ORA et LABORA - COVID-19 Issue 2020 Vol. 2, No. 2

Page 1

ORA ET

LABORA

Ang Opisyal na Pahayayang Pampaaralaan ng Benedictine Institute of Learning

Tomo 2. Bilang. 3 Abril 2020

Sumulat. Makibahagi.

NANGANGAPA PA RIN

Mga guro, estudyante, hindi pa gamay ang online classes dulot ng ECQ

P

atuloy pa ring nag-a-‘adjust’ ang mga mag-aaral at mga guro ng Benedictine Institute of Learning sa alternatibong paraan ng pagpapatuloy ng klase sa pamamagitan ng paggamit ng ‘online’ na plataporma dahil sa isang buwang suspensiyon ng klase dulot ng Enhanced Community Quarantine kahit nalalapit na ang pagsusulit ng panghuling markahan.

Tuloy ang buhay-akademiko ng Benedictinians sa kabila ng pandemya sa pamamagitan ng online classes simula Marso 16 upang maiwasan ang close contact sa mga tao alinsunod sa inilabas na guidelines ng Department of Health (DOH) para makatulong ang paaralan sa paglaban sa Corona Virus Disease (COVID-19). Larawan mula kay Janine Fernando, BIL teacher

NEWS BITS 700,000 manggagawa sa Cavite, apektado ng Luzon ECQ

Ayuda para sa middle class, inapela ni Remulla

S

a isang bukas na liham, nanawagan ang gobernador ng lalawigan ng Cavite na si Jonvic Remulla kay Pangulong Rodrigo Duterte na isama rin ang mga nasa ‘working class’ sa mabibigyan ng pinansyal na ayuda mula sa Social Amelioration Program dahil wala ring sinasahod ang mga ito habang sumasailalim sa Enhanced Community Quarantine. Kaela Patricia Gabriel

@oraetlaboraBIL

@bil_ora

Nitong ika-16 ng Marso lamang ay sinimulan ang ‘online classes’ sa kauna-unahang pagkakataon sa BIL dahil sa mahabang suspensiyon ng klase gamit ang iba’t ibang social networking platforms tulad ng Facebook, Benedictine Portal at Go o gle Classro om. Ayon kay Joshua Daño, guro mula sa Senior High School (SHS) Department, sinisiguro ng mga guro ang pagiging maluwag sa p agbibigay ng p alugit at pagkakaroon ng satisfactory restrictions sa kanilang pamantayan ng pagbibigay ng grado dahil hindi lahat ng mag-aaral ay may kapasidad na makapagpasa ng mga kinakailangan sa takdang oras. “Tinitiyak ng mga guro na nagkakaroon ng adjustment sa kanilang dahil hindi lahat ay may kapasidad na makapagpasa ng mga kahingian (requirements) sa takdang oras. Ang mga adjustments ay tulad ng pagiging maluwag sa araw ng pagpapasa at pagkakaroon ng satisfactory restrictions sa kanilang mga rubrics,” ani Daño. Kaugnay nito, mabagal na internet, kawalan ng laptop at libro, at mga responsibilidad sa bahay ang ilan sa mga balakid na nararanasan ng mga mag-

aaral na nagresulta ng halos lahat sa kanila ay hindi sapat ang natututuhan mula sa online classes, ayon sa isinagawang sarbey. “Hindi siya stable para sa akin kasi limited lang ang oras ko para sa online classes kasi maraming gawain sa bahay, kaya ‘yung ibang lessons ay hindi ko pa naaaral hanggang ngayon kahit nalalapit na ang final exams. Saka, hindi pa ako handa dahil inuuna ko pa ‘yung mga mas malapit ang deadline tulad ng research at iba pang activities,” ayon kay Dorothy Geraga, magaaral mula sa SHS Department. Sa kabilang banda, ipinatupad ng paaralan ang ‘online classes’ kahit walang mga tagubilin mula sa Department of Education (DepEd) upang hindi masayang ang mga araw na ilalagi lamang ng mga mga mag-aaral sa bahay; upang magkaroon sila ng interaksyon sa kanilang mga guro; upang matugunan ang kanilang pangangailangang pang-akademiko. Dagdag pa rito, wala pang tiyak na panuntunan ang administrasyon ng paaralan para sa nalalapit na markahang pagsusulit. Denise Faith-An Vidar

ANONG NILALAMAN

?

05 12 16

OPINYON Bilibid or not!

LATHALAIN Salamat Doc!

ISPORTS

Action through Auctions Angas ng atletang Pinoy sa pagtulong sa labas ng court

OL


BALITA

ORA ET LABORA

BIL, nagsagawa ng sanitation, disinfection sa paaralan

N

aglunsad ang Benedictine Institute of Learning (BIL) ng malawakang sanitation at disinfection sa paaralan bilang pagtugon sa tumataas na bilang ng kaso ng Corona Virus Disease (COVID-19) kasabay ng pagsuspinde ng mga klase.

Nagsagawa ng malawakang paglilinis sa Benedictine Institute of Learning sa mga palaruan, kantina, silid-aralan, silid-aklatan, computer laboratories, at iba pang pasilidad nito bilang isa sa mga hakbangin ng paaralan upang masugpo ang COVID-19 at mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral at empleyado nito pagbalik ng klase. Larawang nakuha sa: Benedictine Institute of Learning

Katuwang ng punongguro ng BIL na si Cielo Valenzuela ang buong maintenance, security staffs, at iba pang kawani ng paaralan sa pagsasagawa ng sanitation noong ika-10 ng Marso sa iba’t-ibang bahagi ng paaralan tulad ng mga silid-aklatan, silid-aralan, kantina, lobby, mga sasakyan, klinika, at iba pang mga lugar sa paaralan upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing virus sa paaralan. “Mahalaga ang sanitation at disinfection para mapanatiling malinis ang kapaligiran ng Benedictine at masigurado ang kaligtasan ng mga mag aaral, empleyado, mga magulang at mga panauhin sa anumang sakit,” pahayag ni Valenzuela. Dagdag pa niya, ipinatutupad rin sa loob ng paaralan ang social distancing at agarang nagturok ng pneumococcal vaccine para sa lahat ng empleyado ng paaralan upang masiguro ang kanilang kaligtasan

at mapakalakas ang immune system bilang panlaban din sa anumang sakit na may koneksyon sa baga o respiratory system. Sa kabilang banda, ayon sa Imus City Epidemiology and Surveillance Unit (Imus CESU), labinlima (15) na ang naitalang kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa loob ng lungsod ng Imus na galing sa iba’t-ibang barangay, dalawa (2) na ang bilang ng mga gumaling, apat (4) ang nasawi, dalawang daan at siyamnapu’t anim (296) naman ang Person Under Investigation at walong daan at limampu (850) ang Person Under Monitoring simula noong Marso 12 hanggang April 6. Gayunpaman, dobleng pagiingat ang isinasagawa ng buong komunidad ng Benedictine Institute of Learning upang mapanatili ang kalinisan at masiguro ang proteksyon ng bawat isa sa loob ng paaralan. Emerson Antioquia

BIL, namahagi ng relief goods sa 120 mga guro, staffs

N

amigay ng relief goods ang Benedictine Institute of Learning (BIL) sa humigit kumulang 120 nitong empleyado habang sumasailalim ang Luzon sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) bilang pagsasaalang-alang ng kapanakan ng mga guro at staffs nito laban sa Corona Virus Disease (COVID-19).

Sa isang panayam, sinabi ni Cielo Valenzuela, punongguro ng BIL, naglaan ang pamunuan ng tinatayang 1,000 pesos na budget kada guro, driver, konduktor, at iba pang maintenance staff at hinatid ang mga relief goods sa tahanan ng mga ito upang matiyak ang kanilang kaligtasan. “Ang mga relief goods ay isa-isang ipina-deliver ng management sa bawat bahay ng mga empleyado ng paaralan. Ito originally ay nakaschedule nang tatlong beses mula end of March hanggang end of April,” ani Valenzuela. Batay sa punongguro, naglalaman ang relief goods ng bigas, canned goods katulad ng corned beef, tuna, at meatloaf, noodles gaya ng pancit canton at beef noodles, 3-in-1 na kape, at isang litro ng alcohol. “Personal naming pinamahalaan ni Mr. Abad ang

02

pag-order, pamimili, at pagrerepack ng lahat ng goods katulong sina Teacher Elaine, Nurse April, drivers, at lahat ng maintenance. Ang dalawnag driver ng paaralan kasama ang mga maintenance ang namahagi ng lahat ng goods,” saad ni Valenzuela. Dagdag pa niya, magmula noong pumutok ang balita ng COVID-19 noong huling lingo ng Enero, nagsimula na ang paaralan sa paghahanda sa nasabing sakit sa pamamagitan ng paglalagay ng alcohol sa school gate, thermal scanner, pamimigay ng libreng masks, at pagpapakalat ng impormasyon tungkol dito, sa social media, tarpaulins, at iba pang nakaimprintang materyales para sa kaalaman ng mga magulang at mag-aaral ng Benedictine. Panawagan naman ng punongguro, kailangan ng kooperasyon ng bawat isa ano

man ang estado sa buhay dahil sa malawakang epekto ng pandemyang ito kaya hinihiling niyang manalangin ang lahat at humingi ng patnubay sa Maykapal. Sa kabilang banda, ibinahagi rin ng isang guro mula sa Senior High School Department na si Ma. Charisse Logrono na isang malaking pagpapala sa kanya ang paaralan sa ipinakikita nitong malasakit sa mga empleyado ng BIL dahil natutulungan sila nitong mapunan ang kanilang pangangailangan sa gitna ng krisis. Aniya, malaki ang puso ng administrasyon ng paaralan pagdating sa pagtulong sa nangangailangan lalo na sa panahon ng sakuna o krisis. Matatandaang nagsagawa rin ng donation drive ang BIL noong Enero para sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas. Kaela Patricia Gabriel

NEWS BITS

Positibong OFWs sa COVID-19, umakyat na sa 634

K

inumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 634 na kaso na ng Overseas Filipino Workers (OFW) ang positibo sa Corona Virus Disease o COVID-19 kung saan 79 ang naitalang bilang ng mga namatay at 172 naman ang gumaling mula sa naturang sakit habang 383 ang bilang ng mga sumasailalim sa treatment. Kaela Patricia Gabriel

Matapos magsagawa ng disinfection ang mga lungsod

DOH nagbabala sa masamang epekto ng misting

I

giniit ng Department of Health (DOH) na walang ebidensyang sumusuporta na paraan ang spraying upang mapatay ang virus at nagbabala rin ito na nagdudulot lamang ito ng polusyon sa kapaligiran, mas masidhing pagkalat ng pathogens sa proseso ng misting, iritasyon ng balat, at chemical inhalation. Kaela Patricia Gabriel

Sumulat. Makibahagi.


COVID-19

BALITA

idineklara ng WHO bilang pandemic: Mga bansa, nabahala sa health crisis Jerome Ymas

M

atapos makumpirma ang unang kaso ng Corona Virus 2019 (COVID- 19) mula sa China, kumalat pa ito sa iba’t ibang mga bansa kung saan maraming kaso ang naitalang nag-udyok sa World Health Organization (WHO) upang ideklara bilang pandemic o malawakang health crisis ang naturang sakit. Matapos makumpirma ang unang kaso ng Corona Virus 2019 mula sa China, kumalat pa ito sa iba pang mga bansa kung saan maraming kaso ang naitalang nag-udyok sa World Health Organization (WHO) upang ideklara bilang Pandemic o malawakang Health Crisis ang naturang sakit. Iginiit ni Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, WHO directorgeneral, sa isang panayam na hindi lamang ito isang public health crisis kundi isang krisis na nakaaapekto sa lahat ng sektor kung saan hinimok niya ang bawat sektor at bawat tao na makibahagi sa laban kontra COVID-19. Sa datos ng WHO (Abril 5), 1,133,758 katao ang kumpirmado

sa COVID-19 mula sa iba’t-ibang bansa kung saan hinikayat ng WHO ang bawat bansa na paigtingin ang seguridad sa kalusugan ng nasasakupan upang mapigilanangpagtaas ng kasong COVID-19. Ano ang COVID-19? Iginiit ng WHO na isang infectious Disease na sanhi ng corona viruses na mula sa pamilya ng viruses ang COVID-19 na nagdudulot ng sakit mula sipon hanggang sa mas malalang sakit katulad ng Middle East Respiratory Syndrome-related Corona Virus (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndromerelated Coronavirus (SARS-CoV). Sa kabilang dako, mas

kinilala ng WHO na ang COVID-19 ay mula sa Novel Corona Viruses, bagong Corona Virus na nakita sa katawan ng tao matapos maitala ang unang kaso mula sa Wuhan, China. Karaniwang nagmumula sa mga hayop ang Corona Viruses ngunit hindi pa nakukumpirma kung mula rin dito ang COVID-19. Paano maiwasan ang pagkalat ng COVID-19? Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na sanayin ang sarili sa lagiang paghuhugas ng mga kamay, tamang pag-ubo at pagbahing, pagsagawa ng social distancing, pagpigil sa unavoided contact sa mga hayop, at tamang

pagluto sa mga pagkain. Iginiit ng DOH na sa pag-ubo at pagbahing, kinakailangang takpan ang bibig at ilong gami tang tissue, lumayo tuwing uubo, iwasan ang dumura, itapon ang ginamit na tissue nang tama, at gumamit ng alcohol o sanitizers pagtapos bumahing at umubo. Mga sintomas at senyales ng COVID-19 Ayon sa WHO, lagnat, pagkahupa o pagod, at tuyong ubo ang kalimitang mga sintomas nito ngunit sa kabilang banda, maaari ding makaranas ng pananakit sa mga bahagi ng katawan, nasal congestion o baradong ilong, runny nose, sore throat, at diarrhea ang mga pasyente nito.

COVID-19 Pinoy testing kits, aprubado na ng pamahalaan

I

nisyuhan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng Certificate of Product Registration (CPR) ang Gen Amplify Corona Virus 2019 (COVID-19) RRT PCR Detection Kit na malawakang ipamamahagi mula ika-24 hanggang ika-25 ng Abril. Kasalukuyang gumagawa ng of Health, tugon sa banta ng tayo to do the best with what we pagbuo ng naturang proyekto, hindi pa rin lubusang naiiwawaksi kasalukuyang pandemya. have. So, financial management marami pang mga testing kits na ang banta ng pandemyang Nagsagawa agad ng mga of resources is very important in kayang magsagawa ng 120,000 mga test, kasunod ng inisyal na pag-aaral ang mga mananaliksik managing research labs. Talagang kinakaharap ng bansa sapagkat ang mga testing kits ay hindi 26,000 na inisyu at ipinamahagi na nagmula sa iba’t ibang panig kailangan mo lang ibigay ang gamot na sagot laban sa virus sa mga laboratory at ospital. ng mundo matapos mabigyang- lahat despite our restrictions kundi proteksiyon lamang. impormasyon ukol sa buong and limitations,” dagdag pa niya. Sa isang Facebook post, Sa kabila ng tagumpay sa Dorothy Geraga ayon sa University of the ‘genome sequence’ ng naturang Philippines (UP), handa na ang virus ng mga siyentipikong mga lokal na testing kits na mula sa China noong Enero ng kasalukuyang taon. nagkakahalagang ₱1,320 bawat test, higit na mas mura kaysa “Hindi siya madali, pero kasalukuyang ginagamit sa mga pinilit nating kayanin dahil gusto ospital na nagkakahalagang nating ipakita din na kaya nating gawin dito sa ating bayan, na ₱8,500 bawat isa. “So we are one with the i-address ang pangangailangan ng government in providing this bansa natin,” turan ni Dr. Destura. Sinabi niya ring mahalaga technology, para sana maging accessible sa lahat,” ani Deputy na sa umpisa pa lamang ng mga Executive Director of the ganitong klaseng sitwasyon Philippine Genome Center Dr. Raul ay handa na ang ‘scientific V. Destura, isa ring microbiologist community’ upang maresolba o maagapan ang kayang agapan. at infectious disease specialist. Kinonsidera pa rin ang mga Bumuo ng SARS CoV-2 Inaprubahan na ng Department of Food and Drugs Administration (FDA) ang mga detection kit ang isang samahang pampinansyal na gastusin para sa likhang coronavirus testing kits ng mga scientists mula sa University of the Philipbinubuo ng labinlimang mga pagsasakatuparan ng proyektong pines na sinasabing mas mura at mabilis ang paglabas ng resulta kumpara sa orihinal siyentipiko mula sa Philippine ito ngunit hindi ito naging na testing kits. hadlang para sa mga siyentipiko. Genome Center at ang UP Larawang nakuha sa: CNN Philippines Manila’s National Institutes “Ang maganda, na-train

ABRIL 2020

03


BALITA

ORA ET LABORA

Paglalathala ng mga resulta ng CETs, kanselado dahil sa Luzon ECQ

K

inansela ng Unibersidad ng Pilipinas at ng iba pang mga unibersidad sa bansa ang paglalathala sa listahan ng mga pumasa sa kani-kanilang College Admissions Test (CAT) o College Entrance Test (CET) dahil sa Luzon Enhanced Community Quarantine (ECQ). Batay sa pahayag na inilabas ng UP Office of Admissions, dahil sa maaaring maranasang problema sa internet connection ng mga aplikanteng nais pumasok sa kanilang unibersidad ang naturang desisyon. “The reality that the UPCAT applicants will have different levels of access to online results in light of the Luzon Enhanced Quarantine,” saad nila. Dagdag pa nila, para rin daw ito sa kalusugan ng mga empleyadong naninirahan sa loob at labas ng Metro Manila na may kaugnayan ang trabaho sa pre-release validation ng UPCAT results. “The need to suspend UPCAT processing after March 16, 2020 in consideration of the welfare

of the large team of employees working on the pre-release validation of UPCAT results— who live in various locations within and at the outskirts of Metro Manila”, pahayag ng UP Office of Admissions. Sa kabilang banda, naglabas din ng advisory ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) na sa kanilang website na ilalathala ang PUPCET results at ililipat naman ang paglalabas ng resulta ng PUPCET Batch 4 sa ibang petsa. Ang paglalathala ng resulta ng UPCAT ay nakatakda sana noong ika-30 ng Marso habang ang PUPCET ay sa pagitan ng Abril at Mayo. Judina Hilario

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang conference ang pagpapatagal pa ng Luzon Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang sa katapusan ng Marso dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19. Larawang nakuha sa: Rappler

Upang tugunan ang krisis na dulot ng COVID-19,

Cavite, magkakaroon ng PRC Testing Lab

M

agtatayo na ng Polymerase Chain Reaction (PRC) Testing Laboratory ang Lalawigan ng Cavite na akreditado ng Department of Health (DOH) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para makagawa ng kopya ng coronavirus samples upang mapag-aralan. Ayon sa inilabas ni Governor Juanito Victor (Jonvic) Remulla Jr. sa isang facebook post, gagamitin ang PRC Testing Lab upang makagawa ng milyonmilyon o bilyon-bilyong ‘Corona Virus samples’ nang mabilisan. Samantala, pahihintulutan din ang DOH at RITM na manghimasok dito upang magawan ng detalyadong pagaaral ang kumakalat na sakit.

04

Dagdag pa ni Remulla, isang hakbang na lamang ang kailangan sa buong akreditasyon ng nasabing laboratoryo. Sinabi rin ng gobernador na kapag nakilala na ang mga nagpositibo, ihihiwalay na ang mga ito at pamahalaang lokal na ang bahala rito. “Bawal po ang bisita. Baka makahawa pa. This will be a very difficult and very lonely

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang conference ang pagpapatagal pa ng Luzon Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang sa katapusan ng Marso dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19. Larawang nakuha sa: Rappler

Pimentel, kinasuhan na matapos lumabag sa quarantine

S

inampahan na ng kaso ng isang abogado si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III sa Department of Justice (DOJ) dahil sa paglabag ng senador sa ‘quarantine protocols’ nang samahan ang kanyang asawa sa isang ospital kahit na isa siyang person under investigation (PUI) at may sintomas ng COVID-19, na kalauna’y nagresultang positibo sa sakit.

Inireklamo ng abogadong si Rico Quicho sa e-mail ang nagsasabing paglabag sa Batas Republika 11332 o ‘Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act’ at iba pang regulasyon ng Department of Health. Maaaring maparusahan ng pagkakulong ng isa hanggang anim na buwan at multang P20,000 hanggang P50,000 ang lalabag sa nasabing batas. Tiniyak naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na itatakda ang ‘preliminary investigation’ sa angkop na iskedyul dahil sa kasalukuyang lockdown. Binigyang-diin naman ni Pimentel na hindi umano siya nagpaikot-ikot pa sa Makati Medical Center at agad ring umalis nang malaman ang resulta ng kanyang test. Ayon pa kay Quicho, ginamit niyang batayan ang petisyong umani ng 200,000 lagda na kumukundena sa nagging aksyon ni Pimentel sa ospital noong ika-24 ng Marso. “We are one with the

Filipino people in condemning negligent and reckless acts which expose the public, especially our health workers to unnecessary risks,” ani Quicho. Dagdag pa ng abogado, nailagay sa panganib ang buhay ng mga frontliners ng MMC dahil sa paglabag ng senador sa batas na inamin din naman ni Pimentel ngunit hindi pinagsisihan. Sa kabilang banda, humingi naman ng tawad si Pimentel sa MMC matapos nitong ipahayag ang iresponsableng aksyon ng senador na dumagdag lamang sa pinapasan ng ospital habang rumeresponde sa kinakaharap na COVID-19 outbreak. Bukod pa rito, nagging kontrobersyal din ang pagpapatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Pasig City Mayor Vico Sotto na sinundan ng pagpapatawag din kay Pimentel dahil sa reklamo ng mga netizens. Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, hindi nga lang tiyak kung kalian haharap ang senador dahil nga nasa ilalim pa siya ng quarantine matapos magpositibo sa COVID-19. Denise Faith-An Vidar

experience,” ani Remulla. Hinikayat din ni Remulla na sundin ang quarantine rules para na rin sa kapakanan ng kalusugan ng lahat. Dagdag pa rito, kauna-

unahan din ang Lalawigan ng Cavite na magkakaroon ng sariling PRC Testing Laboratory sa buong Luzon. Bojo Evangelista

Sumulat. Makibahagi.


@oraetlaboraBIL

OPINYON

@bil_ora

ORA ET LABORA Ang Opisyal na Pahayayang Pampaaralaan ng Benedictine Institute of Learning

BOJO G. EVANGELISTA Punong-Patnugot GWYNETH JEMIMA P. MORALES

Katuwang ng Patnugot - JHS

EMERSON B. ANTIOQUIA Katuwang ng Patnugot - SHS

PATNUGOT NG BAWAT SEKSYON KAELA PATRICIA B. GABRIEL JUDINA T. HILARIO Balita NERMEEN C. ALAPA Opinyon KRISTINE SHANNE R. REAL JULIANNA MARIE V. RAMOS Lathalain JANN MIGUEL B. BIAZON JAIRARD PROVERBS V. PALON Isport ROBERT PATRICK A. ALFILER

Punong Taga-Anyo ng Pahina

Mga Manunulat at Kontribyutor: A-Cel Gwyneth A. Samala Alyssa Concha Ana Althea S. Virata Czharina S. Nartea Dairene Danielle J. Garcia Denise Faith D. Vidar Dorothy Geraga Jerome A. Ymas John Vincent A. Degoma Roscelia Chloe A. Tagra Ryann Christopher I. Yap

*** KIM JOSHUA G. DAÑO, LPT Tagapayo ng Pahayagan TERESA CIELO FE J. VALENZUELA Punongguro

ABRIL 2020

DIBUHO mula kay Czharina S. Nartea

Bilibid or not! Bilibid or not, hindi ka inosente sa mata ng batas. Isinabatas ang Republic Act 11469 o mas kilala bilang Bayanihan to Heal as One Act noong Marso 25 bilang pagpapalawig ng kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magsulong ng mga polisiyang magtutuldok sa patuloy na pagkalat ng Coro-navirus disease (COVID-19) sa bansa. Sa kasamaangpalad, pinapaikot lamang ang mga isyu at binabaluktot ang mga probisyon ng nasabing batas upang patahimikin ang masa. Matatandaang nagkaroon ng banggaan sa pagitan ng National Bureau of Investigation (NBI) at ni Pasig Mayor Vico Sotto dahil sa diumano’y paglabag ng Section 6a ng RA 11469. Nakasaad sa nabanggit na seksyon na hindi raw marapat na lumabag ang mga opisyal ng Local Government Unit (LGU) sa kahit anong utos o polisiya ng administrasyon. Kung babalikan, nagbigay-suhestiyon ang alkalde sa pangulo na magdeploy ng mga tricycles dahil butas ang sistemang transportasyon ng Pasig. Matapos tuligsain ng Malacañang, hindi na niya ito itinuloy. Dito pa lamang ay makikita na wala naman siyang sinuway na utos simula’t sapul. Kung paparusahan man si Vico, ito ay dahil sa pagtugon sa kanyang responsibilidad bilang mayor ng Pasig at pagrespeto sa desisyon ng mga politikong higit na nakatataas sa kanya.

Masyado nang maraming lehitimong problema ang bansa kaya, sa halip na pagaksayahan ng panahon na parusahan ang mga inosente, marapat na pagtuunan na lamang nila ng pansin ang kani-kanilang mga tungkulin upang mapuksa ang totoong kalaban.

Ginagamit din ang Bayanihan Act bilang pagtapak sa kalayaan sa pamamahayag. Marami na ang mga naipatatawag ng gobyerno dahil sa diumano’y paglabag ng Section 6f ng batas na nagpapataw ng parusa sa mga taong nagpapakalat ng “false information.” Unang basa pa lamang, delikado na ito dahil naiiwan sa kamay ng pamahalaan ang paghatol kung tama ba o mali ang hinaing mo sa isang isyu. Maaari nila itong ibato sa’yo upang manahimik ka. Tulad na lamang ni Joshua Molo, ang punong patnugot ng University of the East (UE) Dawn. Napilitan siyang humingi ng tawad sa publiko, partikular sa kanyang mga dating guro sa East Caviao National High School sa Nueva Ecija matapos mag-upload ng mga

posts na nagbibigay-kritisismo sa kasalukuyang administrasyon. Tinawag siyang “anti-Duterte” ng mga guro niya at ipinatawag pa sa barangay. Hindi maituturing na pagladlad ng “false information” ang ginawa ni Molo, kundi isang pagtupad lamang sa kanyang karapatang maglabas ng saloobin. Hindi lamang mga pahayagan ang nabibiktima kundi pati na rin ang mga netizens na nag-a-upload ng kanilang mga kritisismo sa kanilang social media accounts. Sa katunayan, ipinatawag ng NBI ang humigit-kumulang isang dosenang Pilipino noong Abril 3. Subalit, iginiit ni Human Rights lawyer Chel Diokno sa isang interview sa ANC na kaysa COVID-19, mga kritikong nagpapahayag ng kanilang mga isinasaloob ang gustong puksain ng pamahalaan. Tulad ng pangulo na ginagawa ang lahat upang proteksyunan ang bansa, ginagam-panan lamang din ng mga politiko, mamamahayag, at kahit na rin ng mga mamama-yang Pilipino ang kanilang tungkulin at hindi dapat sila managot doon. Masyado nang maraming lehitimong problema ang bansa kaya sa halip na pag-aksayahan ng panahon na parusahan ang mga inosente, marapat na pagtuunan na lamang nila ng pansin ang kanikanilang mga tungkulin upang mapuksa ang totoong kalaban. Upang maiwasang madagdag ang pangalan sa listahan ng susunod na biktima, mag-ingat at ugaliing sumunod sa RA 11469. Basahin ang nilalaman nito upang maging mulat sa mga posibleng kahihinatnan ng mga kilos. Dahil bilibid or not, hindi ka inosente sa mata ng batas -- ang mga taong nasa likod ng nagpapaikot ng mga isyu at nagbabaluktot ng probisyon ng Bayanihan to Heal as One Act. #

05


OPINYON

Panukalang pupuksa sa kalaban PANDAY NG NAKARAAN

Nermeen Alapa Patnugot ng opinyon

Ito sana ang gagawa ng malaking pagbabago at magbibigay ng tulong, lalo na sa DOH, na kasalukuyang nagkukumahog na kumalap ng mga boluntaryo mula sa social media at nagsusumikap na humingi ng mga PPEs o personal protective equipments sa mga karatig-bansa, na maaari sanang mapaghahandaan ng panukala ni Santiago.

Sa araw-araw ngayon kung saan mayroon tayong bagong bersiyon ng pamumuhay – ang quarantine sa gitna ng mapanirang pandemiya, marami sa atin ang mas nasinagan nitong nakakasilaw na katotohanang kulang na kulang, mabagal at hindi nararapat ang natatanggap nating paglilingkod mula sa mga lider ng ating bansa. Magmula rin nitong ipinatupad ang lockdown sa buong luzon, apat na linggo na ang nakakalipas, kapansinpansin ang pag-usbong nitong pinakabagong sandatahang lakas ng mga Pilipino na sinunod-sunod ang pag-atake sa mga kapalpakan ng gobyerno gamit ang kanilang armas na social media platforms. Alam kong ang kinakailangan natin ngayon ay agad-agarang solusyon para sa ating mga kababayang higit na nahihirapan, proteksiyon sa frontliners, kasiguraduhang sapat ang health facilities, at suporta’t sustento para sa mga nawalan ng trabaho. Ngunit ating tingnan ang malaking litrato, bakit nga ba hindi matugunan agad ito ng gobyerno at tayo ang nakukunsumi sa mga kilos nito? Bukod sa pangungurakot, ito’y dahil sa patuloy na paggamit nila ng mga napag-iwanan nang mga istratehiya ng paglilingkod na hindi naman epektibo kung ilalapat sa mga nagsusulputang makabagong problemang kinakaharap ng lipunan ngayon, tulad na lamang nitong

06

ORA ET LABORA Pitong taon bago tamaan ang mundo ng COVID-19, ang yumaong senador na si Miriam Defensor Santiago ay naghain ng isang panukalang tinatawag na Senate Bill No. 1573 o ang Pandemic and All-Hazards Preparedness Act sa gitna ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-COV) outbreak noong Setyembre 5, 2013. Layunin ng panukalang itong palakasin ang pagtugon ng Department of Health (DOH) sa mga public health emergencies na maaaring malubhang makaapekto sa pampublikong kalusugan ng bansa. Hindi ko maiwasang malungkot dahil ilang taon na ang lumipas ngunit hanggang ngayo’y hindi pa rin ito binibigyang-pansin ng kongreso. Ang panukalang batas na ito ay maaari sanang magligtas sa Pilipinas mula sa pandemic na nararanasan ngayon ng buong mundo. Bagkus, mas ramdam ng taumbayan ang kakulangan at kabagalan ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 dahil hindi sapat ang ating kahandaan sa ganitong pandemic. Sa mga naunang linggo mula noong maideklara ang lockdown sa Luzon dahil sa COVID-19, kapansin-pansing nagkaroon ng mga hindi pagkakaintindihan ang

mga ahensiya ng gobyerno. Ngunit sa ilalim ng panukala ni Santiago, magkakaroon ng koordinasyon dahil sa task force na binubuo ng National Security Adviser, Philippine Red Cross (PNRC), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at ang Department of Interior and Local Government (DILG), na pangungunahan ng DOH. Ang Kalihim ng Kalusugan ang siyang mamamahala sa pagbuo ng mga patakaran at direksiyon upang maging handa ang bansa sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pampublikong kalusugan bago, tuwing, at pagkatapos ng public health emergency. Kasalukuyan ding nararanasan ng bansa ang kakulangan ng mga frontliners. Matagumpay sanang matutugunan ng Medical Reserve Corps and isyung ito sa ilalim ng panukala kung saan ang Kalihim ng Kalusugan ang magtatatag nito na binubuo ng mga boluntaryong mga healthcare professionals. Ngunit ngayon, ramdam ang paghihirap ng ating mga frontliners dahil hindi na nga sapat ang kanilang mga kagamitan upang patuloy na labanan ang sakit, hindi pa sapat ang kanilang kinikita sa kabila ng kanilang sakripisyo para sa bansa. Sa panahon ngayon, tunay

ngang napakalaki ang magiging tulong ng panukala kung ito’y naisabatas na. Makikita ang koordinasyon sa pagtugon sa krisis na maaaring harapin ng bansa dahil ito ay nakadisenyo upang ihanda ang publiko sa anumang emergency. Ito sana ang gagawa ng malaking pagbabago at magbibigay ng tulong, lalo na sa DOH, na kasalukuyang nagkukumahog na kumalap ng mga boluntaryo mula sa social media at nagsusumikap na humingi ng mga PPEs o personal protective equipments sa mga karatig-bansa, na maaari sanang mapaghandaan ng panukala ni Santiago. Marapat lamang na bigyangpansin ang panukalang ito na ilang taon nang nakahain sa kongreso, hindi lamang ng gobyerno, kundi lalo na ang taumbayan. Hindi sana tayo haharap sa ganitong sitwasyon sa pangangasiwa ng mga tao at suplay kung naging handa ang bansa sa pagtugon sa ganitong problema. Sa panahon ngayon, mas kinakailangan natin ang kapangyarihan ng mga healthcare professionals upang puksain ang tunay na kalaban. Dapat lamang na maipagpatuloy ito ng susunod na kongreso dahil ito ay mabisang tugon upang paghandaan ang anumang sakuna o sakit na maaaring makapinsala sa bansa. #

coronavirus disease o COVID-19. Makailang ulit na bang ginamit ng administrasyong Duterte ang kapangyarihang militar sa pagresolba ng mga problema sa Pinas? Wala na bang ibang paraan? War on drugs, batas militar sa Mindanao, pagpatay sa mga magsasaka sa Negros dahil sa MO 32. At h’wag nating kalimutan, ang ‘shoot them dead’ threat ng pangulo para daw sa mga leftists at lockdown violators na tanging mahihirap na naman ang biktima, ang sigaw nga ng netizens, “solusyong-medikal, hindi militar!”. At kaya patuloy pa rin ang pagdami ng bilang ng nagpopositibo sa Pilipinas sa COVID-19 ay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin isinasagawa ang mass testing na kinakailangan ng lahat, at kakulangan sa personal protective equipments (PPEs) para sa mga frontliners kaya unti-unti silang nalalagas. Ngunit mayroon tayong nakikitang kakaiba ngayon, iba mula sa nakasanayan nating mga Pilipino na makupad at tuwing “eleksyon lang matunog” na uri ng paglilingkod. Bago sa atin ang mga ikinikilos ni Mayor Vico Sotto ng Pasig na ginagawa lamang nang tama ang kanyang trabaho. Mula sa disinfecting kits, drones, mobile palengke, 400,000 food packs, financial assistance para sa mga drivers ng public vehicles at

anti-panic buying and hoarding ordinance na naging matunog sa social media kaya marami ang napapabilib. Tila, nakakita tayo ng mabilis na pag-responde at nakakaunawa ng tunay na pangangailangan ng tao. Tila isang bagong bunga sa gitna ng mga nabubulok. Ilang porsiyento kaya ang mga tulad ni Vico sa gobyerno? Ang pinupunto ko rito, kung ikukumpara nga naman ang kilos nitong bagong mayor sa mga sinasabi nilang “beterano” ay talagang napagiiwanan na sila. Ang kinakailangan nating mga lider ngayon ay may matalinong istratehiya at may kakayahang makipagtulungan sa kapwa naglilingkod, hindi pataasan ng pride. Ang kailangan nating mga lider ngayon ay may konkretong plano habang isinasaalang-alang ang kinabukasan ng kanyang pinamumunuan. Ang kailangan natin ay mga lider na may kakayahang unawain ang problema at hindi pagpatay agad ang naiisip na solusyon. Ang mga nangyayari sa atin ngayong COVID-19 ay nagsisilbing panggising na sa susunod na halalan, hindi na sapat ang mga sikat, nagbubudots, namimigay ng isanglibo, o kahit may dalawangpu’t taon na siyang pananatili sa puwesto. Sapulin natin sa punto, kailangan natin ng mga bagong politiko. Ibasura ang mga bulok na trapo. #

‘Pag bulok na, palitan na ng bago

Tanglaw

Dairiene Garcia Manunulat

Ang kailangan nating mga lider ngayon ay may konkretong plano habang isinasaalangalang ang kinabukasan ng kanyang pinamumunuan

Sumulat. Makibahagi.


@oraetlaboraBIL

NAPlanong walang malinaw na direksyon

BItag sa bayan

Bojo Evangelista Punong patnugot

OPINYON

@bil_ora

sa delayed delivery ng mga tulong mula sa pamahalaan dahil darating naman ito kung kaya’t walang mamamatay sa gutom. Nagpapakita lamang ito na nagiging makupad ang administrasyon sa mga aksyon na gagawin upang tugunan ang pangangailangan ng krisis na ito. Pinapaigting pa rin ang ‘Enhanced Community Quarantine’ sa buong Luzon. Sa katunayan, pinahaba pa ang implementasyon nito hanggang Abril 30 na dapat ay matatapos na sa Abril 12. Sa kasamaang-palad, ito lamang ang malinaw sa lahat ng ginagawa ngayon ng administrasyon upang labanan ang sakit. Samantala, makikitang naging matagumpay ang laban ng South Korea sa pagbulusok ng sakit na ito. Nagsagawa lamang ang bansa ng ‘Mass Testing’ at diretsahang ihiniwalay ang mga nagpositibo nang hindi nagsasagawa ng ‘lockdown’. Nakapagtala sila halos araw-araw ng 500 positive cases nitong mga unang linggo ng Marso. Kung ikukumpara sa bansa, noong mga unang linggo ay pailan ilan lamang ang nadadagdag. Sineryoso agad ng Timog Korea ang pagkakaroon ng positibo nito noong January kaya isinaayos agad ang mga ospital na makikitang pinagtuunan ang solusyong-medikal. Sa ating bansa, sa Abril 14 pa lamang magsasagawa ng ‘mass testing’ gayong isang buwan na ang nakalipas magmula ng biglaang lumobo ang bilang ng mga tinamaan ng sakit. Bukod pa rito, sinabi Secretary Carlito G. Galvez nitong nakaraang Abril 9 sa isang news briefing na ang bansa umano ang may best preparations sa lahat ng bansang apektado ng COVID-19. Maganda umano ang desisyon ng pangulo na magkaroon ng ECQ at travel ban sa mga bansang tinamaan ng sakit. Mapapansing puro papuri lamang sa protocol ng pamahalaan sa mga nagawa ng militar sa pagpapaigting ng ECQ. Sa katunayan, noong Marso 12 pa lamang ay nagsagawa na ng travel ban ang bansang Israel, Jordan (Marso 17) at bansang

Malaysia (Marso 18). Makikita lamang na puro salita lamang at papuri ang sinasabi gayong wala namang katotohanan ang mag pahayag. Nais lamang takpan ng maling impormasyon ang mabagal na paglutas sa banta ng sakit. Karagdagan pa rito, ayon sa inilabas na sarbey ng Ora et Labora para sa mga mag-aaral sa sekondarya ng Benedictine Institute of Learning, lumalabas na 94.4 bahagdan ng mga tumugon ay sinasabing malaki ang epekto sa kanila ng ECQ, partikular siyam sa bawat sampung tumugon ang nagsabing naapektuhan ang kanilang kanilang pag-aaral o edukasyon. Dagdag pa rito, walo sa bawat sampung tumugon ang hindi na sumasang-ayon sa 15-20 araw na karagdagang araw ng ECQ. Datos na mismo ang nagsasabi na malaki ang naging epekto ng biglaang deklarasyon ng ECQ gayong wala naman talagang maipakitang sapat na solusyon ang pamahalaan upang labanan ang sakit. Mula rito, tunay ngang walang saysay at direksyon ang nabuong NAP dahil hindi naman scientific approach ang isinasagawa ng grupong bumubuo nito, tulad ng ginagawa ng mga karatig na bansa kagaya na lamang ng Timog Korea. Kinakalaban lamang ang mga lumalabag ngunit walang malinaw na hakbang kung paano wawakasan ang COVID-19. Nakaaangat sa panahong ito ang mga taong may sapat na kaalaman sa siyensya at medisina. Nararapat lamang na palitan at ihanay ang mga doktor o mga propesyunal na may sapat na kaalaman sa medisina at siyensya upang maging epektibo at komprehensibo ang NAP. Solusyongmedikal ang kailangan, hindi solusyong-militar. Bukod pa rito, dapat lamang na mas pagtuunan ng pansin ng administrasyon ang NAP at hindi ang pagpapalakas ng ECQ. Gawing prayoridad ng pamahalaan ang mga frontliners na siyang nag-aasikaso sa mga nagpositibo.x

8/10 sa

ba wa t

Kung iisipin, hindi na agad magiging epektibo at komprehebsibo ang mabuuong NAP dahil hindi naman ito digmaan na kung saan tao ang kalaban; ang tunay na kaaway dito ay ang COVID-19, isang sakit na wala pang lunas at tanging mga doktor lamang ang may kayang lumaban.

Ilang linggo na ngunit wala pa ring malinaw na direksyon kung ano ang magiging estratehiya ng administrasyon upang labanan ang Coronavirus disease (COVID-19). Matatandaang sangayon sa Resolution no. 15 ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang marapat na pagkakaroon ng National Action Plan (NAP) upang magkaroon ng tugon sa banta ng naturang sakit. Nakadidismayang isipin na imbis na siyentipikong hakbang ang nakapaloob sa NAP, aksyong-militar ang isinusulong upang labanan ang banta ng sakit sa masang Pilipino. Kapansin-pansing walang anumang impormasyong inilalabas ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung ano ang hakbang na gagawin upang makabuo ng plano. Sinabi lamang nito na ang mangunguna rito ay Department of National Defense (DND) at Department of Interior and Local Government (DILG). Ang malinaw lamang ay huhulihin ang mga taong lalabag sa protocol na inihain ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Kung iisipin, hindi na agad magiging epektibo at komprehensibo ang mabuuong NAP dahil hindi naman ito digmaan na kung saan tao ang kalaban; ang tunay na kaaway rito ay ang COVID-19, isang sakit na wala pang lunas at tanging mga doktor lamang ang may kayang lumaban. Sa katunayan, kasalukuyan itong pinangungunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang Chairman sa implementing group ng NAP at kaagapay nito si Interior Secretary Eduardo Año bilang Vice Chairman na kapwa mula sa hanay ng militar. Nakadidismayang walang nakahanay na may sapat na kaalaman sa siyensiya at medisina upang gumabay na makagawa ng epektibong tugon sa nasasabing sakit. Sa kabilang banda, mabagal pa rin ang pagbibigay-ayuda sa mga mahihirap na Pilipinong apektado ng ECQ. Diretsahang sinabi ni Duterte sa kanyang pahayag na marapat na huwag kalabanin ang gobyerno at magtiis ang mga Pilipino

Na mag-aaral sa Hayskul ay hindi sang-ayon sa pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine (ECQ)

ABRIL 2020

07


OPINYON

iKOKOlong? Bakit pa tinatanong?

LAGALAB

KAela Gabriel

MANUNULAT

Kung sa mga mahihirap na ‘lumalabag’ umano sa ECQ protocols, walang pag-aatubiling minumultahan o pinarurusahan ang mga nahuhuli nang hindi kinokonsidera ang kalagayan ng mga ito, hindi na dapat pa mahirapan ang DOJ sa pagbibigay ng hustisya sa senador— o hindi na kailangan ng “compassion”

Sa panahon ng krisis kung kailan nangangailangan ang bansa ng isang tapat, matalino, maagap at maaasahang lider, tila pagsasawalang-bahala, dahas at pangil pa ang piniling pairalin ng ating Pangulong Duterte. Siya ang dapat na nagsisilbing simbolo ng pag-asa para sa’ting mga Pilipino, ngunit para bang sunudsunod na pagkadismaya lamang ang natatamo natin sa kaniya. Bago pa man lumala ang pandemyang coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, marami na ang nanawagan sa gobyerno na magpatupad ng travel ban na magbabawal sa pagpasok ng mga turistang galing China sa ating bansa. Subalit, hindi nila dininig ang panawagan sapagkat ayon mismo kay Health Secretary Duque, ayaw nilang makuwestiyon ng China. Akalain mo ‘yon? Kahit nasa bingit na ng kapahamakan ang kanyang mga mamamayan, mas pinahalagahan pa rin ng pangulo at ng kaniyang administrasyon ang opinyon ng bansang siya mismong pinagmulan ng virus na ito. Isa pa, kung hindi man travel ban, ipinasailalim man lang sana ng gobyerno sa 14-day quarantine ang mga dayuhang galing sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19 noon, bago nila tuluyang hinayaan ang mga ito na makapaglibot sa bansa. Edi sana,

08

ORA ET LABORA Tahasang paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ) protocol at Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Act ang ginawa ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III matapos nitong samahan ang asawa sa Makati Medical Center sa kabila ng kanyang nararanasang mga sintomas ng coronavirus disease o COVID-19. Dahil dito, umani ng batikos ang senador hindi lamang mula sa mga netizens kundi pati na rin sa mga empleyado ng naturang ospital. Naganap ang insidente ng paglabag ni Pimentel sa ECQ protocol noong ika-24 ng Marso kung kailan siya nagpaikot-ikot pa sa ospital na walang pagdadalawangisip namang itinanggi ng senador sa kabila ng mga patunay na ginawa niya ito. Dagdag pa rito, namataan din ang senador sa S&R at dumalo pa umano sa dalawang pagtitipon. Ipinagkibit-balikat din ito ng senador at bumwelta pang hindi raw niya alam na siya’y nakahahawa na sa kabila ng mga naitalang sintomas sa kanya ngunit hindi sapat ang kanyang pagtanggi dahil alam ng nakararami na isa rin siyang PUI o Person Under Investigation kaya dapat siyang manatili sa tahanan hanggang sa ika-28 ng Marso. Maliban sa pagpapakita ng tunay na kulay ng senador, binuking din ng sitwasyong ito

kung gaano kinikilingan ng bansa ang mga may kapangyarihan. Malinaw na nakasaad sa guidelines ng Department of Health (DOH) na dapat sumailalim sa 14-day quarantine ang sinumang magpapatest sa naturang sakit ngunit hindi agarang binigyan ng karampatang parusa ng Department of Justice (DOJ) si Pimentel. Sinabi pa ng DOJ na hindi raw nila ito iimbestigahan hangga’t walang nagsasampa ng complaint ngunit sa ordinaryong mga mamamayan na lumalabag, mas mabilis pa sa alas kwatro kung umaksyon. Inamin din naman kalaunan ng senador na nilabag niya ang protocol kaya hindi na dapat magdalawang isip pa ang DOJ kung sasampahan ba ito ng kaso o hindi. Sa kabilang dako, nagsampa na ng complaint ang dating dean ng University of Makati na si Rico Quicho dahil sa paglabag ni Pimentel sa RA 11332 na nagresulta sa pagsailalim sa quarantine ng 22 na medical staffs ng Makati Medical Center (MMC) na mas dumagdag pa sa pasanin ng larangan ng medisina sa pagsugpo sa COVID-19. Umani rin ng 200,000 na lagda ang petisyon ng change. org na arestuhin si Pimentel na mas nagpabigat pa sa maraming dahilan upang arestuhin ang senador. Batay naman sa pahayag ng Justice Secretary Menardo Guevarra, nakatakdang bigyan ng

subpoena ang senador sa susunod na linggo, pagtapos ng Semana Santa at magkakaroon ng preliminary investigation matapos ang ECQ. Maaaring masabing isang magandang galaw ang ginawa ng DOJ sa pagkakaroon ng imbestigasyon sa kaso ni Pimentel sapagkat madalang ang pagkakaroon ng due process sa bansa, lalo na sa mga ordinaryong mamamayan. Nararapat lamang na imbestigahan at bigyan ng karampatang parusa ang senador at balewalain ang kapangyarihan sa mga pagkakataong tulad nito sapagkat walang kinikilingan ang tunay na hustisya. Kung sa mga mahihirap na ‘lumalabag’ umano sa ECQ protocols, walang pag-aatubiling minumultahan o pinarurusahan ang mga nahuhuli nang hindi kinokonsidera ang kalagayan ng mga ito, hindi na dapat pa mahirapan ang DOJ sa pagbibigay ng hustisya sa senador— o hindi na kailangan ng “compassion” sapagkat pagkakapantay-pantay ang nararapat sa mamamayan ng bansa, lalo na sa usaping hustisya. Nakahain na rin lang naman sa kanila ang samu’t-saring reklamo at ebidensya na isusubo na lamang, dapat, ang pagkakakulong nito, hindi na tinatanong. #

nasiguro nilang hindi nakapagkalat ng virus ang mga nasabing turista. Lumipas ang ilang buwan; tuluyang lumaganap ang COVID-19 at natanggap na rin nating pumalpak ang presidente pagdating sa pagpigil dito. Pero pati ba naman sa pagresponde, bibiguin pa rin niya tayo? Sa kasalukuyan ay mayroon nang emergency powers ang pangulo, sa tulong na rin ng Bayanihan to Heal as One Act. Binigyan siya nito ng kontrol sa humigit-kumulang P275 billion COVID fund. Samantala, inaatasan din siya ng nabanggit na batas na magsumite ng detalyadong ulat tungkol sa mga paggagamitan ng hawak niyang pondo linggu-linggo. Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, nakapagsumite naman na raw ang pangulo ng report, hindi nga lang sa takdang araw. Nakakapagtaka lang na talagang ipinaglaban niya noong dapat siyang mabigyan ng special powers, pero ngayong mayroon na siya, hindi naman niya nagagawa ang mga responsibilidad niya sa tamang oras. Hindi lang kasi sa pagpasa ng lingguhang report na-late ang pangulo, pati rin sa kanyang talumpati. Noong ika-30 ng Marso, ang nation address niyang dapat ay na-ere na sa ganap na 4PM ay

11:30 PM pa naipalabas dahil may meeting umano siyang dinaluhan. Marami ang nadismaya dahil dito pero hindi lang ito ang inireklamo nilang mga nag-abang at naghintay nang halos walong oras para sa kaniya. Nainis din sila dahil hindi idinetalye ng pangulo kung paano gagastusin ang P275 billion budget. Maraming beses na namang pumalpak si Duterte, pero mas lumala pa ito nang gawin niya ang tila nakasanayan na niya — ang magbanta. Sa harap ng milyunmilyong Pilipinong nanonood ng kaniyang public address, walang pag-aalinlangan niyang sinabing uutusan niya ang mga awtoridad na barilin ang sinumang susuway sa Luzon lockdown at magdudulot ng gulo. Gaya ng inaasahan, marami ang nagalit dahil sa pahayag niyang ito. Nakaaalarma naman kasi talagang karahasan pa ang uunahin niya ngayong nasa gitna tayo ng pangkalusugang krisis. Ngayong napakalaki ng banta sa kalusugan ng lahat, ang may pinakamataas na posisyon sa bansa ang siyang dapat na unang nagpapakita ng katatagan at malasakit. Huwag sanang pangil ang gamitin ni Pangulong Duterte dahil tiyak na wala itong bisa sa COVID-19. Pangunahan niya dapat ang kaniyang mga mamamayan gamit ang matalas na isipan at maayos na usapan. #

PANGILong Duterte

Huli ka sa AKto JV Degoma MANUNULAT

Nakakapagtaka lang na talagang ipinaglaban niya noong dapat siyang mabigyan ng special powers, pero ngayong mayroon na siya, hindi naman niya nagagawa ang mga responsibilidad niya sa tamang oras

Sumulat. Makibahagi.


@oraetlaboraBIL

OPINYON

@bil_ora

Para matuto o para may grado?

Kung hindi kayang itigil ang online classes upang hindi masira ang school calendar at antayin pang matapos ang ECQ para makahabol sa mga aralin, magbigay sana ng activities na madaling intindihin, gawin, at hindi sabay-sabay ang pasahan.

SABI NI JHS A-cel Samala MANUNULAT

Dahil sa paglaganap ng corona virus disease o COVID-19, nagkaroon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon. Noong una ay isang buwan lamang ito ngunit nag-extend pa ng dalawang linggo. Apektado ang pag-aaral ng maraming mag-aaral kaya nagkaroon ng ‘online classes’. Ngunit hindi ito epektibo dahil hindi lahat ng mag-aaral ay natututo online. Mula sa mga feedback na ibinigay ng mga mag-aaral sa sarbey ng Ora et Labora, mas nakalalamang ang mga nagsabing huwag na ituloy ang online classes dahil sila’y nahihirapan at hindi sapat ang natututuhan. Bilang mag-aaral na nakararanas din ng online classes, talagang mahirap dahil maraming balakid at problema ang aming nakakaharap. Isa-isahin natin ang mga ito. Una, kinakailangan ng internet o kaya mobile data upang maging updated sa mga gawain at makapagpasa. Subalit, karamihan sa mga mag-aaral ay may unstable network dahil marami rin ang gumagamit ng wifi sa bahay lalo na’t work from home ang mga magulang at kailangan din ng internet. Ayon sa Speedtest Global Index, pang 107 ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamabilis na internet noong 2019. Ayon din sa isang datos, lalong bumabagal ang internet kapag

marami ang gumagamit. At dahil nasa bahay sila, hindi maiiwasan na mautusang gumawa ng mga gawaing bahay dahil sila’y abala din at may mga responsibilidad pa silang kailangang gampanan. Pangalawa, panay bigay ng sandamakmak na gawain na sabay-sabay pa halos ang mga deadline. Kada tapos mo yata ng isang activity ay may panibago nanaman. Minsan ay kailangan na magpuyat para tapusin ang ibang activity dahil patong-patong na ang mga pinapagawa. At kung minsa’y kapag nagbibigay ng activity, hindi na ito naituturo nang maayos kaya self-study nalang ang ginagawa ng mga estudyante para lang makapagpasa. Ngunit hindi naman lahat ng estudyante ay kayang mag self-study lalo na’t kung mahirap talaga ang lesson. Halos lahat din ng mag-aaral mula sa Junior Highschool (JHS) ay hindi sanay mag-aral kaharap ang gadgets dahil libro ang gamit. Tulad ko na hindi taga-tablet section, masakit sa matang magaral at tapusin ang sandamakmak na gawain dahil halos buong araw akong nakatutok sa gadget. Hindi talaga nakakapag focus ang mga estudyante. Nabatikos pa ang online classes dahil walang gaanong “interaction” ang mag-aaral at mga guro kaya napagdesisyonan na mag video call at doon magturo.

Bagama’t maganda ito para kahit paano’y may matutuhan, kalaban pa rin ang unstable network. Marami-rami ang nagrereklamo sa online classes. Mas maigi pa nga na mag-aral sa paaralan dahil doon ay tutok sa pagtuturo at may mas naiintindihan at natututuhan. Samantalang sa online ay magpapasa na lamang sila kapalit ng grado. Hindi epektibo ang online classes dahil kahit na nakakapagpasa ang mga estudyante ng assessment ay wala naman natutuhan. Dapat ay itigil na lamang ang online classes kung wala rin namang natututo o kakaonti lang. Mula sa kanilang feedback, karamihan sa mga estudyante ay nagsabing hindi sila nabibigyan ng sapat na kaalaman sa online classes. Iilang guro lamang ang nagtuturo nang maayos. Kung hindi kayang itigil ang online classes upang hindi masira ang school calendar at antayin pang matapos ang ECQ para makahabol sa mga aralin, magbigay sana ng activities na madaling intindihin, gawin, at hindi sabay-sabay ang pasahan. Ngayong na-extend ang quarantine at kung talagang ipagpapatuloy pa ang online classes, maging hinay-hinay lang sana sa pagbibigay ng assessment dahil ano na nga ba talaga ang magiging motibasyon ng mga mag-aaral, para matuto o para may grado? #

Bilang tugon sa pagsuspende ng klase sa loob ng isang buwan, inilatag ng Department of Education (DepEd) ang ideyang pagpapadausdos ng online classes ng mga paaralan. Bagamat maganda ang nasabing plataporma, hindi ito nagiging sapat upang matuto ang mga mag-aaral at makasunod sa mga talakayan dahil sa kakulangan ng kagamitan. Sa kasalukuyang kinahaharap ng bansa dahil sa banta ng COVID-19, napasailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine (ECQ) na kung saan lubhang nakaapekto hindi lang sa pangangailangan ng mga mamamayan kundi pati na rin sa edukasyon ng bawat estudyante. Nagiging isang malaking pasanin ang online classes sa mga mag-aaral, lalo na sa Senior High School (SHS) dahil kinakailangan pa nilang tapusin ang tila ga-bundok na gawain sa paaralan imbis na isipin ang kalusugan at proteksyon mula sa virus. Base sa isinagawang sarbey ng pahayagan, lumalabas sa de numerong datos na malaki ang naging pursyento ng mga sumang-ayon na ipatigil na ang pagsasagawa ng online class sa BIL. Ilan lamang ang mabagal na

internet, kakulangan ng gamit tulad na lamang ng laptop, computer at apektadong responsibilidad sa gawaing bahay ang nagiging dahilan upang hindi magawa ng mga magaaral ang mga gawain at tuluyang hindi makasunod sa talakayan. Sa nangyayaring online class, walang masyadong nagaganap na interaksyon sa pagitan ng guro at mag-aaral. Kadalasan, iniiwanan na lamang ang mga gawain at hindi na magsasagawa ng klase. Dahil dito, nababaliwala na ang halaga ng pag-aaral dahil kami pa mismo ang magtuturo sa sarili namin upang maintindihan ang aralin. Mula rito, masasabing napakahirap talagang maintindihan ang isang aralin kung walang sapat na gabay mula sa mismong guro. Tulad na lamang ni Nene na walang magamit na laptop at walang internet sa bahay kaya naman doble kayod siya sa paghahanap ng paraan upang mapakapagpasa lamang ng outputs. Sa kabilang banda naman, ay si Toto na kung saan aniya ay hindi sapat ang kanyang natutuhan kaya naman napipilitan siyang intindihin na lamang ang leksyon sa kanyang sariling pamamaraan. Dapat ding maintindihan at ikonsidera ng institusyon na ang

ibang mag-aaral sa SHS ay galing sa pampublikong paaralan na kung saan ang iba ay walang sapat na kagamitan upang makasabay sa mga gawain online. Bukod pa roon, sa halos 42.5 pursyento na nakiisa sa sarbey ay lumalabas na ginagawa na lamang nila ito upang mayroong maipasa at hindi na para matuto. Maganda man ang hangarin ng mga guro na gamitin ang online class upang maipagpatuloy ang mga leksyon at maturuan ang mga magaaral, hindi pa rin ito magiging sapat dahil hindi maiiwasan na mayroong mag-aaral na maiwan sa talakayan dahil sa mga rason na nabanggit. Samakatuwid, marapat lamang na mangibabaw pa rin sa mga kaguruan ang pag-alala sa kaligtasan ng mga mag-aaral dahil sa bawat pagtambak ng mga gawain, naaapektuhan din nito ang kanilang kalagayang mental. Kaya naman, dapat isuspende na ang pagsasagawa ng online class upang sa gayon ay walang naiiwan sa mga talakayan dahil sa kakulangan ng kagamitan at isaisip at isadiwa ng mga guro na mahalaga ang kaligtasan sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19 at hindi ang mga gawaing kaliwa’t kanang itatambak sa mga mag-aaral. #

USAPAN NG HAYSKUL SABI NI SHS Emerson Antioquia

katuwang ng Patnugot-SHS

Dapat ding maintindihan at ikonsidera ng institusyon na ang ibang mag-aaral sa SHS ay galing sa pampublikong paaralan na kung saan ang iba ay walang sapat na kagamitan upang makasabay sa mga gawain online.

Kaligtasan sa gitna ng krisis, hindi tambakan ng gawain at quizzes ABRIL 2020

09


OPINYON

ORA ET LABORA

Extensive mass testing: kalasag ng masa

Sandata ni juan

DOrothy geraga MANUNULAT

Talagang pangmasa at walang pinipiling testing ang dapat pairalin, kasabay ng mahigpit na contact tracing at pagsailalim sa quarantine ng mga taong nagkaroon ng close contact sa sino mang positibo sa COVID-19.

