The Catalyst Special Election Issue 2014

Page 1

Special Election Issue September 2014 Editoryal

KAPASIYAHAN AT KASAYSAYAN Sa darating na Setyembre 29-30, 2014, gaganapin ang taunang halalan para sa Student Council Elections. Lalahukan ito ng iba’t-ibang partidong mamumuno at magsisilbi sa mga Iskolar ng Bayan. Ang pagbabanta kamakailan ng 830% tuition fee increase at ang kakulangan sa badyet para sa ating pamantasan ay ilan lamang sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap ng buong komunidad, na maaari pa ring kaharapin. Ang mga kagaya nito ang nararapat bantayan at labanan ng mga Iskolar ng Bayan sa pangunguna ng mga susunod na lider na mabibigyan ng pagkakataong maluklok sa pwesto. Kaya naman nasa kamay ng bawat isa ang kapasyahan at kapangyarihan kung sinu-sino ang mga taong kikilalanin bilang pangunahing tagapamandila at tagapagtanggol ng akademiko at demokratikong karapatan ng bawat Iskolar ng Bayan kasama ang lahat ng mga bumubuo sa Sintang Paaralan. Sa kabila ng samu’t saring suliranin na kinahaharap ng buong unibersidad, marapat lamang na ang mga susunod na mga lider na mailuklok ay may tunay na hangarin at kapasidad na mamuno, maglingkod at magsaalang-alang sa kapakanan at karapatan ng kanyang mga pinamumunuan, kahit saan pa mang sektor ito ng lipunan nabibilang. Ang eleksyon ay isa sa mga pangunahing instrumento nang pagpapalaganap ng kamalayan at wastong kaisipan na magbibigay daan para sa mas malalim na pag-unawa at pakikisangkot ng bawat Iskolar ng Bayan. Ang ibinibigay nitong hatol ay maaaring maging isang malaking dagok o hakbang para sa bawat indibidwal sa loob ng pamantasan. Sa esensya, ang eleksyon ang maghahapag hindi lamang ng bagong listahan ng mga nailuklok na lider kundi pati na rin ang patuloy na pagpapadaloy ng makabuluhang aksyon at siyentipikong pagsusuri tungkol sa iba’t-ibang krisis na pumapaloob sa loob o labas man ng pamantasan. Bilang isang estudyante at mamamayan, karapatan ng bawat isa ang pagboto sa mga napiling kandidatong ninanais niyang maluklok sa pwesto. Kaya naman marapat lamang na gamitin ng bawat Iskolar ng Bayan ang kanilang karapatan sa paglikha ng kasaysayang magtatakda ng pagbabagong maaaring maging tanglaw ng mga kasalukuyan at mga darating pang mga Iskolar ng Bayan.

Ilang beses ng napapatunayan na ang pakikisangkot at walang humpay na paglaban ng mga Iskolar ng Bayan ang nagiging daan para malutas ang mga suliranin. Kaya marapat lamang na ang mga susunod na mamumuno ay mapangalagaan at maipagpatuloy ang makabuluhang kasaysayan ng pamantasang hitik sa mga hamon at aral. Ang pagboto ay hindi lamang natatali sa depinisyon nito bilang isang karapatan. Ito rin ay isang responsibilidad na dapat nating gampanan. Nasa kamay ng bawat isa ang kapasyahan at kakayahang itala ang kasaysayan. Nasa ating muli ang panulat ng kasaysayan. Muli nating tatanganan ang kapangyarihang gumuhit ng kinabukasan para sa ating mga kapwa Iskolar ng Bayan at sa susunod pang henerasyon.

PAANO 1 BUMOTO?

Hanapin ang presinto ng COMELEC sa inyong kolehiyo.

2

Sa esensya, ang eleksyon ang maghahapag hindi lamang ng bagong listahan ng mga nailuklok na lider kundi pati na rin ang patuloy na pagpapadaloy ng makabuluhang aksyon at siyentipikong pagsusuri tungkol sa iba’t-ibang krisis na pumapaloob sa loob o labas man ng pamantasan.

Ipakita ang iyong Registration Card o I.D. ngayong school year. Kung walang I.D. o regi, magdala ng dalawang tao na magpapatunay na ikaw ay enrolled.

3

Bibigyan kayo ng balota para sagutan at maiboto ang gusto niyong maihalal na kandidato. Para sa College Student Council, kailangan lang na isulat ang pangalan ng partido kung Block Vote.

4

Ibigay ang balota sa COMELEC Commissioner na nagbabantay ng presinto. Ihulog ang balota sa ballot boxes at opisyal ka nang nakaboto sa eleksyon.

LUMAHOK.MAKISANGKOT. Para sa Sentral na Konseho ng Magaaral, itsek lang ang hugis kahon sa tabi ng pangalan ng partido.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.