1 minute read

K TO 12 CRS-V8, ginhawa sa kaguruan

Next Article
YAKULT ok

YAKULT ok

Inimbitahan ni G. Pompio

B. Floro Jr., punongguro, si G. Harold Mendoza

Advertisement

Tendero para ilunsad ang K to 12 CRS-V8 software sa paaralan kaya nagsagawa ng oryentasyon na dinaluhan ng mga Head

Teachers at guro sa ICT upang mapadali ang paghahanda ng mga dokumento.

Ayon kay G. Pompio, pinondohan ng paaralan ang bawat guro ng P300.00 upang magkaroon ng tatlong validity sa paggamit ng software upang mas mapadali ang mga gawaing pangpapel ng kaguruan.

Itinuro rito kung paano mapadadali ang mga dokumentong tulad ng SF1 hanggang SF10, Class Record,

WORKSYAP. Ipinaliliwanag ni Bb. Purife Magramo ang tamang paggamit ng K-12 CRS-V8

Grading Sheet, Certificate template, ID, Diploma, Card Slip, manual rating sheet, Auto Rating sheet, Student QR, Modality sheet, Report On Learners Observed Values at Report On Attendance.

Upang magamit ito, kailangang i-upload sa K to 12 CRS-V8 ang generated SF1 mula sa LIS ng DepEd at maaari nang ilagay ang marka ng bawat mag-aaral at kusa itong maglalabas ng resulta.

Nagsagawa naman ng seminar workshop si Bb. Purife B. Magramo, ICT teacher, para sa mga piling guro sa iba’tibang asignatura upang ibahagi at palaganapin ang paggamit ng K to 12 CRS-V8.

Libreng konsulta sa paningin, inilunsad sa BJNHS

Upang maiwasan at mapangalagaan na huwag masira ang paningin, naglunsad ang Brgy. Barangka Drive ng Vision Care Program sa BJNHS nitong Oktubre 2021.

Layunin ng programa ang libreng konsulta sa mata at pagbibigay ng libreng salamin, kaya masuwerteng napabilang ang mga guro, non-teaching staff ng paaralan, Barangay Officials at residente ng Barangka Drive, Barangka Itaas, Barangka Ibaba at Brgy. Hulo upang magpatingin ng mata. Pinangunahan ni Kapitan Darwin A. Fernandez ang programang pinondohan naman ng “The Alvarez Foundation Philippines” mga Philathropist o organisasyong tumutugon sa pangangailangan ng mga kapos-palad, kaisa din ang Vivian Sarabia Optical, Optometrist ng Mandaluyong.

Maraming Salamat Po! Congratulations!

G. POMPIO B. FLORO JR.

Principal I

Salamat po sa 19 na buwang paglilingkod sa komunidad ng BJNHS. Salamat po sa mga proyektong iyong iiwan na malaking tulong para sa lahat. Baunin mo po ang aming panalangin sa iyong tagumpay sa bagong paaralang iyong paglilingkuran.

(mula sa puso ng Matanglawin, ang iyong mga mamamahayag)

This article is from: