The Catalyst
Vol. xxx No. 1 | August-September 2016
MGA NILALAMAN
PUP Community, Ekonomya ang maglulunsad ng Usapin Walk-out BALITA03 KOMUNIDAD09
Dibuho ni: Lowell David Timbang
Ang Mamamayan, Si Duterte at ang Usapang Pangkapayapaan LATHALAIN06
02EDITORYAL
“
The Catalyst
Ang pinansya ng mga publikasyon ang nagsisilbing dugo ng mga ito, kaya naman napakadaling putulin ito ng administrasyon para sila’y mapilayan at hindi na makapaglabas pa.
“
pagpilay sa mga tumitindig Ang sama-samang pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan ang sandigan ng mga mamamahayag pangkampus sa anumang represyon sa kalayaan sa pamamahayag. Dama rin ng mga mamamahayag pangkampus ng PUP ang lumalalang komersiyalisasyon ng edukasyon. Walang pondo ang mahigit 30 publikasyon sa loob pa lang ng PUP main campus dahilan upang mawalan ito ng kakayahang maglathala. Nagpapatuloy ang kawalang-bahala ng administration para bigyang halaga ang pagkakaroon ng publikasyon sa pamantasan. Mayroon man ay ipit ang kanilang pondo at naiimbak na lamang sa Special Trust Fund (STF) kung saan 70% nito ay nabpupunta lamang sa allowance at honoraria ng administrasyon. Matatandaang napagtagumpayan ng The Catalyst ang laban nito upang igiit ang kanyang karapatan sa pondo. Nakamit nitong maibalik ang koleksyon sa enrollment noong 2010, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa nito nakukuha ang mahigit apat na milyong pisong pondong naipon mula pa noong 2013. Hirap rin
“
TO WRITE NOT FOR THE PEOPLE IS NOTHING.
”
2nd flr Charlie del Rosario Building PUP Sta. Mesa, Manila 09069757455
MEMBER: Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM-PUP) College Editors Guild of the Philippines (CEGP) www
.face
b o ok pupth .com/pu pth ecata lyst@ ecatalys t gma il.com
itong magproseso ng liquidation, dahil sa arbitraryong mga rekisitong hinihingi ng Internal Audit. Inaabot ito ng dalawa hanggang tatlong buwan sa pagpoproseso bago nito makuha ang kanyang pondo para sa isang semestre. Sa kabilang banda, Mas masahol naman ang nararanasan ng iba pang publikasyon sa main campus. Nananatiling patay ang kalakhan ng mga college publication sa pamantasandahil sa kahirapang makakuha ng pondong patuloy pa ring kinukolekta tuwing enrolment. Hanggang ngayon ay hirap ang The Paradigm, ang Opisyal na Pahayagang pang-mag-aaral ng College of Accountancy and Finance (CAF) na magproseso ng pondo nito. Hanggang ngayon ay iniipit ang nasabing publikasyon ng IA dahil sa nakaraang release ng dyaryo nito. Kung sa kaso naman ng The Communicator na nasa proseso ng muling pagbubuo, tatlong taon silang hindi nakapaglabas ng dyaryo mula nang kolektahin muli ng administrasyon ang kanilang publication fee. Hindi regular na nakapaglabas ang nasabing publikasyon
The
Catalyst
dahil sa mabagal na proseso ng paglalabas ng pondo, dahilan para matengga ito. Sa The Business Torch ng College of Business Administration (CBA), lumitaw ang isyu ng improper utilization of funds, kahit pa nakapaloob sila Procurement Act kung saan dumadaan sa proseso ang kanilang pagkuha ng pondo. Ang pinansya ng mga publikasyon ang nagsisilbing dugo ng mga ito, kaya naman napakadaling putulin ito ng administrasyon para sila’y mapilayan at hindi na makapaglabas pa. At sa kasalukuyan, umusbong ang panibagong isyung lalong nagbabanta sa kalayaan sa pamamahayag. Naglabas ng survey form ang administrasyon na siyang papasagutan sa mga estudyante kung nais ba nilang maging boluntaryo na lamang ang pangongolekta ng College Publication fee. Nais nitong buwagin ang mga publikasyon sa bawat kolehiyo at bumuo ng sentralisadong publikasyon, kasabay ng pagbubuo ng publication guidelines na siyang ibababa sa buong PUP system. Naging tuntungan pa ng admin ang sitwasyon sa branches and campuses kung
saan kailangan pa ng mga ito na sumandig sa fund-raising para lamang makalikom ng pondo. Naging matagumpay ang isinagawang picket dialogue ng Alyansa ng Kabataang Mamamahayag-PUP (AKM-PUP) noong Setyembre 8 upang ipanawagan sa PUP administration ang pagkakaroon ng pinansiyal na awtonomiya ng mga publikasyon sa buong PUP system. Kinakailangang bumuo ng position paper ng mga publikasyon na naglalaman ng kanilang mga panawagan ukol sa pinansiya na siyang dadalhin sa Finance Committee meeting sa Set. 26. Ngunit hindi rito nagtatapos ang laban ng mga mamamahayag pangkampus. Hindi basta isusuko ng administrasyon ang kung ano mang mayroon sila, at hindi lang sa pagtangan ng pluma’t papel ang kayang gawin ng mga manunulat. Dahil higit pa sa pagmumulat ng kabataan ay ang kakanayan ring kumilos at ipaglaban ang kalayaan sa pamamahayag kasabay ng pakikibaka ng mga estudyante para sa kanilang mga karapatan.
