Philippine Collegian Tomo 95 Issue 05 Special Issue

Page 1


Mga magsasaka ng Bukidnon, nagtungo sa Maynila para magprotesta BEATRICE P. PUENTE HIGIT 100 MAGSASAKA MULA Bukidnon ang naglakbay nang mahigit 1,400 kilometro patungong Maynila upang ipanawagang maibalik ang 517 hektaryang lupang kinamkam ng isang pamantasan. Inangkin umano ng Central Mindanao University (CMU) ang lupang higit 30 taon nang sinasaka ng mga magsasaka ng Bukidnon, ayon sa mga miyembro ng Bukidnon Free Farmers Association and Laborers Organization (Buffalo), Tried Agricultural Movers Association or Rural Active Workers (Tamaraw) at Land Tillers Inhabitants of Musuan (Limus), tatlong organisasyong apektado ng nasabing pangangamkam. May karapatan ang mga magsasaka sa isang bahagi ng 3,080 hektaryang lupa sa CMU kung saan naninirahan ang higit 800 pamilya, ayon kay Ed Bustamante, pangkalahatang kalihim ng BuffaloTamaraw-Limus (BTL) na alyansa ng tatlong organisasyon. Nananawagan din ang grupo na itigil na ang pandarahas na ginagawa ng administrasyon ng paaralan sa kanila. Tagibang na kasunduan Nagsimulang sakahin ng mga magsasaka ang nasabing lupa noong 1975 nang magtrabaho sila sa Philippine Packing Corporation. Taong 1990 iginawad na sa mga magsasaka ng BTL ang lupa ngunit binawi rin kalaunan nang katigan ng Korte Suprema ang apela ng CMU base sa probisyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na nagsasabing ang lupain ng mga paaralan ay hindi kabilang sa mga dapat ipamahagi. “Bakit pinarerentahan sa malalaking kumpanya [ang ibang parte ng lupa ng CMU], samantalang sa amin ay hindi [maibigay]?” ani Danny Menente mula sa BTL. Maraming trabaho sana ang nalikha at napagyaman pa ang lupa kung hinayaan lamang ito ng CMU sa pangangalaga ng mga magsasaka, dagdag pa niya. Dahil din sa mga hindi patas na probisyon, tinanggihan ng mga magsasaka ang mga kasunduang inihain ng CMU kapalit ng kanilang pag-alis sa lupa. Sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema pabor sa pamantasan, nananatili pa rin sa lupa ang mga magsasaka.

Pinahintulutan sila ng unibersidad na upahan ang kanilang lupang sinasaka ngunit limitado lamang ito sa limang taon mula 2002 at natapos noong 2007, ani Bustamante. Ginawa ang kasunduan sa pagitan ng CMU, ng BTL at ni Rep. Miguel Zubiri na nag-alok ng P40,000 at relokasyon na maaaring paglipatan ng mga magsasaka kapag natapos na ang limang taon, ayon sa pahayag ng CMU. Gayunman, nasa kakahuyan ang mga relocation sites na ibinigay sa kanila kung saan hindi maaaring magtanim ng palay, ani Bustamante. Ito aniya ang dahilan kaya hindi nila nilisan ang kanilang lupa sa pamantasan. Karamihan din ay tinanggihan ang salaping alok dahil mas mahalaga para sa kanila ang lupa. “Ang P40,000, ‘di pa aabutin ng isang buwan. Panandalian lang ‘yun,” ani Danilo Ramos, tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Pinaigting na laban Kasama ang mga magsasaka ng BTL sa humigit-kumulang 7,000 magsasaka na nagtungo rin sa Maynila para sa Lakbayan ng Magsasaka para sa Lupa at Laban sa Pasismo (Lakbay Magsasaka) kung saan nagkampo sila sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR) mula Oktubre 16 hanggang 25. “[Nandito kami para] ipaalam sa publiko ang ginagawa ng gobyerno [at CMU] para ang mga tao na ang magdesisyon kung saan nagkamali ang [mga institusyong ito],” ani Bustamante. Pinaigting ng mga pesante ang kanilang paglaban sa administrasyon ng CMU na nagbunsod sa serye ng pandarahas sa mga magsasaka at nauwi sa pagkasawi. Si Leonardo Loable, ama ng pinuno ng BTL na si Winnie Loable, ay binaril ng mga gwardya ng unibersidad dahil nais niyang pumasok sa loob ng CMU upang umuwi sa kanilang tahanan. Pinilit niyang pumasok dahil walang ibang alternatibong ruta pauwi, pahayag ng nakababatang Loable. Nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang pandarahas na ginagawa ng administrasyon ng CMU sa mga magsasaka. Noong 2011, kinumpiska ng mga gwardya ng pamantasan ang gamit ng mga pesante sa pagsasaka ayon kay Ireneo Udarbe, pinuno ng KMP–Northern Mindanao Region (KMP-NMR).

PEASANT KILLINGS BY AREA DATA FROM KARAPATAN (SEPTEMBER 2017) LUZON 26 BATANGAS 1 CAMARINES NORTE 1 CAMARINES SUR 1 ISABELA 3 MASBATE 6

NUEVA ECIJA 6 PAMPANGA 1 PANGASINAN 4 QUEZON 1 SORSOGON 2

VISAYAS 9 NEGROS OCCIDENTAL 2 NEGROS ORIENTAL 2

BOHOL 2 CAPIZ 3

MINDANAO 56 AGUSAN DEL NORTE 2 AGUSAN DEL SUR 2 BASILAN 2 BUKIDNON 7 COMPOSTELLA VALLEY 20 COTABATO 2 DAVAO 3 DAVAO CITY 1 DAVAO DEL NORTE 3

DAVAO DEL SUR 3 DAVAO ORIENTAL 1 LANAO DEL SUR 2 MAGUINDANAO 1 MISAMIS OCCIDENTAL 1 NORTH COTABATO 2 SOUTH COTABATO 1 SURIGAO DEL NORTE 2 SURIGAO DEL SUR 1

INFOGRAPHICS BY JOHN RECZON CALAY

BA LI TA

2

HUWEBES 26 OKTUBRE 2017

ALAB

CHESTER HIGUIT

Dinagsa ng ilang daang sulong bitbit ng mga magsasaka ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan (DAR) upang pasiklabin ang kanilang panawagan para sa libreng pamamahagi ng lupa at pagbibigay-tuldok sa karahasan laban sa mga magsasaka sa ilalim ng administrasyon ni Rodrigo Duterte, Oktubre 23. Umabot na sa 91 ang bilang ng magsasakang napaslang sa unang taon ng pangulo, ayon sa tala ng Karapatan. Kalakhan sa mga pinatay ay mga lider-magsasaka na lumalaban sa pangangamkam ng lupa, dagdag pa ng Karaptan. Nagmula pa sa Luzon, Visayas, at Minadanao ang mga Lakbayani at anatili sila sa kampuhan sa DAR hanggang Oktubre 25.

Ipinagbawal din ng pangulo ng unibersidad na si Marila Soliven ang pagpasok ng mga magsasaka sa CMU. Bilang protesta sa naging desisyon, nagkampo ang mga magsasaka sa harapan ng ng unibersidad noong 2014. Anim ang sugatan sa hanay ng mga magsasaka dahil sapilitang inalis ng mga gwardya ang kampong itinayo nila. Hindi nakikita ng mga pesante na epektibo ang mga batas at palisiya na ipinapatupad ng pamahalaan dahil sa mga problematikong probisyon. Halimbawa, pinahihintulutan ng Section 17 ng CARP ang mga panginoong maylupa (PML) na manipulahin ang presyo ng produkto at sweldo ng magsasaka.

“Kung aasa kami sa legal na proseso ay mahaba pa [ang kailangan naming pagdaanan],” ani Udarbe. Tunay na reporma Para sa mga magsasaka, lupa ang pinakaimportanteng pag-aari na mayroon sila dahil dito nagmumula ang kanilang pagkain, ikinabubuhay at tirahan, ani Ramos na nakikitang magkakaroon lamang ng reporma kung maipapasa ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB). Inaasahan ng mga pesante na sa pamamagitan ng GARB, maipapamahagi na sa kanila ang mga lupang sakahan at hindi na ito mapupunta sa kamay ng iilan. Sa pamamagitan nito, makakamit din ang

pambansang industriyalisasyon na magaangat sa antas ng pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa paggamit ng sariling yaman upang paunlarin ang ating bansa. Kung pagmamay-ari ng mga magsasaka ang lupa at susuportahan sila ng gobyerno, maganda ang mangyayari sa hinaharap, ayon kay Udarbe. “Maraming trabaho [ang magagawa] at saka ang bigas natin ay mura lang at ‘di na kakailanganin mag-import,” ika niya. “Kahit anumang sektor tayo ay dapat magkaisa tayo para sa pagbabago dahil kung aasahan lang natin ang gobyerno, hindi natin makakamtan ang tunay na pagbabago,” ani Udarbe.

Peasant killings under Duterte now at 91 JUAN GREGORIO LINA

PEASANT KILLINGS CONTINUE TO rise under President Rodrigo Duterte’s watch. Latest data from human rights group Karapatan places the number killed at 91 as of September this year. This figure includes peasant-leaders as well as land reform advocates, and comprises the bulk of the 98 politically motivated killings recorded by the group since July 2016. The brutal killings involve various groups, including private armies of landlords, police personnel, military servicemen, and paramilitary soldiers being tagged as perpetrators. “Ang mga magsasaka ay pinapatay ng mga riding-in-tandem, inaabangan sa labas ng bahay o nilolooban ang tahanan, at pinapatay sa harap ng mga kamaganak. Pati na rin ang mga mag-asawang lider-magsasaka pinapaslang,” said Mao Hermitanio of peasant group Kilusang Mangbubukid ng Pilipinas (KMP).

The murders are the government’s response to the farmers’ assertion of their right to the lands, Hermitanio said, also adding that the fight for genuine land reform shall continue despite landowners not giving in to the peasants’ calls. The Department of National Defense, on the other hand, denied the occurrence of the killings in an inter-agency dialogue on October 19 spearheaded by the National Anti-Poverty Commission, despite being presented comprehensive documentation of the slays. Reacting to the killings, Karapatan condemned the Duterte administration’s counter-insurgency program Oplan Kapayapaan for “wreaking havoc in rural areas.” The human rights group stressed that the program labels peasant communities and their leaders as enemies of the state—a policy no different from that of previous administrations.

“This is not a new trend because Duterte is a mere rusty, old, and rambling replica of past regimes. His policies have yielded the same results, albeit with increasing frequency and brutality,” said Karapatan Secretary General Christina Palabay in a statement. Meanwhile, the Pambansang Lakbayan ng Magsasaka para sa Lupa at Laban sa Pasismo staged a nine-day caravan which lasted until October 25 in protest of the killings, and to continue the advocacy for genuine agrarian reform. “Nasa sama-samang pagkilos ang paggigiit ng karapatan sa lupa, lalo na ngayong walang batas ang gobyernong Duterte para sa tunay na agraryong reporma at na-reject pa si Ka Paeng Mariano, Wala nang ibang maaasahan ang mga magsasaka kundi ang kanilang sarili,” Hermitanio said.


SUMA TOTAL

FLASH NEWS

Students left out of Free Tuition IRR consultation RAT SAN JUAN THE MAJORITY OF STAKEHOLDERS of the Universal Access to Quality Tertiary Education Act (R.A. 10931) were not invited to the public consultation on the formulation of the law’s Implementing Rules and Regulations (IRR), held on October 20 at the Philippine International Convention Center (PICC) in Pasay City. The consultation was not publicized through the official website of the Commission on Higher Education (CHED). Some media networks who received invitations for the consultation were also not allowed to enter the venue. Representatives from the private sector dominated the attendance, according to Gabby Lucero of UP Diliman College of Social Work and Community Development Student Council. “Ang nakita ko roon na estudyante ay less than 10… Very ironic lang talaga kasi ang main stakeholders ay estudyante, pero wala sila roon,” she said. A separate consultation for state universities and colleges was organized by CHED-UniFAST (Unified Student Financial Assistance System for Tertiary

Education) on October 16, said Interim Deputy Executive Director Nicki Tenazas. “Hindi [kasi] pwede na everybody’s here, halo halo, because everybody will try to get the microphone. Walang mangyayari roon, may magtatalo lang d’yan at wala tayong mare-resolve,” he added. However, only one representative from each SUC was invited to participate for the October 16 consultation, according to UP Vice President for Public Affairs Jose Dalisay, Jr. The consultation also failed to push through due to the nationwide transport strike on that day. A draft of the IRR was provided to around 100 attendees of the consultation earlier. Under section 18 of RA 10931, the UniFAST Board is mandated to promulgate its IRR “in consultation with the CHED, TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) and other relevant stakeholders in higher and technical education." The final version of the IRR is set to be released on an unspecified date in November, said Tenazas.

FAT

OF THE

LAND

THE BIGGEST HACIENDAS AND LANDHOLDINGS IN THE COUNTRY JD BOONE DESPITE DECADES-LONG STRUGGLE AND ASSERTION OF RIGHTS OVER THE LANDS THEY TILL, peasants are still being pushed further to the margins of the society. They who do back-breaking work to put food on every Filipino table remain to be the poorest in the country and are ironically left with almost nothing to eat. For so many years, very few families have controlled vast amounts of lands in the country. These lands should have already been distributed fairly to farmers, if not for the loopholes of agrarian reform laws crafted by landed lawmakers themselves. Above are only among the largest haciendas and landholdings in the country, yet to be distributed to peasants.

SOURCES Congress of the Philippines, Habitat International Coalition, University of California in Los Angeles, Bulatlat, Business World, Sunstar, Philippine Star, Google Maps

HUWEBES 26 OKTUBRE 2017

3

BA LI TA


PARA Pinatigil ng kilos-protesta ng mga tsuper ng dyipni ang halos lahat ng gawaing opisina ng gobyerno sa buong bansa sa loob ng dalawang araw mula ika-16 hanggang ika-17 ng Oktubre. Pinatunayan nila ang malaking papel na kanilang ginagampanan sa regular na daloy ng kabuhayan at ekonomiya sa bansa; subalit, sa halip na pakinggan ng pamahalaan ang binubusinang panawagan ng nagkakaisang mga tsuper laban sa jeepney phase-out, ipagpapatuloy pa rin ng pamahalaan ang proyektong ito na sasagasa sa kabuyahan ng mga drayber, operator, barker, maging ng mga ordinaryong pasahero.

BAYAD

BYAHENG KATIPUNAN Chester Higuit ♌ Patricia Pobre

Piniling tahakin ng mga tsuper ang iisang ruta patungo sa makamasang pampublikong sakayan nang tutulan nila ang jeepney phaseout. Sa panahong nililihis ng pamahalaan ang ating transportasyon tungo sa kontrol ng iilang korporasyon, pangangailangan ang kaisahan ng lahat ng sektor upang panatilihin ang mura at abo’t kayang pampublikong transportasyon kasabay ng patgsusulong ng modernisasyong lapat sa pangangailangan ng masa.

TABI

Mula sa single operators at small fleet operators, tutungo sa mga korporasyon ang pamamahala ng mga modernong dyipni base sa polisiya ng LTFRB na nagbibigay ng rekisitong bilang ng yunit na hindi bababa 15 sa bawat franchise, ayon sa pag-aaral ng IBON. Karagdagang pangambahin ng mga kasalukuyang tsuper ang mga rekisitong hihingin ng mga mamamahala sa kanila sakaling maituloy ang phase out. Mas mahabang oras sa pasada, age at educational requirement ang tinatantiya ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na hihingin ng mga tagapamahala ng mga franchise o korporasyon sa mga aplikanteng tsuper.

SABIT SABIT Damay sa suliranin ng mga drayber ang ordinaryong mga pasahero na sasalo sa hindi maiiwasang pagtaas ng presyo ng pamasahe. Maaaring tumaas ang presyo ng minimum na pamasahe mula P8.00 hanggang P20.00 ayon sa pag-aaral ng think tank IBON foundation. Tataas ang presyo ng pamasahe sakaling tuluyan nang mapasakamay ng oligarkiya o iilang pribadong korporasyon ang pamamahala sa operasyon ng mga dyip mula sa pamamahala ng mga indibidwal na operators -- na makikita sa kasalukuyang sistema sa UPKKJODA.

Sa ilalim ng jeepney phaseout, ipagbabawal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng dyipni na mahigit 15 taon sa kakalsadahan.Umaabot ito sa 75 porsyento ng 204,000 dyipni sa buong bansa ayon sa tagapagsalita ng LTFRB, Aileen Lizada.Isasagawa ito upang bigyang daan ang modernong mga sasakyan na nagkakahalaga ng P1.1 milyon hanggang P1.6 milyon kada isa na planong pabayaran sa mga tsuper ng P800 kada araw sa loob ng pitong taon.

