August-September Issue 2017

Page 1

The Catalyst

Dibuho ni: Christian Henry Diche

KUMPISAL SA BAYAN Sa isang taon ng administrasyong Duterte... Ang mga kasalanang ginawa ng administrasyong Duterte ay dapat ikumpisal; hindi sa simbahan kundi sa bayan.

LATHALAIN04

Vol. 31| Issue no. 2| August-September Issue

FILIPINO: ANNYEONG GINAWA SA’YO? KULTURA06

LABAN PARA SA HIGIT PANG TAGUMPAY

EDITORYAL08

Senior High, nagwalkout laban sa Mandatory Uniform, K-12

BALITA03


02 BALITA

The Catalyst

Matapos ang isang taon ng administrasyong Duterte,

SONA ng Bayan, isinagawa

ANGELO ABADILLA MARJORIE CABEBE Bitbit ang pagkundena sa pasismo ng estado at paniningil ng mga binitawang pangako ng pangulo, tinatayang 50,000 mula sa iba’t ibang sektor ang lumahok at nagmartsa patungong Batasan noong Hulyo 24 bilang tugon sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Rodrigo Duterte. Nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa pangulo ang mga militante dahil sa hindi pinanindigang mga pangako sa mamamayan tulad ng pagtatanggal ng kontraktwalisasyon at usapin ng reporma sa lupa. Malakas din ang panawagan laban sa Martial Law sa Mindanao kung saan libu-libong Pilipino ang nagiging biktima ng inilulunsad na gyera ng gobyerno at AFP doon. Ayon sa mga nagsalita sa programa walang idinudulot ang batas militar ni Pang. Duterte kundi pandarahas at pambubusabos sa mamamayan. Sa tala ng Ibon

Foundation noong hulyo, aabot sa 507 ang bilang ng namatay kung saan 379 ay mga terorista. Nasa 89 na mga tropa ng pamahalaan naman ang nasawi kasama ang 10 sundalong tinamaan ng mga ibinabagsak na bomba ng AFP. Nasa 400,000 residente ng Marawi at mga katabing lugar naman ang lumikas dahil sa bakbakan. Kabilang rin sa sumama sa SONA ng Bayan sina Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, at Anti-Poverty Commission Secretary Liza Masa at nagpahayag ng kanilang pakikiisa sa laban ng mamamayan. Pagharap ni Duterte Matapos naman ang kanyang SONA, lumabas mula sa House of Representatives (HOR) si Pang. Duterte upang harapin ang mga militante. Matapos ipanawagan ng mga dumalo ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan, agad namang naglabas ng saloobin si Duterte sa mga kaliwa hinggil sa di umano’y

pananambang sa kanyang Presidential Security Group (PSG) sa North Cotabato. Ang sinasabing pananambang ay isa sa mga dahilan bakit kinasela ang usapang pangkapayapaan ayon kay Duterte. Kasabay nito, umapela siya sa taumbayan na bigyan pa siya ng panahon at unawain dahil isang taon pa lamang siya sa panunungkulan. “Bigyan mo ako ng panahon, isang taon lang ako president bakit ninyo ako ganunin. I promised you land reform, tanungin niyo si (Agrarian Reform Secretary Rafael) Mariano kung anong ginagawa niya,” banggit niya. Matapos ang pagharap ni Duterte, nagpahayag naman ng pagkadismaya si Teddy Casiño, dating representante ng Bayan Muna sa kawalan ng pagkilos ng pangulo upang solusyunan ang problema ng bansa. Dagdag pa rito, sinabi nitong hindi makakaasa ng respeto mula sa mga taumbayan ang pangulo sapangkat siya ang hindi rumespeto.

SONA NG BAYAN – Isa sa mga pinakabinitbit ng mga militante ngayong taon ang hinggil sa isyu ng Martial Law sa Mindanao.

COC@16, Inulan ng Mahika BRIAN JULES CAMPUED The Communicator Napuno ng mahika ang pagdiriwang ng ika-16 na anibersaryo ng Kolehiyo ng Komunikasyon na idinaos noong Hulyo 2431 na may temang “COC at 16: Wilder, Wackier, Wittier, Wiser”. Tampok sa selebrasyon ang ‘highlight event’ ng Advertising and Public Relations na ‘Enchante’, ang ‘WickeDare’ ng Broadcast

Communication, ang ‘How Far You’ll Go’ ng Communication Research, at ang ‘Disney Night’ ng Journalism. Kabilang din sa COC Week ang mga patimpalak pang-akademiko, pagsulat, pagpinta, at pagkuha ng litrato. Matatandaang bunsod ng masamang lagay ng panahon noong Hulyo 27 at 28 at sa suspensyon ng mga klase, ay inilipat ang pagtatapos ng pagdiriwang noong Hulyo 31.

Bilang protesta para sa pagrerefund ng matrikula,

Opisina ni De Guzman, sinugod PATRIZIA MORADOS ANGELO ABADILLA Kinalampag ng mga kabataan mula sa mga progresibong organisasyon noong ika-9 ng Agosto ang opisina ni Pres. Emmanuel de Guzman at iba pang mgaadministrador upang ipanawagan ang pagbabalik ng kinolektang matrikula sa freshmen ngayong semestre. Ayon kay Student Regent Karl Paulie Anareta, kahit pa naglaan ng badyet para sa libreng matrikula sa loob ng PUP ay patuloy pa rin ang pangongolekta sa hanay ng

freshmen. Kasabay nito, nariyan pa rin ang Other School Fees (OSF) na patuloy na lumalaki. “Aabot sa 70-90 porsyento ng binabayarang tuition ng mga iskolar ng bayan ang OSF, ngunit hindi naman ramdam ng mga estudyante ang kanilang binabayaran at napupunta lang sa bulsa ng mga administrador,” banggit ni Anareta. Dagdag pa niya, ginagawa namang Income Generating Project (IGP) ng administrasyon ang mga pasilidad sa pamantasan kung saan mayroong sinisingil na renta sa mga ito

imbes na ipagamit ng libre. Sa pagtatapos ng programa, binaggit ni Anareta na magpapatuloy lang ang mga pagkilos hangga’t hindi nire-refund ang ibinayad ng mga freshmen at hangga’t nagpapatuloy ang banta ng mga other school fees sa pamantasan. “Isang tagumpay ng kabataan ang pagpapatupad ng libreng matrikula sa bansa, kaya naman tungkulin nating ipagpatuloy ang laban upang matiyak at makamit ang libreng edukasyon.” Panapos nito.

PUPian nanguna sa Nutrition-Dietitian Licensure Examination GLYCEL MALACAD JENNY BARBOSA Nanguna si Abigail Ringalota Catacutan ng Polytechnic University of the Philippines-Sta. Mesa sa Nutrition Dietitian Licensuer Examination (NDLE) na may kabuuang marka na 91.00, kung saan hinigitan niya ang iba pang examinees mula University of the Philippines, University of Sto. Tomas, at

iba pang unibersidad. Samantala, nasa pangatlo naman si Shariel Eunice Juanillas na mayroong 90.05 at pumang-anim naman si Alexandra Mogol Villarosa na mayroong 89.00. Sa pangkabuuan, naka ikatlong posisyon ang PUP (89.77 porsyento) sa listahan ng mga nangungunang pamantasan para sa NDLE. Sa 88 kumuha ng pagsusulit, 79 ang pumasang PUPian.


BALITA03

The Catalyst Senior High, nag-walkout laban sa Mandatory Uniform, K-12 CLARISSE PULBOSA MARJORIE CABEBE Sa pangunguna ng Anakbayan-HUMSS, nagmartsa sa ilalim ng init ng araw mula Condotel patungong PUP Main Campus ang daan-daang Senior High School noong ika-9 ng Agosto para iparating ang kanilang pagkundena sa pagpapatupad ng Mandatory Uniform sa hanay ng mga Senior High School. Kaugnay nito, nagsagawa sila ng programa sa tapat ng opisina ni Principal Tahil kung saan mas pinagtibay nila ang layunin ng kanilang protesta. Saglit lamang na lumabas si Principal Tahil agad rin namang pumasok sa kaniyang opisina kung saan nakipagdayalogo ito kasama ni PUP Student Regent Karl Paulie Anareta at Student Council ng Humanities and Social Sciences strand.

Ayon sa AnakbayanHUMSS, ang pagpapatupad ng Mandatory Uniform ay isa lamang manipestasyon ng pagiging komersyalisado ng edukasyon sa bansa. Dagdag pa nito, ang ganitong polisiya ay kasama ng K12 at iba pang neoliberal na polisiya sa edukasyon na patuloy na nagkakait sa kabataan sa kanilang karapatan sa edukasyon. Matapos ang dayalogo, ibinahagi ni SR Anareta sa mga nag-walkout na nanatiling matigas sa desisyon ang prinsipal ukol sa pagpapatupad ng Mandatory Uniform Policy, na siyang ikinadismaya ng mga estudyante. Sa kabila ng naging desisyon ng administrasyon, nanatiling tumitindig ang Anakbayan at ang Senior High sa kanilang kampanya at nangakong maglulunsad pa ng mga pagkilos upang igiit ang kanilang laban.

