Ang Hardin : Hunyo - Disyembre 2014

Page 1

Regulasyon ng paaralan, inamyendahan Ni Angela Fariñas Upang makatugon sa DepEd Child Proctection Policy at Anti-Bullying Act ng 2013 sumailalim sa pagbabago ang mga regulasyon sa FCLNHS matapos ang limang buwang masusing pag-aaral. Kasabay ng pagdating ng bagong punong-guro na si Gng. Aqui- lina Monte ay ang siya ring pagpapatupad ng mga bagong patakaran at alituntunin sa paaralan. Ayon kay G. Michael Santos, Vice Chairperson ng Policy Review Committee ng paaralan, halos 10 taon na mula nang huling amyendahan ang mga batas na pinaiiral sa kampus. Naging sentro ng pagbabago ang pagnanais ng pamunuan ng paaralan na maprotektahan pang higit ang kapakanan ng mga mag-aaral. “Hindi naging madali ang pagpapatupad ng mga bagong regulasyon dahil kinailangan nitong dumaan sa maraming konsultasyon at gayundin sa pagsang-ayon ng mga miyembro

FCLNHS, muling ‘nagkailaw’ matapos ang 13 taon Pahina 2 Lipanian Iskawts, nagpakitang-gilas

PAGBABAGO: Ipinaliwanag ni G. Michael Santos ang mga bagong regulasyon sa paaralan.

Pahina 3 Guiguinto, dinalaw ni Binay Pahina 4 Ipasa na huwag puro paasa Pahina 8 Pinoy Halo-halo Lipanian Edition Pahina 14

ng faculty, pangulo ng PTA at School Heads,” dagdag pa ni Santos. Sa kabilang banda, higit na naging epektibo ang pagtugon ng paaralan sa mga lumalabag na mga estudyante sa patakaran dahil sa pagtatalaga ng mga Prefects of Discipline

(POD) sa bawat taon. Kabilang sa mga bagong talagang (PODs) sa bawat taon sina Gng. Agnes Tenorio para sa ikaapat na taon; Gng. Melissa Adzuara, grade 9; G.Marlon Caluag, grade 8; at Bb. Marivi Lobederio para sa grade 7.

Kapansin-pansin rin ang naging pagbaba ng kaso ng mga paglabag mula nang magpatupad ng disciplinary hearing ang paaralan na siyang tumutukoy sa kung anong lebel ng infraction ang nilabag at kung ano ang nararapat na aksyon.

Blue Eagles, dinagit ang Red Warriors, 3-0 Pahina 22 Malinis na record ni Algieri dinungisan ni Pacquiao Pahina 23

AKSYON AT SOLUSYON: Sinuyod at pinalalahanan ang mga tindahan sa paligid ng paaralan na nagbebenta ng sigarilyo sa menor de edad.

Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Felizardo C. Lipana

Tomo 13 , Blg. 1

Hunyo - Disyembre 2014

PTA,SSG,LGU nagkapit-bisig

Kampanya kontra pagbebenta ng sigarilyo sa menor de edad,ikinasa Ni Kenneth Gravamen Upang matugunan ang suliranin sa pagbebenta ng sigarilyo ng mga tindahan sa labas ng paaralan sa mga mag-aaral ng Felizardo C. Lipana National High School, isang information campaign ang inilunsad noong Setyembre 26. Sanib-pwersang sinuyod ng mga opisyal ng Parents Teachers Association (PTA), Student Supreme Government (SSG), opisyal ng barangay, Prefects of Discipline (PODs) sa pangunguna ni G. Michael Santos, Guidance Counselor, ang mga tindahan sa labas ng paaralan hanggang nasa 100 metrong layo. Pinaliwanagan at binigyan ng kopya ng grupo ang mga may-ari ng tindahan ng Tobacco Regulation Act of 2003 at Anti-Smoking Ordinance ng

Pamahalaan ng Guiguinto. Binigyang-diin ng grupo na ayon sa nasabing mga batas mahigpit na ipinagbabawal sa mga tindahang nasa 100 metrong layo sa paaralan ang pagbebenta ng sigarilyo lalo na sa mga menor de edad. Dagdag pa rito, idinikit ang malalaking sticker sa harap ng mga naturang tindahan na nagsasaad na “Bawal magbenta ng sigarilyo sa edad 17 pababa.” Sa ilalim ng Tobacco Regulation Act of 2003, sinumang mahuling lalabag dito ay magmumulta nang hindi bababa sa P5,000.00 at makukulong nang hindi hihigit sa 30 araw. Samantala ang Pamahalaan ng Guiguinto naman ay nagpataw ng P500.00 multa at 8 oras na pagliling-

kod sa komunidad sa unang paglabag; P1,500.00 multa at 48 oras na paglilingkod sa komunidad, sa ikalawang paglabag; at P2,500.00 na multa at 60 araw na pagkakakulong sa mga susunod pang paglabag. Napagpasyahan ang nasabing kampanya matapos maalarma ang Pamunuan ng paaralan sa tumataas na bilang ng mga mag-aaral na nahuhuling naninigarilyo sa labas ng paaralan. Umabot sa 20 tindahan ang nakausap ng grupo at lahat naman ng mga ito ay nangakong susundin ang batas. “Minsan paalala lang ang kailangan, hindi kailangang makipagtalo sa mga lumalabag. Walang hindi naiaayos sa mabuting pakikipag-usap,” wika ni Santos.

FCLNHS Mandarin Class, pinalawig Ni Marivic Crisologo Higit na maraming mag-aaral ang magbebenipisyo sa pagkatuto ng Mandarin sa ilalim ng Special Program in Foreign Language (SPFL) matapos buksan ito sa lahat ng pilot sections ngayong taon. Bunga ito nang naging magandang performans ng paaralan sa nakaraang Young Chinese Test (YCT) Level 1 kung saan lahat ng kumuhang mag-aaral ay nakapasa at 28 sa mga ito ay nakakuha ng perpektong marka. Matatandaang noong nakaraang taon ay dalawang pilot

sections lamang ang sumailalim sa Mandarin Class ang 7 Sampaguita at 8 Diamond na kapwa kumuha ng Basic Mandarin. Ngayong taon ang 8 Diamond at IV-Rizal ay kumukuha ng Intermediate Mandarin samantalang ang 7 Sampaguita at 9 Gold naman ay Basic Mandarin. Bukod kina Bb. Virginita Ibanez at Bb. Ruth Cervantes , sumailalim rin sina G. Emmanuel Manuel at G. Roi Derick Mendoza sa SPFL for Teachers na ginanap sa Confucius Institute Angeles University Foundation sa Pampanga noong Abril 21-

22. Maliban dito, hanggang sa kasalukuyan ay dumadalo pa rin ang mga nasabing guro sa mentoring and follow through sa ilalim ng isang Chinese Volunteer teacher tuwing Sabado sa Prenza National High School. Itinuturo ang Mandarin bilang kapalit ng CP-TLE sa loob ng apat na oras kada lingo. Kaugnay ang SPFL ng adhikain ng programang K to 12 ng Administrasyong Aquino na maihanda ang mga mag-aaral na Pilipino na maging globally competitive.

K to 12 pinahihinto ni Trillanes

78% Lipanians dismayado Ni Riechel Ann Suba

Lumalabas na walo sa bawat 10 mag-aaral ng FCLNHS ang hindi nasiyahan sa pagpapatigil ni Senador Antonio Trillanes sa pagpapatupad ng K to 12. Umabot sa 390 mag-aaral mula sa 500 na respondents ang nagsabing hindi dapat ipahinto ang K to 12 Program dahil makatutulong nang malaki ang karagdagang dalawang taon sa edukasyon upang mas maging handa sila sa kolehiyo at trabaho, base sa pag-aaral na isainagawa ng patnugutan ng Ang Hardin noong Oktubre 3. Kumpiyansa rin ang 65 porsyento ng respondents na magagawang tugunan ng pamahalaan ang sinsabi ni Trillanes na kakulangan sa mga guro, silid-aralan at kagamitan ng mgaestudyante. Dagdag pa rito, naniniwala si-

lang napaghandaan ng gobyerno at may sapat na pagsasanay ang mga guro para dito taliwas sa pahayag ni Trillanes na kulang sa pagpaplano at ‘maambisyon’ ang K to 12. Bagama’t nakikisimpatya ang mayorya ng mag-aaral sa sinasabi ni Trillanes na tinatayang 85,000 guro at empleyado sa mga kolehiyo na mawawalan ng trabaho kapag nagsimula ang ganap na implementasyon ng programanng K to 12 sa 2016, naninindigan ang mga respondents na napapanahon na ang naturang reporma sa edukasyon. Samantala, matatandaang dati nang tinutulan ni Trillanes ang pagsasabatas ng K to 12 Program dahil aniya sa mga problema sa sistema ng edukasyon na hindi pa nasosolusyunan.


FCLNHS, muling ‘nagkailaw’ m a t a p o s a n g 1 3 t a o n KAMPUS

S I L I P

Ni Kenneth Gravamen

Lipanian, namayagpag sa Damath Ni Francia Tamayo Naiuwi ni Prince Jolas Datoon ng 7-Jasmin ang kampeonato sa Integer Damath Eddis Level na ginanap sa DAMPOL 1ST National High School noong Agosto 5. Tinapos ni Datoon ang kompetisyon sa standing na 4-1 dahilan upang makaungos sa 23 paaralang katunggali sa Eddis II. Nakamit naman ni Datoon ang ikaapat na pwesto sa Division Level na ginanap sa Calumpit National High School noong Agosto 19. Sumailalim sa pagsasanay ni Gng. Lorena Varella si Datoon.

FCLNHS, wagi s a Te c h n o l y m p i c s Ni Francia Tamayo Nag-uwi ng parangal ang mga mag-aaral ng FCLNHS sa Eddis II Technolympics noong Agosto 2014. Nagsipagwagi sa naturang kompetisyon sina Leslie Ann Ramirez (IV-Rizal), kampeon sa Tarpaulin Designing at James Allen DC Santos (9-Gold), ikaapat na pwesto sa Web Page Designing. Sinanay nina Gng. Rossini Magsakay at Gng. Regina Verde ang mga nabanggit na mag-aaral

Mga batang Einstein ng Lipana, nagpasikat sa Mathcom Ni Danica Castro Muling ipinakita ng mga magaaral ng FCLNHS ang kanilang tinik sa Matematika matapos umani ng karangalan sa nakaraang Division at Eddis Level ng Math Com. Naiuwi nina Kenneth Gravamen, 8-Diamond ang ikalawang pwesto at Brian dela Torre , 9-Gold, ang ika-4.5 na pwesto sa Division Level na ginanap sa Balagtas National Agricultural High School noong Agosto 29. Nauna rito, itinanghal na 2nd Overall Winner ang FCLNHS sa Eddis Level na ginanap sa Guiguinto National Vocational High School noong Agosto 27 matapos masungkit nina EJ Esguerra, 7-Sampaguita, ang ikaanim na pwesto; Gravamen, ikalawang pwesto; Dela Torre, ikatlong pwesto at Jeremy Seda, IV-Rizal, ikalawang pwesto. Sumailalim ang mga nagsipagwaging math wizards sa pagsasanay nina Gng. Vilma R.Figueroa, G. William Cruz, Gng. Imelda Santoyo at Gng. Josephine Valencia.

Marcos, bumida KBS Rewaynd Ni Danica Castro Hindi nagpahuli ang FCLNHS sa Kanta, Balagtasan, Sayaw (KBS) Rewaynd matapos makuha ni Jay Russel Marcos ang ikalawang pwesto sa pag-awit ng kundiman na ginanap sa DepEd 3rd floor Division Office noong Agosto 13. Pinahanga ni Marcos ang mga hurado sa Eddis Level sa kanyang rendisyon ng awit na ‘Pahiwatig’ ni Nicanor Abelardo. Muling napabilib ni Marcos ang mga hurado matapos awitin ang ‘Kung Hindi Man’ ni Abelardo at masungkit ang ikaapat na pwesto sa ginanap na Division Level ng KBS Rewaynd noong Setyembre 11. Maliban dito si Marcos ay isa ring National Winner ng 2014 National Music Competition for Young Artists (NAMCYA). Ang KBS Rewaynd ay isa sa mga tampok na kompetisyon sa isang linggong pagdiriwang ng Pista ng Singkaban 2014.

NGITI NG KASIYAHAN: Labis ang kaligayahan ni Bb. Aquilina Monte nang sa wakas ay makapaglilingkod na siya sa tinubuang bayan.

Muling nagkaroon ng ilaw ng tahanan ang FCLNHS sa katauhan ni Bb. Aquilina R. Monte makaraan siyang maitalaga bilang bagong punong-guro III ng paaralan. Ito ay makalipas ang 13 taon matapos dalawang sunod na haligi ng paaralan ang naglingkod sa katauhan nina Dr. Rodrigo Jimenez at ang kareretiro lamang na si G. Edgardo J. Mendoza. Sa kanyang pagdating, isang maikli subalit makabuluhang programa ang inihanda ng mga guro at kawani ng paaralan. Kasama sa mga pormal na tumanggap sa bagong punong-guro ang mga opisyales ng PTA at ng barangay sa pangunguna ni Kapitan Ponciano Pingol. Nagpahayag siya nang lubos na kagalakan dahil matapos ang mahabang panahon ay makapaglilingkod na siya sa wakas sa sariling

bayan. “Lubos po ang aking kaligayahan na sa wakas ay nakauwi na ako sa aking sariling bayan, ako po ay tubong Guiguinto at sa mahabang panahon ay naglingkod sa iba’t ibang bayan pero ngayon na ako ay nandito na ay walang pagsidlan ang aking kasiyahan,” wika ni Monte. Inilahad din ng bagong punongguro ang mga bagay na magiging prayoridad niya sa paaralan, una na dito ay ang maayos na pamumuno at pamamalakad. Layunin din niyang maiangat ang partisipasyon ng mga mag-aaral at ang kalidad ng pagtuturo ng mga guro. Dagdag pa rito, nais din niyang makilala pang higit ang paaralan sa pamamagitan ng pagtatagumpay sa mga kompetisyong nasyonal, pang rehiyon, maging sa lalawigan at distritong nasasakupan.

483 na Grade 9, inakay sa tuwid na daan Ni Marivic Crisologo

Dahil lamang ang may alam muling isinailalim ni G. Michael Santos, Guidance Counselor, ang humigit-kumulang sa 483 mag-aaral ng grade 9 sa isang career guidance seminar. Ayon kay Santos, maraming kabataan ang karaniwang nagkakamali sa pagpili ng kurso dahil limitado ang nalalaman nilang pagpipilian. Sa loob ng limang taon na isinasagawa ang career seminar, nananatiling puro chef at guro ang pinipiling kurso ng mga bata dahil mababaw ang kaalaman nila sa iba pang trabahong available sa labas,” wika ni Santos. Layunin ng career guidance seminar na maipaunawa sa mga mag-aaral ang job and skill mismatching at magabayan ang mga mag-aaral sa pagpili ng kursong nababagay sa kanila. Ang nabanggit na seminar ay tumatagal ng kalahating araw, ang mga bata ay sumasailalim sa isang

workshop kung saan sila ay hinahayaang planuhin ang kanilang gustong karera at subukin kung tumutugma ang kanilang napiling kurso sa kanilang pagkatao. Pagkaraan nito, nagkakaroon ng realisasyon ang mga mag-aaral, mula dito muli silang bubuo ng hakbangin para sa hinaharap. Samantala, bunga ng intensibong implementasyon ng programang Career Guidance Seminar ay nagwagi ang Bulacan sa Search for 38th People Management Association of the Philippines (PMAP) Awards sa kategoryang People Program of of the Year in Public Sector. Sa taong 2015, higit pang palalawigin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, DepEd-Bulacan, Provincial Youth Sports Employment Culture Arts Tourism Office at Provincial Public Employment Office ang programang ito upang higit pang maging epektibo at maiwasan ang suliranin ukol sa job and skill mismatching.

Lipanians, umindak para sa mas malusog na pamumuhay Ni Camille Serano Sabay-sabay na umindak ang 1,196 na mag-aaral ng FCLNHS bilang pakikibahagi sa 2014 Wellness Campus Program. Makaraang matagumpay na maisagawa ang 2013 Wellness Campus Program sa National Capital Region (NCR) na nilahukan ng 714,000 mag-aaral mula sa 250 pampublikong paaralan higit na mas pinalaki ang programang ito ngayong taon. Apat na rehiyon na ang kabahagi ngayong taon ng naturang programa, nadagdag sa NCR ang Region 4A-Calabarzon, Region 5 Bicol Region at Region 3- Central Luzon, tinatayang nasa 2.4 milyong mag-aaral mula sa 2,201 pampublikong paaralan ang kalahok nga-

yon. Layunin ng Wellness Program na mahikayat at maitimo sa isipan ng mga mag-aaral ng hayskul ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Wellness Lifestyle. Nagsimula ang programa noong Hulyo at tatagal hanggang sa Disyembre 15 kung saan ang Wellness Music at Dancersise ang siyang patutugtugin habang nagsasagawa ng pag-eehersisyo tuwing flag ceremony. Lahat ng mag-aaral na lumahok sa programa ay pinagsumite ng waiver at parental consent form. Ang 2014 Nestle Wellness Campus ay magkatuwang na programa ng Department of Education at Nestle Philippines Inc.

BALIKATAN: Sinuguro ni Mayor Boy Cruz Jr. na suportado niya ang mga programa ng FCLNHS.

Sariling bersyon ng SONA, idinaos ng FCLNHS Ni Camille Serano Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsagawa ang pamunuan ng FCLNHS ng State of the School Address sa pangunguna ni Bb. Aquilina Monte, punong-guro III, noong Hulyo 8. Lumahok sa nasabing programa ang mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Guiguinto sa pangunguna ni Mayor Ambrosio Cruz kasama sina Vice Mayor Banjo Estrella, Kon. Aracelli Villanueva, Tagamasid Pansangay Gng. Josefina Natividad, Kapitan Ponciano Pingol, mga kagawad ng barangay at mga opisyal ng PTA. Inilatag ni Bb. Monte ang mga tagumpay na nakamit ng paaralan sa pagsisimula ng programa mula noong 2012 hanggang 2014 sa larangan ng akedamiko, sining at isports. Inisa-isa rin ng punong-guro ang mga pangangailangan ng paaralan sa kasalukuyan tulad ng

rehabilitasyon ng mga kawad ng kuryente, pagkakabit ng electrical transformer, pagpapalit ng motor ng water pump at pagsesemento ng mga daanan ay ilan lamang sa mga nabanggit. Naging paksa rin sa summit ang mga planong program sa paaralan ilan dito ay ang feeding program, pagdaraos ng misa bawat kwarter, pagbuo ng chorale at dance troupe at recollection para sa mga magaaral sa ikaapat na taon. Isinagawa ang Education Summit ayon sa kautusan ng Pamahalaang Bayan ng Guiguinto upang malaman ang mga pangangailangan ng paaralan, masuportahan ng pamahalaan ang mga proyekto at programa na nais isulong ng paaralan at makatulong sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang kagamitang pampagtuturo sa mga paaralan.

Mabuting Samaritano, bumisita sa FCLNHS Ni Kenneth Gravamen Sinalubong ng makukulay na banderitas at bandila ng bansang Hapon at Pilipinas ang pagdating ni Engr. Hoshirou Nakamura sa FCLNHS noong Oktubre 16. Isa ang FCLNHS sa mapalad na paaralan na nabisita at nakatakdang tumanggap ng mga laptop mula kay Nakamura. Bumibisita si Nakamura sa mga pampublikong paaralan sa bansa upang magpaabot ng tulong sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga bagong istratehiya sa pagtuturo ng Agham at pagbibigay ng mga

laptop na maaaring magamit ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Isang katutubong sayaw ang inihandog ng mga guro ng Agham kay Nakamura bilang pasasalamat sa pagtugon nito sa hiling ng paaralan na maging isa sa mga piling benipisyaryo ng programa nito. Inaasahang tatangggap ang paaralan ng hindi bababa sa 20 laptop bago matapos ang taon. Nauna nang nakatanggap ang Pritil Elementary School sa Guiguinto ng 40 laptops mula kay Nakamura

MAAGANG PAMASKO: Napili ni G. Hoshirou Nakamura ang FCLNHS na isa sa kanyang mga benipisyaryo.


LAGING HANDA: Buo ang loob na ipinamalas ng mga Lipanian iskawts ang husay ng kanilang ‘Yell’.

2 Lipanians, naglingkod sa Pamahalaang Bayan ng Guiguinto Ni Marivic Crisolgo

Lipanian Iskawts, nagpakitang-gilas Ni Marivic Crisologo Nakipagsabayan sa pagpapamalas ng kanilang husay at talento ang mga Iskawts ng FCLNHS sa 16th Bulacan Council Provincial Jamborette. May temang Scouting is Education for Life ang anim na araw na Jamborette na ginanap noong Disyembre 2-7 sa campsite sa Brgy. Bayabas, Doña Remedios Trinidad. Sa loob ng dalawang araw, sumailalim ang mga iskawts sa apat na pangunahing aktibidad una na rito ang Conquer DRT, Go Green, First Aid at paggawa ng poster at islogan. Bawat munisipalidad ay nagtanghal ng isang presentasyong nagtatampok sa kani-kanilang kultura kung saan pinili ang pinakamahusay na grupo na kumatawan sa kanilang sub-camp sa grand cultural presentation. Nagdaos rin ng isang open

house activity na nagtampok sa mga palarong Pinoy at pagluluto ng kani-kaniyang natatanging putahe ng bawat iskawt na ipinatikim nila sa ibang iskawts. Pinatingkad ang Jamborette ng Scouts’ Nanay at Tatay Day kung saan inimbitahan ang mga magulang ng mga batang iskawts upang makasalo sa mga wellness activity, boodle fight at masaksihan ang mga pagtatanghal ng mga iskawts. Naniniwala ang Bulacan Scout Council na ang suporta ng mga magulang ay kinakailangan upang higit na maisapuso ng mga iskawts ang mga aktibidad nila. Hindi natapos ang anim na araw na gawain nang hindi natutunghayan ng mga iskawts ang kultura, tradisyon at talento ng mga DRTeños na ipinamalas sa isang pagtatanghal na tinawag na gabi ng DRT.

Manuel, pinarangalang natatanging guro ng Rehiyon 3

Dalawang mag-aaral ng FCLNHS ang nabigyang pagkakataong magserbisyo sa Pamahalaang bayan ng Guiguinto matapos mahalal na opisyal ng Boy/Girl Municipal Level. Naitalaga bilang Boy Konsehal ng Bayan si Adrian Casipi ng IV-Del Pilar habang Girl Municipal Auditor naman si Charlotte Ann Mendoza ng IV-Ponce sa halalan na ginanap sa Municipal Session Hall nitong Nobyembre 18. Gumanap sa kanilang sinumpaang tungkulin sina Casipi at Mendoza noong Disyembre 1 hanggang 5. Bago ang nasabing halalan ay nauna nang napili bilang Boy/Girl Barangay Representative sina Casipi na mula sa Bry. Ilang-Ilang at Mendoza na mula sa Brgy. Pritil. Layunin ng Boy/Girl Official na magkaroon ng kaalaman ang mga kabataan sa kung ano ang maaaring magawa para sa kanila

ng gobyerno at kung ano ang magagawa niya para sa pamahalaan; upang mabigyan sila ng oportunidad na magampanan ang kanilang tungkulin sa komunidad na kanilang kinabibilangan; at mahubog ang kanilang kamalayan sa magiging gampanin nila sa hinaharap bilang mga responsableng pinuno at mamamayan. Taunang isinasagawa ang Boy/Girl Official alinsunod sa Presidential Proclamation No.99 s. 1992 na nagtatakda sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan tuwing buwan ng Disyembre. Naisakatuparan ang gawaing ito sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports, Employment, Arts, Culture and Tourism Office (PYSEACTO) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd) at Commission on Elections (COMELEC).

Bayanihan, natatanging ugaling Pinoy ayon sa 59% Lipanians Ni Camille Serrano Nakararaming mag-aaral ng FCLNHS ang pumili sa Bayanihan bilang pinakamagandang ugaling Pilipino batay sa sarbey na isinagawa ng patnugutan ng Ang Hardin nitong Nobyembre 10. Isinagawa ang nasabing pananaliksik kaugnay sa pagdiriwang ng Filipino Values Month nitong Nobyembre. Nataon din ang sarbey sa anibersaryo ng pananalasa ng super bagyong Yolanda sa bansa kung saan naipakita ng mga Pilipino na ang diwa ng Bayanihan ay matibay sa mga Pilipino at laging handang tumulong sa panahon ng pangangailangan.

Dagdag pa rito, naniniwala ang naturang mga respondents na muling makakabangon ang mga Pilipino sa anumang pagsubok dahil likas sa mga Pinoy ang ugaling pagdadamayan. Maliban sa Bayanihan, kabilang rin sa mga isinagot ng mga mag-aaral sa nasabing sarbey ang pagiging maka-Diyos 31%, pagmamahal sa pamilya 6% at pagiging magalang 3%. Itinalagang Filipino Values Month ang Nobyembre alinsunod sa Presidential Proclamation 479 upang lumikha ng kamalayang moral at pambansang kaalaman sa human values na positibong Pilipino.

TULOY ANG LABAN: Higit pang naging intensibo ang kampanya ng FCLNHS kontra dengue.

Ni Danica Castro Tumanggap ng pagkilala mula sa Department of Education (DepEd) ng Rehiyon III si G. Emmanuel Manuel matapos magwagi sa 2014 Search for Outstanding Elementary and Secondary Teachers. Iginawad kay Manuel, guro sa Ingles sa ikaapat na taon ang parangal sa Nayong Pilipino, Clarck Freeport Zone, Pampanga noong Disyembre 3. Nakamit niya ang nasabing pagkilala matapos manguna sa masusing ebalwasyon kung saan binigyang-puntos ang haba ng paglilingkod, pagiging miyembro o

coordinator ng technical committee, kontribusyon sa Deped sa pamamagitan ng proyekto sa inobasyon at action research, at ang istorya ng katapatan, debosyon at sakripisyong ibinigay niya para sa mga mag-aaral at komunidad. Inilunsad ng DepEd ang naturang kompetisyon kaugnay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day. Isinagawa ito bilang pasasalamat at pagkilala sa mahalagang gampanin ng mga guro, katapatan sa paglilingkod at dedikasyon sa paghubog ng mga kabataan.

CAT ibinalik

Lipanians, hinubog na maging mas mabuting indibidwal Ni Francia Tamayo Makalipas ang halos isang dekada muling nagkaroon ng Citizenship Advancement Training (CAT) para sa mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon. Isa itong hakbang na naglalayong mapataas ang kamalayan ng mga kabataan sa kanilang gampanin sa lipunan; maihanda sila upang mas maging kapaki-pakinabang na mga mamamayan; mahubog ang diwa ng pagkamakabayan; at makapagpamalas ng disiplinang pansarili. Isinasagawa ang CAT pagkatapos ng klase mula 3:30-4:30 ng Hapon tuwing araw ng Miyerkules, Huwebes at Biyernes. Pinangungunahan ang mga batang kadete nina Platoon Lead-

er Patricia Ann Manzano, IV-Paterno, Mary Grace Amador, Clariza Panlilio at Mary Rose Ganiboa mga mag-aaral mula sa IV-Aquino. Ayon kay CAT Commandant Regalado Hernandez, higit na naipakita ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon ang pagnanais na maitaas ang antas ng pagiging responsible at mabuting kabataan sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga gawain ng paaralan at komunidad. “Naipakita rin nang higit ang pagiging makabayan at makakalikasan ng mga mag-aaral , ang lahat ng ito ay dahil sa nakapokus ang CAT sa leadership, followership at personal discipline,” dagdag pa ni Hernandez.

Pinaigting

FCLNHS, tuloy ang laban kontra dengue Ni Kenneth Gravamen Higit pang pinaigting ng FCLNHS ang pagkilos nito laban sa mga lamok na nagdadala ng dengue. Sa tulong ng mga opisyal at miyembro ng Youth for Environment in School (YES-O) ay lingguhang naglalagay ng mga Orvicidal Larvicidal (OL) Trap sa mga silid-aralan at sa mga lugar sa paaralan na maaaring pamahayan ng mga lamok. Inaakit ng mga OL Traps ang mga lamok upang dito mangitlog pagkaraa’y pinapatay ang mga itlog na ito upang makontrol ang pagdami ng mga lamok. Mula sa dating anim na buwang paggamit ng OL Traps at pag-oobserba sa mga ito, isasagawa na ito sa buong taong pampaaralan. Naglagay rin ang YES-O ng isang vertor surveillance chart sa paaralan kung saan makikita ng mga mag-aaral ang mga lugar na may pinakamaraming nakuhang itlog ng la-mok. Batay sa nabanggit na monitoring chart natutukoy at higit na nabibigyang-pansin ang mga silid

aralan at lugar na nangangailangan ng ibayong paglilinis upang hindi pamugaran ng lamok. Patuloy ang pagsusulong ng DepEd at Department of Science and Technology (DOST) sa kampanya kontra dengue matapos Makita ang positibong dulot nito. Batay sa tala, sa loob ng dalawang magkakasunod na taon, malaki ang naitutulong ng OL traps lalong-lalo na sa panahon ng tagulan kung saan napabababa ang porsyento ng dami ng lamok sa lahat ng mga paaralang nabigyan nito. Dagdag pa rito, base sa mga isinagawang pagsusuri, kung gaano karami ang lamok na tumitira sa isang lugar ay gayundin karami ang mga lamok na namamatay sa mga lugar na nilagyan ng OL Traps. Mula nang simulan ang hakbang na ito noong 2012, masasabing epektibo ang OL Traps matapos makapagtala ng ‘zero cases ‘ ng dengue sa mga paaralang napamahagian nito.

KAMPUS S I L I P

M g a g u r o n g F C L N HS, n ag - z u m b a p ar a sa m g a b atan g u l i l a Ni Kenneth Gravamen Humataw sa zumba ang mga guro ng FCLNHS upang makatulong sa mga batang ulila na nasa Tahanang Mapagkalinga ni Madre Rita noong Nobyembre 24. Inilunsad ng grupong Jigster na binubuo ng mga ina, dalaga at estudyante ang proyektong Zumba for a Cause upang mapasaya ang mga batang ulilangayong darating ng kapaskuhan. Bawat gurong lumahok sa zumba ay nagbayad ng ticket na nagkakahalagang P50.00 na ipambibili ng regalo at pagkain.

Iba’t ibang gawain sa pagbabasa, isinagawa Ni Danica Castro Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika nitong Nobyembre nagdaos ng iba’t ibang gawain sa FCLNHS upang pukawin ang interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa. Nagkaroon ng paligsahan sa reader’s theater, masining na pagkwewento na may shadow at puppet show at readathon na nilahukan ng mga mag-aaral sa bawat antas. May temang Nasa Pagbasa ang Pag-asa ang pagdiriwang ng Buwan ng Pagbasa ngayong taon.

Press Con

FCLNHS, humakot ng panalo Ni Danica Castro Nagwagi sa iba’t ibang kategorya ang mga manunulat ng Ang Hardin ng FCLNHS sa ginanap na Eddis at Division Secondary Schools Press Conference. Itinanghal na kampeon si Kenneth Gravamen (8-Diamond) sa Pagsulat ng Balita sa Eddis II PressCon na ginanap sa FCLNHS noong Hulyo 25. Kasama ring nagwagi ang mga mag-aaral mula sa IV-Rizal sina Jacquie Java, ikatlong pwesto sa Pagsulat ng Lathalain, Cim de Lima, ikasiyam na pwesto, Pagsulat ng Agham, Ellaine Calacat, ikalabindalawang pwesto, Pagsulat ng Editoryal. Nasungkit naman ng mga mag-aaral ng IV-Luna ang panalo sa Pagguhit ng Editoryal Kartun na sina Ellen Moore Delocanog, ikasiyam na pwesto, Arjon Morales, ikalabinwalong pwesto habang nakuha naman ni Janina Vianca Figueroa ng III-Gold ang ikasiyam na pwesto sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita.

Santos, mga guro sa TLE, handa na sa hamon ng Senior High School Ni Kenneth Gravamen Matapos maging delegado sa ika66 na Taunang Pambansang Kumperensya at Pagsasanay ng mga guro sa Home Economics ang Pang-ulong Guro ng Technology and Livelihood Economics (TLE) ng FCLNHS na si Gng. Rebecca Santos kasama ang tatlo pa niyang mga guro ay handa na sila sa mga hamon ng Senior High School. Kabilang sa dumalo sa nabanggit na pagsasanay sa Davao City sina Gng. Regina Verde, Gng. Jocelyn Sarmiento at Gng. Jennifer Castro. Ayon kay Santos, ang pagtitipon ngayong taon ng Philippine Home Economics Association (PHEA) ay naglalayong masiguro na ang mga guro ay may angkop at sapat na kaalaman ukol sa mga pagbabago kaugnay ng Senior High School Curriculum (SHS) .


Guiguinto, dinalaw ni Binay Ni Francia Tamayo

R O N DA

BULAKENYO Phl Arena, ipinagmalaki ni PNOY Ni Kenneth Gravamen “Patunay ang Philippine Arena sa tayog ng mithiing kayang maabot ng Pilipino at sa kakayahan nating makipagsabayan sa mundo.” Ito ang buong pagmamalaking pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III matapos niyang pangunahan ang pambungad na palatuntunan sa pagbubukas ng pinakamalaking indoor theather sa mundo. Tinatayang umabot sa $200 milyon ang pagpapatayo ng istrakturang ito na pag-aari ng Iglesia Ni Cristo.

Taiwan, naghandog ng pagmamahal

Bumisita sa bayan ng Guiguinto bilang bahagi ng kanyang palengke tour si Bise Presidente Jejomar Binay nitong Nobyembre 17. Sinalubong si Binay nina Vice Mayor Banjo Estrella at Konsehala Evangeline Villanueva kasama ang mga kapitan ng bayan ng Guiguinto sa pangunguna ni Malis Bgry.Captain Cezar Mendoza. Agad na dumiretso sa Golden Market sa Cruz ang Bise Presidente upang makadaupang-palad ang mga Guiguinteño. Dinumog naman ng mga Guiguinteño ang naturang pagbisita at bukas namang nakipagdayalogo sa kanila ang Bise Presidente. Ayon kay Binay ang mga palengke ang target ng kanyang paglilibot dahil dito ay nagkakaroon siya ng oportunidad na makasalamuha

ang lahat ng uri ng tao at marinig ang kanilang mga hinaing. Malapit din kay Binay ang palengke dahil ayon sa kanya nagbabalik ito ng alaala ng kanyang kabataan kung saan siya ang ang namamalengke ng mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Sinasabi naman ng mga kritiko ni Binay na ito ay isang maagang pangangampanya bunsod ng bumababa nitong rating dahil sa mga kinasasangkutang kontrobersiya. Mariin namang pinabulaanan ni Binay ang mga naturang paratang gayundin ang isyung inaagaw niya ang titulong Mr.Palengke mula kay Department of Interior and Local Government Sec. Mar Roxas Maliban sa Guiguinto ay tumulak din ang kampo ni Binay sa iba pang bayan sa lalawigan ng Bulacan.

Brgy. Sta. Rita, kakasa sa KKK Challenge Ni Marivic Crisologo

Ni Camile Serrano Sa ikatlong pagkakataon ay nakatanggap ng donasyong bigas ang Bulacan mula sa Taiwan. Pormal na tinanggap ang naturang donasyon sa isang seremonyang tinawag na Love From Taiwan na ginanap sa Bulacan Capitol Gym noong Hulyo 13. Ipamamahagi ang 2,000 sakong bigas na may bigat na 10 kilo bawat isa sa mga miyembro ng Bulacan Federation of Jeepney Operations and drivers Association (BFJODA), Integrated Opreations of Tricycle Operatorsa and Drivers Association (TODA), ilang persons with disability (pwds), mga beterano, senior citizens at mga Dumagat.

Bulakenyo sabaysabay nanalangin Ni Camile Serrano Tinatayang nasa 3,000 Bulakenyo ang sabay-sabay na nanalangin para sa pagkakaisa nitong Setyembre 5. May temang Kapayapaan Bulacan, Itataguyod ng Pamahalaan at Mamamayan ang naturang prayer rally na inorganisa ng Four Pillars at iba pang religious group upang humingi ng paggabay, proteksyon at kapayapaan sa gitna ng sunod-sunod na karahasan sa lalawigan.

Lugaw caravan, umarangkada Ni Marivic Crisologo Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng Lugaw Caravan bilang bahagi ng mga gawain nito sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon. Maliban dito, nagsagawa rin ng pagmomonitor sa mga gawaing inilunsad sa mga paaralan at munisipalidad kaugnay ng nasabing pagdiriwang.

Paskong Bulakenyo, nagsimula na Ni Kenneth Gravamen Pinangunahan ni Korina Sanchez ang daang-daang Bulakenyo sa pagpapailaw ng 50-foot na higanteng Singkaban Christmas Tree sa Bulacan Capitol Park bilang hudyat ng pagsisimula ng Paskong Bulakenyo. Ayon kay Sanchez malapit ang lalawigan ng Bulacan sa kanyang puso sa katunayan ay anim na beses na siyang nakapasyal sa lalawigan, humanga ang brodkaster sa mahusay na pagbangon ng mga Bulakenyo sa pagkakasadlak sa anumang pagsubok at kalamidad. Ipalalabas sa programang Rated K ng ABS-CBN ang taunang tradisyon na ito ng mga Bulakenyo na naglalayong higit na mailapit ang diwa ng Kapaskuhan sa mga puso ng mamamayan ng lalawigan.

MAINIT NA PAGTANGGAP: Nakipagdayalogo si Bise Presidente Jejomar Binay sa mga Guiguintenyo sa palenke ng Crus

KAPIT-BISIG: Hinimok ni Kap. Poncing Pingol ang mga mamamayan ng Sta. Rita na magtulong-tulong sa krusada sa kalinisan. Puspusan ang paghahanda ng Brgy. Sta.Rita sa pangunguna ni Kapitan Ponciano Pingol matapos pormal na ilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang Kalinisan at Kaayusan ng Kapaligiran sa Barangay (KKK). Sa pulong na dinaluhan nina Gng. Daisy Miranda at Gng. Berna-

dette M. dela Cruz nitong Setyembre, inilatag ni Kap. Pingol ang mga target nitong gawin bilang paghahanda sa KKK Kabilang na rito ang maayos na paghihiwa-hiwalay ng mga basurang nabubulok, hindi nabubulok at nareresiklo. Inilunsad ang naturang programa upang paigtingin ang pa-

kikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa lalawigan. Ayon kay Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado bahagi ang KKK ng kanyang Seven Point Agenda na naglalayong maprotektahan, mapanatili at masiguro ang kalinisan at kaayusan sa komunidad. “Cleanliness is next to Godliness. Tungkulin nating pangalagaan at panatilihing malinis ang ating kapaligiran, dahil ito ay hiram natin sa Maykapal. Magsama-sama at magtulungan tayo na panatilihin na malinis, maganda at may kaayusan ang ating abang lalawigan na makatutulong sa ating pag-unlad,” wika ni Alvarado. Ayon naman kay Provincial Administrator, Eugenio Payongayong, Puno ng Provincial KKK Task Force, tatlong Natatanging Barangay sa Kalinisan at Kaayusan ng Kapaligiran ang pipiliin sa bawat bayan at syudad sa lalawigan. Pipiliin ang mga magsisipagwaging barangay batay sa sumusu-

nod na pamantayan: 50% para sa kalinisan kasama na rito ang maayos na drainage system; maayos na pagtitipon at pagtatapon ng basura at pagkakaroon ng Materials Recovery Facility; 50% para sa kaayusan kasama dito ang kawalan ng mga streamer/ posters na nakapagpapapangit sa kapaligiran, sira-sira at lumang mga construction debris; lugar para sa pagtatanim ng mga halaman at puno at organisadong barangay hall na may sistematikong pagrerekord at pagtatabi ng datos. Ang mga magwawaging Natatanging Barangay ay pararangalan sa Disyembre 15 kung saan ang magkakamit ng unamg pwesto ay tatanggap ng insentibong P20,000 at material aid na nagkakahalagang P100,000; ang ikalawang pwesto ay tatanggap ng P15,000 at material aid na P75,000 at ang ikatlong pwesto ay makakakuha ng P10,000 na premyo at P50,000 na material aid maliban dito tatanggap din ng plake ng pagkilala ang lahat ng magsisipagwagi.

Busto ni Del Pilar, nakauwi na sa sariling bayan Ni Francia Tamayo Nakabalik na sa wakas sa Bulacan ang rebulto ni Marcelo H. del Pilar matapos mabili ng Pamahalaang Bayan ng Bulakan mula sa pamilya ng dating alkalde ng Maynila na si Antonio Villegas. Si Del Pilar na kilala rin bilang ‘Dakilang Propagandista’ ay ipinanganak noong Agosto 30, 1850 sa Cupang na ngayon ay Brgy. San Nicolas, Bulakan, Bulacan. Nilikha ang nabanggit na busto ni Del PIlar ng National Artist na si Guillermo Tolentino, tanyag na Pilipinong iskultor na kilala ring may likha ng UP Oblation sa Diliman at Monumento ni Bonifacio sa Caloocan. Yari sa puting marmol ang busto ni Del Pilar na nilikha ni Tolentino noong 1938. Sa matagal na panahon ay na-

ging pag-aari ito ng pamilya ni Villegas na kaibigan ng tanyag na iskultor. Nakipag-uganayan ang Pamahalaang Bayan ng Bulakan sa pamamagitan ni Municipal Tourism Officer at Human Resource Manager Joey Rodrigo sa pamilya ni Villegas upang ito ay maibenta sa munisipyo. Isang resolusyon naman ang ipinasa ng Sangguiniang Bayan upang maglaan ng pondo sa pagbili ng obra. Pormal na naisakatuparan ang pagsasalin ng pagmamay-ari nito nang pirmahan ng ni Mayor Patrick Meneses ang kontrata. Dahil itinuturing na pambansang yaman ang obra maestrang ito ay ilalagay sa isang lugar na bubuksan para sa mga Bulakenyo.

DepEd Bulacan Performing Arts Group pasok sa NAMCYA Ni Riechel Ann Suba Itinanghal ang DepEd Bulacan Performing Arts Group na National Winner (Traditional Music Ensamble Category) sa 2014 National Music Competition for Young Artists (NAMCYA). Binubuo ang DepEd Bulacan Performing Arts Group ng mga pampublikong paaralan sa lalawigan kabilang na ang Felizardo C. Lipana National High School, Rondalla Music; San Pedro National High School, Traditional Dance; San Miguel National High School, Instrumental and Vocal Music; FF Halili Agricultural School, Vocal Music; at Prenza National High School, Instrumental and Vocal Music.

Sumailalim ang FCLNHS Rondalla sa pagsasanay ng Music Teacher ng paaralan na si Gng. Alicia Wenceslao. Dahil sa karangalang nakamit, itinampok ng NAMCYA ang grupo sa mga serye ng konsyerto at outreach program na isinagawa sa Philippine Normal University, Nobyembre 19; Philippine Women’s University, Nobyembre 20; at Cultural Center of the Philippines (CCP), Nobyembre 21. Tumanggap ang grupo ng plake at sertipiko ng pagkilala sa pangwakas na programa ng NAMCYA noong Noyembre 22 sa CCP.

SULONG KABATAAN: Ito ang hamon ni TESDA Sec. Joel Villanueva sa mga kabataang Bulakenyo.

Kabataang Bulakenyo, huwag maging pabigat - Villanueva Ni Marivic Crisologo Hinimok ni Technical Skills and Development Authority (TESDA) Sec. Joel Villanueva na maging bahagi ng solusyon at hindi ng problema ang mga kabataan sa ginanap na Hakbang Para sa Kabataan nitong Setyembre 10. “Nawa’y bilang mga kabataan na may dugong bayani ay huwag kayong maging pabigat sa pamahalaan dahil dalawa lamang ang pwedeng mangyari , ang maging bahagi ng problema o bahagi ng solusyon ,” wika ni Villanueva. Nagsimula ang naturang Alaylakad sa Barasoain Church at nagtapos sa Mini Forest, Capitol Compound. Isa ito sa mga gawain kaugnay ng pagdiriwang ng Singkaban Fiesta na naglalayong makalikom ng pondo para sa mga atleta at out-ofschool youth sa lalawigan.

Samantala, umaasa naman si Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado na higit na marami pang kabataan ang lalahok sa mga makabuluhang gawain tulad ng naturang proyekto. “Sana’y magsilbing inspirasyon at pagganyak ang aktibidad na ito upang mas marami pang samahang Pilipino ang magpatuloy sa pag-aalay ng kanyang sarili sa pagganap sa kanyang pananagutan sa kanyang sarili, sa kapwa, sa Diyos at sa ating lipunan,” ani Alvarado. Kabilang sa mga libo-libong Bulakenyong lumahok sa alay-lakad ay ang mga guro, mag-aaral ng hayskul at kolehiyo at mga opisyal at kawani ng gobyerno. Ang Hakbang Para sa Kabataan ay magkatuwang na proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Bulacan Sports Council Federation Inc.


Biak na Bato, prinotektahan kontra ilegal na pagmimina ng marmol Ni Marivic Crisologo Ipinag-utos ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado ang pag-iimbestiga at pagbabantay sa Biak na Bato matapos makatanggap ng ulat ukol sa ilegal na pagmimina ng marmol dito. Nagreklamo rin kay Alvarado ang mga katutubong Dumagat ukol sa pagsabog at pagyanig sa nabanggit na kabundukan na nagdulot sa kanila ng pagkabahala. Upang magsiyasat, sinuyod ng binuong grupo ni Alvarado kasama ang mga miyembro ng media, environment groups, Provincial Public Safety Company at mga sundalo ang naturang lugar noong Oktubre 16. Nauna rito, inatasandin ni Alvarado ang Bulacan Environment and Natural Resources Office (BEN-

PANININDIGAN: Siniguro ni Gob. Alvarado na hindi hahayaang masira ang makasaysayang Biak na Bato. RO) na magsagawa ng imbentaryo at siguruhin na walang nawawala sa 257 bloke ng tea rose marbles na nagkaroon na ng kontrobersiya bago pa siya maupo sa pwesto noong 2010. Tinatayang nasa P128,500,000 ang halaga ng mga nabanggit na

marmol. Samantala, ayon kay Bro. Martin Francisco ng Sagip Sierra Madre Environment Society, ang bahagi ng MT. Manalmon at Mt. Nabio ay nasira na dahil sa ilegal na pagmimina ng marmol. Idinagdag pa niya na kung titig-

nan ang kabundukan mula sa Biak na Bato National Park ay mukhang malago pa ang forest cover pero sa likuran nito ay mala- king bahagi na ang natapyas dahil sa pagmimina. Pinatunayan rin ni Povincial Engineer Glen Reyes, lider ng binuong grupo ni Alvarado, na may pagtatangka ngang kunin ang mga tea rose marbles matapos niyang madiskubre na may mga bagong hawan na ruta patungo sa kinalalagyan ng naturang mga marmol. Nangako naman si Alvarado sa mga Bulakenyo na masusing babantayan at hindi hahayaang masira ang lugar na naging malaking bahagi hindi lamang ng kasaysayan ng lalawigan kundi ng buong Pilipinas.

TUPAD, isinulong ng DOLE Ni Riechel Ann Suba Upang matulungan ang mga nagiging biktima ng mga bagyo sa Gitnang Luzon, inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Tulong Panghanapbuhay para sa ating Disadvantaged Workers (TUPAD). Layon ng programang ito na makatulong sa pagbangon ng mga nasalanta sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pansamantalang trabaho. Nagtalaga na si DOLE Regional Director Atty. Anna Dion ng mga field offices sa buong rehi- yon na tutugon sa pamamahala ng TUPAD Program sa mga biktima ng bagyo. Naatasan ang mga field offices na ito na gawin ang kinakaila-

ngang hakbang upang matukoy ang mga biktima ng kalamidad na nangangailangang mabigyan ng agarang trabaho. Kabilang sa mga trabahong iniaalok ng programang TUPAD ay paglilinis ng mga kalsada at kanal at paghahawan ng mga basurang iniwan ng kalamidad. Tatagal ang pansamantalang trabahong ito sa loob ng lima hanggang 10 araw kung saan babayaran ang mga manggagawa ng P336.00 kada araw. Ayon sa DOLE tinatayang nasa P32,425,120 ang inilaang pondo ng ahensya para sa implementasyon ng TUPAD sa buong rehiyon upang makatulong sa mga biktima ng bagyo.

TATAK NG KAHUSAYAN: Binati ni DILG Sec. Roxas ang kahandaan at maagang pagtugon ng mga Bulakenyo sa anumang kalamidad.

Disaster Preparedness ng Bulacan, pinuri ni Roxas Ni Christian Ferrer

ter RiskReduction and Management Council na danger o hazard zones. Nakasaad sa EO no. 12 ang pagbabawal sa pagpunta sa mga lugar na nabanggit kung panahon ng tagulan o bagyo. Dagdag pa rito, kinakailangan ring may kasamang barangay tanod mula sa bibisitahing lugar ang mga turista. Ayon kay Alvarado, ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga turista lalo pa’t ang mga nabanggit na mga lugar ay delikado at maaaring maging banta sa kaligtasan ng mga bumibisita dito.

Pagbabayad ng NBI Clearance, pwede na sa online Ni Danica Castro Hindi na kailangan pang pumila nang matagal ngayong binuksan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang online payment system nito. Una nang naipatupad ang online system sa Metro Manila at isusunod na ang iba’t ibang rehiyon sa bansa. Ayon kay NBI Director Virgilio Mendez maliban sa pagbabayad ang NBI application form ay maaari na ring makuha online. Bahagi ang naturang online

system sa programa ng NBI na mapataas ang kalidad ng serbisyo nito at masolusyunan ang suliranin sa mga fixers sa ahensya. Kasalukuyan nasa 80 establisimento na ang ka-partner ng NBI sa sistemang ito kabilang na ang mga bangko, remittance at bayad centers. Mapatapos magbayad sa mga katuwang na establisimento, kailangan lang ipakita nag resibo, sumailalim sa biometrics at makukuha na ang NBI Clearance.

Ni Kenneth Gravamen San Fernando City - Pasok sa World Robot Olympiad (WRO) International Robotics Competition na gaganapin sa Sochi, Russia ngayong Nobyembre ang isang batang tubong San Fernando Pampanga. Nagkwalipika si Joaquin Lim Galang, 11, mag-aaral ng Health Montessori Learning Center sa naturang kompetisyon matapos makuha ang ikatlong pwesto sa 13th Philippine Robotics Olympiad Open Category na ginanap noong Setyembre 12 sa SM City North Edsa. Kinilala ng lokal na pamahalaan si Galang sa pagbibigay ng karangalan sa lalawigan. Tumanggap siya ng sertipiko ng pagkilala at insentibo mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

NiChristian Ferrer

Ni Camille Ann Serrano

Kaugnay nang naganap na trahedya sa Madlum Cave sa San Miguel inilabas ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado ang Executive Order no.12, isang kautusang nagreregula sa pagbisita sa mga eco-tourism sites sa lalawigan. Itinatadhana ng nabanggit na EO a n g p a g k a k a r o o n n g koordinasyon at paghingi ng permiso sa munisipalidad at barangay kung magkakaroon ng lakbay-aral, trekking at iba pang katulad na gawain sa Madlum Cave, Biak na Bato National Park at iba pang pasyalan sa lalawigan na tinukoy ng Provincial Disas-

Pinoy Techie, tutulak sa Russia

Libreng pagkain para sa mga mag-aaral, isinulong

Pagbisita sa Eco-Tourism sites sa Bulacan nilimitahan

SEGURIDAD ANG PRAYORIDAD: Niregulahan ni Gob, Alvarado ang pagbisita sa mga Eco-tourism Sites sa lalawigan

LUZON PAT R O L

Dahil sa updated contingiency plan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management humanga si Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa ginagawang paghahanda ng lalawigan sa anumang uri ng kalamidad. Pinuri rin ni Roxas ang lalawigan dahil sa sapat na kagamitan at kaalaman ng mga reresponde sa bayan , lunsod at barangay sa kanyang talumpati sa ika-116 anibersaryo ng pagbubukas ng kongreso ng Malolos sa simbahan ng Barasoain. Nabanggit din ng Kalihim na siyang Vice Chairman for Preparedness ng National Disasters Risk Reduction and Management Council

ang palagiang pagsasagawa ng mga drill upang masanay ang mga mamamayan sa mga dapat gawin bago, tuwing at pagkatapos ng isang sakuna upang makaiwas sa mga panganib. Matatandaang noong 2013 ay nagsagawa ng Dam Break Drill kung saan libo-libong estudyante ng lunsod ng Malolos ang sinanay kung sakaling mabutas ang Angat Dam kung tumama ang 7.2 magnitude na lindol. Hin i k ay a t d i n n i R ox a s ang lahat ng lokal na pamahalaan sa buong bansa na tularan ang lalawigan na handa sa laban sa hamon ng nagbabagong panahon o climate change.

Oplan Sagip Sierra Madre, isasagawa Ni Christian Ferrer Upang maagapan ang pagkakalbo ng malaking bahagi ng kagububatan sa kabundukan ng Sierra Madre, isang malawakang pagtatanim ng puno ang ilulunsad dito. Nakikipag-uganayan na ang National Government sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa naturang proyekto. Ayon kay Bulacan 1st District Reppresentative Maria Victoria Sy-Alvarado ipatutupad na ang plano para sa tree planting activity na isasagawa sa mga kabundukan ng Doña Remedios Trinidad , Norzary at San Miguel. Dagdag pa rito, masusing nakikipagtulungan ang Pamahalaan

ng Bulacan sa DENR para matukoy ang mga lugar na unang isasailalim sa komprehensibong proyektong pangkalikasan na ito. Samantala, isinisisi naman ng Sagip Sierra Madre Environment Society (SSMES) sa talamak na illegal na pagpuputol ng puno at pagmimina ang pagkakalbo ng naturang kabundukan na siya ring tahanan ng mga katutubong Dumagat. Naniniwala naman si Gob. Wilmeno Sy-Alvarado na mahalaga ang pagsagip sa Sierra Madre sa hakbangin ng pamahalaan na malabanan ang epekto ng global warming at climate change. Aniya, nanging pananggalang ng Silangang bahagi ng Luzon laban sa malalakas na bagyo ang kabundukan ng Sierra Madre.

BALANGA CITY, Bataan - Isinusulong ni Balanga City Rep. Enrique Garcia ang pagbibigay ng libreng pagkain para sa mga mag-aaral sa kanyang distrito. Ayon kay Garcia, mayaman man o mahirap na estudyante ay gusto niyang magkaron ng libreng pagkain sa eskwela. Tinatayang nasa P500 milyong badget ang hinihiling ni Garcia mula sa pamahalaan upang maisakatuparan ang naturang proyekto. Nauna rito, libo-libong scholarship grants na rin ang naipamahagi ni Garcia sa mga mahihirap subalit matatalinong Bataeños.

Modernong Forest Nursery, itatayo sa Tarlac Ni Marivic Crisologo Tarlac City - Tinatayang nasa 1.26 ektaryang lupain sa Tarlac Recreation Park (TRP) ang target ng Modern Mechanized Forest Nursery (MMFN) Project ng lokal na pamahalaan ng Tarlac. Ayon kay Tarlac Gob. Victor Yap umabot na sa 390 milyong puno ang naitanim sa 683,000 ektarya at layon nitong makapagtanim sa 10 ektarya sa TRP bilang suporta sa National Greening Program ng Pamahalaang Aquino. Nakatanggap ang Tarlac City ng P20 milyon para sa reforestation project nito ngayong taon at umaasang makakakuha ng P100 milyon para sa 2015.

Palayan sa Nueva Ecija, maaapektuhan ng El Niño Ni Camille Serrano Nueva Ecija - Nasa panganib na maapektuhan ng El Niño ang tinaguriang Rice Granary ng Pilipinas na tinatayang may 12,558 ektarya ng lupang sakahan nitong huling kwarter ng taon. Maliban sa Nueva Ecija apektado rin umano ng tagtuyot ang Cabanatuan, Gapan, Muñoz at San Jose. Matat a nda a ng t a o ng 2009 nang huling makaranas ng El Niño ang Pilipinas na ayon sa mga eksperto ay nangyayari tuwing ikaapat hanggang ikalimang taon. Isa ang El Niño sa mga mapa- minsalang dulot ng climate change.


Dagdag na diskwento sa mga estudyante, isinusulong

BalitanG KINIPIL

Ni Janina Vianca Figueroa

Kaso ng dengue sa Bulacan, bumaba ng 56%

Ni Kenneth Gravamen Bumagsak sa 56% ang kaso ng dengue sa Bulacan kumpara sa nakaraang taon , ayon sa ulat ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU). Sa ulat ng PESU, mula sa 1,114 kaso ng dengue noong Enero hanggang Hulyo 2013 ay bumaba ito sa 494 kaso ngayong taon sa ganoon ding panahon. Samantala, naitala ang pinakamataas na kaso ng dengue sa Sta. Maria,64 na kaso, at sinundan ng mga bayan ng San Jose del Monte, Meycauayan at Malolos.

Eleksyon ng SK, tuloy na sa 2015 Ni Christian Ferrer Nagbukas na noong Setyembre 20-29 ang pagpaparehistro kaugnay ng gaganaping eleksyon ng Sangguniang Kabataan (SK) sa 2015. Sa bisa ng Comission on Election (Comelec) Resolution No. 9899 na pinagtibay noong Setyembre 5 ay pinayagan na ni Comelec Spokesman James Jimenez na makapagparehistro ang mga kabataang 15-17 anyos at mahigit anim na buwan nang nakatira sa barangay para sa SK Polls sa Pebrero 21,2015. Matatandaang noong nakaraang taon dapat isinagawa ang SK Elections ngunit nagkaroon ng panawagan sa abolisyon nito. Sa halip na tuluyang alisin, napagpasyahan ng kongreso na pagsamantalang ipagpaliban ang halalan upang magkaroon ng panahon upang makabuo at makapagpasa ng batas na magrerebisa sa SK System. Bagama’t sa kabila ng pagpapaliban ay wala pa ring nabalangkas na batas ukol sa SK sinabi ni Jimenez na kailangan nang isagawa ang SK elections.

DBM, naglabas ng P7.7 B

Kakulangan sa silidaralan tutugunan Ni Camille Serrano Inaprubahan ng Department of Budget (DBM) ang paglalabas ng P7.7 bilyong piso para sa Department of Education (DepEd) upang matugunan ang kakulangan sa silid-aralan. Mula ito sa Basic Education Facilities Fund (BEFF) na may P39 bilyong alokasyon mula sa 2014 General Appropriation Act (GAA) , ayon sa DBM. Ang naturang pondo ay ikatlo na sa naipagkaloob sa DepEd, nauna na rito ang P1.25 bilyon noong kasagsagan ng pagbangon sa hagupit ng Bagyong Yolanda at 7.35 bilyon na inilabas noong kalagitnaan ng taon.

Moral ng mga batang may kapansanan, itinaas Ni Kenneth Gravamen Kaugnay ng pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week muling nakibahagi ang FCLNHS sa taunang gawain ng mga pampublikong elementarya at sekondaryang paa r a l a n s a l a l aw i g a n p a ra maiangat ang moral mga differently-abled children . May temang “Talino at Paninindigan ng mga Taong may Kapansanan: Pasaporte sa Kaunlaran” 8th Division Assembly of Differently-Abled Children na ginanap sa SM City Baliuag nitong Hulyo.

BAGONG PAG-ASA: Libreng makapag-aaral sa kolehiyo ang top 10 mula sa mga pampublikong paaralan dahil sa Iskolar ng Bayan Act.

‘Iskolar ng Bayan’ Act, pirmado na ni PNoy Ni Christian Ferrer Nilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukala ni Sen. Allan Peter Cayetano na mabigyan ng scholarship ang mga pinakamahuhusay na estudyante sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Batay sa Iskolar ng Bayan Act of 2014 o Senate Bill 2275 ang top 10 na estudyante ng high school ay makatatanggap ng scholarship mula sa State University o Kolehiyo na kanilang papasukan. Dagdag pa rito, alinsunod sa batas na ito ang iskolar ay awtomatikong matatanggap sa napiling unibersidad o kolehiyong napili na sakop ng kanyang lalawigan. Samantala, ang Unibersidad ng Pilipinas ay hindi sakop ng nasabing batas dahil sa taglay nitong institutional autonomy.

Gayunpaman, isinasaad ng batas na dapat ay bumalangkas ang UP ng sarili nitong scholarship programs para sa Top 10 na magaaral mula sa mga pampublikong paaralan. Ayon kay Cayetano, responsibilidad ng gobyerno na bigyan ng oportunidad ang milyong-milyong kabataang Pilipino na napipilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa mataas na halaga ng edukasyon sa bansa. Dagdag pa ni Cayetano, tanging 20 porsyento lamang ng nagtatapos sa high school ang pumapasok sa kolehiyo. Ayon pa kay Cayetano, mahalaga ang pagkakapasa sa batas na ito, lalo pa’t tinanggal na ang Priority Assisstance Development Fund (PDAF) na apektado ang tinatayang 400,000 iskolar sa buong bansa.

