Chiapas sa Mexico, at ako gumamit ng saklay at suporta sa binti habambuang panganay sa apat na magkakapatid. Malu- hay. sog ako noong isilang ako. Pero noong anim Noong 15 anyos na ako, naoperahan na ako na buwan na ako, hindi na ako makagapang nang 25 beses. Naoperahan ako sa gulugod, binat halos hindi na makakilos. Pagkalipas ng da- ti, tuhod, bukung-bukong, at mga daliri sa paa. lawang buwan, hindi na talaga ako makagalaw. Pagkatapos ng bawat operasyon, tineterapi ako. Nagtaka ang mga doktor sa lugar namin dahil Matapos ang isa sa mga operasyon, nilagyan ng ang iba pang baby sa Tapachula ay may ganito semento ang mga binti ko. Nang tanggalin ito, ring sintomas. Kaya isang doktor sa buto mula kinailangan kong mag-ehersisyo kahit mahirap. sa Mexico City ang dumating para suriin kami. Tunay na Kaaliwan Sinabi ng doktor na kami ay may poliomyelitis, o polio. Noong 11 anyos ako, dinalaw ako ng nanay ´ Noong tatlong ta ong gulang ako, naope- ko pagkatapos ng isang operasyon. Sinabi niya rahan ako sa balakang, tuhod, sa akin na nalaman niyang pinaat bukung-bukong. Nang maglagaling ni Jesus ang mga maysakit, pati na ang isang paralitiko. Binigon, naapektuhan na rin ang kayan niya ako ng isang kopya ng nang balikat ko. Sa edad na anim, magasin kung saan nabasa niya dinala ako sa Mexico City para paang tungkol dito, Ang Bantayan na tuloy na magamot sa isang ospiinilalathala ng mga Saksi ni Jehotal para sa mga bata. Nagtatrabava. Itinago ko ito sa ilalim ng unan ho noon sa bukid ang nanay ko sa ko, pero isang araw, wala na ito. Chiapas, kaya tumira ako sa MexKinuha pala ito ng mga nars. At ico City kasama ang lola ko. Pero pinagalitan nila ako dahil binabamas madalas ako sa ospital. sa ko iyon. Noong mga otso anyos ako, buPagkalipas ng mga isang taon, muti nang kaunti ang kondisyon dinalaw ako ulit ni Nanay. Nakiko. Pero di-nagtagal, lumala ang kipag-aral na siya noon ng Biblikalagayan ko. Unti-unti, hindi ko na magawa kahit ang maliliit na Sa edad na pito, nagsusuot ya sa mga Saksi sa Chiapas. Dibagay na kaya ko noon. Pagkata- na ako ng suporta sa binti nalhan niya ako ng aklat na Mula

I

12

Gumising! Disyembre 2010


sa Nawawalang Paraiso Hanggang sa NatamoMuling Paraiso.1 Sinabi ng nanay ko, “Kung gusto mong mabuhay sa pangakong bagong sanlibutan, kung saan pagagalingin ka ni Jesus, kailangan mong mag-aral ng Bibliya.” Kaya kahit ayaw ng lola ko, nakipag-aral ako sa mga Saksi noong mga 14 anyos ako. Nang sumunod na taon, kailangan ko nang lumabas ng ospital dahil para lang iyon sa mga bata.

Kapag nangangaral tungkol sa Bibliya, gumagamit ako ng isang electric cart na pinasadya para sa kalagayan ko

Nalampasan Ko ang mga Hamon sa Buhay

Dumanas ako ng depresyon. Dahil kontra ang lola ko sa pag-aaral ko ng Bibliya, kinailangan kong bumalik sa mga magulang ko sa Chiapas. Pero may mga problema kami sa bahay dahil lasenggo si Tatay. May panahon na parang ayoko nang mabuhay. Naisip kong uminom ng lason. Pero habang nag-aaral ako ng Bibliya, nabago ang pananaw ko. Nagkaroon ako ng pag-asa dahil sa pangako ng Bibliya na paraisong lupa. Nakipag-usap ako sa iba tungkol sa napakagandang pag-asa na mababasa sa Bibliya. (Isaias 2:4; 9:6, 7; 11:6-9; Apocalipsis 21:3, 4) At noong Mayo 8, 1968, nabautismuhan ako bilang isang Saksi ni Jehova sa edad na 18. Mula noong 1974, buwan-buwan akong gumugugol ng mahigit 70 oras sa pagsasabi sa iba tungkol sa pag-asang tumulong sa aking patuloy na mabuhay. Makabuluhan at Masayang Buhay

Nang maglaon, lumipat kami ng nanay ko sa lunsod ng Tijuana, malapit sa border ng Mexico at Estados Unidos. Tumira kami sa lugar na malapit sa lahat ng aming pangangailangan. Nakakaikot pa rin ako sa bahay dahil sa saklay at suporta ko sa binti, at naka-wheelchair naman ako kapag nagluluto, naglalaba, at namamalantsa. Kapag nangangaral tungkol sa Bibliya, gu1 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova noong 1958 pero hindi na ngayon inililimbag.

magamit ako ng isang electric cart na pinasadya para sa kalagayan ko. Nangangaral ako tungkol sa Bibliya sa lansangan at sa bahay-bahay. Regular din akong nagpupunta sa isang malapit na ospital at nakikipag-usap tungkol sa Bibliya sa mga taong naghihintay na ma-check-up. Pagkatapos, dumadaan ako sa pamilihan para bumili ng mga kailangan namin. Pag-uwi, tutulungan ko si Nanay sa mga gawaing-bahay kasama na ang pagluluto. Nagtitinda ako ng mga segunda-manong damit para kumita. Ang nanay ko ay 78 anyos na at mahina na dahil tatlong beses na siyang inatake sa puso. Kaya inaasikaso ko ang kaniyang pagkain at pag-inom ng gamot. Sa kabila ng aming kalagayan, sinisikap naming dumalo ng mga pulong sa kongregasyon. Mahigit 30 sa mga naaralan ko ng Bibliya ang nakikibahagi na rin ngayon sa ministeryong Kristiyano. Kumbinsido ako na matutupad ang pangako ng Bibliya: “Sa panahong iyon [sa bagong sanlibutan ng Diyos] ay aakyat ang pilay na gaya ng lalaking usa.” Samantala, napapatibay ako ng mga salita ng Diyos: “Huwag kang matakot, sapagkat ako ay sumasaiyo. Huwag kang lumingalinga, sapagkat ako ang iyong Diyos. Patitibayin kita. Talagang tutulungan kita. Talagang aalalayan kitang mabuti sa pamamagitan ng aking kanang kamay ng katuwiran.”—Isaias 35:6; 41:10.1 1 Namatay si Victoria Colloy noong Nobyembre 30, 2009, sa edad na 60. Namatay ang nanay niya noong Hulyo 5, 2009. Gumising! Disyembre 2010

13

1. Nagpadala sila sa takot at nawalan ng pananampalataya kay Jehova.—Bilang 14:3, 11. 2. Namatay sa ilang ang lahat ng 20 anyos pataas, maliban kina Josue at Caleb. 3. Nanampalataya sila na si Jehova ay kasama nila.—Bilang 14:9. 4. Simon, Pedro, Simon Pedro, Cefas, at Symeon. 5. Oo. MGA SAGOT SA PAHINA 31


HAITI ´ ˆ Leogane

PORT-AU-PRINCE

Epicenter

Kung Paano Ipinakita ang Pananampalataya at Pag-ibig

D O MI N I C AN R E P UBLI C

Lindol saHaiti

Jacmel

Martes, Enero 12, 2010, 4:53 ng hapon, nakarinig si Evelyn ng dagundong na gaya ng tunog ng napakalaking eroplano na pumapaitaas, at nagsimulang mayanig ang lupa. Dinig na dinig ang pagbagsak ng mga gusali. Nang huminto ang pagyanig, umakyat si Evelyn sa mataas na lugar para makita ang nangyayari. Narinig niya ang hagulhol ng mga tao sa palibot. Dahil sa kapal ng abo, halos walang makita sa kabisera ng Haiti na Port-au-Prince. A LOOB lang ng ilang segundo, gumuho ang mga bahay, gusali ng gobyerno, bangko, ospital, at paaralan. Marami ang namatay, mayaman at mahirap, bata at matanda—mahigit 220,000 katao. Mga 300,000 ang nasugatan. Marami sa nakaligtas ay tulalang nakatingin sa bumagsak nilang bahay. Ang iba naman ay natataranta at manu-manong naghuhukay sa mga guho para iligtas ang kanilang mga kamaganak at kapitbahay. Nawalan ng kuryente, at napakadilim sa paligid, kaya flashlight at kandila lang ang gamit ng mga rescuer. Sa lunsod ng Jacmel, naipit ang 11-anyos na si Ralphendy sa isang gusali na hindi pa lubusang bumagsak. Mga ilang oras ding sinikap ng rescue team sa lunsod na iyon na mailigtas siya. Patuloy ang pagyanig, kaya napilitan ang mga rescuer na huminto dahil baka tuluyan nang bumagsak ang gusali at matabunan sila. Pero ayaw sumuko ni Philippe, isang misyonero ng mga Saksi ni Jehova. Sinabi niya, “Hindi ko maatim na iwan doon si Ralphendy at mamatay.” Pinilit ni Philippe at ng tatlong iba pa na makapasok sa napakakitid na daan. Dahan-dahan silang lumapit kay Ralphendy na naipit ang mga paa sa guho. Hatinggabi na noon at mai-

S

14

Gumising! Disyembre 2010

ngat nilang tinanggal ang mga nakadagan kay Ralphendy. Sa bawat pagyanig, naririnig nilang nabibiyak ang mga semento. Alas-singko na ng umaga, mahigit 12 oras matapos lumindol, nang mailigtas nila si Ralphendy. Pero hindi lahat ng gayong pagsisikap ay ma´ ˆ tagumpay. Sa Leogane, isang lunsod na lubhang napinsala ng lindol, nakaligtas si Roger at ang nakatatanda niyang anak na si Clid sa pagbagsak ng kanilang bahay. Namatay ang nakababata niyang anak na si Clarence. Ang asawa naman niyang si Clana ay buhay at nakapagsasalita pa, pero naipit ang ulo nito sa bumagsak na kisame. Sinikap ni Roger at ng kaniyang kaibigan na makuha siya. “Dalian ninyo!” ang sigaw ni Clana. “Nanghihina na ako! Nahihirapan na akong huminga!” Pagkalipas ng tatlong oras, dumating ang isang rescue team. Pero patay na si Clana nang makuha nila.

Miyerkules, Enero 13, Ikalawang Araw Pagsapit ng bukang-liwayway, kitang-kita na kung gaano kalaki ang pinsala. Nasalanta ang halos buong Port-au-Prince. Nang mapabalita ito sa buong daigdig, maraming tao at organisasyon ang napakilos na tumulong. Ang lindol ay


naramdaman din ng mga boluntaryo sa tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Dominican Republic, mga 300 kilometro ang layo. Nalaman nila na ang sentro ng lindol ay malapit sa Portau-Prince kung saan nakatira ang halos sangkatlo ng populasyon ng Haiti na siyam na milyon. Kaya nagplano agad ang mga Saksi sa Dominican Republic para makatulong.

“Hindi ko maatim na iwan doon si Ralphendy at mamatay� Huling naramdaman ang isang malakas na lindol sa Haiti 150 taon na ang nakalilipas. Kaya naman, bibihira na ang mga gusaling itinatayo na makatatagal sa lindol. Ang nasa isip kasi ng mga tao ay ang bagyo at baha. Kaya karamihan ng pader at mabibigat na kongkretong bubong ay bumagsak sa lindol na may magnitude na 7.0. Pero sumunod sa pamantayan ng pagtatayo para sa lindol ang mga Saksi ni Jehova sa Haiti nang itinayo nila ang kanilang tanggapan noong 1987. Kaya kahit malapit ito sa dulong silangan ng Port-au-Prince, hindi ito napinsala. Sa loob lang ng isang gabi, naging relief

center na ang tanggapan sa Haiti. Dahil hindi na maaasahan ang mga linya ng telepono at Internet, dalawang beses nagbiyahe ang mga boluntaryo mula sa tanggapan patungong border ng Dominican Republic para magdala ng report. Samantala, dumagsa sa tanggapan sa Haiti ang daan-daang biktima na marami ay lubhang nasugatan. Maraming iba pa ang dinala sa iilan na lang ospital na hindi bumagsak. Pero sa dami ng pasyente roon, hindi na maasikaso lahat. Sa mga ospital, nakahandusay sa sahig ang mga biktima—humihiyaw sa sakit at duguan. Isa sa kanila si Marla, na walong oras na nadaganan sa isang gumuhong gusali. Hindi niya maigalaw ang kaniyang mga binti. Nailigtas siya ng kaniyang mga kapitbahay at dinala siya sa isang ospital, pero saan? Si Evan, isang doktor na Saksi mula sa Dominican Republic, ang naghanap kay Marla, bagaman pangalan lang nito ang alam niya. Gabi na naman at mahigit 24 na oras na ang lumipas matapos ang lindol. Nananalangin si Evan at tinatawag ang pangalang Marla habang nahahakbangan niya ang mga bangkay sa labas ng isang ospital. Sa wakas, may narinig siyang Gumising! Disyembre 2010

15


sumagot, “Po!” Nakatingin sa kaniya si Marla at nakangiti. Nagtaka si Evan kaya itinanong niya, “Bakit ka nakangiti?” Sumagot siya, “Dahil kasama ko na ngayon ang kapatid ko sa pananampalataya.” Hindi mapigilan ni Evan na umiyak.

Huwebes, Enero 14, Ikatlong Araw

Biyernes, Enero 15, Ikaapat na Araw

Marla

Tanghaling-tapat nang dumating sa Haiti ang 19 na doktor, nars, at iba pang propesyonal sa medisina na Saksi mula sa Dominican Republic at Guadeloupe. Gumawa agad sila ng isang first-aid clinic. Ginamot doon ang mga nasugatan kasama na ang napakaraming bata galing sa isang ampunan. Binigyan din ng mga boluntaryong Saksi ang ampunan ng mga pagkain at lona na masisilungan. “Laking pasasalamat ko sa mga Saksi ni Jehova,” ang sabi ng´ direktor ng ampunan na si Etienne. “Paano na lang kami kung wala sila?”

Nag-organisa ng relief operation ang punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Estados Unidos—kasama na ang mga tanggapan sa AlemanIslande ya, Canada, Dominican Republic, Guadeloupe, Martinique, Pransiya, at iba pa— para tiyaking magiging maaNawala at Natagpuan yos ang transportasyon, komunikasyon, at ang pamamahagi Nang lumindol, nakita ng sing pondo at mga suplay para yete-anyos na si Islande mula sa mga biktima ng lindol. Isisa bahay nila na pumuputok naayos din nila ang gagawin ng at napapatid ang mga linya ng Wideline mga boluntaryo. Lahat-lahat, kuryente. Gumuho ang mga 78 propesyonal sa medisina na dingding ng kanilang bahay. mga Saksi ni Jehova, kasama ang maraming iba Nabagsakan siya, nabali ang kaniyang binti, pang boluntaryo, ang dumating para tumulong. at napinsala siya nang malubha. Nang makuPagsapit ng 2:30 ng umaga, umalis ang unang ha siya ng kaniyang tatay na si Johnny mula sa trak sa tanggapan sa Dominican Republic pa- guho, dinala siya nito sa isang ospital sa Dominpuntang Haiti sakay ang mga 6,804 na kilo ng ican Republic malapit sa border. Mula roon, inilipat siya sa isang ospital sa Santo Domingo, ang pagkain, tubig, gamot, at iba pa. Nang dumating sa Haiti ang trak noong uma- kabisera ng bansang iyon. Pero nang tumawag ga ring iyon, inayos ng mga boluntaryo sa tang- doon si Johnny, wala roon si Islande. Dalawang araw na kung saan-saan hinanap ni gapan ang suplay para maipamahagi ito. Gumawa ng paraan ang mga relief worker para ang Johnny si Islande, pero hindi niya ito nakita. Dikanilang kargada ay hindi maging takaw-tingin nala pala si Islande sa ibang ospital. Doon, nasa mga gustong magnakaw ng pagkain para lang nalangin siya kay Jehova, at narinig ito ng isang ibenta. Gabi’t araw nagtrabaho ang mga bolun- boluntaryo. (Awit 83:18) “Mahal mo ba si Jehotaryo. Hinati-hati nila ang mga pagkain at iba va?” ang tanong ng boluntaryo. “Opo,” ang sapang suplay at inilagay sa maliliit na bag para got niya habang naluluha. “Huwag ka nang magipamigay sa mga pamilya at indibiduwal. Nang alala,” ang sabi ng boluntaryo. “Tutulungan ka sumunod na mga buwan, nakapamahagi ang ni Jehova.” mga Saksi ni Jehova ng mahigit 450,000 kilo ng Humingi ng tulong si Johnny sa tanggapan donasyong relief, kasama na ang mahigit 400,- ng mga Saksi ni Jehova sa Dominican Repub000 pagkain. lic para hanapin si Islande. Nagboluntaryo ang 16

Gumising! Disyembre 2010


Saksing si Melanie na hanapin si Islande. Habang nagtatanong si Melanie sa isang ospital, narinig ito ng boluntaryong nakarinig sa panalangin ni Islande. Itinuro niya kay Melanie ang kinaroroonan ng bata. Kaya naibalik siya sa kaniyang pamilya. Mga Operasyon at Rehabilitasyon

Hindi nagamot o hindi gaanong naasikaso ang marami sa mga nasaktan bago sila madala sa klinikang ginawa sa tanggapan ng mga Saksi sa Haiti. Kaya nagnanaknak na ang kanilang mga sugat sa biyas. Kadalasan, pagputol sa bahaging ito ng katawan ang tanging makapagsasalba sa buhay ng pasyente. Kulang na ang suplay ng gamot, anestisya, at kagamitan sa pag-oopera mga ilang araw pa lang matapos ang lindol. Nakaka-

trauma ang sitwasyon kahit sa mga doktor. Sinabi ng isang lalaki, “Sana mabura ng Diyos sa memorya ko ang mga nakita at narinig ko.” Isang linggo pa lang ang nakalilipas matapos ang lindol, dumating ang mga doktor na Saksi mula sa Europa dala-dala ang mga kagamitan sa pag-oopera. May mga karanasan na sila sa pagsasagawa ng mga komplikadong operasyon na kailangang gawin agad. Nagsagawa sila ng 53 operasyon at libu-libong iba pang panggagamot. Si Wideline na 23 anyos at isang Saksi ay dumating sa Port-au-Prince isang araw bago ang lindol. Nadurog ang kanang braso niya nang lumindol kaya pinutol ito sa isang ospital doon. Pagkatapos, dinala siya ng kaniyang mga kamaganak sa isang ospital malapit sa kanilang bahay

PAGTATAYO NG BAHAY PARA SA MGA BIKTIMA Isang buwan matapos ang lindol, tiningnan ng mga civil engineer na Saksi kung aling mga bahay ang puwede pang tirhan. Marami sa nawalan ng bahay ang kailangan ng pansamantalang matutuluyan hanggang sa magkaroon na sila ng permanenteng bahay. “Mula sa natutuhan namin sa mga internasyonal na relief organization, nakapagdisenyo kami ng mga bahay na madaling itayo at hindi gaanong mahal. Halos kasinlaki ito ng

dating bahay ng marami sa biktima,” ang sabi ni John, isang boluntaryo sa tanggapan sa Haiti. “Hindi ito basta magigiba, sakali mang may dumaang malakas na ulan, hangin, at lindol, kaya ligtas itong tirahan.” Tatlong linggo lang matapos ang lindol, nagsimula nang magtayo ng pansamantalang matitirhan ng mga biktima ang isang grupo ng mga boluntaryo mula sa Haiti at sa iba’t ibang bansa. Nagsaya ang mga tao nang makita nilang dumadaan ang

mga trak na may dalang mga bahagi ng bahay na nakahanda nang buuin. Isang opisyal ng adwana sa Haiti, na nagapruba ng pagpasok ng mga materyales sa pagtatayo, ang nagsabi: “Ang mga Saksi ni Jehova ay isa sa mga unang dumating para tumulong. Hindi sila puro salita, ginagawa nila ito.” Sa loob lang ng ilang buwan matapos ang lindol, nakapagtayo na ng 1,500 bahay ang mga Saksi para sa mga biktima ng lindol.


+ Isang grupo ng mga Saksi ni Jehova sa Haiti na handang makipag-usap sa mga biktima ng sakuna para patibayin sila % Ginagamot ng isang doktor ang isang bata sa klinika na ginawa ng mga Saksi ni Jehova

sa Port-de-Paix na pitong oras na biyahe. Pero lalong lumala ang kondisyon ni Wideline, at inisip ng mga doktor at nars na wala na silang magagawa para mabuhay siya. Nang malaman ito ng grupo ng mga doktor na Saksi, pinuntahan nila si Wideline at dinala siya sa Port-au-Prince para magamot. Napapalakpak ang ibang mga pasyente nang makita nila na kinuha siya ng kaniyang mga kapananampalataya. Sa tulong ng kaniyang pamilya at mga kakongregasyon, nakapag-a-adjust na ngayon si Wideline. Sa Dominican Republic, umupa ng mga bahay ang mga Saksi ni Jehova para gawing rehabilitation center ng mga pasyente. Hali-halili ang mga boluntaryong Saksi sa pagbabantay 18

Gumising! Disyembre 2010

—mga doktor, nars, physical therapist, at caregiver. Masaya nilang inasikaso ang mga pasyenteng nagpapagaling doon. Pagpapakita ng Pag-ibig at Pagbabahagi sa Iba ng Paniniwala at Pag-asa

Anim lang sa 56 na Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa mga lugar na tinamaan ng lindol sa Haiti ang napinsala. Karamihan sa mga Saksing nawalan ng bahay ay tumira muna sa mga Kingdom Hall na hindi napinsala at iba pang ligtas na lugar. Sanay ang mga Saksi na magtipun-tipon kaya naging maayos ang kalagayan nila tulad ng ginagawa nila sa kanilang mga asamblea. “Patuloy pa rin ang mga gawain ng kongregasyon,” ang sabi ni Jean-Claude, isang tagapangasiwa sa lokal na kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova. “Napapatibay nito kapuwa ang mga bata


at matanda.” Ano ang resulta? “Masayang-masaya akong makita na nangangaral pa rin ang mga Saksi ni Jehova,” ang sabi ng isang lalaki. “Dahil sa pagdalaw ninyo, gumaan ang pakiramdam namin.” Pinatibay ng mga Saksi ang mga tao. “Halos lahat ng nakakausap namin ay naniniwala na parusa ng Diyos ang lindol,” ang sabi ng isang Saksi. “Ipinaliliwanag namin sa kanila na ang lindol ay isang likas na sakuna at hindi kagagawan ng Diyos. Ipinakikita namin sa kanila ang Genesis 18:25. Sinabi roon ni Abraham na imposibleng puksain ng Diyos ang mabubuting tao kasama ng masasama. Ipinakikita rin namin ang Lucas 21:11. Mababasa roon ang hula ni Jesus na magkakaroon ng malalakas na lindol sa panahon natin, at ipinaliliwanag namin sa kanila na malapit na niyang wakasan ang lahat ng pagdurusa at buhaying-muli ang mga mahal natin sa buhay na namatay na. Maraming tao ang labis na nagpapasalamat dahil nalaman nila ito.”1

“Masayang-masaya akong makita na nangangaral pa rin ang mga Saksi ni Jehova” Gayunman, nandiyan pa rin ang mga problema. “Una, ang lindol. Ngayon naman, ang resulta nito,” ang sabi ni Jean-Emmanuel, isang doktor na Saksi. “Posibleng kumalat ang sarisaring sakit dahil sa pagsisiksikan sa mga kampong hindi malinis at madalas na nababasa ng ulan. Problema rin ang naranasang trauma ng mga tao na hindi nila mailabas.” Ilang linggo pagkatapos ng lindol, nagpunta sa klinika ang isang Saksi. Inireklamo niya na hindi mawala ang sakit ng ulo niya at hindi siya mapagkatulog, na karaniwang reklamo ng isang biktima ng sakuna. “Tinamaan ba ang ulo mo?,” ang tanong ng isang nars na Saksi. “Hindi naman,” ang simpleng sagot niya. “Namatay ang asawa ko na 17 taon ko nang kasama. Pero inaasahan naman natin iyon. Sinabi iyon ni Jesus.” Nang makita ang posibleng dahilan ng problema, sinabi ng nars: “Pero namatayan ka ng 1 Tingnan ang kabanata 11, “Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?,” sa aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

asawa. Napakasakit noon! Okey lang na umiyak ka at magdalamhati. Si Jesus nga napaiyak nang mamatay ang kaibigan niyang si Lazaro.” Nang sandaling iyon, napahagulhol ang lalaki. Sa mahigit 10,000 Saksi sa lugar na iyon, 154 ang namatay sa lindol. Tinataya na mahigit 92 porsiyento ng mga nakatira sa Port-au-Prince ang namatayan ng isang mahal sa buhay o higit pa. Para matulungan ang mga nagdadalamhati, paulit-ulit na dumalaw ang mga Saksi ni Jehova sa mga taong nasaktan at natrauma. Binigyan nila ng pagkakataon ang mga ito na mailabas ang nadarama nila sa isa na mapagkakatiwalaan nila. Alam ng nagdadalamhating mga Saksi ang pangako sa Bibliya na pagkabuhay-muli at isang paraisong lupa. Pero kailangan pa rin nilang mailabas ang nadarama nila sa madamaying mga kapananampalataya at makarinig ng mga pampatibay-loob. Pagharap sa Kasalukuyan at sa Hinaharap

Isinulat ni apostol Pablo: “Nananatili ang pananampalataya, pag-asa, pag-ibig, ang tatlong ito; ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay pagibig.” (1 Corinto 13:13) Ang gayong mga katangian ang tumulong sa maraming Saksi sa Haiti na makayanan ang pinagdaraanan nila ngayon, patibayin ang iba, at harapin ang bukas nang walang takot. Kitang-kita sa mga pagsisikap na ito ang tunay na pananampalataya, pagkakaisa, at pag-ibig ng mga Saksi mula sa iba’t ibang bansa. “Ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong pagpapakita ng pag-ibig,” ang sabi ni Petra, isang boluntaryong doktor na Saksi mula sa Alemanya. “Naiyak ako sa pagdurusang nakita ko. Pero mas naiyak ako sa tuwa dahil sa pag-ibig na nadama ko.” Tinawag ng The Wall Street Journal ang lindol sa Haiti ng 2010 na “pinakamapangwasak na likas na sakuna na naranasan ng isang bansa batay sa ilang kategorya.” Pero nasundan pa ito ng malalaking sakuna na likas at gawa ng tao. Magwawakas pa kaya ang mga ito? Kumbinsido ang mga Saksi ni Jehova sa Haiti at sa buong daigdig na malapit nang tuparin ng Diyos ang kaniyang pangako: “Papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.”—Apocalipsis 21:4. Gumising! Disyembre 2010

19


Mas Marami Pang Malalakas na Lindol

ang Inaasahan M

ULA nang maimbento ang mga instrumentong nakakasukat ng lakas ng lindol, nakapagtala ang mga siyentipiko ng daan-daang malalakas na lindol. Ang mga tumatama sa mga lugar na malayo sa tinitirhan ng mga tao ay hindi gaanong napapansin at hindi na iniuulat ng media o kung iulat man ay pahapyaw lang. Sa kabilang banda, malaki ang nagiging pinsala kapag tumama ang lindol sa isang malaking lunsod. Ang dami ng namamatay at napipinsalang ari-arian ay depende sa kung gaano kalaki ang populasyon at kung gaano sila kahanda sa lindol.

Enero 3: 7.1 na Lindol, Solomon Islands Ang malakas na lindol na ito, na itinala noong una na mas malakas pa sa 7.1, ay sinundan ng tsunami na “may taas na dalawa hanggang tatlong metro.” Sinabi ng isang opisyal para sa disaster management na si Loti Yates na kita mula sa eroplano sa itaas na “lubog sa baha ang isang nayon.” Ayon kay Yates, 16 na bahay ang nawasak at marami pang napinsala sa nayon ng Bainara sa Rendova Island. Bago nito, nagkaroon ng pagyanig na 6.6. Marami ang naalarma at lumikas sa mga burol. Kaya nang sundan ito ng mas malakas na lindol, nakaligtas sila mula sa tsunami na tumama sa baybayin makalipas ang dalawang oras.

20

Gumising! Disyembre 2010

Noong Enero 12, 2010, naranasan ng Haiti ang isa sa pinakamapangwasak na lindol sa kasaysayan kung ang pag-uusapan ay dami ng namatay at nawalang ari-arian. Pero hindi ito ang una ni ang´ tanging malakas na lindol na naganap sa taong ito. Narito ang ilang lindol na naganap noong unang mga buwan ng 2010 na itinalang kasinlakas o mas malakas pa sa lindol na tumama sa kabisera ng Haiti.

Ilan sa lindol na naganap mula Enero hanggang Mayo na may lakas na 7.0 o higit pa

Haiti Mexico

Chile


ang bumagsak. Pero libu-libo ang nasaktan at Pebrero 26: 7.0 na Lindol, nawalan ng mga ari-arian. Mga 500 katao ang Ryukyu Islands, Japan Ang lindol na ito ay tumama nang 5:31 ng umaga, oras doon, 80 kilometro mula sa Naha, Okinawa, isa sa mga isla sa Ryukyu Islands ng Japan. Naglabas ng mga babala para sa tsunami, pero kinansela ito nang maglaon. Sinabi ng isang babae na mahigit 90 taon nang nakatira sa Okinawa na ito ang pinakamalakas na lindol na naranasan nila.

sinasabing namatay, halos kalahati nito ay dahil sa tsunami sa baybayin ng Chile.

Abril 4: 7.2 na Lindol, Baja California, Mexico

Ang lindol na ito ay tumama 18 kilometro mula sa Guadalupe Victoria sa Mexico, at 47 kilometro mula sa Mexicali. Liblib ang lugar na ito at kaunti lang ang nakatira. Pero naramdaman din ang malakas na pagyanig sa maraming Pebrero 27: 8.8 na Lindol, lunsod at bayan sa Mexico at timog ng Estados Chile Unidos. Ang lindol na ito ang ikalima sa pinakamala- Mayo 9: 7.2 na Lindol, ´ lakas mula noong taong 1900. Ang pinakamaSumatra, Indonesia lakas sa mga ito ay sa Chile din tumama no- Hilagang ong 1960—may lakas na 9.4. Dahil sa lindol na Ang lindol na ito sa ilalim ng dagat ay naito, at sa lindol noong 1985 sa kabisera ng Chi- ganap sa katanghaliang-tapat, mga 217 kilomele na may lakas na 7.7, nagpatupad ang bansa tro mula sa pinakadulong hilaga ng Indoneng mahigpit na pamantayan sa pagtatayo ng gu- sia sa lunsod ng Banda Aceh. Maraming tao sali. ang tumakbo palabas ng bahay at ayaw bumalik Kaya iilang gusali lang sa Santiago at sa iba agad dahil sa takot. Pero walang naiulat na na´ pang lunsod na tinamaan ng lindol sa taong ito matay.

Marami Pa ang Inaasahan

Japan Solomon Islands Indonesia

Batay sa dami ng lindol na yumanig sa ating planeta, makatuwirang sabihin na lilindol pa sa mga darating na taon. Deretsahang sinabi ng U.S. Geological Survey: “Magkakaroon pa ng malalakas na lindol gaya ng mga nangyari na noon.” Kapansin-pansin ang komento ng isang editoryal sa diyaryo: “Wala na tayong magagawa sa mga lindol kamakailan . . . at ipinaaalaala lang nito sa atin ang limitasyon ng tao. Pero dapat pa rin tayong kumilos sa mga kasong may magagawa tayo . . . Gayunman, ipinakikita nito na dapat nating asahan na magkakaroon pa ng matitinding likas na sakuna na hindi natin kontrolado.” Kaya tiyak na naaalaala ng mga seryosong nag-aaral ng Bibliya ang mga hula nito na partikular na bumabanggit sa lindol bilang isa sa mga pangyayaring bumubuo sa tanda ng mga huling araw ng sistemang ito ng mga bagay. —Mateo 24:3, 7; Marcos 13:8; Lucas 21:11.


ANG MGA KABATAAN AY NAGTATANONG

Paano ko ipaliliwanag ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa homoseksuwalidad? Nagkagulo sa isang awards ceremony nang maghalikan ang dalawang sikat na aktres! Gulat na gulat ang mga manonood at pagkatapos ay naghiyawan. Para sa mga homoseksuwal, isa itong tagumpay. Para naman sa iba, nagpapapansin lang sa publiko ang mga aktres. Anuman ang dahilan, ang video clip na ito ay paulit-ulit na ipalalabas sa TV—at milyun-milyong ulit na panonoorin sa Internet—sa susunod na mga araw.

AYA ng eksena sa itaas, kapag ang isang kilalang tao ay umamin na siya ay bakla, G tomboy, o silahis, mas ginagawa itong kontrobersiyal ng media kaysa sa ibang mga balita. Hinahangaan ng ilang tao ang ganitong pag-amin. Hinahatulan naman ng iba ang ganitong kalaswaan. Pero marami ang nag-iisip na ang homoseksuwalidad ay isa lang ding paraan ng pamumuhay. “Nang nag-aaral pa ako,” ang sabi ng 21-anyos na si Daniel, “kahit ang matitinong bata ay nag-iisip na kung hindi ka sang-ayon sa homoseksuwalidad, nagtatangi ka at mapanghusga.”1 Maaaring iba-iba ang pangmalas sa homoseksuwalidad ng iba’t ibang henerasyon at ng iba’t ibang mga bansa. Pero ang mga Kristiyano ay hindi “dinadalang paroo’t parito ng bawat hangin ng turo.” (Efeso 4:14) Sa halip, sinusunod nila ang sinasabi ng Bibliya. Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa homoseksuwalidad? Kung namumuhay ka ayon sa pamantayang moral ng Bibliya, ano ang puwede 1 Binago ang ilang pangalan sa artikulong ito. 22

Gumising! Disyembre 2010

mong isagot sa mga nagsasabi na mapanghatol ka, nasusuklam sa mga homoseksuwal, o hindi ka patas? Pag-isipan ang sumusunod na mga tanong at mungkahing sagot. Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa homoseksuwalidad? Malinaw na sinasabi sa Bi-

bliya na ang pagtatalik ay nilayon ng Diyos para lang sa isang lalaki at babae na magasawa. (Genesis 1:27, 28; Levitico 18:22; Kawikaan 5:18, 19) Ang hatol ng Bibliya laban sa pakikiapid ay kapit kapuwa sa mga homoseksuwal at heteroseksuwal.1—Galacia 5:19-21. Kung may magtanong sa iyo: “Ano ang pananaw mo sa homoseksuwalidad?” Puwede mong sabihin: “Hindi sa ayaw ko sa mga homoseksuwal, hindi lang ako sangayon sa ginagawa nila.” O Tandaan: Kung sinusunod mo ang pamantayang moral ng Bibliya, iyan ang pinili 1 Ang terminong “pakikiapid” sa Bibliya ay hindi lang tumutukoy sa pakikipagtalik kundi pati sa paghimas sa ari ng iba, o oral o anal sex.


mong buhay, at karapatan mo iyan. (Josue 24:15) Huwag mong ikahiya ang pananaw mo.—Awit 119:46. Hindi ba dapat na igalang ng mga Kristiyano ang lahat ng tao, pati na ang mga homoseksuwal? Totoo iyan. Sinasabi ng Bibliya: “Pa-

rangalan ang lahat ng uri ng mga tao,” o gaya ng salin ng Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino, “Igalang ninyo ang lahat ng tao.” (1 Pedro 2:17) Kaya ang mga Kristiyano ay hindi nasusuklam sa mga homoseksuwal. Mabait sila sa lahat ng tao, pati na sa mga homoseksuwal.—Mateo 7:12. Kung may magtanong sa iyo: “Hindi ba ang pananaw mo tungkol sa homoseksuwalidad ay nagtataguyod ng diskriminasyon sa mga homoseksuwal?” Puwede mong sabihin: “Hindi. Ang ayaw ko ay ang ginagawa nila, hindi sila.” O Puwede mo pang sabihin: “Halimbawa, ayokong manigarilyo. Isipin ko pa nga lang ang tungkol doon, nandidiri na ako. Pero halimbawa ay naninigarilyo ka at iba ang pananaw mo. Hindi kita huhusgahan dahil sa pananaw mo, kung paanong sigurado ako na hindi mo ako huhusgahan dahil sa pananaw ko, hindi ba? Ganiyan din pagdating sa magkaibang pananaw natin sa homoseksuwalidad.” Hindi ba itinuturo ni Jesus na dapat nating tanggapin ang isa’t isa? Kung gayon, hindi ba dapat maging maluwag din ang mga Kristiyano tungkol sa homoseksuwalidad? Hindi hi-

nihimok ni Jesus ang mga tagasunod niya na tanggapin ang lahat ng paraan ng pamumuhay. Sa halip, itinuro niya na ang maliligtas lang ay ang “bawat isa na nananampalataya sa kaniya.” (Juan 3:16) Kasali sa pananampalataya kay Jesus ang pagsunod sa pamantayan ng Diyos, na nagbabawal sa partikular na mga paggawi—kabilang na ang homoseksuwalidad.—Roma 1:26, 27. Kung may magsabi sa iyo: “Hindi kayang magbago ng mga homoseksuwal. Ipinanganak na silang ganoon.” Puwede mong sabihin: “Walang sinasabi ang Bibliya tungkol sa biyolohikal na kayarian ng mga homoseksuwal, bagaman sinasabi nito na may ilang paggawi na mahirap alisin. (2 Corinto 10:4, 5) Kahit nagkakagusto ang ilan sa kapuwa nila lalaki o kapuwa nila babae, sinasabi ng

Bibliya na dapat iwasan ng mga Kristiyano ang homoseksuwal na paggawi.” O Mungkahi: Sa halip na makipagdebate tungkol sa dahilan ng homoseksuwal na pagnanasa, idiin na ipinagbabawal ng Bibliya ang homoseksuwal na paggawi. Maaari mong sabihin: “Maraming nagsasabi na namamana raw ang pagiging marahas, kaya may ilang tao na may tendensiyang maging ganoon. (Kawikaan 29:22) Ipagpalagay nating tama iyan. Alam mo ba na hinahatulan ng Bibliya ang silakbo ng galit? (Awit 37:8; Efeso 4:31) Hindi na ba tama ang pamantayang ito dahil lang sa maaaring nasa dugo na ng ilan ang pagiging marahas?” Paano masasabi ng Diyos sa isa na nagkakagusto sa kasekso niya na umiwas sa homoseksuwalidad? Parang ang lupit naman niyan.

Ang pangangatuwirang ito ay batay sa maling ideya na dapat sundin ng mga tao ang kanilang pagnanasa sa sekso. Binibigyang-dangal ng Bibliya ang tao sa pagtiyak nito na magagawa nilang pigilin ang kanilang maling pagnanasa sa sekso kung talagang gusto nila.—Colosas 3:5. Kung may magsabi sa iyo: “Kahit hindi ka homoseksuwal, dapat baguhin mo ang pananaw mo tungkol sa kanila.” Puwede mong sabihin: “Ipagpalagay na natin na hindi ako sang-ayon sa pagsusugal pero sang-ayon ka rito. Makatuwiran bang ipagpilitan Pagdating sa opinyon ng nakararami, hinihimok ang mga Kristiyano na sumalungat sa agos


KUMUSTA NAMAN ANG PAGIGING SILAHIS? Bagaman totoo kapuwa sa lalaki at babae ang pagiging silahis, parang mas dumarami ang mga babaing silahis. Narito ang ilan sa mga dahilan. ˘ Atensiyon “Sinasabi ng mga lalaki na naaakit sila sa mga tomboy. Gagawin ng mga babaing walang kumpiyansa sa sarili ang kahit ano magustuhan lang sila ng mga lalaki.”—Jessica, 16. ˘ Gaya-gaya Lang “Kapag ang mga tin-edyer ay may napapanood na pelikula at naririnig na musika tungkol sa paghahalikan ng babae sa babae, natutukso silang subukan iyon—lalo na kung hindi naman nila iniisip na masama iyon.”—Lisa, 26. ˘ Atraksiyon “May nakilala akong dalawang silahis na babae sa isang party. Sinabi sa akin ng kaibigan ko na may gusto sila sa akin. Nakipag-text ako sa isa sa kanila at unti-unting nahulog ang loob ko sa kaniya.”—Vicky, 13. Kung gusto mong paluguran ang Diyos, dapat mong iwasan, kahit subok lang, ang mga pagga-

mong baguhin ko ang paniniwala ko dahil lang sa milyun-milyong tao ang nagsusugal?” O Tandaan ito: Maraming tao (kasama na ang mga homoseksuwal) ang may sinusunod na pamantayan sa kung ano ang mabuti o masama. Dahil dito, kinamumuhian nila ang ilang bagay—marahil gaya ng pandaraya, kawalangkatarungan, o digmaan. Ipinagbabawal ng Bibliya ang gayong mga bagay at ang ilang seksuwal na paggawi, kabilang na ang homoseksuwalidad.—1 Corinto 6:9-11. Ang Bibliya ay makatuwiran at patas. Kung ano ang iniuutos nito sa mga heteroseksuwal, iyon din ang iniuutos nito sa mga naaakit sa kanilang kasekso—ang “tumakas . . . mula sa pakikiapid.”—1 Corinto 6:18. Ang totoo, pinipigil ng milyun-milyong heteroseksuwal ang kanilang sarili dahil gusto nilang sundin ang pamantayan ng Bibliya anumang tukso ang dumating sa kanila. Kabilang sa kani24

Gumising! Disyembre 2010

wing sinasabi ng Bibliya na marumi. (Efeso 4:19; 5:11) Pero paano kung nagkakagusto ka kapuwa sa lalaki at babae? Marami ang magsasabing tanggapin mo na lang ang sarili mo at magpakatotoo ka. Pero dapat mong malaman na ang pagkakaroon ng atraksiyon sa kasekso ay kadalasan nang lumilipas din. Iyan ang natanto ng 16-anyos na si Lisette. Sinabi niya: “Nakatulong sa akin ang pakikipag-usap ko sa aking mga magulang tungkol sa nararamdaman ko. Nalaman ko rin sa klase namin sa biology na sa panahon ng kabataan, pabagu-bago ang hormone level ng isa. Sa tingin ko, kung alam lang ng mas maraming kabataan ang mga pagbabagong nangyayari sa kanilang katawan, maiintindihan nila na maaaring pansamantala lang ang atraksiyon sa kasekso at hindi sila magpapadala sa tuksong maging homoseksuwal.” Kahit ang nadarama mo ay mas matindi kaysa sa karaniwang nadarama ng mga kabataan, tandaan na nagbibigay ang Bibliya ng isang tunguhin na kaya mong abutin: Magagawa mong pigilin ang anumang maling pagnanasa.1 1 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang “Paano Ko Maiiwasan ang Homoseksuwalidad?,” sa kabanata 28 ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

la ang mga dalaga’t binata na maliit ang tsansang makapag-asawa at ang marami na ang asawa ay may kapansanan at hindi na puwedeng makipagtalik. Maligaya sila kahit hindi nasasapatan ang kanilang pagnanasa sa sekso. Magagawa rin iyan ng mga may tendensiyang maging homoseksuwal kung talagang gusto nilang mapaluguran ang Diyos.—Deuteronomio 30:19. Mas marami pang artikulo mula sa seryeng “Young People Ask” ang mababasa sa Web site na www.watchtower.org/ype PAG-ISIPAN

˘ Bakit nagbigay ang Diyos sa mga tao ng mga batas sa moral? ˘ Ano ang magiging pakinabang mo kung susunod ka sa pamantayang moral ng Bibliya?


MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Mahusay na Istilo ng Paglangoy ng

Salmon

˘ Kapag mangingitlog na, maraming uri ng salmon ang sumasalunga sa rumaragasang agos paakyat ng ilog. Paano nila nagagawa ang isang napakahirap na paglalakbay nang hindi nauubos ang kanilang lakas? Sa halip na matakot sa napakalakas na agos, pinakikinabangan pa nila ito. Paano? Pag-isipan ito: Hindi nilalabanan ng salmon ang maligalig na agos ng tubig. Sa halip, kapag lumalangoy paakyat ng ilog, kaunting enerhiya lang ang ginagamit nito dahil sinasamantala nito ang mga vortex, o maliliit na alimpuyo, na nalilikha kapag ang agos ng tubig ay tumama sa bato, sanga, o iba pang mga bagay. Kinekembot-kembot nito ang kaniyang katawan sa pagitan ng mga alimpuyo para maitulak siya paitaas. (Tingnan ang dayagram.) Sinasamantala naman ng ilang grupo ng isda ang mga alimpuyong nalilikha ng isda sa unahan nila, anupat parang nakasakay sila sa mga alimpuyong ito. Puwede nilang mapakinabangan kahit ang mismong alimpuyong nalilikha ng kanilang katawan! Gustong matuto ng mga mana-

naliksik mula sa napakahusay na istilo ng paglangoy ng salmon para makalikha ng enerhiya mula sa mabagal na daloy ng tubig. Karaniwan na, nakalilikha ng kuryente ang mga tradisyonal na makinang hydropower mula sa tubig na ang daloy ay may bilis na 9.3 kilometro o higit pa kada oras. Sa ngayon, nakaimbento sila ng isang makina na gumagamit ng mga vortex-induced vibration para makalikha ng kuryente mula sa tubig na umaagos sa bilis lang na mahigit tatlong kilometro kada oras.1 Pero hindi pa rin nito mapapantayan ang husay ng mga isdang gaya ng salmon. Sinabi ng propesor na si Michael Bernitsas ng University of Michigan sa Estados Unidos: “Sa puntong ito, mas matalino sa atin ang isda.� Ano sa palagay mo? Nagkataon lang ba ang kakayahan ng salmon na gamitin ang enerhiya ng alimpuyo sa tubig? O may nagdisenyo nito? 1 Inaasahan na malaki ang maitutulong nito dahil karamihan ng katubigan sa daigdig ay umaagos nang wala pang anim na kilometro kada oras. Top: 5 photolibrary. All rights reserved.


