2 minute read
Suportahan ang Guro
Masarap sa pakiramdam ang maglingkod, kaya hindi matatawaran ang sakripisyo ng mga guro sa pagaaruga at pagtuturo sa mga magaaral na hindi man nila kaanoano, itinuring naman nilang tunay na kanila, subalit parang hindi sila nabibigyan ng tamang atensyon ng ating pamahalaan, Hindi biro ang sakripisyo ng mga guro sa ginagawang paghahanda upang maihatid ang de kalidad na edukasyon lalo na’t ang gamit nila’y blended learning.
Laptop ang kailangan sa online class, kakarampot na sinasahod napupunta pa ang bahagi nito sa pagpapa-load, pagpapagawa ng laptop o desktop at magkaminsan kailangan nilang bumili, mula sa sariling pera o di kaya’y gamit ang credit card na babayaran nila sa loob ng 12 buwan.
Advertisement
Sa halip na ang sahod ilaan lahat sa pansarili at pangangailangan ng pamilya, nababawasan pa ito dahil sa kagustuhan nilang makapagbigay ng totoong serbisyo sa aming mga mag-aaral.
Panahon na rin siguro na bigyan ang mga guro ng libreng gamit, kung nagawa sa mga sundalo at kapulisan na bigyan sila ng baril na gagamitin sa pagtatanggol sa bayan, marapat lamang siguro na ang guro'y pagmalasakitan din at bigyan ng pansin ng kasalukuyang
SA GANANG AKIN
Keizer NACMAN
pamahalaan. Kailangang mamuhunan ang pamahalaan sa edukasyon. Guro ang itinuturing na pangalawang magulang sa paaralan, ang magulang minamahal, sinusuportahan, kaya bakit natin sa kanila ipagdadamot ang bagay na kayang-kaya namang ibigay ng pamahalaan para rin naman ito sa kabataan at sa susunod pang henerasyon, sana hindi ito ipagdamot sa ating mga bayani ng edukasyon - ang ating mga guro.
Itaas ang Standard
Edukasyon ang susi sa pagtatagumpay, sa mga pangarap, at sa pagsugpo sa kahirapan, subalit kung mali ang sistema sa edukasyon at sa pamamaraan ng pag-aaral ng mga kabataan, ang susi ring ito ang magiging dahilan ng pagbagsak.
Tuwing papasok ang school year, kailangang magpatala ng lahat ng mag-aaral mula Kinder, Grade 1 hanggang Grade 12. Nakatutuwang makita na sila’y nag-e-enroll sapagkat senyales ito na gusto nilang magtamo ng karunungan sa loob ng isang taon, take note po dapat tapusin ang isang grade level sa loob ng isang taon.
Pero, nakalulungkot lang na matapos mag-enrol, nawalang parang bula, sinikap ng guro na hanapin, kontakin at padalhan ng sulat at nariyan ding binisita sa bahay at pinipilit pakiusapng pumasok, mangangako, pipirma sa memorandum of agreement, subalit lahat ng effort ng guro, nawalan ng saysay.
Hindi dapat kinakalimutan ng mga anak at magulang, na ang pag-e-enroll, may kaakibat na responsibilidad, ito ang PUMASOK, MAKILAHOK sa TALAKAYAN, at MAGSUMITE ng mga WEEKLY OUTPUT, ito ang gagawing basehan ng guro sa pagbibigay ng marka kung may natutuhan ba o wala.
Sa kasamaang palad, guro pa ang nasisisi sa pagiging iresponsable ng ilang mag-aaral. At ang tanong, “ano ginawa mo?” Ginawa mo ba lahat para makontak ang bata at magulang?
Ha!" Kasalanan pa rin ba ng guro kung mismong magulang at anak ang ayaw makipagtulungan sa guro? Paki-explain po. Ang siste, nagiging bulok ang edukasyon dahil sa ilang mag-aaral na bulok din ang pamamaraan. Imagine, gustong tapusin ang school year sa loob lamang ng isa, dalawa o tatlong araw. Nagpapakita sa dulo kung kailan tapos na ang