1 minute read

Pagpapatala ng Nat'l ID, dinagsa

Next Article
YAKULT ok

YAKULT ok

Sinimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagpapatupad sa R.A. 11055 o ang ‘Philippine Identification System (PhilSys) Act ’ na naglalayong magkaroon nang maayos na sistema at iisang ID na gagamitin ng mga Pilipino sa bansa.

Sa kabila ng pandemya, hindi nagpatinag ang residente ng Barangka Drive sa Lungsod ng Mandaluyong upang makapagpatala sa National ID

Advertisement

Tinatayang limanlibo ang nakilahok sa pagpapatala para sa National ID sa Bonifacio Javier National High School na pinangunahan ni Brgy. Capt. Darwin A. Fernandez na mismong humiling sa PSA para sa kaniyang nasasakupan.

Isa ang BJNHS na napili upang pagdausan ng pagpaparehistro na nagsimula noong Hulyo hanggang Setyembre 2021.

Pinayagan din na makapagparehistro ang mga kabataang nasa edad 15 pataas.

Tiniyak ng personnel ng PSA, barangay officials at pamunuan ng paaralan na nasunod ang minimum health protocols na itinatakda ng Inter-Agency Task Force (IATF).

This article is from: