KULĂŠ
Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman Sabado 05 Setyembre 2015 Tomo 93 Blg 2
paghahanap sa NAWAWALA
7 KULTURA
2 EDITORYAL
Sabado 05 Setyembre 2015
KAWATAN ITO ANG PANAHON NG PANININGIL AT pagpapanagot. Sinusubukang bulagin ng administrasyong Aquino ang mamamayan sa pamamagitan ng isang malaking kalokohan at kasinungalingan: na nangangahulugan ng maraming proyekto at programa ang malaking bahagdan na itinaas ng pambansang badyet para sa taong 2016. Pinagmimistulang pagtalima sa panawagan ng bayan ang tatlong trilyong pisong badyet ng pangulo. Mula sa P2.6 trilyong badyet ngayong taon, tataas ito ng 15.2 porsyento para sa susunod na taon, kung saan malaking bahagi diumano ang mapupunta sa sektor ng edukasyon. Mula P377.7 bilyon para sa 2015, tataas ito sa P435.9 bilyon para sa susunod na taon. Ngunit kailangang maging kritikal sa pagtaas ng badyet sa edukasyon. Hudyat ito nang pina-igting na pribatisasyon ng pampublikong edukasyon sa pamamagitan ng ipinagmamalaking programa ni Pangulong Benigno Aquino III na K to 12 o ang pagdaragdag ng dalawang taon ng gastos at pahirap sa sekundarya. Susi sa intensipikasyon ng neoliberalismo ng edukasyon at paggawa ang nasabing dagdag badyet sa edukasyon. Sa halip na itaas ang kamulatan at kakayahan ng mga kabataan at mag-aaral upang pag-ibayuhin ang industriyang Pilipino, itinutulak ng K to 12 na nakapailalim sa Roadmap for Public Higher Reform ni Aquino, ang mga kabataan at mag-aaral na huwag nang magkolehiyo. Ang resulta murang lakas-paggawa at pagpapakaalila ng mga Pilipino sa mga dayuhan at higanteng korporasyon. Makikita maging sa bakuran ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang talamak na komersyalisasyon at pribatisasyon, pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin tulad ng dormitory fee, paglipana ng mga lokusng komersyalisasyon katulad ng UP Town Center at UP Technohub sa halip na gamitin para sa pang-akademikong layunin. Sa limang taong panunungkulan ni Aquino nagmistulang pribadong produkto ang mga institusyong pangedukasyon kung saan tanging ang mga may kakayahang magbayad lamang ang nakapag-aaral. Ngayong taon, sa halip na tugunan ang panawagan na libre at de-kalidad na edukasyon para sa lahat, tinapyasan ng P2.2 bilyon ng Department of Budget and Management ang badyet ng UP. Isa sa may pinakamalaking bawas sa kabuuang badyet na P43.65 para sa 112 na State Colleges and Universities (SUCs). Sa halip na solusyonan, tahasan pang inginungudngod ng administrasyong Aquino ang mga kabataan sa kahirapan. Sa kolehiyo, patuloy ang panawagan para sa moratorium sa pagtaas ng
P L AY B A C K Buwan ng Wikang Pambansa na nga lang ba ang nagpapaalala ng kahalagahan ng wikang Filipino? Malaking krimen ng pamahalaan ang ituring na seremonya lamang ang pagkakaroon ng Buwan ng Wikang Pambansa. Paalala ito na angbayan ay may sariling kultura pangunahin ang edukasyon na hindi dapat sa wikang Ingles ipinakikilala ng mga paaralan. Igiit ang kasarinlan sa pamamagitan ng pagbura sa Buwan ng Wika na palatandaan ng patuloy na kolonisadong katayuan sa ilalim ng Estados Unidos. matrikula at iba pang bayarin. Ngunit binasbasan ng Comission on Higher Education (CHED) ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa 10 Higher Educational Institutions (HEIs) para sa taong 2015-2016. Samantalang may 15 milyong kabataan sa kasalukuyan ang hindi nakapag-aral at 2.3 milyon ang taunang dropout sa kolehiyo. Sistematikong pinapatay ng administrasyon ang mga estudyante dahil sa hindi-maampat na pagtaas ng presyo ng edukasyon: Kristel Tejada ng UP Manila, Rosanna Sanfuego ng Cagayan State University at Jhomary Azaula ng EARIST. Hindi na lamang ang pangarap nilang makapagtapos ng pag-aaral ang nawala, maging ang karapatan nilang mabuhay. Ang mapanlinlang na badyet ni Aquino ay pondo para sa dayuhan at para sa korapsyon. Pilit mang itago, lumilitaw ang katotohanang mas malaking badyet (P740.5 bilyon) pa rin ang inilaan ng pamahalaan sa pambayad ng utang panlabas kumpara sa P504.6 bilyong badyet sa edukasyon. Nariyan din ang P648.2 bilyon na pondo para sa korapsyon. Ito’y 22 porsyento ng kabuuang badyet na tinatawag na Special Purpose Funds at lump sum funds, bahagi ng Disbursement Acceleration Program na idineklarang iligal ng Korte Suprema. Ang pondo para sa korapsyon at pribatisasyon ay makikita rin sa lumaking badyet para sa imprastruktura bilang pangunahing alokasyon na inilaan sa public-private partnerships (PPP) kung
PHILIPPINE COLLEGIAN 2015-2016
Kung susumahin, nananatili ang tunguhin ng pangulo na pagkakitaan ang kaban ng bayan saan katuwang ng gobyerno sa kanilang proyekto ang mga pribadong kompanya. Ang P766.5 bilyon na nakalaan para sa pagpapagawa ng mga kalsada, paliparan at pagpapalawak ng MRT/LRT ay pagsaid sa kaban ng bayan para sa bulsa ng iilan. Gumagastos ng malaki ang pangulo para sa mga proyekto sa ilalim ng PPPs upang tiyakin ang ganansya ng mga pribadong kompanya. Sa pambansang badyet, hinding-hindi nawawala ang parte ng mga kaalyado ng pangulo gamit ang PPP. Sa pag-aaral ng Kabataan Partylist, lumalabas na may karagdagang 13 proyekto para sa nasabing programa ng PPP. Pangunahing makikinabang dito sina Henry Sy, Pangilinan at Cojuangco. Kaugnay ng patuloy na pambabarat sa halaga ng lakas-paggawa ng mga Pilipino
ang pinatindi at lumalawak na sistema ng kontrakwalisasyon. Inanak ng nasabing palisiya ang two-tiered system o ang pagbibigay benepisyo sa mga empleyado gamit ang point system. Batay sa tala ng IBON Foundation, tumaas ng dalawang milyon ang bilang ng mahihirap na Pilipino. Sa kabila ng bilyong-bilyong pisong badyet na inilaan para sa Conditional Cash Transfer, pito sa bawat 10Pilipino ang naghihirap batay sa sarbey na isinagawa ng IBON. Sa pondo para sa pampublikong pabahay, wala pa sa isang porsyento ng pambansang badyet ang inilaan rito. Kung gaano kapiranggot ang pondo ay siya namang ga-higante ng patuloy na mga demolisyon at ang pagpapatayo ng mga komersiyal na gusali. Sa pambansang badyet, pondo para sa korapsyon at panlilinlang ang may panibagong P33 bilyon na badyet para sa pabahay ng mga maralita. Samantala, 2.5 porsyento lamang ng kabuuang 21,012 na proyektong pabahay ng pamahalaan noong nakaraang taon ang naisagawa. Kung susumahin, nananatili ang tunguhin ng pangulo na pagkakitaan ang kaban ng bayan at patuloy na paboran ang mga dayuhang mangangalakal, sa halip na tanganan ang responsibilidad sa mga serbisyong panlipunan. Sa pagpapatuloy ng deliberasyon ng badyet sa kamara, titindig ang mga kabataan upang ipaglaban ang karapatang mabigayn ng sapat na badyet para sa mga serbisyong panlipunan. ď š
Bienvenido Lumbera
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
Ang kahalagahan ng wikang pambansa ay buhay. Ginagamit ito sa pang araw-araw na buhay at karanasan ng mga Pilipino. Malaki ang bahagi nito sa pagbuo ng ating identidad. Bilang isang lahi, mahalaga ang kontribusyon nito para sa pagbuo ng bansa.
Rommel Rodriguez
Direktor ng Sentro ng Wikang Filipino
Isa lamang ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa mga nagpapaalala sa atin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang pambansa. Isa ito sa natitirang patunay na tuwing Agosto dapat tayong sumulat o bumigkas sa Filipino. Subalit wala itong laman kung hindi ito taos sa puso o tagos sa utak.
Vim Nadera
Associate Professor, UP Diliman
UKOL SA PABALAT
Dibuho ni Patricia Ramos
Punong Patnugot Mary Joy Capistrano Kapatnugot Victor Gregor Limon Tagapamahalang Patnugot Emmanuel Jerome Tagaro Patnugot sa Grapiks Ysa Calinawan / Jiru Rada Tagapamahala ng Pinansiya Karen Ann Macalalad Kawani Arra Francia / Chester Higuit / Patricia Ramos Pinansiya Amelyn Daga Tagapamahala sa Sirkulasyon Paul John Alix Sirkulasyon Gary Gabales / Amelito Jaena Mga Katuwang na Kawani Trinidad Gabales / Gina Villas Kasapi UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (Solidaridad) / College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Online kule1516@gmail.com / www.philippinecollegian.org / fb.com/philippinecollegian / twitter.com/phkule / instagram.com/philippinecollegian
3 BALITA
Sabado 5 Setyembre 2015
P648.2 B pork stashed in 2016 budget ARRA B. FRANCIA
PORK BARREL FUNDS MAY HAVE been abolished as unconstitutional by the Supreme Court, but next year's proposed national budget is still riddled with questionable funds that are prone to abuse and corruption. According to youth group Kabataan Party-List (Kabataan), at least onefifth or P648.2 billion of the proposed P3.002 national budget is comprised of discretionary funds that have no clearly defined purpose, such as Special Purpose Funds (SPFs) and lump sum funds. SPFs comprise 14.34 percent or P430.4 billion of next year’s budget, marking a 75.2 percent increase from its 2015 allocation of P245.7 billion. Meanwhile, P217.8 billion worth of lump sum funds are spread across 38 different government agencies. These funds are comparable to appropriations in the now defunct pork barrel system, as these allocations may be spent under the discretion of the heads of respective government units without scrutiny. “Marami [sa mga pondo sa national budget] ay mga off-budget items, may mga lump sums na sa tingin namin ay [pork barrel] ng kanya-kanyang ahensya,” said Kabataan Representative Terry Ridon.
Funds for political patronage SPFs are classified into disaggregated funds, which have identified recipients, and lump sum SPFs, whose recipients will be specified only upon budget distribution. Disaggregated funds saw a 68.7 percent increase to P333 billion from P197.4 billion. Its biggest chunk goes to budgetary support to government corporations (BSGC), such as the National Housing Authority (NHA) with P30.48 billion. On the other hand, lump sum SPFs more than doubled from P48.3 billion this year to P97.46 billion in 2016. The 2016 National Expenditure Program (NEP) also saw an increase in funds for local government units (LGUs), from P422.99 billion in 2015 to P485.2 billion next year. Of this amount, P18.4 billion are lump sum funds under the Local Government Support Fund (LGSF), an amount six times larger this year’s P3.1 billion. According to an explanation provided in the NEP, the increase in LGSF is justifiable as it will be used to improve the capacity of local government units. These funds could easily be exploited by the administration to muster political loyalty from localities in the coming election year, said Ridon. “We already expected an increase in LGU funds since 2016 is an election year. Nagagamit kasi ang ganitong pondo para sa political patronage lalo na sa mga localities which makes it a bit more prone to corruption,” he added. Previously under SPFs, the P939.78 million e-government funds meanwhile have been transferred to the Department of Science and Technology. This government project aims to make public services more efficient with the use of the internet. The Rehabilitation and Reconstruction Fund containing a lump sum of P18.90 billion for Super Typhoon Yolanda victims was also
reallocated to the National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Pigging Out: Pork under Noynoy Aquino
Questionable allocations In addition to SPFs, several lump sum funds also riddle the 2016 proposed budget. Among the government agencies with the highest allocation is the Department of Public Works and Highways (DPWH) with P391.17 billion. Of this amount, P30.86 billion worth of lump sum funds are assigned for the construction of special road and local infrastructure projects. Under the second item, Section 3 of the DPWH budget, “[P10.01 billion] shall be used for the maintenance of roads and bridges and improvement of road drainage sourced from [collections in Motor Vehicles User’s Charge].” This line item however does not specify which roads need maintenance and drainage improvement. The Department of Interior and Local Government has also allotted a lump sum of P1.79 billion for the Potable Water Supply Project. The project will no longer need scrutiny from Congress and will merely be governed by a memorandum of agreement between the department and the local government units concerned. “An administration's last year is its opportunity to set the record straight. It should be concerned about leaving its post having at least begun to pursue the right track,” said Xandra Bisenio, senior researcher of independent think tank Ibon Foundation. The government should thus remove automatic appropriations for debt servicing, specify the details of each lump sum fund and other abuse-prone allocations similar to Disbursement Acceleration Program (DAP) funds, added Bisenio. In 2014, the Supreme Court proclaimed the DAP unconstitutional as it gives the president control on the country’s purse, a power delegated exclusively to Congress.
Presidential pork Meanwhile, even funds in the president’s sole discretion continue to exist in the 2016 budget. For instance, a total of P67.5 billion worth of unprogrammed funds remains under Benigno Aquino III's sole discretion. The contingent fund reserved for urgent expenses of government-owned corporations amounting to P4 billion is also subject to the president’s approval. This fund can also be used to augment travel expenses made by the head-of-state. Despite the Supreme Court decision, Executive Order No.292, Book VI, Chapter 5, Section 35, states that “expenditures from lump-sum appropriations authorized for any purpose…shall be made in accordance with a special budget to be approved by the President.” The provision further states that the funds may automatically be used for “certain activities” and to cover the cost of special services rendered to private parties. “Ang isyu kasi dito ay check and balance. [Kailangan nating tiyakin] na lahat ng pondo ay napapailalim sa conferential mechanism. Kailangan pag-usapan ‘yan at hindi lang singular determination na ahensya ang paggamit ng pondo ng bayan,” said Ridon.
Pork budget vs SUCs budget vs UP budget
Top 7 government agencies with largest pork
4 BALITA
Sabado 5 Setyembre 2015
Off the Rails UP workers reject new performance
LRT and MRT Fast Facts
KAREN MACALALAD
eval system
R O S LY N V E A D A M A S C O & V I C T O R G R E G O R L I M O N
“[Dapat] i-review ang [kontratang] pinasukan ng DOTC at MRTC at tuluyan nang isabansa ang MRT. Ilagak [din] ang pondo sa pagpapahusay ng mga pasilidad [at] upgrades [ng train system].” James Relativo, spokesperson of TREN
“Maikukumpara (ang operasyon ng LRT at MRT) sa kinakaharap na privatization ng ilang dorms sa UP Diliman: pwede namang gawing libre ang serbisyo pero ginagawang privatized.” Vencer Crisostomo, national chairperson of Anakbayan
“Ang patuloy na hindi pagsaayos ng serbisyo ng [LRT at MRT] ay lumilikha ng malaking kawalan sa produktibidad [ng mga manggagawa]. Malaki ang nawawalang oras sa mga pasahero.” Sammy Malunes, deputy secretarygeneral of Kilusang Mayo Uno
THE ALL UP WORKERS UNION (AUPWU) has rejected the implementation of a new performance management system in UP Diliman (UPD), which will use a new criteria in determining bonuses and incentives for workers. The Strategic Performance Management System (SPMS) is a new measure used to assess an employee’s efficiency at work, which will in turn determine the benefits he will receive under the performance based bonus (PBB) and performance enhancement incentive (PEI).
Circular No. 6, series of 2012, which supposedly aims to link worker performance with compensation. UP’s status as a state university places it under the control of the said memorandum, explained Human Resources Development Office Chief Administrative Officer Rogelio Estrada. The said memo supposedly ensures that the employee achieves the objectives set by the organization and that the organization, in turn, achieves the objectives in its strategic plan.
Group rating
Old vs new
Unlike the previous Performance Evaluation System (PES) which assessed employees individually, the SPMS rates the group performance of workers in each UP office. This removes the distinction between permanent workers who receive benefits and contractual employees who receive none. “We saw that this system is tyrannical [because of the collective rating of the performances]. In the case of PBB, not everyone [receives benefits]. There are some who [receive] high bonuses and some who [receive] low bonuses. It is not fairly distributed [because performances were assessed collectively, but the benefits differ individually],” UPD Workers’ Union President Jonathan Beldia said. The full implementation of SPMS in UPD started in January 2015, in accordance with Civil Service Commission Memorandum
Meanwhile, Beldia has written a letter to the UP administration to request the suspension of the SPMS, said AUPWU Vice President Joey Toboro. Instead of a new criteria, the AUPWU recommends that the university should instead enhance the old PES. Under the new SPMS, contractual employees are denied of benefits, as only regular employees are eligible to receive bonuses and incentives. Such a scheme is divisive and unfair, since the performances of contractual employees are included in the SPMS and are in fact part of their respective office’s major final output, said Beldia. Around 40 percent of UP employees are non-permanent workers. “The [AUPWU] believes that ‘regularization’ should be implemented not ‘contractualization.' Deserving contractual employees, who worked
[efficiently] and have been in the service for many years, should be regularized.” UP's contractual workers do not receive benefits and they receive a lower salary compared to the permanent workers. The UP administration saves a lot of money through contractualization, said Beldia.
Demand for benefits Meanwhile, several benefits were approved during the Collective Negotiation Agreement (CNA) between AUPWU and the UP administration on April 27. These benefits include four sacks of rice, a grocery allowance, an annual incentive grant, and additional leave benefits. Members of the union received their second rice subsidy on August 3. The total number of job-related leaves and sick leaves were increased from nine to 11 in a year. These benefits will take effect for five consecutive years and will be reviewed on the next CNA in 2020. However, retirement benefits, hospitalization benefits, medical insurance, and additional bonuses have not been approved in this year’s CNA. The union is pushing to have a representative, duly assigned by the union’s president, to attend deliberations on hiring new workers. Such an arrangement will help ensure that current contractual workers are prioritized for hiring as permanent employees.
CASAA concessionaires appeal relocation JIRU RADA A MONTH AFTER THE COLLEGE OF Arts and Sciences Alumni Association (CASAA) Food Center concessionaires temporarily resumed its operations at the Zoology Building on July 30, stall owners are requesting for relocation to a busier location in the university. The CASAA Food Center was razed when a fire broke out from a gas tank leak inside the Chef Grille’s kitchen on June 13. Since then, the Business Concessions Office (BCO) has allowed six of the eight concessionaires of CASAA serve takeout food in the said building. However, a stall owner who refused to be identified pointed out that they have suffered a revenue cutback of as much as 40 percent less than their former average daily revenue because their new location is inaccessible to most UP students especially during rainy days. In a dialogue between the CASAA concessionaires and the UP administration on August 11, Erlinda Co of the food stall Gloria’s mentioned that the UP administration's decision to allow food trucks to operate at the Palma Hall (PH) parking lot has further reduced the number of their customers.
The BCO earlier denied the concessionaires’ initial request to resume operations at the PH parking lot because the location lacks access to running water for sanitation. However, the Office of the Vice Chancellor for Community Affairs (OVCCA) issued permits to the Philippine Mobile Food Truck Association, supposedly as an emergency measure to augment the student to food source ratio of the campus, said VCCA Nelson Castro. Castro maintained that the food trucks are well received by the UP community even though they offer more expensive meals. A typical rice meal from CASAA costs around P60, while food truck rice meals cost around P150 each. Around five food trucks have been serving food from Tuesday to Friday since August 4 and will continue to do so until the BCO comes up with a comprehensive plan for the CASAA establishment, Castro added. The UP administration has clarified that no commercial establishment will be placed on the former CASAA grounds during a meeting with the UP Diliman University Student Council on September 2.
5 BALITA
Sabado 5 Setyembre 2015
Paglilitis sa kaso nina Geary at Guilly, 'di pa rin umuusad K E N N E T H G U T L AY ISANG TAON NA ANG NAKALIPAS nang dakpin ng hinihinalang mga ahente ng militar ang dalawang alumni ng UP na sina Gerald “Geary” Salonga at Guiller “Guilly” Cadano, ngunit hindi pa rin sinisimulan ang pagdinig sa kanilang kaso. Parehong nagtapos sa UP Diliman – Extension Program sa Pampanga, kasalukuyang nakapiit sina Geary at Guilly sa San Jose District Jail sa Nueva Ecija. Dalawang beses nang hindi dumating ang hukom sa nakatakdang pre-trial, kung kaya’t ipinagpaliban ang pagdinig, ayon sa ama ni Guilly na si Amador Cadano. Sa darating na ika-1 ng Oktubre inaasahang sisimulan ang pagdinig sa nasabing kaso. “Nagbibingi-bingihan sila. ‘Yung korte, ginagamit nila para i-delay ang kaso. Pitong buwan nang nakabinbin ang pretrial ng mga bata,” ani Cadano. Kasalukuyang nakabinbin sa San Jose Regional Trial Court ang kasong illegal possession of firearms and explosives na hindi maaaring piyansahan. Ayon sa kanilang mga magulang, dalawang buwan nang nagsisilbi bilang mga volunteer organizers sina Geary at Guilly sa isang komunidad ng mga magsasaka sa Carranglan, Nueva Ecija. Nagsasaliksik sila ukol sa Dalton Pass Eastern Alignment Project, isang road project ng gobyerno ng Pilipinas at Hapon. Ilang mga magsasaka na ang napabalitang pinalayas sa kanilang mga lupain dahil sa nasabing proyekto. Ika-9 ng Agosto 2014 nang dakpin sila ng 3rd Infantry Battalion mula sa bahay na kanilang tinutuluyan. Ayon kay Guilly,
DEFIANCE Adrian Kenneth Gutlay
nakarinig sila noon ng sigaw na “Raid!” at inutusan silang dumapa. “Inapakan nila yung likod ko at tinalian nang mahigpit yung mga kamay namin, tapos dinala kami at piniringan sa loob ng van,” aniya. Dagdag ni Guilly, dinala sila sa Third Infantry Barracks sa Barangay Kita-Kita at pinagbintangang mga kasapi ng New People’s Army. Miyembro ng Pi Sigma fraternity si Guilly samantalang Sigma Kappa Pi fraternity naman si Geary. Pareho silang nag-oorganisa ng mga kabataan para sa grupong Anakbayan at Kabataan Partylist. Magkahiwalay na dinala ang dalawa habang nakapiring sakay ng isang trak patungo sa San Jose City noong ika-10 ng Agosto 2014. Agad namang nagtungo ang kanilang mga pamilya kasama ang Karapatan-Central Luzon Quick Reaction Team (QRT) matapos maiparating sa kanila ang nangyari sa dalawa. Ayon sa Karapatan, iligal ang pagaresto kina Geary at Guilly dahil walang warrant of arrest. Panawagan naman ni Cadano at ng ina ni Geary na si Rowena Salonga ang agarang paglaya ng kanilang mga anak kasama ang iba pang mga bilanggong pulitikal. Sa kasalukuyan, nangangailangan ng tulong-pinansyal ang mga pamilya nina Geary at Guilly. “Wala pa kaming pinagkukunan [ng tulong-pinansyal]. Pero dun sa mga grupong sumusuporta ay marami: mga estudyante, civic groups, mga magsasaka,” ani Cadano.
An Aeta rips up a “Mining Act of 1995” poster as a symbolic act to call for the repeal of the said law during a protest in front of the House of Representatives on August 11. Indigenous peoples communities have been victims of land-grabbing by multi-national mining companies and militarization of ancestral lands.
SAYAW NG PAKIKIISA Darren Bendanillo
Nagsasagawa ng katutubong sayaw sa harapan ng Bulwagang Palma ang mga katutubong Lumad bilang pasasalamat sa komunidad ng UP na nakiisa sa kanilang paglaban sa pandarambong ng militar sa kanilang mga lupain, ika-2 ng Setyembre. Kinundena nila ang pagpatay ng mga miyembro ng paramilitar sa tatlong lider na Lumad noong ika-1 ng Setyembre at sa patuloy na pagsakop sa kanilang mga komunidad na nagtutulak sa paglikas ng daan-daang katutubo mula sa kanilang mga tahanan.
Sahod at benepisyo ng UPD janitors, kulang at naaantala KAREN ANN MACALALAD HUMIGIT-KUMULANG 250 JANITORS ng UP Diliman (UPD) ang hindi nakakatanggap ng sapat na sahod at mga benepisyo sa ilalim ng ahensyang Ultimate Care Janitorial and Allied Services. Ang Ultimate Care ang nagwaging ahensya sa taunang bidding process para sa kumpanyang magbibigayserbisyo sa south sector area ng UP Diliman campus, kung saan matatagpuan ang Science Complex at Math building. Sa isang liham kay UPD Chancellor Michael Tan noong ika-22 ng Hunyo, hiniling ng mga janitor na tulungan silang igiit ang kanilang karapatan sa sapat na sahod at benepisyo. Ipinanawagan din nila na makakuha ng kopya ng kanilang payslip upang matiyak na hinuhulog ng ahensya ang kanilang mga kontribusyon sa Social Security System (SSS), Pag-IBIG, at PhilHealth. Hindi umano ibinibigay ng ahensya ang sahod ng mga janitor tuwing ika-15 at ika-30 ng buwan kung kailan dapat ipinamamahagi ang sweldo, ayon sa Alliance of Contractual Employees in UP (ACE-UP). Matapos magsimulang magtrabaho ang mga janitor sa ilalim ng ahensya noong Hulyo ng nakaraang taon, ibinigay lamang sa kanila ang kanilang sahod matapos ang isang buwan, ayon kay “Gina,” isang janitor na tumangging magpakilala. Sa kasalukuyan, mayroong mga hindi pa sumasahod para sa buwan ng Agosto, aniya. Samantala, kailangan din umanong ipaalala sa ahensya na ihulog ang mga
kontribusyon ng mga janitor sa SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth, kapag nais nilang mag-loan, pahayag ni Stephanie Andaya, tagapagsalita ng ACE-UP. Sa loob ng isang taon, anim na buwang kontribusyon sa Pag-IBIG at dalawang buwang kontribusyon sa SSS ang naihulog ng ahensya, ayon kay Gina. Hindi bababa sa 24 buwang kontribusyon sa SSS at PagIBIG ang kailangan upang makapag-loan. Nais din ng mga janitors na maging pantay ang sahod ng mga regular at mga reliever o iyong mga nakapagtatrabaho lamang kapag lumiliban ang mga regular na janitor. Sa 250 janitors ng Ultimate Care, mayroong 50 reliever na sumasahod ng P350 kada araw, ayon sa ACE-UP. Dapat umanong itaas ang kanilang sahod mula P466 patungong P481, alinsunod sa Wage Order No. NCR-19 na ipinatupad noong Marso. Kulang din umano ang cleaning supplies, gaya ng sabon, wax at disinfectant, na ibinibigay ng ahensya sa Supply and Property Management Office. “Sa emergency supplies ng building na pinagtatrabahuan namin kami minsan kumukuha,” dagdag ni Gina. Samantala, ayon sa paliwanag ng Ultimate Care sa sulat nito kay Vice Chancellor for Administration Virginia Yap noong ika-30 ng Hulyo, naihulog na umano ang mga kontribusyon ng mga manggagawa para sa Enero, at inaayos na ang para sa Pebrero hanggang Hunyo.
Inamin ng ahensya na nahuli ang pagbibigay nila ng sahod noong Abril para sa ilang janitor dahil hindi umano naibigay sa oras ng bangko ang ATM cards ng mga reliever. Samantala, itinanggi ng ahensya na hindi pantay ang sahod ng mga regular sa reliever na mga janitor. Dagdag ng ahensya, ibibigay lamang nila umano ang hiling na dagdag sahod ng mga janitor pagkatapos aprubahan ang adjustment ng kontrata sa pagitan ng ahensya at ng UP. Nananawagan naman si Andaya sa mga estudyante at guro na suportahan ang panawagan ng ACE-UP na wakasan ang kontraktwalisasyon sa UP. “[Sana maging aware] ang mga estudyante at sumuporta [sa mga susunod naming mga] hakbang,” aniya. Tinatayang 40.34 porsyento o 1,833 ng 4,543 manggagawa sa UPD ang kontraktwal, ayon sa 2012 tala ng ACE-UP. Noong 2011, may mga gwardiya at janitor ding naiulat na naharap sa isyu ng naantalang pasahod at biglaang mga kaltas sa kanilang buwanang kita. Hindi umano ibinigay ng ahensyang Bolinao Security and Investigation Service ang sahod ng mga gwardiya mula Mayo hanggang Hunyo ng nasabing taon, samantalang umaabot sa P2,000 kada buwan ang kinakaltas noon ng PhilCare Manpower Services mula sa sahod ng mga janitors upang ipambayad sa kanilang mga SSS loans.
6-7 KULTURA
Sabado 05 Setyembre 2015
MGA BUTAS SA PAGITAN NG MGA REHAS Kwento ng pakikibaka ng mga Tiamzon, at ang Kultura ng Paninipil
Tagibang na sistema
Noong Marso 22, 2014, hinuli ang mag-asawang Tiamzon at lima pang hinihinalang miyembro ng New People’s Army o Bagong Hukbong Bayan sa Barangay Zaragosa, Alouginsan, Cebu. Ayon sa mga ulat, pinakamataas na pinuno diumano ng Communist Party of the Philippines (CPP) si Benny habang pangkalahatang kalihim naman si Wilma. Pawang mga gawa-gawang kaso ang isinampa laban sa mag-asawa katulad ng 15 kaso ng pagpatay sa Inopacan noong 1985. Salungat sa nilagdaang Joint Agreement on Safety
Sa piling ng masa
“Ang pinakamahalagang tungkulin ng estudyante ay ang pagsangkot sa mga laban ng lipunan, lumabas sa silid-aralan at makihalubilo sa masa,” ani Benny. Sa pag-alis sa unibersidad, hindi nawala ang pagkahilig ni Benny sa pagsusulat at pagtalakay sa krisis na kinakaharap ng Pilipinas. Ilan sa mga manunulat na hilig basahin ng mag-asawang Tiamzon nung kabataan nila ay sina Jose Maria Sison, Claro M. Recto, Mao Zedong, V.I. Lenin, Iosif Stalin, Karl Marx at Friedrich Engels. Naging balon ng kaalaman ni Benny ang pagbabasa, pagsusulat at pag-oorganisa ng mga manggagawa. “Mataman [ko ring] sinubaybayan ang mga sulatin at diskusyon sa Collegian tungkol sa mga isyung pambansa at pandaigdig, sa mga usapin ng ekonomiya, pulitika, hustisyang panlipunan, teorya at iba pa,” ani Benny. Naging bahagi din siya ng Kule kung saan naging kasamahan niya si Propesor Judy Taguiwalo.
Praktika ng pakikibaka
Naging laman maging ng State of the Nation Address ng pangulo ang pagkakahuli sa mag-asawa. Rebelde, komunista, mamamatay-tao, kriminal at kung ano-ano pang mga bansag ang ibinato sa mag-asawang Tiamzon. Ngunit batid ng bayan ang tunay na kaaway—si Aquino. “Isang hamon sa mga mamamayan na patunayan sa sambayanang Pilipino na hindi mga kriminal ang mga bilanggong pulitikal,” ani Wilma. Nasa posisyon ang rebolusyonaryong kilusan upang ipagtanggol ang mamamayan. Ayon kay Wilma, “Ang apoy sa damdamin ay ‘di basta-basta mawawala.” Nasa loob man ng rehas na bakal, kailanma’y hindi lumiban ang mag-asawa upang tanganan ang kanilang tungkuling kumilos. Sa loob ng piitan, nilabanan at napagtagumpayan nila ang mga patakarang nililimitahan ang karapatan ng mga bilanggo. Patuloy silang nakikiisa sa laban ng mga Pilipino na naghahangad ng isang malayang lipunan. Dahil gaano man kagasgas, tanging sa kolektibong pagkilos lamang makakamit ang tunay na tagumpay.
problema. Lahat ay may hinahanap sa isang lipunang nililigaw at winawala ang mamamayan. Paano ba hahanapin ang sarili? Higit sa lahat, paano ba mahahanap ang mga nawawala kung ang mapaniil na gobyerno mismo ang sapilitang dumukot sa kanila? Naglahong hustisya
Kaiba sa mga larawang nakapaskil sa lansangan, ang mga anak nina Nanay Linda Cadapan at Nanay Connie Empeño ay kapwa biktima ng enforced disappearance o sapilitang pagkawala. Madaling araw noong Hunyo 26, 2006, dinukot sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño sa Hagonoy, Bulacan ng mga miyembro ng 7th Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Kapwa estudyante ng University of the Philippines–Diliman sina Sherlyn at Karen na nagsagawa ng fieldwork sa hanay ng mga magsasaka. Pinaghinalaan silang mga miyembro ng New People’s Army (NPA), kaya naman dinukot at tinortyur ng mga militar. Naging mukha sila ng mga naglaho, dinahas at winala ng administrasyong Gloria Macapagal-Arroyo sa
Silang nawawala
Nang matagpuan nila ang dahilan upang labanan ang marahas na estado ay saka sila naglaho — mga tinaguriang “desaparecidos,” salitang Espanyol na nangangahulugang “mga nawawala.” Kinilala ang salitang ito sa Argentina sa konteksto ng aktibong pakikibaka ng mga mamamayan laban sa diktadurang militar ni Jorge Rafael Videla mula 1974 hanggang 1983. Pumasok sa hinagap at kuturang Pilipino ang konsepto ng desaparecidos noong Dekada ‘70. Dahil sa Batas Militar, lumaganap ang karahasang politikal, tortyur, pamamaslang – mahigit 70,000 ang detinadong politikal, 34,000 ang tinortyur, mahigit 3,000 ang pinatay at mahigit 800 ang desaparecidos sa tala ng Amnesty International, isang global human rights organization. Makalipas ang halos kalahating siglo, nagpapatuloy ang karahasan
Patuloy na paghahanap
Wala mang katiyakan ang kanilang kinahantungan matapos ang mga taon ng paghahanap, hindi natutuldukan ang kanilang kwento sa kamalayan ng taumbayan. Upang bigyang-diin ang lumalalang suliranin, niratipikahan ng United Nation ang International Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearance at idineklara ang Agosto 30 bilang International Day of the Disappeared simula 2011. Bunsod nito, umalingawngaw sa iba’t ibang panig ng mundo ang laban ng mga pamilyang nangungulila dala ang larawan ng mga desaparecidos. Ito ang pagkontra sa kultura ng pagkalimot at pagpapalimot.
Ram os
Di bu ho ni Pa tri cia
Taglay ng mga larawan ang kakayahang sinasabi ni Pierre Bourdieu na “solemnization and immortalization of an important area of collective life.” Ang nasa litrato at ang nakikita ng tagamasid ay hindi lamang indibidwal sa kapasidad nila, kundi ang papel na ginampanan nila sa lipunan— bilang asawa, ina, ama, at kasama sa pakikibaka. Ang mga papel na ito na lunan ng kwento ang nagluwal ng espasyo upang mailathala sa kamalayan ng publiko ang naratibo ng mga naulila ng desaparecidos. Sa kolektibong aksyon hindi lamang ng pamilya ng mga biktima kundi maging ng sambayanan, ang impit na tunog sa gitna ng dagundong ng ligalig ay magagawang pangibabawan ang naghaharing karahasan. Ayon nga kay John Berger, ang mga demonstrasyong masa – ang kolektibong pagkilos – ay lumilikha ng sarili nitong “function, instead of forming in response to one” bilang kagyat na pagbalikwas. Dahil dito, pinangingibabawan ng kolektibo ang mismong sitwasyon na nagbuklod dito upang ipagpatuloy ang akdang nasimulan ng mga nasa larawan, isang pagtatagpo hindi ng pisikal na katawan kundi ng ideolohiya at panindigan ng naglaho at nangungulila— naghahanap. Ito rin ang pinanghahawakang kapangyarihan nina Nanay Linda at Nanay Connie kasama ang iba pang pamilya ng mga biktima. Magpapatuloy ang mga kwentong tampok ang panimula ng mga indibidwal na “winala” ng estado – at sa proseso ng paghahanap, tumitibay ang paninindigan, naglalaho ang alinlangan, at natatagpuan ang sarili kasama ang marami upang lumaban para makamit ang hustisya.
Ca lay
Bagaman magkaiba ang personalidad ng mag-asawa—tahimik at malumanay magsalita si Benny, prangka naman si Wilma–pinatatag ng pagkilos ang kanilang pag-iibigan na nagsimula pa noong hayskul. Magkaklase ang dalawa sa Rizal High School. Nagtapos si Benny bilang Salutatorian habang First Honorable Mention naman si Wilma. Sa UP, si Wilma ay Provincial Scholar at mag-aaral ng Statistics, habang National State Scholar naman si Benny na lumipat mula kursong Chemical Engineering tungong Kasaysayan. Nagmula sa nakaririwasang pamilya o petiburgesya si Wilma. Samantala, nagtatrabaho naman sa bukid at sa sapatusan sa Marikina ang mga magulang ni Benny kung saan tumutulong sila ng kanyang kapatid sa tuwing walang pasok sa eskwela. “Karalitaan, buhay na isang kahig, isang tuka, lubog sa utang, nangangamuhan ang kinalakihan ko,” ani Benny. Namulat si Wima sa isyu ng lipunan sa kanyang murang edad. Dating gerilya ang kanyang lolo sa ama noong panahon ng pananakop ng Kastila at Hapon. “Madalas na paksa ng usapan ng matatanda sa loobang kinalakhan ko ang kabulukan ng gobyerno,” ani Wilma. Bukod sa diyaryo, malaki rin ang impluwensiya ng mga progresibong guro niya sa elementarya. Panahon ng ligalig nang pumasok ang dalawa sa unibersidad kaya nagtatalo ang kagustuhan nilang makapagtapos at makibaka. “Matingkad ang papel ng
sa administrasyong Aquino. Hindi nagsisinungaling ang mga datos: 238 extrajudicial killings, 110 kaso ng pagtortyur, 723 kaso ng iligal na pagaresto — na ilan lamang sa patungpatong na paglabag sa karapatangpantao sa termino ni Aquino— ang naitala ng human rights group na KARAPATAN. Sa Quezon City, nariyan ang guwardiyang si Rolly Panesa, inakusahang lider ng Communist Party of the Philippines, na ikinulong at tinortyur sa isang kampo sa Laguna. Noong 2012, sampung miyembro ng 87th Infantry Brigade ang dumukot kay Richard Oblino, isang magsasaka, at ang 16 na taong gulang niyang pamangkin na si Orlan. Bagaman naipasa sa termino ni Aquino ang Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012, na kaunaunahan sa Asya, inabot ito ng 23 taon sa Kamara bago maisabatas. Batay sa tala ng KARAPATAN, umaabot na sa 26 ang bilang ng desaparecidos sa loob ng kanyang panunungkulan. Tinutukoy ng batas ang pagkakaiba ng mga desaparecidos sa ibang mga biktima ng krimen sa pamantayang: pinagkaitan ng kalayaan, dinukot at itinago ang impormasyon ng kinaroroonan, at ang mismong estado, gobyerno at mga ahensiya nito ang may kasalanan.
Re cz on
Kontradiksyon
Nagsimulang mag-organisa ang mag-asawa sa hanay ng mga mnggagawa sa Marikina. Isinunod nila ang pangalan ng kanilang anak sa martir na si Lisa Balando, isang manggagawa sa Chineseowned Rossini’s Knitwear Factory sa Caloocan City. “Ang kabataang estudyante ay magiting at taas-noong tumitindig bilang makapangyarihang pwersa para sa pagbabago; nakikipagkapit-bisig sa mga manggagawa at magsasaka para isulong ang pakikibaka para sa tunay na pambansang kalayaan at demokrasya,” ani Benny.
TADTAD NG ANUNSYO ANG MGA pader kung saan nagkukubli ang larawan ng mga nawawala: babae, lalaki, ina, ama, bata o matanda. Sa natitirang maliit na espasyo, pilit na sumisilip ang pagkakakilanlan ng mga nawala o “winala.” Marahil dahil sa katandaan, maaring may pinagdaraanan, sadyang naglayas, o malamang dinukot. Hindi tulad ng naglalakihang mga billboard, madalas na dinadaan-daanan lamang ang ganitong mga larawan ng taong hinahanap – xerox copy ng kanilang mga mukha, pangalan, tirahan at numero ng kamag-anak. Sa pakikipagbuno sa mabilis na usad ng buhay, lahat ay nawawala sa kani-kanilang mundo ng abala at
pamamagitan ng Oplan Bantay-Laya (OBL), programa ng gobyerno upang tugisin ang mga rebolusyunaryong banta sa rehimeng Arroyo. Halos isang dekada nang hinihintay at hinahanap nina Nanay Linda at Nanay Connie ang kanilang mga anak ngunit naging mailap ang hustisya. Lumipas ang sampung taon bago nahuli ang dating heneral na si Jovito Palparan, ang utak sa pagdukot kina Karen at Sherlyn at itinuturing na berdugo. Bilang counter-insurgency program, naging lunsaran ang OBL ng redtagging, sistematikong pandarahas, at pamamaslang. Nagpapatuloy ang ganitong sistema sa panunungkulan ni Pangulong Benigno S. Aquino III (PNoy) sa pamamagitan ng Oplan Bayanihan (OpBay). Halos wala itong pinagkaiba sa 2009 US Counterinsurgency Guide na naglunsad ng “wars of intervention” sa Iraq, Afghanistan at Sudan na lumikha lamang ng mas marami pang problema. Gumagamit ito ng psychological at military warfare, pagdukot, hamletting at pagpaslang sa mga aktibista at hinihinalang kaaway ng pamahalaan. Ang OBL at OpBay ay dalawa lamang sa tinatawag ni Louis Althusser na repressive state apparatus (RSA) – o marahas na instrumento ng gobyerno at naghaharing uri para kontrolin, maging pasista at diktahan ang mamamayan at mga nagtatangkang lumaban.
Pa hin an iJ oh n
ALDRIN VILLEGAS
Disenyo ng
“DAPAT LUMABAS SA MALAWAK NA mundo, makisalamuha sa masa, matuto mula sa tunay na buhay.” Ganito ang sikhay ng mga salita nang dalawin ng Kulê sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame ang mag-asawang Benito Tiamzon at Wilma Austria Tiamzon. Dati silang mga mag-aaral, kabataang aktibista at liderestudyante sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Sa kabila ng iligal na pagkakaaresto at pagkakapiit sa kanila, nananatiling militante ang pilosopiya ng paglilingkod at pakikibaka ng mga Tiamzon. Sa Pilipinas, itinuturing ang mga rebolusyonaryo, aktibista at militante na kaaway ng gobyerno, hindi dahil kriminal sila kundi dahil bumabalikwas sila sa maling sistema ng iilan. Ginagawang kaaway ang mga makabayan sa pamamagitan ng pangkulturang demonisasyon. Nilalabag ng gobyerno ang kanilang karapatan – pandarahas, iligal na pagdakip at pagpiit, panunupil at pagkitil. Tinatawag silang mga bilanggong politikal, tulad ng mag-asawang Tiamzon.
kabataan. Mas mahalaga ang hustisyang panlipunan at pagkilala sa karapatan ng mga maralitang Pilipino,” ani Wilma. Aktibong nakilahok sa Samahang Demokratikong Kabataan (SDK) sina Wilma at Benny. “Lumalakas ang ahitasyon sa hanay ng mga manggagawa, magsasaka at kabataan noon. Direkta [akong] natangay sa pagbalikwas ng First Quarter Storm at rebolusyonaryong impluwensiya ng bagong-tatag na CPP at ang mabilis na pagkalat ng Bagong Hukbong Bayan,” ani Benny. Bukod sa SDK, naging bahagi rin si Benny ng Alpha Sigma Fraternity. Samantala, kinilala namang artista si Wilma nang gumanap siya bilang Ina ng Manggagawa sa isang dulaan sa Kongreso ng SDK noong 1971. Pinalalim ng mga Tiamzon ang pagaaral sa lipunan. “Ikinalungkot ko ang karahasan ng estado hindi lamang sa loob ng unibersidad kundi maging sa mga komunidad, at higit sa lahat, sa kanayunan,” ani Wilma. Umabot sa ikalawang semestre ng ikalawang taon niya sa kolehiyo si Wilma samantalang hanggang unang semestre ng ikatlong taon naman si Benny. “Ang tunay na academic excellence ay ang masaklaw at malalim na pag-alam sa lipunan at daigdig, at ang paggamit ng kaalamang ito para baguhin ang lipunan at daigdig. Sa antas na ito, ang academic excellence ay naglilingkod sa political involvement at nangangailangan ng huli,” ani Benny.
NAWAWALA
Karahasan ng Estado, Kultura ng Pangwawala at ang Paghahanap sa mga Desaparecido
M A R Y J O Y T. C A P I S T R A N O
and Immunity Guarantees (JASIG) sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ng gobyerno ang ginawang pag-aresto kina Benny at Wilma. Kinumpiska pa ng awtoridad ang mga dokumentong magpapatunay na sakop sila ng JASIG. Dalawa lamang sina Wilma at Benny sa 527 bilanggong pulitikal sa loob ng limang taong panunungkulan ni Pangulong Benigno Aquino III. Lagpas 200 na rin ang kaso ng pulitikal na pagpaslang ayon sa tala ng KARAPATAN, alyansang nagsusulong ng karapatang-pantao. “Ang mabilis na paglaki ng bilang ng mga bilanggong pulitikal ay resulta ng pagpapaigting ng kampanya ng Armed Forces of the Philippines at PNP para durugin ang rebolusyunaryong kilusan. Patunay lamang ito ng pinaigting na krisis ng lipunan,” ani Benny.
PAGHAHANAP SA

8 LATHALAIN WE ALL KNOW THE STORY: A DAMSELin-distress is held hostage by a monster, waiting for death to descend upon her. It is one of the most enduring literary motifs of all time, but for many countries caught in the jaws of globalization and neoliberal economics, the myth becomes a harsh reality. Greece, where Andromeda’s tale was first told, is no exception. Burdened with a whopping 315 billion euros in debt, Greece has been forced repeatedly to adopt harsh austerity measures, including wage cuts, reductions in public spending, and the privatization of social services. This further sank Greece into crisis and doomed the country to keep begging for more relief. For many years, this vicious cycle was perpetuated through complicity between the ruling Greek conservative party and the so-called European Troika—a leviathan composed of the European Commission, the European Central Bank, and the International Monetary Fund.
Origins To understand the roots of the crisis is to go as far back as Greece’s entry into the European Union (EU) in 1999. Formed to promote free trade and economic integration through a common currency, the Eurozone is now the largest common market in the world, a source of wealth for highly industrialized members like Germany and the United Kingdom. On the other hand, other smaller economies in the region like Greece remain at the periphery, dwarfed by the might and influence of their more powerful neighbors. For instance, Greece’s nominal gross domestic product (GDP) is only 1.3 percent of the EU’s total nominal GDP. Meanwhile, the Greek population’s dependency ratio is at 52.9 percent, while one out of four Greeks in the labor force are unemployed. Since there are scarcely enough workers to support the rest of the nation, the Greek government then had to borrow from foreign debtors to fund social services such as health care and pensions. This wholesale borrowing is addictive, leading Greece’s ruling conservative party to misrepresent the extent of its loans just to stay inside the euro. Inevitably, the onset of the Great Recession finally exposed Greece’s fiscal mismanagement, prompting harsh restrictions on future loans still needed to patch up deficits. Overwhelming debts eventually forced Greece to accept two bailout packages despite odious terms—only for the money to end up propping up Greek banks and big corporations. There seemed no redemption in sight for the Greeks themselves—until the leftwing party Syriza entered the picture. By then, Greece had already been cornered into two equally difficult choices: to accept a third bailout deal from the European Troika, which would entail more of the harsh austerity terms, or to exit the Eurozone and risk defaulting.
Sabado 5 Setyembre 2015
Betrayal The Greek people however stood their ground against further austerity measures associated with a third bailout offer. It is in fact this sentiment that brought Syriza to power in a decisive election win in January this year, claiming 149 or nearly half of the 300 seats in parliament. Syriza’s mandate is therefore founded on a clearly defined promise: to fight the Troika’s austerity demands, and forge a path of economic recovery that is not dictated by powerful players such as Germany and the banks. On July 5, the Greek people reinforced this mandate in a referendum, with six out of 10 Greeks voting “no” to austerity. Eight days after the referendum, however, Syriza made a full 180-degree turn, capitulating in favor of the Troika’s terms and ending any further bargaining. “The best alternative for the Greek people would have been, and remains to be, to assert meaningful debt relief and then undertake a program of real economic recovery that does not follow the proven disastrous neoliberal globalization prescriptions,” said Jose Enrique Africa, executive director of independent think tank IBON Foundation. Borrowed capital could have been channeled to generate income and employment, to make economic reform sustainable, instead of merely patching up deficits, he explained. It has also been argued that Greek debt has never benefited the people and thus must be written off. “The debt emerging from the Troika’s arrangements is a direct infringement on the fundamental human rights of the residents of Greece,” reported the Greek government’s Debt Truth Committee. Of like mind is former Finance Minister Yanis Varoufakis, who resigned from his post before Syriza’s capitulation. “[For instance], bankrupt banks [are] kept alive by the Greek taxpayers but without the Greek taxpayers having any say in the running of [them],” he said.
Parallel For Filipinos, Greece might be half a world away, but this crisis is not entirely unfamiliar. In fact, our own country’s debt is already a total of P5.9 trillion, twenty times larger than that of Greece. By the end of 2014, it was estimated that every Filipino had a debt burden of P59,121 each, based on official government data. This year alone, the government allotted P377.6 billion for debt payments, comprising 16.7 percent of the total national budget and funded largely by our taxes. The Greek crisis also serves as a cautionary tale against regional integration as merely an instrument of globalization and the neoliberal agenda of imperialist states and global businesses.
Andromeda’s Strain A N D R E A J O YC E LU C A S
In the case of Greece, its crisis was doomed by the inevitable dominance of the interests of powerful economies and influential banks and their ability to impose sanctions and conditions. In the case of the Philippines, the ongoing integration project of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) then appears to be—at the very least—fraught with danger. As with the EU, the ASEAN integration aims to have a single free-trade market and production base—an arrangement ripe for skewed power relations. According to IBON International, investors and corporations are especially anticipating ASEAN’s economic integration in the hopes of exploiting the opportunities to expand and consolidate their business operations in the region. With no national industries of our own, relatively poor infrastructure and technology, any semblance of economic development for the Philippines will be, at best, tenuous, and dependent upon our more advanced neighbors.
Prospects The Greek crisis and how the Greek people’s response thus offer a unique opportunity for reflection on the problems inherent to globalization and the prevalent neoliberal world order, which historically only served the interests of global capital, skewing the odds against developing countries and the struggle to institute meaningful and sustainable economic reforms. As Greek Prime Minister Alexis Tsipras resigns from his post, and the possibility of a snap elections looms ahead, the Greeks now face yet another challenge. Having already been betrayed by a government that not a few months ago was a rallying symbol of resistance against the tyranny of globalization, the Greek people must once more assert their political will and insist on their just demands. “It will send a strong political signal that it is politically and economically possible to break away from the neoliberal, profitand market-oriented policies and to begin a process of structural democratic changes,” said Africa. In the popular Greek myth, a hero finally arrives at the scene to rescue Andromeda from the clutches of the sea-monster. The Greeks perhaps cannot hope for such a happy ending anytime soon, but they have proven once that it is possible to seek a radical alternative to an otherwise bleak world order. Their fate is still theirs to rewrite.
Dibuho ni Joshua Rioja Disenyo ng pahina ni Jerome Tagaro
LATHALAIN 9
Sabado 5 Setyembre 2015
BIGONG KALENDARYO Hansel Kaye Flores Daniel Boone TAONG 2013 NANG UMINIT ANG diskusyon hinggil sa pagbabago ng akademikong kalendaryo na naglalayong ilipat ang araw ng pasukan sa unang linggo ng Agosto sa halip na Hunyo. Panimulang hakbangin ito ng administrasyon tungong “internasyunalisasyon,” na siyang maghahanay umano ng edukasyon ng UP sa mga unibersidad ng ibang mga bansa. “Matagal nang may banta [ng pagbabago ng akademikong kalendaryo]. Sa katunayan, noong 1950 o 1960, napalitan na ito pero umalma ang mga magulang kaya ibinalik ang pasukan sa buwan ng Hunyo,” ani Beata Carolino, konsehal ng UP Diliman University Student Council (USC). Ika-28 ng Marso, 2014 nang aprubahan ng Board of Regents, pinakamataas na lupong tagapagpasya ng UP, ang panukalang pagbabago ng akademikong kalendaryo. Sa kabila ito ng kaliwa’t kanang pagtutol mula sa hanay ng mga estudyante, guro, at manggagawa ng UP. Para sa mga tutol sa bagong kalendaryo, mabuting mas pagtuunan muna ang pangangailangan na gawing abot-kaya ang edukasyon sa pambansang pamantasan. Wala ring komprehensibong konsultasyong inilunsad ang administrasyon. “I wouldn’t consider it a consultation, but a mere questionnaire. A consultation would entail full campaigns and studies,” ani Carolino. Sa susunod na mga taon, hindi malayong sundan ng iba pang mga eskwelahan ang bagong akademikong kalendaryo ng unibersidad. Lalo na’t iginigiit na legal daw at konstitusyunal ito, ayon sa Commission on Higher Education (CHED), hangga’t ang pasukan ay hindi lalagpas sa huling araw ng Agosto. Tumanggi namang magbigay ng panayam si Pangulong Alfredo Pascual ukol sa unang taon ng bagong kalendaryo. Kasalukuyan pa rin aniya itong pinag-aaralan. Ngunit ngayong nasa ikalawang taon na ng implementasyon ang calendar shift, malaki ang pangangailangang pangunahan na ng mga estudyante ang pagtatasa rito at igiit ang mga nararapat ng susunod na hakbang ng pamantasan.
Maulang panimula Bigo kung susumahin ang unang taon ng implementasyon ng bagong akademikong kalendaryo. Hindi nito naisakatuparan ang pangakong ihanay ang edukasyon ng unibersidad sa iba pang institusyong pangedukasyon sa Asya. Sa kasalukuyan, tagibang na maituturing ang buong sistema ng edukasyon sa bansa. Pangunahing suliranin ng mga estudyante ang mataas na matrikula, kakulangan ng mga guro, libro, at pasilidad. Sa tala ng Ibon Foundation, lumalabas na may 15 milyong kabataan ang hindi nakapag-aral ngayong taon. Samantalang nangangailangan naman ng 113,000 silid-aralan ang mga mababang paaralan. Kung sa usapin ng international linkages, o ang pagpapalawak ng ugnayan sa ibang mga unibersidad, nagagawa at magagawa ito nang hindi kinakailangang umayon sa bagong akademikong kalendaryo. Batay sa tala ng Office of Extension Coordination
ng UP Diliman, bago ipatupad ang bagong akademikong kalendaryo mula 2010 hanggang 2013, tumaas na ng 123 porsyento ang bilang ng mga dayuhang estudyante sa pamantasan o mga visiting research fellow. Hindi rin masasabing nakaligtas ang mga estudyante mula sa buwan na dinaraanan ng maraming bagyo na karaniwang dahilan upang mabawasan ang araw ng kanilang pasok. Sa UP Diliman lamang, sinalubong ang mga estudyante ng malakas na buhos ng ulan sa unang linggo ng ng klase. Malaki rin ang kakulangan ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon sa pagbibigay ng anunsiyo ukol sa suspensyon ng klase. Para kay Shai*, na nasa una niyang taon sa kursong Malikhaing Pagsulat sa Filipino, hindi biro ang bubunuing mahigit dalawang oras na biyahe mula Bulacan. “Wala halos bus at jeep na dumaraan kaya ang hirap sumakay. Sayang ‘yung oras at lakas kung kanselado naman pala ‘yung klase. Sana nagsabi sila agad,” aniya. Tuwing buwan ng Abril at Mayo naman, binubuno ng mga estudyante hindi lamang ang kanilang mga pagsusulit kundi maging ang init ng panahon. Sa tala ng PAGASA, pumatak sa araw ng ika-18 ng Abril ang pinakamainit na panahon ngayong taon sa Metro Manila kung saan umabot sa 36.2 celcius ang temperatura. Hindi ito nalalayo sa 35.9 at 34.6 noong ika-16 at 17 ng Abril, na natapat sa huling bahagi ng akademikong taon 2014-2015. Natapat naman ang pinakamaulang mga araw sa Agosto, ang unang buwan ng bagong kalendaryo. Ayon sa datos ng World Weather Online mula 2000 hanggang 2012 aabot sa 748.1mm ang ibinabagsak na ulan sa Baguio tuwing Agosto. Samantala asahan namang pinakamainit tuwing buwan ng Abril at Mayo. Sa Manila, Diliman, Iloilo, Davao, at Pampanga, pumapalo ng 34 hanggang 35 celsius ang temperatura.
Panibagong pagpapahirap Pangunahing apektado ng pagbabago ng akademikong kalendaryo ang mga estudyanteng nag-aaral ng agrikultura at mga estudyanteng nagmula sa pamilyang pangunahing pinagkakakitaan ang pagsasaka, dahil hindi kasabay ng agricultural cycle ng bansa ang bagong kalendaryo. “Pwede kang magtanim pero wala na siya sa optimum... kaya ‘yung crop performance hindi mo makikitang gaganda sila,” ani Ted Mendoza, propesor ng kursong agrikultura sa UP Los Banos (UPLB). Sa bagong akademikong kalendaryo, hindi sasabay sa araw ng pasukan ang panahon ng anihan kaya pangunahing problema ang kawalan ng panggastos ng mga
estudyanteng umaasa sa pagsasaka bilang hanapbuhay. Sa ganitong sitwasyon mapipilitan ang mga estudyanteng ipagpaliban ang kanilang pag-aaral dahil sa walang pantustos sa matrikula at araw-araw na gastusin. “Kalakhan ng populasyon ng bansa ay nabubuhay sa gawaing pang-agraryo, at sa mga buwan ng tag-init, tumutulong [magtrabaho] ang mga anak sa kanilang mga magulang kaya hindi rin naman akma na isabay ito sa pasukan,” ani Carolino. “Hindi akma ang buwan ng Agosto sa pagtatanim ng mais at gulay. Late planting na [ang tawag doon],” ani Mendoza. Samantalang nangangailangan umano ng maraming suplay ng tubig para sa buwan ng Enero dahil madalang ang ulan. Matinding init naman ang kakaharapin ng mga estudyante tuwing buwan ng Mayo at Abril. Damang-dama rin ang init maging sa loob ng bawat classroom. “Dahil sa klima ng bansa, hindi na conducive sa pag-aaral ang init ng summer,” ani Carolino.
Pekeng solusyon Samakatuwid, nagsilbi lamang ang bagong kalendaryo bilang panakip-butas sa mga suliraning kinakaharap ng UP at ng mga kabataan—kakulangan ng sapat na pondo para sa pampublikong edukasyon, kainutilan ng pamahalaan na protektahan ang mga mamamayan laban sa sakuna at trahedya, at ang pangkalahatang baluktot na oryentasyon ng edukasyon sa bansa. Kulang sa pondo ang mga pamantasan tulad ng UP kaya naman pangunahing suliranin ang paggiging bukas ng unibersidad sa mga kabataan upang magbigay ng kalidad na antas ng edukasyon. Nalilimitahan lang sa mga may kakayahang magbayad ang pagkakataon na makapasok sa unibersidad, salungat sa tungkulin nitong paglingkuran ang sambayanan. Nag-iiwan ng maling imahe ng internasyunalisasyon ang bagong akademikong kalendaryo. Batay sa mga isinagawang pag-aaral, lumalabas na walang kaugnayan ang kalidad ng edukasyon sa kung anong buwan nagsisimula ang akademikong kalendaryo sa mga pamantasan. Napakahirap pumasok sa mga klase kung saan nagsisiksikan ang halos 40 estudyante sa maliit na espasyo. Palalalain pa ito ng nakaambang pagkaltas na P2B sa badyet ng UP, na siyang pinakamalaking kaltas sa UP sa panahon ng panunungkulan ni Aquino. Pokus ang administrasyon sa internasyunalisasyon sa halip na tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan na mabigyan ng kalidad na edukasyon. Salungat sa layunin ng unibersidad na hubugin ang mga kabataang naglilingkod sa mamamayan ang pagbabago ng akademikong kalendaryo. Kahingian ng panahon na ayusin ang kasalukuyang sistema ng edukasyon at ibukas ito sa mga kabataang Pilipino, lalung lalo na sa mga kabataang nasa laylayan ng lipunan. *hindi niya tunay na pangalan
10 OPINYON
Sabado 5 Setyembre 2015
Larger than Life
Huwad na kalayaan J E R O M E TA G A R O
MINSAN HABANG MAS pakiramdam natin na malaya tayo, kabaliktaran ‘yun ng tunay na nararanasan natin. Tunay na mapanlinlang ang konsepto ng kalayaan. Matagal na nating pinaniniwalaan ang ideya na ganap tayong naging malaya mula sa kamay ng mga dayuhan nang iwagayway ni Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas sa Kawit, Cavite noong ika-12 ng Hunyo 1898. Ngunit simula ng araw na iyon, kailanma’y hindi tayo naging malaya. Kalayaan hindi lamang sa kamay ng mga dayuhan, kundi kalayaan mula sa kamay ng estado. Mismong ang mga awtoridad na inatasang dapat na magtatanggol at magtitiyak ng kaligtasan ng mga Pilipino ang silang pangunahing dahilan ng sunod-sunod na karahasan. Sa kaliwa’t kanang pandarahas, hindi nakaligtas maging ang mga kabataan na lagi’t laging pinagkakaitan ng kanilang karapatang makapag-aral. Nitong Lunes lamang nang maganap ang karumal-dumal na
pagpatay sa dalawang lider ng lumad at direktor ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV). Nasaksihan mismo ng mga estudyante, guro at iba pang miyembro ng komunidad ang sinapit ng mga katutubo sa kamay ng mga Magahat, grupo ng paramilitary sa Surigao del Sur. Matatandaang 3000 mga lumad ang hindi makapasok sa paaralan dahil sa patuloy na militarisasyon sa kanilang lugar. Walang pakundangang tinatakot, hinaharass at pinagbabantaan ang buhay ng mga katutubo bukod pa sa paninira sa kanilang mga pasilidad. Halang ang kaluluwang maituturing ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines dahil sa patuloy nitong pagtukoy sa mga katutubo bilang miyembro, o kung hindi man tumutulong, sa New People’s Army. Sa usapin ng mga Lumad, hindi na lamang karapatan sa edukasyon at katutubong lupain ang hindi ibinibigay ng gobyerno kundi maging ang
Tila tayo mga hayop sa kawalan — maswerte na kung may makakain at nakakapamuhay ng tahimik at malaya, pero hindi masasabing ganap ang ating kalayaan
malayang makapagpahayag at mamuhay ng tahimik at payapa. Tungkulin ng gobyernong tugunan ang pangangailangan ng mamamayan higit lalo sa usapin ng serbisyong panlipunan. Subalit sa kasalukuyang kalagayan, taliwas ang nararanasan ng mga Pilipino. Ikinukulong tayo sa maling konsepto ng kalayaan. Tila tayo mga hayop sa kawalan— maswerte na kung may makakain at nakakapamuhay ng tahimik at malaya, pero hindi masasabing ganap ang ating kalayaan. Nakakulong pa rin tayo sa isang lipunang kailanma’y hindi naging pabor sa ating mga pangangailangan at karapatan. Hudyat ang kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo ng panahon upang lumaban. Samasama tayong kumilos, panagutin ang mga maysala at ipanawagan na tigilan ang militarisasyon sa kanayunan na nag-iiwan ng mapait na alaala sa mga kabataan.
Why I envy the freshies ARRA FRANCIA
I’VE
BEEN
TAKEN
FOR
A
freshman twice last week— an understandable mistake, what with my height and all. It gets pretty awkward and confusing when they find out that I’m actually in my senior year. I’ve faced this all my college life, but only now do I get annoyed by being mistaken for someone I’m not, especially when I would much rather be in that someone’s place. It’s only been four weeks into the semester, but not one has passed without me having an all-nighter. You freshies are probably having these moments too, but trust me when I say be happy that it’s all you have for now. But in more aspects than the lightness of your academic requirements do I envy you. Entering UP produces as many problems as it does perks. On one side, there are great professors (the best in the academe), UP traditions like the Lantern Parade and Oblation Run, not to mention bragging rights connected with being a UP student. On the other, there are budget cuts,
Don’t be like me, or the thousand others who think that sitting in class while their fellow Iskolars don’t even have a bed to sleep in is called activism
tuition fee increases, and the lack of affordable dorm rooms. One of these days, you’ll be given a choice, of whether you’ll stand up for these issues, or sit indifferently to focus on earning your unos. I envy you because I failed in many ways you will, and should not. It is now my fourth year in the university, yet it embarrasses me to say that I have not been part of the fight most UP students stand for. While I was aware that the socialized tuition system continues to bar poor students from enrolling in UP, I did not walk out of my classes to campaign against it. I believe that education is a right, but I did not turn this belief into actions. I was infuriated when the news of a UP Manila student’s suicide broke out due to her failure to pay tuition, but not enough to join the cause and demand for something better. I cried for the UP Diliman students forced into disappearance nine years ago because of their alleged involvement in anti-government activities—allegations which have never been proven.
I used to blindly tell myself that the situation isn’t that bad. As students, I thought that we should all just study so we could give back to the taxpayers who sacrifice their hardearned money for our education. I realize now that this is as wrong as it is negligent of the people. Don’t be like me, or the thousand others who think that sitting in class while their fellow Iskolars don’t even have a bed to sleep in is called activism. Immerse yourself with what’s going on around, go out on the streets and show them that UP’s tradition of activism still exists. As a student leader during martial law put it, the next best thing to freedom is the struggle to be free.
Polo F. Imperial
SURVIVAL OF THE FITTEST TODAY WAS SUPPOSED TO BE MY FIRST day at the gym. But I woke up to two horrifying photographs on my Facebook timeline, and my body felt twice as heavy as usual. Why do I have to get up and face a world as shitty as this one? One is of the lifeless body of a Syrian refugee child, washed ashore in the beaches of Turkey; the other is of the director of a lumad school in Surigao, stabbed to death by paramilitary agents inside an empty classroom. The Syrian boy's name is Aylan Kurdi. He was three years old. At least twelve others perished with Aylan, including his mother and Galip, his five-year old brother. They were trying to reach Greece, in a doomed attempt to escape poverty and violence in their homelands. Eight thousand miles away, the cold-blooded killing of Emerito Samarca and two other lumads who were shot on the same day are the latest casualties of the militarization of lumad communities in Mindanao. Hundreds of families had to seek refuge away from their homes. I realized it is not difficult to be horrified at these images, especially for someone like me whose primary goal in life only a few days ago was to lose weight, whose existence is so much different from these tales of danger. I live in a comfortably large house with air-conditioned rooms, without any lack for food or clothing, and with plenty of resources to spare for luxuries like a private car and high-end electronics. And yet their reality is the only reality from which my protected, middle-class upbringing shields me from. I read somewhere that more than a million Filipino workers leave our country every year in search for jobs abroad. Whole urban poor communities are demolished to give way for commercial complexes. Farmers of Luisita remain landless, while indigenous tribes are displaced to give way for large-scale mining. I think what Anna said in class yesterday was perfect, and it sums up in beautifully articulate terms what I myself could not say any better. Our professor wanted to know what we think about what happened, and Anna, in her trademark sass, refused to give a direct answer. “I don't even believe it's a question of empathy, or pity, or horror, or disbelief,” she said in perfect Filipino. “The question is why, despite humanity's innate kindness, these things happen.” Later, just as I thought I was lucky to walk with her towards the parking lot after class, I told her that I agree with her. “There must be something wrong in this world that makes desperate people make dangerous choices, that makes people turn against each other.” “Then why didn't you say anything earlier in class?” she asked me. For a second, I thought she was angry, until I saw that she was smiling knowingly, and I knew at once that she has read the Collegian's first issue. “Write about it on your next column piece,” she shouted as she got inside her car and sped away.
OPINYON 11
Sabado 05 Setyembre 2015
inbox STATEMENT ON THE EXTRAJUDICIAL KILLING OF ALCADEV, INC. EXECUTIVE DIRECTOR EMERITO SAMARCA WE DEMAND JUSTICE FOR THE KILLING OF TATAY EMOK, ONEL, BELLO BY THE 36TH IBPA AND THE MAGAHAT PARAMILITARY FORCES! We strongly condemn and demand justice for the killing of EMERITO “Tatay Emok” SAMARCA, Executive Director of the Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV); DIONEL “Onel” CAMPOS, Chairperson of the Malahutayong Pakigbisog alang sa Sumusunod (MAPASU) and his cousin BELLO SINZO. The three were killed by members of the bandit group Magahat/Bagani paramilitary forces early morning today, September 1, at the school grounds of the ALCADEV and Han-ayan Tribal Community School in Han-ayan and Km. 16, Diatagon, Lianga, Surigao del Sur respectively. We also condemn the indiscriminate firing and burning of the community cooperative of MAPASU of the 36TH IBPA and the Magahat bandit group and the resulting forced evacuation of communities within and surrounding these tribal schools. The bandit Magahat/Bagani paramilitary forces are with the 36th IB PA and Special Forces in their military operation and encampment of the community since August 30. The military and paramilitary forces threatened the school’s faculty, staff and community members of massacre and were given two days to leave the community. EMERITO SAMARCA was held and detained by some armed Magahat. He was last seen tied around the neck, his hands and feet also tied and brought inside one of the classrooms. He was tortured and stabbed to death and left inside one of the ALCADEV classrooms. DIONEL CAMPOS and his cousin, AURELIO SINZO, were about to go to the center of the community as demanded by the paramilitary forces when MAGAHAT MEMBERS, BROTHERS LOLOY and BOBBY TEJERO, opened fire on the two men. These latest killings and attack against the teachers, staff, tribal schools and community leaders and members are meant to destroy the unity of the lumad people who have been strong in resisting the plunder of their ancestral lands within and surrounding the Andap Valley Complex by large scale mining and plantations pushed by the Benigno Aquino government. The AFP, Aquino’s “investment security forces” have employed the foulest means to deny the lumad people education and development because it means resistance against antipeople projects and steadfast defense of ancestral lands. The AFP has to answer for having organized and backed up the Magahat/Bagani paramilitary forces in their rampage because the Magahat/Bagani paramilitary forces was organized and is under the command of the Armed Forces of the Philippines. The lumad communities of Lianga, San Miguel and San Agustin have been demanding the dismantling of these paramilitary forces since last year. Complaints have been filed against them along with public condemnations of such acts. Instead of disbanding these paramilitary forces, the operating troops of the AFP, particularly the 36th IB PA and the Special Forces have stepped up their recruitment and employed them in their military operations, committing human rights abuses. They have been attacking tribal schools run by the Tribal Filipino Program of Surigao del Sur (TRIFPSS) and ALCADEV and our institutions. JUSTICE FOR TATAY EMOK, ONEL, BELLO! STOP THE KILLINGS! IMMEDIATELY DISBAND AND PERSECUTE THE KILLERS! STOP THE COLLUSION OF THE PARAMILITARY FORCES AND THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES!
EKSENANG PEYUPS THE REGULAR EDISHUN! HALLUR MGA BESH! ANG EDISHUNG ito ang magbibigay spotlight sa mga nakakalokang utaw ng ating unibersidad in the past week. Not because they need more of the spotlight but because they badly need one! Wahahaha. Chika lang. And speaking of need, need ko na talagang magkaroon ng bagong crush sa peyups. Nakakalungkot na kasi ang pagka-unreachable ni papa James Reid, kelangan ko now ay yung affordable ang fez. Yung tipong hinulma lang sa Divisoria. Desperada na kasi talaga ang lola niyo. Huhuhu. So before I breakdown and force you to read lines and lines of my fantasies, I’ll just make you swallow kaloka chikas from our university! Fly me to the Moon. Being the pambansang ulam ng bansa, we all love adobo, ruyth guys? Mapa-version man yan ng nanay natin, favorite carinderia o ng muling lumalakas na school canteen, for sure foolproof ang mga ito at mapapalipad ka talaga sa sarap. And while munching on the big slices of pork from a serving of adobo in the Kulê office, this koya kuletera was making inarte-arte and segregating the pamintang buo from the rest of the adobo. It’s like his way of choosing his new crushes naman kasi, swipe right for cutie econ guys, swipe left for the pamintas, ifywim. So going back, he found a big paminta from his dish while eating. Lo and behold, it’s not a paminta! May wings and tiny feet ang black thingy.
Goodness gracious, there’s a bangaw in koya kuletera’s adobo! Naloka si bakla and the rest of the opis. Ayun, di na namin sinabi sa ibang kulutera na kumain din ng adobo. Sayang ulam ehh. Hihihi. Move on, or Make a Move? There’s this classmate of mine na sobrang sabaw hindi nga lang sa acads kundi sa love. Kuntento na raw kasi siya sa sightseeing, maketitig-titig nalang, ganern. Kaloka ha! Koya kase, nasobrahan ka sa pagkatorpe! Like, make a move na ba or move on nalang?! Sige ka, pag naunahan ka, mapapa Heidi wow ka nalang sa ouch. In fairness nalang talaga sayo pag naipagpatuloy mo pa yang katorpehan mo. Di na uso yan, fan the flames of love, classmate. I support you! Jeepneey love story. Last but not the least! Sa isang jeepney ride palabas ng campus, ramdam ang haggardness sa sobrang tahimik ng mga iskoz at iskaz. Then there’s dis Isko na pasakay sa nasabing jeep, sa sobrang sabaw ata ni koya eh di namalayang may bababa na iska, gora lang siya sa pagpasok ng jeep! Unfortunately, sabaw din ata si iska, e di gora din siya sa paglakad palabas ng jeep. Anyare ‘kamo sa dalawa? Edi Bam! Nagkauntugan ang mga Loka! Nagising ka na, may instant sparkz ka pa, oh san ka pa diba?! That’s it for now my favorite college people. Sana naaliw kayo sa aking mga chika. At dahil jan, iiwanan ko na lang kayo ng isang joke, okay? So use violet in sentence... [USE IT!!!] “Yehey, okiee lang naman masira phone ko, I can violet naman eh.” Hahahaha babush and wapak!
NEWSCAN Ipagbunyi ang ika-38 taon ng League of Filipino Students! Narito ang ilang mga aktibidad sa pagdiriwang ng LFS ng ika-38 anibersaryo: Sept. 7: Pambansang Pagkilos para sa Kalayaan at The History of US-PH Relations Forum sa PUP Sept. 8: Ang Pambansa- Demokratikong Alternatiba Forum sa UP Diliman Sept 9: PH and International Situation Forum sa UP Manila Sept 10: Film Screening of Amigo sa PUP Sept 11: Pambansang Martsa para sa Soberanya Sept 12: Hinggil sa Imperyalismo Sept 14: Alumni Gathering Sept 16: Anibersaryo sa Pagpapalayas sa Baseng Militar ng US, Pilipinong Nagkakaisa para sa Soberanya (PINAS) Launching Sept 18: Questions on PH Sovereignty sa UP Diliman Sept 21: Komemorasyon sa Pagpataw ng Batas Militar Sept 25: Pambansang Walk-out Laban sa K-12, pagtaas ng matrikula at ibang bayarin, budget cuts Sept 28: Pag-alala sa Balangiga Massacre https://www.facebook.com/elepsPH
UP Babaylan recognizes the potential of art, film and media to educate individuals regarding the realities the LGBT community is facing. In this light, we encourage students, artists, organizations, and advocates to submit artworks (paintings, posters, photographs, sculptures, etc.) For the UP Pride Exhibit from September 8 to 11, 2015 and short films for the UP Pride Film Screening on September 10 2015. For inquiries contact Jap at 09164446459 or Nap at 09175104998. THE GREAT LEAN RUN Be part of the race and chase event this coming September 19 and help raise funds for the rehabilitation of the Vinzons Hall! Be chased by MetroComs and win against the Marcoses! Registration is at the USC Office, 2F Vinzons Hall from 10am to 5pm. Registration fee is at PhP 300 inclusive of racing kits. Not a runner but interested to become a volunteer? You can contact USC Councilor Allan Pangilinan at 0906 247 3723.
textback Anong masasabi mo sa unang isyu ng Kulê? KULE **13-78684 RENZ BAJ Minimalist ang logo. Bet! Pero sana ay lingguhan na talaga ang isyu. Shoutout na rin pala kay Arra Francia! KULE Mas sexy pa yung font ng Kulê kesa sa’kin. ORAYYYYTT 2012-0xxx9 Arki KULE 201*-19**7 Impressive. Nabasa ko ung mga ineexpect kong balita. Love the front page, layout, and contents, specially the statistics, stat major here. Kudos. Expecting a better issue next week. KULE 2015-00368 ROWELL JONES R. MATABILAS BS CHEMISTRY. Bangungot man kung iisipin, pero ito ang malagim na katotohanan na kinakaharap ngayon ng mga Iskolar ng Bayan. Hanggang kailan pa kaya natin dadanasin at titiisin ang bangungot na ito? Sa pamamagitan ng mga hinaing na naisiwalat sa Kule, magsilbi sana itong pangmulat sa kinauukulan na bigyang pansin at gawan ng agarang aksyon ang mga suliranin sa ating unibersidad. KULE 2015-04*1*. Been flipping through Kule. So far, so good, until I reached “Eksenang Peyups”. Woah, I couldn’t believe this type of writing and self-proclaimed “irrelevance at all to our desire for greater state subsidy for education” is allowed publication. No offense to the “yours truly kuletera”, but I honestly think this does not belong in the pages of such a respectable student publication. I understand the intention is to sound friendly and relatable through the use of such casual language but no, just no. Aside from that, I love the paper and look forward to subsequent issues. Keep up the good work, and hope to write for Kule as well in the near future. :)
NEXT WEEK’S QUESTIONS:
1
Anong masasabi mo sa isinagawang kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa EDSA?
Para kanino ka tumitindig at sumusulong?
2
Ipadala ang inyong mga sagot, opinyon at komento sa Kulê! I-type ang KULE <space> STUDENT NUMBER <space> PANGALAN at KURSO at ipadala sa:
09173759821 CONTACT US! E-mail us at kule1516@gmail.com. Save Word attachment in Rich Text Format, with INBOX, NEWSCAN or CONTRIB in the subject. Always include your full name, address and contact details.