89 na Taon ng Tapang, Talas, at Talab ng Pamamahayag ng Philippine Collegian
Oktubre 7, 2011 Bahay ng Alumni Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon
Contents Messages 4
UP President Alfredo E. Pascual
6
UPD Chancellor Caesar A. Saloma
8
Chairman Emeritus Andres G. Gatmaitan
Articles 9
Kulê 101: Interpretasyon sa kasaysayan at tradisyon ng Philippine Collegian Ellaine Rose A. Beronio
13 Ano’ng brand mo, Kulê? (o bakit bukod-tangi ito sa pamamahayag sa bansa) Kenneth Roland A. Guda 17
The Philippine Collegian, 1950–51 Elmer A. Ordoñez
22
Ang Kulê sa panahon ng personal at pulitikal na pag-aalinlangan Danilo Araña Arao
25
State of Rebellion Rebel Collegian AY 2006–2007
29
Who is Ericson Acosta? Kerima Lorena Tariman-Acosta
34
Collegian pa rin ang sa iyo Alecks Pabico
37
Nagpapatuloy na hamon: Ang tambal na suliranin at tungkulin ng UP at ng Philippine Collegian Marjohara Tucay
Komiks 20
Leni Bedspacer Kendrick T. Bautista
33
Kiko Machine Manix Abrera
Tatak KulĂŞ
89 na Taon ng Tapang, Talas, at Talab ng Pamamahayag ng Philippine Collegian
MENSAHE Alfredo E. Pascual Pangulo Unibersidad ng Pilipinas
T
aos-pusong pagbati sa mga kasalukuyang bumubuo ng Philippine Collegian, pati na rin ang alumni nito! Sa loob ng 89 na taon, patuloy na nagsilbi ang “Kulê” bilang boses ng komunidad ng UP, lalo na ng mga mag-aaral. Hindi nakakagulat na hanggang ngayon ay patuloy na sinusubaybayan ang bawat isyu ng opisyal na publikasyon ng mga mag-aaral ng UP Diliman. Malinaw na hindi lamang mga “lokal” na isyu ang tinatalakay ng Kulê. Marami na ang napagdaanan ng ating bansa simula nang maitatag ang Philippine Collegian—lkalawang Digmaang Pandaigdig, Batas Militar, EDSA 1, EDSA Dos, EDSA Tres at marami pang iba. Dahil ang Kulê ay opisyal na publikasyon ng mga mag-aaral ng pinakamalaking kampus ng pambansang unibersidad, inaasahan ang malalim na pagsusuri sa mahahalagang isyung panlipunan. Ang mga nangyayari sa loob at labas ng bansa ay masusing sinasaliksik at ibinabalita sa publiko para sila ay mamulat at makialam. Akmang-akma ang tema ng pagtitipon ngayon. “Tatak Kulê: 89 na taon ng tapang, talas at talab ng pamamahayag ng Philippine Collegian” Hindi matatawaran ang tapang na ipinapamalas ng Kulê sa pagtuligsa sa mga polisiya’t programang lubos na nagpapahirap sa ating bayan. Walang takot at buong tapang na inilalabas ang mga saloobin ng mga mamamayan kahit ang kapalit nito’y mga banta ng pagkitil sa malayang pamamahayag.
4
Ang natatanging pamamahayag ng Philippine Collegian ay nagsisilbing gabay at inspirasyon sa mga pahayagan ng iba’t-ibang pamantasan ng ating bansa. Ang mga katangian nito—matapang, patas, mapanuri—ang dahilan ng pagiging epektibo ng pahayagang ito. Ngayong nagtipon ang mga nakaraan at kasalukuyang kasapi ng Philippine Collegian, nais kong ipaabot ang pasasalamat ng pamantasan sa inyong pagsisilbi hindi lamang sa ating komunidad sa UP, kundi pati na rin sa mas malawak na lipunan. Nawa’y maging masaya at puno ng alaala ang okasyong ito para sa inyong lahat. Magbalik-tanaw, sariwain ang nakaraaan, at paghandaan ang tatahaking landas para sa lalo pang pag-unlad ng Kulê. Mabuhay ang Philippine Collegian! Mabuhay ang Unibersidad ng Pilipinas!
5
MESSAGE Caesar A. Saloma Chancellor University of the Philippines Diliman
H
omecomings are joyful and nostalgic events, allowing us to reconnect with those who were once fixtures in our daily lives and recall the experiences in our past with the humor and wisdom of our present. Homecomings invite us to do an about face, making visible the distance between where we are now and where we were then. With this vantage point comes the gift of narrative, where the chaos of life is transformed into a meaningful arc. I am sure the narratives of the alumni of the Philippine Collegian are various, as I am sure they have in common the treatment of one’s stint in the Collegian as a defining experience in one’s life. one cannot be part of this publication and not be changed by the experience, not be shaped by the rigorous training in the craft of writing, the calculated cultivation of one’s political consciousness, and the aggressive inculcation of professionalism and activism. Through the years, Kulê has functioned as the University’s storyteller, chronicling UP’s evolution within the society it seeks to serve and transform. ln many ways too, Kulê is the University’s story, since UP’s reputation as a bastion of academic freedom, radicalism, and intellectual vigor derives significantly from the efforts of Collegian staff writers, artists, and editors who did not flinch in the face of danger, as was the case during martial law. Ano nga ba ang “tatak Kulê”? That this question is not difficult to answer proves that the mark is indelible: tapang, talas, at talab ng pamamahayag are traits attributed to the taga-Kulê. This poses a 6
challenge to current and future members of the Collegian to ensure that its tradition of sharp critical thinking combined with fearlessness lives on. This is no easy task, but the taga-KulĂŞ is not known to balk when confronted by difficulty. The expectations are high, but the talent, many generations over, has shown itself to be up to the challenge. It has become tradition for the Collegian and the UP administration to behave as opposing forces, and this arrangement, though counterproductive at times, is not without merit. Collision keeps ideas provisional, subject to interrogation and revision. It insists that minds be kept open and alternatives constantly be entertained. This, at the very least, is something we can agree on. And we can certainly agree that at 89 years and counting, the Collegian is as relevant as ever a training ground for leaders and visionaries. Congratulations to KulĂŞ, and to the alumni, welcome home! Enjoy the festivities.
7
MESSAGE Andres G. Gatmaitan Chairman Emeritus Philippine Collegian Alumni Editors Association
W
e are gathered here today to reaffirm and celebrate once more what the current Philippine Collegian editor-in-chief calls “ a tradition of fearless and critical journalism that writes, and rewrites, history.� Indeed, over the years, this tradition, coupled with fearless advocacy of students rights and human rights, has been reinforced by Philippine Collegian alumni not only in the field of journalism, private enterprise, public service and human rights advocacy. We are proud of this tradition and its place in Philippine Collegian history. We are also being called upon today to contribute funds to support Philippine Collegian’s operations so that it may continue in the university as the journalistic platform for student advocacy. We, Collegian alumni must make certain that there will always be a Philippine Collegian in the university. So let us give generously. Collegian editors do not have to ask what they can do for their country. They just go ahead and do it.
8
Kulê 101
Interpretasyon sa kasaysayan at tradisyon ng Philippine Collegian Ellaine Rose A. Beronio Punong Patnugot, AY 2002—2003
A
ng Philippine Collegian o Kulê ang sinasabing pinakaprestihiyosong pahayagang pangmag-aaral sa buong Pilipinas na tinitingala sa husay at tapang ng pamamahayag. At dahil ikaw ay mag-aaral ng itinuturing na pinakaprestihiyosong state university sa Pilipinas, kipkip mo ngayon ang publikasyon na bunga ng 82 taong diskusyon, pakikibaka at kontradiksyon sa loob at labas ng Philippine Collegian bilang institusyong pangmag-aaral. Totoong sikat ang Collegian. Marami ang nagtitiyagang pumanhik sa opisina nito sa 4th floor ng Vinzons Hall para humingi ng mga payo sa pagpapatakbo ng dyaryo, maglahad ng hinaing sa administrasyon ng unibersidad o gobyerno, mag-interbyu ng mga may-say na tao para sa Comm III at, sa mga mag-aaral ng hayskul, mag-field trip. Marami sa mga dating manunulat at patnugot ng publikasyon ang ngayo’y mga kilala nang mamamahayag sa mainstream media, senador, opisyal ng kung anu-anong departamento ng pamahalaan at miyembro ng literati. Meron dinnamang nasa non-government organizations at civil society groups, o nasa bundok —nag-armas at nakikipaglaban. Naging bahagi ng Collegian sina Wenceslao Vinzons, Teodoro Agoncillo, Renato Constantino, Arturo Tolentino, Armando J. Malay, Luis Teodoro, Miriam Defensor, Francisco Arcellana at Chief Justice Reynato Puno. A spade is a spade is a spade (nga ba?). Pero ang isang termino ng Collegian ay iba sa mga sinundan at pangungunahan nito, kahit sa wari’y iisa lang ang institusyon. Kung binabasa mo ito ngayon at tanghali ng 9
ika-8 ng Hunyo 2004, mainit-init pa mula sa imprenta ang binabasa mong Kulê. Bago pero luma rin. Dahil hindi lang bitbit kundi nasa puso ng dyaryong hawak mo ang mahabang tradisyon ng Philippine Collegian. Ang publikasyong matapang na tumuligsa sa rehimeng Marcos noong Martial Law at kritiko ngayon ng mga usaping komersyalisasyon ang siya ring naglunsad ng Miss Philippine Collegian noong 1920s at naglathala ng mga larawan ng most popular co-eds sa kampus. Ang Kulê ay Kulê ay Kulê, mukhang iisa, pero hindi. Inaanalisa ng bawat bagong termino ang nauna—binibigyang saysay ang kasaysayan ng institusyon. Sa ganitong paraan, humahabi ang bawat isa ng matatawag nitong tradisyon at itinatahi ang sarili nito sa pamamagitan ng pagbuo n “thrust” na siyang pinaninindigan at patutunguhan ng Collegian sa UP at lipunan. Magkakaiba man, matingkad sa kasaysayan ng pahayagan ang mga aspetong ito: kalayaan, katapangan sa pag-uusisa at paninindigang kritikal.
WALANG LIBRENG KALAYAAN Ang Collegian marahil ang pinakamalayang pahayagang pangmagaaral sa Pilipinas. Sa mga pahina nito nagagawang talakayin ang mga usaping tulad ng imperyalismong US sa eknomiya at kultura, pakikibaka para sa pagsasarili ng mga Moro sa Mindanao, komersyalisasyon ng UP, karapatan at kultura ng mga homosekswal, komunismo, atheismo at pati sex, drugs and rock ‘n roll. Walang faculty adviser, walang advertiser, kaya’t malayang nakakapag-analisa at nakapaglalathala ng kahit anong isyu ang mga manunulat. Ngunit hindi laging ganito. Marso 1977 lang nawalaang probisyong nagtatalaga ng faculty adviser sa Collegian Rules. Bago ito, ‘di minsang napalitan ng blangkong espasyo at “This editorial has been censored” 10
Sa UP, parang natural lang na malaya nating napag-uusapan ang mga bagay... Kaya’t minsa’y hindi natin naiiisip na ang kalayaang ito ay ipinaglaban, ipinaglalaban at kailangang bantayan ang mga editoryal na ‘di pinayagang lumabas sa dyaryo. Sa UP, hindi lang sa Collegian, parang natural lang na malaya nating napag-uusapan ang mga bagay na sa ibang eskwelahan ay dahilan na ng suspensyon o pagkickout. Kaya’t minsa’y hindi natin naiiisip na ang kalayaang ito ay ipinaglaban, ipinaglalaban at kailangang bantayan. Bilang isang institusyong pang mag-aaral, isa sa pinakamatinding kritiko ang Collegian ng panghihimasok ng administrasyon ng UP sa mga institusyong pinamumunuan ng mga estudyante. Isinulong nito ang pagbubuong muli ng Student Council matapos itong buwagin noong martial law, pagkakaroon ng Student Regent na siyang kumakatawan sa mga estudyante sa Board of Regents at malawakang pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga isyu ng unibersidad at lipunan. “Ang mga mag-aaral ay iskolar ng bayan, ng silid-aralan, ng pamantasan at ng lipunan” ayon sa isang editoryal ni Ma. Lourdes Mangahas, matinding kritiko ng rehimeng Estrada bilang editor ng Manila Times bago ito naipasara. Bilang pahayagan ng mga iskolar ng bayan, tumaliwas ang Collegian sa parokyalismo at lumabas sa mundo ng akademya upang talakayin ang mga usaping pambansa. Naging lubhang mapanganib para sa diktadurya noong panahon ng Martial Law ang pagiging malaya at kritikal ng Collegian. Naging isang malinaw at malakas na boses sa disyerto ng mga ipinasarang mainstream na dyaryo at istasyon ng radyo at mga pahayagang papet ng diktadurya ang Collegian. Nagbayad ng malaki ang mga manunulat dahil sa pagiging bahagi ng Collegian sa pagkilos para sa kalayaan at demokrasya. Tatlong linggong walang Collegian noong 1976 dahil sa pag-aresto at paglagay sa “protective custody” kay Abraham Sarmiento Jr., punong patnugot. Sa loob ng madilim na panahong ito, tatlong punong patnugot an namatay —si Sarmiento, si Antonio Tagamolila na namatay sa kanayunan ng 11
Panay at si Enrique Voltaire Garcia II na binawian ng buhay sa loob ng piitan.
