7 sa 10 UPCAT passers, nagmula sa NCR, Luzon BALITA page 2
Kilalanin ang mga kandidato ELEKSYON page 5 - 7
Beyond the line
The challenges of the UPD USC 2014-2015 LATHALAIN page 8
Dibuho ni Patricia Ramos
2
BALITA
Huwebes 23 Abril 2015
7 sa 10 UPCAT passers, nagmula sa NCR, Luzon Hans Christian Marin NAGMULA SA NATIONAL Capital Region at iba pang bahagi ng Luzon ang halos 70 porsyento o 10,343 estudyante na nakapasa sa UP College Admission Test (UPCAT) ngayong taon, batay sa datos ng UP Office of Admissions. Humigit-kumulang 18 porsyento naman ang galing sa Visayas, at 12 porsyento mula sa Mindanao at iba pang bansa—distribusyon ng mga pumasa sa UPCAT simula noong 2011 (sumangguni sa sidebar 1). Mula sa 87,000 estudyante na kumuha ng UPCAT noong Agosto ng nakaraang taon, 14,988 ang bilang ng mga nakapasa, kung saan halos 30 porsyento ang nakapasa sa UP Diliman (UPD). Mas mataas ito ng 1,960 o 13 porsyento kumpara noong 2013. Taun-taon, humigit-kumulang 80,000 estudyante sa buong bansa ang kumukuha ng UPCAT subalit halos 15 porsyento o 12,000 lamang ang pumapasa sa apat na oras na pagsusulit na pangunahing batayan ng admisyon sa UP. Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga pumapasa ng UPCAT, hindi pa rin nabibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante mula sa iba’t ibang antas ng lipunan na makapag-aral sa unibersidad, ani UP University Student Council (USC) Councilor Menchani Tilendo.
Pantay na representasyon Pabor ang UPCAT sa mga magaaral na galing sa mga mayayamang pamilya, ayon sa isang study group na binuo ni UP President Alfredo Pascual noong 2013 upang pag-aralan ang palisiya ng admisyon sa UP. Lumalabas din sa nasabing pagaaral na sa kabila ng paggamit ng
administrasyon ng UPCAT upang tiyakin ang pagkakaroon ng pantay na representasyon ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang rehiyon, kakaunti pa rin ang bilang ng mga nakapapasok sa unibersidad mula sa Visayas at Mindanao dahil sa kakulangan ng mga kumukuha at pumapasa. “In reality, most of the high school students who [pass] the UPCAT were at least, still the privileged ones among their batch. Being able to study and graduate from a science high school is also another case to consider,” ani Tilendo. Simula taong 2011, nanggagaling sa mga pampublikong paaralan ang halos 51 porsyento ng kabuuang bilang ng mga pumapasa sa UPCAT kung saan humigit-kumulang kalahati ay mula sa mga science high school samantalaa 48 porsyento naman ang mula sa mga pribadong paaralan (sumangguni sa sidebar 2). Nananatili pa ring mataas ang bilang ng mga pumapasa sa mga kursong nakatuon sa science and technology kumpara sa mga kursong humanidades at agham-pampanitikan. Sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman, apat lamang ang nakapasa sa BA Malikhaing Pagsulat, habang walang naitalang pumasa sa kursong BA Filipino at BA Araling Filipino. Marami naman ang pumapasa sa mga kursong kagaya ng BS Mathematics at BS Civil Engineering kung saan mahigit 100 na mga magaaral ang bilang ng mga mag-aaral na pumapasa mula 2011 hanggang 2015. “Science and technology courses are deemed to be more profitable than humanities and social sciences courses. This is in line with the current educational system of the
country that pushes the students to be slaves of corporations,” ani USC Councilor Carl Santos.
Balakid na mga bayarin Simula 2007, dalawa lamang sa bawat tatlong pumapasa sa UPD ang tumutuloy na mag-aral sa unibersidad. Sa katunayan, 69 porsyento lamang ng mga pumasa sa UPD ang tumuloy noong 2013. Ngunit hindi lamang UPCAT ang balakid upang maging bukas ang UP para sa lahat, kundi maging ang mahal na matrikula sa unibersidad, ayon sa study group. Isa si CJ Mende sa nakapasa sa UPCAT ngayong taon ng Degree Program with Available Slot sa UPD. Nais umano niyang maging Iskolar ng Bayan sa kolehiyo, subalit nagalangan siyang tumuloy sa UP dahil sa takot na baka mahirapan siyang bayaran ang mataas na matrikula sa unibersidad. Aniya, kukulangin pa ang kikitain niya sakaling magtrabaho siya habang nag-aaral para lamang mabayaran ang kasalukuyang halaga ng matrikula sa unibersidad. Nakabatay ang kasalukuyang Socialized Tuition System ng unibersidad sa kakayahang magbayad ng mga mag-aaral. Kinakailangang patunayan na hindi kumikita ang pamilya ng mahigit P1.3 milyon kada taon upang mabigyan ng “tuition discount” mula sa pinakamataas na tuition rate na P1,500 kada unit. “High cost of tuition, redundant and exorbitant fees and even the existence of tuition fee are the factors that hold the students back from enrolling in what they believed as a state university, a university of the people,” ani Tilendo.
-
Unity in action. University Student Council elections candidates teamed up with other members of opposing parties in various activities held during the Kape o USC Dorm Forum at the Yakal Residence Hall on April 16. The groups were challenged to work well together despite their party affiliations | Kenneth Gutlay
Sidebar 1 Bilang ng mga nakapasa sa UPCAT sa bawat rehiyon
Luzon Visayas Mindanao NCR Foreign
2015 5,778 2,708 1,799 4,565 138
2014 4,816 2,558 1,653 3,877 124
2013 5,024 2,455 1,507 3,659 87
2012 5,256 2,539 1,553 3,496 92
2011 5,402 2,330 1,481 3,660 71
Total 14,988 13,028 12,732 12,936 12,944 Sidebar 2 Bilang ng mga nakapasa sa UPCAT sa bawat klase ng high school
2015 Public 7,661 Private 7,189 Foreign 138
2014 6,540 6,364 124
2013 6,605 6,040 87
2012 6,510 6,334 92
2011 6,450 6,423 71
Total 14,988 13,028 12,732 12,936 12,944
Testigo, nanindigan sa mga akusasyon laban kay Palparan Arra B. Francia MULING NANINDIGAN ANG isa sa mga testigo laban kay Ret. Maj General Jovito Palparan sa pagkakasangkot nito sa pagkawala ng dalawang estudyante ng UP na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan noong 2006. Sa isinagawang cross examination sa Malolos Regional Trial Court noong Abril 13, iginiit ng pangunahing testigo na si Raymond Manalo na nakita niya si Palparan na kasama sina Empeño at Cadapan sa isang van sa Camp Tecson, Bulacan kung saan din sila dinakip. Nauna nang naglabas ng testimonya si Manalo noong 2012 kung saan dinala umano sila nina Palparan at ng 7th Infantry Brigade na pinamumunuan ng dating heneral sa iba’t ibang base militar sa bansa. Aniya pa, ginawa umanong utusan ng mga sundalo at paulitulit na ginahasa at ibinitin nang patiwarik habang pinapaso ng sigarilyo ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng dalawang estudyante. Gayunman, pilit namang pinabubulaanan ng abogado ni Palparan na si Diosab Formilleza ang mga naging pahayag ni Manalo. Sa halip, binibigyan ni Formilleza ng maling konteksto ang affidavit ng testigo, ayon kay Karapatan Secretary-General Cristina Palabay. “Such court antics of Palparan and his lawyer indicate their failure to destroy the credibility of Manalo and other witnesses in the Cadapan-Empeno case. Once again, Palparan’s accountability on the disappearance and torture of the two students is firmly established,” ani Palabay.
Humingi rin si Formilleza ng mga litrato at ng mas maayos na timeline kung kailan at saan niya nakita at nakasama ang retiradong heneral upang mapatunayan ni Manalo ang kaniyang mga akusasyon. “Wala nang maitanong ang abogado ni Palparan dahil totoo ang mga sinasabi ni Raymond at consistent siya sa kaniyang mga sagot. Gusto na lamang niyang lituhin at hanapan ng butas ang mga testimonya ni Raymond,” ani Connie Empeno, nanay ni Karen. Isa ang magsasakang si Manalo sa nakasama nina Karen at Sherlyn sa kulungan sa Camp Tecson, Bulacan. Dinukot siya ng grupo ng sundalo ni Palparan kasama ang kaniyang kapatid na si Reynaldo sa kanilang bahay sa San Ildefonso noong Pebrero 2006. Nakatakas si Manalo matapos ang 18 buwang pagkakadakip, habang naiwan naman sina Empeño at Cadapan sa isang safe house sa Zambales. Walang duda namang tinukoy ni Manalo si Lt. Col. Felipe Anotado, na nakita niya nang tatlong beses sa isang tagong kampo sa Limay, Bataan kasama ang dalawang estudyante, ayon kay Palabay. Kasalukuyang nahaharap ang puganteng heneral, S/Sgt Edgar Osorio at Anotado sa mga kaso ng kidnapping at serious illegal detention na isinampa laban sa kanila noong 2011. Nakatakda ang susunod na pagdinig sa nasabing kaso sa Abril 23 kung saan haharap ang ikalawang testigo na si Oscar Leuterio na ikinulong sa Fort Magsaysay kasama ang dalawang estudyante at ilan pang mga biktima ni Palparan.
-
BALITA
Huwebes 23 Abril 2015
3
Peasant groups slam bogus sugarcane act Arra B. Francia FARMER GROUPS CONDEMN the passage of a new law that would supposedly allocate funds intended for farmers to landowners, following President Benigno Aquino III’s signing of an act allowing for the maximization of sugar cane production in the country on March 27. The peasant group Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) pointed out provisions in the act that would allegedly facilitate land-grabbing and would further the interests of foreign corporations over the needs of farmers. Republic Act (RA) 10659 or “An Act Promoting And Supporting The Competitiveness Of The Sugarcane Industry And For Other Purposes” took effect on April 16, two weeks after its signing. The act aims to provide the sugarcane
industry with needed infrastructure projects, research initiatives, human resources, and financial assistance to small farmers. “Under this new law, promotion and support for the sugar industry is focused heavily to benefit sugar barons who have long monopolized sugar lands and production,” according to UMA Media Officer Gi Estella. Section 3 of the act contains the Block Farm Program, pertaining to 30 to 50-hectare lots managed by landlords together with the Department of Agrarian Reform. This supposedly denigrates the status of farmers to mere co-owners of each block of land, effectively splitting the profit between the landlord and the farm worker. RA 10659 would also oversee the institutionalization of the Agribusiness Ventures Agreement
Continued on page 11
Lively crowd. Students react to the speeches of this year’s candidates of the University Student Council elections during the annual mudslinging debate held at the Palma Hall on April 21. The event, organized by the UP Solidaridad, engages student council hopefuls in an intense discussion of principles and issues. | Dylan Reyes
Kontraktwalisasyon ng UP admin, tinutulan ng mga manggagawa Josiah Eleazer V. Antonio ISINUSULONG NG MGA UNYON ng manggagawa sa UP Diliman at UP Los Banos na ibalik ang mga ibinasurang probisyon mula sa UP Personnel Services Itemization Plantilla of Personnel (PSIPOP) na magpapalawig ng kontraktwalisasyon ng mga manggagawa sa loob ng pamantasan. Tinanggal ng administrasyon ni Pangulong Alfredo Pascual ang 334 probisyon mula sa PSIPOP noong Enero 27 nang walang konsultasyon na isinagawa sa mga kinatawan ng All UP Workers’ Union, All UP Workers’ Alliance, All UP Academic Employees Union (AUPAEU), at All Contractual Employees in UP (ACE-UP). “Lolobo ang dami ng mga kontraktuwal sa pamantasan dahil sa pagbabasura ng 334 [probisyon na ito] at maghuhudyat ng pagiging kontraktwal ng mga papasok na mga manggagawa sa pamantasan,” ani tagapagsalita ng ACE-UP Steph Andaya. Tinatayang aabot sa 1,500 ang kontraktawal at non-UP kontraktwal sa buong UP System, kung saan 400 ay nakabase sa UPD, ayon sa pagaaral na ginawa ng ACE-UP. Bagaman may mga benepisyo at bonus kagaya ng isang regular na empleyado ang mga kontraktwal, mula anim na buwan hanggang
isang taon lamang ang kanilang kontrata. Nakadepende naman sa pondo ng opisina ang matatanggap ng mga non-UP kontraktwal. Bukod dito, may mga kinukuha ding kontraktwal na empleyado mula sa mga pribadong ahensya ang unibersidad, tulad ng mga guwardiya at janitor. “Mabigat ang trabahong ginagawa ng mga kontraktwal ngunit hindi naman ito natutumbasan ng sapat na sahod at benepisyo,” ani Abe Golondrina ng ACE-UP. Iginiit ng mga unyon ang pagsasawalang-bahala ng administrasyon sa kanilang Collective Negotiation Agreement (CNA), kung saan nakasaad ang mga karapatan ng mga manggagawa sa maayos na konsultasyon bago magbaba ang administrasyon ng isang desisyon. Bukod dito, inilatag din ng mga unyon ang sa Artikulo XIII, Seksyon 3 ng Konstitusyon ng Pilipinas na nagsasabing “Employees have the right to participate in policy and decision-making affecting their rights…[employees] have the right to “security of tenure, humane conditions of work and a living wage.” Subalit sa isang diyalogo kasama ang mga unyon ng manggagawa noong Enero 27, sinabi ni Pascual na legal ang pagbabasura sa 334 probisyon batay sa Republic
Act (RA) 7430 o Attrition Law. Nakasaad sa nasabing panukala ito ang pagbabawas ng mga empleyado batay sa kanyang boluntaryong pagalis sa trabaho, pagretiro, pagkaalis sa trabaho, paglipat sa ibang posisyon, o pagkamatay. Ayon sa mga unyon, nilabag pa rin umano ng administrasyon ang RA 7430 dahil sa pagpapadali nito ng pagtanggal ng mga empleyadong may mahahalagang trabaho upang mapanatili ang pagpapatakbo ng isang ahensiya. “Nananatili ang pang-aabuso at maging diskriminasyon sa aming hanay sa ngalan ng multi-tasking at iba't ibang dagdag na gawain para mapunan ang kakulangan ng mgs tauhan para mapatakbo ang opisina,” ani Golondrina. Kasabay ng pagtutol ng mga unyon sa malawakang kontraktwalisasyon ng mga manggagawa sa unibersidad, pinalawig din nila ang kampanya para sa regularisasyon ng mga empleyado. “Patuloy naming igigiit ang panawagang regularisasyon, hindi kontraktwalisasyon… [sa] patuloy na pagkilos, pagbibigayaral at pagpapayaman ng kaisipan at sa sama-samang pagkilos, may tagumpay na inaasam ang aming laban,” ani Golondrina.
-
SUMATOTAL
Mga katiwalian sa kaban ng bayan Hans Christian Marin Arra B. Francia
1 2 3 4 5 6 7
Hininging badyet ng UP: P 25.497 bilyon Inaprubahang badyet ng gobyerno para sa UP: P 12.612 bilyon Matrikula at iba pang bayarin ng mga mag-aaral: P575 milyon Lupain ng UP at mga income generating projects: P836.3 milyon Kabuuang badyet na nakalaan para sa mga trahedya: P14 bilyon Tinatayang halaga ng nasalantang ari-arian ng bagyong Yolanda noong 2013: P 35.5 bilyon Badyet para sa mga biktima ng Yolanda: P 10.6 bilyon Inihandang badyet para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (PPPP): P 62.3 bilyon Kabuuang populasyon ng Pilipinas: 101.8 milyon Kailangang badyet ng isang pamilya para magkaroon disenteng pamumuhay: P31,530 Bilang ng benepisyaryong pamilya: 4.3 milyon Badyet na inilaan ng gobyerno sa edukasyon: P319.2 bilyon Badyet pambili ng lupang pagtatayuan ng mga gusali sa paaralan: P200 million Badyet pambili ng mga bagong aklat sa mga paaralan: P3 bilyon Badyet pambili ng mga bagong armas, gusali, at lupain ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas: P10 bilyon Kabuuang halaga ng Metro Rail Transit (MRT): P 56 bilyon Badyet na inilaan ng gobyerno para sa MRT: P 15.6 bilyon Kinaltas na badyet ng gobyerno para sa MRT noong nakaraang taon: P 12 bilyon Arawang kita ng MRT matapos magpataw ng P15 hanggang P28 dagdagpasahe: P 6 milyon hanggang P 1.12 bilyon Badyet na inilaan ng gobyerno para sa Metro Manila Development Authority: P 2.2 bilyon Badyet na inilaan para sa pagsasaayos ng mga basura: P994 milyon Badyet ng ‘parking building’ sa Makati: P2.7 bilyon. Badyet na inilaan ng gobyerno para sa Commission on Elections (Comelec): P16.8 bilyon Badyet na inilaan ng Comelec para sa precinct count optical scanner (PCOS) machines: P7 bilyon Badyet para sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan na maaaring gamitin ng mga politiko sa eleksyon: P31.1 bilyon Sanggunian: GENERAL APPROPRIATIONS ACT FY 2015 VOLUME II. (2015, Januray 26). Retrieved August 17, 2014, from http://www.dbm.gov.ph/wpcontent/uploads/GAA/GAA2015/GAA%202015%20Volume%201%20 with%20UACS/49%20SUMMARY.pdf
6-7
Tanong: Kung sabaw ka, anong mga sangkap nito ang maglalarawan sa iyong plataporma? Ibang kandidato sa pagkakonsehal*
KAISA-UP Tricia de Luna Po Santiago STAND UP Carol Marie Macalalia Rainier Rivera *Hindi nakarating ang mga kandidato sa itinakdang panayam ng Philippine Collegian.
COUNC
ALYANSA Jeronimo “Nemo” Ascue 4th Year, BA Speech Communication
Siguro kung sabaw ako, masasabi kong sabaw ako ng sinigang. Apart from being one of the most recognized Filipino dishes in the country, nire-rerepresent nito ‘yung culture natin sa Pilipinas. At ako, bilang sa College of Arts and Letters, bilang chairperson ng Council na to, masasabi ko na iyon talaga ang personal advocacy ko, na ilapit yung sining at kultura sa mga Pilipino at sa mga estudyante ng UP Diliman. As for the specific na sangkap, kung ano ang magde-describe sa plataporma ko with that advocacy, masasabi ko na iyon ‘yung laman, ‘yung mismong karne at taba. Iyon ang mismong pagkukuhanan ng sustansya ng mga estudyante. Ito ‘yung kakainin nila, ‘yung mararamdaman talaga nila, at siguradong may makukuha sila.
Jofer “Jofer“ Asilum 3rd Year, BA Philosophy
Kung sabaw ako, ito ay sabaw ng adobo. Kasi minsan naaalala ko ang adobo na niluluto ng mama ko. Minsan matamis, minsan maalat, tapos minsan may patatas, minsan may pinya. So maraming version. At gusto ko iyon na sa plataporma namin paiba-ibang version pero may iisang lasa na sigurado namang maibibigay talaga sa mga estudyante para sa kabutihan nila. Balanse at para sa lahat.
Vince Renzo “Vince” Liban 4th Year, BA Political Science) Kung sabaw man ang plataporma ko, maihahantulad ko ito sa sabaw ng cup noodles kasi makikita natin dito na it all comes in different forms and sizes. Merong beef, merong chicken, may iba't ibang flavors. Para siyang gender. Kailangan natin i-recognize that gender has different forms. Lalo na itong cup noodles nilalagyan pa nga natin siya ng mainit na tubig. Ito ‘yung gusto natin i-hain sa platforms namin about gender. Gusto natin i-break ang mga tao with the idea that gender is fluid. Ito ang mainit na pagtanggap natin sa ideya na maraming expressions ang gender, na kailangan natin i-recognize. Hindi lang ito para sa LGBT, o para sa kababaihan, kundi kasama na rin ang kalalakihan.
Allan “Allan“ Pangilinan 4th Year, BA Philosophy Kung sabaw ang aking plataporma, ito siguro ‘yung sinigang sa baboy pero hindi lang basta sinigang, sinigang sa baboy na may pinya. Kasi sa sinigang sa baboy, masarap na siya pero dahil sa pinya, may isasarap pa. At nakita naman natin sa Bagong USC na marami na tayong nasimulan, at lahat ng iyan ay hihigitan natin sa Sulong UP.
Marlina Lou “Marlina“ C
4th year, BA Commu
Kung sabaw ako na nasa sabaw ko na sa plataporma ko ay sa sinigang lang — m may after taste na matam nakakagising siya, 'di ba? 'Yon hinihingi natin sa mga estudyante ng makisama, mamulat, lumahok, at lum karapatan ng hindi lang mga estudyan ng bansa. Ngayon, may after taste na 'yon nga, na pag nagising ka na, nakila makukuha 'yung pagbabago na ninana Iskolar ng Bayan.
Kristian Mic Martinez
3rd year, BS Econom
Ang mga sangk sabaw ay ang karne isang mabuting pagb ng isang tunay na serbis bayan, at ang mga sah ng tunay na pagmamahal s pamantasan.
Eleanor "El Franzine “Baba” Foronda 4th Year, BS Business Economics Kung sabaw ako, ako'y lugaw kasi, ano bang mga kasangkapan ng lugaw? May kanin, may chicharon, may gulay, at minsan, may kalamansi. Makikita natin na samu't sari talaga ang sangkap ng lugaw. At iyon ‘yung plataporma ko. It's a balance of campaigns, activities and services. Balanse tayo so may mga services tayong makakatulong sa mga estudyante, nariyan ang USC Grievance desk, consultations regarding STS, at dorm tours. May events din tayo like Pride Week, and other than that, we have other campaigns like increased Transparency and Accountability in the government, and not just in the government, but also here in the UP Community.
Viktor “Viko” Fumar 2nd Year, Juris Doctor
Kung sabaw ako, iniisip ko talagang sinigang na sabaw kasi may asin, may sili, may kamatis - marami siyang iba't ibang sangkap, tapos buong-buo ang lasa. Kasi yung plataporma natin sa ALYANSA, marami siyang tinutugunan na mga bagay para sa isang unified na nation. Pangalawa, ang sinigang ‘di ba maraming iba’t ibang paraan ng pagluto nito — may nilalagyan ng bayabas, ‘yung iba may kamyas, ‘yung iba wala. Sa tingin ko, ‘yung platform natin very flexible sa kung ano ‘yung mga pangangailangan ng mga estudyante next year sa USC.
Magnolia Angela “Magnolia“ Del Rosario 2nd Year, BS HRIM Kung magiging sabaw ako, siguro sinanglaw kasi galing akong Baguio at Ilokano ako. Ang sinanglaw ay sinabawan na mga laman-loob. Tapos maasim siya, para siyang sinigang. Meron ding itong intestines ng baboy tapos dugo na pinatuyo. So kung magiging sabaw nga ako, magiging Sinanglaw ako kasi gusto ko na ang plataporma ay galing talaga sa loob. Gusto ko genuine siya at tsaka, syempre, bilang maasim siya, nakakakilig.
Beatrice Miranda “Bea” Reyno 3rd Year, BS Social Work Kung sabaw ako, bulalo kasi malaman dahil ang GPOA ng UP ALYANSA ngayong taon, malaman na malaman. Coming from the Bagong USC, gusto natin ipagpatuloy ‘yung mga proyekto na nasimulan natin katulad ng UP the Budget campaign na grassroots ang pagtingin sa budget process ng UP. From the colleges, orgs and council, doon ipo-propose natin ‘yung budget natin at ibibigay natin sa admin para talagang grassroots ang approach. Nandiyan din ang Magna Carta on Students na magiging binding siya this year kung ALYANSA ang ma-elect kasi, not only will it come from the students, talagang ibibigay natin siya sa BOR at sa admin para maging binding siya para pag may naging transgression against students' rights, meron siya agad na remedy.
Jullian “Tolits” Tanaka 3rd Year, BFA Industrial Design Kung sabaw ako, tingin ko, ako'y isang bulalo. And ‘yung magiging sangkap na nagpapakita ng plataporma ko ay ‘yung bone marrow na tingin ko ito ang pinakamasarap na parte ng bulalo lalo na kapag malamig ang panahon. Kasi naniniwala ako na sa pinakaloob dapat manggaling lahat ng hugot natin sa pagfo-forward ng advocacies natin. Siyempre, ito ‘yung pag-aalaga sa mga karapatan ng mga atleta natin. Naging isang atleta rin ako, and gusto kong manggaling sa kanila mismo yung panggagalingan ko sa plataporma ko.
Mark Jonathan “Marjon” Abut
2nd year, BA Comm
Kung isa akong nasa loob 'yung pla magiging laman niya noodles — 'yung pans I believe, I think na every [has] eaten pansit from inst UP. That's where I want to go from the matches, to make people be aware o and to also be able to publicize even tayo ng awareness. So in that way, I w on people and have an impact to these
Jeremi Elaij “Mimi” Bar
4th year, BA Politica
Kung isa ako magiging sangkap ko mga gulay kasi will a welfare of the students welfare nga ng student natin, makakatulong ang mg makapag-isip ang mga estudyante at ang approach nila sa mga bagay-baga
IN
Mark Navata
4th Year, BS Comput
4th Year, BS Materials Engineering Kung sabaw ang plataporma ko, sabaw siya ng sinigang kasi maasim, nakakakilig, tagos hanggang buto at masarap.
Kung sangkap ak natin ng tubig, sibuyas matapang, at hindi tako natin ng hindi natatakot. O sa University Student Counc pagbabago. Kailangan natin ng sili
CILORS
Huwebes 23 Abril 2015
KAISA
STAND UP
uise Carlos
unication Research
o, ang mga sangkap a maihahambing ko y sampalok. Parang maasim-asim, tapos mis. So maasim, so naman talaga 'yung gayon na magising, maban para sa mga nte pero pati sa labas a masarap, matamis, ahok ka, ay doon mo ais natin bilang mga
chael "KM"
Leandro Anton “LA“ Castro
Isabelle Gloria “Sab” Villena
2nd year, BA Journalism
3rd year, BA Anthropology
Kung sabaw ako, marahil gusto kong maging isang sopas. Kasi ang sopas mayroong noodles, mayroong chicken, mayroong carrots, cabbage, at gatas. Kaya ko gustong maging sopas ay kasi gano'n nga ‘yung mga sangkap. Kasi gusto ko, 'yong aking plataporma, gusto kong makapag-engage ng iba't ibang mga estudyante, at makapag-provide ng holistic development sa kanila. Gaya ng sopas mayroon itong source of protein, ‘yung chicken, and carbohydrates, nandyan ‘yung noodles, may mga gulay — carrots, cabbage — dahil 'yong plataporma ko, gusto kong mag-provide ng holistic development and training opportunities para sa iba't ibang mga estudyante at iba't ibang mga organization sa UP. Una, mas mabisa tayong makapagbigay tindig sa mga isyu at makalahok sa mga isyu ng university at ng bansa.
li" Ganiston
Beata Regina “Beata” Carolino 4th Year BA Journalism Sili. Kasi maanghang, palaban, kahit haluan mo ng tubig o kahit kasama niya ay tubig, nangingibabaw ‘yung lasa. Parang ‘yung plataporma natin dito sa STAND-UP, mapanghamon at mapagpalaya.
5th Year BS Electronics and Communications Engineering Kung ako ay isang sabaw, ang mga sangkap na magre-represent sa aking plataporma ay mga sangkap ng sabaw ng adobo. Ito ay toyo, bawang, suka at kaunting asukal. Toyo, para sa alat, dahil ang plataporma namin ay para ipaalam o imulat ang mga kapwa estudyante sa mga hirap na pinagdadaanan ng mamamayang Pilipino. Alat, ito yung pagpapamulat sa alat na nae-experience ng ordinaryong mamamayang Pilipino. Asim naman para sa pagcriticize namin sa mga polisiya ng ating gobyerno na against sa ating mga Pilipino. Tapos, bawang. Ang bawang naman ay isa sa mga produkto na talagang naipo-produce. Ito ‘yung kumakatawan sa suporta natin sa Pilipinas.
Ma. Krizzia Abigail “Raine” Calucag 2nd Year, MA International Studies
mics
kap ko bilang isang e ng pagbabago — babago. Ang gulay syong para sa ating hog na magbibigay sa bayan at ating
Kung sabaw ako, isa akong sweet and sour na sabaw. Sour kasi mapait ang hirap na dinadanas para magkaroon ng kapayapaan, which is ‘yung sweet na part.
Katrina Claire “Kat“ Hernandez
Dulfo Dulfo
3rd year, BA Journalism Kung isa akong sabaw, ang mga sangkap na ibubudbod ko doon sa sabaw na iyon ay, una syempre ang karne, kasi ‘yun ‘yung meat ng plataporma ko. Kasi ako, I want to be the committee head of the Basic Social Services committee na tututok din sa mga PWDs. Kasi recently, nakarinig ako sa PJRC and 'yung nanalong case doon is about PWDs and iyon ‘yung naginspire sa akin for that. And siyempre, magic sarap para mag-empower tayo ng mga estudyante. And of course, mga rekado, kasi inklusibo tayo sa KAISA.
munication Research
sabaw at 'yung mga ataporma ko, 'yung ay 'yung sa instant sit na nandoon. Kasi yone at some point tant noodles here in e UP Calendar that it of what's happening, nts na magkakaroon wanted to wish these e people. Thank you.
Anthony John “AJ” Santos 4th year, BS Electrical Engineering Kung ako ay isang sabaw, ang mga sangkap na nasa akin ay ang AJ-nomoto at ang AJ-ginisa. Ang mga sangkap na ito ang maglalabas ng linamnam at nanunuot na sarap at sustansiya ng aking plataporma.
jah rretto
al Science
ong sabaw, ang o ay mga gulay. Ang always push for the s at siyempre, since ts ‘yung pinu-push ga gulay upang mas mas maging kritikal ay.
NDEPENDENT
ta
ter Science
ko, ano ang maglalarawan sa aking mga plataporma, of course kailangan s, bawang, at ang gusto kong i-emphasize dito ay sili. Kailangan natin ay ot sa USC. Ako, bilang ang plataporma ko ay electoral reforms, kailangan Of course, magalit na ang magagalit. Kailangan nating ibalik ang students cil. Bahala sila. Basta ako, kailangan ko ng pagbabago. Hangad ko ang sa USC.
Karl Bruno “Bruno” Abenojar 3rd Year, B Secondary Education Kung sabaw ako, ‘yung rekadong magre-resemble sa magiging plataporma ko ay ‘yung mga gulay — yung sitaw, ampalaya, at kalabasa. Kasi gusto natin na hindi lamang ‘yung sektor ng estudyante ‘yung sine-serve natin kundi yung buong sambayanan, kasama niya yung iba’t ibang sektor sa UP community at pati na ang lahat ng nasa labas ng pamantasan. Siyempre sa atin, ang pananaw natin, kailangan natin ng isang Environmental Committee na tinitingnan, hindi lamang ‘yung environmental aspect ng disaster implication, kundi pati na rin ‘yung social impact. Hindi lamang ‘yung hayop, puno at halaman kundi ‘yung kapakanan ng buong lipunan.
Christian Bryle “Bryle“Leaño 4th year BS Chemical Engineering Kung ako ay isang sabaw, ako ay sabaw ng paksiw. Gusto ko munang sabihin kung ano ang aking mga plataporma. Bilang inyong susunod na USC Councilor, ipagpapatuloy ko ang nasimulang laban sa pagja-junk ng STS at Other School Fees, at siyempre ang pagpapanawagan sa pagpapababa sa ating matrikula. Ito ay ilan lamang sa aking plataporma na masasabi ko o maihahalintulad ko sa dalawang sangkap. Una ang umami dahil ito ay ang pambansang lasa na madaling nagugustuhan ng maraming Pilipino. At siyempre ang pangalawa ay toyo, ang pambansang sangkap sa lahat ng mga pagkain ng mga Pilipino. Toyo, dahil ito ay ang pinakamakamasa, pinakamakabayan na sangkap. Ito ay sangkap din ng ating paboritong pagkain, katulad na lamang ng adobo. Bilang inyong susunod na USC Councilor, katulad ng toyo at umami, sisiguraduhin natin na itong mga plataporma natin ay hindi lamang magsisilbi doon sa panlasa ng ating mga Iskolar ng Bayan kundi sa panlasa ng malawak na hanay ng mamamayan.
Ma. Shari Nina “SHARI” Oliquino 2nd year BA Broadcast Communication Siguro kung sabaw ako, paano ko ilalarawan ‘yung plataporma ko, pangunahing sangkap siguro dyan ay kamatis. Bakit? Una sa lahat, pula ito, nangangahulugan na pulang prinsipyo talaga ang pinaninidigan nito. At nangangahulugan na ito ay para sa mga mag-aaral, para sa mga mamamayan, para sa ating unibersidad at para sa buong bayan. Tapos paborito ko rin kasi talaga yung kamatis kapag nasa sabaw. Kaya ‘yun talaga ‘yung sinagot ko kasi para sa akin ito ‘yung nagbabalanse ng mga bagay-bagay. Kumbaga kung binigyan tayo ng isang isyu na kailangan natin i-address, ‘yung ating plataporma agaran mo siyang magagamit bilang sagot doon sa mga isyu na ‘yun. At bilang resulta, ibabalanse niya ngayon ‘yung mga bagay para sa ating mga Iskolar ng Bayan. Maliban siguro sa kamatis bilang mga sangkap naman ang sinabi, idadagdag ko lang ‘yung mga gulay. Bakit? Masustansiya ito at siyempre ano ba ang ating goal? Ano ba ang nakasaad sa plataporma natin? Gusto natin mapangalagaan ang overall welfare ng mga mag-aaral natin sa unibersidad at ‘yun din ang prinsipyo na dadalhin ng STAND UP sa konseho.
Kung sabaw ako, it would be lemon grass chicken soup and the ingredient would be lemon grass dahil Lemon-na, grassroots approach tayo sa STAND UP. We want radical change that will completely solve the root causes of the problems experienced by our students. And this said, we want projects that will have proper discussions and dialogues with our students and administrations. One simple and concrete plan would be the standardization of the tambayans of organizations and masters students. We will ask kung ano ba talaga yung kailangan nila — sockets, tables, chairs, and aircons maybe, and we will exhaust all efforts and concerns but never compromise our principles.
Kali “Kali“ Navea-Huff 2nd year B Sports Science, Councilor
So if our platform is a bowl of soup, I would say it will be corn chowder. I don’t particularly like soup but I like corn chowder, especially the corn. We’re raw, we’re candid and that would be the corn, obviously. We make sure we speak our minds and our passions. Our principles are first and foremost, and you know when we get hot and we get passionate. We’re going to make sure that the corn stalk stands tall. We’re gonna pop up and we’re gonna stand tall for everyone’s rights. We’re gonna make sure that we fight for the principles of our party and make sure that it is in line with the student council. Corn chowder sometimes is bland, so you’re gonna add the spices. The spices are different things that we each bring to the soup, so I would be, let’s say, pepper. I make sure that I have my own say on everything. I want to make sure that I’ll be that taste in your mouth because that’s definitely Kali Huff. Someone that really wants to leave a mark on, particularly the development of sports and the development of facilities for the use of all students, especially organizations. Scrapping the rental fees for the Sunken Garden, for the Track and Field Oval, for the use of all tambayans, that’s what I want to bring particularly to the student council, that’s my pepper. I know for a fact that every single one of my slatemates are gonna bring something and each have the opportunity to spice. So we’re not bland, we’re STAND.
Ross Alexis “ROSS” Olalia 2nd year Non Major Kung sabaw ako, ‘yung gusto kong ingredients ‘yung natural at hindi artipisyal. Parang sa STAND UP lang na gusto natin na ‘yung ilalatag natin, genuine na pamumuno at hindi yung repormang puro porma.
Jeanne Paula “Dadang” Alfonso
3rd Year, BA Philippine Studies Kung ako ay isang sabaw, ang ilalagay ko siguro doon ay isang sibuyas. Bukod sa purple siya kasi Gabriela Youth ako, makikita natin dito kapag hinihiwa mo siya ‘di ba naiiyak ka? Kasi kapag hinihiwa tayo ng mga isyu, ng mga iba’t ibang uri ng diskriminasyon, ‘di ba nakakaiyak? Tapos ‘yung mga hinihiwa doon ay ‘yung mga women, kabataan or LGBT Community. Pero kapag pinagsama-sama natin sila, kasi hindi naman nahihiwalay ‘yung isyu nila sa isyu ng lipunan, magkakaroon ng sama-samang pagkilos sa loob ng sabaw. Kaya kapag tinikman mo siya, malalasahan mo ‘yung sarap at mapagpalayang lasa sa lipunan.
8
LATHALAIN
Huwebes 23 Abril 2015
Beyond the line
The challenges of the UPD USC 2014-2015 Andrea Joyce Lucas THE BEGINNING OF THIS academic year was marked by a drastic turn due to the calendar shift, starting in August instead of June. But even so, the current University Student Council (USC) already began council work from as early as March 2014, serving in their posts longer than past terms. A new, bold and united USC was envisioned by this current term in order to bring together the members of the council coming from different political parties and affiliations, says incumbent USC Chairperson Arjay Mercado. Yet even with their goal of establishing a united front to face issues that plagued the university and the country, it has been a challenge for the USC to prove itself in its mandate of serving the students and the people.
New actions Several projects and campaigns highlighted this year’s USC, including the University Freshie Month that attracted more than 2,000 attendees. “Naging successful ito, at nakapagsingit rin ng mga campaigns para sa pagsali ng freshmen sa mga organizations,” says Mercado. Early during the term, the student body has also released their stand opposing the academic calendar shift and the anti-student provisions in the Code of Student Conduct. The USC has also participated in mobilizations, for instance during Labor Day in 2014 where the members of the council have been in full attendance. In July, the USC joined in the Freedom of Information (FOI) Youth Congress held in UP Diliman. The council actively shows its commitment to the cause by being transparent and accountable in their surveys with the students, Mercado says. “‘Yung natutunan namin [sa congress] ay na-apply namin doon sa [nakaambang laboratory fee] sa College of Engineering [noong Oktubre]. Humingi tayo ng mga datos sa mga department para magkaroon ng balanseng pagtingin ang mga estudyante sa pagde-desisyon sa mahalagang isyu na ito,” he added The USC was already faced with several issues even during the start of their term — the most compelling of these was the implementation of the Socialized Tuition (ST) system, the new tuition scheme replacing the Socialized Tuition and Financial Assistance Program that determines the tuition discount based on the family income of students.
ng administrasyon,” said Parinas. Essentially, the student body has veered away from its mandate of defending and promoting the rights and welfare of the people.
Mercado stressed that formulating a stand for a crucial issue is no quick matter and should involve comprehensive study, as it is a mechanism to get the pulse of the students. “[So] we moved forward with our comprehensive survey and then collated the information to make our STS policy proposal to address the students' many concerns,” said Jamie Bawalan, incumbent USC councilor. The council has only released their stand on ST System this April, a clear manifestation for some student leaders that the council lacked action regarding the issue. "Hindi na serve the people, survey the people [na] ang nangyari," said Ana Alexandra Castro, former USC Chairperson.
Standing united
Bold front
While even within the USC, there has also been a struggle to unite its council members, it has also been a struggle to unite the university as a whole on issues that concerned the students’ welfare. “Some members [of the council] took being in active service as an option,” said Bawalan. In the projects that the USC initiated this year, there was a constant need of manpower but unfortunately, she further noted, not all of the council members could be relied on to deliver. “Hindi [kasi] pantay-pantay ang effort [na ibinibigay] ng mga councilors,” said Mercado. Yet service in the council moves far beyond participating in projects. Clearly, the body has fell short when it came to pulling the students together for collective action. “[Unity] was not fully achieved because the USC failed to make decision-making accessible enough to the student body,” said Carl Santos, incumbent USC Councilor. Additionally, the USC failed to sufficiently bring to light the student’s pertinent local and national issues at hand that needs concrete actions. “[The USC] needs to show students that it stands for them, so that they will be willing to participate in its actions,” Santos added. With the ever-changing academic landscape in the university fueled by anti-student policies of the UP administration, it is now a challenge for the next student body to be united and firm in their stand towards issues, and living up to the historical role of the USC of fighting for the welfare of the students.
The council this term has been slack in formulating stands and initiating actions regarding crucial issues, as pointed out by leaders coming from different sectors of the university. President of the All UP Workers Union Felix Parinas emphasized that the USC has not been able to stand in solidarity with the workers in UP in their struggle for tenure, as well as with the vendors as they were threatened to be displaced. The workers’ union has also felt that the USC had failed in coordinating with them. “Hindi man lang sila lumapit o nakipagugnayan sa anumang isyu, kahit na sa mga simpleng relief operations lamang na para bang nagsasarili sila, samantalang nagsasagawa rin naman ng [relief operations] ang union,” said Parinas. Furthermore, the USC clearly has not been bold enough in facing the issues that came its way, especially spearheading on national issues that shook the country such as the unconstitutional Disbursement Acceleration Program of the Aquino administration, and the Mamasapano incident. “[Tila] tulog ang USC [ngayon],” said Castro. “[Naging] lax ito sa mga [pagkilos] at hindi decisive. Kung tutuusin, parang nagpatianod lang sila sa kung ano ‘yung kapasyahan
-
m
ero
ig
es
e nK
oh
o
yJ nb
ati str
Illu
th
e nn
Za
p
ed ag P ata
yJ nb
aro ag T e
GRAPIX
Huwebes 23 Abril 2015
9
Lupang Tinubuan Ang araw-araw na pakikipagsapalaran ng mga katutubong Aeta sa Sitio Tarukan
Chester Higuit
Taong 1991 nang hinarap ng mga katutubong Aeta ang nagbabagang abo at grabang bumalot sa kalangitan ng Bulkang Pinatubo. Sa pagbalik nila sa lupang kinalakihan ay bumungad sa kanila ang malawak na lahar na lumamon sa kanilang tirahan at kabuhayan. Sa paglipas ng mga taon, bagamat nawala na ang abong tumatalukbong sa langit at ang panginginig ng lupa ay umusbong naman ang mga panibagong hamon na dala ng makabagong kultura at panahon.
Ang mga nakasanayang bahag na kasuotan ng mga katutubong Aeta ay napalitan na ng damit, shorts at pantalon. Sa pagusbong ng turismo sa Pinatubo, binuksan ng mga Aeta ang Sitio Tarukan sa mga dayo. Naging mistulang tanawin ang kanilang grupo na ginagawang negosyo ng mga namumuhunan sa turismo.
Sa ilalim ng matinding sikat ng araw, nakakahapo ang paglalakbay ng mga Aeta paakyat at panaog sa kabundukan patungong karatig na mga bayan. Ang lakbaying ito ang larawan ng landasin ng mga katutubong Aeta tungo sa pag-unlad - mahirap, malayo mabagal. Ngunit gaya ng pagputok noon ng Pinatubo, maglalakbay sila hanggang sa luminaw ang kalangitan. Sa kabila ng init ng araw, galit ng kalikasan, at nagbabagong kapaligiran.
Nananatilli pa rin ang kultura ng maagang pag-aasawa ng ilang magkapares. Tipikal na para sa isang babaeng Aeta ang magpakasal sa edad na 15 taong gulang.
Sa edad na trese, maagang namulat si John Paul sa paghahanapbuhay. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral ngunit hadlang ang kakulangan sa pera at layo ng paaralan sa kanilang lugar. Katulad ni John Paul marami sa mga kabataan sa tarukan ang nakapagtatapos lang ng elementarya dahil sa kawalan ng sekundaryang paaralan malapit sa Tarukan.
10
OPINYON
Huwebes 23 Abril 2015
PASAKALYE
Ekstra-ordinaryong Krimen Ron Cuera ARAW-ARAW AY NAKIKIPAGPATINTERO tayo sa karahasan. Noong nakaraang Biyernes, Abril 17, pumunta kami sa opisina ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL). Sinamahan namin ang ilang miyembro ng Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in De La Salle Araneta University (STAND DLSAU) para magasikaso ng verified complaint laban sa administrasyon. Iligal na ipinatutupad ng DLSAU ang academic calendar shift, trimestral scheme at tuition increase kahit na hindi pa ito aprubado ng Commission on Higher Education (CHED). Kasama sa ibinubuwis ng DLSAU ang akademikong integridad ng mga kurso nito tulad ng Veterinary Medicine na dapat ay anim na taon ngunit gagawing apat na taon na lamang, hindi para sa akademikong dahilan kundi para sa pera. Isinampa rin ng STAND DLSAU ang kaso sa CHED nang araw na iyon, at noong Abril 22, nagsagawa sila ng kilos-protesta sa harap ng kanilang eskwelahan. Maraming estudyante ang dumalo. Hindi lang karahasan ng edukasyon ang kasong nilalabanan. Sa katunayan, siksik-liglig ang opisina ng NUPL nang araw na iyon. Naabutan naming nagsasalaysay sa isang kuwarto ang kapatid
at nanay ni Mary Jane Veloso, 30 taong gulang single mother na tubong Nueva Ecija, ang tanging Pilipina na nasa deathrow sa Indonesia. Dapat pigilan at itigil ang pagpapataw ng death penalty kay Mary Jane. Walang due process. Hindi natiyak ng gobyerno ng Pilipinas noong 2010, sa panahon ng mabilis na anim-nabuwang paglilitis sa Indonesia, na mabigyan siya ng mahusay na abogado, tagasalin, at patas na paglilitis. Nakapagtataka ring hindi isinaalang-alang ng gobyerno ng Indonesia ang “non-punishment” clause ng “Law on the Eradication of the Criminal Act on Trafficking in Persons” sa kaso ni Mary Jane, na biktima ng human trafficking. Masyadong marahas at di-makatao ang death penalty para sa isang tao na kuwestiyonable at minimal ang partisipasyon sa krimen. Biktima si Mary Jane ng eskstraordinaryong karahasan ng gobyerno. Sa napakaraming antas, isinangkalan ng pamahalaan ang mga tulad ni Mary Jane: hindi nakapagtapos ng pag-aaral, napilitang makipagsapalaran sa Indonesia at iwan ang dalawang anak, biktima ng human trafficking, walang kamalay-malay na pinagbitbit ng maletang siniksikan pala
Araw-araw, ang karahasan ng pamahalaan ay karahasang nilalabanan
ng iligal na droga. Sa isang dayuhang bayang itinuturing ang mga kaso ng iligal na droga bilang ekstraordinaryong krimen, ang marahas at sistematikong kahirapan sa Pilipinas – at ang iresponsableng gobyerno at naghaharing iilan – ang mga esktraordinaryong kriminal, at hindi si Mary Jane. Napakasimple ng aritmetik ng sistematikong pang-aabuso ng gobyerno at naghaharing iilan. 1. Huwag maglaan ng sapat na pondo para sa panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan at pabahay, 2. Panatilihin silang busabos at hindi makaangat sa buhay, 3. Huwag magbigay ng makataong trabaho at makatarungang sahod, at 4. Pilitin silang mangibang-bansa upang maging alipin ng dayuhan. Araw-araw ay napakaraming kaso ng paglabag sa karapatan ng mga estudyante, migrante, mamamayan. Araw-araw, ang karahasan ng edukasyon sa bansa ay testimonya ng karahasan ng pamahalaan. Araw-araw, ang karahasan ng pamahalaan ay karahasang nilalabanan. Araw-araw ay nakikipagpatintero tayo sa karahasan, na mismong gobyerno ang lumikha. Binabalense ng maliliit at kalyado nating mga palad ang mundong nilikha ng kawalangkatarungan. Sinasabihan tayong maging ekstraordinaryo sa pag-aaral, pero higante sa laki at bigat ang matrikula’t bayarin. Lumalaki tayo na ang mga nanay natin ay nagiging nanay ng mga anak ng dayuhan. Araw-araw, ang karahasan ay dapat nating labanan. At dahil sistematiko ang karahasan, imperatibo na sistematiko at ekstraordinaryong kolektibo ang paglaban estudyante at mamamayan.
-
Talk Dirty to Me* Patricia Ramos BAKA DAHIL LANG SA KAWALAN NG kaalaman ko sa pulitika, o sa kakulangan ng mga kaibigang bahagi ng konseho, kaya ito ang unang pagkakataon na napansin kong sadyang madumi ang daloy ng University Student Council elections ngayong taon. Nabanggit dati ng isa kong propesor na ‘di naiiba sa pambansang halalan ang eleksyon sa unibersidad. Ayaw ko pa itong paniwalaan noong freshie pa lang ako, gusto kong maniwala na iba ang kalidad ng mga kapwa isko at iska na kumakandidato. Tutal, galing naman tayo sa isang institusyong naninindigan sa dangal at tunay na serbisyo sa bayan. Ngunit ngayon, napagtanto ko na tama ang propesor ko. Sa halip na ipamalas ang katapatan ng mga kandidatong tumatakbo, tila alitan ang nangingibabaw sa bawat debateng dinadaluhan ko. Kaya sa bawat makamandag na salitang ibinabato nila, tila lumalabnaw ang mga pangako ng bawat kandidato. Nagmumukha tuloy sabungan ang UP kung saan pipili ka ng manok mo sa pula, sa asul, o sa dilaw. Wala akong tinutukoy na partikular na kandidato o partido. Sakaling may tamaan isa lang ang masasabi ko, “Bato-bato sa langit, ang tamaan ‘wag iboto.” Joke. Pero sa totoo lang, hayaan niyo nang sabihin ko ‘to bilang isang botante, bilang kawani ng pahayagang ito, at bilang mag-aaral na pagsisilbihan ng konseho. Kunikundena ko ang mga taong nais
aspaltuhan ang sariling “tuwid na daan” na alam kong sukang-suka na tayo, ayon sa karanasan. Sinisisi ko ang mga nais mamuno na wala pa man, lumalabas na ang tunay na kulay kaiba sa kulay na daladala niya sa panahon ng pangangampanya. Para sa mga k a n d i d a t o na bahagi ng m a d u m i n g kampanya, lalong nangingibabaw ang mga pagkakamali niyo sa mga pangako at mensaheng kasing gasgas at hangal ng mga tagline niyo, gayong wala pang natutupad sa mga ito. Para sa mga kapwa kong botante na paulit-ulit na nangungutya sa mga estudyanteng bumoboto sa mga kandidato ayon sa mga “mabababaw at maling rason” – aminin natin na minsan, kasalanan din natin ang pagboto dahil lang siya’y kaibigan o kakilala at hindi dahil sa kapanipakinabang ang kanyang plataporma. Kung ako ang tatanungin, boboto pa rin naman ako kahit nabigo na ako sa
kampanya pa lamang ng ating susunod na konseho. Inaasahan ko na lamang na may boboto din kahit papano (at hindi abstain lang), at pipiliin ng mga kapwa ko iskolar ang kanilang mga kandidato base sa mga kung sino sa tingin nila ang karapatdapat mamuno— maging mapanuri at maging listo. Tila kumalawit na sa loob ng ating unibersidad ang uri ng pulitikang kinasasadlakan ng mga Pilipino sa labas ng pamantasan. Habang lumalakas ang nakasusuklam na halimaw na ‘to, hindi natin ito pwedeng hayaang mahasik ng anumang virus sa pamantasan. Kaya kailangan natin ay ang mga mandirigmang hindi natatakot lumaban at handang ipaglaban at paglingkuran ang kanilang kapwa laban sa halimaw na Humahalo ang buntong-hininga ko sa ugong ng kompyuter. Minsan pa’y mapapabuntong-hininga na lamang ako lalo na sa pinakahuling bastusan na naganap sa kampanya, at iisipin ko nalang sa sarili: “Heto na. Halalan na naman.” *pasintabi kay Jason Derulo
Gusto kong maniwala na iba ang kalidad ng mga kapwa isko at iska na kumakandidato. Tutal, galing naman tayo sa isang institusyong naninindigan sa dangal at tunay na serbisyo sa bayan
-