Editorial Board 2016-2017
EDITOR IN CHIEF Abigael de Leon | MANAGING EDITOR Kurt Russel Sosa | ASSOCIATE EDITORS Denisse Dizon (Internal) | Eisle Coryn Daye Singson (External) | SECTION EDITORS | NEWS Jonathan Christian Condes | FEATURES Denise Ann Florendo | LITERARY Pia Cyril Ramirez | COMMUNITY Jenny Papasin | CULTURE Zacharie Kate Esmeria SENIOR STAFF
WRITERS Stella Marie Maragay | Maya Santos | Xeane Izec Atienza | Reiven Lopez | Brandon Neil Sison | Rhyan Villaruel | Trisha Obejas | Arianne Joy Gardon | Ghelmari Escudero ARTISTS Gerardo Ocampo, Jr. | John Paul Huerto | Leandro De Asis | Lowell David Timbang JUNIOR STAFF
WRITERS Edrian Morales | Joshua Regalado | Christina Pamittan | JV Andrew Morales | Adlai Rosh Papa | Lalaine Ramos | Keneth Pelegrino | Geraldine Rocio | Justine Patricio | Johnlloyd Nagera | Michelle Mabingnay | Johanna Kelly Seras | Vanessa Williams | Aaron De Guzman | Jericha Del Mundo ARTISTS Teressa Colas | James Anthony Ortiz | Chris Louise Vencio | Joachim Santos | Rose Ann Lopez CONTRIBUTORS Mara Aguila | Vince Hugo Villena
BALITA03
The Catalyst Bilang paglaban sa mga neoliberal na atake sa edukasyon,
PUP Community, maglulunsad ng Walk-out MICHELLE MABINGNAY Upang ipanawagan ang kapayapaan, karapatan sa edukasyon at karapatang pantao. Nanawagan ang mga estudyante, kawani, guro at manggagawa ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na magwalk out sa September 21 upang ipabasura ang mga neoliberal na atake sa edukasyon, suportahan at tunay na kapayapaan. Ayon kay College of Education Student Council Rejhon Modesto, kinikitil ng K-12 ang karapatan ng kabataan sa edukasyon dapat umano itong itigil ng gubyernong Duterte gayundin ang kontraktwal na paggawa . “Dapat wakasan ang kaliwa’t kanang pagtaas ng matrikula at Other School
Fees (OSF), ito’y pagnegosyo sa edukasyon at pahirap sa mga estudyante at magulang. Ang neoliberal na balangkas ng edukasyon mula pa lamang noong panahon ng diktaturyang US-Marcos ang nagbigay daan sa OSF at K-12” Ani Modesto. Ipinatupad ni Marcos ang Education Act of 1982 na layong ideregulisa ang matrikula sa mga pamantasan. Nawala ang kontrol ng gubyerno sa mga paaralan sa usapin ng pagtaas nila ng matrikula at dagdag bayarin. Bukod sa isyu ng neoliberal na atake sa edukasyon, tinatamaan din ng komersalisayon ang mga pampublikong pasilidad gaya ng ospital dahil sa pagsasa-pribado dito. Sa usapin naman ng paggawa,ikakampanya
din sa nasabing pagkilos ang pagbabasura sa Kontraktwalisayonna nagsisilbi lamang sa interes ng mga nagmamay-ari ng mga malalaking kumpanya. “Kung kaya mahalaga ang pakikiisa at ang esensiya ng sama-samang pagkilos upang patuloy na ihapag ang mga panawagan gaya ng pagbabasura ng mga neoliberal na polisiya.” pangwakas na pananalita ni Modesto. Magsisimulaang nasabing pagkilos ganap na alas-diyes ng umaga sa pagwalk out sa klase, 11AM ang lokal na programa, 12pm ang Bandwagon upang maisama sa bulto ang mga kolehiyo na nasa CEA, COC, ITECH at CDL, 1 pm magtitipon sa UST na susundan ng martsa patungongMendiola.
“KABABAIHAN PARA SA PAGBABAGO” Mara Aguila
Upang maihapag ang mga panawagan,
AKM AT PUP Admin, Nagsagawa ng Dayalogo EDRIAN MORALES M a t a g u m p a y ang isinagawang picket dialogue ng Alyansa ng Kabataang MamamahayagP U P ( A K M - P U P ) kasama ang PUP Administrasyon upang igiit ang pagkakaroon ng pinansyal na awtonomiya ng mga publikasyon sa pamantasan. Kabilang sa mga napag-usapan ay ang inilabas na survey form ng administrasyon tungkol sa pagiging boluntaryo ng koleksiyon ng College Publication Fee. Dagdag pa ang plano na bumuo ng komiteng gagawa ng guidelines na siyang kinakailangang sundin ng lahat ng publikasyon sa PUP. Naungkat din ang kasalukuyang sitwasyon ng mga publikasyon at kanilang kahirapan sa pagkuha ng pondo dahil sa mabagal at pasikotsikot na proseso nito. Base s a nangyaring dayalogo, naging tuntungan ng
administrasyon ang sitwasyon ng mga publikasyon sa branches and campuses kung saan umaasa ang mga ito sa fund-raising upang makalikom ng pondo. Inihapag ng AKMPUP ang pagkakaroon ng kalayaan sa pamamahayag at demokratikong karapatan ng mga estudyante. “Ang lahat ng nabanggit sa nangyaring diyalogo ay dumudulo sa pamimilay ng administrasyon sa mga publikasyon upang mapigilan silang makapaglabas ng mga artikulo na maaring bumangga sa pansariling interes ng Admin.” Ani Pia Cyrill Ramirez, Chairperson ng AKM-PUP Nakipagkasundo ang Admin na maghapag ang AKM ng position paper sa gaganaping Finance Committee Meeting sa darating na Set. 26 na naglalaman ng pagkakaroon ng Bank Account ng mga publikasyon sa kolehiyo upang magkaroon sila ng kontrol sa kanilang sariling pondo.
PUP Community, nakiisa sa Martsa sa Unang SONA ni Duterte JOHANNA KELLY SERAS Aabot sa 40,000 katao mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakiisa at sumalubong sa unang State of Nation Address (SONA) ni Pangulo Duterte, kung saan ito ang unang pagkakataon sa matagal na panahon na nakalapit ang mga mamamayan sa Batasang Pambansa u p a n g k a n i l a n g mairehistro ang kanilang adyenda. Kabilang sa mga lumahok sa nasabing pagkilos ang tinatayang 5,000estudyante’t kawani ng PUP, bitbit
ang kanilang panawagan para pagpapabasura ng K12, pag-alis ng kontraktwalisasyon sa bansa, pagsuporta sa usapang pangkapayaan sa pagitan ng gubyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at iba pang repormang tunay na maninilbihan sa mamamayan. Pagkatapos ng SONA, nagpulong si Duterte kasama ang mga lider ng progresibong mga organisasyon kung saanpinag-usapan angpangangailangan ng pagkakamit ng kapayapaan sa ilalim ng kanyang termino.
04BALITA
The Catalyst
Bilang pagsuporta sa kanilang laban,
Katutubong Lumad, sinalubong ng PUP Community JOHNLLOYD NAGERA JOSHUA REGALADO JUSTINE PATRICIO Lakbayan sinalubong ng mga estudyante sa loob ng pamantasan ang halos 3000 Lumad na nagmula sa Mindanao noong Hulyo 23 sa PUP Main Campus bilang kasabay ng PUP Systemwide Campout at paghahanda sa SONA noong Hulyo 25. Mariin pa ring ipinanawagan ng mga Lumad ang pagpapalayas sa mga militar na pilit umookupa sa kanilang lupang ninuno upang bigyang daan ang malalaking mining company. Ayon sa kanila, pilit silang dinarahas at pinapaslang para mapalayas sa minana pa sa kanilang mga ninuno.
“Minimilitarisa ang mga kapatid nating Lumad, madalas pa ngang sinasabihang NPA at pinapaslang upang magtayo ng malalaking minahan sa bansa na siyang pinatatakbo ng mga dayuhan.” Ani Karl Paulie Anareta, kasalukuyang Student Regent. Noong Hulyo 24 naman ng bumisita sa kampus ang bagong Department of Environment and Natural Resource (DENR) secretary na si Gina Lopez upang mag-ulat at makiisa sa mga delegado mua Mindanao. Nangako pa ito na sa kanyang abot ng makakaya ay ipatitigil niya ang naglalakihang kumpanya ng pagmimina na siyang dahilan ng pagkasira ng kalikasan at pagbabakwit ng mamamayan sa kanayunan, kasabay ng panawagan ng mga
lumad na ipabasura ang Mining Act of 1995. Kasabay nito, sumama ang buong delegasyon ng mga Lumad sa inilunsad na Martsa ng Bayan noong nakaraang SONA bitbit ang panawagang pagpapatigil ng miitarisasyon sa kanayunan at hustisya sa lahat ng pinaslang na lumad. “Ang hamon nating lahat para sa bagong pangulo ay ang pagtataguyod ng interes ng mamamayan,” Banggit ni Anareta, patungkol sa nagdaang SONA kung saan nakiahok rin ang buong komunidad ng PUP. “Nais nating ipabasura ang lahat ng neoliberal na polisiya na siyang nagpapahirap sa sambayanang Pilipino.” Dagdag niya.
“Abolish ROTC!” –Anakbayan EDRIAN MORALES MICHELLE MABINGNAY “The reservists will be mobilized for information campaign against drug use and the dissemination of information regarding drugrehabilitation programs being offered by the government.” Ani Presidente Rodrigo Duterte. Kaugnay ng paganunsyo ni Pangulong Duterte na ibalik at gawing mandatory ang Reserved Officers Training Corps (ROTC), nagkasa ng lokal protesta ang mga estudyante ng PUP noong Agosto 12 sa tarangkahan ng kampus
upang kundenahin at ipabasura ang panukalang pagpapatupad nito sa mga unibersidad sa bansa. Ayon kay AnakbayanPUP Chairperson Karl Dianquinay, nagiging daan lamang ang ROTC upang makapasok ang militar at maging pagmi-militarisa sa mga kampus, taliwas sa nilagdaang Prudente-Ramos accord na nagsasaad ng probisyong pinagbabawalan ang presensya ng militar sa loob ng mga eskwelahan. “Pinalalabnaw nila ang kahulugan ng ‘nasyunalismo’ at ‘disiplina’ sa pamamagitan ng pagsasanay ng kabataan na
magmamana ng kanilang mersenaryong tradisyon,” Ani Dianquinay. “Liban pa rito, may mga naitala na ring kaso ng pang-aabuso sa loob nito.” Dagdag niya. Noong 2014, si Shena, isang ROTC cadet sa PUP ang nakatanggap ng pangaabusohinampasang kanyang katawan at paulitulit na ginagawa ito sa kanya ng kanyang opisyales. Naglunsad rin ng pagkilos sa harap ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad sa pangunguna ng Anakbayan upang ipanawagan ang pagbasura sa ROTC.
PUP Summit, isinagawa KENETH PELEGRINO Dinaluhan ng daandaang iskolar ng bayan ang naganap na PUP Summit for Change and Peace noong ika-22 ng Hulyo sa BulwagangBalagtas upangikampanya ang adyenda ng P U P s a b a g o n g rehimengDuterte. Parte ng programa ng nasabing summit ang paglulunsad ng serye ng mga porum kung saan tinalakay rito kung paano binabansot ng iba't ibang makadayuhan o neoliberal na polisiya gaya ng K-12 at kontraktuwalisasyon sa paggawa ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kaugnay nito, ipinanawagan ng
buong komunidad ng pamanastan ang pagsusulong ng adyenda ng PUP kabilang na ang pagpapabasura ng K12. “Ipinapakita ni Pang. Duterte ang kanyang pagiging bukas sa pakikipag-usap sa mgaprogresibong organisyon upang makita kung ano ng aba ang tunay na interes ng mamamayan,” ani Karl Paulie Anareta, kasalukuyang Student Regent. “Kaya naman inihahapag natin ang ating adyenda sa ating bagong pangulo kasama ng ating hamon sa kanya na ipabasura na ang lahat ng neoliberal na atake sa edukasyon.” D a g d a g n i y a .
Joint Declaration ng Ceasefire, idineklara ng Gobyernong Duterte at NPA XEANE IZEC ATIENZA Parehong naganunsiyo ng unilateral ceasefire ang gubyerno ng Pilipinas at ang New People’s Army (NPA) upang salubungin ang naganap na peace talks sa Oslo, Norway. Ito ay matapos palayain ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mag-asawang Benito Tiamzon at Wilma Austria kasama ng 16 pang mga National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultants upang makalahok sa naganap na Peace Talks sa Oslo, Norway noong Agosto 22 hanggang 27. “Wastong nag-ugat ang deklarasyon ng ceasefire mula sa mga positibong naabot ng usapang pangkapayapaan, gayunpaman dapat pa ring paigtingin ng mamamayan angrebolusyonaryo
n i t o n g l a y u n i n , magpasampa sa kanayunan upangpasulungin angDemokratikong Rebolusyong Bayan” Ayon sa Kabataang Makabayan PUP. Matatandaang naganunsiyo si Pang. Duterte ng Unilateral Ceasefire sa kanyang State of the Nation Address (SONA), kung saan nagdeklara naman ng Active Defense Mode ang New People’s Army (NPA). Ngunit kahit pa nagdeklara ng tigilputukan si Pang . Duterte ay nilabag ito ng Armed Forces of the Philippines bilang parte ng pagpipigil na gumulong ang Usapang Pangkapayapaan. Ang nasabing pananabotahe ay nagresulta ng pagbawi ng pangulo sa nasabing ceasefire na tumagal lamang ng anim na araw mula ng maibaba.
BALITA 05
The Catalyst Upang Salubungin ang Usapang Pangkapayapaan,
Raling Iglap, Ikinasa ng Kabataang Makabayan sa PUP GERALDINE ROCIO CHRISTINA PAMITTAN Naglunsad ng raling iglap ang Kabataang Makabayan (KM) noong Agosto 22 sa loob ng PUP campus, upang salubungin ang pagsisimula ng pormal na Usapang Pangkapayapaansa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at gubyernong Duterte. Positibo naman ang pagsalubong nila sa naganap na pagpapalaya sa mga nakakulong na NDFP peace consultants gaya nila Benito Tiamzon at Wilma Austria, ngunit ayon rin sa KM nananatili ang kanilang panawagan upang palayain ang lahat ng mga bilanggong pulitikal at iba
pang peace consultants. Ayon sa militanteng grupo inaasahan nilang matatalakay sa usapan ang ugat ng digmaang sibil sa Pilipinas, iginiit nila na habang patuloy ang Peace Talks lalakas ang rebolusyonaryong kilusan. “Kahit nagaganap ang usapang pangkapayapaan, patuloy ang paglala ng kahirapan at paglaganap ng militarisasyon sa kanayunan, kaya matatamo lamang ang tunay na pagbabago kung lalahok ang mamamayan at kabataan sa New People’s Army upang isulong at ipagtagumpay ang Demokratikong Rebolusyong Bayan.” dagdag pa ng KM.
Dahil sa neoliberal na polisiya sa edukasyon,
Pambansang Walkout, isinagawa MICHELLE
MABINGNAY
Dala-dala ang mga panawagan, nakiisa ang mga kabataan at lider-estudyante mula sa iba’t ibang pamantasan noong Hulyo 14, sa isinagawang Pambansang Walkout sa Mendiola na layuning hamunin ang bagong pamahalaan na ibasura ng mga polisiyang neoliberal sa mga unibersidad sa bansa.
Nagkaisa ang mga progresibong organisasyon sa buong bansa kasama ang PUP Community upang hamunin ang bagong presidente na ibasura ang mga polisiya ng nakaraang rehimen tulad ng pagtaas ng matrikula at ang K-12 program. Ang nasabing aktibidad ay unang hakbang ng sambayanan kaugnay ng nagdaang State Of the Nation Address (SONA).
Mr. and Ms. COC, Kinoronahan JOhanna Kelly Seras Ginanap ang taunang Mr. and Ms. COC noong Setyembre 9 sa Bulwagang Balagtas na siyang inorganisa ng COCStudent Council. Hinirang Mr. COC si Raydhel Lopez habang si Allysa Marie Baluran naman ang nagwaging Ms. COC. Mr. COC First Runner-Up naman si Jessrael Bermudez,
at Ms. COC First Runner-up ay Crissa Chirene Bug-os. Ang tinanghal na Mr. COC Second Runner-up si Paul Caesar Ian See, at Ms. COC Second Runner-up si Mikaela Ivana Foronda. Mr. and Ms. CoEd Noong Set. 6 naman ay itinanghal na Mr. CoEd si Ruben Ibarra at sa Ms. CoEd naman ay si Ciara Mae Tampos.
IMPERYALISMO, PYUDALISMO, BURUKRATA-KAPITALISMO, IBAGSAK! – Naglunsad ng raling iglap ang Kabataang Makabayan (KM) Kasabay ng pagsisismula ng Usapang Pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at gubyernong Duterte.
Unang Gawad Rogelio Ordonez, nilahukan ng mga Iskolar ng Bayan LALAINE RAMOS ADLAI ROSH PAPA Sapangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng College of Arts and Letters, idinaos ang taunang Buwan ng Wika kasabay ng unang Gawad Rogelio Ordonez bilang pagkilala at pagalala sa dating propesor at tanyag na manunulat. Naging parte ng Buwan ng Wika ang patimpalak ng Gawad Rogelio Ordonez sa Sabayang Pagbigkas na may piyesang “Sa Bayan ni Juan” kung saan nagwagi ng unang gantimpala ang Humanities and Social Sciences (HUMSS) 11-11, ikalawang gantimpala naman ang HUMSS 11-3, habang nasa ikatlo ang Arts and Design (ADT) 112.
Sa kategorya ng pagsulat ng tula, ang nagkamit ng unang gantimpala ay ang “Nais Kong Humingi Ng Tawad” ni John Robert Bolledo (BAJ 3-1D), ang ikalawang gantimpala ay ang “Babae” ni Jessa P. Miranda (BSED FL 2-1N) at ang “Ang Sampung Utos Ng Mga Diyos-diyosan” ni Eubert Lennard O. Torreliza (BSED FL 4-1N). Ang “La Rob Day” naman ni Janperson D. Bajar (HUMSS 11-9) ang siyang nagkamit ng ikatlong gantimpala. Habang ang “Dugo sa Pinakadulo ng Taludtod” ni Diana Grace Taala (ABF 3-1); “Ayan na” ni Giam Paulo Gentiles (HUMSS 11-10); at “Sa Likod ng mga Anino” ni Jenilyn C. Manzon (ABF 3-1) ay nagkamit ng Karalang Banggit. Samantalang sa pagsulat
ng maikling kwento, iginawad sa “Mga Kulangot ng Looban” ni Guia Freleen C. Sanchez (BAJ 3-1N) ang unang gantimpala. Ang ikalawang gantimpala ay nakamit naman ni Joeffrey MillagraciaSacristan (BSEDFL 4-1N) sa kanyang akdang “Bangungot sa Kandungan ng Panginoon” habang ang “Ang Pakikibaka ni Maria Clara” ni John Kenneth R. Lunaba (BAJ 3-1N) ang nagkamit ng ikatlong gantimpala. Sa pagsulat ng Sanaysay, Nagkamit ng unang gantimpala si Myca Cielo Fernandez (ABF 4-1); nasa Ikalawa naman si Lara Sawaan (ABF 4-1) at si Danica Mae Rodis (BBF 2-4) naman ay nagkamit ng ikatlong gantimpala.
Ito’y larawang nagpapakitang hindi na kayang tugunan ng purong dahas ang paglakas ng rebolusyon gaya ng ginawa ng mga naunang rehimen, dahilan upang pumaloob ang gubyernong Duterte sa usapang pangkapayapaan,
Sa Mindanao na pinagmulan ni Duterte tinatayang umabot sa mahigit 500 taktikal na opensiba (TO) ang isinagawa ng NPA noong 2015. Kasabay ng bawat TO ang pamamahagi ng lupang kinamkam ng mga panginoong maylupa sa mga magsasaka.
Habang lumalawak ang baseng kinikilusan ng NPA sa buong bansa dumarami ang mamamayang sumusuporta rito at sa pagsusulong ng kapayapaan.
Kaya umusbong ang PKP bilang organisasyong gagabay sa rebolusyonaryong layunin ng mamamayan, gayundin ang isang armadong pangkat na dudurog sa tatlong salot at magtataguyod sa interes ng mamamayan – ito ang New People’s Army (NPA).
‘Di pa man naitatatag ang PKP bilang pangunahing organisasyon ng manggagawa’t magsasaka matindi na ang kinakaharap nilang krisis, pumuputok na sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga malakihang welga sa pabrika at pagaaklas sa mga sakahang dinarambong ng panginoong maylupa.
Tatlong salot ang dahilan ng kahirapan sa lipunang Pilipino, ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Kasangkapan nito ang reaksyunaryong gubyerno upang dambungin ang yamang dapat ay tinatamasa ng mamamayan. Ito ang sistemang nais wakasan sa paglulunsad ng rebolusyon.
Kasaysayan ng Tunggalian
Ito ang tuntungan sa pagbubukas ng usapang pangkapayaan. Kung tutugunan ang ugat ng armadong tunggalian kailangang ibigay ang mga demokratikong interes ng mamamayan gaya ng karapatang pantao, repormang agraryo, nakabubuhay na sahod at libreng edukasyon, gayundid ang pagwawasto sa pulitika at pamamahala sa bansa.
Sa mata ng international law nasa digmaang sibil ang Pilipinas dahil sa pagiral dalawang gubyerno, ang gubyerno ng mamamayan sa pangunguna ng NDFP at ang reaksyunaryong gubyerno ng Pilipinas na kumakatawan sa mga malalaking negosyante at panginoong may lupa. Kapwa may armado silang pangkat na nagtutunggalian para sa kapangyarihang pampulitika dahilan upang ideklara ang State of Belligerency sa ating bansa.
