Philippine Collegian Tomo 100 June Issue

Page 4

04

PHILIPPINE COLLEGIAN

JUNE 2022

EDITORYAL Ang Tunay na Pagkakaisa Kung patuloy na ibubulid ni Bongbong sa paghihirap ang taumbayan, ang mismong mga taong minsang bumoto sa kanya ang magtatakwil sa kanyang rehimen.

Kung batayan man ang halalan sa pulso ng taumbayan, kongklusibo ang resulta noong Mayo 9: Sawa na ang ordinaryong mamamayang mapag-iwanan. Napaniwala ni Ferdinand Marcos Jr. ang milyonmilyon gamit ang retorika ng pagkakaisa sa paglutas ng problema ng bayan, ngunit ito rin ang magiging mitsa ng kanyang pagbagsak. Hindi na maipagkakailang nakakuha ng mayoryang suporta mula sa mga botante ang tambalang Marcos at Sara Duterte, ngunit di dapat sila mapanatag. ‘Pagkat ang araw-araw na realidad ng kalakhang mamamayan sa ilalim ng kanilang pamumuno ang siyang magpapatunay na hungkag ang pangako at retorika ng pagkakaisa upang mapalaya tayo sa pagkakasadlak. Sa mamamayang dalawang taong ginutom ng administrasyon ni Rodrigo Duterte dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga

Itakwil ang rehimeng Marcos-Duterte!

bilihin, kritikal ang ipinangakong P20 kada kilo ng bigas ni Marcos. Ngunit habang malaki ang pangako ni Marcos sa mga mamimili, hindi naman niya maipaliwanag paano pabababain ang presyo ng bigas nang di umaasa sa lalong pagdomina ng inangkat na bigas sa merkado. Ang pagbandera ng mas mababang presyo ng bigas nang walang tamang suporta at subsidiya sa mga magsasaka ay nangangahulugan lamang ng lalong pagdepende ng bansa sa mga dayuhang produkto, pagpwersa sa mga lokal na prodyuser na pababain ang presyo ng palay, at lalong pagdausdos ng kabuhayan ng mga magbubukid. Mahirap asahang magbibigay ng sapat na subsidiya ang pamahalaan sa mamamayan, gayong ang mismong gobyerno ay nagkukumahog na maghanap ng pondo. Makahagilap man ng pondo—sa pamamagitan ng pangungutang o pagtataas ng

buwis—walang kasiguruhan na ilalaan ng administrasyon ang pera para sa ayuda sa mga pinakaapektado ng krisis sa ekonomiya. Ang pagtaas ng utang ng bansa sa halos P13 trilyon sa ilalim ni Duterte ay hindi naman upang mag-abot ng mas malaking ayuda sa taumbayan, bagkus sa pagpapagawa ng malalaking imprastruktura. Tapat sa kontra-mamamayang karakter nito, inirekomenda ng papaalis na gabinete ni Duterte na taasan ng susunod na rehimen ang buwis ng mga Pilipino. Tiyak na ang matatamaan ng dagdag na buwis ay ang ordinaryong mamamayan na naghihirap nang pagkasyahin ang baryang sahod sa nagtataasang presyo ng mga bilihin at langis. Halos walang pangingimi ang estadong pigain ang ordinaryong tao para punan ang kaban ng bayan, ngunit nagbubulag-bulagan sila sa mga naroon na sa kanilang bakuran. Malakas ang loob nilang huthutan


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.