BAGONG AHENSYA NG PABAHAY, BALAK ITAYO
Kadamay, mga empleyado ng NHA, umalma BEATRICE P. PUENTE TINUTUTULAN NG MGA MIYEMBRO ng samahan ng mga maralitang panlungsod na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) at mga empleyado ng National Housing Authority (NHA) ang isang panukalang batas na naglalayong magtatag ng bagong ahensya ng pabahay na tatawaging Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). Naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill (HB) 6775 noong Pebrero 13. Bagaman nilalayon ng panukalang batas na tugunan ang suliranin ng pabahay sa bansa, may mga probisyon naman ito na pinapayagan ang ahensya na makipagugnayan sa mga pribadong kumpanya, na maaaring sumalungat sa layunin nitong magkaloob ng murang pabahay. “[DHSUD can] enter into contracts, joint venture agreements, public-private partnerships, and memoranda of agreement, either domestic or foreign, under such terms and conditions as the Department may deem proper and reasonable and subject to existing laws,” ayon sa nakasaad sa Section 5e, Chapter III ng panukalang batas. “Ang nakikita namin dito ay malawakang demolisyon,” ani Gloria Arellano, tagapangulo ng Kadamay. Malaki rin ang posibilidad na magbigay-daan ang DHSUD upang paboran ang interes ng mga pribadong kumpanya pati na rin ang mga hindi pantay na palisiya ng administrasyong Duterte, ayon kay Michael Beltran, public information officer ng Kadamay. Naglaan ng higit P3 bilyon ang kasalukuyang administrasyon para sa pagtatayo ng iba’t ibang imprastraktura sa ilalim ng programang “Build, Build, Build” na maaaring tumaliwas sa interes ng mga maralita, ayon kay Arellano. Sa kabilang banda, nakikita naman ng mga nagsusulong ng panukalang batas na DHSUD ang kasagutan sa kinakaharap na suliranin ng bansa sa sektor ng pabahay. “We cannot achieve our dream of inclusive development if we cannot address problems as basic as housing. The creation of DHSUD is a critical step towards helping our citizens realize their dream of having their own house,” ani Abelardo Benitez, kinatawan ng ikatlong distrito ng Negros Occidental, sa kanyang sponsorship remarks sa mababang kapulungan noong Enero 17. Si Benitez ang pangunahing nagsusulong ng HB 6775. Sa kasalukuyan, nakabinbin naman para sa ikalawang pagbasa ang bersyon nito sa senado na Senate Bill 1578. Mabigat na pasanin Nakasaad sa nasabing panukalang batas na hindi magkakaroon ng malawakang demolisyon maliban kung mayroon itong legal na basehan. Gayunman, wala itong kasiguruhan para sa mga maralita dahil ipinagpapatuloy ng pamahalaan ang mga demolisyon bagaman walang legal na basehan, ayon kay Arellano. “Malakas ang kapangyarihan ng DHSUD dahil sila ang ahensya na tanging mangangasiwa ng mga demolisyon, at magiging katuwang din nila ang local government unit (LGU) at barangay na maaaring may pulitikal
BA LI TA
2
BIYERNES 23 PEBRERO 2018
na mithiin [sa pagsasagawa ng mga demolisyon],” ani Arellano. Maging ang kasalukuyang batas tungkol sa pabahay na kilala bilang Urban Development and Housing Act (UDHA) na naisabatas noong 1992 ay hindi rin sapat upang mabigyan ng mura o abot-kayang pabahay ang mga maralitang taga-lungsod. Sa kasalukuyan, mayroong higit apat na milyong Pilipino ang walang disenteng tirahan, ayon sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority noong 2012. “Kaya namin tinututulan [ang pagsasabatas ng HB 6775] ay dahil nakikita namin na wala rin naman itong madudulot na pagbabago dahil hindi ito naiiba sa mga dating batas tungkol sa pabahay kung saan walang kinapupuntahan ang mga maralita,” ani Arellano. Mayroon mang relokasyon, mabigat pa rin para sa mga maralita ang karagdagang gastos sa pagbabayad ng renta. Maaari ring tumaas ang halagang dapat bayaran kung makikipag-ugnayan ang DHSUD sa mga pribadong kumpanya. Sa halip na ayusin ang sistema ng pabahay sa bansa, mas lalo lamang umanong ipagkakait ng DHSUD ang karapatan ng mga mamamayan sa mura at disenteng pabahay, ani Beltran. Iisang tindig Maging ang mga empleyado ng National Housing Authority (NHA), sa pangunguna ng Consolidated Union of Employees (CUE), ay tutol sa panukalang batas dahil nais umano nilang patuloy na maglingkod sa mga mahihirap na nangangailangan ng pabahay, ani Evangeline Javier, tagapangulo ng CUE. Hindi nila ito magagawa kung mawawalan sila ng trabaho, dagdag pa niya. Dahil dito, maraming mga empleyado ng NHA ang nanganganib na mawalan ng trabaho. Kahit na may probisyon sa HB
6775 na nagsasabing maaaring matanggap sa DHSUD ang ilan sa kanila, mas marami pa rin ang mawawalan ng trabaho, ani Javier. Kung maisasakatuparan ang pagtatayo ng panibagong ahensyang ito, mawawala na ang mga ahensya ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB). DHSUD na ang inaasahang tumupad sa mga tungkulin ng dalawang ahensyang nabanggit. “[Creating DHSUD] is not the solution to the housing problem of the Philippines but rather a catastrophe bound to wreak havoc on employees, the urban poor settlers, and other Filipinos,” ayon sa pahayag ng CUE. Sa kasalukuyan, ang HUDCC ang nangunguna sa paggawa ng mga palisiya hinggil sa usaping pabahay samantalang ang HLURB naman ay mas nakatuon sa pangangasiwa ng mga usapin hinggil sa paggamit ng lupa para sa pabahay. Ang dalawang ahensyang ito, kasama ang NHA, ang inaasahang magtaguyod ng programang pabahay sa bansa. Sa ilalim ng panukalang batas, papalitan ng Human Settlements Adjudication Commission ang HLURB na siyang bubuo ng desisyon hinggil sa mga problema sa pabahay at paggamit ng lupa. Sinubukang kuhanin ng Collegian ang pahayag ng administrasyon ng NHA hinggil sa isyu ngunit wala pa rin silang tugon hanggang sa kasalukuyan. Para sa Kadamay, kung patuloy na isasantabi ang pangangailangan ng mga mamamayan, hindi kailanman malulutas ang anumang problemang kinakaharap ng bansa. “Dapat kilalanin at itaguyod ng gobyerno ang disente, abot-kaya, at pangmasang pabahay na kayang pataasin ang kalidad ng buhay ng maralitang Pilipino,” ani Beltran.
UPD admin allocates P25M for Yakal dorm repairs BEATRICE P. PUENTE FOUR MONTHS SINCE SEVERAL residents of Yakal dormitory transferred to other dorms due to wall cracks and flooding, the UP Diliman (UPD) administration approved a total of P25 million to repair the dormitory’s structural defects. The approved amount comes from the P300 million budget allocated for the rehabilitation of UPD dormitories, including Yakal and the International Center. The allocated amount will be used to fix the rooms and other structures within Yakal which were affected by flooding in the previous semester. The dormitory management of Yakal and the Office of the Campus Architect have already begun with the initial trenching around the dorm, as recommended by a team of structural engineers and experts who investigated the defects and soil condition of the 55-year-old building. The excavated trench will serve as a drainage where the water from other dormitories caused by the rainfall can pass through instead of going directly inside Yakal. “Ginagawaan ng trench ‘yung paligid kasi kapag umuulan, bumabagsak ‘yung tubig sa Yakal dahil medyo mataas na buildings ang Acacia at Kalayaan dormitories [na nasa paligid lang ng Yakal],” said Shirley Guevarra, Officer-in-Charge of the Office of Student Housing. Cracks in walls then appeared due to flooding but its main foundation remains intact, she added. However, some residents still question the integrity of Yakal’s building structure. “’Yung walls ng certain rooms ay detached from the floor to the point na madali na lang itong matulak ‘pag sumandal ka sa walls,” said Gilson Narciso, resident of Yakal. He reported the defects he observed two academic years ago, but the same problems still remain. When other Yakal dormers moved to other dormitories, Narciso opted to just transfer to another room in Yakal. “Masyadong delayed ‘yung inspection [ng defects], at sudden ang decision ng OSH
to transfer the dormers to other dorms,” he pointed out, given that the issue has been raised years before. A total of 37 residents moved out of Yakal and transferred to Molave, Kalayaan, Ipil, and Sampaguita Residence Halls, lower than the initial report that 100 residents were supposed to be transferred. “Ang idea noon ay ‘yung buong west wing ay iva-vacate lahat. Ang nangyari ngayon, dahil sa mga recent na pag-aaral doon mismo sa building structure ay ‘di na kailangan na umalis lahat. Ang priority na ilipat ay lahat ng nasa 1st floor who were heavily affected,” said Jo Esteban, Yakal dormitory manager. Meanwhile, a separate amount of P95,690,000 was also allocated by the UP administration for Yakal’s complete renovation in the form of re-piping, rewiring, and building of a fire alarm system, among others. This budget is included in the General Appropriations Act for the current fiscal year. The management of Molave and Kamia dormitories likewise received around P72 million and P82 million respectively for rehabilitation purposes so that these halls will no longer suffer from the same defects. OSH, on the other hand, maintains that residents living in UPD dormitories are safe, especially now that measures are being undertaken to ensure that the same problems would no longer occur in any residence hall. As a dormer who witnessed and experienced the negative effects of the structural defects, Narciso stresses that OSH could have done the inspection and evaluation of the hall’s structural integrity earlier when the issue has been reported so that the defects could have been repaired early on. “The defects are not something na pwedeng pabayaan,” said Narciso, emphasizing that the defects should be fixed for the residents’ safety.
A NEW HOPE Members of the academe and progressive groups attended the launch of the publication of the Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER), February 8. Though the peace talks have been terminated by President Rodrigo Duterte, the hope for peace remains as with progressive groups pushing for a document detailing reforms that will benefit the country.
Off the rail TOTAL SAVINGS OF PUBLIC AND PRIVATE EMPLOYEES UNDER TRAIN DANIEL BOONE THE GOVERNMENT’S TRAIN or the Tax Reform Acceleration and Inclusion Program already started running this year. While masquerading the benefits of decreasing taxes to be paid thus giving employees a higher take home pay, the last destination of Duterte’s TRAIN is still clear: the poor getting poorer and the rich getting richer. The surge in the prices of basic commodities like oil, sugar, and other food and drinks is just the start but has already proven to be a huge burden especially to the poor. More so, TRAIN also seems to be most beneficial only to those who are already receiving high salaries. At the end of it all, those who already enjoy higher wages are bound to get more in savings. For instance, cabinet assistant secretaries — the likes of Mocha Uson — are already earning a whopping P128,467 monthly, as employees under Salary Grade 29, in accordance to the Salary Standarization Law. With TRAIN taking its course, they may save as much as P92,865.91 annually after tax deductions. Meanwhile, the lowest earning public school teacher are only bound to get as much as P32,660.72 in annual savings, a meager saving taking into account the hike in the prices of basic goods, according to independent think-tank Ibon Foundation. Check the infographic to know the savings of different public and private employees under the effect of TRAIN.
SOURCES DOLE, DEPED, BIR TAX CALCULATOR, IBON FOUNDATION
No respite for jeepney drivers amid continuing harassment, looming phaseout JUAN GREGORIO LINA JEEPNEYS ARE BACK ON UP Diliman’s thoroughfares, but the threat of steep fines and outright obsoletion remain for operators. Even days after the Inter-Agency Council on Traffic’s (I-ACT) ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’ operations in UP Diliman, jeepney operators remain subject to the scrutiny and harassment of authorities, said Alvin Agustin, head of Pasang Masda’s UP Diliman chapter. “Pakiramdaman na lang kami...kung may nahuhuli [na dyip], nag-tetext na lang para huminto [ang mga operator]. Para nga kaming mga daga: ‘pag may pusa, tago kami agad,” said Agustin. UP Diliman’s jeepneys were first targeted by I-ACT’s phaseout initiatives during the morning commute of February 8. The operations were done without coordination with the University administration, said Vice
Chancellor for Community Affairs Nestor Castro. I-ACT, a conglomeration of various government offices including the Department of Transportation and the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), reportedly flagged down for inspection jeepney operators traveling along University Avenue, C.P. Garcia, and Katipunan Avenue. “Unfortunately, the University Avenue, C.P. Garcia, and Katipunan Avenue [where the operators were flagged down] are national roads and therefore [are] under the jurisdiction of the MMDA,” said Castro, adding that the operations are legitimate nonetheless. Around P5,000 penalties were meted out to drivers for each defect revealed during the ensuing jeepney inspections, said Agustin, compelling some drivers to stop work for the day.
