1 minute read
VAPE ka pa
Isang alternatibong isinusulong upang makaiwas sa paninigarilyo ang paggamit ng electronic cigarette o vape. Napapadali raw nito ang unti-unting paglipat mula sa sigarilyo hanggang sa tuluyang pagtigil sa paninigarilyo Makalipas ang 30 araw tuluyan ng naging batas nitong nagdaang Hulyo 26, 2022 ang kontrobersyal na Senate Bill 2239 o ang 'Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act' sa kabila ng kaliwa’t kanang panawagan na pigilan ito.
Laganap ang paggamit ng e-cigarette sa mga kabataan. Ayon sa 2021 National Youth Tobacco survey, higit 2 milyong middle at high school students sa United States ang gumagamit ng e-cigarette, at 8 sa sampung mga estudyanteng ito, gumagamit ng flavored e-cigarette
Advertisement
Ayon pa rin sa pag-aaral, may tatlong dahilan kung bakit nakakaakit ang vape, lalo na sa kabataan. Una, naniniwala silang mas ligtas ang paggamit ng vape kaysa sa paninigarilyo. Pangalawa, mas matipid ang paggamit ng e-cigarette kaysa sa tradisyonal na sigarilyo. Panghuli, gusto ng kabataan at mga nakatatanda ang kawalan ng usok ng e-cigarette.
Nikotina ang pangunahing sangkap ng sigarilyo at e-cigarette, labis na nakahuhumaling. Nagdudulot ito ng pananabik sa sigarilyo at vape. Maaaring makaranas ng withdrawal symptoms kung susubukang tumigil. Sa mga gumagamit ng e-cigarette, maaaring mas madami pang nikotina ang kanilang nalalanghap dahil mayroong mga produktong “extra-strength” kung saan mas mataas ang konsentrasyon nito sa nikotina. Nagdudulot ang nikotina ng pagtaas ng presyon at adrenaline, na nagpapabilis ng tibok ng puso na maaaring maging dahilan ng atake sa puso.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) , hindi sapat ang ebidensya na nagsasabi na nakatutulong ang vaping sa pagtigil sa paninigarilyo. Sa katunuyan, may isang bagong pag-aaral na nagsasabing ang mga taong gumamit ng e-cigarette, itinuloy pa rin ang paninigarilyo kasabay ng paggamit ng e-cigarette
Ang mas nakakabahalang problema, ang pagdami ng mga taong gumagamit ng vape lalo na ng mga kabataan na hindi naman talaga naninigarilyo pero dahil na rin sa uso ito at gustong maging IN, wala silang patumangga sa paggamit nito.
May mga side effect at panganib ang vaping. Bukod sa epekto sa puso at baga, ilang komplikasyon ng vaping ang sumusunod:
-Pagdami ng free radicals sa katawan na maaaring magdulot ng kanser / Paghina ng resistensya at Pagkaantala ng development ng utak ng mga fetus, bata, at teenager
May napaulat na rin ang mga taong nagtamo ng mga sugat dahil sa pagsabog ng mga defective na baterya ng e-cigarette
Ayon pa rin artikulo ng RiteMed hindi pa lubos ang kaalaman ng mga eksperto sa pangmatagalang epekto ng e-cigarette sa kalusugan, ngunit ipinapakita ng siyensya na hindi ito ligtas na alternatibo sa paninigarilyo. VAPE ka pa!
Agham Artikulo Litrato
Bawat GILING, baktirya'y, Napaiiling
Isang sikat na awitin ni