The Catalyst Election Issue

Page 1

ELECTION ISSUE MARCH 2018 Vol. XXXI No. 1 ǀ March Special Issue

Piliing lumaban Kilala ang PUP bilang isa sa mga pamantasang may pinakamababang matrikula – isang pambihirang Ito ang tanong na nasa pinakaubod tradisyong patuloy na ipinagtatanggol ng halalan para sa Sentral na Konseho sa pamamagitan ng sama-samang ng mga Mag-aaral (SKM). Ito ang dahilan pagkilos ng mga mag-aaral. Sa maraming kung bakit naglilibot at nagpapakilala pagkakataon sa mga nagdaang taon, ang mga kandidato at partido sa mga pinangungunahan ng konseho ang mga silid-aralan at iba’t ibang lugar sa laban. Ilang ulit na nating napamalas kampus upang ilahad ang kanilang ang bisa ng ating pagkilos: ang rekord, plataporma, at mga plano para pagpapabasura sa mga bayarin gaya ng tea party fee, mandatory books, deptals sa susunod na konseho. at iba pa noong taong akademikong Ang halalan ay punyal na may 2015-2016, ang pagpapabasura ng magkabilang talas – sa isang banda’y mandatory uniform sa Senior High may potensyal ang eleksyon na School, at marami pang iba. sindihan ang alab ng pagbabagong Ngunit sa panahong dapat sana’y magpapaliyab at gugupo sa matagal nang mga suliranin ng mga mag-aaral libre na ang edukasyon sa pamantasan, at pamantasan. Sa kabilang panig, ito’y hindi iilan ang nakapansin kung may kakayahan ding hipan ang ningas gaanong mas mataas pa nga ang ng pagbabago at higit pang padilimin binabayaran ng mga estudyante kaysa ang ating hinaharap. Nararapat nating dati, isang isyung palyang mapatining at magagap ang bigat ng tungkuling tanganan ng SKM sa nagdaang taon. nakaatang sa atin bilang mga botante – Sukdulang kimi at nahirati nasa ating kamay kung aling panig ng sa sulok ang konseho samantalang nagigipit magkabilang talim ang ating pipiliin. ang kalakhan ng mga Sa pagpili, pangunahin nating estudyante. tungkulin ay ang magtasa sa Marami pang inabot ng ating SKM sa nagdaang mistulang taon, at timbangin ito kumpara sa isyung kasalukuyang sitwasyong kinahaharap pinalampas lamang ng ng mga estudyante. Sa kasalukuyan, SKM sa nagdaang taongkabilang namamayani ang ligalig hindi lamang akademiko, sa ating pamantasan kundi sa ating ang pagpapamahagi ng bayan – mula sa patuloy na paniningil ilang espasyo sa Charlie sa atin ng iba’t ibang bayarin sa kabila Del Rosario Building ng pagpasa ng Free Education Law, para maging ang pagtaas ng presyo ng bilihin t a m b a y a n opisina hindi lamang sa pamantasan kundi o mga sa lahat ng panig ng bansa bunsod ng ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law, hanggang sa walanghabas na pagpaslang at karahasan organisasyon partikular sa kapwa natin kabataan. bilang tugon sa malakas panawagan ng Sa panahong naglipana ang pekeng na estudyante balita, sa panahong sinisikil ang ating mga mga demokratikong karapatan, hindi na magkaroon ng dapat tayo magpadala sa mga pekeng espasyo ang mga sa pangakong at buladas ng mga kandidato organisasyon o ng sinuman. Nararapat nating loob ng pamantasan. ituring ang halalan hindi bilang isang Sa mga pagkakataong kumpetisyon sa pinilakang tabing kundi gaya nito, napatunayan bilang makapangyarihang armas, bilang nating kayang tumindig ng mga estudyante tanglaw sa panahon ng kadiliman. kahit hindi sila Sa pagsusuri natin sa lagay ng ating pamantasan at bayan, hindi tayo dapat pumikit at magkibit-balikat. Nararapat nating balikan ang kasaysayan – ano ba ang ating napapala sa pagkakaroon ng isang SKM na handang tumindig para sa ating karapatan at kapakanan?

