Ang Hardin 2013

Page 1

KAMPUS FCLNHS, bumida sa Sci-Fair SILIP

Dr. Alip, itinalagang bagong ama...

Pahina 2

Pahina 2

Editoryal

Tugon

Salamat sa Iyo

Pahina 3

Pahina 10

Laro ni Juan, Ating balikan... Pahina 15

Hamon ng makabagong panahon, patuloy na tinutugunan ng DepEd Ni Rinalitte A. Ang

AKSYON AT SOLUSYON: Agad nagsagawa ng seminar ukol sa bullying si G. Michael Santos.

Natatanging Ulat

Anti-Bullying Act, pirmado na ni PNOY FCLNHS GC, todo aksyon agad Ni Christian R. Santiago

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na mahigpit nitong ipatutupad ang Republic Act 10627 o Anti-Bullying Act of 2013 matapos itong ganap na maisabatas nang lagdaan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III noong Setyembre 12. Kasunod nito ay inilabas na rin ng ahensya ang DepEd Memo no. 180 s.2013 na nag-aatas sa lahat ng paaralang elementarya at sekondarya na magkaroon ng mga polisiya upang maiwasan at matugunan ang mga kaso ng pambubully. Itinatakda rin nito ang pagbabawal ng mga paaralan sa pambubully, paghihiganti laban sa sinumang nagsumbong ng kaso ng pambubully at pagbabalangkas ng mga karampatang parusa laban sa mga nambubully. Kasabay nito agad namang ikinasa ng Guidance Center (GC) ng FCLNHS ang ‘Tigil Bully’ , isang maigting na kampanya na naglalayong mapangalagaan ang mga mag-aaral laban sa anumang uri ng pambubully. Nagsagawa rin ang GC ng isang seminar /lecture na pinangunahan ni G. Michael Santos, guidance counselor, layon ng seminar na ito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral at maging ang mga guro kung anu-ano ang mga salik upang matawag na pambubully ang ginawa ng isang mag-aaral. Prayoridad din ng GC ang pagtutok sa mga kaso ng severe bullying kung saan isa sa mga nagiging problema ay ang pagtatala ng kaso ng mga nabubully dahil ang iba ay ayaw lumantad bunsod na rin ng matinding takot. “Kung magtutulong-tulong tayo sa kampanyang ito, ‘di magtatagal ay magiging bully free ang ating paaralan,” pahayag Santos.

Kauna-unahan sa Bulacan

Bunsod ng layunin ng Department of Education (DepEd) na maiangat ang kalidad ng edukasyon at makatugon sa hamon ng makabagong panahon, isa ang Felizardo C. Lipana National High School sa mga paaralan sa buong kapuluan na napagkalooban ng E-Classroom Package. Tumangggap ang paaralan ng mga kompyuter na tinatayang aabot sa P.5 milyon sa ilalim ng DepEd Computerization Program (DCP) noong Agosto 6. Bago ang pagkakaloob ng naturang E-Classroom Package ay dumaan sa validation process ng

ICT-Technical Commitee ng rehiyon ang mga target na paaralan upang masiguro na ang mga ito ay handa at nakasunod sa mga nakatala sa School Checklist Form ng DCP. Sumailalim din sina Bb.Ruth Cervantes,Information and Computer Technology (ICT) Coordinator, G. Michael Santos, Gng. Regina C. Verde at Gng. Rossini N. Magsakay, mga guro ng ICT sa oryentasyon kaugnay ng mga tinanggap na kompyuter na pinangunahan ni G. Jian Glynis Pascual ng Science and Computer Technology (SCICOMTECH). Binubuo ang nasabing

E-Classroom Package ng 8 host PC, 42 desktop, 42 LED monitor, 42 keyboard at mouse, 1 wireless broadband router, 1 switch at 1 printer. Tutugunan ng DCP ang computer backlogs sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga hardware, software at mga pagsasanay sa simple trouble shooting ng kompyuter. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 88% na ng paaralang sekondarya at 51% naman ng paaralang elementary ang nagbenipisyo na mula sa DCP.

Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino Mataas na Paaralang Nasyunal ng Felizardo C. Lipana

TOMO 12

. BLG 1

OKTUBRE-DISYEMBRE 2013

FCLNHS, may Mandarin Class na Ni Christian R. Santiago

Sa buong dibisyon ng Bulacan tanging ang Mataas na Paaralan ng Felizardo C. Lipana ang nabigyan ng pribilehiyo na magkaroon ng Mandarin Class sa ilalim ng Special Program in Foreign Language (SPFL). Kaugnay ng adhikain ng programang K-12 ng administrasyong Aquino na maihanda ang mga magaaral na Pilipino upang maging globally competitive ay idinagdag sa kurikulum ng mga piling paaralang sekondarya ang Special Program in Foreign Language (SPFL). Nauna nang itinuro sa mga piling paaralan sa buong bansa ang Spanish, Japanese at French noong taong pampaaralan 2009-2010, nang sumunod na taon ay idinagdag sa pagtuturo ang German at noong 2011-2012 ay isinama na ang Arabic at Mandarin. Bilang paghahanda rito, sumailalim sa Special Language Program for Teachers na ginanap sa Confucius Institute Angeles University Foundation sa Pampanga sina Bb. Ruth Cervantes at Bb. Virginita S. Ibaňez noong Mayo 12-Abril 12. Sa naturang seminar ay binigyan ang mga guro ng mga kagamitang pampagtuturo tulad ng flashcards, tsart at 40 librong magagamit ng mga mag-aaral. Sa pagbubukas ng taong pampaaralan 20132014 ay ganap nang sinimulan ng paaralan ang pagtuturo ng Mandarin sa mga pilot sections (grade 7-Sampaguita at 8-Diamond). Sasailalim ang mga naturang mag-aaral sa SPFL sa loob ng dalawang taon. Itinuturo ang Mandarin bilang kapalit ng CPTLE apat na oras kada linggo, kung saan ang unang taon ay nakapokus sa Basic Mandarin at ang susunod na taon ay sa Intermediate Mandarin. Sa ilalim ng SPFL kinakailangang makakuha ang mga mag-aaral ng final grade na hindi bababa sa 85% (proficient) sa Mandarin Class at markang hindi bababa sa 80% (approaching proficiency) sa iba pang mga subject

ANGAT SA IBA: Nabigyan ng pambihirang pagkakataon ang mga piling mag-aaral ng FCLNHS na matuto ng Mandarin sa ilalim ng SPFL Program ng DepEd.

upang makapagpatuloy sa programa. “Maganda ang SPFL ng DepEd, ngayon sa patuloy na pagsulong ng ekonomiya ng China, ang Mandarin ay ginagamit na sa buong mundo kaya isang malaking bentahe na matuto nito ang mga mag-aaral,” pahayag ni Ibaňez, guro ng Mandarin.

2 Lipanians, wagi sa National Water Rocket Competition Ni Christian R. Santiago

Naiuwi ng FCLNHS ang ikalimang pwesto sa prestihiyosong National Water Rocket Launching Competition na ginanap sa Gawad Kalinga, Enchanted Farm sa Angat Bulacan noong Oktubre 8-10. Nakipagsabayan sina Angela U. Fariñas at James V. Soriano sa mga mag-aaral mula sa walong pinakamahuhusay na paaralan sa lalawigan gayundin sa mga mag-aaral mula sa Philippine Science High Schools sa Luzon at Visayas. Ang naturang kompetisyon ay kaugnay ng taunang pagdiriwang ng World Space Week (WSW), ang pinakamalaking space event sa buong mundo na pinangungunahan naman sa Pilipinas ng Science Education Institute (SEI). Layunin ng kompetisyong ito na itaas ang interes ng mga kabataan ukol sa space science sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga fun-learning experience sa pag-aaral ng agham at teknolohiya. “Dahil sa pagpasok ng ating paaralan sa top 5 ay muling mabibigyan ang ating paaralan ng pagkakataon na makalahok sa National Water Competition sa susunod na taon,” pahayag ni G. Marlon S. Caluag, gurong tagasanay nina Fariñas at Soriano.

SA GALING NAKILALA: Matagumpay na naiuwi ng FCLNHS ang ikalimang pwesto sa National Water Rocket Competion

Pinahabang PE Class isinulong ng DOH

67 % Lipanians aprub sa panukala Ni Iveta T. Alonzo Lumalabas na pito sa bawat sampung mag-aaral ng Felizardo C. Lipana National High School ang pabor sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH) na mas pahabain ang oras ng klase sa Physical Education (PE). Base sa isinagawang pagsasaliksik ng patnugutan ng Ang Hardin, umabot sa mahigit 402 mag-aaral mula sa 600 respondents ang naniniwala na makatutulong ang dagdag na 30 minuto sa PE Class upang sila’y maging aktibo at mapanatili ang magandang kalusugan. Ayon kay DOH Assisstant Secretary Dr. Eric Tayag, hindi problema ang kakulangan sa espasyo ng mga paaralan upang maisakatuparan ang inirekomendang dagdag 150 minuto na ehersisyo kada linggo sa physical activity ng mga bata sapagkat maaari naman itong gawin sa loob ng silid-aralan. Idinagdag pa niya na malaking tulong ito upang mabawasan ang

lumalaking bilang ng mga batang nagiging sakitin dahil sa kakulangan ng ehersisyo lalo na at karamihan ay nalululong sa mga computer games at matagal na panonood sa telebisyon. Bagama’t maganda ang hangarin ng programang ito, masusi munang pag-aaralan ng Department of Education (DepEd) bago ito ganap na maimplementa sa bansa.


2

Balita

Oktubre - Disyembre 2013

KAMPUS SILIP

FCLNHS Math Wizards, namayagpag sa Math Com Ni Christian R. Santiago

Muling nagpamalas ng husay ang Math Wizards ng Felizardo C. Lipana National High School makaraang humakot ng karangalan sa ginanap na Eddis at Division Level ng Math Competition. Nakamit nina Kenneth Gravamen, 7-Sampaguita, ang unang pwesto, Bryan dela Torre, 8-Diamond, ikalawang pwesto, Jeremy Seda, IIIGold, ikalawang pwesto, at Charlene Hernandez, IV-Rizal, ikatlong pwesto, dahilan upang masungkit ng FCLNHS ang ikalawang pwesto laban sa 23 paaralang naglaban sa Eddis II na ginanap sa Masagana High School noong Setyembre 9. Samantala, sa Division Level na ginanap noong Setyembre 17 sa San Francisco, Xavier High School ay naiuwi nina Gravamen ang ikalawang pwesto, Dela Torre, 7.5 pwesto at Seda, 5.5 pwesto. Sumailalim ang mga nagsipagwaging mag-aaral sa pagsasanay nina Gng. Vilma Figueroa, G. William P. Cruz, Gng. Imelda P. Santoyo at Gng. Josephine M. Valencia.

Lipanians, wagi sa Technolympics ‘13 Ni Rinalitte A. Ang

Nag-uwi ng parangal ang mag-aaral ng FCLNHS sa Eddis II Technolympics na ginanap noong Setyembre 12 sa Jaime J. Vistan High School. Nagsipagwagi sa naturang kompetisyon sina Eduardo Rivera at modelo nitong si Berna Mae B. Labajo, ikalawang pwesto sa Hair Style with Facial Make-Up, Monique Soledad, ikatlong pwesto, Nail Art with Hand Massage at Renna dela Cruz, ikaanim na pwesto, children’s wear construction. Ang mga nagwaging mag-aaral ay sinanay ng kanilang mga guro sa TLE na sina Gng. Jocelyn V. Sarmiento, Bb. Elline Louise C. Garcia at Bb. Honeyzel F. Calderon

BUONG KATAPATAN: Tinanggap ni Dr. Romeo M. Alip ang hamon ng pagiging Tagapamanihala ng mga paaralan sa Bulacan.

Alip, itinalagang bagong ama ng mga paaralan sa Bulacan Ni Tim Claude A. Pineda Mainit na tinangggap ng Dibisyon ng Bulacan ang bagong hirang na Tagapamanihala ng mga Paaralan na si Dr. Romeo M. Alip na mula pa sa Maloma, San Felipe, Zambales. Kanyang hinalinhan si Dr. Edna Santos Zerrudo na naitalaga naman bilang bagong Schools Division Superintentent (SDS) ng lalawigan ng Nueva Ecija. Nagdaos ng isang programa ng pagtanggap ang DepEd Bulacan noong Enero 15 kung saan nanumpa sa tungkulin si Dr. Alip kay Dr. Isabelita M. Borres, Regional Director IV ng DepEd Region III.

Sa nasabing programa ay pormal ding isinalin ni Dr. Zerrudo ang kapangyarihan at responsibilidad ng pamamahala at pamumuno sa mga paaralan sa lalawigan kay Dr. Alip. Ipinadama rin ng pamunuan ng DepEd Bulacan ang kanilang kagalakan sa bagong pamunuan makaraang makatanggap ng maiinit na pagbati matapos ang kanyang panunumpa, tanda na suportado siya sa kanyang pamumuno sa buong lalawigan. Nagtapos si Dr. Alip ng Bachelor of Elementary Education sa Magsaysay Memorial College kung saan

pinarangalan siya bilang outstanding graduate, Master of Arts in Education sa Columban College at Doctor of Philosophy sa Angeles University Foundation. Bago naitalagang SDS sa Bulacan ay naging guro siya sa San Felipe, Zambales (1987-89), Pangulong- Guro sa nasabing paaralan rin (1994-98), Education Supervisor II (1998-99) sa DECSRO III Pampanga, ASDS ng DepEd Bataan (1999-2004) OIC-SDS ng Dibisyon ng Malolos (2004-2006), SDS ng Dibisyon ng Malolos (2006-2007) at SDS ng Dibisyon ng Bataan (2007-2012).

98 paaralan sa buong Bulacan, tinanggap ng FCLNHS Ni Christian R. Santiago

FCLNHS, bumida sa Sci-Fair Ni Tim Claude A. Pineda

Nagwagi ang mga kalahok ng FCLNHS sa ginanap na 2013 Division Science and Tecnology Fair noong Setyembre 5-6. Nakamit nina Kimberly Sushmitra G. Samiappan, IV-Rizal, Bryan Cariño, at Angela Fariñas, kapwa III-Gold ang 2nd runner-up sa Team Category - Physical Science sa kanilang proyektong ‘The Feasibility of Bacteria (Geobacter Azoarcus) as an Alternative and Renewable Source of Energy’ sa ilalim ng pamamatnubay ng kanilang gurong tagasanay na si G. Marlon S. Caluag. Samantala nag-uwi rin ng karangalan si Billy Soriano ng IV-Rizal matapos niyang masungkit ang ikasampung pwesto sa Essay Writing, sumailaim siya sa pagsasanay ni Gng. Anya Regalado.

DSWD: Digital gadgets masama sa kalusugan 43% Lipanians aminadong lulong sa digital games Ni Iveta T. Alonzo Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa masamang epekto sa kalusugan ng isang bata nang sobrang paglalaro gamit ang mga digital gadgets tulad ng smartphone, tablet at iPad. Bunsod ito ng isang pagaaral sa Britanya kung saan isang apat na taong gulang ang naitalang pinakabatang labis ang pagkalulong sa digital games. Kinakitaan ang naturang bata ng withdrawal symptoms na tulad ng dinaranas ng isang adik sa alcohol at droga dahilan upang isailalim siya sa isang detox program. Aabot sa 16,000 pound o halos P1 milyong piso ang gugulin para sa isang digital detox program. Samantala, lumabas naman sa sarbey na isinagawa ng Patnugutan ng “Ang Hardin” na 129 sa 300 Lipanian na respondents ang aminadong labis silang nahuhumaling sa paglalaro ng digital games. Umabot sa 43 porsyento ng mag-aaral ang nagsabing maaaring adiksyon na ngang matatawag ang kanilang pagkahumaling sa digital

games kasabay ng pag-aming apektado na nito ang oras ng kanilang pagkain, pagtulog, at maging pag-aaral. Iminungkahi ng DSWD ang paglilimita sa sarili sa oras ng paggamit ng mga digital gadgets habang kaya pang regulahan ang dalas at tagal nang pagggamit nito. Binigyang-diin din ni Sheryl Pacao ng DSWD-Protective Services Bureau ang kahalagahan ng pag-iwas sa paglalaro ng mararahas na online games ‘pagkat may malaking epekto ito sa attityud ng isang bata. Bukod dito, ang labis na pagkalulong di umano sa internet games ay nakaaapekto sa socialization ng isang bata kung saan mas pinipili niya ang maglarong mag-isa sa halip na makihalubilo sa iba na makatutulong sana ng malaki sa kanyang sosyal at personal na pag-unlad. Payo pa ng ahensya, upang maging kapaki-pakinabang ang paggamit ng digital gadgets ay magdownload na lamang ng mga application na makatutulong sa paglinang ng kaisipan gaya ng instructional materials sa pagbasa.

Umabot sa 74 pampublikong paaralang sekondarya at 24 paaralang elementarya ang lumahok sa 2013 Division Science and Technology Fair na ginanap sa FCLNHS noong Setyembre 5-6. Matapos ang dalawang buwang puspusang paghahanda para sa pagpapaganda ng paaralan ay hindi nabigo ang pamunuan ng paaralan sa pangunguna nina G. Edgardo J. Mendoza, punong-guro III, at Gng. Daisy DJ. Miranda, pang-ulong guro III sa Agham matapos umani ng mga positibong feedback. Naging panauhing pandangal sa pambungad na palatuntunan ng naturang patimpalak si Mayor Ambrocio Cruz Jr., kung saan kinilala nya ang kahalagahan ng Agham at Teknolohiya hindi lamang sa edukasyon kundi maging sa pagsulong ng bansa. Nagkaroon ng kompetisyon sa pagsulat ng sanaysay, poster making, quiz bee, investigatory project( individual and group), improvisation, odyssey of the mind, at iba pa na nilahukan hindi lamang ng mga mag-aaral kundi maging ng mga guro. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinagsama sa isang host school ang mga kalahok sa elementarya at sekondarya ng Division Science and Technology Fair.

MAINIT NA PAGTANGGAP: Nagsilbing tahanan ng mga kalahok sa Division Science and Technology Fair ang FCLHNS.

Mendoza, lumahok sa SPFL Seminar Ni Christian R. Santiago

NGITI NG KARANGALAN: Kinatawan ni G. Mendoza ang fCLNHS sa taunang SPFL Seminar, kasama si Dr. Lolita M. Andrada, Director IV, BSE.

Dumalo bilang kinatawan ng FCLNHS si G. Edgardo J. Mendoza, punong-guro III, sa 6th Foreign Language Conference for the Implementers of the Special Program in Foreign Language (SPFL) na ginanap sa Tagaytay International Convention Center, Tagaytay City, noong Agosto 12-14. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng kinatawan ang paaralan sa taunang SPFL Conference bunsod ng pormal na pagbubukas ng

Mandarin Class ng paaralan. Layunin ng naturang pagpupulong na higit pang mapatatag ang ugnayan sa pagitan ng mga paaralang nag-aalok ng pag-aaral ng wikang banyaga at mga ahensyang katuwang ng SPFL gayundin ang muling mapag-aralan ang SPFL guidelines at Curriculum Standards. Nilahukan ang pagtitipong ito ng 185 school heads, 16 SPFL regional coordinators, 10 kinatawan mula sa mga katuwang na ahensya

ng SPFL, limang resource speakers mula sa mga foreign companies at 14 na staff ng Bureau of Secondary Education. Nailunsad ang nasabing seminar sa pakikipagtulungan ng Department of Education sa Embahada ng Espanya, Hapon, France, Germany at Tsina gayundin sa tulong ng mga katuwang nitong institusyong pang-edukasyon; Japan Foundation Manila, Alliance Francaise de Manille and Cebu, Goethe-Institut Philippinen at Confucius Institute. Sa buong dibisyon ng Bulacan tanging ang Felizardo C. Lipana National High School at Mariano Ponce National High School lamang ang may kinatawan sa seminar na ito. “Isang karangalan na mapili an ating paaralan bilang implementer ng SPFL, ngayon ay masasabi nating ang mga mag-aaral ng FCLNHS ay mas globally competitive na dahil sa pagkatuto ng wikang Mandarin,” pahayag ni Mendoza.

Delos Santos, Ang, nagkamit ng kambal na tagumpay Ni Christian R. Santiago

Nag-uwi ng karangalan sina Jonathan N. delos Santos at Rina Litte A. Ang kapwa mula sa IV-Rizal sa nakaraang Eddis at Division Schools Press Conference (DSPC). Nasungkit ni Delos Santos ang ikalawang pwesto sa pagsulat ng lathalain at ni Ang, ikasiyam na pwesto sa pagsulat ng editorial laban sa 31 pampubliko at pribadong paaralan sa Eddis II na ginanap sa

Jose J. Mariano High School, Bintog, Plaridel noong Agosto 14-16. Sa DSPC na ginanap sa San Rafael Trade School noong Oktubre 8, 9 at 11 ay muling naiuwi ni Delos Santos ang ikalimang pwesto habang si Ang naman ay napanatili ang panalo sa ikasiyam na pwesto sa kanilang pakikipagtunggali sa 48 kalahok mula sa iba’t ibang paaralan sa buong lalawigan.


Balita

Oktubre - Disyembre 2013

3

DO ST, D epE d, pat u l o y s a pa gk a k a pi t - bi si g ko n t r a d e n g u e Ni Rinalitte A. Ang

TUGON SA SULIRANIN: Sa tulong ng OL Traps, napapatay ang mga itlog ng lamok at napipigilan ang pagtaas ng kaso ng dengue.

Patuloy ang pakikiisa ng Mataas na Paaralan ng Felizardo C. Lipana sa hakbang ng Department of Education (DepEd) at Department of Science and Technology (DOST) na masugpo ang dengue. Matatandaang sinimulan ang kampanya ng mga naturang ahensya noong nakaraang taon sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga Orvicidal Larvicidal (OL) traps sa mga pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa buong

bansa kabilang na ang mga lugar na nagtala ng pinakamatataas na kaso ng dengue. Upang masugpo at mapababa ang kaso ng mga nagkakaroon ng dengue ay muling namahagi ang DepEd at DOST ng mga naturang OL traps sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga paaralan na ligtas sa sakit na ito. Binubuo ang OL trap ng isang itim na container, lawanit na ibinababad sa OL water solution at

OL pellets na mula sa mga organic at non-toxic na materyal. Inaakit ng mga ito ang lamok upang dito mangitlog at pagkaraa’y pinapatay ang mga itlog na nagiging daan upang makontrol ang pagdami ng lamok. Mula sa dating isang buwan na pag-oobserba at paggamit ng OL traps, itinaas sa anim na buwan ang paggamit nito na pinasimulan noong Hunyo at matatapos nitong Nobyembre. Batay sa tala noong nakaraang taon ay naging malaking tulong ang OL traps lalung-lalo na sa panahon ng tag-ulan kung saan napababa ang porsyento ng dami ng lamok sa lahat ng mga paaralang pinamahagian nito. Dagdag pa rito, base sa mga isinagawang pagsusuri na kung gaano karami ang lamok na tumitira sa isang lugar ay ganundin karami ang mga lamok na namamatay lalong-lalo na sa mga lugar na nilagyan ng OL traps. Sa kasalukuyan, masasabing epektibo ang mga OL traps matapos magtala ng ‘zero cases’ ng dengue sa mga paaralang nabigyan nito.

BAYANING TUNAY: Kinilala sa programa ng pasasalamat ang mga gurong naglingkod na nang mahabang panahon sa paaralan.

Ni Christian R. Santiago pagmamahal sa mga guro na gumagabay sa kanila. Naging sentro naman ng palatuntunan ang pagkilala sa mga gurong naglingkod na nang mahabang panahon sa paaralan. Tumangggap ng plake ng pagkilala sina Gng. Teresita Centeno, Gng. Aida Nicanor, Gng. Nenita Enriquez, Gng. Cecile Reyes, G. Ernesto Reyes, Gng. Elenita Bondoc, Dr. Antifas Reyes, Gng. Regina Verde, Bb. Ruth Cervantes, Gng. Bernadette dela Cruz, Gng. Marissa dela Umbria, Gng. Vilma Figueroa, Gng.

ATEC, sinorpresa ang mga guro Ni Iveta T. Alonzo Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day isang sorpresa ang inihandog ng ATEC Technological College sa mga guro ng FCLNHS noong Oktubre 4. Higit sa 30 mag-aaral ng ATEC na kumukuha ng kursong Spa Management Technology ang nagbigay ng libreng serbisyo upang marelaks ang mga guro. Kabilang sa mga naturang libreng serbisyong ipinagkaloob ng ATEC ay ang manicure, pedicure, hand and foot spa at body massage.

Moratorium sa pagsasagawa ng lakbay-aral, ikinadismaya ng mga mag-aaral ng FCLNHS Ni Rina Litte A. Ang

Pagdiriwang ng World Teachers’ Day, pinangunahan ng SSG Hinandugan ng mga Lipanian, sa pangunguna ng Supreme Student Government (SSG) ng isang programa ng pasasalamat ang mga guro ng FCLNHS kauganay ng taunang pagdiriwang ng World Teachers’ Day noong Oktubre 4. Ito ay bilang pagkilala sa natatanging gampanin, serbisyo at dedikasyon na inialaalay ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng naturang programa na may temang ‘My Teacher, My Hero’ ay naipadama ng mga mag-aaral ang kanilang

TAMIS NG PASASALAMAT: Iba’t ibang libreng serbisyo ng pagpapaganda ang inihandog ng ATEC sa mga guro.

Loida Hilario at Gng. Rossini Magsakay. Gayundin sina Gng. Daisy Miranda, Gng. Maricel Menesses, Gng. Aylene Santos, Gng. Editha Sugay, Gng. Editha Morante, Gng. Evangeline Morales, Gng. Imelda Santoyo, Gng. Josefina Leoncio, Gng. Rebecca Santos, Gng. Jocelyn Sarmiento at Gng. Alicia Wenceslao. Tumanggap din ng natatanging parangal ang ama ng paaralan na si G. Edgardo J. Mendoza para sa kanyang ‘di matatawarang paglilingkod at ambag sa paaralan.

Dismayado ang mga mag-aaral ng FCLNHS sa ipinalabas na moratorium o pansamantalang pagpapapatigil ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Bulacan sa pagsasagawa ng mga lakbay-aral. Batay sa Kapasyahan blg. 063-T’13 ang lahat ng antas ng edukasyon sa lahat ng pampubliko at pribadong paaaralan sa buong lalawigan ay pansamantalang pinatitigil sa pag-oorganisa ng mga lakbay-aral. Umani ng batikos mula sa mga mag-aaral ang kapasyahang ito sapagkat naniniwala silang hindi dapat ipatigil ang mga lakbay-aral lalo pa’t may malaki ambag ito sa kanilang pagkatuto. Ang naturang kapasyahan ay isinulong ni SP Member Michael C. Fermin kasama sina SP Member Felix M. Ople, SP Member Therese Cheryll B. Ople at SP Member Ramon R. Posadas. Layunin umano ng naturang moratorium na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa lahat ng antas at maitatag ang konkretong panuntunan sa pag-

sasagawa ng mga lakbay-aral gayundin ng mga alituntunin sa mga gastusin, destinasyon, pakikipag-ugnayan sa mga magulang at mag-aaral at pagpili ng mga service providers. Naging batayan din umano ng nasabing kapasyahan ang lakbay-aral na isinagawa ng isang pribadong paaralan sa lalawigan kung saan mayroon mga kabataang nasawi dahil sa naganap na aksidente. Nilinaw naman ng Pamahalaang Panlalawigan na wala silang intensyong ipagbawal nang tuluyan ang pagsasagawa ng mga lakbay-aral kundi kinakailangan lamang ang moratorium habang nagsasagawa pa ng muling pagbisita at pagrepaso sa mga umiiral na tuntunin at patakaran kaugnay ng nasabing gawaing pampaaralan. Samantala, agad namang umaksyon ang mga pamunuan ng mga paaralan sa lalawigan at nakipagdayalogo kay Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado hinggil sa naturang kapasyahan.

Lipanian iskawts, hinubog upang maging mas responsableng mamamayan Ni Rina Litte A. Ang

KAPIT-BISIG: Nagsanib-pwersa ang mga Guidance Professionals upang makatugon sa 2015 Education for All Goals.

Santos, dumalo sa GCAP Seminar

SIMULA NG PAGBABAGO: Sumentro ang 3-day camping ang mga iskawts sa paghubog ng kanilang katauhan.

Nagdaos ng camping activities ang FCLNHS upang maihanda ang Lipanian iskawts na maging mas responsableng miyembro ng lipunan noong Oktubre 16-18 sa covered court ng paaralan. Layunin ng tatlong araw na gawain na itanim sa mga iskawts ang mahalagang gampanin nila sa lipunan. Nakaangkla ang mga gawain ng mga iskawts sa module of activities na binalangkas ng Boy Scout of the Philippines Bulacan Council. Ang naturang modyul ay

naglalaman ng mga gawain at aktibidad na huhubog hindi lamang sa personal na aspeto kundi maging sa pakikipag-ugnayan ng bawat isa sa komunidad. Pinatingkad din ang nasabing camping ng parada ng mga kalahok na iskawts, pagpapakita ng talento ng mga kalahok, skills market o mga paligasahan ng kakayahan, peace friendship hunt at isang grand campire na naging sentro ng pagtatapos na gawain ng mga iskawts. Nagsilbing resource speakers sa encampment sina Gng. Daisy

Ni Christian R. Santiago Miranda, Gng. Loida Hilario, Gng. Bernadette dela Cruz, G. Edwin dela Peña, Gng. Helen Polo, Gng. Jennifer Recabo, Gng. Mary Joy Garcia, Bb. Virginita Ibañez, Gng. Lilibeth Ralla, Bb. Melissa Pedragoza, G. Roel Sta. Teresa, Gng. Rossini Magsakay, Gng. Rebecca Santos, Gng. Anthonette Bernabe, Gng. Jessamine Buenavista at G. Emmanuel Manuel. Nagkaroon ng katuparan ang gawaing ito sa pangunguna ni G. Regalado P. Hernandez, Institutional Scout Coordinator at Gng. Daisy DJ. Miranda, Assisstant Unit Leader.

Kinatawan ni G. Michael M. Santos ang FCLNHS sa Annual Guidance and Guidance Teachers National Conference na ginanap sa Universidad de Manila noong Oktubre 1618. Ang naturang seminar ay inilunsad ng Department of Education Guidance and Guidance Counselors Association (DepEd GCAP). Uminog ito sa temang ‘Sustaining Education for All (EFA) Goal Through Enhanced Guidance and Counseling Skills and Enriched Guidance Program’. Naglalayon ang tatlong araw na pagpupulong na ito na

maging kasangkapan ang GCAP sa pagkakamit ng bisyon at tunguhin ng DepEd, higit na maihanda ang mga guidance and counseling professionals sa mga kinakailangang kakayahan, teknik at istratehiya sa pagkamit ng 2015 EFA at Millenium Development Goals (MDG) at makabuo ng isang komprehensibong plan of action sa guidance and counseling upang makatugon sa K to 12 Education Program at Child Protection Policy. Nagsilbing pangunahing tagapagsalita sa pagbubukas ng naturang seminar si DepEd Secretary Bro. Armin R. Luistro.


4

Balita

Oktubre - Disyembre 2013

Pilipinas, , may pinakapositibong pagtanaw sa edukasyon sa buong mundo Ni Tim Claude A. Pineda

Nanguna ang Pilipinas sa may pinakamaraming mamamayang naniniwalang ang edukasyon ang magbibigay sa kanila ng magandang trabaho ayon sa resulta ng Global Survey of Education Aspirations na isinagawa ng international research firm na Nielsen noong Setyembre 10. Lumabas sa sarbey na siyam sa 10 o 90% ng mga Pilipinong respondent ang nagsabing naniniwala sila na ang edukasyon ang magbibigay-daan sa mas magandang buhay. Nalampasan ng Pilipinas

ang global average na nasa 75% patunay na ang kulturang Pilipino ay may mataas na pagpapahalaga sa edukasyon. Ayon pa sa pag-aaral ng Nielsen ang mga Pilipino ay naglalaan ng 15.4% ng kanilang buwanang badget para sa edukasyon, lagpas ito sa global average na 8%. Sa buong mundo nasa ikalawang pwesto ang Pilipinas sa may pinakamalaking inilalaang alokasyon sa edukasyon mula sa national budget, sinundan nito ang Peru na may pinakamalaking alokasyon na 18.6%.

Pagdating naman sa larangan ng pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon 95% Pilipinong respondent ang nagsabi na marami ang lokal na oportunidad sa kanilang mga lugar; 93% ang nagsabing mayroong hayskul sa kanilang lugar at 89% ang nagsabing may magagandang lokal na kolehiyo at unibersidad sa kanila. Tinanong sa naturang pandaigdigang sarbey ang mahigit 29,000 online respondents mula sa 58 bansa upang sukatin ang kanilang pagpapahalaga sa edukasyon.

Pistang Singkaban, sumentro sa Sining at Kultura Ni Christian R. Santiago

MARKA NG KAHUSAYAN: Sa ikalawang pagkakataon ay hinirang ang Bulacan PDRRMC bilang pinakamahusay sa buong bansa.

Best PDRRMC Award, muling nasungkit ng Bulacan Ni Tim Claude A. Pineda

Nakamit ng Provincial Disaster Risk Reduction Council (PDRRMC) ng Bulacan ang Best PDRRMC Award sa ikalawang pagkakataon. Pinangunahan ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado ang pagtanggap ng naturang parangal mula sa National Gawad Kalasag noong Oktubre 25 sa Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers Club, Camp Gen. Emilio Aguinaldo, Quezon City. “Hindi tayo humihinto, bagkus ay lalo pa nating pinaghuhusay upang maraming makatanggap ng ating serbisyo,”pahayag ni Alvarado. Tumangggap ang PDRRMC Bulacan ng plake ng pagkilala at cash insentive para sa nasabing parangal. Ang Gawad Kalasag o KALamidad at Sakuna LAbanan, Sariling Galing ang Kaligtasan ay kumikilala sa mga indibidwal, non-government organizations, pribadong sector at sangay ng gobyerno na nagpapamalas ng inisyatibong makatulong sa pamahalaan na maiangat ang pamantayan ng disaster management sa bansa. DANGAL NG BULAKENYO: Itinampok sa Singkaban Piyesta ang mga obra ng Bulakenyo.

Naging tampok sa pagdiriwang ng Singkaban Fiesta ang pagpapakita ng husay at galing ng mga Bulakenyo sa larangan ng sining at kultura. Nakatuon sa temang ‘Makulay na Sining at Kalinangan : Bulacan, Ipagmalaki at Ikarangal’ ang isang linggong pagdiriwang na idinaos noong Setyembre 9-15. Hinimok ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado na ipagmalaki ng mga Bulakenyo ang matingkad na sining at kultura ng Bulacan. Sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang misa ng

pasasalamat na dinaluhan ng tinatayang nasa 3,000 Bulakenyo, sinundan ito ng Parada ng Karosa ng Kasaysayan na nagtampok sa mga karangalang nakamit ng Bulacan noong 2012 sa larangan ng isports, patimpalak ng kagandahan, sining at pamamahala. Nagkaroon din ng iba’t ibang eksibit at trade fair kung saan ibinida ang mga produkto ng lalawigan tulad ng mga pagkain, kasuotan, bags, palamuti at iba pa. Ibinandila din sa Trade Fair ang Manlilikhang Bulakenyo kung

saan itinampok ang mga Bulakenyong imbentor at ang demonstrasyon ng kanilang mga imbensyon; Dakilang Bulakenyo at Lakan Sining Eksibit na gumunita sa buhay at kontribusyon ni Mariano Ponce bilang pag-alaala sa kanyang ika150 na kaarawan. Nagkaroon din ng 24k lakbay-aral kung saan binisita ng mga mag-aaral mula sa elementarya at sekondarya ang kapitolyo, museo at mini-forest upang imulat sila sa mga natatanging yaman ng lalawigan.

2 Obra ni Direk Mendoza, itinampok sa Mall sa Bulacan

RDRRMC: 987 barangay sa Gitnang Luzon, flood-prone Ni Christian R. Santiago

Tinukoy ng Regional Disaster Reduction and Management Council (RDRRMC) na 987 barangay sa Gitnang Luzon na may 255,159 pamilya ang madaling bahain. Kabilang sa mga nasabing barangay sa bawat probinsya ay ang mga sumusunod: Aurora - 106 barangay sa walong bayan, Bataan - 87 barangay sa 11 munisipalidad, Bulacan - 133 barangay sa 18 bayan, Nueva Ecija - 235 barangay sa 15 munisipalidad, Tarlac - 141 barangay sa 14 bayan at Zambales - 54 barangay sa 7

munisipalidad. Bilang bahagi ng disaster risk reduction planning tinukoy din ang bilang ng mga paaralan na maaaring gawing evacuation centers kung sakaling tamaan ng kalamidad ang mga naturang probinsya. Para sa lalawigan ng Bulacan, bukod sa mga paaralan ay maaari ring gamiting pansamantalang tuluyan ng mga magsisilikas ang Provincial Gym, Provincial Engineering Office at Bulacan Sports Complex.

Ni Rina Litte A. Ang

Isang film festival ang isinagawa ng SM Baliwag kung saan itinampok ang mga obra ng tanyag na direktor na si Brillante Mendoza. Nabigyan ng pambihirang pagkakataon ang mga Bulakenyo na mapanood ng libre sa isa sa mga sinehan ng naturang mall ang dalawang pelikula ni Mendoza na umani ng internasyonal na pagkilala sa iba’t ibang film competition sa labas ng bansa - ang Captive at Monoro. Batay ang pelikulang Captive sa totoong karanasan ni Gracia Burnham nang mabihag ito ng mga bandidong Abu Sayaff habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa

Palawan noong 2001. Samantala,sumentro naman ang Monoro sa pagpapakita kung paano nagkaroon ng edukasyon ang mga katutubong Aeta sa Zambales at Pampanga na naging daan sa pagkakaroon ng mga ito ng kakayahang makapili ng lider sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagboto. “Hanggang may hamon na hinaharap ang lipunan, may istorya at istoryang magagawa sa isang pelikula,” pahayag ni Mendoza sa isang panayam. Dagdag pa rito, sinabi niyang dapat isama sa mga prayoridad

ng pamahalaan ang pagbuhay sa Film Archives na magtitipon, magprepreserba at mangangalaga sa Pelikulang Pilipino. Sa huli, hinimok niya ang kasalukuyang administrasyon na samantalahin ang popularidad ngayon ng Pelikulang Pilipino upang muling makapagdaos sa bansa ng Manila International Film Festival. Naniniwala si Mendoza na malaki ang maitutulong ng nasabing International Film Festival hindi lamang sa pag-unlad ng Pelikulang Pilipino kundi maging ng turismo sa bansa.

Eco Solid Waste Management, muling pinasigla sa Guiguinto Ni Christian R. Santiago Kaugnay ng kampanya ng Pamahalaang Bayan ng Guiguinto na paliitin ang dami ng basurang itinatapon ng bawat barangay muling isinulong ang Ecological Solid Waste Management kung saan isang seminar ang idinaos sa Barangay Hall ng Sta.Rita noong Hulyo. Pinangunahan ni Engr. Sudan C. Carreon, Acting Senior Municipal Environmental Management Specialist ang paglalahad ng mga panuntunang susundin sa pagtatapon at pangongolekta ng basura sa bawat barangay. Binigyang-diin sa naturang seminar ang mahigpit na muling pagpapatupad ng Kapasyahan blg.039 s.2003 kung saan nakasaad ang pagsasaayos at tamang paghihiwalay ng basura at panghuhuli sa mga magkakalat. Sa ilalim ng naturang ka-

pagsayahan ang sinumang mahuling lumabag ay pagmumultahin ng P1000/indibidwal, P2000/establisyimento o dili kaya’y papatawan ng 10 araw na pagkabilanggo o 40 araw na paglilingkod sa komunidad. Ang bawat local government unit (LGU’s) sa buong bayan ang siyang magpapatupad ng mga probisyon ng naturang kapasyahan sa kani-kanilang nasasakupan. Sa pangongolekta ng basura ay sisimulan na ring ipatupad ang polisiyang No Segregation, No Collection. Bawat tahanan ay dapat maghanda ng dalawang sako kung saan maayos nilang itatapon ang mga basurang nabubulok at ‘di nabubulok o mapakikinabangan pang basura. Ilan sa mga benipisyong inaasahan ng lokal na pamahalaan

sa programang ito ay ang pagliit ng cost sa pagtatapon at pangongolekta ng basura, pagkakaroon ng pagkakakitaan buhat sa pagreresiklo, pagkakaroon ng disiplina at malasakit sa kapaligiran at ang panunumbalik ng kalinisan at kagandahan ng buong bayan. Upang masiguro ang tagumpay ng programa inatasan ng pamahalaang lokal ang bawat barangay na magtayo ng kani-kaniyang Eco Centers, maglunsad ng house to house information education campaign at magkaroong ng regular na pagmomonitor at ebalwasyon ukol sa pagpapatupad nito. Bilang kinatawan ng paaralan dumalo sa naturang seminar sina Gng. Daisy DJ. Miranda, Pang-ulong Guro III sa Agham at Gng. Bernadette M. dela Cruz, Pangulong Guro I sa Araling Panlipunan.

HUDYAT NG PAG-UNLAD: Sa tulong ng AWS makakakuha na ng wastong taya ng lagay ng panahon ang mga Bulakenyo.

SM Baliwag, may Automated Weather Station na Ni Rina Litte A. Ang

Isa ang SM Baliwag sa 39 na piling SM Malls sa buong kapuluan na nalagyan na ng Automated Weather Station (AWS). Opisyal na inilunsad nitong Oktubre ang sariling AWS ng naturang mall na ayon kay SM Baliwag Public Relations Officer Beverly Cruz ay naisagawa sa tulong ng Weather Phiippines Foundation Inc., (WPFI). Bahagi ito ng pakikiisa ng SM Malls sa kampanya ng Department of Science and Technology (DOST) na maitaguyod ang disaster risk reduction at mamonitor at mapag-aralan ang lagay ng panahon at klima. Kokolektahin ng AWS gadget ang lahat ng measurement data na siya namang ipadadala nito sa Canadian Weather Service Provider Meteomedia na siyang gagamitin upang maanalisa ang mga weather patterns at makagawa ng prediksyon. Nakadisenyo ang AWS na magbigay ng ulat panahon tulad ng temperatura, dami ng inaaasahang ulan, humidity, dew point, bilis at direksyon ng hangin. Makakatutulong din ito upang maging gabay sa mga may-ari ng negosyo at gayundin sa mga eskwelahan upang agarang makapagdesisyon kung sakaling magkaroon ng biglaang pagbabago ng panahon. Maaaring makita ng publiko ang ulat ng AWS sa pagmamagitan ng pagbisita sa www.weather.com.ph kung saan pipiliin lamang ang SM Baliwag sa listahan upang malaman ang magiging taya ng panahon sa susunod na limang araw. Nagkaloob ang SM Investment Corporation (SMIC) ng P25 milyong pisong donasyon para sa 49 units ng AWS na ikakabit sa mga SM Malls sa buong bansa. Samantala, target naman ng WPFI na makapagkabit ng 1,000 units ng AWS sa buong kapuluan sa pagtatapos ng 2013.


Balita

Oktubre - Disyembre 2013

P578 M, inilabas ng DBM,

Kakulangan sa silid-aralan tutugunan Nagpalabas ng P578 milyon ang Department of Budget and Management (DBM) para sa konstruksyon ng mga silid-aralan sa buong bansa. Alinsunod ito sa layunin ng administrasyong Aquino na matugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan sa buong kapuluan ngayong taon. Magmumula sa pondo ng Basic Education Facilities FY 2013 ang naturang halaga samantalang ang Department of Public Works and High WaYS (DPWH) ang mangangasiwa sa konstruksyon ng mga naturang silid-aralan. Pinakamakikinabang sa P578 milyong ito ang mga magaaral sa Rehiyon III na tatanggap ng 171 milyong alokasyon, susundan ito ng Rehiyon VII na may 95 milyong alokasyon at Rehiyon XII na tatanggap ng P52 milyon.

EDUKASYON AT TEKNOLOHIYA: Patuloy ang Google sa pagbuo ng Apps na kapaki-pakinabang para sa mga edukador at mag-aaral.

Dagdag pa rito, tatangggap din ng 47 milyon ang mga magaaral ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na makatutulong upang masolusyunan ang malaking kakulangan sa silid-aralan sa Rehiyon. Rehiyon CAR RO I RO III RO IV-B RO V RO VI RO VII RO VIII RO XII NCR ARMM

Alokasyon P 37,891,000 P 31,103,100 P 171,253,100 P 25,469,000 P 15,159,100 P 22,799,400 P 95,158,000 P 4,182,000 P 52,250,745 P 41,000,000 P 47, 146,000

Mula sa: Official Gazette of the Republic of the Philippines

BAGONG PAG-ASA: Higit na maraming mahihirap na mag-aaral ang mabebenipisyohan bunsod ng pagtaas ng badyet ng 4P’s.

Abad: 4P’s palalawigin upang matulungan ang mahihirap na estudyante Ni Iveta T. Alonzo Upang matulungan ang pinakamahihirap na mag-aaral sa bansa at mapababa ang drop-out rate partikular sa hayskul itinaas ng Department of Budget (DBM) ang mungkahing badyet para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s). Mula sa dating P44 bilyon ay naglaan ng P62.6 bilyon ang DBM para sa 4P’s mula sa 2014 national budget. Ang 4P’s ay istratehiya ng pamahalaan upang lunasan ang matinding kahirapan sa pamamagitan ng pamimigay ng cash grant para sa pangangailangan sa nutrisyon, kalusugan at edukasyon. Layunin ng programang ito na tugunan ang pangunahing pangangailangan ng pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal at puksain ang pasalin-salin na kahirapan sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kalusugan , nutrisyon at edukasyon. “Ang pagpapalawig ng 4P’s ay layong makapagbigay ng suportang pinansyal sa mga nangangailangang mag-aaral ng hayskul upang makaagapay sa kanilang pag-aaral sa ilalim ng K-12 system at makakuha ng diploma,” pahayag ni DBM Sec. Florencio “Butch” Abad. Sa kabuuang badyet ng 4P’s para sa 2014, P48.3 bilyon ang nakalaan sa 4.3 milyong pinakamahihirap na pamilya sa bansa, na may P1,400 na alokasyon para sa bawat isa. Nakapaloob dito ang P500 subsidiya para sa magulang at mga anak para sa kalusugan at 300 sa bawat batang pumapasok sa paaralan sa mga buwan na may pasok.

Bagong ‘Play sa Edukasyon’, inilunsad ng Google Ni Iveta T. Alonzo

Inilabas ng Google ang pinakabagong sandata nito sa pagpanday ng edukasyon, ang Google Play for Education, isang bagong program na maghahatid ng inobasyon ng Android Technology sa loob ng silid-aralan. Ang Play for Education ay maaaring magamit ng mga administrador at guro upang makapagbahagi ng mga educational apps sa kanilang mga mag-aaral. Sa tulong ng browsing tools ng bagong program na ito, mabilis na makapipili ng mga apps, aklat, videos, at iba pang edukasyonal na materyal ang mga guro. Dagdag pa rito, isa sa mga tampok na feature ng Play for Education ay ang magamit ito ng mga administrador upang mamahagi ng mga apps sa kanilang mga kaguruan. Kung nais magbahagi ng guro ng isang edukasyonal na materyal sa maraming android devices, kailangan lang i-type ang pangalan ng grupo ng padadalhan at sa loob ng ilang oras ay matatanggap ito. Marami ng paaralan sa Estados Unidos ang gumagamit ng Android-based app system na ito; kamakailan lang inanunsyo ng Malaysia na ang 10 milyong mag-aaral nito sa buong bansa ay gagamit na rin ng Google Play for Education upang mapataas ang kalidad ng edukasyon sa kanilang bansa. Ngayon, sa patuloy na pagdami ng Android users sa Pilipinas, naniniwala ang Department of Education (DepEd) na maaari rin itong maging epektibong kagamitan sa pagkatuto subalit hindi pa sa ngayon. Dagdag pa rito, nakikita rin ng DepEd na magiging makabuluhan ito kapwa sa mga guro at mag-aaral lalo ngayong panahon ng technology-charged, internet-wired age.

Dagdag na P3 B sa pondo, ‘yugto ng pag-unlad’ – DepEd Ni Kenneth L. Gravamen Itinuring ng Department of Education (DepEd) na yugto ng pag-unlad ang higit pa sa inaasahan na badyet nito para sa 2014 matapos dagdagan ng halos tatlong bilyon ng Malacaňang ang ipinasa nitong orihinal na pondo. “Oo, nagmistula itong yugto ng pag-asenso para sa ahensya at mas mahigit pa sa inaasahan namin,” wika ni Education Assistant Secretary for Planning Jesus Mateo sa isang panayam. Ayon kay Mateo, ang talagang ipinasang pondo nila ay P334 bilyon lamang ngunit matapos ang deliberasyon ng gabinete, napagpasyahan ng Malacaňang na maghain ng P336.9 bilyon na alo-

kasyon para sa Deped, 14% na higit na mataas sa kasalukuyang P293.4 bilyong pondo nito. Bagama’t nakasaad sa Konstitusyon na ang DepEd ang makakatanggap ng pinakamalaking bahagi ng pambansang pondo ngayon lamang ito umabot sa P300 bilyon. Dagdag pa ni Mateo, maaari silang makapagpasok ng 1500 prinsipal at 33,194 guro para sa susunod na taon mula sa P9.5 bilyon ng kanilang mungkahing badyet. Samantala, mapupunta naman ang P44.6 bilyon nito sa pagpapatayo ng 43,183 silid-aralan at pagkukumpuni ng 9,503 nito gayundin ang pagbili ng 1.6 milyong upuan sa 2014.

Ni Rinalitte A. Ang

Samantala kapwa naman nagawaran ng honorable mentions sina Farell Eldrian Wu ng MGC New Life Academy at Ma.Czarina Angelo Lao ng St. Jude Catholic School. Ito na ang pinakamataas na rekord na naitala ng Pilipinas sa IMO mula noong 1995 matapos mahigitan pa ang standing ng bansa noong nakaraang taon. “Ang patuloy na pamamamayagpag ng Pilipinas sa IMO ay patunay ng paghusay ng kalidad ng edukasyon na nararanasan sa bansa partikular na sa Matematika,” pahayag ni DOST-SEI Officer in Charge Elizabeth Fontanilla.

Bumawi naman tayo sa kalikasan - Alvarado Umabot na sa 13,000 binhi mula pa noong Hunyo ang naipunla ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kalikasan. “Patuloy tayong nagtatanim ng mga puno sa kalakhan ng lalawigan upang kahit papaano ay makabawi naman tayo sa kalikasan, hindi yung palagi na lang kalikasan ang nagbibigay sa atin,”pahayag ni Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado. Isa ang Guiguinto sa limang bayan na natamnan na ng mga binhi, kabilang din ang bayan ng Bustos, Doña Remedios Trinidad, Norzagaray at Sta. Maria. Ang tanggapan ng BENRO ay bukas sa lahat ng organisasyon at indibidwal na nais magtanim sa kani-kanilang lugar.

Roxas, ginising ang alab sa puso ng mga Bulakenyo Ni Christian R. Santiago Hinimok ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Manuel Roxas na ipagdiwang ng mga Bulakenyo ang taunang Singkaban Pyesta na may ningas ng kabayahihan sa puso ng bawat isa. Bilang panauhing pandangal sa pambungad na palatuntunan ng Singkaban 2013 binigyang-diin ni Roxas na maliban sa makulay na kapistahan, ito ang panahon upang buhayin ng mga Bulakenyo ang diwa ng pagkakaisa para sa pagtataguyod ng kaunlaran ng lalawigan. “Ito ang panahon upang magbalik-tanaw sa mga aral na ibinigay ng ating mga ninuno. Ito ang panahon upang sariwain ang kabayanihan , ang laban sa kahirapan, ang laban sa kawalan ng pagkakataon, laban sa korapsyon at laban tungo sa magandang kinabukasan,” dagdag pa ni Roxas.

Computer on wheels, umarangkada na www.Online Balita Inilunsad noong Setyembre 16 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang programang ‘Computer on Wheels na naglalayong makasabay sa bilis ng takbo ng teknolohiya ang mga Bulakenyo. Ayon kay Vice Governor Daniel Fernando , magbibigay ito ng isang buwang libreng computer course sa lahat ng gustong matuto anuman ang kanilang edad. Limang bus na ang bawat isa ay may sakay na 16 na kompyuter ang nakalaan para sa proyektong ito. Isa rito ang mananatili sa San Jose del Monte at ang apat ay lilibot sa ibat’ibang bayan at lungsod.

MDG #6, inilunsad

LIGAYA NG TAGUMPAY: Naitala ng Pilipinas ang pinaka mataas na record sa International Mathematics Olympiad.

Huawei, nakibahagi sa Adopt-a-School program ng DepEd Ni Rina litte A. Ang

MALAKING BIYAYA: Sa tulong ng kompanyang Huawaei ay natugunan ang pangangailangan ng DepEd sa teknolohiya.

Ronda Bulakenyo Ni Christian R. Santiago

Pilipinas, muling namayagpag sa Int’l Math Olympiad Patuloy ang pagniningning ng mga Pilipino sa International Mathematics Olympiad (IMO) matapos makapag-uwi ang mga batang Math Wizards ng bansa ng tatlong medalyang tanso at dalawang honorable mentions sa paligsahang ginanap sa Santa Marta, Columbia noong Hulyo 18-28. Kabilang sa delegasyon ng Pilipinas na nag-uwi ng tansong medalya sina Adrian Reginald Sy ng St. Jude Catholic School, Deony Hendrick Cheng, Grace Christian College at beterana ng IMO na si Mikaela Angelina Uy ng St. Jude Catholic School.

5

Pinagkalooban ng Chinese Technology na kompanyang Huawei ng P8 milyong donasyon ang Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng programang Adopt-a-School. Sa isang kasunduan na nilagdaan noong Hulyo 26, iprinisinta ng Huawei ang kanilang cloudbased Virtual Desktop Infrastructure (VDI) System, na unang ikakabit sa DepEd central office para sa testing nito. Binubuo ng cloud-server na may 50 terminal units (monitor, keyboard, mouse at adaptor) ang VDI system na ito na ayon sa mga opisyal

ng Huwei ay matipid sa kuryente sapagkat hindi ginagamitan ng CPU. Naniniwala rin sila na ito ay isang ideyal na disenyo upang maghatid ng pagkatuto sa mga pampublikong paaralan. “Ngayong matatapos na kaming tugunan ang kasalukuyang kakulangan, ang ahensya ay naghahanda na upang matugunan ang mga pangangailangan sa hinaharap ng education system, kasama na rito ang pag-aaral sa VDI System upang ma-maximize ang gamit nito para sa edukasyon,” pahayag ni DepEd Sec. Armin Luistro.

Ni Rina litte A. Ang Patuloy na pinaiigting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan katuwang ang Department of Health (DOH) ang kampanya nito kontra sa mga nakahahawang sakit sa pamamagitan ng paglulunsad ng MDG #6: Health Caravan sa Bulacan Capitol Gym noong Agosto 27. “Ang Mid-Decade Goal o MDG # 6 ay isa sa walong Millenium Development Goals ng United Nations na naglalayong labanan ang tuberkolosis (TB), HIV/AIDS, malaria, dengue, rabis at ketong sa pamamagitan ng interaktibong pagbabahagi ng edukasyong pangkalusugan sa mga mamamayan,” paliwanag ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado. Ang United Nations Millenium Development Goals ay mga adhikaing napagkasunduan ng mga bansang kaanib ng UN sa pagdating ng 2015 upang sugpuin ang kahirapan, pagkagutom, sakit, kamangmangan, pagkasira ng kalikasan at deskriminasyon sa mga kababaiha.


6

Opinyon Iwas disgrasya: Hangad ng bawat isa

Oktubre - Disyembre 2013

Editoryal

Sakuna ay maiing mga mag-aaral wasan, kung setaun-taon. guridad ay isa Kung ating pasaalang-alang. kaiisipin malak Inilabas ing benipisyo ang kamakailan ng nakukuha ng mga Pamahalaang Panmag-aaral sa paglalawigan ng Busasagawa ng mga Rina Litte A. Ang lacan (PGB) ang lakbay-aral. Ang kapasiyahan 063-T’13 na nagdepagkatuto ay hindi lamang nagagadeklara ng pansamantalang pagpanap sa apat na sulok ng silid-aralan. patigil (moratorium) ng pagsasagaAng mga ganitong aktibidad ay wa ng mga lakbay-aral sa lahat ng nagsisilbing daan upang mapalawak antas ng edukasyon sa lahat ng mga pang higit ang kaalaman ng mga pampubliko at pribadong paaralan mag-aaral ukol sa kasaysayan, kulsa lalawigan. tura at uri ng pamumuhay sa kanil Ito’y bunsod diumano ng ‘di ang mga binibisitang lugar. pagtalima ng mga paaralan sa mga Kung isyu ng pagkakaroon pinaiiral na tuntunin sa pagsasagang sakuna ang pangunahing alalawa ng lakbay-aral at nang sakunang hanin ng pamunuan ng PGB dapat naganap noong nakaraang taon na lamang na pagbabalangkas ng mga ikinasawi ng dalawang mag-aaral panuntunan na maghihigpit sa seng hayskul sa lalawigan. guridad ang gawing aksyon upang Lubos na ikinalungkot ng maiwasan ang anumang disgrasya mga mag-aaral ang kapasiyahang nang hindi nasasakripisyo ang pagito ng PGB sapagkat ang lakbay-aral kakaroon ng lakbay-aral. ay isa sa mga aktibidad sa paaralan Nararapat lamang na mgana hinihintay at pinaghahandaan karoon ng isang mabusising pag-

Bulong at Sigaw

Tugon Solusyon sa lumalalang kalagayan ng Inang Kalikasan. Isa sa malaking problema na kinakaharap ngayon hindi lamang ng ating bansa kundi maging ng buong mundo ay ang Climate Change. Nagiging sanhi ito ng pagkalusaw ng mga ice caps, hindi mabilang na insidente ng pagkamatay ng mga lamang-dagat at pagtatala nang patuloy na pagtaas na bilang ng nabubuong buhawi at mga bagyo na nagdudulot naman ng pagbaha. Isa rin sa mga epekto ng Climate Change ang “Global Warming” o patuloy na pag-init ng temperatura sa mundo. Sanhi ito ng maruruming usok na nagmumula sa mga sasakyan, pabrika at planta, pagsusunog ng mga basura at gayundin ng patuloy na pagkakalbo ng mga kagubatan na sana’y gaganap sa pagpapanatili ng tamang init ng mundo. Sa nakalipas na tatlong taon, matagumpay na naisagawa ng Supreme Student Government (SSG) ng FCLNHS ang proyekto nito ukol sa Waste Segregation o ang pagbubukod-bukod ng mga basurang nabubulok at ‘di nabubulok na isa sa mga epektibong solusyon sa naturang suliranin. Naglalayon ang proyektong ito na mabawasan ang basurang ating itinatapon kung saan-saan sa pamamagitan ng paghihiwalay ng mga papel upang maibenta at mapakinabangan sa halip na sunugin at makadagdag sa lumalalang sakit ng kalikasan. Isa rin ang ‘di wastong pagtatapon ng mga basura sa mga sanhi kung bakit nakararanas tayo ng matinding pagbaha kahit hindi naman malakas ang pag-ulan. Ngayon, maging ang mga lugar na dati’y hindi nakararanas ng pagbaha ay binabaha narin. Sadyang napakalaki ng maitutulong ng proyektong ito upang atin nang maiwasan ang delubyong kinakaharap natin sa kasalukuyan. Kamakailan ay nagsagawa ng rin ng “tree planting’ ang SSG sa tulong ng mga miyembro ng YES-O. Sa pamamagitan nito, masasagip natin ang Inang Kalikasan mula sa tuluyang pagkawask dahil ang mga punong ito ang hihigop sa mapinsalang gas na isa ring sanhi ng Climate Change. Ramdam na ramdam na kung gaano nagiging kapaki-pakinabang ang bawat miyembro ng SSG upang maisakatuparan ang marubrob na hangarin ng samahang gampanan ang tungkulin nito sa pagsagip sa kalikasan. Bukod dito nagiging magandang ehemplo sila sa mga kapwa mag-aaral. Sa pamamagitan ng kanilang proyekto ay nahihimok ang mga mag-aaral na makibahagi at magkaroon ng partisipasyon sa pagganap ng kanilang responsibilidad sa kalikasan. Batid nating lahat kung gaano kalaki ang epekto ng pagbaha lalung-lalo na sa iba’t ibang lugar sa ating lalawigan partikular na sa bayan ng Hagonoy at Calumpit na pagkatapos bayuhin ng bagyo ay nakaranas ng mala-delubyong pagbaha at nag-iwan ng malaking halagang pinsala sa mga pananim at ari-arian at ang nakalulungkot pa’y kumitil sa buhay ng ilan. Bunsod ng mga pangyayaring ito, lalong pinaigting ng SSG ang kanilang mga proyekto, naniniwala silang ang simple at maliit na paraan kapag pinagsama-sama’y lilikha ng malaking pagbabago. Kung ating pakakaisipin , lahat tayo ay may tungkuling kalingain ang kalikasan. Bilang kabataan, malaki ang ating maiaambag kung tayo ay magiging responsable, may disiplina at mapagmalasakit na kabataan. Hindi binigo ng SSG ang kanilang kapwa kabataan, pangakong sinumpaan, kanilang isinakatuparan.

Ang Hardin

Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino Mataas na Paaralang Nasyunal ng Felizardo C. Lipana

Patnugutan

Kontribyutor

Rinalitte A. Ang

Cim de Lima Danica S. Castro Tim Claude A. Pineda Jessica T. Abalajen Kristian Paolo Clemente Mescheal T. Tacsan Angelica B. Pabon Gerald P. Gan

Punong Patnugot

Christian R. Santiago Kawaksing Patnugot

Kenneth L. Gravamen Patnugot sa Balita

Jonathan N. delos Santos Patnugot sa Lathalain

Bb. Marivi B. Lobederio Kawaksing Tagapayo

Kimberly Sushmitra G. Samiappan

Gng. Janice A. Atenas

Patnugot sa Agham

Tagapayo

Jimuel Simoun L. Eligio Patnugot sa Isports

Iveta T. Alonzo Tagakuha ng Larawan

Gng. Cecile C. Reyes Pang-ulong Guro I sa Filipino

G. Edgardo J. Mendoza Punong-Guro III

Gng. Anastacia N. Victorino

Carl Joshua B. San Pedro Ellen Moore C. Delocanog

Pansangay na Tagamasid sa Filipino-Sekundarya

Taggaguhit

Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Bulacan

Romeo M. Alip, Ph.D.,CESO V

aaral ang PGB upang makapagtatag ng isang konkretong panuntunan sa pagsasagawa ng mga lakbay-aral kasama na rito ang mga alituntunin sa gastusin, destinasyon, pakikipag-ugnayan sa mga magulang at lalong higit pa sa pagpili at akreditasyon ng mga service providers. Panahon na upang magbigay ng ganap na kapasiyahan ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) gayundin ang PGB ukol sa moratorium na ito upang hindi na maiwang nangangapa sa dilim ang mga paaralan kung ipagpapatuloy pa ba ang pagsasagawa ng mga lakbay-aral o tuluyan nang ipatitigil ito. Hindi dapat isakripisyo ang mga gawaing katuwang sa pagpapanday at paghahasa ng talino’t ta- lento ng mga mag-aaral bagkus dapat ay higit pa itong suportahan at pagtibayin para sa ikauunlad ng mga mag-aaral. Walang buhay at kinabukasang masasayang kung seguridad ay tututukan at pangangalagaan.

Kabataan , pag-asa pa nga ba ng bayan? Itigil na ang panggagamit sa mga kabataan. Nilagdaan na ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang Republic Act 10630 na magpapalakas sa Juvenile Justice System ng bansa. Ipinakilala ng bagong batas ang ilang pagbabago sa Republic Act 9344 o Juvenile Justice Act of 2006 na akda ni Senador Francisco Pangilinan na naglalayong maprotektahan ang karapatan ng mga batang may gulang na 17 pababa at mailigtas sila sa tinatawag na criminal prosecution at sa halip ay isasailalim sila sa rehabilitasyon. Nakatalaga sa bagong batas ang pagtatayo ng “Bahay-Pag-asa” sa bawat probinsya at syudad. Ito ay magkakaroon ng espesyal na pasi- lidad na tatawaging Intensive Juvenile Intervention and Support Center (IJISC) kung saan obligadong ilagay ang mga batang nasa edad 12 hang-gang 15 na nakagawa ng mga heinous crimes o seryosong paglabag sa batas. Dagdag pa rito, ayon sa Presidential Decree no 603 sila ay ituturing na mga neglected child at kailangang manatili sa IJISC nang hindi bababa sa isang taon batay na rin sa magiging hatol ng korte. Nakalulungkot lang na tila kulang pa rin ang repormang ito sapagkat ang bagong batas ay pinanatili ang edad ng may criminal liability sa 15 bagama’t itinakda nitong ilagay sa youth care facility ang mga batang may edad 12 pataas. Hindi maitatangging ang Ju-

venile Justice Law Bago pa man ang ay nagagamit ng pagbabagong ito mga mapanlinlang sa RA 9344 ay ipaupang lansiin ang nukala na ni Senmga kabataan na ate Majority Leader protektado ng baVicente Sotto III na tas na ito. Nagiging ibaba sa 11 taong instrument na ang gulang ang may Tim Claude A. Pineda mga kabataan sa criminal liability paggawa ng iba’t ibang uri ng krimen habang siyam na tasapagkat ayon sa naturang batas ay ong gulang naman ang mungkahi ni wala pa silang criminal liability. Senador Francis Escudero ngunit ma Hindi lamang binibigyang linaw na wala sa sinumang naturang lakas ng loob ng naturang batas ang mga senador ang napakinggan. mga kabataan ng gumawa ng krimen Nawa’y hindi nga masayang kundi kinukunsinti rin nito ang pagang P400 milyong inilaan ng gobyerwawalang-bahala ng mga magulang no sa pagpapatayo ng mga “Bahay ng mga batang ito na dapat sana’y Pag-asa” at makatulong ang pagbabaunang dumidisiplina at umaaakay sa gong ginawa sa Juvenile Justive Act of kanila sa paggawa ng tama. 2006 sapagkat kung hindi ay marami Ang mga kabi-kabilang balita pang buhay ang masisira at masasasa radyo at telebisyon na nagsasangkot yang. sa mga kabataan sa maling gawain tu Huwag nating hayaang ang lad ng pagnananakaw, panghoholdap, mga itinuturing na pag-asa ng bayan panggagahasa at iba pa ay patunay ay patuloy na mabulid sa kasamaan. nang patuloy na pagtaas ng kaso ng Bilang mga kabataan kumilos tayo at juvenile delinquency sa bansa. Ngayon patunayang kabahagi tayo sa pagsunga’y nagkalat sa EDSA ang mga tinalong ng lipunan at hindi pasimuno ng guriang “batang hamog” o mga menor mga krimen at kaguluhan. de edad na nambibiktima ng mga pa Ipakita nating tayo ang masahero ng taxi at nagnanakaw ng mga giging susi sa ikauunlad ng ating gamit sa mga trak. bayan. Tila ba wala nang epekto sa mga batang ito ang panghuhuli sa kanila at nakasanayan na ang pagbabalik-balik sa mga tanggapan ng Department of Social Welfare and DeLubhang nagpakabusog at velopment (DSWD) at iba pang mga nagpakabundat, rehabilitation center. sa kaban ng bayang para kay Juan dapat. Sa mga mahihirap kusing man ay wala, Bakit hindi man lang kaya naawa? upang maiwasan na ang ganitong Kahit munting buto ay hindi mga anomalya sanagtira, pagkat nakapaloob tanging naiwan ay mga sa batas na ito ang ebidensya. pagpapalawak ng Kahit hindi pantas tiyak makikita, seguridad sa tama Sino ba yaring tunay na buwaya? at matalinong pag-

Tilamsik

Sogbu

Maging bukas sa sambayanan Walang dapat katakutan kung walang tinatagong kabulukan. Nakalusot na sa una at ikalawang pagbasa ang House Bill 3732 o Gerald kilala sa tawag na Freedom of Information Bill (FOI) . Ngunit bigo pa rin si Senador Grace Poe, Head of the Commitee on Public Information, na makuha ang pagsang-ayon ng mga opisyal na bumubuo ng House of Reprentatives. Nakasaad sa Seksyon 28, Artikulo II at Seksyon 7, Artikulo III ng Saligang Batas na karapatan ng mamamayang Pilipino na malaman ang mga impormasyon ukol sa mga bagay na may pampublikong interes. Nararapat din na maging bukas ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang mga dokumento at papeles na ukol sa mga opisyal na gawain, transaksyon o mga desisyon bilang basehan ng kanilang polisiya, proyekto at programa. Ngayong nahaharap ang bansa sa mainit na usapin ukol sa P10 Billion Pork Barrel Scam na kinasasangkutan ng ilang mga senador at kongresista masasabi na ang FOI Bill ang isa sa pinakamabisa at mabilis na solusyon upang masilip at mabusisi ang mga maanomalyang transaksyong pinasok ng mga nabanggit na opisyal ng gobyerno. Makatutulong din ang FOI

Pilantik

P. Gan

gamit ng kaban ng bayan. Nakalulungkot isiping tila nakalimutan na ng ating Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang kanyang pangakong susuportahan ang pagpapasa ng FOI Bill noong kasagsagan ng kanyang pangangampanya. Panahon na upang basagin ng ating pamhalaan ang pananahimik nito ukol sa usapin ng FOI Bill. Kung talagang seryoso ang kampanya ng Pamahalaang Aquino sa pagtahak ng tuwid na daan ay marapat lamang na pagtuunan ito ng atensyon. Sa paglipas ng maraming taon , unti-unti nang nilalamon ng bulok na sistema ng pamahalaan ang ating lipunan. Huwag nating hayaang tuluyang maglaho ang tiwala ng taumbayan sa ating administrasyon. Sa mahigit 90 bansa sa buong mundo na may ganito nang batas ay nananatiling nakabitin sa hangin kung sa ating bansa ba ay maipapasa ito. Isiwalat ang katotohanan at wakasan na ang mga kasinungalingan.

Hindi lamang isa ang dapat sisihin, Mga senador at kongresista’y nagpakabusog din. Bilyung-bilyong grasyang dapat napunta sa atin, Ngunit sa bulsa ng mga ganid ito’y itinanim. Sa isang magarbo at magandang kainan, Doon naganap ang partepartehan. Hindi na alam kung nasa’n ang ulo’t katawan, Nang ubod laking litson na kanilang pinagsaluhan. ‘Di dapat magpakasasa ang pamahalaan, Sa bilyung-bilyong halaga ng kaban ng bayan. Ito ay dapat nasa hapag-kainan, Ng mamamayang lubog sa kahirapan. Gising masang Pilipino, huwag nang pabilog ng ulo. Ipaglaban ang dapat na sa iyo, hindi sa sikmura’t bulsa ng manloloko.


Opinyon Liham sa Patnugot Mahal na Patnugot, Isa po ako sa mga magaaral na laging nakasubaybay sa ating pahayagan. Nais ko lamang pong ipabatid sa inyo na lubhang kasiya-siya ang ginagawang kampanya ng ating Guidance Office sa pangunguna ni G. Michael Santos upang labanan at tuluyang mapuksa ang bullying sa ating paaralan. Maliban sa pag-alam at pagtutok sa kaso ng mga naging biktima at mga gumagawa nito ay nagsasagawa din sila ng seminar sa bawat silid-aralan upang magbahagi ng mga impormasyon ukol dito. Sana po’y makatulong ang ating pahayagan upang makapagbigay pa ng dagdag na kaalaman ukol sa suliraning ito upang maging maalam ang lahat at mapangalagaan ang kanilang sarili sa kamay ng mga bully. Maraming salamat po sa pagbibigay-pansin sa liham na ito. Sumasainyo, Jilliana Ross N. Magsakay 7-Sampaguita Sa iyo Jilliana, Ang buong patnugutan ng ‘Ang Hardin’ ay lubos na nagpapasalamat sa iyong pagsuporta at pagliham sa ating pahayagan. Dama rin namin ang pagsusumikap ng ating Guidance Office upang mabantayan ang mga magaaral ay labis din naming ikinasisiya ito. Makakaasa kang tutulong at magiging instrumento ang ating pahayagan sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon hindi lamang tungkol sa bullying kundi maging sa iba pang isyung dapat maging mulat tayong mga mag-aaral. Muli, maraming salamat sa iyong pagsulat.

Oktubre - Disyembre 2013

Bully ng mga Bullies

Mula sa Ang Malaya ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Marcelo H. del Pilar

Isa sa mga nankasalukuyang adgunguna’t kakiministrasyon na la-kilabot na probwakasan na rin ang Mula sa lema sa buong Ang Malaya malaking suliranin mundo ay ang ng bullying sa banpagkakaroon ng sa sa pamamagitan mga estudyante ng “Anti-Bullyng problema sa Christian Paulo Aguinaldo ing Act of 2012 na paaralan dahil sa mapanlamang na isinulong ni Representative Christokapwa-estudyante na tinatawag na pher Co ng AKO BICOL Party-list. bullies. Paano kaya ito masosolusy Tuluyan nang naisabatas unan? Kailan kaya ito tuluyang ang naturang panukala laban sa mga maglalaho sa kinagisnang lipunan? bully matapos ang masusing pagta Sa kabataan nagsisimulakay simula pa noong Oktubre 2011 la ang kaunlaran ng isang bansa, nang lagdaan ni Pangulong Benigkaya naman matapos magpanukano Simeon Aquino III ang Republic la ng Anti-Bullying Movement sa Act 10627 o “Anti-Bullying Act of Estados Unidos at United Kingdom 2013” noong Setyembre 12. noong 2003 at 2006, naisipan ng Nakasaad sa batas na ito na

Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa Kanya, sa pamamagitan Niya, at pag-aari Niya. Sa Kanya ang karangalan magpakailanman. -Roma 11:36 Tayong mga anak ng Diyos ay pinagpala, at lahat ng pagpapalang ito ay hiram lamang, gaya ng karunungan, kayamanan, kapangyarihan, kalakasan, kagandahan at marami pang iba mula sa ating Panginoon. Nag-uumapaw sa kasaganahan ang Panginoon sa mga kayamanang ating hinahangad sa buhay. Ito’y binabahagi Niya sa kanyang mga anak upang ito’y lalong payabungin. Darating tayo sa puntong akala natin walang katapusan ang kayamanan, kasaganaan, karangyaan at kapangyarihan subalit ‘pag binawi ang buhay na Kanyang ipinahiram sa atin lahat ng ito’y mawawala rin. Walang makapagsasabi sa ating magiging bukas, kundi Siya lamang. Kung minsan ating nalilimutan ang halaga ng Kanyang ipinahiram sa atin, o kaya’y simpleng pagpapasalamat ay nawawaglit pa sa atin. Kadalasan, kapag tayo’y nabibigo o dili kaya’y nahaharap sa matinding pagsubok ay Siya pa ang ating sinisisi, sinisisi natin sa Kanya ang mga maling desisyon na ginawa natin sa buhay. Tandaan natin na tayo’y pinahiram ng buhay ng Panginoon upang maging kawaksi Niya sa pagtulong at maging mabuting ehemplo at tagasunod Niya. Palagian nating ipagpasalamat ang lahat ng biyayang ating tinatamasa sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa ating kapwa. Sundin nating ang Kanyang mga aral at pangalagaan natin ang buhay na kanyang ipinahiram.

ang bawat paaralan sa elementary at sekondarya ay dapat magkaroon ng polisiya na nagbabawal sa panlalamang sa kapwa sa kani-kanilang Student at School Handbooks. Sakop din ng batas na ito ang pagbabawal sa pang-aabuso gamit ang dahas, pananalita, at maging ang makabagong “Cyber Bullying”. Sa mata ng batas na ito, ang bullying ay isang krimen, at oras na mapatunayang ang estudyante ay nagkasala at nang-abuso o nambully, maaaring mapatalsik o mapaloob sa suspensyon, depende kung gaano kalala ang pagkakasala. Ang biktima at ang nambully ay kapwa sasailalim sa counseling at ipatatawag rin ang kani-kanilang

mga magulang. Kapag napatalsik naman ang bully at inulit ito sa nilipatang paaralan, kailangan namang akuin ng nakatataas sa naunang paaralan ang reponsibilidad at kausapin ang namumuno sa kasalukuyang paaralang pinapasukan ng mag-aaral. Magiging maganda ang kalalabasan ng batas na ito sa mga kabataang Pilipino. Sa pamamagitan ng “Anti-Bullying Act of 2013” may karampatang parusa na ang pambubully, at may hustisya na sa loob mismo ng eskwelahan. Ngayon, makahihinga na tayo nang maluwag laban sa bullies, dahil ang mga bullies na ito ay may katapat na rin.

Filipinas paurong o pasulong? Huwag nang magdagdag ng isa pang problema. Inilabas ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) noong Abril 12 ang isang resolusyong naglalayong ibalik ang paggamit ng Filipinas bilang ngalan ng ating bansa. Nais diumano ang hakbang na ito na palaganapin ang opisyal at modernisadong katawagan ng bansa na kumikilala sa kasaysayan at pag-unlad ng pagkabansa nito. Iminungkahi din ng KWF ang pagbabago sa pangalan ng konstitusyon at unti-unting pagbabago sa selyo, letterhead, notepad atbp. Sa website ng KWF mababasa ang artikulo ng tagapangulo nitong si Dr. Virgilio Almario na may pamagat na Patayin ang `Pilipinas’ (Diyaryo Filipino, 1992): Ang Filipinas daw ay ang pangalang ibinigay sa atin nang sinakop tayo ng mga Kastila. Dagdag pa ni Almario: “Sa loob ng nakaraang tatlong siglo ay kilala tayo sa Europa bilang `Filipinas’ at sa ganitong pangalan iprinoklama ang kalayaan ng ating bansa noong 12 Hunyo 1898.” Tunay na pinatototohanan ng mga datos na ito na ang ‘Filipinas’ ang orihinal na pangalan ng ating bansa at ito ang isa sa mga basehan ng KWF kung kaya’t isinusulong nila

ang muling paggamit nito. Isa pang Pagtanaw argumento ng at komisyon ay dapat lang na baguhin na Pananaw ang pangalan ng bansa bunsod ng Jessica T. pagbabagong naganap sa Ortograpiyang Filipino kung saan isa sawalong titik na nadagadag ay ang F. Kung ating pakaiisipin, ibinigay ni Ruy Lopez de Villalobos ang pangalang Filipinas noon bilang pagkilala sa pamumuno ni Haring Felipe ng Espanya at ang pagpapalit nito ni Lope K. Santos sa Pilipinas ay hindi lamang dahil sa walang titik F ang lumang alpabeto kundi ito’y isa ring simbolismo ng paglaya ng Pilipinas mula sa pananakop ng Espanya. Kahit na sabihin pang mayroon ng titik F sa modernong alpabeto, hindi naman dapat na mangahulugan ito na baguhin na ang ating nakagisnan. Kung matamang pagaaralan kakaunti pa rin naman ang mga salitang nagsisimula sa mga bagong titik na ito at karamihan pa sa mga ito ay tuwirang hiniram lamang sa dayuhang wika.

Base sa ginawang sarbey ng programang ‘Umagang Kay Ganda’, 89 porsyento ng mga Pilipino ay tutol sa resolusyong ito at 11 porsyento laAbalajen mang ang may gustong baguhin ang pangalan ng ating bansa. Gayundin ang kinalabasan ng informal na sarbey na isinagawa ng Yahoo. Philipphines sa website nito kung saan kitang-kita ang pag-ayaw ng marami sa panukala na sinoportahan ng datos na siyam na porsyento lamang mula sa 55,000 online respondents ang nagsabing pabor sila na gawing Filipinas ang ngalan ng ating bansa. Huwag sanang magbingi-bingihan ang KWF sa sentimyentong ito ng masang Pilipino, maging ang Pambansang Samahan ng Linggwistika at Literaturang Pilipino ay naghain na ng petisyon upang ipakita ang kanilang pagtutol sa pagbabagong ito sapagkat iginigiit nilang bagama’t may basehan sa kasaysayan ay hindi naman magawa ng komisyong ipaliwanag ang importansya ng hakbang na baguhin ang pangalan ng bansa.

Malinaw na walang magandang maidudulot ang resolusyong ito at bagkus ay lilikha lamang ng malaking kalituhan lalo na sa parte ng mga mag-aaral kung saan lahat ng librong ginagamit sa kasalukuyan ay Pilipinas ang ginagamit na baybay. Noong 1981 ay nagkaroon na ng eksperimento hinggil sa panukalang ito subalit hindi rin naisakatuparan bunga ng ‘di pagsang-ayon ng nakararami. Naniniwala kaming bagama’t maganda ang hangarin ng KWF ay mas marami pang mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ang komisyon. Sa halip na aksayahin ang panahon at salaping gugugulin sa usaping ito ay mas makabubuting pagtuunan ng pansin ng KWF ang pag-iisip ng paraan kung paanong higit pang mapapayabong ang Wikang Filipino at maging daan sa mas maigting na pagmamahal ng mga Pilipino sa wika at lalong higit pa sa ating bayan. Walang mali sa pagsabay sa agos ng pagbabago, hindi rin masamang lingunin ang nakaraan ngunit nararapat lamang na ating mas pagtuunan ang hinaharap at ang pagsulong ng ating bansang Pilipnas.

Respeto lang po

Ang Patnugutan

Tanglaw ng Buhay

7

Itigil na ang pananamantala sa kahinaan ng iba. Patuloy sa pagdami ang bilang ng mga internet users sa buong mundo partikular na ang lumalahok sa mga social networking sites tulad ng facebook at twitter, kasabay nito ang ‘di rin mapigil na paglobo ng kaso ng mga nakakaranas ng tinatawag na cyberbullying. Ayon sa Wikipedia.org ang pagmamaton sa internet o cyberbullying sa Ingles ay nilikha at bibigyang kahulugan ni Bill Besev bilang paggamit ng teknolohiyang pang impormasyon at pangkomunikasyon para suportahan ang sinasadya at paulit-ulit na mapanirang pamamaraan ng isang indibidwal o grupo upang makasakit ng tao. Kinalaunan ang cyberbullying ay itinuring na rin na paggamit ng internet, teleponong selular o iba pa sa paghahatid ng mensahe o larawan na naglalayong manakit o magpahiya ng kapwa. Maaring sa likod nito ay may kasamang pagbabanta, sekswal na nilalaman, nakaiinsultong mga pananalita, panghahamak at pagapapahatid ng mga maling pahayag na magdudulot ng kahihiyan ng isang tao. Maituturing na isang seryosong suliranin ang cyberbullying. Ang mga taong nagtatapang-tapangan at nagkukubli sa likuran ng kanilang mga kompyuter ay nagagawang maka-

panakit at makalikha ng pinsalang moral at emosyunal sa mga napipiling biktima nito. Nakalulungkot isipin na sa halip na maging kasangkapan sa pagpanday ng kaalaman at pagbuo at pagpapatibay ng pakikipag-ugnayan sa kapwa ay nagiging instrumento sa pang-aapi at pang-aabuso ang modernong teknolohiya sa kasalukuyan Walang pinipili ang mga cyberbullies, bilang patunay maging mga pulitiko ay nagiging biktima nito. Noong kasagsagan ng kampanya para sa eleksyon 2013 naging paboritong target ng mga cyberbullies si Senador Nancy Binay kung saan siya ay binatikos dahil sa kulay ng kanyang balat at kawalan ng karanasan sa larangan ng pulitika. Dahil dito, isinulong ni Binay ang panukalang Electronic Violence Against Women (E-VAW) Law of 2013 na layuning mapigilan ang cyberbullying at iba pang klase ng online violence. Nais ng panukalang ito na amyendahan at palawigin ang probisyon ng Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children Act of 2004. Base sa psychological at emotional outcomes ng cyberbulling , dalawa sa bawat siyam na biktima nito ang nagpapatiwakal dahil sa sobrang pananakit nadinanas nito. Samantala, lumalabas din sa pag-aaral na doble ang

bilang ng mga on ay uhaw pa rin babaeng nabibiksa katarungan satima kumpara sa pag-kat wala pang mga lalaki. linaw ang ganap Nakaaana pagpapatupad larma ring maging ng Cyber Crime edad ay wala ng Prevention Act pinipili ang pag- Kristian Paolo Clemente 2012. mamaton sa internet, maging ang Ito sanang batas na ito ang mga bata’y kinakitaan ng pagpabubunot sa tinik sa lalamunan ng pakita ng pagiging malupit at mamga taong nakararanas ng matinrahas sa isa’t isa. Ayon sa pananading trauma sanhi ng mga maton liksik, mas maagang nagpapakita sa internet kung maipapatupad ito nito ang mga batang lalaki kumpara ay ganap na magkakaroon ng ngisa mga babae. pin ang batas upang habulin at pa Bunsod nito ikinampannagutin ang lahat ng nagsasagawa ya ng Philippine Psychiatric Asng anumang uri ng pang-aalipusta sociation (PPA) at Philippine Mensa kapwa. tal Health Association (PMHA) na Totoong ang bawat isa sa isama ng mga paaralan sa kanilang atin ay may kalayaan na magpakurikulum ang anti-bullying cyhayag subalit ang kalayaang ito ay ber program upang maging mulat hindi nagbibigay sa atin ng anuang mga mag-aaral at maiwasan mang karapatan upang abusuhin ang karahasan sa mga social media ang ating kapwa. Natatapos ang sites. ating kalayaan kung saan nagsisi May napakalaking epekto mula ang karapatan ng iba. Nararaang bullying sa isang tao lalo na sa pat lamang na tayo ay maging senkanyang self-esteem o kumpyansitibo at tuwina’y isaalang-alang sa sa kanyang sarili. Tungkulin ng ang damdamin ng ating kapwa. bawat isa na punan ang kakulangan Panahon na upang maging kanyang kapwa ta hindi abusing tayo sa katotohanan. Ibigay suhin ang kahinaan at kapintasan natin ang nararapat na hustisya sa ng iba. mga nakararanas ng ganitong pag Maging ang National Bumamalupit. reau of Investigatin (NBI) ay ami Walang sinuman sa atin nado na parami nang parami ang ang perpekto, kaya’t wala tayong mga kabataang nakararanas ng karapatang husgahan at tapakan paglabag at pang-aapak sa kanilang ang pagkatao ng iba. pagkatao subalit hanggang ngay-

Tilamsik

Susi sa Kaunlaran o Simula ng Korapsyon? Nakalusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Mababang Kapulunagn sa botong 185-12 ang House Bill 2849 o panukalang ipagpaliban ang Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa 2016. Mariing tinuligsa ni Kabataan Party List Rep. Terry Ridon ang diumano’y mabilisang pagpapasa ng HB 2849 na naniniwalang ang batas na ito ay ‘di lamang ukol sa pagpapaliban ng SK Elections kundi patungo na rin sa tuluyang abolisyon ng SK. Sa gitna ng mga hakbang na nagsusulong sa pagbura ng SK sa sistema ng ating pulitika bunsod ng isyu ng korapsyon at political dynasty, naniniwala ba kayong dapat nang buwagin ang Sngguniang Kabataan? • Oo, dahil parang nagiging ‘training ground’ lang ito ng mga kurakot sa hinaharap. --Joberty Rivera (7-Sampaguita)

• Hindi, sapagkat habang batapa dapat ay matuto nang maging responsable at tapat sa kanyang bayan. --Brian dela Torre (8-Diamond) • Hindi, sapagkat kung bubuwagin ang SK mawawalan ng representasyon ang kabataan sa pamahalaan. --Kay Ann Cailipan (8-Diamond) • Dapat lang dahil ang perang dapat ay sa bayan ay nailalaan nila para sa sariling kagustuhan. --Angelica Pangan (III-Gold) • Sang-ayon ako sa pagbuwag, naniniwala ako na hindi pa sapat ang kanilang kaalaman at ang kanilang kahinaan ay maaaring maabuso nang ibang nanunungkulan. --Cristine Cruz (III-Copper) • Oo, dahil political dynasty ang kinalalabasan ng mga naluluklok dito. --Billy Lucas (Del Pilar)


8 Kahanga-hangang lalawigan Oktubre - Disyembre 2013

Agham at Teknolohiya

Dito po sa amin… sa Bu Ni Jonathan N. delos Santos

Taas noo Bulakenyo! Saan man mapadpad ay buong pagmamalaki nating ibinabandila ang dugo at kabayanihang nananalaytay sa ating ugat bilang mga Bulakenyo. Sa ating masaganang lalawigang pinanday ng kasaysayan at kabayanihan ay utang natin ang makukulay at magagandang katangian, kultura at kaugaliang magpahanggang ngayon ay ating isinasabuhay. Tunay na napakarami nating ipagkakapuri bilang mga Bulakenyo, ang ating lalawiga’y nakahanay hindi lamang sa mga primera klaseng lalawigan sa Gitnang Luzon kundi maging sa buong bansa.Patunay dito ang patuloy na pagsigla at pag-angat ng turismo dala ng halinang taglay nito. Halina’t ating ipagsigawan kung bakit sadyang kahanga-hanga ang ating mahal na lalawigan. Tuloy po kayo…Dito po sa amin sa Bulacan!

Kahanga-hangang kasaysayan Naging matibay na moog ng talong republikang nagbigay-daan sa ganap na kalayaan ng bansa – Republika ng Real de Kakarong, Republika ng Biak na Bato, at ang kauna-unahang republikang naitatag sa buong Asya ang Republika ng Malolos.

Kahanga-ha Bulakenyo

Naging duyan at tahanan ng mga ipinagb tulad nina Francisco Baltazar (Balagtas), Mariano Marcelo H. Del Pilar.