Galawang breezy Dessa Arissa P. de Dios SABI NILA MAHIRAP DAW PUMILI KAPAG marami kang pinagpipilian. Paglabas ko kanina mula sa klase ko, sinalubong ako ng mga estudyanteng nakakulay dilaw, pula at asul. Eleksyon na nga pala. Tanda rin ito ng nalalapit na pagtatapos ng madugong semestre. Sa pagsisimula ng kampanya, hindi na ako nagulat sa mga naging kaklase ko dati na hindi ko kadalasang nakakausap na biglang nakikipagkamay o ‘di kaya nama’y ngingitian ka sa tuwing makakasalubong mo sa daan. Naglakad ako papuntang sakayan, at mas marami pang papel ang nakuha ko mula sa mga kandidato—laman ng mumunting mga flyers ang mga proyekto at kung ano-ano pang programa na gagawin nila sakali mang maluklok sa pwesto. Sinusubukan kong basahin ang ilang papel na hawak ko nang may biglang tumapik sa akin. Si Cherry, kaklase ko dati sa isang GE class. Naka-asul siyang pormal na polo. Inalahad niya ang palad niya sabay sabi ng “kamusta?” Sabi ko, “Ayos lang. Ikaw?” Ngumiti siya sabay abot ng panibago na namang papel. Ngumiti na lang din ako nang abutin ko ang papel. Tuloy ang lakad, dahil totoo namang mahabang lakaran mula sa huling gusali ng klase ko hanggang sa sakayan ng jeep. Sa daan marami pa akong nakita at nakasalubong. Kapag sinuswerte ka nga naman, ‘yung crush ko sa isang major class nung nakaraang semestre tumakbo din pala ngayong taon. Kung asul ang kanina, nakapula naman ang kakilalang nakita ko. Dahil perks ng eleksyon ang pakikipagkamay, pumihit ako pakanan para magkasalubong kami. Marahan akong nagbilang ng “”five meters away, four, three, two..and boom! Tagumpay! Tagumpay ang galawang breezy ko. Nakamayan ko sa unang pagkakataon ang crush ko. Jackpot, sa isip-isip ko. Katulad nung kay Cherry, binigyan din niya ako ng maliit na papel. Nakasakay na ako’t lahat-lahat sa jeep iniisip ko pa rin ang nangyaring ‘kamayan’ kanina. Iboboto ko ‘yun panigurado. Pero ‘yun na nga lang ba ang magiging batayan ko sa pagboto? Naisip ko tuloy, sino nga ba ang dapat kong iboto? Pwede ko kasi talaga siyang iboto dahil totoo namang may hitsura siya, o ‘di kaya ‘yung kaibigan kong si Cherry, o ‘yung isang kandidato na nag-RTR kanina sa klase. Naantig kasi ako sa kwento ng buhay niya, tipong pangMaalaala Mo Kaya—mga kwento ng tagumpay, kabiguan at marami pang iba. Bigla kong naalala ang mudslinging ng UP Solidaridad at iba pang debate na napuntahan ko. Saka ko pa lang naisip na disedido na akong bomoto. Iboboto ko ‘yung mga kandidatong swak ang argumento sa tanong na hinihingi ng mga estudyante. ‘Yung may sariling tindig na pinanghahawakan at may tunguhing pangalagaan at isulong ang kapakanan ng mga iskolar ng bayan at maging sa labas ng pamantasan.
-
OPINYON
Huwebes 23 Abril 2015
Peasant groups slam bogus sugarcane act
TEXTBACK
Mula sa pahina 3 (AVA), which would place foreign companies on the priorities of the government in approving related projects in the sugarcane industry. Farmers claim the AVA to be a restructured version of the stock distribution option (SDO) that hindered farmers from receiving their own land under the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) in 1988. Under the SDO, farmworkers are allowed to own shares of the company instead of acquiring their own land. The Supreme Court junked the SDO in 2012, deciding in favor of the farmers’ right to own land instead of stocks. Despite the decision, more than 4,000 hectares of land in Hacienda Luisita has yet to be distributed to 6,212 farmerbeneficiaries. “AVAs allow for a rather sophisticated mode of land grabbing,
practically swindling unknowing farmer-beneficiaries to be at the mercy of destructive neo-liberal economic policies,” said Estella. Meanwhile, the Department of Budget and Management has been mandated to allot two billion pesos worth of funds for the sugarcane act. RA 10659 practically legalizes presidential lumpsum allocations, standing akin to the Disbursement Acceleration Program (DAP) from which the Filipinos have already lost millions, said Estella. A program to speed up the distribution of funds for public projects, parts of the DAP were declared unconstitutional by the Supreme Court last year. “[The administration] is merely recycling worn-out modes of the failed CARP, the farm workers’fight for land and justice is definitely not over,” according to UMA.
-
WWW.PHILIPPINE COLLEGIAN.ORG
Kung tatakbo ka, anong partido ang tatakbuhan mo at bakit? Ang partido ni Mark.ang saya kasi niya siguro.Gusto ko malaman kung pano maging feeling ng isang nuisiance candidate. 2013 ‘mark mema navatta’ BA Journ ako sa alyansa kasi gusto ko malaman kung san galeng mga random stands nila 2012-1***2 BOOM cswcd Stand UP kasi may stand sila 201429__ yow BS Math Sa KAISA kasi ang pogi talga forevs ni LA. Asawahin mo ako oks lang. 20121234 BS CS
NEXT WEEK’S QUESTIONS:
1 2
Ano ang palagay mo sa naging resulta ng halalan? Kung ikaw si Princess Sarah, kaninong patatas ang babalatan mo at bakit?
Ipadala ang inyong mga sagot, opinyon at komento sa Kule! Itype ang KULE <space> STUDENT NUMBER <space> PANGALAN at kurso at ipadala sa
0917 375 9821 CONTACT US! Write to us via snail mail or submit a soft copy to Rm. 401, Vinzons Hall, UP Diliman, Quezon City. Email us at kule1415@gmail. com. Save Word attachments in Rich Text Format, with INBOX, NEWSCAN or CONTRIB in the subject. Always include your full name, address and contact details.
Get free publicity! Send us your press release, invitations, etc. DON’T TYPE IN ALL CAPS. And go easy on the…punc - tuations?! dOn’t uSe tXt LanGuage pLs. Provide a short title. 100 words max. Email us at kule1415@ gmail.com
Get updates from the Philippine Collegian philippinecollegian kule1415 philippinecollegian Philippine Collegian issuu.com/ philippinecollegian
11
EKSENANG PEYUPS
The i-Lichon Edition HELLO MGA BESH! Kalurkey itong nagdaang linggo! Sobrang Jinit Jackson kaya basangbasa pati ang singit at cleavage ko, juskodiday! Wapush! Wapak! Sumabay pa itong erection season, este, election season, lalong uminit ang panahon dahil sa bangayan ng ating three major parties: ang Pulong UP, Missing UP, at Palaban Isko. Yak ang corny, I know. Anyway, bilang may explanatory award ako nung high school… Pulong UP kasi we just discovered paiba-iba kayo ng sinasabi, pagpulungan niyo muna wahaha! Missing UP kasi nasaan kayo noong kelangan namin kayo? Charot lang! At Palaban Isko kasi parang makikipagjombagan parati mga kandidato niyo offline and online, I’m looking at you Joma Rison na super busy mga teh! PULONG UP. Sinetch itey na parang nagpatakbo ng lamay nitong nagdaang erection season? Jusko besh, anek sa tarp with your face? Sponsor ba ang St. Peter’s Plan? Sana pala pinadala mo yan sa Kape or USC event, saktong may pakape ka na at bingo ka pa sa wiz khalifa mong pagsagot sa issues. Kalurkey! Nabaliw ako nang sobra upon seeing your big tarp sa mudslinging! Muntik na nga akong dalhin sa mental ward. Hmmm… There’s actually a word for a mental institution. Gets mo besh? Wahaha chika! MISSING UP. This is just to say hi sa nipples ni pseudo macho candidate from our friends in the yellow submarine. Besh nag-hello kasi jutongis mo when you removed your polo when our sweaty arms made contact to each other during an event in our home college. Jusko, muntik na akong mapakanta ng Bachtung Baby dahil sayo besh. Sa susunod isusumbong kita sa dalwang Tulfo brothers. Mehehe PALABAN ISKO. Anyare puh sa ilang niyong kahanay? Mukhang napasama sa Missing UP ah. Super MIA nitong nagdaang campaign! Ano sila, display? I did not even see ‘em during the heavy rain sa mudslinging, they did not even make sabat sa ilang mga issues. Nganga. Buti na lang meron kayong batang may laban. Jusko huh, wag na ulitin next year! Who will lead this year’s USC kaya? I hope it’s someone who will keri the struggle of us iskos, iskas, and iskeys. Coz you know, there’s too much black propaganda happening lately and it’s not maganda anymore. Let’s put the ganda back in propaganda okay? Good luck mga besh! And let’s practice our right to vote even if it is mainit and we become lechon this election season!
-
NEWSCAN
UP Rep’s KARITAS AT DAMASO x ISANG MAGSASAKA TURN UP THE HEAT SUMMER WITH UP REP!
THIS
Brace yourselves for a summer to remember as the UP Repertory Company brings you the twinbill production KARITAS AT DAMASO by U Z Eliserio and ISANG MAGSASAKA by Reuel Aguila. With fresh beats by hot up-and-coming DJs, fabulous performances, sizzling hot girls and guys gone wild plus a handful of surprises, this is the summer party you’ll #NeverForget! Party’s at The Club BTS on the following dates: April 24 & April 26 (7pm), April 25, 27 & May 1 (3pm & 7pm). For tickets, just contact MARA at 09178528950. This 2015, the former organizers of the University Job Fair officially introduce the biggest UP Career Fair, bridging over a hundred companies to thousands of graduating students each year through award-winning creative executions. Together with partner UP institutions, organizations and corporate sponsors we bring the largest and widest career and internship market for the UP Diliman graduating and junior students. Our Four-day Career Fair is integrated in the University-wide Student Career Discovery Week, ensuring maximum attention and participation from all units. We are inviting you to live your passion. This coming May 5-8, 2015. UP Vargas Museum, together with Alpha Phi Beta Fraternity, presents L. De Guzmán’s fifth solo show titled UP Naming Mahal. It opens on May 5, 6pm at the 3F Galleries of the museum. This exhibit is Alpha Phi Beta fraternity’s and the artist’s tribute to the University as this serves as the accumulated memories collected by the fraternity over its 75 years of existence. Alpha Phi Beta celebrated its 75th Founding Anniversary last October 2014. The exhibit runs through June 6. For more information, please contact Vargas Museum at (+632) 928-1927 (direct line), (+632) 981-8500 loc. 4024 (UP trunkline), (+632) 9281925 (fax) or send an e-mail to vargasmuseum@gmail.com. You may also check our website at http:// vargasmuseum.upd.edu.ph or like us at http://www.facebook.com/ vargasmuseum.upd and follow us @ UPVargasMuseum for updates.
EDITORYAL
12
Huwebes 23 Abril 2015
Panahon ng pagpili at pagtindig Code of Student Conduct, paggigiit ng karapatan sa paninirahan ng mga komunidad na nahaharap sa demolisyon. Ang kasaysayan ng lahat ng konseho ng mga mag-aaral ay kasaysayan ng kolektibong pagkilos. Kasaysayan ito ng hindi pananahimik sa mga isyu at hindi napapagod na pagtindig para sa tunay na pagbabago, karapatan, at katarungan. Ngunit nitong nagdaang mga taon, hinahanap ng mga magaaral ang pagtindig ng USC para sa kalakhan ng mga iskolar ng bayan at ang tradisyon ng malakas na pagsalungat sa mga kontra mag-aaral at komunidad na mga isyu tulad ng ST System, pagsikil sa UP Manininda at Academic Calendar Shift. Hindi lang eleksyon ang USC elections, panahon ito ng pagtimbang ng mga politikal na partido at kandidato, at ang kanilang politikal na paninindigan at kamulatan sa bawat iskolar ng bayan. Boboto ba tayo dahil kaibigan natin ang mga kandidato, o dahil ipinagtatanggol nila ang karapatan natin. Ang USC ay hindi kailanman simpleng opisina lang. Hindi ito prestihiyo o gawad. Ang tradisyon ng USC ay tradisyon ng pagtindig para sa estudyante at bayan, laban sa mapang-api at dayuhang mandarambong, laban sa tiwali at hungkag. Kailangan natin ng isang konseho na magpapatuloy ng militante at progresibong kasaysayan ng USC— na mapangahas at sumusuong sa laban para sa karapatan ng bawat iskolar ng bayan. Isang konseho ng mga estudyanteng maninindigan na ang edukasyon ay karapatan ng mamamayan, na ang UP ay Pamantasan ng Bayan, at na ang mga mag-aaral ay Iskolar ng Bayan. Kaya naman higit nating
Philippine Collegian Mary Joy Capistrano Punong Patnugot
Gloiza Rufina Plamenco Kapatnugot
Emmanuel Jerome Tagaro Patnugot sa Leyawt
Ysa Calinawan
Patnugot sa Grapix
John Keithley Difuntorum Patnugot sa Litrato
Kawani Patricia Ramos Pinansiya Amelyn Daga Tagapamahala Sa Sirkulasyon Paul John Alix Sirkulasyon Gary Gabales, Amelito Jaena, Glenario Ommamalin Mga Katuwang Na Kawani Trinidad Gabales, Gina Villas Kasapi UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (Solidaridad), College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Online kule1415@gmail.com, www.philippinecollegian.org, fb.com/philippinecollegian, twitter.com/kule1415
kailangan ng mga lider-estudyante na may malinaw na tindig laban sa korapsyon o tiwaling opisyal. Hindi maikakaila na naging mapanghamon ang taong ito para sa mga estudyante ng unibersidad at ng mamamayang Pilipino. Nariyan ang isyu ng korapsyon ng itinuturing na Pork Barrel King BS Aquino III at Sec. Butch Abad. Nariyan ang walang habas na pagtaas ng pamasahe sa MRT at LRT. Kasabay nito ang hamong harapin ang mga isyu sa sektor ng edukasyon tulad ng deregulasyon ng edukasyon, tuition and other school fees increases, academic calendar shift, socialized tuition system, K to 12 at Roadmap to Public Higher Education Reforms (RPHER). Idagdag pa rito ang mga kampanya ng manininda laban sa komersyalisayon, manggagawa laban sa kontraktwalisasyon,
Ang kasaysayan ng lahat ng konseho ng mga mag-aaral ay kasaysayan ng kolektibong pagkilos. Kasaysayan ito ng hindi pananahimik sa mga isyu at hindi napapagod na pagtindig para sa tunay na pagbabago, karapatan, at katarungan
magsasaka laban sa CARPER, at iba pang sektor. Hamon sa atin ngayon bilang mga iskolar ng bayan na harapin at manindigan sa hamon ng pagpili ng kandidatong pasok sa pamantanyan ng liderestudyante na lagi’t laging may pagkiling sa kapwa, makatarungan, prinsipyado, progresibo at may paninindigan. Ngayon, higit kailanman, kailangan natin ng USC at College SCs na hindi isasangkalan ang karapatan at kapakanan ng mga iskolar ng bayan at ng mga mamamayan. Dahil ang eleksyon ay hindi lamang panahon ng pagpili. Ito’y matamang pagsusuri at marubdob na pakikilahok sa mga kampanya at isyu ng mga mag-aaral at mamamayan. Ito’y panahon ng pagharap at pagtindig.
-
SIPAT Sa ika-92 taon ng Philippine Collegian, maglalathala ang pahayagan ng mga larawang sasalamin sa tunay na kalagayan ng mga mamamayan sa isang marahas na lipunan.
Hamon ng Panahon
“
“Mahirap maging babae, pero kaya, kakayanin, hanggang tagumpay.” Mga kababaihan ng Brgy. Patungan, Maragondon, Cavite *nanganganib mapaalis ang mga residente ng Brgy. Patungansa Hacienda Looc dahil sa militarisasyon at mga korporasyon na nais gawing resort ang nasabing lugar
“
PANAHON NA ULIT NG PAGPILI. Hamon sa bawat iskolar ng bayan na tugunan ang panawagang maging kritikal sa pagpili ng mga kandidatong iluluklok sa konseho. Bilang pangunahing kinatawan ng mga mag-aaral, inaasahan ang University Student Council (USC) na manguna sa pagsusulong ng karapatan hindi lamang ng mga estudyante kundi maging ng komunidad sa loob at labas ng pamantasan. Ngayong eleksyon, muli nating masasaksihan sa pamantasan ang pamumukadkad ng iba’t ibang kulay—asul, dilaw, pula. Katumbas nito ang iba’t ibang tindig ng mga partido hinggil sa isyu ng mga magaaral, kabataan at bayan. Hindi lamang patungkol sa pagpili ng mga kandidato ang eleksyon. Binubuksan din nito ang diskurso hinggil sa mga isyu tulad ng mataas na matrikula, mga polisiya ng administrasyong kontra-estudyante at mga bogus na reporma tulad na lamang ng Socialized Tuition System na higit na nagpapalala sa kalagayan ng mga mag-aaral sa unibersidad. Katulad sa pambansang eleksyon, kung ang iniluluklok sa posisyon ay pansariling interes lamang ang isinusulong, nawawala ang tunguhin ng konseho ng mga mag-aaral na katawanin ang laban ng mga estudyante at komunidad. Saksi ang bawat pahina ng Collegian sa masaganang kasaysayan ng pakikibaka ng USC para sa pagpapatalsik sa dating pangulong Joseph Estrada noong 2001, pakikibaka laban sa hindi makatarungang 300 porsyentong pagtaas ng matrikula noong 2006, mga serye ng kilos-protesta laban sa budget cut noong 2010 at 2011. Hindi rin nagpatinag noon ang konseho ng mga mag-aaral sa isyu ng