ANG
8
BA NTAYA N ENERO 1, 2011
NAGHAHAYAG NG KAHARIAN NI JEHOVA
ANG
HARDIN
NG
EDEN
ALAMAT O KATOTOHANAN?
ANG
8
BANTAYAN
Limbag sa Bawat Isyu: 42,162,000 SA 185 WIKA
ENERO 1, 2011
N AGH AH AYAG N G K A H A R I AN N I JE H OVA
LAYUNIN NG MAGASING ITO, Ang Bantayan, na parangalan ang Diyos na Jehova, ang Kataas-taasang Tagapamahala ng uniberso. Noong sinaunang panahon, natatanaw ng isa mula sa bantayan ang mga nangyayari sa malayo. Sa katulad na paraan, ipinakikita ng magasing ito ang kahalagahan ng mga pangyayari sa daigdig ayon sa mga hula ng Bibliya. Inaaliw nito ang mga tao sa pamamagitan ng mabuting balita na di-magtatagal, wawakasan ng Kaharian ng Diyos, isang tunay na gobyerno sa langit, ang lahat ng kasamaan at gagawin nitong paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo, na namatay para magkaroon tayo ng pag-asang mabuhay nang walang hanggan at namamahala na ngayon bilang Hari sa Kaharian ng Diyos. Ang magasing ito ay walang pinapanigan sa pulitika at patuluyang inilalathala ng mga Saksi ni Jehova mula pa noong 1879. Sinusunod nito ang Bibliya bilang awtoridad. Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.
TAMPOK NA MGA ARTIKULO 3 Eden—Ito ba ang Orihinal na Tahanan ng Tao? 4 Talaga Bang May Hardin ng Eden? 9 Ang Kahalagahan sa Iyo ng Eden
REGULAR NA MGA SEK SIYON 12
Tanong ng mga Mambabasa
16
Matuto Mula sa Salita ng Diyos—Bakit Dapat Matuto Mula sa Diyos? ´ Maging Malapıt sa Diyos—“Pinalambot Niya ang Mukha ni Jehova”
18 19
Alam Mo Ba?
& 24 Tularan ang Kanilang Pananampalataya
—Nakapagtiis Siya sa Kabila ng mga Kabiguan
30
Para sa mga Kabataan—Pahalagahan ang Sagradong mga Bagay!
SA ISYU RING ITO 13
Alam ba ng Diyos na Magkakasala Sina Adan at Eva?
& 20 Talaga Bang Mahal Ka ng Diyos? 29
Isang Taga-Silangang Asia sa Sinaunang Italya
EDEN
ITO BA ANG ORIHINAL NA TAHANAN NG TAO?
I
SIPIN mong ikaw ay nasa isang hardin. Walang mga pangabala, walang ingay ng magulong buhay sa lunsod. Payapa at napakalawak ng harding ito. Walang mga problema, sakit, alerdyi, o kirot. Damang-dama mo ang kapaligiran. Tuwang-tuwa ka sa nakikita mong matitingkad na kulay ng mga bulaklak, sa kislap ng batis, at sa luntiang mga halaman at damo sa liwanag ng araw at sa lilim. Nadarama mo ang banayad na dampi ng hangin at nalalanghap ang mabangong simoy nito. Naririnig mo ang pagaspas ng mga dahon, ang lagaslas ng tubig sa mga bato, ang huni ng mga ibon, at ang ingay ng mga insekto. Hindi ka ba nananabik na tumira sa gayong lugar? Sa buong daigdig, marami ang naniniwala na gayon nga ang orihinal na tahanan ng tao. Sa loob ng mga dantaon, ang mga miyembro ng Judaismo, Sangkakristiyanuhan, at Islam ay tinuruan tungkol sa hardin ng Eden, kung saan pinatira ng Diyos sina Adan at Eva. Ayon sa Bibliya, namuhay sila rito nang maligaya at payapa. Hindi sila sinasaktan ng mga hayop, at may mabuti silang kaugnayan sa Diyos, na may-kabaitang nagbigay sa kanila ng pag-asang mabuhay magpakailanman sa magandang harding iyon.—Genesis 2:15-24. May sariling paniniwala rin ang mga Hindu tungkol sa isang paraiso noong unang panahon. Naniniwala ang mga Budista na ang dakilang espirituwal na mga lider, o mga Buddha, ay maaaring lumitaw sa mga ginintuang panahon kung kailan ang daigdig ay gaya ng isang paraiso. At maraming relihiyon sa Aprika ang nagtuturo ng mga kuwentong kahawig ng ulat tungkol kina Adan at Eva. Sa katunayan, ang ideya tungkol sa sinaunang paraiso ay laganap sa maraming relihiyon at tradisyon. Sinabi ng isang awtor: “Maraming sibilisasyon ang naniniwala sa sinaunang paraiso kung saan may kasakdalan, kalayaan, kapayapaan, kaligayahan, kasaganaan, at walang panggigipit, tensiyon, at alitan. . . . Dahil ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
3
sa paniniwalang ito, inaasam-asam ng lipunan sa pangkalahatan na maibalik ang isang nawala ngunit di-nalimutang paraiso.” Maaari kayang isa lamang ang pinagmulan ng lahat ng kuwento at tradisyong iyon? Mayroon kayang mapananaligang batayan ang “inaasam-asam ng lipunan sa pangkalahatan”? Talaga bang may hardin ng Eden noon? Totoo ba sina Adan at Eva? Marami ang nag-aalinlangan sa ulat tungkol sa hardin ng Eden. Ngayong masulong na ang siyensiya, iniisip nila na alamat lamang ito. At ang nakagugulat pa, hindi lahat ng lider ng relihiyon ay naniniwala sa hardin ng Eden. Sinasabi nila na walang gayong lugar at na ito ay isa
TALAGA BANG MAY HARDIN NG EDEN? A LAM mo ba ang kuwento tungkol kina Adan at Eva at sa hardin ng Eden? Alam ito ng mga tao sa buong daigdig. Bakit hindi mo basahin ang ulat na ito sa Genesis 1:26–3:24? Ganito iyon: Inanyuan ng Diyos na Jehova1 ang tao mula sa alabok, pinanganlan itong Adan, at inilagay sa isang hardin sa lugar na tinatawag na Eden. Ang Diyos mismo ang gumawa ng harding ito. Saganang tubig ang dumadaloy rito at maraming magaganda at namumungang punungkahoy. Nasa gitna nito “ang punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.” Ipinagba1 Jehova ang personal na pangalan ng Diyos sa Bibliya.
8
BANTAYAN
ANG
NAGH AH AYAG NG KAH ARIAN NI JEH OVA
Nais mo ba ng higit pang impormasyon o ng walangbayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya? Pakisuyong ipadala ang iyong kahilingan sa mga Saksi ni Jehova, na ginagamit ang isa sa mga adres sa ibaba. Para sa kumpletong listahan ng mga adres, tingnan ang www.watchtower.org/address.
4
lamang metapora, alamat, pabula, o talinghaga. Totoo, ang Bibliya ay may binabanggit na mga talinghaga. Kay Jesus mismo nagmula ang pinakakilala sa mga ito. Pero iniulat ng Bibliya ang tungkol sa Eden hindi bilang talinghaga kundi bilang kasaysayan—simple at pawang katotohanan. Kung ang pangyayari sa Eden ay hindi kailanman naganap, paano mapagkakatiwalaan ang iba pang bahagi ng Bibliya? Suriin natin kung bakit ang ilan ay nag-aalinlangan tungkol sa hardin ng Eden at alamin natin kung makatuwiran ang kanilang mga dahilan. Pagkatapos, susuriin natin kung ano ang kahalagahan ng ulat na ito sa bawat isa sa atin.
wal ng Diyos sa tao ang pagkain ng bunga ng punungkahoy na ito. Sinabi niyang ang pagsuway ay mangangahulugan ng kamatayan. Nang maglaon, gumawa si Jehova ng isang kasama para kay Adan—ang babaing si Eva—na inanyuan mula sa isa sa mga tadyang ni Adan. Inutusan sila ng Diyos na pangalagaan ang hardin, magpakarami, at punuin ang lupa. Nang nag-iisa si Eva, kinausap siya ng isang serpiyente, o ahas. Tinukso siya nito na kainin ang ipinagbabawal na bunga at pinalabas na nagsisinungaling sa kaniya ang Diyos at na may ipinagkakait na mabuti sa kaniya. Kung kakain daw siya nito, magiging gaya siya ng
Australia: PO Box 280, Ingleburn, NSW 1890. Britain: The Ridgeway, London NW7 1RN. Canada: PO Box 4100, Georgetown, ON L7G 4Y4. France: BP 625, F-27406 Louviers Cedex. Germany: 65617 Selters. Hong Kong: 4 Kent Road, Kowloon Tong, Kowloon. Israel: PO Box 29345, 61293 Tel Aviv. Italy: Via della Bufalotta 1281, I-00138 Rome RM. Japan: 4-7-1 Nakashinden, Ebina City, Kanagawa-Pref, 243-0496. Korea, Republic of: PO Box 33, Pyungtaek PO, Kyunggi-do, 450-600. Malaysia: Peti Surat No. 580, 75760 Melaka. Philippines: PO Box 2044, 1060 ´ Manila. Spain: Apartado 132, 28850 Torrejon de Ardoz (Madrid). Taiwan: 3-12, Shetze Village, Hsinwu 32746. United States of America: 25 Columbia Heights, Brooklyn, NY 11201-2483.
The Watchtower (ISSN 0043-1087) is published semimonthly in the United States by Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.; M. H. Larson, President; G. F. Simonis, Secretary-Treasurer; 25 Columbia Heights, Brooklyn, NY 11201-2483, U.S.A., and in the Philippines by Watch Tower Bible and Tract Society of the Philippines, Inc., PO Box 2044, 1060 Manila, R.P. Periodicals Postage Paid at Brooklyn, NY, and at additional mailing offices. Entered as second-class matter at the Manila Central Post Office on September 12, 1961. 5 2011 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. Reserbado ang lahat ng karapatan. Printed in R.P.
Vol. 132, No. 1
Semimonthly
TAGALOG
Diyos. Natukso si Eva at kinain ang bunga. Nang maglaon, nakisama sa kaniya si Adan sa pagsuway sa Diyos. Hinatulan ni Jehova si Adan, si Eva, at ang ahas. Matapos palayasin ang mga tao sa paraisong hardin, may mga anghel na humarang sa pasukan. Noon, naniniwala ang karamihan sa mga iskolar, intelektuwal, at istoryador na talagang naganap ang mga pangyayaring nakaulat sa aklat ng Bibliya na Genesis. Pero ngayon, mas marami na ang nag-aalinlangan. Bakit ba pinag-aalinlanganan ang ulat ng Genesis tungkol kina Adan at Eva at sa hardin ng Eden? Suriin natin ang apat na karaniwang kinukuwestiyon ng mga kritiko.
1. Totoong lugar ba ang hardin ng Eden? Bakit ba ito pinagdududahan? Marahil, dahil sa pilosopiya. Sa loob ng mga dantaon, ipinalalagay ng mga teologo na ang hardin ng Diyos ay umiiral pa. Pero ang simbahan ay naimpluwensiyahan ng mga pilosopong Griego na gaya nina Plato at Aristotle, na nagsabing walang anumang bagay sa lupa ang sakdal, o perpekto. Sa langit lamang makasusumpong ng kasakdalan. Kaya inisip ng mga teologo na ang orihinal na Paraiso ay malapit sa langit.1 Sabi ng ilan, ang hardin ay nasa tuktok ng isang bundok na napakataas anupat hindi naapektuhan ng magulong planetang ito; sabi ng iba, ito raw ay nasa North Pole o South Pole; sabi naman ng iba pa, ito raw ay nasa buwan o malapit dito. Hindi kataka-taka, ang Eden ay nagmistulang isang pantasya. Iginigiit naman ng ilang iskolar
ngayon na walang saysay na pag-usapan pa ang lokasyon ng Eden, yamang hindi ito talaga umiral. Pero hindi ganiyan ang pagkakalarawan ng Bibliya sa hardin. Sa Genesis 2:8-14, malalaman natin ang ilang detalye tungkol sa lugar na iyon. Ito ay nasa silangan ng lugar na tinatawag na Eden. Natutubigan ito ng isang ilog na nagsanga sa apat na ilog. Pinanganlan ang mga ito at binanggit kung saan umaagos. Dahil sa mga detalyeng ito, nagpursigi ang mga iskolar na saliksikin pa ang bahaging ito ng Bibliya para matunton ang aktuwal na lokasyon ng hardin ng Eden. Pero iba-iba ang naging opinyon nila. Ibig bang sabihin, hindi totoo o alamat lamang ang paglalarawan tungkol sa Eden, sa hardin nito, at sa mga ilog nito? Isaalang-alang ito: Ang mga pangyayari sa hardin ng Eden ay naganap mga 6,000 taon na ang nakalipas. Si Moises ang sumulat nito, marahil batay sa mga ikinuwento sa kaniya o sa makukuhang mga dokumento noon. Isa pa, isinulat niya ito mga 2,500 taon pagkatapos nitong mangyari. Sa paglipas ng libu-libong taon, posible kayang nagbago ang mga palatandaan nito, gaya ng mga ilog? Ang topograpiya ng lupa ay laging nagbabago. Ang rehiyon na malamang na kinaroonan ng Eden ay madalas tamaan ng lindol. Sa katunayan, dito naganap ang mga 17 porsiyento ng pinakamalalakas na lindol sa daigdig. Sa gayong mga lugar, normal lang ang pagbabago. Bukod pa riyan, maaaring binago ng Baha noong panahon ni Noe ang topograpiya ng lupa sa maraming paraan na hindi natin alam ngayon.1
1 Ang ideyang ito ay wala sa Kasulatan. Itinuturo ng Bibliya na ang lahat ng gawa ng Diyos ay sakdal; hindi nanggaling sa kaniya ang kasiraan. (Deuteronomio 32:4, 5) Pagkatapos lalangin ni Jehova ang lupa, sinabi niyang ang lahat ng ginawa niya ay “napakabuti.”—Genesis 1:31.
1 Maliwanag na binura ng Delubyo, na pinasapit ng Diyos, ang lahat ng bakas ng hardin ng Eden. Ipinahihiwatig ng Ezekiel 31:18 na ang “mga punungkahoy sa Eden” ay matagal nang hindi umiiral pagdating ng ikapitong siglo B.C.E. Kaya ang lahat ng naghahanap sa hardin ng Eden ay nabibigo.
INILALATHALA NA SA 185 WIKA: Afrikaans, Albanian, Amharic, Arabic, Armenian, Armenian (West), Aymara, ´ Azerbaijani, Azerbaijani (Cyrillic), Baoule, Bengali, Bicol, Bislama, Bulgarian, Cambodian, Cebuano, Chichewa, Chinese (Simplified), Chinese (Traditional)7 (audio Mandarin only), Chitonga, Chuukese, Cibemba, Croatian, Czech,7 Danish,7 Dutch,67 Efik, English67 (also Braille), Estonian, Ewe, Fijian, Finnish,7 French,687 Ga, Georgian, German,67 Greek, Greenlandic, Guarani, Gujarati, Gun, Haitian Creole, Hausa, Hebrew, Hiligaynon, Hindi, Hiri Motu, Hungarian,67 Icelandic, Igbo, Iloko, Indonesian, Isoko, Italian,67 Japanese,67 Kannada, Kaonde, Kazakh, Kikongo, Kikuyu, Kiluba, Kimbundu, Ki-
nyarwanda, Kirghiz, Kiribati, Kirundi, Kongo, Korean,67 Kwangali, Kwanyama, Latvian, Lingala, Lithuanian, Luganda, Lunda, Luo, Luvale, Macedonian, Malagasy, Malayalam, Maltese, Marathi, Marshallese, Mauritian Creole, Maya, Mizo, Moore, Myanmar, Ndebele, Ndonga, Nepali, Niuean, Norwegian,67 Nyaneka, Nzema, Oromo, Ossetian, Otetela, Palauan, Pangasinan, Papiamento (Curacao), Persian, Polish,67 Ponapean, ¸ Portuguese,687 Punjabi, Quechua (Ancash), Quechua (Ayacucho), Quechua (Bolivia), Quechua (Cuzco), Quichua, Rarotongan, Romanian, Russian,67 Samoan, Sango, Sepedi, Serbian, Serbian (Roman), Sesotho, Seychelles Creole, Shona, Silozi, Sinhala, Slovak, Slove-
nian, Solomon Islands Pidgin, Spanish,67 Sranantongo, Swahili, Swati, Swedish,7 Tagalog,7 Tahitian, Tamil, Tatar, Telugu, Tetum, Thai, Tigrinya, Tiv, Tok Pisin, Tongan, Totonac, Tshiluba, Tsonga, Tswana, Tumbuka, Turkish, Tuvaluan, Twi, Tzotzil, Ukrainian,7 Umbundu, Urdu, Uruund, Uzbek, Venda, Vietnamese, Wallisian, WarayWaray, Wolaita, Xhosa, Yapese, Yoruba, Zande, Zapotec (Isthmus), Zulu 6 Makukuha rin sa CD. 8 Makukuha rin sa MP3 CD-ROM. 7 Makukuha rin ang audio recording sa www.jw.org.
Gayunman, narito ang ilang katotohanang alam natin: Tinutukoy sa ulat ng Genesis ang hardin bilang isang totoong lugar. Dalawa sa apat na ilog na binanggit sa ulat—ang Eufrates at ang Tigris, o Hidekel—ay umiiral pa at ang ilang pinagmumulan ng mga ito ay malapit sa isa’t isa. Binabanggit pa nga ng ulat ang pangalan ng mga lupaing dinadaluyan ng ilog at ang likas na yaman ng mga lupaing iyon. Sa mga Israelita noon, na siyang unang bumasa ng ulat na ito, ang mga detalyeng ito ay kapakipakinabang. Ganiyan ba ang mga alamat o fairy tale? Sa ganitong mga kuwento, hindi binabanggit ang mga detalye na maaaring magpatunay kung ito ay totoo o hindi. “Noong unang panahon sa isang malayong lupain”—ganiyan nagsisimula ang isang alamat. Pero iniuulat ng kasaysayan ang mahahalagang detalye, gaya ng ulat tungkol sa Eden.
2. Kapani-paniwala bang inanyuan ng Diyos si Adan mula sa alabok at si Eva mula sa isa sa mga tadyang ni Adan? Pinatunayan ng makabagong siyensiya na ang katawan ng tao ay binubuo ng iba’t ibang elemento—gaya ng hidroheno, oksiheno, at karbon—lahat ay masusumpungan 6
ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
sa lupa. Pero paano naging isang nabubuhay na nilalang ang mga elementong iyon? Ayon sa teoriya ng maraming siyentipiko, ang buhay ay basta na lamang lumitaw nang walang sinumang lumikha. Mula sa napakasimpleng anyo, unti-unti itong naging masalimuot sa paglipas ng milyunmilyong taon. Pero ang salitang “simple” ay maaaring makalito, sapagkat ang lahat ng nabubuhay na bagay—kahit ang pagkaliitliit na isang-selulang organismo—ay lubhang masalimuot. Walang ebidensiya na ang anumang uri ng buhay ay bigla na lamang lumitaw. Sa halip, ang lahat ng nabubuhay na bagay ay nagpapatunay na may isang napakatalinong Disenyador.1—Roma 1:20. Kapag nakikinig ka sa napakagandang musika ng isang orkestra o humahanga sa isang makulay na painting o sa isang pambihirang imbensiyon, iniisip mo bang walang gumawa ng mga ito? Siyempre hindi! Ngunit ang mga obramaestrang iyon ay walangsinabi sa kagandahan, pagkamalikhain, o pagiging masalimuot ng pagkakadisenyo sa katawan ng tao. Kaya paano natin masasa1 Tingnan ang brosyur na The Origin of Life—Five Questions Worth Asking, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
bing walang Maylalang? Isa pa, ipinaliliwanag ng ulat ng Genesis na sa lahat ng buhay sa lupa, ang tao lamang ang ginawa ayon sa larawan ng Diyos. (Genesis 1:26) Kaya mga tao lamang ang nakagagawa ng imbensiyon o nakabubuo ng kahanga-hangang likhangsining at musika dahil minana nila ang kakayahang ito sa Diyos. Dapat ba tayong magtaka na makalilikha ang Diyos nang mas mahusay kaysa sa atin? Kung tungkol naman sa paglalang sa babae mula sa isang tadyang ng lalaki, mahirap ba iyon para sa Diyos?1 Maaaring gumamit ang Diyos ng ibang paraan, pero ang paglalang niya sa babae ay may malalim na kahulugan. Gusto niyang ang lalaki at babae ay maging mag-asawa at mabuklod na parang “isang laman.” (Genesis 2:24) Hindi ba isang matibay na ebidensiya ng isang matalino at maibiging Maylalang ang pagiging kapupunan sa isa’t isa ng lalaki’t babae, anupat nakabubuo sila ng isang matibay at masayang buklod? Isa pa, kinikilala ng mga eksperto sa henetika ngayon na ang lahat ng tao ay posibleng nagmula sa isang lalaki at babae lamang. Kaya malayo bang mangyari ang ulat ng Genesis? 1 Kapansin-pansin, natuklasan ng makabagong siyensiya sa medisina na ang tadyang, di-tulad ng ibang buto, ay may pambihirang kakayahan na tumubong muli kung hindi napinsala ang lamad na nakabalot dito.
3. Parang alamat ang punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama at ang punungkahoy ng buhay. Ang totoo, hindi itinuturo ng ulat ng Genesis na ang mga punungkahoy na ito ay mahiwaga o may anumang pambihirang kapangyarihan. Sa halip, ang mga ito ay karaniwang mga punungkahoy na binigyan ni Jehova ng makasagisag na kahulugan. Hindi ba kung minsan, ginagawa rin iyan ng mga tao? Halimbawa, maaaring sabihin ng isa, ‘Hindi mo na iginalang ang pamamahay ko.’ Hindi naman talaga ang mismong bahay ang winalang-galang kundi ang karapatan ng mayari sa sarili niyang pamamahay. Ginagamit din ng iba’t ibang monarka ang setro at korona bilang sagisag ng kanilang awtoridad. Kaya ano ang isinasagisag ng dalawang punungkahoy? Maraming masalimuot na teoriya ang lumitaw. Ang tunay na sagot, bagaman simple, ay malalim. Ang punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay kumakatawan sa karapatan na nauukol lamang sa Diyos —ang magtakda ng kung ano ang mabuti at masama. (Jeremias 10:23) Kaya isang krimen ang magnakaw mula sa punungkahoy na iyon!
Ang punungkahoy ng buhay naman ay kumakatawan sa isang kaloob na Diyos lamang ang makapagbibigay—ang buhay na walang hanggan.—Roma 6:23.
4. Parang isang karakter lamang sa pabula ang ahas na nagsasalita. Sabihin pa, ang bahaging ito ng ulat ng Genesis ay nakalilito, lalo na kung hindi natin isasaalang-alang ang iba pang bahagi ng Bibliya. Pero unti-unting ipinaliliwanag ng Kasulatan ang misteryong ito. Paano nakapagsalita ang ahas na ito? Noon, alam ng mga Israelita ang ilang bagay na makapagbibigay-linaw sa papel ng ahas na iyon. Halimbawa, alam nila na bagaman hindi nagsasalita ang mga hayop, maaaring gawin ng isang espiritung persona na tila nagsasalita ito. Bukod diyan, isinulat ni Moises ang tungkol sa pagsusugo ng Diyos sa isang anghel upang pag-
salitain na parang tao ang asno ni Balaam.—Bilang 22:26-31; 2 Pedro 2:15, 16. Maaari bang magsagawa ng himala ang ibang espiritung persona, kabilang na ang mga kaaway ng Diyos? Nakita ni Moises na ginaya ng mga mahikong saserdote ng Ehipto ang ilan sa mga himala ng Diyos, gaya noong gawin nilang ahas ang tungkod. Maliwanag na ang gayong mga himala ay galing sa mga espiritung kaaway ng Diyos.—Exodo 7:8-12. Maliwanag na si Moises din ang sumulat ng aklat ng Job. Maraming itinuturo ang aklat na iyon tungkol sa pangunahing kaaway ng Diyos, ang sinungaling na si Satanas, na humamon sa katapatan ng lahat ng lingkod ni Jehova. (Job 1:6-11; 2:4, 5) Naniniwala ba ang mga Israelita noon na si Satanas ang kumontrol sa ahas sa Eden, kung kaya nakapagsalita ito at nadaya si Eva? Malamang na gayon nga. Si Satanas ba ang kumokontrol sa ahas? Tinukoy ni Jesus si Satanas na “sinungaling at ama ng kasinungalingan.” (Juan 8:44) Kung siya ang “ama ng kasinungalingan,” siya ang pasimuno ng unang kasinungalingan, hindi ba? Ang unang kasinungalingan ay ang sinabi ng serpiyente kay Eva. Bilang pagsalungat sa babala ng Diyos na ang pagkain sa ipinagbabawal na bunga ay magdudulot ng kamatayan, sinabi ng serpiyente: “Tiyak na hindi kayo mamamatay.” (Genesis 3:4) Maliwanag, alam ni Jesus na si Satanas ang kumokontrol sa serpiyente. Niliwanag ito sa pagsisiwalat na ibinigay ni Jesus kay apostol Juan, nang tawagin Niya si Satanas na “ang orihinal na serpiyente.”—Apocalipsis 1:1; 12:9. Mahirap bang paniwalaan na kayang manipulahin ng isang makapangyarihang espiritung persona ang isang ahas para magtingin itong nagsasalita? Kung nagagawa ng mga tao na maging kapani-paniwala ang mga special effect at palabasing nagsasalita ang isang papet, gaano pa kaya ang makapangyarihang mga espiritu? Ang Pinakamatibay na Ebidensiya Hindi ka ba sasang-ayon na ang pag-aalinlangan tungkol sa ulat ng Genesis ay wala na-
mang matibay na saligan? Sa kabilang dako, may matibay na ebidensiya na ang ulat ng Genesis ay tunay na kasaysayan. Halimbawa, si Jesu-Kristo ay tinawag na “saksing tapat at totoo.” (Apocalipsis 3:14) Bilang isang sakdal na tao, hinding-hindi siya nagsinungaling ni pinilipit man niya ang katotohanan. Higit pa riyan, itinuro niya na umiral na siya bago pa naging tao sa lupa. Sa katunayan, nabuhay na siya kapiling ng kaniyang Ama, si Jehova, “bago pa ang sanlibutan.” (Juan 17:5) ´ Kaya buhay na siya nang magsimula ang buhay sa lupa. Ano ang sinabi ng pinakatapat na saksing ito? Tinukoy ni Jesus sina Adan at Eva bilang tunay na mga tao. Binanggit niya ang kanilang
pag-aasawa nang ipaliwanag niya ang pamantayan ni Jehova tungkol sa pagkakaroon ng isa lamang asawa. (Mateo 19:3-6) Kung hindi umiral sina Adan at Eva at isa lamang alamat ang hardin na tirahan nila, lumalabas na si Jesus ay nadaya o isang sinungaling. Imposible iyan! Si Jesus ay nasa langit at nakita niya ang masaklap na pangyayari sa hardin. May mas matibay pa bang ebidensiya kaysa riyan? Sa katunayan, ang hindi paniniwala sa ulat ng Genesis ay nagpapahina ng pananampalataya kay Jesus. Imposible ring maunawaan ang ilan sa pinakamahahalagang tema ng Bibliya at ang pinakamaaasahang mga pangako nito kung hindi ka naniniwala sa ulat na ito. Tingnan natin kung bakit.
ANG KAHALAGAHAN SA IYO NG EDEN
I
GINIGIIT ng ilang iskolar na hindi sinusuportahan ng iba pang bahagi ng Bibliya ang ulat tungkol sa Eden. Halimbawa, ganito ang isinulat ni Paul Morris, propesor sa pag-aaral hinggil sa relihiyon: “Hindi na muling tuwirang binanggit sa Bibliya ang tungkol sa Eden.” Ang kaniyang opinyon ay maaari ngang sang-ayunan ng diumano’y mga eksperto, pero salungat ito sa katotohanan. Sa katunayan, madalas banggitin sa Bibliya ang tungkol sa hardin ng Eden, kina Adan at Eva, at sa serpiyente.1 Pero ang pagkakamaling ito ng ilang iskolar ay napakaliit kumpara sa nagawa ng mga lider ng relihiyon at mga kritiko sa Bibliya. Nang palabasin nilang di-mapananaligan ang ulat ng Genesis tungkol sa hardin ng Eden, para na rin nilang pinalabas na hindi mapananaligan ang buong Bibliya. Paano? Napakahalagang maunawaan ang nangyari sa Eden para maunawaan ang iba pang bahagi ng
1 Halimbawa, tingnan ang Genesis 13:10; Deuteronomio 32:8; 2 Samuel 7:14; 1 Cronica 1:1; Isaias 51:3; Ezekiel 28:13; 31:8, 9; Lucas 3:38; Roma 5:12-14; 1 Corinto 15:22, 45; 2 Corinto 11:3; 1 Timoteo 2:13, 14; Judas 14; at Apocalipsis 12:9.
Bibliya. Halimbawa, ang Salita ng Diyos ay dinisenyo para tulungan tayong mahanap ang sagot sa pinakamahahalagang tanong ng tao. Ang sagot ng Bibliya sa mga tanong na iyon ay madalas na nauugnay sa nangyari sa hardin ng Eden. Tingnan natin ang ilang halimbawa. ˘ Bakit
tayo tumatanda at namamatay? Sina Adan at Eva ay mabubuhay sana magpakailanman kung patuloy silang magiging masunurin kay Jehova. Mamamatay lamang sila kung maghihimagsik sila. Nang maghimagsik sila, nagsimula na silang tumanda at mamatay. (Genesis 2:16, 17; 3:19) Naiwala nila ang kasakdalan at ang tanging naipamana nila sa kanilang mga anak ay kasalanan at di-kasakdalan. Ganito ang paliwanag ng Bibliya: “Sa pamamagitan ng isang tao ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat ay nagkasala.”—Roma 5:12.
˘ Bakit
pinahihintulutan ng Diyos ang labis na kasamaan? Sa hardin ng Eden, tinawag ni ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
9
Para sa maikling sumaryo ng pangunahing tema ng Bibliya, tingnan ang brosyur na Ang Bibliya —Ano ang Mensahe Nito? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
ANG BINHI NG BABAE Pangunahin na, si Jesu-Kristo, na mula sa organisasyon ni Jehova sa langit. Kabilang din sa “binhi” ang espirituwal na mga kapatid ni Kristo na naghaharing kasama niya sa langit. Ang mga Kristiyanong ito na pinahiran ng banal na espiritu ang bumubuo sa espirituwal na bansa, ang “Israel ng Diyos.”—Galacia 3:16, 29; 6:16; Genesis 22:18.
ANG BINHI NG SERPIYENTE Ang lahat ng sumusunod kay Satanas. —Juan 8:44.
ANG SUGAT SA SAKONG Isang masakit na pagsugat sa Mesiyas ngunit hindi permanente ang mga epekto. Naipapatay ni Satanas si Jesus sa lupa. Pero si Jesus ay binuhay-muli.
ANG SUGAT SA ULO Ang lubusang pagdurog kay Satanas. Pupuksain ni Jesus si Satanas. Pero bago iyan, papawiin ni Jesus ang kasamaang sinimulan ni Satanas sa Eden.—1 Juan 3:8; Apocalipsis 20:10.
ANG BABAE Ang organisasyon ni Jehova sa langit. (Galacia 4:26, 27) Inihula ni Isaias na ang “babae” ay magsisilang ng isang espirituwal na bansa. —Isaias 54:1; 66:8.
Iyan ang unang hula sa Bibliya na binigkas ng Diyos sa Eden. Kanino tumutukoy ang apat na tauhan: ang babae, ang kaniyang binhi, ang serpiyente, at ang binhi nito? Paano nagkaroon ng “alitan” sa pagitan ng mga ito?
“Maglalagay ako ng alitan sa pagitan mo [ang serpiyente] at ng babae at sa pagitan ng iyong binhi at ng kaniyang binhi. Siya ang susugat sa iyo sa ulo at ikaw ang susugat sa kaniya sa sakong.”—Genesis 3:15.
ANG SERPIYENTE Si Satanas na Diyablo. —Apocalipsis 12:9.
NA NAG-UUGNAY SA BUONG BIBLIYA
ISANG HULA
Satanas ang Diyos na isang sinungaling na nagkakait ng mabubuting bagay sa kaniyang mga nilalang. (Genesis 3:3-5) Sa gayon, kinuwestiyon niya ang pagiging matuwid ng pamamahala ni Jehova. Pinili nina Adan at Eva na sumunod kay Satanas; kaya tinanggihan din nila ang pamamahala ni Jehova at para na rin nilang sinabi na nasa tao na ang pagpapasiya kung ano ang mabuti at masama. Dahil sa kaniyang sakdal na katarungan at karunungan, alam ni Jehova na isa lamang ang paraan upang masagot ang hamon—palipasin ang panahon upang ang mga tao ay magkaroon ng pagkakataong pamahalaan ang sarili sa paraang gusto nila. Ang resultang labis na kasamaan, dahil na rin sa impluwensiya ni Satanas, ay unti-unting nagsiwalat ng katotohanang ito: Hindi kayang pamahalaan ng tao ang kaniyang sarili nang wala ang Diyos.—Jeremias 10:23. ˘ Ano ang layunin ng Diyos para sa lupa? Inata-
san ni Jehova sina Adan at Eva na punuin ang lupa ng kanilang mga anak at “supilin iyon,” upang ang buong lupa ay maging kasingganda ng hardin ng Eden. (Genesis 1:28) Kaya layunin ng Diyos na ang lupa ay maging paraiso na tinatahanan ng sakdal at nagkakaisang pamilya ng mga anak nina Adan at Eva. Sinasabi ng maraming teksto sa Bibliya kung paano tutuparin ng Diyos ang orihinal na layuning iyan. ˘ Bakit
pumarito si Jesu-Kristo sa lupa? Ang paghihimagsik sa hardin ng Eden ay nagbunga ng kamatayan kina Adan at Eva at sa lahat ng kanilang anak, ngunit maibiging naglaan ang Diyos ng pag-asa. Isinugo niya ang kaniyang Anak sa lupa bilang pantubos. (Mateo 20:28) Ano ang ibig sabihin niyan? Si Jesus “ang huling Adan”; nagtagumpay siya kung saan nabigo si Adan. Naingatan ni Jesus ang kaniyang sakdal na buhay-tao sa pananatiling masunurin kay Jehova. Pagkatapos, kusa niyang ibinigay ang kaniyang buhay bilang isang handog, o pantubos, na nagsilbing daan para ang lahat ng taong tapat ay mapatawad sa kanilang mga kasalanan at sa dakong huli ay magtamo ng buhay na tinamasa nina Adan at Eva sa Eden bago sila nagkasala. (1 Corinto 15:22, 45; Juan 3:16) Kaya ginarantiyahan ni Jesus na matutupad ang
Pinagdusahan nina Adan at Eva ang kapaha-pahamak na mga epekto ng kanilang kasalanan
layunin ni Jehova na gawing paraisong gaya ng Eden ang lupang ito.1 Ang layunin ng Diyos ay hindi malabo, ni isang relihiyosong turo na walang malinaw na basehan. Totoo ito. Kung paanong ang hardin ng Eden ay totoong lugar dito sa lupa, na may tunay na mga hayop at tao, ang pangako ng Diyos sa hinaharap ay tiyak—at malapit na itong matupad. Ito kaya ang magiging kinabukasan mo? Depende iyan sa iyo. Iyan ang kinabukasan na gusto ng Diyos para sa mga tao, pati na sa mga taong naligaw ng landas.—1 Timoteo 2:3, 4. Habang naghihingalo si Jesus, kinausap niya ang isang makasalanang lalaki. Ang lalaking ito ay isang kriminal; alam niya na karapat-dapat siyang mamatay. Pero bumaling siya kay Jesus para sa kaaliwan at pag-asa. Ano ang naging tugon ni Jesus? “Makakasama kita sa Paraiso.” (Lucas 23:43) Kung gusto ni Jesus na makita roon ang dating kriminal na iyon—na binuhay-muli at binigyan ng pagkakataong mabuhay magpakailanman sa isang paraisong gaya ng Eden—hindi kaya ganiyan din ang gusto niya para sa iyo? Siyempre! At gusto rin iyan ng kaniyang Ama! Kung gusto mo rin ang kinabukasang iyan, gawin ang lahat ng magagawa mo para matuto tungkol sa Diyos na gumawa ng hardin ng Eden. 1 Para sa higit pang impormasyon tungkol sa haing pantubos ni Kristo, tingnan ang kabanata 5 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
11
TANONG NG MGA MAMBABASA Bakit gumamit si Satanas ng ahas para makipag-usap kay Eva? ˇ Batay sa tinalakay sa pahina 8, maaaring sangayon ka rin na si Satanas ang nakipag-usap kay Eva sa pamamagitan ng serpiyente, o ahas. Ito nga ang itinuturo ng Bibliya. Pero baka maitanong mo, ‘Bakit naman kokontrolin na parang papet ng isang makapangyarihang espiritu ang isang ahas?’ Inilalarawan ng Bibliya ang mga taktika ni Satanas bilang “mga pakana,” o “tusong mga gawa,” at pinatutunayan iyan ng naganap sa Eden. (Efeso 6:11; talababa sa New World Translation of the Holy Scriptures—With References) Ang pangyayaring ito ay hindi basta isang kuwento tungkol sa nagsasalitang hayop; isa itong halimbawa ng tusong pakana na dinisenyo para ilayo ang mga tao sa Diyos. Paano? Pinag-aralang mabuti ni Satanas kung sino ang kaniyang pupuntiryahin. Nang panahong iyon, si Eva ang pinakabata sa lahat ng matatalinong nilalang sa langit at sa lupa. Kulang pa siya sa karanasan kaya siya ang dinaya ni Satanas. Sa paggamit ng ahas, isang hayop na maingat, naitago ni Satanas ang kaniyang pangahas at ambisyosong hangarin. (Genesis 3:1) Tingnan din kung ano ang nagawa niya nang pangyarihin niyang tila nagsasalita ang ahas. Una, nakuha ni Satanas ang atensiyon ni Eva. Alam ni Eva na hindi nagsasalita ang ahas; malamang na pinag-aralan munang mabuti ng kaniyang asawa ang lahat ng hayop, pati na ang isang ito, bago niya pinanganlan ang mga iyon. (Genesis 2:19) Marahil, naobserbahan din ni Eva ang nilalang na ito. Dahil sa pakana ni Satanas, nagsimulang mag-usisa si Eva. Naibaling ang pansin niya sa kaisa-isang bagay na ipinagbabawal sa kaniya sa buong hardin. Ikalawa, kung nakapulupot ang ahas sa mga sanga ng ipinagbabawal na punungkahoy, ano kaya ang iisipin ni Eva? Hindi kaya inisip niya na kinain nito ang bunga kung kaya nakapagsalita ito? Kung ganoon ang naging epekto ng bunga sa ahas, ano naman kaya ang magiging epekto nito sa kaniya? Hindi natin alam kung ano ang inisip ni Eva o kung kumain nga ba ng bunga ang ahas. Pero alam natin na nang sabihin ng ahas kay Eva na siya ay magiging “tulad ng Diyos” kung kakainin niya ang 12
ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
bunga, nakumbinsi si Eva na paniwalaan ang kasinungalingang iyon. ´ Malaman din ang mga pananalitang ginamit ni Satanas. Naghasik siya ng pag-aalinlangan sa isipan ni Eva. Pinalitaw ni Satanas na ang Diyos ay napakahigpit at may ipinagkakait na mabuting bagay kay Eva. Ang tagumpay ng pakana ni Satanas ay nakadepende sa posibilidad na mahigitan ng pag-ibig ni Eva sa kaniyang sarili ang pag-ibig niya sa Diyos na nagbigay sa kaniya ng lahat ng tinataglay niya. (Genesis 3:4, 5) Nakalulungkot, nagtagumpay ang estratehiya ni Satanas. Hindi nalinang ni Eva o maging ni Adan ang matinding pag-ibig at pagpapahalaga kay Jehova. Hindi ba ganiyan ding estratehiya ang ginagamit ni Satanas ngayon? Kumusta naman ang motibo ni Satanas? Ano ba ang gusto niya? Sa Eden, sinikap niyang itago kung sino talaga siya at kung ano ang kaniyang motibo. Pero nang maglaon, lumantad na rin siya. Nang tuksuhin ni Satanas si Jesus, alam niyang hindi uubra ang kaniyang pagpapanggap. Kaya tuwiran niyang hinimok si Jesus: ‘Sumubsob ka at gumawa ng isang gawang pagsamba sa akin.’ (Mateo 4:9) Maliwanag, noon pa ma’y naiinggit na si Satanas sa pagsambang iniuukol sa Diyos na Jehova. Gagawin niya ang lahat upang hadlangan ang mga tao na sumamba kay Jehova o maging di-katanggaptanggap sa Diyos ang kanilang pagsamba. Gusto niyang sirain ang katapatan natin sa Diyos. Maliwanag, ipinakikita ng Bibliya na napakatuso ni Satanas sa paggawa ng estratehiya upang ipahamak ang kaniyang mga biktima. Mabuti na lang, puwedeng hindi tayo malinlang na gaya ni Eva, “sapagkat hindi naman tayo walang-alam sa kaniyang mga pakana.”—2 Corinto 2:11.
G
USTONG malaman ng maraming tao ang sagot sa tanong na ito. Kapag pinaguusapan kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang labis na kasamaan, nauungkat ang kasalanan ng unang mag-asawa sa hardin ng Eden. Dahil sa paniniwalang ‘nalalaman ng Diyos ang lahat ng bagay,’ iniisip ng iba na tiyak na sa umpisa pa lang, alam na ng Diyos na susuway sa kaniya sina Adan at Eva. Kung talagang alam na ng Diyos na magkakasala ang sakdal na mag-asawang ito, ano ang ipinakikita nito? Na ang Diyos ay masama. Lalabas na siya ay walang pag-ibig, di-makatarungan, at hindi taimtim. Baka isipin pa nga ng iba na napakalupit ng ginawa ng Diyos nang ilagay niya ang unang tao sa isang sitwasyong alam niyang may kapaha-pahamak na kahihinatnan. Lilitaw na ang Diyos ang may pananagutan sa lahat ng kasamaan at pagdurusa o may kinalaman siya sa mga ito. Para sa ilan, ang ating Maylalang ay magtitingin pa ngang mangmang. Ganiyan ba ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa Diyos na Jehova? Para masagot iyan, suriin natin ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paglalang at personalidad ni Jehova.
upang pasayahin ang Diyos. Pag-isipan ito. Alin ang mas gusto mo—isang regalo na basta ibinigay sa iyo o isa na ibinigay sa iyo mula sa puso? Maliwanag ang sagot. Sa katulad na paraan, kung kusang pinili nina Adan at Eva na sumunod sa Diyos, mas masisiyahan siya sa kanilang pagsunod. Dahil may kalayaang magpasiya ang unang mag-asawa, makasusunod sila kay Jehova udyok ng pag-ibig.—Deuteronomio 30: 19, 20.
“Iyon ay Napakabuti” Tungkol sa mga nilalang ng Diyos, kasali na ang unang mga tao sa lupa, sinasabi ng ulat ng Genesis: “Nakita ng Diyos ang bawat bagay na ginawa niya at, narito! iyon ay napakabuti.” (Genesis 1:31) Sina Adan at Eva ay perpekto, at dinisenyo talaga para makapamuhay sa lupa. Walang depekto ang pagkakagawa sa kanila. Dahil “napakabuti” ng pagkakalalang sa kanila, may kakayahan silang gumawa ng mabuti, na siya namang hinihiling sa kanila. Nilalang sila “ayon sa larawan ng Diyos.” (Genesis 1:27) Kaya sa paanuman, may kakayahan din silang magpakita ng makadiyos na mga katangiang gaya ng karunungan, matapat na pag-ibig, katarungan, at kabutihan. Ang mga katangiang ito ay tutulong sa kanila na makagawa ng pasiyang makabubuti sa kanila at magpapasaya sa kanilang Ama sa langit. Pinagkalooban ni Jehova ang sakdal at matatalinong nilalang na ito ng kalayaang magpasiya. Hindi sila dinisenyo na parang mga robot
Makatuwiran, Makatarungan, at Mabuti Ipinakikita sa atin ng Bibliya ang mga katangian ni Jehova. Dahil sa mga katangiang ito, imposibleng gumawa ng masama ang Diyos. Ayon sa Awit 33:5, si Jehova ay “maibigin sa katuwiran at katarungan.” Kaya sinasabi ng Santiago 1:13: “Sa masasamang bagay ay hindi masusubok ang Diyos ni sinusubok man niya ang sinuman.” Dahil makatarungan at makonsiderasyon ang Diyos, binabalaan niya si Adan: “Mula sa bawat punungkahoy sa hardin ay makakakain ka hanggang masiyahan. Ngunit kung tungkol sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain mula roon, sapagkat sa araw na kumain ka mula roon ay tiyak na mamamatay ka.” (Genesis 2:16, 17) Ang unang mag-asawa ay pinapili sa pagitan ng buhay na walang hanggan at kamatayan. Hindi ba’t parang nililinlang lang sila ng Diyos kung bababalaan niya sila laban sa isang espesipikong kasalanan gayong alam na niya na susuway rin sila? Dahil si Jehova ay “maibigin sa katuwiran
Alam ba ng Diyos na MAGKAKASALA SINA ADAN AT EVA?
ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
13
at katarungan,” hindi niya sila papipiliin kung wala naman talagang pagpipilian. Si Jehova ay sagana rin sa kabutihan. (Awit 31:19) Ganito inilarawan ni Jesus ang kabutihan ng Diyos: “Sinong tao sa gitna ninyo ang hinihingan ng kaniyang anak ng tinapay—hindi niya siya bibigyan ng bato, hindi ba? O, kaya, hihingi siya ng isda—hindi niya siya bibigyan ng ser-
Hindi nilalang ni Jehova ang unang mga tao na parang mga robot piyente, hindi ba? Samakatuwid, kung kayo, bagaman balakyot, ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, lalo pa ngang higit na ang inyong Ama na nasa langit ay magbibigay ng mabubuting bagay sa mga humihingi sa kaniya!” (Mateo 7:9-11) Ang Diyos ay nagbibigay ng “mabubuting bagay” sa kaniyang mga nilalang. Ang pagkakalalang sa tao at ang Paraisong tahanan na inihanda niya para sa kanila ay katibayan ng kabutihan ng Diyos. Maglalaan ba ng isang magandang tahanan sa mga tao ang isang mabuting Soberano kung alam niya na sa dakong huli ay hindi rin ito mapapasakanila? Ang ating Maylikha ay matuwid at mabuti at hindi dapat isisi sa kaniya ang paghihimagsik ng tao. Ang “Tanging Marunong” Ipinakikita rin ng Kasulatan na si Jehova ang “tanging marunong.” (Roma 16:27) Nakita ng mga anghel ng Diyos sa langit ang maraming katibayan ng walang-hanggang karunungang ito. Sila ay nagsimulang “sumigaw sa pagpuri” nang lalangin ni Jehova ang buong lupa. (Job 38:4-7) Tiyak na sinubaybayan ng matatalinong espiritung nilalang na ito ang mga pangyayari sa hardin ng Eden. Kaya makatuwiran ba na ang isang matalinong Diyos, pagkatapos niyang lumalang ng isang kahangahangang uniberso at ng iba pang bagay sa lupa, ay lilikha ng dalawang espesyal na nilalang na 14
ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
alam niyang magkakasala at masasaksihan pa ng kaniyang mga anghel? Hindi nga makatuwiran iyan. Pero baka may magsabi, ‘Paanong hindi ito malalaman ng isang ubod-talinong Diyos?’ Totoo, dahil sa dakilang karunungan ni Jehova, may kakayahan siyang malaman ang “wakas mula pa sa pasimula.” (Isaias 46:9, 10) Pero hindi niya kailangang gamitin nang pagkakataong iyon ang kakayahang ito, kung paanong hindi niya laging ginagamit nang lubusan ang kaniyang napakalakas na kapangyarihan. May-katalinuhang nagpapasiya si Jehova kung kailan niya gagamitin ang kaniyang kakayahan na patiunang alamin ang mga bagay-bagay. Maihahalintulad ito sa isang bagay na nagagawa ng modernong teknolohiya. Maaaring piliin ng isang nanonood ng nakarekord na laro ng basketball ang mga huling segundo nito upang makita na niya kung sino ang mananalo. Pero hindi naman kailangang ganito ang gawin niya. Puwede naman niyang panoorin ang buong laro mula sa simula kung gusto niya. Sa katulad na paraan, maliwanag na pinili ng Maylalang na huwag tingnan ang kalalabasan ng mga pangyayari. Sa halip, pinili niyang maghintay at, habang nagaganap ang mga bagay-bagay, makita kung ano ang gagawin ng kaniyang mga anak sa lupa. Gaya ng nabanggit na, dahil sa karunungan ni Jehova, hindi niya nilalang ang unang mga tao na parang robot. Sa halip, maibigin niya silang pinagkalooban ng kalayaang magpasiya. Kung pipiliin nila ang tamang landasin, maipakikita nila ang kanilang pag-ibig, pasasalamat, at pagsunod, sa gayo’y higit silang masisiyahan pati na si Jehova na kanilang Ama sa langit.—Kawikaan 27:11; Isaias 48:18. Ipinakikita ng Kasulatan na sa maraming pagkakataon, hindi ginamit ng Diyos ang kaniyang kakayahang malaman nang patiuna ang mga bagay-bagay. Halimbawa, nang ihahandog na ng tapat na si Abraham ang kaniyang anak, nasabi ni Jehova: “Ngayon ay nalalaman ko ngang ikaw ay may takot sa Diyos sa dahilang hindi mo ipinagkait sa akin ang iyong anak, ang iyong kaisa-isa.” (Genesis 22:12) May mga pagkakataon
Alam ng Diyos na magagawa nina Adan at Eva na maging tapat
namang nasaktan ang Diyos dahil sa masamang gawa ng ilang indibiduwal. Masasaktan pa ba siya kung alam na niya ang gagawin nila?—Awit 78:40, 41; 1 Hari 11:9, 10. Kaya makatuwiran lamang isipin na hindi ginamit ng ubod-talinong Diyos ang kaniyang kakayahan para patiunang alamin kung magkakasala ang ating unang mga magulang. Hindi mangmang ang Diyos para lumikha ng tao at pagkatapos ay gawin silang mga tauhan sa isang serye ng mga pangyayari na alam na niya ang katapusan. “Ang Diyos ay Pag-ibig” Ang kaaway ng Diyos, si Satanas, ang pasimuno ng paghihimagsik sa Eden na nagbunga ng negatibong resulta, kasali na ang kasalanan at kamatayan. Kaya si Satanas ay isang “mamamatay-tao.” Siya rin ay “isang sinungaling at ama ng kasinungalingan.” (Juan 8:44) Pinalalabas niya na ang ating maibiging Maylalang ang may masamang motibo at hindi siya. Gusto niyang isisi kay Jehova ang pagkakasala ng tao. Ang pag-ibig ang pinakadahilan kung bakit pinili ni Jehova na huwag alamin nang patiuna
kung magkakasala sina Adan at Eva. Pag-ibig ang pangunahing katangian ng Diyos. “Ang Diyos ay pag-ibig,” ang sabi ng 1 Juan 4:8. Ang pag-ibig ay positibo, hindi negatibo. Hinahanap nito ang mabuti sa iba. Oo, dahil sa pag-ibig, gusto ng Diyos na Jehova ang pinakamabuti para sa unang mag-asawa. Bagaman ang mga anak ng Diyos sa lupa ay maaaring makagawa ng maling desisyon, hindi nasiraan ng loob ang ating maibiging Diyos ni nagduda man sa kaniyang sakdal na mga nilalang. Ibinigay niya sa kanila ang lahat ng kailangan nila at ipinaalam ang lahat ng dapat nilang malaman. Angkop lamang na asahan ng Diyos na susuklian nila ito ng maibiging pagsunod, hindi ng paghihimagsik. Alam niyang magagawa nina Adan at Eva na maging tapat, gaya ng pinatunayan nang dakong huli ng di-sakdal na mga taong tulad nina Abraham, Job, Daniel, at marami pang iba. Maaaliw tayo sa sinabi ni Jesus: “Sa Diyos ay posible ang lahat ng mga bagay.” (Mateo 19:26) Dahil sa pag-ibig ni Jehova, kasama na ang iba pa niyang nangingibabaw na mga katangian gaya ng katarungan, karunungan, at kapangyarihan, makatitiyak tayo na kaya niya at talagang aalisin niya sa takdang panahon ang lahat ng epekto ng kasalanan pati na ang kamatayan. —Apocalipsis 21:3-5. Maliwanag, hindi inalam ni Jehova kung magkakasala ang unang mag-asawa. Bagaman nasaktan siya sa pagsuway ng tao at sa idinulot nitong pagdurusa, alam niyang panandalian lamang ito at hindi nito mapipigilan ang katuparan ng kaniyang layunin para sa lupa at sa mga tao. Bakit hindi magsuri nang higit tungkol sa layuning ito at kung paano ka makikinabang sa katuparan nito?1 1 Para sa higit pang impormasyon tungkol sa layunin ng Diyos sa lupa, tingnan ang kabanata 3 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
15
MATUTO MULA SA SALITA NG DIYOS Bakit Dapat Matuto Mula sa Diyos? Tinatalakay ng artikulong ito ang mga tanong na maaaring naiisip mo at ipinakikita kung saan sa iyong Bibliya matatagpuan ang sagot. Nais ng mga Saksi ni Jehova na ipakipag-usap sa iyo ang mga sagot na ito.
