3 minute read

BJNHS Early Registration Caravan, Isinagawa

Next Article
YAKULT ok

YAKULT ok

Matagumpay ang isinagawang

Early Registration

Advertisement

Caravan ng paaralan upang hikayating muli ang mga mag-aaral na magtatapos ng Junior High School na magpalista at hindi na lumipat pa ng ibang eskuwelahan.

Sinuyod ng buong team ng BJNHS ang buong lugar sa Barangka Drive habang inaanunsiyo ang mga kurso sa Senior High School na maaari nilang piliin.

Marami na ring pagpipilian ang Grade 10 learners na aakyat ng SHS, isa na rito ang Technical Drafting (TD), Computer System Servicing (CSS), Acounting Business and Management (ABM) at

Humanities and Social Science (HUMSS) strand.

Ang pagsuyod sa mga lugar ang isa sa naging derektiba ni G. Pompio B. Floro Jr., punongguro upang madagdagan ang mga magaaral sa BJNHS.

Kasama sa nanghikayat

Hybrid teaching, sinimulan sa Bonifacio

ng mga estudyante ang mga opisyales ng GPTA Batch 2021-2022, mga head teacher na sina Gng. Josephine G. Ballon, Gng. Evelyn R. Arcangel, G. Christobeth B. Batistil at G. Ernesto L. Español Jr., Master Teacher II.

BJNHS, Pang-apat na Top Performing School

Sa gitna ng pandemya, humakot ang Javerians ng iba’t-ibang parangal sa Online Division Schools Press Conference and Contests kung saan, kabilang ang Bonifacio Jsvier National High School (BJNHS) bilang 4th Top Performing School na may 78 points mula sa mga nahakot na parangal nina Ricky Caballero: 3rd place bilang Most Promising Campus Journalist at Pagsulat ng Balitang Isports, Ikalawang pwesto sa Pagwawasto at Paguulo, 4th place sa Pagsulat ng Lathalain, 6th place sa

Pagsulat ng Editoryal at 7th place sa Pagsulat ng Agham at Teknolohiya.

Habang umani naman si Jhodie Conde ng 6th place bilang Most Promising Campus

Journalist, 3rd place sa Pagsulat ng Balita at Pagsulat ng Lathalain, 6th place

Pagsulat ng Agham at Teknolohiya at si Desiree Lumen: 6th place Most Promising Young Broadcaster nitong September. 3, 2021. "Hindi namin sukat akalain na mapipili ang aming artikulo dahil napakahirap makipagpaligsahan gamit ang online platform", pahayg ni Conde.

Dagdag pa ni Caballero, sinikap daw talaga nila magsakripisyo para lang manalo.

Pinuri at pinasalamatan naman sila ni Sir Pompio B. Floro Jr., punungguro ng paaralan.

Logo ng MaKaLikasan, likha ni Español

Naatasan si IIvan Cleine

H. Español na lumikha ng logo pra sa Project MaKaLikasan ng Schools Division Office na gagamitin sa mga video lesson para sa buong Lungsod ng Mandaluyong.

Bilang paghahanda sa mga makabagong kagamitang panturo na lilinang sa kakayahan ng mga mag-aaral, inilunsad ng SDO ang Project MaKaLikasan sa pangunguna ni G. Werlito C. Batinga, Superbisor sa Filipino.

Isa si Español na napili upang lumikha ng logo na ilalagay sa opening spiel at dulong bahagi ng bawat video lesson mula Elemntary hanggang Senior High School.

Dahil nasa pandemya ang bansa, ang video lesson ang magsisilbing tagapaghatid ng mga aralin. Mga piling guro mula sa iba’t ibang paaralan ang magsisilbing TV Broadcaster at bubuo ng mga video lesson na ito.

Sa katunayan, isa si Bb. Cherry E. Mendoza, guro sa Filipino 8 ang napili upang gumawa ng mga video lesson na sinuportahan nina Sir Pompio B. Floro Jr., punongguro at Gng. Joshephine G. Ballon, Head Teacher III.

Matagumpay na naisagawa sa paaralan ang pamamaraan kung paano isasagawa ang Hybrid Teaching sa pamamagitan ng tatlong araw na magkakasunod na simulation bilang paghahanda sa face-to-face classes ngayong nasa alert level 1 ang NCR. Ginanap ito sa silid ng TDA at sa Regular Classroom noong Marso 24, 25, at 30, 2022.

Sa pangunguna ni G. Ernesto L. Espanol Jr., Master Teacher II, nasaksihan nina G. Pompio B. Floro Jr., Principal I, Dr. Darwin S. Bonifacio, Public School District Supervisor (PSDS), mga piling gumagamit ng FB messenger Kapareho ito ng unang hybrid teaching ang pagkakaiba lang, ang isa'y G-Meet ang ikalawa'y gumamit ng FB Messenger Classroom.

Tulad nang naunang simulation sabay na sabay ang ginagawa ng mga magaaral na nasa paaralan at nasa bahay. Naging madali ang paggamit ng FB Messenger Classrom dahil naihanda na ng guro ang iskrip na naglalaman ng instruction at ibinabato niya ito sa mga nasa bahay sa pamamagitan ng messenger

Sa huling simulation, ginamit naman ang Regular Classroom upang ipakita ang magkasabay na face-to face guro ng SHS, Head Teachers, at mga opisyales ng GPTA, kung papaano nagaganap ang isang Hybrid Teaching Para sa unang simulation, ipinakita ang magkasabay na pagkaklase ng face-toface at Online Class ng mga estudyanteng nasa bahay gamit ang Google meeting app.

Kung ano ang ginagawa sa aktwal, iyon din ang ginagawa ng mga nasa bahay. Nakikita ng mga mag-aaral na nasa silid-aralan ang mga nasa bahay sa tulong ng G-Meet gamit ang malaking flat screen tv at nakikita rin ng nasa online class ang nangyayari sa loob ng silid-aralan.

Sa ikalawang simulation, ipinakita uli ang face-to-face classes gamit ang desktop, direct wifi connection at smart TV sa TDA Room habang kasabay ang mga nasa bahay classes habang ang mga nasa bahay ay gumagamit pa rin ng FB messenger. Sa regular classroom walang mga hi-tech na kagamitan na ginamit sa una at ikalawang pakitangturo.

Sa ganitong klase ng learning system, sabay-sabay na natuturuan, natututukan at natututo ang mga mag-aaral. Nagkakaroon lamang ng problema kapag bumagal na ang internet connection

Walang naging malaking problema sa takbo ng pakitang-turo na magkasabay ang Online Class at face-toface classes, maliban na lang sa panandaliang pagkawala ng internet connection

Matapos ang tatlong araw na pakitang-turo ng Hybrid Teaching, sinundan ito ng ebalwasyon ng lahat ng mga nakasaksi sa pakitang-turo.

PAALALA

•Summer Remedial Class – July 22 – August 12, 2022

•Araw-araw tumatanggap ang paaralan ng mga magpapatala para sa Senior High School

•Simula ng klase- Agosto 22, 2022

•Full Face-to-Face Classes sa Nobyembre 2022

This article is from: