Lampoon

Page 1

page 3

Gender Equality, nakamit sa PUP

Sa gabi ng palitan ng bara at tugma, punong puno ang C-side (katabi ng B-side) kahit hindi pinapasok ng mga bouncer ang mga walang biometrics. sundan sa p. 4

m a i n

@ Malacanang palace p. 4

WAR

e v e n t

FLIP T OP

Captain amboy vs Boy Bakal

proudly and humbly presents

sapakan sa ace hardware tournament

News ko po

Duh! Chakalyst


02EDITOURYAL

Duh! Chakalyst

Isa itong satirikal na atake sa mga abnormal na pangyayari sa bansa. Sa sobrang abnormal nga, matatawa ka na lang. Parang eleksyon.

‘Wag mong basahin Seryoso. Hindi mo dapat itong basahin dahil ito lang ang seryoso sa Lampoon Issue ng The Catalyst, ang Duh! Chakalyst. Isa itong satirikal na atake sa mga abnormal na pangyayari sa bansa. Sa sobrang abnormal nga, matatawa ka na lang. Parang eleksyon. Tawa ka na dali. Ilang araw na lang ay matatapos na ang panunungkulan ni Noynoy Aquino na siyang papalitan ni Rodrigo ‘The Punisher’ Duterte (o diba mala-superhero rin ang datingan). Kahit na nasawi ang ruling party na Partido Liberal sa nagdaang eleksyon ay hindi roon natatapos ang lahat. Ma-jumble-jumble at maghalo-halo man ang mga partido sa loob ng papasok na administrasyon, walang katiyakan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa

susunod na anim na taon. Sabi sa’yo ‘wag mong basahin e. Kaya naman naisipan ng The Catalyst na muling ilabas ang lampoon issue nito upang ipakita sa madla ang mga nangyari sa Elections 2016 at kung paano ito naging sistematikong pandaraya sa mamamayan. Hindi nga lang ganoong ka-seryoso, ngunit sa likod ng bawat letra sa dyaryo ay may katumbas na katotohanan. Hanapin mo na lang. Ang lampoon ay isang nakakatawang bagay na kahit hindi mo gawan ng joke, nakakatawa. Ginagamit itong sandata ng mga mamamahayag upang gawing magaan ang isang mabigat na isyung panlipunan at tanggap ito sa etika ng pamamahayag sa layunin nitong magbigay ng kasiyahan sa pagbabalita.

Duh!

TO WRITE FOR THE LIBERALS IS SOMETHING.

22nd Floor Charleast Bell Rowsa’yo Building PUP Santo Lamesa, Maysila MEMBER: Alyansa ng Kababaihang Magaganda (AKM-PUP) College Editours Gays of the Philippines (CEGP) www

.peys pupd buk.com /p uhch akaly upduhch st@gh a ijklm kalyst ail.co m

Taong 2006 nang unang ilabas ang Duh! Chakalyst ngunit huli itong nailathala noong 2012. Dahil sa problema sa pondo, hindi nakakapaglabas ng regular na isyu ang publikasyon. Parang regular na ang pagiging irregular nito. Taong 2013 nang ikampanya ng Cata ang Transfer of Fund upang igiit sa administrasyon ang kalayaan sa pamamahayag na walang panggigipit sa pondo. Kasama ang mga iskolar ng bayan, naging matagumpay ito kaya noong Enero 2014, inilabas ng Cata ang unang dyaryo nito matapos ang halos tatlong taon. Maraming pinagdaanan ang Cata. Isang madugong presswork (seryoso ‘to, nakakaubos talaga ng dugo. At pasensya.) para ibalik ang

Chakalyst

buwanang pahayagan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP). Muli nating ibabalik ang dyaryong mananatiling naglilingkod sa interes ng mga iskolar ng bayan. Muli naming ilalathala ang Lampoon Issue matapos ang tatlong taon at kikilitiin ang inyong imahinasyon sa mga nakakatawang pangyayari sa bansa. Ito pa rin naman ang dating Cata na binabasa niyo at ginagawang eroplano o tinatapon sa isang tabi. Minsan upuan din ‘pag nangangawit na sa pila. At dahil nakakatawa naman ang nagdaang eleksyon, wala na kaming nagawa kundi gawan ito ng lampoon issue. Sayang naman ang hugot ng mga tao sa mga kandidato at kung paano tumakbo ang eleksyon kung hindi namin ito isusulat. Hindi kayang gawing

spoken word poetry, kaya dyaryo na lang, pandagdag sa pamaypay collection. Para rin sa mga nagtatanong kung bakit laging negatibo ang binabalita namin, ito na kasi yung good side. Ang good side ng nagdaang administrasyon at sa pagpasok ng bagong mamamahala. Kaya ‘wag mo na ‘tong basahin. Baka mawalan ka lang ng pag-asa sa mga bagong halal. Hind masasayang ang bente pesos mo na Catalyst fee (check mo resibo mo) dahil bubusugin ka nito kaysa Cornetto. Corny nga lang ‘yung iba dito. Pero kung mapilit ka talaga at naengganyo sa cover namin, sige go ka na nga. Basahin mo hangang dulo bago mo drowingan at lagyan ng sungay at bulok na ngipin ang graphics.

Editouryal Bored 2015-2016

EDITOUR IN CHEF Abiwaiting D’ Lion | MADALING EDITOUR Kurtain Liquid Sosa | AHSOSHET EDITOURS DeNice D. Soon (LAMAN-LOOB) | Elesi Korni Inday Singsoon (LAMAN-LABAS) | SICKSOON EDITOURS | MUSE Gonathan XLtiyan Condens | PIHCHURS Deniece Ant Flowerendo | LITERAL-E Piyaya Baril RamiLess | COME-U-TEA Enny Papansin | COOLCHAR Zakorin Kite Etmeryenda GURANG STAP

LEFTERS Steel Mawie Mawagay | Mamaya Santo | Dyuu Tam Talampakan | Siyam Isa Atinsiya ARTRITIS Geerawrdo Oh-come-po, Jr. | Dyan Tol Pwerto | Liandoro Billiardsis BABY STAP

LEFTERS Raybean Lowpez | Diyan Binscent Chakanares | Brandoon Nail Seesoon | Cryang Terriebill | Tree-siya Ohbedyas | Arianne Joy Gardon ARTRITIS Nohwell Theybid Timbangan CONTHREEBYUTOUR

France Urn Maribeles | Cristi Ann Enri Bitch | Gay Ruben Balae’s | Meliko Gullivans Travel


NEWS KO PO03

Duh! Chakalyst

Dahil walang facilities,

Gender Equality, nakamit sa PUP Tree-siya Ohbedyas

Dasal-dasal nalang talaga. ‘Wapakels kasi ang Povernment.

Matapos paasahin ng DepEd dahil sa K+13,

Senior Citizen HS sa PUP, nakapag-enroll na Piyaya Baril Ramiless Finally, nakapag-enroll na ang mahigit 1000 Senior sa PUP matapos paasahin at pahirapan ng programang K+13 ng Department of Eduwaw (DepEd) noong May 23. “OMG. This is it. After a long wait of waiting, natagpuan ko na rin ang forever ko. Charot. Syempre at least makakapag-aral na rin ako. Salamat sa K+13, natuto akong maghintay kahit future ko nakasalalay dito. Naniniwala na talaga ako sa DepEd,” ayon kay Tedibur Burbur, isang grade 10 completer mula private school. Sa kabila ng pamimigay ng voucher ng DepEd, hindi pa rin umano nito mabibigyan ng spark ang pangarap ng kabataang magkaforever sa eskwelahan dahil hindi na sila nanganganib ma-drop out. Pangarap lang naman daw nilang matanggal ang sobrang laking gastos at matrikula para dagdag baon at bawas butas sa bulsa ni Nanay. Realtalk

lang, nasa 700,000 –1,000, 000 hayskul pa ang walang mapapasukang pampublikong SHS kaya marami pa rin ang umaasang itigil na ng gubyerno ang kahibangang ito. Hindi umano sinulusyunan ng programang ito ang krisis ng edukasyon sa bansa. Sa halip, dinamihan lamang nito ang textbooks na kailang i-print according sa panlasa ng mga dayuhan. Layunin ng programang itong habaan ang taon sa hayskul para mas dumami ang semi-skilled workers o cheapas na labor sa bansa. Dagdag pa dito, binigyang daan ng K+13 ang pagtataas ng matrikula at ibang bayarin ng mga pribadong eskwelahan, halos 100,000 hanggang 200,000 ang dapat anju para matapos ang SHS. Iginiit naman ni Chabanana Babañez, National Chairperson ng League of Furry Studes (LFS), na hindi solusyon ang pagdadagdag ng taon ng K+13 sa problema ng edukasyon sa bansa.

Pinatindi lang nito ang commercial (bonggang gastos) at colonial (bonggang for the dayuhan) character ng edukasyon sa Pilipinas na lalong maglalayo sa kabataan sa mga schools kasi chepas na labor na nga product nito. Dapat kasi magfocus na lang sa pagtanggal ng negosyo sa loob ng schools ang government. Like ipagbawal ang tuition increase, other school fee at kung ano ano pang fee. Dapat din instead na ganyan, ginawa na libre at abot-kaya ang edukasyon, hayskul man o college para lahat ng kabataan hindi na magdrop out at may right to education na. so kahit na may vouchers na, hello hindi lang sila o tayo ang kabataan kaya dapat magkaisa at ipa-junk junk natin ang K+13!.” Bilang protesta sa DepEd at ipanawagan kay Rody Duthirty, nag-camping sa labas ng kagawaran ang mga magulang, guro at syempre kabataan laban sa K+13 nang hindi na ito ipagpatuloy sa next administration.

Dahil sa generosity ng Pilaless University only in the Philippines (PUP) Admin, ganap nang nakamit ang gender equality sa pamantasan matapos ang ribbon cutting ng first ever girlboy-bakla-tomboy comfy room (CR) noong Perero 14 sa Timog Pakpak, 6th Flr. Dinaluhan ito ng lahat ng nadalang pipol sa buong bansa na matagal nang nangangarap ng pantay na pagtingin sa mga may piniling kasarian. Ang high ups din ng PUP ang personal na kumuha ng gunting bilang pagpapakita ng kanilang paggalang sa gender equality. Dagdag pa dito, pinaghahandaan umano ng pamintasan ang paglahok nito sa Guinness World Book of Record na may pinakamaraming gender na na-cater at pinakamalayang spot sa buong mundo. “Isa itong magandang pangitain para sa pagsisimula ng new term ko ayon sa Feng Shui. Sa susunod, sa north, east at west naman tayo magbubukas ng for everyone CR para tuloytuloy ang buhos ng swerte ngayong 2016. Buti na

lang mayroon tayong kakulangan sa pasilidad sa pamintasan kaya push lang ang mores pang ganito para na rin matipid natin ang Sosyal Trash Fan (STF),” pahayag ni Emenuel D. Gustman, pangulo ng PUP, sa kanyang recital kasama ang Duh! Chakalayst (DC). Ayon naman sa mga studes na na-videohan ng DC, mas exciting pa daw ang paggamit sa mga CR na ito kaysa sa Gee Spat Burjer sa Ohnonas. Hindi raw nila malilimutan ang mga moments of silence at eye-to-eye contact everytime na papasok sila dito. “Ang galing galing nito. Parang mapapaWOW ka sa sarap, este, sa mga ginintuang bowl. Almost heaven lalo sa mga kafeds kong rumarampa pag gabi nang nakaheels kahit masculine body. Wish ko lang na dumami pa ito at lumaganap sa 7, 100 islands ng Philippines ang gender equality,” chika ni Juan Two Three Gowna, stude ng BS Pigsalogy at suki ng CR. Sa Abril sisimulan ang pagpapagawa ng mores na unisex CR pagkatapos ng mga binakbak na kalsada alinsunod sa batas ng tadhana at payo ng Feng Shui experts.

Kapag tipid, female is also male.

kuha ni: Ay, ‘day. Di ko alam!


CAP TAI Duh! Chakalyst

S

FLIP T O

a gabi ng palitan ng bara at tugma, punong puno ang C-side (katabi ng B-side) kahit ang dalawa sa pinakabigating battle emcee during election period. Tumuntong sa dalawang emcee.

Uncle Sam: Sa kaliwa. Mula pa sa Davao, reppin DDS. Presidente ng Anti-drugs division, representing Team IRON MAN, mag-ingay para kay boy bakal! Plays* pangarap ko’y di maabot, dahil sa bawal na gamot Shout outs Davao Death Squad, kay Jose Maria Sison sa Netherlands, rest in peace kay Ka Parago, pag ako nakaupo na, lalakas ang kita ng mga funerarya. Sa kanan, galing pang Hacienda Luisita, pauwi na galing Malakanang, reppin Daang matuwad. Mag-ingat kay Captain amboy! Plays*bilangoooooooooooooooooooooooooooo oooooooooooooooooooooooooooo Nanalo sa election este coin toss si Boy bakal. Pinili nyang mauna si Captain amboy. Tig anim na taon lang, disrespect the mcs, putangina nyo o. STFU! Captain Amboy: Ehem ehem! Check check! Mga boss, balita? Natanggap nyo ba ang buwanang sustento? 4ps ko’y solusyon para sa crowd nitong Pinas Bakit may angal pa, yung mga ayaw na, pwede na kayong lumabas! Mauna na tong si Iron, kasi sa term ko, ekis to Paturo ka muna sakin, papasagasaan kita sa LRT, ganyan ako magtrain Fair Hike, Tuition Hike, All price hike that’s how you do it right Babuyin ang mamamayan, trabaho pag nasa upuan Powers ko’y sinubukang iretain, para ang hacienda hindi maubusan ng sugarcane Wapakels ako sa mga manggagawang yan, mga aliping sahuran Walang batas, batas, ako ang panginoon ng mga lupang to! Ano boy kaya pa? chinecheck ko lang, Baka hanggang Davao ka lang. Kasi dito mas malaki ang kick back GDP at GNP ang mamanipulahin, kaya boy follow my footsteps, sumunod ka nalang sakin Kasi wala tayong beef, pero pork meron

Sa pork barrel daig pa marvel sa dami ng mutant na didikit Mga akala mo linta sayo magsusumipsip. If u cant beat us, join us. Time Boy bakal: Anong follow follow my footsteps? Hindi yan maaari! Lahat ng ayoko, puputulan ko ng ari! Shots fired, akala mo bagong taon Putok lang nang putok, kahit walang notion oo iresponsable ako! At wala akong pake. yung bala-k ko hindi naliligaw Walang stray bullets sapul lahat sa plano ko, Kailangan ko pa bang ulitin ‘yun? Bala-k na hindi naliligaw Walang stray-bullets, sapul lahat sa plano ko Kaya lahat ng babangga, magtago-tago na kayo! Ubusin ko lahat ng drug-lords Gambling lords at land lords, ubos din kayo sakin Kaya noy magbalot balot ka na Goodbye na sa malacanang, yung 6 years ngayo’y saakin tutukan ka ng .45 caliber ng kagutuman, 9mm na kahirapan, Carbine ng pambubusabos, hindi maibigay na M16 thousand na sahod Yan ang tunay na 4 piece (4Ps) na sa mahihirap nanghihilahod Ubos na panahon mo kahit bumalik sa times street Walang pagsasalba sa neck brace at wheel chair Sira ang reputasyon mo naaalala mo ba yung Disaster!? Yung Yolanda. Nasaan na nga a yung Trillion na donasyon? Hmmm. Malamang sa malamang nasa bangko nyo na yon! Ang hinihiling ng crowd ay parang performance ko tonight Ikulong kita sa Bars – literal na out of light Bartolina, isolation yan dapat sa nagpakatuta Askal hindi K9 isusummon ko para ikaw ay ipalapa! Time!


IN AMBOY Duh! Chakalyst

OP WAR

t hindi pinapasok ng mga bouncer ang mga walang biometrics. Ngayong gabi magtutunggali a stage ang longhaired red, white and blue wearing host na si Uncle Sam para ipakilala ang Round 2 Uncle Sam: Grabeng laban to, pakinggan natin si Captain Amboy Captain Amboy: Check. Check. Diiiii-gong, kumusta! Diiii-ba, presidente ka na? Diiiiiii, narinig mo na, na prone ka sa coup’ de etat? Kung feeling mo prinsipe ka, hindi ka si Ce-D Bisaya ka kaya ang bigkas mo sa lunes ay Man-D Di ka Philosophical great di ka si Ghan-D Isa ka lang Squirrel sa dagat pangalan mo’y San-D Mungkahi ko magbawas ka nalang sa subsi-D Isapribado mga kumpanya. Wag itayo ang industry!

Off the top: Maghanda ka sa Bar-Tolina, Ano raw? Slow it down Sabi ko “off the top” yung bars ko tuli na Word play yon, gusto mo isa pa: Anong tagalog ng bars? Baka sabihin mo “bara”, kabado tong si amboy halata Kasi tagalog ng bars sayo ay rehas wala kang takas Kaya congrats hindi ka na single, naks naman siya Yung rehas kaibiganin mo, tutal tinalo kayo ni Bakal Kasi bibig ko daig pa kentex pag umapoy, Tiyak matutupok lamon ng usok tustado si abnoy Kasi ‘tong rhyme scheme matalim pa sa dila ni inday sara Man from the the south ako ang O.G ng minda

Whaaaaaaaaaaaaaaaaaat. Another D? Another dictator? Digong kamusta? Mukhang lumobo ka na Ayaw mo nang magpaintwerview Nambastos ka pa ng media

Kaya Noy tumabi ka, panahon mo tapos na Goodbye sa pagiging ruling party, It’s my time to serve the ruling class

Di maglalaon ay magiging magkatulad rin tayo Sasabihan ka nilang nagahimod ng pwet ng kano Sabagay Fliptop to, Marami talaga ang critics Marami talaga ang Crit-hits I can punch and kick you without those limits! Mga bullet lines na papatay sa nagwewelga nyong hinaing Komersyalisasyon sa edukasyon - tawagin ninyo akong suicide king Sa anim na taon, anim din ang namatay Eh ano naman? Mga hamak na estudyante lang naman yan, saakin sila’y mga walang saysay! Time

Di lang battle na to ang tapos para sa’yo Tapos na rin termino mo! Time

Uncle Sam: Konting katahimikan, huling banat kay boy bakal

Kasi Noooooooy, wala ka nang rebutt!!!!!!!

Uncle Sam: B side magingay para sa laban na yon Sa pagtatapos ng battle mala-konsiyerto nagkagulo ang mga tao, mukhang matindi ang crowd control ni Boy Bakal pangalan niya ang chinachant ng crowd, lumapit si Amboy kay Boy Bakal para makipagkamay kala mo hindi tatanggapin ni Boy Bakal pero makikipagkamay rin pala siya. Saglit na fade to black ang camera pagbalik nasa harap si Uncle Sam para i-announe ang nanalo.

Boy Bakal: Check check, gising pa ba? Amboy panot kaaaa!!!!!!!!!!

Uncle Sam: B-side malupet yung laban na yon. Mag-ingay muna! Ang nanalo sa botong 6-1 si Boy bakal.

Konting sigaw baka kasi may nakatulog, Dito sa huli kong hulog walang palag Hindi NAIA ‘tong stage pero may mga balang malalaglag

Lumapit si Uncle Sam kay boy bakal para batiin ito sa pagkapanalo, hinablot nito ang kamay ni boy bakal para itaas. Sabay silang humarap sa crowd para mag-bow.


06NEWS KO PO

Duh! Chakalyst

Upang tapusin ang El Niño sa North Batobato,

Rave Party sa barikada ng magsasaka, pinaulanan ng bala Abiwaiting D’Lion Piyaya Baril Ramiless Dahil sa love love love ni Kwissy Aquino at Liberals, ginanap ang Rave Party sa barikada ng 6, 000 magsasaka kung saan nagpaulan ng bala upang tapusin ang tagtuyot sa Kidapawan, North Batobato. Ayon sa organizers ng nasabing event, mas madaming truck ng bumbero ang kinailangan dito kaysa Hydro event all over the world. Hindi umano biro ang pagbuwag sa protesta ng mga magsasaka kaya kinailangang haluan ng bala ang tubig nito. Anim naman ang naitalang nasawi samantalang mahigit 100 ang sugatan sa climax ng event. Ito rin umano ang didilig sa tigang na lupain ng nasabing probinsya at tatapos sa tatlong buwang kalamidad ng El Niño. Labis naman itong ikinatuwa ng Liberals dahil finally wala na ang barikada dahil may solusyon na ang kalamidad at maayos nang

dadatnan ang Kidapawan para sa kanilng star-studded campaign rally. “Hindi naman kami maamoy sa TV, kaya dapat pleasing to the eye na lang kami. Ito na lang din ang inaasahang ulan ng mga magsasaka hindi kasi sila marunong magRain dance or something. Wala rin namang ibang mapakain ang government kundi bala,” pahayag ni Mar Roxas, Standard Bearer ng Liberals. Ayon naman kay Gov. Luhluh Mainedoza, nakakainis at nakakainsulto sa kanyang administrasyon ang ginawang protesta ng mga magsasakang naapektuhan ng El Niño kaya naman nagpaRave Party na lang sila dito. “They’re like so paharang-harang sa kalsada. Anong akala nila sa akin, hindi marunong makipagbasaan sa rave? Tsaka sabi nila mainit, e summer naman, nagpaRave Party ako sa kanila thanks to mga bumbero. Nagrereklamo naman sila ng di umuulan

kaya wish granted. Kaya lang out of stock yung tubig, bala na lang para rin manahimik na sila. We just gave what they want,” dagdag pa ni Mainedoza. Kahit pa magkahiwalay ang panayam sa dalawang pulitiko, kapwa nagkakaisa naman sila sa dahilang kasalanan ng mga magsasaka ang nangyari dahil hindi sila marunong magtayo ng sariling irigasyon at umaasa lamang sa calamity fund na bigay ng povernment. "It's their fault na hindi sila marunong magdilig ng lupa kaya lanta ang tanim nila." Ani Roxas. Sa inilabas na datos ng PNP, mas maraming pulis ang sugatan kaya naman napagdesisyunan nilang i-hostage at kasuhan ang mga magsasaka sa loob ng simbahang naging sangktwaryo ng mga ito habang nagaganap ang pagpapaulan. Para naman makalaya ang mga biktima, pinagbayad na lamang nila ng P77,000 kada isa.

Matapos ang pagtakbo bilang senadora sa pangatlong pagkakataon,

Mother Risa Huntehberos, Winner na winner na!

Piyaya Baril Ramiless Sa kakatapos lamang na Eleksiyon 2016 malaki ang pasasalamat ni Mother Risa Huntehberos sa kanyang pamilya partikular sa SUPER HOTTIE niyang pamangkin na si Luis Huntehberos. Mother Risa said “Unang una po, upang ipakita na ang senado ay hindi lamang para sa mga may mabibigat na apleyido, ang senado ay may espasiyo sa mga may pamangkin na SUPER YUMMY,” ani Huntehberos. Ayon sa datos ng ABIASCBN, Karamihan sa mga

botante ni Mother ay mga beki na ekstraordinaryong pangarap ang kanyang pamangkin. Wika ni Mother Risa “Saan mang dako ng bansa na may CHACHARING CHARING ay dapat may de-kalidad at abot-kayang serbisyong pangbuking. Dapat po mayroon tayong tatakbuhan at hindi tayo ang tatakbuhan o sasarhan sa mga oras na tayo’y tigang.” Dagdag pa niya, malaki ang pasalamat niya sa Philhealth kung saan buong puso nilang sinuportahan ang kanyang kampanya.

"Kahit na isasara na sila dahil sa kakulangan sa pondo ay nariyan pa rin sila at sinuportahan ako sa kahit anong paraan dito sa aking laban." Binanggit niya na ipagpapatuloy niya sa loob ng senado ang kanyang mga nasimulan sa ilalim ng daang matuwad ng papalabas na administrasyon. Pagtapos nito ay tuloytuloy na ang pagpasok ni Mother Risa sa senado upang i-rampa ang kanyang alampay collection at hottie pamangkin.

HORROR

SCOPE Many Pakyaw Malaki ang nai-ambag ng pagreretiro mo sa boksing (pati syempre ng perang panalo mo sa last fight mo) para magtop 5 sa senatorial race. Sama mo na ang every Wednesday mong cell group at prayer meeting mo with nanay D. Dahil retired boxer ka na, napepredict kong magiging active ka… sa basketball. Syempre mas humaba na free time mo. Go! Para makapasok na kayo sa finals! Lucky OOTD: Jersey and Boxer shorts (‘yung underwear ha) Lucky number: 4 (attendance mo yan sa kongreso)

Risa Huntehberos Yessss, after 197238 years, nanalo ka na rin! Good choice na hindi ka na gaanong nagsusuot ng alampay. Maliban sa hindi na #OOTD-worthy ang iyong porma, e baka ang iyong alampay collection ang dahilan kaya hindi ka manalo-nalo. For continuous good fortune, after mong mai-deklarang senadora ay ipa-auction mo na ang iyong Alampay collection (with Luis Hontiveros as your seller <3) at idonate ang kikitain sa Philhealth. Good investment ito, dahil magagamit mo ito sa mga susunod mong pagtakbo. Lucky OOTD: Anything without Alampay. Try mo mag-Tubaw. In ngayon ‘yon. Lucky Card: Philhealth Card

Zooey Billanweva Malaki ang nagawang tulong ng malaking billboard mo sa Novaliches para manalo sa Elections 2016. Atleast kahit hindi ka official member ng Avengers, pasok ka naman sa Magic 12 ng Senatorial race. Mungkahi ko gumawa ka na ng costume mo para mas swertehin. Samahan mo na ng signature move para mas pak ka sa loob ng Senado. Lucky weapon: Soldering Iron Lucky Costume: Welding mask

Winwin Gatchalian No need to worry Win, after ilang months, nakilala ka na rin namin! Hindi ka na lang pa-mysterious na kambal ni Tesdaman! Winner dibuh. Para mas makilala ka pa ng mga kasama mo sa Senado as well as the madla, mag-release ka ng answered slumbooks (Sagutin mo yung who is your crush! ‘Wag laktawan!) with dedication to the owner. Samahan mo na ng face swap photo niyo ni Tesdaman. Lucky chant: Win na win kay Win!

