1 minute read

Silid de Birtwal

Next Article
'siGURO' ni Abala

'siGURO' ni Abala

ricKy CABALLERO

Hindi puwedeng mag-aral sa pamamagitan ng face-toface classes dulot ng pandemya, pero may solusyon ang mga guro ng Mandaluyong . . . Ang ihatid ang karunungan gamit ang birtwal at mahusay na pagkakabuo ng Broadcast Instructions Program (BIP) o Mandunong Teleklasrum.

Advertisement

Sa hangaring maipagpatuloy ang edukasyong nais ng Department of Education (DepEd), ikinasa ang BIP ng Schools Division Office ng Mandaluyong.

Isa sina teacher Jhon Layoc at Bb. Cherry Mendoza, na hindi natakot subukan ang pagiging teacher broadaster sa kabila ng kawalan ng karanasan o kaalaman sa pag-uulat ng live

Si sir Andrew Abala naman ang nagkusang sumali para mag-edit ng virtual classrooms at kahit hirap na hirap sa pagdudugtong-dugtong ng mga larawan, hindi nagpatalo upang maging bahagi ng BIP Teacher Brodcaster

Kasama rin si sir Joeson Mejica na may mahika upang itama ang mga gramatiko at lengguwahe sa bawat iskrip.

Tuloy ang laban at paglikha ng mga instrumentong tutulong sa pagbibigay ng de kalidad na edukasyon, tuloy ang ating mantra 'Batang Mandunong, Walang Maiiwan, Kabahagi ng Bilang' kahit ito pa’y nasa Silid de Birtwal

"Hindi kaya?"

Bakit nga ba naging guro ka?"

"Hhmmm… Sa totoo lang, hindi ko din talaga alam ang sagot. Pero, magturo, at magbahagi ng karunungan. Siguro gusto mo lang tumulong. Dahil ‘yun ang kailangan. Siguro gusto mo lang maging bahagi ng tagumpay at pagbabago sa buhay nila. Siguro gusto mo lang maging inspirasyon para sa kanila. Siguro. Siguro ganun nga lang.

Simple lang di ba. Siguro, maliit na bagay lang ito para sa kanila. Pero, ayos na din. Siguro, ang mahalaga may nai-ambag ka sa kanila at naging bahagi ka ng buhay nila. Siguro sa mga salitang yan, sapat na para magpatuloy kung anong propesyon na meron ka… hindi ba?"

"Siguro nga."

"Tunay nga na siGURO ang ating katuwang sa hamon sa pag-aaral. Si GURO na nagpapatuloy sa propesyon ng pagtuturo upang gabayan tayo sa magandang kinabukasan."

"SIGURO nga, si guro ang ating pangalawang magulang."

Pinag-usapan hindi lang sa BJNHS ang obrang ito, maging sa buong Mandaluyong.

This article is from: