Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman Tomo 90, Blg. 17 N0byembre 22, 2012
Ngayong buwan ng nobyembre, gugunitain natin ang dalawa sa pinakamalagim na mga insidente sa kasaysayan ng Pilipinas, At sa gitna ng mga pahayag na hindinghindi natin makalilimutan ang karahasan sa mga masaker sa Maguindanao at Hacienda Luisita, nananatili ang mga imahen at gunita ng mga trahedya na nangangailangan ng higit pa sa pag-alala.
Kultura - Lathalain
Panawagan sa pananagutan Punong Patnugot Kapatnugot
Patnugot sa Balita Patnugot sa Lathalain Patnugot sa Grapix
Mga Kawani
OPINYON Huwebes 22 Nobyembre 2012
Pinansya Tagapamahala ng Sirkulasyon Sirkulasyon
Mga Katuwang na Kawani
Kasinungalingan at kawalang-katiyakan ang patuloy na tugon ng pamahalaan sa panawagan ng sambayanan para sa higit na pananagutan. Wala pang tatlong taon sa posisyon si Pangulong Benigno Aquino III ngunit ganap na nga niyang nalimot ang kanyang mga pangako noong panahon ng kampanya. Gaya ng marami sa kanyang mga hungkag na retorika ng pagbabago, ibinaon na sa limot ni Aquino ang pagpasa sa Freedom of Information (FOI) Bill. Malinaw ang mensaheng nais niyang iparating: hindi pangunahing tunguhin ng kanyang administrasyon ang pagsasabatas sa konstitusyonal na karapatan ng mamamayan na malayang humingi at gumamit ng impormasyong hawak ng gobyerno. At sa pagkitil sa FOI ng mga kongresistang kaalyado ng administrasyon nitong nakaraang linggo, mas higit na naibubunyag ang kahungkagan ng pangakong pagbabago ni Aquino. Gayong korupsyon ang sentro ng kanyang plataporma, lumalabas na wala rin siyang pinagkaiba sa mga opisyal na takot sa pagbubukas ng pamahalaan sa pang-uusisa ng madla. Hindi na rin nakapagtatakang nababahala si Aquino sa maingay
na suporta ng mamamayan sa FOI. Sa higit dalawang taong panunungkulan, marami nang lihim ang rehimen na nais nitong manatiling nakabaon sa madilim na lambong ng burukrasya. Gaano man magmalinis ang rehimeng Aquino, may mga baho itong hindi na nagagawang pagtakpan. Sa isang ulat ng Commission on Audit noong Oktubre, lumilitaw na aabot sa P101.816 bilyon sa pambansang badyet noong 2011 ang hindi napakanibangan ng taumbayan dahil sa korupsyon, patunay na laganap pa rin ang katiwalian sa pamahalaan. Gayundin, sa pambansang badyet para sa susunod na taon, kaduda-duda ang paglalaan ng malalaking halaga sa mga kagawaran at programang hawak ng mga kaalyado ng Partido Liberal, habang patuloy ang pambabarat sa mga batayang serbisyong tulad ng edukasyon at kalusugan. Ilang buwan bago ang halalan sa Mayo, kahina-hinala rin ang paglalaan ng P317.5 bilyong “special purpose funds” at P117.5 bilyong “unprogrammed funds” para sa 2013. Dahil walang partikular na detalye o paliwanag na kalakip ang mga halagang ito, malaya ang mga ahensyang
gastahin ang nasabing mga pondo sa anumang paraan nila naisin. Sa ganitong mga kalagayan pinakamakabuluhan at pinakamapagpasya ang FOI. Ibinubukas nito ang mga tala ng gobyerno, at pinapadali at pinapahusay nito ang ating pagmamatyag — hindi lamang sa kung paano ginugugol ng pamahalaan ang ating mga buwis, kundi sa kung paano rin ginagamit ng mga opisyal ng gobyerno ang kapangyarihang ipinagkatiwala natin sa kanila. Sa bisa ng FOI, maisasapubliko ang mga dokumentong kasalukuyang hindi malayang nasusuri ng publiko: mga taunang ulat ng yaman ng pinakamatataas na mga opisyal ng bansa, mga kontrata at kasunduang pinapasok ng gobyerno, mga dokumentong nagdedetalye sa gastusin ng bawat ahensya’t kagawaran, at iba pang mga papeles na may kinalaman sa interes ng taumbayan. Subalit sa halip na yakapin ni Aquino ang prinsipyo ng bukas at tapat na paglilingkod, na siya namang lagi niyang ipinangangalandakan, pinili niyang ibuhos ang kanyang sigasig sa mga taktikang sumusupil sa mga karapatang magpahayag, makisangkot, at bumalikwas. Ilang buwan lamang ang nakararaan, ipinasa sa basbas ni
Aquino ang dalawang batas na mas nagpakitid pa sa limitado nang espasyo ng malayang pamamahayag—ang Cybercrime Prevention Act, na naglalayong wakasan ang malayang pamamahayag sa Internet sa pamamagitan ng mga mapanikil na probisyon gaya ng higit na parusa para sa libel, at ang Data Privacy Act, na naglalayong parusahan ang sinumang maglalathala ng impormasyong itinatakdang pribado ng gobyerno. Sa pagkakait ng kalayaan sa mga karaniwang mamamayan, gobyerno na rin ang kumilalang wasto at lapat sa kalagayan ang papalakas na panawagang panagutin ito sa mga pagkukulang sa sambayanan. At kasaysayan na ang nagpapatunay – mula sa pagpapabagsak kay Marcos hanggang sa pagpapatalsik kay Estrada – na may kakayahan ang sambayanan na maningil at bumalikwas, lalo na sa harap ng labis-labis na paninikil. Sa patuloy na paghabi ng kasinungalingan ng rehimeng Aquino, nararapat lamang na maging lalong mapagmatyag ang bawat Pilipino, at dinggin ang atas ng panahon na muling magpamalas ng kolektibong lakas upang mabawi ang mga karapatang ipinagkakait ng pamahalaan.
Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Email kule1213@gmail.com Website philippinecollegian.org Kasapi Solidaridad: UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations, College Editors Guild of the Philippines Ukol sa Pabalat Dibuho ni Luigi Almuena
Editor’s Note It seems that the students have considerably lost their alertness to perceive if not altogether the disposition to interest themselves in affairs of importance. Indifference Jose H. Y. Masakayan November 14, 1956
As the Philippine Collegian celebrates its 90th year, we revisit lines from prized editorials that defined the publication’s tradition of critical and fearless journalism.
Pag-amyenda sa proseso ng pagpili sa SR, muling isinusulong MULING IPINANUKALA NG ilang konseho ng mag-aaral ang pag-amyenda sa mga probisyon ng Codified Rules for Student Regent Selection (CRSRS), ang panuntunan sa pagpili sa tanging kinatawan ng lahat ng magaaral ng UP System sa Board of Regents, ang pinakamataas na lupong tagapagpasiya sa unibersidad. Naghain ng magkahiwalay na panukala ang UP Diliman College of Social Sciences and Philosophy Student Council (CSSP SC) at UP Baguio University Student Council (UPB USC) upang amyendahan ang CRSRS, sa Office of the SR (OSR) noong Oktubre 1. Nakatakdang pag-usapan ang mga panukalang pagbabago sa CRSRS sa General Assembly of Students (GASC) sa UP Los Baños mula ika-20 hanggang ika-21 ng Disyembre. Nais ng CSSP SC at UPB USC na magtakda ng “minimum academic requirement” para sa mga
nominado bilang SR. “[T]he SR must embody UP’s principle of excellence. The student must not be in the probation status or graver in the semester prior to his or her nomination,” ayon sa CSSP SC. Sa ilalim ng Article 3 (1) ng kasalukuyang CRSRS, maaaring maging nominado bilang SR ang sinumang Pilipinong estudyante na naka-enrol sa panahon ng kanyang nominasyon, may isang taong residency, at track record ng pagsisilbi sa mga kapwa estudyante. Tuwirang nakasaad sa Article 3 (2) ng CRSRS na hindi maaaring maging batayan ang academic standing para sa diskwalipikasyon ng isang nominado. Ipinanukala din ng CSSP SC at UPB SC na mabigyan ng tigiisang boto ang mga college SC (CSC) at USC ng anim na autonomous unit (AU) at limang regional unit (RU) na bumubuo sa UP System. Panukala rin ng dalawang
konsehong tanggalin ang rekisitong magkasundo o magkaroon ng consensus ang lahat ng mga konseho upang maideklara ang napiling SR. Sa kasalukuyang CRSRS, may tig-dalawang boto lamang ang bawat AU at tig-isa naman ang bawat RU, at kinakailangang umabot sa consensus ang GASC sa pagpili sa rehente. Nais naman ng UPB USC na “ma-depoliticize” ang pagpili ng SR sa pamamagitan umano ng pagtanggal sa probisyon ng CRSRS na kumikilala sa makasaysayang papel ng Katipunan ng Sangguniang Mag-aaral sa UP (KASAMA sa UP) sa pagkakatatag ng OSR. Panukala naman ng CSSP SC na buksan na lamang ang pag-amyenda sa CRSRS kada tatlong taon. Mula 2007, taun-taong ipinapanukala ang pagkakaroon ng minimum academic requirement at “one-council-one-vote”
na sistema ng botohan, at ang pag-alis sa partisipasyon ng KASAMA sa UP sa pagpili ng SR. Gayunman, walang kinatigang panukala ang GASC sa nakalipas na limang taon. Hindi umano sapat na basehan ang academic standing ng mga nominado upang matukoy ang kanilang kakayahang pamunuaan at katawanin ang mga magaaral, ayon sa mga konsehong hindi bumoto para sa panukala sa nakaraang GASC. Kung sakali namang ipasa ang panukalang “one-council-onevote,” maaaring mapasakamay ng iilang AU na may maraming CSC ang pagpili sa SR, ayon sa ilang kasapi ng KASAMA sa UP. Kinikilala lamang din umano ng CRSRS ang “historical role” ng KASAMA sa UP sa pagpapatibay ng OSR at hindi ito binibigyan ng espesyal na kapangyarihan sa pagpili ng SR.
UP faculty set to vote for next FR ALL OF UP’S REGULAR 3,544 academic employees will vote for the next Faculty Regent (FR), their lone representative in the Board of Regents, UP’s highest policy-making body, from November 19 to 22. All four nominees are from UP Manila (UPM): Dr. Lourdes Abadingo, Dr. Marilou Nicolas, and Prof. Roland Simbulan, from the College of Arts and Sciences, and Dr. Generoso Abes from the College of Medicine (see sidebar). Prof. Antonio Dans of the UPM Department of Clinical Epidemiology garnered 52 nominations for FR candidacy, but he declined to be included in the final list of nominees.
According to UP President Alfredo Pascual’s October 5 memorandum, the 2012 selection process will be based on the 2010 rules, which stipulate that each constituent university shall field nominees on a yearly, rotating basis. With current FR Ida Dalmacio hailing from UP Los Baños, next year’s FR will be from UPM, the memorandum said. Since the rules prohibit any form of campaigning, the All-UP Academic Employees Union (AUPAEU) instead held public fora for candidates to answer questions from the UP community. The AUPAEU held this year’s round of fora in UPM on November 7 and 13.
The next FR must strengthen response to issues in different units, said AUPAEU-UPM president Guillie Panisa. “Sa pag-iikot namin sa mga campuses, [nalaman namin na] matagal ang mga desisyon sa mga cases [katulad ng delayed] promotions and tenure. Dapat [bilang] FR, may time siya [para doon].” Constant presence in various CUs would allow quick response to non-compliance to policies and procedures on promotion and tenures, Panisa explained. The FR must ensure that the promotion criteria is just and fair in all CUs, because some faculty are not promoted even if they already meet the requirements, she added.
Salaries to finance these promotions must also be addressed, Panisa said. According to the 2008 UP Charter, UP must devise its own compensation plan to match faculty salaries with their private sector counterpart. A full professor in UP currently earns about P30,000 per month, while professors in Ateneo de Manila University and De La Salle University earn as much as P50,000 and P94,000, respectively. “Maraming expectations na hindi nagawa ang dating FR, kaya kailangang [tugunan] na ito ng [susunod na] FR,” said Panisa.
According to the 2008 UP Charter Section 3(c), UP shall “serve as a research university in various fields of expertise and specialization [and] contribut[e] to the dissemination and application of knowledge.” How can UP truly encourage homegrown research and streamline the process for providing research grants to qualified faculty? Dr. Lourdes E. Abadingo 475 nominations Professor 12, College of Arts and Sciences Former University Secretary and BOR Secretary “I would conduct a dialogue [with] campus administrators [and] appointed faculty. Isang ginagawa [to] encourage research ay may credit load na binibigay from around 3 to 6 units. [This] should give time to [do] research. Kailangan mastreamline ang proseso dahil madidiscourage ang mga gusto magresearch.”
Dr. Generoso Abes 41 nominations Professor 8, College of Medicine Director, Philippine National Ear Institute, National Institutes of Health, UP Manila “Napakaraming research grants, pero sino ang kukuha kung napakahirap naman kunin? [The] Technical Review Board should give us a booklet kung ano ang tamang steps. Dapat isimplify iyon at turuan tayo ng support [personnel] na nakakaintindi ng content nito.”
Ang pagpili sa SR •Pagtatakda sa paraan ng pagpili sa SR Maaaring ipanukala ng sinumang estudyante ang pag-amyenda sa CRSRS bago ang ika-2 ng Oktubre. Tatalakayin ang mga panukalang pagbabago sa unang pulong ng GASC na kadalasang ginaganap sa katapusan ng unang semestre. Ipapasa lamang ang mga panukalang amyenda kung sasang-ayunan ito ng higit sa kalahati ng mga konsehong dumalo sa GASC. BALITA •Nominasyon Maaaring magpasa ng nomi- Huwebes nasyon ang sinumang estudy- 22 Nobyembre ante o grupo sa kanilang CSC o 2012 USC. Sasalain ng CSC ang mga nominasyon at ipapasa ang mga ito sa USC, o sa OSR kung walang konseho ang kanilang UP unit. •Pagtanggap o pagtanggi sa nominasyon Upang tanggapin ang nominasyon, kailangang maghain ng certificate of acceptance ang mga nominado kalakip ang kanilang vision statement, curriculum vitae, at biodata sa itinakdang panahon ng USC o CSC. Kailangang magpasa sa OSR ang mga opisyal na nominado ng kanilang Vision Paper at General Plan of Action (GPOA) 14 araw bago ang pangalawang GASC. Bibigyan ang bawat konseho ng kopya ng vision paper, GPOA, at pati mga protestang inihain laban sa mga nominado, kung mayroon man. •System-wide na pagpili sa SR Pipiliin ang SR sa pangalawang pulong ng GASC na kadalasang ginaganap sa katapusan ng ikalawang semester. Bago bumoto ang GASC, ilalatag ng mga nominado ang kanilang plataporma at bibigyang pagkakataon ang mga miyembro ng GASC na tanungin ang mga nominado. Pipili ang GASC ng tatlong nominado na muling isasalang sa open forum. Mula sa tatlong nominado, pagbobotohan ng GASC kung sino ang susunod na rehente. Pipiliin rin ang ikalawa at ikatlong nominado na hahalili sa napiling SR kung sakaling hindi nito matapos ang isang buong taong termino.
Dr. Marilou Nicolas 42 nominations Professor 9, College of Arts and Sciences Assistant Vice President for Academic Affairs
Prof. Roland Simbulan 132 nominations Professor 12, College of Arts and Sciences UPM Vice Chancellor for Planning and Development
“[I shall] propose new measures to increase research support, and facilities upgrading for Departments/Institutes provided such support will enhance graduate teaching, research mentoring and increase doctoral graduates.”
“Kailangan maidentify ang specific na problema [sa research grants.] Perhaps after identifying these problems, it should be brought to the attention of the campus administrators. One solution would be improving the management efficiency of our faculty. A system level improvement is needed to hasten facilitation.”
2012 draft of new student code set for UC
BALITA Huwebes BALITA 22 Nobyembre 2012 Miyerkules 27 Hunyo 2012
WITH THE FINAL DRAFT already submitted to the Office of the Chancellor (OC), the proposed 2012 Code of Student Conduct (CSC) now only awaits the approval of the University Council (UC) before it takes effect next academic year. The UP Diliman (UPD) administration plans to convene a special UC meeting in January for the approval of the proposed student code, said Student Regent (SR) Cleve Kevin Robert Arguelles, a member of the drafting committee. The CSC is a set of rules, regulations, and policies govern-
ing the conduct and discipline of students in UPD and its extension programs in San Fernando, Pampanga and Olongapo. The 2012 draft is the third revision of the proposed student code meant to replace the current rules and regulations set in the 1976 Student Guide. “[T]he [current] rules have not adequately addressed issues in student discipline,” according to the proposed CSC primer released by the then UPD administration. The CSC was first drafted in 2009 and later revised in 2010
COUNTERPLAN. Protesters coming from various groups hold a picket protest in front of the North Avenue Station of the MRT in Quezon city on November 19. The group called for the support of commuters by signing a manifesto against the fare hike which the government plans to implement on January 2013. Contributed photo
without student representation in the drafting committee. The administration then maintained that only faculty members can be part of any subcommittee of the UC. In June 2010, the UPD Executive Committee unanimously approved the draft 2010 CSC but the UC failed to discuss it and reach a decision. In 2011, UPD Chancellor Ceasar Saloma formed a Student Review Committee (SRC), composed of then SR Ma. Kristina Conti, University Student Council (USC) Chairperson Jemimah Grace Garcia, other members of the USC, and representatives of organizations, to propose amendments to the 2010 draft CSC. The SRC decided to craft a Student Handbook of Rights and Responsibilities (SHRR), a “counter-handbook” to the CSC. The handbook included a declaration of student’s rights and scrapped contested provisions in the 2010 draft CSC, including the one-semester residency requirement for students who want to join organizations. The SHRR later became the basis for the amendments inserted in the latest draft of the CSC. “The 2012 draft [CSC] provides more comprehensive and pro-student measures with the consideration of the student’s perspective through the student representatives in the drafting committee,” said USC Chairperson Gabriel “Heart” Diño.
Changing the rules: Updating the students’ rights and responsibilities* 2010 draft CSC
2012 draft CSC
Student rights are based on the 1987 Philippine Constitution, UP Charter, Education Act of 1982, Campus Journalism Act and Anti-sexual Harassment Act.
Specific student rights are provided for in a separate document. The drafting committee has yet to finalize the said document.
Freshmen and transferees are barred from joining organizations until they fulfill one semester of residency.
Freshmen and transferees may start their application process in the first semester. However, they may not be inducted as members until the second semester.
Only three bodies may hear disciplinary Aside from the three existing bodies, cases: the Student Disciplinary Council, the Vice Chancellor for Student Affairs the College Disciplinary Committee and may form Ad Hoc Disciplinary Committhe Inter-College Disciplinary Comtees for cases involving organizations to address delay in the delivery of resolumittee. tion of such cases.
Some violations of the rules provided in the CSC are not defined. For instance, the definition of plagiarism varies per college.
Suspended students may instead render 30 hours of community service for every five days of suspension.
Plagiarism is defined as “the appropriation of another person’s ideas, processes, results or words without giving appropriate credit.”
Suspended students may instead render 15 hours of community service for every one week of suspension.
Sources: Office of the Vice Chancellor for Student Affairs, Office of the Student Regent *select provisions of the proposed student code
‘PGH director nominees will not reform PGH policies’ – AUPWU-M WITH BOTH NOMINEES FOR the next Philippine General Hopsital (PGH) director coming from the incumbent administration, there is no hope for genuine policy reforms for the UP-run medical institution, according to the All-UP Workers Union - Manila (AUPWU-M), the labor union of about 3,800 staff in UP Manila (UPM). The Board of Regents (BOR) is expected to convene in January to select the next PGH director between only two candidates: Dr. Jose Gonzales, PGH director since 2010, and his cousin, incumbent Deputy Director for Health Operations Dr. Ester Bitanga. Both officials have served in the PGH since they graduated
from UPM College of Medicine about 40 years ago. Every three years, the BOR elects a new PGH director from a roll of nominees screened by the UPM Chancellor. Any PGH personnel may nominate any PGH medical professional who “considers resource generation an important function,” among other requirements. The nominations period ran from September 24 to October 8. PGH Coordinator for Resource Generation Dr. Jose Joven Cruz nominated Gonzales, who was the sole nominee until PGH Coordinator for Equipment and Rates Dr. Racel Querol nominated Bitanga on the last day of nominations.
Some PGH doctors also considered running for the directorship but did not do so, because it would be unlikely to win against the current director, said Staff Regent Jossel Ebesate. “Ang punto ng pagkakaroon ng maraming kandidato ay para magkaroon ng magkakaibang tao, magkakaibang prayoridad. Kung magkaalyado lang din ang choices mo, wala ding [tunay na alternatibo], said AUPWU-M President Benjamin Santos. Several groups, incuding AUPWU-M and Ebesate, have criticized the Gonzales administration for implementing 152 new service fees for the poorest PGH patients. Essential in diagnosing various diseases, these services
include urinalysis, stool examinations, and x-rays. These new fees, however, are only intended to determine the actual operational costs of the PGH and may still be waived upon request by the patients and upon approval of the administration, Gonzales said. Out of the P2.48 billion needed by the PGH next year, only P1.48 billion has been allocated in the 2013 national budget approved by the House of Representatives last month. No budget was allocated for the PGH’s capital outlay, the fund for new infrastructure and equipment. “Hindi dapat mga mahihirap [na dapat na pinagsisilbihan nang libre ng pampublikong ospital] ang
magbear ng burden para sa mga pangangailangan ng ospital,” said Santos. Under another Gonzales directorship, however, it would be unlikely for future policies in the PGH to go against the government’s abandonment of the health sector, Ebesate said. “Kailangan ng PGH ng isang director na kasama sa paglaban para sa greater state subsidy. Hindi ‘yung hahayaan tayong mabiktima ng plano [ng pamahalaan] na isapribado ang mga pampublikong ospital,” said Santos.
Private lawyers in Lordei case to file new charges against suspect FIVE MONTHS AFTER THE Diliman Legal Office (DLO) failed to pre-empt the bail of the suspect in the attack on UP Diliman (UPD) Political Science student Lordei Camille Anjuli Hina, new private lawyers will take over the case and file new non-bailable charges in the next few months. The suspect, Danmar Vicencio, posted bail in June and currently faces robbery charges filed at the Quezon City Regional Trial Court Branch 91. In a pre-trial hearing on November 8, Lordei’s new private lawyer, Atty, Eric Mesoga, resubmitted police reports, statements and medico-legal documents in support of the case. DLO lawyers Atty. Victoriano Hipe and Atty. Allan Roxas initially filed “robbery with frustrated homicide” against Vicencio, but the city prosecutor only approved a case of “robbery with unnecessary violence,” due to “lack of evidence.” Lordei, who
was the primary witness, was not able to testify at the time. As the formal trial begins on February 11, the prosecution will present the first of at least five witnesses to testify in court, including a friend of Lordei’s, who was with her before the incident happened. Another possible witness is the Vinzons Hall security guard on duty when the incident happened, said Vice Chancellor for Student Affairs Ma. Corazon Tan. Lordei sustained multiple stab wounds in her arms and head after Vicencio attacked her and stole two laptops, a flash drive, and an external drive at the UPD University Student Council (USC) office on February 2. The suspect tried to flee but was arrested by the UPD Police. The police has yet to arrest Vicencio’s alleged accomplice, Dante Santos, who was able to escape from the crime scene.
Lordei underwent a successful brain surgery and is currently under therapy at home. She has regained her ability to talk in conversations, but she is still unable to testify in court or return to school, her friend said. Hina’s family still needs to settle P1 million of Hina’s P2.2 million hospital bill, her friend said. So far around P513,000 have been raised by the UPD community, Vice Chancellor for Student Affairs Prof. Ma. Corazon Tan said. “We hope to see the the UP community rally behind Lordei again… Lordei’s health and [financial] woes aside, this has shown what a nightmare it is to deal with [the UP administration’s] circuitous procedures,” Former Student Regent (SR) Ma. Kristina Conti said. Meanwhile, UPD will undergo a five-year program to improve campus security, said Chief Security Officer and UPD Community Safety and Welfare Committee (CSWC) Vice Chair Prof. Edgardo Dagdag. The said program includes the renovation of the UPDP headquarters, purchase and maintenance of security equipment and the train-
ing and development of security personnel. From 100 police officers in the 1970s, the UPDP is now composed of only 39 policemen, said Sgt. Luisito De Vera of UPD Police (UPDP). UPD’s security force also currently includes 52 Special Services Brigade personnel, 268 security guards, and 15 members of the Task Force on Squatting, Community, Housing and Utilities, according to CSO records. Meanwhile, recent plans to tighten campus security like the use of Radio Frequency Identification cards (RFID) will be implemented in two years, UPDP Maj. Bernie Baltazar told the Collegian. Once implemented, UPD students and staff would need to use RFID cards to enter road gates. Conti and current SR Cleve Kevin Robert Arguelles however condemned the inability of the administration to adequately support Lordei and her family and utlimately resolve security issues on campus. “Wala namang substantial improvements sa security. [Mas] kailangang dagdagan yung [359] security personnel sa campus,” current SR Cleve Kevin Robert Arguelles said.
72 = Number of theft and robbery cases from January to October 2012 3 = Number of cases of robbery with frustrated homicide this year alone 1 = Number of security personnel for every 70 students enrolled last semester 302 = Number of security guards on campus in December 2011 234 = Number of security guards on campus by January 2012, a few BALITA weeks before Lordei was attacked Huwebes at the UPD USC office Top 6 Crime-Prone Areas in UPD
22 Nobyembre 2012
North Sector 1.Area 1 2.Shopping Center 3.Molave Residence Hall
SOUTH SECtor 4.Philcoa-Unimall Area 5.Palma Hall 6.Hardin ng Rosas
Sources: Chief Admnistrative Officer (Security) and UP Diliman Police
Still no justice for Leonard Co
KALBARYO. Malungkot na inalala ni Isaias Acosta ang paghihirap na dinaranas ng anak niyang detinidong politikal na si Ericson Acosta sa isang forum sa UP Manila noong Pandaigdigang Araw ng mga Bilanggong Manunulat, Nobyembre 15. Mahigit isang taon nang ikinulong sa Samar ng mga militar ang manunulat at human rights activist na si Ericson Acosta sa paratang na siya’y kasapi ng New People’s Army. Nananawagan ang Philippine Center of the International PEN (Poets, Playwrights, Essayists, Novelists) at pamilya ni Ericson sa agarang pagpapalaya sa mga detinidong manunulat.
HUMAN RIGHTS AND environment groups picketed the Department of Justice (DOJ) to call for the speedy resolution on the death of former UP professor and renowned botanist Leonard Co and his two companions who were allegedly killed by members of the Philippine Army two years ago. Until the DOJ prosecution committee decides there is enough evidence against the suspected soldiers, the Co family cannot file formal charges in court, said Leonard’s wife, Glenda Co. By delaying this resolution for two years, the DOJ seems to be deliberately burying the case, she added. Through a motion for resolution on October 11, Atty. Evalyn Ursua, lawyer of Co’s family, called for the release of the DOJ decision. In November 15, Justice Secretary Leila de Lima said she will ask DOJ Prosecutor General Claro Arellano to verify the exact status of the case. The DOJ was supposed to reach a decision 60 days after receiv-
ing the charges but has since only delayed the resolution, said UP professor and convenor of the Justice for Leonardo Co Movement, Giovanni Tapang. In January 2011, Co’s family and supporters lodged murder charges against 38 members of the 19th Infantry Batallion of the Philippine Army who allegedly killed Co and his two companions, forest guard Sofronio Cortez and farmer Julius Borromeo, in the forests of Kananga, Leyte in November 2010. Co and four others were conducting an inventory of native tree species for a reforestation program of the company where Co worked, when shots were fired at the five, said farmer Policarpio Balute, who was among the two who survived the ambush by hiding behind the trees in the forest. The DOJ fact-finding panel, however, cleared the accused members of the charges, claiming the shots came from a group of “communist rebels” with whom the military had “crossfire.” Meanwhile, an investigation by
a group of scientists from the Advocates of Science and Technology for the People in 2010 revealed that the trajectory of the bullet marks left on the trees came from only one direction, implying that there was no “crossfire” and that the soldiers aimed directly at the victims. Out of the 47 environment advocates killed since 2001, 18 were murdered during the two years of President Benigno Aquino III’s administration and none have been brought to justice, according to human rights group Karapatan. “The trend is alarming. Everybody is in danger of the [military’s] impunity. Dahil nga kahit mga kagaya ni Leonard na gumagawa lamang ng scientific pursuits, tinitira ng militar dahil lahat ng nasa bundok ay rebelde [para sa kanila],” said Tapang. Aquino should take action in this case because there is enough physical and forensic evidence to point out that the military is guilty, Tapang added.
FIRST PERSON. In a perfect world, ego messages would be obsolete. And segments like this, where complaints, critiques and praises are aired would be non-existent. The world is flawed, however, and people need outlets for their angst, thrill, and stones. This is the space for it.
NOBYEMBRE 16, 2012, 4:15 N.U., UP Diliman — Mahimbing pa ang tulog ng buong Kamaynilaan, Huwebes subalit abala nang nagtitipon ang 22 Nobyembre mga kasapi ng All UP Workers 2012 Union, kasama ang ilang mga makikisabay sa biyahe pa-Tarlac tulad ko at ng kasamang Kulê photographer. Tumulak patungong Hacienda Luisita Inc. (HLI) ang sinasakyan naming bus. Isang paggunita ang magaganap, isang muling pag-alala sa mga nasawi noong araw na iyon walong taon na ang nakararaan. Ito ang unang beses na harapan kong matutunghayan ang buhay sa HLI. At para sa mga tulad kong ngayong pa lamang makakapunta sa nasabing asyenda, tanging mga naratibo sa diyaryo at telebisyon lamang ang baon kong memorya ukol sa gugunitaing trahedya. 7:00 n.u. Brgy. Balite, Hacienda Luisita Inc. (HLI), Tarlac City— Makulimlim pa rin ang kalangitan, tila nakikiisa ang panahon sa KULTURA
gugunitaing okasyon. Pagdating sa HLI, sama-sama naming pinagsaluhan ang simpleng almusal na inihanda ng mga magsasaka roon, kasalo ang mga kasapi ng Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (AMBALA) at United Luisita Workers’ Union (ULWU). Kapansin-pansin ang kutis ng mga magsasakang halatang kinulayan ng sikat ng araw. Kung sabagay, araw-araw nilang kailangang magbanat ng buto sa ilalim ng araw. Bigla kong naisip: kung totoong katamaran ang ugat ng kahirapan katulad nang madalas na sinasabi, bakit gano’ng tila walang kaase-asenso silang mga magbubukid sa kabila ng deka-dekadang pagsasaka? 9:00 n.u. — Pagkatapos ng almusal, nagkaroon ng maikling oryentasyon sa mga magaganap sa buong araw. Naghati kami sa tatlong grupo, at inikot ang 11 barangay sa tinatayang 5,853-ektaryang lawak ng HLI o katumbas ng higit sa 11 UP Diliman campus. Sa dalawang oras naming paglibot, marami akong nakitang mambubukid na may karga-kargang tubo sa kaniyang balikat, at malalawak na lupaing tila nilunod ng walang katapusang karagatan ng talahib. Doon ako natauhang iisang angkan lamang ang may-ari ng napakalawak na lupaing iyon. Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, marami pang malalawak na asyenda tulad ng HLI sa buong Pilipinas. Taong 1957 nang napagdesisyunang ibenta ng may-aring Espanyol ang HLI at Central Azucarera de Tarlac (CAT) sa mga Lopez ng Iloilo. Sinasabing nakialam dito ang dating Pangulong Ramon Magsaysay sa ‘di umano’y takot niyang maging makapangyarihan ang mga Lopez, na nagmamay-ari na rin ng Meralco, ABS-CBN at ilan pang asyenda sa Visayas noon. Pinag-usapan ni Magsaysay at ng kaibigang si Ninoy Aquino, Jr. ang pagbenta ng lupain kay Jose Cojuangco, biyenan ni Aquino. Kalaunan, nabili ng mga Cojuangco ang HLI gamit ang perang ipinautang ng pamahalaan. Kalakip nito ang kasunduang ipamamahagi ang HLI sa mga magsasaka matapos ng 10 taon, subalit hindi nila ito tinupad.
Sa ngalan ng tubo* Makalipas ng limang dekada, makailang pangulo na ang nagdaan, ngunit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin naipamamahagi ang mga lupa—kahit ilang ulit na itong napagwagian ng mga magsasaka sa hukuman. Nitong Abril 2012, matatandaang muling ipinag-utos ng Korte Suprema ang pamamahagi sa 4,915-ektarya ng HLI. Kasalukuyang tinitiyak ng mga magsasaka na karapat-dapat ang mga benepisyaryong makatatanggap ng lupa. Ayon kay Mang Lito, 5, 726 lamang sa 6, 586 magsasakang nasa listahang inilabas ng Department of Agrarian Reform nitong Oktubre 31, ang maituturing na lehitimong benepisyaryo. Binigyan sila ng hanggang Nobyembre 30 upang linisin ang listahan. 11:50 n.u., Central Azucarera de Tarlac, HLI – Nang natapos kaming mag-ikot, nananghalian kami sa tapat ng Gate 1 ng CAT o Central para sa mga magsasaka. Mistulang parking lot ng mga trak na may tone-toneladang tubo ang labas ng Central. Dito magaganap ang paggunita – sa kinatatayuan naming lupang minsang nadiligan ng dugo. Wala akong natatandaan tungkol sa naganap na masaker sa HLI. Nasa elementarya pa ako noong 2004, kaya naman sa mga kwento at dokumentaryo ko binuo ang naratibo ng masaker. Sinasabing panahon pa ng mga Espanyol itinuturing na alipin ang mga magsasaka ng HLI. Humantong sa pagkakataong P9.50 na lamang ang naiuuwing sahod ng mga magsasaka para pagkasyahin— ni hindi man lang sapat pambili ng banana cue sa UP. Ako ma’y maharap sa ganoong kalagayan, ang pagbalikwas ay hindi lamang nararapat—ito’y makatarungan. Mahigit-kumulang 5,000 magsasaka at manggagawang-bukid ng HLI ang nagtindig ng welga noong Nobyembre 6, 2006. Ilang ulit silang pilit binuwag ng mga pulis, subalit hindi sila natinag.
Nang lumaon, nanghimasok ang Department of Labor and Employment, at nagdeklara ng Assumption of Jurisdiction na epektibong nagbigay lisensiya upang pwersahang buwagin ang welga ng militar. Makaraan ng ilang araw, nauwi ang mapayapang protesta sa madugong masaker. Limang magbubukid at dalawang binata ang nasawi. Nasa 121 naman ang nagtamo ng bala at idinala sa ospital. Subalit hindi natigil dito ang mga pamamaslang. Sa mga sumunod na taon, hindi bababa sa walong indibwal na nakikiisa sa ipinaglalaban ng mga taga-HLI, ang pinaniniwalaang pinaslang ng militar. Patuloy namang binabantayan sa Ombudsman ang mga kaso ng pamamaslang na tila hindi umuusad, ani Mang Lito Bais, Chairperson ng ULWU. Sa pagpapalabas ng naturang utos, tila pumanig ang pamahalaan sa mga makapangyarihang mayari ng asyenda. Ayon sa ilang mga napagtanungan, nagkaroon rin ng media blackout noong panahong iyon. Kung nagkataong mas aktibo itong isiniwalat ng media, maaaring higit-higit pa sa batikos na inabot ni ateng “amalayer” ang dumaluyong. 1:00 n.h. – Nagsimula na ang programa. Bitbit ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang grupo ang mga tarpaulin at mga placard na nananawagan ng hustisya para sa mga biktima ng masaker. Nagpaabot ng kani-kanilang mensahe ng pakikiisa ang mga kinatawan ng mga grupong nagsidalo. Iisa ang kanilang ipinababatid: tuloy ang laban sa HLI. Malapit sa pinagdadausan ng programa, nakausap ko si Mang Rodel Mesa, 53, tagapangulo ng AMBALA. Maluha-luha niyang ibinahagi sa akin ang kanyang karanasan noong Abril 2007, nang pasukin ng mga sundalo ang kanilang bakuran. “Ako naman ay naka-silid sa isang box, nakatago hanggang magalas tres [ng hapon],” aniya.
Matapos magkwentuhan, pinabaunan ako ng mga magsasaka ng maikling tubo. Ipinagpatuloy ko ang pag-iikot, at nakilala si Aling Linda Ocampo, 59, kabilang sa mga nagwelga. Aniya, pinagtutugis sila ng mga militar matapos mabuwag ang kanilang welga. Nakaligtas siya sa insidente matapos magpanggap na tindera, subalit sa pagmamadaling makatakas, napilay ang kanyang kaliwang binti at tuluyan nang naparalisa. 4:00 n.h. – Nagtapos ang programa sa walang alinlangang pagtaas ng kamao ng mga kinatawan at lider ng mga grupo. Sumumpa silang ipagpapatuloy ang laban ng mga magsasaka. Magkahalong takot at lungkot ang naramdaman ko habang pasakay ng bus. Malayong sumagi sa sinumang unang beses dumayo na ang HLI ay lunan ng maraming masasalimuot na pangyayari, ng mga pinatahimik na pangarap, ng samu’t saring manipestasyon ng simbolikong karahasan. Bagaman mga magsasaka ang nagpapaunlad sa lupa, sila ang naghihirap. Bagaman walang lehitimong kapangyarihan, may angkang nag-aastang hari at walang kiming gumamit ng dahas kung kinakailangan. Sa aming pagbabalik, tila ikinukubli ng liwanag ng lungsod ang tunay na kalagayan ng mga taga-HLI. 11:00 n.g., Rm. 401 Vinzons Hall, UP Diliman – Nakauwi at nalinis ko na ang mga paang maalikabok buhat sa HLI. Nakatitig ako sa computer, hinahanap ang mga tamang salita upang mabisang maipabatid sa kapwa estudyante ang mga araling napulot sa saglit na pagtakas sa akademya. Naalala ko ang tubong natikman ko. Napakatamis, ngunit may mapait na alaalang dala sa sinumang nakakaalam ng tunay na kwento ng asyenda.
KUNG IPAGUGUHIT SA IYO ANG lahat ng nasagap ng iyong hinagap sa nakaraang taon, tiyak na mahihirapan ka. Masyadong masukal ang gunita para imapa. Sa mundo ng alaala, lahat posible. Maaaring magpalit ng birthday ang mga magulang mo, o tuluyan mong makaligtaan kung saan mo nga ba huling inilapag ang iyong cellphone. Higit pang mahirap tandaan ang mga imaheng malayo sa iyong personal na karanasan. Marahil narinig mo na ang kampanyang Never Forget patungkol sa Maguindanao Massacre, na palasak sa iba’t ibang media ngayong Nobyembre. Pamilyar ka pa rin ba sa insidenteng naganap tatlong taon na ang nakalipas? Wala ka sa crime scene, wala ka ring kakilala sa mga biktima. Paano mo nga ba gugunitain ang isang bagay na mailap sa iyong ulirat? Nagtagpo ang mga kilay sa iyong noo—nilikha nga yata ang tao para lumimot.
Balik-tanaw Subukin mong sipatin ang eksena ayon sa iyong pagkakaalala. Nobyembre 23, 2009 noon nang matagpuan sa isang bakanteng lote ang dilaw na backhoe. Mistulang nakayukong hari ang higanteng makina, at nakahandusay sa kanyang paanan ang inaagnas na mga katawan. Nandiri ka nang makita mo ang larawan ng mga bangkay. Bahagyang nakabuka ang bibig ng ilan sa mga ito, kawangis ng mga nakangangang hukay kung saan sumisilip ang mga nangasul na kapirasong mukha’t kapirasong kamay. Hindi mo na tiyak ngayon, pero nabasa mo sa mga balita dati na umabot sa 58 ang patay, at 32 sa mga ito ang peryodista. Ilang linggo ring naging ulo ng mga balita ang masaker. Sa pagsubaybay sa TV, dyaryo, at maging sa mga status ng ilang kaibigan mo sa Facebook, unti-unting nabuo sa utak mo ang larawan ng krimen. Batay sa mga talang iyong nasagap, ang angkan ng Ampatuan ang nasa likod ng masaker. Nagulat ka nang malamang nakapangalan sa mga Ampatuan ang isang bayan sa nasabing probinsya. Kinatatakutan ngunit laging naluluklok sa pwesto—sila ang diyos at hudas ng kanilang teritoryo. Kaya hindi sila nagdalawang-isip na magpadala ng 100 kalalakihan upang itumba ang convoy ng mga Mangudadatu, ang isa pang angkan na nais bumangga sa kanilang kapangyarihan. Hindi nila ininda na pawang mga kababaihan at mga peryodista ang lulan ng convoy na ipinadala ni Esmael Mangudadatu upang irehistro ang kanyang kandidatura sa eleksyon. Nagulat ka nang malamang ginahasa ang apat sa mga babaeng biktima, at may ilan ding binaril sa ari. Katulad ni Mangudadatu, hindi ka makapaniwalang hindi umubrang panangga sa karahasan ang mga kababaihan. Nang mapalitan ang mga headline sa balita, nawala na rin sa isip mo ang insidente. Kapag
napag-uusapan ang masaker, nauuwi ka sa pagbanggit sa mga karumal-dumal na imahen— inaagnas na katawan, death wound sa puki. Nakakaligtaan mo ang ilang mga marahas na detalye sa kuwento, gaya ng pag-astang hari ng isang angkan sa kanilang bayan at paggamit sa mga babae bilang pananggalang. Katulad ng iba pang mararahas na katotohanang walang kaugnay na madugong imahen, humaging lamang sila sa iyong isipan.
Basag-bungo Nasanay kang iugnay ang karahasan sa mga kadiri’t kagulatgulat na imahen, gaya ng malapot na dugo at basag na bungo. Buhat nito, maraming pira-pirasong dahas ang hindi mo nakikita o napapansin. O maaaring napapansin mo sila, ngunit hindi mo iniinda. Ang usapin kasi ng karahasan ay usapin ng paglihis sa itinakdang “normal” na kalagayan. Ngunit kung susuriin, mababatid mong marami sa mga itinatakdang “normal” ng lipunan ang mas marahas pa sa larawan ng inaagnas na laman. Lumaki kang iniisip na “normal” lamang na ituring ang kababaihan bilang mahina o bilang kasariang dapat igalang, kagaya ng pag-aakala ni Mangudadatu na hindi sila sasaktan ng mga Ampatuan. Lumaki ka ring nasanay sa ideya ng mga angkang naglalaban para sa kapangyarihan at bumubuo ng sariling imperyo sa kani-kanilang bayan. Kaya hanggang sa kasalukuyan, hindi ka na nagtataka kung bakit matapos ang tatlong taon, wala pa ring naparurusahan sa mga akusado. Hindi mo man lubusang nakalimutan ang kaganapan, bihira na rin itong sumagi sa iyong isipan. Sino ba naman kasi ang gustong panay malalagim na imahen na lamang ang laman ng kanyang utak. Bagama’t mabilis tumatak sa isip mo ang mga imahen ng masaker, pinili mo rin na magpanatili ng distansiya mula rito. Ayaw mong makipagtitigan sa dahas. Bukod sa kagimbal-gimbal ang mga imaheng iiwan nito sa iyong gunita, hindi mo rin mapigilang maawa. Mula sa lente ng pagkaawa mo rin nasisipat ang marami pang karahasang iyong natutunghayan. Naaawa ka sa sanggol na sinunog dahil sa tunggalian ngayon sa Gaza Strip, naaawa ka sa mga magsasakang pinagbabaril ng mga sundalo sa Hacienda Luisita. Hindi mo napoposisyon ang sarili mo sa gitna ng dahas.
Habang tahimik na nag-aaral o nagbabasa sa iyong computer, hindi mo nakikita ang sarili mo sa gitna ng digmaan.
Palit-anyo Subalit kung tutuusin, nabubuhay ka sa isang marahas na lipunan at hindi ka ligtas mula sa mga suliranin nito. Ngayong buwan, ginugunita rin ang anibersaryo ng masaker sa Hacienda Luisita, kung saan pitong magsasaka ang namatay. Katulad ng Maguindanao Massacre, wala pa ring napapanagot sa nasabing krimen—patunay sa pag-iral ng kawalan ng hustisya kahit pa nagbago na ang pinuno ng bansa. Marahil napansin mong marami sa mga larawang nagmarka sa Maguindanao Massacre ang umiiral pa rin hanggang sa kasalukuyan—mga political dynasty, private army, at maging ang karahasan ng mga makapangyarihan sa kanilang pinamumunuan. Marami ring karahasan sa nakaraan ang mistulang nauulit at nagpapalit lamang ng anyo. Ang Martial Law, halimbawa, ay tila muling naipataw matapos maipasa ang Anti-Cybercrime Law na hinihigpitan ang kalayaan mong magpahayag sa internet. Pinagdududahan mo tuloy kung sa pagpapalit ng pinuno nga ba nakasalalay ang pagtatapos ng lahat ng karahasan. Ayaw mong makalimot, at hindi mo rin ginustong kaligtaan ang makabuluhang mga detalye ng mararahas na kaganapan. Ngunit ang hindi paglimot ay iba sa pag-alala. Sa tuwing bumabalik sa iyo ang gunita ng mga inaagnas na katawan sa Maguindanao Massacre at ang pagsusumamo ng mga magsasakang binaril sa Hacienda Luisita, pinipigilan mong lumalim pa ang iyong pagmumuni-muni. Kasunod kasi ng pag-alala ang pagsipat sa ugat ng problema, at sa oras na matisod ang iyong guni-guni sa mga katotohanang pinagmumulan ng karahasan, alam mong ang marapat na sunod na hakbang ay paglaban.
LATHALAIN Huwebes 22 Nobyembre 2012
Pagbaybay sa gunita ng Maguindanao Massacre
WHAT’S ON YOUR MIND? Ito ang nagbabagang katanungan ng Facebook na pilit nating pinupunan ng samu’t saring kasagutan. Ngunit para kay Sir Gerry Lanuza, ang mga “ka-cheapan” na dulot ng narsisismo ang nagpapapurol sa potensiya ng Facebook bilang isang pulitikal na kasangkapan. Ang isang status update ni Sir Gerry tungkol sa kasawian sa pag-ibig, nagiging oportunidad upang maipakilala at maipaliwanag sa kanyang mga estudyante ang pag-ibig ayon kay Alain Badiou, Jacques Lacan, at pati na ayon sa ebanghelyo ni Hesukristo.
Update Status
LATHALAIN BALITA Huwebes 22 Nobyembre Miyerkules 2012 27 Hunyo 2012
Si Gerardo M. Lanuza, Sir Gerry sa kanyang mga estudyante, ay isang propesor ng sosyolohiya sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya. Kasapi siya ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP), isang organisasyon ng mga progresibong akademiko sa UP Diliman. Siya rin ang kasalukuyang direktor ng Office of Student Housing (OSH). Nagtapos siya ng kursong sosyolohiya mula sa UP Diliman noong 1995. Bagamat may mga natanggap siyang alok na trabaho mula sa Pulse Asia, San Miguel
Corporation, at isang real estate agency, pinili niyang maging guro sa UP. “Knowledge is not to be possessed—it should be shared, emancipatory, and liberating. At ginagamit dapat ito sa pagpapalaya ng bayan at ng sambayanan.” Pinagtibay ang paniniwalang ito ng ilang taon niya sa seminaryo bago pa man pumasok ng UP, babad sa mga aral ni Marx at lubog sa kalagayan ng masa. Ang status updates ni Sir Gerry ay tila ekstensyon ng kaniyang mga debate sa klase at mga karanasan bilang direktor ng OSH. Hindi ito simpleng pagbabalita lang ng mga pangyayari sa araw niya, ngunit pulitisadong pagtatasa sa mga kaganapan na pinapalawig pa ng iba’t ibang teoretikal na pundasyon. “Pinagagalitan nga ako ng ibang teachers. Sinasabi nila, ‘Gerry, that’s for fun, hindi ‘yan for politicization.’ Sabi ko, ‘No, I will not compromise. Sa tingin ko dapat mas ma-educate ang public diyan, kasi nagiging venue siya for narcissism.” Bagamat may iba pang mga propesor na aktibo sa Facebook, namumutawi ang pagsubaybay n g
mga estudyante sa mga status ni Sir Gerry. Markado ang mga ito ng walang paumanhing pagbatikos, kundi man pangungutya, sa mga “ka-cheapan” ng mga estudyante at mga kapwa guro, lalo na pagdating sa pag-ibig. “Oo, totoo ang sabi ni [Jacques] Lacan that you should not compromise your desire. Pero ‘wag kang mangharass at maging marahas,” sabi ng isang post. Patok ang mga status ni Sir Gerry patungkol sa pag-ibig, lalo na ‘yung mga tila may pinatatamaan. “Marami akong estudyanteng sawi. Kapag naguusap kami, lumalabas sa theories ‘yung mga problema nila sa pag-ibig, which becomes a way of rationalizing it.” Ngunit sa gitna ng mga paglalagom sa pag-ibig at lipunan, may naliligaw rin na mga pagninilay sa pananampalataya. Marapat na itong asahan mula sa isang gurong kilala sa pagiging Kristiyanong Marxista.
Religious Views Bago pa man sumali sa Facebook noong 2009, kilala na si Sir Gerry sa unibersidad dahil sa kanyang pagiging militanteng guro. Dagdag pa rito, higit siyang naaalala ng mga estudyante dahil sa kanyang pakikipag-debate tungkol sa relihiyon.
ndo u m kay g n n A ayo nuza La y r r Ge
NG BE ND MO ICE? VE A E O V O T B D L S U RY A SE. ND RE “G A U A A L A N IO A C THFU YOU UT O I F O L I T T E FA E N I V A RE . B EV MM L S CO HING ING KO , L. H T G T U L N E F Y TU AHA ON EVER E.” ITH F A N LY AN MAM K E AT M S N A O O G L LO S I O LL M A G PA C E B O W I Y TO PA S A NG ON F R D E E A O A T ED G RE ONG PW A TO SA M L A N G AT S NO L A T N NAN N MU . HA A LA LIPU TUNA NUZ A T I L I , S A AT U Y L A R L M R RI SA LING IR GE DA NI S A M US AT ST
Sa mahigit isang dekada niyang pagtuturo ng sosyolohiya ng relihiyon, may mga estudyante na siyang napaiyak, napaniwala, at napabitiw sa kanilang pananampalataya. Bago pa man siya pumasok ng UP, anim na taon din siya sa seminaryo. Bagamat ayaw niyang pangalanan ang nasabing seminaryo, batid ang naging impluwensiya nito sa kamalayan ni Sir Gerry. “Sa seminaryo ako na-radicalize, doon ako naging Marxist-Leninist. If you ask me, ‘Gerry, what made you a Marxist?’ Simple—nakita ko ang kalagayan ng mga magsasaka sa probinsiya for one year, nakasalamuha ko ang mga ketongin sa Tala leprosarium, nag-six months ako sa mental health institution sa Mandaluyong. Lubog ako sa masa kasi ang dami kong napuntahan para sa apostolate noong nasa seminaryo ako.” Ayon kay Sir Gerry, bagamat nagwasto siya ng ilang mga paniniwala sa pagdaan ng mga taon, hindi niya binitawan ang kaniyang pagiging Kristiyanong Marxista sa kabila ng pamumuna ng ilang mga kapwa guro. “I believe Marxism is compatible with Christianity. Christianity provides me with the values, gives me hope, while Marxism provides me with the scientific analysis to change society. So on the one hand, you have the Communist Manifesto. On the other, you have the Gospel of Jesus Christ. The Communist Manifesto tells you about the means, Christianity tells you about the end. They combine.” Batid ni Sir Gerry na, sa kabila ng kanyang pagpapaliwanag, marami pa ring estudyante at kapwa guro ang hindi naniniwala sa kanya. Ngunit, aniya, higit sa
paniniwala, ang mas matinding hamon para sa kanila ay ang pag-iisip at pagpanig.
Like, Comment, Share Marami mang tagasubaybay, marami ring naiinis sa mga status updates ni Sir Gerry. Ang iba, nagagaspangan sa lenggwahe. Ang iba naman, tila nasasagasaan ang paniniwala. Sa kabila nito, hindi maisasantabi ang mga obserbasyon ni Sir Gerry tungkol sa mga pagbabago sa unibersidad at sa lipunan. “[People] are not convinced because I am extreme. It is only by being extreme in my views can I provoke students to think.” Sa unibersidad kung saan nagsasalimbayan at nagtutunggalian ang iba’t ibang kamalayan, hindi maiiwasang maging batbat ito ng mga kontradiksyon at kabalintunaan. Ngunit sa gitna ng mga kontradiksyon, lalong tumitindi ang pangangailangan sa pagpili at pagpanig. “Kalaban mo ‘yung mga estudyanteng agnostic kasi wala silang pagpanig. They cannot love. They are afraid to love. Sabi nga ni [Alain] Badiou, loving always takes a risk. Hindi ka pwedeng magmahal nang walang risk. Of course, masasaktan ka. Of course, marereject ka. But what’s the point kung dahil sa takot na ‘yun, hindi ka na mag-eengage?” Gamit ang bagong midya bilang kasangkapan ng opensiba, naipaaabot ni Sir Gerry sa mga estudyante at kapwa guro ang hamong paigtinging muli ang pulitisado at militanteng diwa ng unibersidad. “The challenge for UP faculty is to make [the students] choose to choose. You have to force them to choose to choose, because they don’t want to choose. They don’t have the passion for it anymore.”
PROFAGANDA Mga tinig mula sa ibaba, itaas, bukana, gilid, loob, patiyo, iskaparate, pasilyo, at kung anu-ano pang singit singit ng Faculty Center, Masscomm, Music, Eng’g, at sa lahat ng espasyong binabagtas ng mg pantas at pantas-pantasan.
LATHALAIN Huwebes 22 Nobyembre 2012
LAKAS TAMA
PUSHING THE OFFENSIVE
OPINYON Huwebes 22 Nobyembre 2012
NITONG NAKARAANG LINGGO, naging matunog sa mga balita ang mga pambobombang naganap sa pagitan ng gobyerno ng Israel at ng Hamas, ang grupong kumokontrol sa Gaza Strip. Ang lahat ng mga pambobombang ito ay bahagi umano ng opensiba ng Israel na nagsimula noong Nobyembre 14 upang tuluyan nang matigil ang pambobomba ng Gaza sa nasasakupan nito. Itinatag upang pigilin ang pananakop ng Israel at palitan ang estadong Israeli ng isang Islamic Palestinian state, isa ang Hamas sa dalawang grupong kumokontrol sa mga teritoryo ng Palestine, na binubuo ng West Bank at Gaza Strip. Madaling sabihing lohikal ang kadahilanan ng Israel para sa opensibang inilunsad nito. Tunay nga namang tungkulin ng gobyerno na alagaan ang nasasakupan nito. Ngunit kung sisipatin natin ang pinakahuling bilang ng mga nasaktan sa mga pambobomba, malalamang tatlo sa mga namatay ang Israeli, habang higit sa 100 naman ang mga Palestinian na karamihan ay mga sibilyan. Napakalaki yata ng pinagkaiba ng dalawang bilang na ito para sabihing ipinagtatanggol lamang ng Israel ang mamamayan nito. Ipinaliwanag ng gobyerno ng Israel na ang mga civilian casualties na ito ay hindi maiiwasan. Hindi sila umano masisisi sa mga nadadamay na sibilyan dahil ang mga target nila ay nakapuwesto sa matataong lugar. Kasama sa
mga tinamaan ng bomba ng mga Israeli ay mga residential area, ospital, ilang media outlet, at isang dating national security compound. Kung babalikan ang kasaysayan, mga Palestinians ang orihinal na nagmamay-ari ng lupang nasasakupan ngayon ng Israel hanggang sa pormal na hatiin ang teritoryo sa dalawa noong 1948 sa isang deklarasyon ng United Nations. Ang pangunahing dahilan ng paghahating ito ay upang magkaroon ng sariling bansa ang mga Hudyo na naging biktima ng mga Nazi noong World War II. Malinaw ang mensaheng ipinaparating ng nakaraang eleksyon sa US, kung saan bagama’t magkaiba ang pinanggalingang partido nina Mitt Romney at Barrack Obama, wala halos ipinagkaiba ang mga isinusulong nilang foreign policies Mula noon ay unti-unti nang kinamkam ng Israel ang mga teritoryo ng Palestine sa pamamagitan ng dahas. Sa puntong ito, anong estado nga ba ang talagang dinedepensahan lamang ang sarili? Mahalagang isipin na ang mga pambobombang binabanggit ng gobyerno ng Israel ay naganap lamang nitong mga nakaraang buwan. Ilang dekada na ang hidwaan sa pagitan ng dalawang grupo, kung saan
hindi mga taga-Israel kundi mga taga-Gaza ang nawawalan ng lupa at nababawasan ng mga sibilyan. Ibang usapan pa ang dami at kalidad ng militar ng dalawang bansa. Mahina at kakaunti lamang ang mga puwersa at mga handcrafted rockets lamang ang pinapakawalan ng Hamas. Samantala, armado naman ang Israel ng mga tangke, F-16, drones at ilang-daanglibong bihasang sundalo, dagdag pa ang ibinibigay na tulong ng US na umaabot sa $8.3 milyon kada araw. Sa gulong ito sa Gaza, makikita ang walang paumanhing pakikialam ng US. Patunay nito ang pagpanig ni US president Barrack Obama sa Israel sa inilunsad nitong opensiba. Hindi na kagulatgulat ang aksyon niyang ito sapagkat ang Israel ang tumatayong outpost ng Estados Unidos sa Middle East. Malinaw ang mensaheng ipinaparating ng nakaraang eleksyon sa US, kung saan bagama’t magkaiba ang pinanggalingang partido nina Mitt Romney at Barrack Obama, wala halos ipinagkaiba ang mga isinusulong nilang foreign policies. Ibig sabihin, kahit sino pang manalo sa naganap na eleksyon, wala pa ring pagbabagong maaasahan ang ibang mga bansa, partikular sa Gaza. Para sa kapangyarihan, patuloy pa ring lalala ang digmaan sa Gaza at patuloy pa ring dadami ang mga mamamayan na madadamay sa kaguluhang ito.
IN TIME RACHEL SALAS IS NOW 25 YEARS old—for the 25th time. But just like any ordinary day, Rachel spends her birthday paying off bills and loans. Her 28-year old son, Will, meanwhile, spends the whole day working in a factory. Rachel and Will are among the genetically-engineered humans in Andrew Niccol’s film, In Time. They were geneticallyengineered to live for only 25 years. Beyond this age, our two heroes, like anyone else living in the ghettos, will have to literally earn every minute of their lives. Time is their currency—they earn and spend time to live. As in the real world, however, they do not earn what they righfully should and they spend more than what they really have to. Workers at the factory receive less and less as their quotas are constantly raised. They pay more and more as prices of commodities increase unabatedly. On the other hand, the rich who control the market get more than their due—at the expense of the poor. They increase their profits by cutting labor costs and raising the prices of prod-
ucts and services consumed primarily by the poor. This is how the “time system” works and this is what justice means for this world: “For a few to be immortal, many must die.” On the same day that Rachel turns 50, she times herself out for paying off bills and loans. Left with just minutes, she can-
As in the real world, however, they do not earn what they righfully should and they spend more than what they really have to.
not even pay for the bus fare to get her to Will. She starts to run to her son, instead. But as soon as she can grab his hand, her time is up.
Realizing the injustice of her mother’s death, Will decides to change the system by seizing millions of time from the rich and eventually distributing them to the poor. “No one should be immortal if even one person should die.” And as in the real world, he becomes a criminal for stealing from the rich. However, “is it stealing if it’s already stolen?” These centuries of time belong to the factory workers. It is them who spend their every minute in producing the goods and services which provide the rich with what they have. This dystopian world is not far from reality. In time, the world we live in now could even get as worse as the world where Will and Rachel live in. And if that time comes, please, let us all be criminals.
*The quotations used were taken from the movie. And just to be clear, this column definitely does not intend to review the movie.
Bitter Gourl* WALA NA YATANG MAS nakakapeste pa sa pag-aming naiinggit ka. Para kasing itinataga mo sa bato na may kulang sa iyo na mayroon ang iba. Mabuti sana kung tungkol lang ito sa mga materyal na bagay. Pero hindi e. Pakialam ko naman sa mga taong may magarang kotse bagong cell phone, o iba pang mga mamahaling bagay na hindi ko kailanman hinangad. Nagsimula ang pesteng pakiramdam na ito kagabi. Pauwi na sana ako galing Sarah’s—isang bote lang para mahimbing ang tulog ko—nang may mapansin akong kumakaway sa kabilang mesa. Matangkad, payat, at nakasalamin. Si Delfin. At may kasamang babae. Naisip ko agad, hala, hindi pala bakla si Delfin? Oo, nagkakilala na kami’t nagkainuman dati. Pero sa dami ng mga nagkagusto sa kanyang babae na walang reservations sa pag-amin ng damdamin, ang naiisip ko lang na dahilan kung bakit hindi pa siya nagkakasyota ay baka iba ang hanap niya. Nang magtagpo ang paningin namin, sinikap ko na lang na ngumiti at kumaway pabalik. E malay ko bang tatayo si Delfin at ang kasama niya at lilipat sa puwesto ko? O diyos ko. Wrong move. Ayokong maging third wheel. “Mag-isa ka lang?” bungad ng mokong na nakaakbay pa kay ate. Gusto ko sana sabihing, “Hindi ‘tol, kasama ko buong pamilya ko.” Pero siyempre, nauwi ako sa, “Oo, pero pauwi na ‘ko.” “Mamaya ka na umuwi. Isang round pa tayo. Sagot ko. Si Jona Mae nga pala, kaibigan ko,” nakangisi niyang sinabi. Nilunok ko ang sana’y bungisngis nang marinig ko ang pangalang Jona Mae. “Hi,” sabi ko. Bumili si Delfin ng tatlo pang bote ng Red Horse, at ipinagpatuloy namin ang obligatory kamustahan. Sumali rin si Jona Mae sa usapan. “Binabasa ko kolum mo, ang galing!” Hindi ko alam kung may amats na ako, o talagang may sa plastic ang sigla sa boses niya. Pero keber, Jona Mae pa rin ang pangalan niya. Nang maubusan ng masasabi si Jona Mae, idinantay niya ang ulo sa balikat ni Delfin. Ang mokong naman, wagas kung makahimas sa balikat na inaakbayan. O diyos ko, bakit nga ba hindi pa ako umuwi kanina? Sunod-sunod ang paglagok ko sa Red Horse para maubos na’t makasibat na ako, pero bigla namang naisipan ni Jona Mae na magbanyo. Napausisa tuloy si Delfin sa buhay pag-ibig ko. “May nagpapatibok ba sa puso mo ngayon? Base sa kolum mo, parang wala.” Pinigilan kong umirap. Sinabi ko sa kanyang, eh, hindi ko kailangan ng syota. Kung tutuusin kasi, parang mga sugnay ang tao—oo, ‘yung sugnay na bahagi ng pangungusap. May sugnay na nakapag-iisa, may sugnay na hindi nakapag-iisa. Sabihin na nating ako ‘yung una, kasi kaya kong mabuhay nang walang mga pangmatagalang kasama. Ang lakas ng tawa ng mokong matapos marinig ang paliwanag ko. Ilang araw ko ba raw pinag-isipan ‘yun. Tinanong din niya kung may balak akong maging Filipino teacher dahil sa dinami-dami ng mga bagay sa mundo, sugnay pa ang naisip kong metaphor. “Subukan mong umibig, RC,” sabi niya. “Masaya.” Tinitigan ko siya, mata sa mata. Hindi ko alam kung kumikislap lang ang liwanag na tumatama sa salamin niya, o tunay talaga siyang maligaya. Bumalik si Jona Mae. Pinilit ako ni Delfin na mag-isang round pa, pero tumanggi na ako. Binagtas ko ang kalye pauwi sa bahay namin sa Mapagkawanggawa —as usual, mag-isa at walang kasama. *pasintabi sa tunay na Bitter Gourl (na may sarili nang fanpage sa Facebook)
www.philippinecollegian.org
Textback
Eksenang Peyups
Anong title ng teleserye ang
Ano ang goal mo ngayong
makapaglalarawan sa karanasan
second semester?
mo ngayong enrolment?
Goal? Makabayad ng tuition fee. Why so taas kasi?! My family is making hirap na. 201157949 Rie BSECE 2. Maging CS or US ulit. 200822194 Myrsterious Maka-uno! Nakumpleto ko n halos lahat ng grado, 1.25-5, pati INC at drop, uno nalang! 08-00818 Hi kule! G0al ko po ngaung 2nd sem ay mag-gain ng ten kilos. Grabe po ang payat ko kaya nadedepress na ako. 2010-68904 bukod sa magandang gwa, ay makapaghanap ng wagas na pag-ibig!! :D wahaha, wla lang.. para happy ang acad at love life.. :) 2011-x7xxx BS Psych Goal this 2nd sem: Manalo sa lantern parade! 2009-81555, Cla, Art Educ ang goal ko ngayong sem ay puntahan lahat ng event ng mga org. sa UPDEPP! 10-19564 Jolliebee BABE Gusto kong i-maintain ang US status ko. Hihi. Kahit ngayong freshie year lang po. :3 12-02501 Join an org or two at makauno sa major. 08-12288 Maging College Scholar 201279002 DE LA PENA, Mary Anjanette L. Goal ko pumayat sa second semester haha 201279002
SA LORENZO’S TIME.kasi pagraduate na ako,di pa pinagbgyan. Kaunting oras na lang! 200702057 PRINCESS AND I po..eh kc ksama k0h ung prinsesa ng buhay k0h para 2lungan xa magprerog eh..kaso parang malas xa eh..wala xang nkuha..haha..hello pala kay diane villaflor! haha.. uten15521 nam of geodengg “Kagatin mo ang ang mainit kong pichi-pichi” 2010-31714 WALANG HANGGAN -Walang Hanggang Pagpila 1112331 Walang Hanggan 2011-***** Jesmae Zafra BS Stat Walang Hanggan dahil walang hanggan ang pila kahit saan goal ko ay maging US at mag-enjoy sa pag-aaral 2010-38004 Mga Anghel na Walang Langit (Itsura namin habang halos buong hapon mula madaling araw ng nag-aantay ng slots) 2008-22194 Myrsterious itle ng teleserye na makakapaglarawan sa karasanasan ko ngayong enrollment? “Sa dulo ng walang hanggan” 2009-81555, Cla, Art Educ WALANG HANGGANg pila. Hahahaha! 2010-09691 Magkaribal at Walang Hanggan. Ermahgerley super dami mong karibal sa prerog, and the pila is like walang hanggan. 12-02501 BA Journ Para sa mga pila: Walang Hanggan. LOL. 2009-22174 BS IE Walang hanggan, kasi walang katapusan ang pag pila! Walang katapusang pagmamakaawa sa adviser namin na pag graduatin ako on time! DA EFF! Walang hanggang assessment at student loan! Rein Alviz CFA Sa Dulo Ng Walang Hanggan. Perfect para sa pila ng STS, sa layo ng AIT, at sa kinailangan nating pasensya. Bow. 09-**598 May Bukas Pa (para pumila ng pumila) 201279002 DE LA PENA, Mary Anjanette L. Walang Hanggan (walang hanggan yung pila e) 201279002 “Bakit Ako Mahihiya?” yan ang title sa naging experience q nung enrollment. nahi2ya aq dhl snbi skn ng loan board na di raw pde ang promissory note para maali s ang ineligible status q sa enlistment. and then suddenly narealize q na bkit aq mahi2ya? dahl wala q pambyad, di na q maka2pg-aaral? kya nilapitan q ang aking prof. at tinulungan aq. sa huli, tinanggap ng osss ang prom note ko. 2012-78988 rose bscd Walang Hanggan! Wooooh! Walang hanggan ang pila, walang hanggan ang proseso, walang haggan ang chage mat! 2012-32845 amparadorocks BA History WALANG HANGGAN...walang hanggang pila sa prerog hanggang sa pagkuha ng student loan at sa pagbabayad ng tuition.-_- 08xxxxx CHK Siyempre, WALANG HANGGAN! walang hanggang pila, walang hanggang pre-rog! sayang nga lang, tapos na yung palabas. Ö 12-2***7 CM. Chanty <3 201279441
Comments Napaluha ako sa column ni RC Guerrero. Huhuhu. Ang ganda ng pagkasulat, pang-MMK level! 201032988
NEXT WEEK’S QUESTIONS:
1. Ano sa tingin mo ang solusyon sa umiiral na gera ngayon sa pagitan ng mga Israeli at Palestinian? 2. Maliban sa alak at yosi, ano pang bisyo ang gusto mong patawan ng buwis? Key in KULE <space> MESSAGE <space> STUDENT NUMBER <required> NAME and COURSE (optional) and send to
Non-UP students must indiate any school, organizational or sectoral affiliation.
The HAPPY edizyooown
Newscan Sweet November III: Celestial Ecstasy Stars will fall onto your hands as the UP Sigma Beta Sorority brings you to an extraordinary sem-starter party for a cause entitled, Sweet November III: Celestial Ecstacy on November 23, Friday at Ariato, iL Terrazzo Tomas Morato. Party starts from 10 PM to 2 AM. Free flowing Bacardi cocktails! Tickets will be sold at Php200. This is for the benefit of Holy Trinity Home for Children. Free glow sticks for the first 50 entrants. This is brought to you by the UP Sigma Beta Sorority together with Bacardi, Wacoal, Sorci Age, Myra E, Unilever Philippines, Manila Bulletin, Cosmo.ph, Spot.ph, Business world, Greater world Philippines and DigiPost and our org partners UP SPECA, UP Pre-Med Society and UP Kagayhaan. For tickets call or text 0935-837-6243/ 0906-271-6823
Join UP ASTERISK! Join UP ASTERISK, Asosasyon ng mga Kabataang Artista, Kritiko, at Iskolar ng Sining at Kultura - Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Sign up at our booth in CAL Atrium this week! Sali na! For details, contact Ed (09177346594)
UP College of Mass Communication (CMC) Mass Media Awareness Month 2012
UP CMC and UP CMC-SC Mass Media Awareness Committee presents Mass Media Awareness Month 2012. Here are the following events: Maguindanao Massacre Commemoration – November 23 Think Again Campaign – November 26 at Engineering Library II (1-4 CONTACT US! Write to us via snail mail or submit a soft copy PM); November 27 at CMC (4-7 PM); November 28 at CSSP (4-7 PM); November 29 at School of Economics (4-7 PM) to Rm. 401, Vinzons Hall, UP Media Students Congress – December 3, Monday at Cine Adarna Diliman, Quezon City. Email us at kule1213@gmail.com Save Word attachments in Join UP Math Club! Rich Text Format with INBOX, Complete your university life with us, UP MATH CLUB, and you will NEWSCAN or CONTRIB in the surely enjoy and love Math. subject. Always include your Visit our booth along MATH BUILDING WALK from November 20 full name, address to 23 or text Vanessa (09273849150) or FEN (09279883633) for more and conctact details. information.
WHY HELLO THERE, MY BILAVED readers! It’s another week. And therefore more erminghard kwentos around the campus! Hehehe! Kamusta ang mga klase niyo, hm? Make sure you make pasok and don’t be tamad! Teehee~ anyway ito na ang mga narinig kong chika this week. Happy! *clap clap* no. 1 Erminghard! I heard this ate making kwento at the kainans near main lib and nainggit ako nang bongga! Oh em gee! According to her, binati siya ng kanyang favorite band sa mismong araw ng birthday niya! Oha! Habang nasa gig si atey with her friends, nagrequest ang isang friend na i-greet siya ng happy birthday! Dream come true! Nabawasan na ang nasa bucket list ni ate! Achievement! Hindi lang pala basta band itong bumati kay ate. Staple ang mga hit singles nila sa videoke! The ultimate birit queens! Aaaaah! Happy *clap clap* number 2 Talking about kasabawan, anyare dito sa apat na madam chi na mukhang floaty floaty pa rin after a long meeting? It was super late na that night as in there are no more jeepneys in sight. So this ate 1 offered the other madams to make sabay na with her since her daddy is picking her up. Haaaay. While waiting for the caroo, happy happy ang mga madam na umaaligid until may caroo na nagpark! Oh em. Guys, this is it! Inabangan nila ang car at nakapila pa sila sa may sidewalk. Unfortunately, it took them like forever to figure out na hindi pala iyon ang caroo ng daddy ni ate 1! Nakipagtitigan pa si other ate sa girlaloo sa passenger seat and awkwardly walked away. Hala! Kalurkey! Happy *clap clap* number 3 Agit na agit ang kuyang itey sa pagtakbo paakyat sa kal nu building. Late na siya sa kanyang klas so zoom zoom pow ang kanyang drama. Pero pagdating sa top flight, biglang boom! Nag ala planking si kuya sa floor—in short, subsob! Super blush si kuya kasi kitang-kita siya ng kanyang “medyo type” na girlet. Awww no chance na. Char! Boo yeah! Amabounce na mga bilaved! Maging happy lang this week habang hindi pa nagsisimula ang bloody acads days. Eeek. Baboosh! Get free publicity! Send us your press release, invitations, etc. DON’T TYPE IN ALL CAPS. And go easy on the... punctuations?!! dOn’t uSe tXt LanGuage pLs. Provide a short title. 100 words max. Email us at kule1213@gmail.com
OPINYON Huwebes 22 Nobyembre 2012
Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman Tomo 90, Blg. 17 N0byembre 22, 2012
Ngayong buwan ng nobyembre, gugunitain natin ang dalawa sa pinakamalagim na mga insidente sa kasaysayan ng Pilipinas, At sa gitna ng mga pahayag na hindinghindi natin makalilimutan ang karahasan sa mga masaker sa Maguindanao at Hacienda Luisita, nananatili ang mga imahen at gunita ng mga trahedya na nangangailangan ng higit pa sa pag-alala.
Kultura - Lathalain