1. Bakit dapat matuto mula sa Diyos? May mabuting balita ang Diyos para sa mga tao. Sinasabi niya ito sa atin sa Bibliya. Ang Bibliya ay parang isang sulat mula sa ating maibiging Ama sa langit.—Basahin ang Jeremias 29:11.
2. Ano ang mabuting balita? Kailangan ng tao ang isang mahusay na gobyerno. Walang pinunong tao ang kailanma’y nakapag-alis ng karahasan, kawalang-katarungan, sakit, o kamatayan. Ngunit may mabuting balita. Bibigyan ng Diyos ang mga tao ng isang mahusay na gobyerno na papawi sa lahat ng sanhi ng pagdurusa.—Basahin ang Daniel 2:44.
3. Bakit napakahalagang matuto mula sa Diyos? Malapit nang alisin ng Diyos ang mga taong nagdudulot ng pagdurusa. Samantala, tinuturuan niya ang milyunmilyong maaamo kung paano magkakaroon ng mas magandang buhay at magpapakita ng pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa. Mula sa Salita ng Diyos, natututuhan ng mga tao kung paano haharapin ang mga problema, kung paano magiging tunay na maligaya, at kung paano mapasasaya ang Diyos.—Basahin ang Zefanias 2:3.
4. Sino ang Awtor ng Bibliya? Ang Bibliya ay binubuo ng 66 na maliliit na aklat. Mga 40 lalaki ang sumulat nito. Ang unang limang aklat ay isinulat ni Moises mga 3,500 taon na ang nakalipas. Ang huling aklat naman ay isinulat ni apostol Juan mahigit 1,900 taon na ang nakalipas. Pero kaisipan ng Diyos ang isinulat ng mga manunulat ng Bibliya, hindi ang sa kanila. Kaya ang Diyos ang Awtor ng Bibliya. —Basahin ang 2 Timoteo 3:16; 2 Pedro 1:21. Alam natin na ang Bibliya ay mula sa Diyos dahil may-katumpakan at detalyado nitong inihuhula ang hinaharap. Hindi iyan magagawa ng sinumang tao. (Isaias 46:9, 10) Ipinakikita rin sa atin ng Bibliya ang mga katangian ng Diyos. Kaya nitong baguhin ang buhay ng mga tao. Dahil dito, kumbinsido ang milyunmilyon na ang Bibliya ay Salita ng Diyos.—Basahin ang Josue 23:14; 1 Tesalonica 2:13.
5. Paano mo mauunawaan ang Bibliya? Nakilala si Jesus bilang guro ng Salita ng Diyos. Bagaman pamilyar sa Kasulatan ang karamihan ng mga taong nakausap niya, kinailangan nila ng tulong para maunawaan ito. Kaya naman bumanggit si Jesus ng mga teksto sa Bibliya at saka ipinaliwanag “ang kahulugan ng Kasulatan.” Sa seksiyong ito na “Matuto Mula sa Salita ng Diyos,” gagamitin din ang pamamaraang iyan para tulungan ka.—Basahin ang Lucas 24:27, 45. Wala nang hihigit pa sa pagkatuto mula sa Diyos tungkol sa layunin ng buhay. Ngunit hindi lahat ay matutuwa sa pagbabasa mo ng Bibliya. Pero huwag kang masiraan ng loob. Ang iyong pag-asa na magkaroon ng buhay na walang hanggan ay nakadepende sa pagkilala mo sa Diyos.—Basahin ang Mateo 5:10-12; Juan 17:3.
Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 2 ng aklat na ito, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
ANO BA Talaga ANG ITINUTURO NG BIBLIYA?
17
´ MAGING MALAPIT SA DIYOS
“Pinalambot Niya ang Mukha ni Jehova”
“P
AKIRAMDAM ko’y wala nang halaga ang buhay ko,” ang sabi ng isang lalaking naligaw ng landas. Nang magbagong-buhay siya, natakot siyang baka hindi na siya mapatawad ng Diyos. Pero naaliw siya ng ulat ng Bibliya tungkol kay Manases na nasa 2 Cronica 33:1-17. Kung nadarama mong wala nang halaga ang buhay mo dahil sa iyong mga kasalanan, maaaliw ka rin ng karanasan ni Manases. Si Manases ay lumaki sa makadiyos na pamilya. Ang kaniyang ama, si Hezekias, ay isa sa pinakamahuhusay na hari ng Juda. Isinilang si Manases mga tatlong taon matapos makahimalang pahabain ng Diyos ang buhay ng kaniyang ama. (2 Hari 20:1-11) Tiyak na itinuring ni Hezekias ang kaniyang anak bilang isang regalo na bunga ng awa ng Diyos. Sinikap niyang ituro sa kaniyang anak na ang tunay na Diyos lamang ang dapat sambahin. Pero hindi laging tinutularan ng mga anak ang kanilang makadiyos na mga magulang. Ganiyan ang nangyari kay Manases. Wala pang 13 anyos si Manases nang maulila siya sa ama. Nakalulungkot, “ginawa [ni Manases] ang masama sa paningin ni Jehova.” (Talata 1, 2) Ang batang hari bang ito ay naimpluwensiyahan ng kaniyang mga tagapayong walang pagpapahalaga sa pagsamba sa tunay na Diyos? Walang sinasabi ang Bibliya. Binanggit lamang nito na naging malupit si Manases at nagtaguyod ng pagsamba sa mga idolo. Nagtayo siya ng mga altar para sa huwad na mga diyos, inihandog ang kaniya mismong mga anak, nagsagawa ng espiritismo, at naglagay ng inukit na imahen sa templo ni Jehova sa Jerusalem. Matigas ang ulo ni Manases. Hindi niya pinakinggan ang paulit-ulit na mga babala ni Jehova, ang Diyos na pinagkakautangan niya ng buhay dahil sa Kaniyang himala.—Talata 3-10.
Nang dakong huli, hinayaan ni Jehova na mabihag sa Babilonya si Manases. Habang naroroon, napag-isipan ni Manases ang mga ginawa niya. Nakita ba niyang hindi pala siya kayang protektahan ng kaniyang walang-buhay na mga idolo? Naalaala ba niya ang mga bagay na itinuro sa kaniya ng kaniyang makadiyos na ama? Anuman ang napag-isip-isip niya, nagbago si Manases. Sinasabi ng ulat: “Pinalambot niya ang mukha ni Jehova na kaniyang Diyos at patuloy na nagpakumbaba nang lubha . . . At patuloy siyang nanalangin sa Kaniya.”1 (Talata 12, 13) Pero talaga bang mapapatawad ng Diyos ang isang nakagawa ng gayon kalulubhang kasalanan? Naantig si Jehova sa taimtim na pagsisisi ni Manases. Dininig ng Diyos ang kaniyang pagmamakaawa “at isinauli siya sa Jerusalem sa kaniyang paghahari.” (Talata 13) Upang patunayan ang kaniyang pagsisisi, ginawa ni Manases ang lahat para maituwid ang kaniyang mga pagkakamali—inalis niya sa kaniyang kaharian ang pagsamba sa mga idolo at pinasigla ang kaniyang bayan na “paglingkuran si Jehova.”—Talata 15-17. Kung inaakala mong hindi ka mapapatawad ng Diyos sa mga nagawa mong kasalanan, alalahanin ang karanasan ni Manases. Ang ulat na ito ay bahagi ng Salita ng Diyos. (Roma 15:4) Maliwanag, gusto ni Jehova na malaman nating siya ay “handang magpatawad.” (Awit 86:5) Ang tinitingnan niya ay ang kalagayan ng puso ng nagkasala, hindi ang kasalanan nito. Kung mananalangin at magsisisi ang isang nagkasala, hindi na uulitin ang kaniyang pagkakasala, at sisikaping gawin ang tama, gaya ng ginawa ni Manases, ‘mapapalambot niya ang mukha ni Jehova.’—Isaias 1:18; 55:6, 7. 1 Ganito ang mababasa sa Biblia ng Sambayanang Pilipino: “Sinikap niyang palubagin ang galit ni Yaweng kanyang Diyos.”
PAGBABASA NG BIBLIYA PARA SA ENERO: ˛ 2 Cronica 29–Ezra 10
ALAM MO BA? Yamang mahaba ang tag-init sa Israel, ano ang ginawa ng mga naninirahan doon noong unang panahon upang matiyak na may sapat silang suplay ng tubig?
CISTERN, HORVOT MEZADA, ISRAEL ˘ Masada National Park, Israel Nature and Parks Authority
ˇ Mula Oktubre hanggang Abril, umuulan sa Israel at kung minsan ay umaagos ang tubig sa mga agusang libis. Pero kapag tag-araw, natutuyo ang karamihan ng mga “ilog” na ito, at maaaring hindi umulan sa loob ng maraming buwan. Paano napanatili ng mga tao noong panahon ng Bibliya na sapat ang suplay nila ng tubig? Umuka sila ng mga daluyan ng tubigulan sa gilid ng mga burol papunta sa mga hukay, o imbakang-tubig sa ilalim ng lupa. Ang mga bubungan ay nakahilig para dumaloy ang tubig-ulan patungo sa mga imbakang-tubig na ito. Maraming pamilya ang may sariling imbakangtubig, na mapagkukunan nila ng tubig na maiinom.—2 Hari 18:31; Jeremias 6:7. Kumukuha rin ng tubig sa mga bukal ang mga Israelita. Sa bulubunduking mga lugar, ang ulan ay sinisipsip ng lupa hang-
gang sa makarating ito sa mga suson ng mga bato na hindi napapasok ng tubig. Mula roon ay dumadaloy ito patungo sa mga bukal. Ang mga nayon ay karaniwang itinatayo malapit sa isang bukal (en sa wikang Hebreo) gaya ng ipinakikita ng pangalan ng lugar na En-semes, En-rogel, at En-gedi. (Josue 15:7, 62) Sa Jerusalem, isang padaluyan ang hinukay sa solidong bato para magdala ng tubig-bukal sa lunsod.—2 Hari 20:20. Sa mga lugar na walang bukal, isang balon (be er sa wikang Hebreo) ang hinuhukay upang makakuha ng tubig sa ilalim ng lupa, gaya ng balon sa Beer-sheba. (Genesis 26:32, 33) Binanggit ng awtor na ´ si Andre Chouraqui na “kahanga-hanga pa rin maging sa ngayon ang teknikal na mga solusyong natuklasan [ng mga Israelita].”
Ano kaya ang hitsura ng bahay ni Abram (Abraham)?
ˇ Si Abram at ang kaniyang asawa ay na-
DROWING NG ISANG BAHAY NOONG PANAHON NI ABRAHAM ˘ Drawing: A. S. Whitburn
katira sa mayamang lunsod ng Ur ng mga Caldeo. Pero sa utos ng Diyos, nilisan nila ang lunsod at nanirahan sa mga tolda. (Genesis 11:31; 13:12) Isip-isipin ang sakripisyong kinailangan nilang gawin. Ang Ur, na nasa Iraq ngayon, ay nahukay ni Leonard Woolley sa pagitan ng 1922 at 1934. Kabilang sa mga gusaling nahukay niya ang 73 bahay na yari sa laryo. Marami sa mga bahay na ito ang may mga silid na nakapalibot sa isang looban na nilatagan ng bato. Ang gitnang bahagi ng looban ay bahagyang nakalundo, kung saan umaagos palabas ang maruming tubig. Sa mas malalaking bahay,
ang mga silid para sa bisita ay may sariling palikuran. Ang mga kusina na may apuyan at mga tulugan ng mga alipin ay nasa unang palapag. Sa ikalawang palapag naman nakatira ang pamilya. May hagdan na patungo sa balkonaheng kahoy na nakapalibot sa looban at konektado sa mga silid sa itaas. “Ang bahay . . . , na may loobang nilatagan ng bato at puting dingding, may sariling sistema ng labasan ng tubig, maraming silid na matitirhan, ay nagpapahiwatig ng mataas na uri ng pamumuhay,” ang isinulat ni Woolley. “At ganito ang bahay . . . ng mga may-kaya sa buhay, may-ari ng tindahan, maliliit na negosyante, mga eskriba, at iba pa.” ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
19
Talaga Bang Mahal Ka ng Diyos?