Nais ni Senator Sonny Angara na mabigyan ng diskwento sa pagkain, medisina, matrikula at miscellaneous at iba pang bayarin kasama ang libro at kagamitan sa pag-aaral ang mga estudyante sa lahat ng antas. Magbebenipisyo sa naturang diskwento ang mga mag-aaral kung ang gross annual income ng kanyang mga magulang ay hindi lalagpas sa P150,000.00 o working student na ang sariling kita at kita ng kanyang mga magulang ay hindi lalagpas sa P150,000.00 bawat taon. Nakatalaga sa pagpili ng mga kwalipikadong aplikante ang De-

partment of Education , Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Authority sa pakikipag-ugnayan sa National Economic and Development Authority. Magkakaroon ang mga kwalipikadong estudyante ng limang porsyentong diskwento sa mga food establishment, gamot, textbook, kagamitan sa paaralan at entrance fee sa mga museo at pagtatanghal pangkultura. Sakop din ng naturang diskwento ang matrikula, miscellaneous at iba pang bayarin sa mga pinapasukang paaralan pampubliko man o pribado.

DepEd, NHA,nagkapit-bisig,

1,000 silid-aralan ipinagkaloob sa Rehiyon III,IV, NCR Bu n g a n a n g m ata g u mp ay na pagtutulungan ng Department of Education DepEd) at National Housing Authority (NHA), 1,000 paaralan ang naipatayo sa mga resettlement areas sa Rehiyon III, IV-A at National Capital Region (NCR). “Nagawa pong tugunan ng DepEd ang problema sa pagsisiksikan sa mga silid-aralan sa NCR dahil sa resettlement projects ng NHA,” pahayag ni Education Secretary Br. Armin Luistro. Idinagdag pa niya na ang pagtatayo ng mga silid-aralan ay responsibilidad hindi lamang ng DepEd kundi maging ng mga katuwang na ahensya ahensya at sangay ng gobyerno gayundin ng

mga pribadong sektor at non-government organizations. Ang pagtatayo po ng bahay at ng mga paaaralan na maipagmamalaki ay isang rebolusyon na sama-sama nating pagtutulungan,” ani Luistro. Samantala, ikinasiya naman diumano si NHA General Manager Atty. Chito Cruz na naging bahagi sila sa pagpapatayo ng mga silid-aralan para sa mga relocated communities. Sa 1,000 silid-aralan, 637 ay isasalin na sa Deed of Transfer and Acceptance habang ang 363 naman na natitira ay ganap nang naisalin sa mga DepEd Division Offices. Mula sa www.deped.gov.ph

Pilipinas, France, magkatuwang na tutugon sa Climate Change Ni Camille Serrano Nagkas undo ang P il ip inas at France sa pagbabalangkas ng konsepto at epektibong hakbang upang labanan ang banta ng Climate Change. Sa isinagawang bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Benigno Aquino III at Pangulo ng France na si Francois Hollande, nangako ang dalawang lider na babalangkas ng bagong kasunduang akma sa lahat ng bansa para sa darating na Framework Convention ng United States ukol sa Climate Change na gaganapin sa France sa 2015. Kapwa naniniwala ang mga naturang lider sa kahalagahan ng patuloy na pagkilos upang malabanan ang Climate Change. Binigyang-diin nina Aquino at

BALIKATAN: Nagkasundo ang Pilipnas at France na magtutulungan sa paglaban sa banta ng climate changce.

Hollande na nararapat nang kumilos upang matugunan ang pangangailangan lalong higit ng mga bansang lubha nang apektado ng Climate Change. “Tayo’y nasa iisang planeta at responsibilidad ng lahat, lalo na ng mga bansang may kakayahang makapag-ambag sa pagtugon sa Climate Change na makapagbalangkas ng epektibong mekanismo na susundin ng bawat bansa, bawat korporasyon at bawat indibidwal,” wika ni Aquino. Idinagdag pa niya na hindi dapat tanggapin na ang bagyong tulad ni Haiyan ay normal na pangyayari na lamang bagkus ay dapat kumilos ang lahat para sa mas maayos na mundo para sa susunod na henerasyon.

SPED Centers Act, lusot na sa Kamara Ni Francia Tamayo Pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang nagsusulong sa pagtatayo ng Special Education (SPED) Center sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. Ang House Bill 4558 o Special Education (SPED) Centers Act na konsolidasyon ng siyam na panukala na may iisang layunin ay inihain ng 47 kongresista. Isinusulong ang pagtatayo ng mga SPED Centers upang mabigyan ang mga kabataan na nangangailangan ng sapat at espesyal na atensyon upang magkaroon ng paunang

edukasyon. Layunin din nitong mabigyan ang mga magulang, caregivers at mga guro ng sapat na kapasidad na makita at maiiwas ang mga bata sa paglala ng anumang developmental disorders at disabilities at matiyak ang functional development ng mga ito. Umaasa si Baguio Rep. Nicasio M. Aliping, isa sa nagpanukala ng naturang batas na gagawa ang HB 4558 ng positibong pagbabago sa komunidad na maigawad ang katangi-tanging edukasyon at pangangalaga sa mga kabataang nangangai-

langan ng espesyal na atensyon. Sa pamamagitan ng SPED Centers Act magkakaroon ng karapatan ang mga lokal na pamahalaan na gamitin ang kanilang Special Education Fund upang masuportahan ang mga programa at gawain sa pagpapaunlad ng mga bata sa pamama- gitan ng pagbibigay ng mga libreng aklat at instructional materials sa DepEd, mga guro ng SPED at mga batang may kapansanan. Kabilang ang panukalang SPED Centers Act sa mga prayoridad ng Malacañang na maipasa sa 16th Congress.

Babanglangkas ng mga kinakailangang panuntunan sa pagtatayo ng mga SPED Centers ang DepEd sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development, Department of Interior and Local Government, Department of Health, Department of Finance at National Council on Disability Affairs sa loob ng 60 araw matapos maisabatas ang panukala. Ang SPED Act ay pagtupad sa polisiya ng gobyerno na mabigyan ng proteksyon at de kalidad ng edukasyon ang mga batang may espesyal na pangangailangan.

DepEd, AFP, inilapit ang edukasyon sa lahat Ni Camille Serrano Nagsanib-pwersa ang Philippine Army Officers Ladies Club at ang Department of Education (DepEd) sa paglulunsad ng kauna-unahang Abot-Alam Program sa mga residente ng Fort Bonifacio. Ang Abot-Alam ay isang programang naglalayong matulungan ang mga out-of-school youth (OSY) na magkaroon ng oportunidad sa edukasyon, hanapbuhay at

pagnenegosyo. Maliban sa AFP naging posible rin ang programang ito sa pakikibahagi ng mga lokal na pamahalaan, non-government organizations at iba pang ahensya ng gobyerno. Ayon kay Education Secretary Br. Armin Luistro FSC, ang Hukbong Katihan ay hindi lamang sa gyera ng armas lumalaban kundi

pati sa gyera kontra kamangmangan at kawalang-alam. “Ang atin pong pangarap ay maihayag natin sa lahat ng kampo ng Hukbong Katihan na wala nang out-of school youth,” dagdag pa ni Luistro. Bin i g y a n g - d i i n n a m a n ni Armed Forces of the Philippines Lieuteant General Hernando Iriberri na katuwang angf kagawaran

sa pagtugon sa lumalaking pangangailangan sa edukasyon at bilang tugon ay apat na opisyal ng AFP ang sasailalim sa mga pagsasanay upang makapaglingkod bilang mga tagapagturo sa mga OSY. Idinagdag pa ni Iberri na ang pakikipagtulungan sa DEpEd sa pagtulong sa mga OSY ay nagpapakita ng tunay na diwa ng bayanihan.


Santo Papa,tutulong sa pagbangon n g m g a b i k t i m a n g Yo l a n d a Ni Christian Ferrer Upang maipakita ang kanyang malasakit at maging inspirasyon sa pagbangon sa trahedyang dulot ng bagyong Yolanda nakatakdang bisitahin ang Pilipinas ng Santo Papa. Darating sa bansa si Pope Francis sa ika-15 hanggang ika-19 ng Enero makaraan ang kanyang pagbisita sa Sri Lanka. Ayon kay P. Efren Rivera,O.P. propesor ng Unibersidad ng Sto. Tomas ang layon ng pagbisita ng Santo Papa ay makasama ang mga naging biktima ng bagyong Yolanda. Pagdating ni Pope Francis sa bansa magsasagawa ng isang motorcade na patungong Apostolic Nunciature sa Taft Avenue kung saan opisyal na mamamalagi ang Santo Papa.

Magtutungo naman sa Enero 16 sa Malacañang si Pope Francis upang makipag-uganayan kay Pangulong Benigno Aquino III. Susundan ito ng motorcade patungong Manila Cathedral kung saan siya magdaraos ng misa. Magmimisa rin ang Santo Papa malapit sa Tacloban Airport sa Enero 17 at sa tanghali ay makakasalo niya ang mga mahihirap at nakaligtas sa bagyong Yolanda sa tinutuluyan ng arsobispo sa Palo. Bibisitahin rin ng Santo Papa ang Palo Cathedral at babasbasan ang Center of the Door sa Palo. Inaasahan na ang presensya ng Santo Papa ay magbibigay ng lakas at inspirasyon upang tuluyang makabangon ang mga biktima ng bagyong Yolanda sa Leyte.

Higanteng bulaklak, dinumog sa France Ni Riechele Ann Suba

INSPIRANSYON: Ang pagbisita ng Santo Papa sa mga biktima ng Yolanda ay magbibigay lakas ng loob sa mga Pilipino.

Bagong World Tree Planting Record, naitala ng Pinas Ni Marivic Crisologo Tagumapay ang Pilipinas na naitala ang Guinesss World Record na pinakamaraming naitanim na puno sa magkakahiwalay na lugar sa loob ng isang oras. Sa pamamagitan ng kampanyang TreeVolution Greening Mindanao tinatayang umabot sa mahigit kumulang 3.3 milyong puno ang naitanim ayon kay Mindanao Development Authority (MinDA) Caraga Area Manager Cecilia Triño. Naungusan ng Pilipinas ang naitalang rekord ng India noong Agosto 15,2011 kung saan nakapagtanim ng 1,945,535. Nagtulong-tulong ang 160,000 Mindanawons na binubuo ng mga estudyante, kawani ng gobyerno at mga volunteer upang maitanim ang naturang mga punla sa anim na magkakahiwalay na lugar sa Mindanao. Nasa 4.6 milyong puno ang inisyal na target na maitanim ng limang regional director ng DENR ayon kay Department of Environment and Natural Resources UnderSecretary Demetrio Ignacio. Samantala, ikinasiya naman ni MinDA Secretary Lualhati Antonino

ANGAT ANG PINOY: Muling lumikha ng bagong world record ang mga Pilipino matapos makapagtanim ng pinakamaraming puno.

na nakita niya na ang karamihan sa lumahok sa pagtatanim ay mga kabataan. “Isang magandang senyales na ang ating mga kabataan ay nagpapakita ng malasakit at pag-aaruga sa ating kalikasan. Sana’y manatili ang kanilang sigasig, karapat-dapat tayong lahat sa tagumpay na ito. Sa ating pinagsama-samang pagsusumikap ay nalampasan natin ang rekord ng India. Ngayon ay pagpapalago sa mag punong ito naman an gating tututukan,” ani Antonino. Tinatayang nasa 2.56 milyong ektarya ang ibinaba ng mga closed forest cover sa bansa noong 2013 habang nasa 1.93 milyong ektarya naman noong 2010 bunsod nang pagpuputol at pagsusunog ng mga puno, gayundin ng pagpapatayo ng mga inprastraktura at komersyal na gusali. Upang matugunan ito, naglunsad si Pangulong Benigno Aquino ng programang naglalayong makapagtanim ng 1.5 bilyong puno sa 1.5 ektaryang lupain bago siya bumaba sa pwesto sa 2016.

Pinoy Math Wizards, namayagpag sa India Ni Camille Serano

MALAKING BIYAYA: Pormal na pinagkaloob ng BOC ang mga nakumpiska nitong laptop sa DepEd.

3,195 kumpiskadong laptop, ipinagkaloob sa DepEd Ni Janina Vianca Figueroa Bilang pakikiisa sa layuning maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa, pormal nang ipinagkaloob ng Bureau of Costums (BOC) sa DepEd ang may 3,195 na laptops na tinangkang ipasok ng illegal sa bansa. Taong 2011 pa nang masamsam ang mga ASUS laptops na ngayo’y pag-aari na ng gobyerno alisunod sa seksyon 2503 ng Tariff and Costum Code ng Pilipinas na nagtatadhana na outright seizure and forfeiture (of goods) wil be infavor of the government if the discrepancy between what the importer declared and what was found by the customs examinees has a difference of 30% in terms of value,volume or weight. Inihayag ni Education Sectretary Br. Armin Luistro FSC na karamihan sa mga naturang laptop ay mapupunta sa mga guro ng Alternative Learning System (ALS) na nagpupunta maging sa mga mala-

layong lugar upang maabot ang mga out-of-school youth. Samantala, bagama’t dismayado s i B u r e a u o f C o s t u m Commissioner Sonny Sevilla na hindi naideklara nang tama ang mga halaga ng naturang kompyuter, ikinasiya naman niya na napunta ito sa DepEd. “Sa kabilang banda, natutuwa kami na makatutulong ang mga laptop na ito sa mga kabataan sa pamamagitan ng DepEd,” wika ni Luistro. Bukod sa mga guro ng ALS, makikinabang din ang mga magaaral sa pamamagitan ng DEpEd Computerization Program (DCP) at 500 sa mga ito ang ibibigay naman sa Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Coordinators sa buong kapuluan upang maging kagamitan ng mga DRRM personnel sa pagma-map ng mga paaralan sa panahon ng kalamidad.

BalitanG KINIPIL

Naibagahe pauwi ng mga Pinoy Math Wizards ang ikatlong pwesto sa 2014 Wizards at Mathematics Competition (WIZMIC) na ginanap sa Lucknow, India. Kumolekta ng 14 na medalya at apat na tropeyo ang mga batang Math Wizards mula sa naturang International Mathematics contest noong Oktubre 18-21. Nakakuha ang Pilipinas ng dalawang ginto,10 pilak at dalawang tanso sa indibidwal na kompetisyon; at tatlong first runner-up at isang second runner-up na tropeyo sa team contest. Ang mga batang Math Wizards na umani ng ginto ay sina Jose Lorenzo Abad ng Colegio San Agustin - Makati at Aiman Andrei Ku eng Zamboanga Chong Hua High School. Nakapag-uwi naman ng pilak sin Andrei Lenard Chan ng Zamboanga Chong Hua High School, Jhervey Edric Cheng ng Chiang Kai

Shek College, Kristin Angela Narag ng Colegio San Agustin - Biñan , Stephen James Ty ng Zamboanga Chong Hua High School, Audrey Gabrielle Tan ng St. Peter The Apostle School,Wesley Gavin Palomar ng Falcon School, Jodi Marcia Arcadio ng Notre Dame of Greater Manila, Hiraya Marcos ng Philippine Cultural College - Main, Gregory Charles Tiong ng St. Jude Catholic School at Cassey Jules Uygongco ng Hua Siong College of Iloilo. Habang nakakuha naman ng tansong medalya sina Jose Oliver Narvasa ng Notre Dame of Greater Manila at Jannica Allison Lim ng Zamboanga Chong Hua High School. Nilahukan ang naturang kompetisyon ng 222 mag-aaral ng Elementarya mula sa 11 bansa kabilang ang South Africa, Malaysia, Thailand, Indonesia, Iran, Kazakhstan, Nepal, Nigeria, Sri Lanka, Vietnam, Philippines at India.

Sawikaan: Selfie salita ng taon Ni Marivic Crisologo Itinanghal ang selfie bilang salita ng taon sa sawikaan 2014. Mula sa 13 salita na nominado ay nangibabaw ang selfie na ipinasa nina Direk Joey Reyes at talent manager na si Noel Ferrer. Nakuha naman ng salitang endo o end of contract na ipinasa nina David Michael San Juan at John Kelvin Briones ang ikalawang pwesto at ng Filipinas ni Rebecca Añuevo ang ikatlong pwesto. Kabilang sa iba pang nomi-

nadong salita ang bossing, CCTV, hashtag, imba, kalakal, PDAF,peg, riding-in-tandem, storm surge, at whistle blower. Noong mga nakaraang mga taon, napili na bilang mga Salita ng Taon ang canvass(2004), jueteng (2005), lobat (2006), miskol (2007), jejemon(2010) at wangwang (2012). Isinama na ng Oxford English Dictionary na nangangahulugang pagkuha ng larawan sa sarili gamit ang smartphone.

Nantes City - Dinayo ng daandaang turista ang siyudad ng Nantes sa France upang makita ang kakaiba at higanteng bulaklak na minsan lamang sa isang dekada kung tumubo. Tinatayang nasa 2,000 turista ang nagsadya sa Jardin de Plantes nitong Hulyo 1, upang makita ang Amor phophallus o mas kilala sa tawag na Titan Arum. Pinakamalaking bulaklak ito sa buong mundo na umaabot sa tatlong metro (10 piye) bagama’t ang nasa Nantes ay nasa 1.6 metro lamang. Namumukadkad ito nang minsan lamang sa isang dekada at tumatagal lamang ng 72 oras. Nagtataglay rin ang bulaklak na ito nang matinding amoy na tulad ng nabubulok na karne. Karaniwang matatagpuan ito sa Western Africa, sa mga botanical gardens at nakapagpatubo sa Nantes noong 2012.

It’s more fun in the Philippines ng DOT, kinilala sa mundo Ni Kenneth L. Gravamen Nakuha ng tagline ng Department of Tourism (DOT) na It’s more fun in the Philippines ang ikatlong pwesto laban sa mga pinakamahuhusay na marketing campaigns sa mundo at unang pwesto naman sa Asian Pacific Region. Ito ay batay sa Warc 100, isang taunang global ranking ng mga marketing campaigns batay sa performans, istratehiya at bisa ng kampanya. Ipinaabot naman ng Malacañang ang pagbati nito sa DOT.

SK, magbabagongbihis Ni Christian Ferrer Mula sa Kabataang Barangay na naging Sangguniang Kabataan nakatakdang gawing Katipunan ng Kabataan ang tawag sa SK. Ayon kay Ferdinanand ‘Bongbong’ Marcos Jr. chairman ng Senate Committee on Local Government nakatakdang ang mga pagbabago sa SK upang higit na mabigyang kapangyarihan ang mga kabataan at mapagbuti ang mga kahinaan ng sistema. Ilan pa sa mga pagbabagong pinag-aaralan sa panukalang SK bill ay ang sakop na edad na mula sa 15-25 ay itataas sa 15-30. Ayon kay Marcos ang pagbabagong ito ay magbibigay-daan sa pagkakaroon ng mga higit na matured at responsableng lider na mauupo sa pwesto.

Pinas, lumahok sa LTE Conferrence sa SG Ni Francia Tamayo Bunsod nang patuloy na pagdami ng bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng smart devices, nakibahagi ang Pilipinas sa International Conference on the Evolution of Technology sa Singapore noong Setyembre. Layunin ng pamahalaan na makadiskubre ng mga bagong paraan upang mapagbuti ang paggamit ng Long Term Evolution (LTE) sa bansa. Isa ang Asya sa may pinakamalaking LTE markets na kung saan ay aabot sa higit na 120 milyon ang gagamit ng next-generation LTE-technology pagdating ng 2015.


Editoryal

Babangon ang Pinoy Walang pagsubok ang kayang magpabagsak sa katatagan ng mga Pilipino. Ginu n i t a n g m g a b i k tima ng isa sa pinakamalakas na bagyong nanalasa sa bansa, ang bagyong Yolanda ang unang taon matapos itong humagupit sa mga lalawigan sa Visayas. Inalala nila ang pagkamatay ng mga mahal sa buhay, pati ng mga nawawalang kamag-anak na hindi pa rin natatagpuan hanggang sa kasalukuyan. Sa tala ng National Risk Reduction Management Council (NDRRMC), umabot sa 6,300 katao ang kinitil na buhay ng bagyong Yolanda. Nakapanlulumong isipin ang iniwang pinsala sa Kabisayaan, partikular na sa Samar at Leyte na pinakanapuruhan ng bagyong Yolanda. Sa loob lamang ng isang araw, nagawa nitong kumitil ng 6,000 buhay, wasakin ang halos 19,000 na kabahayan at P423 bilyong mga ari-arian. Ngunit iba talaga ang mga Pilipino, sa kabila nang natamo mula sa mga delubyo, unti-unti nang nakababangon at sumisilip ang bagong pag-asa para sa mga nasalanta. Nakuha pa rin nilang buhayin ang bayanihan na likas sa mga Pilipino at kapit-bisig na hinarap ang mga iniwang bakas ng bagyong Yolanda. Ang p a g i g i n g m a t a t a g at matibay ay tatak na ng mga Pilipino, kitang-kita ito sa mga pagsubok na nararanasa n na hinaharap ang hirap at sakit at muling nagbabangon upang makapagsimula. Nasasalamin ito sa mga biktima ng bagyong Yolanda na dahil sa pagnanais na makabangon ay hindi tumitigil sa laban at patuloy na nagsasakripisyo upang maibalik ang mga kinuha ng bagyong Yolanda para muling makapagsimula alang-alang sa mga mahal sa

buhay na umaasa sa kanila. Sa tulong ng media ay nabatid ng mga buong mundo ang dinanas na kalamidad ng Pilipinas. Bumuhos ang tulong pinansyal mula sa iba’t ibang bansa. Sunod-sunod na nagdatingan ang mga medical mission team, seach and rescue personnel inkind na donasyon at mga barko at sasakyang pandagat upang damayan ang mga Pilipino. Maging ang mga OFW ay naglunsad ng mga fund raising campaign para sa mga kababayang nasalanta ng bagyo. Umabot sa 23 bansa ang agarang nagpaabot ng kanilang tulong sa Pilipinas para rehabilitasyon ng mga nasalanta ng super typhoon na ito. Hindi na kinailangan pang manawagan ng mga Pilipino sapat na ang nasaksihan ng mundo sa pamamagitan ng pagko-cover ng lokal at international media para maipaabot ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga sinalanta ni Yolanda. Sa mga panahong ganito, naipakita ang napakalaking tulong ng media upang malaman ng buong mundo ang kalagayan at pangangailangan ng mga taong nasalanta. Sa pamamagitan rin ng media ay naipakita ng mga Pilipino na kaya nating bumangon, na tayo’y hindi basta-basta sumusuko sa anumang pagsubok na dumarating sa atin. Hindi nagtatapos sa bagyong Yolanda ang mga pagsubok na darating sa ating buhay, marami pang unos ang ating hahara- pin. Kung nalampasan natin ang matinding dagok ng bagyong Yolanda tiyak na wala tayong hindi kakayanin basta sama-sama. Marami na ang sumubok sa katatagan ng mga Pilipino, mga Pilipinong matibay na naniniwala sa kasabihang “Pagsubok ka lang, Pilipino ako.”

Ipasa na huwag puro paasa Panahon na upang maging bukas sa sambayanan kung paano ginagamit ng mga opisyal gobyerno ang pondo ng bayan at ang kanilang kapangyarihan, nararapat lamang na magkaroon ng kaalaman ang mga mamamayan sa mga kasunduan at kontratang pinapasok ng pamahalaan sa ngalan ng taumbayan higit sa lahat panahon na upang putulin ang limitasyon sa paghahayag ng impormasyon sa publiko. Nakalulungkot lamang na sa 26 na priority bills ng Malacañang ay nasa pang-18 lamang ang Freedom of Information Bill (FOI). Malinaw na hindi ito prayoridad ng kasalukuyang administrasyon at lumilitaw na malabo nang maisabatas ito bago matapos ang termino ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa 2016. Tila tuluyan na ngang nalimot ng pangulo ang kanyang pangako noong kasagsagan ng kanyang pangangampanya na maisasabatas agad ang FOI Bill. Tahasan itong sumasalungat sa sinasabi niyang pagtahak sa tuwid na daan at pagkakaroon ng transparency sa gobyerno. Kung maisasabatas ang FOI Bill, magkakaroon ng karapatan ang mamamayan na masilip ang budget na ginagamit ng halal na opisyal ng gobyerno gayundin ang kanilang Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN). Sa bersyon ng Senado ng FOI, maaaring makita maging ng mga simpleng mamamayan online ang mga dokumento, opisyal na record, sulat ng kontrata, transcript ng mga opisyal na pulong, larawan, electronic data at mga computer-stored data ng Presidente, Bise Presidente, hanggang sa mga opisyal ng barangay. Tugon na nga ito sa pagsugpo sa sandamakmak na katiwaliang

u g u ta n

Jacquie Java Punong Patnugot Kenneth Gravamen Kawaksing Patnugot Christian Ferrer Patnugot ng Balita Ellaine Calacat Patnugot ng Editoryal Cim de Lima Patnugot ng Agham Jimuel simoun Eligio Patnugot ng Palakasan Janina Vianca Figueroa Tagawasto ng Sipi Aljon Morales Ellen Moore Delocamog Pejay San Pedro Merry Chris Collamat Joana Sweet Soriao Taggaguhit

Patricia Natividad Marilord Bogate Daneelly Ann Villanueva Nicole Cervantes John Patrick Filgueras Tagakuha ng Larawan

Ko

n t r i b y u t o r

Marivic Crisologo Francia Tamayo Riechell Suva Danica Castro Je-Ann Kerlyn Antonio Angela Fariñas Jaezel Gonzales EJ Esguera Lanze Surima Camille Ann Serrano Gng. Janice A. Atenas Tagapayo

Bb. Marivi B. Lobederio Kawaksing Tagapayo

Gng. Cecile C. Reyes Pang-ulong Guro sa Filipino Bb. Aquilina R. Monte Punong Guro III Gng. Anastacia N. Victorino Pansangay na Tagapagmasid sa Filipino-Sekondarya Romeo M. Alip Ph.D., CESO V Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Bulacan

Christian Ferrer

nagaganap sa gobyerno. Kung naisabatas lamang ito nang mas maaga hindi na sana nagkaroon ng malalaking anomalya tulad ng Priority Development Assisstance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP). Dahil sa FOI, maaaring malaman ng mga mamamayan kung saan inilalagak ng mga inihalal na opisyal ang pondo na dapat ay para sa pagpapaunlad ng Pilipinas, hindi sa mga pekeng Non-government Organizations (NGO’s). Lubos na makikinabang ang masang Pilipino sa panukalang ito dahil bantay-sarado na natin ang pondong dapat ay para sa atin. Nakapagtatakang bagama’t napakaganda ng layunin ng batas na ito ay hindi ito binibigyang-pansin ng palasyo. Ganoon ba kahirap na ipasa ang FOI gayung lubhang nakabubuti naman ito para sa mga tao? Walang dudang ang FOI Bill ang ating sandata tungo sa paglaban sa abusadong pamahalaan, ito ang magbibigay ng ganap na kapangyarihan sa sambayanan upang masiguro ang tapat, totoo, responsible at walang bahid-katiwaliang serbisyo publiko. Tinatadhana man ngseksyon 28 artikulo II at seksyon 7 ng artikulo III ng Saligang Batas ng 1987 na may karapatan ang mga mamamayan na mabatid lahat ng patakaran, proyekto at programa ng gobyerno

kung saan sangkot ang pondo ng bayan kinakailangan pa rin ang batas na ito upang magkaroong linaw kung paano maipatutupad ito nang maayos sa lahat ng ahensya at tuluyan nang mabuwag ang pader na humaharang sa publiko na magkaroon ng seguridad na makilatis lahat ng impormasyong may kinalaman sa paggugol sa kaban ng bansa. Public office is a public trust, sa medaling salita, ang pwesto sa gobyerno ay utang sa tao, huwag sanang maging magaling lang sa pangangampanya at pangangako kundi maging magaling pang higit sa pagbibigay ng serbisyo at pagtupad sa pangako kapag naihalal na. Kung sinsero ang gobyerno sa paglilinis nito sa ating mga instutusyon, pagkakataon na nitong patunayan ito sa sambayanan na sila’y kakampi natin sa pakikibaka sa korapsyon. Konting panahon na lamang at bababa na sa pwesto ang pangulo, panahon na upang magdesisyon ang mga lider ng bayan. Ang pagpapasa ng FOI Bill ang magbabalik sa matagal nang nawalang tiwala ng taumbayan sa pamahalaan. Patagin na ang lubak-lubak na daan at isabatas na ang FOI Bill, sawa na ang masang Pilipino sa puro pangako ng gobyerno, ipasa na huwag puro paasa na upang tunay nating makita ang matagal nang sinasabing tuwid na daan.

Busal

PILANTIK Camille Serano

Nakaaalarmang pagseselyo sa karapatan ng indibidwal hindi dapat maipasa. Nakalusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 4807 o Protection Against Personal Intrusion Act na nagbabawal sa pagkuha ng litrato, video o sound recording kasama ang pagkuha ng larawan kasama ang pribadong indibidwal at public figure na walang pahintulot ng mga ito.Isinusulong ito ng mga kongresistang sina Rufus Rodriguez, Maximo Rodriguez, Jorge Almonte, Gwendolyn Garcia, Linabelle Ruth Villarica, Lito Atienza at Leopoldo Bataoil. Bago pa man maisalang sa pagdinig ng kamara ay samu’t saring batikos na ang inabot ng naturang panukala partikular na mula sa mga kabataan, netizens at media sapagkat ang batas na ito ay naglalayong higpitan ang sistema

Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Felizardo C. Lipana

Patn

BULONG at SIGAW

sa pamamahayag at ito’y tuwirang sumasalungat sa demokrasya. Kasabay ng pagkalat ng bansag na anti-sefie bill sa HB 4807 ay hinikayat naman ng mga nagsusulong na mga mambabatas na magbasa muna ang publiko at huwag maniwala sa panlilitong ginagawa ng mga nagpapakalat ng maling bansag na ito gayong ang pagkuha sa video at litrato ng sariling mukha ay hindi naman ipinagbabawal. Antie-Selfie Bill man o hindi sa dinami-dami ba naman ng mga nakabinbing panukala sa kamara at senado ay nakalulungkot na umaagaw pa ng atensyon itong House Bill 4807. Bukod sa maraming probisyon ng panukalang ito ang kuwestyonable at maaaring maabuso ay hindi na dapat pang isinasabay ito lalo na’t yaong mahahalagang panukala ay inabot

na ng santo-santo ay hindi pa rin maisabatas tulad na lang ng inagiw na na Freedom of Information Bill. Pinatunayan na ng maraming pagkakataon na naging mabisang paraan ang pag-uupload ng larawan sa mga social media sites upang maisiwalat ang mga pang-aabuso at katiwaliang nagaganap sa lipunan. Ang mga ordinaryong cellphone ng masa ay naging mabisang sandata upang maaksyunan at mabunyag ang mga krimen tulad ng nakaraang hulidap sa EDSA. Hindi kaya sa halip na maprotektahan ng batas na ito ang nakakarami ay yaong mga gumagawa lamang ng lisya ang magbenipisyo dito. Nawa’y mahimasmasan ang kongreso at gamitin sa mas makabuluhang mga usapin ang kanilang opinyon at pwesto para mas maging makatuturan ang pagkakaluklok sa kanilang kapangyarihan. Ang panukalang ito ay lantarang nagseselyo sa karapatan ni Juan, sa kanyang kasarinlan o kalayaang ipahayag ang kanyang saloobin kaya’t hindi na dapat pang umusad lalong higit ang maisabatas pa.

BukaMbibiG Mabuti ang DAP. Tama ang intension. Tama ang pamamaraan. Tama ang resulta. Mga boss ipinangangako ko sa inyo, hindi ko hahayaang pahabain pa ang pagdurusa ninyo, kung ngayon pa lang ay kaya na nating ibsan ito. -Pang. Benigno S. Aquino III ukol sa desisyon ng Korte Suprema sa DAP

-----Mas makabubuti sa ating bansa kung hindi muna ipatutupad ang K to 12 hangga’t hindi pa nasosolusyunan ang problema sa sistema n gating edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan at kagamitan ng mga estudyante at

ang kakulangan sa mga guro at ang kanilang mababang sahod.

mga anak ni Satanas dinhi (Marami tayong mga anak ni Satanas dito.)

-Sen. Antonio Trillanes IV, sa pagpapahintong K to 12

-babala ni Mayor Rodrigo Duterte sa mga kriminal sa Davao.

-----Hindi makatwirang idahilan ang dumaraming krimen sa bansa para buhayin ang parusang kamatayan. -Bishop Emeritus Teodoro Bacani, sa isyu ng pagbabalik ng death penalty

-----‘Wag kayong (mga kriminal) pakasisiguro na masosolo ninyo ang kasamaan at kayo lang ang demonyo sa mundo. Daghan tang

-----God bless them! Sana matauhan sila sa mga planong hindi maganda. Habol-habol ito ng 2016, ‘yun lang. -Bise Presidente Jejomar Binay , sa mga kritiko

-----Dapat nakararanas ng kaparusahan sa ginawa nilang krimen ‘yang mga bilanggo na ‘yan at hindi parang nasa bakasyunan lang. -Mirriam Defensor Santiago, ukol sa mga VIP sa bilibid


Lakbay-Aray Seguridad dapat ang prayoridad. Pitong mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU) na kumukuha ng kursong Turismo ang nalunod sa Madlum River sa San Miguel, Bulacan noong Agosto 19 habang nasa kanilang lakbay-aral. Nakapanlulumo ang kalunoslunos na sinapit ng mga College Freshmen na sina Jenette Rivera, Madel Navarro, Maiko Bartolome, Mikhail Alcantara, Phil Rodney Alejo, Michelle Ann Rose Bonzo at Helena Marcelo matapos walang kalaban-labang anurin ng rumaragasang tubig. Kaugnay nito, nanawagan si Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado sa mga kaanak ng mga biktima na maging mahinahon sa kabila ng mga pangyayari, ngunit hindi maiiwasan ang mga bugso ng damdamin ng mga kaanak ng nasawi sapagkat hindi lang anak o kaanak ang nawala sa kanila kundi maging bahagi ng kanilang buhay, pangarap at pagasa. Bagama’t walang may gusto na mangyari ang ganitong kalagim na trahedya, malinaw na may nagganap na pagkukulang na nagresulta sa pangyayaring ito. Hindi maitatanggi ang kapabayaan sa parte ng pamunuan ng paaralan na hindi nagtalaga ng mga gurong

DIRETSAHAN Elaine Calacat

dapat sa na’ y mataman g susubaybay sa mga estudyante habang nasa kanilang lakbay-aral. Isa ring malaking pagkukulang ang hindi pagtatalaga ng boundaries kung saan ay dapat hanggang doon lamang ang mga mag-aaral at higit sa lahat ay ang pagsasagawa ng lakbay-aral sa mga ganoong ka-delikadong lugar na dapat sana’y sa mga educational place na lamang tulang ng mga museo, science gallerym at art exhibit. Hindi na dapat pang maulit ang ganitong trahedya, marapat lamang na magkaroon na ng isang mabusising pag-aaral ang Commission on Higher Education at Department of Education upang makapagtatag ng isang konkretong panuntunan sa pagsasagawa ng mga lakbay-aral partikular na sa maga alituntunin sa gastusin, pakikipag-ugnayan sa mga magulang at lalong higit pa sa pagpili ng mga destinasyon at

akreditasyon ng mga service providers. Mag-iwan nawa ng aral sa mga paaralan ang pangyayaring ito, sa halip na ang lakbay-aral na ang dapat ay may layuning magbigay ng karagdagang kaalaman sa mga mag-aaral ay trahedya lamang ang kinahinatnan. Hindi sana nagtatapos ang pagkilos ukol sa trahedyang ito sa paglalabas ng kautusang nagsususpinde sa lahat ng nakatakdang lakbay-aral sa unibersidad, dapat lamang na busisiin at pag-aralan na rin ang pagsilip sa mga syllabus kung maaari ng alisin o bawasan ang mga aktibidad sa labas ng paaralan lalo’t wala namang kaugnayan sa kursong pinag-aaralan. Hindi masamang magsaya ngunit matama lamang na numero unong prayoridad ang kaligtasan ng mga mag-aaral . Walang buhay sanang masasayang kung walang malaking kapabayaan.

Lamang ang may alam Patuloy ang banta ng sakit na Ebola sa bansa, bagama’t sa kasalukuyan ay nananatiling ligtas ang Pilipinas mula sa nakamamatay na virus na ito, ang pagiging handa at maalam tungkol sa sakit na ito ay isang mabisang sandata kontra dito. Maigting na binabantayan ng mga awtoridad sa mga paliparan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagmumula sa West Africa. Kamakailan lamang ay inihayag ng Malakanyang na patuloy na pinalalakas ng gobyerno ang depensa ng bansa laban sa Ebola virus lalo na sa inaasahang pag-uwi ng mga OFW para rito magdiwang ng Pasko. Tinatayang may 10 milyong OFW sa mundo na karamihan ay nakaugalian na ang magdiwang ng Pasko kasama ang kani-kanilang pamilya sa bansa. Makatutulong nang malaki ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon upang maiwasan ang sakit na ito . Maging sa mga paaralan ay nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang sakit na ito na libo-libong buhay na ang kinitil. Mahirap ipagwalang-bahala ang Ebola, ito ay seryosong banta sa ating lahat. Bukod sa ginagawang hakbang ng pamahalaan ang bawat isa sa atin ay responsable rin sa ating sariling kalusugan. Apektado sa kasalukuyan ang mga bansa ng West Africa tulad ng

KUNTIL BUTIL Marivic Crisologo

Guinea, Leone at Liberia. Ang Ebola Virus ay karaniwang lumalaganap sa mga liblib na lugar na madalas ay malalapit sa rain forests. Nasasalin ang virus sa pamamagitan ng malapitang kontak sa dugo, secretions o iba pang likido ng katawan ng infected na hayop at kumakalat sa populasyon ng tao sa pamamagitan ng paghahawahan o human transmission. Ang fruit bats (Pteropodidae) o paniki, chimpanzees, gorillas, unggoy, mga usa at porcupines sa gubat ang mga kinokonsiderang pinanggalingan ng Ebola Virus. Nakukuha ang ebola sa pamamagitan ng direct contact, paghipo o paghawak sa taong nagpositibo sa virus na ito; dugo o iba pang body fluids mula sa maysakit tulad nang pinagsukahan, laway, sipon, dumi, ih i at simily a; k on tami n ad ong gamit ng maysakit tulad ng karayom, sapin sa kama, kubyertos, pinggan at baso. Hindi ito nakukuha sa hangin, pag-ubo o pagbahing. Ilan sa mga sintomas ng Ebola ay lagnat, pananakit ng katawan,

pagsusuka, pagdurugo sa loob at labas ng katawan, mapupulang mata, labis na panghihina, pagsakit ng tiyan, pagsakit ng ulo, pagtatae at pagkasira ng bato at atay. Ilan sa mga paraan upang makaiwas dito ay ang hindi paghipo sa mga bagay ng mga maysakit nito ng walang rekomendadong pananggalang tulad ng gwantes, gown, face mask, at eye protector. Dapat ding ugaliin ang paghuhugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon, iwasang hipuin ang a n u m a n g p a r t e n g m ukha gamit ang marumi o hindi pa nahuhugasang kamay. Kinakailangan nang masidhing pangangalaga ng sinumang kakapitan ng sakit. Wala pang bakuna at gamot na naiimbento panlaban sa sakit na ito. Dapat na dalin agad sa ospitala ng taong kakikitaan ng sintomas ng Ebola. Kinakailangan ring ibukod ang taong maysakit upang hindi makahawa. Hindi masamang maghanda lalo na kung sariling buhay ang nakataya.

Huli ka

SENTIDO KOMUN Je-Anne Kerlyn antonio

Late ka na naman! Hanggang kailan ka ba ganyan? Is i nu s ul o ng ng Sup re m e Student Government (SSG) ng FCLNHS ang maigting nitong kampanya laban sa mga magaaral na palagian nang dumarating ng huli sa kanilang klase. Hangad umano ng samahan na madisiplina ang mga magaaral at itinuro sa kanila ang mga nararapat nilang gawin upang hindi mahuli . Nais din nitong matuto ang mga estudyante sa pagsunod sa nakatakdang oras nang pagsismula ng klase. Ayon sa SSG malaki na ang nabawas sa bilang ng mga magaaral na nahuhuli sa pagpasok sa klase. Malinaw kung gayon na malaki ang naitulong ng kampanyang ito upang magkaroon ng disiplina sa sarili ang mga estudyanteng malimit na huli sa kanilang klase. Bukod sa malaking kawalan sa mga mag-aaral na nahuhuli ang leksyon na ‘di nila naabutan ay nakaaabala rin sila dahil naaantala sa pagtuturo ang mga guro kung sila ay dumarating sa kalgitnaan ng klase. Bagama’t may ilang nagrereklamo, napipilitan naman ang nakararami na pumasok nang maaga upang makaiwas sa mga karampatang disciplinary action na ipinapataw ng kani-kanilang mga gurong tagapayo bunsod nang pagpasok ng huli. Batid ng SSG na hindi agarang masosolusyunan ang problem sa mga late comers ngunit naniniwala sila sa unti-unting pagtapos sa hindi magandang gawi ng mga mag-aaral na ito. Kinakailangan sa lubusang ikatatagumpay ng hakbanging

ito ang kooperasyon ng mga mag-aaral at ang konsistent na pamamatnubay ng mga guro at pagdidisiplina sa mga mahuhuli ng SSG na pumapasok nang lampas sa itinakdang oras. Hindi man maituturing na mabigat na paglabag ang pagiging laging huli sa klase, ito ay isang negatibong gawi (habit) na kung makakasanayan ay may malaking negatibong epekto sa pag-aaral. Dagdag pa rito, sa pag-aaral ng mga eksperto, ang gawing ito ay maaaring madala ng tao hanggang sa kanyang pagtaratrabaho. Ang distansya/layo ng tirahan mula sa paaralan, mabagal na trapiko, at mga obligasyon o gawaing dapat gampanan bago pumasok sa eskwelahan ay hindi mga sapat na dahilan para mahuli sa klase. Nararapat lamang na maalam tayo sa paghahati-hati ng ating oras para sa mga gawain at maging ugali ang paggising nang maaga araw-araw. Na g s a s a k r ip i s y o a ng mga opisyal ng SSG na halinhinang magbantay sa gate ng paaralan tuwing umaga upang mahuli ang mga pasaway na mag-aaral. Huwag na sana tayong dumagdag sa kanilang listahan . At kung isa man tayo sa malimit nilang mahuli sana ay baguhin na natin ang maling gawing ito. Hu w a g t a y o n g m a gtaingang-kawali sa mga paalala ng ating mga guro. Matuto tayong disiplinahin ang ating saril mayroon man o walang karampatang parusa, maging ugali sana natin ang pagpasok ng maaga sa eskwela.

Binago ng Pagbabago Walang permanenteng bagay sa mundo, madalas natin itong marinig kung saan-saan lalo na sa ating mga magulang, gasgas man ang linyang ito ay ramdam natin ang katotohanan sa likod ng pahayag na ito. Malamang sa malamang ay alam mo sa sarili mo na isa ka sa maraming binago ng teknolohiya sa iba’t ibang aspeto ng iyong buhay. Ano na nga ba ang nangyayari sa kasalukuyang panahon? Malaki na nga ang ipinagbago ng mundo.Ano-ano nga ba ang masasama at mabubuting hatid ng mga pagbabago na ito sa ating buhay? Masasabi nga bang higit na mabuti noong mga panahong wala pa ang mga makabagong teknolohiya at ang pamumuhay ng bahat isa ay payak lamang. Bago ang lahat ay kailangan muna nating magbigay-pugay at parangal kahit sa simpleng paraan lamang sa mga taong nag-imben-

to ng mga produkto ng teknolohiya na ginagamit natin sa araw-araw. Tunay na malaki ang utang na loob natin kina Albert Einstein, Thomas Edison, Alexander Graham Bell, Elias Howe at marami pang iba. Kabi-kabila na naman ang naglalabasang bagong gadgets o appliances na may kani-kanilang brand name. Nariyan ang iPhone o kaya Samsung na muli na namang nagsipaglabas ng bagong bersyon ng kani-kanilang produkto. Bagama’t may kamahalan, marami pa rin ang tumatangkilik at nahuhumaling sa mga ito. Sa mga tao namang kapos sa badyet o masyadong praktikal , mas pinipili nila ang mga mas mumurahin pero matibay at nagagamit naman sa mahabang panahon. Anuman sa mga gamit na ito ang bilhin mo, siguruhin mo lang na balanse at ‘wag abusuhin ang pagggamit nito dahil ang sobra ay maaaring magdulot ng panganib sa ating kalusugan. Maraming binago sa atin ang

HARAYA Lanze Surima

teknolohiya. Ang dating malaki ay pinaliit, ang mabagal ay pinabilis at ang mabigat ay pinagaan. Binago ng teknolohiya ang transportasyon, edukasyon, komunikasyon,at medisina na nagdulot ng ilang negatibong epekto sa atin. Ang ilan sa atin ay naging masyadong dependent sa teknolohiya, naging tamad at palaasa. Sabihin na nating maraming naitulong sa atin ang teknolohiya ngunit mas mainam pa rin kung gagalaw tayo paminsan-minsan gamit ang sarili nating mga kamay at paa. Minsan napag-iisip-isip ko kung ano na kaya ang itsura ng

mundo kapag ako ay nasa edad 60 na. Marahil may mga makina na uutos-utusan na lang natin na gawin ang mga bagay na dating tayo ang gumagawa, may mga kung ano-anong bagay nang lumilipad sa alapaap at may nagtataasang imprastrakturang nagpapayabangan sa katayugan. Kung ngayon, binibili natin ang tubig na ating iniinom baka sa susunod ay binibili na rin natin ang hangin na ating lalanghapin para tayo ay mabuhay. Nagtatanong ako sa ilang mga tao dito sa aming lugar kung ano ang mas pipiliin nila, ang bu-

hay noon o ang ngayon? At base sa naging resulta, mas maraming tao ang pinili ang buhay ngayon. Pero kung ako ang papipiliin, mas gusto ko ang buhay noon. Buhay na maayos at tahimik. Simple lamang ang paraan ng pamumuhay. Mga disiplinado at mahinahon ang mamamayan. Unti-unti na ngang nagbabago ang mundong ating ginagalawan . Sa pagbabagong ito, kasabay ding nababago ang ugali at kilos ng tao. Pagbabagong masama na dapat natin iwaksi at pagbabagong nakabubuti na dapat natin panatilihin sa ating buhay upang maibahagi pa natin sa iba. Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at edukasyon subalit anumang benepisyong nakukuha natin dito ay may kaakibat ring negatibong epekto kung minsan, kaya’t lagi nating isaisip na lahat ng sobra ay masama.


Managot ang dapat managot May butas ang batas. Matapos muling madagdagan ang mahabang listahan ng biktima ng hazing sa bansa ay isinusulong ngayon sa kamara ni Presidential Communication Sec. Sonny Coloma ang pagrerebisa diumano sa Republic Act N0. 8049 o Anti-hazing Law na umiiral sa Pilipinas. Bukod kay Guillo Cesar Servando isang sophomore sa De La Salle College of Saint Benilde na natagpuang patay sa isang condo unit noong Hunyo dahil sa hazing, ilan pa sa mga naging biktima ay sina Marvin Reglos at Marc Andre Marcos na kapwa Freshmen Law Student sa San Beda. Mahigit dalawang dekada na ang lumipas mula nang maipasa ang Anti-Hazing Law subalit wala pa ni isang nako-convict sa ilalim nito. Malinaw ang itinatadhana ng RA 8049 ang pagwawaksi sa hazing bilang bahagi ng initiation rites, nakokontrol man ang palo at suntok sa katawan o hindi. Sa ilalim nito maaring patawan ng apat na taon hanggang habambuhay na pagkakakulong ang magsasagawa ng hazing,

TUTOK

Ellen Moore Delocanog depende sa magiging kalagayan ng biktima. Sa kabila ng lantarang paglabag sa mga probisyon ng naturang batas, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring nananagot sa patuloy na dumaraming biktima ng hazing. Patunay lamang na walang pangil ang kasalukuyang batas, ang nakapanlulumo rito ay nauungkat lamang at nabibigyang pansin ito tuwing may bagong nadaragdag sa talaan. Malaking problema ang kaluwagan sa pagpapataw ng parusa sa mga akusado at hindi agarang pag-aksyon ng pamahalaan sa mga sinasabing butas at kahinaan ng naturang batas. Kaya naman patuloy lamang na nadaragdagan ang listahan ng mga biktimang uhaw sa katarun-

gan. Huwag sanang ningas cogon ang gobyerno sa pagtugon sa suliraning ito, panahon na upang pagaralan at rebisahin ang umiiral na batas. Bumaon na nawa ang pangil ng batas sa mga may sala at matuldukan na ang pagkakaroon ng karahasan sa mga samahang dapat ay muog ng pagdadamayan at pagkakapatiran. Hindi dapat magbingi-bingihan ang maykapangyarihan sa daing at panangis ng mga kaanak ng mga biktimang inagawan hindi lamang ng buhay kundi maging ng mga pangarap. Hustisya at hindi porma’t pangako ang kailangan. Tapusin na rin ang kultura ng pagsasawalang-kibo ng lahat ng mga mag-aaral. Kapag pinairal

ang kawalan ng pakialam, mauulit at mauulit ang kalunos-lunos na sinapit nina Reglos, Marcos at Servando. Sa gitna ng bagong paglabag na ito sa anti-hazing law marahil ay dapat na ring ilabas hindi lang ang ngipin kundi ang pangil ng batas na

kakagat sa mga pasaway na fraternities na lumilihis sa prinsipyo ng kapatiran at hindi kumikilala sa halaga ng buhay. Hindi dapat nasasayang ang buhay sa ganitong mga walang kapararakang kamatayan. Dapat lamang na managot ang mga may kasalanan.

Tama na ang pag-iwas Kapag may usok, may siga. Patuloy ang pag-iimbestiga ng Senate Blue Ribbon Committtee kay Bise Presidente Jejomar Binay sa umano’y pagkakasangkot nito sa sinasabing overpriced na Makati Parking Building na ginawa noong siya pa ang Mayor ng Makati. Ang halaga ng nasabing parking building ay P2.3 bilyon at ayon sa mga nag-aakusa dapat ay nagkakahalaga lamang ito ng P1.2 bilyon. Kamakailan lamang, inilantad ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga larawan at aerial video footage ng 350 ektaryang lupain sa Rosario, Batangas na pag-aari umano ni Binay. Is a s a a n g g u l o n g n a k i k i ta ngayon kung bakit samu’t saring paninira ang ibinabato ng mga gustong magpabagsak kay Binay ay ang nalalapit na 2016 Presidential Elections. Ayon sa kampo ng

Bise Presidente isang ‘Oplan Nognog’ ang niluluto ng kanyang mga kalaban sa pulitika partikular na ni Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas. Maraming mga tanong ang naiiwan sa isip ng marami, kung bakit ngayon lamang inilabas ang isyung ito kung kalian nalalapit na ang 2016 Elections? Isa nga lang ba ito black propaganda upang sirain ang imahe ng Bise Presidente dahil sa pamamayagpag niya sa mga sarbey? Ang paglalabas nga ba ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado ng umano’y Hacienda Binay ay gawa-gawa lamang dahil sa pag-iisang tabi sa kanya noong halalan 2010? Mga katanungang higit sanang mabibigyang-linaw kung ihaharap ni Binay ang kanyang sarili sa Senado. Subalit sa kabila ng makailang ulit na imbitasyon upang maihayag ang kanyang panig at maipagtang-

Alingasaw Ni Jacquie Java Nagpatayo ka ng gusaling nagtatayugan, Gamit ang kaban na galing sa pawis ni Juan, Pati modernong paaralan iyo ring ginastusan, Pero teka totoo bang labis sa halaga ang mga iyan? Pilit mong ipinagtatanggol ang iyong sarili, Sa usaping labis sa presyo mga ipinatayong gusali, Huling-huli ka na, pilit pa rin ang tanggi, Mga kalaban sa pulitika ang iyong sinisisi. Yamang ‘di maipaliwanag, saan nga ba nagmula? Hindi nga kaya sa aming mga dukha? Tiwala ng mamamayan, iyo nang sinira. Huwag ka nang magtaka, kung sa iyo’y wala nang maniwala. Sinong hindi mamamangha sa ekta-ektarya mong lupain, Baka naman ginastos doon ay para

sana sa amin? Walng sinuman ang marapat na sisihin, Totoong walang humawak sa palayok na ‘di nagkauling. Nakuha pang manghamon sa isang debate, ipinagpipilitang ikaw ay inosente Ikaw na parang talunang tinali, Wala pa man ang laban ay umuurong na, Natatakot ka bang baho’y umalingasaw na? Masang Pilipino, imulat inyong mga mata, Sa mga bagay na dapat nating makita, Oras na para marinig na si Juan ay umalma, Ipaglaban sana ang dapat ay sa kanya. Ngayong 2016 ay nalalapit na, dapat maging mapanuri at huwag padala sa bola, kung hindi sa huli’y tayo rin ang magdurusa.

MATANG MAPANURI Aljon Morales

gol ang sarili ay pinipili niyang huwag dumalo sa mga pagdinig. Ayon kay Binay, mayroon na naman daw na pre-judgement kaya bakit pa siya dadalo kung may hatol na nang hindi pa man lang naririnig ang kanyang panig. Sa halip na sumipot sa Senado ay hinamon niya sa isang debate ang numero unong kritiko na si Senador Antonio Trillanes IV. Isang hamon na buong tapang na hinarap ni Trillanes ngunit daig pa ang isang talunang tinali na hindi pa man nagsisimula ang mainit sanang

debate ay umurong din si Binay sa kanyang hamon. Habang tumatagal ang usaping ito ay lalo pang nadaragdagan ang mga kwestyonableng proyektong pag-aari ng Bise Presidente tulad ng labis sa presyo rin umano ng P1.33 bilyong Makati Science High School at isang pang alegasyon ni Mercado na nakatanggap si Binay ng 60-70 porsyento unit ng condo sa Makati bilang kapalit nang mabilis na pagproproseso ng mga processing permits, tax relief at iba pang pribilehiyo para sa mga developers.

Kung talagang walang itinatago dapat lamang na humarap na sa mga pagdinig si Binay higit sa mga miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee ay kailangan ng taumbayan ng kanyang paliwanag sa mga usaping ito lalo’t ang pinag-uusapan ay buwis na mula sa dugo’t pawis ng kawawang si Juan dela Cruz. Walang bago sa pagbabatuhan ng putik sa pulitika, lumang istratehiya na ito upang masira ang kredib i l i d a d n g i s a n g p u l i t i k o n g malapit sa masa, pero may kasabihan din tayong kung may usok may siga. Isa lang ang malinaw sa lahat ng ito may dapat ipaliwanag si Binay, kung alam niyang tama siya, malinis ang kanyang konsensya, wala siyang dapat ikatakot sa pagharap sa mga pagdinig ng mga usaping ibinibintang sa kanya tigilan na ang pag-iwas karapatan ng masang malaman ang katotohanan.

Bakit ka mahihiya? Hindi dapat ikahiya ang paggawa ng tama lalo na kung ang magbebenipisyo naman ay ang kalusugan. Kaugnay ng pagdiriwang ng Deworming Month, isang libreng pagpupurga sa mga mag-aaral sa lalawigan ang inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Bulacan sa pakipipagtulungan sa Provincial Public Health Office at Department of Education. Isa ang Felizardo C. Lipana National High School sa 400 pampublikong paaralan na mapalad na nabisita ng nasabing grupo at nabigyan ng mga gamot na pampurga. Nakaiinis na maraming magaaral ang sinayang ang oportunidad na ito nasa 7.6 porsyento lamang ng mga mag-aaral o 144 mula sa mahigit 1,900 populasyon na nakilahok sa naturang programa. Mula 420 na grade 7 ay 60 ang nagpapurga, 32 sa 463 na grade 8, 23 sa 480 na grade 9 at sa 491 na nasa ikaapat na taon ay 29. Bago ang nasabing programa, lahat ng mag-aaral ay binigyan ng isang waiver na humihingi ng pagsang-ayon ng kani-kanilang mga magulang na makasama ang kanilang anak kaya hindi maaaring ikatwiran

PAGTANAW at PANANAW Jacquie Java

na hindi maayos na maipakalap ang impormasyon kaya kakaunti lamang ang kasali. Nang tanungin ng patnugutan ng Ang Hardin ang mga kabataang ito na hindi sumali sa programa 90 porsyento sa kanila ang nagsabing nahihiya sila kaya hindi nagpapurga. Hindi birong suliranin ang malnutrisyon at isa sa mga pangunahing sanhi nito ay ang helminth infection na maiiwasan sana sa regular na pagpupurga. Batay sa pag-aaral, anim sa bawat pitong mag-aaral ay may bulate sa kanilang tiyan partikular na ang mga batang may edad na 2-5 taon at mag-aaral na 6-12 taon kaya naman ang Pilipinas ay isa sa mga bansang pinakaapektado ng Helminthiasis. Ang nasabing impeksyon ay

sanhi ng tape worm, thread worm, round worm na naipapasa at pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng mga kontaminadong pagkain o mga pagkaing may itlog ng bulate mula sa dumi ng tao. Ayon nga kay Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado, dapat lang malaman ng mga bata ang kahalagahan ng pagpupurga dahil ang mga bulateng nasa loob ng tiyan ay isa sa mga sanhi ng malnutrisyon. Malinaw na walang dapat ikahiya sa pagpapapurga, isang seryosong usapin ang malnutrisyon na pinagsisikapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na matugunan. Hindi dapat na gawing tampulan ng kantiyawan ang pagsali sa ganitong mga gawain. Kapag tama ang iyong ginagawa, bakit ka mahihiya?

HINDI, kasi yung ibang nahalal hindi karapat-dapat sa posisyon na iyon, nahalal sila kasi sikat. Kristine Aurellana 9-Boron

nidad. Sayang lang ang pondong inilalaan ng gobyerno, ilaan na lang sa ibang proyektong makikinabang ang lahat. Jeremy Seda IV-Rizal

HINDI, may mga kabataan kasi na ang hangad lamang ay kumita. Kahit na hindi bukal sa kanilang kalooban ang paglilingkod kaya ang nangyayari sumusweldo sila nang hindi naman nagsesrbisyo sa komu-

HINDI, kasi sa murang edad natututo nang mangurakot yang mga SK officials na ‘yan, parang nagiging training ground na lang sa pangungurakot ang SK. Batang Pasaway

BukaMbibiG Sang-ayon ka ba sa pagbabalik sa Sangguniang Kabataan sa 2015? OO, dahil ang SK ang nagsisilbing boses sa lipunan ng ating mga kabataang Pilipino. Jared Amiel Marquez 7- Sampaguita OO, dahil para naman sa mga kabataan yun. Ang SK ang nagsasagawa ng mga proyekto na maaaring lahukan ng mga kabataan at

nag-oorganisa rin sila ng mga palaro para may libangan ang mga bata. Maria Cristina Cunanan 9-Helium OO, para magkaroon ng karapatan yung mga kabataan na ipahayag ang kanilang mga plano at mithiin upang maiayos ang barangay. Jessa Garzon II-Pearl OO, dahil naniniwala kong malaki ang naitutulong ng mga kabata-

an sa gawain sa barangay, hindi ba’t sabi nga ni Rizal “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Cherry III-Calcium HINDI, dahil ko naman nararamdaman yung SK sa may amin, ni hindi ko nga alam kung may SK o wala tsaka wala pa kong nakikitang naipatutupad ng SK sa lugar namin. Francia Tamayo IV-Rizal


Lumang Tugtugin

Ilagay lang sa lugar

PUNTO

Riechelle Suba Hindi naman masama ang makiuso huwag lang ilalagay ang buhay sa peligro. Itinanghal ang salitang ‘selfie’ ng Oxford Dictionaries bilang Word of the Year, samantalang ang Makati naman ay tinaguriang ‘Selfie Capital of the World’ at pumuwesto naman ang Cebu City bilang ikasiyam na ‘Selfiest City in the World.’ Patok na patok na nga ang pagse-selfie s a m g a P i l i p i n o lalo na sa mga kabataan, wala namang masama dito kundi lamang sa dumarami ng kaso nang sana’y masasayang pagse-selfie na nauuwi sa trahedya. Ilang buhay na nga ng kabataan ang nasayang matapos mag-selfie sa mga delikadong lugar o dili kaya’y humawak ng anumang delikadong bagay habang nagse-selfie. Nitong Hulyo, isang estudyanteng babae ng Rizal High School sa Pasig City ang namatay matapos mawalan ng balanse habang kinukunan ng larawan ang sarili at mahulog sa ikatlong palapag ng gusali ng paaralan. Kritikal naman ang isang binatilyo mula Batangas matapos aksidenteng makalabit ang hawak na baril sa halip ang cellphone habang nagseselfie.At nitong Oktubre nalunod ang isang dalagita matapos hampasin ng malalaking alon sa Ilocos Norte habang naggru-groupie.

Sa mga ganitong pangyayari, masasabi na ngang tila lumampas na sa hangganan ang pagkahumaling ni Juan sa selfie. Isaisip dapat na maling gawain ang pagse-selfie gamit ang mga bagay na maaaring magdulot ng kapahamakan tulad ng baril gayundin ang pagse-selfie sa mga lugar na delikado. Walang masama kung pahalagahan, mahalin at ipagmalaki ang sarili na siyang konsepto ng pagse-selfie subalit una sa lahat ay dapat isaalang-alang ang kaligtasan. Nakapanghihinayang na napakababaw nang naging sanhi ng pagkawala ng buhay ng naturang mga kabataan. Marami na sa kasalukuyang henerasyon ang umiikot ang buhay sa social media na siyang lundo ng pagse-selfie, ayon nga kay Bishop Teodoro Bacani ay labis na pagkahilig sa gawaing ito ay itinatatak ang kaisipan ng pagiging makasarili. Hindi sinasabing huwag pahalagahan ang sarili kundi isaisip lamang na mayroong limitasyon ang lahat ng bagay. Lahat nang sobra ay nakasasama, nawa’y matuto tayong kontrolin ang sarili at lumagay sa tama at ligtas na paraan sa kung anumang gagawin lalo na sa nauusong pagse-selfie. Tandaan lang na lumagay sa lugar, mas ligtas, mas maganda.

liham sa patnugot Mahal na Patnugot, Akin pong ipinababatid ang kasiyahan na nararamdaman naming mga mag-aaral sa ilalim ng pamumuno ng ating bagong talagang punong-guro na si Bb.Aquilina Monte. Kitang-kita po ang kalinisan ng ating paaralan at disiplina sa maraming mag-aaral. Ang hindi pagbubukas ng gate tuwing tanghalian ay isa sa mga bagong panukala niya na sa ganang akin ay isang positibong hakbang upang masolusyunan ang suliranin sa mga batang hindi pumapasok sa kanilang mga klase sa hapon. Sa ganitong paraan ay malaki ang ibinaba ng mga kaso ng paghahalf-day. Kasiya-siya rin pong sa loob ng apat na taon kong pagiging mag-aaral ang FCLNHS ay nakadalo ako sa pagdaraos ng banal na misa na ginanap sa covered court ng ating paaralan. Nais din po naming ipabatid sampu ng aking mga kamag-aral na ramdam naming ang pagsusumikap ng pamunuan ng ating paaralan na mapabuti pang higit ang imahe ng ating paaralan at kami po ay lubos na kaisa ninyo ukol dito. Hinihiling lang po sana naming maipaabot sa ilang mag-aaral na iwasan ang pag-iingay sa oras ng kanilang recess sa mga lugar kung saan may mga klase pa. Sa dami po ng estudyante ay magandang istratehiya ang ginawang pag-iiba-iba ng oras ng pagre-recess ng bawat taon, minsan nga lang po ay may mga mag-aaral na tila ba hindi alintana na may ibang mag-aaral pang nagklakalse at lubhang nakaaabala ang kanilang pag-iingay. Maraming salamat pos sa pagkakataon na maibahagi ko ang aking mga saloobin. Mabuhay po ang inyong pahayagan at ang buong patnugutan ng Ang Hardin. Lubos na gumagalang, Angelica Pabon IV-Rizal --Sa iyo Angelica,, Ang buong patnugutan ng Ang Hardin ay kaisa mo sa kasiyahan sa mga magagandang pagbabago sa ating paaralan. Natutuwa kaming mabatid na nakikita at pinapahalagahan ninyo ang patuloy na pagsusumikap ng pamunuan ng ating paaralan para higit pang ikabubuti ng ating mga mag-aaral. Umasa kang ipararating namin sa pamunuan ang iyong hinaing ukol sa mga magaaral na nakaabala ang pag-iingay sa mga klase upang agad itong magawan ng aksyon. Maraming salamat sa iyong pagsulat. Hanggang sa muli, Patnugot

Alab sa puso ng sambyanang Pilipino nang dahil sa pagkakapatay kay Ninoy tatlong dekada na ang nakalipas ang siyang nagluklok sa pwesto sa dating Pangulong Corazon Aquino at ang parehong damdamin rin naman ang nagbigay-daan sa pagkapanalo sa halalan ni Pang. Benigno Simeon Aquino III matapos mamatay ang kanyang ina. Dalawampu’t pitong taon na ang nakalipas matapos balangkasin ang isang bagong konstitusyon makaraang mapatalsik ang pamahalaang diktatoryal ni Marcos. Ito ang 1987 Constitution na naunang ipinatupad sa panahon ng panunungkulan ng dating Pangulong Aquino. Kasama sa political provisions ng konstitusyong ito ang paglilimita ng termino ng pangulo sa anim na taong panunungkulan lamang. Nangangahulugan ito na hindi na maaaring tumakbo sa pagkapangulo ang isang presidente sa susunod na halalan. CHARTER CHANGE- ito ang isinusulong ng ilang kaalyado ng kasalukuyang pangulo, na siyang ring tinangkang isulong nina dating Pangulong Fidel Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo. Kasama sa mga isinusulong ngayon ay ang maamyendahan ang ilang economic at political provisions ng naturang batas kabilang na ang pagpapalawig sa termino ng pangulo. Bagaman masasabing hindi korap si PNOY at sa panahon ng kanyang administrasyon ay umunlad ang ekonomiya ng bansa, sapat

SULYAP

Angela Fariñas na ba itong dahilan upang baguhin ang konstitusyon at palawigin ang kanyang termino. Sa nakaraang State of the Nation Address ng Pangulo, ibinida niya ang lumalagong ekonomiya ng Pilipinas. Kahit sabihin pang may katotohanan ito, hindi pa rin maitatanggi na hindi pa rin naman ito ramdam ng nakararaming Pilipino. Marami pa sa kanyang mga naipangakong proyekto ang nakabinbin, ito ba’y isang pagpaparamdam na kampante siya na mahaba-haba pa ang ilalagi niya sa Macañang? Maliban sa ipinagmamalaking paglago ng ekonomiya, ano pa nga ba ang nagawa ni PNoy? Hindi kaya dahil sa sobrang panahong inilaan niya dito ay may mga iba pang mahalagang bagay na hindi niya napagtutuunan ng pansin, tulad na lamang sa tila kawalan niya ng oras sa pagtugon sa lumalalang krisis sa Mindanao partikular na sa Zamboanga na naging sanhi ng kamatayan hindi lamang ng mga rebelde’t sundalo kundi maging ng mga kaawa-awang sibilyan. Sa ternmino rin ni PNoy naganap ang pananalanta ng Super bagyong Yolanda na halos bura-

hin sa mapa ang Leyte. Matatandaang halos mauna pa sa pagtugon ang ibang bansa sa pamamagitan ng pagpapadala ng tulong at donasyon. At sa kabila na maraming mga bansang tumulong hindi naman naging maayos ang distribusyon ng pamahalaan. Naging isyu rin ang pamumulitika umano ni PNOY kung kaya’t may mga lugar sa Leyte na hindi nararating ng tulong. Wala sa haba ng panunugkulan ang ikagagaling ng isang pangulo. Ito ay nasa kanyang dedikasyon na magamit gaano man kaiksi o kahaba ang termino upang makapagbigay ng totoong serbisyo publiko. Ang pagpapalawig sa termino ng pangulo ay hindi susi sa pag-unlad ng bansa kundi ang kakayahan ng pangulo na pamunuan ang kanyang mga nasasakupan sa daang matuwid sa pamamagitan hindi lamang ng mga pasaring at paninisi. Lumang tugtugin na ang Cha Cha na isinusulong ng mga pinunong pinangingibabaw ang personal na interes na mapahaba ang paghawak sa pinakamakapangyarihang pwesto sa bansa.

Binuhay na Nasyonalismo

PITIK BULAG Danica Castro

Isa sa pagbabagong sumalubong sa mga mag-aaral ng Felizardo C. Lipana National High School sa pagbubukas ng taong pampaaralan 2014-2015 ay ang pagdaraos ng ‘Flag Raising Ceremony’ tuwing araw ng Lunes. Ayon sa bagong talagang punong-guro III ng paaralan na si Bb. Aquilina . Monte, itinatadhana ng Republic Act 8491 na ang lahat ng opisina ng gobyerno at paaralan ay dapat magsagawa ng ‘Flag Raising Ceremony’ tuwing Lunes ng umaga. Limang taon na mula ng huling umawit at nanumpa nang sabay-sabay ang mga mag-aaral ng FCLNHS. Bagama’t ikinagulat ng marami ang pagbabagong ito ay umani naman ng positibong reaksyon mula sa mga guro’t mag-

aaral ang pagbabagong ito. Sa sarbey na isinagawa ng patnugutan ng Ang Hardin, lumalabas na 245 sa 350 na respondent o 70 porsyento ang aminadong hindi nila kabisado ang Panatang Makabayan habang 175 sa 350 o 50 bahagdan ng mag-aaral ang nagsabing nalilito sila sa tamang lyrics ng Lupang Hinirang. Kaya naman masasasabing isang magandang hakbang at mabisang paalala sa mga nakalilimot ang pagsasagawa nito. Ngunit higit sa pagmememorya at tamang pagbigkas ng mga titik at nota mahalaga ang gawaing ito upang maingki at mapagningas ang damdamin ng mga kabataan sa pagiging makabayan at pagmamahal sa bansa. Nakalulungkot lang na nagi-

ging suliranin ng mga guro ang ilang mag-aaral na nagpapakita ng kawalang-disiplina habang nagsasagawa ng programa ay tila ba hindi batid ng mga ito ang kahalagahan sa pagbibigay ng respeto at pugay lalo na sa watawat ng Pilipinas. Tayong mga mag-aaral ay nararapat lamang magpamalas ng disiplinang pansarili. Tayo ay nararapat lamang na manguna sa pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa sagisag ng ating pagkaPilipino. Gampanan nawa natin at sundin ang panuntunan sa oras ng 20-minutong programa. Ang simpleng pag-awit at panunumpa ng maayos ay maituturing na pagpapakita ng pagiging makabayan. Unti-unti na nating nakalilimutan ang mga gawaing nakasanayan noon. Ang pagiging makabayan ay tila ba nawawala na sa ating puso’t isipan. Ito ang nagpapatunay na nararapat na ngang ibalik ang ‘flag-ceremony’ sa ating paaralan. Ating ipakitang diwa ng Nasyonalismo ay buhay sa ating mga kabataang Pilipino.

BukaMbibiG Anong teleserye ang maglalarawan sa suliranin ng KORAPSYON sa bansa? FOREVER MORE kasi walang hinto ang pangungurakot ng mga nasa gobyerno. Jaylan Buela 9-Diamond FOREVER MORE ang korapyon sa Pilipinas, kaya pa-MORE nang pa-MORE ang mahihirap sa bansa at pa-MORE nang pa-MORE rin ang krimen. Ronald Painagan IV-Balagtas YAGIT ang mga Pilipino dahil sa mga korap na pinuno. Jerald Patrick Bate 9-Helium HIRAM NA ALAALA dahil kapag nabisto na sa pandarambong sa bayan at naharap na sa pagdinig aba eh parang wala nang natatan-

daan sa mga pinaggagawang pangangamkam ng pera ni Juan. Joan Carissa Tolentino IV-Ponce

pero ang nasisilaw sa salapi at ang ginagawa ay kung ano ang mali. Elaine Calacat IV-Rizal

GOT TO BELIEVE., we GOT TO BELIEVE na matatapos din ang korapsyon sa Pinas kung matututo lamang ang mga Pilipino na pumili ng hindi trapong kandidato. Marilord Bogate IV-Rizal

SA NA B U K AS PA A N G K AHA P O N, p a r a m a i b al i k n g m ga Pilipino ang panahon at hindi na mailuklok ang mga pulitiko na nangurakot sa kaban ng bayan. Kaye Gyzzyn Ledesma 9-Silver

MAGIC PALAYOK dahil yung mga opisyal ng pamahalaan nagkakaroon ng yaman kahit hindi naman nila pinaghirapan. Lahat ng iyan mula sa pagiging korap. Jaquie Java MGA MATA NI ANGHELITA, buti pa ang MGA MATA NI ANGELITA kahit bulag nakikita ang tama at mali, dapat at hindi. Pero ang mga tao sa gobyerno may MALINAW NA PANINGIN

GULONG NG PALAD, ang pera ng mga Pilipino ay umiikot sa palad ng mga kurakot na opisyal ng gobyerno. Sherwin Pedragoza IV-Mabini HAWAK KAMAY na nagtutulungan ang mga pulitiko kung paano makapagnanakaw sa kaban ng bayan. Danica Castro IV-Rizal


Maikling Kasaysayan

Noong 1951 ang Guiguinto ay isa sa mga sakop na lupain ng mga Kastila na kung tawagin ay Encomienda, isang sistema ng pagbubuwis/pag-aari ng lupa sa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila. Kilala sa sinaunang pangalan nito na Ma-yi ang lalawigan ng Bulacan ay pinaniniwalaang pinananahanan na bago pa man dumating ang mga Kastila, pagdating ng mga dayuhang mananakop ay kanila itong inorganisa sa mga bayan na kung tawagin ay Pueblos kung saan ang Guiguinto ay isang baryo lamang ng Bulakan. Sa bisa ng Order Ejucativa no. 126 (Executive Order no.126) na inilabas noong Disyembre 24,1914 ni Gobernador Heneral Francis Burton Harisson na naghihiwalay sa Guiguinto mula sa Munisipalidad ng Bulakan. Kaya naman noong Enero 1, 1915 ay ganap nang kinilala ang Guiguinto bilang isang munisipalidad kung saan unang naging municipal president si Antonio Figueroa. Noong panahong iyon tinatayang nasa 4,000 lamang ang kabuuang populasyon ng Bayan ng Guiguinto.

Makulay na Pista

Tuwing ika-23 ng Enero ay ipinagdiriwang ng mga Guiguinte単o ang kanilang pagmamahal sa mayabong na industriya ng paghahalaman na pinagkukunan ng kanilang kabuhayan sa pamamamagitan ng makulay at magarbong Halamanan Festival. Tinaguriang Garden Capital of the Philippines, dinarayo maging ng mga tagalunsod ang bayan ng Guiguinto upang mamili ng nagagandahang uri ng halaman at bulaklak. Kasabay ng pagdiriwang ng Pista ng Patron ng Bayan na si San Ildefonso ay sabay-sabay na nag-iindakan sa kalye suot ang kani-kanilang makukulay na kasuotan ang mga mag-aaral ng elementarya at sekondarya mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bayan. Isang mahaba at makulay na parada ang Indakan sa Kalye na nasa ikalabing-anim na taon na ngayong darating na Enero 2015. At dahil sa natapat sa sentenaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Guiguinto, inaasahan ang engradeng pagdiriwang ngayong taon na inaabangan ng lahat ng mga Guiguinte単o.

Misyo

Tun maging bing da na pagp ran kun mapaya laking m na mal matapa Maykap Ang sa ilalim pokus s laran, k

Sugod

Mul sulong ito sa p gangala dito. Ito a langkas laran n nasasak Ang tumutu langan kanilan


N i J acquie

java

on at Bisyon

nguhin sa hinaharap ng bayan ng Guiguinto na g sentro ng halamanan ng Pilipinas na magsisilaluyan ng kalakalan sa Hilaga na mayroong mataas papahalaga sa kaayusan at kalinisan ng kapaliging saan nananahan ang isang malakas, maunlad, apa at ligtas na pamayanang may ipinagmamamayamang kasaysayan, kalinangan at maunlad likhaing industriya sa ilalim ng isang makatao at at na pamahalaan na ginagabayan ng Dakilang pal. g 7K Agenda ng Pamahalaang Bayan ng Guiguinto m ng pamumuno ni Mayor Ambrosio Cruz ay nakasa mga proyekto para sa kabataan, kalinisan, kaunkalusugan, kabuhayan, katahimikan at karunungan.

d pa Guiguinto

la sa isang third class municipality patuloy sa pagg ang ekonomiya ng bayan ng Guiguinto. Makikita pagdami nang naaakit na mamumuhunan at manakal na nagtatayo ng kani-kanilang negosyo sa

ay katuparan sa misyon ng bayan na makapagbas ng planong pangkalahatan sa higit pang kaunng Guiguinto at mabungang paglinang sa lupaing kop nito. g pagdagsa ng mga mamumuhunan sa bayan ay ulong upang maipagkaloob ang mga pangangain ng mga mamamayan at maiangat ang antas ng ng kabuhayan.

E stacion

de

G uiguinto

Kasabay nang mabilis na pagsulong ng isang bayan, hanggang saan nga ba ang isasakripisyo ng kasaysayan upang mabigyang-daan ang kaunlaran? Ang Estacion de Guiguinto isang monumentong dapat sana’y sagisag ng yaman ng kasaysayan at kabayanihan, ngayon ay tila ba bahagi na lamang ng nakaraan na daan-daanan na lang at unti-unti nang nalilimutan ang naging papel sa kasaysayan. Isa itong gusaling itinayo noong 1861 at ginamit hanggang sa mga huling taon ng dekada 70. Sa loob isang siglo at mahigit limang dekada nang pagkakatayo nito, ang Estacion de Guiguinto na yari sa tisa ay saksi sa iba’t ibang yugto ng madudugong digmaan, nananatiling matatag na nakatayo sa kahit na anong pagsubok ng panahon ang magdaan at sa kasalukuya’y nagsisilbing proteksyon sa tindi ng sikat ng araw at ng malalakas na ulan ng mga biyaherong nagkukumagkag sa kani-kanilang pupuntahan. Sa ating mga sibol ng makabagong henerasyon, marahil marami ang hindi nakababatid sa naging gampanin ng moog na ito sa ating kasaysayan. Halina’t tayo’y magbalik-tanaw at buklatin ang dahon ng kasaysayan upang malaman ang halaga ng antigong recuerdo na ito sa nakaraang panahon. Ayon sa mga tala, ang gusaling ito ay itinuturing na isa sa pinakamakasaysayang lugar sa bayan ng Guiguinto. Sa lugar na ito hinarang ng mga katipunero ang isang tren galing sa Dagupan. Napatay sa naturang insidente ang anim na prayle kabilang si Fr. Leocodio Sanchez, noo’y prayle ng parokya ng Guiguinto, kasama ring napatay ang isang kastilang doktor. May mga kwento pa ang matatanda sa lugar na bunga ng pagkakapatay sa Kura ay ikinandado ang simbahan ng Guiguinto laban sa mga gerilya. Ang lahat ng mga pinaghihinalaang may tuwirang kinalaman sa pananambang sa tren ay idineklarang excommunicado o tiwalag sa simbahan. Ang pangyayaring ito ang naging inspirasyon ng tanyag na manunulat na si Severino Reyes sa kanyang akdang “Walang Sugat”. Sa ginamit na kapanahunan ni Reyes sa akdang ito ay naipakita ang katapangan at kabayanihan ng mga Pilipino at ang naging bahagi ng Estacion ng Guiguinto sa rebolusyon laban sa mga Kastila. Dahil sa kasikatan ng sarswela, ito ay naisapelikula. Lalong tumimo sa mga manonood ang mga pangyayari sa Estacion de Guiguinto at napasalin ang kaalaman ukol dito sa sumunod na henerasyon. Sa loob ng mahabang panahon, ang Estacion de Guiguinto ay naging matingkad na bantayog ng katapangan ng ating mga kababayang nagbuwis ng kanilang buhay makamit lamang ang inaasam na kalayaan. Ngunit ngayo’y tila isang lumang gusaling napag-iwanan ng modernisayon na hindi na pinag-uukulan ng anumang pansin na mistula bang wala itong naging mahalagang papel sa ating kasaysayan. Kung ito ma’y madaraanan, tiyak na karamihan sa ati’y hindi ito pag-aaksayahan ng kahit kaunting sandal upang lingunin man lamang. At unti-unti nga maging ang pangalan nito’y nahahawi na rin sa labi ng ilan at kalauna’y maaari nang makalimutan. Higit sa isang antigong recuerdo ang Estacion de Guiguinto ay isang pamanang kultural na bagama’t niluma na at sinubok ng panahon ay hindi dapat ipagwalang-bahala na lamang. Ito’y isang bahagi nang nakaraan na nagsisilbing dambana ng kagitingan ng mga Bulakenyong nakibaka para sa kalayaang ngayo’y ating tinatamasa.


Pangalan: Kariya Kaye Frayna Seksyon: 9-Gold Lahi: ½ Japanese, ½ Pilipino Palayaw: Kaye Edad: 14 Talento: pagguhit Mga magulang: Morina Frayna at Kaichi Yamaguchi Nagtrabaho bilang mang-aawit sa Japan ang kanyang ina doon nakilala nito ang kanyang ama na may-ari ng isang kompanya. Noong una’y magkaibigan lamang ang mga ito hanggang sa lumalim ang kanilang samahan at tuluyan na silang magsama. Nasira ang pagsasama ng kanyang mga magulang nang siraan ng isang kaibigan ang kanyang ina sa ama niya. Nang makipaghiwalay ang kanyang ama sa nanay niya ay hindi na nito sinabi na nagdadalang-tao ito at umuwi na lamang ng Pilipinas. Nang malaman ng kanyang ama ang tungkol sa pagdadalang-tao ng kanyang ina ay nagpadala naman ito ng pera pero matapos noon ay wala na silang nabalitaan pa ukol dito.

Pangalan: Angela Marcelo Lahi: ½ Kastila, ½ Pilipino Seksyon: III-Sodium Palayaw: Angela Kaarawan: Oktubre 13, 1998 Edad: 15 Talento: pagsayaw Mga magulang: Anita Marcelo at Leo de Gario Sa Bulacan nagkakilala ang ama’t ina ni Angela sa pamamagitan ng bayaw ni Anita. Maraming manliligaw kanyang ina at isa dito ang ama niya. Kahit na umuulan, maraming karibal at nasisira ang bisikleta na gamit ng kanyang ama hindi ito sumuko sa panliligaw sa kanyang ina. Aalis na sana patungong Visayas ang nanay niya pero sa huli napagtanto nito na mahal rin nito ang kanyang ama at nagsama sila mula noon hanggang sa kasalukuyan.

Pangalan: Cielo P. Aquino Seksyon: 7-Rose Lahi: ½ Chinese, ½ Pilipino Palayaw: Cielo Kaarawan: Nobyembre 9, 1999 Edad: 14 Talento: pag-awit Mga magulang: Jaquiline Aquino at Ng King Yu

Pangalan: Allysa Domingo Seksyon: 7-Lily Lahi: ½ Amerikano, ½ Pilipino Palayaw: Aya Kaarawan: Agosto 18,2000 Edad: 14 Talento: Pagkanta Mga magulang: Rostine Bolten at Rollan Domingo

Isang OFw sa Malaysia ang nanay ni Cielo nakilala niya dito ang tatay niya. Naging masuyong manliligaw ito ng kanyang ina at nahulog na rin ang loob dito ng huli. Nagsama sila at hindi nagtagal ay nagpakasal. Nagkaroon sila ng tatlong anak kasama si Cielo. Nang bumalik sila ng Pilipinas mula Malaysia para dalawin ang kanyang lola tuluyan nang nagdesisyon ang kanyang ina na manatili dito ngunit nag-iipon na sa kasalukuyan ang kanyang ama para makabalik sila sa Malaysia.

Ipinanganak si Aya sa Rairok Majuro Marshall Island kung saan din nagkakilala ang kanyang daddy at mommy. Isang OFW dun ang kanyang ama at namamasukan naman bilang waitress ang kanyang ina. Nagkahiwalay din ang kanyang mga magulang nang siya ay bata pa. Panganlan: Maria Gemmalane Yu Seksyon: 7-Lily Lahi: ½ British Chinese, ½ Pilipino Palayaw: Gemma Kaarawan: Diyembre 7, 2000 Edad: 13 Talento: pag-awit Mga magulang: Valentin Tan Yu at Imelda Bedania

Pangalan: Michiko Figueroa Seksyon: III-Helium Lahi: ½ Japanese, ½ Pilipino Palayaw: Mich Kaarawan: Setyembre 11, 1999 Edad: 14 Talento: pagkanta at pagsayaw Magulang: Evelyn Figueroa Nagkakilala ang mga magulang ni Michiko sa Japan kung saan nagtratrabaho bilang mang-aawit ang kanyang ina. Regular na manonood nito ang ama ni Michiko na hindi kalaunan ay nanligaw sa kanyang ina. Sinagot naman ito ng kanyang ina at nagpasyang magpakasal dito. Bago ipanganak si Michiko umuwi ang kanyang ina sa Pilipinas. Pangalan: Jimuel Salmon Seksyon: 8-Quartz Lahi: ½ Australian, ½ Pilipino Palayaw: Jimboy Kaarawan: Hulyo 1, 2000 Edad: 14 Talento: paggamit ng kompyuter Mga magulang: Elsa dela Cruz at James Salmon

Nagtratrabaho ang kaniyang mga magulang sa parehong paaralan sa Olongapo kung saan nagkakilala ang mga ito. Electrical Engineer ang papa niya habang ang kanyang mama ay isang nars. Nagkatagpo ang dalawa at ang kanilang relasyon ay nauwi sa kasalan. Nagkaroon sila ng apat na anak na puro mga babae. Bunso si Gemma sa apat na magkakapatid at ang mga ate niya ay pawang nag-aaral na sa kolehiyo.

Sa Makati nagkakilala ang mga magulang ni Jimboy, isang inhinyero ang kanyang papa at make-up artist naman ang kanyang mama. Habang lumalaki si Jimboy nahiwalay sa kanila ang kanyang ama nang bumalik ito ng Sydney Australia dahil may trabaho ito doon. Noong una ay nagpapadala pa ang papa niya pero nang tumuntong siya nang 8 taon hindi na sila nagkaroon ng komunikasyon. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang stepfather at apat na kapatid dito.

Marami ka bang mga kaibigan? Pero teka lang bago mo sagutin ‘yan, ano ba ang depinisyon mo sa salitang kaibigan? Ito ba yung mga taong nakikilala mo sa iba’t ibang social media sites? Yung mga friends at followers mo sa facebook at twittwer? Kasabay nang ‘di maawat na pagdami ng mga netizens

at bumubulusok na pagsulong ng teknolohiya ay siya namang pagbaba ng pagpapahalaga ng tao at maging ng kanyang pagpapakahulugan sa mga bagaybagay. Bago magsulputan ang mga social networking sites, ginagamit natin ang salitang kaibigan para tukuyin ang mga taong kasa-kasama natin nang madalas (wika nga eh sa hirap at ginhawa), yung mga taong kilalang-kilala tayo at higit sa lahat ay laging nariyan at maaasahan .

Nakalulungkot na sa panahon ngayon na itinuturing nating modern o digital age ang mga taong atin lamang nakilala sa internet sa pamamagitan ng pakikipag-chat, skype o ym at nasa friendlist natin sa social media ay tinatawag nating friends. Isa rin sa hindi magandang epekto ng pag-unlad ng teknolohiya ay ang paggamit dito sa paghahanap ng boyfriend o girlfriend. Bagama’t mayroong ilang taong pinapalad na nagkakatuluyan mas marami pa rin

ang nagiging biktima ng pagsasamantala o karahasan. Sa mundo ng teknolohiya, walang limitasyon. Magagawa nating magmukhang mayaman, matalino, sikat o anumang gustuhin natin. Maging ang mga larawang ipino-post dito ay malaya ring nagagamit ng ibang tao para sa pansariling interes. Bukod sa mga larawan, maging ang pangalan ay maaari ring palitan sa mga social media sites. Naglipana na ngayon ang mga poser na

gumagamit ng larawan at pangalan ng ibang tao para sa hindi magagandang gawain tulad ng pang-i-scam online. Nagiging ugat rin ito ng mga cybercrimes tulad ng cybersex at cyberbullying na maaaring magdulot ng negatibong psychological effects gaya ng depresyon na kapag lumala ay maaaring humantong sa pagpapakamatay. Sa isang napakalaking mundo ng social media, gaano ka nga ba kasigurado sa mga taong nakikilala mo rito lalo na at ang mga nakikita mo lang ay pawang mga bagay na paimbabaw?


Kwento ng Pagbangon

Si Titser at ang Bagyong Yolanda Ni Jacquie Java

Walang pagsubok na ibinigay sa atin na hindi natin kayang lampasan. Isa ang pamilya ng aming guro sa Mandarin na si Bb. Virginita Ibañez sa libo-libong pamilang naapektuhan ng bagsik ng bagyong Yolanda. Lumaki at nakapagtapos ng pag-aaral si Bb. Ibañez sa Leyte. nito na lamang naging guro siya dito sa Bulacan siya nawalay sa kanyang pamilya. Ang pananalanta ng bagyong Yolanda noong Nobyembre ng nakaraang taon ang pinakamalaking dagok sa buhay na hindi niya malilimutan.

Tama na Po! Ni Jacquie L. Java

Pag-aalala ng isang anak Nabalot siya ng takot at pag-aalala nang malamang sa lugar ng Leyte ang sentro ng bagyong Yolanda kung saan naninirahan ang kanyang pamilya. Simula nang malaman ang balitang iyon, hindi na siya tumigil sa pag-aabang ng balita sa telebisyon at internet tungkol sa mga kaganapan sa nasabing lugar. Noong una’y nakakausap pa niya ang kanyang pamilya gamit ang telepono ngunit makalipas lamang ang isang araw ay tuluyan na ngang naputol ang koneksyon ng kahit anong paraan ng komunikasyon sa Leyte. Sa labis na pag-aalala sa kalagayan ng pamilya, halos wala na siyang tulog sa mga nagdaang araw. Inabot pa nang isang linggo bago siya tuluyang nakauwi sa Tolosa at makita ang sinapit na kanyang pamilya. Nadatnang Kalagayan Sa kahabaan ng kanyang byahe, hindi niya naiwasang manghina sa mga nakikita sa paligid na halos nawakasan na ang buhay ng bayang iyon. Nasaksihan niya ang lawak ng pinsalang iniwan ng bagyong Yolanda gaya ng mga kabahayan at imprastrakturang iginupo ng bagyo ngunit ang pinakamasakit sa lahat ay ang senaryong kahit kailan ay hindi na mabubura sa kanyang puso’t isipan, mga katawan ng kababayang nagkalat sa mga nadaaanang bayan. Nakadudurog ng pusong makita ang mga bata, matanda, mga taong mula sa iba’t ibang antas ng buhay na sa isang iglap ay inagaw ni Yolanda ang mga buhay at pangarap. Muling Pagkikita Tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Bb. Ibañez nang makitang walang nasaktan at napahamak sa pamilyang iniwan.Kumpleto niyang nayakap ang tatlong mga kapatid at ang mga magulang. Nasira ang tahanang pinaghirapang ipatayo ng kanyang mga magulang ngunit ang mahalaga buo sila at alam niyang sa awa at patnubay ng Diyos babangon sila. Pagbuhos ng Pagmamahal Minabuti ng kanyang pamilya na hindi lumikas sa evacuation center bagama’t gumuho ang kalahati ng kanilang tahanan. Labis ang pasasalamat ni Bb. Ibañez na sa kanyang pag-uwi sa pamilya at mga kababayan ay mayroon siyang dalang mga tulong na naipamahagi mula sa kanyang mga kaibigan at kapwa guro na nagpahatid ng mga tulong at donasyon. Labis ang pasasalamat niya sa mga taong ito na higit sa suportang pinansyal ay nagpatatag at dumamay sa kanya sa mga panahong sobra ang pag-aalala niya sa pamilya dahil walang anumang paraan upang makamusta ang kalagayan ng mga ito. Unti-Unting Pagbangon Sa tulong at suporta ng mga taong may mabubuting puso at pananalig sa Poong Lumikha ngayon nga’y unti-unti nang muling nakakabangon ang kanyang pamilya at mga kababayan sa Tolosa, Leyte. Bagama’t naroon pa rin ang takot na maulit ang malagim na trahedyang sinapit lubos ang kanyang tiwala na hindi sila pababayaan ng Panginoon. Sinubok man nang matinding unos, pinili niyang makipagsabayan sa lakas ng alon at makabangon.

SURING BASA Ni Danica Castro

Minsan naging bahagi ng ating pagiging bata ang mangarap na tayo’y maging superhero tulad ng mga iniidolo nating sina batman, spiderman, superman at iba. Pingarap nating makalipad at maging tanyag na mga tagapagligtas ng daigdig. Sa nobelang Kapitan Sino ni Bob Ong makikila natin ang pinakabagong superhero na mas matibay pa sa orig. Sa bayan ng Pelaez, may isang binata, Si Rogelio Manglicmot, isang karaniwang taong nakatakdang magbago ang buhay matapos madiskubre ng kanyang kaibigan na si Bok-Bok ang kanyang kakaibang lakas at kuryente sa katawan nagbibigay sa kanya ng pambihirang kapangyarihan. Hindi ako likas na mahilig sa pagbabasa ng libro pero iba ang naging impact sa akin ng nobelang ito, ang hirap bitawan, pipilitin mo talagang tapusin sa isang upuan dahil hihilahin ka ni Rogelio sa kanyang bawat pakikipagsapalaran. Patuloy mo ring aabangan kung ano ang kahihinatnan ng pagtatangi ni Rogelio sa kanyang kababatang si Tessa. Sa librong ito, mapapatawa ka at mapapaisip sa bawat bitaw ng linya hindi lang ni Rogelio kundi maging ng kanyang matalik na kaibigang turned sidekick na si Bok-Bok. Maraming pangyayari dito na sumasalamin sa buhay ko at buhay mo (pati sa buhay ng

kapitbahay nyo). Marami rin akong napulot na linya sa kwento na tumatak sa akin at nagbigay-siwang sa napakaraming realisasyon. Tulad ng sumusunod na dayalogo mula sa nobela: • Tutulong ka lang sa kapwa…hindi mo kailangan ng pangalan.” • Hindi mo kelangan ng maraming tao para makabuo ng isang mundo,eh…minsan isang tao lang pwede na mabuo ang mundong kelangan mo habambuhay. • Hindi ka bayani dahil sa mga kaya mong gawin, bayani ka dahil sa mga ginawa mo. • Tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayanan ka. Pero ‘wag mong kalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo maililigtas ang lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka…hindi ikaw ang magiging huli…hindi ka solusyon. Pero hindi dahilan ‘yon para mawalan ng ng pag-asa at tumigil sa pagbibigay nito…Gawin mo ang tingin mong nararapat bilang tagapagligtas, pero ‘wag mong pabayaan ang sarili mo bilang anak ko. • Magmaskara ka man o hindi, huhusgahan ka ng tao. Sa totoo lang ang dami-dami ko pang gustong isulat, sapul talaga sa puso at bumabaon ang mga linya

Sa simpleng pag-iwas niya , nakabubuo ako ng mga katanungan sa aking isipan. Siya si Maria, kamag-aral ko. May makintab at itim na itim na buhok, mamulamulang pisngi at mapupungay na mga mata. Kilala siya nang nakararami dahil sa taglay niyang kagandahan ngunit mas nagpatanyag sa kaniya ang pagiging mailap at pananais na laging mapag-isa. Malayo ang loob niya sa mga kalalakihan. Isang araw, sa kalagitnaan ng aming klase dumating ang isang lalaking matangkad, matipuno ang pangangatawan at puno ng guhit ang mga braso. Hinahanap niya si Maria. Sumilay sa maamong mukha ni Maria angn labis na takot at pagkabahala. Nagulat angn lahat nang mabilis siyang tumakbo palayo sa amin at sa lalaking naghahanap sa kanya. Ilang oras na ang lumilipas ngunit walang bumalik na Maria. Natagpuan ko ang aking sarili na tinatalunton ang masukal na bahagi ng aming paaralan, natagpuan ko siya at agad kong nilapitan. Napansin ko ang panginginig ng buo niyang katawan, walang tigil ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata.. Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong yakapin ng pagkahigpit-higpit sabay bigkas ng mga katagang lalong nagpagulo sa aking isipan, “Tama na po, tama na po...”

Dito ni Bob Ong, sigurado ako ‘pag nabasa mo ito makapipili ka rin ng mga linyang tatagos sa iyo. Dahil piksyon ang nobela, naging higit pang malawak ang nasaklaw na dimensyon ni Bob Ong sa paglikha ng nobela ito ngunit bagama’t hitik sa pantasya, ang nobelang ito ay naglalaman din ng patama at pag-uyam sa sistemang politikal sa bansa. Malinaw na sinasalamin ni Mayor Suico ang mga pulitikong naghahanap ng kapalit mula sa mga taong natutulungan nila. Naipakita ito ni Mayor Suico nang sabihin niyang kaya niya kinakain ang mga tao sa Pelaez ay dahil malaki ang utang ng mga ito at naniningil lamang siya. Simpleng tao lang si Rogelio Manglicmot na naging tagapapagligtas ng nakararami. Tulad niya lahat tayo ay may kakayahang maging superhero, sa simpleng pagtulong sa kapwa, pagtatanggol sa pamilya at kaibigan. Sa maraming mensaheng nais iparating ng may-akda, pinakamahalaga ang pagmumulat sa mga mambabasa na basta magtiwala sa sariling kakayanan ay magagawa ng taong maging bayani para sa kanyang kapwa.Sabi nga ni Rogelio, hindi hawak ng tao ang buhay pero hawak ng tao ang kapangyarihan para hindi pahirapan ang ibang tao.


Kung may mga pagkakataong tinatamad ka nang mag-aral ,sabi nga ng isang status na nabasa ko sa facebook ay isipin mo ang mga magulang mo o kung sinong mang nagpapaaral sa iyo na hindi napapagod magtrabaho masuportahan lamang ang pag-aaral mo. Totoo naman hindi ba ? Maswerte tayo dahil paggising natin sa umaga nakahanda na ang ating almusal, plantsado na ang ating uniporme, at may sapat o sobra tayong baon para hindi magutom sa eskwela. Ngayon, kung hindi ka pa rin kumbinsido na napakaswerte mo na para makaramdam pa ng katamaran sa pag-aaral, kilalanin mo na lang sila…Sila na hindi kasimpalad mo at kinakailangan pang magbanat ng buto para makapag-aral. Bata pa lang siya nang maulila sa ama. Ang kanyang ina ay nasa bahay lamang . Dati pinag-aaral siya ng kanyang tito pero hindi na nito kayang suportahan kaya kinailangan nya nang magtrabaho. Tatlo silang magkakapatid, ang kanilang panganay ay kasalukuyang nasa kolehiyo. Kadalasan nagiging dahilan ng pagliban niya sa klase ang pagod at puyat pero determinado siyang magpatuloy sa pag-aaral.

Mercedez Somera Ilang-Ilang, Guiguinto 17 1/2 8-Jasper tagahugas ng pinggan 50 bawat araw Lunes hanggang inggo (pagkatapos ng klase)

Trono

Ni Camille S. Serrano Sino ka ba para magmataas? Ikaw ba ang Diyos ng sanlibutan? Lahat ng tao’y tinitingala ka, Ngunit darating ang panahon Yuyuko ka rin at matututong humalik sa lupa.

Pag-uwi niya galing eskwelahan saka siya papasok sa trabaho. Nakakayanan naman niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagtratrabaho. Dahil wala na siyang mga magulang stay-in siya sa kaniyang pinagtratrabahuhan. Ilang beses na siyang nahinto sa pag-aaral pero gusto niya talagang makatapos . Gusto niyang makatapos ng pag-aaral at makakuha ng magandang trabaho para makuha niya ang kanyang mga kapatid na nasa pangangalaga nagyon ng kanyang tita. Wala man siyang mga magulang patuloy pa rin ang buhay at pangarap niya para sa mga kapatid.

Frank Eunil Castillo Tabang, Guiguinto 19 IV-Aguinaldo gasoline boy 350 kada araw Lunes-Biyernes (panggabi) Sabado-Linggo (Pang-umaga)

Renzon Eclarinal Tabang, Guiguinto 17 8-Jasper technician 300 kada araw sabado,linggo

Hiwalay na ang mga magulang ni Renzo. Dahil hindi sapat ang kinikita ng kanyang stepfather para masuportahan ang kanilang pag-aaral nagpasya siyang magtrabaho. Sa tatlong magkakapatid siya lamang ang nagtiyagang isabay ang pagtratrabaho sa pagaaral upang hindi mahinto.

Nakapisan siya sa kanyang kuya. Labindalawa silang magkakapatid, pang-siyam siya, hindi kaya ng kanyang mga magulang na pag-aralin silang lahat. Anim silang nag-aaral at katuwang siya at ang kanyang kuya ng kanilang mga magulang sa pagsuporta sa mga kapatid. Tuwing tanghali, pumupunta siya sa pinapasukang karinderya sa palengke ng Sta. Rita upang makapananghali nang libre, bagama’t nahuhuli siya sa klase nauunawaan naman ng kanyang mga guro ang kanyang kalagayan. Mahirap pero kinakaya niya para sa pamilya. Jay-Ar Balidoy Tuktukan, Guiguinto 14 8-Sapphire taga-ihaw ng barbeque 120 kada araw 6:00-8:00 nang gabi

Rayman Adlawan Wawa, Balagtas, Bulacan 20 IV-Aguinaldo Nagtitinda ng gulay P100.00 kada araw Lunes-Biyernes (pagkatapos ng klase)

Pangako

Ni Elaine Calacat Noon nangako ka Isang katerbang plataporma, May tuwid na landas pa, Ngayon tatanungin kita, Nagawa mo ba?

Angelica dela Cruz Pritil, Guiguinto 17 IV-Paterno part time kasambahay 150 kada araw Sabado, Linggo Kahit ayaw ng nanay ni Angelica personal na desisyon niya ang magtrabaho dahil gusto nyang makatulong sa suliranin nila sa pera. Iniwan na sila ng ama at paminsan-minsan ay tinutulungan na lang sila ng kaniyang tiyahin upang makaraos sa araw-araw. Nasa ikalawang taon siya nang magsimula siyang magtrabaho, kahit nagagalit ang tita at nanay niya ay umekstra pa rin siya bilang kasambahay. ‘Pag may sobra siyang pera binibigay niya sa kanyang nanay. Kapag nakapagtapos siya nitong Marso hindi muna siya mag-aaral ng kolehiyo.

Labintatlong taong gulang pa lamang siya ay hirap na hirap na sila sa buhay. Anim silang magkakapatid, apat sila na nasa hayskul at ang bunso ay nasa elementary. Samantalang ang kanyang kuya ay isang special child. Dahil sa kahirapan napilitan siyang huminto ng limang taon sa pag-aaral. Marami na rin siyang napasukang trabaho tulad ng kargador sa ricemill at pedicab drayber. Sa kanilang magkakapatid sila lang ng ate niya ang nagtratrabaho. Plano niyang makapagtapos sa sariling sikap dahil para sa kanya mahirap maghanap ng magandang trabaho kapag walang pinag-aralan.

Bayad Po

Ni Jacquie L. Java Papasok sa eskwela, Sasakay sa kakarag-karag niyang dyip, Minsa’y ititirik ka pa sa gitna ng kalsada. Nagbayad ka na ba? Gagala kasama ang barkada, Sasakay sa kakarag-karag niyang dyip Minsa’y matagal na hihinto Para maghintay ng pasahero. Nagbayad ka na ba? Kahit kumplikado ang sasakyan niya, At minsa’y mainit ang ulo niya. Ngayon tatanungin kita, Nagbayad ka na ba?

Simple

Ni Jacquie L. Java Simpleng ‘hello’ niya, Kinilig ka na. Simpleng ngiti niya, Na-inlab ka na. Sinabihan ka ng ‘Mahal kita,’ Agad namang naniwala ka. Ngayon sa simpleng sabi niya ng ‘Ayoko na’ Magpapakabaliw ka? Para sabihin ko sayo, Hindi siya hangin o tubig, Na ikamamatay mo Kapag nawala sa’yo.

Ewan

Ni Elaine Calacat

Bakit ang hirap magmove on? Kasi ayaw mo pa... Kasi umaasa ka pa... Kasi hindi mo pa matanggap Kasi mahal mo pa? Di ba? Ay ewan!

Baboy

Ni Elaine Calacat Kaya pala Naghihirap ang bansa Pera ng baya’y inubos Ngayo’y wala nang panustos


SURING PELIKULA

Ni Jacquie Java

Mahirap maging maganda. Bawat galaw mo tinitignan nila. Magkamali ka, hindi ka makakatakas sa kanilang mga mata. Ang mahirap pa, ‘pag gusto mong mangulangot kahit patago, hindi mo magawa. - Diary ng Panget. Ang Diary ng Panget ay orihinal na katha ni Denny o mas kilala bilang HaveYouSeenThisGirl sa isa sa mga internet site na tinatawag na wattpad. Ilang milyon na rin ang basa nito kung kaya inabangan talaga ng marami ang pelikula. Marami mang binago sa pelikula mula sa orihinal nitong kwento, hindi pa rin binigo ng pelikula ang mga manonood. Humanda ka nang tumawa, umiyak at kiligin. Sino pa nga ba ang hindi nakakikilala sa hindi kagandahang si Rhoa Rodriguez o mas kilala bilang Eya at sa napakayabang na si Cross Sandford? Mga karakter sa pelikulang talaga namang inabangan ng mga manonood. Sila ay ginampanan ng bagong tambalang JaDine o James Reid at Nadine Lustre na siyang nagpakilig sa sambayanan. Bagama’t ito ang una nilang pelikula at tambalan, hindi ito naging hadlang upang pumatok sa takilya at pilahan ang pelikulang ito ni Andoy L. Ranay.

Kasama rin sila Yassi Pressman na gumanap bilang Lorraine Scott o Lory at ang bago lamang sa mundo ng showbiz na si Andre Paras na gumanap naman bilang Chad Jimenez. Mahusay nilang nagampanan ang kani-kanilang karakter sa pelikula. Hindi pilit at natural ang pag-arte ng mga gumanap, may mga eksenang magaan at nakakatawa, may nakakadurog din ng puso higit sa lahat ay nakakikilig. Sinasabing isa sa kalamangan ng pelikulang ito ay nasa mga artistang nagsiganap. Talaga namang napaka-charming ni James Reid at napakaamo naman ng mukha ni Nadine Lustre. Kumbaga masasabing match made in heaven ang dalawa. Dagdag puntos rin ang mga background music na ginamit sa pelikula tulad ng kantang Period no erase at Paliguy-ligoy na sariling komposisyon ng dalawa. Bukod sa buhay pag-ibig ng mga karakter na naghatid ng kilig sa manonood ay lumutang din ang malakas na humor na nakahatak sa mga manonood. Naaalala nyo pa ba ang entry ni Eya sa diary niya? Dear Diary, Today nadapa ako sa may hallway. Walang na-

kapansin, buti na lang panget ako. Joke lang, nakita at pinagtawanan ako ni Cross, schoolmate kong model ng Bench - Eya PS. Dito nakasulat kung paano pinagtagpo ang landas niya at Cross Sandford sa hindi magandang paraan. Ang istorya ay umikot kay Eya na naging personal maid ni Cross. Walang nagtatagal na katulong sa binata kaya si Eya ang napili ng ama nito. Sa tulong ng mahiwagang si Memo Clarkson ang kaibigan ni Cross na nag-ala-fairy Godfather ni Eya dahil ito ang nagbigay sa kanya ng mga beauty products na unti-unting bumago sa kanya. Kasabay nito ang unti-unti ring paglambot ng damdamin ni Cross at pagkahulog kay Eya.Maayos ang banghay ng istorya. Magmamarka talaga ang mga mabibigat na linya na binibitawan ng mga karakter sa pelikula. Sa huling sinulat nga ni Cross sa pahina ng diary ni Eya, She’s not my type. Hindi siya kagandahan. Pero siya ang nagpapaganda sa buhay ko. Super kilig ‘di ba? Sa huli, itinuro ng karakter ni Eya ang kahalagahan ng pagiging maayos sa sarili at magtiwala sa sarili.

Ni Jaezel Gonzales

Sa liblib at malayong nayon ng Talon-talon tahimik na naninirahan ang pamilya ni Erlinda. Malayo sa hapit at bagabag ng siyudad masayang namumuhay ang mga taga- Talon-Talon. Pagsasaka, pagtatanim ng mga gulay at pag-aalaga ng mga hayop ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao rito. Maliit lamang ang populasyon ng bayang ito kaya magkakakilala ang bawat isa. Sa lahat ng dalaga sa nayon namumukod-tangi ang ganda ni Erlinda. Ang mahaba at itim na itim nitong buhok ay sumasabay sa kanyang paggalaw, may maninipis at mapupula itong mga labi na kapag ngumiti’y sinasabayan nang pagkislap ng mabibilog nitong mga mata at maliit na biloy sa kanang pisngi. Tampulan ng paghanga sa nayon hindi lamang ng mga binata kundi maging ng mga kapwa niya dalaga si Erlinda. Subalit mahiyain ang dalaga, hindi ito makikitang nakikiumpok sa mga dalaga ng nayon tuwing hapon upang makipagkwentuhan, hindi ito makikitang nakadungaw sa bintana tulad ng ginagawa ng mga dalaga roon kung umaga. Sabado ng hapon nang magpasyang pumunta sa Talon-Talon ang magkakaibigang Marlon, Joseph at Teejay para bisitahin ang mga komunidad na napili ng grupo para sa kanilang out-reach program. Subalit dahil may kalayuan at mahirap ang transportasyon patungo sa naturang nayon naligaw at napadpad sila sa gubat may ilang kilometro mula sa Talon-Talon. Habang nagpasyang pansamantalang mamahinga ang mga kasama, nagpatuloy sa paglalakad-lakad si Marlon hanggang sapitin niya ang isang maliit na kubo at masilip mula sa maliit na puwang ng bintana ang pinakamagandang dalagang nakita niya sa kanyang buong buhay. Sa pagbabalik ni Marlon sa mga kaibigan, sa halip na ituro sa mga ito na natagpuan na niya ang nayon ng Talon-Talon ay nag-aya na itong umuwi. “Mga pare, uwi na tayo baka abutan pa tayo ng gabi dito, mahirap na,” saad ng binata. “O, sige mabuti pa nga at mukhang uulan pa,” nag-aalalang wika ni Teejay. Tututol pa sana si Joseph dahil pakiramdam niya’y malapit na sila sa pakay pero nang makitang nagsimula nang maglakad ang dalawang kaibigan ay kakamot-kamot na rin itong sumunod. Papauwi nagtataka si Joseph kung bakit ang kanina pang mainit ang ulo na si Marlon dahil sa pagkaligaw-ligaw nila ay tila biglang

nagbago ang timpla pero nang usisain nila ay nagkibit-balikat lamang ito. Marahang kinatok ni Marlon ang bahagya nang bukas na pinto dahilan upang mapukaw ang atensyon ni Erlinda. “Sino po sila?, nahihiyang tanong ng dalaga. “Marlon po!” tugon ng binata. Binuksan ni Erlinda ang pinto at pinatuloy ang binata sa sala. Binigyan niya ng maiinom ang binata. Madaling napalagay ang loob ng dalaga sa binata dahil sa likas na mapagbiro ito. Bagama’t gusto pang magtagal ni Marlon, naisip nito na baka hinahanap na siya ng mga kasama kaya labag man sa kalooban ay nagpaalam na rin ito. “Erlinda, mauna na ako, maggagabi na kasi eh, sana pwede kita uling mabisita,” malambing na sambit ng binata. Pinong ngiti lamang ang itinugon ng dalaga. Habang binabagtas ng tatlo ang gubat pakiramdam ni Joseph ay may mga matang nagmamatyag sa kanila. Lumingon siya subalit wala namang nakita, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Inabot ng tatlumpung minuto bago nila ganap na marating ang kalsada. Bago tuluyang makasampa sa sasakyan may narinig na mahinang kaluskos si Joseph. Tinungo niya ang pinagmumulan ng tunog. “Hoy may tao ba d’yan?” sigaw ng binata. Tahimik na tahimik na muli ang lugar , may gumapang na kilabot kay Joseph. Nagmamadali siyang sumakay sa kotse at pinaandar ang makina. Hindi pa man nakakalayo ang kotse nang makita niya mula sa side-mirror ang isang malaking itim na aso, nakatitig sa kanya ang mapupulang mata nito. Inabot nang halos apat na oras ang dapat na dalawa’t kalahating oras na byahe dala nang malakas na buhos ng ulan at madulas na kalsada. Dahil malalim na ang gabi hindi na umuwi sa kani-kanilang mga bahay ang mga kaibigan at nagpasyang magpalipas na ng gabi kila Joseph. Dahil marahil sa pagod ay nakatulog agad sina Teejay at Marlon pero balisa si Joseph, hindi maalis sa isip niya ang asong itim, ang

matang nitong nag-aapoy na tila ba anumang oras ay handa siyang sunggaban. “Hindi na ‘ko,babalik sa lugar na ‘yon…tapos!” iritadong sagot ni Joseph sa pangungulit ni Marlon. “Pero pare pa’no yung outreach program, babagsak tayo kapag ‘di natin nagawa yun.” giit pa rin ni Marlon. “Ang sabi ko hindi na ‘ko babalik sa lugar na ‘yon pero ‘di ko sinabing hindi na natin itutuloy yung outreach program, maraming ibang lugar yung mas malapit, maghahanap tayo.” “Teka nga Marlon, umamin ka nga sa amin bakit ba biglang naging interesado ka d’yan sa Talon-Talon eh ikaw itong sandamakmak ang reklamo nung papunta tayo dun,” sabat ni Teejay. “Okey sige, aamin na ‘ko…hindi na tayo maliligaw, alam ko na kung saan yung lugar, nakita ko na…hindi ko lang agad sinabi sa inyo dahil kay Erlinda.” paliwanag ng binata habang nakataas ang dalawang kamay. “Erlinda?” halos magkasabay na

bigkas nina Teejay at Marlon. Nahihiyang inamin ni Marlon na natakot siyang maging kaagaw ang mga kaibigan kay Erlinda kaya minabuting ilihim sa mga ito ang kanilang pagkakakilala.

Kilala nina Teejay at Joseph si Marlon, chickboy ito, sanay ito na siya ang hinahabol ng mga babae. Libangan nito ang pagpapalit ng nobya, wala itong sineseryosong relasyon at masyadong mataas ang self-confidence nito para magalalang may magiging kaagaw sa babaeng gusto niya. Mukhang nahanap na nito ang babaeng makapagpapatino sa kanya dahil dama nila ang determinasyon sa boses nito na makipagmabutihan kay Erlinda. “I-full tank mo ‘tong kotse ha, isang linggo mo rin kaming ililibre, tapos papa-car wash mo rin itong sasakyan dahil panay alikabok na ‘to” tuloy-tuloy na litanya ni Joseph habang nagmamaneho patungong Talon-talon. “O, pa’no pare dito muna kayo, ‘wag na kayong sumama ha, intayin nyo na lang ako dito, promise babawi talaga ko sa inyo sa susunod,” wika ni Marlon na hindi na inintay ang sagot ng mga kaibigan at dali-daling tumakbo palayo sa gubat. “Pambihira naman Teejay, bakit ba napapayag ako niyang lintek na ‘yan. Tignan mo pagkatapos kong ipagmaneho iiwan tayo dito sa gubat na ito ‘di man lang tayo pakilala d’yan sa Erlinda na ‘yan,” himutok ni Joseph. “Hayaan mo na tol minsan lang magseryoso sa babae ‘yang kaibigan natin na iyan pagbigyan mo na,” pang-aalo ni Teejay. Naputol ang usapan ng dalawa nang makarinig ng kaluskos mula sa ‘di kalayuan si Joseph. Inaya nito si Teejay na tignan ang pinagmumulan ng ingay. “Huwag ka ngang p r a n ing pare, t a y o lang dito walang tao, mag-sound trip ka na lang para ‘di kung anoano yung naririnig mo d’yan,” sabay sapak ng headset sa tainga. Dahan-dahang lumakad si Joseph patungo sa pinagmulan ng kaluskos, maingat niyang iginala ang paningin sa noo’y papadilim nang gubat subalit wala siyang nakita. Hindi inaasahan ni Joseph ang

sumunod na nangyari, nang pumihit siya mula sa kinatatayuan nakita niya sa tabi ni Teejay ang malaking itim na aso…tulad nang dati nakatitig sa kanya ang mapupulang mga mata nito. Nagmamadaling kumuha ng malalaking piraso ng bato si Joseph para ipukol sa aso pero nang muling mag-angat ng kanyang paningin ay wala na ang aso. Nang medyo malapit na sa kinaroroonan ni Teejay saka lang nalaman ni Joseph ang sinapit ng kaibigan, wakwak ang tiyan, wala nang laman. “O, narito na pala si Erlinda, halika dito anak mayroon kang bisita taga-Maynila daw,” wika ni Nita ina ni Erlinda. “Maiwan ko na kayo diyan ha at magluluto pa ako ng hapunan,”paalam ni Aling Nita sa dalawa. “Bakit ka nga pala napasyal ulit?” usisa ni Erlinda sa binata. Hindi alam ni Joseph kung saan siya pupunta, pilt na hinahabol ang sariling hininga sa pagtakbo, kahit saan basta ang alam niya kailangan niyang lumayo, kailangan niyang makita si Marlon. Impyerno ang lugar na ito. Nabuhayan ng pag-asa si Joseph nang makakita siya ng isang kubo, may mahihingan na siya ng tulong. Madilim na ang paligid mas mapanganib nang magpagala-gala. Makikiusap siyang dito muna magpalipas ng gabi,tatawagan nya si Marlon, ibabalita ang nangyari kay Teejay babalaan ito, bukas nang umaga na sila magkikita at uuwi. Iniluwa ng pinto ang isang matandang babae. Malugod nitong pinapasok si Joseph, inalok ng maiinom. Isinalaysay ng binata ang nangyari sa gubat. Tahimik at matiyagang nakinig ang matanda. “Dito ka na magpalipas ng gabi, sandali at ihahanda ko na ang hapunan.” wika ng matanda. Naalala niyang kailangan niyang sabihan si Marlon baka bumalik ito sa gubat, dali-dali niyang kinuha ang cellphone sa bulsa. Walang signal. Sinubukang lumabas ni Joseph para makakuha ng signal, nag-ring ang kabilang linya, nagulat siya nang marinig ang tunog ng cellphone ni Marlon.Nandito lang si Marlon, tinungo niya ang likod-bahay kung saan nanggagaling ang tunog…papalakas nang papalakas sa kanyang pandinig. Napako sa kinatatayuan si Joseph, sa kanyang harapan naroon si Marlon, wala nang buhay sa ibabaw nito ay isang malaking asong itim na sinisibasib ang kanyang wakwak na tiyan. Dahan-dahan ang pigura ng asong itim ay nagbago, tumambad sa kanya ang isang balingkinitang babae, ang mahaba at itim na itim na buhok nito ay sumasabay sa kanyang paggalaw, bahagyang ngumiti ang manipis at mapupula nitong mga labi na sinabayan ng pagkislap ng mabibilog nitong mga mata at maliit na biloy sa kanang pisngi.


M

aging matapat at matulungin ka lang sa kapwa mo para magimg mabuti rin sila sa iyo.

Ni Jacquie Java

‘Yan ang kanyang prinsipyo sa buhay, sino nga ba si Manang sa buhay ng mga Lipanians? Si Nenita B. Villafuerte o mas kilala sa tawag na Manang ay isinilang noong ika-7 ng Oktubre 1966. Namulat siya sa kahirapan ng buhay sa murang edad. Hindi naging sapat ang pagiging labandera ng kanyang ina at pagiging hardinero ng kanyang ama upang matustusan ang pangangailangan nilang limang magkakapatid kaya naman sinikap niyang kumita ng pera sa sarili niyang pamamaraan. Pagtitinda ng ice candy, pangangalakal, pagtitinda ng itlog at kamatis ang ilan lamang sa naging trabaho upang masuportahan ang sarili sa pag-aaral. Hindi man niya nakamit ang diplomang inaasam sa kolehiyo, kahit paano’y nagpapasalamat pa rin siya dahil nakapagtapos siya ng elementary gaano man kahirap ang buhay. Simple lang ang pangarap ni Manang, ang makatulong sa kanyang kapwa sa kabila ng kahirapan. Sa halos labing-apat na taong paglilingkod bilang tagapagluto noon at janitress ngayon aminado si Manang na hirap siyang pagkasyahin ang P6,800 na kita para sa lima niyang anak lalo’t dalawa sa mga ito ay nag-aaral pa, ngunit hindi ito dahilan upang pahintuin niya ang mga anak sa pag-aaral. Iyong hindi niya nakamit na diploma para sa sarili ay gusto sana niyang maabot ng kanyang mga anak. Sa kasalukuyan, isa sa kanyang mga anak ang magtatapos na sa kolehiyo sa darating na Marso. Walang inaasahang kapalit si Manang sa pagpapaaral sa mga anak, sapat na sa kanya na makita na maayos ang buhay nito taliwas sa kanyang nakamulatan. Hindi biro ang hirap na tinitiis ni Manang para matustusan ang pag-aaral ng mga anak. Nalulungkot siya kapag may kailangan ang mga ito sa eskwela pero hindi niya maibigay. Maliban sa trabaho niya sa paaralan, namamasukan din si Manang tuwing Sabado at Linggo bilang tagalaba at tagapamalantsa. Walang day-off, walang araw para sa pamamahinga. Sa apat na taon na ginugol niya bilang janitress, hindi raw talaga maiiwasan na mayroong mga estudyante na

sakit ng ulo pero sa huli ay nakukuha rin niya ang loob ng mga ito. Totoong marami talagang mga estudyante ang malapit kay Manang, kahanga-hanga na pati yung mga madalas na sakit ng ulo ng mga guro ay nakakasundo niya. Madalas nga si Manang ang tumatayong magulang ng mga ito, siya ang humihingi ng pasensya at nakikiusap na muling bigyang ng pagkakataon ang mga mag-aaral. Sinabi nga niya, hindi matutumbasan ng kahit anumang bagay ang naging karanasan niya sa paaralang ito. Sa simpleng pagbati ng “Hi Manang” ay talaga naman dawn a ginaganahan at nagiging determinado siya sa kanyang trabaho. Kung siya ang tatanungin hindi niya iiwan ang pinaglilingkurang paaralan, hangga’t kaya ng katawan niya kahit mapagtapos na ang mga anak, mananatiling ang Felizardo C. Lipana National High School ang kanyang pangalawang tahanan. “Hindi mahirap magtrabaho, kapag masipag ka madali lahat,” wika ni Manang. Sa loob ng mahigit isang dekada ay naging bahagi na ng buhay ng maraming Lipanians at patuloy pang uukit ng maraming alalaala sa mga mag-aaral na tulad ko si Manang.

PBB ALL IN: Iba’t ibang Mukhang Naglipana sa Lipana Ni Marivic Crisologo

Nang minsang biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko (freeze zone) ay samu’t saring realisasyon ang rumaragasang pumasok sa isipan ko. Sa 16 na taong existence ko sa daigdig na ito sampung taon ang ginugol ko sa paaralan . Sabi nga nila ang tao ay isang social animal likas sa atin ang pangangailangang makibahagi, mapabilang at matanggap ng mga tao sa ating paligid. At dahil nga isa akong social animal naging bahagi na ng araw-araw kong pakikibaka sa eskwela ang pagsisikap na maging katanggap-tanggap sa iba. Dahil dito, gumawa ako ng listahan ng iba’t ibang uri ng estudyante na kailangan kong pag-aralan/pakisamahan/pakibagayan. Batay sa aking malalim na pagaaral (feeling detective/psychologist) maraming uri ng mag-aaral na nagbibigay kulay at buhay sa apat na sulok ng silid-aralan. Kung hanggang ngayon ay hinahanap mo pa ang sarili mo at makatulong ang listahan na ito upang matagpuan mo ang katauhan mo ay lubos na ikasasaya ko ( hindi mo na ako kailangang ilibre sa kantin para magpasalamat, pero kung mapilit ka okey lang!) O, handa ka na ba? Lika na ! ANG MGA NYELPIE LORDS Sila yung naghahang ang telepono mga 2 o higit pang beses sa isang araw sa sobrang gamit ng camera 360. Mula sa pagmulat ng mata (#bagonggising) hanggang sa bago matulog (#feelingsleepy) meron silang mga picture. Kadalasan, nahuhuli sila sa klase pagkatapos mag-recess o lunchbreak dahil kailangan pa nilang mag-selfie kasama ang kanilang pagkain. PALITAW-LATIK Huwag mo na silang hanapin mapapagod ka lang. Sila yung mga tipong sindalang pa ng patak ng ulan kung tag-araw kung pumasok. Kung talagang gusto mo silang matyempuhang pumasok nandyan sila tuwing may school activities tulad ng Intrams, JS Prom, field trip o kay kung may bagyo at nagdeklara

go out,” dahil hindi sila nakatitiis na nakaupo sa klase sa loob ng isang oras. Kaya’t kahit hindi sila aktibo sa klase ay kilalang-kilala sila dahil sa kanilang pambihirang kasipagan sa pagtayo at pagroronda. ENDANGERD SPECIES Sila ang maga natatanging magaaral sa kilos at pag-uugali. Parang boyscout at girl scout laging handa. Nang magpaulan ng kabaitan si Lord marahil wala silang payong at kapote kaya nasalo nilang lahat. Sila yung matiyagang nagbubura ng sulat sa pisara araw-araw. Tagabuhat ng mg agamit ng mga titser. Mayroon silang unlimited na suplay ng papel at walang sawang namimigay sa mga kaklaseng wala ring sawa sa panghihingi. Hindi naman sila palasagot sa klase, hindi rin kataasan ang nakukuha nila sa eksam pero laging ‘very good’ kina sir at ma’am.

ang PAG-ASA na walang pasok. Baka naman isipin mo na tuwing walang klase lang nagpapakita nariyan rin sila tuwing Periodical Exams. TEAM BATMAN Walang takdang-aralin, walang projects, walng bolpen, walng papel, walang libro, wala lahat! Sila yung mga estudyanteng pumapsok sa eskwelahan na halos sarili lang nila ang dala. Humanda ka na, dahil kung katabi mo sila dapat may ekstrang bolpen ka (magagalit ‘pag ‘di mo napahiram), marami kang papel (para bigay agad kung may quiz) at ginawa mo ang takdang-aralin nyo para may kopyahan sila. Sa madaling salita sila yung mahilig sa ekspresyon na “Bahala na si Batman!” TELESERYE KING/QUEEN “May tissue ka ba?” I-ready mo na. Sila yung daig pa ang mga artista sa soap opera sa dami ng drama sa buhay.

‘Yun tipong nadaig pa si Sharon Cuneta sa pelikulang ‘Pasan Ko ang Daigdig.’ Parang libangan na nila ang kolektahin at angkinin ang lahat ng problema sa daigdig. Maging maingat sa pakikitungo sa kanila dahil baka bigla silang sumabog at bumigkas ng pyesa ng deklamasyon. At dahil nga madalas silang problemado madalas mo rin silang makikitang nag-iisa at tulala. DA ‘ONE’ Sila yung madalas na nakararanas ng pananakit ng mga braso at kamay dahil sa paulit-ulit na pagtataas ng mga ito sa recitations. Sila rin ang takbuhan ng mga kaluluwang ligaw na walang maisagot kung eksamin at nanganganib bumagsak. Ang worst nightmare nila ay makakuha ng mababang marka. Lahat ng kailangan sa pag-aaral mayroon sila kung walang internet connection at ‘di makapag-google subukan mo silang tanungin.

Huwag mo lang silang hihingan ng payo tungkol sa buhay pag-ibig. Lahat mayroon sila maliban sa social life at love life. GGSS Mga estudyanteng gandang-ganda at gwapong-gwapo sa sarili. Parang laging may kamera sa harapan nila, laging todo-project, kahit na gaanong kainit hindi pwedeng tanggalin ang dyaket dahil bawas sa japorms. Isuot na rin ang shades kahit madilim dagdag gandang babae/gandang lalaki rin iyon. Hindi nila kailangan ng malaking bag tama na yung kasya ang kanilang mga kolorete sa mukha. MGA SIKYU Masipag silang maglibot sa buong kampus. Minsan nga kailangan nilang mag-cut ng klase para gampanan ang responsibilidad na iniatang nila sa kanilang sarili. Kapag naman nasa loob sila ng klasrum mahilig silang tumayo kahit na hindi tinatawag ng titser. Libangan din nila ang mag “May I

MGA PAK NA PAK Para silang mga bayaning tagapagligtas lalo na kapag unti-unting bumababa at nagtatagpo ang mga talukap ng iyong mga mata. Panalo sila sa pagbato ng punchlines na tiyak na gigising sa iyong pupungas-pungas na diwa. Papahagalpakin ka nila hanggang mangawit ang iyong mga panga at sumakit ang iyong tiyan sa kakatawa. USER FRIENDLY Mistula silang mga linta, madikit at mahirap tanggalin ‘pag kumapit. Kung wala silang mapapala sa’yo huwag kang mag-alala dahil hindi ka nila pag-aaksayahang lapitan. At dahil sila ay non-biodegradable (plastik) matagal ang kanilang life span sa planetang Earth. Siguro nga marami pang kulang sa listahan ko. Talaga naman kasing bawat tao may kanya-kanyang ugali, personalidad, hilig at kung ano-ano pa. Miski naman sa ating kanya-kanyang tropa, iba’t ibang ugali ‘di ba? Kaya nga mahalagang marunong tayong makibagay at makisama. Ang maganda lang sa kabila ng mga pagkakaiba-ibang ito ay nagagawa pa rin nating magkaisa (lalo na kung may eksam!)


11

bakbak-balakubak

na

paraan

www.usefulinfo.com

Marami maaaring maging sanhi ang balakubak kabilang na rito ang tuyo’t na anit, isang sakit sa balat na kung tawagin ay seborrheic dermatitis, eczema, psoriasis o dili kaya’y mga yeast-like fungus na kung tawagin ay malassezia. Kung pagod ka na pag-asa sa pangakong lunas ng mga anti-dandruff shampoo, huwag mawalan ng pag-asa ‘pagkat narito na ang mga natural na pamamaraan upang tuluyan nang mamaalam sa iyong balakubak. Alamin kung alin sa mga sumusunod na lunas ang hiyang sa iyo.

1. Aspirin

Taglay nito ang salicylic acid, isang active ingredient na matatagpuan sa maraming medicated-dundruff shampoo. Durugin ang dalawang tableta ng aspirin at ihalo sa shampoo. Hayaan ito sa iyong buhok sa loob ng 1-2 minuto pagkaraan ay banlawang mabuti. Mag-shampoo ulit pagkatapos.

2. Mouth wash

Upang gamutin ang malubhang kaso ng balakubak, gumamit ng alcohol-based na mouthwash pagkaraang mag-shampoo. Sundan ito ng conditioner.

3. Baking Soda

Nasa kusina lamang ninyo ang solusyon sa iyong problema. Basain ang buhok at ikuskos ang isang dakot na baking soda sa anit. Huwag nang mag-shampoo at banlawan na lamang ang buhok. Nakatutulong ang baking soda sa pagpatay ng fungi na sanhi ng balakubak. Sa simula ay manunuyot ang buhok ngunit makalipas ang ilang linggo ay magsisimula na muling maglangis ang anit at babalik ang dating lambot ng buhok.

4. Dayap

Imasahe ang dalawang kutsarang katas ng dayap sa anit at banlawan.Pagkaraan, paghaluin ang isang kutsaritang katas ng dayap sa isang tasang tubig at ibuhos muli sa buhok. Gawin ito araw-araw hanggang sa mawala ang balakubak.

7. Asin

5. Tea tree oil

Batay sa isang pag-aaral ang mga shampoo na may 5% na tea tree oil ay mabisang nakatatanggal ng balakubak. Ihalo ang ilang patak ng tea tree oil sa iyong shampoo at banlawan tulad ng nakasanayan.

Ang kagaspangan ng ordinaryong asin ay mabisang pangbakbak ng balakubak. Maglagay ng asin sa iyong anit, imasahe ito sa ulo hanggang mabakbak ang mga balakubak.

8. Langis ng Niyog

10. Bawang

11. Olive Oil

Ang anti-fungal na katangian ng bawang ay mabisang pamuksa sa mga bakteryang sanhi ng balakubak. Upang matanggal ang matapang na amoy nito haluan ng pulot (honey) ang dinurog na bawang bago ipahid sa buhok at anit. Mag-shampoo at banlawan pagkaraan.

Bago maligo, maglagay ng 3-5 kutsarang langis ng niyog sa ulo hayaan ito ng isang oras bago basain at paliguan.

6. Apple Cider Vinegar

Ayon kay Dr. Mehmet Oz ang acidity ng apple cider vinegar ay bumabago sa ph ng anit at sanhi upang hindi tubuan ng fungi. Paghaluin ang 1/2 tasang apple cider vinegar at 1/2 tasang tubig. Ilagay sa spray bottle at iwisik sa anit. Balutin ng tuwalya ang ulo sa loob ng 15 minuto hanggang isang oras. I-shampoo at banlawan ang buhok pagkaraan. Gawin ito dalawang beses sa isang linggo.

9. Aloe Vera

Bago matulog sa gabi, imasahe ang 10 patak ng olive oil sa anit at lagyan ng shower cap ang ulo magdamag.

Upang matanggal ang pangangati sahi ng balakubak. Lagyan ng aloe vera ang anit bago maligo.

Ni Cim de Lima

(Lahok na nagkamit ng gantimpala sa Eddis Press Conference)

Babala: Bawal abusuhin. Maalinsangan ang kapaligiran nang biglang tumunog ang bell na siyang bumasag sa katahimikang bumabalot sa aming silid-aralan. Isang hudyat ng pagtatapos ng klase. Masarap sa panlasa. Nakapagbibigay ng kasiyahan lalo sa mga bata. Hindi lamang sa mga bata kundi maging sa kahit sino mang naaakit sa masarap nitong lasa. “Ate, pabili nga po ako nito (sabay turo sa isang sitsirya) at de-bote,” naulinigan kong sinabi ng aking katabi sa aming kantin. Hindi na rin naman ito bago sa aking pandinig dahil patok talaga ang ganitong pagkain sa mga mag-aaral kaya siguro hindi rin maihinto ang pagtitinda ng mga ito sa kantina bagama’t inirerekomenda na ng Department of Health na itigil na ang pagtitinda ng mga ganitong uri ng pagkain sa mga paaralan. Minsan na rin akong nabulag at naging biktima ng Junk Foods. Sa kagustuhan kong mapaligaya ang sarili sa pagluluoy sa matatamis at masasarap na mga sitsirya at inumin ay ipinagwalang-bahala at isinantabi ko ang aking kalusugan. Malimit akong bumili ng mga pagkaing batid ko na hindi makabubuti sa aking kalusugan. Ang maaalat na sitsirya ay sasabayan ko ng malamig at matamis na de bote na tiyak na makapagpapasaya sa akin. Habang patuloy sa pagnguya ay tila nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan. Hindi ko na alintana ang hawak kong pagkain dahil pamimilipit sa sakit ang tanging nararamdaman ng aking katawan. Ilang araw ko na ring ipinagwawalang-bahala ang mga sintomas na nararanasan ko, tuwina’y binabagabag ako ng pananakit ng balakang, madalas na pag-ihi ngunit paunti-unti, pagkapagod, panging-

DEN Iwas GUE rou s Tips

Ni Marivic Crisologo

Isa ang dengue sa mapanganib na karamdamang dala ng lamok. Ayon din sa Department of Health (DOH), ito ang pangunahing sanhi ng pagkakaospital ng mga bata. Kaya naman patuloy ang DOH sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko ukol sa mga paraan upang makaiwas dito. Tanong : Talaga bang may mga taong mas lapitin ng lamok? Sagot : Oo. Mas nilalapitan ng lamok ang… 1. Maiinit na bagay. 2. Carbon Dioxide

paligid ng bahay na maaaring tirahan ng lamok. 3. Gumamit ng kulambo. Home Made Mosquito Trap ( Ayon sa disenyong gawa ng DOH )

Kung kaya mas lapitin ka ng lamok kung… 1. Mataas ang temperatura ng iyong katawan. 2. Mabilis kang pagpawisan kahit walang ginagawa 3. Nakasauot ka ng itim. 4. Ikaw ay nagdadalang-tao. 5. Galing ka sa ehersisyo at pinagpapawisan.

Mga Sangkap: 1 plastik na bote 1 tasang tubig Asukal Pampalasa (yeast)

Tanong: Paano ako makakaiwas sa lamok? 1. Panatilihing malinis ang bahay at paligid. 2. Siguraduhing walang naipong tubig sa

Panuto: 1. Gupitin ang ibabaw na bahagi ng bote. Tanggalin ang takip. 2. Timplahin ang tubig, asukal at pampalasa magbubunga ito ng C02 na lapitin ng lamok.

inig ng katawan at mataas na lagnat. Sa muling pagmulat ng aking mga mata, ang paligid ko’y nababalot ng puti, batid kong wala ako sa aking sariling silid. Dama ko ang sakit ng aking kamay na dulot ng nakatusok na karayom. Ngayo’y nakaratay ang aking katawan sa malambot na kama ngunit ramdam ko ang parusa sa bawat gamot at karayom na itinuturok sa akin. Gayunman ay mapalad pa rin ako dahil naagapan ang aking kalagayan bago pa ito lubusang lumala. Ayon sa doktor ang mga antibiotic na nasa reseta ang siyang makagagamot sa aking urinary tract infection kaya kinakailangang masigurong inumin ko ito sa loob ng pitong araw. Natanaw ko mula sa pinto ng aking silid ang pagpasok ng aking ina. Bakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala sa aking karamdaman. Paulit-ulit muli ang kanyang paalala at payong iwasan ko na ang pagkain ng junkfoods…mga paalalang kung sinunuod ko lang sana ay nag-iwas sa akin sa ganitong pagdurusa. Tiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnng! Maalinsangan ang kapaligiran ng biglang tumunog ang bell na siyang bumasag sa katahimikang bumabalot sa aming silid-aralan. Isang hudyat ng pagbabago at pagkakaroon ng disiplina. Disiplina na siyang magpapaalalasa akin na lahat nang sobra ay masama. At patuloy ang aking paalala… Babala: Bawal abusuhin.

Paalam hithit-buga

Ni Danica Castro

Sa mga patalastas sa radyo at telebisyon o maging mismo sa pakete at kaha ng sigarilyo ay makikita ang babalang “Smoking is dangerous to your Health.” Sa kabila nito, tila ipinagkikibitbalikat lamang ng mga taong nahirati sa paninigarilyo ang mga babalang ito. Patunay lamang na nakaaadik ang paninigarilyo at hindi madali sa mga taong nahumaling na rito ang pagtigil. Kaya naman ang pinakamabisang gawin talaga ang huwag nang subuking simulan ang bisyong ito. Bukod sa kanser sa baga, nagiging sanhi rin ang paninigarilyo ng iba’t ibang kanser sa bibig, dila at lalamunan. Maaari rin itong magdulot ng chronic bronchitis, emphysema, ischemic heart disease, hypertension at iba pang non-communicable disease (NCD’s). Kung nasimulan nang malulong sa paninigarilyo at nais subuking kumawala rito, narito ang ilang gabay na maaari mong gawin upang unti-unting makawala sa mapanganib na bisyong ito. 1. Maging buo ang pasya na ititigil na ang paninigarilyo at magtatakda ng target na panahon kung kalian ganap na sisimulan ito. 2. Itapon ang mga natatabing si-

garilyo, posporo, lighter at ashtray. 3. Maging handa sa mga withdrawal syndrome tulad ng pagkahilo, pagpapawis nang malamig, panginginig at pagkabalisa sa loob ng isa hanggang dalawang linggo. 4. Uminom ng maraming tubig. 5. Maging aktibo sa mga gawaing pisikal upang makaiwas sa pananabik na makapanigarilyo. 6. Ipunin ang salaping ipambibili sana ng sigarilyo at ibili ng regalo para sa sarili. 7. Umiwas sa mga lugar na may mabibiling sigarilyo o mga may makikikitang taong naninigarilyo. 8. Iwasan magsindi ng kahit isang sigarilyo kapag nasimulan magsusunod-sunod na uli ito. 9. Ipabatid sa mga kapamilya at kaibigan ang pagnanais na tumigil sa paninigarilyo upang makuha ang kanilang suporta. Kung talagang gugustuhin ay magagawang makawala mula sa paninigarilyo. Tandaan na higit sa lahat ng mga gawaing nakatala sa itaas ay mahalaga ang disiplinang pansarili at pagpapahalaga sa kalusugan.


COMET,

nasa mga kalsada na ng Pinas

Ni Mike Santos

Dalawampung City Optimized Managed Electric Transport ang pumapasada na sa Quezon City nitong Oktubre. Ang mga naturang E-jeepney ay may rutang SM North Edsa at LRT Station mula 5pm hanggang 9pm. Tugon umano ang COMET hindi lamang sa kakapusan ng mga pampublikong sasakyan sa lunsod at patuloy na tumataas na presyo ng gasoline kundi lalo na sa suliranin sa polusyon ayon sa Global Electric Transportation (GET) distributor ng E-jeepney sa bansa. Kinakailangan ng mga pasaherong bumili ng GET pass, isang reloadable card upang makasakay sa COMET. Isa pang ipinagmamalaki ng COMET ay ang pagkakaroon nito ng CCTV cameras para sa seguridad, awtomatikong kinukuhanan nito ang mga pasahero na ipinadadala naman sa command center. Mayroon ding telebisyon at wifi sa e-jeepney na ito. Para sa sampung oras na biyahe kinakailangang i-charge ang COMET sa loob ng apat na oras.

Paano kung kaagaw mo sina lola’t lolo sa computer games?

Panalo ‘to!

Ni Kerlyn Antonio

Ni Janina Vianca Figueroa

Pinoy App, sagot sa mobile snatching

Upang masolusyunan ang suliranin sa pagnanakaw ng cellphone sa bansa isang App ang naimbento ng isang Pilipino na mag-i-immobilize, hahanap at rerekober ng mga nanakaw na cellphone. Hindi tulad ng mga kasalukuyang anti-theft apps ang Theft Apprehension and Recovery Application (TARA) na ito ni Jun Lozada ay gagana kahit walang internet connection. Ayon kay Lozada, upang maging epektibo ang isang anti-theft app hindi dapat na paraanin pa sa mobile data ang proseso ng pagrerekober ng cellphone kaya mismong sa software ng cellphone inilagay ang TARA App. Dagdag pa ni Lozada naisip niyang gawin ang TARA App na may pagkakatulad sa ‘kill-switch’ app dahil sa limi-tadong bilang

ng mga mobile users na may access sa internet sa bansa. Kapag nanakaw ang cellphone, maaaring i-lock ng mayari at i-on ang alarm ng cellphone sa pamamagitan ng pagpapadala ng SMS at 6-digit code ng nanakaw na gadget o dili kaya nama’y pagtawag sa TARA hotline. Ang alarma ng cellphone ay maglalabas ng malakas na ‘magnanakaw tone’ at paulit-ulit itong mag-ple-play kahit na alisin ang simcard. Maaaring mapatigil ng magnanakaw ang alarma sa pamamagitan ng pagtatanggal ng baterya ng cellphone subalit muli itong tutunog kapag binuksan ang cellphone. Maaari ring makontak ng TARA call center ang sinumang may hawak ng cellphone at ipaalam dito na nakaw ito. “Kung talagang gustong

o l l e H ! o l l E

mabawi ang device, ia-unlock naman ang cellphone at tatawagan at sasabihan ang may hawak nito na nakaw ang ginagamit niya at muling ila-lock ang device pagkatapos ng tawag,” ani Lozada. Mayroon ding emergency button TARA na nasa screen ng cellphone upang ialerto ang call center at mga kapamilya ng may-ari kung may emergency. Naisip ni Lozada ang app na ito matapos mapanood sa balita ang isang batang lalaking pinatay sa saksak matapos tumangging ibigay ang cellphone niya sa magnanakaw. Sa kasalukuyan, nasa i- lang myPhone unit na ang TARA App . Ayon kay Lozada magi- ging available na rin ito sa ibang mobile phone manufacturers sa pagtatapos ng taon.

Sinong nagsabi na pambata lamang ang mga laro sa kompyuter? Batay sa isang pag-aaral ng mga grupo ng siyentipiko mula France may mga brain-boosting computer games na maaaring maging kasing epektibo ng mga gamot bilang panlunas sa matinding depresyon sa matatanda. Sa artikulong inilathala ng mga naturang siyentipiko sa Journal Nature Communications, lumalabas na kung hindi man kasing-epektibo ng mga gamot kontra depresyon ay maaari ngang mas mahusay pa ang paglalaro ng kompyuter games kaysa sa mga ito. Isinagawa ang naturang pag-aaral upang patunayan ang teoryang ang tumatandang pag-iisip ay maaaring muling mahasa sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsasanay na magreresulta sa muling pagbabalik ng dating kaalaman, memorya at higit na kasanayan sa pagbuo ng desisyon na makatutulong naman upang mabawasan o tuluyang maalis ang depresyon. Kaugnay nito, pinatunayan na rin ng mga naunang pag-aaral na ang problema sa ilang kakayahang pampag-iisip ay humahantong sa kawalan ng bisa ng mga anti-depressants. Isinailalim ng mga espesyalista mula sa Amerika ang 11 tao (edad 60-89) na nakararanas ng matinding depresyon at hindi na tinatablan ng gamot sa isang apat-na-linggong computer training programme, ‘pagkaraa’y sinuri ang mga ito kung may pagbuti sa kanilang kalagayan kaugnay sa talas ng pag-iisip at depresyon. Kumpara sa 33 matatatanda na isinailalim sa hiwalay na pag-aaral at binigyan ng mga gamot kontra depresyon ay lumalabas na magkasing-bisa lamang ang mga gamot at brain-flexing computer exercises sa paglaban sa depresyon bagama’t ginawa lamang ang nasabing computer activity sa loob ng apat na linggo. Gayunpaman, aminado pa rin ang grupo ng siyentipikong ito na kinakailangan pa ng higit na pagaaral ang kanilang eksperimento. At kung higit pang mapatutunayan ang pag-aaral na ito, maghanda ka na dahil sa darating na panahon siguradong kaagaw mo na sa kompyuter games sina lola at lolo.

USAPANG TECHIE Ni Marivic Crisologo

Ipinanganak na nga ba ang makakatapat ng facebook? Ang Ello ay isang bagong ad-free social network site na bukas lamang sa mga may imbitasyon. Nagsimula ito nito lang Agosto sa 90 katao ngayon ay nakakakuha na ito ng halos 31,000 requests para sa invites bawat oras. Ayon kay Paul Budnitz, inumpisahan niya kasama ang isang grupo ng designer noong Enero ang Ello, matapos mapansin na naging isang malaking advertising platform na ang internet. Masasabing kaunti lamang ang laman ng Ello, iilan ang litrato at may

puting background na lumilikha ng mood na kalmado. Bago makapag-sign-up sa Ello, kailangan mong ma-invite. Ang bawat bagong user ay nangangailangan ng 25 invites. Kapag nakakuha ka na ng golden ticket dahil sa mga invites mo, madali nang mag-signup, kailangan mo lang mamili ng username na magiging kapareha ng iyong URL. Ang napili mong username ay maaari mo ring palitan kung kalian mo gustuhin, maaari mo ring gawing anonymous ang iyong account kung nanaisin mo. Ang tanging kailangan lang ay ang iyong email address

kumpara sa facebook sign-up na kailangan pa ng birthdate at gender. Maaaring i-filter sa 2 paraan ang iyong newsfeed sa Ello, friends o noise. Sa friends tab, makikita mo lahat ng post ng mga minarkahan mong friend. Sa noise naman, lalabas ang katulad ng sa Pinterest grid ng mga post galing sa minarkahan mo ng noise. Dinesenyo ang gamit upang medaling makapamili ang user kung anong post siya interesado. Kapag clinick mo ang friend sa profile ng kahit sino awtomatikong napa-follow mo ang kanilang post hindi na kailangang mag-send ka ng friend request at tanggapin niya ito.


Invisible na payong, bagong porma sa tag-ulan Ni Camille Ann Serrano

Tinatayang higit sa 30 siglo na ang nakalipas mula nang maimbento ang kauna-unahang payong. Sa pagdaan ng panahon bagama’t dumaan sa mga pagbabago ng laki at disenyo ng mga mabibili sa merkado ay nanatili pa rin ang orihinal na anyo nito - isang piraso ng tela na nakasabit sa metal upang magbigay ng proteksyon sa init man o ulan. Ngayon, isang grupo ng mga designers mula sa Nanjing, China ang maglalabas ng bagong anyo ng payong na binubuo lamang ng metal poles (rod-shaped device) na may motor, rechargeable na lithium na baterya at fan blade na maglalabas ng ‘force field’ ng hangin upang maitaboy ang ulan at mapanatili kang tuyo. May tatlong modelo ang Air Umbrella, ang model A ay dinisenyo para sa mga kababaihan, may haba itong 12 pulgada at tumatagal ng 15 minuto, ang model B ay nasa 20 pulgada ang haba at may 30 minutong oras ng baterya, at ang model C na extendable may habang mula sa 20 hanggang 32 pulgada at tumatagal din ng 30 minuto. Hindi ito ang una Ang konsepto ng mga Tsino na ito na paggamit ng air flow upang mai-

taboy ang ulan ay hindi ang unang pagtatangka. Taong 2010 nang mauna nang naibalita na sinubok ng isang Korean designer ang air umbrella concept subalit hindi ito na matagumpay na nailabas sa merkado sa kakulangan ng suportang pinansyal. Kritisismo Hindi pa man lumalabas sa pamilihan ang air umbrella ay samu’t saring puna na ang ipinupukol dito. Una na sa listahan ang pintas sa bigat nito na halos 1.82 lbs o halos isang kilo (model C). Apat na beses ang bigat nito sa isang ordinaryong payong. Matatagalan nga kaya ng consumer na buhatin ang ganitong kabigat na payong sa kasagsagan ng ulan? Ikalawa, maaari rin nga namang hindi mo na kailanganing hawakan ito nang matagal sapagkat ang pinakamahabang battery life na mayroon ito ay 30 minuto. Kaya naman kung mamalasin ka at umulan ng higit sa kalahating oras , ihanda mo na ang iyong sarili na maligo sa ulan. Ikatlo, bagama’t ipinangangako nitong maitataboy ng force field ng hangin ang ulan upang hindi ka mabasa, hindi ginagarantiyahan nito na hindi titilamsik sa katabi mo ang pwersa ng

‘Kuryente’, ‘WattMatters’ , Ni Danica Castro Sa kabilang banda, idinesenyo naman ang WattMatters upang gabayan ang mga consumers sa pagpili ng mga kasangkapang matipid sa kuryente. Naglalaman ito ng isang data base na nagpapakita ng mga kasangkapan sa bahay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga consumers na pagkumparahin ang energy efficiency ng mga ito at mapili ang magbibigay sa kanila ng katipiran. Maliban sa mga kompyuter ay maaari na ring i-download sa mga android devices bilang apps ang Kuryente at Wattmatters.

Bukas sa Pagbabago Aminado ang grupo na nagdisenyo ng air umbrella sa mga kahinaan nito at kinakailangan pang higit na mapagbuti ang orihinal na modelo nito. Ayon sa mga Chinese designers nito, nakatakda nilang simulan ang mga naturang pagbabago nitong Oktubre 2014 hanggang sa Hulyo 2015. Nakatakda namang ilabas ang unang improved products mula sa mga pabrika nito sa Setyembre 2015. Sa sampung buwang improvement process target ng grupo na mapaganda pa ang anyo, auxilliary function (power display, power supply) at practicability ng air umbrella. Hamon Target ng grupo na makalikom ng US$ 10,000 sa Kickstarter upang masuportahan ang produksyon at target na release ng air umbrella sa pamilihan sa Disyembre 2015. Ayon sa Kickstarter page magtatapos ang fund-raising campaign para sa air umbrella nitong Oktubre.

