Philippine Collegian Issue 14

Page 1

PARA SA NAKARARAMING PILIPINO, inihuhudyat ng buwan ng Setyembre ang papalapit na panahon ng Kapaskuhan. Ngunit para sa mga nabuhay noong dekada ‘70, ipinaaalala ng Setyembre ang isa sa pinakamadilim na yugto sa kasaysayan ng lipunang Pilipino—ang pagpataw ng Batas Militar o Martial Law (ML). Laganap na kahirapan, kabi-kabilaang sa paglabag malawakang korupsyon, karapatang pantao at tahasang pagsikil sa demokratikong karapatan ng mamamayan Opisyal na lingguhang ang iniwang bakas ng ML sa naratibo ng bansa. pahayagan ng mga Gayunman, ang mismong lagim na inihasik mag-aaral ng Unibersidad nagpaalab at nagpasidhi ng ML ang lalong ng Pilipinas - Diliman sa mga ningas ng pagbabago. Subalit apat na dekada matapos ang “kalayaan” at “pagbawi Tomo 90, Blg. 14 sa demokrasya,” ano na nga ba ang kalagayan ng Setyembre 19, 2012 nakararaming Pilipino? Sa kanayunan, nananatiling walang pagmamay-aring lupa ang mga magsasaka. Sa kalunsuran, hindi pa rin dinidinig ang matagal nang hinaing ng mga manggagawa para sa makatarungan at nakabubuhay na sahod. Sa mga pamantasan, nariyan pa rin ang mga panawagan para sa sapat na badyet sa edukasyon at mas maayos na serbisyong pangkalusugan. Sa mga lansangan, patuloy ang panawagan para sa makabuluhang panlipunang pagbabago. At sa pagdiriwang ng ika-40 taong anibersaryo ng ML, marapat lamang balikan ang mga aral na nabuo at iniluwal sa panahon ng ligalig —at gamitin ang mga ito bilang mabisang gabay at tanglaw upang tuluyang maiwaksi ang dilim at lagim.

Lathalain


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.