Ang Hardin 2012

Page 1

Dayaw Festival, pinag-alab ang nasyonalismo ng Lipanians

PAMANA NG LAHI: Pinagningas ng pagtatanghal ng mga katutubong Pilipino ang pagmamahal sa sining at kultura ng mga mag-aaral ng FCLNHS. Larawan ambag ni Mike Santos

ni Rina Litte A. Ang Muling nabuhay ang diwa ng pagkamakabayan ng mga mag-aaral ng Felizardo C. Lipana National High School habang sinasaksihan ang 2012 Dayaw Indigenous People’s Festival noong Nobyembre 29. Isa ang FCLNHS sa mga napiling paaralan na pagtanghalan ng Dayaw Festival na taunang ibinabandila sa rehiyon ng katagalugan upang ipagdiwang at ipagbunyi ang matatag at makulay na pamumuhay ng mga katutubo. Uminog ito sa temang ‘Sinaunang Pamumuhay, Halawan ng Aral sa Buhay’ kung saan ipinamalas ang ambag ng mga katutubo sa lahing Pilipino. Binigyang-diin naman ni G. Edgardo J. Mendoza, punong-guro III ng FCLNHS, sa kanyang bating pagtanggap ang kahalagahan ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga katutubong Pilipino na ibahagi ang kanilang marangal na paraan ng pamumuhay “Ang pagkilala at pagbibigay ng pagkakataon sa ating mga kapatid na katutubo ay daan upang magkaroon ng malalim na unawaan ang lahat ng komunidad sa bansa at higit na mapagtibay ang identidad ng bawat Pilipino,” wika ni Mendoza. Natunghayan ng mga mag-aaral ang mga pagtatanghal mula sa mga katutubong Ibanag-Yogad-Itawit-Malaweg, Bikolano, Kapampangan-Tagalog-Sambal, Apayao-Isneg at Tinggian-Itneg. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga guro’t mag-aaral na makiindak, makiawit at makitugtog kasabay ang mga katutubong Pilipino. Isinagawa ang naturang programa sa pangunguna ng National Commission for Culture and the Arts (NCAA) at sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kaugnay ng pagdiriwang ng Indigenous People’s Month alinsunod sa Presidential Proclamation no.1906.

TOMO 11 • BLG. 1 • OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALANG NASYUNAL NG FELIZARDO C. LIPANA • GUIGUINTO, BULACAN • REHIYON 3 • OKTUBRE - DISYEMBRE 2012

FCLNHS umaksyon kontra dengue .6M guro, kawani,

pagbibigkisin ng DepEd

ni Rina Litte A. Ang Nakibahagi ang Felizardo C. Lipana National High School sa kampanya ng Deparment of Science and Technology (DOST) katuwang ang Department of Education (DepEd) kontra dengue. Upang sugpuin ang patuloy na pagtaas ng kaso ng mga namamatay sanhi ng naturang sakit namahagi ang DOST at DepEd ng mga Orvicidal Larvicidal (OL) traps. Umabot sa mahigit na 435,000 na OL traps ang ipinamigay sa mga pampublikong elementarya at sekundaryang paaralan sa buong bansa kabilang na ang mga lugar na nagtala ng pinakamatataas na kaso ng dengue. Binubuo ang OL trap ng isang itim na container, lawanit na ibabad sa OL water solution at OL pellets na gawa sa mga organic at non-toxic na materyal. Inaakit ng mga ito ang mga lamok upang dito mangitlog at pinapatay ang itlog nito na nagiging dahilan upang makontrol ang pag-

dami ng lamok. Kaugnay nito, nagsagawa rin ang DOST at DepEd ng mga pagsasanay para sa mga guro na makatutulong sa pagbibigay-kaalaman ukol sa tamang paghahanda at paggamit ng OL traps.

ni Anthony H. dela Cruz

Isa ang Felizardo C. Lipana National High School sa mga nabigyan ng TUGON SA SULIRANIN: Inaakit ng OL traps ang mga mga naturang OL lamok upang dito mangitlog at pagkaraay pinapatay traps. Pinasimulan ang mga ito upang masugpo ang pagdami. noong Setyembre 17 Larawan ambag ni Mike Santos ang pag-oobserba sa mga ito sa loob ng anim hanggang bahan, ipinasa ang resulta sa DOST pitong araw, sa apat na magka- sa pamamagitan ng email upang kasunod na linggo. malaman kung epektibo ang OL “Nakatanggap ang ating traps sa pagpatay ng mga itlog ng paaralan ng 60 na OL traps na lamok. inilagay sa mga silid-aralan at iba At base sa mga isinagapang lugar dito sa paaralan na wang pag-aaral, naging epektiposibleng pamahayan ng lamok,” bo ang programang ito matapos ayon kay G. Edgardo J. Mendoza, magtala ng ‘zero cases’ ng dengue punong-guro III. sa mga paaralang nabigyan ng OL Pagkatapos itong obser- Traps.

Inihayag ng Department of Education (DepEd) ang pinakabago nitong sandata sa pagpanday ng de kalidad na edukasyon, ang Google Apps. Tinatayang nasa 600,000 mga guro, kawani,at administrador ng DepEd sa buong kapuluan ang magiging ‘connected’ sa isang common electronic mail (email), chat at calendar system gayundin sa mga ‘cloud collaboration tools’ tulad ng Google docs, Google sites at Google groups upang matulungan silang magkaroon ng mas madali at mas mabilis na paraan ng komunikasyon. Mula sa pag-eedit ng mga report hanggang sa pagbabahaginan ng mga kagamitang pampagtuturo ay magiging posible na para sa mga kawani ng DepEd, gamit ang Google Apps gaano man kalayo ang kanilang

EDUKASYON AT INOBASYON: Gamit ang common email makapagbabahagian na ng mga kagamitang pampagtuturo ang mga guro sa buong kapuluan. Larawan ambag ni Mike Santos

K to 12 lusot na sa Kamara

81% Lipanians aprub sa reporma sa edukasyon ni Anthony H. dela Cruz Lumalabas na siyam sa bawat 10 mag-aaral ng Felizardo C. Lipana National High School ang pabor sa reporma sa edukasyon na ginawa ng Department of Education (DepEd). Umabot sa 405 magaaral mula sa 500 respondents ang nagsabing naniniwala silang makatutulong ng malaki ang karagdagang dalawang taon sa edukasyon upang mas maging handa sila sa kolehiyo at trabaho, base sa pag-aaral na isinagawa ng patnugutan ng Ang Hardin noong Oktubre 1.

kinalalagyan. Kaugnay nito at alinsunod sa Division Memorandum no.144 s.2012 isang orientation-seminar ang isinagawa sa Felizardo C. Lipana National High School noong Oktubre 23. Pinangunahan ni Bb. Ruth Cervantes, ICT Coordinator ng FCLNHS, ang nasabing gawain na naglalayong ipabatid sa mga guro’t kawani ng paaralan ang ukol sa Learning Resource Management Development System (LRMDS). Inilahad sa naturang seminar ang pangunahing layunin ng LDMRS at kung paanong ang mga guro ay makakapagregister dito upang maging kabahagi sa target ng DepEd na 200 dibisyon at 45,000 paaralang mapagbubuklod gamit ang Google Apps.

Pabor ka ba sa pagpapatupad ng K to 12?

6% nyutral

13% hindi sang-ayon

Inilunsad ang naturang sarbey makalipas ang mahigit isang kwarter ng phased implementation o bahagiang pagpapatupad ng K to 12 sa lahat ng paaralan sa bansa. Samantala, ipinasa na ng Mababang Kapulungan ang K to 12 o House Bill 6643 na magpapalawig sa kasalukuyang 10-taong basic education sa 12 taon, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa Junior High School (grade

81% sang-ayon

7 hanggang 10) at dalawang taon sa Senior High School. Inaasahang magpapaangat ito sa kagalingan ng mga estudyante sa English, Math at Science at maihahanda silang higit sa kolehiyo. Ang estudyante ay maaaring mamili ng espesyalisasyon, mga kurso sa sining, palakasan, agrikultura, technical-vocational sa karagdagang dalawang taon.

KAMPUS SILIP

Pahina 2

Editoryal Wakasan ang pambu-bully

Pahina 4

Zerrudo, pinarangalan sa 2012 Gawad Dangal ng Lipi

Pahina 3 Isports Mirabuenos, pumukol ng ginto

Pahina 12


KAMPUS SILIP HAKBANG TUNGO SA TAGUMPAY: Ginabayan ang mga magsisipagtapos na mag-aaral ng FCLNHS tungo sa tamang pagpili ng kurso sa kolehiyo. Larawan ambag ni Mike Santos

Pagbabasa ng libro , hamon sa 85% na mag-aaral ng FCLNHS ni Charlene B. Hernandez

594 Seniors, inakay sa tuwid na daan ni Anthony H. dela Cruz Sumailalim sa isang career guidance seminar na inilunsad ng Rotary Club of Plaridel South (RCPS) katuwang ang Bulacan State University (BulSU) ang 594 senior students ng Felizardo C. Lipana National High School noong Nobyembre 9. Pinangunahan nina G. Benigno Jimenez, pangulo ng RCPS, Dr. Danilo Hilario, pangulong-halal ng RCPS at G. Edgardo J. Mendoza, punong-guro II ng FCLNHS ang paglulunsad ng naturang programa. Ang career guidance seminar na ito ay may temang “Peace through Service” na naglalayong bigyan ng sapat na gabay at kaalaman ang mga estudyanteng magsisipagtapos ukol sa matalinong pagpili ng kurso.

Eddis II Presscon

Lipanians, humakot ng parangal ni Anthony H. dela Cruz Muling humakot ng parangal ang Felizardo C. Lipana National High School sa Eddis II Secondary Schools Press Conference na ginanap noong Setyembre 12 sa Sulivan National High School, Baliuag, Bulacan. Nagwagi sa nasabing paligsahan sina Danica Mae DL. Serrano, ikalawang pwesto, pagsulat ng balitang isports; Myla V. Leonardo, ikalimang pwesto, pagsulat ng lathalain; Jayson B. Saclolo, ikawalong pwesto, editoryal kartuning. Ganoon din sina Aljohn L. de Leon, ikaapat na pwesto, editorial writing; Christian B. Dechosa, ikawalong pwesto, news writing; Joanne DC. Malasa, ikasiyam na pwesto, feature writing; at Julius C. Ramos, panglabing-isang pwesto, sports writing.

FCLNHS Math Wizards, wagi sa Math Com ni Rinalitte A. Ang Nag-uwi ng karangalan ang mga Math wizards ng Felizardo C. Lipana National High School sa nakaraang Eddis Level ng Math Competition na ginanap noong Setyembre 11. Nakamit nina Brian dela Torre, 7-Sampaguita ang ikalimang pwesto; Jeremy Seda, II-Diamond, ikaapat na pwesto; Charlene Hernandez, III-Gold, ikatlong pwesto at Rozenn Sta. Maria, IV-Rizal ang ikaanim na pwesto dahilan upang malagay ang FCLNHS sa ikatlong pwesto laban sa 22 paaralang naglaban sa Eddis II na ginanap sa Dr. Felipe de Jesus High School, Plaridel, Bulacan. Sumailalim ang mga nagsipagwaging mag-aaral sa pamatnubay nina Gng. Vilma R Figueroa, G. William P. Cruz, Gng. Imelda P. Santoyo at Gng. Josephine M. Valencia. “Deserving manalo ang mga Math wizards natin dahil nagpakita sila ng determinasyon at naglaan ng oras para sa kanilang mga pagsasanay,” ayon kay Gng. Loida D. Hilario, Head Teacher ng Matematika.

GWO, itinaas ang moral ng differently-abled children ni Kline Cheelzea P. Lopez Muling lumahok ang Guidance Workers Organization (GWO) katuwang ang mga guro sa Edukasyong Pagpapahalaga (EDDIS I-IV) sa 6th Division Assembly of Differently-Abled Children Mainstreaming Persons with Disabilities in Economic Development na ginanap noong Hulyo 26 sa SM Baliuag. Idinaraos ang naturang programa upang mabigyang-kasiyahan ang mga differently-abled children ng Bulacan at upang tumaas ang kanilang moral at magkaroon ng ganap na pagtanggap sa kanilang mga kapansanan. Kinatawan nina G. Michael Santos, guidance counselor, Gng. Kristine Sutilo at Gng. Kathleen Alcaraz ang Felizardo C. Lipana National High School sa naturang asembleya.

Higit nakararaming mag-aaral ang nakadepende sa paggamit ng internet kaysa libro tuwing may kinakailangang pananaliksik o proyekto sa pag-aaral ito ang pinatotohanan ng sarbey na isinagawa sa Felizardo C. Lipana National High School noong Nobyembre 12. Kasunod ito nang inilabas na pag-aaral ng Department of Education (DepEd) na mas maarami ang oras na ginu-

gugol ng kabataan sa gawaing on-line kaysa pagbabasa ng libro. Umabot sa 85 porsyento o 170 respondents na Lipanians ang nagsabing internet ang kanilang nagiging sanggunian at pantulong sa pagtugon sa mga gawaing itinakda sa paaralan. Dagdag pa rito, buo ang paniniwala ng mga naturang respondents na mas interesanteng magsaliksik sa internet kaysa magbasa ng libro.

Isinagawa ang naturang pag-aaral ng patnugutan ng ‘Ang Hardin’ bago ang nalalapit na Araw ng Pagbasa sa Nobyembre 27 at ang pagtatalaga ng Nobyembre bilang Natioanal Reading Month. Layunin ng gawaing ito na buhayin at pasiglahin ng lahat ng paaralan ang pagmamahal at kahalagahan ng pagbasa sa gitna ng napakalaking hamon na ito sa pagbabasa ng libro.

4 P’s, umarangkada na sa Guiguinto ni Anthony H. dela Cruz Pinasimulan na ng Pamahalaang Bayan ng Guiguinto katuwang ang Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ang pagpili ng mga benipisyaryo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4 P’s) noong Oktubre. Ang 4 P’s ay istratehiya ng pamahalaan upang lunasan ang matinding kahirapan sa pamamagitan ng pamimigay ng cash grant para sa pangangailangan sa nutrisyon, kalusugan,at pag-aaral ng mga batang may edad 0-14. Layunin ng programang ito na tugunan ang pangunahing pangangailangan ng pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng panandaliang tulong pinansyal at puksain ang pasalin-salin na kahirapan sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kalusugan, nutrisyon at edukasyon. Ang sambahayang mapipiling benipisyaryo ay maaaring

BAGONG PAG-ASA: Ihahatid ng 4P’s ang tulong pinansyal sa pintuan ng mahihirap na Guiguintenyo. Larawan ambag ni Julius Villasenior

makatanggap ng P500.00 para sa kalusugan kada buwan, P300.00 naman para sa bawat bata na pumapasok sa paaralan sa mga buwan na may pasok. Aabot sa P1,400.00 kada buwan sa loob ng limang taon ang maaaring matanggap ng sambahayan kung sila ay may tatlong anak na pasok sa programa. Kaagapay din sa naturang

programa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Department of Education (DepEd), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), National Anti-Poverty Commission, Land Bank , National Commission on Indigenous Peoples at Commission on Population.

0% Drop-out target ng DepEd ni Rina Litte A. Ang

AKSYON AT SOLUSYON: Ang DORP ay bunga nang patuloy na paghahanap ng DepEd ng paraan upang maihain ang edukasyon para sa lahat. Larawan amnag ni Mike Santos

Patuloy sa paglulunsad ng mga proyekto ang Department of Education (DepEd) upang mapababa ang bilang ng mga mag-aaral na humihinto sa pag-aaral, isa na rito ang Drop-out Reduction Program (DORP). Bahagi nito ang iba’t

ibang programa upang makatulong sa mga mag-aaral lalung-lalo na sa kanilang mga pangangailangang pinansyal na isa sa mga dahilan kung bakit marami ang napipilitang huminto sa pagaaral. Sa kasalukuyan, isa ang

Felizardo C. Lipana National High School sa naglulunsad ng programang ito sa loob ng tatlong taon. Kabahagi ng naturang programa ang Project Ease na nagkaroon ng positibong feedback matapos magsimula sa tatlong mag-aaral ay may mahigit sa 10 mag-aaral ang nasa programa. Ang mga nagnanais na maging bahagi ng Project Ease ay kumukuha ng isang pagsusulit upang mataya ang kanilang kakayahan na makasunod sa pangangailangan ng programa. Mula sa mahigit 40 kumuha ng pagsusulit 10 ang napakasa na kasalukuyang sumasailalim dito. Matapos ang magandang kinalabasan ng programang ito, nais ng FCLNHS na maglunsad muli ng isa pang proyektong tatawaging Income Generating Project na naglalayong magipon ng pondo upang higit pang mapababa ang drop-out rates.

Brgy. Tuktukan at Brgy. Tiaong, nanguna sa 2 Milyong Kalinisan Project ni Joyce Ann C. Uy

KAPIT BISIG: Nagtulong-tulong ang Samahan ng Guidance Workers upang mahandugan ng kasiyahan ang mga differently-abled children. larawan ambag ni Mike Santos

Nasungkit ng Brg. Tuktukan (Bracket A) at Brgy. Tiaong (Bracket B) ang unang pwesto sa 2 Milyong Kalinisan Project na inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Guiguinto noong Hulyo 2011 at nagtapos nitong Hulyo 2012. Nakatanggap ng tigP500,000.00 ang dalawang barangay bilang premyo, P250,000.00 project at P250,000 cash. Samantala, nakuha naman

ng Brgy. Tabang (Bracket A) at Brgy. Pulung Gubat (Bracket B) ang ikalawang pwesto at nakatanggap ng gantimpalang P200,000.00 (P100,000.00 project + P100,000.00 cash prize). Ang Brgy. Poblacion (Bracket A) at Brgy. Daungan (Bracket B) naman ang nakapag-uwi ng ikatlong pwesto at nabigyan ng P100,000.00 (P50,000.00 project + P50,000 cash prize) bawat isa. Pinagkalooban din ng con-

solation prizes na nagkakahalaga ng P20,000.00 at plake ang lahat ng lumahok na barangay. Inilunsad ang naturang proyekto upang maging kabahagi ang bawat barangay sa pagpapatupad ng R.A. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at gayundin upang mahikayat ang mga Guiguintenyo na makiisa sa mga programang pangkalikasan.


DIWANG MAKABAYAN: Pinangunahan ni Pang. Benigno Aquino III ang pagdiriwang ng 114 taon ng Araw ng Kalayaan sa makasaysayang simbahan ng Barasoain. Larawan mula sa Google

DOLE, may pamasko sa mga mahihirap na estudyante ni Charlene B. Hernandez Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang handog nitong trabaho sa mga mahihirap na estudyanteng Pinoy ngayong darating na kapaskuhan. Hinikayat ni DOLE Secretary Rosalinda D. Baldoz ang mga estudyante na gawing produktibo ang kanilang bakasyon ngayong pasko.

“Nakikipag-ugnayan ang DOLE sa mga malalaking kompanya upang mabigyan ng oportunidad na kumita ang mga mahihirap na estudyante sa darating na Pasko,” ani Baldoz Kabilang sa mga trabahong maaaring pagpilian ng mga estudyante ay service crew sa mga fastfood chain, sales person sa mga

mall, encoder at office staff. Kinakailangan lang makipag-uganayan sa tanggapan ng Special Program for Employment of Students (SPES) sa kani-kanilang munisipalidad ang mga interesadong estudyante. Tatanggap sila ng minimum wage sa loob ng kalahating buwang pagtatrabaho.

Kaugnay ito ng pagdiriwang ng 20th National Children’s Month na inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na nilahukan ng mga mag-aaral ng daycare mula sa 21 munisipalidad ng Bulacan at mga bata mula sa pitong bahay-ampunan sa lalawigan Ayon kay Bulacan Provincial Social Welfare and Development (BPSWD) Office Head Rowena Joson-Tiongson alinsunod

ito sa Presidential Proclamation no.247 na naglalayong ipakita ang mahahalagang gampanin ng kabataan sa lipunan. Batay sa temang “Bright Child ay Siguruhin, Responsableng Pamamahayag ay Palaganapin,” hinikayat ang media na mas maging responsable sa pagpapalabas ng mga balitang makatutulong sa paghubog ng magandang kinabukasan ng kabataan.

Pangulong Aquino, kinilala Mamahayag kabahagi sa paghubog ang naiambag ng Simbahan ng Barasoain sa kasaysayan ng kabataan - Alvarado ni Anthony H. dela Cruz

ni Kline Cheelzea P. Lopez

Pinangunahan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang isinagawang pagdiriwang ng ika-114 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Simbahan ng Barasoain kung saan binigyang-diin niya ang naging mahalagang papel sa kasaysayan ng Barasoian. “Ginugunita natin dito sa Simbahan ng Barasoain ang duyan ng ating Saligang Batas, ang ika-isandaan at labing-apat na taon ng proklamasyon ng kalayaan. Dito nagtipon ang kinatawan ng iba’t ibang probinsya upang magkasundo kung paano aarugain at pagyayabungin ang ipinaglaban nilang kalayaan. Dito itinatag ng kongreso ang Unang Republika ng Pilipinas, gayundin ang pagpapatibay at pagpapatunay sa konstitusyon ng Malolos, ang unang Republikanong Konstitusyon sa kabuuang Asya. Dito, napagpasyahan nilang panghawakan ang kinabukasan ng ating bansa at patunayan sa mundong ang Pilipinas ay para sa Pilipino,” wika ni Aquino. Inilahad din niya ang hangaring ipadama sa bawat Pilipino mula sa pinakaliblib na bulubundukin hanggang sa pinakamalalayong isla, kasama na rin ang mga kababayan nating nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat, na ang ipinagdiriwang natin tuwing ika-12 ng Hunyo ay selebrasyong pambansa. Hinikayat din niya ang mga mamamayan na sariwain ang kahalagahan ng tatlo pang republika na nagbigay-daan sa ganap na kalayaan ng bansa Republika ng Real de Kakarong sa Pandi, Republika ng Biak-na-Bato sa San Miguel at Republika ng Malolos. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang pinakamataas na opisyal ng bansa ay dumalo sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain.

Idiniin ni Gob.Wilhelmino Sy-Alvarado ang mahalagang gampanin ng bawat isa at ng media sa paghubog ng mga kabataan sa isinagawang Provincial Children’s Congress noong Oktubre 18 sa Hiyas Pavillion, Malolos City. “Ang mga bata ay itinuturing nating pag-asa ng bayan, kaya naman kung ngayon pa lamang itinatanim na natin sa kanilang mga isipan ang mahahalagang gampanin ng bawat isa sa kanila, hindi na tayo mamomroblema sa kinabukasan, dahil alam na nating nahubog na natin sila tungo sa pagiging mabuting mamamayan at kasama natin d’yan ang mga mamamahayag,”

Zerrudo, pinarangalan sa 2012 Gawad Dangal ng Lipi ni Charlene B. Hernandez Lungsod ng Malolos- Nakamit ni Dr. Edna Santos-Zerrudo, Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Bulacan, ang pagkilala bilang natatanging Bulakenyo sa larangan ng edukasyon sa 2012 Gawad Dangal ng Lipi noong Setyembre 17. Iginawad ang naturang pagkilala dahil sa natatangi niyang kontribusyon sa pag-aangat ng kalidad ng edukasyon sa lalawigan. Ang Gawad Dangal ng Lipi ay isa sa mga highlight sa pagdiriwang ng Singkaban Fiesta. Ito ang pinakamataas na parangal na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga natatanging Bulakenyo. Layon ng parangal na ito na kilalanin ang mga makabagong bayani at natatanging anak ng Bulacan na nagtagumpay sa kani-kanilang larangan. Kabilang din sa tumanggap ng parangal sina Lt. Gen. Anthony Alcantara (Paglilingkod-bayan-Military), Justice Estela Perlas-Bernabe (Propesyunal), Dr. Manolito Bulaong ( Agham at Teknolohiya), Feliciano Cruz, Sr. (Entreprenor), Rev. Herminio Da-

gohoy (Edukasyon), Ernesto dela Pena (Sining at Kultura), Margarita Juico (Pangkalusugan), Angelica Ligas, RN (Bulakenyo Expatriate), Henry Lutao (Pangangalakal at Indusriya), Bernardino Nuñez (Agrikultura), Maria Elena Ochoa (Paglilingkod-pampamayanan), Joel Villanueva (Paglilingkod-bayan) at Senate President Juan Ponce Enrile, Natatanging Dangal ng Lipi.

SUSUNOD NA LIDER: Ipinadama ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga kabataan ang kanilang mahalagang papel sa hinaharap. Larawan mula sa Google

DBM, naglabas ng P2.68 B pondo, kakulangan sa gusali,pasilidad sa paaralan,tutugunan ni Joyce Ann C. Uy Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P2.68 bilyon para sa pagpapatayo at pagsasaayos ng mga gusali at pangkalusugang pasilidad sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. Tugon ito sa layunin ng administrasyong Aquino na makapagbigay ng suportang pang-imprastraktura sa programang K to 12 ng Department of Education (DepEd). “Nauunawaan ni Pangulong Aquino na ang pagrereporma sa sistema ng pampublikong edukasyong ay nagsasangkot sa pag-

papaunlad hindi lamang ng kurikulum kundi maging ng mga pisikal na pasilidad na sumusuporta dito,” ayon kay Budget and Management Secretary Florencio B. Abad. Mula sa naturang halaga, P2.46 bilyon ang magmumula sa DepEd’s Basic Educational Facilities Fund sa ilalim ng 2012 General Appropriations Act (GAA) na gugugulin sa pagpapagawa, rehabilitasyon, pagpapalit, pagtatapos at pagsasaayos ng mga gusali sa mga paaralan sa mga lugar na dumaranas ng malalang kakulangan sa silid-aralan. Gagamitin din ang nasa-

bing alokasyon upang makapagpatayo ng mga pangkalinisang pasilidad at makabili ng mga upuan at iba pang kinakailangang gamit sa mga paaralan. Ang natitirang P222.4 milyon naman ay kukunin mula sa FY 2012 DepEd School Building Program (SBP) sa ilalim ng 2012 GAA na gagamitin sa parehong layunin. Ipauubaya ang pamamahala sa konstruksyon ng mga gusali at pangkalinisang pasilidad sa Department of Public Works and HighWays (DPWH) nang sa gayon ay makapagpokus ang DepEd sa kurikulum.

Pilipinas, nagtala ng pinakamataas na business English Proficiency ni Anthony H. dela Cruz

DANGAL NG BULAKENYO: Ang husay, dedikasyon at talino ni Dr. Edna Santos Zerrudo ang naging susi sa pamamayagpag ng kabataang Bulakenyo. Larawan mula sa Google

Nanguna ang Pilipinas sa global index na sumusukat sa business English proficiency ng isang bansa ayon sa pag-aaral na isinagawa ng GlobalEnglish. Corporation. Nagtala ang Pilipinas ng 7.0 na Business English Index (BEI) samantalang 4.15 lamang ang 2012 BEI average score ng 108,000 na kumuha ng pagsusulit sa buong mundo. “With a score above 7.0 the Philippines’ BEI is within a range of high proficiency that in-

dicates an ability to take active role in business discussions and perform relatively complex tasks,” ayon sa GlobalEnglish Corp. mula sa mensahe nito sa kanilang website. Kasama ng Pilipinas sa limang bansa na may pinakamatataas na BEI ay ang Norway (6.54), Estonia (6.45), Serbia (6.38) at Slovenia (6.19). Samantala ang Japan, Italy at Mexico mga bansang “struggling with economic powers” at

iba pang “fast-growth markets” tulad ng Brazil, Columbia at Chile ay nakakuha lamang ng BEI na mas mababa sa 4.0. Ang GlobalEnglish Corp. ay isang California-based provider of cloud-based, on-demand soft ware to advance enterprise fluency for global organizations. Mayroon itong tanggapan sa 30 mga bansa at higit sa 500 na katuwang sa negosyo tulad ng GlaxoSmithKline, Hilton, Procter & Gamble at iba pa.

2 3 me d al ya, h i n a k o t n g P i n o y J u n ior E in st e in ni Anthony H. dela Cruz Kumolekta ng kabuuang 23 medalya ang mga batang Pinoy sa International Math at Science Olympiad sa Lucknow, India noong Oktubre 28 hanggang Nobyembre 1. Nasungkit ng mga munting Einstein ang ginto, 12 pilak at 10 tansong medalya matapos makipagtagisan sa 231 kalahok mula sa 12 bansa. Naungusan ng mga Pinoy ang mga magaaral sa ikalima at ikaanim na baitang na edad 13 pababa mula sa Tsina, India, Indonesia, Malaysia,

Nepal, Nigeria, Singapore, South Africa, Sri Lanka, Taiwan at Thailand. Pinangunahan ni Shaquille Wyan Que ng Grace Christian College, Quezon City , ang delegasyon ng Pilipinas matapos makamit ang unang pwesto sa Mathematics category.. Nag-uwi rin ang mga representante ng bansa ng limang pilak at anim na tanso sa Matematika at humakot ng pitong pilak at apat na tanso sa Agham.

TAAS NOO PILIPINO: Ibinantayog ng mga estudyanteng Pinoy ang angking talino sa 9th Math and Science Olympiad sa India. Larawan mula sa Google


Editoryal

Wakasan ang pambu-bully Sugpuin ang takot. Nakaaalarma ang pagdami ng kaso ng mga kabataan na nabibiktima ng pambubully. Sa ngayon, ito ang numero unong non-academic issue na kinakaharap ng mga edukador at isa sa labis na ikinababahala ng mga magulang. Nakalulungkot isipin na maraming mag-aaral ang napipilitang huminto sa pagpasok sa eskwela matapos makaranas ng pambubully. Tugon sa dasal ng mga biktima ng pambubully ang House Bill 5496 ang Anti-Bullying Act of 2012 na inindorso ni Sorsogon representative Salvador Escudero III, Chairman ng House Commission on Basic Education and Culture. Bilang bahagi sa pagtugon sa batas na ito ng mga paaralan, kinakailangang isama ang mga anti-bullying policies sa handbook ng mga mag-aaral at empleyado, magpaskil ng mga detalye nito sa mga websites at nasasakupan ng paaralan at ipaalam sa division superintendent ang anumang insidente ng pambubully na siya namang magpapabatid nito sa Education Secretary na magsasagawa ng imbestigasyon ukol dito. Ayon sa pag-aaral tatlo sa bawat sampung kabataang Pilipino ay sangkot sa kaso ng pambubully, kung hindi sila ang nambubully ay sila ang binubully. Madalas na nagaganap sa primarya at elementarya ang ganitong mga kaso. Ang nasabing masamang gawa ay kailanman hindi tinatanggap bilang isang pamamaraan o bahagi ng pagtanda ng isang bata. Natuklasan din na ilan sa mga bully ay naging biktima rin ng pambubully at kapag lumaon ay maaari nilang madala ang attityud na ito sa hanggang sa kanilang pagtratrabaho. Kinakailangan agad itong masugpo at hindi maaaring ipagwalang-bahala sa dahilang mayroon itong negatibong epekto, hindi lamang sa biktima, kung hindi sa taong gumagawa ng pambu-bully. Naaapektuhan din nito pati na ang buong paaralan. Sa pagsasabatas ng Anti-Bullying Act of 2012, nasimulan nang tama ang taong pampaaralang ito. Nakahinga nang maluwag ang milyong mag-aaral na nakararanas ng pambubully at naibsan ang labis na pagkabahala ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay maging biktima nito. Hayaan nating maranasan ng ating kapwa ang normal at masayang pamumuhay na hangad nila. Maging sensitibo sa damdamin ng iba. Sa ganitong paraan, maipapakita ang suporta sa pamahalaan sa pagpapatupad ng Anti-Bullying Law.

Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino Mataas na Paaralang Nasyunal ng Felizardo C. Lipana

Gng.Janice A. Atenas Tagapayo

Gng. Cecile C. Reyes Kawaksing Tagapayo

G. Edgardo J. Mendoza Punong-guro III

Gng. Anastacia N. Victorino Pansangay na Tagamasid sa Filipino - Sekundarya Edna Santos-Zerrudo, Ed. D., CESO V Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Bulacan

TAPATAN Rozenn H. Sta. Maria

Kalam kontra kaalaman Mithiin ng bawat kabataan ang magtagumpay at matupad ang kani-kanilang pangarap sa buhay, kaya naman nagsusumikap sila sa kanilang pag-aaral. Ngunit paano nga ba nila matutunan ang leksyong pinag-aaralan kung ang sikmura nila ay kumakalam? Sa tala ng Department of Education (DepEd) nasa 2 milyong estudyante ng bansa ang kulang sa timbang. Dahil sa kakulangan sa nutrisyon hirap silang maging aktibo sa klase. Ayon pa sa mga pagaaral, apat sa bawat sampung mag-aaral ay dumaranas ng

mahirap na pamumuhay at kakulangang pinansyal, sumasala na sila sa oras ng pagkain at madalas na pumapasok sa eskwela nang walang laman ang tiyan. Aminado ang ‘DepEd’ na malaki ang epekto nito sa ‘performance’ ng mga magaaral sa klase. Kaya’t hindi na rin nakapagtataka kung bakit ang Pilipinas ay pang-pito lamang pagdating sa edukasyon kumpara sa mga karatig-bansa sa Timog-Silangang Asya. Sa ngayon, pinipilit itong masolusyunan ng Deped at mga non-government orga-

nization (NGO’s) sa pamamagitan ng mga feeding program kung saan prayoridad ang mga mag-aaral na may below normal na Body Mass Index (BMI). Dapat lang mabigyang-pansin ng pamahalan ang kahalagahan ng mga kabataang may sapat na nutrisyon sapagkat ang pagkain ay hindi lamang para sa katawan kundi para sa utak din. Kung mareresolbahan ang idinadaing na kagutuman ng kabataan tiyak na magkakaroon ng higit na matalino, masigla at listong estudyanteng Pilipino.

DIRETSAHAN Gerald P. Gan

K-12, Napapanahon ba? Ano nga ba ang talagang problema, ang napag-iwanang edukasyon o ang lumalalang kahirapan sa bansa? Ang Pilipinas na lang ang tanging bansa sa Asya na may 10-year basic education cycle hadlang upang tayo’y maging mas globally competitive. Sa kabilang banda, ayon sa mga pag-aaral sa 10 nag-aral ng elementarya anim lamang ang makatatapos nito; sa anim na nag-aaral ng hayskul, apat lamang ang makatatapos, at sa apat na tumuntong ng kolehiyo, isa lamang ang makakapagtapos, pag-inugat ang problema kahirapan. Maganda ang layunin ng bagong kurikulum na K-12 sa pagbabagong nais ng

pamahalaan sa sistema ng edukasyon. Higit nitong maihahanda ang mga kabataan tungo sa pagkakaroon ng magandang katayuan sa buhay, ngunit ito ba’y napapanahon? Sa kasalukuyan, sa kabila ng kampanya ng DepEd na zero drop out, patuloy sa pagtaas ang drop out rate sa mga pampublikong paaralan. Bagama’t libre ang edukasyon ang malaking porsyento ng dahilan nito ay ang kakulangang pinansyal upang ipanustos sa pag-aaral. Kailangang burahin ng pamahalaan ang agam-agam at pangamba ng mga magulang na ang pagdaragdag ng dalawang taon sa hayskul ay balakid sa pangarap nilang mapagtapos ang kanilang anak. Pagtuunang

• Hindi nasusukat sa dami ng palo ang lalim ng samahan. Hindi lang minsan tayong binalot ng dalamhati matapos marinig ang balitang may nagbuwis ng buhay bunsod ng hazing ng iba’t ibang fraternities sa mga eskwelahan sa bansa. Limang buwan pa lamang pagkatapos ng pagkamatay ng San Beda freshman law student na si Marvin Reglos ay nasama na naman sa listahan itong si Marc Andrei Marcos mismo sa parehas na unibersidad. Ang nangyari kina Marcos at

pansin hindi lamang ang badget para sa pagpapatupad ng K-12 bagkus pati ang paraan kung paano mabibigyan ng karagdagang tulong pinansyal ang mga magulang upang maitawid ang kanilang mga anak sa malaking pagbabagong ito. Napakalaking hamon ang pagpapatupad ng K-12, nangangailangan ng ganap na kahandaan sa mga paaralan, mga guro, mga magulang at mga mag-aaral. Hindi dapat masayang ang karunungan, panahon, pera at lakas ng bawat isa na iniukol dito. Nawa’y ang pagbabagong ito sa sistema ng edukasyon ay maging epektibo at makamit ang tagumpay para sa mga kabataan na siyang pagasa ng bayan.

Reglos ay dagdag sa taun-taon na lang na kaso ng mga namamatay sa gulpi bilang initiation sa isang fraternity. Mahigit dalawang dekada na ang lumipas mula nang maipasa ang Republic Act (RA) 8049 o Anti-Hazing Law subalit wala pa ni isang nako-convict sa ilalim nito. Malinaw ang itinatadhana ng RA 8049 na nagwawaksi sa hazing bilang bahagi ng initiation rites, nakokontrol man ang palo at suntok sa katawan o hindi. Sa ilalim nito maaring patawan ng apat na taon hanggang

habambuhay na pagkakakulong ang magsasagawa ng hazing, depende sa magiging kalagayan ng biktima. Sa gitna ng bagong paglabag na ito sa anti-hazing law marahil ay dapat na ring ilabas hindi lang ang ngipin kundi ang pangil ng batas na kakagat sa mga pasaway na fraternities na lumilihis sa prinsipyo ng kapatiran at hindi kumikilala sa halaga ng buhay. Hindi dapat nasasayang ang buhay sa ganitong mga walang kapararakang kamatayan.


Pulso Cyber Crime Law, para ba sa ikabubuti ng mga Pilipino? Sa pagkaalarma ng pamahalaan sa patuloy sa pagtaas ng bilang ng mga kasong kaugnay sa paggamit ng internet tulad ng hacking, cyber sex, child pornography, piracy, cyber bullying at iba pa, pinaburan at isinabatas ang Cyber Crime Prevention Act of 2012 o Cyber Crime Law. Hati ang opinyon ng taumbayan dito. May mga natutuwa sapagkat malaking tulong daw ito upang masawata ang paglobo ng krimen na may kaugnayan sa internet. Ngunit nakahihigit ang nanggagalaiti sa galit sa pagsasabatas nito. Para sa kanila isang malaking hadlang ito sa kalayaan ng mga mamamayan sa pamamahayag lalo na ang online libel na bahagi rin ng batas na ito. Bilang kabataang Pilipino, may pakialam tayo sa mga pagbabagong kaakibat ng batas na ito. “Pabor ako kasi marami naman talaga ang umaabuso sa paggamit ng internet.” Janina Bianca Figueroa 7 - Sampaguita “Anti-Cyber Crime Law ako dahil tayo ay nasa isang demokratikong bansa kung saan bawat indibidwal ay na-

rarapat lamang na bigyan ng kalayaan sa pamamahayag.” Myla V. Leonardo IV - Rizal “Tutol ako sa batas na ito; hindi magiging epektibo ang isang batas kung isinusuka at kinukwestyon ito ng karamihan.” Kline Chelzea P. Lopez IV -Rizal “Maging positibo tayo sa isyung ito, Nais ng batas na ito na mapababa ang kriminalidad sa paggamit ng internet.” Rinalitte A. Ang III - Gold “Ang batas na ito ang magpapaalala sa atin na ang lahat ng bagay ay may limitasyon lalo na kung may matinding naaapektuhan ang karapatan, pagkatao at pag-aari ng isang tao.” Danica Mae DL. Serrano IV - Rizal “Kung ganap na maipatutupad ang batas, magmumulto ang bakas ng nakaraan kung saan napagkaitan tayo ng kalayaan at demokrasya.” Julie Ann Santos IV - Rizal

“Huwag sana tayong maging mapanghusga, sa halip lawakan ang pag-iisip, kung tunay ngang malaki ang maitutulong nito dapat natin itong suportahan.” Neil Patrick Andes IV - Lopez Jaena “Mas nararapat na lang na ilaan ng gobyerno ang 50 milyong pondo para sa cyber crime law sa pagpapatayo ng mga silid-aralan.” Cristian de Lima 7 -Gladiola “Nararapat ipatupad ito dahil mas mahalagang matigil ang pagdami ng krimen at karahasan kaugnay ng paggamit ng internet.” Isabel G. Altabano IV - Ponce Bilang mga reponsableng internet users nararapat lamang na batid natin na lahat ng anyo ng kalayaan ay may kaakibat na responsibilidad. Ang karapatan natin ay natatapos kung saan nagsisimula ang karapatan ng iba. May batas man o wala na magpaparusa sa atin, dapat at matama nating pinag-iisipan ang isang bagay bago ito gawin upang hindi makasakit at makatapak sa karapatan ng iba.

PILANTIK Tim Claude A. Pineda

Itanong mo kay Mayor Nakasanayan na natin na kapag may bagyo ay bubuksan lamang ang telebisyon at aantabayan ang anunsyo kung may pasok o wala. Dumidepende tayo sa itinataas na typhoon signal ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) at sa pagsususpinde ng klase ng Department of Education (DepEd). Ngunit may mga pagkakataong may mga lugar na hindi sakop ng mga inanunsyong may typhoon signal ngunit lubhang naaapektuhan ng bagyo kaya maraming estudyante ang nalalagay sa

peligro. May mga pangyayari naman na nakataas sa signal 2-3 ang bagyo sa isang lugar ngunit wala namang gaanong hangin at ulan, ang resulta, nasayang ang isang araw ng klase. Kaya naman ipinaubaya na sa pamahalaang lokal ang pagsususpinde ng klase kapag may bagyo. Ayon kay Sec. Armin Luistro, magiging automatic na ang suspensyon mula sa Local Government Unit (LGU) base sa rekomendasyon ng PAG-ASA. Sa bisa ng Executive Order no. 66 na inaprubahan ni Pang. Benigno Aquino III

noong Enero 9, 2012 , inilabas ang DepEd Order no.43 para bigyan ng guide ang mga region, division at school officials sa kanilang magiging aksyon sa pagbibigay ng suspensyon ng klase tuwing may bagyo. Mabuti naman ang naging epekto ng pagbabagong ito, higit na nababantayan ang kalagayan at sitwasyon ng bawat lugar kaya agarang nakapagsususpinde ng klase kung kinakailangan. Dapat alalahaning buhay ang nakasalalay rito,kaya hindi dapat ipagwalang-bahala ang malaking responsilidad na ito.

Tanglaw ng Buhay “Panginoon, ituro Mo sa akin ang Iyong daan, upang makalakad ako sa Iyong katotohanan.” -Awit 86:11 Madaling mamuhay nang ayon sa ating kagustuhan at isipin na nasa tamang direksyon tayo, pero kung tutuusin, sariling daan lang naman natin at hindi ayon sa kalooban ng Diyos ang ating tinatahak. Sinabi sa Kawikaan 14:12 “Maaaring sa tingin mo ang daan mo ay matuwid, ngunit kamatayan pala ang nasa dulo nito.” Kung minsan maaaring idikta ng ating isipan na makatwiran lang ang saktan ang mga nanakit sa atin o kaya’y isentro ang ating buhay sa paghahanap ng paraan upang magkamal ng yaman. Subalit iba ang nais ng Diyos kaysa sa ating mga nais gawin. Nais niyang magpatawad tayo, tumulong sa mga nangangailangan, mamuhay sa paraang ikalulugod Niya at huwag maghiganti. Upang makasunod sa tamang direksyon, kailangan natin ng gabay. Ipinakita ng Diyos ang tamang direksyon sa pamamagitan ng Bibliya. Kung tayo’y mamumuhay ayon sa Bibliya, mababatid natin na maganda ang layunin Niya para sa atin.

Mula sa GININTUANG ANI ng Jose J. Mariano High School

Makialam ka, NGAYON Mark Jonathan Salvador Naniningil na ang kalikasan. Sa mahabang panahon ng pang-aabuso at kakulangan sa pagkalinga sa kalikasan nararanasan na natin ngayon ang mapait na bunga nito. Sa internet ay laganap na ang mga ulat ukol sa pagkalusaw ng ice caps, hindi mabilang na insidente ng pagkamatay ng mga lamang-dagat at sa mga nakalipas na dekada ay naitala rin ang pagtaas ng bilang ng mga nabubuong buhawi at bagyo. Lahat ng ito ay isinisisi sa Climate Change. Setyembre 26, 2009 nang gulantangin ang Pilipinas ng bagyong Ondoy, sa Metro Manila pa lamang at mga karatig na probinsya ay kumitil ito ng 400 na buhay. At ngayong 2012 muli na namang lumubog ang maraming lugar sa bansa dahil kay Habagat. Isa rin sa mga epekto ng Climate Change ang “Global Warming” o patuloy na pag-init ng temperatura sa mundo. Sanhi ito ng mga usok ng sasakyan, mga pabrika at planta, pagsusunog ng basura at gayundin ang patuloy na pagkakalbo ng mga kagubatan na sana’y gaganap sa pagpapanatili ng tamang init ng mundo. Dahi sa Global Warming nararanasan ang sobrang init na temperatura na lumilikha ng nakakamatay na buhawi, mas matagal na El Niño at maging biglaan at mas matagal na tag-ulan. Huwag na tayong magbingi-bingihan sa panaghoy ng kalikasan. Tayo at hindi ang Climate Change ang dapat sisihin sa pagbabagong ito sa mundo. Tayo rin sa ating mga simple at maliliit na paraan ang makatutulong upang makaranas ang susunod na henerasyon ng mas magandang bukas. Hinaharap ngayon ng ating henerasyon ang isang napakalaking hamon. Ang Climate Change ay isang suliraning responsibilidad na tugunan ng bawat isa sa atin, hindi bukas o sa darating pang mga panahon kundi ngayon. Kumilos na tayo bago mahuli ang lahat.

Liham sa patnugot Mahal na Patnugot, Isa po ako sa maraming mag-aaral na labis ang kagalakan sa pagkakaroon ng ating paaralan ng pahayagan. Mula po dito’y nakakakuha kami ng mga bagong impormasyon at kaalaman na maaari naming magamit sa pag-aaral at maging sa aming personal na buhay. Dahil po dito ay taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng mga manunulat sa likod ng tagumpay ng inyong pahayagan. Nais ko rin po sanang maibahagi ang aking angking talento sa pagsulat at makasali sa inyong samahan. Makatitiyak po kayo sa aking dedikasyon at bukas po ako sa mga bagong kaalaman upang higit na mapagyabong ang aking kakayahan. Maraming salamat po at inyong nabigyang-daan ang aking liham. Sumasainyo, Janina Bianca R. Figueroa 7-Sampaguita Tugon ng Patnugot Sa iyo Janina, Ang buong pamunuan ng “Ang Hardin” ay lubos na nagpapasalamat at nadama namin ang iyong pagpapahalaga sa ating pahayagan. Natutuwa kaming mabatid na kami’y nakatutulong upang lalong madagdagan ang iyong mga kaalaman. Nawa’y marami pang mag-aaral na tulad mo ang mahikayat na ugaliin ang pagbabasa. Malugod naming pagbibigyan ang iyong kahilingan na maging kontributor ng ating pahayagan. Ang ating pahayagang pampaaralan ay laging bukas sa lahat ng mga nagnanais na ibahagi ang kanilang husay sa pagsulat. Muli, maraming salamat sa iyong pagsulat. Hanggang sa muli, Patnugot


sweeTESS:Tamis ng Tagumpay

ni Myla V. Leonardo

Kung mamumuhunan ng sipag at tiyaga tiyak na ang aanihin ay tagumpay. Ang kahirapan ay dapat magsilbing inspirasyon sa pagbuo ng mga pangarap. Ito ang pinatunayan ni Bb. Maritess P. San Agustin o sweeTESS sa mga taong malalapit sa kanya. Nagsimula ang kanyang karera sa pagtuturo bilang isang locally-funded na guro sa Felizardo C. Lipana National High School noong 1995. Sa paglipas ng panahon, unti-unting lumago ang isang punong itinanim sa mahusay na pangangalaga.Yumabong ang kaalaman at namunga ng kahusayan makalipas sa isang dekada nakatanggap siya ng promosyon at naging Master Teacher I. Ang malakas na ihip ng hangin ang nagpatibay sa pisi ng pananalig at nagpatatag kay Bb. San Agustin. Ang mga magulang na sina G. Manuel G. San Agustin at Gng. Trinidad P. San Agustin at ang anim na kapatid ang nagsilbing sandigan at inspirasyon niya sa buhay. Nabiyayaan siya ng oportunidad na higit pang pandayin ang kanyang karunungan ng mapiling bigyan ng Monbukagakusho MEX Scholarship. Sa Yokohama National University sa bansang Japan ay pinatunayan niya ang husay at talino ng mga Pilipinong guro. Kinilala ang angkin niyang husay bilang Head Teacher sa 2011 Search for Bulacan Outstanding Administrators, Teachers and Supervisors (BOATS). Kamakailan, isang pinto ang muling nagbukas nang matalaga siya bilang punong-guro ng Mababang Paaralan ng Pritil. Sa kabila ng lahat ito, nanatiling nakatapak ang kanyang mga paa sa lupa, madali pa ring lapitan ng mga taong nangangailangan ng tulong niya. Marahil, ang kababaang-loob ding ito ang sanhi ng walang patid na biyayang natatanggap niya. Bagama’t may lungkot sapagkat iiwan niya ang paaralang nagsilbing kanyang pangalawang tahanan sa loob ng 17 taon, baon rin niya ang saya sa pagharap sa bagong yugto ng kanyang propesyon. “Pasasalamat sa ating punong-guro, G. Edgardo J. Mendoza na nagsilbing mabuting lider, mentor at ama. Salamat din sa aking mga kapwa guro na nakasama ko upang tuparin ang layunin ng edukasyon at patuloy itong iangat para sa mga kabataan, sa mga estudyante na naging anak, kapatid, kaibigan at inspirasyon upang patuloy na magpursige na labanan ang mga hamon ng buhay,” wika ni Bb. San Agustin. Jeremias 29:11 “ Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo, mga planong hindi ninyo ikasasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punong-puno ng pag-asa,” ito ang paniniwalang mula pagkabata ay pinanghahawakan niya. ng mga ordinaryong nilalang na nagpamalas ng ekstraordinaryong paraan ng kabayanihan.

ni Janice A. Atenas Ang Pilipinas ay duyan ng mga bayani. Sa 7,107 mga isla nito ay sumibol ang mga binhing dakila. Mga binhing hindi nagpasupil sa kabila ng paglaganap ng masasama at lisyang gawa. Tunghayan natin ang mga kwento ng kabayanihan

Si Kabang: Naging laman ng mga pahayagan at telebisyon sa loob at labas ng bansa ang pambihirang kabayanihang ipinamalas ng asong si Kabang matapos nitong ilagay sa panganib ang sariling buhay alangalang sa dalawang apo ng kanyang amo. Nag-iwan ng malaking pinsalang pisikal ang aksidenteng ito kay Kabang subalit higit na malalim ang iniwan nitong aral sa puso ng bawat isa: Ang ipinunlang pagmamahal sa kapwa ay aani ng higit pa. Si Sec. Jess: “Sana ay maging handa ang mga tapat at may kakayahan nating pinuno na magsakripisyo at tumugon sa tawag ng panahon. Hindi ito madali, ngunit kung samasama tayong lahat hindi malayong maabot natin ang minimithi nating magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino.” -Jesse Manalastas Robredo (19582012) Hinangaan ng buong bansa ang ipinamalas na ‘tsinelas leadership’ ng dating DILG Secretary na si Jesse M. Robredo. Ipinalangin ng buong bansa ang kanyang kaligtasan matapos mapabalita ang pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan at ipinagdalamhati ng lahat ang kanyang pagyao.

Piliin mo ang Bulacan

Mabuting ama. Mapagmahal na asawa. Mapagkalingang anak. Tapat na kaibigan. Tunay na lingkod-bayan. Sa kabila ng kanyang posisyon at kapangyarihan ay nanatiling simpleng tao. Hindi niya sinayang ang tiwalang ipinagkaloob ng taumbayan at ginamit ang lakas at talino sa paglilingkod. Sa katauhan ni Sec. Robredo muling nagningas ang pag-asa sa puso ng bawat Pilipino na may mga lingkod-bayan pang tunay na nagmamalasakit sa kapakanan ng bawat Pilipino. Si Mang Nanie: Parang convenient store na bukas 24/7 para sa lahat ang aklatan sa bangketa ni Hernando ‘Nanie’ Guanlao sa La Paz, Makati City. Sa lumang mga bookshelf na tinatakpan ng maninipis na plastik nakahanay ang ‘di mabilang na aklat ni Mang Nanie. Sa edad na 60 wala siyang pagod sa pakikipasalamuha sa iba’t ibang uri ng taong naglalabas-pasok sa kanyang aklatan. “Kapag mayroon kang isang magandang libro at isang tasang kape, maraming mabubuong pagkakaibigan” ani Mang Nanie. Bukod sa libreng ipinapahiram ang kanyang libro ay walang itinakdang panuntunan sa panghihiram ng mga ito ‘kung gusto mo isauli mo, kung ayaw mo naman ay sa iyo na ito.’ Ang nakapagtataka sa kabila ng panuntunang ito, sa halip na maubos ay patuloy sa pagdami ang mga ito. May kaibang panghalinang nakakakahawa ang kabutihang-loob ni Mang Nanie, ang nanghiram ng isang libro, magbabalik ng dalawa o higit pa. Si Mang Nanie wala mang maibabahaging yaman sa iba ay higit

pa rito ang naipikita. Si Kesz: Tinatayang nasa 260,000 batang lansangan sa bansa ang nagiging biktima ng pang-aabuso, karahasan at ‘child labor’. Isa sa mga batang ito si Cris ‘Kesz’ Valdez na nagsimulang makihamok para mabuhay sa edad na 2. Isang batang palaboy na nakatira sa isang dumpsite ang 13 gulang na pinarangalan ngayong taon ng International Children’s Peace Prize dahil sa kanya pagsisikap na maiangat ang kalagayan at maitaguyod ang karapatan ng mga tulad niyang batang lansangan. Ang kanyang charity na “Championing Community Children” na itinatag niya sa edad na pito ay nakatulong na sa 10,000 batang lansangan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga damit, laruan, pagkain at iba pang pangangailangan. Pinatunayan ni Kesz na ang pagtulong ay hindi nakadepende sa katayuan sa buhay, tunay na nakabibilib na bagama’t isa ring batang dumaranas ng kahirapan ay naisip pa ring makatulong sa kanyang sariling paraan sa mga batang tulad niya. Si Kabang… Si Sec Jess… Si Mang Nanie… Si Kesz… Mga bayani sa kani-kanilang paraan. Naniniwala ako na marami pang tulad nila, marami pang mga bayani, mga bayaning hindi nakikilala at napapangalanan. Mula sa mga ina, ama, guro, pulis, sundalo, doktor, mamahayag, OFW, drayber, magsasaka, at marami pang iba ay isinisilang ang iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng kabayahihan.

ni Myla V. Leonardo

Halina’t iyong damhin ang puso ng Pilipinas sa lalawigan ng Bulacan. Isang lalawigang hitik sa kasaysayan, tradisyon at kultura. Naging matibay na moog ng tatlong republikang nagbigay-daan sa ganap na kalayaan ng bansa - Republika ng Real de Kakarong, Republika ng Biakna-Bato at Republika ng Malolos. Ito’y tahanan ng ilan sa mga ipinagbubunying bayani ng bayan: Francisco Baltazar (Balagtas), Marcelo H. del Pilar, Gregorio del Pilar at Mariano Ponce. Tanyag din ang lalawigang ito sa naggagandahang dilag at mga Bulakenyong likas ang kagandahang-loob. Tinaguriang “Northern Gateway from Manila,” ilang minutong byahe lamang mula sa ingay at hapit ng syudad.

At sa ngayon, inihahanay ang Bulakan hindi lamang sa mga primera klaseng lalawigan sa Central Luzon kundi maging sa buong bansa. Maihahalintulad ang 24 na bayan at lungsod nito sa kinang ng mahusay na 24-karat na ginto na hindi matatawaran ang “ningning sa historical at tourism value.” Tunay na tuloy-tuloy ang pagsigla at pag-angat ng turismo sa lalawigan. Buong pagmamalaking inihahain nito sa mga turista, lokal man o banyaga na makita at maranasan ang ipinagmamalaking 24 tourism icons ng Bulacan na binubuo ng Modernized Arts mula sa bayan ng Angat, Birthplace of Balagtas, Lenten Procession ng Baliwag, Fireworks ng Bocaue, del Pilar’s Heritage ng Bulakan, Dam Dipping sa Bustos, Cruis-

ing sa Calumpit, Nature Tripping sa Doña Remedios Trinidad, Garden Haven sa Guiguinto, Fishing Industry sa Hagonoy, Revisiting the Past sa Malolos, National Shrine sa Marilao, Finest Jewelry mula sa Maycauayan, Dam Viewing sa Norzagaray, Fertility Dancing sa Obando, Revisiting Kakarong sa Pandi, Vinegar Fermentation ng Paombong, Designs and Architecture sa Plaridel, Kneeling Carabao sa Pulilan, Wonders of Nature sa San Ildefonso, Trekking sa San Miguel, Festive Pageantry sa San Rafael, Independent Pilgrim sa San Jose Del Monte at Fiesta Foods sa Santa Maria. Kaya’t ano pang hinihintay n’yo? Tayo na’t malasin ang ganda’t kinang ng aming lalawigan... “Piliin mo ang Bulacan.”

Tikman mo ‘to!

ni Rozenn H. Sta. Maria

Adobong alimango (mud crabs) Panalo sa lasa. Madaling lutuin. Swak sa badget ng pamilya. Mga sangkap: Apat na pirasong alimango (mud crab), ¼ tasang mantika, bawang, 1 ½ tasa ng tubig, 1/3 tasa ng katas ng kalamansi, asin at pamintang durog. Proseso ng pagluluto: Hatiin ang alimango sa dalawa, tanggalin at ihiwalay ang taba ng alimango. Igisa ang bawang. Idagdag at lutuing mabuti ang alimango hanggang sa magpula na ang kulay nito. Ilagay ang taba ng alimango, katas ng kalamansi at tubig. Timplahan ng asin at paminta. Hayaang maluto at kumulo sa loob ng sampu hanggang labinlimang minuto. Ihain kasama ang mainit na kanin.


d o s g n u l a C o r San Ped ni Arrian Marie O. Bunda

Kaunti lamang ang tala ukol sa buhay ni San Pedro Calungsod, sa katunayan hindi pa rin matukoy ang pinagmulan niya - maaaring Cebu, Bohol o Iloilo. Maging sa tunay niyang itsura ay walang nakababatid. Ang kanyang kabataan ay inialay niya sa paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pagiging isang katekistang layko sa edad na l4. Napabilang siya sa 17 kabataan na kasama sa ekspedisyon ni Padre Diego Luis de San Vitores sa Islas de Los Ladrones (Guam sa ngayon) noong Hunyo 18,1668. Naging matagumpay sa simula ang kanilang ekspedisyon, nakapagbinyag sila ng may 13,000 na katutubo at nakapagpatayo ng isang simbahang ipinangalan kay San Ignacio de Loyola. Dumanas ng pagsubok

sa kanilang ekspedisyon ang mga misyonero. Isang intsik na nagngangalang Choco ang nanira sa kanila at sinabing may lason ang tubig na ginagamit nila sa pagbibinyag at pati na rin ang alak sa Misa. Sa kabutihang palad naayos din ang gusot. Ngunit noong Abril 2,1671, habang papunta sina Pedro at Padre Diego sa Agadna upang magbinyag, nakaalitan nila sa daan si Matapang, isang katutubong naimpluwensyahan ng mga M a c a n j a s (mangkukulam) na kumokontra sa Kristyanismo. Gumawa si Matapang ng plano upang mapatay ang

Gabay, Idolo, H Kabataang Pili uwaran ng pino

dalawa, kinasapakat niya si Hirao na isa ring katutubo. Dumating si Matapang sa lugar nina Pedro at bigla silang inatake. Nagawa ni Pedrong makailag sa mga panang papalapit sa kanya. Sinubukan ni Pedrong lumapit kay Padre Diego at protektahan ito subalit isang pana ang tumusok sa dibdib niya. Biniyak nina Hirao at Matapang ang bungo ng dalawa at itinapon na lamang sila sa dagat. Nagpatotoo ang mga saksi na maaaring makatakas si Pedro dahil sa kanyang kaliksihan, Subalit hindi niya ninais na maiwang mag-isa si Padre Diego. Dekada 80 nang simulan ng Archdiocese of Cebu ang pag-aaral sa kaso ni Pedro at isinulong naman ito ng Archdiocese of

Manila. Taong 2000, ang taon ng dakilang Jubileo, sa pagpapala ng Panginoon itinaas ni John Paul II sa pagiging beato si Pedro Calungsod at nitong ika-21 ng Oktubre ay ganap na siyang naging Santo. Isinabuhay niya ang pagiging tapat, masipag, masikap at higit sa lahat matatag sa kanyang pananampalataya. Mula sa kanyang kabataan ay walang maliw na itinalaga ni San Pedro Calungsod ang kanyang sarili kay Kristo at bukas-palad na tumugon sa Kanyang tawag. Naging kalugod-lugod na kabataan sa Diyos si San Pedro Calungsod, ang ikalawang santong Pilipino. Tumahak nang landas tungo sa kabanalan, isang huwarang maaaring hugutan ng lakas at pag-asa ng mga kabataang Pilipino.

ni Iveta T. Alonzo

Suring Pelikula

t h e

ni Rozenn H. Sta. Maria

h e a l i n g

“ Tanging ang Diyos lamang ang makapagsasabi ng iyong swerte at kapalaran.” Sa pelikulang “The Healing”, ang nahaplos ng swerte ng Diyos ay si Seth (Vilma Santos). Ikatlo ito sa horror movie na obra ni Chito Roño, sinundan nito ang Feng Shui (2004) at sukob (2006). Pagdating sa ganitong genre ng pelikula ay markado na ang husay sa pagpapatindig-balahibo ng naturang direktor. Minsan pa, pinatunayan ni Direk Chito Roño ang galing niya sa pagdadala ng takot at kaba sa mga manonood. Sa simula pa lamang ng pelikula ay mararamdaman mo na ang na dapat mo nang ihanda ang iyong sarili na matakot, humiyaw at magulat. Sa istorya, walang sinuman sa tauhan ang naglakas loob na sumubok na hanapan ng kasagutan ang kinasadlakan nilang malasumpang kapalaran. Ang pangunahing tauhan na si Seth ay labis na nabahala kung ano ang nararapat niyang gawin sa paglapit kay Manang Elsa (Daria Ramirez) isang faith healer para humingi ng tulong, Sa huli, isang rebelasyon ang sisiwalat at sisindak sa mga tauhan. Kahanga-hanga ang sinematograpiya ng pelikula. Tamang-tama ang timpla na nagpaangat sa

Si Pagong at si Matsing Sinuring mabuti ni Matsing ang ilog na pagtatapunan sa bitbit na si pagong. “Parang awa mo na dikdikin mo na ako sa bato, sunugin mo na ako, ‘wag mo lang akong itapon sa ilog,” pagmamakaawa ni Pagong kay matsing. Pinagmasdang mabuti ni Matsing ang itinapong si Pagong. Bahagya itong lumubog sa tubig ngunit agad ding lumutang. Nakangiti si Pagong na nagsalita, “Napaglalangan din kita, Matsing. Hindi mo ba alam na tirahan talaga naming mga pagong ang ilog?” Ngumisi si Matsing, nagpalundag-lundag at nagpapalakpak. “Aba, nasisiraan na ata ng bait ang matsing na ito,” bulong nito sa sarili. Hoy Matsing ba’t tuwang-tuwa ka pa? Napaglalangan na kita eh.” Tumigil si Matsing sa pagdiriwang. Itinuro ang gawing likuran ni Pagong, nandoon ang nakangising si Buwaya.

bawat eksena ng pelikula. Catchy ang plot ng istorya na umakay sa mga manonood tungo sa kung ano ang nais nilang malaman sa conflict at aabangan sa istorya. Matagumpay na nagampanan ng mga karakter ang kani-kanilang papel. Dama mo ang takot ni Vilma Santos na hindi kinailangang maging histerikal para maipakita ito. Angat rin ang pag-arte ni Janice de Belen na beterana na sa pagpapakaba sa mga manonood. Bagama’t hindi kahabaan ang role ni Kim Chui ay hindi rin matatawaran ang naging pagganap niya dito. Nagkaroon naman ng pagkakataong makahinga ng panandalian mula sa takot ang mga manonood sa karakter ni Pokwang sa kanyang mga nakatatawang diyalogo. Nag-iiwan ito ng aral na tumitimo sa mga manood, isang aral na higit na maglalapit sa atin sa Panginoon at magpapatatag sa ating pananampalataya sa Kanya higit sa kung ano o sino pa man. Sa kabuuan sulit ang pera at panahon na inilaan sa panonood ng pelikulang ito. Isa na namang de kalibreng obra na nag-angat sa kalidad ng pelikulang Pilipino.

Aswang ka ba? Narinig mo na ba ang alamat ng bakla? May pagasa pa ba ang Pilipinas? Eleksyon 2010, isang baklang impersonator, si Amapola, ang naging manananggal at nakatanggap ng propesiya na siya ang itinakdang magligtas sa Pilipinas. Ang naghatid ng balita: si Sepa, ang lola sa tuhod ni Amapola, na nanggaling pa sa panahon ng Kastila at may ‘unrequited love’ noon kay Andres Bonifacio. Pasilip pa lamang ito sa ikalawang nobela ng premyadong scriptwriter ng mga pelikula tulad ng ang Himala, Anak, Dubai at ang nakakatuwang nobela ng pagibig na Para kay B. Sa totoo lang hindi ako mahilig magbasa ng libro pero iba ang ‘Si Amapola sa 65 na kabanata’ bigla akong hinila ng kwento, hindi ito isang ordinaryong nobela ‘pagkat may malalalim itong sinasabi. Sa librong ito mapapatawa ka ng sobra pero pagkatapos mong tumawa ay mapapaisip ka. Maraming pangyayari dito na sumasalamin sa buhay ko at buhay mo. Tulad ng mga sipi at dayalogo na ito mula sa nobela: • Pinag-iisipan niyang mabuti kung sino ang mas malasa, ang mayaman ba o mahirap? Ang mangingisda (malansa), ang negosyante (makunat), ang pol-

itician (madulas), ang kriminal (matinik). • “Lahat tayo hati, di nga lang nakakalipad ang iba.” • “Hindi pagkain ang kailangan ng mga kababayan natin. Ang kailangan nila ay labanan ang tunay na dahilan kung bakit wala silang makain!” • “Lahat naman ng bagay gaano man kasakit, pinoproseso lang.” Malawak ang imahinasyon ni Ricky Lee sa paggawa ng nobelang ito, nabuo niya ang karakter ng isang baklang manananggal na may ‘multiple personality disorder’ na tinatawag na ‘alters’, isang pulis na diehard Noranian, isang convenient store para sa mga manananggal, mga taong biglang iniluluwa ng inidoro atbp. Bagama’t hitik sa pantasya, ang nobelang ito ay may pagka-sociopolitical (may ilang patama sa ating lipunan). Madaling makisimpatya sa pagkatao ni Amapola. Tulad n’ya lahat tayo hati ang pagkatao, yu’n nga lang di tulad ni Amapola na nakakalipad. Lahat tayo nakakaramdam ng kakulangan sa ating pagkatao, ang masaklap ang mga inaakala nating kukumpleto sa atin, ang nagpapamiserable pa sa ating damdamin. Kung hati man tayo, ayos lang yu’n, hindi tayo nag-iisa, balang araw, darating at darating ang bubuo sa atin. Tuhog

Libong Mata At dahil sa katamaran niyang maghanap, aksidenteng nasabi ng kanyang ina na, “Pina, nasa harapan mo na hindi mo pa makita. Sana’y magkaroon ka ng libong mata, para makita mo agad ang hinahanap mo.” At tinubuan nga si Pina ng libong mata sa katawan. Nakita ito ng kanyang ina. Naawa siya sa anak. Nagmakaawa ang kanyang ina sa langit na alisin ang libong mata sa katawan ni Pina.Nawala ang libong mata. Ngunit nag-iwan ito ng tanda. At ito ang alamat ng bulutong!

“Alam mo hindi tayo magkauri, bagama’t magkahugis tayo, hindi pa rin tayo nararapat sa isa’t isa,” wika ni Ponkan kay Balut. “Isumpa man ako ng langit, ayoko na talaga kay Penoy. Ikaw ang mahal ko at alam kong mahal mo rin ako.” “Mga Walanghiya kayo! Mga taksil! Wala akong pagkukulang sa iyo Balut. Ibinigay ko na ang lahat pero nagawa mo pa rin akong ipagpalit sa kanya. Ano bang me’ron siya na wala ako?” panunumbat ni Penoy kay Balut. “Tinapat na kita, Penoy. Nasa kanya ang hinahanap kong tamis at asim na wala sa iyo. Wala na ngang sabaw napakatabang mo pa. Ikinalulungkot ko pero…” Hindi na tinapos ni Penoy ang pagpapaliwanag ni Balut. “A, siya pala ha?” Akmang sasaksakin ni Penoy si Ponkan ng sibat pero iniharang ni Balut ang sarili nito.Patay si Balut. Ngunit tumagos si sibat hanggang kay Ponkan. “Patawarin mo ako kung sakaling inagaw ko si Balut sa iyo. Sana sa kabilang-buhay magkasama-sama sana tayong tatlo,” ang pamamaalam ni Ponkan. Hindi napatawad ni Penoy ang sarili nito. Itinuhog nito ang sarili kasama ng dalawa. Si Penoy, Si Balut at si Ponkan. At ito ang alamat ng kwek-kwek.


Destinasyon

ni Myla V. Leonardo

Iba ang sayang Pinoy ni Arrian Marie O. Bunda Ang bagong tagline na ginagamit ngayon bilang pang-akit sa mga turista ay ‘It’s more fun in the Philippines.’ Isang malaking hamon sa Department of Tourism (DOT) na mahikayat ang ordinaryong tao (tayo ‘yun) na muling ipakilala ang ating sariling bayan sa mga dayuhan at kapwa Pilipino na nasa ibang bayan ang masaya at magandang Pilipinas. Lahat tayo ay hihikayat na ICHISMIS, IPAGSABI, IKWENTO, IDALDAL, IPAALAM at ISIGAW nang malakas sa buong mundo na IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES! Saan ka nga ba nakakakita ng mga taong kahit ano pa ang inabot na hirap sa buhay ay palagi mo pa ring nakikita na nakangiti habang sinusuong ang kahirapan? It’s more fun in the Philippines! Saan ka nakakita ng mga taong ipinaglalaban ang demokrasya sa pamamagitan ng pagbibigay ng ngiti, bulaklak, pagkain at rosaryo sa mga sundalong kalaban? It’s more fun in the Philippines! Saan ka nakakita ng bayan kung saan ang taong naglilipat-bahay ay bahay ang mismong binubuhat para ilipat. It’s more fun in the Philippines! Saan ka ba nakakita ng mga taong maligaya sa paglangoy kasama ang mga nakangiting kaibigan sa malalim na bahang dulot ng kalamidad. It’s more fun in the Philippines! ‘Masaya’ ang madalas na sinasambit natin bilang sukatan kung ang isang event o okasyon ay tunay na makabuluhan. Kung hindi lang tayo palaging inaabot ng sakuna---- bagyo man o kalamidad dala ng masamang pulitika --- masasabi na isa tayo sa mga bansang siguradong mataas ang rating, kundi man sa GNP ay sa GNH naman---Gross National Happiness. Tayo ay likas na masayahin, hindi dahil sa tayo ay insensitibo kundi kaya nating lampasan ang mga pagsubok na ibinibigay sa atin habang tayo ay nakangiti at masaya. Hindi ito kababawan! May malalim itong kaugnayan sa ating ispiritwalidad. Iniisip natin na anumang nararanasan natin ay kaloob ng Diyos kaya kaya nating tanggapin at lampasan. Kakaiba talaga ang kapangyarihang Pinoy sa pagpapatunay na masaya sa Pilipinas dahil ang anumang karanasan kasama ang Pinoy ay laging more fun. ‘Yan ang espiritung Pinoy. Tayong lahat ay inaanyayahan na tumulong sa pagpapaunlad ng turismo sa ating bayan. Hali kayo at danasin nyo ang aming kagandahang-loob at kasiyahan dito sa bayang Pilipinas! Dahil dito, sa totoo lang…

It’s more fun in the Philippines!

Unti-unting nagtatago ang araw sa kanyang kanlungan at hinahawi ng dilim ang liwanag. Buong kasabikan kong hinihintay ang pagsapit ng takipsilim. Mapupungay na mga mata, mapupulang labi, namumutok at mamula-mulang pisngi at malambot na itim na buhok na sumasayaw sa ihip ng malakas na hangin. Puno ng paghanga kong pinagmasdan ang aking sarili sa harap ng salamin. Anak ako ng isang manlalayag. Ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig, ‘happy go lucky’ daw at walang anumang alalahanin sa buhay. Subalit para sa akin, tila pagkaing paulit-ulit na nakahain ang aking buhay. Sawa na ako…May isang bagay na nais kong makuha na hindi mabibili kahit sa pinakamalaki’t pinakasikat na mall at hindi kayang gawin maging ng pinakamahusay na designer. Gusto kong pabilisin ang takbo ng orasan.Nagmamadali akong tumanda, sawa na akong laruin ang maamong mukha ni Barbie. Pagod na akong makinig sa mga pagbabawal ni mommy. Nais kong matikman ang nakalalasing na lasong magdadala ng aking diwa sa mga lugar na ‘di pa naaabot ng aking mga paa. Nais kong bigyang-laya ang aking katawan sa pag-indayog sa saliw ng mahaharot na ilaw at maiingay na musika. Labis na ang kasabikan ng aking batang mga labi na matikman ang dampi ng mapupulang lipstick. Hanggang sa makilala ko si Lola Tasya… Sa mahigit isandaang lolo’t lola na inabandona ng kanilang mga magulang sa Bahay-Kalinga, si Lola Tasya ang pumukaw sa aking atensyon. Tahimik na nakaupo sa kanyang tumba-tumba, nakatingin sa malayo at tila ba hiwalay ang diwa sa karamihan. Lumapit ako kay Lola Tasya at iniabot ang isang bag na puno ng ‘health at hygiene kit’ na inihanda ni mommy. Bahagyang gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi pagkaraang tanggapin ang bag at maingat na ipinatong sa kanyang kandungan. Subalit hindi maikukubli ng kapirasong ngiti ang nabanaag kong lungkot , pangungulila at sakit sa malalabo at halos ‘di na makabanaag na mata ni Lola. May kung anong nagtutulak sa akin upang sumalampak sa damuhang katabi ng punong kanyang kinauupuan. “Lola, ayaw n’yo po bang makisali sa programa sa loob?” tanong ko, sa pagnanais na mabasag ang nakabibinging katahimikan. Muli kapirasong ngiti lang ang naging tugon ni Lola Tasya. Kay Jane, volunteer nars ng Bahay-Kalinga ko nalaman ang kwento sa likod ng malamlam na mata ni Lola. 60 anyos siya nang ibilin ng nag-iisang anak na si Tricia sa Bahay-Kalinga. Nagsusumamo daw si Lola Tasya sa pinakamamahal na anak na huwag siyang iwan du’n pero buo na ang pasya ni Tricia, nangako itong dadalawin nang madalas ang ina para hindi ito mainip. Iyon na ang naging huling pagkikita ng mag-ina makalipas ang labindalawang taon. May nakapagsabing kamag-anak nang dumalaw kay Lola Tasya na nakapag-asawa na ang anak at nagpasyang mamalagi na sa Amerika. Mula noon hindi na narinig nagsalita si Lola. Nakita ko kung paano ninakaw ng katandaan ang ganda, lakas, buhay at pag-asa mula kay Lola Tasya. Mabuti pa nung bata masaya. Kapag may problema ang takbo kay ina. Mabuti pa nung bata masaya. Mabuti pa nung bata masaya. Unti-unti nagtatago ang araw sa kanyang kanlungan, hinahawi ng dilim ang liwanag. Takot na takot kong pinagmamasdan ang pagsapit ng takipsilim.

Tanaga Pakatatag kang lubos lalo’t kayraming unos, sa buhay mong hikahos ika’y makakaraos. ( Pagsubok ) ni Jayza B. Lumague

Alay yaring talino maging puso’t talento, mahubog lang nang husto kabataang tulad mo. ( Guro ) ni Jayza B. Lumague

Salat sa yama’t singko walang puwang sa mundo, ngunit tunay kong ginto nasa aking sentido. (Edukasyon) ni Kline Cheelzea P. Lopez

Kung pag-ibig ay tunay lahat ay iaalay, handa itong dumamay, magtiis habambuhay. ( Pag-ibig) ni Iveta T. Alonzo

Bumabaha ng pamahiin

Handog ni Janice A. Atenas

Ligayang walang kahulilip ang kanilang nadama, Nang ika’y dumating sa buhay nila. Yaring pasasalamat ay walang pagsidlan, Sa unang pagkakataong ika’y nasilayan. Isa kang biyayang sadyang hiniling, Sa Poong Maykapal ay taimtim na idinalangin. Lahat ng hirap ay kinayang batahin, Upang magandang buhay sayo’y maihain. Sinikap matugunan balang iyong maibigan, Nang maginhawang buhay iyong maranasan. Ang mapaligaya ka’y tangi nilang asam, Sa bawat ngiti mo hirap nila’y napaparam. Panahon nga’y kaybilis na lumipas, Ngayo’y tahak mo na ang sariling landas. Sa tulong at gabay ng pagmamahal na wagas, Iyo nang abot-kamay ang magandang bukas.

ni Regina Grace L. Cordero

Bawal ‘yan!Naku malas ‘yan! Susuwertihin ka basta’t gawin mo ‘yan. Nasa panahon na nga tayo ng ‘modern age’ subalit may mga kaugaliang hindi mabubura lumipas man ang panahon at umusbong man ang modernisasyon. Naging kabahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay ang mga pamahiin. Mga paniniwalang nagsilbing gabay ng ating mga ninuno noong dakong una na magpasahanggang ngayo’y bukambibig pa rin nina lolo’t lola. Ngayong tag-ulan, babaha na naman ng mga pamahiing dapat nating isaisip para na rin sa ating kapakanan. Ilan sa mga ito ang sumusunod: • Upang huwag umulan kumuha ng abo sa inyong kusina at isabog sa inyong bakuran. • Swerte ang hatid ng mabining pag-ulan sa araw ng kasal, sinasabing may hatid itong kasaganaan at kaligayahan. • Kapag umuulan at lumakad sa gitna nito ang isang manok, titigil ang pag-ulan. • Gamot sa bungang-araw ang unang patak ng ulan sa buwan ng Mayo. • Kapag umuulan sa araw ng Todos los Santos ikaw ay susuwertihin at magkakaroon ng magandang ani. • Kapag may mahalagang pagtitipon/okasyon at ayaw mong umulan maghagis lamang ng damit sa bubong bago ang takdang araw ng okasyon. • Kapag umaaraw habang umuulan may kinakasal na tikbalang. • Kung ayaw mong tamaan ng kidlat tuwing may ulan, takpan mo ang mga salamin sa loob ng bahay. • Tatamaan ng kidlat ang sinumang magpapaligo sa pusa. Napakarami ng inobasyon at teknolohiya na nalikha ang siyensya subalit ang isang kaugaliang pinanday na ng panahon ang katatagan ay mananatiling isang pamanang magpapasalin-salin sa bawat henerasyong dadatnan.


USAPANG-TECHIE

'Piggybacker ka ba?' ni Arrian Marie O. Bunda

Click…type…enter…click…iyan ang karaniwang gawain ng isang netizen. Walang araw na hindi nila nabubuksan ang kanilang laptop para lang magfacebook, magtwitter, magtumbler, magskype at bisitahin ang kung anuanung social networking sites, ngunit ang tanong “Sayo ba ang internet connection na ginagamit mo?” Sa facebook may nabasa akong status update “Oh my! I lost my internet connection tsk. Hindi siguro nagbayad ng bill ang kapit-bahay, hahaha!” at bigla kong naisip “piggybacking ‘yan!” Ang piggybacking ay paggamit ng wireless internet connection ng iba nang walang pahintulot o lingid sa kaalaman ng may-ari nito. Halimbawa, ang isang kostumer ng isang negosyo na nagbibigay ng libreng ‘wi-fi’ tulad ng mga mall, hotel at café ay hindi maituturing na piggybacker subalit ang mga taong hindi naman kostumer na sadyang nagsasamantala sa paggamit ng mga ‘wi-fi hotspots’ ay maituturing na piggybacker. May iba’t ibang pananaw ang mundo ukol sa piggybacking. May mga bansang nireregulahan ang paggamit nito samantalang may mga nagpapahintulot naman na iba. Ikaw na nagbabasa nito may isa akong katanungan sa iyo: “Piggybacker ka ba?”

Kwentong Barbero ni Jayza B. Lumague

al on g V. M

san ang maraming karamdaman kabilang na ang Parkinson’s disease, Alzheimer’s disease, spinal cord injury, brain and heart illnesses at kanser. Malaki rin ang dala nitong pangako na malunasan ang malulubha at laganap na karamdaman tulad ng multiple sclerosis, stroke at Huntington’s Disease. At ngayon hindi lamang napatanyag ang stem cell bilang lunas sa mga karamdaman kundi isang paraan ng pagpapaganda at panlaban sa pagtanda sa pamamagitan ng pagpapabagal sa pagkulubot ng balat. Ayon kay Dr. Ricardo Quinones, isang cosmetic surgeon at dermatologist, ang stem cell theraphy ay maihahalintulad sa proseso na “turning back the clock” sa kakayahan nitong ibalik ang mga nawalang stem cells sa katawan kaakibat ng pagtanda. Napukaw nito ang atensyon ng media dahil sa dami ng tanyag na tao na napasailalim sa nasabing panggagamot sa loob at labas ng bansa. Ilan sa mga personalidad na umaming sumubok na nito ay sina dating pangulong Joseph Estrada, Sen. Juan Ponce Enrile, Lorna Tolentino, William Martinez at Liezel Martinez para

al yn

Nakagagaling na, pampaganda pa. Pangarap ng bawat isa sa atin ang mabuhay nang matagal, mapayapa at higit sa lahat ay walang iniindang karamdaman. Isang makabagong paraan ng panggagamot ang natuklasan at nagbigay ng pag-asa sa mundo. Ang stem cell theraphy - isang proseso ng paggamit ng bagong adult cells sa damaged tissues upang magamot ang mga karamdaman. Ang kakayahan ng mga stem cells na magself-renew ay nakalilikha ng tissues na siyang pumapalit sa mga may damage at karamdamang bahagi ng katawan. Kapag nabigyan ang pasyente ng stem cells na may natural na kapasidad na tumubo, maaari itong magamit sa paggagamot ng organs. (Wikipedia). Karaniwang nanggagaling ang mga stem cells na ito sa dugo, placenta,bone marrow, at umbilical cord na kinuha sa pasyente , sa ibang tao o dili kaya’y mula sa mga hayop tulad ng tupa. Base sa pag-aaral ng US National Institute of Health (NHI) nakatutulong ang stem cell theraphy upang maluna-

maimbento ang DeBCC isang cream na napatunayang nakalulunas sa basal cell carcinoma, isang pangkaraniwang kanser sa balat sanhi nang matagal na pagkakabilad sa araw at madalas tumama sa mukha, tenga, anit leeg, balikat at likod. Ito’y gawa rin sa katas ng kasoy at iba pang halamang gamot sa bansa. Nagbigay-daan ito sa pagkamit niya ng gintong medalya at parangal na pinakamahusay na imbensyon ng taon sa International Inventors Forum sa Germany. Taong 2004 nang unang masungkit naman niya ang unang gantimpala sa Archimedes Award sa Russia para sa bagong tuklas na DeBCC. Kaagapay ang Unibersidad ng Pilipinas at Philippine General Hospital sinubukan ang naturang imbesyon sa mga pasyente na may ‘di malutas na sakit sa balat at makalipas ang apat na buwan nang pagpapahid sa napinsalang balat ay bumuti ang kalagayan ng mga pasyente at sila’y gumaling. Mula sa isang simpleng barbero na may pambihirang husay at talento ibinantayog ni Rolando dela Cruz ang galing ng Pilipino sa buong mundo.

ni Arrian Marie O. Bunda Talagang kaybilis na nga ng pagsulong ng teknolohiya, mula sa mga high-tech na kompyuter sunud-sunod na ring nagsulputan ang mga cellphone, ipad, tablet at iba pang gadgets na sadyang nakahuhumaling. Pero…teka muna, high tech na gadgets high din kaya ang dalang panganib sa kalusugan? Sinasabing banta sa kalusugan ang dulot ng radiation ng mga gadgets na ito. Ang radiation diumano ay may kapasidad na lutuin ang ating utak at dahan- dahang nakaaapekto sa mga bahagi ng katawan ng tao. Halimbawa, ang isang taong nakaharap sa kompyuter ay expose sa 3-6 milligauss radiation, maliit na amount lamang ito ngunit kung idadagdag pa ang pagkakahantad sa radiation ng printer, monitor at maging pati linya ng kuryente ay tiyak na higit pang radiation ang nasasagap. Hindi agaran ang epekto ng radiation pero ang patuloy na exposure dito ayon sa iba’t ibang pag-aaral ay maaaring magdulot ng biological changes. Ayon pa sa Medline Plus, mapa-short-term o long-term man ang pagkakahantad sa radiation ay mayroon pa rin itong masamang epekto sa kalusugan ng tao at maaaring magdulot ng kanser, mutation at radiation sickness. Sa kabilang banda may ilang pag-aaral naman na nagsasabing Extermely Low Frequency (ELF) ang electromagnetic radiation na dulot ng mga high-tech gadgets na ito at walang obvious effect sa tao lalo na kung hindi tataas sa 250 milliesievert lamang ang nasagap. Bagama’t pinatotohanan din ng Philippine Nuclear Research Institution (PNRI) na napakababa ng amount ng radiation ng mga techie gadgets na ito, wala namang mawawala kung tayo’y mag-iingat upang mapangalagaan ang ating kalusugan.

Re n

lunas sa mga sakit sa balat matapos mapuna na karamihan sa kanyang kliyente ay may an-an, buni, kulugo, butlig at iba pang sakit sa balat. Gamit ang katas ng kasuy (Annacordium occindentale) nakalikha siya ng pantanggal ng nunal, butlig at kulugo na tinatawag na DeMole at DeWart. Isang cream na ipinapahid sa balat at napatunayang mabisa kahit na malalim na nunal at kulugo ay kayang tanggalin na walang marka at peklat na maiiwan. Umani ng mga parangal mula sa bansang Malaysia, Switzerland at Japan ang imbensyong ito. Lalong nagningning si dela Cruz sa larangan ng Agham matapos niyang

ni

Napatanyag ang pangalan ni Rolando dela Cruz nang mapahanay siya sa mga pinakapipitagang imbentor na Pilipino. Kinilala ang kanyang husay at naparangalan sa iba’t ibang dako ng mundo dahil sa kanyang tuklas na mga lunas para sa iba’t ibang uri ng sakit sa balat. Ang kanyang karanasan bilang isang barbero ang nagtulak sa kanya upang lumikha ng pan-

sa kanilang pangangailangang medikal at pagpapaganda. B a g o pa lamang ang stem cell theraphy sa bansa, nasa lima o anim na taon, kumpara sa paggamit nito sa Amerika at Germany. Noong una ang Makati Medical Center, Lung Center, Kidney and Transplant Institute, Medical City at St. Luke’s Hospital sa Global City pa lamang ang may mga espesyalistang gumagawa ng procedure na ito. Subalit dala ng pagtanyag at dami ng nais na sumubok nito, parang mga kabuteng nagsulputan na ang mga klinikang nagaalok ng stem cell theraphy sa bansa at ang problema, dahil sa ito’y bago ay wala pang batas na

nagreregula dito. Nagpalabas na ng babala sa publiko ang Department of Health kaugnay ng pagkalat ng balita na may mga gumagamit ng embryo, aborted fetuses at mga hayop para sa naturang procedure na maaaring magdala ng panganib sa kalusugan, Sa isang advisory na, pinaalala ni Health Secretary Enrique Ona na ang stem cell theraphy ay hindi pa rin bahagi ng standard of care at ikukonsidera pa rin bilang ‘investigative proce-

dure for compassionate use.’ Kailangang maging mapanuri at maingat ang publiko ukol rito sa pamamagitan ng pagsaalang-alang sa payo ng mga eksperto at hindi basta na lamang makikisunod sa uso. Ang stem cell theraphy ay isang teknolohiya na lumikha ng malaking epekto sa tao, dala nito ang pangakong lunas sa maraming karamdaman at kakayahang pigilan ang pagtanda subalit nangangailangang siguruhin ang kaligtasan at kalidad nito alinsunod na rin sa babala ng DOH.


Okey lang kahit ‘bitter’

Dahil sa Project NOAH, makapaghahanda ka na

ni Myla V. Leonardo

Ang momordica charantia o ampalaya ay kilala sa pagkakaroon ng mapait na lasa sapagkat nagtataglay ito ng momordicin subalit taglay rin nito ang kakayahang magpagaling ng iba’t ibang karamdaman. Ayon sa wikipilipinas.org. ang ampalaya ay inirerekomenda ng Department of Health (DOH) bilang isa sa mga pinakaepektibong halamang-gamot dahil sa kakayahan nitong makapagbigay-lunas sa sakit sa atay, diyabetes at HIV. Isa rin ito sa pinakagamiting halamang-gamot sa Tsina. Samantala, dito sa Pilipinas, kadalasan itong ginagamit na panlunas sa ubo, sakit sa balat, pagkabaog ng mga babae, pamurga at pampababa ng lagnat. Nagtataglay rin ito ng beta carotene, iron, folic acid, phosphorous, vitamin A, vitamin B, vitamin C at potassium kaya naman nakatutulong ito upang maging maayos ang daloy ng dugo sa katawan. Mayroon din itong alkaloids at flavonoids na nakatutulong sa ating pancreas upang makagawa ng insulin para makontrol ang blood sugar level sa mga maysakit na diyabetes. Kaya’t gaano man kapait ang ampalaya, kailangan nating kumain nito sapagkat malaki ang naitutulong nito sa ating kalusugan. ‘Bitter ‘ man masustansya naman.

ni Myla V. Leonardo Maraming pagkakataon nang hinagupit ng bagyo at binayo ng walang humpay na pag-ulan ang bansa. Sino bang makalilimot sa bangungot na iniwan ng mga super typhoon na Reming at Milenyo (2006), Ondoy (2009) at Habagat nitong taon? Nag-iwan ang mga ito ng milyong-milyong pinsala at higit sa lahat, kumitil ng maraming buhay. Ngayon, mapaghahandaan na ng mga Pilipino ang 20 bagyong dumarating sa bansa bawat taon. Ang Project NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards) isang weather forecasting system ng 21st century na ginagamit sa mauunlad na bansa ay nasa Pilipinas na. Inilunsad ang makabagong teknolohiya na ito ng Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ng PAG ASA, PHIVOLCS at DOST- Advanced Science and Technology Institute (ASTI) katuwang ang UP National Institute of Geological Sciences at UP College of Engineering. Ang Project NOAH ay binubuo ng sumusunod na komponents: Pagpapakalat ng Hydrometeorological devices sa bansa (Hydromet). Aabot sa 600 automated rain gauges (ARG) at 400 water level monitoring stations (WLMS) ang ilalagay sa 18 pangunahing river basins (RBs) upang higit na mabantayan ang mga sitwasyon ng mga anyong-tubig na ito na nagdadala ng pagbaha. Disaster Risk Exposure Assessment for Mitigation - Light Detection and Ranging (DREAM-LIDAR) Project. Inaasahang makukumpleto ito sa Disyembre 2013, layuning nitong makalikha ng mga 3D na hazard maps para sa mga malimit na binabahang lugar, pangunahing river system at mga watershed. Pagpapahusay ng Geohazards Mapping sa pamamagitan ng LIDAR. Ang proyektong ito ay inaasahang makukumpleto sa Disyembre 2014, gagamit ito ng LIDAR technology at kompyuter upang matukoy ang mga lugar na maaaring makaranas ng pagguho ng lupa o landslides. Coastal Hazards and Storm Surge Assessment and Mitigation (CHASSAM). Inaasahang matatapos ito sa Diyembre 2014, ito’y gagawa ng mga modelo ng wave surge, wave refraction at coastal circulation na makatutulong upang maunawaan at makapagrekomenda ng mga solusyon para sa coastal erosion. Flood Information Network (FloodNET) Project. Ang flood center na ito ay tinatayang makukumpleto sa Disyembre 2013. Ito ay maghahatid ng eksakto at wastong impormasyon para sa mga flood early warning system. Local Development of Doppler Radar Systems (LaDDeRS). Ang Doppler Radar ay isang instrumentong kayang i-monitor ang lakas ng hangin at dami ng tubig na dala ng isang bagyo. Nagpapadala ito ng signal sa himpapawid at inaanalisa ang signal na bumabalik.

ni Iveta T. Alonzo Ang average male ay may 50% higit na muscles at 50% less body fat kumpara sa mga babae.

Landslide Sensors Development Project. Isang low-cost na sensor-based early monitoring at warning system para sa pagguho ng lupa at pagdaloy ng bunton ng batong durog. Nitong Mayo 2012, sampung sensors na ang nailagay sa San Francisco, Surigao del Norte; Tago, Surigao del Sur; Tublay, Bugias at Bokod sa Benguet; Guihulngan City, Negros Occidental; St. Bernard, Southern Leyte; at Tubungan, Iloilo. Karagdagan pang sensors ang ipakakalat sa higit 50 lugar bago matapos ang 2013.

Higit na mabilis ang pagtibok ng puso ng mga babae kaysa sa mga lalaki. May kaugnayan ang haba ng palasinsingan (ring finger) at puso ng mga lalaki, mas mahaba ang palasingsingan mas mababa ang posibilidad na makaranas ng atake sa puso.

Weather Hazard Information Project (WHIP). Kaugnay ng proyektong ito ang pagbuo ng mga platforms tulad ng telebisyon (DOSTv) at web portal (http:// noah.dost.gov.ph) na magpapakita ng real-time satellite, Doppler radar, ARG at WLMS data upang mapalakas ang mga lokal na pamahalaan at komunidad na maghanda laban sa malulubhang panganib na dulot ng natural na kalamidad.

Gusto ng mga lamok ang amoy ng estrogen kaya’t higit na madalas makagat ng lamok ang mga babae. Nasa 283.50 gramo ang average na timbang ng puso ng mga lalaki samantalang nasa 226.80 naman sa mga babae. Kadalasang mas matalas ang memorya ng mga babae pagdating sa mga “emotional events” tulad ng anibersaryo. 10% na higit na malaki ang utak ng mga lalaki kaysa sa mga babae. Sa buong mundo, tinatayang nasa 68.76 taon ang life expectancy ng mga bababe habang 64.52 taon lamang sa mga lalaki. Ang gene ng ama ang nagtatakda ng magiging kasarian ng sanggol. Tatllong beses na higit na mas madalas magsalita ang mga babae kumpara sa mga lalaki; nasa 20,000 salita ang binibigkas ng mga babae bawat araw habang nasa 7,000 salita lamang ang sa mga lalaki.

-hango sa google.com

Ang Project NOAH, ay isang multi-billion peso weather forecasting and warning system na malaki ang maitutulong upang mapaghandaan natin ang mga kalamidad na darating. Kumpara sa dami ng buhay na kayang sagipin, hindi na dapat panghinayangan ang perang gugugulin.

10 Yaman sa bakuran ni Inang ni Renalyn V. Malong Kung igagala mo lamang ang iyong paningin sa loob ng inyong bakuran matatagpuan mo ang mga natatagong yaman ni Inang. Halin’t alamin ang mga ito at ang dulot nilang benipisyo sa kalusugan. Akapulko (Cassia Alata) kilala rin sa tawag na ‘bayabasAmpalaya (Momordica bayabasan’ at ‘ring worm Charantia) isa sa bush’ sa Ingles, ginagamit ito pinakamabisang panlunas upang gamutin ang buni at iba pang sa diyabetes at almoranas. katulad na sakit sa balat sanhi ng fungal infection.

1

8

Tsaang Gubat (Ehretia Mycrophylla Lam) inihahanda bilang tsaa na mahusay na panlunas sa ‘intestinal motility’. Ginagamit din itong pangmumog dahil ang mga dahon nito ay mayaman sa fluoride.

9

Niyug-niyugan (Quisqualis indica L) mabisang pampurga at pamatay sa mga bulateng tulad ng ascaris at trichina.

10

Sambong (Blumea Balsamifera) isang ‘diuretic’ na nakatutulong sa pagbibigay-lunas sa sakit sa bato.

7

2

3

Bawang (Allum Saturium) pampababa ng kolesterol at nakatutulong sa pagkontrol ng pagtaas ng presyon.

Lagundi (Vitex Negundo) tanyag na gamot sa ubo at hika.

6

Ulasimang Bato (Peperomia Pellucida) mas kilala sa tawag ng pansit-pansitan mainam na pantanggal ng rayuma at pananakit/pamamaga ng kasukasuan.

4

Bayabas (Psidium Guajava) mabisang panlanggas ng sugat. Maaari rin itong gamiting pangmumog (mouthwash) upang maiwasan ang pagkasira ng ngipin at impeksyon sa gilagid.

5

Yerba Buena (Clinapodium Douglasii) kilala sa taguri na ‘peppermint’ gamit ito bilang ‘analgesic’ upang maibsan ang pananakit ng katawan.

Hindi na kailangang mabutas ang bulsa upang malunasan ang karamdaman. Maging mapagmasid at maparaan lamang at tiyak na hindi ka na magagastusan. -mula sa 10 halamang-gamot na iniindorso ng DOH


Isports Lathalain

Futkal, hari ng makabagong larong Pinoy ni Myla V. Leonardo

Editoryal

Mailap na Ginto Napakaraming Olympics na ang nagdaan subalit bigo pa rin ang Pilipinas na mapabilang sa pinakamahuhusay sa buong mundo. Sa apat na nakalipas na Olympics, bigo ang mga atletang Pilipino na makapag-uwi ng medalya, matapos ang huli noong 1996 nang ang boksingerong si Mansueto ‘Onyok’ Velasco ay magwagi ng pilak sa Atlanta. Sa mahigit 20 Olympic Games mula noong 1924 nanalo lamang ang Pilipinas ng siyam na medalya - dalawang pilak at pitong tanso. Tanging noong 1932 sa Los Angeles Olympics nakapag-uwi ng higit sa isang medalya ang Pilipinas - tatlong tanso mula sa athletics, boxing at swimming. Makalipas ang 90 taon, ang LA Olympic Games pa rin ang pinakamatagumpay na rekord ng Pilipinas. Sa halip na umangat makalipas ang siyam na dekada ay naging mailap ang tagumpay sa bansa. Hindi matatawaran ang dedikasyon at determinasyon ng mga atletang Pinoy sa isports. Hindi rin sila nagkukulang sa talento. Hindi lang sapat ang suporta ng gobyerno sa mga atletang ito. Mula sa P600 milyong proposal ng 53 National Sports Association (NSA) ng bansa naglaan lamang ng P400 milyon ang pamahalaan para sa isports. Bagama’t humigit sa doble ang laki nito sa 2010 badyet na P154 milyon ay kulang pa rin ito. Ayon kay sports analyst Ronnie Nathanielsz, kinakailangan ng ‘holistic approach’ sa paghahanda ng mga atleta upang mas maging competitive sila sa mundo. Nangangahulugan ito nang pagtugon sa mga pangangailangan sa pasilidad at kagamitan sa pagsasanay, sapat na nutrisyon at kahandaang sikolohikal. Ang kakulangan ng suporta ng gobyeno sa isports ay isa sa mga dahilan kung kaya napag-iiwanan na ang Pilipinas ng mga karatig-bansa nito sa Asya. Malayo ang tinatanggap na alokasyon ng atletang Pinoy kumpara sa 7.4 bilyon na inilaan ng gobyerno ng Singapore noong 2011 para sa mga atleta nito. Ang isports ay hindi lamang ukol sa pag-uuwi ng medalya kundi isang mahalagang bahagi rin sa paghubog ng katauhan ng mga mamamayan. Marapat lamang na bigyang prayoridad at pagpapahalaga ng pamahalaan ito. Dugo’t pawis ay handang iaalay ng mga atletang Pinoy makapagbigay lamang ng karangalan sa bansa, hindi man mahigitan ang alab sa puso ng mga bayaning ito ay mapantayan man lang sana ng gobyerno.

Bago pa man dumating ang Azkals at pumukaw ng atensyon sa larangan ng isports na football ay may mahabang kasaysayan na ang ating bansa sa paglalaro nito noong 1920. Ngayon, Futkal ang bagong larong Pinoy, nagmula ito sa dalawang salita, ang football + kalye. Isang larong pangalan din ng isang bagong organisasyong itinatag noong 2006 ni Peter Amores. Na minsang nahumaling sa larong basketbol at ngayon ay sumisipa na sa kalye ng bola ng football. Taong 2008 nang dalhin ang bola ng bagong larong kinahuhumalingan na rin ng mga Pinoy sa mga batang kalye ng Tondo. Silang malayo sa pagtatamasa ng maginhawang buhay at idinaraos ang pang-araw-araw na pangangailangan sa pagpadyak ng mga pedicab sa maingay

na kalye ng Tondo. Ang futkal ang naging susi upang magkaroon ng landas ang buhay ng mga batang ito. Sa kanilang paglalaro ng futkal ay nabigyan sila ng pagkakataong makapag-aral sa pamamagitan ng scholarships at sipain ang bola sa mabatong landas patungo sa kanilang pangarap. Sa tulong ng direktor na si Jim Libiran, ay naipakilala ang mga futkaleros ng Tondo sa kanyang independent film na “Happyland.” Isang hindi inaasahang pagkakataon na mapanood ang mga batang futkaleros ng Tondo ng isang sikat na manlalaro ng football na si David Beckham ng koponang LA Galaxy. Isang pangarap ang binigyang-katuparan ng futkal para sa mga batang mahihirap na nagnanais makapaglaro ng football. “Mahirap ang buhay sa Tondo, mahirap din ang larong

Pilipinas, nanggulat World Series League

football, kinaya naming ‘yan dahil sanay kami sa hirap.” Ang dating mga batang naglalaro sa kalye ay kinakatawan na ang Pilipinas sa mga prestiyosong patimpalak. Ilan sa mga futkaleros tulad ni Rocel Maria Mendano ay napiling maging miyembro ng National Team under-12 Division na maglalaro at sisipa ng tagumpay sa Vietnam. Ang itinanghal na pinakamahusay na football free styler sa Pilipinas na si Dennis Balbin ay isa sa mga futkaleros na dating palaboy sa maingay at magulong kalye ng Tondo. Hindi lang sa Tondo naghahari ang futkal unti-unti naring nagkakaroon ng futkaleros sa Cagayan de Oro at Aklan, at hindi malayong maging sa buong bansa. Futkal, ang hari ng makabagong larong Pinoy.

sa

Softball

ni Danica Mae DL. Serrano Inararo ng labintatlong babaeng mandirigma ng Pilipinas ang koponan ng Estados Unidos matapos tagpasin ng mga ito ang istilo ng kalaban sa huling puntos na 14-2 sa hambalusang liga ng Softball World Series. Nagpamalas ng malakas na pwersa ang pinagsama-samang estudyanteng nagmula sa iba’t ibang unibersidad ng Pilipinas na may edad na 16 hanggang 18 na nagpunyagi noong Agosto sa Vandeberg Park sa Kalamazoo, Michigan. Kabilang sa nagliliyab na salpukang ito ay ang mga mandirigmang sina Rizza Bernardino, Michelle Lentija,Glesyl Opjer, Baby Jane Raro, Queeny Sabobo, Mary Jane Fabellar, Krisna, Paguican at Andrea Mae Gonzales

ANGAT ANG PINOY: Nag-uwi ng ginto ang Pilipinas sa ginaganap na Softball World Series League sa Michigan. Larawan mula sa Google

mga nagmula sa Adamson University. Matikas ding napabilang ang mga pambato ng University of Santo Tomas na sina Charmaine Joy Oria, Kristine Joy Lacupa at Maria Luna Amparo, kasama rin sina Gene Joy Parilla ng University of the East at

Mary Joy Floranza ng Polytechnic University of the Philippines. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naangkin ng Pilipinas ang kampeonato matapos ang tatlong beses na pakikipaghablutan sa finals noong 2001, 2010 at 2011.

Smart Gilas Pilipinas, binali ang pakpak ng Tanghal at Hsu, nagningning sa USA sa Jones Cup Mr. and Ms. Intramurals ‘12 ni Rezzie S. Nicolas

ni Rezzie S. Nicolas

WALANG MALAKING NAKAPUPUWING: Bagamat dehado sa taas binuslo ng Gilas ang kampeonato sa 34th Jones Cup. Larawan mula sa Google

Buong lakas na iwinagwag ng Team Pilipinas-Smart Gilas ang mga higanteng mandirigma ng Amerika, 76-75, upang maibagahe pauwi ang kampeonato sa 34th William Jones Cup Asian Basketball League. Nagmistulang “David at Goliat” ang pagtutuos ng dalawang koponan kung saan nagpamalas ng matitinik at mapanlinlang na liksi ang mga maliliit na Gilas sa paglilideratura ni LA Tenorio,20 puntos, na hindi nagpasindak sa pagharang ng mga Amerikanong karibal noong Agosto 26, sa Taipei, Taiwan. Pahirapan at matinding hablutan ang pumailanlang sa kasagsagan ng laban, patunay na napasakamay ng mga Amerikano ang unang tatlong kwarter sa banggaan, 13-12, 34-23, 59-51, kaya’t ipinasagad na ng Smart Gilas Coach na si Chot Reyes ang husay ng Gilas sa pagkamada ng sunud-sunod na 3-point shots. Sa kabila ng pagiging pinakamaliit ni Tenorio, 5’8, nagawa pa rin niyang pataubin ang mga higante dahilan upang maigawad sa kanya ang Most Valuable Player ng Tournament.

ANGAT SA GANDA: Namukod-tangi sina Julius Tanghal at Hungchen Hsu sa Intramurals 2012. Larawan ambag ni Mike Santos

Tinalbugan ng mga pamatay na kindat ni Julius Tanghal (III-Sodium) at naiibang “aura” ni Hungchen Hsu (IV-Aguinaldo) ang pitong nagagawapuhan at nagagandahang mga kandidata mula sa iba’t ibang koponan upang patunayan sa lahat na sila ang karapat-dapat sa titulong Mr. and Ms. Intrams noong Setyembre 19 sa FCLNHS covered court. Tiningala sa entablado ang angking kakisigan at kariktan ng dalawa suot ang motor rider suit ni Tanghal at sexy basketball jersey ni Hsu dahilan upang makamit nila ang suporta ng kabuuang manonood sa nasabing patimpalak. Dumaan sa matinding pagkilatis ng mga huradong sina Bb. Maritess P. San Agustin, Gng. Loida D. Hilario at Dr. Antifas R. Reyes ang mga kalahok upang mapili ang karapat-dapat sa titulo. “Maraming salamat dahil kahit ilang beses na akong lumaban hindi pa rin kayo nagsasawang suportahan ako,” masayang sambit ni Tanghal. “Hindi ko inaasahan na akong ang magwawagi at nakakagaan ng loob dahil nagustuhan nila kung anong me’ron ako,” ayon naman kay Hsu.


Ti n a g p a s a n g m g a k a l a b a n s a d a r a a n a n

Mirabuenos, pumukol ng ginto sa Provincial Meet ni Danica Mae DL. Serrano

Makadurog mundo ang ginawang pagbato ni Raymond Mirabuenos ng III-Krypton matapos niyang palasapin ang 16 katunggali mula sa iba’t ibang paaralan sa Bulacan nang humahagibis na pagtira dahilan upang makapwesto sa lahat ng throwing events ng School Provincial Athletic Meet. Matikas at maliksing binakuran ng Junior athlete ang ginto, pilak at tansong medalya sa Discuss Throw, Javelin Throw at Shot Put noong Nobyembre 19-23 sa Bulacan Sports Complex, Malolos City. Matapos pumailanlang bilang kampeon sa Discuss Throw ng Eddis II Athletic Meet noong Oktubre, muling ipinatikim ni Mirabuenos ang kanyang bangis at kamandag sa kanyang mahihigpit na karibal sa Provincial Meet. Pinatunayan ni Mirabuenos ang bagsik niya sa Shot Put na pumoste ng 8.14m at tinangay ang ikatlong pwesto sa labanang ito. Umaapoy na determinasyon din ang nagbukas ng siwang upang maisukbit niya ang ikalawang pwesto sa Javelin Throw matapos pumukol ng 33.95 metrong layo. Matikas ding ginapi ni Mirabuenos ang mga katunggali sa Discuss Throw at matagumpay na nadepensahan ang kanyang trono na nakapagtala ng nagliliyab na layo na 26.0 metro. “Disiplina at t’yaga ang naging puhunan ko para mabigyan ng karangalan ang ating paaralan, maraming salamat din sa pagkakataon at suportang binigay sa akin ng ating punong-guro at aking coach na si Sir Regalado Hernandez,” pahayag ni Mirabuenos. Muling sasabak sa pukpukang pagsasanay si Mirabuenos bilang paghahanda sa darating na pakikipagsalpukan sa CLRAA. LAKAS AT DETERMINASYON: Buong gilas na inuwi ni Raymond Mirabuenos ang tagumpay sa lahat ng throwing events sa Provincial Meet. Larawan amabag ni Mike Santos

TOMO 11 • BLG. 1 • OKTUBRE - DISYEMBRE 2012

Matapos ang 99 na taon

Pilipinas, Blue Titans, dinomina K a m p e o n a t o maghahari ang Intramurals muling sa 2013 SEA ipinatikim Games - PSC

ni Danica Mae DL. Serrano

Dinastiya. Isinako ng nagliliyab na determinasyon ng Senior A Blue Titans ang mga ginto sa halos lahat ng sports events upang ipakitang hindi pa ipinanganganak ang makapagpapatumba sa kanilang koponan bilang Over-All Champion sa matinding sagupaan sa 2012 School Intramurals. Hinakot ng mga mandirigmang Titans ang matataas na puntos sa bawat kategorya upang isa-isa nilang mapatalsik sa kanilang daraanan ang mga koponan ng Red Warriors, Golden Dragon, Blue Eagles, Pink Spartans, Green Fighters, Green Phoenix at Yellow Rockets sa pag-aagawan sa tugatog ng trono noong Setyembre 1921 sa Felizardo C. Lipana National High School, Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan. Hindi nagawang tibagin ng mga kalaban ang malabatong pagtutulungan ng Blue Titans matapos maibulsa nina Rodel Rieza, ang unang pwesto sa Badminton Men’s Singles, Jocelle N. Sabuito, 1st place sa Chess, Marvin de Belen at Fernan Gan, kapwa nagkampeon sa poster making at Ralph Michael Baturi na nagkamit ng unang

gantimpala sa Table Tennis Men’s Division. Malakas na kumpyansa rin ang ginawang pakikipagtunggali nina Neil Patrick Andes (IV-Lopez Jaena) at Melissa Aurelio (IV-Del Pilar) na nakipaghablutan sa titulong Mr. and Ms. Intrams kung saan kapwa nila nakamit ang ikalawang pwesto. “Experience at maturity ng mga players ko sa Senior A Blue Titans ang naging daan para mapatalsik namin ang Red Warriors at mapanatili ang titulong Over-All Champion,”ang buong pagmamalaking sinabi ni G. Regalado P. Hernandez, Team Coach ng Blue Titans matapos gawaran ng sertipiko at tropeo sa pagtatapos ng matagumpay na Intramurals.

KAMANDAG NG IMORTAL: Sinelyuahan ng Blue Titans ang tatlong taong paghahari sa Intramurals. Larawan ambag ni Mike Santos

ng Azkals sa bansa

BIDA ANG PINOY: Hindi binigo ng Azkals ang sambayanang Pilipino na masungkit ang kampeonato. larawan mula sa Google

ni Danica Mae DL. Serrano Muling nakamit ng Pilipinas ang kampeonato sa international football tournament makalipas ang 99 na taong pangungulila dito matapos sumipa sa finals ng 3-1 ang Philippine Azkals kontra sa Chinese Taipei ng 2012 Philippine Peace Cup sa Rizal Memorial Football Stadium noong Setyembre 29. Isa-isang pinatalsik ng Azkals sa kanilang daan ng pagtatagumpay ang mga bansang Guam, 1-0, Macau, 5-0 at ang katatapos lang na finals laban sa Chinese Taipei dahilan upang maibuslo nila ang 9 na kabuuang puntos ng kanilang koponan. Matagumpay ding napasakamay ng Team Philippines ang parangal na Fair Play Award sa pagwawakas ng laban. Ang paghahari ng Philippine Azkals ang nagbalik sa bansa sa trono, itinala nila ang kauna-unahang pagpapatumba sa pitong beses na pakikipagsagupaan sa Chinese Taipei. Sa digmaaang ito, inihatid ng nagniningning na koponan ng Azkals ang Pilipinas sa ikalawang pagkakataon na maramdaman muli ang momentum sa tugatog ng pagpupunyaging nangyari noong 1913 kung saan hinirang ang bansa bilang kampeon sa Far Eastern Games ang dating tawag noon sa Asian Games.

ni Rezzie S. Nicolas “With a little bit of luck, the country will not only make it to the top three but will land on top.” Ito ang matapang na prediksyon ni Philippine Sports Commission Chairman Ricardo Garcia matapos niyang ianunsyong sasabak na sa Enero sa matinding pagsasanay ang mga atletang Pilipino na makikipagsagupaan sa 27th South East Asian Games sa Mynmar sa darating na Disyembre. Sasailalim ang 186 mandirigmang Pinoy na nasa listahan ng PSC bilang ‘priority athletes’ kung saan 148 dito ay umani na ng medalya noong 26th SEA Games sa Jakarta sa marubrob na ensayo at paghahanda sa loob at labas ng bansa upang rumesbak at ibangon ang nalugmok na standing ng bansa matapos ang bangungot na ikaanim na pwesto mula sa 11-nation meet noong 2011 SEA Games. Ayon kay Garcia, inaasahang kakamal ng ginto ang bansa sa athletics at combat sports tulad ng boksing, taekwondo at wushu. Malaki rin ang kumpyansa ni Garcia sa mga beteranong miyembro ng koponan ng bilyar kabilang na ang mga hari ng sargo na sina Efren ‘Bata’ Reyes, Francisco Bustamante at ang mga world champions na sina Dennis Orcollo at Ronnie Alcano. Kaabang-abang din ang koponan ng basketbol ng bansa na nagmarka na ng dinastiya matapos ang 16 na pagkakataong pagbubuslo ng ginto mula noong 1977.

Lipanian Athletes, bumandera sa Eddis Meet ni Rezzie S. Nicolas Matikas na ipinamalas ng Lipanian athletes ang kanilang malabakal na determinasyon upang maibulsa ang iba’t ibang pwesto matapos makipagtuos sa 19 na paaralan sa ginanap na Education District II Athletic Meet. Nakipagsabayan sa pag-arangkada ang mga mandirigmang Lipanian sa iba’t ibang larangan dahilan upang kanilang

masapawan ang naglalakihang kalaban sa Bulacan Sports Complex, Malolos City noong Oktubre 22-23. Malakas na naibuslo ni Raymond Mirabuenos (III-Krypton) ang kampeonato sa discus throw samantalang ang mapanlinlang na pag-atake naman ni Jocelle Sabuito (IV-Rizal) ang naghatid sa kanya sa ikalawang pwesto sa chess. Hindi rin nagpahuli ang mga pambato sa volleyball matapos pumalo sa ikalawang pwesto ang

koponan ng Volleyball girls at sa ikatlong pwesto ang volleyball boys. Nagpasiklab din sina Mariella Hernandez (III-Sodium),ikalawang pwesto sa table tennis girls; Ralph Michael Baturi (IV-Ponce) at Jan Angelo Lisboa (II-Quarts), kapwa ikalawang pwesto sa table tennis boys at Ian Lovina (III_Zinc) na matagumpay na nadakma ang ikatlong pwesto sa pareho ding laro. Hindi umuwing luhaan ang mga nakipagsapalaran sa bad-

minton girl’s matapos makamit nina Wilsen Go (III-Krypton) at Roselyn Fuentes (7-Sampaguita) ang ikalawang pwesto kasama si Jelly Gomez na nahablot ang ikatlong pwesto. Mabilis namang naitakbo ni Fernando Dacanay Jr. (II-Quartz) ang ikatlong pwesto sa 400m at 100m sprint boys event. Sumailalim sa matinding pagsasanay nina Bb. Melanie Hernandez, Gng. Rocelle Santiago, G.

Arnel Alcaraz, Gng. Anthonette Bernabe, Gng. Leah Ramos, Gng. Jessamine Bautista , G. John Justin Bautista, Alicia Wenceslao at G. Regalado Hernandez, MAPEH coordinator ang mga naturang manlalaro. “Almost one month kami nagkaroon ng rigid training para paghandaan ang Eddis Meet, salamat at nagbunga naman ang pagsusumikap ng mga manlalaro,” ayon kay G. Hernandez.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.