SC orders AFP to release missing UP students — Page 3 Philippine Collegian Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman 23 Hunyo 2011 Taon 89, Blg. 2
Paano pinasasarap ang mapapait na alaala?
Dibuho ni Nico Villarete
Balita Pahina 3
Terminal Cases Delfin Mercado
T
Ang timpla ng ilusyon at pangarap sa mga pelikula ng Nestlé
BOR OKs new and higher fees in UP Visayas
Killing time
Kalakal na pag-aaral
Kwento at kuro-kuro sa paghihiwalay ng mag-asawa
Editoryal Pahina 2
Lathalain Pahina 9
he books I bought on impulse last summer proved to be almost useless. They were purchased at a bargain shop, where books about diets and conspiracies are stacked in the same pile. I could just predict the future for these books: re-shelved in another bargain bookshop—my bedroom back home. One book, however, got me reading till the end of the first chapter. What is time, the book asked. Is it the hours, the minutes, the seconds that pass? More importantly, how do we perceive it? The book said that we do not perceive time in itself – we only know when time passed. We know when the bells chime, the leaves falls off the trees, when we start losing friends and begin making new ones. Important events mark the passage of time—I understood this much from the book I almost regret buying. The book got me thinking of all the things I did, or didn’t. It got me reminiscing: the night I fiercely fought with my mother, the afternoon I first held somebody’s hand, the day I climbed the four flights of stairs and took the Kulé exam. The latter thought had been a burden for some days now. Since the release of this year’s first issue, friends have been battering me for pleasure. They say the illustration for this column was too handsome to be me—the artist only got the glasses right. Others texted to confirm if it was really me they were reading on the front page. We didn’t know you had it in you, they all said, trying their best to make it sound like a compliment. What they said hurt my ego, but I knew they had valid reasons to doubt me. Luckily, the people in this office care less about who I am than they do about my ability to churn out words. They don’t mind if I am a college dropout or a prodigal son; what matters is that I can fill up spaces in this paper. There is only one thing that people in this paper care about: deadlines. In here, we mark the passage of time with an edited or revised draft; we count hours by the number of cigarette stubs that litter the floor. This is how I mark the passage of time now—a line-up for this week’s issue, another line-up for next week. The time in between, the now, is an interval spent on thinking about where I am headed, if indeed I want to get somewhere. It is marked by random thoughts on the passage of time, and why, always, I do not feel as if time has moved at all. ●
2 • Kulê Opinyon
Huwebes 23 Hunyo 2011
Kalakal na pag-aaral Simula pa lamang ng klase sa kolehiyo ay hinahambalos na ng iba’t ibang suliranin ang mga mag-aaral. Sa harap ng patuloy na pagsirit ng presyo ng bilihin at pagbaba ng halaga ng sahod, sabay ring nagtaas ng apat hanggang 15 porsyento sa singil sa matrikula ang halos 300 pribadong pamantasan sa bansa. Nakababahala ang pananahimik ng Commission on Higher Education (CHEd), ang ahensyang dapat sanang nangangalaga sa kapakanan ng mga mag-aaral sa kolehiyo, hinggil sa mga pagtaas. Sa mabilis na pagpasa ng CHEd sa mga aplikasyon ng mga pribadong pamantasan para sa pagtataas ng matrikula sa kabila ng kakulangan ng konsultasyon at pagtutol ng mga estudyante, malinaw ang pagpanig ng ahensya sa mga pribadong mamumuhunan na negosyo ang turing sa edukasyon. Dagdag pa sa pagtaas ng matrikula, naniningil ang mga pribadong pamantasan ng iba pang bayarin o “miscellaneous fees,” na hindi tiyak ang patutunguhan. Sinisingil ang mga estudyante ng mga hindi maipaliwanag na bayarin gaya ng “spiritual fee,” “accreditation fee” at “donation fee.” Sa halip na tumungo ang nasabing mga bayarin sa paglinang ng serbisyo at pagpapataas ng sweldo ng mga guro, sa bulsa ng mayayamang may-ari ng mga pribadong pamantasan napupunta ang karagdagang singil sa mga mag-aaral. Sa tala ng Securities and Exchange Commission, sampung pribadong pamantasan sa bansa ang kabilang sa 5,000 kumpanyang may pinakamalaking kita. Bahagi ng administrasyon ng maraming unibersidad ang ilan sa pinakamayayamang negosyante gaya nina Lucio Tan at Henry Sy.
Bunsod ng mga palyadong batas tulad ng Education Act of 1982 na nagbigay-laya sa mga pribadong pamantasan na magtakda ng sarili nitong matrikula at mga bayarin, tuluyang isinuko ng pamahalaan ang kakayahang pigilan ang mga pagtaas sa singil. Sa harap ng komersyalisadong edukasyon sa mga pribadong institusyon, wala na ring matakbuhan ang mga estudyanteng maralita dahil maging sa mga pampublikong pamantasan na dapat sanang magsilbi para sa interes ng mamamayan, laganap na rin ang ganitong kalakaran. Patuloy ang pag-iral ng mga palisiyang tulad ng Higher Education Modernization Act of 1997, na nagbigay ng kapangyarihan sa mga administrasyon ng mga pampublikong pamantasan na magtaas ng matrikula, lumikha ng karagdagang mga bayarin at gamitin ang mga ari-arian ng mga paaralan upang magnegosyo. Layunin ng nasabing mga palisiya na pataasin ang kitang panloob ng mga pamantasan h a b a n g patuloy na binabawasan ang subsidyo sa edukasyon. B u n s o d ng mahigit isang bilyong kaltas sa pondo ng state universities and colleges (SUCs) sa bansa ngayong taon, napipilitan ang mga itong lumikha ng mga pamamaraan upang makaraos. Sa UP, hinigpitan ang panuntunan hinggil sa Socialized Tuition and Financial Assistance Program, na nagsasala sa mga estudyanteng may kakayahang magbayad at iyong wala. Tulad ng mga pribadong kolehiyo itinutulak ang
Editoryal
QUOTED Definitely, wala sa akin.—Retired Gen.
Jovito Palparan, on the ruling
of the High Court ordering him and the military to release missing UP students Karen Empeño and Sherlyn Cadapan, interaksyon.net, June 20
We are not enemies of the state. We are God’s servants.
—Bishop Dulce Pia Rosel, after
filing a civil complaint against President Gloria MacapagalArroyo for tagging the United Church of Christ in the Philippines as a communist front, bulatlat.com, June 17
Marianne Rios
mga SUCs gaya ng UP na itaas ang matrikula at iba pang bayarin. Hindi nalalayo ang palisiya ng pamahalaang Aquino sa lantarang pagpapabayang inilatag ng mga nakaraang administrasyon, na ang tunguhin ay lubusang pagabandona sa edukasyon. Mauugat ito sa impluwensiya ng malalaking institusyong pampinansiya gaya ng International Monetary Fund at World Bank na nagpapautang sa bansa. Kapalit ng pondong ipinauutang ang sistematikong panghihimasok sa paggawa ng mga palisiya ng edukasyon upang gawing pabrika ang mga paaralan na lilikha ng barat na lakas paggawa para sa mga malalaking
pandaigdigang kumpanya. Malawakang itinutulak ang ganitong mga palisiya sa edukasyon maging sa Estados Unidos at Britanya. Nagbunsod ito ng mga pagkilos at pagtutol ng libu-libong mag-aaral sa iba’t ibang panig ng daigdig. Malalim ang ugat ng krisis ng edukasyon at hindi ito magagawang sagutin ng mga panandalian at simplistikong solusyon. Sa halip, kinakailangan nating hamunin ang pamahalaan na lumikha ng mga malawakang pagbabago sa mga prinsipyong gumagabay sa paglikha ng mga patakarang ukol sa pag-aaral. ●
Philippine Collegian www.philippinecollegian.org Punong Patnugot Marjohara S. Tucay Kapatnugot Pauline Gidget R. Estella Tagapamahalang Patnugot Dianne Marah E. Sayaman Panauhing Patnugot Jayson D. Fajarda Patnugot sa Lathalain Mila Ana Estrella S. Polinar Patnugot sa Grapiks Nicolo Renzo T. Villarete, Chris Martin T. Imperial Tagapamahala ng Pinansya Richard Jacob N. Dy Kawani Ruth Danielle R. Aliposa Pinansiya Amelyn J. Daga Tagapamahala sa Sirkulasyon Paul John Alix Sirkulasyon Gary Gabales, Ricky Kawat, Amelito Jaena, Glenario Ommalin Mga Katuwang na Kawani Trinidad Gabales, Gina Villas Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Plipinas Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Email kule1112@gmail.com Website philippinecollegian.org Kasapi Solidaridad: UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers Organizations, College Editors Guild of the Philippines
The VIP treatment received by us was given by [the other] prisoners themselves. As in any place on earth and in heaven, they are not all the same. There are angels, and there are [those] higher than angels —Zamboange del Norte Rep. Romeo Jalosjos, in an
interview on the possible demolition of kubols at the New Bilibid Prison, Philippine Daily Inquirer, June 17
[America] is facing a nation that is in revolt, having risen from its lethargy to a renaissance of jihad.—Ayman al-Zawahiri,
current leader of al-Qaeda, in a videotaped eulogy released early this June
3 • Kulê Balita
Huwebes 23 Hunyo 2011
BOR OKs new and higher fees in UPV Dianne Marah Sayaman & Keith Richard D. Mariano The Board of Regents, the highest decision-making body in the university, approved a 66 percent increase in tuition rates for graduate students in UP Visayas (UPV) and a new laboratory fee in UP Cebu campus on its June 3 meeting. Graduate students in UPV will now pay P1,000 per unit, a P400 increase from the current rate of P600 per unit. The BOR also approved the institution of a laboratory fee worth P600 for Statistics 101 in UP Cebu following a curriculum change in May 2010. The graduate tuition increase and the laboratory fee for Stat 101 will apply to incoming first year students and will be effective starting this
semester. The tuition increase was approved although more than half of the 139 graduate students consulted said they are not in favor of the increase. Meanwhile, in the case of the laboratory fee, 87 percent of students consulted said they approve of the new laboratory fee, according to data from the Natural Science and Mathematics Division of UPV-Cebu. However, the administration’s idea of consultation consists of convincing the majority of students to approve new fees, and precludes consulting with all affected students, said Student Regent Ma. Kristina Conti. It is “necessary to institute laboratory fees [in] Stat 101 as supplies and materials for laboratory use are not subsidized by the college or the
university,” according to the proposal. The tuition increase will cover the acquisition of additional learning facilities, scholarships and loans, as well as increments in the maintenance and other operating expenses in specific graduate programs. The increase in tuition rates for graduate students and the new laboratory fee are “offshoots of the government’s reduction of subsidy to the University,” said UP Visayas Student Council Chairperson Christian Soroñgon. “The students are forced to carry the responsibility of providing themselves with educational facilities which must be of the state,” he added. “[Laboratory fees and tuition increases] shift the burden of paying for our education from the state to the students,” Conti said. ●
SC orders AFP to release missing UP students
Keith Richard D. Mariano The Supreme Court (SC) ordered the Armed Forces of the Philippines (AFP) to “immediately release from detention” UP students Sherlyn Cadapan and Karen Empeño, who have been missing for five years now. In a May 31 decision, the SC directed Jovito Palparan Jr., then commanding general of the 7th Infantry Division of the Philippine Army, and five other military officials to comply with the order of the Court of Appeals (CA) to release Cadapan and Empeño, along with farmer Manuel Merino. The SC decision cited Palparan, commanding officers Rogelio Boac and Felipe Anotado, and lieutenants Francis Mirabelle Samson, Arnel Enriquez and Donald Caigas to be “responsible and accountable [for] the continued detention” of Cadapan and Empeño. Cadapan and Empeño were abducted while conducting a community research in Hagonoy, Bulacan in June 26, 2006 during the height of the AFP’s Oplan Bantay Laya counterinsurgency campaign.
Prolonged agony
The CA issued a writ of amparo on September 17, 2008 as a measure to safeguard the right to life, liberty and security of the two UP students. On the same day, it also issued a writ of habeas corpus to inquire into the legality of their detention. However, the CA also ruled that the writs cannot be executed without a motion for execution. Almost three years after, the SC overruled the CA
decision, stating that the writs were immediately executory “since any form of delay may jeopardize the very rights these writs seek to immediately protect.” The writ of amparo would allow relatives of Empeño and Cadapan to inspect military camps and gather documents held by the military on their missing kin. Copies of the SC decision were forwarded to the Department of Justice (DOJ), Philippine National Police and AFP for further investigations “to determine the respective criminal and administrative liabilities of [the six military officials].” The DOJ already issued subpoenas on the military officials accused of having a hand in the abduction and set a hearing on July 8. The two students and Merino are being detained in military camps and bases under the 7th Infantry Division of the Philippine Army, according to the testimony of farmer Raymond Manalo, who claimed he was also abducted and detained by the military in the same camp but was able to escape. Meanwhile, cases against then President Gloria Macapagal-Arroyo were dismissed owing to her immunity from suit, according to the decision. “Petitions are bereft of any allegation that Arroyo permitted, condoned or performed any wrongdoing against the missing persons,” stated the SC decision.
Damage suit
Before the SC released its decision, mothers of the missing
UP students already filed a criminal complaint against Palparan, Boac, Anotado, Caigas, Samson, Enriquez and master sergeant Rizal Hilario. “Hindi po kami [titigil] sa paghahanap ng aming mga mahal sa buhay [dahil] hindi kami papayag na mayakap lang [sila] sa panaginip,” said Cadapan’s mother, Erlinda. Relying on Manalo’s testimony, Erlinda and Concepcion Empeño charged the six military officials with rape, serious physical injuries and arbitrary detention before the DOJ last May 4. Manalo testified before the CA on November 2007 and the United Nations Human Rights Council on April 2009, alleging that Cadapan and Empeño were tortured and raped by soldiers. “It was clearly established that they were detained under the custody of the 24th Infantry Battalion and were tortured and raped by and under the knowledge and order of [Caiagas and Hilario],” stated the complaint.
Omnibus amnesty
In a dialogue with DOJ Secretary Leila De Lima on June 14, rights groups Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights and Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at para sa Amnestiya (SELDA) demanded a “general, unconditional and omnibus amnesty” for 342 political prisoners, 290 of which were arrested under the counter-insurgency program Oplan Bantay Laya (OBL) of the Arroyo administration. Continued on page 5 »
OLD SCHOOL. Students use old manual typewriters without paper and ribbon cartridges in an introductory typing course in Polytechnic University of the Philippines (PUP) on June 13. PUP is among the 112 state-run universities in the country confronting decrepit facilities brought about by decades of budgetary neglect. Photo by Richard Jacob Dy
Problema sa sahod, daing ng ilang janitor at guwardiya Joan C. Cordero Halos isang buwan umanong naantala ang sahod ng mga guwardiyang nakatalaga sa north sector ng UP, samantalang inireklamo naman ng ilang janitors sa south sector ang biglaang pagkaltas ng kanilang ahensya mula sa kanilang kita kada buwan. Ayon sa mga guwardiyang nakapanayam ng Collegian, hindi umano ibinigay ng ahensiyang Bolinao Security and Investigation Service (Bolinao) ang kanilang sahod mula buwan ng Mayo hanggang Hunyo. Hindi rin naisama sa sahod ang dagdag na P22 emergency cost of living allowance (e-cola), dagdag nila. Bukod rito, hindi pa naibibigay ang kanilang holiday pay simula nang magtrabaho sa ilalim ng ahensiya noong 2009, saad ng mga guwardiyang tumangging magpakilala sa takot na matanggal sa pwesto. Ngunit ayon kay Geoffrey Mendoza, executive vice president at general manager ng Bolinao, binibigay nila ang holiday pay at 13th month pay ng mga guwardiya. Hindi pa naibibigay ang e-cola dahil wala pang sagot ang administrasyon ng UP sa sulat nila na nagmumungkahing idagdag na ang P22 sa minimum wage na P404. “Delayed ng halos anim na buwan ang UP sa pagbabayad sa agency kaya na-delay din ang sahod ng mga guwardiya,” ani Mendoza.
Nahuli ang bayad sa agency sapagkat hindi kaagad naipasa ng ahensiya ang mga kinakailangang dokumento, ani UP Diliman Chancellor Ceasar Saloma. “To claim contract payments from UPD, a security agency is required to submit a number of documents and to follow government procedures for billing...the Bolinao Security Agency did not [comply with the procedures],” saad niya. Nauna nang dumaing ang mga guwardiya ng Bolinao noong nakaraang taon dahil sa mababang sahod, mga kaltas gaya ng group insurance at pagtanggal sa ilang mga gwardiya nang walang sapat na dahilan. Ayon kay Noli Anoos, pangalawang pangulo ng All UP Workers’ Union, isang porma ng paglabag sa kontrata ang hindi pagbibigay ng sahod sa tamang petsa. “Labag sa kontrata ang kanilang [ahensya] ginagawa sapagkat kada kinsenas dapat ang sahod ng mga manggagawa. Hindi rin dapat nahuhuli ang pasahod sa mga manggagawa kahit hindi pa nakapagbabayad ang UP sapagkat may pondo rin na maaaring gamitin ang ahensya,” paliwanag niya.
Biglaang kaltas
Samantala, ayon sa ilang janitor sa north sector, umaabot sa P2,000 kada buwan ang kinakaltas ng ahensyang PhilCare Manpower Services (Philcare) mula sa kanilang sahod upang ipambayad umano sa Social Security Services (SSS) loan. Sinimulan silang kaltasan ng Philcare noong Oktubre at natigil lamang nitong Mayo nang asikasuhin na ng ahensiya ang aplikasyon ng mga janitor para sa condonation program ng SSS, na naglalayong tulungan ang mga manggagawang nahihirapang Continued on page 5 »
4 • Kulê Balita
Pagpapatupad ng bagong sistema sa paggrado ng mga kawani, ipinahinto Marjohara Tucay Ipinatitigil ng administrasyon ng UP ang pagpapatupad ng Performance Management SystemOffice Performance Evaluation System (PMS-OPES), isang bagong pamamaraan ng paggrado sa kalidad ng trabaho ng mahigit 8,000 empleyado ng unibersidad, matapos ang mariing pagtutol ng mga kawani. Ang PMS-OPES ay bagong pamamaraan ng performance evaluation system (PES), ang sistema ng paggrado sa kalidad ng trabaho ng mga kawani ng UP at ng research, extension and professional staff (REPS) na may tungkuling administratibo. Sa ilalim ng PES, rekisito para sa lahat ng opisina sa unibersidad na magsumite ng Performance Targets (PTs), o talaan ng trabahong planong magampanan ng isang opisina sa isang taon, at Performance Ratings (PRs), na naglalaman ng pagtatasa sa kalidad ng trabaho ng bawat empleyado. Nagsisilbing batayan ang PRs sa paggawad ng mga incentive at promosyon ng mga empleyado. Bago magtapos ang termino ng administrasyong Roman noong Pebrero, naglabas ng memorandum si dating Vice President for Administration (VPA) Arlene Samaniego na nagsasaad na kinakailangang magsumite ng lahat ng tanggapan sa UP System ng dalawang set ng PTs at PRs simula ngayong taon: isang set na gamit ang lumang PES at isang set na gamit ang PMS-OPES. Sa ilalim ng lumang PES, gumagamit ng Likert scale upang ipakita ang kalidad ng paggampan ng trabaho ng mga empleyado. Ngunit sa ilalim ng PMS-OPES, gumagamit ng isang “standard point system,” kung saan binibilang ang oras at dami ng nagampanang trabaho upang bigyan ng grado ang mga kawani. “Bukod sa walang naganap na konsultasyon sa mga kawani, ang pagpapatupad ng bagong sistema ng pagsukat sa performance ng mga empleyado ng UP ng hindi muna tinitingnan kung angkop nga ba ito para sa amin ay isang malaking kamalian,” ani All UP Workers Union (AUPWU) Executive Vice President Clodualdo Cabrera, na dating rehente ng mga kawani. Taliwas sa utos ng nakaraang administrasyon, ipinaliwanag ni bagong VPA Maragtas Amante sa isang memorandum na inilabas noong Hunyo 14 na hindi na sapilitang
MAALAB NA PAGBATI. Nagtalumpati si University Student Council Vice Chairperson Dan Neil Ramos sa Freshmen Welcome Assembly na ginanap sa UP Theater noong Hunyo 14. Ipinaliwanag ni Ramos sa mga bagong Iskolar ng Bayan ang tungkulin nilang maging mulat sa mga isyu sa loob at labas ng pamantasan at maging mapanuri sa kasalukuyang kalagayan ng bansa. Kuha ni Airnel T. Abarra ipatutupad ang PMS-OPES sa lahat ng sangay ng UP. “The OVPA received very strong objections from many employees on the submission of two sets of PRs and PTs,” ani Amante. Paliwanag niya, hindi na kailangang sundin ng mga opisina ng UP ang memorandum ni Samaniego.
‘Malapabrikang pagsukat’
Naglabas ng direktiba ang Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng sangay ng pamahalaan noong 2007 upang ipatupad ang PMS-OPES. “[The PMS-OPES] will establish a culture of performance and accountability in the bureaucracy,” ayon sa CSC. “Ang ganitong iskema ng pagbibigay ng grado ay hindi angkop sa mga ahensiyang katulad ng [UP] na ang pangunahing misyon ay ang pagbibigay serbisyo sa mamamayan at hindi katulad sa isang production line kung saan binibilang ang produktong nagawa,” ayon sa AUPWU sa isang pahayag. Sa ilalim ng PMS-OPES,
kinakailangang itala ng bawat kawani ang lahat ng gawaing kanyang natapos sa bawat araw ng pagtratrabaho. Nagsisilbi itong batayan kung gaano kaproduktibo ang isang opisina. “Nakadisenyo ang ganitong sistema na parang pabrika, kung gaano kadami ang ma-produce, mas mainam. Hindi dapat ganito ang orientation sa UP, na isang service unit,” ani Cabrera. Paliwanag niya, hindi angkop ang ganitong sistema sa mga paaralan at ospital, gaya ng UP at Philippine General Hospital. “Paano naging tamang sukatan ang pagbilang sa output? Paano mo gagawin iyon sa ospital halimbawa? Bibilangin mo ang mga pasyenteng nalagyan mo ng suwero? Paano kung kaunti lang ang pasyente?” ani Cabrera. Bunsod ng mga isyu hinggil sa hindi pagiging angkop ng PMS-OPES, mismong CSC na rin ang nag-utos na pansamantalang suspindihin ang pagpapatupad nito sa mga ahensya ng pamahalaan. “Measuring performance through OPES points was found to
be tedious [and] seen to be process rather than output-oriented,” ani CSC Chair Francisco Duque III sa isang memorandum na inilabas noong Agosto ng nakaraang taon. Kasalukuyan na umanong bumubuo ang administrasyon ng UP ng isang bagong sistema ng paggrado sa mga kawani na magiging angkop sa uri ng trabaho sa loob ng unibersidad. “In the meantime, the PRs from the PMS-OPES will not be used as a basis for personnel actions and grant of performance-based incentives,” ani Amante. Nakatakdang ipatupad ang binubuong “Tatak UP Performance Management System” pagsapit ng Oktubre, ayon kay Amante. Aniya, dadaan rin muna umano ito sa konsultasyon sa mga kawani at sa union bago ipatupad. “Isang tagumpay ito para sa mga kawaning nanawagang ibasura ng UP ang OPES. Pero hindi rin tayo dapat maging kampante at bantayan ang ilalabas na bagong sistema ng administrasyon ng UP,” ani Cabrera. ●
Huwebes 23 Hunyo 2011
NEWSBRIEFS
Pauline Gidget Estella High court defers decision on Luisita case
The Supreme Court (SC) has failed to issue a ruling on the legality of the 2006 decision of the Presidential Agrarian Reform Council (PARC) and Department of Agrarian Reform (DAR) ordering the distribution of the Cojuangco-owned Hacienda Luisita (Luisita) to the farmers. The SC was not able to reach a majority vote after four justices submitted separate opinions, said SC Spokesperson Midas Marquez. He added that the failure to reach a majority vote means that there are “differences” among the justices on the issue of the Luisita dispute. Voting was reset to June 21, when only 13 justices will be casting their votes following the retirement of Associate Justices Conchita CarpioMorales and Antonio Nachura. As of press time, however, no decision has been released. In 2006, the PARC and the DAR decided that the stock-distribution option (SDO) offered by the Cojuangcos, the family of President Benigno Aquino III, to 10,000 farmer beneficiaries should be revoked. Under the SDO, stocks were given to farmers instead of actual land parcels. The SC held oral arguments last year to end the dispute, but these were suspended after the parties failed to reach an agreement within the 30-day period prescribed by the court. The deferment of the decision only “prolonged the agony” of the Luisita farmers, said Danilo Ramos, secretary general of Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.
PNP releases 5 UP students arrested on Rizal’s birth anniversary
Five UP Los Baños students were released from detention two days after they were arrested for holding a protest action during President Benigno Aquino III’s speech at the 150th birth anniversary of national hero Jose Rizal in Calamba City, Laguna. The five students, identified as Mikel Mozo, Cathy Gigantone, Bhen Aguihon, Ynik Ante and Ruffa Solano, were detained Calamba Police Station last June 19 under the charges of “tumult and public disturbance.” After paying a bail of P12,000, the protesters were released but have yet to face the same charges in court. Along with Anakpawis partylistSouthern Tagalog members Jeoffrey Barreto and Rodel Badayos, the students shouted “Walang pagbabago sa ilalim ni Aquino!” when the president was midway through his speech. Continued on page 5 »
5 • Kulê Balita
Huwebes 23 Hunyo 2011
CHEd to impose cap on miscellaneous fees Kevin Mark Gomez
The Commission on Higher Education (CHEd) will limit the miscellaneous fees charged by colleges and universities, the agency announced on June 3 following complaints from students, parents and youth groups Kabataan Partylist (KPL) and National Union of Students of the Philippines (NUSP). CHEd is set to release guidelines this month that will determine whether a miscellaneous fee charged by a higher education institution (HEI) is legitimate or not, said CHEd Executive Director Julito Vitriolo. Amid soaring prices of commodities, private HEIs continue charging exorbitant fees(see sidebar 1) that add to expensive tuition students and parents can no longer afford, said NUSP National President Einstein Recedes.
‘Profiteering’
Tuition fees cover charges for instruction and general services
such as faculty salary and facility improvement, said Recedes. “Ano mang fee na sinisingil maliban sa tuition at sa student fee ay considered dubious dahil hindi alam ng mga estudyante kung saan ito napupunta o hindi napakikinabangan ng mga estudyante,” said University Student Council Chair Gemima Garcia. Several HEIs charge their students with “dubious” fees such as donation fee, spiritual fee and accreditation fees, according to data from NUSP. The youth group cited a case in Manila Central University where nursing students pay P25,000 for miscellaneous fees, which is fivefold their P5,000 base tuition. Unlike tuition increases, miscellaneous fees are not covered by any CHEd guideline. CHEd Memorandum Order No. 13, which required tuition increases to be consulted among students, parents and other stakeholders, lacks provisions for miscellaneous fees. Even without increasing tuition, school administrators directly profit
Miscellaneous fee increases in private HEIs* (2008-2009) Item
Average Cost
Ave.increase (in percent)
Registration
P263.84
14.22
Library
P300.66
15.94
Medical/dental
P156.76
12.64
Athletics
P136 .45
16.14
Audio Visual
P227.67
12.74
Guidance
P179.35
12.48
Laboratory
P592.59
13.13
NSTP
P322.20
15.92
ID
P118.12
28.67
*144 schools in 10 regions Source: National Union of Students of the Philippines
Pertinent provisions of SRA SECTION 3. Guiding Principles. Education is a right. It is the responsibility of the State to provide quality and accessible education at all levels. SECTION 9. Right to organize and to associate. The right of students to form, assist, join, and actively participate in any campus organization… not contrary to law shall not be abridged. SECTION 10. Accreditation of student organizations. The student council or government shall be in charge of the accreditation of student organizations, as a purely student activity. SECTION 23. Right to publish a student newspaper and other similar publications. All educational institutions on the elementary, secondary and tertiary levels, public or private, shall be mandated to establish an independent student publication.
Source: Kabataan Partylist
from students through miscellaneous fees that HEIs can easily impose, said Recedes. Dropout rates have surged to over 83 percent due to high cost of quality education that remains inaccessible to majority of the students, said Recedes, citing NUSP computations based on data from CHEd and the National Statistics Coordination Board.
Alternative solution
For this year, average tuition in private HEIs and exclusive schools costs P22,200 to P65,000 while the average rate per unit stands at P855.20, according to CHEd. As education costs continue to rise, Kabataan Partylist Representative Raymond Palatino filed a student rights and welfare bill before the House of Representatives adjourned its session last June 8. House Bill No. 4842, known as the Students Rights Act (SRA), seeks to “re-affirm the rights of students” and uphold education as a basic right. The SRA includes provisions that protect students’ right to organize and participate in school policy-making, and to be admitted to an educational institution regardless of socioeconomic status, political beliefs and sexual orientation, among others (see sidebar 2).
“In the absence of quality and accessible education, it will be very hard for our youth to realize their historic role to help inaugurate genuine change. The challenge for lawmakers is to instigate effective political solutions which will make these education problems a thing of the past,” Palatino said in a statement. ●
SC orders AFP...
« from page 5
About 1,206 extrajudicial killings, 206 enforced abductions and over 2,000 arbitrary detentions were reported during the nine-year OBL, according to Karapatan. All political prisoners must be released without any condition, said UP Student Regent and National Union of People’s Lawyers member Ma. Kristina Conti. “In the first place, political prisoners should not have been in prison,’’ added Karapatan Chairperson Marie Hilao-Enriquez. However, the grant of amnesty shall be made in a case-to-case basis, said De Lima, adding that she would convene this week the Presidential Committee for Bail, Recognizance and Pardon to discuss the matter. Political prisoners must follow the example of the Cadapan and Empeño families in taking the “rightful
PAMBUNGAD. Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga mag-aaral sa unang araw ng klase sa kolehiyo sa harapan ng tanggapan ng Commission on Higher Education (CHEd) noong Hunyo 13.Ikinadismaya ng mga mag-aaral ang kawalang-aksyon ng CHED sa walang habas na pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa mga pampubliko at pribadong pamantasan na isa sa mga itinuturong dahilan ng pagtaas ng college drop-out rate sa bansa. Kuha ni Airnel T. Abarra
Problema sa sahod...
« from page 5 magbayad ng utang sa SSS. Kung maipapasa ng ahensya ang aplikasyon ng mga janitor bago ang palugit sa Hunyo 30, hindi na babayaran ang penalty rate ng SSS loan. Tulad ng mga guwardiya, hindi pa rin naibibigay ang e-cola simula ng maipasa ito noong Mayo. Gayunpaman, malaki pa rin umano ang nakakaltas sa mga janitor gayong nasa minimum wage ang kanilang kinikita. “Malaking bagay na sa akin ang P1,000 kaltas kada kinsenas. Pauntiunti na lang sana [ang kaltas] pero kung ayaw daw namin pumayag, mag-resign na lang kami,” anang isa sa mga janitor. “May mga utang kasi sila from the previous agency kaya kinaltasan naman sila ngayon,” ani PhilCare Supervisor Christopher Malelang. Malaki na umano ang mga utang kaya malaki din ang kaltas sa sahod. Hindi rin nakapagkaltas nang regular at naipasa nang maayos ng dating ahensyang FMS Manpower and Janitorial Services sa PhilCare ang loan deductions kaya tumaas ang
vengeance to the evils of the Arroyo administration,” said Conti. ●
Newsbriefs
« from page 4
They were immediately arrested by members of the Presidential Security Group and Calamba City police.
SC affirms decision admonishing UP Law Dean and 34 profs
The Supreme Court (SC) has affirmed its March 8 ruling that admonished former UP Law Dean Marvic Leonen and 34 other professors for their statement last year calling for the resignation of one of the SC justices who was accused of committing plagiarism. The admonition sanction only serves as a “warning,” said SC Spokesperson Midas Marquez. If
interes at penalty ng SSS loans. “Kailangan din nilang magbayad ng loan para ma-release ang clearance namin sa SSS,” dagdag ni Malelang.
‘Walang konsultasyon’
Biglaan ang pagkaltas at wala umanong konsultasyon na naganap sa pagitan ng ahensya at ng mga janitor na may utang, ayon sa isa sa mga janitor. Nahihirapan umanong magreklamo ang mga janitor at guwardiya sa mga pribadong ahensya ukol sa sistema ng pasahod dahil sa takot na matanggal sa trabaho. “Dahil sa kontraktwal pa, hindi kami pwedeng sumali sa unyon na [magsusulong] sana sa aming mga karapatan,” saad ng isang janitor. Nararapat na sipatin ng administrasyon ng UP ang mga hinaing ng mga manggagawa hinggil sa pamamalakad ng ahensiya at gumawa ng mga kagyat na hakbang, ani Anoos. “Kung hahayaan natin ang mga ahensyang ito, parang kinukunsiti na rin natin sila at hinahayaang ipagpatuloy ang kanilang mga tiwaling gawain,” dagdag niya. ●
Leonen and the professors continue to act in the same manner and ignore the admonition, the SC will find them under contempt of court and might be sanctioned with imprisonment. In an 11-page resolution, the SC said Leonen had set a “bad example” to the students by issuing the statement “Restoring Integrity,” in which he called for the resignation of Associate Justice Mariano del Castillo for allegedly plagiarizing parts of a 2010 decision on the case of wartime comfort women. Del Castillo was later cleared of the plagiarism charge. The SC also dismissed for lack of merit the appeal filed by two of the professors admonished by the court, Tristan Catindig and Carina Laforteza. The professors claimed that their statement had “good intentions” and only “called for constructive action” but the SC maintained that the “emphatic language” used in the statement was contemptuous. ●
6 • Kulê Kultura
Paano pinasasarap ang mapapait na alaala? Sa likod ng mga pelikulang hinihimok ang ating pagbabalik-tanaw, mababatid ang mga itinagong eksenang tunay na sumasalamin sa lumipas na sentenaryo. Artikulo ni Ma. Katherine H. Elona Dibuho ni Nico Villarete Disenyo ng pahina ni Roanne Descallar
Nagmarka sa magkabilang dulo ng labi ni Aaron ang ininom niyang gatas habang nag-eensayo para sa sasalihang declamation contest. Dahil problema niya ang tamang pagbigkas ng “p” at “f,” kumuha ng speech at theater instructor ang kanyang nanay. Sa kabila nito, bigo pa rin siyang makamit ang unang gantimpala. Habang pinagagaan ang kanyang kalooban, pinainom siya ng ina ng isang baso ng Bear Brand. Ito ang kwento ng “The Howl and the Fussyket,” ang unang pelikula sa antolohiyang Kasambuhay, Habambuhay ng Nestlé Philippines (Nestlé) na nagdiriwang ng ika-100 taong anibersaryo ngayong taon. Layon ng antolohiya na lagumin ang isandaang taong pananatili ng Nestlé sa bansa. Sa makukulay at madadramang tagpo, ikinintal ng Nestlé sa publiko ang rurok ng buhay na maaari nilang maranasan sa bawat pagbili’t pagtangkilik nila sa mga produkto ng kumpanya.
Laki sa gatas
Sa 100 taon ng Nestlé sa Pilipinas, ipinagmamalaki nito ang pagiging bahagi ng Milo, Nido, Nescafé at iba pa sa buhay ng bawat Pilipino. Ngunit bago narating ng Nestlé ang bansa, isa lamang itong simpleng pormula ng gatas na nilikha ng pharmacist na si Henri Nestlé para sa mga sanggol sa Sweden. Higit na naipakalat ang produkto nang sumanib si Nestlé sa Anglo-Swiss Condensed Milk Company noong 1867.
Unti-unti nang lumalakas ang negosyo ng Nestlé nang magtayo ito ng pagawaan sa Binondo, Maynila noong 1911. Naging katambal rin ng Nestlé sa Pilipinas ang San Miguel Corporation (SMC), ngunit binili rin nito ang stocks ng SMC noong 1991. Sa kasalukuyan, ang Nestlé ang pinakalamaking kumpanya ng pagkain sa buong mundo, at sa bansa. Mula sa gatas at kape, ngayo’y mayroon na ring iba’t ibang inumin at panghimagas ang Nestlé. At habang tumatagal, lumalawak din ang hanay ng kanilang mga tagapagtangkilik. Mula sa mga produktong hinahain sa hapag ng mga pamilyang nabibilang sa pangkat ekonomikong A-C tulad ng cereal at yogurt, mayroon rin silang mga produktong naka-tingi na mabibili sa mababang halaga. Tampok ang mga produktong ito sa bawat pelikula ng antolohiya. Liban sa pagpapakita ng mga produkto sa bawat frame, layon ng mga pelikula na salaminin ang mga asal at paniniwalang Pilipino. Ipinamalas sa “Silup” ang likas nating pagiging maalagain sa mga matatanda, samantalang sinalamin naman ng “Isang Tasang Pangarap” ang paniniwala natin sa mga himala’t mga superstisyon. Pinakilig naman ng “Sign Seeker” ang mga manonood na naghahanap ng pag-ibig.
May isasarap pa ang buhay Hindi
lalampas
sa
sampung
minuto ang bawat pelikula, isang katangiang karaniwang taglay ng mga independent na pelikula. Kagaya ng mga produksyong non-commercial, libreng pinalabas ang antolohiya sa mga piling sinehan gaya ng sa Megamall. Pamilyar ang mga eksenang
Huwebes 23 Hunyo 2011
isinalaysay sa iba’t ibang genre, mula comedy, satire hanggang musical. Ibaiba rin ang istoryang tinalakay, mula sa mga salaysay ng pag-ibig hanggang sa mga kuwento ng paglalakbay. Makulay ang audio-visual presentation na nagbukas ng mga palabas, at malinaw na pahiwatig ang tono at timpla ng bawat eksena sa layunin ng Nestlé — antigin ang puso ng mga manonood at pasukin ang sukal ng kanilang alaala. Isa ang “Downtown” sa mga pelikulang nag-ani ng simpatya ng mga manonood. Gamit ang tambalang Nescafé at Coffee-mate, tinalakay nito ang isang tipikal na kuwento ng pangungulila sa minamahal. Kapansinpansin ang lunan ng pelikula na komunidad ng mga Intsik sa Binondo. Patunay ito sa katangian ng Nestlé bilang kumpanyang lumalagos sa iba’t ibang kultura ng iba-ibang bansa Kuwentong pag-ibig din ang “Cooking Mo, Cooking Ko” na isang parodiya ng Romeo and Juliet ni William Shakespeare. Sa pormang balagtasan naganap ang kanilang dayalogong nagsalaysay sa kasaysayan ng dalawang pamilya. Sa pagitan ng mga mensahe ng pagkakaibigan at pagkakaisa, batid ang pagtangkilik sa Nestlé bilang kasanayang minamana ng mga henerasyon. Bukod sa lungsod, naging lunan din ng ilang kuwento ang kanayunan. Ang “Unplugged,” halimbawa, ay naganap sa isang malawak na lupain sa probinsiya. Sa isang malaking hacienda nagtakbuhan ang mga batang babad sa makabagong teknolohiya na tila pahiwatig ng pagbabalik sa simpleng pamumuhay.
7 • Kulê Kultura
Bagaman tinangkang gawing makatotohanan ang bawat eksena, may agwat ang realidad at mga pelikula ng Nestlé. Hindi natagpuan sa kahit anong eksena sa nayon ang mga manggagawang bukid. Ginawa ring katatawanan ang mga tagpong walang sapat na pera ang pangunahing tauhan, isang seryosong isyung kinahaharap ng maraming Pilipino. Sa ganitong paraan, mababatid ang masalimuot na realidad na nais pagtakpan ng Nestlé.
Good food, good life
Gayunpaman, sinalubong pa rin ng mga manonood ng malakas na palakpakan at tawanan ang mga pelikula. Maya’t maya rin sila kung kiligin at may mga pagkakataon pang may napaluha. Patok ang mga pelikula sapagkat sinalamin nito ang mga problema’t pangarap ng middle class o panggitnang uri—ang pangunahing pangkat ng mga mamimiling puntirya ng Nestlé. Makikita ang kamalayan sa uri ng Nestlé na kanilang ginagamit upang ibenta ang kanilang mga produkto. Bear Brand ang pangunahing mukha ng “The Howl and the Fussyket” at Nido naman ang sa “Sali- Salita.” Magkaibang pamilya ang tampok sa mga pelikulang ito. Ang una’y suportado ng isang tatay na OFW, samantalang mawawari sa pagkakaroon ng magandang bahay ang pagiging angat sa buhay ng ikalawang pamilya. Magkaibang gatas ang inihanda sa kanilang mga hapag bunsod ng kaibahan sa estado sa buhay. Bunsod ng impluwensiya ng midya at iba pang makapangyarihang institusyon, nagagawa ng Nestlé na dumaluhong sa isipan ng mga tao at mapanatili ang kanilang suporta’t paghanga. Kaya’t bagaman kalakhan ng populasyon ang hindi kabilang sa takdang mamimili ng Nestlé, inaasam pa rin nila ang ideyal na buhay kung
Huwebes 23 Hunyo 2011
saan kaya na nilang tangkilikin ang mga nasabing produkto. At dahil layon ng Nestlé na mas mapagtibay pa ang kanilang relasyon sa mga mamimili, pinagmistula nilang isang serye ng mga patalastas na inilapat sa pinilakang tabing ang antolohiyang ito. Ayon sa Advertising Age, isang publikasyon ukol sa merkado at midya, nauuso na ang paglikha ng mga maiikling pelikula bilang alternatibo sa pangkaraniwang 30-segundong patalastas. Bukod sa multimedia ang pelikula, nawiwili rin diumano ang mga manonood sa panibago at eksperimental na porma nito. Katwiran ng mga advertiser, lipas na ang panahong basta sumusunod ang mga mamimili sa idinidikta sa kanila kaya mas epektibo ngayon ang pagkukubli ng mga mensahe sa magarbong produksyon ng pelikula. Ito ang nais mangyari ng Nestlé para sa kanilang ika-100 taong pagdiriwang: ang masigurong patuloy na tatangkilikin ng mga manonood ang kanilang mga produkto sa mga susunod pang taon at henerasyon. Bumalikwas sa nakasanayan ang Nestlé upang matiyak ang pangunguna nito sa merkado. Subalit sa pelikulang “Tingala sa Babâ,” batid ang tensyon at agwat sa pagitan ng mga uri na siyang tungtungan ng mga ilusyong pinalalaganap ng Nestlé sa mga patalastas. Gamit ang metapora ng dalawang batang naglalaro sa seesaw, nalantad ang pagkakahati-hati ng mga tao ayon sa kanilang antas ng pamumuhay. Nakaaantig ng puso ang pagkakaibigang nabuo sa pagitan ng isang mahirap at mayaman na bata, subalit sa pagtatapos ng pelikula, mahihinuha ang pangingibaw ng uri sa pagkakaibigan ng dalawa. Ayon sa mga kritikong sina JeanLuc Comoli at Paul Narboni, kayang lumihis ng pelikula sa umiiral na sistema ngunit hindi nito magagawang tuluyang sumalungat. Ang mga independent na film ay halimbawa
ng pagbabalikwas sa nakasanayang porma. Tulad ng pagbalikwas ng Nestlé sa karaniwang porma ng patalastas, layunin din ng antolohiyang ito na baliktarin at baguhin ang hubog ng kasaysayan nila sa nakaraang 100 taon.
There’s blood in your coffee
Pinanghahawakan ng Nestlé ang imahen ng isang respetado’t matagumpay na kumpanyang nagbibigay-serbisyo sa mamamayan sa pamamagitan ng kanilang mga produkto. Sa kabila ng ganitong postura, nananatiling marahas ang kalagayan ng mga manggagawa sa likod ng pag-unlad ng kumpanya. Taong 1987 nag-umpisa ang laban ng mga manggagawa sa Nestlé Cabuyao para sa kanilang karapatan sa retirement benefit. Dahil patuloy na tumanggi ang Nestlé na ibigay ito sa kanila, napilitang magwelga ang unyon noong 2002. May ilang beses na marahas na binuwag ang piketlayn ng mga nagwewelgang manggagawa ng mga armadong lalaking inupahan ng kumpanya. Noong 2005, isa sa mga biktima ng extrajudicial killings ng mga aktibista at union leader si Diosdado “Ka Fort” Fortuna na pangulo ng unyon ng Nestlé. Naging matining din ang kampanyang Boycott Nestlé noong mga panahong ito, taliwas sa ginagawang pag-anyaya ng kumpanya sa mga mamimili. Kung susuriin ang teaser para sa antolohiya, hindi mahihinuha ang ganitong karahasan sa likod ng paborito nating inumin at meryenda. Pinamagatang “Pag-ibig,” binabagtas ng 100 segundong patalastas ang matatamis na alaalang nasaksihan ng mga produkto ng Nestlé bilang bahagi ng pamilyang Pilipino—mga nakaw na pagkakataon na puno ng romansa at tila walang bahid ng hirap ng buhay. Ang alaalang nais pukawin ng Nestlé sa antolohiya ay tinatawag ng kritikong si M. Keith Booker na “postmodern nostalgia.” Postmodern
raw ang nostalgia kung hindi ito batay sa tunay na karanasan ng tao at “thoroughly commodified.” Postmodern ang nostalgia na hatid ng mga pelikula sa antolohiya sapagkat nilikha lamang ang mga eksenang nakapaloob rito upang lalong itaas ang kita ng Nestlé. Bagaman posibleng araw-araw ngang pinaiinom ng gatas ng isang apo ang kanyang lola gaya ng sa “Silup,” kathang-isip lamang ang sentimyentong ikinabit ng pelikula sa pag-inom ng gatas. Sa katotohanan, maaaring alagaan ng apo ang kanyang lola nang hindi bumibili ng Bear Brand. Sa madaling salita, hindi esensyal ang Nestlé sa pang-arawaraw na buhay. Pinapasok ng Nestlé ang buhay ng bawat pamilya sa pamamagitan ng paglikha ng pekeng pangangailangan para sa mga produkto nito. Ang mga imahen ng matiwasay na buhay at pagtatagumpay sa mga patalastas ang susi sa patuloy na pamamayagpag ng Nestlé sa merkado. Kasabay ng pagpapalaganap ng ilusyon, pilit ring binubura ng Nestlé ang mga madidilim na yugto ng kasaysayan ng kumpanya at ng bansa. Hindi nakapagtatakang walang pelikula sa antolohiya ang pumaksa o nagpahaging man lang sa Martial Law, mga welga ng manggagawa o masaker ng mga magsasaka. Para sa ika-100 taong pagdiriwang ng Nestlé, ang puso ng manonood ang kanilang puntirya. Ibinandera nila ang romantikong konsepto ng pamilyang Pilipino sa mga pelikula, at tinakpan ng kinang ng mga produksyon ang realidad na malayo sa ilusyong hatid ng mga patalastas. Sa lakas ng
pakikisimpatya at palakpakan ng mga tao sa sinehan, nalunod ang hinaing ng mga pamilyang sinikil ng Nestlé sa nakalipas na sentenaryo ng kanilang paghahari. ● Mga Sanggunian:
Booker, M. K. (2007). Postmodern Hollywood: What’s New in Film and Why It Makes Us Feel So Strange. Westport, CT: Praeger Publishers. Nestle Philippines. (n.d.). History. Retrieved from Nestle: http://nestle. com.ph/AboutUs/Pages/History. aspx Parekh, R. (2010, May 3). Why Long Form Ads Are the Wave of the Future. Retrieved June 18, 2011, from Advertising Age: http:// adage.com/article/madisonvine-news/ branded-content-long-form-ads-wavefuture/143603/
Sampung pakete ng gunita The Howl & The Fussyket ni Chris Martinez
Tampok na produkto: Bear Brand Powdered Milk
Pangarap ni Aaron na manalo sa isang declamation contest. Gagawin niya, at ng kanyang pamilya, ang lahat para tupdin ang pangrap ng batang ang basa sa pussycat ay “fussyket.”
Unplugged ni Raul Jorolan
Tampok na produkto: Milo Chocolate Drink Dahil nasanay sa modernong teknolohiya, kinailangan ng isang grupo ng kabataang manlalaro ng football na pansamantalang “magdisconnect” sa kanilang mga gadget at bigyang-halaga ang simpleng pamumuhay.
Silup
ni Jun Reyes Tampok na produkto: Bear Brand Sterilized Milk Tu w i n g natatapos ang trabaho, tinatago ng isang pulis ang kanyang baril sa isang kapetera ng mga lata ng gatas para sa kanyang lola na nangungulila sa kanyang asawa.
Isang Tasang Pangarap ni Sid Maderazo
Tampok na produkto: Nescafé 3 in 1 Matapos p a y u h a n t ng tinderang kamukha ni Elsa ng pelikulang Himala, nagkaroon ng kakayahan ang isang lalaki na manghula gamit ang mantsang naiiwan ng kape sa tasa.
Sali Salita ni A/F Benaza Tampok na produkto: Nido Full Cream Milk Dahil hindi mabigyang pansin ng kanyang manunulat na nanay, bumuo ng kuwento ang bata sa tulong ng kanyang lolo.
Oh! Pa Ra Sa Ta U Wa Yeah! ni Joerge Agcaoili
Tampok na produkto: Nestea Ibinahagi ng tatay ni Nicos ang sikreto ng kanilang angkan sa panliligaw sa kababaihan. Gamit ang himig at tugma, susubukan ni Nicos na pasagutin si Matina.
Downtown ni Stephen Ngo
Tampok na produkto: Coffeemate Sa mga ka l ye ’ t s u l o k ng Binondo masusundan ang pagtatangka ng isang lolo na baguhin ang kanyang sarili upang bumalik ang minamahal na hindi na niya kapiling.
Tingala sa Babâ ni Henry Frejas
Tampok na produkto: Koko Crunch at Nestlé Ice Cream Dalawang bata ang naging magkaibigan sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang katayuan sa lipunan. Sa kanilang paglalaro sa seesaw, pag-uusapan nila kung bakit laging nasa baba ang batang may baong cereal, sandwich, at sinusundo ng driver tuwing uwian.
Cooking Mo, Cooking Ko ni Chris Martinez
Tampok na produkto: Magic Sarap All in One Seasoning B a s e s a Romeo and Juliet ni William Shakespeare, kuwento ito ng dalawang pamilyang naging mortal na magkaaway dahil sa kanilang magkalabang karinderya.
Sign Seeker ni Carlo Directo
Tampok na produkto: Nestlé Fitnesse at Nestlé Fruit Selection Yogurt Humingi si Bien ng iba’t ibang sensyales upang matulungang magdesisyon kung magtatapat ba siya sa babaeng hinahangaan.
8 • Kulê Kultura
Huwebes 23 Hunyo 2011
Footnotes to history Disciplines like history and journalism are premised on notions of neutrality and objectivity. Two UP professors who recently passed away, however, chose to deviate from the norm. Toni Anne Paula A. Antiporda Their lives have been marked, not just by their grasp of our nation’s history, but by the strength of their convictions that enabled them to influence society and history. Veteran journalist and educator Lourdes ”Chit” Estella-Simbulan of the Department of Journalism died
tragically in a vehicular accident along Commonwealth Avenue on May 13, at the age of 53. Her illustrious career as a journalist was marked by overt opposition to the Marcos regime and the Estrada administration. Meanwhile, historian Dante Lacsamana Ambrosio succumbed to heart failure on June 4 at the Philippine Heart Center. Ambrosio, known to be an expert on the history
PROFAGANDA
of militant unionism in the Philippines, was also the only national-democratic professor to hold tenure at the Department of History. For these two individuals who made a living out of teaching and writing history, their legacy would be words that challenged accepted truths and enlightened the people. ●
Mga tinig mula sa ibaba, itaas, bukana, gilid, loob, patiyo, iskaparate, pasilyo, at kung anu-ano pang singit singit ng Faculty Center, Masscomm, Music, Eng’g, at sa lahat ng espasyong binabagtas ng mga pantas at pantas-pantasan.
Prof. Dante Lacsamana Ambrosio, Ph. D. The room that was once occupied by Prof. Ambrosio at the Faculty Center is filled with pictures. On one wall, there is a frame that holds a picture of Karl Marx, Friedrich Engels, Vladimir Lenin and Mao Zedong. Next to it is a picture of Albert Einstein. And on the opposite wall, there is a picture of Jesus Christ. Ambrosio was still in high school when he first became an activist; first, in Philippine Science High School and then, later, when he had to transfer to Torres High School in Tondo due to his heart condition. He was part of the First Quarter Storm during the 1970s, a series of protests led by the student movement. Ambrosio’s heart condition proved to be one of the greater obstacles in his life, yet this did not stop him from continuing his researches and participating in various movements. He spent much of his life as an organizer and chronicler of the labor movement. For a while, he was a staff member at the International Department of Kilusang Mayo Uno
Contributed photo
(KMU). A testament to his expertise in militant unionism was his work “Militanteng kilusang manggagawa sa Kamaynilaan, 1972-1982: paghupa, pag-ahon, pag-agos” which was published in 1992. When he entered the Department of History, he focused on research and writing about the labor and mass movement during the Martial Law period. In classes, he loved telling stories about that time. His conversations with students would often be peppered with tales of narrow escapes from soldiers, their creative ways to hide leaders at the AS lobby and everyday subversions involving innocent cats. But beyond inspiring his students with his stories of resistance, he obliged them to read to overcome their ignorance. He introduced his classes to works like “Prometheus Unbound” by Jose Lacaba, “Philippine Society and Revolution” by Amado Guerrero and “The Philippines: A Past Revisited” by Renato Constantino.
Prof. Lourdes “Chit” Estella-Simbulan “We will all remember Ma’am Simbulan as a person who has this smile and grace every time she enters a room,” said Eunille V. Santos of the UP Journalism Club, the organization she once headed in the 1970s. “She had a motherly aura which encourages you to work even harder”. But, beneath her smile and motherly demeanor lies an inner strength and conviction that has braved the tyranny and abuses of administrations. As a journalist, she lived a life that upheld truth and justice through her insightful and accurate reporting. Simbulan, or Chit to friends, was a graduate of Journalism from UP Diliman. In her younger years, she wrote for the Philippine Collegian, one of the newspapers that consistently opposed the Marcos dictatorship. It was in the Collegian where she met her future husband, UP Manila professor Roland Simbulan. It was a relationship that blossomed during a dark age in our nation’s history, one strewn with political turmoil and upheaval. During a time where press freedom ceased to be, she chose to be a principled journalist, undeterred by the intimidation of
the Marcos regime. The determination and the conviction she developed as a young journalist during the Marcos regime manifested throughout her career. It was most notable when she became the managing editor of the Manila Times. The paper published a report calling former President Joseph Estrada an “unwitting godfather” to a fraudulent deal, pertaining to his involvement in a government contract that favored the Argentinian power firm IMPSA. Estrada sued the newspaper for libel and Robina Gokongwei, then publisher of the Times, yielded to the pressure. The suit did not threaten Simbulan and, along with the other editors, she resigned when the publisher apologized to the president. She continued this investigative route when she served as the editor-in-chief of the now defunct alternative Filipino tabloid Pinoy Times, which also became known for its hard-hitting stories on Estrada. The tabloid consistently featured articles and photos about Estrada’s mansions and extravagant lifestyle. When the Pinoy Times closed due to financial difficulties,
she decided to teach at her alma mater. Her thirst for the field, coupled with a recognized lack of available platforms for investigative journalism, propelled her to establish VERA Files, an online publication, with five other veteran journalists. Beyond the headlines and the exposés, Chit Simbulan would be remembered as a gentle and compassionate woman. She lived her life as a principled journalist consistent with her advocacy and ethics, standing up for the truth and enlightening a nation during its darkest times.
Contributed photo
Save for being a collector of historical memorabilia, Ambrosio also took a liking to studying the movement of the heavenly bodies. Ambrosio once disclosed in a conversation that his fascination with the skies was perhaps developed during his Martial Law detention, said Prof. Ramon Guillermo in his tribute to Ambrosio. Thus, he is also known as the Father of Philippine Ethnoastronomy. Even with his heart condition, he traveled incessantly to research on his dissertation “Balatik: kalangitan bilang isang saligan ng kabihasnang Pilipino, 1582 – kasalukuyan.” Ambrosio’s room at the Faculty Center is filled with his life’s passion; it is strewn with various bits of old newspapers, posters, photographs, documents and unpublished manuscripts about the national-democratic movement. His life is a testament to humanity’s power to overcome, not just physical limitations, but prevailing social conditions.
9 • Kulê Lathalain
Huwebes 23 Hunyo 2011
Jeremy Pancho Araw-araw, pare-pareho ang simula ng umaga ni Ate Helen*: pakakainin, paliliguan, at bibihisan niya ang mga anak bago siya pumasok sa trabaho. Katuwang niya sa pagaalaga ng kanyang mga anak ang kanyang kinakasama na isang tsuper. “Masaya ako dahil kahit may-edad na siya, natutugunan pa rin niya ang mga pangangailangan namin,” aniya. Bagaman larawan ng masayang pamilya, hindi kasal si Ate Helen sa ama ng kanyang mga anak. Taong 2005 nang makipaghiwalay si Ate Helen sa kanyang asawa ng 14 na taon. Nakipaghiwalay siya matapos mahuli ang asawa kasama ang babae nito na limang buwan na palang buntis. “Naabutan ko silang kumakain. Suot pa ng babae ang damit ko,” aniya. Ngunit bago pa man niya nahuli ang asawa na nangangaliwa, nakaranas na siya ng pang-aabuso mula rito. Binabantaan rin siya diumano ng asawa tuwing tumatanggi siyang makipagtalik.
Putol-ugnayan
Isa lamang si Ate Helen sa libu-libong babaeng biktima ng domestic violence. Noong 2010, tinatayang 9,225 babae at mga anak nila ang biktima ng domestic violence—mas mataas ng 91 bahagdan mula sa bilang na naitala noong 2009, ayon sa Philippine National Police. Dahil sa naranasang p a n g - a a b u s o , nakipaghiwalay si Ate Helen sa kanyang asawa sa pamamagitan ng legal separation. Pumirma lamang siya ng kontrata sa kanilang barangay hall, saka iniwan ang asawa. Libre man at madaling gawin, hindi naman kayang ipawalang-bisa ng legal separation ang kasal—samakatuwid, kinikilala pa rin ng batas na asawa ni Ate Helen ang lalaking minsang nanakit at nagtaksil sa kanya. Bukod sa legal separation, may dalawa pang paraan upang matapos ang pagsasama ng mag-asawa—ang annulment at declaration of nullity (sumangguni sa sidebar 1). Subalit hindi sapat ang mga probisyong nakapaloob sa mga kasalukuyang batas upang matugunan ang samu’t saring dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa, ayon sa Women’s Legal Bureau (WLB) Inc., isang non-government organization na nagsusulong sa karapatan ng mga kababaihan. “The remedies of declaration of nullity and annulment do not cover the problems that occur during the existence of marriage. Legal separation, on the other hand, while covering problems during marriage, does not put an end to marriage,” dagdag ng WLB.
Sa hirap at ginhawa
Bunsod nito, inihain ng Gabriela Women’s Partylist(Gabriela) ang HB 1799 o Divorce Bill sa kongreso. “Couples must have the option to avail
Dibuho ni RD Aliposa Disenyo ng pahina ni Kel Almazan
Huling yugto Magliligawan. Magpapakasal. Magsasama hanggang kamatayan. Ngunit para sa dumaraming bilang ng mga Pilipino, hindi na ito ang laging dulo ng kuwento.
of remedies that will pave the way for the attainment of their full human development and …protection of their human rights,” ayon sa Gabriela. Ngayon, sa piling ng bagong kinakasama at dalawang anak, pabor si Ate Helen sa divorce bill. Hiling niyang magkaroon ng isang proseso na magpuputol ng legal niyang ugnayan sa dating asawa. “Ayoko ng annulment kasi magastos,” dagdag pa ni Ate Helen. “Dapat magbigay ang state ng puwang for the divorce as an option lalo na sa mga relasyong puno ng karahasan.,” pahayag ni Associate Professor Judy Taguiwalo ng Department of Women and Development Studies. Maaaring umabot hanggang P150,000 pataas ang gastos sa annulment, isang prosesong tumatagal ng dalawang taon o higit pa ayon sa tantya ng Lepiton and Bojos Law office. Malayong-malayo ang halagang ito mula sa halos anim na libo lamang kada buwan na sweldo ni Ate Helen. Kuwento ni Ate Helen, madali niyang nahiwalayan ang asawa dahil may sarili siyang trabaho. Subalit hindi lahat ng babae ay kasing-palad niya. Sa bilang ng mga naitalang babaeng walang trabaho noong 2009, 19.7 bahagdan ang may asawa ayon sa National Statistics Office. “Many women in the marginalized sectors tend to condone the offense [of violence] because they are economically dependent on their spouses,” ayon sa Gabriela. Kaya naman isa sa mga probisyon ng divorce bill (sumangguni sa sidebar 2) ang pantay na paghahati ng ari-arian ng mag-asawa. Alinsunod rito, kinakailangan ring suportahan ng asawang may trabaho ang hiniwalayang asawa sa loob ng isang taon.
Sagradong pangako
Samantala, mariing tinututulan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang divorce bill sapagkat tinatanggal diumano nito ang pagiging sagrado ng kasal. “It tends to break the sacred vow to live in sickness and in health even before it is pronounced,” pahayag ni CBCP legal counsel Jo Imbong sa isang panayam. Subalit mapapansin na mababa lamang ang divorce rate sa bansang Spain, 15 porsyento, at Italy, 7 porsyento—mga bansa kung saan kalakhan ng populasyon ay mga Katoliko. Nitong Mayo lamang, ipinasa na rin sa Malta, isang maliit na Katolikong bansa sa Europa, ang divorce. Para kay Ate Helen, hindi binabali ng divorce bill ang sagradong kasunduan ng pagpapakasal. Bagkus, isa lamang itong paraan upang maalalayan ng gobyerno ang mga tulad niyang nais magsimula muli kasama ang panibagong kaagapay sa buhay. ● *hindi tunay na pangalan
Kasaysayan ng divorce sa Pilipinas
Bago pa man ang pananakop ng mga Kastila, umiiral na ang ‘absolute divorce’ sa bansa. Kabilang ito sa tradisyon ng mga Tagbanuas ng Palawan, Gadangs ng Nueva Vizcaya, Sagadans at Igorots ng Cordillera, at mga Manobo, B’laan at Muslim ng kapuluan ng Visayas at Mindanao. Nanatiling ligal ang divorce sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, sang-ayon sa Act No. 2710 ng Philippine Legislature. Pinayagan maging ng mga Hapon ang divorce. Napawalang-bisa lamang ang divorce noong Agosto 30, 1950 sa ilalim ng New Civil Code, na tinakda ang legal separation bilang tanging paraan ng paghihiwalay ng mag-asawa. Sa ilalim ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, mayroon lamang tatlong ligal na paraan ng paghihiwalay ng mag-asawa—annulment, legal separation at declaration of nullity of marriage. Kasalukuyang mga Muslim lamang ang maaaring magsampa ng divorce sa Pilipinas sa bisa ng Code of Muslim Personal laws of the Philippines. Unang ipinanukala ng Gabriela Women’s Partylist ang divorce bill noong 1999. Muli itong ikinasa noong 2005, at matapos ang limang taon, binuhay muli ng partylist ang kampanya para sa pagsasabatas ng divorce. Sanggunian: HB 1799
Mga piling probisyon ng divorce bill
• The divorced spouses shall be entitled to live separately from each other and to remarry thereafter, the marriage bonds shall not be severed. • The absolute community or the conjugal partnership shall be dissolved and liquidated [but the offending spouse]. The net profits of the absolute community of conjugal partnership shall be divided equally between or in a manner agreed upon by the parties. • The [offending spouse] divorced spouses shall be disqualified from inheriting from [the innocent spouse] each other by interstate succession. Moreover, provisions in favor of the offending spouse made in the will of the innocent spouse shall be revoked by operation of law. • Divorced parents shall be entitled to support as provided for under this code. Source: HB 1799
10 • Kulê Opinyon
Huwebes 23 Hunyo 2011
MILA POLINAR
Our sincerest apologies, freshmen When it comes to tuition increase, the strategy employed by the UP administration is quite clever: let incoming freshmen bear the brunt of higher fees, as a kind of welcoming present. In 2006, the administration proposed a 300 percent tuition hike. With the aim of numbing dissent, UP officials assured the currently enrolled students that they would not be affected. And as for the incoming students who would be affected — well, how could they protest, when they were not yet even enrolled? Their ploy worked. By 2007, the default rate for freshmen was P1,000 per unit, while upperclassmen continued to pay a rate of P300 per unit. Four years later, and we face the same circumstances. We were once deemed “TOFI babies.” Now, you, the 2011 freshmen, are made to pay P1,500 per unit — or prove through an incredibly laborious process that the tuition is beyond your means. In the face of soaring commodity prices and higher costs of tertiary education, the UP administration instead assumes that you are a millionaire. Even when we are
separated by only a couple of years, the administration believes that you are richer, that your family is better off than ours. Whether these assumptions are true or not, this reality holds true: UP has become less accessible to the vast majority, making the label “the University of the People” an almost meaningless adage. The point here, however, is not to question whether you deserve to be in the university. Instead, we urge you to ask about the unnamed thousands, who, like you, deserve to be in UP; but unlike you, do not have the means to study here. Though UP has not closed its doors to you, it has chosen to lock out those who cannot pay. The point is this: there should be no distinction drawn between students based on their economic status, for education is a right guaranteed to everyone. For its inability to provide this right, the administration passes the burden to you. Instead of demanding for budget it duly deserves, the UP administration requires you to pay higher tuition rates if only to offset the perennially low subsidy it receives from the government. Now, the UP administration numbs
For the demands that we might not have echoed loudly enough , we strongly apologize
your dissent by telling you, “At least you got in, at least you’re here.” No need to protest. Their skewed logic has not changed since 2006. As you pour your brains into your lessons each night, it never hurts to think about what indifference and inaction has done to you and your batchmates, and what this may do to future UP freshmen. It is for these freshmen, for the actions that we might not have taken, for the demands that we might not have called for loudly enough, that we apologize. Not only are the UP and national administrations formidable opponents, there have also been factions within our ranks which weakened our opposition to anti-student and anti-people policies. In the current system, wherein the right to education can be claimed only by those with the economic means, becoming a genuine UP student requires more than getting good grades or upholding, as they say, academic excellence. Even more than that, it involves fighting for the rights of those who could not be here. ●
Free the fireflies * sa lansangan habang pumipitik-pitik din ng kaniyang lente. Nakasama ko siya sa maraming cultural activities ng SILIP at maging sa mga rali sa labas ng pamantasan. Samantalang si Romiel ay una kong nakasalamuha sa kasagsagan ng kampanya laban sa demolisyon sa mga komunidad sa UP. Nagmula ito sa isang pamilyang maralita at sumali naman sa Anakbayan, isang makabayang pangmasang organisasyon ng mga kabataan. Sa mga sumunod na pagkakataon, nakasama ko rin siyang makisalamuha sa mga magsasaka sa Montalban, Rizal. At doon ko siya minsang hinangaan sa husay nitong makipagpalagayan ng loob sa mga magbubukid na sa kalauna’y kaniya ring naorganisa. Hinuli ang dalawa sa Batangas, sa gitna ng kanilang pakikipamuhay sa mga magsasaka. Patunay ang dalawa ng walang katapusang pagsulpot ng mga alitaptap na nag-iilaw sa dilim, na nagpapatuloy ng mga nasimulan nina Karen at Sherlyn at ng mga nauna pa sa kanilang mga kabataan—ang buong panahong pagsisilbi sa mamamayang tinaggalan ng boses at karapatan. Kabilang sina Maricon at si Romiel sa mahigit na 300 bilanggong pulitikal
Rizal X Opens DUP’s 36th Season
Dulaang UP, on its 36th Season and in celebration of Dr. Jose P. Rizal’s sesquicentenary, presents RIZAL X. RIZAL X runs from July 20 to August 14, 2011 at the Wilfrido Ma. Guerrero Theater, 2nd floor Palma Hall, UPD. For tickets, contact Cherry at 09177500107, or the DUP Office at 926-1349, 9818500 local 2449 or 433-7840.
Film showing on journalist killings
The Asian Congress for Media and Communication, in partnership with the UP Department of Journalism and the UP Journalism Club (UPJC), invites you to the showing of “DEADLINE”, a film by Joel Lamangan about journalist killings and warlordism in the Philippines based on the Ampatuan massacre. Screening is on June 28, Tuesday, at the UP Film Center (Cine Adarna). Tickets are P130 (pre-order from UPJC) and P150 (on day of screening at the venue). For more details, contact Jenee at 09161229008.
UP JPIA’s Organization ProjectILE: Intensive Learning Experience
JOHN FRANCIS C. LOSARIA
Isa-isang nangawala ang mga iindapindap na mumunting mga ilaw sa dilim habang pilit kong isinusulat ang mga liham na noon pa dapat naipadala. Sa pagitan ng mga salita ay pag-aalala, pag-alala at marahil, pangungulila. Sa dulo ng mga pangungusap ay mga buntong hiningang nagpapaumanhin sa hindi maikalendaryong pagbisita. Limang taon na ang nakararaan, Hunyo, sa tanggapan ng Collegian, nang matanggap ko ang isang pirasong papel na naglalaman ng ulat ng pagkakadukot ng militar sa mga estudyante ng UP na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan. Makalipas ang apat na taon, sa buwan ding ito noong nakaraang taon, nabalitaan ko ang pagkakahuli sa mismong dalawang kaibiga’t kasamahan—sina Maricon at Romiel. Una kong nakilala noon si Maricon sa isang national campus press gathering sa Davao. Nang magtransfer ito sa Diliman, napagalaman kong pumasok din ito sa kursong Film tulad ko. Nang mahanap ko siya, kaagad ko siyang inimbitahang mag-Kulê o di kaya’y sumali sa film org ko na SILIP. ‘Yung pangalawa ang napili niya. Isang masiyahing kaibigan si Con, na bukas na matuto’t makipag-aralan
NEWSCAN
Bawat isa’y pawang mga biktima ng ligalig sa lipunang pinaghaharian ng pananakot at panunupil
na dapat ipanawagan na kagyat na palayain ni Pangulong Aquino. Kasama nila sa listahan ang marami pang kabataan, cultural workers, mga magsasaka, manggagawa, church leaders, human rights workers, at maging mga consultant ng National Democratic Front of the Philippines sa kasalukuyang peace negotiations. Bawat isa’y pawang mga biktima ng ligalig sa lipunang pinaghaharian ng pananakot at panunupil.Isang taon ang nakalipas mula noon, ngunit ni isang sulat ay hindi ko pa naipapadala, maging ang masilayan sila sa loob ng piitan. Ngunit higit sa mga liham at mga dalaw sa bilangguan, ang kailangan nina Maricon at Romiel ay mga boses na mananawagan. Mula sa mga magsasakang kanilang pinagsilbihan, sa kapwa nila cultural workers, at higit sa lahat mula sa mga tulad nilang kabataan na nananatiling biktima ng marahas na lipunang higit pa sa isang bilangguan. ● *FREE ALL POLITICAL PRISONERS Free Maricon Montajes, Romiel Canete, Ericson Acosta, Randy Malayao, Alan Jazmines at iba pa. Suportahan ang kampanya para sa unconditional na pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal, mag-ambag ng iba’tibang porma ng suporta. Kontakin kami sa 0928.999.6194 o anakbayanphils@gmail.com.
Bring your organization to its climax as UP Junior Philippine Institute of Accountants (UP JPIA) presents Organization ProjectILE: Intensive Learning Experience. We invite 2 executive officers from each organization to join us in this intensive activity on July 9, 2011 at the School of Economics Auditorium from 9AM-5PM. NO REGISTRATION. For confirmation text Faye at 09052891169.
Bukluran: Online Registration
The Office of Student Activities is encouraging all Student Organizations, Fraternities and Sororities to register their organizations for Univ Wide Student Organizations, Fraternities and Sororities. The Online Registration will run from June 14 up to June 30, 2011. For questions and clarification you may visit the Office of Student Activities at Vinzons Hall Annex or email us at upd_osa@yahoo. com or go directly to http://bukluran. osa.upd.edu.ph. You may also call us at 8618671 to 72. Get free publicity! Email us your press release, invations, etc. DON’T TYPE IN ALL CAPS and, go easy on... the punctuation?! Complete sentences only. Don’t use text language. Pease provide a short title. Be concise 100 words maximum.
11 • Kulê Opinyon
Huwebes 23 Hunyo 2011
INBOX
TEXTBACK
Ipaglaban ang pamantasan ng bayan
Ano ang masasabi mo sa unang isyu ng Kule?
Ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) ay pamantasan ng bayan. Ang layunin nito ay mapag-aral ang pinakamalawak na hanay ng kabataan sa bansa upang maging mga propesyunal na tutulungang umunlad ang ating bayan. Ngunit lubhang nakababagabag ang kabila-kabilang pagtaas ng mga bayarin sa laboratoryo at iba pang miscellaneous fee. Gayundin, sa lahat ng pampublikong pamantasan sa Pilipinas, ang UP na ang may pinakamataas na tuition na umaabot sa P1,500 kada unit. Noong nakaraang taon, binawasan ng administrasyon ang pondo ng UP at iba pang state universities and colleges (SUCs), na tanging pag-asa ng naghihirap nating kababayan upang makatuntong sa kolehiyo. Tinatayang P1.1 bilyon ang kinaltas sa badyet ng SUCs, habang daan-daang bilyong piso ang inilalaan ng pamahalaan sa badyet ng militar, pork barrel ng mga pulitiko, at pambayad-utang ng ating bansa sa mga institusyong pampinansya. Bilang bunga ng malubhang kakapusan sa pondo, napipilitan ang mga pampublikong pamantasang mangalap ng pansariling kita. Ayon sa administrasyon ng UP, Sociaiized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) umano ang isang paraan upang hindi magbayad ng mataas na tuition ang mga Isko at Iska. Ngunit ngayon, lantad na ang tunay na katangian ng STFAP. Hindi na nakapagtatakang mas pinahirap pa ang proseso sa pagpapatunay na ikaw ay nasa mas mababang Bracket (B, C, D, E1 o E2), samantalang tuloy ang maluwag na pagpaparami sa Bracket A. Walang ibang layunin ang STFAP kundi paramihin ang nakakabayad ng mas mataas na tuition. Isa ang STFAP sa mga nagbibigay-katwiran sa gobyerno na tuluyan nang i-abandona ang paglalaan ng sapat na badyet sa sektor ng edukasyon. Hindi rin ginagampanan ng pamahalaan ang primaryang tungkulin nito na magbigay ng serbisyong panlipunan. Sa halip, lalo pa itong ipinagkakait ng pamahalaan. Umabot na sa 70% ng mga Pilipino ang nabubuhay sa humigit-kumulang P104 lamang kada araw. Hinayaan din ng gobyerno ang palagiang pagtataas ng presyo ng langis, na nagbunsod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, imbes na ibasura na lamang ang Oil Deregulation Law na siyang nagbibigay laya sa mga kartel ng langis na magtaas nang walang takdang halaga. Hindi rin pinansin ng pamahalaan ang pakiusap ng mga maralitang lungsod na huwag silang palayasin sa kanilang kabahayan. Sa halip, pinahihintulutan pa ng pamahalaan ang pag-aari ng mga dayuhang korporasyon ng lupa sa Pilipinas. Tinanggihan din ni Aquino ang panawagang P125 wage increase nationwide ng mga manggagawa. Sa ganitong sitwasyon, hinahamon ng panahon ang mga Iskolar ng Bayan na maging kritikal at huwag magpakulong sa apat na sulok ng silid-aralan. Makilahok sa nagkakaisang pagkilos ng kabataan at mamamayan upang ipagtanggol ang kapakanan ng mas nakararami. June 23 – Protesta ng UP Laban sa Krisis sa Edukasyon 11am AS Lobby June 30 – Unang Taon ni Noynoy, Pagkilos sa Mendiola July 14 – Walkout ng Isko Laban sa Krisis sa Edukasyon July 19 – Nationwide Youth Walkout for Education July 25 – State of the Nation Address Jason Verzola Anakbayan-UP Diliman 09178679079
CONTACT US! Write to us via snail mail or submit a soft copy to Rm. 401 , Vinzons Hall, UP Diliman, Quezon City. Email us: kule1112@gmail.com. Save Word attachments in Rich Text Format, with INBOX, NEWSCAN or CONTRIB in the subject. Always include your full name, address and contact details. INBOX We welcome questions, constructive criticism, opinions, stands on relevant issues and other reactions. Letters may be edited for brevity or clarity. Due to space constraints, letters must have only 400 words or less. Send the letters to kule1112@gmail.com
mganda ung layout esp ung cover page..npangiti ako nung nkta ko..very refreshing..:D 08-19918 It’s medyo kinda boring. 0812288 Generally n0t a fan of Kule’s usual c0ntent and layout, but the 1st issue had g0od articles n an impressive layout, the latter a huge impr0vement over the previous years. Nice. -06-17735 masyadong 2D (literally & figuratively) ung issue ngaun, kulang ng depth. Pero nkakatuwa ung nasa centerfold. XD 0668816, ziru, bsphys napakaburgis na ng layout na kule. Mas gusto ko ung mapulang kule. 1,500 per unit na rin ba ang tuition ng taga-kule? 0703388 Mitch Martinet cool~ored na yipee. Mas makulay na siya at mas maaliwalas tignan. Kaya napabasa tuloy ako. 200961545 how come theres no emoshiz column na? Nice layout though. So clean. 200740960 isa lng ang masasabi ko sa unang issue ng Kule- it’s a change! Hnd na sya mukhang bad news lng ang c0ntent dahil s c0ver kc nung dati makita ko p lng ang c0ver nakakadepres na. Haha! 200935047 This year’s first issue which is my very first copy of kule is really an eye-opener. It serves as a reality check explaining what is behind the issues and events inside UP as well as the hottest controversies concerning the filipino society. While reading it from cover to cover, it gave me a better perspective of the UP life - its best and worst. It could be a great freshie guide. 2011-70467 Christine Balili BS Computer Science now have a new face, more friendly to the eyes, but when you read it nandun pa rin ang tapang! Complimenti! 201078755 I love the new look! Easy on the eyes makes me wanna really read it! Good job to the editors and layout artists! \m/ 09-56028 Great issue. Malaking tulong ang pahayagan sa kamulatan ng mga estudyante. Ariba Kule! Keep it up! 03-27815 Ang saya ng first issue ng Kule. :) Lalo na yung ‘Are you UP for it’. I want to try doing everything. 11-45465 Unang isyu po ito ng Kule na nabasa ko, at dito ko po kaagad nakita ang ideyal na peryodismo na sa tingin ko ay di natapatan kahit mismo ng Philippine Inquirer. Ang katapangan ninyo sa inyong paninindigan ang nais kong matularan bilang isang nagnanais na maging manunulat balang araw. 2011-45341, Juan Miguel Ala-Tolentino, B.A. Journalism Whoo! Go Kule! Nice! Ok na ok ang first issue. Ganda ng font. Hehe. Gidget and Marah, great articles! Keep it up Kule team! :D 2007-08244 Gens BS CoE kOOL ANG unang isyu ng kule kaso lang may mali. Walang bucket sa sarahs boi 200663185
Panahon na ba na magkaroon ng Divorce Bill sa Pilipinas?
para saken i dnt think na having a divorce bill d2 sa pilipinas ay maganda. Kc kung ung RH bill nga madami ng kontra eh.For one thing, itatake for granted na lng ng mga pinoy ang sacredness of marriage dhl alam nlang pwde dn clang magdivorce. 2008-78853, CHK Panahon na para magkaroon ng Divorce
EKSENANG PEYUPS
Bill sa bansa. Nawawalan ng kahulugan ang isang kasal kung hindi naman na mahal ng mag-asawa ang isa’t isa. Lalong wala na itong kahulugan kung sapilitan na lang. Kung wala na talagang pagmamahal na natitira para sa isang tao, tama na. Sa dulo naman, kung babalik ang pagmamahal na ‘yon, magsasama ulit sila. 2008-00046 UP Manila sagot ko sa 2. Isang simpleng HINDI. 09-02145
Comments
Dahil ba kalahati ang UPD freshies ang under sa ‘millionaire bracket’ kaya tunog rich kid na din ang Kulê? Pero di naman kabawasan o batayan ang wika para maipahayag at maipaabot ang inyong layunin. Magandang panimula. Ipagpatuloy yan! 0810702 ‘yan din ang feeling ko about the overrated STFAP. It turns out na nagiging OA na ito. Sa tulad kong na late na nakapasa ng STFAP dhl sa dami ng requirements, we needed to borrow money to accumulate 20k for bracket b. Kulang na lang, sila na mismo pmunta sa bahay namin at siyasatin sakit ng mga magulang ko. I enjoyed reading Kule. Thanks! 201100741. Napakahusay ng panulat ni Pauline Gidger Estella sa To you, the millionaire Iskolar. Magandang sa una pa lang ay minumulat na ang mga bagong saltang milyunaryong estudyante ng pamantasan tungkol sa kung para saan at para kanino talaga ang UP. Isa pa ay sa pagtagal nila sa unibersidad, matutuklasan na ang UP ay hindi na tulad ng matatamis na saling labi mula sa matatanda. 2oo7784o4, GERGER RE: Millionaire Iskolar. The article was badly written, offensive and discriminatory. The right to quality education is for everyone. Don’t blame the students for a flawed system. 200851157 para sakin, totoo ang isyu tungkol sa pagtaas ng tuition na para bang hindi na nagagawa ng UP ang pangunahin nitong tungkulin o layunin na bigyan ng oportunidad ang mga istudyanteng hindi kagandahan ang estado sa buhay. May mga kakilala nga ako na naka pasa sa UPCAT pero piniling mag aral sa PUP dahil sa diperensya sa tuition fee. Nakalulungkot isipin na may mga kabataan na karapatdapat maging iskolar ng bayan pero hindi pinalad dahil sa problema sa pera. 2011 78673, Anndi CFA
Panawagan
pwd po bng malaman kng gaan0 krming freshs ang ngl0an ng TF sa osss? incldng th0se frshs hu’ve appld 4 stfap 3rd btch. ty po. 11-42102
Next week’s questions
1. Ano sa tingin mo ang meron sa Spratlys at pinag-aagawan ito ng mga bansa? 2. Paano mo pinainit ang malamig na gabing dala ni Bagyong Egay? Send in your opinions and feedback via SMS! Type KULE <space> YOUR MESSAGE <space> STUDENT NUMBER (required), NAME and COURSE (optional) and send to:
09158541639
Non-UP students must indicate any school, organization or sectoral affiliation.
Pishy news edition
Heller pishes, musta ang first week? Did you get wet, wild and dirty dahil sa ulan? Alam naming masarap mabasa, pero magpigil kayo fellow pishies, nang hindi matulad sa mga funny pishes na ito. Glog glog. Pish out of water. Parang di pa yata keri ng ibang students na magbalik peyups, at mukhang wading like a pish out of water ang drama nila ngayong first week. Spotted ang isang bibo pish with scales on her legs na hopping from one psych class to another. Ang chismaz, pumasok si scaly pish sa hindi niya class, at nagrecite-recite pa ang pish for more impress. Ang kapatid naman ni scaly pish na si tibochi pish, nag-enter ng aquarium about laws kahit na theory class ang inenlist niya. Glog glog, pahiya ang pishes! Pishkill! Lasenggo pishie. One early weekday evening, nakasakay naman ng ukulele pishes ang isang not-soskilled tomador pish. Kahit na time pa lang for dinner, may tama na ang lasenggo pish! Hikhik, not glog glog, ang sounds mula sa kanyang bibig. Because masyadong maaga ang kanyang drinking trip, nagkalat ang pish sa jeefani, at nagcause ng tilian sa jeep(yehez, tilian sa diliman). Ewwwie pishie. Pish without a clue. The big pish has a pishy problem. Mukhang di pa ready si Papa Pish na pangunahan ang skul of UPishes dahil marami pang di alam si Papa P. Example, na napa-glog glog ang mga utrez nang malaman sa isang very important netting, este meeting, na di alam ni Papa Pish ang IntergalacticspeedoMed ng UPish, aka faith healing in an instant. May chismax rin na never heard ng Papa Pish ang UPish Open Sesame, or the classes in cyberspace. Naku Papa P, wat do you really know of pishing? Tsk tsk tsk. Sa sobrang kahihiyan, baka mabotcha na ang mga pishes na ito. Kaya kung ayaw nyong mabotcha in public, be good pishes and do good deeds. Swim lang sa pwedeng pag-swimman ha. Wag na magdive sa di dapat puntahan. Entiendes pishes? Glog glog. ●
Clarification: In the cover article "Half of
UPD freshies under 'millionaire bracket'" published in issue 1 of the Collegian on June 14, 2011, the data 900 out of 1,750 UP Diliman freshmen, which was obtained from the Office of the President, only covers freshmen already enrolled by June 3. The Office of the University Registrar has yet to release the final statistics on freshmen enrolment. -Eds.
KulĂŞ The Back Page
Huwebes 23 Hunyo 2011
Ayon sa pinakabagong datos ng National Statistical Coordination Board, P5,298 ang Monthly National Food Threshold, o ang pinakamababang halagang kailangan upang makabili ng pagkain para sa limang tao kada buwan. Papatak lamang ito ng P59.00 kada araw para sa limang tao. Samakatuwid, pinaniniwalaan ng gobyerno na kailangan lamang ng bawat isa ng P11.77 upang mairaos ang kanyang pagkain sa isang araw. Nag-ikot ang Collegian sa mga palengke at bumuo ng listahan ng mga pagkaing kasya sa badyet na P59.00. 1/2 kilo ng bigas P16.00 1 lata ng sardinas P15.00 1 tali ng kangkong P 8.00 1 pakete ng noodles P 8.00 2 itlog P 7.00 Sibuyas, bawang, at kamatis P6.00* *ipinapalagay na may mantika, paminta, asin, tubig at iba pang sangkap at kagamitan sa pagluluto ang pamilyang maghahanda nito
PINOY COMBO MEAL