As many as thirty jeepney units were on the road during the morning of February 8, with that number dwindling to around six after I-ACT’s operations, Agustin added. The resulting dearth of jeepneys also left hundreds of commuters bound for campus stranded in terminals in the vicinity of UP Diliman. Responding to the situation, the UP Diliman University Student Council initiated a carpooling service to assist stranded riders. Meanwhile, Agustin himself, whose own jeepney plies the UP Diliman-SM North route, was slapped with a P15,000 ticket after I-ACT inspectors assessed two of his vehicle’s tires and its handbrake to be defective. Agustin, on the other hand, expressed reservations regarding the inspections, calling it guesswork. “Manual lang ‘yung inspeksyon; titingnan lang nila...mukha rin silang nanghuhula, eh. Mukha rin silang utusan
din, eh,” Agustin said, adding that drivers were simply handed tickets and not given the opportunity to make the necessary improvements to their jeepneys. “Mga legal naman ‘yung papeles natin-biglang-bigla, haharangan ka’t bubutasan ka. Hindi mo naman kaya ‘yung ipapataw na violation sa’yo,” Agustin said. I-ACT has conducted similar operations across Metro Manila under the banner “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” with jeepneys primarily being the target of these operations. The council, however, has stressed that this is only coincidental, adding that the goal of the operation is road safety compliance, not jeepney modernization. “Sadly, since we launched the campaign, most of those violative of the standard regulations were public utility jeepneys,” said I-ACT Communications head Elmer Argaño in earlier reports.
Immediately after the February 8 operations, demonstrations were held inside the university grounds with students and affected drivers in attendance. The protests also highlighted rising fuel prices and emphasized the need for solidarity with the jeepney operators. Later on, a rally was also held on February 19 at the Welcome Rotonda to again reiterate the call against the phasing out of jeepneys. “Nagpapasalamat nga kami sa mga estudyante na ipinaglalaban nila ‘yung pangkabuhayan namin...kung wala sila, baka nakatengga lang kami,” Agustin said.
BIYERNES 23 PEBRERO 2018
3
BA LI TA
Manininda’s eviction sparks controversy, resentment JUAN GREGORIO LINA
CONTROVERSY HAS YET AGAIN marred the maninindas’ relationship with the UP administration after the forced closure of a food cart on the corner of T.M. Kalaw and Quirino Ave. became the subject of controversy and confusion. Nanay Rachel Felonia, a member of the Samahan ng mga Manininda sa UP (SMUPC), was compelled to cease her food cart’s operations after the Office of the Vice Chancellor for Community Affairs (OVCCA) determined that she did not have a permit to sell in the area and thus was conducting business illegally. Meanwhile, a January 28 statement released by the School of Statistics Student Council—whose parent college is based nearby the cart—challenged OVCCA’s claim, arguing that Nanay Felonia’s business had undergone necessary procedures, having even secured a permit that would have been valid until March of this year. Since 2015, OVCCA has been in charge of the supervision of UP’s maninindas and other small businesses, which include tiangges and other item vendors. Prior to that year, small businesses had been under the direction of the Business Concessions Office (BCO). Organized under the Office of the Vice Chancellor for Administration (OVCA), the BCO directs the collection of rental fees from entities such as the UP Town Center, the Parish of the Holy Sacrifice, as well as other enterprises which lease land from UPD. Memos and letters In a series of memoranda pertaining to the case submitted by the OVCCA to the UP System’s Executive Committee, however, it was revealed that Nanay Felonia had indeed failed to secure a permit to operate on the corner of T.M. Kalaw and Quirino Ave itself, but was able to secure an approval card from the OVCCA. An OVCCA staffer, who was also a member of a union which SMUPC had affiliations with, had given Nanay Felonia the approval card for a cart, Castro explained in an interview with the Collegian. The issuance of the approval card may have been the basis for the defense of Nanay Felonia as having a permit, but the issue is an “internal problem” of the OVCCA’s, Castro added. “But even with that, hindi [binigyan si Nanay Felonia ng permit] para sa lugar na ‘yon. Pwede nilang sabihin na may permit, kasi binigyan [siya] ng ID, [pero] walang permiso sa lugar na ‘yon para magtinda,” he said. Two separate letters from Nanay Felonia and SMUPC President Edna Sinoy were forwarded to the OVCCA asking that Nanay Felonia be allowed to operate in the said area. Castro approved the application on the condition that concerned offices nearby also agree to Nanay Felonia’s request. Aside from the School of Statistics, these offices included the National Institute of Science and Mathematics Development (NISMED), the Office of Admissions, and the Office of the University Registrar (OUR). The Office of Admissions, School of Statistics, and OUR had consented to Nanay Felonia’s business, but Director Soledad Ulep of NISMED, on the other hand, did not endorse Nanay Felonia’s application to sell in the area. In a letter to Castro
BA LI TA
4
BIYERNES 23 PEBRERO 2018
PAGMAMAHAL
DELA ROSA
Binabantayan ni Nida Bayron ang kanyang tindahan sa Old Capitol, Quezon City, February 17. Isa lamang si Bayron sa mga maninindang apektado ng pagtaas ng presyo dulot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN). Ayon kay Bayron, hindi na halos makabili ng ulam ang kanyang mga suki kaya’t tumatanggap na lamang siya ng kalahating order upang maibenta ang kanyang paninda. Ayon sa pag-aaral ng Ibon Foundation, 53.3 porsyento ng mga Filipino ay nagugutom dulot ng kawalan ng mura at maayos na pagkain.
regarding Nanay Felonia’s application, Ulep expressed concerns regarding food hygiene as basis for the rejection. “Ang lokasyon po ay nasa isang napaka-busy na kalye. Dahil sa usok at alikabok na dulot ng mga nagdaraang sasakyan, maaaring marumihan ang mga pagkaing ititinitinda na hindi mabuti sa kalusugan,” she said, noting that customers with vehicles parked along the roads surrounding the cart could only worsen traffic conditions in the area as well. Ulep also mentioned in her letter that NISMED already has a canteen that is “of walking distance” from OUR and School of Statistics, thus negating the need for the food cart. Matter beyond regulations On the other hand, School of Statistics Student Council underscored the importance of Nanay Felonia’s cart, given their college’s relatively isolated location. “’Yung School of Statistics alam nating medyo isolated siya…malayo siya sa mga alam nating tindahan ng pagkain…kaya malaki ‘yung naitutulong na mayroong kiosk na madadaanan ng mga students kapag kailangan nilang kumain and at the same time may klase silang hinahabol,” said School of Statistics Chairperson Joshua Ricaforte. Ricaforte also stressed the need for other food options to accommodate the needs of less financially well-off students. Sinoy, on the other hand, argued that the area only experiences traffic during the application season for the UPCAT and that all stalls on campus are at the mercy of smoke from traffic. Sinoy
also expressed general dismay over the OVCCA’s administration, citing the unfair treatment maninindas received last year in vying for spots near the Electronic and Electrical Engineering Institute. Nanay Felonia, meanwhile, showed only
BANGON, BABAE
confusion and distraught at the situation. A vendor on campus since around 2009, Nanay Felonia was forced to stop selling after being hit with a bout of depression. Nanay Felonia had returned to selling again in August 2017 to help pay for her family’s
growing expenses, but now spends her time helping other maninindas while her business remains in limbo. “Wala naman akong alam sa mga permit na ‘yan. Ang gusto ko lang naman po’y makapagtinda,” she said. ADRIAN KENNETH GUTLAY
Nagtipun-tipon ang mga mag-aaral, guro at staff ng UP sa Quezon Hall para sa One Billion Rising (OBR), February 15, kung saan ipinapakita sa isang sayaw ang laban sa diskriminasyon sa kababaihan. Sa tala ng National Anti-Poverty Commission, gender discrimination ang isa sa mga dahilan ng kahirapang kinahaharap ng mga kababaihan. Kumpara sa mga lalaki, mas mataas ang unemployment rate ng mga babae habang mas mababang sahod ang kanilang natatanggap para sa parehong trabaho. Layunin ng OBR na wakasan ang diskriminasyon hindi lamang sa usapin ng gender, kundi kasama na rin ang pang-ekonomiko, pulitikal, at sosyal na kapakanan ng mga kababaihan.
Pagkamatay kaugnay ng Dengvaxia, patuloy na iniimbestigahan BEATRICE P. PUENTE
UMABOT SA 26 NA BATA ANG hinihinalang namatay dulot ng Dengvaxia, ang unang bakunang nilikha para sana labanan ang dengue, ayon sa pinakahuling tala mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH), dahilan upang ipagpatuloy ng pamahalaan at iba pang institusyon ang imbestigasyon hinggil dito. Isa si Zandro Colite, 11, sa mga namatay matapos mabakunahan. Anim na buwan matapos makumpleto ang tatlong doses ng Dengvaxia, binawian ng buhay si Zandro dahil umano sa appendicitis. Subalit nang suriin ng forensic experts ng Public Attorney’s Office (PAO) ang bangkay ng bata, bukod sa pumutok na appendix, nakitaan siya ng pagdurugo ng baga na nakita rin sa iba pang mga bata na hinihinalang namatay dahil sa Dengvaxia. Kasalukuyan namang sinisiyasat ng Philippine General Hospital (PGH) ang mga bangkay ng biktima sa isang hiwalay na pagsusuri. Mabusising pagsisiyasat Sa 26 na hinihinalang namatay sa Dengvaxia, 14 pa lamang ang sumailalim sa imbestigasyon mula sa mga eksperto ng PGH. Napag-alaman na tatlo lamang sa 14 na bata ang maaaring namatay dahil sa Dengvaxia; dalawa rito ay maaaring dulot ng kapalpakan ng bakuna (tingnan ang sidebar). Ipinagpapatuloy ng PGH ang imbestigasyon upang mas pagtibayin ang mga naunang resulta, ani DOH Undersecretary Enrique Domingo sa isang press conference noong Pebrero 2. Gayunman, mas dapat isaalang-alang sa bawat pagsusuri ang kapakanan ng mga batang nabakunahan dahil sila ang patuloy na naiipit sa sitwasyon, ayon sa pahayag ng Gabriela, progresibong samahang pangkababaihan na may adbokasya rin sa iba’t-ibang isyung panlipunan. “Ang nasa stake ng paranoia sa Dengvaxia ay [maraming Pilipino] so nag-initiate na ng action ang Gabriela at Gabriela Women’s Party (GWP) na mag-file ng kaso [sa Korte Suprema] at mag-register ng stand tungkol sa Dengvaxia,” ani Cora Agovida, tagapagsalita ng Dengvaxia watch, programang inilunsad ng Gabriela kung saan maaaring tumawag ang mga biktima ng bakuna upang matulungan ng samahan. Samantala, nagpapatuloy ang autopsy review na ginagawa ng forensic team ng PAO upang magpalalim sa mga imbestigasyon at pagtibayin ang mga kasong isinasampa ng pamilya ng mga biktima sa korte. Palpak na solusyon Mula 2012 hanggang 2017, humigitkumulang 200,000 kaso ang naitatalang namamatay kada taon dahil sa dengue. Inasahan ng pamahalaan na magiging solusyon dito ang Dengvaxia, produkto ng French pharmaceutical company, Sanofi Pasteur. Naglakas-loob ang pamahalaan na bilhin ang bakuna na umabot sa halagang P3.5 bilyon kahit wala pang ibang bansa sa Asya ang bumili nito. Bagaman nakarehistro na ito sa Food and Drug Adminstration (FDA) noon, hindi pa natatapos ng Sanofi ang post-marketing surveillance ng bakuna. “At that time, I guess confident ang pamahalaan na bilhin ang Dengvaxia kaya napakabilis ng [proseso ng] pagbili nito at napakarami. Siguro noon, naniniwala sila na walang problema itong bakuna na ito,” ani Domingo.
Inilunsad ang pagbabakuna sa National Capital Region, Gitnang Luzon, CALABARZON, at Gitnang Visayas kung saan naitala ang pinakamaraming kaso ng dengue. Ngunit nagdulot ng pagkabahala ang inilabas na pahayag ng Sanofi. “For those not previously infected by dengue virus, however, the analysis found that in the long term, more cases of severe disease could occur following vaccination upon a subsequent dengue infection,” ayon sa Sanofi. Isa si Jolo Bancal, 11 taong gulang, sa higit 830,000 batang nabakunahan ng Dengvaxia. Limang buwan mula nang makumpleto ang tatlong doses ng bakuna, nagkaroon siya ng dengue sa unang pagkakataon. “Tiwala naman kami noong una [na pabakunahan si Jolo] dahil programa naman ito ng gobyerno so akala namin ay maganda [ang dulot nito],” ani Violy Bancal, ina ni Jolo. Ngunit dahil sa naging masamang dulot ng Dengvaxia sa kanyang anak, hindi na niya muling hahayaan na maturukan ng iba pang bakuna ang kanyang anak, dagdag pa niya. Sa kasalukuyan, higit 1,000 sa mga nabakunahan ang nagkaroon ng dengue kung saan walo ang hinihinalang pumanaw dahil sa dengue shock syndrome, ayon sa Kalihim ng DOH na si Dr. Francisco Duque III. Gayunman, nangako naman ang DOH na sa PhilHealth manggagaling ang lahat ng gastusin sa ospital ngunit kung sakaling magkulang, pupunan naman ito ng medical assistance program ng kagawaran. Ngunit may mga ulat na natatanggap ang Gabriela na hindi ito naipatutupad. Sa kaso ni Jolo, kasalukuyang sinusubukan ng kanyang pamilya na mabawi mula sa DOH ang kanilang nagastos sa pagpapaospital. Tugon sa hamon Iginigiit ngayon ng DOH na mabawi mula sa Sanofi ang kabuuang nagastos ng pamahalaan sa Dengvaxia upang magamit ang kabuuang halaga sa pag-aalaga ng mga biktima nito. Sa kasalukuyan, nabawi na
SIDEBAR 1 RESULTA NG IMBESTIGASYON NG DENGUE INVESTIGATIVE TASK FORCE (DITF) NG PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL (PGH) SA 14 NA BATANG NAMATAY UMANO DAHIL SA DENGVAXIA, PEBRERO 2, 2018.
SOURCE KAGAWARAN NG KALUSUGAN (DOH), PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL (PGH)
mula sa kumpanya ang P1.17 bilyon ng mga hindi nagamit na bakuna. Samantala, patuloy na nagmamatigas ang Sanofi na ibalik ang higit P2 bilyon na halaga ng mga nagamit na bakuna. Higit pa sa pagbawi ng nagastos, nais din ng DOH na masampahan ng kaso ang Sanofi dahil sa idinulot nitong problema. Gayunman, alam din ng kagawaran na mayroon silang pagkukulang.
“Talagang meron tayong kakulangan sa sistema natin kung paano tayo magi-introduce ng bagong programa, bagong gamot, o bagong vaccination program sa bansa natin. Dapat binabalangkas natin ngayon ang lahat ng steps na kailangan pagdaanan [ng bakuna bago i-implementa],” ani Domingo. Higit sa pag-amin ng kakulangan, binigyang-diin din ng Gabriela na kinakailangang itigil na ang sisihan sa pagitan
ng mga administrasyon nina Aquino at Duterte upang tunay at lubos na matugunan ang isyu. Panandalian lamang umano ang mga solusyon na ginagawa ng pamahalaan upang malutas ang problemang ito. “Kailangan may mag-account [sa kapalpakang ito] dahil kailangan at deserve [ng mga bata] ang justice. ‘Di pwedeng sorry na lang,” ani Agovida.
PHASEOUT Araw-araw namamasada si Mang Virgilio, 70, mula pa noong 1973 upang sustentuhan ang araw-araw na pamumuhay nila ng kaniyang asawa. Bagaman mayroon nang trabaho ang kanilang dalawang anak, tumutulong pa rin si Mang Virgilio sa paghahanapbuhay para sa pang-arawaraw na pantustos. Naging matinding dagok ang kinakaharap ni Mang Virgilio ngayon lalo na sa pagtaas ng mga bilihin. Matinding pagtitipid ang kanilang ginagawa upang makaraos dahil bukod sa mataas ang bilihin ay sinabayan pa ito ng pagtaas ng presyo ng krudo. Dagdag pa rito ang patuloy na banta sa jeepney phaseout.
BIYERNES 23 PEBRERO 2018
5
BA LI TA
UP staff, REPS to receive P15K grant from UP admin JOSE MARTIN V. SINGH AFTER A SERIES OF FAILED negotiations and collective movements, UP staff are finally going to receive a P15,000 Professional Development Grant (PDG) from the UP administration. An agreement was reached on January 31 this year, after the All UP Academic Employees Union (AUPAEU) met with the UP admin through the Union Management Monitoring Committee (UMMC) to discuss the Collective Negotiation Agreement (CNA) incentive, which is provided for in the current CNA document, an agreement between the two parties signed in July 6, 2015 and effective until July 5, 2020. The guidelines for the implementation of the CNA incentive are specified under the Department of Budget and Management (DBM) Circular no. 20173 signed on November 16, 2017. The incentive covers personnel, regular and contractual, under government institutions and State Universities and Colleges as long as there are CNA’s subsisting in the said institutions, according to the DBM Circular. “The P15,000 PDG is the equivalent of the 2017 CNA incentive for Research, Extension, and Professional Staff (REPS) and faculty, represented by AUPAEU in recognition of the academic sector’s contributions to the university,” said AUPAEU National President Carl Ramota. But the UP Admin had failed a number of times in delivering the incentive. Previous negotiations, especially the one on January 17, almost collapsed since there was no commitment and concrete offer from the UP Admin as manifested
FOUR GAMES INTO THE SEASON
Lady Maroons suffer three straight losses JOSE MARTIN V. SINGH
by their failure to produce their financial records, which is a main requirement under the DBM circular, said Ramota. UMMC negotiations have been stalled four times from December 2017 to January 2018, and there had to be an extra push through protests and urgent negotiations before the agreement was reached. Under the DBM Circular, a qualified employee under a government institution shall receive at most an incentive of P25,000. UP employees received a P10,000 incentive in December 2017. The recent agreed upon incentive is an improvement, said Ramota. “[This time] AUPAEU successfully negotiated an additional P15,000 incentive for all UP employees,” he added. “The academic union considers [the recent agreement] as a corrective and confidence building measure to address the serious lapses committed by the UP administration in the implementation of the DBM Circular on CNA incentive and the conduct of negotiations in the UMMC,” said Ramota. “It’s an affirmation of good faith bargaining,” he added, citing the resilience of the union in pressing for the incentives. The incentive will cover all REPS, faculty, and admin staff under the UP system, including Philippine General Hospital (PGH) personnel. However, the incentive has not yet been implemented or formally provided for in a document by UP. Nevertheless, the AUPAEU has started pressing the UP admin to implement the said incentive as it is crucial for the covered employees, including the likes of Francis Alinabon, a Laboratory Technician in UP Diliman.
“It will help my family a lot if the [P15,000] incentive will already be given to [us] faculty, staff, and REPS,” said Alinabon. “Makakatulong ito sa tulad ko na ordinary staff [ng UP]…Tatlo anak ko. May mag-cocollege na ngayong [susunod na] pasukan at may isang grade 11 naman. Namamasahe [rin] sila [lagi] papuntang eskwelahan,” he added. Moreover, other factors such as the price increases brought about by the Tax Reform for Acceleration Inclusion (TRAIN) Law will also affect the need for the immediate implementation of the incentive, said Ramota. The incentive is a needed relief for UP employees, he added. The UP admin’s initial commitment to release the P15,000 PDG before the end of February was positive. But AUPAEU continually pressed the UP admin to have it released earlier for the UP employees, according to a press release by AUPAEU. Among others, AUPAEU also continues its calls for the full implementation of the CNA and a release for the year end incentive of contractuals, said Ramota. The UMMC met again with the UP Admin on February 21 to finalize the implementing guidelines of the PDG, according to a press release by AUPAEU. The UP Board of Regents (BOR) approved the guidelines for the PDG on February 22, after their deliberations. The admin panel coordinated with the BOR that the PDG be released on or after February 27, Vice President for Administration Nestor Yunque was cited saying in a press release by AUPAEU. The Collegian tried to reach Yunque but was refused a sooner interview due to the VP’s tight schedule.
SPIKES IN RECORDS ARE NOT picked up from a lush and sunny garden. It has been a struggle for the UP Lady Maroons to bring themselves back to a respectable position in the University Athletics Association of the Philippines (UAAP) volleyball tournament, four games into Season 80, as they are idled with a 1-3 win-loss record. After a promising first game win, the Lady Maroons have found themselves sliding down a slippery slope. In their opening game on February 4, they overcame a grueling five sets against the University of the East Lady Warriors. Lady Maroons’ new Kenyan head coach Godfrey Okumu has said after the win that they are “still a work in progress,” citing the relaxed effort in the sets that followed their first two winning ones. Errors, faulty passes and receptions have cost the Lady Maroons two crucial sets. Despite the redeeming win, a work in progress they are as the following games have caught them almost off guard. Coming in with exuding confidence in their match against the defending champions on February 10, the Lady Maroons fell into the hands of the De La Salle Lady Spikers and their sweeping performance. UP lost without winning a set: 25-21, 25-22, 26-24. The game on February 14 saw a Lady Maroons team being swept yet again.
STEADFAST
A stellar team this season, the Adamson Lady Falcons sent the Lady Maroons crumbling in the first set as they won by a huge deficit: 25-9. UP’s veterans Diana Carlos and Isa Molde powered their team towards a 7-2 run in the second set, but it was still decidedly won by Adamson due to a lapsed execution towards the end by UP. Efforts to keep up came close in the final two sets, but again it wasn’t enough for the Lady Maroons: 27-25, 25-20. The following game was another shot at redemption. After starting to ponder their two-game losing skid, the Lady Maroons faced a similarly struggling team in their matchup on February 17. The Far Eastern University Lady Tamaraws, however, found themselves this time on the brighter side of things as they clinched their second win after two straight games of losing. For all that the game was they sent the Lady Maroons home with another sweep to gather: 25-23, 25-11, 25-19. The Lady Maroons are currently placed at sixth on the eight team stepladder. With lessons drawn from their three game losing streak and hopes to even things out for a better chance at the playoffs, they seek to bounce back in their match against the third seed (3-2) Ateneo de Manila Lady Eagles on February 25, Sunday. DELA ROSA
BALIK TA N AW
BA LI TA
6
BIYERNES 23 PEBRERO 2018
Lady Maroons’ Diana Carlos takes a sharp hit against the FEU Lady Tamaraws during their volleyball match in the 80th season of the University Athletic Association of the Philippines at the Filoil Flying V Center, San Juan City, February 17. The Lady Maroons now stands at a 1-3 win-loss tally after the team lost in straight sets against the strong offensive of Lady Tamaraws.
