2 minute read
Tinig ng Kabataan
Advertisement
Malaking epekto pa rin ang palasak na linya ni Dr. Jose Rizal na “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”, ngunit maraming kabataan ang tila nawalan ng boses, minsan silang nagka-isa para sa pagbabagong hinahangad sa Pilipinas pero parang hindi man lang napakinggan ang kanilang tinig sa pagpili ng gusto nilang pinuno. Natural na lang sa Pilipinas na nasusunod ang mga magulang at nakatatanda sa anomang bagay o layunin sa buhay ng isang bata ngunit hawak pa rin ba nila ang isip kung sa murang edad pa lang ng kabataan, namulat na sila, gayong hindi ito pansariling desisyon, sa halip, paraan ito upang baguhin na ang bulok at tiwaling sistema ng bansa.
Matatandaang inaprubahan ng kongreso nitong 2017 ang panukala ng Kabataan Partylist na Free Public Wi-Fi Bill noong 2016 na ngayo'y House Bill 5225, 'An Act Mandating the Provision of Free Public WiFi Internet Access in Public Areas'. Isang patunay ito na may ambag pa rin ang kabataan sa pagbabago ng bansa, tulad ng nasabing Bill, marami ang mga kinapos dahil sa pandemya na ngayo'y nakagagamit na ng libreng access sa internet kaya dapat hindi maliitin ang kakayahan ng isang tao lalo na ang kabataan. Kabataan din ang nanguna sa makasaysayang rallies ni dating Bise Presidente Leni Robredo, isiniwalat, inihayag, isinigaw at pinatunayan ng henerasyong ito kung ano ang mga magagandang programang maaaring makapagpapabago sa bansa na kahit hindi pinalad manalo, patuloy pa rin ang pagsulong ng pampublikong serbisyo at malawakang bolunterismo na sinimulang palawakin pa nang husto nitong Hulyo 1 Ang 'Angat Buhay Program'
Hindi man pinapakinggan sa maraming bagay at minamaliit sa malalaking argumento ang henerasyong ito, laging tandaan na minsan tama ang mga nakatatanda, at madalas nasa wasto rin ang mga kabataan kaya dapat lang na pakinggan ang bawat isa dahil aalingawngaw pa rin ang tinig ng katotohanan mula sa mga kabataang ito na namulat, tumindig at hindi na muling pipikit pa.
Sa Totoo Lang
John Veril OYSON
Linisin ang Listahan
Tama lang ang gagawing paglilinis sa mga listahan ng tumatanggap ng 4Ps mula sa Department of Social and Welfare Development (DSDW) upang tuluyan nang mawala ang mga multo na hindi naman karapat-dapat sa benepisyo nang sa gayo’y tunay na mahihirap ang makikinabang sa pera ng bayan.
Punong Patnugot: Ricky V. Caballero
Pangalawang Patnugot: John Veril Oyson
Tagapamahalang Patnugot: Egieson Mirasol
Tagapamahala ng Sirkulasyon: Paul Benjie M. Delos Santos
Opinyon: Jhodie S. Conde
Balita: Keizer Nacman
Lathalain: Maria Elena Cagara
Agham at Kalusugan: Jamilah Kristen Hapis
Pampalakasan: Mecah Mae Palomu
Tagawasto: Joeren Lagunsad
Kartunista: Ivan Clein Español
Tagakuha ng Larawan: Geoff Fernandez
Photo Editor: Rey Allen Solomon
Kontribyutor: Rochelle Balmores, Janelle Despabiladero, Melanie Garcia, Emgi Mirasol, Jheremia Villajuan
Tagapayo: Ernesto L. Espanol Jr.
Head Teacher III, Filipino: Josephine G. Ballon
Punongguro I: Pompio B. Floro
Taong Panuruan 2021-2022
Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, kasalukuyang nagpapatuloy ang pagsusuri sa mga listahan ng 4Ps at 'di umano’y maaaring umabot sa 1.3M ang mawawala sa listahan.
Sinabi pa ng kalihim na marami ang nagsusumbong sa DSWD na may mga trabaho o nakaaangat sa buhay ang patuloy pa ring tumatanggap ng 4Ps, ang iba’y ginagamit lamang aniya sa sugal.
Matatandaang ginawa ang 4Ps upang mapabuti kahit paano ang buhay ng mga mahihirap na pamilyang Pilipino. Pantulong ang programang ito sa mga nagpapaaral ng anak upang masustentuhan ang mga pangangailangan sa edukasyon.
Tungkulin ng opisyales ng bawat barangay na siguraduhing malinis ang listahang isusumite sa DSWD at dapat mga lehitimong mahihirap at totoong nangangailangan ang makatatanggap ng tulong pinansyal.
Kapag napili na ang benepisyaryo, tungkulin nila na sumunod sa kondisyon tulad ng pagdalo sa Family Development Sessions, pagtanggap ng deworming pills ng dalawang beses kada isang taon, ipaiinom sa mga batang mag-aaral at higit sa lahat, ang pagpapanatili ng 85% attendance nila sa klase.
Tumatanggap ng anim na libo kada isang taon ang bawat pamilya o limang daang piso kada buwan.
Tuluyan na sanang malinis ang listahan upang mawala ang mga abusado bagkus mga lehitimong pamilya lamang ang tunay na makinabang sa kaban ng bayan.