ISANG AKLAT NA MAPAGKAKATIWALAAN MO

Bahagi 2

Ulat ng Bibliya Tungkol sa Asirya Ito ay ikalawa sa isang serye ng pitong artikulo sa sunud-sunod na isyu ng “Gumising!” na tumatalakay sa ulat ng Bibliya tungkol sa pitong kapangyarihang pandaigdig. Layunin nito na ipakita na ang Bibliya ay nagmula sa Diyos at mapagkakatiwalaan at na ang mensahe nito ay isang pag-asa na matatapos na ang pagdurusang dulot ng malupit na pamamahala ng tao. ARINIG pa lang ng mga tao noon sa Gitnang Silangan ang salitang Asirya, kinikilabutan na sila. Ayon sa aklat ng Bibliya na Jonas, nang atasan ng Diyos ang propetang ito na ipangaral ang mensahe ng paghatol sa kabisera ng Asirya, ang Nineve, nagpunta siya sa kabilang direksiyon! (Jonas 1:1-3) Marahil ito ay dahil kilala sa pagiging malupit ang mga Asiryano.

M

Tumpak na Ulat ng Kasaysayan

Tinawag ng propeta sa Bibliya na si Nahum ang Nineve na “tirahan ng mga leon” at “lunsod ng pagbububo ng dugo.” Idinagdag pa niya: “Ang panghuhuli ay hindi tumitigil! Naroon ang haginit ng panghagupit at ang ugong ng pagkalampag ng gulong, at ang kumakaripas na kabayo at ang lumuluksong karo. Ang nakasakay na mangangabayo, at ang liyab ng tabak, at ang kid-

IMPERYO NG ASIRYA H

ASIRYA

ED

Cala Asur

O

Euf ra

tes

T

i igr s

Dagat Mediteraneo (Malaking Dagat) Samaria

M

Khorsabad Nineve

Babilonya Jerusalem

EHIPTO % Isang malaking toro na may ulo ng tao at mga pakpak ang nagbabantay sa mga palasyo ng mga haring Asiryano


Page 26, top, time line: Egyptian wall relief and bust of Nero: Photograph taken by courtesy of the British Museum; Persian wall relief: ´ Musee du Louvre, Paris; bottom, winged bull and page 27, both images: Photograph taken by courtesy of the British Museum

lat ng sibat, at ang karamihan ng mga napatay, at ang malaking bunton ng mga bangkay; at walang katapusan ang mga bangkay. Palagi silang natitisod sa kanilang mga bangkay.” (Nahum 2:11; 3: 1-3) Makikita rin ba sa sekular na ulat ng kasaysayan ang paglalarawan ng Bibliya sa sinaunang Asirya? Sinabi ng aklat na Light From the Ancient Past na ang Asirya ay “kinatatakutan dahil sa kalupitan at tusong pakikipaglaban sa kaniyang mga kaaway.” Ganito ang pagyayabang ng isang hari ng Asirya na si Ashurnasirpal II tungkol sa pagtrato niya sa mga kumakalaban sa kaniya: “Nagtayo ako ng isang haligi sa harap ng pintuang-daan ng kaniyang lunsod, at binalatan ko ang lahat ng pinunong lalaki na naghimagsik, at ibinalot ko sa haligi ang kanilang mga balat; ang ilan ay ikinulong ko sa loob ng haligi, ang ilan ay ibinayubay ko sa haligi sa mga tulos, . . . at pinutol ko ang mga biyas ng mga opisyal, ng mga maharlikang opisyal na naghimagsik. . . . Maraming bihag mula sa kanila ang sinunog ko sa apoy, at marami ang kinuha ko bilang mga buhay na bihag.” Nang maghukay ang mga arkeologo sa mga palasyo ng Asirya, nakita nila ang mga pader na may mga larawan ng kakila-kilabot na pagtrato ng Asirya sa mga bihag nito. Noong 740 B.C.E., sinakop ng Asirya ang Samaria, ang kabisera ng hilagang kaharian ng Israel, at dinalang tapon ang mga mamamayan

Mababasa sa prismang ito ang pagyayabang ni Senakerib tungkol sa ( pagsalakay niya sa Juda Makikita sa batong relyebe na ito ang mga bihag na binabalatan nang buhay .

nito. Pagkalipas ng walong taon, sinalakay naman ng Asirya ang Juda.1 (2 Hari 18:13) Hiningan ng hari ng Asirya na si Senakerib ang hari ng Juda na si Hezekias ng tributo na 30 talentong ginto at 300 talentong pilak. Iniulat ng Bibliya na ibinigay ng Juda ang tributong ito. Pero ipinagpilitan pa rin ni Senakerib na sumuko sa kaniya nang walang kondisyon ang kabisera ng Juda, ang Jerusalem.—2 Hari 18:9-17, 28-31. Ang mga arkeologo ay nakahukay sa Nineve ng katulad na ulat sa rekord ng kasaysayan ni Senakerib. Nakasulat ito sa isang eksagonal na luwad na prisma at mababasa roon na ipinagmamalaki ng hari ng Asirya: “Tungkol kay Hezekias, ang Judio, hindi siya nagpasakop sa aking pamatok, kinubkob ko ang 46 sa kaniyang matitibay na lunsod, napapaderang mga moog at ang di-mabilang na maliliit na nayon sa paligid ng mga ito, at nilupig (ang mga ito) . . . Siya [si Hezekias] ay ginawa kong isang bilanggo sa Jerusalem, na kaniyang maharlikang tirahan, tulad ng isang ibon sa hawla.” Sinabi ni Senakerib na nagpadala sa kaniya si Hezekias ng “30 talento na ginto, 800 talento na pilak, mahahalagang bato, . . . (at) lahat ng uri ng mahahalagang kayamanan,” anupat pinalabis ang aktuwal na bilang ng talentong pilak na natanggap niya. Pero pansinin na hindi sinabi ni Senakerib na nasakop niya ang Jerusalem. Sa katunayan, wala siyang sinabi tungkol sa masaklap na pagkatalo ng kaniyang hukbo nang mamagitan ang Diyos. Ayon sa Bibliya, pinatay ng anghel ng Diyos ang 185,000 sundalong Asiryano sa isang gabi lang. (2 Hari 19:35, 36) Sinabi ng iskolar na si Jack Finegan: “Dahil sa karaniwang saloobin ng paghahambog na nangingibabaw sa mga inskripsiyon ng mga Asiryanong hari, . . . halos hindi maaasahan na iuulat ni Senakerib ang gayong pagkatalo.” Maaasahang mga Hula

Mga isang daang taon bago bumagsak ang Imperyo ng Asirya, inihula ni Isaias na pagbabayarin ng Diyos na Jehova ang palalong mga manlulupig na iyon dahil sa kanilang kalupitan sa 1 Pagkatapos ng pamamahala ni Haring Solomon, nahati ang 12 tribo ng bansang Israel. Ang Juda at Benjamin ang bumubuo sa kaharian sa timog; ang sampung tribo naman, sa hilagang kaharian. Ang Jerusalem ang kabisera ng kaharian sa timog, at ang Samaria naman ang kabisera sa hilaga. Gumising! Disyembre 2010

27


kaniyang bayan. “Ako ay makikipagsulit dahil sa bunga ng kawalang-pakundangan ng puso ng hari ng Asirya at dahil sa kapalaluan ng pagmamataas ng kaniyang mga mata,” ang sinabi ni Jehova. (Isaias 10:12) Gayundin, inihula ng propeta ng Diyos na si Nahum na ang Nineve ay darambungin, mabubuksan ang pintuang-daan nito sa mga kaaway, at ang mga bantay nito ay tatakas. (Nahum 2:8, 9; 3:7, 13, 17, 19) Isinulat ng propeta ng Bibliya na si Zefanias na ang lunsod ay magiging “tiwangwang na kaguhuan.”—Zefanias 2:13-15. Natupad ang mga hulang iyon ng pagkawasak noong 632 B.C.E. Bumagsak noon ang Nineve sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng Babilonya at Medo, anupat humantong ang Imperyo ng Asirya sa kahiya-hiyang wakas. Ayon sa ulat ng Babilonya tungkol sa pangyayaring ito, “tinangay [ng mga manlulupig] ang napakaraming samsam ng lunsod at ng templo” at ang Nineve ay ginawang “isang bunton ng kaguhuan.” Sa ngayon, ang dating Nineve ay isa na lang bunton ng mga guho sa silangang pampang ng Ilog Tigris sa tapat ng lunsod ng Mosul sa Iraq. Ang pagkawasak ng Asirya ay katuparan din ng isa pang hula sa Bibliya. Bago nito, noong 740 B.C.E. ang sampung-tribong kaharian ay dinalang tapon ng Asirya. Nang mga panahong ito, inihula ng propeta ng Diyos na si Isaias na ‘lalansagin ni Jehova ang Asiryano,’ ‘yuyurakan ito,’ at ibabalik ang Israel sa kanilang lupain. Isinulat ni Isaias: “Ang nalabi ng kaniyang bayan na malalabi mula sa Asirya . . . , ay pipisanin [ng Diyos].” At iyon mismo ang nangyari—pagkalipas ng mga dalawang daang taon!—Isaias 11: 11, 12; 14:25. Pangakong Tiyak na Matutupad

