Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Dilman Tomo 90, Blg. 02 Hunyo 20, 2012
Lathalain
WALANG PAGPAPANGGAP Punong Patnugot Kapatnugot Panauhing Patnugot Patnugot sa Lathalain Patnugot sa Grapix
Mga Kawani
OPINYON Miyerkules 20 Hunyo 2012
Pinansya Tagapamahala ng Sirkulasyon Sirkulasyon
Wala nang halong pagpapanggap ang muling pagpapalakas ng Estados Unidos (US) sa Asya-Pasipiko. Kamakailan lang, inihayag ni US Defense Secretary Leon Panetta na nakabalangkas na sa kanilang plano na ilipat ang may 60 bahagdan ng mga US naval ship sa rehiyong Asya-Pasipiko pagsapit ng taong 2020. Samantala, bago magtungo sa magkasunod na state visit sa US at United Kingdom, nakipagkasundo si Pangulong Benigno Aquino III kay Martin Dempsey, chairman ng US Joint Chiefs of Staff, upang bigyang-pahintulot ang mga tropang Amerikano na gamitin ang naval at airport facilities ng mga base-militar sa Clark, Pampanga at Subic, Zambales. Matagal nang ipinagbabawal ang pagtatag ng mga base-militar sa bansa simula noong 1991 nang ibasura ng Senado ang Mutual Defense Treaty. Ngunit sa pamamagitan ng Visiting Forces Agreement (VFA) na naratipika sa parehong taon, muling nagpatuloy ang pananatili ng tropang Amerikano sa Pilipinas. Bawal man sa Saligang Batas, pinahintulutan rin ni Aquino ang pagtatag ng pamahalaang US ng National Coast Watch Center sa dalampasigan ng South China Sea. Magiging katuwang umano ng pamahalaang US ang gobyernong Pilipino sa paglulunsad ng intelligence operations. Sa papaigting na panghihimasok ng US sa soberanya ng bansa, walang halong pag-aalinlangang yumuyuko ang ating mga pinuno at agad na sumusunod sa kagus-
tuhan ng banyaga, kahit na higit na makapipinsala sa bayan kung tuturulin ang ganitong landas. Mahalaga ang yugtong ito ng kasaysayan para sa US. Sa panahon kung kailan tumitibay ang ekonomiya ng China habang naghihingalo ang sa US, kailangang pagtibayin ng Amerikano ang posisyon nito bilang pinakamakapangyarihan sa buong mundo. Bukod pa rito, kinakailangan ding maging mapagmasid ng US dahil patuloy na lumalakas ang kakayahang pangmilitar ng China. Agresibong pinalalakas ng Amerika ang kanilang presensya sa iba’t ibang bahagi ng Asya-Pasipiko. At pagdating sa Pilipinas, hindi sapat ang mga hayagang kasunduang nilalagdaan nito — armado rin ang US ng mga patagong taktika upang higit na mapatibay ang kanilang presensya rito. Kamakailan, naglabas ang AMSEC, isang sangay ng Huntington Ingalls Industries na pinamalaking tagayari ng mga barko ng US Navy at Coast Guard, ng isang job opening sa bansa na para lamang sa mga miyembro ng US Navy. Mistula itong simpleng job order, ngunit napagmumukha rin nitong lehitimo ang pananatili ng mga tropang Amerikano sa Hilagang Luzon. Ano pa mang paraan ang gamitin ng US, dalawang bagay lamang ang tiyak: hindi nila maikakaila ang kanilang makasarili’t ganid na interes sa Pilipinas, at lagi naman itong susuportahan at kakatigan ng ating pamahalaan.
Ayon sa rehimeng Aquino, hindi naman umano nila hahayaang maglunsad ng gawaing militar ang mga tropang Amerikano sa bansa nang walang karampatang pahintulot. Ngunit kung pagbabatayan ang idinaos na Balikatan Exercises nitong Abril at ang presensya ng mga barkong pandigma ng US sa mga daungan at karagatan ng Pilipinas, mabilis na mahihinuhang hungkag ang pasubali ng pamahalaan. Napatunayan na sa kasaysayan na sa tuwing pumapasok sa kasunduang militar ang US at Pilipinas, umaayon lamang tayo sa itinakdang direksyon ng Amerika. Walang ni isang sundalo, Pilipino man o Amerikano, ang nalitis matapos ang mga kaso ng pagkadamay ng ilang sibilyan sa mga aksidenteng pagsabog ng bomba habang isinasagawa ang mga pagsasanay alinsunod sa Balikatan Exercises ng VFA. Matatandaan ring nauwi na lamang sa pagbawi ng kanyang pahayag si “Nicole,” ang babaeng ginahasa ng isang Amerikanong sundalo sa Subic noong 2005. Laging ipinamumukha ng pamahalaan na mahalaga ang presensya ng Amerikanong militar sa bansa upang mabigyan ng pagsasanay ang sarili nating mga sundalo, at upang manatili tayong kakampi ng pinakamakapangyarihang bayan sa kasalukuyan. Gayunman, walang katiyakan na pagdating ng panahon ng kagipitan, handang ipagtanggol ng US ang Pilipinas.
Bunsod ng bulag na pagsamba ng pamahalaan sa mga patakarang Amerikano, nanatiling tali ang bansa sa mga represibong palisiya, na apektado maging ang kabuhayan at ekonomiya ng bansa. Patuloy pa rin tayong pinagkukunan ng US ng murang lakas paggawa, at sila rin ang nagtatakda ng mga mapaniil na palisiyang ipinatutupad sa bansa gaya ng pribatisasyon ng edukasyon. Kaya hindi tulong o ayuda ang patuloy na pananatili ng US sa bansa. Isa itong insulto sa mga nagdaang laban ng mamamayan para sa tunay na kalayaan. Ang paglaban ng ating mga ninuno ang nagpaalis sa mga kolonyal na mananakop; ang kolektibong pagkilos ang nagtulak sa Senado na paalisin ang mga tropang Amerikano noong 1991. Hindi natin maaaring asahan ang pamahalaan na tumangan sa parehong diwa ng pagbalikawas — matagal na nila itong binitawan nang hinayaan nilang manumbalik ang presensya ng mga Amerikanong base sa ating bayan. Sa panahon kung kailan tahasan at lantaran ang pagyurak ng US sa ating pagkabansa sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa ating pamahalaan, walang ibang nararapat itapat ang mamamayan kundi tahasang pakikipagtunggali at paglaban.
Mga Katuwang na Kawani
Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Email kule1213@gmail.com Website philippinecollegian.org Kasapi Solidaridad: UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations, College Editors Guild of the Philippines Ukol sa Pabalat Dibuho ni Marianne Rios
Editor’s Notes A nation [can not] long live in an artificial peace founded on low standards and ignorance. It is a very dangerous and highly expensive pretense: the false pretense that everything goes on well and mouths are shut and eyes are closed to the evils of the society ANGEL G. BAKING Eugenics and the Labor Problems 19 June 1940 As the Philippine Collegian celebrates its 90th year, we revisit lines from prized editorials that helped define the publication’s tradition of critical and fearless journalism.
Pagbabayad ng matrikula gamit ang credit card, ipinagpaliban Pansamantalang ipinagpaliban ng administrasyon ng UP ang pagpapatupad sa credit card payment scheme sa pagbabayad ng matrikula ngayong semestre, matapos mapag-alamang maniningil ng karagdagang 12 percent Value Added Tax (VAT) ang bangkong hahawak sa mga transaksyon. Nakatakda sanang ipatupad ng UP noong nakaraang enrolment ang pagbabayad ng matrikula gamit ang credit card sa pamamagitan ng CitiBank, ang bangkong nagwagi sa bidding na isinagawa para sa nasabing iskema. Tatlo pang ibang bangko – Banco de Oro, Bank of the Philippine Islands, at BanKard – ang lumahok sa magkahiwalay na bidding noong Pebrero 2, 2008 at October 16, 2009. Paliwanag ni UP President Alfredo Pascual, hindi malinaw na nailatag ng CitiBank na magpapataw ang bangko ng karagdagang singil para sa VAT noong panahon ng bidding. “Hindi pa pala kasama sa service charge na ipinakita ng CitiBank [sa bidding] ang 12 percent VAT,” ani Pascual. “We want [to implement the payment scheme], pero sinisingil tayo ng VAT. Wala tayong VAT exemption. Hindi namin ito na-anticipate noon,” ani Vice President for Administration Maragtas Amante. Bukod sa ipapataw na 12 percent VAT, maniningil din ang CitiBank ng 1.22 porsyentong “convenience fee” o service charge para sa bawat transaksyon. Nakatakdang muling magpulong ang administrasyon ng UP ngayong linggo upang muling aralin kung may mga bangko pang makapag-aalok ng mas mababang singil. Taong 2008, panahon pa ni dating UP President Emerlinda Roman, nang aprubahan ng Board of Regents (BOR) ang nasabing iskema ng pagbabayad. Kung maipatutupad ang credit card payment scheme sa susunod na semestre, UP ang kauna-unahang pampublikong unibersidad sa bansa na maglulunsad nito. Samantala, patuloy pa rin ang konsultasyong isinasagawa ng Office of the Student Regent sa mga konseho ng mga mag-aaral sa iba’t ibang UP units hinggil sa nasabing iskema.
DAGDAG BAYARIN “For the students, the adoption of a credit card payment facility will allow them to avail of the installment plans being offered by credit card companies,” ayon sa tala ng pulong ng BOR noong 2008. Mapapabilis din umano ang enrolment dahil hindi na kailangang pumila upang magbayad ng matrikula. Ayon sa BOR, makatitipid din ang administrasyon sa operating expenses ng enrolment bunsod ng credit card payment scheme. Ngunit ayon kay dating Student Regent (SR) Ma. Kristina Conti, hindi naman umano kahilingan ng mga estudyante na magkaroon ng credit card payment scheme dahil kakaunti lang din naman ang mga estudyanteng may credit card. “While it expands the range of choices for payment, it does not necessarily democratize UP education,” ani Conti sa position paper hinggil sa credit card payment scheme na kanyang isinumite sa administrasyon ng UP. Marami rin umanong “hidden charges” ang mga transaksyon sa credit card gaya ng interchange fees, nuisance fees, at authorization fees na magpapataas ng bahagya sa presyo ng matrikula, ani Conti. “Mas maganda nga kung
diretsong magbabayad ng tuition ang mga magulang sa UP sa halip na dumaan pa sa bangko dahil maraming service charges”, ani Pascual. Dagdag niya, kasalukuyan nang inaaral ng administrasyon ng UP ang posibilidad ng installment cash payment, na
maaaring mas makatulong sa mga magulang sa pagbabayad ng matrikula. “Kung gusto talaga ng administrasyon ng UP na maging convenient para sa mga estudyante ang payment, hindi credit card scheme ang
solusyon kundi ang pagpapababa ng tuition, pagpapatatag sa loan scheme, scholarships, at pagsasaayos ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program,” ani kasalukuyang Student Regent Cleve Arguelles.
BALITA Miyerkules 20 Hunyo 2012
BUENA MANO Nagsagawa ng protesta ang ilang estudyante bilang bahagi ng programa ng Freshman Welcome Assembly na ginanap sa UP Theater noong Hunyo 18. Nanawagan ang grupo na sumama sa laban kontra sa pagabandona sa Edukasyon at sa tunay na pagbabago ng lipunan.
C.P. Garcia road widening to displace houses, commercial stalls Several residential and commercial establishments along C.P. Garcia Avenue will be totally or partially demolished to give way to the road widening project of the Department of Public Works and Highways (DPWH) in the area. The DPWH project aims to expand the current four-laned C.P. Garcia Avenue, from the Red Cross- Quezon City Chapter Headquarters to Brgy. Krus na Ligas’ (KNL) arc, by extending the southbound lane five meters to the right. The road widening in CP Garcia isas part of DPWH’s project to improve the country’s national roads, said Vice Chancellor for Community Affairs (VCCA) Melania Abad-Flores. However, the planned road widening will
affect 45 structures located in communities near the university — 34 houses and eight commercial stalls located at Purok C.P. Garcia in Brgy. UP Campus, and three houses in KNL. Of the 34 residential structures in Purok C.P. Garcia, four will be totally displaced, 20 houses will be partly demolished, and the remaining 10 houses would only lose small portions of their properties like fences, according to the Office of C ommunity Relations (OCR), an attached unit under the Office of VCCA. Meanwhile, eight commercial stalls that form part of the mixed used establishment Organization of Non-Academic Personnel of UP (ONAPUP) site, will also be affected by the project.
The site is one of the projects of ONAPUP, a union formerly recognized by the university as the bargaining entity for its rank-and-file employees, which is meant to augment the income of UP employees through commercial ventures. In a series of consultations conducted from January to June, the OVCCA, OCR, Brgy. UP Campus officials and concerned residents agreed to cooperate with the project implementation on the condition that the DPWH would reconstruct all physical structures that would be affected by the road widening and would cover all related costs, said Flores. Meanwhile, residents who will be totally displaced due to the road widening will be relocated to a vacant university lot also located along C.P. Garcia
Avenue. “Maayos naman ‘yung mga naging pag-uusap namin, at willing naman kaming makipagcooperate. Wala ring natratong parang basura,” said William Paulino, a resident of Purok C.P. Garcia whose house will be demolished. The DPWH has yet to provide the OVCCA and the OCR a copy of the schedule of demolitions and reconstruction to be implemented for structures that the project will affect. The entire road widening project was set to begin last January. However,, the project was delayed due to jurisdiction issues over C.P. Garcia Avenue that led to dialogues between the OVCCA, DPWH and the Quezon City local government, said Flores.
Terminal ng UP jeeps sa SM North, ililipat ng puwesto Nakatakdang ilipat ang puwesto ng terminal ng UP jeeps sa SM North EDSA bunsod ng pagtiwalag ng UP-SM Operators and Drivers Association (UP-SMODA) mula sa Pangkalahatang SanggunianManila Suburbs Drivers Association (Pasang-Masda), ang transport group na may hawak sa kontrata ng terminal sa SM North para sa mga jeep na may rutang UP, Lagro, Monumento at Muñoz. Ang UP-SMODA ang kinikilalang samahan ng mga drayber at operator BALITA na bumibiyahe mula UP patungong SM North. Binubuo ito ng 36 na Miyerkules drayber at operator na nangangasiwa 20 Hunyo sa 40 yunit ng pampasaherong dyip. 2012 Tumiwalag ang nasabing grupo sa Pasang-Masda, isang pambansang organisasyon sa sangay ng transportasyon na binubuo ng 176 na kasaping asosasyon mula sa Kamaynilaan, bunsod ng alitan hinggil sa dagdag singil na hinihingi ng Pasang-Masda sa mga kasapi nito. Nitong Biyernes, humingi na ng endorsement letter mula sa Office of Community Relations (OCR) ng UP Diliman ang UP-SMODA upang simulan ang negosasyon para sa isang hiwalay na terminal na pagmamayari ng isang pribadong kumpanya na may kontrata rin sa SM North. “Sinubukan talaga naming maayos ito kaagad para hindi masyadong maapektuhan ang mga pasahero,” ani Raul Reyes, pangulo ng UP-SMODA.
DAGDAG SINGIL Nagsimula ang alitan ng dalawang transport group nitong Mayo nang tutulan ng UPSMODA ang paniningil ng PasangMasda ng P5,800 kada yunit ng pampasaherong dyip bilang bahagi umano ng paunang bayad sa renta ng terminal sa SM North. Ayon sa Pasang-Masda, papatak ng P52,000 kada buwan ang renta para sa paggamit ng terminal sa SM North. Dati na itong kinukuha sa arawang koleksyon na P20 sa mga drayber kada biyahe ng pampasaherong jeep. Bahagi umano ng bagong aprubadong kontrata sa pagitan ng Pasang-Masda at SM North ang dagdag singil. Ngunit ani Reyes, bukod sa hindi nagtaas ng singil sa renta ang SM North, hindi pirmado ang bagong kontratang ipinapakita sa kanila ni Roberto Martin, pangulo ng Pasang-Masda. Batay sa kalakip na komputasyon ng mga bayarin ng Pasang-Masda, magsisilbi ring pambayad ng utang ng asosasyon ang nasabing dagdag singil, ani Reyes. “Dito na nag-react ang mga drayber. Kasi, araw-araw pa rin ang koleksyon, hindi kami pumapalya [sa pagbibigay], tapos magkakaroon pa pala kami ng utang. Humingi naman kami ng malinaw na financial statement [mula kay Martin], pero hanggang sa ngayon wala pa rin siyang ipinapakita,” ani Reyes. Mariin namang itinanggi ni Martin na may tumiwalag mula sa Pasang-Masda. Aniya, apat na
WIDENING HORIZONS Construction workers arrange hollow blocks into piles as part of the C.P. Garcia Avenue road widening project of the Department of Public Works and Highways (DPWH). Affected residents reached an amicable settlement with DPWH as they will be relocated just within the vicinity of their original residence.
operator lamang, kabilang si Reyes, ang nagbabalak tumiwalag mula sa samahan.
PAGLIPAT NG TERMINAL Inilapit ng UP-SMODA ang kanilang reklamo sa OCR, sa ilalim ng pamunuan ng Office of the Vice Chancellor for Community Affairs (OVCCA) ng UP Diliman, ilang araw bago magtapos ang lumang kontrata noong Mayo 29. “Bilang kasapi [ng PasangMasda], karapatan nilang manghingi ng isang malinaw na financial
statement mula sa pamunuan,” ani Lara Castillo, OCR Community Development Officer. “Hindi man kami dapat mangialam dahil internal problem ito ng organisasyon, transport sector pa rin sila sa loob ng UP at bahagi sila ng ating komunidad. At the same time, mga UP students, faculty at empleyado ang maaapektuhan nito,” ani Castillo. Sa tulong ng OCR, nasimulan ng samahan ang pakikipagnegosasyon para sa isang hiwalay na terminal sa
SM North. Kung sakali, malilipat ang terminal ng UP jeeps sa dating puwesto ng mga FX at van na biyaheng Bulacan sa loob din ng terminal sa SM North. Kung hindi nakahanap ng hiwalay na terminal sa SM North ang UP-SMODA, mapipilitan sana silang makipila sa terminal sa TriNoma at magbaba ng mga pasahero sa tapat ng Petron o ng Veteran’s Medical Center.
Gary then instructed Dela Cruz to leave his belongings to the accomplice and accompany him to his nephew. Dela Cruz agreed but when they reached the parking lot in front of Palma Hall, another man came to fetch Gary and told Dela Cruz to wait for them. None of the suspects returned. A similar incident also occurred two days after. Michael Baluyot, a 1st year Industrial Engineering student was walking along Roxas Avenue at around 1:30 p.m. when a man who also introduced himself as a barangay councilor approached him. The man told Baluyot the same story about him being implicated in a case of fraternity-related violence. While the man talked with Baluyot, two more men approached the student, with one introducing himself as another victim of harassment. The suspects continued talking to Baluyot, until they were able to convince him to
exchange his Blackberry cellphone worth P11,000 and a wallet containing P2,500 for one of the suspect’s cellphone and wallet. After the items have been exchanged, the suspects led him to the National Engineering Center near Osmeña Avenue where their relatives were supposedly waiting. Upon arriving there, the suspects left and told Baluyot that they will just be fetching their relatives. When the suspects did not return, he decided to report the incident to the UP Diliman Police (UPDP). “Sanay ang mga estudyanteng nakadisplay ang cellphone at laptop, alam naman natin na ang UP ay open. Kahit sino pwedeng pumasok. Advice namin sa mga estudyante na huwag maglalakad ng basta-basta,” said UPDP Police Superintendent Anthony Cruz.
POLICEBRIEFS UP MANILA MOURNS FOR DEATH OF FRESHMAN The UP Manila (UPM) community expressed grief for the untimely passing of Cecilia Javier, a 16-year old incoming freshman of the College of Nursing last June 13. “Her death shall not go in vain for she leaves the academic realm and the medical profession touched more than ever,” according to the official statement of UPM. Javier was attending the UPM Freshmen Welcome Ceremonies in the UP Diliman Film Center last June 11 when she suddenly suffered from “extreme headache” and inability to move the right side of her body, according to the UPM Freshmen Block Coordination Program (FBCP). Javier was immediately rushed to the Philippine Heart Center wherein a CT scan was conducted, revealing that she had suffered from brain hemorrhage.
At 3:00 pm, she was transferred to the Philippine General Hospital Pediatric Intensive Care Unit. By 10:00 pm, her condition showed no signs of improvement, with doctors recommending an immediate operation. On June 12, Javier’s mother decided not to push through with the operation and opted to remove the life support system that was keeping her daughter alive, according to the FBCP. By 1:34 am on June 13, Wednesday, Javier was declared dead. “She would have been an industrious UP student, a great nurse, a caring healer. Her mother told us that she was accepted to another prestigious university but she chose UP,” said UP Manila in a statement. A one-day wake was held for Javier at the St. Peter’s Chapel in Quezon Avenue until June 14 before her remains were returned to Aurora, her home province.
2 ENG’G STUDENTS ROBBED Two students from the College of Engineering fell victim to separate robberies which bore striking similarities in the past week. Renz Marion Dela Cruz, a 3rd year Chemical Engineering student was robbed of a Samsung Galaxy S2 phone, a watch worth P1,000 and a wallet containing P1,000 last June 14. At around 1:30 p.m., Dela Cruz was walking along Roces St. to attend a class in Vargas Museum when he was approached by a man who introduced himself as a barangay councilor named “Gary.” Gary insisted that Dela Cruz was implicated in a case of fraternity-related violence in which Gary’s nephew was harassed. When he ignored the man, an accomplice suddenly appeared and forced the victim to withdraw money from his ATM, Dela Cruz recounted.
‘Selection of youth parliament delegates skewed, politicized’ The alumni association of the National Youth Parliament (NYP), the biennial nationwide convention of youth leaders in the country organized by the National Youth Commission (NYC), decried the alleged “arbitrary” and “politicized” process of screening applicants for the recently concluded 9th NYP. “The NYC should maintain standards set for the criteria of delegates institutionalized since the first [parliament]. The NYC should strictly implement the provisions of the law to ensure equal geographical representation of delegates to the parliament,” according to the April 29 statement of NYP Alumni Association (NYPAA). Section 13 of Republic Act 8044 or the Youth in NationBuilding Act, the law that created the NYP, specifies that delegates to the parliament “shall be chosen taking into consideration equal and geographical representation among men and women.” Created in 1996, the NYP is a nationwide assembly of youth leaders that convenes every two years to formulate national policies concerning the youth, which then “serve as the government’s guide in policy formulation and program development,” according to the NYC. In the past parliaments, the NYC chose a male and a female representative from each province, and a sectoral representative for each specific youth subsector including the out-of-school and the working youth, among others, said NYPAA President Evanesa Pasamba. However, in the 9th NYP held last May 2 to 6 in Naga City, provinces and cities were unequally represented while specific youth organizations had multiple representatives in the parliament, NYPAA Secretary General Allan Magno told the Collegian. The composition of the 9th parliament, which is “unrepresentative” of the youth sector and its subsectors throughout the country, resulted from the adoption of new selection guidelines by the NYC’s National Organizing Committee (NOC), Magno explained.
LIMITED PARTICIPATION For the 9th NYP, the qualifications for delegates are the following: Filipino citizens, 15 to 30 years old, resident of the place of representation for at least six
months at the time of application, and a member of an organization, among others. A “multi-sectoral” selection panel screened the applicants based on their application documents including an essay on a “key issue concerning the Filipino youth,” according to an April 27 statement from NYC. “The panel based their recommendations on a set of guidelines and criteria that ensure inclusiveness and active participation,” explained the commission. Among the criteria in choosing the 9th NYP delegates included “community involvement, leadership and service track record and awareness and knowledge on youth issues.” Unlike the screening in past parliaments, 9th NYP delegates did not undergo a face to face interview with a selection panel composed of different representatives of government agencies that concern the youth, said NYPAA Academy Head Bobby Ancheta. Applicants were only graded and ranked based on the application documents they submitted, he added. In a letter dated April 20, the NYPAA forwarded their observations on the selection process to
NYC Chairperson Leon Flores III. “Since applicants shall be ranked by grades, the tendency to have an average of 5 delegates from one organization, [for instance] would be inevitable,” the letter read. Members of the past parliaments were then heads of organizations while most applicants to the 9th NYP “did not have leadership experience because they were only members of organizations,” the NYPAA said in the letter. The NYPAA also criticized the decrease in the number of delegates from around 200 in the previous NYP to 170 in the 9th parliament. Of the 170 participants who attended the 9th NYP, 80 were regional representatives, 80 were sectoral representatives and 10 were nominees from government agencies. “The new process had rather limited the [NYP] participation and allowed certain organizations to dominate the NYP. That is also why it appeared that the 9th parliament was politicized,” said Ancheta.
POLITICIZED SELECTION? Two weeks before the 9th NYP, an article posted on an anonymous blogging site claimed that members of Akbayan Youth (AY) and its affiliate organization
Student Council Alliance of the Philippines (SCAP) dominated the parliament. In the 9th NYP, 11 out of the 120 delegates who actually attended the parliament were members of Akbayan Youth and SCAP. The blog post suggested that the selection process was tweaked to accommodate more AY and SCAP members to the body, with the help of NYC Commissionerat-large and 9th NYP NOC Chairperson Gregorio Ramon Tingson, who is also the current national chairperson of SCAP. “It could not be denied nor refuted that the [NOC] was politicized from the start,” added the article. “As the NOC chairperson and as a member of the [NYC], I take exception to these unproven and unmeritorious claims. Let me expressly state that the NOC, in the entire duration of the planning for [the 9th NYP], has worked with integrity, openness to all kinds of feedback and transparency and accountability in all our actions,” Tingson said in a May 1 letter addressed to NYPAA. Even before the blog post was released on April 24, the NYPAA has already forwarded a letter to
the NYC, stating the association’s observation on the “significant” number of applicants from AY and its affiliate organizations. The association also raised its concern on applicants indicating Tingson as character reference in their application forms. Having an NYC commissioner, who at the same time is the chairperson of NOC, as an applicant’s character reference may create undue advantage over other applicants, explained Magno. The members of AY and SCAP who attended the parliament have duly undergone and passed the screening process, Flores said in his response to the NYPAA’s letter. Citing an official of an institution as character reference has long been a practice in the private sector, he added. Meanwhile, Kabataan Partylist Representative Raymond Palatino filed House Resolution 2370 to seek for congressional inquiry on the 9th NYP selection process. The resolution, however, is still pending in the House of Representatives since May 20. “The democratic and transparent selection of delegates is necessary to preserve the integrity of the NYP,” according to the resolution.
A CRUEL IRONY Militant farmers burn an effigy depicting President Benigno Aquino III as a giant pest in commemoration of the Philippine Independence Day on June 12. (left) Meanwhile, policemen forcibly block demonstrators from coming closer to the United States Embassy in Manila to protest against the intensifying US intervention in the country. The protesters also called for the immediate abolition of the CARP. (right)
Get free publicity online! We now accept publicity materials from UP organizations, fraternities and sororities. Just email a JPEG file, size 300x250 pixels, to kule1213@gmail.com. Make sure you include all relevant details in the pubmat. The editorial board reserves the right to choose which pubmats will be posted in the website. For more information, visit philippinecollegian.org.
BALITA Miyerkules 20 Hunyo 2012
LATHALAIN Miyerkules 20 Hunyo 2012
Naramdaman ni Jovel Calinao, 17, ang kaba at galak noong umaga ng Sabadong iyon. Kasabay ang halos 70,000 estudyante sa fourth year high school, sasabak si Jovel sa isang napakahalagang pagsusulit na maaaring magtakda ng kanyang kinabukasan — ang UP College Admissions Test (UPCAT). Walang kakayahan ang kanyang pamilya para sa isang review center kaya bilang paghahanda, nagbalik-aral na lamang siya sa mga dating leksyon noong hayskul. Sa kabila nito, nakapasa si Jovel sa kursong BA Communication Arts sa UP Los Baños. Kabilang siya sa 12, 900 estudyanteng pumasa sa UPCAT noong 2011-2012. Dahil mas matimbang ang pagsusulat para sa kanya, pinili niyang kumuha ng pagsusulit sa kursong Sertipiko sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa UP Diliman na kanya ring naipasa. Ngunit sa pagbukas ng pasukan, sa ibang pamantasan nakarehistro si Jovel. “Ang mahal sa UP eh,” aniya.
NONE OF THE ABOVE Pangalawa sa tatlong magkakapatid si Jovel, na kumukuha ng BA Broadcast Communications sa Polytechnic University of the Philippines (PUP). Nasa fourth year BS Accountancy naman sa New Era University ang kanyang ate na si Mary Joy, at nasa North Fairview High School ang kanilang bunsong kapatid. “Magaling siya lalo na sa writing at extra-curricular,” ani Mary Joy. Naging punong patnugot siya ng kanilang pahayagang pangmagaaral at nagwagi ng first place sa features writing sa nakaraang National Schools Press Conference. Dahil sa angking galing, hindi nakakapagtaka na isa si Jovel sa mga mapalad na nakapasa sa UP. Ngunit, state university mang maituturing, hindi pa rin kayang bayaran ng magulang ang kanyang matrikula rito. Nagtatrabaho bilang security guard sa La Mesa Dam ang Tatay Victor niya, habang housewife naman si Nanay Joyce. Pinagkakasya ni Nanay Joyce ang kinikitang P780 kada araw ng asawa sa mga gastusin gaya ng baon ng mga anak, singil sa kuryente at tubig, pati na ang buwanang bayad sa Social Security System at PhilHealth. Hirap rin silang bayaran ang P20,000 na ipinangsangla sa kanilang tirahan sa North Fairview na kasinglaki ng kalahating klasrum.
TRUE OR FALSE? Sa dami ng bayarin, napagpasyahan na lamang ni Jovel na hindi na mag-aral sa UP. “Sayang daw sabi ng mga klasmeyt ko, dapat tinuloy ko raw ang UP,” ani Jovel. Ngunit kung sakaling tumuloy siya sa UP, mas mahal ang babayaran niya kumpara sa matrikula niya ngayon sa PUP na nasa P1000 lamang kada semestre. Nang inasikaso niya ang kanyang Socialized Tuition and
Financial Assistance Program (STFAP), nagbakasakali siyang libre ang matrikula. Nadismaya siya nang malamang magbabayad siya ng P600 kada yunit o P9, 000 ng 15 yunit sa ilalim ng Bracket C noong Mayo. Pinilit ni Jovel na makapasok ng UP at sinubukan pa ang scholarship na nakapaloob sa liham ng endorsement ni Pangulong Benigno Aquino III. Nang ipakita niya ito sa harap ng scholarship services, tatlong beses siyang pinabalik ng kawani ngunit hindi prinoseso ng opisina ang kanyang scholarship. “Nadiscourage na din akong bumalik [sa UP] kaya nag-enrol na lang ako sa PUP,” ani Jovel. Kahit pa man pinilit niyang magkaroong ng scholarship sa UP hindi pa rin siya napagbigyan. “Compared to private schools UP is still expensive, even higher than the NCR average tuition which is P1, 186 per unit and the national average tuition which is P590,” ani Issa Baguisi, secretary general ng National Union of Students in the Philippines. Kung tutuusin, malaki ang P600 o P300 kada yunit para sa estudyanteng kumukuha ng 15 yunit. Halos P4,500 – P9,000 ang babayarang matrikula sa Bracket C o D. Papasanin ito ng mga magulang nilang minimum wage earners na may P389 – P426 kada araw o halos P11, 670 – P12, 780 kada buwan na kita sa Maynila, ayon sa datos ng National Wages and Productivity Commission. Gumagastos din sila sa isang buwan ng P11, 856 para sa gastusing pambahay, samantalang P1,458 kada buwan ang nagagastos para sa ibang gastusin sa paaralan kahit
pa man libre ang matrikula, ayon sa IBON Foundation, isang institusyong pananaliksik. Kung tutuusin, noong 2011-2012, isa sa bawat limang estudyante o halos 2,390 ng 12,944 na nakakapasa sa UPCAT ang kabilang sa pamilyang sumasahod ng P100,000 o pababa kada taon, ayon sa datos ng Vice President for Planning and Finance. Mas maliit kaysa 4,108 o halos dalawa sa pitong estudyanteng nakapasa sa iskemang P500, 000 pataas. Ibig sabihin lamang “na hindi na talaga abot-kaya para sa kalakhan ng mamamayang Pilipino ang tuition fee sa pamantasan,” ani Aryanna Canacan, kasalukuyang Student Rights and Welfare Committee Head ng University Student Council (USC). Kung gayon, hindi madaling mapag-aaral ng isang minimum wage earner ang kanyang anak sa UP kahit isa itong pampublikong institusyon.
FILL-IN-THE-BLANKS Samakatuwid, nakaaangat man ang nakuhang iskor sa UPCAT, mataas man ang mga marka noong hayskul, hindi na rin ito isang siguradong tiket papasok sa UP. Isang halimbawa lamang si Jovel na dumagdag na sa libu-libo pang estudyante na hindi tumuloy sa UP. Sa mga kumuha ng UPCAT ng nakaraang taon, halos 4,515 o 35% ng 12,900 na pumasa ang hindi na tumuloy, ani UP President Alfredo Pascual. “Kapag natanggap ka sa UP, siguradong makakapag-aral ka may pera man o wala,” aniya. Kahit pa man may mataas na bilang ng mga aplikante at mga nakakapasa, halos nagiging 1/3 kada taon ang hindi tumutuloy na mag-aral sa UP. Ayon sa datos ng
Mock exam ANG PAGPASA UMANO SA UPCAT AY ISANG SIGURADONG TIKET UPANG MAKAPAG-ARAL SA UP ANG MGA ESTUDYANTENG MATATALINO NGUNIT SALAT SA YAMAN. SUBALIT PAANO KUNG ANG MISMONG KASALATANG ITO ANG SUMASAGKA SA PAGKAMIT NG PINAGPIPITAGANG EDUKASYON SA UP?
Office of the University Registrar noong 2011-2012, sa 3,826 na nakapasa sa UPCAT, mahigit 1,011 ang hindi kinumpirma ang kanilang slot sa unibersidad habang 303 sa mga nagkumpirma ang hindi nag-enrol. Isang halimbawa si Angelette Dela Cruz, 18, na pumasa rin sa UPLB sa kursong BS Civil Engineering noong 2009. Anim ang nakapasa sa UP mula sa kanyang hayskul ngunit tanging dalawa lamang ang tumuloy sa UP, aniya. Nang pinadalhan umano siya ng liham ng Office of Admissions, namahalan siya sa nakasulat na P1,000 kada yunit sa student assistance. “Ang mahal ng isang libo lalo na hirap kami nung mga panahong iyon,” aniya. Nagdesisyon siyang mag-aral sa University of Caloocan City ng kursong AB English kung saan nagbabayad siya ng P1,500 kada semestre kasama na ang mga miscellaneous fees. Maswerte nga si Angelette na nakakuha ng maraming rekisitos. Ngunit tali ang kanyang desisyon sa kanyang kakayahang bayaran ang matrikula. “False hope ang binibigay ng UPCAT. [Dati] mapasa lang iisipin
mo. You can think of it na yung sinasabi ng admin o estado na [UPCAT’s] a way you can get to UP. Pero total opposite ang nangyayari… your mind is not enough capital, you really need financial means,” ani Baguisi. Sa Agosto, muling makikipagsapalaran ang libo-libong mga estudyante sa hayskul upang kumuha ng UPCAT. May ilang nais lamang subukin ang kakayahan, mayroong gustong tupdin ang mga pangarap, at mayroong ang pagpasa sa UPCAT ang tinitignang tiyak na hakbang upang makaahon sa kahirapan. Subalit sa panahon kung kailan ang kakayahang magbayad ng isang indibidwal ang pangunahing nagtatakda ng kanyang pagkakataongmakapag-aral sa pamantasan ng bayan, hindi malayong dumami ang mga tulad ni Jovel na nakukuntentong pumasok na lamang sa ibang paaralang higit siyang matatanggap, kahit pa talino lamang ang kanyang puhunan.
Naaalala ko pa ang hapon ng Pebrerong natanggap ko ang Notice of Admission mula sa UP. Linggo ng Pebrero 2008, ilang araw bago ang Foundation Week ng aking hayskul. Pagdating ko sa rehearsal ng play para sa pagdiriwang, inanunsyo ng stage manager na nakapasa raw ako sa UP Diliman, sabay palakpak ng buong crew. Ang pagpasa sa UP College Admission Test (UPCAT) ay tila tiket tungo sa pagginhawa ng buhay. Masuwerte raw ako dahil sa halos 70,000 kumuha ng UPCAT, isa ako sa mga nakapasa. Ngunit pagkatanggap ng balita, namroblema agad ang nanay ko kung paano ko maipagpapatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.
GENERAL ADMISSION Hiwalay ang aking mga magulang at pinalaki ako ng aking tatay. Pero maagang namatay ang aking ama, kaya’t pumisan ako sa pamilya ng aking nanay pagtuntong ng hayskul, kasama ang kanyang bagong asawa’t isa pang anak. Mahirap ang pamilya ng aking ina. Maliit ang bahay, walang kuryente at laging kapos
ang panggastos sa araw-araw. Nakapasok lamang ako ng private school dahil naka-full scholarship ako. Dahil minsanan ang sustento mula sa pamilya ni Tatay, madalas na bente pesos lang ang baon ko, minsan wala pa. Cook ang nanay ko sa isang factory, samantalang driver ng jeep ang kanyang kinakasama. Kung hindi sapat ang kita nila sa isang araw pambili ng pagkain, ang magpaaral pa kaya sa kolehiyo? Balita noong mga panahong iyon ang 300 porsyentong pagtaas ng matrikula sa UP, mula P300 kada yunit tungong P1,000. “Hahanap tayo ng paraan, kahit kapit-patalim, ‘wag ka lang matigil,” sabi ni Nanay.
PAY WHAT YOU CAN Agad kong inasikaso ang mga rekisitos para sa pagpasok sa UP. Napag-alaman ko sa aking mga kaibigan na may isang programang makatutulong sa akin – ang Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP). Kaya naman Marso pa lamang, nakipila na ako sa opisina ng STFAP upang mag-aplay. Ang STFAP ay isang programa ng UP kung saan pinapagbayad ang mga estudyante ng matrikulang abot ng kita ng kanilang pamilya. Unang dinisenyo noong 1989 nang unang magtaas ng matrikula ang pamantasan mula P40 tungong P300, ang programa ay nakasalig sa pilosopiyang “mula sa bawat isa ayon sa kanyang kakayanan, sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan,” ayon sa policy paper ng programa. Inabutan ko ang Alphabetic Bracketing System (ABS) na may limang bracket, isang rebisyon ng dating Numeric Bracketing System na may siyam na bracket. Sa ilalim ng STFAP, iginugrupo ang mga mag-aaral sa mga saray o bracket batay sa gross family income ng kanilang pamilya at iba pang socio-economic indicators, kabilang na ang mga ari-arian at gamit sa bahay. Sa unang tingin, maganda ang
ADMIT ONE: Ang STFAP bilang tiket sa edukasyong UP layunin ng programa. Sa halip na magbayad ng buong P1,000 kada yunit na base tuition, maaaring bumaba ang kinakailangang bayaran o ‘di kaya’y maging libre pa. Nalula kami ng nanay ko sa dami ng rekisitos. Dahil hindi propesyunal ang nanay ko at ang kanyang kinakasama, kinailangang lakarin sa Bureau of Internal Revenue ang Certificate of Tax Exemption na hinihingi ng opisina ng STFAP. Kailangan rin ng mga dokumentong magpapatunay na wala kaming ari-arian at negosyo. Pati ang yumao ko nang tatay, hinanapan din ng mga dokumento. Inabot kami ng halos isang linggo para lang makumpleto ang lahat ng dokumento. Isang linggo na ngang hindi pumasok sa trabaho ang nanay ko, gumasta pa kami ng higit tatlong libong piso para sa mga dokumento.
PRICE TO PAY Dahil maaga akong nag-aplay para sa STFAP noong freshman year, maaga ring lumabas ang bracket assignment ko. Hiniling ko sa STFAP form na mailagay ako sa Bracket E, ngunit sa Bracket D ako inilagay. Kailangan ko pa ring magbayad ng mahigit P6,000 para sa matrikula at miscellaneous fees. Para makapagbayad, kumuha ng isa pang trabaho ang nanay ko. Aniya, hindi lang naman matrikula ang kailangang bayaran. Paano pa ang lingguhang baon ko at pamasahe? Pambawi ko na lang sa pagod ng nanay ang mga kwentong uwi ko mula sa UP. Hindi malaon, bumigay ang katawan ng nanay sa hirap ng pagtatrabaho. Pebrero ng taong 2010, sophomore year, yumao ang nanay. Sa tila masamang biro ng tadhana, naging daan ang personal kong trahedya upang bumaba ang bracket ko sa STFAP. Mula third year, nakatatamasa na ako ng libreng matrikula at P12,000 na semestral stipend sa ilalim ng Bracket E2. Isa ako sa 457 estudyante sa buong UP system noong taong iyon na nakinabang sa pagrerebisa ng ABS at paghahati ng Bracket E sa dalawa. Batay sa kalkulasyon, 1.1 porsyento lang kami ng buong populasyon ng UP.
RESTRICTED ACCESS Isa lamang ang kwento ko sa napakarami pang istorya ng mga iskolar ng bayan na pinahirapan ng papataas na tuition ng UP. Iba pa rito ang kwento noong mga
MABABA AT ABOT-KAYANG EDUKASYON SA KABILA NG PAGTAAS NG MATRIKULA – ITO ANG PANGAKO NG SOCIALIZED TUITION AND FINANCIAL ASSISTANCE PROGRAM (STFAP). NGUNIT PARA SA MARAMING ISKOLAR NG BAYAN, NANANATILI ITONG ISANG PANGAKONG LALO PANG PINALALABO NG KAHIRAPAN.
hindi na tumuloy ng UPCAT, hindi na nag-enrol kahit nakapasa, at tumigil sa kalagitnaan ng kanilang pag-aaral. Bagamat nangangako ang STFAP na gagawin nitong abot-kaya ang matrikula sa UP matapos magtaas ng matrikula, kapos ang tulong na iniaabot nito sa mga estudyante. Ayon sa datos ng Office of the Vice President for Planning and Finance, tinatayang 14 hanggang 18 porsyento lamang ng undergraduate population ng buong UP System ang nakatatamasa ng diskwento sa pamamagitan ng STFAP. Samantala, mahigit 80 porsyento na ng undergraduate population ng UP ang nagbabayad ng P1,000 hanggang P1,500 kada yunit sa ilalim ng Bracket B o A. Sa isang pag-aaral na ginawa ng Collegian, lumalabas na mula 1991, patuloy na bumababa ang bilang ng mga estudyante ng UP Diliman na nakatatamasa ng libreng matrikula sa pamamagitan ng STFAP. Kung noong 1991, dalawa sa bawat tatlong estudyante ng Diliman ay nasa mga bracket na may libreng matrikula, noong nakaraang taon, ang bilang ay bumaba tungong isa sa bawat isang daan. Ngunit ani UP President Alfredo Pascual, “Hindi natin dapat sisihin ang STFAP. Mayayaman na lang talaga ang nag-aaral sa UP.” Kung tama si President Pascual, mahirap ipaliwanag ang pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng nag-aaplay ng tuition loan nang mahigit 20 porsyento kada taon mula nang unang ipatupad ang pagtaas ng matrikula noong 2007, ayon sa datos ng Office of Scholarships and Student Services (OSSS). Batay rin sa dato ng OSSS, unti-unting tumataas ang bilang ng mga nag-aaplay sa STFAP sa tuwing nagtataas ang matrikula.
LATHALAIN Miyerkules 20 Hunyo 2012 FIRST PERSON. Mababa at abot-kayang edukasyon sa kabila ng pagtaas ng matrikula – ito ang pangako ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP). Ngunit para sa maraming iskolar ng bayan, nananatili itong isang pangakong lalo pang pinalalabo ng kahirapan.
Kung susuriin ang datos sa STFAP at loans sa konteksto ng pagtataas ng matrikula, lumalabas na dumadaan sa biglang pagdami at biglang pagbagsak ang bilang ng mga nag-aaplay sa STFAP at loans. Sa puntong ito, isang lohikal na paliwanag ang naiisip ko — maaaring sa patuloy na pagtaas ng tuition, unti-unti nababawasan ang bilang ng mga mag-aaral sa UP na kapos sa buhay sa kabila ng STFAP. Maaaring naaampatan ng STFAP ang pangangailangan, subalit sa dulo, hindi sapat ang pag-asa at tulong na dala nito para sa matatalinong kabataan na walang kakayahang pampinansya. Samakatuwid, hindi natitiyak ng STFAP na mananatiling abot-kaya ang edukasyon sa UP. Kung patuloy na iiral ang ganitong mga palisiyang sumisikil sa kakayahan ng mga mahihirap na tumuloy sa pag-aaral, maaaring mas malubha pa sa aking kuwento ang mga istoryang ating matunghayan sa hinaharap. O ‘di kaya, wala na tayong maririnig na kwentong tulad ng akin dahil tuluyan nang isinara ng UP ang pinto nito sa mga taong umaasang iaahon sila sa hirap ng edukasyong sa pamantasan.
Tinik ng aromas SA AMING PAGBISITA SA BRGY. SABANGAN, AMING NATUNGHAYAN KUNG PAANO NILABANAN NG MGA RESIDENTE ANG ISANG MALAKING KUMPANYA NG PAGMIMINA AT MAGING ANG LOKAL NA PAMAHALAAN SA NGALAN NG PAGPROTEKTA SA KALIKASAN AT SA KANILANG MGA KABUHAYAN.
KULTURA Miyerkules 20 Hunyo 2012
Maagang nagising ang aming grupo para sa huling yugto ng gawain ng Collegian tuwing pasimula pa lamang ang semestre — ang tumungo sa isang komunidad upang unawain ang kalagayan ng mga mamamayang naninirahan dito. Mataas na ang araw nang lisanin namin ang Punta Riviera Resort sa Bolinao, Pangasinan. Maingat na binaybay ng sinasakyan naming dyip ang paliko-likong daan patungong Lingayen kung saan bibisitahin namin ang isang komunidad na lunan ng kontrobersyal na kalakalan ng black sand mining. Mabilis naming natukoy ang lugar dahil sinundo kami ni Vicente Oliquino o Mang Vic, kagawad ng Brgy. Sabangan at Pangulo ng Aromas, isang organisasyong sa Pangasinan na nagsusulong ng mga adbokasiyang pangkalikasan. Larawan ng isang tipikal na probinsya ang Sabangan. Malawak ang mga lupaing sakahan at katulad ng ibang barangay, mayroon din ditong maliit na paaralan at kapilya para sa tinatayang mahigit 2,000 residente. Karaniwang gawa sa pawid o sa bato ang mga bahay dito. Ayon kay Mang Vic, pangingisda at pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga residente sa kanilang lugar. Sagana din ang dalampasigan ng Sabangan sa black sand o magnetite, isang uri ng mineral na pangunahing sangkap sa paggawa ng iba’t ibang produkto katulad ng toner, mga bakal, asero, pambalot sa steam boilers, at maging ng mga kagamitan sa tahanan katulad ng kawali, kaldero at iba pa. Bilang isang mahalagang hilaw na materyal, kaakit-akit para sa mga dayuhan ang masaganang deposito ng magnetite sa buong bansa, mula Ilocos Region, Palawan hanggang Leyte. Inaangkat ng
mga dayuhang bansa tulad ng Japan, Korea, at China ang tone-toneladang magnetite sa Pilipinas. Kuwento ni Mang Vic, P150 kada kilo ang presyo ng magnetite na galing sa Sabangan. Noong Hunyo 29, 2011, binigyan ng permit ng lokal na pamahalaan ang Alexandra Mining and Oil Ventures (AMOV) upang makapaghukay ng black sand sa dalampasigan ng Brgy. Sabangan at ng tatlo pang barangay, kapalit ng pagpapaganda sa nasabing lugar. Isa kasing ecotourism zone ang Lingayen batay sa Presidential Proclamation ni dating pangulong Fidel Ramos noong 1998. Kasabay ng pagtatanim ng mga halaman sa lugar, may mga plano ring magtayo rito ng 18-hole golf course at ng Aqua City, isang pasyalan. Ikinabahala ito ng grupo ni Mang Vic. “Kung layunin nilang paggandahin ang lugar, bakit kailangang tanggalin ang black sand?” ani Mang Vic. Aniya, nakababahalang mawala ang nagsisilbing sisidlan ng buhangin upang iwasan ang pagguho nito. Simula nang dumating ang kumpanya ng minahan sa lugar, napag-alaman naming maraming residente ang naging kumbinsidong mas kikita sila sa pagmimina kumpara sa maghapong pagsasaka o pangingisda. Subalit kung dati’y nakakaraos sila sa pagsasaka o pangingisda, ngayon ay halos igapang na nila ang paghahanap ng pagkain sa isang araw. Tinibag kasi ang mga kabahayan at sinira ang mga palaisdaan sa ilang barangay sa Lingayen upang bigyang-espasyo ang pagpapatayo ng planta ng AMOV, paliwanag ni Mang Vic. Dulot nito, napilitang lumisan ang mga residente sa kani-kanilang mga bahay. Nalason din ang dagat dahil sa mga kemikal na ginagamit sa pagmimina. Maraming mga residente ang nagkasakit simula nang mahaluan ng gas at langis ang tubig sa dagat, ani Amy Quintos, kalihim ng Aromas. Wala na rin ang mga kuhol na hinuhuli ng ilang residente katumbas ng isang kilong bigas at isang pirasong tuyo. Sa aming paglilibot,
kapansin-pansin na ang dalampasigan ay mistulang isa na lamang malawak na disyerto. Tinatayang 20 porsyento ng kabuuang sukat nito ang naubusan na ng black sand, ani Mang Vic. Dati ring napalilibutan ang baybayin ng Lingayen ng aromas, isang uri ng halaman na kinakapitan ng buhangin upang mapanatili ang hulma ng dalampasigan. Ngunit ani Mang Vic, simula nang magkaroon ng pagmimina sa kanilang lugar, laging pangamba ng mga residente na umabot sa kanilang mga tahanan ang malalaking alon dahil sa mahinang pundasyon ng dalampasigan. Hindi lamang sa Lingayen nananatili ang mga kumpanya ng pagmimina na nagdudulot ng pagpapahirap sa mga residente. Mayroon ding Altamina Exploration and Resources, Inc. sa Ilocos Norte at Shaitan Cagayan Sand and Gravel Corp. naman sa Camalaniugan, Cagayan. Katambal ng mga suliraning pantao katulad ng pagtibag sa mga bahay at pagdulot ng sakit, malaki rin ang epekto ng pagmimina sa pagsira ng kalikasan. Bukod sa paglason sa tubigdagat, nagdudulot din ito ng mga kalamidad katulad ng naganap na coastal erosion sa Santa Catalina, Ilocos Sur kung saan umabot ng 100 kilometro ang naging pagguho ng lupa. Marami mang hindi magandang dulot sa kalikasan at sa buhay ng mga residente ang pagmimina, patuloy pa rin itong sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ng Pangasinan. Hindi maaaring magpatuloy ang isang operasyon ng pagmimina kung wala itong permiso mula sa lokal na pamahalaan. Gayunpaman, may mga tao pa ring ipinaglalaban ang pagpapatigil sa mga operasyon ng pagmimina. Sa pangunguna ng Aromas, kinundena ng mga residente ang patuloy na pagmimina sa dalampasigan ng Sabangan at ng iba pang barangay na apektado. Nagsagawa ang Aromas ng “signature drive” kung saan nakakalap sila ng dalawang libong pirma mula sa mga residenteng nakibahagi sa kanilang kampanya. Kabi-kabila rin ang mga panayam, panawagan at maging ang pagsasagawa ng prayer rally ng kanilang grupo. Handa rin silang sumama sa isang kilos-protesta sakaling hindi ipatigil ng gobernador ng Lingayen ang operasyon ng AMOV, ani Mang Vic.
Enero 26 nang pormal na ipinatigil ng korte ang operasyon ng AMOV, ani Mang Vic. Ani Aling Ami, “hindi ito para sa amin, para ito sa mga susunod na henerasyon, sa mga anak namin at apo. Kung hindi kami kikilos para saan pa ang buhay na ibinigay sa amin?” Ngunit kung may lumalaban at handang banggain ang gobyerno, mayroon nanatiling tahimik sa gitna ng kaguluhan at kontrobersiya katulad ni Mang Ben*, isang magsasaka at tricycle driver. Aniya, pinipili niyang manahimik dahil ayaw niya ng gulo lalo pa’t may anak at asawa pa siyang kailangang buhayin. May mga banta kasi sa buhay ng mga patuloy na lumalaban at nagbabantay upang hindi na iangkat ng AMOV ang mga nalikom nitong black sand at upang tuluyan na nitong itigil ang operasyon sa Lingayen. Kuwento ni Aling Amy, ilang araw ding may nagmamanman na itim na kotse sa labas ng kanilang bahay noong kasagsagan ng kanilang kampanya. Isa lang ang Sabangan sa mga lokal na komunidad sa bansa na apektado ng pagmimina. “Patuloy pa rin naming babantayan ang aming lugar,” ani Mang Vic, Pangamba niyang magpatuloy ang operasyon lalo pa’t naroon pa rin ang mga makina. Bago lumubog ang araw, muli naming binalikan ang dyip na maghahatid sa amin pabalik sa Maynila. Naglalaro pa rin sa aming gunita ang malinaw na dahilan ng pangangailangang kumilos at magpakilos — ang baluktot na gawain ng gobyerno, sa halip na nagpapatupad ng batas para pangalagaan ang kanyang nasasakupan, dagdag pasanin pa para sa mga tao. Hindi tunay na pangalan*
The ad is deceitful in its simplicity. It shows an elegantly styled woman standing against a black background and quantifying her mixed heritage. Jasmine Curtis-Smith, one of the featured models, has been labelled as “50% Australian, 50% Filipino.” Its accompanying manifesto suggests that, with race, as with clothes, it is all about mixing and matching. In the course of a week, the “What’s Your Mix?” campaign launched by Bayo has reaped an assortment of reactions from social media networks. Some fashionistas and designers see it as a refreshing clothing campaign due to its minimalist approach and rationale. On the other hand, critics dubbed it insensitive, tasteless, and outright racist due to its supposed privileging of foreign heritage. While the campaign is currently a hot topic, it is but a speck in the universe of advertising, the nature of which is to sell products and secure profit, as made possible by creating aspirations and promoting questionable commodities.
WHAT’S YOUR MIX? In our current global economy, race and ethnicity are recognized as critical market segments. As early as 1994, at least half of the biggest companies in the world have been employing ethnic or racial marketing strategies. In the early 90’s, clothing brands such as the United Colors of Benetton have made a reputation more for their racially-loaded ad campaigns rather than their actual clothes. Perhaps, in its attempt to laud mixed heritage, Bayo is eyeing to enter the global market by insinuating that Filipino blood can always make it in the world arena. As the “What’s Your Mix?” campaign proves, using racial and ethnic diversity in advertising is a rather tricky business. On one hand, while it promotes a sense of inclusivity and belongingness, it also remains to be a sensitive, if not outright taboo, subject matter. Conversations about race and ethnicity usually entail an examination, if not an affirmation, of biological, cultural and personal identity, conjuring sentiments about national identity and identity confusion. If not done in good taste, a well-meaning call for tolerance could be seen as discriminatory or racist, demonstrating the irony that the more we push for diversity, the more we breed intolerance.
Mix and match 50% MINIMALISM AND 50% BAD ADVERTISING COPY MAKES FOR AN INTERESTING AD CAMPAIGN. A RECENT AD CAMPAIGN CALLED “WHAT’S YOUR MIX?” LAUNCHED BY BAYO, A FILIPINO CLOTHING BRAND, HAS GARNERED MUCH ATTENTION AND CRITICISM. AFTER SPAWNING A MULTITUDE OF INTERNET MEMES, THE CAMPAIGN HAS BEEN PULLED OUT OF CIRCULATION. AS IT TURNS OUT, TACKLING RACE IS NOT AS EASY AS MIXING AND MATCHING CLOTHES.
While the ad aims to celebrate a mixed heritage, it polarizes views on what heritage should be. For some, the ad is a celebration of Filipino blood. For others, it is a glorification of the foreign. The campaign, which initially served as a celebration of being Filipino, became an avenue to examine what it means to be Filipino. While advertising campaigns seem to be an odd place to look for definitions of national identity, its changing images serve as a testament to our fluctuating national sentiment.
SOFT SELL It remains a wonder how a few skewed percentages and a poorly worded manifesto could spark a debate on racism, on heritage, and on what it means to be Filipino. But, as Sut Jhally, an Indian advertising critic, stipulates, the power of advertising comes, “not from the ingenuity of advertisers, but from the need for meaning”. The percentages, while seemingly baseless, intend to show that Filipino blood makes the featured models beautiful and world class. However, the best that the ratio did was to quantify race and ethnicity and make the models seem like fractured beings. The manifesto, on the other hand, simplifies the phenomenon of mixed heritage by comparing it with the mixing and matching of clothes. As Roland Tolentino, a critic of popular culture, contends, what is not stated in the mixed-race politics of Bayo is the literal violence behind the union of the said races. For example, some Amerasians are a result of American-Filipino unions in the red light districts surrounding the Subic and Clark Air Bases. Some Japinos, on the other hand, are not recognized by their Japanese fathers, with the Filipina mothers working in Japan. By stipulating that a mixed heritage is simply “all about mixing and matching”, the ad glosses over the rather violent histories of how inter-racial unions came to be. The campaign tripped over the fact that one’s heritage is not always subject to freedom of choice, but is a product of specific historical moments.
HOT COMMODITY In the current global market, the concept of
race remains a hot commodity. As with the example of Bayo, the actual value of the clothes that they are selling has been overshadowed by the attractiveness of a mixed heritage as the premium commodity. Advertising ascribes a certain mystique to commodities in order to promote the consumption of goods and services that aid the construction of cultural identity. As with the case of Bayo, this commodity fetishism reaffirms desires and aspirations for a mixed heritage as a cultural commodity, with the advertisers acting as cultural intermediaries. Commodity racism, as Celia Lury states, has contributed to shifts in the operation of racism, from a biological understanding of race to a racism where race has become “a cultural category in which racial identity is represented as a matter of style, and is the subject of choice”. The contention remains apparent due to the proliferation of ad campaigns banking on the myth of diversity. However, there still remains a political hierarchy when it comes to race. As much as Bayo attempted to celebrate mixed heritage, it ultimately failed since it did not assert the existence of a political minority and merely retained the cultural status quo, which is bent on glorifying foreign heritage and belittling ethnic lineage. The packaging of heritage, alongside the far-reaching processes of globalization and its inherent importance within racial discourse, demonstrates the significance of commodification in our seemingly diverse world. Its influence permeates every conscious human endeavour and transforms every sphere of human activity into a good or service that can be bought and sold in the market, stripping even heritage of its essence by making it an object of consumption.
Sources: Celia Lury, 1996. From “Studies in Symbolic Interaction”. Rolando Tolentino. “Bayo ads at mixed-race politics”. Bulatlat. June 11, 2012. Sut Jhally, 1987. “The Codes of Advertising”.
KULTURA Miyerkules 20 Hunyo 2012
LAKAS TAMA
ISANG PANG HIRIT SA STFAP Pasukan na naman at tiyak bago pa man nakaupo ang mga estudyante sa klase ay dumaan muna sila sa magdamagang pagpupuyat para makakuha ng mga klase sa CRS o nakipag-karerahan sa pila para makapag-prerog at pumila sa student loans o sa bayaran ng tuition. Pero hindi lang ang mga ito ang pinagpawisan ng mga isko’t iska ngayong semestre, nadagdag sa listahan ang muling pagpasa ng Bracket B certificaton forms upang mapatunayang nasa pagitan ng P500,000 hanggang P1M ang kinikita ng kanilang pamilya. At kung sino man ang ‘di makapagpasa ng forms at requirements, o makakapag-appeal ay mapupunta sa OPINYON Miyerkules 20 Hunyo 2012
direktang naapektuhan ng biglaang pagtaas ng tuition — marami ang napilitang maglakad ng sandamakmak na papeles, ‘yung iba’y umasa na lamang sa mga scholarship upang suportahan ang buong pananatili sa unibersidad, meron ding pinagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho, samantalang ang iba’y ‘di na lang tumuloy. Mukhang ‘di pa rin naaantig ang mga nasa taas sa mga protesta sa mga nagdaang taon, kaya’t nagpatupad pa ng panibagong requirement na kung tutuusin ay nagdadagdag ng P500 sa bayarin ng default bracket. Sa isang forum na idinaos sa College of Education, tahasang ipinagtanggol ng pangulo ng UP ang epektibong pagbabago sa default bracket, sa paniniwalang marami Sadyang pandaraya nang mayaman sa UP. Ang pruweba ang paggamit ng niya – marami na daw kotseng kapangyarihan para naka-park sa loob ng unibersidad. mapigilan ang boses Maraming nagtaas ng puntong hindi ng mga estudyanteng pang-iskolar ang binabayaran sa UP humihingi ng at sa gayon maraming mahihirap ang pagkakataong marinig ‘di na nakakapasok dito. Pero sadyang pinanghahawakan ni President Pascual na marami talagang mayayaman na Bracket A kung saan tumatagingting nakakapasok at ang hangad lang ng na P1,500 kada yunit ang babayaran. Bracket B certification ay tiyaking Sino bang matutuwa sa ganitong “honest” sila sa income tax report pabigla-biglang pagbabagong palisiya? nila ngayong semestre. May mga Noong 2007, isang bigating estudyanteng nagbahagi ng kanilang pagbabago rin ang sumalubong sa karanasan sa pag-aapply sa STFAP mga freshie, kung saan tumaas at pabago-bagong bracketing na ang base tuition mula P300 kada kanilang nakukuha, pero ipinamukha yunit tungong P1,000. Maraming lamang sa kanilang nadadaan ang
lahat sa pagsusumikap, na kung higit lang silang magtitiyagang maglakad ng appeal forms at magpasa ng iba pang requirements, makukuha rin ang inaasam na bracket. Sa tuwing mayroong magsasalita upang patunayan ang mga kapalpakan ng STFAP, sa tuwing may tatayo upang ilantad ang sarili niya bilang isa sa mga biktima ng STFAP, tataas ang boses ng pangulo upang sabihin ang kanyang mga argumento at saka magbabanggit ng ilang mga komentong galing rin naman sa kanyang sariling opinyon at hinuha. Hindi man ako nakapagsalita sa forum na iyon, alam ko kung ano ang totoo — hindi matibay na basehan ang bilang ng kotse sa loob ng UP para taasan ang tuition, hindi lahat ng estudyante’y benepisyo ang nakukuha sa STFAP, at sadyang pandaraya ang paggamit ng kapangyarihan para mapigilan ang boses ng mga estudyanteng humihingi ng pagkakataong marinig. Bilang estudyante sa UP, sino nga ba ang matutuwa sa tuition na kasing taas na rin ng mga pribadong unibersidad at sasabihing dapat pa nga raw ay taasan pa? Wala, tanging mga ignorante lamang ang magpapairal ng katahimikan kahit pinapahirapan na ang mga estudyante hindi lang ng STFAP kundi ng buong sistema ng edukasyon.
ANG ALAMAT NG REAL WORLD AT KALAWAKAN NG C H URURU May iba pa palang mundo sa mundong ginagalawan ko ngayon. Eksaktong 5, 677,342.491 light years away, sa gitna ng Kalawakan ng Chururu, may isang planetang mahirap matunton na kilala sa tawag na Real World. Marami na ang mga dalubhasang pumunta at pinag-aralan ito. Sa impormasyong nakalap, maraming nagsasabing ito na yata ang paraiso — sagana sa mga taong nakakurbata, high-end na condo at Porsche Cayenne. Mararating ko rin ito balang araw, ayon sa mga nakakatanda, basta ba mag-aral nang mabuti makinig sa tunay na kagustuhan ng puso. Kaya naman noon, bawat taon yata akong nagpapalit ng pangarap na trabaho paglaki. Ginusto kong maging teacher, architect, entrepreneur at marine biologist. Pagkalipas ng ilang taon, umabot ako ng kolehiyo bitbit ang pangarap na maging isang “drawerer.” Matapos ang unang unos ng Mayo sa taong ito, isa ako sa mga nabigyan ng roundtrip tiket papuntang Real World at masdan ito nang malapitan. May mga swerteng napadpad sa destinasyong kanilang pinangarap at mayroon namang mga naligaw sa kawalan kagaya ko.
Habang lumulutang sa kawalan, hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa kabilang dulo ng Real World. Dito ko natagpuan ang kaibigan kong si Eli.* Sinamahan niya akong mag-ikot at tinuro niya sa akin ang pasikut-sikot ng mundong ito. Ang mga gusali dito’y ginintuan at nag-uunahan sa paghalik sa langit. Mabilis at tuluy-tuloy ang daloy ng mga robot na manggagawang pumapasok dito araw-araw, gabi-gabi. Ang mga tao, iba’t iba man ang suot, ay may unipormeng kunot sa noo. Ito na yata ang rurok ng “Rush Hour. More fun in the Real World.”
Tila may nagaganap na malawakang dream genocide
Isa si Eli sa mga nakasalamuha kong nawawala rin na parang multong gumagala upang hanapin ang kasagutan sa mga sariling agam-agam. Pagbalik ko sa mundong nakasanayan, hindi ko
rin maiwasang magtaka: paano’t ang isang manggagamot na tulad niya ay naging kasama ko sa likod ng kamera sa isang pagawaan ng patalastas? Ngunit kung tutuusin, maswerte pa nga kami dahil nakatungtong kami sa kolehiyo. Paano na lang ang dumadaming bilang ng drop-out kada taon? Tila may nagaganap na malawakang dream genocide. Ito na ba ang maningning na kinabukasan? Ito na ba ang puno’t dulo ng mga pangarap? Ito na ba ang lipunang makakagisnan ko sa labas ng paaralan? Kung pwede lang, ayoko nang grumadweyt. Nasilip ko na ang hinaharap at para itong isang blackhole na kaya kang lamunin nang buhay kung hindi ka magiging kritikal. Sa mundong iyon, madaling mabulag sa mga nagbabalat-kayong kaligayahan. Ngunit kahit ganito ang nasaksihan ko, hindi pa rin ako titigil mangarap. Patuloy pa rin akong aasa na balang araw, masisilayan ko ang araw na magbabago ang ikot ng mundo — ang araw na magkaroon ito ng puwang para sa tunay na kaligayahan ng mga tao. *Hindi tunay na pangalan
Walang gana Teorya ko, nagpaulan ang Diyos ng katamaran nitong nakaraang linggo at sinalok ko sa balde ang mga patak nang hindi ko namamalayan. Hindi ko maipaliwanag pero wala talaga akong ganang magtrabaho o gumampan sa kahit anong gawain nitong mga nakaraang araw. Tinatamad akong maligo kasi maginaw. Tinatamad akong mag-toothbrush kasi… tinatamad na rin akong mag-isip ng palusot kung bakit. Dalawa lang sa anim na subject ang pinasukan ko. Ikatlong taon ko na sa UP at kabisado ko na ang madalas na house rules ng bawat prof. Bawal mag-text, bawal ang pagkaing malakas ang amoy. Tiniyak ko ring may kakilala ako sa bawat klase para may kukuha ng syllabus para sa akin at may magsasabi kung kailangan ko na talagang pumasok sa susunod na meeting. Siguro ayaw ko lang makita ulit ang mga ka-block kong hindi ko masyadong ka-vibes. Sa departamento namin, ako lang yata ang kayang magsalita sa Filipino nang matatas, tuloy-tuloy, at hindi nauutal. Pero mababait ang mga tao’t naniniwala naman akong marami sa kanila ang walang intensyong masama sa kapwa. Hindi lang talaga ako mahilig sa mga bagay na hilig nila, kagaya ng pagdalo sa mga tugsh-tugsh na party, at pangongolekta ng uno sa dulo ng semestre. Hindi ko tiyak, pero maaari ring nagsawa na ako sa AS bilang espasyo kaya ayaw ko nang nadadako roon. Mula GE hanggang sa mga pangunahing klase ko sa major, dito ko kinukuha o kaya doon sa kalapit na building ng departamento namin. Nakakasawa ang pare-parehong klasrum, ang pare-parehong ruta para marating ang bawat silid. At kahit pa sanlaksa ang mga bagong mukha, wala naman akong pakialam sa kanila. Alam kong hindi ko dapat binibigyang-katwiran itong hindi ko pagpapakita sa klase. Sa susunod na linggo, nangako ako sa sarili kong papasok na ako. Nagbayad pa rin ako ng halos P20,000 para lang makapasok At doon, nasasayangan ako. Pero hindi lang acads ang problema ko sa buhay. Kung tinatamad ako sa pagligo at pagsipilyo, lalo naman sa ibang bagay kagaya ng pagsulat sa kolum na ito. Tinatanong ko nga ang mga kasama ko kagabi kung anong paksa ang pwede kong isulat ngayon. Kanya-kanyang tae ang sinampal nila sa akin. May nagsabing magsulat ako tungkol sa batang Brazillian na namatay, bumangon sa kanyang burol, at muling namatay. Pero dahil tinatamad akong mag-isip kung paano pahahabain at palalawakin ang kuwentong iyon, hindi ko pinatulan. May nagsabi namang magsulat daw ako tungkol sa Father’s Day. “Wala akong tatay,” sabi ko. Nainis ako nang bahagya kasi naikuwento ko na sa nakaraang kolum na si Mama at si Lolo lang ang pamilya ko. May isa ring nagmungkahi na magsulat ako tungkol sa kasiyahan at kalungkutan, at kung bakit mas pinipili ng Collegian na ilathala ang mga balitang “malungkot” o “masama” o “hindi pang-estudyante,” depende kung saang perspektibo ka nanggagaling. Nangalahati din ako sa paksang iyon. Ginawa kong lunsaran ang sarili kong pamilya at ang sinabi ni Leo Tolstoy sa Anna Karenina na, “Happy families are all alike; every unhappy family is unhappy in its own way.” Pero nang salain ko kung alin ang mga detalyeng gusto kong ibahagi at nang maubusan ako ng sasabihin, tinamad na akong magpatuloy. Kaya heto, isang kolum ng katamaran. Mas madaling aminin ang ganitong uri ng kahinaan kasi tiyak ako, hindi lang ako ang tamad sa mundo.