K
UNG minsan ba ay nadarama mong walang nagmamahal sa iyo? Sa daigdig na ito kung saan ang mga tao ay makasarili at napakaabala, baka isipin mong wala kang halaga. Gaya ng inilalarawan sa Bibliya, marami sa ngayon ang walang iniintindi kundi ang kanilang sarili, at wala silang pakialam sa iba.—2 Timoteo 3: 1, 2. Anuman ang kanilang edad, kultura, wika, o lahi, lahat ng tao ay may masidhing pangangailangang magmahal at mahalin. Ayon sa ilang ulat, ang ating nervous system ay dinisenyo para makadama ng pagmamahal. Higit kaninuman, nauunawaan ng Diyos na Jehova, na siyang lumalang sa atin, ang ating pangangailangang mahalin at pahalagahan. Ano kaya ang madarama mo kung sabihin niya sa iyo na mahalaga ka sa kaniya? Tiyak na walang pagsidlan ang iyong kagalakan. Talaga bang interesado sa atin si Jehova kahit hindi tayo sakdal o perpekto? Nagmamalasakit kaya siya sa bawat isa sa atin? Kung gayon, paano magiging kalugud-lugod sa kaniya ang isang tao? Mahal Ka ni Jehova Mga 3,000 taon na ang nakalipas, isang mang-aawit na may takot sa Diyos ang namangha nang husto noong mapagmasdan niya ang kagandahan ng mabituing langit. Kumbinsido siyang walang limitasyon ang kapangyarihan ng Isa na lumalang sa dimabilang na mga bituin. Sa pagbubulay-bulay sa kadakilaan ni Jehova at sa pagiging hamak ng tao, ipinahayag niya ang kaniyang paghanga sa maibiging pagmamalasakit ni Jehova: “Kapag tinitingnan ko ang iyong langit, ang mga gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inihanda, ano ang taong mortal anupat iniingatan mo siya sa isipan, at ang anak ng makalupang tao anupat pinangangalagaan mo siya?” (Awit 8:3, 4) Kaya baka masabi natin na napakalayo at napakaabala ng Kataastaasan para bigyang-pansin ang tao. Pero alam ng mang-aawit na sa kabila ng ating kawalang-halaga at maikling buhay, talagang mahalaga tayo sa Diyos. Ganito ang sinabi ng isa pang mang-aawit: “Si Jehova ay nakasusumpong ng kaluguran sa mga may takot sa kaniya, sa mga naghihintay sa kaniyang maibiging-kabaitan.” (Awit 147:11) Napakasarap isipin ang pananalita ng mga awit na ito. Totoo, napakataas ni Jehova. Pero hindi lamang niya napapansin ang
mga tao, kundi ‘pinangangalagaan din niya sila’ at ‘nakasusumpong siya ng kaluguran sa kanila.’ Idiniriin pa ito ng isang hula sa Bibliya na naglalarawan ng mga nagaganap sa ating panahon. Sa pamamagitan ni propeta Hagai, sinabi ni Jehova na ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos ay isasagawa sa buong daigdig. Ano ang magiging resulta? Pansinin ang isa sa mga ito: “Ang mga kanais-nais na bagay ng lahat ng mga bansa ay darating; at pupunuin ko ng kaluwalhatian ang bahay na ito.”—Hagai 2:7. Ano ang “mga kanais-nais na bagay” na ito na tinitipon mula sa lahat ng mga bansa? Hindi ito mga kayamanan, yamang hindi pilak at ginto ang tunay na nagpapasaya sa puso ni Jehova. (Hagai 2:8) Ang mga taong sumasamba sa kaniya dahil sa pag-ibig, kahit hindi sila perpekto, ang kinalulugdan niya. (Kawikaan 27:11) Sila ang “mga kanais-nais na bagay” na nagdudulot sa kaniya ng kaluwalhatian. Pinahahalagahan niya ang kanilang buong-pusong debosyon at masigasig na paglilingkod. Isa ka ba sa kanila? Para yatang imposibleng maging kanais-nais sa Dakilang Maylalang ng uniberso ang di-perpektong mga tao. Pero ang totoo, dapat itong magpakilos sa atin na tanggapin ang mainit niyang ´ paanyaya na maging malapıt sa kaniya.—Isaias 55:6; Santiago 4:8.
Ipinakita ng Diyos ang kaniyang pagmamahal kay Daniel nang isugo niya ang anghel na si Gabriel para palakasin siya
“Ikaw ay Lubhang Kalugud-lugod” Isang gabi, nang matanda na ang propetang si Daniel, may dipangkaraniwang bagay na nangyari sa kaniya. Habang nananalangin siya, dumating ang isang kagalang-galang na bisita, si Gabriel. Kilala na siya ni Daniel bilang anghel ni Jehova. Ipinaliwanag ni Gabriel ang dahilan ng bigla niyang pagdating: “O Daniel, ngayon ay lumabas ako upang pagkalooban ka ng kaunawaan na may pagkaunawa . . . sapagkat ikaw ay lubhang kalugud-lugod.”—Daniel 9:21-23. Sa isa pang pagkakataon, sinabi ng isa sa mga anghel ni Jehova kay Daniel: “O Daniel, ikaw na lubhang kalugud-lugod na lalaki.” At upang patibayin si Daniel, sinabi ng anghel: “Huwag kang matakot, O lubhang kalugud-lugod na lalaki. Sumaiyo nawa ang kapayapaan.” (Daniel 10:11, 19) Kaya tatlong beses na inilarawan si Daniel bilang “lubhang kalugud-lugod,” na nangangahulugan ding “lubhang minamahal,” “lubhang pinahahalagahan,” o “paborito” pa nga. ´ Tiyak na naging malapıt si Daniel sa kaniyang Diyos at alam niya na natutuwa si Jehova sa kaniyang tapat na paglilingkod. Siguradong napalakas si Daniel sa mga kapahayagang iyon ng matinding pagmamahal ng Diyos. Hindi nga kataka-taka, sinabi ni Daniel: “Pinalakas mo ako.”—Daniel 10:19. Ang nakaaantig na ulat tungkol sa pagmamahal ni Jehova sa kaniyang tapat na propeta ay isinulat sa Salita ng Diyos para sa ating kapakinabangan. (Roma 15:4) Kung bubulay-bulayin natin ang ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
21
halimbawa ni Daniel, mauunawaan natin kung paano magiging kalugud-lugod sa ating maibiging Ama sa langit ang isang tao. Laging Pag-aralan ang Salita ng Diyos Si Daniel ay masikap na estudyante ng Kasulatan. Alam natin ito sapagkat isinulat niya: “Napag-unawa ko . . . sa pamamagitan ng mga aklat ang bilang ng mga taon . . . na magaganap ang mga pagkawasak ng Jerusalem.” (Daniel 9:2) Maaaring kabilang sa mga aklat na nabasa niya noong panahong iyon ang mga isinulat nina Moises, David, Solomon, Isaias, Jeremias, Ezekiel, at ng iba pang propeta. Makikini-kinita natin si Daniel na napaliligiran ng maraming ba´ ´ lumbon, at buhos na buhos sa pagbabasa at pag-aaral ng mga hulang may kaugnayan sa pagsasauli ng tunay na pagsamba sa Jerusalem. Malamang, habang nasa kaniyang silid sa bubungan kung saan walang istorbo, binubulaybulay niya ang kahulugan ng mga tekstong iyon. Dahil sa kaniyang makabuluhang pagaaral, napatibay ang kaniyang pananampalata´ ya at napalapıt siya kay Jehova. Hinubog din ng pag-aaral ng Salita ng Diyos ang personalidad ni Daniel at nakaapekto ito sa kaniyang buong buhay. Ang itinuro sa kaniya mula sa Kasulatan noong bata pa siya ay tiyak na tumulong sa kaniya na maging determinadong sumunod sa mga Kautusan ng Diyos tungkol sa pagkain noong kabataan niya. (Daniel 1:8) Nang maglaon, walang-takot niyang ipinahayag ang mensahe ng Diyos sa mga pinuno ng Babilonya. (Kawikaan 29:25; Daniel 4:19-25; 5: 22-28) Kilalang-kilala siya sa kaniyang kasipagan, katapatan, at pagiging mapagkakatiwalaan. (Daniel 6:4) Higit sa lahat, sa halip na sumuway sa Diyos upang iligtas ang kaniya mismong buhay, lubusang nagtiwala si Daniel kay Jehova. (Kawikaan 3:5, 6; Daniel 6:23) Hindi nga katakataka na siya ay “lubhang kalugud-lugod” sa Diyos! Sa ilang paraan, mas madali para sa atin ngayon ang mag-aral ng Bibliya kaysa noong panahon ni Daniel. Ang malalaking balumbon ay napalitan na ng mga aklat. Mayroon na tayo ngayong kumpletong Bibliya, kasama na ang re22
ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
kord kung paano natupad ang ilang hula ni Daniel. At marami tayong magagamit na mga pantulong sa pag-aaral at pagsasaliksik sa Bibliya.1 Ginagamit mo ba ang mga ito? Nag-iiskedyul ka ba ng panahon sa pagbabasa ng Bibliya at pagbubulay-bulay? Kung gagawin mo ito, makikinabang ka rin na gaya ni Daniel. Tutulong ito sa iyo na magkaroon ng matibay na pananampala´ taya at malapıt na kaugnayan kay Jehova. Ang Salita ng Diyos ay magiging gabay sa iyong buhay. Tinitiyak nito na mahal ka ng Diyos. Magmatiyaga sa Panalangin Mahalaga sa buhay ni Daniel ang panalangin. Bumigkas siya ng mga kahilingang katanggaptanggap sa Diyos. Noong siya’y kabataan pa, nanganib ang kaniyang buhay. Kasi papatayin siya kung hindi niya mabibigyan ng kahulugan ang panaginip ng hari ng Babilonya na si Nabucodonosor. Hindi nagdalawang-isip si Daniel na manalangin kay Jehova para suportahan siya at proteksiyunan. (Daniel 2:17, 18) Makalipas ang mga taon, mapagpakumbabang kinilala ng propeta ang kaniyang di-kasakdalan. Ipinagtapat niya ang kaniyang kasalanan pati na ang kasalanan ng kaniyang bayan at nagsumamo na patawarin sila ni Jehova. (Daniel 9:3-6, 20) Kapag hindi nauunawaan ni Daniel ang mga bagay na ipinakikita sa kaniya sa pamamagitan ng banal na espiritu, humihingi siya ng tulong sa Diyos. Minsan, ang anghel na nagbigay ng higit na kaunawaan kay Daniel ay nagsabi: “Dininig na ang iyong mga salita.”—Daniel 10:12. Pero ang tapat na si Daniel ay hindi lamang nakiusap sa Diyos. Ganito ang sinasabi ng Daniel 6:10: “Tatlong ulit nga sa isang araw ay . . . nananalangin at naghahandog [siya] ng papuri sa harap ng kaniyang Diyos, gaya ng lagi niyang ginagawa.” Maraming dahilan si Daniel para laging magpasalamat at pumuri kay Jehova. Oo, ang panalangin ay mahalagang bahagi ng kaniyang pagsamba. Sa katunayan, hindi niya ito inihinto kahit manganib pa ang kaniyang bu1 Ang mga Saksi ni Jehova ay naglalathala ng maraming pantulong para maging mas kapaki-pakinabang ang pagbabasa, pag-aaral, at pagsasaliksik sa Bibliya. Kung interesado kang magkaroon nito, magtanong sa mga Saksi ni Jehova.