Kahanga-hangang mg

Lalawigang sinilan Emilio Aguinaldo na “In kasama ang iba pang katipu dito ginamot at inalagaan Hindi rin matata Malolos na nagsulong at ip edukasyon noong panaho

“ Walang gamot sa katangahan prevention lang ---- ‘wag umibig <3 “ Ramon Bautista Kung mala Sharon Cuneta ang drama mo sa buhay at pakiramdam mo ay pasan mo ang daigdig, ‘eto na ang libro para sayo! Wasak na puso. Hirap magmove-on. Break-ups. LDR ( Long Distance Relationship ). Bagsak na grado. NBSB ( No boyfriend since birth ). Na friendzone (na – basted). Tinatamad mag-aral. Alin man sa mga ito ang pinagdaraanan mo, isa lang ang sagot ni Ramon Bautista

sa iyo…90% ng problema mo ay imbento lang. Sa kabuuan ang librong ito ay kalipunan ng mga katanungan ng mga taga-hanga ni Ramon sa kanyang programa sa radyo. Ito ay puno ng tatatawanan at kalokohan pero astig na astig sa dahilang tumatawa ka pero alam mong may punto at laman ang sinasabi nya. Kung baga eh sapul ka talaga! Pamagat pa lang nito may dating na at taglay na karisma “Bakit hindi ka crush ng crush mo?” Isang tanong na halos tayo ay naibulalas sa ating sarili. Inisa-isa ni monRa ang mga kasagutan nya rito at nakasisiguro ako na isa sa sampung posibleng dahilan na ito ay swak sayo. Napakagaan basahin ng libro na may 136 na pahina lamang at may mga super cool na litrato pa ni Ramon. Kayang-kaya mong tapusin sa isang upuan lang at hindi mo mamamalayan nasaid mo na pala ang libro hanggang sa huling pahina nito. Siguro dahil na rin sa maiuugnay mo yung mga nilalaman nito sa mga personal na karanasan mo sa pakikibaka sa buhay, sobrang makatototahan ng mga ideya ni Ramon, gayundin ng mga tanong dito. Narito ang ilang linyang hango sa libro na talaga namang ang lakas ng dating: • Hindi ako naniniwala sa fate, destiny at soulmates. Ang mundo ay binubuo ng pangyayayaring random na kaganapan. Bahala ka sa buhay mo.” • Pagbata ka masyado kang madrama. Pagtanda mo saka mo ma-rirealize na ang corny mo. “ • Hangga’t hindi siya nag-a-aylabyu ‘wag bigyan ng malisya, ok ?” • Wala akong payo sa mga tamad mag-aral kundi pananakot na magiging taong grasa ka ‘pag hindi ka nagsipag.” Patikim pa lamang ito sa sangkatutak na ideya ni Ramon sa mga kalbaryo natin sa buhay sabi nga niya kailangan mo ang aklat na ito sa buhay mo pagkatapos mong matugunan ang food, clothing, security at bago ka umibig at para maabot ang self-actualization. Basahin mo na , bago ka mapag-iwanan ng mga katropa.

Tasty!...Sweet!...Divine! Pamilyar ka ba sa mga katag oo, siguradong nakapaglaro ka Candy Crush Saga. Bago pa ta sa sobrang katamisan ay na mga bagay tungkol sa Candy Kilala mo ba si Tiffi at Mr. To Tiffi- Siya ang cute blonde na babae na lagi nating ang pangunahing karakter sa Mr. Toffee- Ang lalak kahel na buhok na laging yu sa kanyang labis na katangk nagsisilbing gabay sa mga n lamang maglaro ng Candy Cr Trending na talaga sa ang larong ito. Sa katun Disyembre 2012 ay umabot milyon ang users ng patok usapang ito. At nitong Hulyo 2 nasa 6.7 milyon ang users a $633,000 kada araw. Ang larong ito orihinal na nilikha para sa mga facebook users. Noong nakaraang Disyembre ay umabot sa 43 milyon ang likes


Lathalain

ulacan

Oktubre - Disyembre 2013

9

Kahanga-hangang kultura’t tradisyon Karaniwan ng atraksyon sa mga turista ang pagluhod ng kalabaw sa Pulilan tuwing pista. Dinarayo rin ng mga namamanata ang Pista ng Obando dahil sa tanyag nitong “fertility dance”. Kung Semana Santa ay dagsa rin ang mga turista sa Prusisyon sa Baliwag, Divine Mercy Church sa Marilao, Grotto sa San Jose del Monte at pinitensya’t senakulo sa Paombong.Idagdag mo pa ang makukulay na pagdaraos ng kapistahan ng 24 na bayang dito’y matatagpuan.

Kahanga-hangang tanawin

Mula sa ingay at hapit ng syudad ay tiyak na makapagrerelaks ka sa ganda ng tanawing mamalas sa mga bayan ng Bulacan. Maaari kang magnature tripping sa Doňa Remedios Trinidad at San Ildefonso, Trekking sa San Miguel, Cruising sa Calumpit, Dam Dipping sa Bustos at Dam Viewing sa Norzagaray.

angang

bubunying bayani ng bayan Ponce, Gregorio del Pilar at

mga kabababaihan

ngan ni Trinidad Tecson na tinagurian ni Hen. na ng Biak na Bato” dahil sa kanyang pakikibaka punero laban sa mga mapaniil na mga Kastila. Bukod din niya ang mga sugatang kawal na Pilipino. awaran ang determinasyon ng 20 kababaihan ng pinaglaban ang kanilang karapatang magkaroon ng on ng Kastila.

Kahanga-hangang Produkto Narito ang ilan sa mga ipinagmamalaking pagkain ng lalawigan ng Bulacan ; hamong Bulakenyo, serkele, pastillas de leche, empanada de kaliskis, ensaymadang Malolos, chicharon at atsarang dampalit.

Matamis na Usapan

Ni Kimberly Sushmitra G. Samiappan

gang ito? Kung a na ng sikat na ayo langgamin arito ang ilang Crush. offee? e na cute na g nakikita. Siya larong ito. king my kulay umuyuko dahil karan. Siya ang nagsisimula pa rush. buong mundo nayan noong t sa sampung k na patok na 2013 tinatayang at kumikita ng ay

nito. Tinagurian din itong “Most Popular App” at “ Highest Grossing App” ng Appe at Google. Sadyang marami na ang nahuhumaling sa paglalaro nito mapabata man o matanda may panghalina ang candy crush na sadyang mahirap iwasan. Maging sa oras ng pagkain ay sumasala at sa gabi nama’y nagpupuyat makarating lamang sa mas mataas na lebel ng laro. Ngunit hindi natin dapat kalimutan na mahalaga ang ating kalusugan at dapat nating isaalangalang ito. Habang naglalaro ay magkaroon tayo ng disiplina para like na like. Ang Candy Crush… isang napakatamis na laro pero hindi nakakacavity. Kahit gaano tayo nasisiyahan sa paglalaro nito tandaan natin na lahat ng labis ay nakasasama, hinay-hinay lang nang hindi tayo langgamin!

“Kamusta crush mo? Ni Jonathan N. delos Santos

Pinag-usapan, hinangaan at kumurot sa puso ng marami ang pinakabagong komersyal ng isang sikat na fast food chain hindi dahil sa tanyag na artista ang gumanap dito kundi dahil sa nagtatampok ito sa isang ‘special child’. Si ‘kuya’ o si Paolo Pingol ay 21 anyos na may Down Syndrome (DS). Mula sa Pasig, ipinanganak siya noong 1991, ayon sa mga magulang niyang sina Dr. Romel at Gng. Oyie Pingol habang lumalaki si Paolo ay unti-unti nilang napuna ang mga sintomas na may DS ang anak. Pinalaki nila si Paolo nang buong pagmamahal at sinigurong maibibigay ang lahat lalo na ang mga espesyal n a pangangailangan niya. Sa tunay na buhay ay kuya rin si Paolo sa bunsong kapatid na si Miguel. Batay sa programang Jessica Soho, si Miguel bagama’t bata ng limang taon kay Paolo ay tumatayong gabay at tagapag-alaga na rin ng nakatatandang kapatid. Kasalukuyang nasa kinder II pa lang si Paolo, marunong na rin siyang magsulat at magbasa. Pangarap din niyang maging pari para makatulong sa lahat ng tao. Mayroon siyang tutor, isang Special Education ( SPED ) teacher na nagtuturo sa kanya ng paraan ng pag-aalaga sa sarili at mga gawaing-bahay tulad ng pagluluto, paghuhugas ng pinggan at pagliligpit/ pagpapalit ng mga punda ng unan at kobre kama. Mapalad si Paolo hindi lang dahil sa isinilang siya sa nakaririwasang pamilya kundi lalo’t higit dahil sa isinilang siya sa isang pamilya na hindi siya itinatago at ikinahihiya bagkus ay ibinibigay sa kanya ang buong suporta upang makamit ang mga

pangarap niya sa buhay. Dahil sa likas na hilig sa pagsayaw at pag-arte hindi nagatubili ang mga magulang ni Paolo na isali siya nang mabalitaang may audition para sa isang komersyal na magtatampok ng isang special child. At dahil sa talagang bibo , sa dinamidami ng nag-audition ay lumutang ang galing ni Kuya Paolo. Inihanda na umano ng direktor at mga ka-trabaho ni Paolo ang mahaba nilang pasensya sapagkat inaasahan nila na hindi magiging madali ang pagbuo ng komersyal. Ngunit laking gulat nila dahil hindi sila nahirapan, napakanatural at talagang bibongbibo raw si kuya Paolo. Bilang mga magulang naman , una pa lang daw nilang nakita sa monitor ang anak ay napaluha na sina Dr. Romel at Gng. Oyie dahil sa labis na kaligayahan at sobrang ipinagmamalaki nila ang anak. Sino nga ba sa atin ang hindi naantig sa komersyal

na ito? Isang kapatid na naglaan ng panahon upang maka-bonding ang kanyang kuyang may Down Syndrome. Isang kapatid na hindi itinuring na kakaiba ang kondisyon ng kanyang kuya at maluwag na ini-oopen dito pati kanyang buhay pag-ibig. Isang kapatid na hindi nagalinlangang ipakita sa mundo na ‘siya’ ang kuya ko... Isang lantad na salamin ang komersyal na ito sa kaugalian nating mga Pilipino, ang pagkakaroon ng mahigpit na taling nagbibigkis sa magkakapamilya anumang sitwasyon at anumang kondisyon. May dahilan na naman tayo upang taas noong ipagbunyi ang ating pagkaPilipino. Oh... “Smile ka din...” Oooops... “Konti lang...”


10

Lathalain

Oktubre - Disyembre 2013

Ni Kimberly Sushmitra G. Samiappan Kung walang takot haharapin ng bawat isa ang hadlang at kabiguan, sa likod ng bawat pangarap ay may naghihintay na tagumpay. Pinagtibay si G. Mendoza ng maraming pagsubok ng panahon. Pinaghugutan niya ng lakas ng loob at nagsilbing inspirasyon ang kanyang pinakamamahal na ina na si Lourdes Nuñez-Juliano. Nagsumikap siyang mag-aral dahil batid niyang ang edukasyon ang magsisilbing sandigan niya sa buhay. Napatunayan ni G. Edgardo J. Mendoza na ang buhay ay hindi lamang sa magagandang bagay kundi mas madalas ang mapapait na sandali. Ang pagkasawi sa paghahangad na maging isang doktor ang nagtulak sa kanya upang kumuha ng kursong Bachelor of Arts Major in English. Natapos nya ang kursong ito noong 1973 sa Far Eastern University. Bagama’t hindi ang pagiging guro ang kanyang unang naging hangarin, walang anumang pinagsisisihan si G. Mendoza sa kanyang propesyon. Ang pagsunod sa yapak ng tiyahing nagpa-aral sa kanya ang dahilan kung bakit siya naging guro. Sa kanyang pananaw ang daan tungo sa edukasyon ay mahaba at ang paglalakbay sa landasing ito ay lipos ng mga pagsubok na hindi lamang magpapatatag sa iyo kundi huhubog sa iyong buong pagkatao upang maging mas mabuting indibidwal. Ang mahabang panahong ginugol sa pagsisikap na maging isang mahusay at ulirang guro ay nagbunga ‘di kalaunan, makalipas ang 15 taong pagiging guro at anim na taong pagiging Officer-in-Charge naging isa siyang ganap na punong-guro. Una siyang naglingkod bilang punongguro sa Iba National High School noong 1994. Gumuhit ang walang kaparang kasiyahan kay G. Mendoza ‘pagkat ang lahat ng sarkripisyo at hirap nang pagsabayin ang pag-aaral at pagtuturo ay nasuklian na. Nagsimula ang pagsubaybay at pamamahala niya bilang punong-guro sa Felizardo C. Lipana National High School taong 2005. Kasabay ng paglilingkod niya sa ating mahal na paaralan ang

Isa ang matibay na pananampalataya at pananalig sa Diyos sa mga nagpapatatag sa ating mga Pilipino. Ngayon, muli tayong nagkaroon ng dahilan upang magbunyi at magdiwang matapos ihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na isa na namang Pilipino ang maaaring sumunod sa yapak nina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod. Nitong darating na ika-13 ng Oktubre ay ganap na idedeklarang Beato ang Franciscan Capuchin na si Padre Jose Maria de Manila. Ang kanyang Beatipikasyon ay pangungunahan ni Cardinal Angelo Amato , Prefect of the Congregation of Causes na gaganapin sa Tarragona, Spain. Isinilang siyang si Eugenio Saz-Orozco noong Setyembre 5,1880 ngunit ginamit ang pangalang Padre Jose Maria de Manila noong naging ganap na lingkodsimbahan. Bagama’t ang kanyang mga magulang na sina Don Eugenio Saz-Orozco, naging alkalde ng Maynila, at Donya Feliza Mortera Y Camacho ay kapwa kastila, lahat ng kanyang tala, maging ang kanyang talambuhay mula sa Espanya ay nagsasabi ng isa siyang ‘Natural de Manila’. Nakapg-aral siya sa Ateneo de Manila, San Juan de Letran at Unibersidad ng Sto. Tomas. Nanirahan siya ng 16 na taon sa Pilipinas bago nagtungo sa Espanya upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Sa kabila ng pagtutol ng kanyang mga magulang, ipinagpatuloy ni Padre Jose ang kanyang pagnanais na makapaglingkod sa Diyos. Ika-30 ng Nobyembre 1910 nang maordinahan siya bilang pari sa Lecaroz (Navarra, Spain). Sa panahon ng kanyang pananatili sa Espanya, Ni Jonathan N. delo Santos nanatili pa rin umano ang pagkaPilipino sa puso ni Padre Jose de Maria at ang kanyang hangaring makabalik sa Pilipinas at maglingkod sa ating simbahan. Ngunit noong 1930’s ay tumindi ang religious persecution sa Espanya, kabilang siya sa 500 martir na pinatay sa hardin ng Cuartel de la Montana sa Madrid noong Agosto 17, 1936. Dahil ang kanyang pagkamatay ay bunga ng ‘Odium Fidei’ (out of hatred of faith) hindi na kinakailangan ng kanyang himala upang siya ay hiranging beato. Gayunpaman, para sa kanyang canonization ay kinakailangan ang himalang magmumula sa kanya upang maging ganap siyang santo. Sabay-sabay nating ipanalangin ang intersesyon ni Padre Jose Maria de Manila at nawa’y tulad nina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod ay mahirang siya at maging ikatlong santong Pilipino.

pagsulong at pagkakahanay ng paaralan sa linya ng mga mahuhusay na paaralan sa buong lalawigan. Bunga ng kanyang pamamatnubay at determinasyong makilala ang FCLNHS hindi lamang sa lalawigan ng Bulacan kundi sa buong bansa binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paglahok sa mga paligsahang pangakademiko at isports. Binigyan niya ng 100% suporta hindi lamang ang mga mag-aaaral na lumalahok sa kompetisyon kundi maging ang mga gurong tagapagsanay ng mga ito. Hindi rin matatawaran ang kanyang naiambag sa pagpapaunlad ng mga pasilidad at imprastraktura sa paaralan. Sa loob nang mahigit walaong taon ng pagiging ama ng ating paaralan ay tunay na napakalaki ng kanyang naiambag dito. Hindi magiging madali para kay G. Mendoza na iwan ang paaralang naging tahanan niya sa loob ng walong taon, tahanang lubos nang napamahal sa kanya. Gayunman, masaya siyang bago niya ganap na lisanin ito ay baon niya hindi lamang ang masasayang alaalang nabuo dito kundi lalong higit pa ang karangalang sa ilalim ng kanyang pamamahala ay nagdulot siya ng napakalaking pagbabagong nagbigay-daan sa pagyabong at patuloy na pamamamayagpag ng paaralan. Sapagkat napamahal na sa kanya ang pagtuturo, binabalak niyang ipagpatuloy pa rin ito kapag siya’y nagretiro na bilang punong guro. Plano niyang maging isang part-time na propesor sa kolehiyo at magturo ng Ingles o dili kaya’y Psychology. Bukod dito binabalak din niyang magtayo ng isang munting tindahan katuwang ang kanyang butihing maybahay na si Gng. Dominga B. Mendoza. Nakikita rin niya ang sariling masayang ginugugol ang pagreretiro sa pagaalaga ng mga apo. Anumang landasin ang kanyang tahakin, matapos ang kanyang paglilingkod sa atiing paaralan, isang bagay lang ang may kasiguruhan…ito ay ang kanyang tagumpay sapagkat likas sa kanya ang katatagan at determinasyon, mga katangiang nagsilbing katig niya sa maalong dagat ng buhay. Sa bawat hakbang po ninyo G. Mendoza, kami’y nasa inyong likuran. Kami po’y saludo sa inyo , ika’y aming ikinararangal at tinitingalang inspirasyon ng lahat ng magaaral. G. Edgardo J. Mendoza, isang mapagmahal na anak, ulirang ama, mabuting kapatid, tapat na kaibigan, dakilang guro at lider…maraming maraming salamat po sa walong taong taos-pusong paglilingkod.

Inang Ni Janice A. Atenas

Sa mga panahong lungkot ay dumadalaw, itong kaluluwa’y hinahanap ikaw. Ikaw na sa t’wina’y tumatanglaw sa bawat landasing aking tinatanaw. Hirap na binata’y ‘di basta-basta, mula pa lamang ng dalhin sa sinapupunan niya. Sa lahat ng pagtitiis at sarkripisyo mo ina, ni kaunting daing ay ‘di naringgan ka. Pinagbuklod ng luha, pinagtibay ng saya, sa balang tahakin ko’y nariyan ka. Ikaw ang sandigan tuwing may sigwa, walang ‘di malalampasan ‘pagkat katuwang ka. Mga aral na ipinunla, sa aki’y nakatimo, Laging dadalhin, mananatili sa ‘king puso. Saan man ang marating ay ‘di magpapalalo, ‘pagkat iya’y iyong bilin at aking pangako. Walang salitang makasasapat at makapupuno, sa nag-uumapaw na pasasalamat mula sa ‘king puso. Lahat ng nakamtan sa iyo’y pagkakautang, kaya’t habambuhay kitang mamahalin Inang…


Lathalain

Oktubre - Disyembre 2013

11

Suring Pelikula

THY WOMB Ni Cim de Lima

Sa pusod ng Bulacan ay matatagpuan ang bayan ng Guiguinto. Maraming paniniwalaang pinagmulan ang ngalan ng bayang ito, sa katunayan, may tatlong bersyong pinanghahawakan ang mga Guiguintenyo ukol sa pinagmulan ng bayang sa ngayon ay isa na sa mauunlad sa Bulacan. Ang unang bersyon ay may kinalaman sa mga mananakop na Kastila. Noon raw unang panahon na kararating pa lamang ng mga Kastila sa kapuluan ay maraming mga naglalakbay na paring Agustino mula Timog patungong Hilagang Luzon. Dahil sa ang paraan ng tranportasyon noon ay sa pamamagitan ng isang sasakyang hinihila ng kabayo, tuwing sumasapit ang mga manlalakbay sa tapat ng lugar na kinatatayuan ngayon ng simbahan ay sumisigaw sila ng “Hinto!’, “Hinto!” dahil sila ay nakarating na sa ilog kung saan kailangan nila itong bagtasin dahil sila ay di makakatawid gamit ang kabayo. Dahil na rin sa hirap ang mga kastila na bigkasin ang salitang ‘hinto’ ay pinalitan nila ang unang pantig ng ‘gui’. Buhat noon nagging palasak na tawag na sa lugar na ito ang Hihinto na ‘di kalauna’y naging ‘Guiguinto.’ Ang ikalawang bersyon ay patungkol naman sa isang ginintuang baka. Ayon sa alamat, tuwing kabilugan ng buwan sa isang bahagi ng ilog sa bayan ng Guiguinto ay may isang nagniningning at nag-aapoy na baka na humihinto at umiinom sa ilog. Sinasabing mula ito sa simbahan at lumalabas lamang sa ilog upang uminom. Pinaniniwalaang kaya ito lumalabas upang ipahiwatig sa mga tao na may nakabaong ginto sa bayan. Dahil sa malagintong ningning ng baka at paulit-ulit na pagkapakita nito, ang bayan ay tinawag na ginto at nang nagtagal ay naging Guiguinto. Ang huling bersyon ay may kaugnayan sa katangiang pisikal ng bayan ng Guiguinto. Dahil sa kagandahan ng lupa at klima sa lugar na ito ay madaling nabubuhay ang kahit anong uri ng halaman na itinatanim. Bunga nito, napapalibutan ng bukirin ang bayang ito na naging kulay ginto lalo na sa panahon ng tag-araw kung kailan malapit na ang anihan. Ang ginintuang palay na nakapaligid sa buong bayan ay naging dahilan upang tawagin itong Guiguinto.

Sinirang kalikasan , apektado ang tanan, lupit na kabayaran, ngayo,y nararanasan. ( Kalikasan ) Ni Rina Litte A. Ang

Binatang nanunuyo, minsa’y natutuliro, pag-ibig ay ‘di biro maton ma’y ginugupo. ( Panliligaw ) Ni Jonathan N. delo Santos

TANAGA Kung pag-ibig ay tunay, walang ‘di iaalay. Sa bayan maging buhay, Handang-handang ibigay. ( Kabayanihan ) Ni Rina Litte A. Ang

Kung ‘di ka gahaman, bakit pera ng bayan, ibinulsa mo lamang? Kawawang sambayanan... ( Korap ) Ni Rina Litte A. Ang

Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig ? Paano kung ang tanging makapagpapaligaya sa taong mahal mo ay iba ang makapagbibigay? Muling pinatunayan ng superstar na si Nora Aunor at 2009 Cannes Best Director awardee na si Brillante Mendoza sa buong mundo na may mga bituing walang kapara matapos masungkit ng Thy Womb ang limang major awards mula sa 2012 Metro Manila Film Festival ( MMFF ) kabilang na ang Best Director, Best Actress at Best Original Story. Namayagpag din ito sa nakaraang Venice International Film at nabigyan ng limang minutong standing obation. Sa pagkabubukas pa lamang ng Thy Womb binusog na ni Brillantes ang mata ng mga manonood sa taglay na ganda ng Tawi-Tawi sa Southern Mindanao. Sumentro ang pelikula kay Shaleha (Nora), isang Badjao na kumadrona at sa kanyang asawa na si Bangas-An (Bembol Roco) isang ordinaryong mag-asawa. Maliban sa pagpapaanak, katuwang din siya ng asawa sa pangingisda, paghahabi ng banig, at mga gawaing bahay --isang perpektong asawa maliban sa masakit na kapalarang hindi nito mabigyan ng anak ang asawa. Dito umikot ang mga hapis at pighati ni Shalela . Dahil sa labis na pagmamahal kay Bangas-An pinilit niya itong masolusyunan hanggang sa umabot sa puntong siya mismo ang naghanap ng pangalawang asawa (legal ito sa mga Badjao) para kay Bangas-An na makapagbibigay dito ng anak.

Marahang dadalhin ka ng pelikula sa mayamang kultura, kaugalian at tradisyon ng mga Badjao. Ipinakikita rito ang mga makukulay na ritwal, kasalan, pistahan maging ang pang-araw-araw na buhay ng mga Badjao ay matagumpay na naikwadro ni Direk Mendoza. Hindi niya ikinubli ang malalim na paghanga sa kaliksan at kultura. Madarama mo sa pelikula ang koneksyon ng dagat sa mga Badjao. Kung saan ang dagat ang naging simbolismo ng Thy Womb,. Isang babaeng labis ang kagustuhang magkaanak upang ibalik ang kanyang buhay. Iyon ang dagat, si Shalela at ang dagat ay iisa. Sa likod ng naglalakihang kapistahan at makukulay na seremonya ay ang kwento ng isang maynbahay na binulag ng kanyang debosyon na gampanan ang kanyang tungkulin sa lipunan at asawa. Ginampanam ni Nora ang karakter na ito malayo sa karaniwang drama sa mga pelikula. Walang sigawan. Walang sampalan. Walang panunumbat. Sa halip ay matagumpay nyang naipakita ang lahat ng sakit sa pamamagitan ng pananahimik at pagiging sunudsunuran hanggang sa huli. Isiniwalat ng pelikula ang mga ‘di maibulalas na sigaw at sakit ng damdamin, mga luhang ‘di tumutulo bagkus ay nanunuot sa kaluluwa. ‘Yan ang husay ni Nora Aunor sa gabay ni Direk Mendoza. Tunay na walang salitang sasapat upang mailarawan ko ang aking nadarama matapos panoorin ang pelikula.

Malawakang pagbaha, kanino nga bang sala? Di ba’t sa ‘tin ding gawa, kalikasa’y napinsala. ( Kalamidad ) Ni Jonathan N. delo Santos

Tulog…tulog din ‘pag may taym! Ni Kimberly Sushmitra G. Samiappan

Mahina ba ang iyong resistensya at madalas pakiramdam mo’y nanlalata ka? Ayon sa pagaaral ng mga eksperto , isa sa pinakamabisang paraan upang mapanatiling malakas ang ating pangangatawan at makaiwas sa pagkakasakit ay ang pagkakaroon ng sapat na tulog sa gabi. Narito ang mahahalagang impormasyong dapat mong malaman ukol sa pagtulog. 1. Ang tulog mula 11 pm hanggang 3 am ay napakahalaga. Ito ang panahon na naghihilom ang ating atay at buong katawan.

Lab ko ‘to! Tikman mo...

Panalo sa lasa’t sustansya, swak na swak pa sa bulsa

Rellenong Gulay Mga Sangkap

3. Tama ang sabi ng matatanda, dapat ay maagang matulog para maaga ring magising. Bukod sa mabuti ito sa ating pangangatawan, ito ang gawain ng mga taong masisipag at umaasenso sa buhay.

2 kutsarang mantika 2 sibuyas, tinatadtad 50g hipon 1 sayote 100g petsay 50g sitaw 2 kutsarang oyster sauce 50g toge gata (opsyonal)

4. Kung talagang hindi makukumpleto ang walong oras na pagtulog sa gabi, sikaping makapagsiyesta sa tanghali o hapon upang mapunan ang kakulangan sa oras ng pahinga.

Paraan ng Pagluluto

2. Sikaping mahusto ang tulog ng walong oras bawat araw mula 10 pm hanggang 6 am. Bagama’t marami sa atin ang kayang matulog ng limang oras lamang higit na mainam kung mahuhusto ang tulog nating ng walong oras. Kung hirap gumawa ng tulog at hindi pa inaantok, ang paghiga sa kama at pagpapahinga ay malaking tulong din upang marelaks ang katawan mula sa maghapong gawain.

5. Huwag labanan ang antok, kapg nararamdaman mong inaantok ka na ay agad nang matulog. Ang pagka-antok ay senyales na gusto nang magpahinga ng ating katawan. Huwag nating ipagwalang-bahala ito at ibigay sa ating katawan ang kinakailangan na pahinga. 6. Lahat ng labis ay nakasasama kaya huwag ding lalampas sa walong oras ang pagtulog. May pagsusuri na masama rin ang sobrang tulog at tiyak hindi rin magiging maganda ang pakiramdam mo kapag galing ka sa sobrang tulog, karaniwan na ito’y nagdudulot ng pananakit ng ulo. 7. Ibigay ang tulog ayon sa pangangailangan ng iyong edad. Kapag wala pang 20 taong gulang ay maaari pa ang siyam hanggang 10 oras na pagtulog. Kapag tumuntong na sa 30 hanggang 40 taong gulang ay mas maikli na ang tulog sa 7-8 oras. Kapag naman lampas na sa edad 60 ay sumasapat na ang 6 na oras ng pagtulog. 8. Tunay na lubhang mahalaga para sa ating kalusugan ang pagtulog, nakapagbibigay ito ng lakas at sigla na kinakailangan ng ating katawan upang magampanan ang pang-araw-araw na mga gawain natin. Ugaliin natin ang tamang oras ng pagtulog upang mapanatili ang magandang pangangatawan. Halaw sa akoaypilipino.com

1.

Igisa ang bawang at sibuyas. Isangkutsa ang hipon. Ihaloang hiniwang sayote, tangkay ng petsay, sitaw, toge, at oyster sauce. Bahagyang lutuin. 2. Ihanda ang dahon ng petsay. Ilubog ito sa mainit na tubig, punasan at patuyuin. 3. Ilagay ang ginisang gulay sa bawat dahon at balutin ito. Lutuin ang pinalamanang petsay gamit ang alin man sa sumusunod na paraan: 1. Sa isang kawali, i-steam ito gamit ang konting oyster sauce at tubig. 2. Pakuluan sa gata ang pinalamanang petsay hanggang sa maluto. 3. Iprito hanggang sa maluto.


12

Lathalain

Oktubre - Disyembre 2013

Lahok na nagkamit ng ikalimang pwesto sa DSPC

Sisidlan Ni Jonathan N. delos Santos

Mabilis na nilamon ang mumunti kong pangarap ng nakapapasong init sa aking balat kasabay ng malakas na pagliyab ng mapagsamantalang magnanakaw , tila hahamakin ang lahat mapuno lamang ang kanilang sisidlan. Dali-dali kong kinain ang aking agahang pinulot ko mula sa basurahan, at nagtira nang kaunti para sa nanlulumo kong ina. Sinimulan kong bagtasin ang daan tungo sa aming silid-aralan. Dahang-dahang nangilid ang aking mga luha sa pagkaawa sa luray-luray, madumi … at hindi kagandahan nitong kapaligiran …‘di ko kayang punan ang pagkauhaw ng mga batang nais mag-aral. Ginintuang puso ang na-

ngingibabaw, may nakataling ngiti sa kanyang mga labi habang siya’y boluntaryong nagtuturo sa amin , “Hindi ko hangad ang mabilis na pag-unlad,” mga katagang malimit nyang bitawan sa amin. Unti-unting lumubog ang araw sa kanyang kanlungan, kaalinsabay ng malaking dilim sa kalangitan. Ang gabi ay hindi lamang sa mga bituin, ito’y para rin sa amin na nakikipagsapalaran sa bangis ng lansangan. Kung minsa’y nasa harapan ng mamahaling mga kainan, naghihintay na mamantikaan ang aming mga labi at masayaran ng masasarap na pagkain ang aming nananabik na mga sikmura. Madalas kaming nakikipaghabulan sa mabibilis at

Lusak

Ni Jonathan N. delos Santos Sa malakas na pag-ihip ng malamig na hangin, kasabay ng ingay ng mga naghihiyawang sasakyan, ako’y napabalikwas sa malakas na ugong ng pagkalam ng aking sikmura na animo’y nagmamakaawang malamnan.s Basa pa rin ang butas-butas kong damit dahil sa patak ng ulan kagabi na tumulo mula sa luray at kinakalawang na yero kagabi. Gayunpaman, pinilit ko ko pa ring magbangon mula sa aking matigas na higaan upang makipagsapalaran sa matinik na lansangan. Dali-daling binagtas ng aking mga paa ang daan tungo sa simbahan upang mangalabit , ilahad ang marurumi kong mga palad at sabihing “kaunting barya lang po..” para sa aking bibig na sabik masayaran at makalunok ng masasarap na pagkain. Kung minsan ako’y matatagpuan sa mga intersection, kumakatok sa malalabong salamin ng mga sasakyan…’di alintana ang init at peligrong nakaamba sa akin. Mula sa isang magarang sasakyan ay sumungaw ang isang maamong mukha, may nakapakong ngiti sa kanyang mga labo habang iniaabot sa akin ang isang maliit na supot. “Pagkain ba ito?..pagkain nga!” Dali-daling binuksan ng aking sabik na mga daliri ang supot ngunit bago pa sumayad ang iniingatang yaman sa aking mga labi ay biglang tumalsik ang aking katawan mula sa aking kinata-

tayuan. Nabitiwan ko ang supot, sumambulat ang laman nito sa kalsada, maya-maya pa’y humalo dito ang umagos na dugo mula sa aking ulo…pinilit kong bumangon…subalit nilamon ng kadiliman ang aking paligid… matagal. Sa muling pagmulat na aking mga mata, ako’y nasa malambot na higaan. Naririnig ko ang halakhakan ng mga kabataan sa ‘di kalayuan. Matapos ang aksidente, dahil sa walang anumang pagkakakilanlan ay kinupkop ako ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Napag-alaman kong isa ako sa 1.5 milyong kabataang palaboy na kanilang sinisikap na matulungan. Ngayon ay nais ko nang muling makita ang aking pamilya. Maraming pangamba at katanungan sa aking isipan, kung maayos ba ang kalagayan nila?Kumakalam pa rin ba ang mga sikmura nila? Naulinigan ko sa usapan ng ilang volunteer workers ng DSWD ang Food for Filipinos First Act na isinulong ng kinatawan ng Cagayan na si Jackie Enrile. Nabuo ang tanong sa aking isipan, matutugunan kaya nito ang hinaing n gaming mga tiyan? Sa malakas na pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin, kasabay ang pagpipilit na maiahon ang sarili sa kumunoy ng kahirapan, narinig ko ang na daing ng aking sikmurang naghuhum i y a w na magk a r o o n ng kahit kaunting laman.

magagarang sasakyan upang makabenta ng mahahalimuyak ng mga bulaklak…ang pakikipagpatintero sa lansangan ay bahagi ng araw-araw naming pakikipagsapalaran. Pinipilit kong bumangon sa pagkakalugmok sa lusak, kami’y naghihikahos sa buhay habang sila nama’y nagpapakalunod sa salaping pinaghirapan ng mamamayan , mga walang pakialam mapuno man ng dungis ang kanilang pangalan. Malapit nang sumikat ang araw. Nanunuot sa aking manipis na kasuotan ang malamig na simoy ng hangin na siya namang tumatagos sa pinagtagpi-tagpi naming dingding. Narinig ko ang pagmamakaawa ng aking sikmura… Mula sa isang maliit na radyong swerteng napulot ko sa basurahan, nanlaki ang aking tainga sa aking naulinigan P10 bilyong pork barrel ay nagamit sa mga “ghost projects”. Napakalaking halaga na dapat sana’y naging napakalaking tulong sa mga tulad kong kahit paano’y kumakapit at naghihintay ng kaunting ginhawa mula sa pamahalaang nangakong mangangalaga’t magsisilbi sa mga mamamayan niya. P10 bilyong piso…ilang pamilya kaya ang mapapatikim ng masasarap at masaganang agahan nito, ilang batang lansangan ang mabibigyan ng tahanan, ilang silid-aralan ang maipatatayo, ilang katulad ko ang maaaring matulungan tungo sa pagkakamit na mas malinaw na kinabukasan? Hindi ko

mabilang ang mga katanungang naglalaro sa aking isipan, katulad ng kawalan ng kakayahan kong bilangin marahil ang ganoong karaming salapi kung tatambad sa aking harapan. Isang pangkaraniwang araw muli ang aking tatahakin. Lakad-takbo ang ginawa ko sa mga lansangan upang manghingi ng limos, ‘di alintana ang peligrong nakaamba sa akin. Napag-alaman kong parang bulang naglaho ang mga Non-Government Organizations (NGO’s) matapos sumambulat ang eskandalong kumalakad sa pangalan ng limang senador at 24 na kongresistang ‘naloko’ umano ng iisang tao at nalustay ang bahagi ng kanilang Priority Development Assisstance Fund (PDAF) sa mga bogus na proyekto. Muli nabuo sa aking isipan ang mga katanungang mananatili na lang marahil na katanungan… ilang Pilipino kaya ang nagkandakuba sa paghahanapbuhay at nagbayad ng tamang buwis para lamang pagpakasasaan ng mga buwitreng ito? Hindi ako makakilos, ni makapagsalita, ang mura at pahat kong diwa’y pilit na naghahanap ng mga kasagutan… Sa pagdaan ng mga minuto lalong umiigting ang hangarin kong masiwalat ang katotohanan upang maiabangon ang tulad kong nasadlak sa kahirapan. Mabilis na kumilos ang Office of the Ombudsman

sa pangunguna ni Conchita Carpio Morales, aniya mayroong anim na grupo upang busisiin ang mga naturang NGO’s at pinansyal na rekord ng kompanyang JLN. Dahil dito may bahagyang ngiting gumuhit sa aking mga labi, bagama’t may nananatiling panghihinayang at lungkot na hindi maikukubli ng aking mga mata. Sa unang pagkakataon sa isang maliit na telebisyon sa nadaraanan kong karinderya ay nasilayan ko ang pangulo ang CEO ng kompanyang JLN na si Janet Lim Napoles na tinagurian ng Pork Barrel Queen. Batid kong mabigat ang tungkulin ng National Bureau of Investigation (NBI), ng senado, at ng korte suprema upang mailantad ang katotohanan. At tulad ng katulad pang isyu ng korapsyon batid ko ring matagal na panahon ang gugugulin upang mapanagot ang mga nagkasala. Nakita ko kung paano unti-unting nilalamon ng mga ulap ang liwanag at ang mundo ay nabalot ng isang malaking kadiliman. “Ang tao ay tila isang payaso, mapagkunwari, mapanlinlang, hahamakin ang lahat makuha lamang ang kanyang kagustuhan… sa ganyang ko inihahalintulad ang babaeng nasa likod ng napakalaking kaguluhan.” Mabilis na nilamon ang mumunti kong mga pangarap ng nakakapasong init sa aking balat kasabay ng paglalaho ng pag-asang kaginhawahan…

PASKO NA NAMAN, “merry-galo” ka na ba? Ni Jonathan N. delos Santos

Hindi kumpleto ang Paskong Pinoy kung walang palitan ng mga regalo. Isa ito sa pinakahihintay na okasyon ng marami, masaya tayong nagbibigay at tumatanggap ng mga regalo mula sa ating mga mahal sa buhay. Upang mapaghandaan nating mabuti ang espesyal na okasyong ito narito ang ilang mga tips na makatutulong sa atin para mas masaya at mas madali ang proseso ng paghahanda ng regalo. 1. Magkaroon ng listahan ng mga nais mong bigyan ng regalo at ayusin mo ito ayon sa kategorya ng iyong prayoridad. Dapat matamang pinag-iisipan ang pagbibigay ng regalo. Magtala ng mga taong nais mong bigyan ng regalo ngayong taon. Maari mo ring ilagay dito ang nakalaang badyet mo para sa bawat regalo upang masigurong makapaglalaan ka ng sapat na pera para mabili ang lahat. Makabubuti rin kung papangkatin mo na sa maliliit na “gift-giving groups” ang iyong listahan para mas madali mong mapagdesisyunan ang nababagay na regalo sa bawat grupo. 2. Huwag mong ibatay ang iyong regalo sa kung anong ibinigay nila sa iyo. Madalas maririnig natin ang ganito, “Hindi naman niya ko binigyan ng kahit ano, bakit ko siya pagkakaabalahang bigyan,” o dili naman kaya’y ganito, “Gumasta siya ng malaki para sa regalo ko noong isang taon , kaya dapat mahal din ang bigay ko sa kanya ngayon.” Ang mga ganitong pag-iisip ay sumisira sa tunay na diwa ng pagbibigayan sa kapaskuhan. Nagbibigay dapat tayo batay sa kung ano ang nasa ating kalooban. Huwag nating alalahanin kung mayroon o wala tayong matatanggap na kapalit o kung magkano ang ginagasta nila para sa atin. 3. Magbigay ng may kasiyahan. Kung ang pagbibigay para sa iyo ay isang obligasyon lamang, huwag ka nang mag-abalang magbigay. Hindi ba’t mas gusto nating makatanggap ng regalo mula sa mga taong nais talaga tayong bigyan kaysa sa mga taong sumasama ang loob dahil nagkaroon sila ng pagkakagastusan. O, ano “excited” na ba kayong magpamigay ng regalo ngayong Pasko. Talaga namang hindi kayang tumbasan ng salapi ang kasiyahang naibabahagi natin tuwing tayo ay nagbibigay. Hinihikayat ko kayong lahat na makibahagi sa pagsasaboy ng kasiyahan ngayong Pasko, tiyak gagaan ang kalooban mo.

Babala: Hindi ito isang simpleng pag-uga! Maituturing ang lindol na isa sa pinakapeligrosong sakuna na maaaring maganap sa isang lugar. Wala itong sasantuhing anuman o sinuman. Nagdudulot ito ng hindi birong halaga ng pinsala at higit sa lahat ay kumikitil ng napakaraming buhay. Wala pang naiimbentong instrumento na maaaring magbigay ng agarang babala kung makararanas ng paglindol ang isang lugar kaya naman tuwina’y nagdudulot ito ng malaking kapinsalaan dahil walang kamalay-malay ang mga mamamayan sa pagdating nito. Kadalasang pagkalito o pagpapanic ang nagiging inisyal

na reaksyon ng mga mamamayan kung may lindol. Paano ako makaliligtas? Paano kung makaranas ng matinding lindol ang aming lugar. Ilan lamang ito sa mga katanungang naglalaro sa ating isipan tuwing nakababalita tayo ng paglindol. Unang-unang dapat nating isaisip sa oras ng paglindol ay sikaping kalmahin at panatilihing payapa ang sarili. Sa ganitong paraan makapag-iisip ka nang maayos at malinaw. Kung nakasisiguro kang matibay ang gusali o tahanan na iyong kinapapalooban at magiging mapanganib para sa iyo ang paglabas mas makabubuting manatili na lamang dito. Dumapa sa ilalim ng matibay na mesa at humawak dito o protektahan ang ulo gamit ang iyong mga kamay . Hangga’t maaari ay buksan din nang madalian ang pinto upang makalabas kung kinakailangan.Lumayo sa mga bintanang babasagin, kabinet at iba pang mabibigat na bagay na maaaring bumuwal. Kung ikaw ay nasa labas ng bahay. ‘Wag pakasisiguro na ligtas ka na, maging mapagmasid, lumikas sa mga lugar na walang balakid tulad ng mga malalaking punong-kahoy, post eng kuryente, at nagtatataasang istraktura. Umalis mula sa malalapit na bangin at matataas na umbok

ng lupa na maaaring maging sanhi ng pagguho. Kung nasa malapit sa dalampasigan, pumunta sa mataas na lugar dahil maaaring magkaroon ng tsunami. Kung nasa sasakyan naman ay huminto at lumabas. Huwag tangkaing bumagtas ng tulay, over pass o fly overs na maaaring gumuho. Pagkaraan ng lindol, maghanda naman para sa mga aftershocks. Lumabas agad ng gusali pagkatapos ng pagyanig subalit siguruhin ang pag-iingat. Kung nasa mataas na gusali, huwag gumamamit ng elevator, huwag tangkaing pumasok sa mga nasirang gusali at sikaping maging kalmado. Makaraang makaligtas sa paglindol maging mapagmasid at magsiyasat. Siyasatin ang sarili at mga kasambahay upang malaman kung may nasaktan. Itsek ang mga linya ng kuryente at tubig. Tignan kung may mga nabasag na lalagyan ng mga kemikal o toxic na bagay na maaaring masunog. Kung kinakailangang lumikas paalis ng inyong tahanan magdala ng emergency at survival kit. Armahan ang sarili ng impormasyon sa pamamagitan ng radyong de baterya upang pamalagiang makasubaybay sa mga nagaganap sa paligid. Ang isang pagyanig dulot ng lindol ay maaaring mag-iwan ng malaking pilat at matinding pangamba sa ating puso’t isipan. Mahalagang tandaan natin ang mga paalalang ito upang maging handa sakaling maranasan ang trahedya’t bangungot ng isang paglindol.


Agham at Teknolohiya

Generik ba ‘ka mo? Dekalidad o delikado?

Ni Christian R. Santiago

“Bawal magkasakit.” Isang sikat na tagline mula sa isang komersyal sa telebisyon. Sa hirap nga naman ng buhay at karamihan sa mga Pinoy ay sapat lang ang kita upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan, ang dasal na lamang natin ay mapanatiling malusog ang ating pangangatawan. Sa paglabas at pagdami ng mga generik na gamot sa merkado ay parang tinugon ang panalangin ng mga Pilipino na magkaroon ng kakayahang makabili ng gamot at mabigyang-lunas ang mga karamdaman. Sa gitna ng lumalaking kompetisyon sa pagitan ng branded at generik na gamot ay ang kwestyon sa kabisaan ng mga generik. “Kasing epektibo ba ng mga ito (generik) ang gamot na kilala at nakasanayan ko (branded)?” Ang generik na gamot ay kopya ng mga branded na gamot

malapit nang matapos ang ibinigay na patent sa kompanya maaari nang mag-aplay ang ibang manufacturers ng permiso upang gumawa at magbenta ng mga generik na bersyon ng gamot (nang walang malaking halagang gugugulin tulad ng kompanyang orihinal na naglabas ng gamot na ito). Higit pang pinabababa ng kompetisyon sa pagitan ng mga kompanya ang halaga ng mga gamot na ito. Kaya’t walang katotohanan ang mga haka-hakang mababa ang kalidad ng mga generik na gamot kaya’t ibinebenta sa higit na mababang presyo. Anumang pamantayan na ginamit ng FAD/ BFAD sa pag-apruba at pagsusuri sa mga branded na gamot ay siya ring ginagamit sa mga generik. Kung kaya wala ring katotohanan na higit na mabagal at matagal bago umepekto ang mga generik na gamot. Nagkakaiba man sa lasa,

Oktubre - Disyembre 2013

H u l o g n g L a n g i t Ni Kimberly Sushmitra G. Samiappan

Kabataan…kagandahan…malusog na pangangatawan…ang lahat ng ito’y mapapasaiyo sa natural na pamamaraan gamit ang Ashitaba. Ang Ashitaba na may scientific name na Angelica Keiskei ay isang Asian Herb na matagal nang ginagamit sa bansang Hapon (Panahon ng Edo noong ika-15 dantaon) at Tsina (Dinastiyang Ming noong ika-15 dantaon) bilang halamanggamot dahil sa dulot nitong benipisyong pangkalusugan. Kilala rin sa tawag na “tomorrow plant” at “longevity herb” . Kapag ang dahon ng Ashitaba ay piñatas muling sisibol ang panibagong dahon mula dito kinabukasan kaya tinagurian itong “tomorrow plant”. At dahil sa sinasabing may ekstraordinaryo itong kakayahan na pabagalin ang proseso ng pagtanda at pahabain ang buhay ay tinatawag din itong “longevity herb”. Isa itong pambihirang halamang nagtataglay ng 11 bitamina, 13 mineral, chlorophyll enzymes, carotene, germanium, saponins, protein, plant fibers, glycosides, coumarins at ang natatangi at bihirang uri ng flavonoids na tinatawag na chalcones. Sa dami ng tumatangkilik dito hindi lamang sa mga bansa sa Asya kundi maging sa Amerika ay tinagurian na rin itong “wonder drug”. Mayroon din itong taglay na phenolic compounds na mabisang Anti-Oxidant, Anti-Inflammatory, Anti-Termorigenic, Anti- Carcinogens, Anti-Microbi-

13

al at Detoxifier. Maliban dito narito pa ang talaan ng mga benipisyong pangkalusugan na maaari nating makuha mula rito. • Lunas sa mga sugat at sakit sa balat • Pananakit ng buto at kasukasuaan • Nakatutulong sa panunaw (digestion) • Panlaban sa diabetes • Peri menopausal relief • Pampabata • Pampakinis ng balat • Nakatutulung sa paglilinis at sirkulasyon ng dugo • Pinabubuti ang function ng atay at bato • Pampababa ng presyon • Nakatutulong sa pagpapanatili ng tamang lebel ng kolesterol • Nakatutulong sa pagpapanatili ng tamng lebel ng blood sugar • Nakatutulong sa maayos na pagtulog • Nagpapaigi sa visual acuity • Pinipigilan ang cell growth abnormalities • Pantanggal sa pamamanhid ng ugat • Nakatutulong sa regular na pagdumi • Pinatitibay ang immune system • Tinatanggal ang dumi (toxic waste) sa katawan Talaga naming napakaraming benipisyo ang makukuha natin mula sa Ashitaba. Ang magandang balita ay hindi mahirap ang pagpapatubo ng halamang ito. Kaya’t ano pa ang hihintay mo, halina’t itanim mo ang yamang ito sa bakuran ninyo at damhin ang biyayang dulot ng halamang-gamot na sa ati’y hulog ng langit.

PinoyHenyo,Astig‘to! Ni Kimberly Sushmitra G. Samiappan

na may kaparehong dosage, gamit, epekto, side effects, paraan ng paggamit, kaligtasan at kabisaan. Sa madaling salita ang pharmacological effects ng mga branded na gamot ay katulad din ng mga generik na uri nito (www.mayoclinic. org). Kung gayon, bakit higit na ‘di hamak na mura ang mga generik kumpara sa mga na gamot kung hindi naman nakukumpurmiso ang kabisaan nito? Isa sa mga pinakamalaking dahilan ng kamurahan ng mga generik na gamot ay hindi na kailangang gumasta ang mga manufacturers nito ng malaking halaga para sa pagdevelop at pagpapakilala nito sa merkado. Kapag ang isang kompanya ay naglabas ng isang bagong gamot sa pamilihan, ito ay ginagastusan ng malaking halaga para sa pananaliksik, pagdevelop at adbertismo nito. Binibigyan ng US Food and Drugs (FAD) o ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) ng eksklusibong kontrol at pagmamay-ari (patent) sa pagbebenta ng gamot ang kompanyang nakatuklas. Kapag

kulay, lasap (flavor) at kombinasyon ng mga inactive na sangkap ay pareho lang ang kabisaan ng mg gamot na ito. Para sa mga Pinoy lalo na iyong mga kayod-marino hindi maiiwasan ang pagkakasakit ngunit maiiwasan ang paggugol ng lubhang malaking halaga upang malunasan ito. Dapat lamang ay maging wais tayo sa pagpili ng gamot . Tandaan hindi nasusukat ang kalidad ng gamot sa halaga nito sa merkado. Sanggunian: US Food and Drug Administration Generic Drugs : What You need To Know

Narinig mo na ba ang kwento ukol sa Pinoy na bersyon ni Bill Gates ? Oo… si Bill Gates nga! Kaya humanap ka na ng magandang pwesto dahil siguradong mapapa ‘wow’ ka dito. Mula sa isang maliit na baryo na kung tawagin ay Malabhac sa bulubunduking bayan ng Igaig, Cagayan isinilang si Diosdado Banatao noong Mayo 23,1946. Malayo ang kanilang tahanan mula sa gara ng syudad, walang kuryente at ang kanyang mundo ay umiikot lamang sa isang pampublikong paaralan (kung saan pumapasok siyang nakatapak ), maliit na sakahan ng kanyang ama at sari-sari store ng kanyang ina. Ibang-iba ito ngayon sa mundong ginagalawan ng tinaguriang ‘Pinoy Bill Gates’ dahil sa kanyang ‘di matatawarang kontribusyon sa computer industry at teknolohiya. Napatanyag si Dado Banatao matapos maimbento ang kauna-unahang single-chip graphical user interface accelerator na nagpabilis sa kapasidad ng mga kompyuter at tumulong rin siya sa pagdevelop ng Ethernet Controller Chip na nagbigay-daan sa pagkakaroon ng internet. Taong 1989 nang pangunahan niya ang paglikha sa isang local bus concept para sa kompyuter at noong sumunod na taon ay nalikha niya ang kauna-unahang windows accelerator chip. Sa ngayon, ginagamit ng Intel ( isang American Multinational Semiconductor chip maker ) ang mga chips at teknolohiyang kanyang dinivelop. Sa kasalukuyan, mayroon na siyang sariling semiconductor company, Mostron at Chips Technology na nakabase sa California. Isa na rin siyang multimilyonaryong imbestor. Namuhunan siya sa maraming networking companies. Nagsimula na rin siya ng sariling capital firm ang Tallwood Venture Capital na may puhunang US $300 milyon. Mayroon syang higit sa tatlong bahay sa Amerika, mga resort sa Lake Tahoe at Sonoma San Franciso. Mula sa kanyang payak na kabataan kung saan maging sa pagpasok sa eskwela ay nakayapak siya, nagmamay-ari na rin ngayon si Banatao ng mga magagarang kotse at sa nalalapit na panahon ay magpapalipad na ng sarili niyang pribadong jet. Sa kabila ng lahat ng mga biyayang ito, hindi nakalimot si Banatao na lingunin ang kanyang pinanggalingan. Binalikan niya ang kanyang bayan sa Iguig Cagayan kung saan nagpatayo siya ng isang computer center sa kanyang dating paaralan, daan upang ito ang maging pampublikong paaralan na may pinakamodenong computer network. Tunay na isang mapagkakapuring Pilipino, pinatunayan ni Banatao na walang imposible kung may sipag, t’yaga at determinasyon. Ang kanyang tagumpay ay isang inspirasyon para sa lahat na batahin ang kahirapan at ipagpatuloy ang ating mga pangarap at adhikain sa buhay.

l supling, 2 ina...

Bata-bata paano ka ginawa? Ni Kimberly Sushmitra G. Samiappam

Higit na pinagtitibay ng mga anak ang bigkis na nagbubuklod sa isang pamilya. Sila ang mga biyayang sentro ng pagmamahal at katuparan ng mga pangarap ng mag-asawa. Subalit may mga pagkakataong mailap sa iba ang biyayang ito. Tinatawag na surrogacy ang pagdadalang-tao ng isang babae para sa iba. Ang surrogate o substitute ay mula sa salitang latin na rogo na nangangahulugang ask, sa praktikal na hangga ito ay proseso

ng pagkakaroon ng kapalit na ina ng natural na ina. Karaniwan ng dahilan ng pagsasailalim sa prosesong ito ang kawalan ng kapasidad ng isang babae na magbuntis bunga ng kawalan o diperensya ng bahay-bata o dili kaya’y pagkakaroon ng kondisyong medikal na ang pagbubuntis ay mapanganib para sa kalusugan niya o ng sanggol. May iba,t ibang uri ng surrogacy. Ang pinakalaraniwan ay ang straight ( traditional ) surrogacy at host ( gestational ) surrogacy. Tinatawag na straight surrogacy ang pinakasimple at pinakamurang uri ng surrogacy. Gumagamit ang surrogate mother ng insemination kit upang magdalang-tao gamit ang similya ng inaasahang ama. Ang sanggol kung gayon ay ipagbubuntis gamit ang surrogate egg kung kaya ang surrogate ang biyolohikal na ina nito. Samantala, ginagawa ang host surrogacy kung ang ina ng sanggol ay may normal na obaryo subalit hindi magkaroon ng anak. Siya ay sumasailalim sa in vitrofertilization ( IVF ), pagkaraan ang embryo niya at ng kanyang partner/asawa ay ililipat sa surrogate mother upang siya ang magdala at magluwal nito. Sa prosesong ito, ang surrogate ay hindi ang biyolohikal na ina at tinatawag na gestataional carrier.

Sa mga bansa tulad ng France, Belgium, Holand, Australia, Canada, United Kingdom at Hungary ay ilegal ang surrogacy. Ipinagbabawal din ito sa Japan at Saudi Arabia. Samantalang legal naman sa sa ilang estado sa Amerika. Sa India ang commercial surrogacy ang isa sa mga pinakikinabangang negosyo. Kung saan ang halaga ng bawat proseso ay umaabot sa US $14,000 hanggang US $25,000 higit na mababa ito kung ihahambing sa Amerika na umaabot sa US $50,000 hanggang US $60,000. Higit na malaki ang gastusin para sa abogado, ospital/klinika, serbisyong medikal, egg donor ( kung kinakailangan ) kumpara sa bayad na tinatanggap ng surrogate mother. Sa Pilipinas, isa sa napabalitang sumubok ng prosesong ito ay ang kilalang Perfume King na si Joel Cruz ( pangulo at CEO ng Afficionado Germany Perfumes ). Sa kaso ni Joel na kabilang sa third sex pinangarap niyang magkaroon ng sariling supling, sa loob ng siyam na taon sinubok niyang magkaroon ng mga anak sa pamamagitan ng surrogacy sa iba’t ibang bansa subalit lagi siyang bigo. Ngunit noong Setyembre 4, 2012 nagkaroon ng kaganapan ang kanyang pangarap matapos isilang ng isang Russian surrogate mother ang kanyang kambal. Ayon sa kanya inabot ng higit sa P 7 milyon ang buong proseso subalit hindi aniya mapapantayan ng anumang halaga ang kaganapan na hatid nito sa kanyang buhay at pagkatao. Ang mga tagapagsanggalang ng surrogacy ay naninindigan na ang pamamaraang ito ay nakatutulong sumagip at magpatatag ng buhay at pamilya subalit para sa mga kritiko nito ito ay immoral at pinahihina ang mga probisyon at batas ukol sa pag-aampon.


14

Sakit

Agham at Teknolohiya

Oktubre - Disyembre 2013

ni Juan nasamahan din ng pagsusuka at pananakit ng katawan. Tulad ng cholera, ang typhoid ay nakukuha rin mula sa mga kontaminadong pagkain, kahit magaling na apektado pa rin ang pag-ihi ng taong nadapuan nito. Madali rin itong makahawa kaya dapat ma-isolate ang taong nadapuan nito. Matinding pananakit ng tiyan at ulo at pagkakaroon ng lagnat ang dala ng sakit na ito. Dahil nga sa madaling maipasa ang mga sakit na ito sa ganitong panahon, nararapat na palakasin natin ang ating immune system. Maglaan ng oras para sa pag-eehersisyo, kumain ng masusustansyang pagkain, uminom ng bitaminang inirereseta ng doktor, uminom ng wastong dami ng tubig at makakatulong din ang pagpapabakuna laban sa mga karamdamang ito . Higit sa lahat practice good hygiene, maligo araw-araw, ugaliin ang paghuhugas ng kamay, panatilihin ding malinis ang loob, labas at paligid ng ating mga tahanan. Sa panahong ito, ang ating sandata ay paghahanda. Kaya tandaan ang malusog na pangangatawan ay nasa pag-iingat mo Juan.

Moses,

Tagapaglitas sa Makabagong Panahon? tamang pagpapasya nang sa gayon ay makaiwas sa malawakang pinsala at sakuna. Sa pamamagitan ng MOSES tablet maaari ring kumuha ng mga larawan ng kalamidad at mga pinsalang dulot nito tulad ng pagbaha at pagguho ng lupa. Ang mga larawang ito ay maaaring i-upload at ipadala sa DOST command center sa pamamagitan ng wifi o 3g. Makatutulong ang mga larawang ito upang matukoy ang lokasyon ng mga Search-and-rescue facilities, mga hindi madaraanang lugar at mga opsyunal na ruta kaya’t magkakaroon ng visually accurate na impormasyon sa bawat barangay. May mga disaster prevention apps din ito tulad ng Arko, na nagbibigay ng detalye ukol sa mga ba-

Noon pa man likas na kina lolo at lola ang pagkahilig sa pag-inom ng tsaa. Ngayon maging ang mga kabataan ay nahuhumaling sa pag-inom nito. Pero alam mo bang maliban sa mainam ito sa kalusugan ay marami pang ibang gamit ito. Narito ang talaan ng mga benipisyong dulot nito, subukan mo at tityak na ito’y epektibo.

L

unas sa mabahong paa Siguradong mawawala ang ‘di kanais-nais na amoy ng iyong paa sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng araw-araw na tea bath. Ibabad ang iyong paa sa strongly brewed tea ng 20 minuto kada araw.

G

amot sa pagdurugo ng gilagid Kung nakararanas ng pagdurugo ng gilagid particular na nag bagong bunot na ngipin, basain ang tea bag gamit ang malamig na tubig at ilapat ito direkta sa apektadong bahagi upang mahinto ang pagdurugo at mawala ang pananakit.

P

angkulay sa puting buhok Sa tulong ng tatlong teabags maaari ka nang gumawa ng sarili mong natural dye. Maglagay ng tatlong tea bags sa isang tasa ng mainit na tubig, dagdagan ito ng isang kutsarang rosemary at sage, hayaan ito magdamag. Matapos magshampoo, ilagay ang mixture sa buhok at siguruhing nanuot ito nang maigi. Balutin ito ng t’walya at huwag babanlawan. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang makuha ang nais na resulta.

M

aibsan ang sakit ng sunburn at paso Kung nagkaroon ng sunburned skin matapos magbilad sa matinding sikat ng araw ipahid lamang ang basang tea bags sa balat upang mawala ang sakit nito. Maaari rin itong gamitin kung napaso ng mainit na tubig o plantsa.

P

ang kondisyon ng tuyot na buhok Gusto mo ba ng buhok na may natural na kinang? Gumamit ng isang litrong unsweetend na tsaa bilang panghuling banlaw pagkatapos magshampoo.

Pantanggal ng sakit na dulot ng bakuna sa sanggol.

Basain ang tea bags at ilagay ito sa bahaging may bakuna. Hawakan ito nang dahan-dahan hanggang sa tumigil ang pag-iyak ng bata. Maaari mo rin itong subukan kung ikaw ang babakunahan.

Pampakintab ng salamin Upang kuminang at kumintab ang iyong salamin magpakulo ng tsaa at hayaan itong lumamig. Ilubog ang isang malambot na tela sa tsaa at saka gamiting panlinis.

P

anlinis ng mga kahoy na kasangkapan at sahig Ang bagong pakulong tsaa ay mainam na panlinis sa mga kasangkapang gawa sa kahoy at maging sa sahig.

M

-

aibsan ang sakit sanhi ng pang ahit Kung nagkaroon ka ng razor burn maglagay lamang ng basang tea bags sa apektadong bahagi.

P

haing lugar sa kalakhang Maynila na maaaring magamit upang mataya ang lebel ng pagbaha. Para sa pilot testing ng MOSES tablet ay nagpamahagi na ng 1000 unit nito sa ibang barangay sa Metro Manila. Target ng DOST na mabigyan nito ang 42,028 barangay sa buong bansa. Ngayong panahon ng tagulan tiyak na magiging abala ang Project NOAH at MOSES tablet – mga makabagong teknolohiyang magsisilbi nating armas at tagapagligtas sa panahon ng mga kalamidad at sakuna.

USAPANG TECHIE

Kilalanin natin silang mga Ama ng makabagong teknolohi ya… www.usefulinfo.com

Google : Larry Page at Sergey Brin Facebook: Mark Zuckerberg Yahoo: David Filo at Jerry Yang Twitter: Jack Dorsey at Biz Stone Internet: Tim Berners Lee Hoffman, Allen Blue Linkedln: Reid at Koonstantin Guericke Email: Shiva Ayyadurai Gtalak: Richard Wah Kan Hotmail: Sabeer Bhatia Orkut: Buyukkokten Wikipedia: Jimmy Wales Chen, Chad Hurley You tube:Steve at Jawed Karim Rediffmail: Ajit Balakrishnan

ni Mesheal T. Tacsan

tuwing tag-ulan

Ni Kimberly Sushmitra G. Samiappan ha sa mga lamok. Dahil sa mas mabilis ang pagdami ng mga lamok kung tag-ulan gawa ng mga baha at naimbak na tubig na naiipon pagkaraang umulan mas tumataas din ang bilang ng mga taong dinadapuan ng mga sakit na ito tuwing tag-ulan. Ilan sa palatandaaan ng dengue ay lagnat na tumatagal ng ilang araw, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan, mga pantal at kung minsan ay nakararanas ng pagdurugo ng ilong ang biktima nito. Samantala, ang malarya naman Kasabay ng pagpasok ng na isa sa pinakadelikadong sakit sa panahon ng tag-ulan ay ang paglaga- India na kumitil ng maraming buhay nap na mga sari-saring sakit na nag- ay may sintomas na pabalik-balik na papahirap kay Juan dela Cruz. Kaya’t lagnat, panginginig, pananakit ng kakaalinsabay ng pagbukas ng ating tawan at panghihina. mga payong ay buksan din natin ang Sa mga mabababa at baating mga isipan sa mga sakit na sa haing lugar kinakailangan namang atin ay maaaring dumapo. Maliban sa mag-ingat sa sakit na leptospirosis. mga kadalasang sakit na sipon, lagnat Nagmumula ang sakit na ito sa mga at trangkaso ay narito pa ang ilan sa tubig baha na kontaminado ng ihi mga sakit na kailangan nating iwasan ng daga. Makakaranas ng lagnat, pakung tag-ulan. nanakit ng ulo at katawan ang taong Nangunguna sa talaan ang magkakaroon ng sakit na ito. common cold, madali itong makuha Isa pang nakamamatay na at maipasa lalo na kung malamig ang sakit tuwing tag-ulan ay ang cholpanahon. Ang mga sintomas nito ay era. Nakukuha ito sa pagkonsumo ng pagbahing, pananakit ng lalamunan pagkain at tubig na kontaminado o at lagnat. may baktirya. Kumakalat ang baktirya Nariyan din ang dengue at kung marumi ang paligid. Pagtatae malarya mga sakit na kapwa nakuku- ang kadalasang sintomas nito, na si-

ni Kimberly Sushmitra G. Samiappan Walang paraan upang mapigilan natin ang mga natural na kalamidad tulad ng tsunami, bagyo at pagbaha, pagputok ng bulkan at paglindol subalit maaari nating mabawasan ang pinsalang dulot nito sa pamamagitan ng ibayong paghahanda upang malalang sakuna ay maiwasan. Kung nagawa ni Moses na hatiin ang Red Sea sa pamamagitan ng kanyang tungkod at iligtas ang liu-libong Israelita, sa makabagong panahon ay inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ng Project NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards) ang pinakabago nitong sandata ang MOSES ( Mobile Operational System for Emergency Services) Ang MOSES ay isang 8-inch tablet na gawang Pinas na may kapasidad na tumanggap ng mga ulat-panahon at impormasyon ukol sa pagbaha at iba pang kalamidad mula sa DOST, PAG-ASA at Project NOAH patungo sa mga barangay upang magamit nila sa

10 MAHIKA NG TSAA NI LOLA

ampaginhawa sa pagod na mata Ilubog ang dalawang tea bags sa mainit na tubig, bahagyang palamigin at ipatong sa mata sa loob ng 20 minuto. Ang sangkap na tannins ng tsaa ang magbibigay ginhawa sa iyong mata. O, di ba hindi na kailangan pang gumasta nang malaki nasa kusina lang ni lola ang solusyon sa ating mga pang-araw-araw na problema. Sa susunod na ikaw ay magtsaa alalahanin na ito’y hindi lang basta-basta inumin kundi lunas rin sa ilan sa ating mga alalahanin.

Mga hakbang upang gawing ligtas ang tubig inumin Mula sa Department of Health

1

Kailangan munang salain ang tubig upang maalis ang mga butil ng dumi. Maaring gumamit ng malinis na tela o coffee filter

2

Kung malabo ang tubig, hayaan itong manatili sa lalagyan nang kalahating araw. Pagkatapos, salukin ang tubig at salain

3

Ang pagpapakulo ng tubig ay pumapatay sa lahat ng potensyal na mikrobyong dala ng kontaminasyon. Pakuluan ang tubig sa loob ng dalawang minuto at hayaang lumamig. Oras na lumamig ang pinakuluang tubig, maaari na agad itong gamitin.

Nimbuzz: Martin Smink at Evert Jaap Lugt Myspace: Chris Dewolfe at Tom Anderson Ibibo: Ashish Kashyap OLX: Alec Oxenford at Fabrice Grinda Skype: Niklas Zennstrom at Janus Friis Opera: Jon Stephenson von Tetzchner at Geir Ivarsoy Mozilla Firefox: Dave Hyatt at Blake Ross Blogger: Evan Williams

4

Maaaring puksain ang mikrobyo o bakterya sa tubig sa pamamagitan ng paghahalo ng dalawang patak ng 5% chlorine solution. (walang amoy na pangkula) sa bawat litro ng tubig (unrefrigirated), iwan ito ng isang oras.

5

Kung may mahinang amoy ng chlorine sa tubig, ligtas na itong inumin. Kung wala ang amoy matapos ang unang subok, ulitin lamang ang proseso. Kung wala pa ring mahinang amoy ng chlorine pagkatapos ng ikatlong pagsubok, kailangang itapon ang tubig dahil maaring marami itong mikrobyo.


Isports

Oktubre - Disyembre 2013

15

Isports Lathalain

Laro ni Juan, ating balikan... Ni Jonathan N. Delos Santos

Isa sa mga maipagmamalaking kulturang Pilipino ang Laro ng Lahi na naging bahagi ng masasayang yugto ng buhay ng mga kabatang Pinoy. Hindi natin alintana ang dumi, pawis o mag-amoy araw man tayo. Takbo rito, takbo roon, maging ang paglipas ng oras ay hindi natin namamalayan, hindi natin malalaman na gabi na pala o oras nan g hapunan kung hindi pa natin maririnig ang tawag at sigaw ni nanay na tayo’y umuwi nan g bahay. Kay sayang balik-balikan ang mga panahong wala pa tayong anumang alalahanin sa buhay. Pagkagaling sa eskwela ay magpapalit lang ng damit pambahay at makikisali na sa umpukan ng ating mga kapwa bata. Samahan mo ako’t ating sariwain ang makulay at masayang pagkabata natin habang binabalikan ang mga larong sariling atin.

Editoryal

Isports lang dapat Talo ang pikon. Kamakailan, nagmistulang boxing arena ang Cuneta Astrodome matapos magkarambola sa hardcourt ang mga manlalaro ng San Mig Coffee at GlobalPort na sina Marc Pingris, Joe Devance, Markis Blakely, Marvin Hayes at Kelly Nabong. Nakalulungkot na hindi na bago ang ganitong eksena sa larangan ng isports, maging sa mga paligsahan sa labas ng bansa ay nagaganap ang lamangan at awayan hindi lamang sa pagitan ng mga manlalaro kundi maging sa mga manonood na nadadala sa init ng pagtutungayawan. Nakadidismaya ring may mga pagkakataong kapag natatalo ang ating pambato/koponan sa mga internasyonal na kompetisyon pinaparatangan nating ‘niluto’ ang laban, tanda na hindi matanggap ang pagkatalo ng kababayan. Sa mga ganitong pagkakataon, maitatanong natin bilang mga masusugid na tagasubaybay ng mga paligsahan sa isports: Ano nga ba ang tunay na diwa ng maginoong paligsahan o sportsmanship na siyang layon ng mga kompetisyong ito? Taliwas sa mga lantarang bangayan na nasasaksihan sa mga paligsahan sa isports, ang sportsmanship ay sumisimbolo sa patas na paglalaro o walang halong pandaraya; nangangahulugan ito ng pagkamaginoo at paggagalangan ng mga manlalaro. Malinaw na hindi magandang halimbawa lalo na para sa mga batang tagatangkilik ng isports ang hayagang pagpapakita ng kawalang respeto ng mga manlalaro sa isa’t isa lalo pa’t ang ganitong mga kompetisyon ay naipapalabas sa nationwide television. Bagama’t may mga pinaiiral ng kaakibat na kaparusahan ang pagpapakita ng kainitan ng ulo sa anumang laro dapat lamang na mas maging matalim pa ang ngipin ng batas sa mga ganitong senaryo na tuwirang dumudungis sa tunay na layunin ng isports at nagpapakita ng kaasalang sumasalungat sa maginoong paligsahan. Nakapanlulumo na sila pang mga propesyunal na manlalaro na dapat sana’y nagsisilbing ehemplo ng sportsmanship ang nagpapakita ng hindi magandang halimbawa lalo na para sa mga kabataang manonood. Sana’y hindi na nga maulit pa ang ganitong mga pangyayari sa anumang mga paligsahan, nawa’y matanim sa puso ng bawat manlalaro ang tunay na layunin ng mga ganitong kompetisyon. Higit sa titulo at kampeonatong napapanalunan mahalagang mangibabaw ang pagkamaginoo at paggagalangan sa isa’t isa.

Team Pilipinas, sasabak sa World U17 Championship Ni Jimuel Simoun L. Eligio

ALAB NG PUSO: Nagniningas na determinasyon ang ipinamalas ng Pinoy dribblers upang maitakas ang slot s FIBA World U17.

Nasungkit ng Team Pilipinas U16 ang slot sa prestihiyosong 2014 FIBA World U17 Championship matapos maiuwi ang medalyang pilak sa katatapos lang na FIBA Asia U16 Championship nitong Oktubre. Ang tagumpay ng mga batang Pinoy dribbler na ito ay nagtala ng kasysayan at isang malaking sorpresa sa internasyunal na torneo dahil sa pagtuntong sa

kampeonato ng FIBA U16 sa Tehran. “It’s a dream come true,” ayon kay Pilipinas U16 head coach Jamike Jarin nang dumalo sa Philippine Sports Association (PSA) Forum. Bigo ang Pilipinas U16 nitong nakaraang dalawang taon na makapasok sa FIBA World Cup U17 subalit dahil umano sa nag-aalab na determinasyon sa puso ng mga batang dribbler ay nagawa nila ang noon ay tila imposible. “It’s a big achievement for the Philippine U16 Team that duplicated feat scored by Gilas Pilipinas which finished second behind Iran in FIBA Asia Championship last August,” dagdag pa ni Jarin. Matatandaang nauna nang nagkwalipika ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Championship sa Spain matapos mag-uwi rin ng pilak. Isa rin itong malaking yugto sa kasaysayan ng isports sa bansa dahil ito ang unang pagkakataon mula pa noong 1978 na ang Pilipinas ay nakalasap ng World Championship. Bagama’t kapos sa badget, buo ang pag-asa ni Jarin na mabibigyan din ng oportunidad ang U16 na makapagsanay sa labas ng bansa upang mapaghandaan ambuti ang mga basketball super power na nakatakda nilang kaharapin. Hangad din niya na mapanatili ang kabuuang 12 manlalaro na nagsakripisyo sa ngalan ng pagmamahal sa bayan

Taguan Tagu-taguan… maliwanag ang buwan… pagbilang kong tatlo nakatago na kayo… Isa… dalawa…tatlo…pong! Isa sa mga pinakapaborito kong larong pambata. Habang ang taya ay nagbibilang, ang bawat manlalaro ay naghahanap ng kani-kaniyang mapagtataguan. Pagkatapos magbilang ng taya, kailangan nyang mahanap ang mga nagtago, tawagin ang pangalan ng mga ito at maunang tumakbo sa base at sumigaw ng ‘pong!’, habang ang mga nagtago naman upang ‘di sila mataya ay dapat maunahan ang taya na makapunta sa base at sumigaw ng ‘save’. Matatapos lamang ang laro kung ang lahat ng manlalaro ay nakalabas na sa pinagtataguan.

Sipa Gamit lamang ang tingga, takip ng bote o kahit tansan lamang na pinalawitan ng hinimay-himay na makukulay na straw o plastik ay makikita nating nakaumpok sa kalsada ang mga kabataang lalaking naglalaro nito. Kailangang ihagis ang sipa pataas gamit ang paa, siko o iba pang bahagi ng katawan, kapag nalaglag ang sipa at sumayad sa lupa ang tansan ay tapos na ang laro at ibang manlalaro naman ang may gagamit ng sipa.

Jack-en-poy Jack-en-poy, hali hali hoy! Sinong matalo siyang unggoy! Sino nga bas a atin ang hindi nakaranas laruin ito, isang masayang larong patok na patok sa mga bata mapababae man o lalaki. Kamay lamang ang gamit sa larong ito. Maaring bumuo ng imahe ng bato, gunting at papel kung saan talo ng bato ang gunting, talo naman ng papel ang bato at talon g gunting ang papel.

Luksong – Baka Masarap laruin ito sa mga bukirin kung saan ang tayang manlalaro ay itutukod ang mga kamay at tuhod sa malambot na damo upang luksuhan ng mga kalaro. Sa tulong ng mga kamay na itutukod ng mga manlalaro sa likuran ng taya ay kinakailangang makalukso ang manlalaro nang hindi sumasayad ang kanyang binti sa alinmang bahagi ng katawan ng taya kung hindi ay siya naman ang papalit sa pwesto nito.

Patintero Kilalang-kilala sa Bulacan ang larong ito at isa sa

pinakasikat na larong Pinoy. Kailangan ng diskarte, bilis at liksi sa larong ito upang mataya ang kalaban. Binubuo nang hindi bababa sa limang katao ang miyembro ng bawat grupo. Layunin ng larong ito na malampasan ng mga manlalaro ang mga guhit nang hindi natataya ng mga kalaban.

Palo Sebo Ito ang bituin ng Pistang Pilipino, hindi kumpleto ang mga kasiyahan sa Pista kapag walang Palo Sebo. Isang mataas na kawayan na nilagyan ng grasa upang dumulas ang kailangang akyatin ng manlalaro. Kinakailangan ang diskarte at pagkapit sa kawayan upang makaabot sa tuktok at makuha ang nag-iintay na premyo.

Syato Mas kilala sa tawag na Pitaw sa kabisayaan ang larong ito. Dalawang manlalaro ang maglalaban dito. Ang bawat isa ay may maikling patpat na gagawing pamato at mahabang patpat na panghampas sa pato. Ang maikling patpat ay pumapagitna sa dalawang bato (homebase) at ang unang manlalaro ay ihahagis ito paitaas sabay hataw dito gamit ang mahabang patpat. Gagawin ito ng paulit-ulit at titigil lamang kung nabigo ang manlalaro na tamaan ang pamato habang nasa ere ito. Ibabalik ito manlalaro habang sumisigaw ng ‘siyato’ pabalik sa homebase, kung hindi nakasigaw ng ‘siyato’ ay uulitin nito ang paghagis at paghataw.

Luksong – lubid Kinagigiliwang laro ng mg batang babae kung saan ang pinagdugtong-dugtong goma ang niluluksuhan ng mga manlalaro . Talo o higit pa ay pwedeng sumali dito. Maaari rin itong laruin ng isahan o kampihan. Habang pabilis nang pabilis ang tali ay lumulukso naman ang manlalaro kapag tumama ang paa ng lumulukso sa tali ay papalit naman ang ibang manlalaro. Trumpo Dalawang mahalagang gamitang kailangan upang makapaglaro nito. Isang kahoy na hugis acorn na mayroong pako na nakabaon ang ulo mula sa kahoy at isang mahabang lubid na gagamitin upang magpaikot sa kahoy na may pako. Kahit walang kalaro ay maaaring laruin ito pero syempre mas masaya kung may mga ka tropa na mapagpapasikatan ka.

Bahay-bahayan Likas sa mga bata ang gayahin ang ginagawa ng mga matatanda. Isang patunay dito ay ang larong bahaybahayan kung saan ang mga bata ay umaarte na tulad ng ama at ina ng isang tahanan. O, ano bigla mo bang na-miss ang pagiging musmos? Lumipas man ang maraming taon ay mananatiling buhay ang mga larong ito. Isang yamang nararapat nating ipamana sa mga susunod pang saling lahi upang patuloy na maipagmalaki sapagkat ito’y tatak ng ating pagka Pilipino.

FCLNHS, umarangkada sa Eddis II Athletic Meet Ni Rina Litte A. Ang

Kargado ng puso at pagpupunyaging magtagumpay, matikas na nakipaghablutan at naibulsa ng Lipanian Athletes ang iba’t ibang pwesto sa ginanap na Education District II Athletic Meet matapos makipagbuno sa 19 na paaralan. Buong gilas na humataw ang mga mandirigmang Lipanians sa iba’t ibang sports events at hindi nagpasapaw sa mga higanteng karibal sa Bulacan Sports Complex noong Oktubre 15. Pinangunahan ni Rayven Lee D. Barlaan (IVBonifacio) ang mga manlalaro ng FCLNHS matapos mabilis na itakbo ang ginto sa 400 m dash sa loob lamang ng 1:01 minuto daan upang mapabilang siya sa delegasyon ng Eddis II sa Provincial Meet. Mapanlinlang na pag-atake naman ang naging puhunan nina Ver R. Paguiligan (IV-Aquino) at Jovelyn

Quevada (IV-Viola) upang makuha ang ikalawang pwesto sa Chess. Hindi rin nagpahuli ang mga pambato sa volleyball matapos pumalo sa ikatlong pwesto kapwa ang koponan ng volleyball girls at boys. Sinagpang naman ni Gemma Belen (III-Gold) ang ikalawang pwesto sa 110 hurdles samantalang buong lakas na bumato si Joan Sotea (III-Boron) tungo sa ikatlong pwesto sa shotput at discus. Matiyagang sinanay ni Gng. Jessamine Bautista, Gng. Anthonette M. Bernabe, Gng. Leah Ramos at G. Albert Santiago ang mga naturang manlalaro. “Salamat at nagbunga ang pagsisikap ng ating mga guro at manlalaro, nakapag-uwi muli tayo ng karangalan sa ating paaralan,” ayon kay G. Regalado Hernandez, gurong tagapag-ugnay ng MAPEH.

Lipanian wrestler, sasabak sa Batang Pinoy qualifying leg Ni Rina Litte A. Ang Napiling kinatawan ng lalawigan ng Bulacan si Mark John Navarosa ng IV-Ponce sa nalalapit na Batang Pinoy Luzon Leg Qualifying Competition na gaganapin sa Iba, Zambales. Makikipagbuno sa isports na wrestling ang 16 na taong si Navarosa kontra sa mga atleta sa buong Gitnang Luzon. Kung papalaring magwagi sa naturang

kompetisyon ay kakatawanin naman ni Navarosa ang Luzon sa 2013 Batang Pinoy Finals na gaganapin sa Zamboanga nitong Nobyembre. Ang Batang Pinoy 2013 ay isang programa ng Philippine Sports Commission (PSC) na naglalayong mahasa ang galling ng kabataang Pilipino sa iba’t ibang larangan ng isports.


Hernandez, pumalo ng ginto sa Athletic Meet Ni Jimuel Simoun L. Eligio

Winakasan ni Mariella Hernandez ng IV-Paterno ang pag-asam ng katunggaling si Michelle Siron ng Mariano Ponce High School matapos niyang angkinin ang kampeonato sa Women’s Division ng Table Tennis sa Education Distrrict II Athletic Meet na ginanap sa Alexis Santos High School noong Setyembre 27-28. Bago pa ilampaso ni Hernandez sa finals si Siron ay nauna na nitong hinawi sa daraanan ang mga katunggali mula sa Jose J. Mariano, Tibagan at Cambaog High School. Naunang nagpasiklab sa rambulan si Siron matapos nitong magpaulan ng sunud-sunod na maiinit na smash at makuha ang unang set, 9-11. Hindi naman naigupo nito ang kumpyansa ni Hernandez, binawian nito ng matatalim na drive ang kalaban at naibulsa ang ikalawang set, 11-8. Sa huling kanto ng laban hindi na nagpaawat pa si Hernandez matapos sagpangin ang depensa ni Siron at magpakawala ng sunud-sunod na malalakas na spin at loop at dominahin ang huling set, 11-8. “ Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumuporta sa akin, sa aking coach at sa panginoong Diyos na ako ay pinalad manalo,” pahayag ni Hernandez. Samantala, naitakas din nina Jan Deus Lisboa, III-Lead, at Nelson Cesar, IIISodium, ikalawang pwesto sa men’s division ng naturang event. Sumailalim sa puspusang pagsasanay ni G. John Justin Bautista ang mga nagsipagwaging manlalaro. Kasalukuyang sumasalang sa pukpukang pagsasanay si Hernandez bilang paghahanda sa Provincial Meet sa darating na Nobyembre 5-8.

RATSADA NG KAMPEON: Isa-isang pinatalsik ni Hernandez sa kanyang landas ang mga katunggali sa table tennis.

Phl Azkals, naidepensa ang Peace Cup Title kontra Pakistan;3-1 Ni Jimuel Simoun L. Eligio

TITIMBANGIN ANG KAMANDAG: Hindi papadaig sa isa’t isa ang mandirigmang kapwa uhaw sa tagumpay.

Pagreretiruhin ko si Pacquiao - Rios Ni Rinalitte A. Ang Matapang na inihayag ni Former Light Weight Champion Brandon ‘Bam Bam’ Rios ng United States na papalasapin nya ng pagkatalo si dating Eight Division World Champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa darating na sagupaan nila sa Macao, China sa Nobyembre 23. Matatandaang binayo ng dalawang magkasunod na pagkatalo ang Pambansang Kamao mula kina Timothy Bradley ng US sa isang kontrobersyal na 12-round split decision at Juan Manuel Marquez ng Mexico ng 6th round knock out kaya mapipilitan na umano itong magretiro kapag tinalo ni Rios.

Buo rin ang kumpyansa ni Cameron Dunkin, tumatayong manager ni Rios na masusubok ang tibay ng panga ni Pacman sa mga solidong punch ni Rios. Kinontra rin ni Rios ang mga prediksyong magmimistula lamang siyang walking punching bag ni Pacman sa ibabaw ng ring at ipinangako nitong ibang klaseng Brandon ang makikita ng mundo sa kanilang bakbakan. Samantala, bagama’t aminado ang Pambansang Kamao na hindi madaling muling maabot ang tuktok ng tagumpay, matapos ang kanyang dalawang sunod na pagkatalo, sinisuguro umano

niyang gagawin ang lahat upang makabangon. “Alam kong marami ang nalungkot at nadismaya sa aking pagkatalo noong isang taon, at ito ay nagbigay sa akin ng matinding hinagpis dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na iwagayway ang ating bandera sa ibabaw ng ring,” pahayag ni Pacquiao sa isang panayam. Aasahan ng mga tagatangkilik ng boksing ang isang umaaatikabong bakabakan mula sa dalawang mandirigmang kapwa uhaw sa tagumapay makaraang mabigo sa kani-kanilang mga huling laban.

Dinastiya ng Eagles, napanatili sa Intramurals Ni Rina Litte A. Ang

PAGASPAS NG AGILA: Matagumpay na nadepensahan ng Blue Eagles ang trono sa Intrams ‘13.

Kamandag ng imortal. Isinako ng nagliliyab na determinasyon ng Blue Eagles ang mga ginto sa lahat halos ng sports events upang ipakitang hindi pa ipinanganganak ang makapagpapatumba sa kanilang koponan bilang Over-All Champion sa matinding sagupaan sa 2013 School Intramurals. HInakot ng mga mandirigmang Eagles ang matataas na puntos sa bawat kategorya upang isa-isang mapatalsik sa kanilang landas ang mga koponan ng Red Warriors, Yellow Dragons at Green Archers sa pag-aagawan sa tugatog ng trono noong Oktubre 10-11 sa FCLNHS , Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan. Hindi nagawang tibagin ng mga kalaban ang malabakal na pagtutulungan ng Blue Eagles matapos maibulsa nina Joseph Bryan Santiago (IV-Luna) ang unang pwesto sa Badminton Men’s Single, Ver Paguiligan at Maricris San Pedro (IV-Balagtas) kapwa unang pwesto sa chess, Mariella Hernandez (IV-Paterno), unang pwesto sa Table Tennis Girls at Carlo Fuentes na nagkamit ng ikalawang pwesto sa ppaligsahan sa paggawa ng poster. Malakas na kumpyansa at dedikasyon rin ang ipinakita ng mga manlalaro ng Eagles sa Volleyball Girls at Sack Race dahilan upang maibulsa ang unang pwesto sa mga naturang events. “Experience at maturity ang bentahe ng Blue Eagles kaya hindi naging mahirap para sa koponan na mapanatili ang titulong Over-All Champion,” buong pagmamalaking pahayag ng isa sa mga team coaches ng koponan na si G. Regalado Hernadez. Katuwang ni Hernandez sa pagsasanay ng mga mandirigmang agila sina G. John Justin Bautista at Gng Jessamine Bautista kapwa mga guro sa MAPEH sa ikaapat na taon. Ginawaran ng sertipiko ng karangalan, medalya at tropeo ang mga nagsipagwaging manlalaro sa matagumpay na pagtatapos ng Intramurals.

Hindi magkamayaw ang mga Pinoy Football Fans matapos paluhurin ng Philippine Azkals ang Pakistan at tanghaling back to back Champion sa Peace Cup na ginanap sa Panaad Stadium, Bacolod City nitong Oktubre 15. Unang umarangkada ang Pakistan matapos maka-goal si Kaleem Ullah sa ika-15 minuto ng laban. Hindi naman nagpadaig ang Pilipinas, matapos bawian ni Patrick Reichelt ng isang goal ang Pakistan mula sa pasa ni Stephan Schrock sa ika-33 minuto ng laro. Sinubukang ibalik ng Pakistani Team ang kanilang kalamangan ngunit matagumpay na naharang ng Azkals ang osang crucial attempt mula dito. Naging mas pukpukan pa ang laban pagdating ng second half matapos maghigpit ng depensa ang Pakkistan ngunit nagawa pa ring makahulagpos ni Chris Greatwich at kumonekta ng isa header sa ika-78

na minute ng sagupaan. Tuluyan ng iginipo ng Pilipinas ang pag-asa ng Pakistan matapos muling maka-goal si Stephan Schrock sa ika-88 minuto ng laban. Sa panalong ito ng Azkals, muli na nmang naghakot ng karangalan sa bansa ang national team , gayundin ang mga manlalarong nagpakita ng kanikanilang gilas. Tinanghal na goal of the match ang ginawa ni Greatwich samantalang man of the match naman ang Filipino-German na si Schrock na manlalaro rin sa Bundes Liga. Makaraang magtala ng kasaysayan noong nakaraang taon, matapos masungkit ang kaunaunahang internasyonal na titulo ng bansa sa loob ng 99 ng taon, muling itinaas ng Azkals ang bandera ng Pilipinas sa buong mundo sa matagumpay na pagdedepensa sa kanilang titulo.

BIDA ANG PINOY: Ipinagmalaki ng Bulakenyang si Chiqui Dionisio ang medalyang nakamit sa 28th Kings Cups Sepak Takraw World Championship.

Bulakenya, bumandera sa Sepak World Cup Ni Jimuel Simoun L. Eligio LUNGSOD NG MALOLOSIpinakita ni Chiqui Dionisio, ng Philippine Sepak Takraw Team ang galing ng Bulakenya sa buong mundo matapos maibagahe ng kanilang koponan ang mga medalya sa 28th Kings Cup Sepak Takraw World Championship na ginanap sa Thani Province, Thailand noong Setyemre 16-22. Sa kanyang courtesy call sa tanggapan ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado, buong pagmamalaking iprinisinta ng 29-anyos na tubong Sta. Maria, Bulacan ang mga medalyang kanilang napanalunan. Ayon kay Dionisio, 28

bansa at higit sa 600 atleta ang lumahok sa naturang kompetisyon at hindi makapaniwala ang kanilang koponan na nagawa nilang makapag-uwi ng medalya at karangalan sa bansa. “Pinaghandaan talaga naming ang laban na ito pero sobrang saya,, iba talaga ung pakiramdam nung nado’n na tinatanggap naming yung mga award,” pahayag pa ni Dionisio. Sa kabuuan, kumolekta ng isang pilak at dalawang medalyang tanso ang RP Sepak Takraw-Women samantalang nakopo naman ng men’s team ang ginto, pilak at tansong medalya.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.