SINONG DAKILA, SINO (ANO) ANG TUNAY NA KULÊ? Naging inspirasyon at hasaang-bato ng kritikal na pag-iisip ng mga miyembro ng Collegian ang mga isyu ang pakikipaglaban ng mga estudyante at ng bayan. Kaya’t hindi nakapagtatakang maapektuhan ang insitusyon ng pagkakahati ng kilusang makabayan at demokratiko, kasama ang kilusang mag-aaral, noong dekada 90. Noong 1996, nagkalat sa kampus ang mga kopya ng Rebel Collegian na tumuligsa sa paghirang kay Voltaire Veneracion bilang patnugot ng Collegian laban kay Richard Gappi na dating manunulat ng Kulê. Kinasangkutan ng mga partido pulitikal ang kontorbersiyal na editorial exam ng taong iyon —si Gappi ay kilalang miyembro ng SAMASATMMA na ngayon ay STAND UP. Binatikos ng Rebel Collegian ang pagiging “mababaw” at pagtaliwas umano ng Collegian sa militanteng tradisyon ng institusyon. Hindi naman nagdalawang isip kahit ang “pluralistang” termino ni Herbert Docena na maglathala ng front page na editoryal na iginigiit ang pagbaba sa pwesto ni Pangulong Estrada. Iba’t iba man ang paraan ng pag-analisa at paglaban sa loob at pagitan ng iba’t ibang termino dahil iba’t iba rin ang mga manunulat na bumubuo sa mga ito, sa kasaysayan ng publikasyon, laging naroon ang kritikal na pag-uusisa at kahandaang tumugon sa mga isyung pang-unibersidad at panlipunan. Linggu-linggo, pinag-iisipan ang mas epektibong paraan ng pagabot at pakikidebate sa mga mambabasa hinggil sa mga isyu. Ang linggu-linggong paggawa ng dyaryo ay pakikisangkot din ng Collegian sa paglikha ng kasaysayan. Dahil ang kasaysayan ng Collegian ay hindi lamang kasaysayan ng pamamahayag. Ito ay kasaysayan ng aktibismo —ng pagtatanong laban sa agarang pagsang-ayon, pakikialam laban sa pagsasawalang-kibo, pagkilos laban sa pagkalugmok sa kawalangpagbabago.
Unang inilathala ang sanaysay na ito noong Hunyo 8, 2004. Nagtuturo ngayon si Ellaine Beronio ng Literatura sa UP Los Baños.
12
Ano’ng brand mo, Kulê? (o bakit bukod-tangi ito sa pamamahayag sa bansa) Kenneth Roland A. Guda Patnugot sa Lathalain, AY 2000—2001
S
a proseso ng pagsagot sa tanong kung ano ang “brand of journalism” ng Philippine Collegian, o Kulê, kinailangan kong alalahanin ang unang araw ng unang semestre ng unang taon ko sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Mahirap ilarawan ang karanasang ito. Mga 16- o 17-anyos ka, galing sa probinsiya, galing sa Katolikong hayskul, tapos makikita mo, sa isang sulok ng AS, isang dyaryo. Ang kober: magulong collage, o drowing ata, ng mga imahen ng pamantasan. Pagbuklat mo ng mga pahina, litrato ng rali, editoryal na bumabatikos sa presidente ng UP, editorial cartoon na kumukutya sa presidente ng bansa. Nakakagulat na nakakatuwa. Naalala ko nang unang makita ko ang Kulê, kasi dito nanggagaling ang pagkilala ko sa bukod-tanging ambag nito sa pamamahayag sa bansa. Maraming salik na humubog sa pamamahayag ng Kulê: Ang katangian ng pamantasan (relatibong liberal); ang impluwensiya ng mga aktibista; ang proseso ng pagpili ng patnugutan at istap at ang katangian ng mismong pahayagan na libreng ipinamimigay at pinopondohan ng mga estudyante. Mula sa mga salik na ito, isang dyaryo ang umusbong na walang impluwensiya ng komersiyo, walang publisher kundi estudyante at bayan, walang (gaanong) presyur na sumunod sa kumbensiyon ng (mainstream na) pamamahayag. Nang makapasok na sa Kulê bilang manunulat, may ilang naituturo sa iyo: Tama man o mali, radikal daw ang Kulê. Noong panahon namin, 13
RASP: Ang iconic na pabalat ng Kulê noong termino ni Ditto Sarmiento
maraming journalism major ang ayaw pumasok sa Kulê, kasi ang sabi nila, nilabag ng Kulê ang halos lahat ng batas ng pamamahayag. Hindi raw pamamahayag ang ginagawa ng Kulê. Pero para sa akin noon, kahit pa: dahil sa nabasa ko at nakita ko rito, gusto kong maging bahagi ng Kulê. Maraming beses kong narinig na inilarawan ang Kulê bilang “radical activist student paper” o RASP. Radikal, dahil nagtutulak ng komprehensibong (rebolusyonaryong?) pagbabago sa lipunan. Hindi nangingimi at nasa isang tabi, kaya aktibista. Siyempre, kung ako ang tatanungin, gusto kong maniwalang radikal at aktibista ang Kulê, na nagtataguyod ito, hindi lamang ng katotohanan, kundi ng aktibong pagkilos para sa radikal na pagbabago sa lipunang Pilipino. 14
Hindi codified ang tradisyon ng radical activism sa Kulê
Ang problema, wala ito sa Collegian Rules. Hindi codified ang tradisyon ng radical activism sa Kulê. Totoo, maraming aktibistang pumapasok sa Kulê, at ito marahil ang dahilan kung bakit nananatiling aktibista ang oryentasyon nito. Pero isang konserbatibo, isang reaksiyunaryo lang ang kailangan para mabago ang lahat nang ito. Isang patnugot na pabor sa budget cut sa edukasyon, isang naniniwala sa neoliberal na economics, isang estudyanteng walang tiwala sa aktibista at aktibismo, at mawawala na ang radikalismo ng Kulê. Disclosure: mamamahayag ako ngayon, pero radikal, at aktibista. Sa tingin ko, mabuti na lamang at nabubuhay ang aktibismo sa UP. Hangga’t buhay ito, may aktibistang papasok at papasok sa Kulê. At dahil kritikal na pag-iisip ang itinuturo ng aktibismo, malamang kaysa hindi’y nagiging patnugot ang mga aktibista, at nagiging aktibista ang pahayagan. Hindi ito siyempre ang pamamahayag na itinuturo sa mga manwal ng peryodismo, o ang pamamahayag na isinasapraktika sa maraming institusyon ng mainstream media ngayon. Pero ano naman ngayon? Sa kasaysayan ng Kulê, hindi na naging mahalaga kung mabansagang aktibista at radikal ang pahayagan. Hindi ito inisip ng mga patnugot nang lantaran silang bumatikos sa maraming patakaran ng pamantasan at ng pambansang gobyerno. Binasag nito ang marami sa mga hungkag na tradisyon sa peryodismong Pilipino: ang status quo bias, fairness bias (ang halos patolohikal na pagka-adik sa “fairness” at pagkuha sa “lahat ng panig” ng istorya), narrative bias, expediency bias, commercial bias. Pero higit pa rito, lumampas ang Kulê sa tradisyunal na tungkulin ng isang mamamahayag at naging tagapaglikha ng kasaysayan. Iyung pamosong quote kay Abraham “Ditto” Sarmiento Jr., hindi itinuturo sa anumang eskuwela ng pamamahayag: “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi tayo kikibo, sino ang kikibo? Kung hindi ngayon, 15
kailan pa?” At may dahilan kung bakit: Nanghimok si Sarmiento ng pagkilos. Nag-aanyaya at nang-aahita para lumahok at lumaban sa diktadura, ngayon na mismo. Hindi dapat tungkulin ng mamamahayag na mag-organisa at magpakilos (Kahit nga iyung magmulat, pinagdedebatehan pa). Pero bakit laging naaalala si Sarmiento at ang sipi sa itaas tuwing nababanggit ang Kulê? Dahil ito, sa esensiya, ang naging ambag ng Kulê: Matapang sa salita, pero mas matapang sa paghimok na kumilos. Mas matapang sa pagkilos. Kaya marami sa mga alumni nito ang lumuwas sa peryodismo para maging lider sa kung anu-anong larangan. Kaya marami sa mga alumni nito ang lumuwas sa peryodismo para maging aktibista at rebolusyonaryo. Para sa akin, ito ang mensahe ng pamamahayag ng Kulê: Huwag kang maging simpleng mamamahayag. Maging tao ka. Hindi lang tayo tagamasid ng kasaysayan; dapat lumalahok tayo sa paghuhubog nito. Madali lang matuto at mamulat. Sa panahon ng Google at Wikipedia, ng Facebook at Twitter, napakadaling makasagap ng impormasyon. Pero ang mag-organisa? Ang aktibong lumahok para sa pagbabago ng lipunan? Hindi madali, laluna para sa isang estudyante ng UP na hinuhubog na sumabay na lamang sa agos, maging piyesa ng buong makinarya ng sistema. Ang pagiging irreverent, bastos, kuwela, may ipinaglalaban at direktang paglahok sa pagbabago ng lipunan, o ang walang pakundangang pagbasag sa kumbensiyon ng tradisyunal na peryodismo: ito ang “brand of journalism” ng Kulê.
Kasalukuyang patnugot at mamamahayag si Kenneth Roland A. Guda ng Pinoy Weekly, isang progresibong pahayagang online.
16
The Philippine Collegian, 1950–51 Elmer A. Ordoñez Editor-in-Chief, AY 1950—1951
T
he Cold War was in full swing when I took over the editorship of the Collegian in 1950. The anti-Huk campaign had been going on since the late 40s and the Korean War was just about to break out. The Politburo, made up mostly of U.P. alumni including a former Collegian editor Angel Baking, were rounded up in Manila. The Diliman campus itself was abandoned at night by the U.P. security force and left to roving HMBs—some of whom raided the PC detachment in Balara. President Quirino suspended the writ of habeas corpus throughout the country, and commuters to the campus had to alight from buses by army soldiers and were asked for their IDs. The post-war Collegian took note of these events but the articles were more in the nature of analyses, particularly on the writ suspension and the prevailing atmosphere of fear of ideas and conformity. It was not until President Quirino began harassing U.P. President Bienvenido Gonzalez and his decision to deny Quirino’s demand that Indonesian leader Sukarno be given an honorary degree that the Collegian and the other student leaders started to invoke academic freedom. The relations between Quirino and Gonzalez grew worse when the latter invited Senator Claro M. Recto as commencement speaker for 1951. When Gonzalez was subsequently dismissed by Quirino the students rose and staged the first post-war rally to Malacanang in support of Gonzalez. This occurred on March 29, 1951, which coincided with the anniversary of the founding of the Hukbalahap, later the HMB. Manila then was 17
on army red alert but the students rode in scores of buses to the Palace. The March 29 Collegian issued a special issue, with more than the usual number of copies to be circulated in the streets of Manila and media. Congress picked up the issue of academic freedom, with some of the members devoting their privileged speeches to the issue, generally in support of the university. Recto’s commencement address was delivered as scheduled with a topic that warmed the cockles of nationalists on campus—“The Roots of our Mendicancy.” This speech would be invoked again and again during the 50s and well into the 60s when the students waged the “second propaganda movement” (inspired by Recto himself) onto the First Quarter Storm of the early 70s. When I became editor-in-chief I was introduced to Alfredo V. Lagmay who was about to leave for Harvard on a U.P. fellowship to work for a Ph.D. in psychology. Lagmay was a close friend of Renato Constantino who was Collegian editor-in-chief in 1939. He said by way of a friendly advice that the Collegian has a tradition of fearlessness and progressive ideas, that whenever an issue breaks out—like the dictatorial tendencies of Quezon in his time—people would wait what the Collegian would say, and when the Collegian decided to express its editorial opinion, nothing in the world could stop the student paper from expressing it. He may have been thinking of Constantino’s term as editor or of Angel Baking who succeeded him. (Baking was one of the Politburo members who were arrested in 1950 and imprisoned for “rebellion complex with murder and arson.” He was released in the late 60s and spoke in 1971 before U.P. students with the topic, “Revolution, anyone?” This tradition has since been enriched by generations of Collegian editors and staffers after the war and when it was hazardous to be in the Collegian as editor or writer particularly during martial law. The history 18
People would wait what the Collegian would say, and when the Collegian decided to express its editorial opinion, nothing in the world could stop the student paper
of the Collegian includes the martyrdom of one killed as a member of the New Peoples’ Army, two who died of illness because of incarceration during martial law, and those who survived Marcos jails and continued on to become progressive journalists and writers. There are also those who made good in the establishment—like a Supreme Court chief justice, justices and other members of the judiciary, senators, congressmen, governors, ambassadors, community and business leaders, academics, war heroes, and public intellectuals. There are losers too as happens among UP alumni. If there is a part of the Collegian tradition that I appreciate most, it is its contributions to Philippine intellectual history, and for keeping the radical/nationalist spirit alive on campus and in the country.