Matagal pa bago ang pagbagsak ng Nineve, habang ang kaniyang mga hari ay naninindak pa ng kaniyang mga kaaway, inihula ni Isaias ang pagdating ng isang naiibang tagapamahala. Isinulat niya: “Isang bata ang ipinanganak sa atin, isang anak na lalaki ang ibinigay sa atin; at ang pamamahala bilang prinsipe ay maaatang sa kaniyang balikat. At ang kaniyang pangalan ay tatawaging . . . Prinsipe ng Kapayapaan. Ang kasaganaan ng pamamahala bilang prinsipe at ang kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa 28

Gumising! Disyembre 2010

trono ni David at sa kaniyang kaharian upang itatag ito nang matibay at upang alalayan ito sa pamamagitan ng katarungan at sa pamamagitan ng katuwiran, mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda. Ang mismong sigasig ni Jehova ng mga hukbo ang gagawa nito.”—Isaias 9: 6, 7. Mamamahala sa buong lupa ang “Prinsipe ng Kapayapaan,” si Jesu-Kristo. Sinasabi sa Awit 72:7, 8: “Sa kaniyang mga araw ay sisibol ang matuwid, at ang kasaganaan ng kapayapaan hanggang sa mawala na ang buwan. At magkakaroon siya ng mga sakop sa dagat at dagat at mula sa Ilog [Eufrates] hanggang sa mga dulo ng lupa.” Sa pamamagitan ng makapangyarihang “Prinsipe ng Kapayapaan,” tutuparin ng Diyos na Jehova ang kaniyang pangako sa Awit 46:8, 9: “Halikayo, masdan ninyo ang mga gawa ni Jehova, kung paano siya nagsagawa ng kagila-gilalas na mga pangyayari sa lupa. Pinatitigil niya ang mga digmaan hanggang sa dulo ng lupa. Ang busog ay binabali niya at pinagpuputul-putol ang sibat; ang mga karwahe ay sinusunog niya sa apoy.” At bilang patiunang katuparan ng hulang ito ng Bibliya, ang mga Saksi ni Jehova ay nagsasagawa ng mga pag-aaral sa Bibliya na nagtuturo sa mga tao na mamuhay nang mapayapa, gaya ng ginawa ni Jesus. Oo, hindi tao, kundi ang Diyos ang tutupad sa hula ng Bibliya na nakaulat sa Isaias 2:4: “Pupukpukin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit na pampungos. Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.” Sa kabaligtaran, ang mga bansa sa ngayon at ang mga tagapamahala nito ay gumagastos ng trilyong dolyar sa isang taon para sa militar! Pagdating sa ulat ng kasaysayan at hula, tumpak ang sinasabi ng Bibliya. Dahil dito, walang katulad ang Bibliya. Ipinakikita nito sa mga taimtim na naghahanap ng katotohanan na isa nga itong aklat na karapat-dapat nating pagtiwalaan. Sa susunod na artikulo ng seryeng ito, tatalakayin natin ang tungkol sa sinaunang Babilonya, ang kabisera ng ikatlong dakilang imperyo sa ulat ng Bibliya.


PAGMAMASID SA DAIGDIG

Lindol—“Ang Pinakanakamamatay na Sakuna” “Lindol ang sanhi ng pinakanakamamatay na mga sakuna nitong nakalipas na dekada,” ang sabi ng United Nations International Strategy for Disaster Reduction, sa Geneva, Switzerland. Sa mga namatay dahil sa sakuna sa panahong ito, halos 60 porsiyento ang namatay dahil sa lindol. Nariyan pa rin ang matinding panganib sa “likas na sakuna” na ito yamang 8 sa 10 lunsod na may pinakamalalaking populasyon sa daigdig ay matatagpuan sa mga fault-line na madalas tamaan ng lindol. Sa nakalipas na dekada, mahigit 780,000 katao ang namatay sa 3,852 sakuna. Mapanganib na Trabaho “Ang kabuuang bilang ng mga reporter na pinatay dahil sa kanilang trabaho noong 2009 ay 110. Sa nakalipas na dekada, ito ang taon na may pinakamaraming pinatay na reporter,” ang sabi ng International Press Institute, sa Vienna, Austria. Sa magugulong lugar, katulad ng Afghanistan, Iraq, Pakistan, at Somalia, “sadyang tinatarget ang mga reporter” sa nakalipas na mga

Tinanggap ng Serbian Ministry of Religious Affairs ang aplikasyon sa pagpaparehistro ng legal na organisasyon na kumakatawan sa mga Saksi ni Jehova. Ayon sa rekord ng gobyerno, aktibo na ang mga Saksi ni Jehova roon mula pa noong 1930.

Tinatayang 95 porsiyento ng mga musika na na-download sa buong daigdig noong 2009 ay ilegal.—TIME, E.U.A.

taon, ayon sa ulat. Dahil dito, hindi na gaanong nasusubaybayan ng media ang mga pangyayari sa mga lugar na ito at “hindi na lubusang nauunawaan ang nakababahalang kaganapan” dito. Sa nakalipas na dekada, Iraq ang pinakamapanganib na lugar para sa mga reporter, sinusundan ito ng Pilipinas, Colombia, Mexico, at Russia.

Murang mga Angkat, Kaunting Magnanakaw “Dahil sa pagdagsa ng murang mga elektronikong gadyet,” baka wala nang kitain ang mga magnanakaw sa Britanya, ayon sa ulat ng Reuters sa London na sinipi sa sinabi ng criminology lecturer na si James Treadwell ng University of Leicester sa Inglatera. Halimbawa, dahil mura lang ang mga bagong DVD player, halos walang kikitain ang mga magbebenta uli nito. “Hindi sulit nakawin” ang mga kagamitang ito, ang sabi ni Treadwell. Pero hindi solusyon sa krimen ang pagbaba ng presyo. Tinatarget ngayon ng mga magnanakaw ang mga mamahalin at mabentang gadyet, ‘gaya ng mga cellphone at iPod, na karaniwang dala ng mga tao.’ Kaya ang dating nanloloob sa mga bahay at gusali ay nanghoholdap na ngayon.


INDISE NG MGA PAKSA PARA SA 2010 GUMISING!

Gumising!

Gumising!

Gumising!

Gumising!

Gumising!

Gumising! Ginhawa Mula sa Stress Paano?

MASYADO KA BANG

SUBSOB SA TRABAHO?

Diborsiyo ba ang Solusyon?

KALIKASAN ANG NAUNA

LAGI KA BANG

GAHOL SA ORAS?

ANG MGA KABATAAN AY NAGTATANONG

HAYOP AT HALAMAN

Bakit Ayaw sa Akin ng mga Lalaki? 1/10 Bakit Dapat Pangalagaan ang Kalusugan? 6/10 Bakit Lagi Kaming Nagtatalo? 2/10 Handa Na ba Akong Bumukod? 7/10 Higit na Kumpiyansa sa Sarili? 5/10 Huminto sa Pag-aaral? 11/10 Makakatulong Kaya sa Relasyon ang Sex? 4/10 Mali Bang Humingi ng Privacy? 3/10 Paano Maaabot ang Tunguhin? 10/10 Paano Makakasundo ang Kapatid? 8/10 Paano Mawawala ang Kalungkutan? 9/10 Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Homoseksuwalidad? 12/10

Alitaptap, 6/10 Alpine Marmot, 10/10 Balat ng Pating, 2/10 Binhi Naging Dambuhalang Puno, 9/10 Chimpanzee, 4/10 Dila ng Hummingbird, 10/10 Fast Food Para sa mga Insekto, 3/10 “Hari ng Kagubatan” (jaguar), 9/10 Ibis, 6/10 Kingfisher (ibon), 2/10 Macadamia Nut, 11/10 Mata ng Gamu-gamo, 7/10 Mata ng Peacock Mantis Shrimp, 11/10 Pag-aalaga ng Orkid, 1/10 Paglangoy ng Salmon, 12/10 Pakpak ng Tutubi, 8/10 “Pinakamagaling Lumipad” (albatros), 7/10 Pinakamaliit na Paniki, 2/10 Razor Clam, 9/10 Shetland Pony, 8/10 “Tao ng Gubat” (oranggutan), 7/10 Tuka ng Kingfisher, 4/10

ANG PANGMALAS NG BIBLIYA Araw ng Paghuhukom, 1/10 Bakit Hindi Pa Pinupuksa ang Diyablo? 12/10 Dapat Bang Maging Ministro ang Babae? 7/10 Iharap ang Kabilang Pisngi, 9/10 Lahat ng Nasa Bibliya Mahalaga? 3/10 Manalangin sa “Santo”? 11/10 Marangal na Pakikipagkasintahan, 2/10 Matalino sa Paggamit ng Pera, 5/10 May Bayad ang mga Relihiyosong Serbisyo? 6/10 Paano Nagiging Mabuti o Masama? 4/10 Persona ang Diyos? 10/10 Sino ang Demonyo? 8/10

BANSA AT MGA TAO Buhay sa Upper Amazon, 4/10 Canoe (Canada), 5/10 Daang-Bakal (Canada), 6/10 Espesyal na Pagkain ng Australia, 11/10 Faeroe Islands, 3/10 “Hari ng mga Orasan” (Britanya), 10/10 “Hill Tribe” ng Thailand, 5/10 Katakumba ng Odessa (Ukraine), 3/10 Lindol sa Haiti, 12/10 Mainit na Lutong-Bahay (India), 11/10 Mga Batak (Indonesia), 8/10 Mont Blanc, 4/10 Nang Pumula ang Araw (Iceland), 2/10 Pagtawid sa Tuktok ng Mundo, 10/10 Palengke sa Aprika, 1/10 Pangalan ng Diyos (simbahan sa Canada), 7/10 Queen Elizabeth I (Inglatera), 1/10 “Tao ng Gubat” sa Indonesia, 7/10 Yurt—Naililipat-lipat na Bahay ng Sentral Asia, 9/10

EKONOMIYA AT TRABAHO Mainit na Lutong-Bahay, 11/10 Subsob sa Trabaho? 1/10 Walang Trabaho? Makakaraos, 7/10

Gumising!

Gumising!

KALUSUGAN AT MEDISINA Acute Mountain Sickness, 7/10 Ginhawa Mula sa Stress, 6/10 Hepatitis B, 8/10 Kinatakutang Sakit (kolera), 10/10 Maihihinto ang Paninigarilyo, 5/10 Makontento sa Kulay ng Balat, 5/10 Ospital na May Gulong, 3/10 Osteoporosis, 6/10 Trangkaso, 6/10

RELIHIYON Aklat na Mapagkakatiwalaan (Bibliya), 11/10, 12/10 Ang Totoo Tungkol sa Pasko, 12/10 Ateismo, 11/10 Makatuwiran Bang Maniwala na May Diyos? 2/10 Pagsamba sa Ahas, 3/10

SAKSI NI JEHOVA Gumising! Nakatulong Para Mailigtas ang Hindi Pa Naisisilang na Sanggol, 2/10 Gusto Mo Bang Maging Kaibigan ng Diyos? (Mexico), 1/10 “Huwag Nang Mabalisa” (India), 1/10 “Kabang-Yaman ng Praktikal na mga Aral” (aklat na Guro), 7/10 Karapatan ng Isang Ina (Espanya), 7/10 Kayamanan Para sa Estudyante ng Bibliya (‘Mabuting Lupain’ na brosyur), 10/10 Kitang-kita ng mga Guro (Bulgaria), 9/10

Gumising!

Gumising!

KUNG PAANO

MAIHIHINTO ANG PANINIGARILYO Lindol sa Haiti, 12/10 ´ “Manatiling Malapıt kay Jehova!” na Kombensiyon, 10/10 Naipakikilala ang Pangalan ng Diyos! 7/10 “Nakikinabang ang mga Bingi sa Bibliya,” 7/10 “Napakaganda Nito” (aklat na Itinuturo ng Bibliya), 6/10 “Pagiging Makasarili” (Gibraltar), 1/10 “Positibo Ka Pa Rin” (ina na may anak na may kapansanan), 11/10 Problemadong Kabataan (aklat na Tanong ng Kabataan), 5/10 Sino Sila? 8/10 “Tulungan N’yo Po Ako” (brosyur na Kapag Namatay ang Minamahal), 2/10

SARI-SARI Buto—Kamangha-mangha ang Tibay, 1/10 Lagi Ka Bang Gahol sa Oras? 4/10 Mas Marami Pang Malalakas na Lindol, 12/10 “Mayday! Mayday! Mayday!” 10/10 Natural Gas—Enerhiya sa Tahanan, 11/10 Pagkautal, 5/10

SIYENSIYA Kalikasan ang Nauna, 3/10 May Nagdisenyo ba Nito? 1/10, 2/10, 4/10, 6/10, 7/10, 8/10, 9/10, 10/10, 11/10, 12/10 Molekula ng Hemoglobin, 9/10 Napatunayan ba na Walang Diyos? 11/10 “Problema sa Longhitud,” 5/10 Tibok ng Puso, 5/10

TALAMBUHAY Ang Nagustuhan Ko (T. Orosco), 3/10 Dating Opisyal ng SS, Ngayo’y Lingkod ng Diyos (G. Bernhardt), 2/10 Gustung-gusto Nang Masabi, “Sama-sama Na Po Uli Tayong Lahat!” (A. Austin), 8/10 Inaliw Ako ng Diyos (V. Colloy), 12/10 ´ Iniwan ang Kasikatan (M. Marquez), 6/10 Makabuluhang Karera (P. Kostadinov), 4/10 ´ Maligaya Kahit Baldado (J. Varguez), 5/10 Pinakamagandang Karera (K. Bergman), 9/10 ˇ “Pinalaki Akong Ateista” (F. Vyskocil), 11/10 Siniyasat ng Abogado ang Saksi ni Jehova (L. Civin), 8/10

UGNAYAN NG TAO “Baka Isang Awit Lang ang Kailangan,” 9/10 Diborsiyo, 2/10 Kalungkutan, 9/10 Kanino Ka Puwedeng Magtiwala? 10/10 Karunungan sa Paggamit ng Dila, 11/10 Pagkain Nang Sama-sama, 1/10

Gumising!

Gumising!

LUMALAKAS NA BA ANG ATEISMO?

Wala Kang Trabaho? Kung Paano Ka Makakaraos

Mga Saksi ni Jehova SINO SILA?

Kalungkutan Paano Mo Mapaglalabanan?

KANINO KA PUWEDENG

MAGTIWALA?

Ang Totoo Tungkol sa

PASKO


REPASO PARA SA PAMILYA

KILALA MO BA SI APOSTOL

PEDRO? 4. Ano ang limang pangalan ni Pedro sa Bibliya? CLUE: Basahin ang Mateo 10:2; 16:16; Juan 1:42; Gawa 15:14. ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝ ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝ ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

Tama ba ang Ginawa Nila?

˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

Basahin ang Bilang 13:1, 2, 25-33; 14:3, 6-12. Ngayon, tingnan mo ang larawan. Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot.

1. Bakit masamang ulat ang ibinigay ng karamihan sa mga tiktik? ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

2. Ano ang resulta ng negatibong ulat ng sampung tiktik? CLUE:

˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

5. Nag-asawa ba si Pedro? CLUE: Basahin ang 1 Corinto 9:5. ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

Basahin ang Bilang 14:26-38. ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

3. Bakit malaki ang tiwala nina Josue at Caleb na magtatagumpay sila? ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

PARA SA TALAKAYAN: Kapag may problema ang iyong pamilya, paano mo maiiwasang maging tulad ng sampung tiktik at sa halip ay maging tulad nina Josue at Caleb?

PARA SA TALAKAYAN: Anong ulat tungkol kay Pedro ang nagustuhan mo? Ikuwento ito. Anong mga katangian ni Pedro ang gusto mong tularan, at paano mo ito magagawa? ˘ Nasa pahina 13 ang mga sagot

MULA SA ISYUNG ITO Sagutin ang mga tanong na ito, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.

PAHINA 7 Ano ang dapat nating sabihin sa ating kapuwa? Efeso 4: PAHINA 8 Ano ang magagawa sa iyo ng katotohanan? Juan 8:

MGA BATA,

HANAPIN ANG LARAWAN

Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?

PAHINA 11 Ano ang gagawin sa huling kaaway? 1 Corinto 15:

PAHINA 24 Saan ka dapat tumakas? 1 Corinto 6: Gumising! Disyembre 2010

31


Natututo Rin Siya Kasabay Nila ˘ Isang babae na mga 30 anyos, may asawa at tatlong anak at nakatira sa Kentucky, E.U.A., ang sumulat, “Natulungan ako at ang aking pamilya ng lahat ng natanggap naming publikasyon na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.” Sinabi niya: “Gustung-gusto ko para sa mga anak ko Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya.” Idinagdag pa niya, “Natututo rin ako kasabay nila.”

Q Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito. Ilagay kung anong wika.

Q Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

Ang Aking Aklat ng MGA KUWENTO SA

BIBLIYA

Ang aklat na ito ay may magagandang larawan at tumatalakay sa mga ulat ng Bibliya ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Halimbawa: Kabilang sa Bahagi 2 ang mga kuwentong “Masamang Hari na Nagpuno sa Ehipto,” “Ang Pagkaligtas ng Sanggol na si Moises,” “Kung Bakit Tumakas si Moises,” “Humarap kay Paraon Sina Moises at Aaron,” “Ang 10 Salot,” at “Pagtawid sa Dagat na Pula.” Ang pamagat ng Bahagi 6 ay “Kapanganakan ni Jesus Hanggang sa Kamatayan Niya.” Mababasa rito ang maraming ulat tungkol sa buhay ni Jesus mula nang ipanganak siya hanggang sa mamatay siya. Kabilang dito ang “Isinilang si Jesus sa Kuwadra” at “Mga Lalaking Inakay ng Isang Bituin.” Ipinakikita ng huling nabanggit na kuwento na nang dalawin si Jesus ng mga “Pantas”—sa katunayan, mga astrologo—‘pumasok sila sa bahay,’ hindi sa kuwadra kung saan isinilang si Jesus. Sa bahay, “nakita nila ang bata sa piling ng kanyang inang si Maria.” Binabalaan ng Diyos ang mga lalaking ito na huwag bumalik kay Herodes, na gustong ipapatay si Jesus. Ano ang ipinakikita nito tungkol sa kung sino ang nasa likod ng sinasabing bituin?—Mateo 2:1, 11, 12, Magandang Balita Biblia. Matututo ka rin kasama ng iyong mga anak sa pagbabasa ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Mayroon itong 116 na kuwento tungkol sa mga tao at pangyayaring nasa Bibliya. Para makakuha ng isang kopya, punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala ito sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

Pangalan

Adres

Lunsod

Lalawigan

ZIP Code

Watch Tower, PO Box 2044, 1060 Manila www.watchtower.org

g10 12-TG


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.