Sinong iboboto mo, at bakit?

sinusuportahan o pinangungunahan ng konseho, ngunit higit sanang aabante ang ating mga laban kung malakas na nakasuhay ang konseho. Ang SKM ay isang armas, mabalasik na armas nating mga estudyante upang ipagtanggol ang ating karapatan. Ngunit aanhin natin ang sundang na mapurol, o ang baril na walang bala? Hindi natin kailangan – at lalong hindi natin dapat payagan – na magkaroon ng konsehong sa wari’y may pakialam, ngunit sa pinakaubod ay nagsisilbing palamuti lamang. Mabigat ang mga suliraning ating kahaharapin sa darating na taon – nariyan na gagradweyt ang unang batch na sumalang sa K-12. Patuloy pa rin ang paniningil ng miscellaneous fees at kailangan nating paigtingin ang kampanya na singilin ang Commission on Higher Education na ibalik ang mga siningil ng PUP. Tuloytuloy at higit pang umiigting ang pagsupil sa karapatan ng

mga estudyante sa loob at labas ng pamantasan. Higit sa lahat, hindi dapat ihiwalay ang laban sa loob ng pamantasan sa laban ng mamamayan – laban sa diktadurya, pasismo, at panunupil. Sa panahon ng ligalig, kailangan natin ng pamumuno ng isang konsehong may buong tapang, lakas, at paninindigan; isang konsehong hindi lamang sumasabay sa maiinit at patok na isyu; isang konsehong hindi lamang nagpapadala sa ‘popular’ na opinyon. Ngayong halalan, huwag nating ihagis sa kawalan at sayangin ang ating kapangyarihang pumili ng nararapat na mamuno sa atin. Maghalal tayo ng konsehong hindi magbibingi-bingihan at bagkus ay didinig at magpapalakas pa sa boses ng bawat iskolar ng bayan. Maghalal tayo ng konsehong handang lumugar sa prontera ng ating mga kampanya at laban, isang konsehong may talas at talab na makapagwawagi ng ibayong tagumpay para sa iskolar ng bayan, sintang paaralan, at bayan.


Pambansang walkout, ikinasa Bitbit ang mga panawagan para sa libreng edukasyon, kalayaan, at demokrasya, libu-libong kabataan ang nagmartsa patungong Mendiola para sa pambansang araw ng walkout noong Pebrero 23.

ITIGIL ANG PANININGIL! Libu-libong kabataan ang nagtungo sa lansangan para sa Pambansang Walkout para sa Libreng Edukasyon, Kalayaan, at Demokrasiya

Sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, lumabas ng kanilang klase ang mga estudyante at nag-caravan patungong Unibersidad ng Santo Tomas kasama ang iba pang mga estudyante mula sa iba’t ibang pamantasan. Simbolikong isinara ang tarangkahan ng Palma Hall sa Unibersidad ng Pilipinas kasama ang mga manggagawa sa loob ng pamantasan. Matapos ang martsa mula UST, isinara ng mga militanteng estudyante ang bahagi ng Morayta para sa isang programa. Lumahok rin ang mga estudyante mula sa iba’t ibang panig ng bansa at naglunsad ng kanilang mga pagkilos, kabilang ang Baguio City, Panay, General Santos City, at Davao. Isa sa mga pangunahing kampanyang pinatampok ng kabataan ay ang pagpapatupad ng Free Tuition Policy, pagpapatigil ng koleksyon ng Other School Fees at pagbabalik nito sa mga estudyanten siningil kahit pa naipasa na ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act noong nakaraang taon, at programang K-12. Ayon sa Kabataan Partylist, dagdag pahirap lamang ang K-12 sa

mamamayan dahil liban pa sa dagdag dalawang taong pinansiyal na pahirap sa bawat pamilyang Pilipino, inilalako lang ng gobyerno ang kabataan para maging murang lakas-paggawa. Dagdag pa ng Kabataan Partylist, marapat na tuloy-tuloy na kumilos ang kabataan para sa dekalidad, abot-kaya, pambansa, siyentipiko, at pang-masang tipo ng edukasyon.

Mosyon ng PUP SPEAK: Limitadong pag-uulat para sa Cata MANILA — Noong Pebrero 26, 2018, gumulantang sa patnugan ng The Catalyst at ibang lokal na kolehiyong publikasyon ang desisyon ng SC-COMELEC na limitahan ang coverage ng mga ito sa darating na halalan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP). Ito ay hinudyat ng isang mosyon na hinain ng partido na PUP SPEAK. Ayon sa kanila, walang probisyon sa Internal Rules and Regulations (IRR) ng SC-COMELEC na nagtutukoy sa publikasyon na magkaroon ng ‘observer status’. Paunang nilabas ng SC-COMELEC ang Resolution 072018, kung saan nilimitahan sa Miting De Avance at proklamasyon ng mga nanalong kandidato ang presensya ng The Catalyst sa pagkalap ng detalye. Sumunod dito ay ang nilabas na Resolution 10-2018, kung saan naman naglatag ng mga rekisito ang SC-COMELEC na kailangan munang humingi ng permiso ng The Catalyst bago ito makadalo sa mga pulong at magkaroon ng mga kopya ng opisyal na dokumento na may kinalaman sa halalan. “Mariing kinukundena ng The Catalyst ang mosyon ng PUP SPEAK

at SC-COMELEC na limitahan ang coverage ng mga publikasyon. Isa itong malaking dagok sa kalayaan ng mga mag-aaral ng PUP na mabilis na makakuha ng obhetibong mga ulat at sa kalayaan sa pamamahayag,” paliwanag ni Pia Cyril Ramirez, punong patnugot ng The Catalyst. “Hindi napapailalim ang publikasyon sa dikta ng kahit sinumang partido o institusyon sa pamantasan. Para pigilan ang Cata na magkaroon ng full coverage ng eleksyon, nililimitahan nito ang impormasyon na maaaring mapamahagi sa mga estudyante. Hindi kailangan ng Cata ng ‘observer status’ dahil sa mismong katangian niya bilang publikasyon ng mga estudyante,” dagdag niya. Pinaliwanag rin ni Ramirez na sa paghain ng mosyon ng PUP SPEAK ay isang tanda kung gaano kababa ang tingin nila sa pamamahayag.

“Sa pagpupursigi nila na malimitahan ang presensya ng Cata sa proseso ng halalan, pinipiringan nila ang mga estudyante ng PUP sa pagpili ng mga susunod na pinuno,” ika niya. Sa panahon na nagiging kalakaran na ang pagsupil ng kalayaan ng mga mamamahayag hindi lamang sa loob ng pamantasan kung hindi pati na rin sa pambansang antas, isang malaking hamon para sa mga konseho ng mag-aaral at sa mga mag-aaral mismo na pahalagahan ang karapatan sa pamamahayag. Ayon pa kay Ramirez, sinasalamin ng mosyon ng PUP SPEAK ang pagbubusal ng administrasyong Duterte sa mga mamamahayag na malakas magbigay ng kritisismo sa kanyang mga programa at polisiya. Sa tatlumpu’t dalawang taon ng The Catalyst, ito ang unang pagkakataon na mismong konseho

ang sumubok na sumupil sa karapatan ng mga estudyante na makakuha ng impormasyon sa tulong ng mga publikasyon. Pinapangako ng The Catalyst na hindi ito mag-aatubili sa pagpapahayag ng impormasyon at mga suri sa kabulukan ng sistemang umiiral sa loob at labas ng PUP. Maaasahan ng mga iskoar ng bayan na sa pagtindi ng mga laban sa hinaharap — sa lokal at pambansang antas — ay hindi uurong ang Cata sa pamamahagi ng balita. Sa darating na eleksyon, inaanyayahan ng The Catalyst ang lahat ng iskolar ng bayan na gamitin ang kanilang kapangyarihan at karapatan na pumili ng konseho na hindi hahayaang manatiling bulag, pipi, o bingi ang mga iskolar ng bayan sa tunay na nangyayari sa pamantasan.


Hatol ng mga Iskolar ng Bayan Pagtatasa ng buong-taong paggana ng PUP Sentral na Konseho ng mga Mag-aaral

S

a pagpasok ng pang-akademikong taon ay sinalubong ng kaliwa’t kanang isyu ang buong komunidad ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Sinubok ang tatag at tapang ng mga Iskolar ng Bayan sa pagharap sa mga hamon na dulot ng papatinding pampulitikal na sitwasyon sa loob at labas ng pamantasan. Sa mayamang kasaysayan ng konseho ng mga mag-aaral sa PUP, mahalaga ang patuloy nitong pagpapatampok at pangunguna sa laban ng mga mag-aaral, katuwang ang iba pang sektor. Dahil paparating na ang eleksyon para panibagong konseho ng magaaral, mainam na tasahin ang naging paggampan ng kasalukuyang konseho.

Pamumuno sa laban sa libreng edukasyon Masugid na lumaban ang mga iskolar ng bayan upang igiit ang karapatan sa libreng edukasyon na nagresulta sa ilang mga mahahalagang tagumpay tulad ng di paniningil ng matrikula sa kolehiyo. Ngunit sa kabila nito, patuloy ang maniobra ng rehimeng Duterte upang mapanatili ang mataas na halaga ng matrikula at iba pang mga bayarin. Tumataya na sa halos 300 pesos ang halaga ng tuition fee sa PUP na siningil pa rin sa mga freshmen, samantalang umaabot naman sa 507-4000 pesos ang halaga ng other school fees. Ilan sa mga halimbawa ng mga bayarin ay ang energy fee, cultural fee, spiritual fee, cultural fee, tea party fee, atbp. Hindi nakapamuno ang kasalukuyang Sentral na Konseho ng Mag-aaral sa laban para sa libreng edukasyon. Sa katunayan, kasangkapan pa ito sa pagtatanggol sa paniningil, tulad na lamang ng pagtutol nito sa panawagan upang i-refund ang matrikula at bayaring siningil sa mga estudyante. Gayundin, hindi rin ito lumaban sa p a n a h o n g

tumututol ang mga estudyante sa tangkang Academic Calendar Shift at Transition Sem, kung saan sisingil pa sila ng bayarin. Sa kabila ng pag-abante ng pagkakaisa ng mga estudyante na labanan ang Academic Calendar Shift ay nakulong naman sa antas ng pakikipag-dayalogo sa administrasyon ang pamamaran ng sentral na konseho hinggil dito. Sa pamamagitan ng malinaw at nagkakaisang tindig ng mga Iskolar ng Bayan laban dito ay natulak ang administrasyon na amining ito ay sapilitang pagpapaloob sa internationalization schemes sa mga pang-akademikong institusyon sa bansa. Taong 2016 noong unang pinatupad ang programang K-12 sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Taliwas sa pangako nitong wala nang babayaran ang mga estudyante at may sigurado nang trabahong naghihintay sa mga graduate, ay lalo lamang lumobo ang halaga ng mga bayarin sa mga senior high schools. Marami nang mga naitalang kaso ng paniningil sa mga estudyante- mula sa mga lecture handouts, mga pasilidad, atbp na aabot hanggang 4000 pesos kada estudyante. .Kimi ang konseho nang pumutok ang laban hinggil sa mandatory uniform na aabot sa 600-800 kada pares, at ang patuloy na paniningil ng bayarin sa mga SHS

tulad ng graduation fee na aabot sa 2000 pesos. Wala din itong malinaw na pagtindig at paglaban sa patakarang K-12 na napatunayan nang bulok at makadayuhan.

Pagtatanggol sa demokratikong karapatan ng mga iskolar ng bayan Imbis na maging tagapagtanggol ng demokratikong interes ng mga iskolar ng bayan, naging kasangkapan pa ito sa pagkakait ng karapatan at panunupil. Hindi dumaan sa demokratikong proseso at arbitraryong tinanggal ng sentral na konseho ang mga kasapi ng Constitutional Committees tulad ng COMELEC, upang maipasok nito ang mga kasapakat nito. Sa ganitong gana ay malinaw na tinatapakan ng mismong konseho ng mga mag-aaral ang karapatan ng mga Iskolar ng Bayan sa representasyon at pag-oorganisa. Ginamit rin itong instrumento ng konseho upang hatiin ang hanay ng mga estudyante habang ginigiit ang mga personal at pulitikal na layunin. Noong Setyembre ng nakaraang taon, kasabay ng tumitinding represyon sa mamamayan ay tumindi din ang atake at represyon sa mga progresibong mga mag-aaral at organisasyon sa pamantasan. Sa gitna ng matinding paglaban para sa libreng edukasyon ay tinaggal ng administrasyon ang rehente ng mag-aaral sa Board of Regents at ipinalit si Elijah San Fernando ng SKM. Kasabay din nito ay nagpatawag pa sila ng bogus na kongreso ng ANAK-PUP. Sa gitna ng papatinding atake sa mga pahayagang pang-kampus at maging sa midyang naglalantad ng kabulukan ng kasalukuyang administrasyon ni Duterte, ay nananatiling walang tindig hinggil rito ang sentral na konseho ng mga mag-aaral. Pumalya sa pagpapamalas ng pakikiisa ang konseho sa laban ng mga mamamahayag pangkampus sa Student Publication Section na nagbibigay sa administrasyon ng kontrol sa mga student publication. Sa loob ng halos dalawang taon ay hindi

nakakagamit ng mga espasyo at pasilidad ang iba’t ibang mga organisasyon sa Charlie Del Rosario building bunsod ng mabagal na renobasyon. Dagdag pa, sunud-sunod ang pagpapalayas sa mga organisasyon sa kanilang mga opisina. Pinagsisiksikan ang mga organisasyon sa maliliit na cubicles. Sa kabila nito, matagumpay na naipaglaban ng mga iskolar ng bayan ang kanilang karapatan sa pamamagitan ng protesta at mga barikada. Wala na ngang naging ambag, inaagaw pa ng sentral na konseho ang tagumpay sa mga estudyante at sinasabing ang kanilang pakikipag diyalogo sa administrasyon ang dahilan ng tagumpay imbis na ang mapagpasyang pagkilos ng mga estudyante. Nangunguna pa ang sentral na konseho sa red-tagging sa mga progresibong organisasyon at liderkabataan upang gawing lehitimo ang ginagawang represyon at atake sa mga kritiko ng rehimen.

Pagtindig sa isyu ng bayan Hindi ito nakapamuno sa laban ng mamamayan sa pagpapahirap at tiraniya ng rehimeng Duterte. Nagpopostura lamang itong tutol sa pagpaslang sa ilalim ng Oplan Tokhang pero kimi naman ito sa kaso ng pinapaslang na mga Lumad at magsasaka sa kanayunan. Wala itong tindig sa nagaganap na Martial Law at pambobomba na ginagawa ng militar sa kanayunan. Sang-ayon pa ito sa pagtataas sa buwis ng mga produkto tulad ng tabako imbis na lumaban sa pahirap na dagdag buwis at pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Hindi rin ito tumitindig laban sa kontraktwalisasyon, mababang sahod, at kawalan ng lupa para sa malawak na hanay ng manggagawa at magsasaka.

Itutuloy sa pahina 4


Mula sa pahina 3

MAHALAGANG GAMPANIN NG SENTRAL NA KONSEHO NG MGA MAG-AARAL Sa panahon ng pinatinding panunupil at pagtapak sa mga demokratikong karapatan ng mga Iskolar ng Bayan, pinapaaalala ng mayamang kasaysayang ng Unibersidad ang kahalagahan ng Sentral na Konseho ng mga Mag-aaral.

Nananatili ang hamon sa mga liderestudyante na pangunahan ang bawat laban na kinakaharap ng pamantasan. Ang paglakas at paglawak ng kilusang kabataan sa unibersidad ay tanda ng militanteng kapasyahan ng mga magaaral na pagtagumpayan ang mga laban

na inuudyok ng matinding represyon at pasismo. Sa panahon ng papatinding banta ng diktadura sa ilalim ng administrasyong Duterte, ang kailangan ng PUP ay isang konsehong kayang ialay ang kanyang buong lakas at kagalingan para sa tunay na pagbabago. Hindi na natin kailangan ng isang konseho buong taon ay kimi at walang tindig

sa samu’t saring isyu ng mamamayan, at mas lalong hindi na natin kailangan ang isang konseho na siya pa mismong magtatanggol sa nga pangunahing nagpapaghirap sa Iskolar ng Bayan. Ang pagbabagong kailangan natin ay pinapanday ng mulat na pagtutunggali at prinsipyadong pagbabandila sa laban ng kabataan at mamamayan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.