School of Dissidence RICHARD CALAYEG CORNELIO
THEY CARRIED PAINT-SPLATTERED placards and spoke through megaphones or from behind banners, their calls shouted from the foot of Mendiola bridge to the Palace. They had stridden out of their classes and swarmed the streets by the hundreds, marking the first of this year’s string of protests against the dictatorship that President Rodrigo Duterte is assembling. “UP? They always walk out,” Duterte retaliated. “Do not go to school anymore. Stay on the street. Go. And I will get new ones — anyway that’s people’s money.” Majority of the public echoed Duterte’s statement, presuming that taxpayer money is better spent on students staying on in class, disengaged from public affairs and national politics. Articles online have cropped up dismissing the youth’s cries for social justice as all noise and instant gratification. These sentiments abound amid the persistence of class-based inequalities and the state’s monopoly on violence, to which dissent is the only fitting response. At the frontline of this struggle stands UP, historically a bastion of activism, now tasked to reaffirm the relevance of militancy in championing the interests of the dispossessed and marginalized. Doubts and disquiet A glance at the numbers may lead one to regard activism as passé. In the university, for example, only around 50 to 80 students participate in Black Friday Protests, according to Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND UP). These protests campaigned against socialized tuition schemes and campus policies that threaten students’ right to organize, among others. Yet, sheer mob size is not the only metric to gauge the magnitude of mass actions. Rather, the power of a protest hinges on the sharpness of core beliefs that unify seemingly unrelated sectors, like the youth with the workers and peasants. “Marami man o kaunti ang nakikilahok sa mga protesta, hindi natin iyon nakikita na hadlang para mairehistro natin ang mga panawagan ng mga estudyante kasama ang masang api para sa tunay na pagbabagong panlipunan,” said Angela Bello of Anakbayan UPD. She cited the surge in youth engagement of late, such as at protests against the burial of Ferdinand Marcos at the Libingan ng mga
Bayani, the questionable presidential policies, and the continuing human rights violations. Also, contrary to the megaphone-wielding, chair-throwing stereotype of an activist at rallies, much of the work done by mass organizers happen outside the streets. They immerse in communities to conduct educational discussions and other sectoral works, such as teaching at schools in the countryside. Such activities may be forms of protests in themselves. In January, for instance, when Martial Law was yet to be lifted in Mindanao, Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral (KASAMA) sa UP, an alliance of student councils across UP system, led a basic masses integration at a Lumad school in Compostela Valley. “‘Yung mga estudyante at guro doon, pinatay sa harap nila ‘yung mga community leaders. Halos araw-araw may harassment silang nararanasan,” said Hazel Lobres, KASAMA sa UP secretary general. “Sa integration na ‘yun naunawaan namin na kahit nakakatakot, wasto ang paglaban lalo sa ganitong klaseng pulitikal na sitwasyon.” Taking the backseat The present political climate demands dissidence especially among students, being the intellectual base of the youth and members of the labor force in transition. Yet, they are discouraged from protesting by an education system that insists learning is only possible within the academe. “Kalakhan na ng mga UP students ay mula sa [upper middle class] kaya may isang bahagi na mahirap silang pukawin at organisahin,” said Renz Pasigpasigan, former secretary-general of the militant youth group League of Filipino Students UPD. “Mas pinatindi ito ng neoliberalismo na tinutulak sa atin ang mahigpit na pagtingin sa sarili at sa indibidwal na kagustuhan.” Students have in turn internalized competitiveness and selfregulation as bases for relative security, he said. Even at UP, for example, walkouts and sit-ins are sometimes sidelined in favor of schoolwork that could be missed in a day out on the streets. Though aware of national issues, some students opt to sign online petitions and air grievances on political matters through tweets and status updates. However convenient, this individual mode of action comes at the expense of organized resistance. “Inherent in political protests is the need to overcome the collective action problem, which is
DIBUHO NI ISAAC RAMOS
the reluctance of individuals to forego the pursuit of their personal objectives in favor of group goals,” wrote political scientist Daniel Gillion of University of Pennsylvania in The Political Power of Protest. After all, what has often been absent from classroom curricula is the emphasis that one’s personal troubles in one’s immediate surroundings are inseparable from the wider social ills that plague rest of the society, Gillion said. “The best lessons come from social practice,” said Gabby Lucero, head of Community Rights and Welfare Committee of the UPD University Student Council (USC). “Without the combined forces of the basic sectors and the youth, the struggle for democratic rights will fail,” she added, referring to the many social and cultural gains won through concerted effort in the parliament of the streets. Object lessons History, after all, stands witness to a deep militant practice that has proved capable of mounting massive mobilizations in alliance with other sectors and wresting concessions from those in power. For instance, the recent rallies in the wake of the jeepney phaseout launched in UP hark back to when students supported jeepney drivers’ strike against oil price hikes in February 1971 and barricaded the campus against intervening state troops, declaring it the Diliman Commune. “The engineering and science majors preparing fuseless molotovs or operating radio stations; the medical student braving gunfire to aid his fellow activist; the coed preparing battle rations of food, pillboxes, and gasoline bombs,” reads the Collegian editorial in its February 4, 1971 issue, “by their social practice, realize that their skills are in themselves not enough — that the political education they get by using those skills against fascism is the correct summing-up of all previous learning.” As the country is wracked by ongoing crises, there emerges a more compelling need for learning institutions to provide avenues for the youth to wage principled defiance. Their discontent should fuel dissent, while their diffuse displays of frustration and disillusionment must be translated into effective social movements for genuine systemic change. Today’s youth must stand and march then, for the path of resistance cannot be taken sitting down.
BIYERNES 23 PEBRERO 2018
7
LAT HA LAIN
Delayed si Jhemerlyn Rose*
SHEILA ABARRA
NAGKIBIT-BALIKAT LANG SI RISSA. Hindi na siya gagaya sa nanay niyang nabuntis nang maaga. Nag-research yata siya. Condom lang naman ang katapat, at pag nabutas, bahala na si Papa Jizzas**. ‘Yung pinakamatalik niyang kaibigan ang sinabihan niya. Kasing tibay ng ginawa nilang chinese garter nung Grade 1 ang pagiging magkasangga nila—buhay pa kasi ang garter hanggang ngayong Grade 8 na sila. Pero handa nang maputulan ng hymen si Rissa, magaling kasing gumawa ng vlog si jowa at mag-shoot ng ball tuwing recess. Nagkibit-balikat lang si Rissa sa malasermon na lektura ng kanilang katekista. Nalilito rin siya dahil nagmamahalan naman sila ng kaniyang jowa. Sabi sa bibliya, dapat magpasailalim ang babae sa kaniyang asawa at isa pa, “AsAwa qu0h” naman ang tawagan nila. Sabi ng kaniyang titser sa Biology, gumuguho raw ang uterine lining kada buwan, pero kaba at takot ang gumuho sa loob ni Rissa nang ma-delay ang regla niya. ‘Di kasi niya sure kung nabutas ba ang condom o masyado lang makatas ang kanilang pagmamahalan. Kay mahal kasi ng morning-after pill na dapat inumin kung delikado ang condom at gustong pigilan ang pagbubuntis. Pero sabi lang naman yun ng Kana sa isang guide to sex video. Nanalig na lamang siya sa sprite na kaniyang ininom kinaumagahan. Isa lamang si Rissa sa sampung Pilipino na nabubuntis nang wala pang 18 taong gulang. Isang malaking suliranin ang lumalalang kaso ng maagang pagbubuntis, na kasalanan sa Diyos para sa maraming Kristiyano sa bansa. Mas maswerte pa si Rissa kung tutuusin, dahil maaari pang magpatuloy ang buhay niya. Pina-abort ng kaniyang magulang, mga sagrado-Katoliko, ang dapat bunga ng kaniyang pakikipagtalik. Kahihiyan, dahil ayon sa lumang turong Katoliko, bastardo ang anak sa pagkadalaga at imoral ang premarital sex.
Tinawag naman ng dating Senadora Miriam Defesor-Santiago na imoral ang isang bilyong budget cut sa 2016 badyet na laan para sa family planning at contraceptives. Isa ang Senadora sa mga tagasuporta ng Reproductive Health (RH) law, batas para sa libreng contraceptives, pampublikong serbisyo sa mga ospital para sa RH, at pagtuturo ng sex education sa mga pampublikong paaralan. Budget cut na isinulong ng mga konserbatibong opisyales gaya ni Senador Tito Sotto, at temporary restraining order mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang sinapit ng RH law. Matapos ang proseso ng recertification ng FDA, nais na itong muling iimplementa ng kasalukuyang administrasyon. Marahil, iba ang epekto para sa kinabukasan ni Rissa na taga-Catholic school, at ibang-iba rin para sa mga bata sa Puerto Princesa, Palawan, kung saan isa sa limang teenager ang nabubuntis at napapasabak sa maagang pagpapamilya. Higit pa sa usapin ng nahihintong pagaaral, lumalala ang kahirapan sanhi ng kawalan ng kakayahang makahanap ng disenteng hanap-buhay. Epekto ang kahirapan—ito ang tinitingnan ng gobyerno dahil sa pataas nang pataas na populasyon ng bansa. Gayunman, sanhi rin ito, dahil ang kawalan ng kakayahang bumili ng pampaagas o kahit condom sa convenience stores ay isa rin sa puno’t dulo ng hindi inaasahang pagkabuntis. Sa edad na 13 ay nagpaagas na si Rissa, habambuhay niyang makakapa-kapa ang pilat ng kasalanang ito sa Diyos. Palagi siyang mapapakibot sa tuwing makakapa ng susunod na mga kasintahan ang pilat na ito. Kung may libreng morning-after pills lang sana. *pasintabi kay Don Senoc **Jesus
Usapang puke* SANNY AFABLE sakahan at sa pamamahala ng pamayanan. Kadalasa’y mga babae din ang tumatayong babaylan, ang nagsisilbing manggagamot at pari ng kanilang pamayanan. Subalit katakut-takot na demonisasyon ang sinapit nila mula sa mga prayleng Kastila—tinawag silang mangkukulam at aswang. Ikinintal sa atin ng mga mananakop na utos ng Diyos ang pagpapasakop ng babae sa kaniyang asawa, na simbolo ng tukso at karupukan ang mga kababaihan, at ang kaniyang puke ang lagusan patungong impyerno. Magpahanggang ngayon, nananatili ang marahas na pagtingin sa babae—mula sa papel niya sa loob ng bahay, paninitsit sa kaniya sa mga kanto, sa loob ng kaniyang opisina o pabrika, hanggang sa pulitika. Sa kabila nito, lumalaban at hindi tumitigil sa paggigiit ng kanilang mga karapatan ang mga kababaihan. Dahil noon pa man, banta na sa mga macho at makapangyarihan ang kaya nilang gawin. Ang lakambini ay naging bahagi ng himagsikan, tumangan ng bolo at rebolber, at kasamang sumagupa sa kaaway. Nagmartsa sila para sa karapatang bumoto at makibahagi sa pulitika. Naging mahusay silang aktibista, tulad ni Prop. Judy Taguiwalo. Kabahagi sila ng masa, tulad ng nasawing dating estudyante ng UP na si Jo Lapira, o sina Karen at She na patuloy na hinahanap matapos dakpin ng mga militar. Hindi ang mga banta ni Duterte ang sisindak at magpapaurong sa mga kababaihang patuloy na lumalaban sa lungsod at sa kanayunan. Hindi patatama sa puke ang mga babaeng lider, kabataan o rebelde. Sa halip, sila ang aasinta sa sistemang marahas sa lahat ng kababaihan, pagbantaan at lusubin man sila ng isang libong batalyon ng mga machong armado’t walang bayag. Umiri man si Soleng ng isang halimaw, patuloy na magluluwal ang kasaysayan ng mga anak na magpapatuloy sa sinimulang laban ng mga babae, ina at bayani ng bayan.
HALOS MASIRA ANG LITID SA LEEG ni Soleng sa bawat pag-ire. Tumatagaktak ang kaniyang pawis habang papahapdi nang papahapdi ang bawat segundo. Natural ding mababanat ang kaniyang puke. Pangalawang pagdadalantao na niya ito, at marahil ay naiisip niyang baka makulong na lamang siya sa loob ng tahanan, at tumigil sa pagtuturo habambuhay. Taliwas sa kaalaman ni Soleng, hindi hihinto ang buhay niya sa pagbubuntis. Sa edad na 60, pangungunahan niya, kasama ang iba pang kababaihan sa Davao, ang mga martsa sa lansangan laban sa diktadurang Marcos. Ang hindi alam ni Soleng, iiri siya at ilalabas mula sa puke niya ang isa pang diktador. Wala namang kasalanan si Soleng kung sadyang galit sa kababaihan, at may inseguridad sa puke ang anak niyang si Rodrigo. Bago pa nga siya sa pwesto, ginawa niyang “biro” ang panggagahasa sa isang Australyanang misyonaryo. Noong nakaraang taon naman, halos gawin niyang legal at pabuya sa militar na lumaban sa Marawi ang panggagahasa sa mga babae roon. Sumuka si Soleng ng isang demonyong balang araw ay lalapastangan sa mga babaeng lumaban tulad niya. “We won’t kill you. We will just shoot your vagina,” pagbabanta ng pangulo sa mga babaeng rebelde. “If there is no vagina, it would be useless.” Para sa mga tulad ni Duterte, ang puke ay ang babae at ang babae ay ang kaniyang puke—isang atrasadong paniniwala na ang tanging silbi ng babae ay magluwal ng bata at bigyang-lugod ang asawa. Pinangingibabawan ng ganitong pagtingin ang malaking papel na ginagampanan ng isang babae sa lipunan. Malayo ito sa mataas ang pagpapahalaga sa mga babae sa sinaunang lipunang Pilipino. Siya ay ina, lider, dalubhasa, at mandirigma. Magkatuwang ang mga kababaihan at kalalakihan sa bahay, sa
HAWAK MO ANG KALAHATI NG KALANGITAN MADAWAG, KUNG HINDI MASIKIP ANG ESPASYO NG kasaysayan sa mga kababaihan. Pinatatahimik, pinagsasamantalahan, o di kaya'y pinapaslang ang silang nangangahas sumalungat sa daluyong. Sa mahabang panahon, laging iniaangkla ang identidad ng babae sa mga kalalakihan. Subalit kasaysayan din ang saksi sa kung paano bumangon at tumitindig ang mga kababaihan, silang may hawak sa kalahati ng kalangitan.
KUL TU RA
8
BIYERNES 23 PEBRERO 2017
DIBUHO NI GUIA ABOGADO AT JOHN KENNETH ZAPATA
Kaniyang Kamahalan MARVIN JOSEPH E. ANG
SIYA ANG BIDA NG GABING IYON. Kung kaya’t hindi maaaring simple lang ang kaniyang suot – animo’y kay Cinderella ang kaniyang sapatos, at parang mga tala naman sa langit ang mga kumikinang na batong nakahabi sa kaniyang gown. Subalit sa laylayan nito, nakaburda ang pangarap ng maraming kabataang babaeng naghahangad ng selebrasyong kasing rangya rin ng kaniya. Naging usap-usapan sa social media ang debut ni Isabelle Duterte, apo ni Pangulong Rodrigo Duterte. Mula sa magagarang gown, mga imbitasyong may LED Screen, hanggang sa mga photoshoot na ang iba’y kinunan mismo sa palasyo ng Malacanang, nagmistulang pinaghaharian ang Pilipinas ng isang monarkiya, at si Pangulong Duterte ang baliw na hari. Tila “coming of age” daw ng isang babae ang kaniyang pagsapit sa edad na 18, kung kaya’t labis itong pinaghahandaan ng iilan. Noon, paraan ang debut ng mga aristokrata o makapangyarihan at mayayamang pamilya para ihanap ang anak na babae ng mapapangasawa na mula rin sa kaniyang uring pinanggalingan. Paraan din ito upang mapanatili o mas mapalawak pa ang kanilang mga lupain at ari-arian. Mistulang pain ang babae, at walang kawala sa mga nakapila niyang prince charming. Patuloy pa ring sinususugan ng debut ang ideya na ang mundo’y isang fairy tale, at ang ideyal na babae’y matimtiman, maputi, at balingkinitan katulad ng mga prinsesa sa libro. Sa pagsapit ng babae sa edad na 18, ang mas nananabik ay mga malalaking kumpanya ng pampaganda, pampaputi, o mga produktong sumususog sa ilusyong maaari silang maging prinsesa.
Ngunit malayo ito sa katotohanang kanilang dinaranas sa kasalukuyan. Kung para sa mga katulad ni Isabelle Duterte, isang mala-fairy tale na kinabukasan ang nakaabang sa kaniya, sa iba’y pagpasok ito sa masukal na gubat ng walang katiyakan. Para sa karamihan, lalo na sa mga mahihirap, ang pagsapit sa edad na 18 ay pagsisimula ng kanilang responsibilidad na tumulong sa pagbuhay ng kanilang pamilya. Sa 26.6 milyong kabataan sa buong Pilipinas, 37.1 porsiyento’y mga babaeng nagtatrabaho na sa edad na mababa sa 17 taong gulang. May ilang mga babaeng hindi pa man nagdi-debut, may mga anak na o hindi kaya’y buntis na, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA). Isa sa kada sampung babaeng nasa edad 15-19 ay may anak na. Kaya’t binubura ang ilusyong ito ng katotohanang ang buhay ng isang batang babae’y hindi katulad ni Cinderella na sa isang iglap ay magiging isang prinsesa. Para sa mga hindi katulad ni Isabelle Duterte, ang mundo’y hindi isang piging sa isang malawak na kastilyo, kundi barungbarong na tahanan at karamihan ay patuloy pa ring nagugutom, at ang kakayahan nilang mga babae ay ikinukulong lamang sa tahanan. Malaki ang pagkakaiba ng tunay na mundo sa mga libro sa fairy tales. At magiging malaya lamang ang mga kababaihan kung mababasag ang mga karaniwang ikinakabit na “damsel in distress,” o di kaya’y palagi lamang nakaasa sa kaniyang Prince Charming. Pagkat ang tunay na pagkilala sa kababaiha’y nasa ganap nilang pagbangon at paglaya.
BAGO MAG-ALAS-SIYETE NG umaga kasabay ng pagdagsa ng mga tao sa unibersidad, nagbubukas ng pwesto si Ate Margie* sa paligid ng academic oval. Maaga siyang gumigising para maghanda ng fishball, kwek-kwek, at iba pang pagkaing ibebenta sa kanyang kiosk na higit limang taon na niyang pinatatakbo. Gaya ng ibang manininda, minana pa ni Ate Margie ang nakagisnang negosyo mula sa kanyang ina. Katulong ang kanyang mga kapatid sa pagtitinda, iniraraos ni Ate Margie ang kanilang negosyo na tangi niyang inaasahan upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Kiosk ang takbuhan ng mga estudyante sa UP sa panahon ng kagipitan. Subalit pagpasok ng taon, nagtaas ang presyo ng mga bilihin dulot ng pagsasabatas ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Nakapaloob sa TRAIN Law ang pagpapataw ng buwis sa mga produktong petrolyo at mga inuming may asukal. Dahil dito, napilitang magtaas ng presyo ang mga murang kainan tulad ng kiosks. Kaya sa pagbili ko ng pancit canton at dynamite, mas mahal na ng P15 ang dating P35 na paborito kong combo. Bukas-sara Magkahalong lungkot at pangamba ang naramdaman ni Ate Margie matapos ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain sa kiosks. “Baka hindi na bumili ang mga estudyante,” aniya. Simula nang tumaas ang presyo ng mga
karaniwang bilihin dahil sa TRAIN, ang dating P500 na pang-araw-araw na kita ng mga manininda ay bumaba sa P250, ayon kay Edna Sinoy, tagapangulo ng Samahan ng mga Manininda sa UP Campus, Inc. (SMUPC). Taliwas ito sa inaasahan ng Department of Finance na tataas ang kita ng mga pamilyang kabilang sa low at middleincome brackets. Iba ang kaso ng mga manininda dahil nakadepende sa pangaraw-araw nilang benta ang kanilang kita. Dagok sa kanila ang pagtaas ng presyo na nagpahina sa benta ng kanilang negosyo. Sa kasalukuyan, tatlo hanggang limang piso ang inakyat ng presyo ng pancit canton at mga inumin sa kiosks dahil sa TRAIN. Dahil dito, halos kasing-taas na ng presyo sa ibang mga kainan ang presyo ng dating murang pagkain sa mga kiosk. Ayon kay Ate Margie, ang SMUPC ang nagtakda ng presyong kailangan nilang sundin para sa mga pangunahing bilihin. Mas mahal ng P10 ang presyo ng mga bilihin sa kiosk kumpara sa mga malalaking tindahan. Halimbawa, ang isang bote ng inuming Smart-C na nabibili sa tindahan sa halagang P23.50 ay ibinebenta nila sa halagang P40.00 (Tingnan ang sidebar). “Nangalahati na yung kita namin. Paano pa kung di kami [magtataas] ng presyo?” ani Ate Margie. Dating Pwesto Gaya nina Ate Margie, apektado rin ng pagtaas ng presyo ang mama ko na
naglalako at gumagawa ng leche flan at peanut butter para makadagdag sa panggastos para sa pag-aaral naming magkakapatid. Kahit nagtaas ang presyo ng mga sangkap sa pagluluto, P5.00 lang ang itinaas ng presyo ng kanilang benta para masigurong hindi mawawala ang kanilang mga suki. Dahil din sa taaspresyo sa mga pangunahing bilihin, mas malaking puhunan ang kinakailangan para sa kanilang negosyo. Katulad ng sitwasyon nina mama at Ate Margie, lubhang apektado ng pagtaas ng presyo ng mga produktong may asukal ang mga may-ari ng sari-sari store. Ayon sa Philippine Association of Stores and Carinderia Owners (PASCO), 40 porsyento ng kanilang kita ang nagmumula sa mga produktong inumin na may asukal. Ayon kay Jan Carlo Punongbayan, isang ekonomista, lalong naramdaman ang epekto ng TRAIN dahil sa sabay-sabay na suliraning pang-ekonomiya. Nito lamang Enero, tumaas ng apat na porsyento ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo—pinakamataas na naitala sa bansa sa loob ng tatlong taon. Maliban sa nagtaas ang presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado at bumaba ang halaga ng piso, may ilan ding nananamantala sa pagsasabatas ng TRAIN sa pamamagitan ng illegal profiteering. Nawala rin ang inaasahang magandang dulot ng TRAIN sa mga kumikita ng minimum wage dala ng pagbaba ng kanilang buwis dahil sila rin ang pinakaapektado ng pagtataas ng presyo ng mga
pangunahing bilihin ayon sa PASCO. Bago maipatupad ang TRAIN, ang puhunan nina Ate Margie ay higit P5,000 sa isang araw pero simula nang maisabatas ang TRAIN, kulang pa ang P6,500 para sa mga inumin at pancit canton. Sa halip na mapagaan ng TRAIN ang pasaning pinansyal ng mga mahihirap na Pilipino gaya ng mga maliliit na manininda, lalo pa nitong pinabibigat ang kanilang pinapasang gastos. Panibagong Kargo Habang patuloy sa paghahanap ng remedyo para maipagpatuloy ang pagpapatakbo ng kani-kanilang mga negosyo, kaisa ang SMUPC sa panawagan para maisawalang-bisa ang TRAIN. Sa kabila ng taas-presyo dulot ng TRAIN, iniisip pa rin ng mga manininda ang kalagayan ng kanilang mga mamimili na kadalasan ay estudyante. Kagaya ko, maraming estudyante ang tumatangkilik sa pancit canton at mga murang pantawid-gutom upang makatipid. Pabiro ko itong ikinwento kay Ate Margie, ngunit alam niya na marami talaga ang umaasa sa mga kiosk para makaraos sa pang-araw-araw na gastusin. Kasabay pa ng mga suliranin ang paglipat ng pangangasiwa ng mga kiosk mula sa UP Office of the Vice Chancellor for Community Affairs (OVCCA) papunta sa Business Concessions Office (BCO). Sa mga nakaraang pagkilos, walang direktang suporta mula sa administrasyon ang mga manininda ayon kay Ate Edna.
Gayunpaman, pinag-aaralan na ng BCO ang sitwasyon at kasalukuyang pinaplano kung paano matutulungan ang mga manininda, ayon kay Dr. Raquel Florendo, direktor ng nasabing tanggapan. Para kay Makabayan Representative Carlos Zarate, taliwas ang mga pagbabagong dala ng TRAIN sa tunay na progresibong reporma sa pagbubuwis. Sa halip na dagdagan ang buwis sa mga pangunahing bilihin, ang tunay na progresibong reporma ay nakasisigurong mababawasan ang diskriminasyon sa pagitan ng populasyong low-income at high-income. Itinataas rin nito ang subsidiya sa pampublikong serbisyo at personal na benepisyo, ayon naman sa IBON Foundation. “Pahirap lang ang TRAIN sa mga mahihirap na mga Pilipino,“ dagdag ni Ate Edna. Patuloy sa paglaban ang mga manininda sa pag-asang matatamo ang tunay na progresibong reporma sa pagbubuwis. Bahagi na ng kultura at kasaysayan ng unibersidad ang mga manininda gaya nina Ate Margie at Ate Edna. Bilang mga mag-aaral ng UP, kaagapay tayo ng mga manininda sa paggigiit ng tunay na repormang nakaayon sa paglutas sa hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. *hindi tunay na pangalan
TINGI-TINGING PAG-ASA PAGSIYASAT SA EPEKTO NG TRAIN SA MGA MANININDA MARK VERNDICK A. CABADING
P30.00
P25.00
DATI
DATI
Combo 1 1 stick ng Fishball + Pancit Canton
Combo 2 4 pcs. Kwek-kwek + Pancit Canton
* Pancit Canton
Combo 3 1 Juice Tetra Pack + Pancit Canton + Tinapay
Combo 1 1 stick ng Fishball + Pancit Canton
NGAYON
DIBUHO NI JOHN KENNETH ZAPATA
Combo 4 1 stick ng Kwekkwek at 1 stick ng Squidballs
Combo 2 1 stick ng Fishball + Pancit Canton
NGAYON
P40.00 DATI
Combo 5 1 Coke Mismo + Pancit Canton + Tokwa
Combo 3 Pancit Canton + 1 stick Kwek-kwek
Combo 4 1 Coke Mismo + Pancit Canton + 4 pcs. Squidballs
Combo 4 Coke Mismo + 1 stick Squidballs
NGAYON
P50.00 DATI
Combo 7 2 Dynamite + Pancit Canton + Coke Mismo Combo 5 3 pcs. Dynamite + Coke Mismo
Combo 6 1 Hotdog Sandwich + Pancit Canton
NGAYON
Troubled waters
SINKING SOVEREIGN RIGHTS IN BENHAM RISE
MJ EVORA
SIDEBAR 1 FILIPINO RESEARCHES IN BENHAM RISE
SIDEBAR 2 CHINA’S VIOLATIONS AGAINST PHILIPPINE TERRITORIES
SOURCES RAPPLER, AGHAM- ADVOCATES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY FOR THE PEOPLE, OCEANA PHILIPPINES, THE WASHINGTON TIMES, EMPRESA JOURNAL
ONE DOES NOT HAVE TO DIVE DEEP to see the cause of interest in Benham Rise. Located at the eastern border of the Philippines, the 13-million-hectare body of water promises a rich source of steelproducing minerals, oil, and natural gas. Scientists believe it is enough to make us self-sufficient in fuel resource. However, this abundance lends itself prey to foreign intrusions. Since 2015, China has been trying to secure a permit for a marine scientific research (MSR) in the region but failed because they refuse to include Filipino researchers. It was only earlier this year that the government approved the proposal due to a partnership with UP Marine Science Institute (MSI). Yet, the state suddenly retrieved the decision because of recent photographs that surfaced showing China’s wide-scale illegal construction of artificial islands in West Philippine Sea. However, satellite images were already available last year showing the same construction, but President Rodrigo Duterte stated it is ‘better left untouched.’ After the abrupt decision, presidential spokesperson Harry Roque claimed that someday we would be thankful for the structures. The changing stances of the Duterte administration attest to how little it secures our sovereignty amid a personal alliance with a foreign intruder and economic superpower.
As China plans to extend its might across the world, the Philippines’ sovereign rights over Benham Rise are under troubled waters. Ripples Our claim to Benham Rise is borne out of a long journey. In 2012, the United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf legally recognized Benham Rise as part of the Philippines. This means that the Philippines has sovereign rights but not sovereignty over the area. Sovereignty means having supreme authority, while possessing sovereign rights means having limited liberties. However, as limited as it is, the Philippines still has more rights to Benham Rise than any other nation. This means that other countries are free to navigate Benham Rise as long as they have our permission. According to UP Institute for Maritime Affairs and Laws of the Sea (IMLOS) Director Jay Batongbacal, the course towards sovereign rights in Benham Rise started in 2007 but the exploration of the region started as early as 2004 (see Sidebar 1). Different institutions such as Department of Environment and Natural Resources, UP National Institute of Geological Sciences, and UP MSI, among others, initiate the research endeavors. These are headed by Filipino scientists
and mostly funded by the State. As such, many were appalled when presidential spokesperson Harry Roque said that the reason they approved China’s MSR is because Filipinos cannot afford to do so. If there were any discrepancies in exploring Benham Rise, it speaks more of government neglect than the incapability of Filipino scientists. AGHAM- Advocates of Science and Technology for the People clamors for government funding and support instead of submitting our rights to China. According to the 2015 report of Department of Budget and Management, only 0.1 percent of our gross domestic product goes to scientific research, far from the global average of 2.04 percent. Scientific research is a viable cornerstone for developing national industries, says College of Science Student Council Xian Guevarra. The lack of such keeps the state backwards and reliant on foreign investment. History tells us that this situation sets the scene for intrusion and exploitation. Disturbance The Philippines has a 30-year history of maritime conflict with China. Since 1988, the eastern giant has been illegally occupying reeves near the region and transforming them into military bases (see Sidebar 2). Hence, the mere consideration of China’s MSR in Benham Rise warrants
suspicion. Guevarra asserts, “Science, even though it is based on facts, logic, and reasoning, is actually political.” The interest served by scientific findings depends on the bearer of greater power. In the case of China and the Philippines, the superiority of the former is unmistakable. Devoid of analyzing the existing power relations, Dr. Benjamin Vallejo, head of UP Science and Society Program, justify the state decision as a form of science diplomacy—the use of scientific collaborations to foster good international relationships. He is optimistic that research findings will be used for solving global problems such as environmental crises. In contrary, Batongbacal stresses that although science diplomacy is important, China must first be held accountable to their violations against the Philippines. In essence, science diplomacy demands mutual respect. So far, China has consistently failed. Drift China’s MSR in Benham Rise is no innocent act. In 2013, China began One Belt, One Road (OBOR) —a massive project aimed to dominate the global trade. This means numerous constructions of roads, bridges, and ports across 64 countries in Central Asia, West Asia, Middle East, and Europe. In doing such, China needs a rich source of raw building materials, much of
which can be found in Benham Rise. China had already started the exploitation in Africa for the same raw materials. Now, protests are at its height as food shortage and environmental crises also peaked. The power of China to exploit countries such as Africa and the Philippines comes from its economic supremacy and strategic location. China is recognized as the world’s largest manufacturer as it exports more than 500 industrial products around the globe. Intensifying their control of trade is the convenience brought by its location in Eurasia. Africa’s fate is not far from happening in the Philippines given President Duterte’s apparent subservience to China. Instead of acknowledging their violations against our territories and supporting our Filipino scientists, the administration is setting sail with China at the expense of our sovereign rights. At this point, negotiating with China alone is to fish in troubled waters. The threat of China is rising fast; the only to way to conquer is for the people to rise above. DIBUHO NI FERNANDO MONTEJO
BIYERNES 23 PEBRERO 2018
11
LAT HA LAIN
Labas-pasok ALLAN DEE
BAWAT DAMPI NG MAGAGASPANG niyang palad sa balat ko ay langit ang hatid para sa’kin. Bawat ulos, ramdam ko ang pagod niya sa maghapong paghahalo ng buhangin at pagpapalitada ng semento. Kung kaya’t pagkagat ng dilim, agad hinahanap ng sabik niyang katawan ang ginhawang hatid ng paglabas-masok sa makitid kong kuweba. Kung minsan, nakakatatlo hanggang apat kaming ulit, lalo na kapag nakaidlip siya nang sandali bago umaksyon. Ngunit kapag pagod siya, masuwerte na’ng dalawa. Sa mga panahong ito, para siyang batang iniinda ang kaunting sakit ng kalingkingan at para akong nars na gagawin ang lahat mawala lang ang kaniyang sakit. Magtatatlong buwan na ring ganito ang set-up namin – kapag libre siya, o wala siyang sapat na pamasahe para makauwi sa kanila, dadayo siya sa lugar ko. Pagsapit ng alas nuebe ng gabi, bagaman kararating ko
pa lang at hindi ko pa nailalapag ang bag ko sa mesa, naririnig ko nang kumakatok siya. At buong magdamag, sabay naming ikukuskos sa isa’t isa ang nagdaang araw. Mala-latigo ang hampas ng kaniyang kamay sa likod ko’t balakang kapag dirediretso na siya’t nasa rurok ng kaligayahan. Wala akong ibang magawa kundi umungol na lang nang umungol hanggang sabay kaming labasan. Kung minsan, hanggang sa pagpasok sa eskwelaha’y dala-dala ko ang bigat ng kaniyang maso, martilyo’t pala. Parang akong pakong binabaon sa bawat duldol niya sa’kin. Lalong paiinitin ang gabi ng malulutong na murang namumutawi sa labi niya. Namimintog at tuluy-tuloy ang daloy ng pawis sa kaniyang mabuhok na dibdib at kilikili. Hudyat ang pagtiim niya ng labi na malapit na siya. Kung kaya’t agad niyang huhugutin at saka ilalabas ang lahat sa pawisan ko ring katawan. Sa kalagitnaan ng gabi, mga hubad
na kaluluwa na lamang namin ang nasa kuwarto. Ikukwento niya ang dahilan kung bakit siya naririto sa Maynila – ang pagkakasakit ng kaniyang tatang. Baon na baon na sila sa utang kaya’t kinailangan niyang makipagsapalaran sa Maynila bilang kontraktwal. Matigas ang bagsak ng mga salitang namumutawi sa kaniyang labi, na para bang napakahirap bitawan ng mga salitang iyon. Lilipas muli ang tatlong araw at hindi siya magpaparamdam. Sa mga gabing wala siya, hahanap ako ng saya sa iba – sekyu, masahista, kargador. Iba-iba ang ligaya nilang hatid, subalit pare-pareho lamang ang kanilang mga kuwento. Pare-pareho silang may tinatakasan, subalit parang mga multo itong hindi nila maiwasan. Masarap kasiping sa gabi ang mga barako, subalit sing-bigat ng kanilang mga trabaho ang kanilang mga problema.
ng bra ko dahil hindi ka marunong. Walang kronolohiya ang lahat, mabilis, sabay-sabay sa iisang tagpo. Naglunoy tayo sa lagkit ng gabi. Tumagaktak ang pawis sa iyong dibdib habang nagkikiskisan ang ating mga binti, ang mga katawan nating nabuhay sa init ng isa’t isa. Ganito ang laro. Uulit-ulitin ang mekanismo hanggang sa may magwagi, hanggang sa mapagod ang kalaban. “Game?” Handang-handa ka na sa homerun, sabi mo. “Time first.” Tumayo ako upang kunin ang kapirasong goma sa tabi, habang himashimas mo ang malaki at nag-iinit mong sandata. Espesyal pa na pabor ang isuot ko sayo ang gomang hawak ko, na lakasloob ko pang binili para lang sa larong ito. Aaminin ko, natatakot ako sa maaaring kahinatnan nitong lahat. Madali lang magpalamon sa aliw, ang humagod at umungol. Pero mga katulad ko ang laging taya sa larong ito. May mga ‘di
inaasahang lolobo ang tiyan, at saka iiwanan ng kalaro. Mayroon ding nagkakasakit. O minsan ay sabay pa, at ang batang walang kamalay-malay ang siyang magdadala nito sa kaniyang paglaki. Tanda ng responsibilidad sa mga lalaki ang paggamit ng condom. Pero inasahan ko na dapat. Umiling ka sa nag-iisang alituntuning itinakda ko, sa bahagi ng laro kung saan ako ang tanging mapagpasya. Siguro, iniisip mong nandaraya ako. Bumaling ka sa akin, itinulak ako sa kama, at saka muling hinipo ang binti ko. Ano kaya ang pakiramdam ng maging batas sa larong ito? Aktong isu-shoot mo na ang bola nang muli akong tumayo—sa pagkakataong ito, upang itigil ang laro. Dahil hindi na tayo mga bata. Tapos na ang mga panahong mangangahas tayong subukin ang mga bagay, ang mga panahong nasasabik tayo sa hindi ligtas. Sa ngayon, game over muna.
The boat is sinking SHEEN X. LANG
SINUBUKAN KO NAMANG GAMUTIN, yung bawal nga lang ang nadampot ko. Hindi naman siguro ako adik. Pagkatapos naman ng Sexual Revolution noong dekada ’60, hindi na kahingian ang “intimacy” sa pagtatalik. Parte na ng norm ang pakikipag-sex kung kani-kanino, kung saan-saan, kung ilan-ilan. Gaya ng droga, may ibang tama ang sex—nakaka-high, pwede kang tumakas pansamantala sa mga sabi-sabi ng pangulo, kahit pa tungkol sa ari ng nanay mo. Kung kaya gaya ng droga, nakaka-adik din ang sex. Pero hindi naman nagtatapos sa patuloy na paggamit ang pagiging adik. Kaya nga “drug abuse” ang tawag sa pagka-adik. Kinailangan kong abusuhin ang sex. Nagsimula lang naman ako sa kamay ko, tapos nagkaroon ako ng kapares, hanggang sa naging dalawa, tatlo. Pero hindi, wala naman sa bilang. Naghahanap lang ako ng “thrill.” Nagsimula lang ako sa iisang posisyon, hanggang sa gumamit na ako ng sex toys, iba’t ibang bagay
na ipapahid, pantali, panghagupit. Hindi pa ako namamatay kaya aariba pa kami ng aking ari. Hahamakin lahat sa ngalan ng sex at iba pang kakabit nito, kahit pa HIV, STD at iba pang nakukuhang sakit sa pakikipagtalik. Hawa-hawa na, para sa matamis na nirvana. Nababasa ko lang dati ang mga orgies na ‘chemsex’ o iyong habang high ka sa droga, makikipag-sex ka sa grupo ng tao. Akala ko titigil na ako sa chemsex, pero hindi pa rin. Mukhang kabilang na ako sa iilang itinuturing na thrill ang pagkakaroon ng HIV. Wala namang ideya ang pamilya ko. Hindi ko na nga sila nadadalaw sa aming bahay sa probinsya. Saka baka maintindihan naman ng mga magulang ko, sa lupit ba namang magdogstyle ng tatay ko. Saka hindi rin hamak na mas mahaba yung etits ko sa Kuya ko o lambot pa noong nakita ko siyang nagjajakol. Hindi ko na rin talaga matandaan kasi bata pa ako, pero tandang-tanda ko pa rin nung tinigasan ako kay Ate nang nasilip ko ang
katotohanang tamad talaga siyang magsuot ng panty sa bahay. Syempre, hindi ko naman sinabi ito kahit kanino, noong Middle Ages lang naman uso ang family sex orgy partikular na sa Greece. Pero gaya nga ng awtomatikong pagtingin sa ganitong hagod ng moralidad tungkol sa pamilya, tanungin nyo pa rin ang mga kapitbahay namin. Saka tayo sabaysabay makinig sa malupit nilang sex story. Saka nang binuksan ni Noah ang kaniyang DIY na barko, lumabas ang iisang pagtingin sa biology at kultura ng heterosexuality sa animalia. Fast forward sa panahon natin ngayon: palubog na ang barko, kailangan na nating makipaggrupo. Nabalitaan ko iyong mga yummy na yuppies sa BGC na nahuling nagkechemsex kung saan isa sa kanila ay nagpakalat ng HIV. Mabuti na lamang at hindi pa ako nahuhuli. Pero baka magpahuli rin ako, para may thrill.
Game? LADILYN PALAD
KUL TU RA
12
DIBUHO NI GUIA ABOGADO
PARANG NAGLALARO LANG ULIT tayo ngayon, sabi mo. Ilang taon na rin ba mula nung magkasama tayong nangahas at sumubok ng maraming bagay? Halos walang nagbago—hilig pa rin nating maglakbay, ikaw sa matambok kong pagkatao at ako sa masukal mong kagubatan. Paano nga ba nilalaro ito? Yayakapin mo ako’t magdidikit ang mga labi natin, dahan-dahan. Anino ang tanging saksi sa unti-unting pagkurbada ng aking katawan habang pupunuin mo ng mainit na halik ang aking leeg, patungo sa magkabilang balikat, pababa sa pagitan ng aking dibdib. Titigil ang oras sa bahaging ito. Ganito kalinis at kadalisay ang lahat ayon sa mga cheap at romantikong pelikula. Pero para tayong mga bata, sabik sa unang beses na maglalaro tayo sa isa’t isa. Marahas mong tinanggal ang pangitaas ko habang ibinababa ng mga paa ko ang pantalon mo. Ako na ang nagtanggal
THE TRAIN HAS OFFICIALLY ARRIVED. The Tax Reform for Acceleration and Inclusion or TRAIN is the first package of the Comprehensive Tax Reform Program envisioned to take the country into a simpler and fairer tax system. Effective on January 1, its promises stir into generating revenues by increasing the contribution of the rich to fund social services for the poor. However, the optimistic destination is out of sight as the reform runs on the wrong track. Scorching fumes The government boasts of the increase in threshold for personal income tax exemption from P120,000 per year to P 250,000. While this is a commendable maneuver, the reality is majority or 67 percent of 22.7 million Filipino families are already tax exempt according to thinktank Ibon Foundation. These families are composed of already minimum wage earners or are part of the informal economy. This means that the poor majority will not receive any benefits from TRAIN but they will be burdened by the additional taxes on commodities (see link 2). However, the Department of Finance (DOF) doesn’t recognize this system error. The DOF denies that higher price of fuel results to higher prices of commodities. It explains that in 2016, the fuel price increased by 74 percent but the cost of transportation, electricity, food, and water did not change significantly. Contrary to this, Ibon Foundation Executive Director Jose Enrique Africa says that an increase in prices of commodities may not have been immediately felt in that specific year but there is no doubt that increase in fuel prices contribute to prices of commodities. Just last month, transport groups are already campaigning for a P12 minimum fare due to the P2.50 per liter additional tax on fuel. Meanwhile, manufacturers of sardines have started to inform the public of possible price hikes this year, as most of their expenses are transport related. Jeepney fare, sardines, and sugarsweetened beverages are indeed the regular expenses of the poor. In this perspective, critics pin that the tax reform is a scheme to get more from the poor and less from the rich. Elite express TRAIN advocates claim that the reform will pave the way for the government to get more contribution from the rich. The DOF stated that it increases the tax rates of the rich from 32 percent to 35 percent. Yet, even though the percentages are increased, the whole formula is structured to make the rich pay less. Based on the 1997 tax code, a rich individual with a personal annual income of P9,000,000 pays a basic tax of P2,845,000. With TRAIN, the same individual only pays P2,760,000. Estate and donor’s taxes are also decreased to a 6 percent flat rate. Before, an heir who acquires an enormously expensive property with a net worth of P8,000,000 is expected to pay a tax of P915,000. However, with TRAIN, the same possession only yields P180,000. The difference is a whopping P735,000—a huge amount lost in our national budget. According to David Baldivia, president of UP Economics Towards Consciousness, an academic-political organization, the simplified rate is made to address tax evasion as the complex process before is vulnerable to loopholes. However, in this case, reform should happen on the enforcement side rather than reducing the tax rate. While the rich enjoys the benefits of reduced taxes, the poor subsidizes the losses of their rightful contribution. Given
this, the only path of hope left is that revenues from TRAIN be actually used for social services.
Off the Rails MJ EVORA
DIBUHO NI ISAAC RAMOS
Detour TRAIN aims to reduce poverty by generating enough money to fund social services. Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua attests to this by saying that revenues will be allocated for better health services, roads, and education. According to the 2015 report of Philippine Statistics Authority, 12 million out of 26 million Filipino families live in extreme poverty. This means that almost half of the population lacks the means to feed themselves. Among the basic masses, farmers and fishermen have the highest poverty incidence, both sectors already exempted even before the tax reform. Veering away from its goal, the DOF states in a report that 70 percent of the revenues made from TRAIN will be used for President Rodrigo Duterte's massive Build, Build, Build program and military activities. The program gears towards creating numerous roads, airports, bridges, and communication channels. However, the initiative is highly situated to already economically active regions like Metro Manila, Southern Tagalog, and Central Luzon while the poorest regions like Autonomous Region of Muslim Mindanao and Cordillera Administration Region are only allocated a little amount according to Ibon Foundation. The grand project also partners with the known oligarchs and big capitalists- the Ayalas, Cojuangcos, and Pangilinans. TRAIN also poses an attack on micro, small, and medium enterprise (MSME). It directly disenfranchises store and carinderia owners with its price hike on sugar-sweetened beverages that make up 40 percent of their already scant income. Contrary to this measure, former socioeconomic planning secretary Cielito Habito proposed in an interview by Rappler that the government should concentrated its efforts on MSMEs and protect them from unfair competition. Unfortunately, TRAIN is going on the opposite direction. Rail repair Undoubtedly, the government needs a simpler and fairer tax system. TRAIN is on the right track on its imposition of added tax on automobiles and purely aesthetic cosmetic surgeries as these are luxurious commodities and services often associated with elites. However, its great toll on the poor majority maligns its course. “The appropriate tax system should start from the concrete situation of taxpayers rather than idealized notions of ‘simple’ measures and ‘rationalized’ schemes,” Africa emphasized. The reality is most Filipinos are at the brink of poverty while very few elites are living a lavish lifestyle. In this situation, taxing everyone devoid of social class is counterproductive. In response to this, Africa suggests that a progressive tax reform increases the direct taxes on personal and corporate incomes of the richest rather than putting the burden on the poor with its added taxes on basic commodities. In application, if the 1.5 percent richest Filipinos are taxed more by increasing their rates by 10 to 20 percent, the government can already raise an amount of P91 billion. This goes with an assurance that they can still afford their lifestyle. At the end of the day, these recommendations are only useful if the motivations behind the reform are of the genuine interest of the people. With major capitalist roles at play, TRAIN may just be a faster ride to the cycle of poverty.
STRENGTH IN NUMBERS SANNY BOY D. AFABLE
But the masses need no self-styled messiahs. Guided by their principles and practice, it was the popular movement of peasants, workers, women and the youth that gave birth to revolutions, exposed tyrants, and built alternatives to ruling systems. NITONG MGA NAKARAANG linggo, sinubukan kong maghanap ng trabaho. Nandun na yata ako sa proseso ng “adulting,” ang punto sa buhay natin kung kailan mas sinisiguro natin ang Pag-IBIG kaysa sa pagibig. Hindi pa naman ako nakakalaya sa UP, nangangahulugang hindi pa rin ako malaya sa Kule. Mabuti na lang at sa aking huling semestre, thesis na lang ang kailangan kong bunuin. Sabi nga ng kaibigan ko, ganado naman akong mag-midyear sa halip na magbakasyon, kaya’t bakit hindi rin ako maghanap ng parttime na trabaho. Kunsabagay, nakakalungkot din naman kung lagi lang akong nandito sa Room 401, o kaya ay gabi-gabing kumakain sa Shao Kao. Kaya nung nagpaskil ako ng resume online, kung saan-saang job interviews ako napadpad—minsan ay dito lang rin sa Quezon City, pero karamihan sa mga kumpanya ay nasa Ortigas, Taguig, at Makati. Sa totoo lang, hindi ko nakikita ang sarili ko sa isang permanente o pangmatagalang trabaho sa pribadong sektor. Gusto ko talagang magtrabaho sa akademya at sa gobyerno, kahit pa kadalasan ay mas malaki ang ganansya sa mga pribadong kumpanya. Pero dahil adulting na nga ako, sumubok ako ng mga bagay na bago para sa akin. Naglibot ako sa mga nakakalulang distrito tulad ng Bonifacio Global City (BGC) at Makati Business District kung saan nagtataasan ang mga gusali gayundin ang cost of living. Para makapunta sa mga lugar na ito, madalas ay nakatayo ako at nakikipagsiksikan sa bus. Kung swerte namang gumagana ang MRT, nakatayo at nakikipagsisiksikan din ako. Tumirik man ang tren, pwede pa ring mas mabilis akong makarating kung lalakarin ang riles kumpara sa tila walang katapusang paghihintay sa pag-usad ng traffic.
O PIN YON
14
HUWEBES 18 ENERO 2018
IN ONE OF THOSE RARE OCCASIONS, my mom asked me about something political. “Maganda pala ‘yang Federalism, ‘nak, ano?” She was making a point, of course. Last week, she and other community leaders were invited to a public discussion on Charter Change (Cha-Cha) and Federalism. There were glitters in her eyes when she said probinsyanos like us would no longer have to painstakingly travel to Manila to fix papers or find jobs in its crowded urban centers. She must know the many struggles brought about by chronic underdevelopment in the countryside. This and all other provision presented by the vicemayor before them sounded appealing to her except for greater military powers which Cha-Cha accords to the president; her instinct tells her it’s up for disaster. I countered every argument my mom would echo from the forum, and she listened intently. “Pero ‘nak agree nga halos lahat ng tao roon, kasi parang maganda naman.” There was almost no mention of political dynasties or Cha-Cha’s economic aspects, and it shocked her when I told her that foreigners would be allowed to own our resources. Satisfied with my counter-explanations, she replied: “Dapat kasi ‘nak may mga ganyan din sa mga schools. I-discuss ninyo sa mga tao. Siyempre mas kayo ang nakakaalam ng mga ‘yan.” Despite being an obvious taxpayer-funded propaganda tool, the forum which my mom attended already tells that the government is dead serious in amending the Constitution. It deploys every machinery it has to misinform the public. And there’s a recurring guilt when we are reminded that we are not doing enough to counter this. In a recent forum on democracy and disinformation, former Education Secretary Armin Luistro said: "We don't need numbers. We need truth tellers to tell the emperor that he has no clothes, even if we are only five." What Luistro missed is that
Yun nga lang, papunta ka pa lang sa trabaho, mukha ka nang pauwi. Yung suot kong puting pantalon, naging faded black na sa ibaba, at yung plantsadong polo ay lukotlukot na. Nang minsan ngang dumaan ako sa isang underpass sa BGC, may isang grupo ng mga papasok sa trabaho na doon na mismo nagbibihis. May baon silang damit araw-araw bilang pamalit dahil mahigpit ang dresscode na ipinatutupad sa kanilang kumpanya. Napansin ko rin na karamihan sa mga nakakasabay ko ay nagtatrabaho sa call centers na naglipana sa mga komersyalisadong distrito. Isang call center company rin ang nag-interview sa akin, kung saan marami akong nakasabay na nag-apply. Karamihan sa kanila ay katatapos lang ng kontrata sa dating pinagtatrabahuhang call center, at ang iba naman ay huminto muna sa pag-aaral para magtrabaho. Kung matanggap man, kailangan nilang magtrabaho sa gabi dahil sa ibang bansa dumidiretso ang serbisyo nila. Kahit mahirap at nakaaabuso sa kalusugan ang bigat ng trabaho, wala silang seguridad dahil hindi sila regular kaya hindi rin sila sakop ng mga benepisyo. Sa ganitong sistema, hindi madali ang adulting. Para sa karamihan sa mga nagtatrabaho, sa pribado man o pampublikong sektor, ang araw-araw na pagpasok ay arawaraw na pagsuong sa isang digmaan. Dahil bukod sa suliranin sa transportasyon at kontraktwalisasyon, ang oportunidad sa pagunlad sa lipunang ito ay tagibang sa mga nasa tuktok kung saan mas maalwan ang proseso ng adulting. At ngayong kailangan ko nang bunuin ang prosesong ito, alam kong hindi ako nag-iisa at hindi ko ito gagawin para sa sarili lamang. Dahil ang adulting, kasabay ng pag-Sablay, ay pag-aalay ng sarili sa bayan, pagsuong sa traffic sa umaga, pagsubok na baguhin ang bulok na sistema.
the emperor already knows this, and he would even proudly declare his nakedness in front of cameras. Luistro, who denied the militarization of Lumad schools during his time, rather blames the public for allowing “the architecture of disinformation” to prevail. We don’t need the “numbers,” he would trumpet—like other liberals still pointing fingers at the 16 million who voted for Duterte. Following this lazy logic, I have the right to blame my mom for all the problems this government has caused. But I cannot, for the problem lies not in the number, but in the failure to recognize the necessity of its strength. Now, the state is exploiting this number. There is danger in the romantic idea that great changes in history have been achieved by only a few men who stood their ground for the humanity’s sake. It assumes that the masses are incapable and easily fooled. In the end, it runs the risk of reinforcing the same view against the people: that they can only be saved by a few, active individuals, like our own corrupt politicians. But the masses need no self-styled messiahs. Guided by their principles and practice, it was the popular movement of peasants, workers, women and the youth that gave birth to revolutions, exposed tyrants, and built alternatives to ruling systems. Certainly, the educated few cannot afford to stay in the comforts of their air-conditioned offices or private symposia, proud of their isolation from “the numbers” or the 16 million voters, many of whom must have changed their opinions on Duterte already. The truth which Luistro and his like fail to understand is that our efforts, even our noble initiatives for truth, are left impotent without the critical support of the masses. Never has my mom been so interested in politics. She knows it directly concerns her and the family. “Kung may time lang talaga ako magbasa tungkol diyan sa mga ‘yan, eh.”
PHILIPPINE COLLEGIAN SANNY BOY AFABLE
PUNONG PATNUGOT
ALDRIN VILLEGAS
KAPATNUGOT
SHEILA ANN ABARRA
TAGAPAMAHALANG PATNUGOT
JOHN DANIEL BOONE
PATNUGOT SA BALITA
ROSETTE ABOGADO JAN ANDREI COBEY ADRIAN KENNETH GUTLAY
PATNUGOT SA GRAPIX
CAMILLE JOYCE LITA
TAGAPAMAHALA NG PINANSIYA
JOHN KENNETH ZAPATA
KAWANI
AMELYN DAGA
PINANSIYA
GARY GABALES
PA A N O B A M A G “A D U LT I N G ? ” ALDRIN VILLEGAS
TAGAPAMAHALA SA SIRKULASYON
AMELITO JAENA OMAR OMAMALIN
SIRKULASYON
TRINIDAD GABALES GINA VILLAS
KATUWANG NA KAWANI
KASAPI UP SYSTEMWIDE ALLIANCE OF STUDENT PUBLICATIONS AND WRITERS’ ORGANIZATIONS (SOLIDARIDAD)
COLLEGE EDITORS GUILD OF THE PHILIPPINES (CEGP) PAMUHATAN SILID 401 BULWAGANG VINZONS, UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, DILIMAN, LUNGSOD QUEZON TELEFAX 981-8500 LOKAL 4522
Para sa karamihan sa mga nagtatrabaho, sa pribado man o pampublikong sektor, ang araw-araw na pagpasok ay arawaraw na pagsuong sa isang digmaan.
ONLINE phkule@gmail.com www.philippinecollegian.org fb.com/phkule twitter.com/phkule instagram.com/phkule issuu.com/philippinecollegian pinterest.com/phkule
UKOL SA PABALAT
DIBUHO NI KENNETH ZAPATA
The CAL Month 2018 entitled Aguáhi, together with the commemoration of the second year since the Faculty Center incident was held on April 6, 2018. Spearheaded by the Committee on Culture and the Arts (CoCa) of the College of Arts and Letters Student Council (CALSC) aimed to produce events that promotes the sense of community among the departments of the college in using arts as a means to launch campaigns that highlight the social issues that artists of the nations should struggle against. The event's central theme: Aguáhi stayed true to the unified mission of the CALSC to bring to the fore the sense of nationalism among the student body. "Aguáhi" is a Hiligaynon word for tidal wave and/or gathering force. The month-long event was able to work in partnership with the respective college departments, council committees, and college-based organization in standing together with a unified goal: to overthrow a dictator that continuously disregard the democratic rights of all sectors of the Philippine Society. For any inquiries and other details, contact Councilor and Committee in Culture and the Arts Head Joshua Chan at 0917 677 5141 or jchan@up.edu.ph
MELTING POINT
WARREN RAGASA
WALKOUT MABAGAL ANG TAKBO NG ORAS. SA HARAPAN KO, binabasa ng propesor ang mahabang formula sa libro sa pinakanakababagot niyang tono. Tatango-tango ang katabi ko sa kanan, kunwari’y may naiintindihan kahit pa babagsak na ang mga mata niya anumang oras. Seryosong nakikinig at nagsusulat ang sa kaliwa. Ang lahat ay nakaupo maliban sa guro. Sa sobrang tahimik ng silid, tanging tunog ng aircon o hikab ng kaklase lang ang maririnig. Muling magkikwento ang guro tungkol sa kaniyang karanasan bilang inhinyero at tiyak na dudulo ito sa pagbubuhat niya sa kaniyang sarili. Ganito ang eksena nang biglang ginising ng malalalakas na yabag sa labas kaming animo’y mga bilanggo. Nagpatuloy ang propesor sa pagtuturo, subalit nilamon ang mababa niyang boses ng lumalakas na mga sigaw, “sumama na kayo!” Kinakalampag nila ang bawat madadaanang pinto. Walkout ulit. Subukan ko kayang sumama nang makatakas man lang sa klaseng ito? Hindi ko pa rin naman nasusubukang mag-walkout. Malamang ay nagpapakiramdaman lang kaming magkakaklase. Titingin ang isa sa kaniyang likuran, “ano, p’re?” Subalit walang magtatangkang tumayo. Malamang din ay takot ang lahat na ibagsak ng propesor. O baka mali ako. Baka sadyang iilan o talagang walang may pakialam sa amin. Bakit pa nga ba kami pumasok sa klaseng ito habang daan-daan ang nagmamartsa patungong Mendiola. Bakit nga ba kami nakatanga’t nananahamik, habang libu-libo ang may isinisigaw? May nagtangkang kumatok para magsalita at manghikayat lumabas, pero hindi sila pinagbigyan ng propesor. “You have every right to protest, but walkout after class!” bulalas ng propesor. Lalong nilamon ng katahimikan ang klasrum. Gusto kong sabihin sa kaniyang hindi ito “walkout” kung tapos na ang klase; na ang walkout ay protesta rin sa edukasyong walang patutunguhan. Pero ano pa nga ba ang ginagawa ko rito sa loob? Tatayo na ako, at siguradong may mga kaklaseng susunod pa.
MISYON AT DEBOSYON ADRIAN KENNETH GUTLAY
THE PHILIPPINE COLLEGIAN is looking for
Umakyat na sa Room 401 ng Vinzons Hall at magdala ng portfolio.
Luis V. Teodoro @luisteodoro
Lit. 101: Don’t take Duterte literally but take him seriously? If he was speaking figuratively when he said shoot women guerrillas in the vagina, then what he was really saying was kill every woman who fights back, protests or objects to something. That’s even more serious. 5:14 AM - 13 FEB 2018
JUNE 2016 MANILA
Your Lawyer Says @yourlawyersays
Stephanie L. Tan /StephLTan
To view the issue on jeepney phaseout as simply an issue on which public transport is safer and more environment-friendly is shallow. Unemployment, public availability, state ownership, and projected fare should also be taken into consideration. #NoToJeepneyPhaseout
This is why "walking out" is a powerful form of protest. When intelligent, grade-conscious students decide to give up going to class, it means we are willing to give up something we value for something else of greater importance. In dramatic terminology, it is personal sacrifice for the welfare of everyone.
10:47 PM - 8 FEB 2018
9:43 PM - 2 FEB 2018
STATUS QUOTES
BIYERNES 23 PEBRERO 2018
15
COM MUN ITY
T I G I L- PA S A DA
,,
Ito na ang panahon upang agawin kay Duterte ang manibela at ikambyo ang bansa sa isang tunguhing hindi nasasagasaan ang karapatan ng mamamayan.
LALONG NAGDURUSA ANG mamamayan habang tinatahak ng administrasyong Duterte ang liku-liko at baku-bakong landas patungong karimlan. Sa isang bagong palisiyang ipinatutupad upang tuluyang alisin ang mga pinakamurang paraan ng transportasyon sa lansangan, tiyak na milyun-milyong Pilipino ang maaapektuhan at masasadlak sa lalong kahirapan. Ginulantang ang UP Diliman at iba pang bahagi ng Kamaynilaan ng kawalan ng masasakyang jeep nitong ika-8 ng Pebrero. Isang biglaang operasyon ang ikinasa ng Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) upang pigilan ang mga tsuper na pumasada kung hindi papasa ang minamanehong sasakyan nila sa mga pamantayan ng kagawaran. Daan-daang pasahero ang naapektuhan nang pagbawalan sa kalsada ang mga jeep na luma, mausok, mahina ang ilaw at busina, at hindi umano presentable ang itsura. Ang mga hindi pumasa sa inspeksyon, tinikitan at pinagmulta ng P5,000 o higit pa, dahilan upang pansamantalang gumarahe ang mga tsuper at magkilos-protesta. Anila, isang araw na nga silang hindi kikita, pinagmumulta pa sila ng malaking halaga. Umarangkada ang operasyon “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” sa pangunguna ng Inter-Agency Council on Traffic (I-Act), konglomerasyon ng iba’t-ibang sangay ng gobyerno kabilang ang DOTr at Metro Manila Development Authority (MMDA). Hindi maikakailang bahagi ito ng malawakang jeepney phaseout kung saan tinatayang 180,000 lumang jeep
PHILIPPINE COLLEGIAN
EDITORIAL ang balak palitan ng mas makabago at mas modernong e-jeep na gumagamit ng kuryente o ‘di kaya’y ng Euro-4 na gasolina, na sinasabing mas malinis kumpara sa ordinaryong diesel. Ipinamamandila ng kasalukuyang administrasyon na sa “Jeepney Modernization Program,” lilinis ang hangin, mababawasan ang aksidente sa kalsada, at magiging mas ligtas at malusog ang mamamayan. Ngunit sa ilalim ng bagong patakaran, papasanin ng mga tsuper ang pambayad sa mga e-jeep na tinatayang nagkakahalaga ng P1.4 hanggang P1.6 milyon, presyong hindi kakayanin ng isang ordinaryong drayber na nagkakasya lang sa halos baryabaryang kita sa maghapong pamamasada. Sa ganitong kalakaran, hindi lamang mga tsuper ang lubhang maaapektuhan. Tinatayang lolobo ang pasahe sa jeep mula P8 sa kasalukuyan patungong P12 hanggang P20. Ito ay dahil kailangang magbayad ng bawat drayber ng humigitkumulang P800 kada araw sa loob ng anim na taon upang mabayaran nang buo ang isang unit ng e-jeepney kasama ang anim na porsyentong interes sa loan. Samakatuwid, nagkukubli lamang ang Jeepney Modernization Program sa tabing ng pagbibigay-pansin sa kalikasan at pampublikong kalusugan at kaligtasan, ngunit ang tunay na layunin naman ay magkamal ng kita mula sa mga ordinaryong mamamayan. Hindi dapat isisi ng pamahalaan sa mga jeep ang paglala ng polusyon sa hangin, gayong humigit-kumulang 75,000 na jeep lamang ang bumabiyahe sa Kamaynilaan — wala pa sa tatlong porsyento ng 2.5
milyong kabuuang bilang ng mga sasakyang bumabagtas sa Metro Manila araw-araw. Walang masama sa modernisasyon kung ito ay nakaangkla sa pagsisilbi sa interes ng mas nakararami, at hindi sa iilang kumpanyang nais lamang tumubo nang malaki. Sa huli’t huli, kakailanganin din ang mga mas makabagong sasakyan sa lansangan, ngunit hindi dapat nasasagasaan ang hanapbuhay ng mga drayber at ang dagdag gastos para sa mga komyuter. Isang kabalintunaan na nais ng administrasyong Duterte na tuluyan nang mawala ang mga diumano’y bulok na jeep sa lansangan, gayong mas nabubulok ang sistema ng pampublikong transportasyon. Mismong kapabayaan ng pamahalaan na tugunan ang pangangailangan sa mga pampublikong sasakyan ang nagdulot ng pagdami ng bilang ng mga pribadong sasakyan. Tuluyan na nitong iniwanan ang tungkuling ayusin ang pampublikong transportasyon. Daan-daang pasahero ang naaapektuhan ng halos araw-araw na pagtirik ng tatlong tren na lamang ng Metro Rail Transit. Libu-libong iba pa ang arawaraw namang naiipit sa lumulubhang trapiko. Ito na ang panahon upang agawin kay Duterte ang manibela at ikambyo ang bansa sa isang tunguhing hindi nasasagasaan ang karapatan ng mamamayan. Sa darating na Biyernes, gagarahe sila Mamang Tsuper upang sumama sa libulibong estudyante at mga ordinaryong Pilipino na naglalayong imaniobra ang bansa, papalayo sa landas na kasalukuyan nitong tinatahak. Iskolar ng Bayan, inaasahan ka nilang sumama!