Medesina,

sagot sa pagtaas ng bayarin sa kuryente Hinimok ng Department of Energy (DOE) ang publiko na bisitahin ang websites nito na Kuryente at WattMatters upang magkaroon ng kaalaman sa higit na mahusay na pagkonsumo ng kuryente. Binigyang-diin ng ahensya ang mga impormasyong makukuha sa mga websites nila lalo na sa mga tahanan pagdating sa power utilization management. Sa pamamagitan ng Kuryente website ay masasagot ang lahat ng mga katanungan ng konsumer na may kinalaman sa elektrisidad. Maaari ring makita sa website na ito ang halaga ng kuryente sa iba’t ibang lugar sa buong kapuluan.

hanging may kasamang ulan. At huli, ihanda nang mabutas ang bulsa sapagkat ang presyo nito (pre-order) ay naglalaro sa US $88 hanggang US$108.

nakiselfie na rin Ni Francia Tamayo

Sa kasagsagan ng kasikatan ng selfie, isang bite-sized na kamera ang naimbento upang makita ang loob ng bituka - ang PILLCam. Aprubado ng US Food and Drugs (FAD) ang alternatibong paraang ito upang masilip ang bituka ng mga pasyenteng hindi ganap na nakita ang kabuuan ng bituka matapos sumailalim sa colonoscopy. Ang hugis pill na capsule na ito ay may kamera sa magkabilang dulo. Naglalakbay ito sa bituka ng pasyente sa loob ng walong oras habang kumukuha ng high-speed na imahe na siya namang ipinadadala sa isang aparato na suot ng pasyente. Ang naturang larawan ang siya namang susuriin ng mga doktor. Ang PILLCam ay produkto ng Given Imaging isang Israeli Company. Tugon ito sa tinatayang halos 700,000 na kaso ng incomplete colonoscopy sa Amerika taon-taon. Nangyayari ang incomplete colonoscopy kapag bigo ang mga doktor na masilip ang buong bituka ng pasyente bunsod sa iba’t ibang dahilan tulad ng history ng abdominal surgery. Bagama’t aprubado ng US FAD hindi nilikha ang PILLCam upang tuluyan nang palitan ang colonoscopy bagkus ay bilang katulong na kagamitan ng naturang procedure sa dahilang ang mga imaheng kuha nito ay hindi kasing linaw ng sa colonoscopy. Kung presyo naman ang pag-uusapan ‘di hamak na mas mura ang PILLCam kumpara sa libong dolyar na halaga ng colonoscopy sa US. Sa kasalukuyan aprubado nang gamiti ang PILLCam sa 800 bansa sa buong mundo.

Pe l igro sa Te le pono Ni Camille Ann Serrano

Sa buong mundo, tinatayang nasa 6.9 bilyon ang may sabskripsyon sa mga mobile phones. Taon-taon pahigpit nang pahigpit ang kompetisyon sa pagitan ng mga manufacturers sa paglalabas ng mga modelong papatok sa publiko. Taon-taon rin naman ay palaki nang palaki ang bilang ng mga taong bumibili sa uri ng teknolohiyang ito. Sino nga ba sa panahon ngayon ang walang cellphone? Talaga namang pati sina lolo at lola ay marunong na ring gumamit nito. Higit sa lahat ng mga bagong features ng mobile phones pinakamahalaga pa ring gamit nito ay ang pagbibigay-daan sa mabilis na komunikasyon nasa magkabilang panig man ng mundo ang magkausap. Gayunman, may mga disbentahe rin na dulot ang paggamit nito na hindi ang lahat ng tao ay nakababatid. Inilarawan ng International Agency for Research ang electromagnetic fields na nagmumula sa mga mobile phones na possibly carcinogenic. Ayon naman sa World Health Organization (WHO) lahat ng mobile phones ay nagtra-transmit ng radio waves sa pamamagitan ng isang network na may fixed antenna na tinatawag na base stations . Hindi tulad ng ionizing radiation gaya ng x-ray at gamma rays, ang radio-frequency waves na ito ay electromagnetic fields na maaaring maging sanhi ng pagkasira ng chemical

bonds o magdulot ng ionization sa katawan ng tao. Kung susukatin, nasa low-powered radio frequency transmitters lang ang mobile phones na nag-o-operate sa pagitan ng 450 at 2700 MHz na ang pinakamataas na range ay naglalaro sa 0.1 hanggang sa 2 watts. Nagtra-transmit lamang nito ang mobile phones kapag ito ay naka- on. Nakadepende rin sa distansya sa pagitan ng taong gumagamit at ng handset . Ang radio frequency exposure ay bumababa habang lumalayo ang distansya sa handset. Halimbawa, ang taong nagte- text, nagsu- surf sa internet o tumatawag gamit ang hands-free feature ng mobile phones na may layong 30-40 cm. mula sa kanyang katawan ay mas mababa ang radio frequency field exposure kumpara sa taong hawak itong dikit sa ulo. Mas tumataas din ang radio frequency exposure habang humahaba ang pakikipag-usap sa telepono o dili kaya’y mahina ang signal kung saan hirap ang telepono na makapag-transmit. Ang radio frequency signals rin ng mga mobile phones ay maaaring makasira sa electro-medical devices at navigation system kung kaya’t ipinagbabawal ito sa mga ospital at eroplano. Sa 2016 ay magsasagawa ang WHO ng isang pormal na risk assessment sa lahat ng napag-aralang health outcomes mula sa radio fields exposure.


Isports Editoryal Blue Eagles, dinagit

ang Red Warriors, 3-0 Ni EJ Esguerra

Kapos Nakadudurog ng puso ang makitang umiiyak ang matitikas na basketbolista ng FCLNHS matapos mabigong maiuwi ang kampeonato sa nakaraang Provincial Meet. Ito’y hindi dahil sa hindi sila marunong tumanggap ng pagkatalo kundi batid nila sa kanilang mga sarili na kaya nilang talunin ang mga nakalaban. Ano nga ba ang naging problema? Sa simula pa lamang ng laro ay kitang-kita ang kalamangan ng mga atleta ng paaralan matapos maagang makungos sa kalaban at mapanatili ang kalamangan hanggang ikalawang kwarter laban sa koponang mula sa isang pribadong paaralan sa lalawigan. Walang kuwestyon pagdating sa husay ng koponan pagdating sa liksi, paghawak ng bola, depensa at shooting subalit kapansin-pansin na sa pagtagal ng laro ay unti-unti silang napapagod at nakakita ng siwang ang kalaban upang makahabol at lumamang. Ito ay hindi bagong senaryo. Maraming atletang mula sa pampublikong paaralan ang mahuhusay sa isports, yun nga lang dahil sa kakulangan ng supor-

tang pinansyal ay hindi ganap na nahahasa ang galing ng mga ito. Malinaw na malaking bagay na may pondong nakalaan para sana sa mas mahabang pag-eensayo ng mga atleta. Hindi sapat ang isa o dalawang buwang pagsasanay bago ang laban dahil ito dapat ay konsistent upang masiguro na mayroon silang sapat na lakas upang tumagal at makipagsabayan sa mga kalabang regular na nagsasanay. Hindi maikakaila ang kakulangan sa mga pampublikong paaralan ng mga pasilidad para sa iba’t ibang sport events. Ang mga guro’y gumagawa na lamang ng paraan upang maihanap ng lugar na mapagsasanayan ang mga atleta. Malaking tulong sana sa kanila kung sila ay may tiyak at sariling pondong mapagkukunan upang matustusan ang gastusin sa transportasyon at pagkain ng mga atleta. Sana’y maging isa sa prayoridad ng lokal na pamahalaan ang pagpapagawa ng mga sport facilities sa mga paaralan. Nasa ating mga batang atleta ang puso at talento ang kinakailangan na lamang nila ay ang buong-buong suporta.

Municipal Meet 2 Lipanians, itinakas ang kampeonato sa table tennis Ni EJ Esguerra Sumiklab ang bangis ng dalawang manlalaro ng FCLNHS sa Men’s at Women’s Division matapos sakmalin ang unang pwesto sa Municipal Meet na ginanap sa FCLNHS covered court noong Setyembre 12. Pinataob ng mga manlalaro ni Coach John Justin Bautista na sina Jan Angelo Lisboa () at Magnolia Oliveros (IV-Jacinto) ang kanilang mga katunggali mula sa Tiaong National High School (TNHS) sa loob ng tatlong sunod-sunod na set. Hindi nakaporma ang katunggali ni Lisboa matapos na sa simula pa lamang ng set ay paulanan na ito ng malalakas na smash, 11-2. Lalong gumuho ang kumpyansa ng manlalaro mula sa TNHS matapos atakihin ng mga kumbinasyon ni Lisboa dahilan upang ha-

los hindi makpuntos sa ikawalang set, 11-1. Tuluyan nang tinuldukan ni Lisboa ang laban sa ikatlong set at hindi na nakahirit pa ng isang set ang karibal, 11-8. Ginamit naman ni Oliveros ang matatag nitong depensa at matatalim na smash upang tibagin ang kalaban at magtala ng malinis na kartadang 3-0. Nagliliyab na smash ang naging bwena mano ni Oliveros para sa katunggali dahilan upang agad itong panghinaan ng loob, nagpatuloy sa loob ng tatlong set ang pamamayagpag ni Oliveros, 11-7, 11-7 at 11-5. Samantala, naiuwi naman nina Oliveros at Lisboa ang ikalawang pwesto sa ginanap na Eddis II Atheletic Meet noong Oktubre 8.

Naghari ang mga agila kontra sa mortal na kalabang red warriors sa Men’s Volleyball ng Intramurals matapos dominahin ang tatlong set ng laro sa FCLNHS Covered Court noong Setyembre 5. Sa pinagsamang atake nina Adrian Casipi at John Patrick Santiago ay maaga nilang naungusan ang Red Warriors sa unang set, 2514. Hindi nagpapigil sa pag-arangkada ang mga agila matapos paulanan ng mga nagliliyab na spikes ang mga warriors, sunod-sunod na error din ang nagawa ng mga warriors na nagresulta sa maagang pagkatapos ng set 25-10. Pinilit na bawian ng warriors ang eagles subalit tuluyan nang gumuho ang depensa nito nang muling magsanib-pwersa sa pagseset-up ng laro at pagpapakawala ng mga matitinding spikes sina Casipi at Santiago. Matikas na bumandera ang mga agila sa ikatlong set at sinamantala ang kawalan ng kumpyansa ng kalaban dahilan upang maselyuhan ang laro, 25-20. Hinirang na Most Valuable Play-

KAMANDAG NG IMORTAL: Napanatili ng mga Agila ang dinastiya sa Volleyball sa Intramurals ‘14.

er (MVP) si Casipi na siyang nagdala ng koponan. “Masayang-masaya ako sa pagkapanalo ng aming team, excited na ako para sa laban namin sa Eddis Meet mas pagbubutihan pa naming

para mabigyan ng karangalan an gating paaralan,” wika ni Casipi. Agad na umabante sa Eddis Meet ang grupo matapos hindi lumaban ang Tiaong High School sa Municipal Meet.

Lipana Bumida kontra Tiaong Ni EJ Esguerra

LIKSI AT DISKARTE: Mahuhusay na set ng Lipananian Team ang nagpadapa sa koponan ng Tiaong. Walang naging balakid sa daraanan ng Felizardo C. Lipana National High School patungo sa EDDiS II Athletic Meet , matapos sagasaan ang Tiaong National High School 3-0, sa 2014 Municipal Meet na ginanap sa FCLNHS Covered Court, ika-9 ng Setyembre. Sa pagsasanib ng pwersa nina Joan P. Sotea, Jo Anne Garlitos at Charlotte Mendoza , walang hirap nilang naungusan ang bagsik ng Tiaong, 25-15, 25-14, 26-24. Naunang nagpasiklab ang Lipana gamit ang walang kapagurang

pag-atake at matinding depensa, mabilis nitong napasakamay ang unang set ng rambulan, 25-15. Para tuluyang manakaw ang ikalawang set, sinamantala ng Lipana ang sunud-sunod na serving errors ng Tiaong, binigo rin ni Sotea ang kalaban na makapagpalusot ng bola at tuluyan nang dumapa ang koponan ng Tiaong sa ikalawang set, 25-14. Tuluyan nang binakuran ng Lipana ang laban at hindi na rin nagpaawat pa, muling inararo ng pinagsanib na pwersa nina Sotea at Garlitos ang malapader na depensa ng Tiaong

at nalilusot ang huling makapigil ikatlong set, 26-24. Matapos maghari sa Municipal Meet ng koponan sa pangunguna ni Captain Ball Joan Sotea at mga kasamang sina Jo Anne Garlitos, Charlotte Mendoza, Reychelle de Jesus, Patricia Padilla, Michaela Torreda, Alleona Cajandab, Pamela Manzano, Jocelyn Capistrano, Melanie San Pedro sa pamamahala at paggabay ni coach Anthonette M. Bernabe. Panibagong hamon ang kanilang paghahandaan para sa Eddis II Athletic Meet sa Oktubre 8.


2015 Paragliding World Cup, gaganapin sa Pinas

BAGSIK NG KAMAO: Nagmistulang human punching bag si Algieri kay Pacman.

Ni EJ Esguerra

Malinis na record ni Algieri dinungisan ni Pacquiao Ni EJ Esguerra Hindi binigo ni ‘Pambansang Kamao’ Manny ‘Pacman ‘ Pacquiao ang sambayanang Pilipino matapos matagumpay na maidepensa ang kanyang WBO Welterweight title at ipatikim kay Chris Algieri ang kauna-unahan nitong pagkatalo. Anim na beses na pinabagsak ni Pacman ang Amerikanomng si Algieri sa sagupaan noong Nobyembre 22 sa Cotai Arena, Macau, China. Umabot sa 12 rounds ang naturang sagupaan kung saan sa nilabas na desisyon pabor ang lahat ng mga hurado kay Pacman sa iskor na 119-103, 119-103 at 120-102. Sa simula pa lamang ng bakbakan ay kitang-kita na sa agresibong si Pacquiao ang pagnanais na tapusin agad ang laban sa maaga nitong pagsugod sa higit na mataas na kalabang Amerikano. Agad na pumuntos ng isang

knockdown si Pacman sa second round nang mapabagsak ng kamao nito si Algieri sa gilid ng ring. Nagmistulang harangang-taga ang uang tatlong rounds matapos magpatuloy sa pag-iwas si Algieri sa gilid ng ring at mabigong magpakita ng opensa. Sinubok ni Pacquiao na dikitan ang Amerikanong kalaban sa ikaapat na round at matagumpay na nakaiskor ang matatalim na kamao nito. Nagpatuloy sa pag-iwas si Algieri habang patuloy rin ang killer-instinct ng Pambansang Kamao sa pagsugod sa Amerikano. Sa round 9, umiskor muli ng dalawang knockdown si Pacquiao matapos tamaan ng isang solid na kaliwa si Algieri at nakatayo lamang nang umabot na sa siyam ang bilang ng referee at bago matapos ang round muling tumumba ang Amerikano na maswerteng nailigtas ng

pagtunog ng bell. Pinilit makipagsabayan ni Algieri sa round 10 subalit muli siyang napabagsak ng Pambansang Kamao sa ikaanim na pagkakataon. Inubos ng Amerikano ang dalawang natitirang round sa pag-iwas kay Pacquiao kung saan ang taas at haba ng reach nito ay naging malaking balakid din kay Pacman upang tuluyan siyang ma-knock-out. Maginoo namang tinanggap ni Algieri ang kanyang pagkatalo at sinabing mahusay talagang boksingero si Pacquiao. Nang tanungin ang Pambansang Kamao sa posibilidad ng pakikipagbakbakan kay Mayweather sinabi nitong handa siyang labanan ito. “I am ready to fight him before 2015 ends,” wika ni Pacquiao. Sa huli nagpasalamat si Pacquiao sa lahat ng mga sumuporta sa kanya sa kanyang laban.

Pinoy, pumadyak ng ginto sa ASIAN Games Ni EJ Esguerra

PAG-ASA: Hindi binigo ni Daniel Caluag ang mga Pinoy sa 17th ASIAN GAMES. Matagumpay na naiuwi ng Fil-Am na si Daniel Caluag ang ginto sa BMX Cycling sa 17th Asian Games sa Incheon South Korea. Dahil kay Caluag hindi umuwing walang ginto ang Pilipinas matapos mabigo ang 150 delegado ng bansa na makasungkit ng ginto. Run away winner mula Moto 1 hanggang Moto 3 si Caluag na sinundan ni Masahiro Sampei ng Japan. Sa unang seeding run pa lamang ay maagang umabante ang

27-anyos na natatanging Asian rider na nakalahok sa London Olympics sa 35.486 segundo tyempo. Walong riders ang nagpambuno na nagmula sa limang bansa at pinatunayan ni Caluag ang kanyang bilis sa karera matapos ang nangungunang 35.277, 35.366 at 35.431 tyempo sa tatlong karera. Nagkasya na lamang sa ikalawa at ikatlong pwesto sina Masahiro Sampei ng Japan (35.444, 35.486 at 36.104) at Yan Zhu ng China (37.242, 37.072, 35.609).

Hindi inakala ni Caluag na makukuha niya ang ginto dahi wala naman siyang sinalihan na UCI sanctioned races. Bukod dito abala rin siya sa pagiging nars at sa pagsilang ng asawang si Stephanie ng kanilang unang anak dalawang linggo bago siya tumulak patungong Incheon. Bunga nito, nakatanggap si Caluag ng P1 milyong insentibo mula sa pamahalaan sa seremonyang ginawa sa Philippine Sports Commission Athletes Dining Hall, sina PSC Commissioner Salvador Andrada at Jolly Gomez ang siyang nag-abot ng tseke na isa sa tatlong insentibong natanggap ni Caluag. Tu m a n g g a p d i n s i y a n g P500,000.00 gantimpala na ipinangako ni Phil Cycling President at Tagaytay City Representative Abraham Tolentino mula sa MVP Sports Foundation na sumusuporta sa cycling. Nagbigay din ang LBC Sports Foundation na kinatawan ni Team Manager Mo Chulani ng P100,000. Nagpasalamat naman si Caluag sa nakuhang gantimpala at karangalang naibigay sa bansa. Umaasa rin siya na ang nakuhang tagumpay ay makatutulong upang higit na mapalakas ang BMX sa bansa.

Kumpirmado nang gaganapin sa bansa ang 2015 Paragliding Accuracy World Cup (PGAWC) matapos mapili ang Saranggani bilang host ng opening leg nito. Ito ang inanunsyo ni Department of Tourism regional director Nelly Nita Dillera kasabay ng kanyang pagpapasalamat sa mga organizers ng PGAWC sa pag-apruba nito sa proposal ng Saranggani Province. “Pinatunayan lamang nito na ang ating paragliding site ay worldclass, ”wika ni Dillera. Tinatayang nasa 30 hanggang 50 bansa ang lalahok sa nasabing kompetisyon na gaganapin sa Marso 27-29.

Phl Dragonboat Team, sasagwan sa 2015 SEAG Ni EJ Esguerra

GALING NG PINOY: Muling nag-uwi ng karangalan sa bansa ang Dragon Paddlers matapos humakot ng 5 ginto.

Pasok sa 2015 Southeast Asian Games ang Philippine Kayak Federation (PCKF) Dragonboat Team na gaganapin sa Singapore . Ito ay matapos humakot ng limang ginto, 3 pilak at tatlong tanso sa nakaraang International Canoe Federation (ICF) Dragon World Championship 2014 sa Poznan, Poland. Dumating sa bansa ang 27-kataong delegasyon noong Setyembre 2 matapos ang naturang world event na isinagawa noong Agosto 28-31 kung saan ang Pilipinas ang natatangiang Asian at Southeast Asian country. Si n a l u b o n g n i P h i l i p p i n e Sports Commissioner (PSC) Salvadorm ‘Buddy’ Andrada ang Dragonboat paddlers kasama si PCKF President Joanne Go, mga magulang at taga suporta ng mga atleta sa NAI3 upang ipabatid na personal ang pagbati sa koponan sa tagumpay nito at ang magandang balitang lalahok sila sa darating na 2015 SEAG. Binubuo ang koponan nina Team Leader Teresita Uy at Coach Diomedes Mandlo, kasama ang mga atleta na sina Angela Chiva Abanella, John Carlo Asenci, Leo Bumagat, Norwell Cajes, Fernand Dunagan, Rosalyn Esguerra, Franc Feliciano, Mark John Frias, Ojay at Danny Fuentes, Edward Galang, Alex at Alvin Generalo, Rea Glore, Oliver Manaig, Maria Manatad,

6th ASEAN School Games

Pilipinas, kumobra ng 11 ginto Ni EJ Esguerra MARIKINA CITY, Pilipinas - Kumolekta ng 11 gintong medalya, 14 na pilak, at 22 tanso ang delegasyon ng Pilipinas matapos pormal na magsara ang 6th ASEAN School Games (ASG) nitong Disyembre 5. Pinangunahan ng kampeon ng NCR sa Palarong Pambansa na si Carlos Yulo ang mga atletang Pinoy makaraang mamayagpag sa gymnastics at makakuha ng dalawang gintong medalya. Unang nagningning si Yulo sa vault event nang talunin ang pambato ng Thailand na si Tikunporn Sunimtonta sa iskor na 14.025. Nagmula naman sa parallel bar

events ang ikalawang ginto ni Yulo kung saan tinalo niya si Brandon Benoly Luis eng Malaysia, 12.70 puntos. Hindi naman nakaporma sa ng Philippine Basketball Team ang Thai Squad nang pataubin ang mga ito at patunayang sila ang pinakamagilas sa Southeast Asia, 78-66. Pinangunahan ni Joshua Andrei Caracut ang koponan ng Pinas matapos kumayod nang matinding opensiba sa huling kwarter na nagpalobo sa kalamangan kontra Thai Squad. Pumalo rin ng ginto ang tandem nina Emy Rose Deal at Angella Borbon sa table tennis’ girls double event.

Kumobra rin ng ginto sa athletics ang Pilipinas dahil kina Bryan Pacheco at Joshua Patalud na nagset ng record sa Shotput at Javellin Throw. Tatlong ginto naman ang naiambag ng Wushu Team mula kina Joel Casem sa chan qung at long weapon event; Alieson Ken Omegan sa naquan at nangun; at Agatha Chrystenzen Wong mula sa women’s taijiquan at tajijian all-around. Pitong bansa ang naglaban-laban sa 2014 ASG kabilang ang Brunei, Indonesia, Pilipinas, Singapore, Thailand, Vietnam at Malaysia na nanguna sa medal tally. Tinatayang nasa 1,593 atleta

Nauna rito naging host na rin ang Sanggani ng kauna-unahang Philippine Paragliding Accuracy Competition noong Oktubre. Nilahukan ng 40 piloto at 13 bansa ang naturang kompetisyon na inorganisa ng Air Sports Association of the Philippines (ASAP). Ayon kay ASAP president Rondell Raymundo napili ang Saranggani dahil sa year-round flying condition nito. Matatagpuan ang paragliding site ng Saranggani sa bayan ng Maasim kung saan makikita ang magandang view ng Lawa ng Saranggani habang ang mga piloto ay nagpaparagliding sa taas na 700 metro.

mula sa mga nasabing bansa ang nagtunggali sa limang araw na kompetisyon sa 11 sport events kabilang ang athletics, badminton, basketbol, volleyball, sepak takraw, golf, gymnastics, table tennis, swimming, at wushu. Makasaysayan para sa bansa ang 6th ASG dahil maliban sa pagho-host ng laro sa unang pagkakataon at ito rin ang unang beses na nakasungkit ng mga gintong medalya ang bansa. Nagtapos ang seremonya sa pagasasalin ng Deped ng bandila ng ASEAN Secondary Schools Council (ASSC) sa kintawan ng Brunei na magho-host ng 7th ASG.

Kevin Mendoza, Reymart Nevado, John James Pelagio,John Paul Selencio, Jerome Solis, Jairus Molina, Daniel Ortega, Katsumi Tanaka, Hermie Macaranas, at Jonathan Ruiz. Ang koponan ay may 19 na baguhan at walong dating miyembro na nakapag-uwi na ng 6 na ginto at 1 pilak noong 2012 Championships sa Italy. Bag a m a’ t k i n a p o s s a g i n t o ngayong taon kumpara noong 2012 tatanggap pa rin diumano ng malaking insentibo ang koponan ayon kay Andrada. Nakuha ng National Paddlers ang limang ginto sa Junior Men’s 500 meter 10-seaters, Senior Men’s 200 meter 20-seaters, Junior Men’s 200 meter 10-seaters, Senior Mixed 200 meter 10-seaters at Senior Men’s 200 meter 10-seaters. Samantalang nakubra naman ang tatlong pilak sa Senior Men’s 500 meter 20-seaters, Senior Mixed 500 meter 10-seaters at Senior Men’s 500 meter 10-seaters. Ang tatlong tanso ay nasagwan naman sa Senior Men 2,000 meter 20-seaters, Junior Men’s 2,000 meter 10-seaters, at Senior Men’s 500 meter 10-seaters kung saan kinuwestyon ng koponan ang oras na naitala sa kanila. Agad na sasabak sa pagsasanay ang koponan bilang paghahanda sa darating na SEAG.


GILAS AT PUSO: Pinaluhod ng mandirigma ng Lipana ang koponan ng Mariano Ponce.

Kampeonato sa Eddis Meet naibuslo ng Lipanians Ni Jemuel Simoun Eligio Walang hirap na tinupok ng gilas ng mga mandirigma ng FCLNHS ang nagliliyab na determinasyon ng mga manlalaro ng Mariano Ponce National High School sa Educational District Athletic Meet Men’s Basketball Championship. Nakisabay sa init ng hiyawan ng manonood ang pagpapakitang Gilas ng koponan ng FCLNHS matapos tambakan ang kalaban,76-55, sa San Diego Gym, Plaridel, Bulacan noong Oktubre 10. Mainit na depensa ang ipinamalas ng dalawang koponan, sa unang kanto ng sagupaan, ang malagkit na depensa ng kalaban ay nagdulot ng problema sa Lipana matapos ma-injured si Jan Mark Nicodemus na ikinabahala ng kanilang coach, 14-17. Upang mahabol ang tatlong puntos na kalamangan at mapalakas ang opensa ng koponan, nagsanib-pwersa ang Captain Ball ng Lipana na si Jherald Visda at Andrew Magbitang na nagresulta sa mapaminsalang mga tres, wala pa ring bumibitiw sa laban, 26-26. Sa ikatlong sulok ng sagupaan,

nagpalitan ng nag-aapoy na puntos ang magkabilang kampo, lalong humigpit ang depensa ng kalaban, sa ‘di inaasahang pangyayari, na-injured ang poste ng Lipana na si Manuel Piñon, dahilan upang sandali siyang ipahinga. Bahagyang nagkasiwang ang pag-asa sa koponan ng kalaban matapos bahagyang makaungos sa pagpapahinga ni Pinon, kaya muli siyang ipinasok at agad na nagpasabog ng siyam na puntos na kalamangan, 48-39. Lalong namaga ang kalamangan ng Lipana na pilit naming hinabol ng Mariano Ponce, sa huling dalawang minuto ng sagupaan, tuluyan ng gumuho ang kumpyansa ng Ponce sa sunod-sunod na ratsada ng Lipana at tuluyan ng sinelyuhan ang kampeonato, 7655. “Sobrang saya na nagbunga ang lahat ng pagsisikap ng mga bata, mas paghuhusayan pa naming ang training para sa darating na Provincial Meet,” wika ni G. John Justin Bautista, coach ng FCLNHS basketball team.

Bulakenyo, nasungkit ang ginto sa Palarong Pambansa

GALING NG BULAKENYO: Naghari sa Long Jump Competition si Rafael Paguiao sa nakaraang Palarong Pambansa Ni Jemuel Simoun Eligio Bumida sa Palarong Pambansang ang isang batang Bulakenyo matapos matagumpay na maiuwi ang kampeonato sa Long Jump (Athletics) Category. Kinilala ng Pamahalaang Panlalawagang ng Bulacan ang karangalang naiuwi ni Rafael Paguia sa isang programa na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium nitong Hunyo.

Pinagkalooban Si Paguia ng Sertipiko ng Pagkilala na iniabot mismo ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado sa nasabing programa. Kaugnay nito, hinimok ni Alvarado ang mga kabataang dumalo sa programa na gawing daan ang angking talento upang makamit ang mga pangarap sa buhay at maging inspirasyon ng iba pang mga kabataan.

Heartthrob ng hardcourt Pangalan: Manuel Piñon Jr. Palayaw: Miko Seksyon: IV-Aquino Edad: 17 Kaarawan: May 12, 1997 Tirahan: Zone 1, Ilang-Ilang, Guiguinto, Bulacan Mga magulang: Gng. Rosalie Aranda at G. Manuel Piñon Isports: Basketbol Posisyon: Forward Libangan:pagba-basketbol, pagpe-facebook,pagtwi-twitter Paniniwala: Determinasyon at tiwala sa sarili ang puhunan upang maging isang magaling na manlalaro. Kilala si Miko sa kampus bilang power forward ng basketbol team ng paaralan na Gilas Lipanians. Sa edad na 17, ipinagmamalaki niyang mayroon na siyang naiuwing walong medalya at dalawang titulo ng pagiging Most Valuable Player (MVP) simula noong sumali siya sa mga kompetisyon sa basketbol noong siya ay 15 pa lamang. Paboritong numero ni Miko ang 9 o 6, ito lamang ang kanyang ipinalalagay sa kanyang mga jersey sa kadahilanang ang iniidolo niyang manlalaro mula sa isang koponan sa ibang barangay ay ito ang ginagamit na numero. Hinahangaan din niya ang mga manlalaro ng NBA na sina Kevin Durant at Michael Jordan na kapwa mga power forward din ng kani-kanilang koponan. Madalas siyang sumali sa mga liga sa kanilang barangay. Dahil sa angking husay naiimbitahan din siyang maglaro sa mga koponan sa iba’t ibang barangay. Balak ni Miko na kumuha ng kursong Bachelor in Secondary Education major in Physical Education at pangarap ni-

yang makabuo ng isang magaling na koponan kung saan siya mismo ang gagabay bilang coach. Hindi mawawala sa laro yung mapapaaway ka kasi sa loob ng court, madalas nagkakaasaran at nagkakasakitan , sa loob ng court lahat kayo magkakalaban pero para sa akin paglabas naman ng court at pagkatapos ng laro wala na sa akin ‘yun.

Ayon kay Miko lalong gumaganda ang kanyang laro dahil sa mga haters at ginagawa niyang inspirasyon ang panlalait at hindi magandang sinasabi ng mga ito patungkol sa kanya. Sa halip daw na panghinaan siya ng loob ay lalo pa siyang nagkakaroon ng determinasyon upang maging mas magaling na manlalaro.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.