Matapos palayain ang mahigit dalawanpung NDFP peace consultants’ mula sa bilangguan, may naabot namang tagumpay ang unang ikot ng usapang pangkapayapaang ginanap sa Oslo, Norway huling linggo ng Agosto. Nagbunga ito ng pansamantalang tigil putukan sa pagitan ng NPA at Armed Forces of the Philippines, gayunpaman nananatili ang paghahasik ng puwersang AFP sa komunidad ng mga magsasaka’t katutubo.
Maigting ang panawagan ng mamamayan sa paggulong ng Usapang Pangkapayapaan, itaguyod ang tunay at pangmatagalang kapayapaan at tugunan ang ugat ng armadong tunggalian. Dapat na ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas laban sa dayuhan, itaguyod ang nagsasarili ekonomya habang nilulunsad ang tunay na repormang agraryo at pambasang industriya na tutugon sa kawalan ng hanap buhay.
Usapang pangkapayapaan
Ngunit kung tunay na kapayapaan ang nais dapat maging aral kay Duterte ang kasaysayan, kahit maubos ang mga lumalaban kung hindi matutugunan ang kahirapang ugat kung bakit nag-armas ang mamamayan, uusbong at mamamayani ang bagong henerasyon ng mga rebolusyonaryong tatangan ng armas.
Ani Duterte ang kailangan natin ay kapayapaan para sa mga buhay at di sa mga patay, dagdag pa’y niya masyado nang nagiging madugo ang tunggalian sa pagitan ng NPA at AFP.
Dahil sa tulak ng anti-mamamayang mga puwers sa loob ng gubyernong Duterte, patuloy parin ang pananalanta ng mga neoliberal na atake sa mamamayan na nagpapashol sa kahirapan habang nagaganap ang usapang pangkapayapaan. Wala paring hakbang si Duterte upang tugunan ang kawalang trabaho, pangangamkam sa lupa ng mga magsasaka, pagbasura sa K12 at pagtigil ng militarisasyon sa kanayunan.
Binhi ng mamamayan, sa lupa ng digmaan
Ngunit kung tunay na kapayapaan ang nais dapat maging aral kay Duterte ang kasaysayan, kahit maubos ang mga lumalaban kung hindi matutugunan ang kahirapang ugat kung bakit nagarmas ang mamamayan, uusbong at mamamayani ang bagong henerasyon ng mga rebolusyonaryong tatangan ng armas.
Habang tumitindi ang krisis dulot ng mga neoliberal na atake sa kabuhayan ng mamamayan, umuusbong ang kondisyon upang lumaban. Ang kanilang sagot – Demokratikong Rebolusyong Bayan! Inilulunsad ngayon ng mamamayan sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa ating bansa, ang isa sa pinaka maigting na rebolusyon sa buong mundo.Ang dahilan ng pag-aarmas, kahirapan. At ang pagnanais ng sambayanan para sa tunay na panlipunang pagbabago. Bunga ng patuloy na paglawak at paglakas ng rebolusyonaryong puwersa kasabay ng malakas na panawagan para sa tunay na kapayapaan mula sa mamamayan, pumaloob ang gubyernong Duterte sa Usapang Pangkapayaan kasama ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Layunin nitong tugunan ang mga kagyat na pang-ekonomyang interes ng sambayanan at bigyang solusyon ang ugat ng armadong tunggalian.
DIGMAAN! DIGMAAN! DIGMAANG BAYAN!
Tanging sa umiigting na sama-samang pagkilos at suporta ng mamamayan para sa tunay at pangmatagalang kapayapaan makakamit ang tagumpay sa nagaganap na usapang pangkapayapaan.
The Catalyst
Paglalapat ni: Vince Hugo Villena | Artikulo nina: Pia Cyril Ramirez | Jonathan Christian Condes | Dibuho ni: Lowell David Timbang
ang mamamayan, SI DUTERTE, at ANG Usapang Pangk apayapa an
The Catalyst
08KULTURA
The Catalyst
TED PYLON’s KUMEMBOT EXPOSE
Half-human, half-marmol from Romblon
POKEMON GO EDITION After 972343 years, paborito pa rin ni Ted ang Pokemon, kaya naman pagkalabas ng Pokemon Go sa PInas ay dali-daling nag-download at naglaro ang ating Halfhuman, half marble friend from Romblon. Ano ba ‘to, puro Ratata na lang!” sa sobrang inis ni bebe mo Ted ay napapadyak siya, dahilan para mayanig ang Teresa at magka-crack ang bagong sementong kalasada nito. Little did he know, nakapagbukas siya ng portal leading to another dimension (maybe?) with matching rainbow colors pa as effect. Agad namang na-attract si Teddy, “Wooow, Baka may rare dun!” Dali-daling naglakad papasok ang ating sumbungan ng bayan, bitbit ang kanyang android phone at Red cosplay (boo panget mo ash!) Oooh, another world nga ang napasukan ni Ted! Dahil pagtungtong na pagtungtong niya ay sandamukal na pokemon ang kanyang nakita. But wait, hindi lure party ang ganap. NASA POKEMON WORLD NA SI BEYBE TED! “Omayghaaaad naging si Dugtrio ako!” sigaw ni Ted, matapos niyang makita ang kanyang new self. Apparently lahat ng nasa loob nito ay nagiging pokemon Teka. Mga dating tao rin sila? (or marmol din. LOL.) Agad na itinago ni Ted ang kanyang phone at naglibo pa. “Somethings fishy. Hmm.” Sabay hawak sa kanyang chin. Oh wait wala palang baba si dugtrio. ;( Naglakad ng naglakad si Ted hanggang sa makakita siya ng Pokemon Training Center. Dali-dali niya itong pinasok sa pagbabakasakaling may impormasyong makukuha. “Welcome to the Pokemon Training Center! Nawawala ka bang Pokemon? Salubong sa kanya ng isang assistant, si Jigglypuff. “Ah, hindi, bago lang me here. Hi!” pakilala ng ating marble este dugtrio friend. Patago namang ngumiti si Jigglypuff sabay nag-alok ng tour na siya namang tinanggap ni Ted. Doon niya nakita in person kung paano ba mag-train ng pokemon – with care. “Oooh, gusto ko mag-apply for training! I wanna be the very best (sabay kanta ng
theme song. Hayy) Pagkatapos nun ay siyang labas ng mala-minion na Machamp at ipinasok si Ted sa isang facility. Ohwemgee. “Waaa what is this?” Kinakabahan na ang ating marble friend! “Tumahimik ka nga! Ikaw naman may gusto nito! Kailangan mo ng training para madisiplina!” Oh no! Hindi pala with care ang pagte-train sa mga pokemon! Nakita ni Ted ang tunay na kalagayan ng mga pokemon matapos siyang dalhin sa isang kwarto na puro bugbog na pokemon. “Omigash! What happened to you?” “Nalinlang kami! Sabi nila, ‘pag pumasok kami sa ganitong training, magiging the very best kami!” Iyak ng isang Charmander. “Pinapahirapan nila kami! Kapag hindi kami sumusunod, pinapalo nila kami o kaya’y hinahampas ng kung anuano. Huhuhuhu.” Sabi naman ng isang Bulbasaur. Biglang may naalala si Ted. Hindi rin pala kaiba sa real world ang nangyayari. Naalala niya ang mga ginagawa sa ROTC program sa mga universities, kasama ang Sintang Paaralan. “Alam niyo bang pati sa mundong pinanggalingan ko ay may ganito rin!” pasikat ni Ted. Agad naman niyang ikinuwento ang ROTC kung saan nagiging daan lang ito upang imilitarisa ang mga paaralan, dagdag pa ang mga pangaabusong ginagawa sa loob sa ngalan ng “nasyonalismo “at “disiplina”. “Teka. Hindi ba’t ganun na rin ang ginagawa satin? Dapat tutulan ‘to!” Sabay tayo ng isang clefairy. Kahit si Snorlax na madalas tulog ay naging ang diwa at sumang-ayon. Agad na nag-isip ng plano ang mga kaibigan nating pokemon tsaka nila giniba ang Training Facility para makalaya. Nagulantang ang mga trainer kuno sa ginawa ng mga pokemon. Nagsamasama ang mga ito upang wakasan ang ginagawang pananamantala sa kanila. Pati ang mga nasa labas ng center ay nakiisa na. Sa sobrang takot ng mga trainers sa lakas ng sama-samang pagkilos ng pokemons, sumuko rin sila at nangakong hindi na muling gagawin ito. Sa lakas ng
daluyong ng mga pokemons bumukas muli ang portal at nilamon si Ted pabalik sa Real World. “Whoo! I’m back! I missed you PUP! I missed you Iskos and Iskas!” Mula sa Teresa ay nanakbo si Ted pabalik sa kanyang usual spot sa gate upang makipag-chikahan muli sa mga iskolar ng bayan. Ngunit pagbalik na pagbalik niya ay sumambulat naman sa kanya ang balitang dapat gawing Mandatory ang ROTC. Oh noes! Another problem to solve nanaman ang ating sumbungan ng bayan! Kaya naman imbis na tumambay siya sa kanyang crib (Yes naman!) ay pumasok siya sa mga classroom (Kahit ‘di siya kasya) at nagkuwento ng kanyang experiences at ipinaliwanang na dapat tutulan ang ROTC. “Kaya naman mga Isko at Iska, Huwag nating hayaan na sa pamamagitan ng pagbibilad sa araw mabigyang kahulugan ang nasyonalismo! Kumilos tayo para sa tunay na pagbabago! Like us: facebook.com/pupthecatalyst facebook.com/TedPylon Follow us: @pupthecatalyst @ted_pylonofficial
NI:
Joachim Santos
KOMUNIDAD09
The Catalyst
“EKONOMYA ANG USAPIN” Mula sa: ANG BAYAN | August 21 Issue
“
S a k a t u u s t u u s a n , a n g pundamental na pagbabago sa lipunan at sistemang pangekonomya ay makakamit lamang sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pagbabago.
“
Ang mga usapin sa ekonomya ang nasa ugat at nagdurugtong sa iba't ibang mga tampok na problemang kinakaharap ng bayan. Pinakahinahangad ng mamamayan ang mga pagbabago sa mga patakaran sa ekonomya at lipunan upang ilagay ito sa landas ng pag-sulong mula sa mahabang panahon ng krisis at pagkalugmok. Sa kabila ng mga progresibong deklarasyon, ang mga patakaran ng rehimeng Duterte sa ekonomya, sa kalakha'y nakarugtong pa rin sa mga neoliberal na programa ng nakaraan: pag-akit sa dayuhang pamumuhunan, pagpondo sa imprastruktura na walang saysay kung walang pagbabago sa kawalan ng lupa at mababang sahod. Sa pakikipag-alyansa at pakikibaka sa rehimeng Duterte, dapat itulak ng mamamayang Pilipino ang malalalim na pagbabago sa patakaran at direksyon ng ekonomya, para lutasin ang
pangkagyatan at pangmatagalang mga problema ng bayan. Napapanahon na sa mga darating na buwan ay nakatuon sa ekonomya ang usapang pangkapayapaan. Dapat aktibong makihamok ang sambayanang Pilipino upang mapatampok ang kanilang lugmok na kalagayang panlipunan at ang kanilang sigaw para sa masaklaw at malalim ng mga pagbabago sa sistema ng ekonomya. Malaki ang bahagi ng mamamayan upang maging mabunga ang usapang pangkapayapaan. Dapat aktibo nilang iabante ang kanilang mga hinaing at usapin sa mga kinatawan ng NDFP at GRP upang maisama sa mga bubuuing kasunduan. Dapat nilang igiit na tingnan at tratuhin ang ekonomya sa punto de bista ng mamamayan at hindi sa pananaw at interes ng mga dayuhang bangko at ng mga sinanay nilang
burges na akademiko at teknokrata. Dapat nilang igiit na ang sukatan ng malusog o maunlad na ekonomya ay usapin hindi ng mga datos ng GNP o GDP, dayuhang pamumuhunang tuwiran man o portfolio, o ng "credit rating." Lahat ito'y sukatan ng sigla ng dayuhang pamumuhunan sa Pilipinas, pero hindi nagsasalamin sa kongkretong kalagayan ng mamamayan. Dapat nilang itulak na ang usapin ng ekonomya ay dapat intindihin sa punto de bista ng mamamayan at sukatin kung papaanong natutugunan ang kapakanan ng mga manggagawa, mga magsasaka at maliliit na kawani at propesyunal. Mayroon ba silang trabaho? Sapat ba ang kita? Mayroon ba silang sapat na laking lupang binubungkal? Mayroon ba silang nauuwiang matibay na bahay, mayroon bang tubig, kuryente, komunikasyon at iba pang sukatan ng disenteng buhay? Nakapag-aaral ba sila hanggang kolehiyo? Nabibigyan ba ng serbisyong kalusugan? Dapat magpakahusay ang buong sambayanan sa usapin ng ekonomya. Dapat nilang basagin ang kaisipan na ang pag-aaral sa ekonomya ay larangan lamang para sa mga eksperto at akademiko. Dapat silang mag-aral ng rebolusyonaryong teorya at ilapat ang pag-aaral sa ekonomya sa kongkretong karanasan ng masang anakpawis.
Dapat nilang suriin, punitin at iwaksi ang neoliberalismo at iba't ibang mga teorya sa ekonomya na ginagamit ng IMF at mga sugo para bigyang-matwid ang mga patakarang naglulugmok sa ekonomya sa palagiang krisis sa ilalim ng atrasadong sistemang malakolonyal at malapyudal. Para sa masang anakpawis at mga produktibong sektor, ang usapin ng ekonomya o ng sistema ng ekonomya ay pumapatungkol sa usapin ng kung sino ang nagmamay-ari ng mga kagamitan para sa produksyon, gaano kaunlad ang mga kagamitang ito, sino ang lumilikha ng yaman o lumalahok sa produksyon at papaano pinaghahatian ang nililikhang yaman. Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, nasa kamay ng malalaking panginoong maylupa at burges kumprador ang mga kagamitan sa produksyon. Kasabwat ang mga dayuhang malalaking kapitalista, sinasamantala nila ang murang lakas-paggawa at pagkamkam ng murang mga produktong agrikultural, mineral at iba pang hilaw na materyales. Ang mga manggagawa, magsasaka, mga manggagawangbukid at iba pang produktibong sektor ang siyang lumilikha ng yaman. Subalit kinakamal iyon ng mga uring ... sundan sa pahina 11
KORONA
10 PANITIKAN
The Catalyst
Koya! Wag po Koya!
Bata pa lamang ay ako na ang pinakamagandang babae pangarap ko na ang maging sa lahat. “Beauty Queen” laman na ako ng iba’tibang pa-Contest sa mga Barangay. “If you were to win the title, what will Lahat ng tao, Humahanga sa aking be your advocacies?” ganda at perpektong postura. Sandali akong natigilan at pilit na Habang tumatanda ay pinapangarap inaalala ang dapat magiging sagot ko ang makasali at koronahan sa sa katanungang ito. Binibining Pilipinas, tanghalang pinakamaganda sa lahat. “Ah, If….. I. were…to be..” Hindi biro ang aking pinagdaanan, mas mahaba pa sa pila ng Unibersidad na aking pinapasukan lang matanggap sa audition. Puno ng kaba at takot ang namumutawing pakiramdam sa aking katauhan, hanggang sa tinanggap ako ng mga Organizer at siguradong lalaban para sa titulong Binibining Pilipinas. Ito na ang gabing aking pinakahihintay, Naglakad ako ng may kumpiyansa sa sarili at ibinigay ang lahat ng aking makakaya. “And for our Top 5” “………” “Magdalena Liwaygaya”
Hindi ko na maalala ang lahat. Basta ko nalang ibinaba ang mikropono ng marinig ang tunog na senyales ng pagtatapos ng oras sa pagsagot, “The next binibining Pilipinas is……” “………” Kumaway-kaway ako sa madla habang nakapatong na sa aking ulo ang bilao na naglalaman ng aking panindang gulay at akin naring naging korona, hawak ko narin ang dahon ng kangkong na siyang nagsisilbing bulakak ko.
Ito ang kwento ng aking pangarap. Pangarap na Labis ang aking tuwa na nadarama, naibaon ko na sa limot. Isang tanong na lang at makukuha ko na ang pinaka-aasam asam na KORONA;
SECOND COMING JUSTINE PATRICIO
Gabi na’t umakyat pa lamang sa pulpito ang ministro. May kumpiyansa siya sa sarili nang siya’y tumindig. Ang kongregasyon ay tahimik at ang sermon niya’y handa na. Sila’y nagdasal bago magsimula: “Sa ngalan ng bato, ng kutsara, at ng apoy, hipan niyo nawa ang trumpeta ng pag-asa. Amen.” Katahimikan ang sumunod na bumalot sa paligid. “Kayong mga nagsisisamba, mangagsisi kayo ‘pagkat darating na ang Panginoon!” “Siya nawa!” Ang tugon ng kongregasyon. “Uulan ng bato pagdating ng Panginoon! Kaya mangagtipon tayo sa labas at itaas ang ating mga kutsara!” “Siya nawa!”Ang malakas na sigaw ng marami. “Bubuhos naman ng apoy ‘pagkat pangako niya na hindi
na niya muling lulunurin ang mundong ito!” “Purihin ka. ‘Pagkat tutunawin mo ang bato!” Ang sagot ng kongregsyon. “Kaya ipatunog ang ating pakakak at magdiwang sa paparating na Panginoon!” Ang sambit ng ministro. Ang bawat isa’y ngabas ng trumpeta at ang lahat ay nagpakaligaya. Kasama ang ministro, nagpaingay sila gamit rin ang kutsara. “Purihin, ikaw na darating… Bato’y iyong ibaba…. Sa lupang malapit nang mawasak… Apoy ay iyong madaliin…. Upang ang langit ay makamtan rin… Purihin, purihin, Aleuya! Purihin, purihin, Aleluya!” Ito ng kantang maririnig sa buong paligid. Habang sila’y nagpakaligaya, may kakaiba silang naramdaman.
“Mga tao,” ang sambit ng ministro, “tayo’y umaakyat na patungong langit, tara’t lakasan ng awit ng papuri!” “Amen, papasok na tayo sa langit!” Ang tugon ng kongregsyon habang namumugto sa kanilang mga mata ang luha dulot ng ligaya. “Purihin ka Panginoon!” Bang…bang…bang…bang! Isa-isa silang pinapababa sa langit. Ang lahat ay humahagulgol sa sobraang lungkot hanggang sa ang paligid ay tumahimik. May isang tao na lumapit sa lugar, “Ayaw paawat ng mga ito, may ultimatum na, ganto pa din? Drugs pa e. Mga kasama, ilagay nyo na ang mga karatula.” Inilagay nila ang mg karatulang nagsasabing, “Pusher ako, ‘wag tularan.”
KARL JOSHUA REGALADO Tahimik ang buhay ko Mula sa paggising hanggang sa pagtulog Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog Mula sa pagbangon hanggang sa paghingang muli Sa lipunang, katotohana’y tagpi-tagpi Hustisiya’y bali-bali At kung saan ang paggawa ng tama ay mali Naninirahan sa mundong pinapaikot ng salapi Mga mamamayan nito”y dumadaan pa sa isang proseso ng pagpili Siyempre nasa taas si Maria! Yung dalagitang kutis porselana? Yung pagdumadaan sa kalsada’y nag-aaway ang mga mag-asawa? Kinalilibugan ng mga kalalakihan Kinaiinggitan ng mga kababaihan Itinuturing na Diyosa sa taglay niyang kagandahan! Eh si Totoy Bato? Kilala mo? Yung manong dun na mas marami pang pera sa bangko? May tatlong bahay, tatlong kotse Koleksyon daw ang sabe! Pero ano ang paborito? Yung bilin ang pagka-birhen ng mga babae jan sa kanto! Payag naman ang mga loko Palibhasa’y madatung si Pontio Pilato! Walang pake kung sirain ng kanyang pagkalalake ang kanilang pagkababae Basta’t matunog ang bulsa At makapal ang pitaka. Pero malayo sila sa kinaroroonan ko Dito sa may amin Nagtataasan ang bilihin Mistulang kompetisyon
DALI!!!
NI: EDRIAN MORALES
sa lalim ng pagkabaon sa utang sa tindahan ni aling Puring Sapilitang pag-gipit Para sa patalim ay tuluyang kumapit Sa lugar kung saan ayaw na ni Pasko sumapit Si Bagong Taon ay kamalasan lang ang bitbit Walang ibang ipinagdiriwang kundi Araw ng mga Patay Mga nagkalat na mga bangkay Dulot ng drogang pampasarap O krimen na ginawa para kahit konti’y kaginhawaay malasap Pero hindi! Mali ito! Mali! Hindi ito ang ginusto ng mga mamamayan! Hindi ito ang bayang ipinagtanggol ni Pepe sa Bagumbayan! Alam mo kung ano? Sige! Pwede mo itong I-tweet o i-status. Bumabalik na naman ang kaugalian, ang dahilan at ang kamalian kung bakit siya nagpapako sa krus. Oh ano? Intense ba? Isinisisi sa namumuno ng media Ano to? Joke? Nakakatawa! Mga namumuno ay batikang manloloko, totoo Pero ang mga sumusunod ay batikan din sa pagpapaloko! Pagkatapos ano? Huhukayin na naman ang bangungot na matagal nang ibinaon sa limot sa isip at sa puso? Hala sige! Gumising ka! Kalabitin ang katabi at magkaisa! Upang ang nasirang Lupang Hinirang ay muling maging Perlas ng Silanganan.
Pasa na tayo ng literary! Punta na sa The Catalyst Office | Rm 206 Charlie Del Rosario Bldg. Contact: 0906-179-9437
PASA KA HA...HINIHINTAY KA NAMIN!
KOMUNIDAD11
The Catalyst
S CAMPU LAYP
Naniniwala ka bang change is coming?
CATApost 1. Ano ang hamon mo kay Pres. Duterte? 2. Ano ang Farewell Message mo kay Noynoy?
TERESA – ABM 11 – 20 “Hindi pa sa ngayon.” JASMIN – GAS 11 – 1N “Hindi ‘ko alam e. Feeling ‘ko kasi ‘yung mga drug lords lumalala lang.” PATRICIA – BSBA HRDM FS – 1N “Yes. Noong paglalatag lang niya ng plataporma noong kampanya, alam natin na magagawa niya talaga ‘yon dahil sa determinado s’yang baguhin ang bansa. Kita naman natin sa kampanya niya laban sa droga. Hindi man maganda ang paraan niya ng pagbabawas ng mga nalulong sa droga ay may pagbabago namang nangyari.” ANGELENE – BSCS 2 – 3 “Marami na rin namang mga politiko ang nagsabi ng ganiyan pero yung kay Duterte, iba ‘yung impact nun sa mga tao. Sana sa pagbabago man n ‘yun na sinasabi niya ay ‘di naman sana mapaasa ‘yung mga mamamayang binigyan siya ng pagkakataong gawin sa anim na taong serbisyo niya. Sa ngayon, wala pa ‘kong masasabi dahil kauumpisa palang ng termino niya e, so sana maging mas maayos at mapaypa ang Pilipinas at mapatunayan talaga niyang change is really coming.” LOIS – GAS – 2N “Nope, kasi hindi lang isang tao ang makakakapagbago sa isang bansa kundi ang Diyos at kung ‘di rin magtutulungan ang mga tao hindi makakamit ang pagbabago.” KARL – BPS 2 – 1 “Yes, based sa mga napapanood ko unti-unti na ring nababago ang government natin. Andiyan ng inaayos ang NAIA, nililinis ang mga corrupt sa government at pinaptay ‘yung mg drug user at etc.” QUEENIE - HUMSS 11 - 11 “Yung change naman, hindi naman siya sa presidente manggagaling e. Yung sinasabi nating pagbabago, sa atin manggagaling. Syempre, kung hindi tayo kikilos, paano mababago yung bulok na sistema? Dapat hindi iasa sa iisang tao, tanging tayo lang ang magdidikta niyan.”
mula sa pahina 9 ...nagmamay-ari. Ang masang anakpawis ang pumapasan ng bigat ng malawak na disempleyo, mababang sahod, migrasyon, pang-aagaw ng lupa at iba pa. Mataas ang hangarin ng bayan na makitang lumakas ang progresibong aspeto ng rehimeng Duterte upang positibong salubungin ang mga adhikain ng bayan para sa pagbabago. Nais ng mamamayan na makitang lubusin ni Duterte ang mga progresibong deklarasyon para tuparin ang pamamahagi ng lupa kahit sa ilalim ng CARP, wakasan
ang “endo” at pleksibilisasyon ng paggawa, itaas ang sahod, itigil ang walang pakundangang mga demolisyon at mapaminsalang mga operasyon sa pagmimina, paunlarin ang pampublikong serbisyong pangkalusugan at edukasyon, ibasura ang K-12, isubsidyo ang produksyon ng palay at pagkain, at iba pa. Dapat palakasin ni Duterte ang independyenteng patakarang panlabas upang buksan ang mga oportunidad sa pagtutulungan sa ekonomya sa iba’t ibang bansa na mapagkukunan ng langis at iba pang rekurso, kapital para sa
pamumuhunan at teknolohiya. Magiging sukatan ng progresibong determinasyon ni Duterte kung magpupunyagi siyang palakasin ang pakikipagkaisa sa mga pwersang pambansa-demokratiko sa pamamagitan ng usapang pangkapayapaan at iba pang anyo ng pakikipagtulungan para isulong ang makabuluhang pagbabago sa ekonomya at buong lipunan. Gaano man ito kasaklaw, tiyak na aalma ang ibang bahagi ng naghaharing uri, maging ang ilang malalaking komprador at panginoong maylupang nasa likod ni Duterte.
Sa katuus-tuusan, ang pundamental na pagbabago sa lipunan at sistemang pangekonomya ay makakamit lamang sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pagbabago. Kaya dapat laging palakasin at patatagin ng sambayanang Pilipino ang kanilang independyenteng lakas pampulitika at tanawin ang pagbabagsak ng lumang bulok na estado at pagtatayo ng bagong estadong demokratiko at pagpupunyagi sa sosyalismo.
The Catalyst Resume GPH peace negotiations with the NDFP and complete those with the MILF.
Uphold national sovereignty and territorial sovereignty. Respect human rights and give full paly to democracy.
Reassert economic sovereignty and conserve national patrimony.
Pursue an independent foreign policy and develop closet cooperation with all neighboring countries for the purpose of international solidarity, peace and development.
Carry out national industrialization as the lead factor of economic development and as the key to solving unemployment, poverty, & underdevelopment.
Ensure wise utilization of natural resources and protection of the environment.
Implement land reform as a matter of democratic right and social justice, as the foundation of economic development and as a method of liberating the landless tilers, releasing capital, promoting rural development and creating a domestic market.
Improve the wage and living conditions of workers, protect and promote all possible means of livelihood and raise the people’s standards for living.
Expand social services, especially in education, health and housing, and improve public utilities.
Respect the rights of national minorities to self-determination and development.
Uphold gender equality in all fields of social activity and combat gender/ sexual discrimination.
Stop plunder and all forms of graft and corruption and punish the perpetrators; end the pork barrel system and channel government funds to economic development, i n f r a s t r u c t u r e development, and expansion of social services.
11
Promote a patriotic, democratic, scientific, and progressive system of education.
Reduce military expenditures and channel the savings to economic development and social services. SOURCE: BAYAN Paglalapat ni: Justine Patricio