Free Education Bill, naisabatas na EDRIAN MORALES Opisyal nang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act noong Agosto 3 na siya namang mainit na sinalubong ng kabataan. Ginagarantiya ng batas na ito ang paglalaan ng badyet para sa matrikula ng 112 State Univesities and Colleges sa buong bansa. Idiniin naman ni Budget Secretary Benjamin Diokno na magkakabisa ang batas simula sa susunod na taon. Pauna rito, naglaan ng P8.3 Biliion ngayong taon para sa libreng matrikula ng

SUCs. Kasabay nito, mainit na sinalubong ng kabataan ang pagkakapasa ng nasabing batas. Ayon sa pahayag ng Kabataan Partylist, isa itong tagumpay ng kabataan na patuloy na lumalaban para sa libreng edukasyon. Ngunit kasabay nito, nagpahayag ang mga liderkabataan na dapat maging mapagbantay ang kabataan sa Free Tuition Law. Ayon dito, ang pagkakapasa ng batas na ito ay isang tagumpay para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon ng kabataan ngunit isang hakbang pa lamang ito upang lalong ipanawagan ang libre at de

kalidad na edukasyon sa bansa. Sa lokal na sitwasyon, nagkasa ng isang pagkilos ang komunidad ng PUP matapos maparimahan ang Free Tuition Law, kasabay ng pagpapanawagan ng pagrerefund ng siningil na matrikula sa freshmen. Ayon kay Student Regent Karl Paulie Anareta, siningil ang freshmen ng matrikula sa pamantasan kahit pa mayroong nakalaang badyet sa PUP ngayong taon para sa libreng matrikula. Kasabay nito, hinamon ni Anareta ang mga iskolar ng bayan na lalong palakasin ang laban para sa libreng edukasyon sa bansa.

“BREAK TIME� Abigail Almario

Iba’t ibang Sektor, Nagmartsa Laban sa Pasismo LALAINE RAMOS Nagkasa ng Pambansang Araw ng Walkout laban sa Martial Law at Pasismo ng Estado ang mga progresibong grupo ng kabataan noong ika-17 ng Agosto bilang pagkundena sa patuloy na pag-atake ng rehimen sa hanay ng mamamayan. Ayon sa Anakbayan, ang pagkakapaslang sa 17-anyos na si Kian Delos Santos ng pulisya ay isang malinaw na halimbawa kung paano lumilikha ng mga pekeng enkwentro ang mga nasa kapangyarihan para makalusot ang extrahudisyal na pagpatay sa mahihirap. Ayon naman kay A n a k b a y a n - P U P Spokesperson at Student

Regent Karl Paulie Anareta, taliwas sa sinasabi ni Pangulong Duterte na isa siyang sosyalista, sa totoo ay isa lamang itong pasistang pumapaslang sa mahihirap habang naglilingkod sa interes ng oligarkiya. Dagdag pa ni Anareta, imbes na magbigay solusyon ang gyera kontradroga ay mas lalo lang lumala ang kalagayan ng bansa at naglikha pa ng takot sa mamamayan. Kasabay nito, nanawagan naman ang mga progresibong organisasyon sa kabataan at mamamayan na kundenahin ang lahat ng atake ng rehimeng USDuterte sa karapatang pantao, pagpaslang, pambobomba, at papatinding pasismo ng estado.


Pride, Greed, Gluttony:

LASING SA PAGLAKLAK NG DUGO NG BAYAN Tila hayok sa dahas at uhaw sa dugo ang unang taon ni Duterte. Sa paninimula pa lamang ng pamumuno ni Duterte, libo-libo na ang namamatay dahil sa ipinagmamalaking pasismo ng rehimen. Iba’t ibang mga oplan na ang naisagawa upang mangyari ang mga pagpatay na ito. Mula sa Oplan Tokhang hanggang sa Martial Law na kanyang ipinatupad, samu’t sari na ang mga pagpatay na naglipana sa ating bansa. Sa kasalukuyan, aabot na sa 13,000 ang pinatay ng Oplan Tokhang, lehitimo man o hindi nasangkot sa iligal na droga. At sa bawat kalabit ng baril ay ang pagbibigay galang sa mayayamang