Elmer A. OrdoĂąez has been a professor of English and an associate for literary criticism at the UP Institute for Creative Writing.
19
20
Isa sa pinakapopular na komiks na inilathala ng Kulê ang Leni Bedspacer ni Kendrick “Kenikenken” Bautista na lumabas mula noong Hunyo 2003 hanggang Mayo 2005. Naging Graphics Editor ng Kulê si Kenikenken mula Oktubre 2003 hanggang Mayo 2005.
21
Ang Kulê
sa panahon ng personal at pulitikal na pag-aalinlangan
Danilo Araña Arao Patnugot sa Balita (AY 1990—1991)
M
alaking bahagi ang progresibong pahayagan sa pagharap sa anumang pag-aalinlangan. Naging “newsie”* ako sa Philippine Collegian (o Kulê) noong 1988. Hindi tulad ng maraming kakilala’t kaibigang taga-Kulê, wala akong mahabang karanasan sa pagsusulat. Sa katunayan, kinuha ko lang ang kursong Peryodismo sa UP Diliman bilang pagtugon sa hamon ng kapatid kong lumabas sa aking “comfort zone” ng Agham at Matematika. Ang kawalan ng kakayahan sa pagsusulat ay ugat ng aking personal na pag-aalinlangan. Hindi rin nakatulong ang aking pulitikal na kababawan sa pag-intindi sa mahalagang papel ng pahayagang pangkampus. Nang magsimula akong maging “probee” ng Kulê, hindi nakakagulat na wala akong konsepto ng pag-uulat bilang pagmumulat, pati na rin ng peryodista bilang aktibista. Pero ang pambansang sitwasyon ay nakapagpabago sa aking personal na disposisyon. Ang huling bahagi ng dekada 80 ay wala kasing pagkakaiba sa kasalukuyang panahon. Ito ang panahon ng pakikibaka para sa tunay na repormang agraryo. Mainit din ang debate sa isyu ng pananatili ng mga base militar at armas nukleyar ng mga Kano. Napakaraming insidente ng paglabag sa karapatang pantao dahil sa “total war policy” ng pamahalaan. Tunay na madaling matulak sa aktibismo ang maraming estudyante noong panahong iyon Ang paghuhubog ng opinyong pampubliko, ayon sa aking mga patnugot, ay kailangang gawin sa pamamagitan ng tamang datos 22
*Newsie—tawag sa miyembro ng seksyon ng balita ng Kulê
at malalim na pagsusuri. Unti-unti kong naigpawan ang pulitikal na kababawan sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pagbabasa at pakikisalamuha. At dahil sa lingguhang pangangailangang makapagsulat ng mga balita (na nangangahulugang higit pa sa isang artikulo ang kadalasang ibinibigay sa mga patnugot), unti-unti akong nasanay sa epektibo’t mabilisang pagsusulat. Sadyang marami kang matututuhan sa pagtatrabaho sa isang pahayagang pangkampus tulad ng Kulê na bahagi ng tinatawag na alternatibong midya. Nagiging normal na kalakaran hindi lang ang pagsusulat kundi ang pagpupuyat. Nagiging katanggap-tanggap ang paggampan sa mabigat na gawain kahit na walang kapalit na malaking pera (at kung minsan nga’y abonado ka pa). Nakikita mo kasi ang kahalagahan ng pagpapayaman ng kaalaman, bukod pa sa pagsisilbi sa interes ng nakararaming mamamayan. 23
Higit pa sa prestihiyo, alam mong isang malaking responsibilidad ang pagpapatuloy ng mahabang kasaysayan nito ng progresibong pag-uulat
Ang iyong progresibong pag-uulat ay tinitingnan bilang kagyat na pangangailangan. Higit pa sa prestihiyo ng pagiging bahagi ng opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng pinakamalaking kampus ng pambansang unibersidad, alam mong isang malaking responsibilidad ang pagpapatuloy ng mahabang kasaysayan nito ng progresibong pag-uulat tungo sa malawak at malalim na pagmumulat. Pero higit pa sa paggising sa natutulog na kamalayan, alam mong may papel din ang midya sa organisadong pagkilos tungo sa sa makabuluhang pagbabago. Sa kontekstong ito, hindi ka magdadalawang-isip na maging bahagi ng pagkilos at gamitin ang peryodismo para isulong ito. Bilang bahagi ng KulĂŞ, alam mong sa simula lamang ang iyong personal at pulitikal na pag-aalinlangan. Sa paglipas ng panahon, untiunting lumilinaw ang lahat, sa puntong hindi mo na maikakaila ang iyong “tunayâ€? na kulay. Kahit na itim ang tinta ng iyong pluma, nananatiling pula ang diwa ng iyong pakikibaka.
Si Danilo AraĂąa Arao ay assistant professor sa Departamento ng Peryodismo sa Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla ng UP Diliman. Siya rin ay kasalukuyang assistant vice-president for public affairs at direktor ng UP System Information Office (SIO) na naglalabas ng UP Newsletter at Forum.
24
State of Rebellion Rebel Collegian editorial Second Semester, AY 2006—2007
T
his is not your regular Collegian. This is a declaration of dissent. This is proof that no matter how tight the administration maintains its grip on the publication’s operations, it can never contain its fierce resistance. The present impasse in negotiations between the Collegian and the administration reveal the contending interests of the student publication and the administration. Although an impasse purports balance in the scale of power, no such balance actually exists between the Collegian and the UP administration, for the latter holds authority within the educational institution. Often, the logic of authority translates into outright suppression. The current predicament of the Collegian results from the sheer exercise and apparent abuse of the administration’s authority. It is precisely this authority that the Rebel Collegian aims to subvert. At crucial junctures in the Collegian’s history, the need to break free from the administration’s mechanisms have posed the need to unleash the Rebel Collegian. The turbulent Martial Law period saw the publication of the first Rebel Collegian issue in light of intense state repression leading to the closure of student councils and publications. The pages of the Rebel Collegian a decade ago, meanwhile, staunchly condemned the administration’s intervention in the selection of the Philippine Collegian’s editor-in-chief.
25
Rebel Collegian, AY 2006—2007
26
A tight administrative grip, or mere influence, on publication finances is a more vicious yet disguised strategy of silencing the campus press
Currently, the administration is relying on a flimsy and illegal interpretation of Republic Act 9184 or the Government Procurement Reform Act to withhold the Collegian’s printing fund. It has remained adamant in insisting that the Collegian funds are public or government funds. As a result, the Collegian has been barred for almost four months now—its longest suspension since the publication’s three-week hiatus under Martial Law. Save for the Japanese Occupation, no other force has succeeded in silencing the Collegian for so long. The vulnerability of the administration’s rhetorics extends the arm of suppression. Recognizing the potency of the Collegian in articulating the students’ interests, the administration opted to stifle the publication during the crucial months of their campaign for the tuition increase. It simply cannot contend with opposition. It cannot contend with an autonomous Collegian, which has established itself as one of the sharpest critics of the administration’s skewed and anti-student policies. Surely, the administration recognizes the capability of the Collegian to urge the students to mobilize. As such, it is by no accident or convenient circumstance that it has hindered the Collegian from publishing its issues. The UP administration packages the entire dispute not as an attack on press freedom but as a mere “administrative issue” in an attempt to downplay the assault on the publication. The full exercise of campus press freedom, however, is impossible without fiscal independence. For aside from interventions in editorial content, a tight administrative grip, or mere influence, on publication finances is a more vicious yet disguised strategy of silencing the campus press. Many student publications have been stifled through measures such as the non-mandatory collection of
27
publication fees, non-approval of publication budgets, and withholding of funds. It is not in the nature of resistance, however, to be daunted. It only knows how to persist. Indeed, the history of the Collegian is marked by the struggle to assert and maintain its freedom, both within and beyond its pages. In the 50s, the Collegian co-led student demonstrations against Malacañang’s unjust ouster of the UP president. The subsequent years saw the Collegian’s participation in the fight for academic freedom. Even as most media networks were shut down during the Marcos dictatorship, the Collegian prevailed, publishing its issues underground. In all this, the administration must realize that the Collegian cannot be silenced, as the students are united in defending the publication. The previous months’ issues were written through the searing condemnation of the students. It was posted on walls and printed on statements. The Collegian, one with the students, continues to expose the administration’s repressive policies and to express the students’ interests. If anything, it has emerged fiercer than ever. In these trying times, the Collegian shall not yield.
December 15, 2006 issue of the Philippine Collegian—the
day of the passage of the 300 percent tuition increase
First published in the 18 November 2006 issue of the Rebel Collegian, released under the editorship of Karl Fredrick M. Castro. The Rebel Collegian was published independently using funds raised from Collegian supporters and alumni.
28
Who is Ericson Acosta? Kerima Lorena Tariman-Acosta Managing Editor, AY 1999—2000
T
he first time I went to the countryside to integrate with farmers, government troopers tried to show me first-hand how fascism, counter-insurgency and psychological warfare work. As if to make sure I don’t forget, they gave me a minor grenade shrapnel wound, and a major, lingering fear of any man with a golden wristwatch who’d seem to loiter in public places to watch me. They held me in a military camp, asked me tons of questions before I can even get to a lawyer, and presented me to media in handcuffs. They slapped me with a criminal charge of illegal possession of a high-powered firearm and had me imprisoned. First to see me in jail was my father, a really anxious Pablo Tariman. Everyone knows he’s never the activist. He could only turn to his Pavarotti records whenever he’s down. Then from out of nowhere, on my birthday, came Ericson Acosta, a dear friend from the Collegian. He probably spent his own birthday in transit to that strange town just to see me. He looked like he was in such a hurry to get there he even forgot to shave. After I was released on bail, I found myself in an ABS-CBN studio confronted with the very showbiz question “Is there someone special in your life?” from no-less than Kris Aquino. The query came as a surprise, I might have quickly replied defensively in the negative. After two years, my court case was dismissed. It was also at that time I married Ericson. So in case she’s still interested, I guess Kris should be updated. 29
Ericson was arrested by the military in San Jorge, Samar on February 13. He was brought to court last September 21—significant date for an activist named after an FQS activist, too ironic for someone born the same year Marcos declared Martial Law. Now I couldn’t drop everything to see him as he did for me more than ten years ago, even if the world expects the wife to do so. Why? To the AFP, Ericson is a “top personality of the Communist Party.” Once “dissident terrorist,” now “wife of a terrorist cadre” in the eyes of the AFP. That makes the vicinity of his prison cell very dangerous territory for me to tread. But to people who know him, Ericson has transformed himself from a “troublesome” artist to a serious activist. His artistic and political awakening started early in the theater workshops of the PETA, which he joined since grade school. He identified himself with artists and their eclectic habits but refused to join political organizations like the LFS, as a self-styled bohemian brimming with intellectual arrogance. As campus writer and editor, his grasp of social, political and aesthetic theory relied mainly on his collection of Marxist literature and books salvaged through missions of the notorious “Main Library Liberation Front.” The split in the student movement during the ‘90s challenged him to seriously heed the call to learn from the masses. The slogan “The masses are the true heroes and makers of history” sounds passé, but it humbles even the disinterested once they realize its truth. Ericson gave up his crazy drinking habit for the natural high of activism. He became a prolific poet, songwriter and cultural worker. Years under the obscenely corrupt Arroyo regime led us to choose to return to the countryside to live and learn with the people. 30
Acosta in prison
To our son, Ericson is tatay, the funnyman shipcaptain of the AcostaUniverse inter-galactic band. In robo-character, tatay tells him he is actually a Gordoxian child; we his parents need to navigate to and fro the distant Planet Gordox and that’s the reason why we can’t always be with him here on Earth. This sci-fi antic amuses him, but it still sounds stupid even to kids. So he tells us he knows that we just need to ride a bus and walk several kilometers uphill to be transported to another world. Samar is one such realm, and its people continue to suffer from militarization even after Palparan’s time as general in the region. Now Ericson has gone from documenter of violations to human rights victim 31
While PNoy promises accountability and justice, the AFP remains untouchable
himself. It is this tragic irony that has underscored the political context of his case and has given us compelling reason to heighten the call for his immediate release. Ericson’s fault was to bring a laptop to the barrios, just as it was botanist Leonardo Co’s fault to do research in the forest while the army was conducting “regular patrol.” The story that he could have blown his captors to smithereens with a grenade is like telling our son that his father was kidnapped by alien forces of the Bozanian bourgeoisie. It is unfortunate that while PNoy promises accountability and justice, the AFP remains untouchable. Jeepney drivers halt operations to protest spikes in gas prices, government calls them “perjuicio.” Students strike for greater state subsidy, government mockingly advices them to focus on their studies. Bewildered families call on the son of Ninoy to release all political prisoners—his government says these prisoners don’t even exist. I guess like Ditto or Donat, we’d always be associated to this paper as its “imprisoned members” – “’yung mga taga-Kulê na kinulong.” But from the time the PSR was serialized in the Collegian’s pages, people have come to realize how big a prison cell Philippine society really is.