Eksenang Peyups
Textback makamasang paraan at hindi kumikiling sa mga may kapangyarihan. 2011-42913 Mr.Pogi Gusto kong sumailalim sa K-12. Maganda ang curriculum. Mas maraming skills na matutunan at advantage yun sa mga estudyante. Subalit masasabing di pahanda ang DepEd para rito. May mga malaking problema pa na dapat unahing solusyunan. 11-15258 ayaw ko ng k12, di pa handa e. sana nag-pilot testing muna ng programa before general implementation, baka mag-crash and burn yan. 04-31168 ayoko s K+12 dahil dagdag gastos pa ito kina mama and plus years doesn’t mean better education.mas maganda na yung 10yrs pero marami kang matututunan. 201024670 HINDI sapagkat datapwat subalit nagkukulang pa po ang mga silid aralang kinakailangan ng pagpapadagdag ng mga serbisyong ibibigay ng K+12. MAGANDA ANG PROGRAMA NAGKUKULANG SA PERA!! 201137804 I rather take the K-12, since international companies and organizations such as ADB, WB, Apple etc. choose graduates who had 12 years of basic education and 4 year of undergrad education... This is the reason why these companies don’t usually get Philippine graduates. 2011
10847
ENGINEERING STUDENT
UP TOMO-KAI’S IRO NO
WORLD YOUTH ALLIANCE
UP DANCESPORT SOCIETY’S
COUNCIL PRESENTS
FIESTA: A FESTIVAL OF
ASIA PACIFIC (WYAAP)
SEMINAR AND ORIENTATION
PSYCHEDELIA: ENGINEERING
COLORS
EMERGING LEADERS CON-
FOR DANCESPORT APPLI-
OPENING WEEK 2012!
Paint this July with your favorite colors! Join UP Tomo-Kai’s 22nd anniversary celebration, Iro no Fiesta: A Festival of Colors. Discover the vibrancy and diversity of Filipino and Japanese cultures with Unang Buhos! A Waterballoon Tournament (July 2); Land of Rice and Sun, a food festival (July 3-6); IROIRO HALOHALO, an interactive exhibit (July 11); Aurora Borealis Rock Music Night (July 19); and (mo-no-ku-ro), a night of music and performances (July 26). Visit our Facebook fanpage, facebook. com/uptomokai, or our website, tomokai.co.nr for details and updates. See you at the Fiesta!
FERENCE
CANTS
KUNG IKAW ANG PAPIPILIIN GUGUSTUHIN MO BANG SUMAILALIM SA K-12 PROGRAM NG DEP-ED? BAKIT O BAKIT HINDI? Di ko gugustuhin. Its just, were not ready for that type of education. Maybe it’ll be good, pero it wont achieve the goals ‘tis aiming kung wala namang enough na support frm our government.” / Jace Roque from the Communicator, the official pub of Polytechnic Univ. of the Phils. college of communication Hindi kasi kulang na nga ang mga classroom, mababa ang sahod ng mga guro, at kulang na kulang ang panggastos ng mga magulang sa pangaraw-araw pa lamang ng kanilang pamilya. Pinahaba lang ng k-12 ang pagdurusa sa mga estudyante, may budget cut na nga, dinagdagan pa ng gobyerno ng keme. 10-26423 Hindi ako papayag sa K12 program. Pahirap lamang ito sa mga pamilyang halos wala nang makain. Hindi naman pagdadagdag ng taon ang solusyon sa pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ang mahalaga ay mailunsad ang nasyonalistiko, makamasa at siyentipikong uri ng edukasyon. Ihinto na ang kasalukuyang uri ng edukasyon na naglilingkod sa mga banyaga. Mas mabuti kung itutuon natin ang sektor ng edukasyon sa
ANONG MASASABI MO SA NEW LOOK NG KULÊ? OSOM. Ang astig. Sana mapatupad yung increase ng fee para mamade parin ang publication ng Kule. -1120863 Bongga ang new look ng kulê! Bagets na bagets! \m/ 2010-11849 ME GUSTA 04-31168 hi, kule! Number 1 fan ako ng graphix! Galing! Ang ganda ng cover. Ganda ng illus sa Sining sa Selda! Pati si RC Guerrero! Lupet din ng bagong layout! Ang fun tignan. Ang cute din ng idea ng penmanship ng mga staff. 2009 40554 4th yr chk Medyo gumanda po yung layout ng Kule ngayon kahit na mas gusto ko pa rin po yung sa last schoolyear hehe. Nawa’y mas gumanda pa po ang inyong pahayagan sa mga susunod na issues. More power to the whole staff. -Arvin Villanueva, PUP sta. mesa i dont like it 198709105 layout.. so-so. wala maxado pic at maliit font. mahilig naman aq s textbook eh. 05-06596 Mas gusto ko ung isue ngayon dahl mas mganda ung dating nung nameplate na Philipine colegian. Tska mas kwela tngnan in a way.ü. -2010-41554 Der’s stil rum 4 mpruvment in terms of execution pero overall maganda ung direction, parang
newsmagazine. Timely, critical articles. Kudos to d new kule staffers esp to ms. Elona. -juan d. 05-4**59* Ganda ng first ish ng kule! Ayos ng cover at ng layout. Naubos agad lahat ng kopya s college ko. Hehe. Cngrats s bgong eic at staff! (2006-35379)
COMMENTS I’m a CMC freshie and I haven’t seen any earlier copy of Kule until today’s FWA. Senior yr pa lang in HS inaanticipate ko na po ang pagbabasa ng very 1st copy na makukuha ko. The cover’s so cool! Malaman din po ang contents. Napaka-informative and helpful po lalo na for freshies like me. Looking forward for more! 2012-45517.
NEXT WEEK’S QUESTIONS: 1. Anong masasabi mo sa University Town Center na itatayo sa dating kampus ng UPIS? 2. Kanino ka kampi? Kay Annabelle Rama o kay Amalia Fuentes? Mali ang Textback number na inilathala sa last issue. Patawad sa mga nasayang na mensahe. Ito ang tama:
Key in KULE <space> YOUR MESSAGE <space> STUDENT NUMBER (required), NAME and COURSE (optional) and send to: Non-UP students must indicate any school, organizational or sectoral affiliation
Newscan
It is a week-long grandiose celebration of welcoming the new academic year of the college & its new members, the freshmen to be held on June 25-29. A series of events will be conducted which includes the opening program & grand pakain, an organization exhibit & fun-filled fair for all, a talent showdown, a contest on social responsibility and lastly, a culminating night designed to give its attendees a first-rate party experience. Ready? Better be! Buckle up and see you there! For queries, please contact me @ 09178080516 (Claire).
Upholding the dignity of the person must be the primary goal of sustainable development and the means by which we create a sustainable world. The WYAAP Emerging Leaders Conference will focus on the theme, Sustainable Development: Investing for Future Generations. This conference to be held from July 26-28 on Bayleaf Hotel in Intramuros, Manila aims to create a deeper understanding of issues on sustainable development, and also serves as a venue for the Asia Pacific youth to engage in significant discussions and cultural exchanges. For information and registration, visit http://bit.ly/ wyaapelc2012.
“Thirsty for BALLROOM? Go to UP Dancesport Society’s Seminar and Orientation for Dancesport Applicants (SODA) from June 27-28, 6pm at the College of Human Kinetics Dance Area 2. No experience needed. No auditions. Please contact Fil (0917-4562213) for inquiries. We hope to see you there! Don’t forget to like us on Facebook:https://www.facebook. com/updss
Get free publicity! Send us your press release invitations, etc. DON’T TYPE IN ALL CAPS. And go easy on the... punctuations!? dOn’t uSe tXt LanGuage pLs. Provide a short title. 100 words max. Email us at kule1213@gmail.com
ISUMBONG MO KAY TULFOH EDISHUN! Ito ay isang sumbungan edisyon mga pare. Kung di mo kasi natatanong ha, nung bata ako ha, yung mga kakalase ko, pag me problema yung mga yun ha, hindi sa magulang lumalapit yun. Sa ‘kin pare, anak ng tupa sa ‘kin pare! Ganun ako kalupet kaya ‘tong mga nagsumbong sa ‘kin, mautak ‘yan kasi alam nilang ang lupet lupet ko mhen, taga-UP talaga sila alam nila eh. Sumbong #1 Itong una, ah BALITA eto, sumbong ‘to ng isang bracket A na panginoong me dagat sa Miyerkules Pangasinan. Nagpaorder daw 20 Hunyo siya sa Mcsomething with his 2012 friends. Ang problema lang daw ha, ang problema yung hot choco na inorder niya hindi sa kanya napunta. Nagtiyaga nalang daw siya, eto nagtiyaga nalang daw ha. Saan siya nagtiyaga? Sa coke! Sa coke pare! Sumbong #2 Itong ikalawang sumbong ay sumbong ng isang matanda. Meron daw isang mej bracket A na estudyante na nag ala-Ramos ang glasses teh ay, este, pare pare. Sa madaling salita, tumurit ang lense ng glasses ni ateehhh…este ng taong iyon at natataranta sa pagkapa ng sahig si ate! Nakakalokaaa! Aypuuu-! Nakakahiya pare nakakahiya! Sumbong #3 Ito ay sumbong ng isang Bracket E tungkol sa kaklase niya na mala “Aljur“ daw ang ngitian pero sa kanan ang direksyon. Ang issue dito ha, grabe daw makangiti ang walang hiyang kupal na Aldyur Aldyur na yan sa tsikas niyang kaklase! Aba sabi ni ateh, este, nung babae, ang awkward at pangit daw tingnan nitong koya, este, lalake na hmmm yummieeeeh esteeee…bibikwasan ko panga ng magulang niyang hinayupak na ‘yan ha!! Respeto pare respeto!!! Hmmmm. O sige mga teh! Ay taaaang… sige mga pare! Kung me problema kayo isumbong niyo lang sakin pero kung di niyo ko mahanap, isumbong nyo sa iba.
Wala na bang Kultura sa UP?
Sali na sa Kultura Section ng Kule. Akyat sa Vinzons 401, magdala ng 2 blue book, angas at wit. Takits!