hay. Tiyak, napamahal siya kay Jehova dahil sa kaniyang katatagan. Isa ngang napakagandang regalo ang pribilehiyo ng panalangin! Huwag mong palipasin ang isang araw nang hindi nakikipag-usap sa iyong Ama sa langit. Lagi siyang pasalamatan at purihin sa lahat ng kaniyang kabutihan. Malayang sabihin sa kaniya ang iyong mga kabalisahan at mga problema. Isipin kung paano sinagot ang iyong mga kahilingan o panalangin, at saka magpasalamat. Huwag magmadali sa pananalangin. Kapag ibinubuhos natin kay Jehova ang nilalaman ng ating puso, damang-dama natin ang kaniyang pag-ibig. Sulit nga na ‘magmatiyaga sa pananalangin’!—Roma 12:12. Luwalhatiin ang Pangalan ni Jehova Dahil sa masikap Walang mabubuong pagkakaibigan na pag-aaral at kung ang isa ay makasarili. Totoo rin ito pananalangin ni kung tungkol sa ating kaugnayan kay JehoDaniel, nahubog va. Alam ito ni Daniel. Lagi niyang iniisip ang kaniyang kung paano luluwalhatiin ang pangalan ni Jehova. Tingnan natin ang mga halimpersonalidad at bawa. napamahal siya Nang sagutin ng Diyos ang panalangin sa Diyos ni Daniel at sabihin ang kahulugan ng panaginip ni Nabucodonosor, sinabi ni Daniel: “Pagpalain nawa ang pangalan ng Diyos mula sa panahong walang takda at maging hanggang sa panahong walang takda, dahil sa karunungan at kalakasan—sapagkat ang mga iyon ay sa kaniya.” Nang ipaliwanag niya kay Nabucodonosor ang panaginip at ang kahulugan nito, paulit-ulit na pinapurihan ni Daniel si Jehova, na idiniriin na Siya lamang ang “Tagapagsiwalat ng mga lihim.” Gayundin, nang humingi si Daniel ng kapatawaran at kaligtasan, nanalangin siya: “O Diyos ko, . . . ang iyong sariling pangalan ay itinatawag sa iyong lunsod at sa iyong bayan.”—Daniel 2:20, 28; 9:19. Marami tayong pagkakataong tularan si Daniel. Kapag nananalangin, maaari nating sabihin na ‘pakabanalin nawa ang pangalan’ ng Diyos. (Mateo 6:9, 10) Hinding-hindi tayo gagawa ng anumang bagay na sisira sa banal na pangalan ni Jehova. Sa kabilang banda, lagi nawa nating luwalhatiin si Jehova sa pamamagitan ng pagsasabi sa iba ng natututuhan natin tungkol sa mabuting balita ng kaniyang Kaharian. Totoo, salat sa pag-ibig at pagmamalasakit ang daigdig. Pero makasusumpong tayo ng malaking kaaliwan sa pagkaalam na talagang minamahal ni Jehova ang bawat sumasamba sa kaniya. Gaya ng sinabi ng mang-aawit: “Si Jehova ay nalulugod sa kaniyang bayan. Pinagaganda niya ng kaligtasan ang maaamo.”—Awit 149:4. ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
23
TULARAN ANG KANILANG PANANAMPALATAYA
Nakapagtiis Siya sa Kabila ng mga Kabiguan NADARAMA ni Samuel ang paghihinagpis sa Shilo. Halos bumaha roon ng luha. Ilang kababaihan at mga bata kaya ang maririnig na tumatangis sa pagkaalam na hindi na makauuwi ang kanilang mga ama, asawa, anak, at mga kapatid na lalaki? Nalaman natin na namatayan ng 4,000 sundalo ang Israel sa isang naunang digmaan laban sa mga Filisteo, at 30,000 naman ang napatay nang muli silang matalo ng mga ito.—1 Samuel 4:1, 2, 10. Kabilang ito sa sunud-sunod na trahedya. Ang mataas na saserdoteng si Eli ay may dalawang napakasamang anak, sina Hopni at Pinehas, na nagmartsa palabas ng Shilo dala ang sagradong kaban ng tipan. Ang mahalagang kaban na ito ay sagisag ng presensiya ng Diyos at karaniwang nasa loob ng banal na silid ng tabernakulo —isang tulad-toldang templo. Pero ngayon, dinala ng bayan sa digmaan ang Kaban. Iniisip nilang magsisilbi itong agimat at magbibigay sa kanila ng tagumpay. Ngunit nakuha ng mga Filisteo ang Kaban at pinatay sina Hopni at Pinehas.—1 Samuel 4:3-11. Sa loob ng daan-daang taon, ang Kaban ay nasa tabernakulo sa Shilo. Ngayon ay wala na ito. Nang mabalitaan iyan ng 98-anyos na si Eli, nabuwal siya nang patalikod mula sa kaniyang upuan at namatay. Ang manugang naman niya na nabiyuda nang araw na iyon ay namatay sa panganganak. Bago mamatay, sinabi niya: “Ang kaluwalhatian ay lumisan sa Israel tungo sa pagkatapon.” Tunay, ang Shilo ay hindi na magiging gaya ng dati.—1 Samuel 4:12-22. Paano haharapin ni Samuel ang matitinding kabiguang ito? Mananatili kayang matatag ang pananampalataya niya sa pagtulong sa isang bayan na wala nang proteksiyon at pagsangayon ni Jehova? Kung minsan, maaari tayong mapaharap sa mga problema at kabiguang sumusubok sa ating pananampalataya. Tingnan natin kung ano ang matututuhan natin kay Samuel. 24
ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
Siya ay “Nagpangyari ng Katuwiran” Sa puntong ito, sa sagradong Arka na nakatuon ang ulat ng Bibliya. Ipinakikita nito sa atin kung paano nagdusa ang mga Filisteo nang kunin nila ang Arka at mapilitang ibalik ito. Nang banggiting muli ng ulat si Samuel, mga 20 taon na ang lumipas. (1 Samuel 7:2) Ano ang pinagkaabalahan niya nang mga panahong iyon? Tingnan natin ang sinasabi ng Bibliya. Nalaman natin na bago nito, “ang salita ni Samuel ay patuloy na dumating sa buong Israel.” (1 Samuel 4:1) Ipinakikita ng ulat na pagkalipas ng panahong iyon, taun-taong dumadalaw si Samuel sa tatlong lunsod sa Israel. Nag-aasikaso siya ng mga problema at nagbibigay-kasagutan sa mga tanong. Pagkatapos, bumabalik siya sa kaniyang bayang Rama. (1 Samuel 7:15-17) Maliwanag, naging abala si Samuel, maging sa loob ng ´ 20-taong iyon. Dahil sa imoralidad at katiwalian ng mga anak ni Eli, gumuho ang pananampalataya ng bayan. Lumalabas na marami ang bumaling sa pagsamba sa mga idolo. Pero pagkatapos ng dalawang-dekadang pagtitiyaga, ganito ang naging mensahe ni Samuel sa bayan: “Kung buong puso kayong manunumbalik kay Jehova, alisin ninyo ang mga banyagang diyos sa gitna ninyo at gayundin ang mga imahen ni Astoret, at ituon ninyo nang walang maliw ang inyong puso kay Jehova at siya lamang ang inyong paglingkuran, at ililigtas niya kayo mula sa kamay ng mga Filisteo.”—1 Samuel 7:3.
“Ang kamay ng mga Filisteo” ay naging mabigat sa bayan. Dahil halos napulbos na ang hukbo ng Israel, inakala ng mga Filisteo na puwede na nilang api-apihin ang bayan ng Diyos. Subalit tiniyak ni Samuel sa bayan na magbabago ang mga bagay-bagay kung babalik sila kay Jehova. Pero gusto ba nilang gawin iyon? Laking tuwa ni Samuel nang alisin nila ang kanilang mga idolo at “kay Jehova na lamang naglingkod.” Nagpatawag ng pagtitipon si Samuel sa Mizpa, isang bayan sa bulubunduking lugar sa hilaga ng Jerusalem. Doon, nag-ayuno ang mga tao at nagsisi sa pagsamba nila sa mga idolo. —1 Samuel 7:4-6. Gayunman, natunugan ng mga Filisteo ang tungkol sa malaking pagtitipong ito. Kaya nagpadala sila ng hukbo sa Mizpa upang lipulin ang mga mananamba ni Jehova. Nabalitaan ng mga Israelita ang nakaambang panganib. Sa takot, hinilingan nila si Samuel na ipanalangin sila. Ginawa iyon ni Samuel at naghandog din siya. Nang pagkakataong iyon, dumating sa Mizpa ang hukbo ng mga Filisteo. Pero sinagot ni Jehova ang panalangin ni Samuel. Siya ay ‘nagpakulog ng malakas na ingay nang araw na iyon laban sa mga Filisteo,’ anupat nalito ang mga ito. —1 Samuel 7:7-10. Ang mga Filisteo bang iyon ay parang maliliit na batang tatakbo at magtatago sa likod ng kanilang mga nanay kapag nakarinig sila ng kulog? Hindi, sila ay matatapang na sundalong sanay sa digmaan. Kaya malamang na di-pangkaraniwan ang kulog na iyon. Bakit kaya di-pangkaraniwan?
Dahil ba sa nakabibinging “ingay” nito? O dahil nanggaling ang kulog sa maaliwalas na kalangitan, o dumagundong ito mula sa mga dalisdis ng burol? Anuman ito, labis na natakot at nalito ang mga Filisteo. Kaya para silang matatapang na aso na nabahag ang buntot. Nilusob sila ng mga kalalakihan ng Israel mula sa Mizpa, tinalo, at tinugis nang mga ilang kilometro hanggang sa timogkanluran ng Jerusalem.—1 Samuel 7:11. Malaking tagumpay ito sa bayan ng Diyos, dahil mula noon hanggang sa katapusan ng pagiging hukom ni Samuel, patuloy na umatras ang mga Filisteo. Naibalik din sa bayan ng Diyos ang mga lunsod nito.—1 Samuel 7:13, 14. Makalipas ang daan-daang taon, isinama ni apostol Pablo si Samuel sa talaan ng tapat na mga hukom at propeta na “nagpangyari ng katuwiran.” (Hebreo 11:32, 33) Talagang tinulungan ni Samuel ang Israel na maitaguyod ang mabuti at matuwid sa paningin ng Diyos. Nagawa niya ito dahil matiyaga siyang naghintay kay Jehova at buong-katapatan niyang ginampanan ang kaniyang atas sa kabila ng mga kabiguan. Naging mapagpahalaga rin siya. Pagkatapos magtagumpay sa Mizpa, nagpatayo si Samuel ng isang monumento bilang alaala sa pagtulong ni Jehova sa kaniyang bayan.—1 Samuel 7:12. Gusto mo rin bang ‘magpangyari ng katuwiran’? Makabubuting tularan mo ang pagtitiis, pagpapakumbaba, at pagpapahalaga ni Samuel. Sino ba naman sa atin ang hindi nangangailangan ng mga katangiang ito? Mabuti na lamang, bata pa si Samuel ay taglay na niya ang mga katangiang ito. Nakatulong ito nang mapaharap siya sa matitinding kabiguan sa kaniyang buhay.
“Ang Iyong Sariling mga Anak ay Hindi Lumalakad sa Iyong mga Daan” Nang banggiting muli si Samuel, siya ay “matanda na.” Malalaki na ang kaniyang dalawang anak na sina Joel at Abias. Pinagkatiwalaan niya sila ng Paano natulungan ni Samuel ang kaniyang bayan na makayanan ang matinding kalungkutan at kabiguan?
pananagutang tulungan siya sa pagiging hukom. Pero nakalulungkot, nagkamali siya sa pagtitiwala sa kanila. Bagaman tapat at matuwid si Samuel, ginamit ng kaniyang mga anak ang kanilang posisyon para sa makasariling interes, binaluktot ang katarungan, at tumanggap ng suhol.—1 Samuel 8:1-3. Isang araw, nagreklamo sa may-edad nang propeta ang matatandang lalaki ng Israel. Sinabi nila: “Ang iyong mga anak ay hindi lumalakad sa iyong mga daan.” (1 Samuel 8:4, 5) Alam kaya ni Samuel ang problema? Walang sinasabi ang ulat. Pero di-tulad ni Eli, tiyak na responsableng ama si Samuel. Sinaway at pinarusahan ni Jehova si Eli dahil hindi niya itinuwid ang kasamaan ng kaniyang mga anak. Mas pinarangalan niya ang kaniyang mga anak kaysa sa Diyos. (1 Samuel 2:27-29) Hindi nakita ni Jehova kay Samuel ang gayong pagkukulang. Hindi binabanggit ng ulat ang matinding kahihiyan, pagkabalisa, o kabiguang nadama ni Samuel nang malaman niya ang napakasamang paggawi ng kaniyang mga anak. Nakalulungkot, nararanasan iyan ng maraming magulang. Laganap kasi ngayon ang pagrerebelde sa mga magulang. (2 Timoteo 3:1-5) Ang mga magulang na nakararanas ng gayong kirot ay makasusum-
pong ng kaaliwan at patnubay sa halimbawa ni Samuel. Hindi niya hinayaang matinag ang kaniyang katapatan ng kawalang-katapatan ng kaniyang mga anak. Tandaan, hindi man maging sapat ang mga salita at disiplina, maaari pa ring maabot ang puso ng mga anak sa pamamagitan ng halimbawa ng mga magulang. At gaya ni Samuel, laging may pagkakataon ang mga magulang na mapasaya ang kanilang Ama, ang Diyos na Jehova. “Mag-atas Ka Para sa Amin ng Isang Hari” Napakalaki ng epekto ng kasakimang ipinakita ng mga anak ni Samuel. Sinabi ng matatandang lalaki ng Israel kay Samuel: “Ngayon ay mag-atas ka para sa amin ng isang hari upang humatol sa amin gaya ng lahat ng mga bansa.” Sa hiniling nilang ito, nadama ba ni Samuel na inaayawan na siya ng bayan? Kung tutuusin, napakatagal na niyang naglilingkod bilang hukom sa bayan ni Jehova. Ngayon, hindi lamang isang propetang gaya ni Samuel ang gusto nilang maging hukom, kundi isang hari. May mga hari ang mga bansa sa palibot nila, kaya gusto rin ng mga Israelita ng isang hari! Ano ang reaksiyon ni Samuel? Mababasa natin: “Ang bagay na iyon ay masama sa paningin ni Samuel.”—1 Samuel 8:5, 6.
Paano nakayanan ni Samuel ang kabiguang dulot ng kasamaan ng kaniyang mga anak?