Kilalang-kilala na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga Pilipino bilang isang presidenteng may kamay na bakal. Lantad na sa lahat ang kanyang pagkiling sa kapulisan, kung kaya’t hindi na nakapagtatakang pinairal niya muli ang militaristang pamamalakad bilang tugon sa pagkalat ng Coronavirus disease (COVID-19). Ngunit nakadidismaya na kaysa paglingkuran ang bayan, ipinamamalas lamang ng hukbo ang kanilang hagupit sa masa -- mas pinahahalagahan ang kamao kaysa karapatang pantao. “If there is trouble, ...shoot them dead.” Iyang mapanupil na pahayag ay nanggaling mismo sa ating mabuting Tatay Digong noong Abril 1, matapos niyang magbilin sa mga opisyal ng mga barangay ukol sa mga curfew o quarantine violators. Maituturing mang April Fool’s Day ang araw na iyon, ngunit hindi ito pwedeng ikonsidera bilang isang magandang biro. O baka naman itinuturing niyang isang malaking kalokohan ang karapatan ng Pilipino? Sana nga hindi, ngunit tila sinunod ata ito ng mga barangay officials. Uunahin ko nang banggitin ang kontrobersyal na San Roque 21. Sila ang 21 na residente ng Quezon City na nanghingi ng tulong sa kabilang barangay noong Abril 1

10

Dahil sa kakulangan pa sa ngayon ng mga testing kits at mga laboratoryo o testing sites, pangunahing prayoridad muna ang mga taong may matataas na tyansang tamaan ng coronavirus disease (COVID-19). Ngunit napatunayan ng bansang South Korea na tiyak na epektibo ang extensive mass testing bilang pansamantalang kasagutan sa pagsugpo sa pagkalat ng virus habang wala pang lunas para dito. Sa pag-usbong ng pandemyang kinakaharap ng buong mundo, bumuo ng lokal na mga testing kits sa Pilipinas na mas epektibo at mas abot-kaya raw kumpara sa mga imported rapid test kits na kasalukuyang ginagamit ng mga laboratoryo’t mga ospital. Ngunit hindi ba mas maigi kung libre na ang COVID check-up at testing? Hindi na dapat makabawas pa sa badyet, lalo na ng ordinaryong mamamayan, ang COVID test. Makakahikayat pa ito sa mga tao upang magpasuri kung alam nila na ito ay libre. Extensive at walang pinipiling mass testing ang kailangan ng bansa para magsilbing kalasag upang makontrol o masugpo ang kumakalat na pandemyang sumusubok sa tatag ng mga mamamayan at pamahalaan ng bansa. Bukod sa bansang China kung saan unang umusbong ang virus, biglaang lumobo ang mga naitalang

kaso sa bansang South Korea noong hindi pa lubusang kinababahala ang pagkalat ng naturang virus. Extensive mass testing ang naging tugon ng bansa sa pagharap sa pandemyang ito. Pinaglaanan ito ng pondo’t pansin ng kanilang pamahalaan, at kapansin-pansin din naman ang naging resulta nito. Kasing bilis ng paglobo ang bilis ng pagbaba ng bilang ng mga kasong naitatala sa kanilang bansa sa paglipas ng mga araw. 20,000 ring mga test sa 633 na mga testing sites ang naisasagawa ng bansang South Korea araw-araw. Ginagamit rin ng naturang bansa ang kakayahan ng kasalukuyang panahon na gumamit ng teknolohiya sapagkat naibibigay nila ang mga resulta sa pamamagitan ng text messages. Nakatulong ito upang madaling malaman ng mga sumailalim sa testing kung sila ba’y positibo’t dapat na magself quarantine upang hindi na makahawa at kumonsulta sa doktor. Gaya ng paraang ginamit South Korea, ganoong klaseng pagtugon din ang hangad ng mga Pilipino para sa bansa. Kung susuportahan ng pamahalaan ang mga pinansyal na gastusin ng Philippine Genome Center at University of the Philippines Manila’s National Institutes of Health sa pagbuo ng local test kits, maaaring magiging sapat ang bilang ng produksyon ng

mga testing kits na maipapamahagi sa pagsasakatuparan ng mass testing. Maraming puna sa aksyon ng gobyerno ukol sa COVID-19. Maraming mga bagay na sana ang nagawa at mga desisyong sana ay mas napag-isipan pa. Talagang pangmasa at walang pinipiling testing ang dapat pairalin, kasabay ng mahigpit na contact tracing at pagsailalim sa quarantine ng mga taong nagkaroon ng close contact sa sino mang positibo sa COVID-19. Dahil walang pinipili, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga tao na malaman ang mga impormasyong dapat nilang malaman upang kanilang maproteksiyunan ang sarili, pamilya, at komunidad. P275 bilyon na pondo o emergency fund ang nakalaan para sa paghahanda sa ganitong klaseng sitwasyong kahaharapin ng Pilipinas. Marapat lamang na maipamahagi ang pondo nang maayos sa iba’t ibang sektor ng pamahalaan, partikular sa mga sektor na nangangalaga o may kaugnayan sa kalusugan. Balanseng pagbabadyet ng pondo ng gobyerno at kooperasyon ng madla ang kinakailangan ng bansa upang maisakatuparan ang inaasam ng lahat na mass testing. #

-- desperado nang makatanggap ng ayuda para lamang matugunan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya. Ngunit ano ang binalik sa kanila? Sa halip na tugunan ang kanilang hinaing, tinaboy sila ng mga unipormadong pulis, pinagpapapalo, at hinuli. Kulong ang tugon, hindi tulong. Mula pa lamang dito, bakas na ang pagmamalupit ng kapulisan. Ang masama pa rito, hindi lamang mga nasa mararalita ang pinupunterya ng pulisya, kundi pati na rin ang mga nasa bahaghari. Nito lamang Abril 5 sa Pandacaqui, Mexico, Pampanga, inutusan ang tatlong miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer (LGBTQ+) community na maghalikan, gumawa ng seksing sayaw, at magsagawa ng pushups sa harap ng isang lalaking menor de edad, bilang isang parusa sa pagsuway sa curfew. Kung pumuputok na ang iyong butchi sa galit, mas lalong magiging saksakan ng anghang ang ulo mo rito; kinuhaan pa ng litrato at ng videos ang tatlo at ni-live sa Facebook. Pambihira, hindi na nga makatao ang parusa, tinapak-tapakan pa ang kanilang dignidad at pinahiya sa social media. Mahaba pa ang listahan ng mga pang-aabuso ng mga hukbo at mga kakaibang parusa ng mga opisyal ng gobyerno. Dalawang batang mistulang inilibing at nilagay sa

kabaong sa Cavite Province, limang violators tila kumakahol ng saklolo dahil kinulong sila sa kulungan ng aso sa Laguna, at pinagkakaisahang suntukin ng mga pulis ang isang violator sa Pangasinan. Iilan lamang iyan sa mga halimbawa. Walang mabuting nagawa ang malupit na parusa kundi bumuo ng madungis na pangalan na ang lingkod-bayan pala ay walang modo, hindi makatao, at mapaniil. Hindi kailanmang naging alas ang dahas upang disiplinahin ang inyong nasasakupan. Marapat pa ring manaig ang respeto at ang pagiging patas. Imbes sa pagkukulong, magisip na lamang ng makataong parusa. Halimbawa na lamang sa Iloilo; pinapanood ng isang mahabang dokyumentaryo ang lahat ng mga lumabag bilang leksyon sa kanilang ginawa. Walang karapatang pantao ang nalabag at may mapupulot pang maganda ang mga ito. Tigilan na rin sana ni Duterte ang pagkukunsinti sa mga militar na mang-abuso ng kanilang katungkulan. Kitangkita namang walang magandang naidudulot ang pangangalandakan ng kapangyarihan ng kapulisan at pagpapamalas ng hagupit ng mga hukbo. #

Hagupit ng Hukbo

BAluktot na baton

GWEN MORALES

katuwang ng Patnugot-JHS

Walang mabuting nagawa ang malupit na parusa kundi bumuo ng madungis na pangalan na ang lingkodbayan pala ay walang modo, hindi makatao, at mapaniil. Hindi kailanmang naging alas ang dahas upang disiplinahin ang inyong nasasakupan.

Sumulat. Makibahagi.


@oraetlaboraBIL

OPINYON

@bil_ora

Dahil sa virus ay bumilis ang aksiyon at galaw ng kongreso ngayon. Matapos maitala ang maraming kaso ng coronavirus disease (COVID-19), isang pagpupugay ang maibibigay ko dahil sa agarang aksyon nito laban sa pandemic na kinahaharap ng bansa. Ang kongreso ay gumawa ng mga reporma kontra COVID-19 at kabilang sa mga ito ay ang Bayanihan to Heal As One Act of 2020, special powers ni Pangulong Duterte kontra COVID, libreng pa-shuttle para sa mga frontliners, at iba pa. Dahil sa nakita kong galaw ng Kongreso, masasabing may pagusad na nangyayari. Kung ating bibigyang-pansin, nagkaroon ng mga pagpupulong ang kongreso ukol sa Bayanihan to Heal as One Act at ang astig pa rito, tila naging mabuting halimbawa sila sa sambayanan dahil sa kanilang pagsunod sa safety protocols na inilatag ng Department of Health (DOH). Sa katunayan, mistulang nakikipagvideo call lang sila sa kanilang katropa sa nasabing pagpupulong sa pamamagitan ng video-app na Zoom. Makikitang aktibo ang kongreso sa pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin sa bansa nang hindi nagpapatinag sa virus. Bukod rito, tila karipas ang takbo ng kongreso nang humingi ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte bilang tugon sa pagwakas sa patuloy na paglobo ng mga kaso sa bansa. Isang araw lamang ang ginugol at agad binigyan ng National Emergency Power ng

kongreso ang pangulo. 12-0 ang boto, lahat ng senador ay pumayag sa pagbibigay ng emergency power sa kasagsagan ng krisis sa kalusugan. Kabilang sa emergency power ang pagbibigay sa pangulo ng kapangyarihan na baguhin ang alokasyon ng badyet sa taong 2020 kontra sa viral disease. Kasama rin sa kapangyarihan niya ang alokasyon ng pera, pondo, investments, ‘di nagamit na subsidies ng gobyerno, pagpapatigil sa mga programa, proyekto, o kaganapan sa ilalim ng Executive Department kung saan kabilang ang korporasyon ng gobyerno, at gamitin ang mga pondo bilang tugon sa krisis. Sa pakikiisa rin nito kasama ang Department of Transportation (DOTr) ay may libreng pasakay pa para sa mga frontliners na nagsisilbi para sa kalusugan ng bayan. Nagpadala ito ng mga driver at mga shuttle service vehicles sa 19 na ruta sa Maynila upang ihatid ang mga fronliners sa mga ospital. Nakakatuwang isipin sapagakat nakakabawas ito sa stress na dinadala ng mga frontliners ng bansa. Binubuwis nila ang pansiriling seguridad para sa kababayan at sugpuin ang pagkalat ng virus sa bayan. Nararapat lamang na bigyang ayuda ang mga ito dahil sila ang tunay na mga bayani sa panahon ngayon. Simple man ang tulong na maibibigay ngunit malaki ang magiging epekto nito. Narito naman ang ganap ng mga kongresista. Ayon sa aking mga napanood na balita, kanya-kanyang

ganap ang mga ito; may pa-bigas rito, may pa-kape at noodles roon. Ang mas masaya pa rito, binigay sa publiko ang sahod sa isang buwan at yung iba depende sa kanilang gusto. Katulad na lamang nila Senador Manny Pacquiao na nagbigay ayuda sa mga ospital kasama ang pagbibigay ng pagkain Nakakatuwang malaman diba? Na ‘yong mga niluklok natin sa puwesto, tapat sa sinumpaang tungkulin sa bayan. Marami pa sanang pwedeng gawin ang gobyerno upang matapos ang krisis katulad na lamang ang pagsasagawa na ng mass testing, na maguumpisa sa Luzon. Sa kabila nito, kung mabilis ang aksyon sa itaas ng gobyerno, gano’n rin sana ang bilis sa mga lokal na pamahalaan para ihatid sa bawat tahanan ang ayuda mula sa itaas. Hinihikayat ko rin ang mga Non-Government Organizations na makiisa sa pagsugpo sa virus lalo na sa panahon ngayon ng krisis. Kung magtutulungan, tunay ngang may patutunguhan. Para sa mga kapuwa ko Pilipino, sa kabila ng mga mabubuting aksyon ng Kongreso, huwag pa ring makuntento sapagkat mayroon paring huwad na pulitiko, na artistahin ang dating ngunit ahas ang ihahain. May iilang huwad na kongresista ang natatakpan dahil mas marami ang gumagawa ng aksiyon ngayon laban sa virus. Sila ang mantsa sa puting damit ng bayan at tunay na virus sa lipunan. #

May virus pa rin sa kongreso

Pasahod sa mga bayani ng bayan

Ang coronavirus disease o COVID-19 ay sanhi ng pagbabago ng buhay sa karamihan ng mga Pilipino, mas lalo na sa ating mga frontliners gaya ng mga health workers at police. Dahil sa dami ng bilang ng ating mga kababayang pumupunta sa ospital upang magpagamot, kinailangan ng pamahalaan ng mas marami pang health workers na makapagbibigayatensiyon sa mga pasyenteng nangangailangang magpatingin. Humaba ang kanilang mga shifts, at hindi sila pinapayagang umuwi sa kani-kanilang pamilya dahil sa takot na ma-expose ang mga ito sa virus na posibleng makuha nila habang nagtratrabaho. Dahil dito, naglabas ang Department of Health (DOH) sa iba’t ibang social media sites na kailangan nila ng mga boluntaryong health workers na maaaring magtrabaho sa mga pampublikong ospital o barangay health centers upang makapagtrabaho habang sumasailalim sa quarantine ang ibang health workers sa loob ng dalawang linggo. Tinawag nilang mga bayani ang mga taong handang ilagay ang kanilang sariling buhay sa panganib upang matulungan ang

bansa sa paglaban sa COVID pero ano ang natatanggap na kapalit ng mga “bayani”? P500 sahod kada araw. Maaaring maging sapat ang perang iyon sa isang tao bilang pamasahe at pambili ng pagkain sa loob ng isang araw pero paano ito maipagkakasya ng mga health workers para lamang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya? Kung sila ay ang bread winner, paano nila maiaahon ang kanilang pamilya bunga ng perwisyong daladala ng mabagsik na COVID-19? Matagal nang naging isyu sa bansa ang pagkakaroon ng kakulangan sa mga health workers dala ng paggiging Overseas Filipino Worker (OFW) ng mga ito at mas lalo lang itong lumitaw dahil sa COVID-19. Mas mababa kasi ang sahod ng mga health workers na nagtratrabaho sa ating bansa kumpara sa pagtatrabaho sa New Zealand, Australia, at Denmark. Noon lamang October 2019, halos 10,000 health workers ang nawalan ng trabaho dahil sa Php 9.39-bilyong budget cut sa DOH. Maraming mga health workers ang nais na tumulong sa bansa pero kung P500 lang ang ibibigay na

kabayaran ng pamahalaan, hindi ako magtataka kung bakit kaunti lang ang mga nagboboluntaryo. Dinepensa ng pamahalaan na sagot na nila ang pagkain at pagtutuluyan nila sa isang buwan pero hindi pa rin ito sasapat upang tunay na mapalitan ang sakripisyo na inilalaan ng mga propesyonal para labanan ang virus. Marami nang mga ospital ang hindi tumatanggap ng pasyente dahil sa kakulangan ng mga doktor at nars na mag-aasikaso sa kanila at kung talagang pinapahalagahan ng pamahalaan ang hirap na tinitiis ng mga nagtatrabaho sa ospital, kailangan nilang magtakda ng mas malaking badyet sa DOH upang mabigyan ng sapat na sahod ang mga modernong bayani ng ating bansa. #

Serbisyong tapat Roscelia Tagra

MANUNULAT

Maaaring maging sapat ang perang iyon sa isang tao bilang pamasahe at pambili ng pagkain sa loob ng isang araw pero paano ito maipagkakasya ng mga health workers para lamang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya?

ABRIL 2020

Hindi nasisilaw Jerome Ymas MANUNULAT

Marami pa sanang pwedeng gawin ang gobyerno upang matapos ang krisis katulad na lamang ang pagsasagawa na ng mass testing, na maguumpisa sa Luzon.

₱500 pasahod na ibibigay ng Department of Health (DOH) para mga boluntaryong Nurse.

11


LATHALAIN

ORA ET LABORA

MILLENIAL MAYORS Malakas na depensa laban sa Corona Ana Althea Virata

“Sana all, mayor si Vico”, hiyaw ng mga tao sa kani-kanilang social media. Ang hindi nila alam, hindi lang siya nag-iisa.

W

alang pakundangan ang puri ng mga Pilipino kay Vico Sotto, Pasig City Mayor, dahil sa kaniyang masigasig na pangangalaga sa lungsod ngayong kasagsagan ng COVID-19. Ilan lamang dito ang pagsasagawa ng pagdidisimpekta ng mga paaralan bago ang lockdown, ang paggamit ng disinfection drones, ang pagtatalaga ng mga “mobile palengke”, pagbibigay ng libreng transportasyon para sa mga frontliners, at iba pa. Isa lamang siya sa mga millennial na mayor sa Pilipinas na laban kung laban sa pagsugpo sa pandemyang ito. Umaarangkada rin ang Alaminos City Mayor na si Arth Bryan Celeste na sinasabing pinaka bata na mayor sa bansa sa gulang na 23.