napapatunayan. Kahit pa isinusuka na ng mamamayan ang Oplang ito, taas noo pa ring ipinagmamalaki ng rehimeng Duterte ang pagpaslang sa mahihirap. Pinakabagong biktima nito ay si Kian Delos Santos, 17 taong gulang na walang habas na pinatay ng pulisya, kahit pa inosente ito at nais lang umuwi matapos manggaling sa kanilang tindahan. Kasabay nito, patuloy pa rin ang Batas Militar sa Mindanao na malinaw na tanging sa mamamayan lamang nakatutok ang mga riple’t bomba ng militar. Habang ipinamumukha ng AFP ang lakas nito sa mga sinasabing terorista, dose-dosenang bomba ang

The Catalyst

ibinabagsak kada araw, nagsisimatayan ang mamamayan sa mga evacuation center, at patuloy ang paglabag sa karapatang pantao sa Mindanao. At sa desisyong pagpapalawig nito hanggang katapusan ng taon, pinatunayan lang ni Duterte at mga sunud-sunuran nito kung gaano sila kagahaman sa kapangyarihan. Pilit na isinasaksak sa mamamayan ang dahas bilang katumbas ng disiplina, at kung sinong papalag ay punglo ang katapat.

KUMPISAL SA BA

Mga Kasalanan ni Duterte sa Taong Bayan

Artikulo nin Paglalapat n

KASALANAN (n.) Akala mo healthy pa pero hindi na pala. Kagaya ng nasasaktan ka na pero kumakapit ka pa. Harap harapan ka ng nilolok pa lang kumakapit pero hindi mo napapansin yung mga kamalian sa mga ginagawa niya kasi nagtitiwala ka.

Sa isang taong panunungkulan ng administrasyong Duterte, samu’t saring mga kasalanan ang kanyang ginawa sa bayan. na ginawa nito sa mga Pilipino. At ngayon, narito ang mga kasalanang kanyang ginawa na dapat ikumpisal; hindi sa simb

Anger and Lust:

Envy:

DAPAT MERON RIN AKO! Nagmistulang nakikipagtaasangihi si Pang. Duterte sa mga nagdaang administrasyon sa pakikipagsabwatan sa Imperyalistang Estados Unidos at pagpapatupad ng mga polisiyang labag sa panawagang iginigiit ng mamamayan. Kasabay ng makailang ulit na pagkaunsyami ng usapang pangkapayapaan ay tila inuungusan nito ang nakaraang administrasyon sa pagpapatindi ng mga neoliberal na patakaran sa bansa. Imbes na pagtuunan ng pansin ng pangulo at ng administrasyon ang pagsasakatuparan

ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER), mas ninais nitong itigil ang Peace Talks at paigitingin pa ang relasyon sa malalaking kapitalistang bansa. Liban sa patuloy na pagpapatupad ng mga polisiya ng US, nariyan ang $24 Billion pautang ng China sa bansa, at ayuda. Kasabay nito, nananatiling kimi ang pangulo habang patuloy nitong inaangkin ang Spratly Island at ginagawang base militar ng mga Tsino.

NANAY, TATAY, GUS Ang pagnanasa ni Pang. Duterte sa higit na kapangyarihan ay lalo pang sumisidhi. Ang panggigipit at pagmamaniobra ng pamahalaan ay manipestasyon lamang na galit ang administrasyon sa mga pag-aaklas laban dito. Nariyan ang kanyang pagpapaling-paling ng desisyon sa ilang mahahalangang usapin na siyang nagdudulot na pagkakahati sa mga mamamayang Pilipino. Ating nababalitaan ang mga pabagu-bagong desisyon ni Duterte sa mga mahahalagang usapin tulad ng Peace Talks, ang usaping teritoryal sa Scarborough Shoal, at

ang re mga bago pagka kung Duter ng on na lalo mga P na h Duter Ang ay si nagna upang Lib superm


Sloth:

The Catalyst ANG ‘MAMAYA Kung gaano kabilis ang kalabit sa gatilyo ay siyang kakuparan ng pagtupad sa kanyang mga binitawang salita. Bago pa man maluklok sa pwesto, Napakaraming pangako na ang binitawan ni Duterte sa taumbayan. Ibinandila nito ang mga progresibong pahayag upang suportahan ang pagiging unang kaliwang pangulo ng Pilipinas. Nariyan ang usapin ng pagpapabasura ng kontraktwalisasyon, ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan kasama ang CPP-NPA-NDF, maging ang usapin ng reporma sa lupa. Sa halip na

NA’ NI DUTERTE

tuparin ang kanyang mga pangako, lalong lumala ang kalagayan ng masang Pilipino. Nariyan ang pagpapatupad diumano ng winwin solution para sa pagbabasura ng ENDO o mas kilala sa DO 174 Series of 2017 ng Department of Labor and Employment. Isa pa, ang pagpapatigil ng Peace Talks na dapat ito’y nasa 5th Round na sa usaping CASER. At, ang mga kaso ng mga pagpatay sa mga magsasaka na sumisigaw ng reporma sa lupa; isa itong manipestasyon ng kawalang reporma sa lupa. Para patunayan ang kanyang pagiging sosyalista at maka-kaliwa, binuksan ang

kanyang gabinete para sa apat na pwestong pupunan ng mga progresibo. Ngunit sa kasalukuyan, tila pinagkakaisahan ang mga ito at pinapalayas sa gobyerno, kasabay ng pagkukwestyon ng kanilang paglilingkod sa bayan. Ang kabagalan sa pagpapatupad ng mga pangakong ito ay hindi nagkaroon ng pagbabago bagkus huminto ito at hindi na muling naungkat. Ang mga hakbanging na dapat naipatupad, nalimot na at isang ala-ala na lamang.

AYAN:

na: Edrian Morales | Justine Patricio | Pia Cyril Ramirez ni: Justine Patricio

ko pero nagtitiwala ka pa din. Isang taon ka na din

Natunghayan ng madla ang mga pambubusabos bahan kundi sa bayan.

STO KO NG KAPANGYARIHAN

elasyon ng Pilipinas sa US. Ang ganitong uri ng pagbabagung desisyon ay naghahatid ng alito sa sambayanang Pilipino saan talaga pumapanig si rte. Nariyan rin ang paglitaw nline trolls ng administrasyon ong nagpalala sa pagkalito ng Pilipino. Dahil dito, lumilitaw hindi gustong panatilihin ni rte ang status quo ng bansa. ganitong ugali ni Duterte inasamantala rin ng ibang anasa ng kapangyarihan g muling makabalik. ban dito, ang paglitaw ng majority na kung saan

ginagapos sa leeg ang HoR ay inililihis ang mga kasalanan ni Duterte na dapat singilin. Narito ang mga imbestigasyon ukol sa kanyang ipinatupad na Oplan Tokhang, ang planong impeachment, at iba pang usapin. Makikita natin na nagiging praktika ng mayorya na alisin ang sinomang hindi sumusunod sa kumpas ng administrasyon. Samu’t sari pa ang mga ginagawang pamamaraan ni Duterte upang supilin ang mga pag-aklas laban sa administrasyon na siyang lalong makakapagpalakas ng kanyang kapangyarihan.

Matapos ang isang taon ni Duterte, lalong naging mulat ang mga tao na umaasta lamang na makakaliwa si Duterte at hindi talaga para sa masa ang kanyang mga polisiya. Ngayon, dumadagundong na ang galit ng sambayanan sa mga kasalanan na kanyang nagawa kasabay ng pagpapasasa nito sa kapangyarihan at utak pulburang pagpatay sa mamamayang Pilipino na kalakhan ay maralita. Tanging sa pakikibakang masa maipapakita ang galit ng masang api sa kasalukuyang sistema. Sanhi ng galit ng masa ang kasalanang patuloy na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon – ang kasalukuyang sistema kung saan pinapatay ang mga mamamayan. Ang sama-samang pagkilos na bunga ng galit ng sambayanan ang magluluwal sa isang panibagong sistema kung saan matatamasa ang tunay na kalayaan.


06KULTURA

The Catalyst

Artikulo nina: Patricia Starr Morados |Lalaine Ramos Paglalapat ni: Justine Patricio

Ngayong taon, nagkaroon ng kasunduan ang DepEd at Embahada ng Korea na magkaroon ng Korean Languange subject sa High School. Sinasabing mahalagang mapag-aralan ito upang mapalalim ang pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa ngayon, mapapansin ang paglakas ng hatak ng kulturang Koreano sa ating bansa. Ang mga katagang “Annyeonghaseyo,” “Kamsahamnida,” at “Saranghae” ay marahil hindi na bago sa pandinig ng ilan sa atin. Sa dalas mo itong makita at marinig—mapa-TV, radyo, internet, sa mga malls, sa dyip na sinasakyan mo sa pagpasok, karinderyang tinatambayan niyo ng iyong tropa, ultimo sa mga kaibigan at kapamilya mo pati na rin sa katabi mo sa tren sa pag-uwi—hindi na nagmimistulan pang wika ng dayuhan ito sa’yo. Kapag naririnig mo ang salitang Koreano, marahil ang unang pumapasok sa isip mo ay mga oppa, korean drama, k-pop groups at kung anu-ano pa. Tunay na makikita ang pamamayagpag ng kulturang Koreano sa ating bansa sa kasalukuyan. Nagmamanipesto ito, hindi lamang sa mga telenobela at musika, kundi pati na rin sa pananamit, pagkilos at mismong pamumuhay ng ilan sa atin. Noong magsimula ang Hallyu Wave, tiyak na hinagupit nito ng matindi ang Pilipinas. Marami sa kabataan ang hindi magkamayaw sa mga korean boybands. Isama mo pa riyan ang pagsikat ng ilang pelikulang Koreano gaya ng Miracle in Cell No. 7 at Train to Busan. Naglipana na rin sa kung saan-saang sulok ng bansa ang mga korean-inspired restaurants na talaga namang dinarayo pa ng mga parokyano.

Ngunit kasabay ng pagiging bihasa ng mga Pilipino sa mga banyagang lenggwahe ay ang dahan-dahang paglimot nila sakanilang sariling identidad. Habang kinakaya na nating bigkasin ang ilang koreanong salita ay nawawalan na ng amor ang ating isip at dila sa Filipino. Kung iisipin, tunay naman na ang pagkatuto ng ilang wikang banyaga ay makatutulong sa pagiging globallycompetitive ng mga estudyante. Nakapagbibigay din ito ng mas malaking tiyansa at mas maraming oportunidad na magkaroon ng trabaho, lalo na sa ibang bansa. Ngunit, ano nga ba ang esensya ng pagdaragdag ng mga wikang banyaga bilang elektibo sa mga hayskul sa bansa? Makikita na sa pag-implementa pa lamang ng programang K-12, ang tunay nitong layunin ay ang magluwal ng murang lakas-paggawang pupuno sa pangangailangan ng mga kapitalistang bansa at hindi upang iangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Dagdag pa rito, noon ay inilabas ng CHED ang Memorandum No. 20 Series of 2013 na nagtatanggal ng ilang asignatura sa kolehiyo gaya ng wikang Filipino, Literatura at Philippine Government & Constitution. Dito pa lamang ay makikita na ang kagustuhang unti-unting wasakin ang nasyonalismo’t kamalayan ng kabataang Pilipino sa lipunan at kulturang kinagisnan.

Sa isang bansang dapat mayroong sariling identidad sa pamamagitan ng wika, nakakalungkot na kinakailangang ipaglaban pa ito. Na kinakailangan pa itong ibaka sa ating mismong bayan. Sa paningin ng iba, marahil ay sasabihin nilang ayos lamang ito sapagkat magsisilbi itong dagdag-kaalaman sa hanay ng kabataan, mababaw lamang ‘pagkat “wika lang naman ito.” Ngunit, ang wika ay isang napakahalagang elemento sa pag-unlad ng isang bansa at marapat natin itong itatak sa isip, lalo na ng kabataan, na mahalagang ating lalong pagtibayin, palawakin at pagyamanin. Ang pagkakaroon ng matatag na sariling wika ay bahagi lamang ng pagkakaisa at pagyabong natin bilang isang bayan. Isa ito sa ugat ng ating identidad at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Habang patuloy na gumagawa ang estado ng mga hakbangin na lumalason at pumapatay sa kultura’t pagkakakilanlan ng bansa, hamon sa mga mamamayan, lalo na sa ating mga Iskolar ng Bayan na lalong palakasin ang pakikibaka tungo sa isang makabayan, siyentipiko at makamasang porma ng edukasyon kung saan ang pag-aaral ng wika ay hindi na lamang upang pagsilbihan ang interes ng mga dayuhan, kung hindi upang lalong isulong, pagyamanin at pagtibayin ang wikang Filipino tungo sa pagpapa-unlad at pagpapalaya ng bansa.

Habang kinakaya na nating bigkasin ang ilang koreanong salita ay nawawalan na ng amor ang ating isip at dila sa Filipino.


The Catalyst

ORGVOICE TAKDER (Tignayan dagiti Agtutubo ti Kordilyera para iti Demokrasya ken Rang-ay/ Cordillera Youth’s Movement for Democracy and Prosperity) a national democratic mass organization of Cordillera Indigenous People collectively known as Igorot and Indigenous Peoples’ rights advocates based in Manila.

WE AIM TO Engage the indigenous youth along with other sectors such as students and advocates to unite and further consolidate schools, organizations, institutions, and individuals in highlighting issues of the national minorities and indigenous peoples and communities through different activities and engagements. We aim to develop and aid the youth in realizing their potentials in line with the people’s struggle s and the attainment of genuine social change.

WE CALL ON Mainly the indigenous youth, students and advocates to support and participate within and beyond the confines of the academic community to uphold and defend the rights of our fellow IPs and national minorities.

SUMALI NA SA TAKDER! Contact Person: Raven Desposado Contact No.: 0997-699-4492 FB Page: www.facebook.com/takderkordi Email: takderordi@gmail.com Office/Tambayan: N519

US Magte-take ka ba ng PUPCET? P M A C Bakit o bakit hindi? LAYP

KOMUNIDAD07 TAKDER ACTIVITIES Study Circles These are study groups which primarily discuss Philippine History, Indigenous Culture and Social Realities. In addition, we conduct sector dialogues – an activity of TAKDER involving and relating with workers, peasants, and other oppressed sectors in society. Basic Masses Integration An alternative activity open to members and non-members immersing in different areas including rural communities of national minorities and peasants, factories/ picket lines of workers, and urban poor communities. Leadership Training Camps This is a program to hone the skills of the youth in organizing fellow students and different sectors which includes facilitation of study groups, and cultural training skills. Social Action and Response Through this program, TAKDER participates and serves as machinery for social mass actions to defend and protect people’s interests which includes relief and rehabilitation programs and activities during calamities – mainly through medical missions and relief operations. International Solidarity Work This program nurtures relations of TAKDER with other organizations abroad. It also strengthens relations with other indigenous youth organizations from different countries through exposure programs and constant communication. Cultural Work As an organization founded to uphold the indigenous youth and people’s rights, TAKDER is also a cultural formation which advocates and promotes our indigenous people’s culture, customs, and life, through a nationalist, mass-oriented, and scientific perspective.

ESPASYO...

Musta! Heto na naman ang Cata. Hindi na uubusan ng espasyo para sa’yo. Oo, ikaw na nagbabasa. Palagi kang may space in our harts.

Oo. Basically, I’m from Makati (City) kaso medyo yung schools doon sobrang mahal tapos yung PUP ay nagke-cater ng school na abot –kaya and effective na pagtuturo, so PUPCET yung ite-take ko. Aira, HUMSS 12-03

Sali na sa The Catalyst!

Oo. Kasi bukod sa libre nga yung tuition, alam ko naman na kahit ganito dito sa PUP, quality education pa rin yung habol ko. Angela, HUMSS 12-09

Madala lamang ng: 1x1 ID Photo Registration Card Bolpen at Papel Cheesesticks at Lemonade

Hindi. Wala lang. Ayaw ng magulang. Mike, HUMSS 12-13 Practical, itutuloy na lang. Mura lang din naman ang tuition fee dito. Francis, STEM

Nasa Rm. 206 ng Charlie Del Rosario Bldg. hinihintay pagkain n’yo. (Jowk) Ano pang hinihintay n’yo? Punta na! Takits!


08EDITORYAL

The Catalyst

Nariyan pa rin ang patuloy na pagkokomersyalisa ng edukasyon sa porma ng pagtataas ng mga bayarin at pagpapatupad ng mga polisiyang lalong magbibigay ganansiya sa mga tagapagpatupad nito.

LABAN PARA SA HIGIT PANG TAGUMPAY Sa pagpasok ng Agosto, pormal nang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 10931 o ang Universal Access to Quality and Tertiary Education Act na magtitiyak ng libreng matrikula sa 112 state colleges, universities, and technical institutions. Ngunit hindi ito basta lamang batas na pinirmahan dahil ginustong ibigay ng estado. Marapat lang na bigyang pagkilala ang walang humpay na pakikibaka ng kabataan para sa libreng edukasyon. Ang tagumpay na ito ay nagpakita na kayang makamit ang libreng edukasyon sa bansa sa patuloy sa paglaban ng kabataan at mamamayan.

Habang bukas tayo sa pinakabagong tagumpay ng kabataan, nariyan pa rin ang mga bantang dala nito. Habang tinitiyak ng batas na ito ang libreng matrikula, wala pa ring garantiya ang edukasyon sa ating bansa. Nariyan pa rin ang patuloy na pagkokomersyalisa ng edukasyon sa porma ng pagtataas ng mga bayarin at pagpapatupad ng mga polisiyang lalong magbibigay ganansiya sa mga tagapagpatupad nito. Sa PUP, nariyan ang Other School Fees (OSF) na aabot sa 7090 porsyento ng kabuuang binabayaran ng mga iskolar ng bayan. At kahit pa nga naglaan ng badyet ngayong taon

The

TO WRITE NOT FOR THE PEOPLE IS NOTHING.

2nd flr Charlie del Rosario Building PUP Sta. Mesa, Manila 09069757455

MEMBER: Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM-PUP) College Editors Guild of the Philippines (CEGP) w w w.f

acebo ok.c pupth om/pupthec ecataly st@gm atalyst ail.com

para sa libreng matrikula ay siningil pa rin ang freshmen sa pamantasan, maging ang ilang higher year. Naging dahilan pa nga ito ng administrasyon ng PUP upang lumikha ng polisiya sa cross enrollees kung saan sisingilin ang mga ito ng matrikula na katumbas ng kanilang binabayaran sa kanilang nakaraang pinasukang pamantasan. Liban pa rito, nananatili pa rin ang neoliberal na polisiyang nagbabawas at nagtatanggal ng subsidiya para sa edukasyon. Sa katunayan, matapos pirmahan ni Duterte ang nasabing batas, agad na sinunggaban ito ng mga ekonomista na marapat lang na magkaroon ng pagkontrol sa populasyon

Catalyst

ng mga estudyante sa state universities and colleges. Habang pinupuri si Duterte para sa kanyang pagpirma ay hirap naman at takot ang kabataang lumad dahil sa pahayag niyang pagpapabomba sa kanilang mga paaralan. Giit niya, itinayo at patakbo ang mga paaralang ito ng NPA na sa katunayan ay binuo ng mga organisasyon ng lumad sa kanilang mga komunidad para magbigay edukasyon. Sa pagpirma niyang ito, umaasa ang kanyang rehimen na kalimutan ng mamamayan ang mas malaking problemang kinakaharap ng bayan. Kawalan ng trabaho at kontrakwalisasyon, kawalan ng reporma sa lupa, korapsyon –

samakatuwid, pananamantala sa mamamayan. Kaya naman marapat lang na maging mapagbantay ang kabataan kasabay ng pagigting ng laban para sa libreng edukasyon. Ang pagkakapasa ng Free Education Law ay isang hakbang patungo sa mas marami pang tagumpay ng kabataan, na kinakailangang suportahan ng malakas na kampanya kasama ng mamamayan. Matagal nang pinatunayan na ang paglabas sa lansangan ng kabataan kasamaang mamamayan ay tiyak na naggagarantiya ng tagumpay, at sa pagkakapasa nito, mas handa ang kabataan na ipaglaban ang kanilang karapatan para sa libre at dekalidad na edukasyon.

Editorial Board 2017-2018

EDITOR IN CHIEF Pia Cyril Ramirez | MANAGING EDITOR Lowell David Timbang | ASSOCIATE EDITORS Xeane Izec Atienza (Internal) | Trisha Obejas (External) | SECTION EDITORS | NEWS Edrian Morales | FEATURES Lalaine Ramos | LITERARY Joshua Regalado | COMMUNITY Adlai Rosh Papa | CULTURE Michelle Mabingnay | CIRCULATIONS MANAGER Alessandra Mercado SENIOR STAFF

WRITERS Reiven Lopez | Maya Santos | Arianne Joy Gardon | Rhyan Villaruel | Ghelmari Escudero | JV Andrew Morales | Keneth Pelegrino | Geraldine Rocio | Justine Patricio | Johanna Kelly Seras | Jocel Obida | Angela Nuelan | Vea Noreen ARTISTS Teressa Colas | James Anthony Ortiz | Joachim Santos JUNIOR STAFF

WRITERS Maria Marjorie Cabebe | Angelo Matthew Abadilla | Patricia Starr Morados | Clarisse Joy Pulbosa | Shierly Mae Amora | Gycel Ann Malacad | Jenny Barbosa CONTRIBUTOR Cristian Henry Diche


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.