Pansinin ang naging sagot ni Jehova nang idulog ito sa kaniya ni Samuel sa panalangin: “Makinig ka sa tinig ng bayan may kinalaman sa lahat ng sinasabi nila sa iyo; sapagkat hindi ikaw ang itinatakwil nila, kundi ako ang itinatakwil nila mula sa pagiging hari sa kanila.” Tiyak na nakaaliw ito kay Samuel, pero kaylaking insulto naman sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang ginawa ng bayan! Sinabi ni Jehova sa kaniyang propeta na babalaan ang mga Israelita na malaki ang magiging kabayaran ng pagkakaroon ng isang haring tao. Nang sabihin ito ni Samuel, iginiit nila: “Hindi, kundi isang hari ang mamamahala sa amin.” Palibhasa’y masunurin sa kaniyang Diyos, hinirang ni Samuel ang haring pinili ni Jehova.—1 Samuel 8:7-19. Napilitan bang sumunod si Samuel? Naghinanakit ba siya? Hinayaan ba niyang lasunin ng kabiguan ang kaniyang puso at mag-ugat dito ang sama ng loob? Maaaring ganiyan ang maging reaksiyon ng marami, ngunit hindi si Samuel. Hinirang niya si Saul at kinilalang ito ang pinili ni Jehova. Hinalikan niya si Saul, isang tanda ng pagtanggap at pagpapasakop sa bagong hari. At sinabi niya sa bayan: “Nakikita ba ninyo ang isa na pinili ni Jehova, na walang sinuman ang tulad niya sa gitna ng buong bayan?”—1 Samuel 10:1, 24. Hindi mga kapintasan ang tiningnan ni Samuel, kundi ang mabubuting katangian ng taong pinili ni Jehova. Kung tungkol naman sa kaniyang sarili, nagtuon si Samuel ng pansin sa kaniyang rekord ng katapatan sa Diyos sa halip na sa pagsang-ayon ng bayang pabagu-bago ang isip. (1 Samuel 12:1-4) Buong-katapatan din niyang ginampanan ang kaniyang atas, pinayuhan ang bayan ng Diyos tungkol sa mga magsasapanganib sa kanilang kaugnayan sa Diyos, at pinatibay silang manatiling tapat kay Jehova. Tumagos sa puso nila ang payo ni Samuel kaya nakiusap sila sa kaniya na ipanalangin sila. Ganito ang kaniyang tugon: “Malayong mangyari, sa ganang akin, na magkasala laban kay Jehova sa pamamagitan ng pagtigil sa pananalangin alang-alang sa inyo; at ituturo ko nga sa inyo ang mabuti at tamang daan.”—1 Samuel 12:21-24. Naranasan mo na bang maghinanakit nang mapili ang ibang tao, sa halip na ikaw, para sa isang posisyon o pribilehiyo? Ang halimbawa ni
Samuel ay isang magandang paalaala na hindi natin dapat hayaang mag-ugat sa ating puso ang inggit o hinanakit. Ang Diyos ay maraming kapaki-pakinabang at kasiya-siyang gawain para sa bawat tapat na lingkod niya. “Hanggang Kailan Ka Magdadalamhati Para kay Saul?” Tama naman na maganda ang naging impresyon ni Samuel kay Saul. Matangkad siya at makisig, malakas ang loob at maabilidad, pero mapagpakumbaba. (1 Samuel 10:22, 23, 27) Bukod sa mga katangiang iyan, pinagkalooban din siya ng kakayahang magpasiya at pumili ng kaniyang landasin sa buhay. (Deuteronomio 30:19) Ginamit ba niya ito nang tama? Nakalulungkot, kapag nakatitikim na ng kapangyarihan ang isang tao, kadalasan nang kapakumbabaan ang unang nawawala. Di-nagtagal, naging mayabang si Saul. Pinili niyang suwayin ang utos ni Jehova. Minsan, hindi na nakapaghintay si Saul kaya siya na ang naghandog sa Diyos sa halip na si Samuel, na siyang tanging may karapatang gawin iyon. Matindi ang pagtutuwid sa kaniya ni Samuel. Inihula pa nga ng propeta na ang pagkahari ay hindi mananatiˆ li sa angkan ni Saul. Hindi nadala si Saul. Sa katunayan, lalo pa siyang nagpakasama.—1 Samuel 13:8, 9, 13, 14.
ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
27
Sa pamamagitan ni Samuel, inutusan ni Jehova si Saul na makipagdigma sa mga Amalekita at patayin ang ubod-samang hari nito na si Agag. Pero hindi pinatay ni Saul si Agag. Bukod diyan, kinuha niya ang pinakamaiinam sa mga samsam na dapat sana’y pinatay o sinunog nila. Nang ituwid siya ni Samuel, nakitang ibang-iba na siya sa dating Saul. Sa halip na mapagpakumbabang tanggapin ang pagtutuwid, nangatuwiran pa siya, nagmalinis, ipinagmatuwid ang kaniyang ginawa, iniwasan ang isyu, at sinisi ang bayan. Nang tanggihan ni Saul ang disiplina at mangatuwirang ihahandog naman kay Jehova ang mga samsam, binigkas ni Samuel ang kilalang pananalitang ito: “Narito! Ang pagsunod ay mas mabuti kaysa sa hain.” Lakas-loob na sinaway ni Samuel ang lalaking ito at sinabi sa kaniya ang hatol ni Jehova: Ang pagkahari ay aalisin kay Saul at ibibigay sa iba—sa isang mas mabuting tao.—1 Samuel 15:1-33. Lungkot na lungkot si Samuel sa mga pagkakamali ni Saul. Magdamag siyang umiyak kay Jehova. Nagdalamhati pa nga siya para kay Saul. Gayon na lamang ang panghihinayang ni Samuel kay Saul dahil nakita niyang napakalaki ng potensiyal nito. Kaya lang, hindi na ito ang Saul na nakilala niya—nawala na ang kaniyang mabubuting katangian at lumaban siya kay Jehova. Ayaw nang makita pa ni Samuel si Saul. Pero nang maglaon, itinuwid ni Jehova ang pangmalas ni Samuel: “Hanggang kailan ka magdadalamhati para kay Saul, gayong itinakwil ko siya mula sa pamamahala bilang hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay at yumaon ka. Isusugo kita kay Jesse na Betlehemita, sapagkat naglaan ako mula sa kaniyang mga anak ng isang hari para sa akin.”—1 Samuel 15:34, 35; 16:1. Matutupad ang layunin ni Jehova, manatili mang matapat o hindi ang di-sakdal na mga tao. Masira man ang katapatan ng isang tao, makahahanap pa rin si Jehova ng ibang magsasagawa ng Kaniyang kalooban. Kaya inihinto ng matanda nang si Samuel ang kaniyang pagdadalamhati kay Saul. Sa utos ni Jehova, pumunta si Samuel sa bahay ni Jesse sa Betlehem, kung saan nakilala niya ang makikisig na anak na lalaki nito. Pero mula pa lang sa panganay, ipinaalaala na ni Jehova kay Samuel: “Huwag kang tumingin sa kaniyang anyo at sa taas ng kaniyang 28
ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
tindig . . . Sapagkat hindi ayon sa paraan ng pagtingin ng tao ang paraan ng pagtingin ng Diyos, sapagkat ang tao ay tumitingin sa kung ano ang nakikita ng mga mata; ngunit kung tungkol kay Jehova, tumitingin siya sa kung ano ang nasa puso.” (1 Samuel 16:7) Sa wakas, nakilala ni Samuel ang bunsong anak na lalaki, ang pinili ni Jehova—si David! Sa huling mga taon ng buhay ni Samuel, napatunayan niyang tama ang desisyon ni Jehova ˆ na palitan ni David si Saul. Napuno ng inggit si Saul, anupat ginusto niyang patayin si David, at naging apostata rin siya. Samantala, si David ay nagpakita ng magagandang katangian—lakas ng loob, integridad, pananampalataya, at pagkamatapat. Noong malapit nang mamatay si Samuel, lalo pang tumibay ang kaniyang pananampalataya dahil nakita niyang kayang lutasin ni Jehova ang lahat ng problema at gawin itong pagpapala. Nang mamatay ang tapat na si Samuel sa edad na halos sandaan, hindi nga katakatakang nagdalamhati ang buong Israel! Sa ngayon, makabubuting itanong ng mga lingkod ni Jehova, ‘Tutularan ko ba ang pananampalataya ni Samuel?’
Vagnari Da ga t
M ed ite ra
SILANGANG ASIA
ne o
IK O
ROMA
P
AANO kaya napadpad ang isang taga-Silangang Asia sa sinaunang Imperyo ng Roma 2,000 taon na ang nakalipas? Iyan ang tanong ng mga arkeologo nang mahukay nila ang kalansay nito sa timugang Italya noong 2009. Natagpuan ito sa isang sinaunang sementeryong Romano sa Vagnari, 60 kilometro sa kanluran ng Bari. Pitumpu’t limang kalansay ng tao ang nahukay. Ipinakikita ng mga pagsusuri sa mga buto na ang karamihan sa mga taong ito ay isinilang sa kalapit na lugar. Pero palaisipan sa mga mananaliksik ang kalansay ng isang tao. Ipinakikita ng pagsusuri sa kaniyang DNA na taga-Silangang Asia ang kaniyang nanay.1 Tinatayang namatay siya noong una o ikalawang siglo C.E. Ayon sa isang report, “waring ito ang unang pagkakataon na may natagpuang kalansay ng isang taga-Silangang Asia sa Imperyo ng Roma.” Sino kaya ang taong ito? “Sa unang tingin, maiuugnay ang taong ito sa kalakalan ng seda sa pagitan ng Tsina at Roma,” ang sabi ng report ding iyon. Pero ayon sa pala-palagay, ang gayong kalakalan ay ginawa ng mga tagapamagitan, o mga ahente, kaya walang sinuman ang talagang naglakbay nang 8,000 kilometro sa pagitan ng Tsina at Italya. Ano ang sinasabi sa atin ng lugar kung saan ´ nakita ang mga labı? Noong sinaunang panahon, ang Vagnari ay isang lupaing kontrolado ng emperador. Ang trabaho ng mga tagaroon ay pagtunaw ng bakal at paggawa ng mga baldosang-luwad. Marami sa mga manggagawa roon ay mga alipin, at malamang na isa sa kani1 Sa pagsusuri sa DNA, walang nakuhang impormasyon tungkol sa lahi ng kaniyang tatay.
PA S
G GA TA N RA
KA
SA SINAUNANG ITALYA
IP
ISANG TAGA-SILANGANG ASIA
KALANSAY NG ISANG TAGA-SILANGANG ASIA NA NAHUKAY SA ISANG SINAUNANG SEMENTERYONG ROMANO ˘ Su concessione del Ministero per i Beni e le ` Attivita Culturali - Direzione Regionale per i Beni Culturali e Paesaggistici della Puglia Soprintendenza per i Beni Archeologici della Puglia
la ang taga-Silangan na ito. Sa katunayan, ang libingan niya ay hindi pangmayaman. Ang natira sa mga gamit na inilibing kasama niya ay isang palayok, at isa pang bangkay ang nakapatong sa kaniya. Bakit mahalaga ang tuklas na ito? Ang paglaganap ng mensahe ng mga Kristiyano noong unang siglo C.E. ay depende sa layo ng narating ng mga tao noon. Iniuulat ng Bibliya na pagkatapos ng Pentecostes 33 C.E., ang mabuting balita ay nakarating sa iba’t ibang malalayong lugar dahil sa mga banyagang dumalaw sa Jerusalem. (Gawa 2:1-12, 37-41) Sa paanuman, ipinahihiwatig ng nahukay na kalansay na nang mga panahong iyon, may mga taong naglakbay mula sa Silangang Asia tungo sa rehiyon ng Mediteraneo.1 1 May katibayan din na ang mga taga-Kanluran ay naglakbay patungong Silangang Asia. Tingnan ang artikulong “Gaano Kaya Kalayo sa Silangan ang Narating ng mga Misyonero?” sa Ang Bantayan, isyu ng Enero 1, 2009. ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
29
PARA SA MGA KABATAAN
Pahalagahan ang Sagradong mga Bagay! Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga ´ ´ tauhan. Gawing buhay na buhay sa iyong isipan ang kuwento. Pangunahing mga tauhan: Isaac, Rebeka, Jacob, at Esau Sumaryo: Ipinagbili ni Esau ang kaniyang pagkapanganay sa kaniyang kakambal na si Jacob.
–
PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG GENESIS 25:20-34. Anu-anong katangian ang nakita kina Jacob at Esau kahit noong nasa bahay-bata pa sila?
Ilarawan ang hitsura nina Jacob at Esau noong kabataan pa sila.
Anu-anong damdamin ang napansin mo sa pag-uusap nina Jacob at Esau sa talata 30 hanggang 33?
PAG-ARALANG MABUTI. Magsaliksik tungkol sa mga karapatan ng panganay na anak na lalaki. Bakit mahalaga ang mga karapatang ito? Ano ang epekto ng pagbebenta ng mga karapatang ito kapalit ng isang mangkok ng nilaga?
—
PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG GENESIS 27:1-10, 30-38. Anong damdamin ang napansin mo sa boses ni Esau nang malaman niyang nakuha na ng kaniyang kapatid ang pagpapala para sa panganay?
30
ANG BANTAYAN ˙ ENERO 1, 2011
PAG-ARALANG MABUTI. Mali bang maniobrahin nina Rebeka at Jacob ang mga pangyayari para si Jacob ang tumanggap ng pagpapala? Bakit o bakit hindi? (Clue: Tingnan ang Genesis 25:23, 33.)
˜
GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . . Sa masamang epekto ng padalus-dalos na pagkuha ng gusto mo.
PARA MAGAMIT PA ANG IYONG NATUTUHAN. Anong sagradong mga bagay ang ipinagkatiwala sa iyo?
Paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang sagradong mga bagay?
ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?
KUNG WALA KANG
BIBLIYA,
HUMILING NITO SA MGA SAKSI NI JEHOVA, O BASAHIN ITO SA WEB SITE NA
www.watchtower.org °
™
Mahalaga nga ba kung nagkaroon ng isang hardin ng Eden? TINGNAN ANG PAHINA 9-11.
Patiuna bang alam ng Diyos na magkakasala sina Adan at Eva? TINGNAN ANG PAHINA 13-15.
Paano mo malalaman kung mapapatawad ng Diyos ang iyong mga kasalanan? TINGNAN ANG PAHINA 18.
Mahal ka ba ng Diyos?
TINGNAN ANG PAHINA 20-23.
Nais mo bang may dumalaw sa iyo?
www.watchtower.org
wp11 01/01-TG