Kerima Lorena Tariman first served as one of the editors of the Culture Section of Kulê under the editorship of Seymour Barros Sanchez.
32
33
Inilathala ang mga komiks na ito ni Manuel “Manix” Abrera sa Kikomachine Komix Blg. 1: Mga Tagpong Mukhang Ewan At Kung Anu-ano Pang Kababalaghan! (2005, Visprint, Inc) at sa Kikomachine Komix Blg. 6 (2010, Visprint, Inc). Unang lumabas ang Kiko Machine Presents ni Manix sa mga pahina ng Kulê, kung saan siya naging patnugot sa Grapiks (AY 2001 – 2002, 2002 – 2003).
Collegian pa rin ang sa iyo Alecks Pabico †Punong Patnugot, AY 1991—1992
N
awawalan ng kabuluhan ang mga bagay na hindi tumutugma sa esensya ng kanilang pag-iral. Kusang inaanod patungo sa dagat ng pagkalimot ng rumaragasang agos ng panahon. At sa dakong huli’y tuluyang nawawaksi sa kamalayan. Tulad ng Philippine Collegian? Liban sa mga kilalang ginhawang idinudulot nito sa mga mambabasa sa mga panahong nangangailangan ng pananggalang sa paminsanminsang ngitngit ng langit, upuan para sa napagod sa katatayong mga singit, pambalot sa pang-araw-araw na gamit (yung like wearing fresh panties all the time), ano pa ba ang katuturan ng Collegian sa makabagong panahon? Nakasulat naman sa masthead, at marahil napapansin n’yo na opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Pilipinas ang Collegian. Daw. Hindi marahil magiging paksa ng pagtatalo na kinikilala sa pamantasan ang Collegian. Kinikilala ng admi ang pahayagan bilang kritiko nito. Kaalyado kung minsna ngunit ito ay singdalang ng panahong ginugugol ng kasalukuyang rehimen sa pag-iisip. Lalo namang walang debate na lingguhang lumalabas ang Collegian. Nakikita niyo naman kung paano linggu-linggong nagmimistulang basurahan ang Palma Hall bagamat madalas huli. At isa ito sa mga araw na iyon.
34
Pahayagan ng mga mag-aaral ng Peyups? May ilang nagtataas ng kanilang mga kilay. Meron ding umiismid. Talaga namang pahayagan ng mag estudyante ang Collegian. Sila ang nagtutustos ng patuloy na paglabas nito. Sila ang tagapaglathala nito. Bukod doon ay ano? Walong dekada na ang panahong binuno ng Collegian simula nang ito’y basbasan na maging pahayagan ng mga mag-aaral ng pamantasan. Sa tinagal ng pag-iral nito, naging masugid na karamay sa mga usapin ng mag-aaral ang pahayagan. kaulayaw sa kanilang pagkilos. tagapagsalita, tagapagtanggol. Matalik na kaibigan. Nang maglaon ay iniatang ng mga manunulat ng Collegian sa pahayagan ang tungkuling magtaguyod sa kagalingan ng mga sektorna isinasanatbi sa isang kaayusang elitista. Walang takot na naglalahad ng mga katotohanang pilit na ikinukubli sa dilim ng kasinungalingan at lagim ng karahasan. Inugat ng ganitong aksyon ang konteksto ng panahon na kung saanwalang nangahas na humarap sa mapanupil na puwersa ng diktadura. Nagsilbing tanglaw ang Collegian at mga pahayagang pangkampus sa panahong pilit na nagahahari ang kadiliman. Magpahanggang ngayon, nananatiling naninindigan ang Collegain sa kanyang responsibilidad sa lipunan. Subalit di minsang hindi naging usapin ang alyenasyon ng pahayagan sa una’t una nitong mambabasa —ang mga mag-aaral ng Pamantasan. May mga kritisismo nang pagkaligta o higit pa’y pagtalikod sa mga isyung kinakaharap ng mga mag-aaral. Sa pagyakap nito sa tungkuling pambansa ang saklaw tuloy ay inakusahan ang Collegian bilang isang grupo ng “ivory tower intellectuals” na hindi kumakatawan sa estudyante ng UP. Binabasa pa ba ng mga estudyante ng Pamantasan ang Collegian? Ang ganitong pag-aalinlangan na nauuwi sa isang pangamba ay kadalasang nagiging katuwang sa proseso ng pagsusulat at paglalathala ng Collegian. Hindi dahil hindi kagagap ng mga manunulat ng Collegian ang pulso ng mag-aaral kundi isa lamang pagsasaalang-alang sa konteksto ng panahong ating kinapapalooban. Di pangkaraniwan ang klimang ngayo’y nananaig sa bansa. Dahil walang propetang kinilala sa sariling bayan?
35
Kung wala ang Collegian, malaki ang nawala sa mga estudyante; kung wala ang mga mag-aaral, nawala na ang lahat sa Collegian
Kailanman ay hindi nagpanggap ang Collegian bilang isang propeta, o isang mesiyas man. Una, kaawa-awang tunay ang isang bayang naghihintay ng tagapagligtas. Pangalawa, taliwas ito sa pananalig ng pahayagan sa sambayanan bilang tagapagpaganap ng pagbabago. Ngunit dumating na ba ang pahayagan sa puntong hindi na mga mag-aaral ng UP ang dapat nitong maging mambabasa? Hindi na ba tugma sa esensya nito ang patuloy na pag-iral? Wala na bang kabuluhan ang Collegian sa mga taga-Peyups? Matagal nang sinapit ng Collegian ang yugtong hindi lang mag-aaral ng UP ang kinakalinga nito. Walang pag-aalinlangan hinggil sa bagay na ito. Subalit hindi kailanman maaring iwanan ng Collegian ang mga magaaral. Hindi rin dapat magkaroon ng distinksyon sa pagitan ng mga ito, maging tibak man o co単o, fratman o born again. Tulad nang sinabi na ng mga naunang patnugot bago sa amin: kung wala ang Collegian, malaki ang nawala sa mga estudyante; kung wala ang mga mag-aaral, nawala na ang lahat sa Collegian. Mananatiling buhay at masigla ang pakikipag-ugnayan ng Collegian sa mga usaping nakakaapekto sa kanila. Kaulayaw sa kanilang gawain at inisyatiba. tagapagsalita. tagapagtanggol. Matalik na kaibigan. Kaya kumbaga sa cola-cola, Isko, Collegian pa rin ang sa iyo.
Muling inilalathala dito ang ang sanaysay na ito ni Alecks Pabico, na unang lumabas bilang kolum sa isyu ng Collegian noong Nobyembre 14, 1991, sa kabutihan ng kaniyang kabiyak na si Mira. Multimedia director si Alecks ng Philippine Center for Investigative Journalism noong pumanaw siya noong Oktubre 7, 2009 sa gulang na 42.
36
Nagpapatuloy na hamon Ang magkatambal na suliranin at tungkulin ng UP at ng Philippine Collegian Marjohara Tucay Punong Patnugot, AY 2011—2012
M
alaon nang sinasabing magkatambal ang kasaysayan ng Philippine Collegian at ng Unibersidad ng Pilipinas. Sa mga pahina ng Kulê dumaloy ang sanga-sangang istorya ng pagsibol, paglago at pagbabagong-hubog ng pamantasan. Sinasalamin ng Kulê ang umiiral na sistema sa pamantasan. Sa pagbuklat ng bawat pahina ng Kulê, matatagpuan ang isang bahagi ng naratibong hinabi at patuloy na hinahabi ng UP. At sa bawat pagbabagong-ruta ng pamantasan, kaalinsabay na sumailalim sa iba’t ibang transpormasyon ang pahayagan. Kung noong panahon matapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isyu ng academic freedom ang tampok sa mga pahina ng Kulê, represyong pulitikal at laganap na paniniil naman ang ibinandera nito noong kasagsagan ng diktaduryang Marcos. Sa panahong kinailangang suriin ang mga suliraning panlipunan sa isang pangkabuuang tanaw, inigpawan ng Kulê ang tradisyunal na porma ng pamamayahag ng mga pahayagang pangkampus at niyakap ang pag-uulat ng mga isyung labas pa sa mga aktibidad ng mga estudyante – mga isyung tumatalakay sa mga batayang sektor ng lipunan. Sa kasalukuyan, hinaharap ng pamantasan ang isa sa pinakamalalaking suliranin ng napupunit na panahon – ang sistemikong pagliit ng inilalaang subsidyo ng pamahalaan para sa operasyon at patuloy na pag-iral nito bilang pamantasan ng bayan. At tampok sa mga pahina ng Kulê ang isyung ito – mula sa taunang pagliit ng pondo ng 37
UP hanggang sa pag-uulat sa iba’t ibang epekto ng pagkaltas sa pondo ng pamantasan, gaya ng pagtataas ng matrikula at pagpapaupa ng pamantasan sa mga lupain nito. Ngunit hindi lamang ang pamantasan ang nakadarama ng pagliit ng pondo. Tila masamang biro man, ngunit maging sa usapin ng salapi ay tila hindi mapaghihiwalay ang tadhana ng UP at Kulê. Sa kasalukuyan, nanatiling P40 ang singil sa bawat mag-aaral kada semestre para sa publikasyon ng Kulê – 1989 pa noong una itong ipatupad, halos 22 taon na ang lumipas. Kung isasaalang-alang natin ang pagtaas ng presyo ng bilihin, wala pang P23 ang inflation-adjusted value ng P40 Collegian fee na sinisingil hanggang sa kasalukuyan. Mahigit dalawang dekada na ang nagdaan mula nang huling magtaas ng singil ang Kulê, at bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng papel at pagpapaimprenta, taun-taon ay suliranin para sa patnugutan kung paano pagkakasyahin ang hindi na lumalaking pondo nito. Iba’t ibang porma na ng pagtitipid ang ipinatupad – mula sa pagpapababa ng honorarium ng mga kawani hanggang sa pagbabawas hindi lamang ng mga pahina ng pahayagan kung hindi maging ng bilang ng isyu kada semestre. Ngunit gaano man tipirin ang pondo ng Kulê, sadyang hindi na sapat ang nakokolekta mula sa mga mag-aaral upang pondohan ang operasyon nito. Taun-taon, tinatayang lampas P230,000 ang kakulangan sa badyet ng Kulê, kakulangang sa huling nakaraang limang taon ay napunan ng pondong hindi nagamit noong AY 2006-2007, bunsod ng paghihigpit ng administrasyon UP sa patnugutan hinggil sa paghawak ng pondo ng pahayagan kasabay ng sapilitan nitong pagtaas sa matrikula at iba pang bayarin. Nagbunsod ang iringan ng pagkaantala sa publikasyon ng Kulê noong panahong iyon, at mahigit isang milyong piso ang natira sa terminong iyon, salaping siya namang ipinantapal ng mga sumunod 38
Nanganganib ang kinabukasan ng pahayagan
pang termino sa kakulangan ng pondo ng Kulê. Ngunit sa pagtatapos ng kasalukuyang termino, halos masasaid na ang nasabing reserbang pondo. Sa ganitong lagay, nanganganib ang kinabukasan ng pahayagan. Kung hindi man lubusang naipasara ng rehimeng Marcos ang Kulê, hindi malayong mangyari iyon sa kasalukuyan dahil sa kakulangan ng pondo. Ang sitwasyong ito ang pangunahing dahilan kung kaya aktibo ang kampanya ng kasalukuyang patnugutan upang makalikom ng sapat na pondo upang masigurong magpapatuloy ang paglalathala ng Kulê sa susunod na tatlo hanggang apat na taon. Gaya ng paniniwalang hindi makasasapat na solusyon sa kakulangan ng pondo ng UP ang pagpapaupa ng lupa at pagtaas ng matrikula, batid ng kasalukuyang patnugutan na panandaliang sagot lamang ang paglikom ng donasyon para sa Kulê, at hinog na ang panahon upang muling ipaunawa sa mga mag-aaral ng UP na kinakailangang umentuhan ang singil para sa publikasyon. Batid rin ng patnugutan na hindi ito isang madaling pagsubok – noong 2001, sinubukan itong gawin ngunit hindi naging matagumpay. Gaya ng patuloy na paggiit ng UP para sa mas mataas na subsidyo, muling susugal ang patnugutan ng Kulê sa susunod na semestre, magpapalaganap at ipauunawa sa mga mag-aaral ng kahalagahan nito sa patuloy na pag-iral ng pahayagan. Ngunit anumang maging kahinatnan nito, nararapat nating matiyak ang patuloy na pag-iral ng pahayagan. Kambal ngang maituturing ang tadhana ng UP at ng Kulê – parehong nasa bingit ng pagkawala bunsod sa kakulangan ng pondo. At tambal din ang hamong ihinaharap sa ating mga kasapi ng 89 na taong pahayagan – na siguruhin at ipaglaban ang kinabukasan ng dalawang institusyon.
39
Tatak KulĂŞ
89 na Taon ng Tapang, Talas, at Talab ng Pamamahayag ng Philippine Collegian For donations and other contributions, please contact us at: kulehomecoming@gmail.com 0905.459.6893 (Richard) • 0927.326.8776 (Marjohara)