UTANG

BYAHENG PARA SA IILAN

Isa si Bebot Francisco, tsuper ng KatipunanUP Campus dyip, sa mga tumututol sa nakaambang jeepney phase-out. Aniya, hindi nila kakayanin ang paghuhulog ng P800 kada araw. Una nang inirason ng Department of Transportation na sapat ang P800 kada araw na paniningil dahil nagbabayad naman ang karamihang tsuper ng parehong presyo para sa boundary. Subalit ayon kay Francisco, may mga araw tulad ng Linggo at Sabado na umaabot lang sa P300 ang kanilang kita. Liban pa rito, may isang beses sa isang linggo na hindi sila nakakabyahe dahil sa number coding. Buhat nito, malaking kwestiyon pa rin kung makakayanan nilang ipagpatuloy ang pamamasada sakaling matuloy ang programa ng pamahalaan.

Malaki ang pondong inilagak ng pamahalaan sa pagbili ng mga sasakyang mula sa iilang dayuhang korporasyon. Sa katunayan, una nang nakapirma ang Mitsubishi at Toyota sa proyektong ito sa ilalim ng Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) program. Bulto bulto ang kitang makukuha dito ng mga nasabing kompanya lalo at daang libo ang planong ipagawa ng pamahalaan para paghatiang bayaran ng gobyerno at mga tsuper. Nakaabang na rin ang mga korporasyong mayroon nang kapital na madadalian lang magbayad at makipagkontrata sa LTFRB.

JODA

Bahagi si Francisco at ang nasa 100 tsuper at 50 operators ng UPKKJODA o UP Kampus-Kmart Jeepney Operators and Drivers Association. Pinamamahalaan ito ng mga opisyal mula sa kanilang hanay na kanilang inihahalal kada taon. Nagbibigay rin ang UPKKJODA ng benepisyo sa bawat miyembro mula sa P35 na ambagan ng bawat miyembro kada araw. Bawat miyembro ay nakatatanggap din ng P10,000 kapag kaarawan nila, liban pa rito ang benepisyo kapag Pasko. Nag-aambagan din ang bawat miyembro ng P50 kung may mamamatayan man sa kasamahan o magkaroon ng malubhang sakit.

KALYE INDUSTRIYA Modernisasyong nakabase sa pangangailangan ng masa ang landas na nararapat tahakin ng hari ng ating kakalsadahan. Makakamit ito sa pagbibigay suporta ng pamahalaan sa lokal na pagawaan ng mga sasakyan, hindi sa internasyunal na mga korporasyon. Malaki ang pondong inilaan ng pamahalaan dito kaya mas mainam na mailaan na lamang sa lokal na industriya at kooperatiba ng tsuper. May likas na talento ang mga tsuper sa pagiging mabutingting at malikhain, patunay dito ang soundtrip, artwork, videoke, o telebisyon sa kanilang sasakyan. Sa tulong ng ating mga inhinyero, siyentista at artista, makabubuo ng industriyalisasyong masasabing lapat hindi lang sa ating kultura, maging sa sarili nating teknolohiya.

Disenyo ng Pahina ni Kenneth Gutlay


SUSTANSYA AT GANANSYA MARVIN JOSEPH E. ANG

MAKUKULAY AT MALALAKING MGA prutas at gulay ang makikitang nakahilera sa mga supermarket, animo’y hindi totoo at bahagi lamang ng isang “Still Life painting.” Kumpara sa mga binebenta sa mga palengke, mas mahal ang mga ito at kadalasang selyado ng mga kilalang brand. Ngunit liban sa mga ito, mayroon pang mas espesyal at may naiibang tatak: “100% organic.” Nakahain sa hapag ng iilang maykaya ang mga pagkaing ipinagmamalaking “organic.” Masasabing organic ang isang sangkap o mismong pagkain kung hindi ito ginamitan ng pestisidyo sa pagtatanim o pag-aani. Dahil dito, mas mabuti ang mga pagkaing organic sa katawan ng tao dahil wala itong halong kemikal na makakasama sa makakakonsumo, gayundin sa mismong mga nagtatanim, na maaaring pagmulan ng mga nakamamatay na sakit. Ngunit kung gaano ang mga ito kasustansya at kaligtas kainin, ganoon din ito kamahal sa merkado—halos doble ng karaniwan. Halimbawa, kung P60 kada kilo ang regular na saging na saba, umaabot naman ang organic sa mahigit P200. Tiyak, hindi ito abot-kaya ng karaniwang mamamayan sa mga lungsod. Bakit nga ba mailap at mahal ang mga pagkaing organic? Dahil sa patuloy na kawalan ng lupa at subsidiya ng pamahalaan sa mga ginagastos sa pagtatanim, nananatiling mahal ang produksyon ng mga pagkaing organic. Pinaghaharian pa rin hanggang ngayon ng mga pinakamayayamang maylupa ang kalakhan ng mga sakahan at taniman dito sa Pilipinas, habang nananatiling atrasado ang mga kagamitan ng mga magsasaka. Bukod pa ito sa malawakang pangangamkam ng lupa ng malalaking dayuhang korporasyon at mga minahan. Samakatuwid, iilang magsasaka lamang ang nagsasagawa ng organic farming at sa maliliit na lupain lang. Lumalabas sa pagaaral ng Philippine Network of Food Security Programmes (PNFSP), isang non-government organization, na mangangailangan ang mga magsasaka ng mas malawak na lupain upang tuluyang makapagsaka gamit ang organic farming. Sa ganitong paraan, maaaring mapalaki ang produksyon ng mga produktong organic at mapababa ang presyo nito sa merkado. Marami nang mga magsasaka mula sa iba’t ibang parte ng bansa ang nagsasagawa ng organic farming, dahil malaki ang natitipid nila sa ‘di paggamit ng mga pestisidyo at mga produktong agrokemikal na nakakasira sa mismong produkto at sa lupang kanilang pinagtatamnan. Dagdag pa ng PNFSP, napapaloob ang organic farming sa konsepto ng “sustainable agriculture”—malaya sa dikta ng mga panginoong maylupa, ahensya ng pamahalaan, at mga malalaking korporasyong transnasyunal at agrokemikal.

KUL TU RA

6

HUWEBES 26 OKTUBRE 2017

Gaano man kaganda ang anyaya ng organic farming, kung magpapatuloy pa rin ang pagkakait sa mga magsasaka ng sarili nilang lupa, mananatiling para lamang sa iilan ang mga produktong organic. Kung kaya’t kasabay ng organic farming, nananawagan din ang mga magsasaka ng isang tunay na repormang agraryo sa pamamagitan ng libreng pamamahagi ng lupa, na isinusulong ng iba’t ibang sektor sa Genuine Agrarian Reform Bill. Tunay ngang masustansya ang mga produktong organic. Ngunit mahalagang mabatid na sa likod ng mga produktong ito, nananatili ang mga isyung patuloy na kinahaharap ng mga magsasaka kung kaya marapat silang samahan sa kanilang laban. Katulad ng larawan ng isang Still Life, sa likod ng rangya at ganda nito, nananatiling naghihirap ang mga kamay na “nagtanim ng papaya at ubas, nagdilig sa dalandan at mansanas.”*

* Mula sa tulang “Sa Sinumang Pintor ng Still Life” ni Virgilio Almario

MARIE CAROLAINE FAMERO NANANABIK SI LUCY MIRANDO, ANG Chief Executive Officer ng Mirando Corporation. Ipakikilala niya sa buong mundo ang kanyang bagong “super pig project.” “To consume less feed, produce less excretions and most importantly, to taste good”—ito ang hangarin niya sa paglikha ng dambuhalang mga “genetically modified” (GMO) na baboy. Ganito sinimulan ang “Okja,” pelikulang sinulat ni Jon Ronson at dinirehe ni Bong Joon Ho, at kauna-unahang pelikula ng Netflix at Plan B Entertainment. Nabigyan ito ng pagkakataong maipalabas sa buong mundo sa ika-pitumpung taon ng Cannes Film Festival nito lamang Mayo. Mula nang siya ay apat na taong gulang, lagi nang kasa-kasama ni Mija ang kanyang kaibigan na si Okja—isa sa sa dalawampu’t anim na super pig na ipinakupkop ng Mirando sa ilang mga magsasaka mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Matapos ang sampung-taong matiwasay na pamumuhay nina Mija, Okja at isang matandang magsasaka sa kanayunan ng Timog Korea, nabagabag ito nang kunin na ni Mirando at ng korporasyon nito si Okja.

Sa realidad, maraming naglalakihang korporasyon ang may kahawig na istilo at kalakaran ng Mirando, tulad ng korporasyong multinasyonal na Monsanto. Ang introduksyon ng GMO sa bansa ay hindi dapat tutulan kung ito ay para sa ikabubuti ng mga tao at kontrolado ng grupo ng mga dalubhasa sa agham. Diskresyon din dapat ng mga magsasaka kung tatanggapin nila ang mga pagbabago at teknolohiya patungkol sa mga pananim o alagang hayop. Ngunit sa kasalukuyan, ang mga GMO na ito ay nasa ilalim ng kontrol ng mga katulad ng Monsanto dahil nasa kanila ang kapital. Halimbawa na lamang ay ang genetically modified na mais sa bansa, na naitanim na ng marami sa mga magsasaka at maylupa. Bagaman ‘di sangayon ay napipilitan ang ilan sa kanila na itanim ito dahil ito ang hinihingi ng mga institusyong nagpapautang, na siyang sinusuportahan ng Monsanto. Sinasalamin ng Mirando Corporation ang pinaka-pangunahing layon ng malalaking kapitalista—ang magkamal ng malaking kita mula sa bulsa ng kanilang mga mamimili sa anumang paraan. Isang paraan ay ang panlilinlang nito sa mga tao na ang mga katulad ni Okja ay nabuo sa isang natural na paraan. Kaugnay nito, istilo ng pelikulang gawing parang tao, sa emosyonal na aspeto, ang isang hayop upang ipakita na hindi lamang ito basta isang sangkap upang kumita. Nakakapanglumo rin isipin na sa kasalukuyang sistema ng lipunan, ganito ang tingin at nagiging trato sa atin ng malalaking negosyo. Malinaw ang nais ipabatid at pangunahing layunin ng pelikula. Hindi ito upang magsilbing babala sa mga tagapanuod upang itigil ang pagkain ng karne. Bagkus, kritisismo ito sa mga malalaking korporasyon, partikular ang mga kumpanyang agrokemikal, na ipinapakita ang kunwaring pagmamalasakit sa kapaligiran upang makahimok ng mas marami pang mamimili para sa malaking ganansiya. Ginamit ng Mirando ang magsasakang kamag-anak ni Mija para sa proyekto, upang palakihin at malaman ang pinaka-epektibong paraan sa pagpapalaki ng mga katulad ni Okja. Ang gawaing ito ay halos walang pinagkaiba sa kasalukuyang panghihikayat, na minsan pa’y sapilitan, ng gobyerno at mga agrochemical companies sa mga magsasaka upang gumamit ng mga kemikal at na produkto sa kanilang pagsasaka. Sa kabila ito ng maaaring pinsala sa kapaligiran, kalusugan ng marami nating magsasaka, at sa kanilang mga sakahan. Sa dulo ng pelikula, simboliko ang pag-alok ni Mija ng isang ginto upang tubusin ang buhay ni Okja. Patunay ito na ang kita ang siyang sentro at nagsisilbing puso ng kapital. Sa bandang huli, nasa kamay pa rin nila—ng Mirando at iilang higanteng korporasyon—ang dambuhalang kita.

HAWLA NG HIGANTE DIBUHO NI DANIEL LORENZO MARIANO DISENYO NG PAHINA NI JOHN RECZON CALAY


K(ANI)N JOHN RECZON CALAY

Ipinapakita ng " bungkalan," o kolektibong gawaing pansaka ng mga manggagawang-bukid, ang paninindigan nila sa kanilang karapatan sa lupa sa kabila ng mga banta sa kanilang buhay.

MARAHIL AY NAKAKAIN KA NA ng kanin sa pagbasa mo ng isyung ito ng Kulê. Naalala ko: Halos isang taon na rin pala nang unang beses kong mapuntahan ang Hacienda Luisita sa Tarlac. Kung tutuusin, mapalad ako dahil kahit papaano’y iba ang sitwasyon ngayon kaysa noong bumisita ako, batay sa mga naririnig kong mga kwento rito sa opisina ng Kulê. Ika-1 ng Oktubre 2016, nang personal na pinuntahan ni dating Kalihim Rafael “Ka Paeng” Mariano ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan (DAR) ang mga manggagawang-bukid ng Luisita upang konsultahin sa binubuong mga plataporma ng pamahalaan, kung saan pinaplano ang libreng pamamahagi sa mga magsasaka ng lupang kanilang sinasaka. Ipinapakita ng “bungkalan,” o kolektibong gawaing pansaka ng mga manggagawang-bukid, ang paninindigan nila sa kanilang karapatan sa lupa sa kabila ng mga banta sa kanilang buhay. Kaysa nakatiwangwang at tubuan ng damo, ginagamás nila ito’t tinatamnan ng mga binhi upang mapakinabangan ng mas marami. Sa ika-29 taong anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ko unang nasaksihan sa personal ang bungkalan ng mga magsasaka ng Luisita. Ang lupang pinili

nilang bungkalin at tamnan ng mga binhi ay nadaanan ko noong Oktubre 2016. Ito’y isang lupang malapit sa tarangkahan ng mga sundalong nakabantay sa malawak na lupain. Ipinapakita nito ang determinasyon ng mga magsasaka na angkinin ang kanilang lupang tinatamnan na pagmamay-ari naman talaga nila. Napaglimi kong ang paglalathala nila ng batayang aklat ukol sa mga pamamaraang agrikultural at kasaysayan ng kanilang pakikibaka para sa tunay na repormang agraryo— Bungkalan: Manwal sa Organikong Pagsasaka. Patotoo ito ng kayamanan ng kanilang mga karanasan at karunungan sa pangkabuhayang gawain sa kanayunan. Ginamit pa nga itong halimbawa ng isang batayang aklat na pang-agham sa aking aghamperyodismong kurso. Ikinalulungkot at ikinapopoot natin ang hindi pagsang-ayon ng Commission on (dis)Appointments sa pansamantalang paghirang kay Ka Paeng bilang kalihim ng Kagawaran ng Repormang Agraryo, batay sa mga lihís na mga kadahilanang magpapanatili sa mga mayayamang korporasyon na magpatuloy sa pangaabuso sa lupain ng mga magsasaka. Sa kabila ng mga ambag nilang mga manggagawang-bukid at lingkodbayan sa mamamayan, hindi naman tanga ang mga Pilipino para magbulagbulagan sa pagpapaikot na ginagawa ng komisyong yaon na pumapabor

pa rin sa interes ng mga gahaman sa kapangyarihan. Hinahayaan nilang madagdagan ang mga nabuong galit buhat sa hindi makatarungang mga hakbangin ng administrasyong ito, na kung saan lugi ang mahihirap. Ang dami rin palang nangyari sa loob ng isang taon: Pinangakuan tayong lahat ng pagbabago ngunit ngayo’y muling nangingibabaw ang pang-aapi sa mga manggagawang-bukid at mga sektor ng lipunan. Nananatili pa rin sa atin ang hamon, ang pagkilos, ang pagpapanatili ng bungkalan. Hindi lang sa pagbili ng kanin at iba pang produktong agrikultural tayo makatutulong sa ating mga kababayang manggagawang-bukid. Hindi na lang ang kanilang mga ani ang sa ati’y dumarating dito sa kalunsuran, bagkus silang nagtanim na rin. Makiisa tayo sa kanilang pakikibaka—Pambansang Lakbayan ng mga Magsasaka na isinasagawa sa ngayon, pati na ang mga lokal na bungkalan—para sa tunay na reporma at karapatan sa lupa. Kinakailangan ito upang tuluyang mabuwag ang isang mapaniil na sistemang nagpapahirap sa kanila. Marahil ay kakain ka rin ng kanin mamaya pagkatapos mong basahin ito. Damihan mo ang kain, at samahan sila sa mga pagkilos sa mga darating na araw.

95

PHILIPPINE COLLEGIAN

SANNY BOY AFABLE

PUNONG PATNUGOT

ALDRIN VILLEGAS

KAPATNUGOT

SHEILA ANN ABARRA

TAGAPAMAHALANG PATNUGOT

JOHN DANIEL BOONE

PATNUGOT SA BALITA

ROSETTE ABOGADO JAN ANDREI COBEY ADRIAN KENNETH GUTLAY CHESTER HIGUIT

PATNUGOT SA GRAPIX

CAMILLE JOYCE LITA

TAGAPAMAHALA NG PINANSIYA

JOHN RECZON CALAY JOHN KENNETH ZAPATA

KAWANI

AMELYN DAGA

PINANSIYA

MAHIRAP PAGSABAYIN ANG pagsusulat sa Kulê at pag-aaral ng Economics. Halos magkasalungat ang pananaw ng dalawang ito, kaya naman laging nagtatalo ang manunulat at estudyante sa loob ko. Kung paanong namamayani ang kontradiksyon sa ating lipunan, gayon na rin yata ang naging karanasan ko sa loob ng halos apat na taon sa unibersidad. Kung tutuusin, halos parehong mga isyu ang tinuturol ng Kulê at pinagaaralan sa Economics. Nariyan ang iba’t ibang sektor ng lipunan, ang likas na yaman ng bansa, ang krisis sa ekonomiya, at kung anu-ano pang mabibigat na usapin na marahil mababasa mo kay Samuelson o sa mga pahina ng Lathalain. Sa semestreng ito halimbawa, kumuha ako ng Agricultural Economics. Katatapos lang namin sa talakayan sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas. Batay sa mga datos, malinaw ang kabalintunaang agrikultural na bansa ang Pilipinas subalit karamihan sa mga mahihirap ay magsasaka. Sa pagsusulat ko naman sa Kulê, nabigyan ng mukha ang mga araling tulad nito. Noong nakaraang Disyembre, nakipamuhay kami sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita na sa mahabang panahon ay pinagkaitan ng pagmamayari sa lupa. Sinubaybayan ko ang kanilang kwento mula unang taon ko sa Kulê, kung kailan nababakuran pa ang Hacienda. Sa pagbalik ko makalipas ang apat na taon, binuwag na ang mga pader at nakapagsasaka na sila sa sariling lupa.

May mga pagkakataong nagkakasundo ang ako na Kulê writer at ako na Economics major. Sa usapin halimbawa ng pagmamayari sa lupa, tinatalakay sa Kulê ang karapatan ng magsasaka sa matagal na nilang sinasakang lupa. Pagdating sa Economics, tinitingnan bilang insentibo ang pagmamay-ari sa lupa para maging mas produktibo ang magsasaka dahil sa kanya napupunta ang buong kita. Liban sa mga ganitong pagkakataon, laging magkatunggali ang aking dalawang mundo. Malinis ang pagpapalagay ng Economics sa malayang merkado, na kaya itong isalba sa mga pagkakataong ito ay pumapalya. Sa kabilang banda, nakikita ng Kulê ang mga krisis at kontradiksyon na nililikha ng konsumerismo at ng namamayaning sistemang kapitalismo. Kaya naman pagdako ng aming klase sa usapin ng polisiya sa agrikultura, maraming teorya ang sumusuporta na dapat tunguhin ang market-oriented sa halip na subsistence-oriented na pagsasaka. Kailangan ng kita ng mga magsasaka, lalo na ng reserba at panangga sa panahon ng kalamidad. Sa rasyunal na pagtingin ng Economics, makakamit ito sa pamamagitan ng liberalized sa halip na protectionist na polisiya. Nangangahulugan ang pagliberalisa ng pagpasok ng mas murang produkto mula sa ibang bansa. Makikinabang ang mga mamimili sa mas mababang presyo at makatutulong ang pagtaas ng pagkonsumo sa paglago ng ekonomiya.

Ngunit maaapektuhan naman ang mga lokal na prodyuser ng palay dahil hindi nito kayang makipagsabayan sa kumpetisyon. Kasabay ng pagbabawas ng proteksyon, pagtutuunan ng pansin ang mga produktong may “comparative advantage” tulad ng saging at kape sa halip na bigas. Sa mahabang panahong inilalaan ang malaking badyet sa bigas, bakit nga naman kalabaw pa rin sa halip na traktora ang katuwang ng magsasaka? Tinanong kami ng aming propesor: “Agriculture for whom?” Kung tatahakin man namin ang pagiging ekonomista at paggawa ng polisiya, malinaw dapat ang aming sagot. At sa pagtuklas ng kasagutan, hindi sasapat ang mga leksyon sa airconditioned classroom, ang pagbabasa ng textbook, ang pagsusuri sa estadistika. Rekisito ang pagpunta at pagkilala sa kundisyon ng sektor na primaryang maaapektuhan ng polisiya. Sa linyang ito nagkakatalo ang isang ekonomista ng bayan at isang “ivory tower economist.” Madaling maghain ng polisiya, subalit lubhang mahirap tingnan sa mata ang mga apektado kapag ito ay pumalya. Kaya naman mainam na rin siguro na ipinagpatuloy ko ang pagsusulat sa Kulê kasabay ng pag-aaral ng Economics. Dahil sa pagharap sa mga kontradiksyon, napapatalas ang suri at nagagawa ang pagpili.

GARY GABALES

TAGAPAMAHALA SA SIRKULASYON

TO WRITE IS ALREADY TO CHOOSE ALDRIN VILLEGAS

AMELITO JAENA OMAR OMMAMALIN

SIRKULASYON

TRINIDAD GABALES GINA VILLAS

KATUWANG NA KAWANI

KASAPI UP SYSTEMWIDE ALLIANCE OF STUDENT PUBLICATIONS AND WRITERS’ ORGANIZATIONS (UP SOLIDARIDAD)

COLLEGE EDITORS GUILD OF THE PHILIPPINES (CEGP) PAMUHATAN SILID 401 BULWAGANG VINZONS, UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, DILIMAN, LUNGSOD QUEZON 1101 TELEFAX 981-8500 LOKAL 4522

Sa mahabang panahong inilalaan ang malaking badyet sa bigas, bakit nga naman kalabaw pa rin sa halip na traktora ang katuwang ng magsasaka?

ONLINE phkule@gmail.com www.philippinecollegian.org fb.com/phkule twitter.com/phkule instagram.com/phkule issuu.com/philippinecollegian pinterest.com/phkule

      

UKOL SA PABALAT DISENYO NI GUIA ABOGADO

HUWEBES 26 OKTUBRE 2017

7

O PIN YON


L U PA I N N G LIGALIG

,,

Tayo ay anak ng mga magsasaka — silang nagbibigay ng pagkain sa hapag, silang bumubuhay sa bayan, at silang patuloy na nasasadlak sa kahirapan.

MALINAW ANG PATAKARAN NG pamahalaan hinggil sa kanayunan: magbungkal ng mga krisis, magtanim ng matatamis na pangako, at kalauna’y ipandilig ang dugo ng mga pinaslang na magsasakang Pilipino. Matinding salot itong nagtutulak sa mga magsasaka upang igiit at ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupa. Pinakamahirap sa lahat ng sektor ng lipunan ang mga pesante: pito sa sampung magsasaka ang walang sariling lupa, habang higit sa 80 porsyento ng lahat ng lupa sa bansa ay pagmamay-ari ng wala pa sa isang-katlo ng mga maylupa sa Pilipinas. Kontrolado magpahanggang-ngayon ng makapangyarihang iilan ang malawak na mga lupain sa bansa. Hindi pa rin nabubuwag ang malawak na mga hacienda, tulad ng 39,000 ektaryang Hacienda Esperanza sa hilagang Luzon, habang ilang daang ektarya pa ang hindi naipapamahagi sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Mahigit kalahating milyong ektarya ay sinasakop ng mga plantasyon, na karamihan ay pagmamay-ari ng mga korporasyong transnayunal. Nasa kamay nila ang produksyon, habang pinananatiling primitibo ang teknolohiya sa pagsasaka at pinapatay sa katiting na sahod ang mga magsasaka at manggagawangbukid. Silang makapangyarihan ang pinoprotektahan ngayon ng rehimeng Rodrigo Duterte. Ang mala-pyudal na sistema ang tunay na naghahalal ng mga mambabatas at mga pangulong ipag-aadya ang interes nilang iilan. Natunghayan sa kasaysayan na naging kasangkapan ang bawat nagdaang administrasyon upang linlangin ang mga maralitang matagal nang umaasa at nakikibaka para sa tunay na repormang

PHILIPPINE COLLEGIAN

EDITORYAL agraryo. Apatnapu’t limang taon na ang lumipas mula nang lagdaan ng diktador Ferdinand Marcos ang Presidential Decree No. 27, na nagpahintulot sa malawakang bentahan ng mga lupain sa malalaking tenante, at nagpanatili sa sistemang hacienda. Kasing-tuso nito ang pumalit at umiiral pa ring Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), na isinulong sa ilalim ng isang asyenderang pangulo. Dalawampu’t siyam na taon makalipas, libu-libong magsasaka pa rin ang walang sariling lupain. Laganap lalo ang land-use conversion— tinatayuan ang mga lupang pansakahan ng nagtatayugang mga gusali at negosyo, dahilan upang lalong maging mailap ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. Nagsimula man ang pangulo na tangan ang maraming pangako para sa mga magsasaka, maliwanag na wala siyang anumang plano upang isulong ang libreng pamamahagi ng lupa at tunay na repormang agraryo. Nilansag na niya ang pag-asang ito kasabay ng usapang pangkapayapaan, at matapos pagkaisahang tanggalin sa puwesto ang lider-magsasaka at progresibong si Rafael Mariano. Sa lahat ng ito, nagpapatuloy lamang ang siklo ng karahasan laban sa mga magsasaka. Bangungot sa bayan ang naratibo ng mga pesanteng marahas na pinalayas sa kanilang lupain, at karumaldumal na minasaker sa Mendiola, Luisita at Kidapawan. Nagpapatuloy ito sa ilalim ng rehimeng Duterte: 91 mga pesante na ang pinatay ng mga puwersa ng estado, samantalang higit 1,000 ang iligal na inaresto, at 400,000 ang pinalikas dahil sa operasyon ng militar sa mga komunidad. Sa harap ng tumitinding pasismo ay lumalakas ang sigaw ng paglaban ng mga

magsasaka, at hindi tayo maaaring magbingibingihan. Kinabukasan ng bayan ang nakataya sa patuloy na pandarahas at pagsasantabi sa panawagan ng mga magsasaka. May tuwirang epekto sa lahat, lalo sa mga mahihirap, ang isyung agraryo at ang kinahantungang lusak ng agrikultura sa bansa. Isa ang Pilipinas sa pangunahing nagaangkat ng bigas — 1.4 milyon tonelada noong 2016, habang mas mahal ang lokal na produksyon ng palay kaysa sa mga karatig nating bansa. Subalit tinatahak ng estado ang pagpapaunlad at pagluluwas ng ibang produktong pananim, na nasa kamay pa rin ng malalaking korporasyong agribusiness tulad ng Tadeco, na kumamkam sa 2,276 ektaryang lupa ng mga magsasaka sa Davao. Anumang iskema sa agrikultura ang ihain ng pamahalaan, mananatili itong atrasado kung iilan lamang ang makikinabang, at hanggang hindi nagwawakas ang problema sa lupa. Kung kaya kahingian mula sa lahat, lalo sa mga kabataan, na kumilos kasama ng mga magsasaka para sa tunay na repormang agraryo. May sapat na dunong at sikhay ang mga mag-aaral ng UP upang lumikha ng modernong teknolohiya para sa pagsasaka at sa pagpapaunlad ng agrikultura. Ang tunay na tunguhin ng pagsasaliksik ay pagsisilbi sa sambayanan, hindi sa makapangyarihang iilan. Tayo ay anak ng mga magsasaka — silang nagbibigay ng pagkain sa hapag, silang bumubuhay sa bayan, at silang patuloy na nasasadlak sa kahirapan. Patuloy silang sinisikil ng kanilang abang kalagayan, kaya’t sa loob man ng pamantasan o sa lansangan, marapat tayong tumindig kasama nila, matapang at walang pag-aalinlangan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.