Bumili siya ng 30 kilo ng gulay at 10 tonelada ng prutas na produkto ng local farmers at ipinamigay sa nasa 25,000 na residente sa lungsod. Hindi lamang kagandahang panlabas ang taglay ni San Manuel, Tarlac Mayor Donya Tesoro, kundi pati ang kagandahang loob na mag-abot ng tulong sa kaniyang nasasakupan. Siya na mismo ang nagbigay ng mga relief goods kasama ng pagkumusta sa mga residente dahil maliit lang naman ang bayan. Naglagay rin sila ng mga modular tents upang magsilbing holding area para sa mga persons under investigation (PUIs). Sa pamumuno naman ng 30-anyos na mayor ng Angono, Rizal na si Jeri Mae Calderon,

wala pang nagpopositibo sa COVID-19 sa kanilang lugar dahil sa kaniyang mahigpit na seguridad na ipinapatupad dito. Ipinatupad sa kanilang palengke ang “no mask, no entry” policy pati ang paglalagay ng mga monobloc na upuan bilang pagsunod sa social distancing habang naghihintay sa pila. Mayroon ding mga checkpoint para sa disinfecting at misting. Ang 29-anyos naman na Olongapo City, Zambales Mayor Atty. Rolen Paulino, Jr. ay layuning hindi kumulo ang mga tiyan ng kaniyang mga nasasakupan. Kaya naman mayroong “meals on wheels” sa syudad na nagsisimula tuwing almusal. Lahat na ay nag “sana all Vico”. Ngunit, isang munting paalala, hindi lamang si Vico.

Salamat, DOK! The doctor is in... heaven now....

Kristine Shanne Real

K

asabay ng pagdami ng kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19 sa bansa ang pagkasawi rin ng ilang mga magigiting doktor. Lubhang nakahahawa ang sakit na ito, na kahit maliit na patak ng laway lamang ang masagap, mailalagay na sa panganib ang buhay. Ayon sa ilang mga pag-aaral, bukod sa kakulangan sa proteksiyon, ang pagsisinungaling ng mga pasiyente tungkol sa kanilang nararamdaman ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga eksperto sa larangan ng medisina. ”Nalulungkot ang komunidad ng mga doktor sa giyera na walang dalang baril o espada. Tanging sa sunod sunod na pagpanaw ang aming mga karunungan at lakas ng loob lamang ang baon kasamahan na frontliner rito sa pagresponde sa nila sa labanang ang pagiging panalo ay hindi pa COVID-19,” pahayag ni Dr. Dennis de Guzman, sigurado. former Assistant Secretary General ng Philippine Sa huli, sa bawat giyera ay may nababawian Medical Association (PMA). ng buhay. Sa kaso ngayon, ang mismong Anila, ang mga nasawing doktor ay nakipaglaban ang nasawi. itinuturing na makabagong bayani. Sa “Talagang masakit sa aming kalooban na ganitong pagkakataon, maihahalintulad ang mawala sila pero ‘yan ay nasa kanilang tungkulin pakikipaglaban sa COVID-19 bilang isang giyera: dahil ‘yan ang inatas sa amin bilang doctor,” Ang mga doktor ang unang hilera ng pagpapatunay ni Dr. De Guzman. depensa. Sa posisyong ito, mahalaga na malakas Lubos ang pasasalamat ng mga mamamayang ang resistensya. Bawat araw, iba’t ibang pasiyente sa mga doktor na gumamot at ginawa ang lahat ang kanilang nakasasalamuha at sa bawat paglapit upang magamot ang mga apektado ng COVID-19. at paggamot nila sa mga iyon, tila ba nakabaon na Sa bawat buhay ng doktor na nawala, sa lupa ang isa nilang paa. kapalit ay panibagong pag-asa para sa mga taong Dito, walang bakal na kalasag. Face mask, napagaling niya. Totoong napakahirap puksain ng surgical gloves, at medical suits ang nagsisilbing nakahahawang sakit, ngunit handang sumabak proteksiyon na kung minsan ay kulang pa. Hindi sa giyera ang mga Pilipinong doktor. Hindi kung man ito kasing tibay ng tipikal na kagamitang anong matitibay at naglalakihang proteksiyon at pang-giyera ngunit napaliliit nito ang tiyansang depensa ang gamit nila sa pakikipaglaban, kundi makahawa. ang kanilang lakas ng loob at pagmamalasakit Ang mga doktor ang silang mga sumasabak para sa bayan.

12

Sumulat. Makibahagi.


@oraetlaboraBIL

LATHALAIN

@bil_ora

Banta sa Nangibang Bansa

ang hamon ng COVID19 sa mga Pinoy Abroad

M

Julianna Marie Ramos

aykaya. Sustentado. Mayaman. ‘Yan ang ilan sa mga salitang kadalasang bukambibig ng mga Pilipino pagdating sa usapin ng pamilya ng mga Pinoy na Overseas Filipino Workers. Sa normal na pagkakataon, maaaring sabihin ng iba na ito’y tama. Ngunit sa panahon ng krisis, nabibigyang-hustisya pa nga ba ng mga OFW ang mga salitang ito?

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na hindi lang naman ang Pilipinas ang bansang nakararanas ng Total Lockdown sa buong mundo, kung saan lahat ng trabaho, eskwela at mga establisyamento ay suspendido hanggang sa tuluyan na ngang maresolba ang krisis na dala ng pandemyang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Mula nang magsimula ito apat na linggo na ang nakararaan, hindi naman pinababayaan ng gobyerno ang mga Pilipinong nangangailangan at hindi rin naman pumapalya ang mga Local Government Units (LGUs) na maghatid ng pangangailangan ng kanilang nasasakupan. Sa kasamaang palad ay wala pang kasiguraduhan kung hanggang kailan tatagal ang pandemyang ito at kung hanggang kailan ipatutupad ang Enhanced Community Quarantine sa Pilipinas at Lockdown sa ibang bansa. Dahil dito, napakaraming mga manggagawa ang naapektuhan hindi lamang sa ating bansa, kundi pati na rin sa ibang bansa kung saan naroon ang mga kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFW). Ang mga

Aralin ay ‘di nila pinagpaguran para lang iyong sabihin na ika’y may natutuhan kahit wala naman.

operasyon ng kani-kanilang mga trabaho ay tuluyan na ngang ipinaatigil at sa kasamaang palad ay napakarami rin sa kanila ang hindi nakapagpapadala ng pera para sa kanilang mga pamilyang naiwan dito sa ating bansa. Hindi tulad ng mga Pilipino rito sa ating bansa, ay hindi nila nakakasama ang kanilang mga pamilya sa araw-araw at hindi lamang kilometro ang kanilang layo sa kani-kanilang mahal sa buhay na lalo pang nagpahirap sa kanilang sitwasyon. Kasunod nito, marami rin ang nagsasabi na hindi na kailangan ng tulong ng mga pamilyang may OFW na kamag-anak sa kadahilanang mayayaman na ang mga pamilyang ito at dapat na sa mas nangangailangan na lang ibigay ang tulong. Ito ay kasunod ng pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development ng pinansyal na tulong sa pamamagitan ng Social Amelioration Program (SAP) na naghahayag na nararapat mabigyang ng P5,000 - P8,000 ang mga Pilipinong nangangailangan nito. “Sa aking opinyon sa kumakalat na balita ay dapat at kailangan pa ding makatanggap

ng ayuda ang mga pamilya ng OFW.” Pahayag ni Lareeze Galvez, isang mag-aaral ng Benedictine Institute of Learning na may tatay na nasa ibang bansa. “Hindi naman namin sinasabi na unahin kami pero wag sanang balewalain na may mga pamilyang lubos ding naapektuhan ng enhanced community quarantine kasi may mga OFW din na nawalan ng trabaho o nagkaproblema sa trabaho dahil sa COVID-19.” dagdag pa niya. Ang krisis na ito lamang ang nagpapaalala na mayaman o mahirap ay hindi nararapat matahin ng kahit sino. Hindi dahil nasa ibang bansa ang kamag-anak o pamilya ay hindi na nangangailangan ng tulong o ayuda. Ang mga OFW natin ang ating mga makabagong bayani. Pero ngayong sila naman ang humihingi ng tulong, sino ang sasagip sa kanilang mga pangangailangan? Dahil una at pinakamahalaga, hindi responsibilidad ng isang OFW ang magpayaman. Katulad din sila ng kahit sinong Pilipino na may obligasyong buhayin ang kani-kanilang pamilya.

onLIEne classes Mayroon nga bang natututuhan? Julianna Marie Ramos

S

a patuloy na paglala ng estado ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas, patuloy rin ang suspensiyon ng pangkalahatang klase sa buong bansa. Kasunod nito ay napupurnada rin ang mga kaganapang sana ay isang beses lamang nila mararansan sa kanilang buhay bilang estudyante tulad ng Prom at Pagtatapos. Dagdag pa rito, naaantala rin ang pag-aaral ng mga estudyante dahil hindi na naituturo sa kanila ang mga araling sana ay kanila pang tatalakayin upang ito ay kanilang madala sa mga susunod na taon nila sa pag-aaral.

Sa kabilang dako, hirap rin naman ang mga kaguruan lalo na ng mga paaralang hindi sumabay sa simula ng klase noong Hunyo ng nakaraang taon. Kung ang mga paaralan na nagsimula noong Hunyo ay nahihirapan dahil halos ‘sangkapat pa ng taong pangpanuruan ang kanilang bubunuuin, paano naman ang mga nagsimula na ng Agosto o mas huli pa? kalahati pa ng taong pangpanuruan ang kanilang dapat mabuo at marami-rami ring aralin ang hindi maituturo sa kanilang mga estudyante kung sila ay magdedesisiyon na sumabay sa pagtatapos ng klase ngayong Abril. Dahil rito, nilayon ng Benedictine Institute of Learning na magkaroon ng “online classes” o ang mga klase na gagamitan ng modernong teknolohiya upang maipaabot pa rin sa mga mag-aaral nito ang de-kalidad na edukasyon at magkaroon pa rin ng pagkatuto sa kabila ng kawalan ng pisikal na presensiya. Mula nang magsimula ang enhanced community quarantine na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte halos apat na lingo na ang nakararaan, kabi-kabilang mga opinyon

ABRIL 2020

ang natanggap ng paaralan ng Benedictine kasunod sa pagpapatupad nito sa online classes. May ilang nakikisimpatya sa mga guro, ngunit mas marami ang humihiling at naglabas ng kanilang hinaing na sana ay suspendihin na rin lamang ang online classes sa kadahilanang hindi lahat ng mag-aaral ay may mga kagamitan upang makalahok sa mga klase, hindi lahat ng mag-aaral ay libre ang oras sa bahay at higit sa lahat— hindi lahat ay may natututuhan. At dahil wala na ring nakabantay sa kanilang pag-aaral sa bahay, napakadali para sa iilan ang magsinungaling na naiiintindihan nila ang tinuturo ng guro kahit hindi naman. Ilang guro na rin ang nagpahayag ng kanilang saloobin ukol sa nasabing online classes at marami sa kanila ang nagsasabi na mas malaki pa rin ang pagnanais nila na pumasok na lamang at magturo sa kanilang mga estudyante. Anila, mas mabuti nang maingay o magulo paminsan-minsan sa klase dahil dito, ay may kasiguraduhan sila na may nakikinig sa kanilang mga diskusyon. Hindi tulad ng sa pamamaraan nila ngayon, sila mismo ay hindi

sigurado kung may nakikinig nga ba o kung may natututuhan nga ba ang kanilang mga estudyante. Sa kabila nito, mahalaga ang pagpupursigi ng parehong panig na magturo at matuto. Ang mga estudyante na walang sapat na kagamitan ay ginagawaan nang paraan upang sila ay matuto kahit sa ganitong paraan. Ganoon rin ang mga guro dahil pilit nilang pinasisimple ang pagpapaliwanag para lamang mas medaling maintindihan ng mga bata ang aralin kahit hindi sila nagkakaroon ng pisikal na interaksyon. Dahil oo, obligasyon ng isang guro na siguraduhing may natututuhan ang kanyang mga estudyante, ngunit responsibilidad rin ng isang estudyante ang mag-aral nang mabuti upang patunayan na hindi napupunta sa wala ang lahat ng pagod na ibinubuhos ng kanilang mga guro upang makapagpasa lamang ng kaalaman sa kanila. Katapatan lamang ang hinihingi ng mga gurong ito kapalit ng kaalamang pinagtiya-tiyagaan nilang ituro sa lahat.

13


LATHALAIN

ORA ET LABORA

EasyECQ M

Ang mas pinadaling paglaban sa boredom habang may quarantine, the Benedictinian way!

ahirap ang makulong sa loob ng isang lugar na mayroon lamang limitadong aktibidad na puwedeng gawin lalo na sa panahong katulad nito na may Enhanced Community Quarantine. Karamihan sa mga Pilipino ay nahihirapang umisip ng paraan kung paano palipasin ang oras. Ngunit para sa mga Benedictinians, ang pagkainip, madali lang gawan ng paraan! Narito ang ilan sa kanilang mga pinagkakaabalahan habang may ECQ:

#TheBookworm Pagbabasa ng Libro

Bukod sa paglalaro o pagbabasa sa internet, mabisang pampalipas oras din ang pagbabasa ng libro. “Ang sarap sa pakiramdam kapag natapos mo na yung librong binabasa mo na may maraming lesson kang napulot and sa pagbabasa naman ng Bible mas napapalapit yung puso ko kay God at mas naiintindihan ko yung mga words na gusto niyang ipahayag sa mga tao.” - Ivy Noreene Aves

#ArtOverQuarantine Paggawa ng iba’t ibang uri ng Sining

Ang mga malilikhaing isipan ay gumagana sa tuwing wala masyadong ginagawa. Nakatutulong ang pagguhit, pagpinta, o pagsulat sa pagpapahusay sa sariling kakayahan. “Maliban po sa mga school tasks, ang pinagkakaabalahan ko po ngayong quarantine tuwing may free time ako ay pagpipinta at pagguhit. Tsaka ano rin po, this is my way of refraining from social media and phone use, madalas kasi puro toxic na yung mga nasa internet kaya pati ako nahahawa kaya being productive through my hobbies is my way of taking a break.” - Kaela Patricia Gabriel

14

#GameNaGame Paglalaro ng mga Online Games

Kung hindi makapaglaro sa labas, online games ang kasagutan! “Nakapagdulot ito ng kasiyahan sakin sapagkat may mga nakikilala akong mas malalakas sa’kin. Nabibigyan ako ng opurtunidad na mas lumakas pa kapag kinakalaban ko sila. Sa gano’ng paraan ako nasisiyahan sa paglalaro, kapag may opurtunidad ako na mas gumaling pa.” - Jairard Proverbs Palon

#FoodisLife Paggawa ng iba’t ibang recipe na nakikita sa Internet Dalgona Coffee ba kamo? Tuna Pie? Potato Cheese Balls? Madaming recipe ng masasarap na pagkain ang matatagpuan sa internet! Ito ang perpektong panahon upang subukang lutuin o gawin ang cravings. “Ito ang ang aking ginagawa sa tuwing wala akong magawa. Nakakapagdulot ito ng kasiyahan sa ‘kin dahil kapag ako’y nalulungkot, eh, nakain lang ako at hayun, nanunumbalik ang aking saya.” - Raymar Quizon

#AllRounder Pagtulong sa mga Gawain

Sulitin ang matagal na pamamalagi sa bahay sa pamamagitan ng paggawa ng mga proyekto at pagtulong sa gawaing bahay. Nakatulong na, may finish product pa! “Para talaga siya sa research namin eh pero pwede rin kasi siyang physical activity na maaaring maka burn ng fats hahaha and at the same time nakakatulong ako sa mga kagrupo ko. Sa simpleng paraan ng paglalagari, may isang produkto na mabubuo at magagamit para sa action research namin.” - Frenzy Royse Reyes

Sumulat. Makibahagi.


@oraetlaboraBIL

LATHALAIN

@bil_ora

“You cannot cage a free bird.” Iyan ang sabi sa isang matandang kasabihan. Tila ba ito ay pinatototohanan ng mga Pilipino sa panahon ng enhanced community quarantine sa kabila pa rin ng lumalalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

B

ilang likas sa mga Pinoy ang pag-alis ng bahay upang magtrabaho, gumala o kahit wala naman talagang matinding rason para lumabas, malaking epekto para sa karamihan ang kasalukuyang nangyayaring kwarantenas. Sa loob ng lampas 70 taon mula nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ngayon na lamang muli nakaranas ang bansa ng pagtigil ng halos lahat ng karaniwang gawain ng maraming Pilipino. Maraming napatigil sa pagtatrabaho, pag-aaral at maging ang ilang mga negosyo’y napilitan ring pansamantalang maisara.

KONTRA BAGOT Kulturang Popular sa Panahon ng Kwarantenas Kim Joshua Daño

Kaya naman, upang malunasan ang danas ng pagkabagot ay pinili ng mga tao na mamuhay sa virtual world – sa social media. At isa na nga sa mga kinahumalingan ng mga tao, bata man o matanda, ang social network mobile application na Tiktok. Ang TikTok ay isang social networking service mula sa China na pagmamay-ari ng ByteDance, isang kumpanyang nakabase sa Beijing na itinatag noong 2012 ni Zhang Yiming. Ito ay isang video sharing application na ginagamit upang makalikha ng maiikling video ng sayaw, lip-sync, komedya, at talento. Nailunsad ang app noong 2017 para sa iOS at Android sa merkado sa labas ng China at kasalukuyang lumilikha ng malaking volume ng followers sanhi na rin ng pandemyang nagaganap. Maraming mga tao sa buong mundo ang nahumaling sa aliw na hatid ng Tiktok. Sa app na ito, maaari mong kuhanan ang sarili mo ng video habang sumasayaw sa saliw ng mga latest na tugtugin gaya ng The Weekend ng Blinding Lights, Renegade ng K Camp, at iba pang mga bagong tugtugin. Maaari mo ring kuhanan ang sarili na ginagaya ang mga eksena sa mga pinakasikat na pelikula sa Pilipinas, o kaya nama’y magpatawa gamit ang image distortion options ng application. Maraming maaaring gawin sa Tiktok, basta mayroon kang malikhaing pagiisip at kasanayan sa pag-video ng sarili. Ilan lamang sa mga prominenteng mga taong nahumaling na rin sa Tiktok ang kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, at ang asawa ni Senator Chiz Escudero

ABRIL 2020

na si Heart Evangelista. hindi rin nagpatalo ang nagbabalik na Presidential Spokesperson na si Harry Roque nang minsang mag-upload siya ng kanyang dance video sa Tiktok, gayundin ang mga personalidad kagaya nina Vice Ganda, Alex Gonzaga at ang mga Youtube influencers gaya ni Lloyd Cadena, Pamela Swing at Benedict Cua. Bagaman nakalilibang, makailang beses na ring ipinanawagan ang pagbabawal ng paggamit ng application na ito sanhi ng kumakalat na balita na ginagamit ang app bilang phishing apparatus na maaaring makakuha ng mga esensyal na impormasyon mula sa mga indibidwal na gumagamit nito. Pinagbawalan ng gobyerno ng Estados Unidos ang mga opisyal nito, particular ang mga nasa military, upang hindi magamit ang kanilang mga personal na impormasyon. Naging tampulan rin ito ng batikos dahil sa ilang mga content na maaaring maging mitsa ng pang-aabusong sekswal sanhi ng mga masyadong provocative na mga videos, kagaya ng pagsasayaw nang nakasuot ng maiigsing damit, o yung mga gumagamit ng invisible filter, na sasabayan ng paghuhubad ng damit. Sa kabila ng mga bantang ito ng seguridad, hindi maikakailang nagpakita rin ang pamunuan ng tiktok ng kanilang responsibilidad sa lipunan makaraang magdonate ang kumpanya nito ng isang (1) milyong US dollars sa Philippine General Hospital (PGH) para sa pagsugpo sa COVID-19.

Tunay na nakalilibang ang paggamit ng app na ito at nakatutulong upang kahit papaano’y maibsan ang nararamdaman nating kalungkutan at pangamba sa gitna ng ating nararanasang sitwasyon sanhi ng COVID-19. Subalit, manaig pa rin sana sa ating mga Pilipino, lalo na sa kabataan ang kaakibat na responsibilidad sa sarili at sa lipunan sa pamamagitan ng responsible at makatarungang paggamit ng isang app gaya ng Tiktok na naging sagot sa pagkabagot.

15


ISPORTS

ORA ET LABORA

ISPORTS-LATHALAIN

Action through Auctions

Angas ng atletang Pinoy sa pagtulong sa labas ng court

M

aliban sa loob ng kort at pagganap sa kani-kanilang larangan sa mundo ng pampalakasan, kilala din ang mga atletang Pilipino sa pagtugon sa kanilang responsibilidad bilang isang mamamayang Pilipino na makiisa sa pag-abot ng tulong sa kabila ng suliraning kinahaharap ngayon ng bansa dulot ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Gamit ang kaliwa’t kanang pagsasagawa ng kani-kanilang ‘jersey auctions’ at iba’t ibang ‘raffle games’ sa tulong ng social media, naging aktibo at nagkaisa ang mga atletang Pinoy na makalikom ng pondo upang makatulong sa mga frontliners at mga komunidad na nangangailangan ng pang araw-araw na suporta. Isang halimbawa na lamang ang samahang Volleyball Community Gives Back to the Philippines (VGCBPH) na binuo nina Phenom Alyssa Valdez at kapwa niya Atenean na sina Gretchen Ho, Charo Soriano at Dzi Gervacio at iba pang mga sikat na personalidad sa mundo ng volleyball na nagsimula noong panahon ng pagsalanta ng Bagyong Yolanda taong 2013 na hanggang sa ngayon at aktibo pa rin sa pagtulong at sa katunayan, dahil sa banta ng COVID-19, pinasimulan nila ang #ServeOurFrontliners: Raffles for Heroes upang maging daan sa paglikom ng donasyon. Sa kasalukuyan, layunin ng nasabing samahan na makapag bigay ng mga Personal Protective Equipment (PPE) na mayroong

16

kabuuang bilang na 2,500 sa tulong na rin ng mga sewing companies at mga fashion designer para sa mga magigiting na frontliners na nangunguna sa pagsugpo sa banta ng COVID-19. “I read the news everyday about the battles of our doctors, nurses, health workers, and frontliners. And I wanted to help them, to ease their pain, their burden,” pahayag ni Alyssa Valdez mula sa isang artikulo ng Rappler. Sa kabilang banda, hindi lang ang samahan nila Valdez ang kasalukuyang nakikiisa sa pagtabang sa mga tao na nangangailangan dulot ng COVID-19, gamit ang charity organization na “May Twenty Ako” naging daan ito ng iba pang mga atleta tulad na lamang ng mga Basketball players na sina Juan at Javi Gomez de Liaño, Robert Bolick, Javee Mocon at Vic Manuel at iba pang mga atleta tulad nina Sisi Rondina, Majoy Baron at ang tennis player na si Kevin Mamawal. Kaugnay ng nasabing samahan, sa tulong ng mga ‘biddings’ ng kani-kaniang mga

jersey na nailunsad magmula sa P1,000-P3,000, matagumpay nilang naisakatuparan ang kanilang layuning makapaghatid ng tulong hindi lang sa mga magigiting na frontliners kundi pati na rin sa mga mamamayang Pilipino na nangangailangan ng suporta sa kanilang pang araw-araw. Ilan lamang sila sa mga ‘certified atletang NoyPi’ na patuloy na ginagawa ang kanilang makakaya upang makapag hatid ng tulong sa mga taong nangangailangan ng tulong at mga frontliners na nangunguna sa paglaban sa bantang hatid ng COVID-19. Ipinakikita lamang nito na hindi lang nanatili ang husay at galing ng mga atletang pinoy sa loob ng kort at iba’t ibang larangan sa mundo ng pampalakasan na kanilang kinabibilangan kundi mababakas din ang kanilang tunay na galing sa paraang pagtugon nila sa kanilang responsibilidad na makapaghatid ng tulong sa mga nangangailangan sa simpleng paraan. Emerson B. Antioquia

“I read the news everyday about the battles of our doctors, nurses, health workers, and frontliners. And I wanted to help them, to ease their pain, their burden,” -pahayag ni Alyssa Valdez mula sa isang artikulo ng Rappler.

Sumulat. Makibahagi.


@oraetlaboraBIL

ISPORTS

@bil_ora

ISPORTS-LATHALAIN

Pag-eehersisyo nang sobra, hindi nakatutulong sa laban kontra COVID-19

S

a nakaraang mga linggo, laman ng balita ang mga atletang tinamaan at namatay sa COVID-19 dahil gaya ng normal na mga tao, hindi sila ligtas sa panganib na dala ng sakit na ito; sa katunayan, maaaring mas mahina ang laban ng mga manlalaro dito.

Rudy Gobert(Kaliwa) at si Donavan Mitchell (Kanan), Dalawang basketbol player ng NBA team na Utah Jazz na nagpositibo sa COVID-19 noong Marso 2020 Larawan mula sa sportsillustrated.com

Mga atleta, hindi pinalampas ng COVID-19

D

ulot ng patuloy na pagtaas ng mga nagpopositibo sa sakit na Coronavirus Disease-2019 (COVID-19), kinumpira ng mga awtoridad ang mga atletang lubhang naapektukhan nito kabilang na ang unang atletang Pinoy na nasawi ang buhay dahil sa naturang sakit. inanunsiyo ng Utah Jazz sa sakit tulad na lamang nina Ayon sa naitalang report ng SC Paderborn 07 defender Luca pahayagang Inquirer, kinilala ang franchise na ang buong koponan, Kilian, isang German professional animnapu’t tatlong taong gulang kasama ang dalawang nabanggit footballer; Chelsea FC winger at bowling ‘godfather’ na si Alex na manlalaro, at mga tauhan Callum Hudson-Odoi, isa namang nito na kung saan medically Kim sa unang Pilipinong atleta English professional foorballer; at cleared na at wala ng posibilidad na binawian ng buhay matapos Troyes striker Suk Hyun-jun, isang na makahawa pa ng iba. tamaan ng sakit na COVID-19. Samantala, apat naman Korean professional footballer. Sa kabilang banda, noong Sa kasalukuyan, patuloy unang bahagi ng Marso, na atleta ng Brooklyn Nets ang pa rin ang pagtaas ng mga nagpositibo ang NBA-Utah Jazz nagpositibo sa COVID-19, kabilang sa iba’t-ibang nito ang forward na si Kevin nagpopositibo shooting guard na si Donovan panig ng mundo, sa Pilipinas Mitchell sa COVID-19, sumunod Durant. Dumagdag din sa bilang mayroon nang naitalang apat sa kasamahan niyang si Rudy ng mga nagpositibo ang Boston na libo isang daan at apatnapu’t Celtics guard na si Marcus Smart at Gobert, sentro naman ng Jazz. Si Gobert ang unang nagpositibo dalawa pang hindi pinangalanang limang (4,195) kumpirmadong kaso samantala 1,436,198 ang sa sakit sa National Basketball manlalaro ng Los Angeles Lakers. Bukod sa mga atleta, naitalang kaso sa buong mundo. Association na nagresulta sa Jann Miguel Biazon pagsuspende ng season ng liga. nagpositibo rin ang mga Ika-27 ng Marso nang tagapagsanay ng isport na football

Toby’s Sports’ Snorkel: Simpleng kagamitan kaakibat ang kaligtasan

H

abang ang kagamitan sa paglaban sa COVID-19 ay nagkukulang, may mga malalaking kumpanya pa rin na handang tumulong upang ang COVID-19 ay malabanan.

Ilan lamang ang Toby’s Sports sa mga nangungunang kumpanya sa Pilipinas na gumagawa at nagbebenta ng mga kagamitan para sa pag-bodybuild pati na rin sa pagbenta ng mga gamit na may kaugnayan sa isports. Kamakailan lamang ay nagdonate sila ng mahigit 100 set ng snorkel mask sa dalawang magkaibang grupo ng indibidwal upang labanan ang pandemyang kinakaharap sa kasalukuyan. Nasabi na ang unang 100 set ng snorkel mask ay babaguhin at aayusin upang maging epektibo sa pagkontra ng pandemyang kumakalat at ito ay ibibigay sa mga pulis na

ABRIL 2020

nakatao sa mga checkpoint. Habang ang 50 naman na set ng snorkel mask ay babaguhin din at aayusin upang maging respiratory gears ng mga nagpositibo sa COVID-19. Nabanggit ni Jojo Claudio, president ng Quorum International Inc, na siyang mother company ng Toby’s Sports, na ang dalawang grupo ay nag-adopt sa concept na ginamit ng ibang European countries bilang pansamantalang respirator sa mga pasiyenteng nahihirapan huminga. Sinabi rin ni Claudio na ang kanilang pinaka hangarin ay ang makatulong sa pagligtas ng buhay sa ganitong uri ng mga panahon.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay mayroon nang humigit 4,000 na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 at mayroon na ring higit 200 na bilang nang namatay at higit 100 na bilang ng gumaling. Anumang suliranin ang kaharapin at sa bawat pagtutulungan na mangyayari, malaki ang magiging epekto nito sa pagkamit ng mithiin na masugpo ang COVID-19, tulad na lamang ng Toby’s Sports na nakiisa sa pagtulong sa panahon ng krisis sa tulong ng mga simpleng kagamitan, kaligtasan ay maasahan. Jairard Palon

Napatunayan ng mga pag-aaral na sa pag-eehersisyo, napapalakas nito ang resistensya laban sa mga sakit, ngunit kapag nasobrahan, mas nilalagay nito sa panganib ang katawan. Ayon kay Yang Zhigang, isang propesor ng isports sa Fudan University—isang major public research university sa Shanghai, China—maaaring magkaroon ng mas mahinang immunity kaysa ordinaryong tao ang mga atleta sa ilang pagkakataon. Sinuportahan naman ng pag-aaral nina Hackney, AC at Koltun, KJ ang claim ni Yang. Ayon sa pag-aaral nila, ang mga atleta na babad sa intensive training ay maaaring magdevelop ng overtraining syndrome kung saan direkta nitong maaapektuhan ang immune system ng atleta. Itinalaga naman ng The New York Times ang isang artikulo na naglalahad kung bakit humihina ang immunity ng isang atleta mataposangisangmatindingensayo. Isinaad dito na habang kumikilos ang katawan ng tao at gumagamit ng maraming lakas, binabaha ang bloodstreams ng immune cells, hanggang sa matapos kumilos ang katawan. Makalipas ang ilang oras at nakapag-cool down na ang atleta, ang naipong immune cells sa bloodstreams ay mamamatay kasabay ang pagbaba ng immunity ng manlalaro. Alinsunod sa mga pagaaral, nagiging mas bulnerable ang katawan ng tao sa mga virus infection sa loob ng tatlo hanggang 72 oras matapos ang isang intense o heavy exercise. Dahil dito, sinasabi ng mga eksperto na pinapataas ng intensive exercise at training ang tyansang makakuha ng respiratory diseases. Sa kadahilanang ang COVID-19 ay nagiging sanhi ng mga komplikasyon sa respiratory, lalong hindi resistant ang mga atleta dito. Ayon sa World Health Organization, tanging madalas na paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa paghawak sa mukha at paglayo sa mga tao ang makatutulong upang maging ligtas sa pandemya. Jann Miguel Biazon

17


ISPORTS ISPORTS-AGHAM

ORA ET LABORA

ALL-OUT WORKOUT

Paano napanatili ni Lour at Paolo ang magandang pangangatawan kahit nasa tahanan

P

ush-ups dito, planking doon. Sa kabila ng banta ng Coronavirus Disease-2019 at pagsailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), napakarami pa ring paraan upang ang pagpapanatili ng maayos na kalusugan at pagpapaganda ng katawan ay maisasakatuparan sa mas simpleng paraan kahit nasa tahanan. sa mga gym, hindi nauubusan si ng balance, pagpapababa ng nagbibigay ng dagdag boost sa Ilan lamang sina G. John Lour tyansa ng stroke at heart attack, Flores at G. Paolo Rey Aure sa mga endorphins at iba pang ‘feel-happy Lour sa kanyang mga alternatibong paraan nang page-ehersisyo na sa at nakatutulong ito sa mga may hormones’ ang madalas na pagkaguruan ng Benedictine Institute arthritis, heart diseases at diabetes. of Learning na in-na-in pa rin eehersisyo. Medyo therapeutic ang katunayan ani niya na sa simpleng Sa kabilang banda, sa tulong ng pagdating sa pagpapaganda ng epekto ng pagwo-workout sakin.” pagbubuhat ng galong may tubig at pagpapalakas ng mga biceps body parts, ito naman ang nagiging kani-kanilang mga pangagatawan. pahayag ni G. Lour. gamit ang mga boteng may lamang estilo ng pagwo-workout ng trentay Ang pahayag ni Lour ay Sa kanilang araw-araw na gawain bilang guro, nangingibabaw pa sinusuportahan ng isang artikulo tubig ay malaki na rin ang nagiging anyos na si Paolo Rey na sa simpleng push-ups, planking, bridges at iba tulong nito sa pagpapalakas ng rin ang kanilang disiplina sa sarili mula sa WebMD. Inilahad dito pang core exercises ay nagagawa upang ang kanilang mga ‘daily na sa tulong ng regular nap ag- kanyang mga muscles. “Sa totoo lang, marami benefits niyang palakasin ang iba’t-ibang eehersisyo, napapaganda nito ang routines’ sa pagwo-workout ay parte ng kanyang katawan. overall fitness ng isang tao na siyang ang workout physically and kanilang magawa at matapos. Ipinapakita lamang ng “Unang-una, mas nagiging direktang pinapalakas ang immune mentally. On my part, isa sa mga mga guro tulad na lamang nina prime benefits ng workout is to malakas ang immune system kapag system. Lour at Paolo na kahit pa nasa keep my mind busy and my body Ilan lamang ang core, cardio, consistent ang workout. Maraming mga tahanan healthy. In that way, nahihit ng kani-kaniyang at resistance exercises sa mga sakit ang pwedeng maiwasan ay maraming paraan upang pagwo-workout yung dalawang pinagtutuunan nang husto ni Lour tulad ng hypertension, diabetes at mapanatili ang maayos at malusog domains.” pahayag ni Paolo. dementia sa pagtanda. Pangalawa, dahil para sa kanya sa simpleng Ayon sa nilimbag na artikulo na pangangatawan dahil sa push-ups, mountain climbing nakakatulong sya sa mental health pagsasagawa ng mga All-In ni Sam Wylie-Harris sa HomeBT, dahil nakakapagpataas ng self- at high knees ay madali siyang nakabubuti sa mga tumatanda Workouts, disiplina at tiyaga ang confidence kapag nakikita mo nakapagbabawas ng calories at fats kailangan ito’y mapagtagumpayan. ang pag-eehersiyo o ang pagiging gayong mayroong ECQ. yung resulta ng hard work mo at Emerson Antioquia physically active dahil hatid nito ang Wala mang sapat na kagamitan nakakatanggal din ng stress ang pagmga benepisyo gaya ng pagpapabuti na ginagamit dahil bawal pumunta eehersisyo. Ayon sa mga eksperto,

Rizal Memorial Sports Complex ipinagamit bilang Quarantine Facility kontra COVID-19

P

inahintulutan ng Philippine Sports Comission ang paggamit ng dalawang indoor stadiums, Ninoy Aauino Stadium at Rizal Memorial Coliseum ng Rizal Memorial Sports Complex bilang pagtulong sa gobyerno sa paglaban sa COVID-19 matapos ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong nagpositibo sa sakit. Tinatayang mahigit 200 tao ang kayang i-accommodat ng nasabing Sports Complex upang mapigilang ang patuloy na pagkalat ng nasabing virus at maging alternatibong lugar na paglalagyan sa mga naapektuhan ng virus. Kasama ang mga frontliners sa mga taong inaasahang gagamit ng nasabing pasilidad sapagkat

pati sila ay mayroong mataas na tiyansang mahawa sa sakit. Kaugnay nito, inaasahang ang mga pasiyente at frontliners na gagamit ng pasilidad ay mayroong isang higaan, lamesa at upuan sa kanilang mga cubicle, at lahat sila ay makatatanggap ng libreng pagkain. Naatasang mamahala sa mga taong nasa loob ng Sports

Complex ang buong pwersa ng Armed Forces of the PhilippinesMedical Corps upang mapanatili ang seguridad at maayos na pamamalakad sa nasabing lugar. Sinigurado ng AFP- Medical Corps na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang masigurado ang kaligtasan at kalusugan ng mga taong

dadalhin sa Quarantine Facility. Ini-alok din ng Philippine Sports Commission ang iba pang mga pasilidad sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex kasama na rin ang Philippine Sports Comex kung sakaling mangailangan ang gobyerno nh mga pasilidad para sa paglaban sa COVID-19. Jairard Palon

Ligang lokal, internasyonal kanselado dahil sa COVID-19

D

ineklara ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) noong ika-4 ng Pebrero, taong 2020, na panandaliang ipanatigil ang anumang taunang mga palaro at liga sa Pilipinas, mapa rehiyonal o nasyonal, dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19) na patuloy pa rin ang pananalasa sa iba’t-ibang parte ng mundo. Talaga namang malaking Nagpataw na ng proposal ang Provincial Meet sa bansa gawa pagwawakas din muna ang ang pag-”delay” sa ang DepEd upang ipahinto ang pa rin ng parehong kadahilanan. ika-82 na season ng University dagok Athletic Association of the “worldwide” Olympics na ito paparating na Palarong Pambansa Sa usapang ligang propesyonal, na gaganapin sana sa lungsod ng una nang tinuldukan noong Philippines (UAAP) kamakailan sapagkat isang beses lamang itong Marso ang mga nakatalagang lamang matapos ngang bigkasin nangyayari sa loob ng apat na taon. Marikina sa darating na Mayo. Kontrobersyal din ang laro sa Philippine Basketball ni Pang. Rodrigo Duterte ang Sa Occidental Mindoro pagpapatigil noong ang orihinal na lugar kung saan Association (PBA) upang makaiwas mas pinaigting na “community agarang quarantine” na pinaabot pa nakaraang Marso ng National gaganapin ang nasabing paliga sa pagkalat pa ng epidemya. Association (NBA) Abril 30, 2020. Basketball ngunit nasalanta ito ng bagyong Kanselado rin ang National hanggang 2019-2020 dahil sa Sa mga palarong Season Tisoy noong Disyembre 2019 Collegiate Athletic Association internasyonal, malaking balita balitang nagpositibo si Rudy kung kaya’t napagdesisyunang (NCAA) sa ika-95 na Season nito sa Marikina ito gawin. sa ‘Pinas ayon sa mga miyembro ang pag-urong ng petsa sa Gobert, sentro ng Utah Jazz, sa ng Policy Board sa nabanggit na dapat gaganaping 2020 Tokyo COVID-19 na hanggang sa ngayon Kasama rin sa mga nananatili pa ring nagpapagamot. Olympics sa Hulyo, na ilalatag kanseladong palaro ang Southern liga sa pangunguna ni G. Francisco Ryann Christopher Yap Tagalog CALABARZON Athletic Cayco, presidente ng Season 95. na sa ika-23 ng Hulyo hanggang ika-8 ng Agosto taong 2021. Association (STCAA) pati na rin Isa pa sa listahan ang

18

Sumulat. Makibahagi.


@oraetlaboraBIL

ISPORTS

@bil_ora

ISPORTS SA BAHAY

Ang pangmalakasanag Benedictinians sa gitna ng krisis lalo pa’t hindi na ako nakakapag training dahil sa ECQ” pahayag ni Robert James Roque, Middle Hitter ng Benedictine Golden Cubs. Sa kabilang banda, ang paglalaro ng volleyball ay hindi lang nakatutulong sa pisikal na kaunlaran ngunit malaki ang nagiging benepisyo nito sa ginagampanang trabaho ng ating utak na matuto, magkaroon ng matalas na memorya at konsentrasyon ng utak ayon sa isang artikulong pinahayag ng Cobra Net Systems; na siyang tunay na magagamit sa pang araw-araw na buhay. Bukod pa roon, isa din ang isport na volleyball na tumutulong upang maiwasan ang anumang uri

ng sakit sa puso at kung sasabayan pa ng sapat na pagsasagawa ng pagkain ng masusustansiyang pagkain at maiiwasan din ang anumang chronic illnesses, base naman sa mga nilahad ng Athletic Lift na mga benepisyo ng paglalaro ng volleyball. “Since may malawak kaming bakuran at kaya rito magsagawa ng pagbibisikleta, nagagawa kong mame-maintain ang aking kasanayan sa isports na aking kinasanayan. Isa rin itong paraan nang pag-eensayo kahit nasa bahay upang mas maging maganda ang aking kalusugan.” Ani EJ Gandia, isang trail cyclist. Tulad na lamang ng ibang isports, malaki din ang

naiaambag ng pagbibisikleta sa kalusugan ng isang tao lalo na sa kondisyon ng utak at mababawasan din nito ang tyansang maging obese ang isang tao ayon sa isinulat na artikulo ni Selene Yeager, isang professional health and fitness writer, USA Cycling certified coach at AllAmerican Ironman triathlete. Sa kabilang banda, pinatunayan ng WalkandRollPeel na malaki din ang ginagampanan ng isport na ito sa pagbawas ng polusyon sa hangin gayong hindi na ito ginagamitan pa ng gasoline upang umandar kundi ang lakas ng iyong mga buto maisasakatuparan mo ang pagbibisikleta. Ilan lamang ito sa mga

isports na pinahahalagahan ng mga Benedictinians tulad nina Robert at EJ kahit nasa bahay at nasa ilalim ng Enhanced Community Quaratine na siyang magandang paraan upang mapanatili ang maayos na kalusugan. Tunay na likas ang talento at galing ng mga pangmalakasang tatak Benedictinians sa kabila ng suliraning kinahaharap ng bansa alang-alang sa pagpapanatili ng maayos na pangangatawan. Sa tulong ng pagsasagawa ng isports sa bahay, maayos na kalusugan ay magkakaroon ng saysay.

SIMPLE WORK-OUTS: QUARANTIsadong paraan tungo sa mabuting kalusugan N

gayong nakatengga lamang ang lahat sa kanilang mga tahanan dahil sa malawakang ‘enhanced community quarantine’, hindi ito sapat na dahilan upang isantabi ang pagpapanatili ng maayos na kalusugan. Kaakibat ng wastong pagkain, tamang oras ng pagtulog at pagkakaroon ng gising na kaisipan sa pag-iwas sa COVID-19, nararapat lamang na panatilihin ang pagiging pisikal na aktibo sa pamamagitan ng pag-eehersisyo. Narito ang mga pagsasanay na ‘di lang madaling gawin, kundi makatutulong din sa’yong katawan kung tutuusin.

PUSH UP

Una na listahan ang push up. Marami mang uri ang naturang ehersisyo, iisa lamang ang kanyang pinakapokus, ang palakasin ang upper body ng sinumang gumagawa nito. Normal lamang na sa kung susubukan ito ng baguhan, makararadam sila ng sakit sa bandang balikat at hindi dapat ito gawing dahilan upang tigilan ang nasabing pagsasanay. Huwag din piliting damihan ang bilang ng ulit kung nagsisimula ka pa lamang nang sa gayon maka-iwas sa posibleng indyuri. Simulan muna ng may kaunting bilang ng ulit hanggang sa pagdaan ng panahon, masanay ka’t doon na dagdagan ang repitisyon.

PLANK

Sumunod naman ang plank. Gaya ng push up, pinalalakas rin nito ang iyong upper body habang nakadapa ngunit sa pwestong hindi gagalaw ng pataas o pababa ang gumagawa nito. Maraming benepisyo ang ehersisyong ito gaya ng pagpapaganda ng iyong postura, pagbibigay ng mas mainam na depinisyon sa iyong masel, pagbabawas sa nadaramang pananakit ng likod at iba pa. Huwag ring pilitin na gawin ito ng matagal na oras kung lagpas na sa’yong limitasyon para makaiwas sa disgrasya.

SIT UP

Kaunting angat ito sa lebel ng hirap sa dalawang naunang ehersisyo, ito ang sit ups. Pinalalakas din nito ang iyong upper body ngunit mas nakapokus ito sa harap na parte. Pinagaganda rin ito ang ‘yong postura’t depinisyon ng masel. Ang sit ups rin ang pinaka epektibong paraan ng pagbabawas ng fat rate ng nagsasanay nito kumpara sa dalawang naunang ehersisyo.

SQUATS

Ikaapat sa talaan ang squats. Naiiba na ang pamamaraan ng paggawa ng ehersisyong ito dahil kinakailangan nang tumayo ng sinumang susubok nito. Bibigyan nito ang iyong mga binti ng depinisyon kung paulit-ulit itong sasanayin. Pati rin ang likurang bahagi ng lower body ang isa sa pinapagarbo nito. Dahil madalas nakadudulot ito ng cramps sa mga baguhan, nararapat lamang na huwag piliting damihan ang bilang ng repitisyon kung nagsisimula ka pa lamang.

LUNGES

Lunges ang huli sa lahat. Maihahalintulad ito sa squats sa usaping benepisyo. Naiiba lamang ang pamamaraan ng paggawa nito sapagkat sa squats, sabay na gagalaw ang mga binti ng nagsasanay nito ngunit salitan naman ang sa lunges. Gaya ng mga nauna, magsimula muna sa kaunti o kakayaning bilang ng ulit hanggang sa masanay at tsaka dagdagan ito.

May proseso ang lahat ng bagay. Gaya ng mga ehersisyong ito, hindi basta na lamang makakamit mo ang nais mong resulta kung hindi mo sasanayin ang iyong sarili. Laging pakatandaan na ligtas ang may alam, ngunit mas ligtas ang may matiwasay na kalusugan. Ryann Christopher Yap

ABRIL 2020

19


ORA ETLABORA

ISPORTS

Ang Opisyal na Pahayayang Pampaaralaan ng Benedictine Institute of Learning

Tomo 2. Bilang. 3 Abril 2020 Sumulat. Makibahagi.

ISPORTS SA BAHAY

Ang pangmalakasanag Benedictinians sa gitna ng krisis Emerson Antioqua

H

indi maipagkakailang likas na sa mga Benedictinians ang pagkahumaling naman, kahit kailan at kahit saan gagawin nila ito para sa mas maayos ano mang suliranin ang kaharapin hindi ito magiging hadlang upang kanilang

sa iba’t ibang isports, kaya na pangagatawan at kalusugan, isports ay araw-arawing gawin.

Ganito ang nagiging araw-araw na senaryo ng dalawang mag-aaral mula sa ikawalong baitang na sina Robert James Roque at EJ Gandia na kung saan ipinagpapatuloy ang pagkamit sa mas malusog na pangagatawan gamit ang kanilang isports na niyayakap sa kabila ng Enhanced Community Quarantine dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19. “Malaki yung naitutulong ng paglalaro ko ng volleyball kahit nasa bahay lang kasi mas nakakapagpapawis ako and nakakapag burn ng calories

@oraetlaboraBIL

@bil_ora

OL


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.