JANUARY 2018 SPECIAL ISSUE

Page 1

SPECIAL ISSUE JANUARY 2019 Vol. XXXII No.1

January Special Issue

Sa tabing ng libreng edukasyon P54.9 M Budget Cut sa kabila ng bulok na mga pasilidad

Bagong taon na, ngunit kakaharapin ng mga iskolar ng bayan, guro at kawani ang hagupit ng tapyas-pondo sa 63 mula sa 114 State Universities and Colleges (SUCs), kung saan kabilang ang PUP. Sa ilalim ng panukalang Pambansang Badyet para sa taong 2019, P54.9 milyon ang ikakaltas sa badyet ng unibersidad sa ilalim ng “capital outlay,” o ang pondo para sa panibagong mga kagamitan at mga pasilidad. Bagaman sinasabing may pondo naman para imintina ang lumang mga pasilidad sa ilalim ng maintenance and other operating expenses o “MOOE”, hindi maikakailang hindi ito sapat sa kasalukuyang kalagayan ng PUP. Dekada nang iniinda ng mga magaaral at kawani ng PUP ang bulok at sirasira nitong mga pasilidad. Nananatiling kulang at hindi sapat sa populasyon ng pamantasan ang mga silid-aralan, maging pati na rin ang mga laboratoryo kung saan nagsasagawa ng mga eksaminasyon. Hindi na rin bago ang “Trip to Jerusalem” o agawan ng upuan sa main building, maging ang kakulangan ng mga gumaganang mga bentilador at saksakan ng kuryente. Kahit ang mga palikuran ay hindi na rin ligtas; pangkalusugan man o sa seguridad dahil relatibong kakaunti ang mga ito kung ikukumpara sa dami ng mga iskolar ng bayan. Hindi lamang sa main building problematiko ang mga pasilidad. Binansagan nang “Condohell” ang Condotel dahil sa mala-impyernong init nito na bunga ng palpak na bentilasyon, habang nananatiling banta rin sa kaligtasan ang dead-end na fire exit, at mga pabagsak ng kisame dito. Lubhang napakahalaga ng pagkakroon ng maayos mga pasilidad na “conducive to learning” o angkop sa pagkatuto ng mga mag-aaral upang maging de-kalidad ang edukasyon sa mga SUC, kaya responsibilidad lamang ng gubyerno na ipagkaloob sa estudyante ang mga ito. Hanggat nananatiling kulang ang mga pasilidad na aakay sa lumalaking populasyon ng mga iskolar ng bayan, hindi tunay na makakamit ang libreng edukasyon. Bagaman napagtagumpayan ng

mga mga kabataan ang pagsasabatas ng siyam o 12 taong gulang. Bagong taon ngunit lumang tugtugin Free Tuition Law, nananatili pa rin ang mga bayarin sa iba’t-ibang kolehiyo. Patuloy ang ng papalubhang kalagayan ng mga kabataan, paniningil ng Departmentals Fee sa College lalo na sa rehimeng walang ibang ginawa of Engineering. Dagdag pa rito, ipinatutupad kundi pahirapan ang mga mamamayan at din ang “retention policy” na naglalayong nakawin ang lahat ng napagtagumpayan ng alisin sa pagtamasa ng libreng edukasyon kanilang sama-samang pagkilos. Hinubog ng militanteng paglaban ang estudyanteng magbabagsak ng tatlong subjects pataas. Inuunti-unti na rin ang ang kasaysayan ng Sintang Paaralan kontra pagpapatupad ng Return Service System patung-patong na kaltas pondo at mga (RSS) na naglalayong magsilbing kapalit sa maniobra sa edukasyon. Masasalamin ito sa libreng edukasyon sa ibang mga kolehiyo ilang dekadang mga naging tagumpay ng tulad ng College of Social Sciences and buong komunidad ng PUP. Araw-araw ay panahon upang Development. Ginagamit ring dahilan ng Commission pandayin ang papalakas na panawagan para on Higher Education at ng administrasyon sa tunay at lehitimong libre at dekalidad ng PUP ang libreng edukasyon upang na edukasyon. Makatarungang kumilos at pagkaitan ng suportang pinansyal ang mga lumaban, hindi lamang ang mga mag-aaral maging pati na rin ng publikasyon, mga organisasyong pang-mag- k u n d i buong komunidad ng PUP aaral, at college student councils. upang labanan Ngayong Taong ang kaltas pondo Akademiko tanging ang sa edukasyon. The Catalyst at ang Sentral na Konseho ng mga Magaaral lamang ang bibigyan ng pondo. Tinatapyasan ng Estado ang badyet sang mga ahensyang dapat magbigay ng mga batayang serbisyo publiko, kabilang na ang DepEd, DOH, at DSWD, habang patuloy naman niting pinalolobo ang pondo para sa karahasan sa pamamagitan ng ‘rechanneling of funds’ mula tungo sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Department of National Defense. Isa itong malinaw na manipestasyon na walang kongkretong plano ang rehimeng Duterte para sa mga kabataang Pilipino. Habang dumadausdos ang kabuhayan ng mamamayan buhat ng tumitinding sitwasyon ng ekonomiya ng bansa salamat sa pahirap na mga polisiya ng gubyernong Duterte tulad ng TRAIN Law at pagkakait nito sa kabataan ng kanilang karaparan sa libreng de-kalidad na edukasyon, tila gusto pang unahin ng Estado ang mandatory ROTC, mandatory random drug testing, at pagpapababa ng minimum age of criminal responsibility sa


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
JANUARY 2018 SPECIAL ISSUE by The Catalyst - Issuu