Ant-oh no Thrillyanez You should consider yourself lucky kahit na hindi nanalo sa pagka-bise presidente dahil hindi natuloy ang suntukan niyo ni Mr. Presumptive President sa BPI J. Vargas. Atleast hindi ka natrial by combat. But this is an unlucky year to launch a Coup d’etat. Antayin mo na lang magpalit ng administrasyon. O kaya lumipat ka na lang sa Magdiwang. Also, you should try to buy another pair of combat boots, malay mo ikaw na ang protagonist sa Descendants of the Sun season 2. Lucky weapon: M16 Lucky Haircut: 3x4

Almamater Morena In fairness, sumikat ka! Okay lang na hindi nanalo, atleast social media star ka na. Dagdag mo pa ang dance numbers mo every campaign rally. Pak! Ay nako, pagtapos niyan pwede ka na sumali ng mga beauty contest (talbugan mo si Janina San Miguel!). Mungkahi ko magpatay ka na rin ng ilaw tuwing gabi (marami na kasing tulog), tigilan na ang pills at makipagbati na kay Karen Davila. Who knows, baka siya na naman mag-interview sa’yo next elections. Mag-hire ka na rin ng private choreographer and dance teacher. Lucky song: May Tatlong bibe Nae-nae remix Lucky readings: Magna Carta for Women at RH Bill


FEETYOURS 07

Duh! Chakalyst

Para kay M, Ikaw ang bahagi ng nakaraan na hindi ko makakalimutan. Hindi ko kalilimutan. H’WAG KA NANG BABALIK.

Tulad ng iba, marami kang sinabi, marami kang pangako. Paulit-ulit akong babalik sa mga salitang naghudyat ng pagbabago ng lahat.

“I have proclaimed martial law... to save the republic and reform the society...” Bigla kang dumating bitbit ang pangako mong pagbabago at pagpapabuti ng kalagayan ko. Dumating ka sa pag-asa na mapipigil at mapapakalma mo ang nagpupuyos kong galit dahil alam kong ikaw ang dahilan ng paghihirap ko. Ipinangako mong para sa aking ikabubuti ang mga gagawin mo, pilit mo akong pinasunod sa lahat ng sasabihin mo. Hindi ako maaaring sumuway sa ipaguutos mo; hindi ako maaaring makialam o makibalita, lahat ng ipapaalam at kailangan kong matutunan ay batay sa kagustuhan mong malaman ko. Inalisan mo ako ng karapatan. Pilit mong kinontrol at sinakal ang buhay ko. Kahit ayaw ko na, sa tuwing mararamdaman mong lumalaban na ako sa iyo, sinasaktan mo ako. ( w w w. g o v. p h / 1 9 7 2 / 0 9 / 2 3 / r a d i o _ t v _ address_of_president_marcos/) Alam kong hindi mo ako mahal. Alam mong hindi ikaw ang mamahalin ko kung kaya’t kailangan mo akong ikulong at takutin. Hindi ka marunong magmahal, tanging pagibig sa sarili lang ang meron ka. Habang paniwalang-paniwala kang naloloko mo akong umuunlad ang ekonomiya, ramdam na ramdam ko ang paghihirap. Bilang patunay, ibabahagi ko ito mula sa pagsasalaysay ni Ret. PN Capt. Danilo

P. Vizmanos sa kaniyang Martial Law Diary, “The rich and poor gap has reached a point where well-fed animal pets in Forbes Park and Magallanes have become the envy of bare-foot and rag-attired waifs of nearby Malibay and Tramo.”

Wala kang awa. Sinaktan mo ako. Iyong sakit na pakiramdam mo, wasak na wasak ang puso abot hanggang bituka, atay, balunbalunan, sikmura, apdo – lahat, pati mga buto mo durog. Buong katawan mo, masakit at nanghihina. Pinatay mo ako.

Kasabay ng paghihirap ko sagad-sagarin namang nangungulimbat ang unang pamilya ng bayan. Lahat ng anak ni Marcos ay nagaaral sa ibang bansa, at kalauna’y binigyan niya ng mga posisyon sa gubyerno upang humahakot din ng salapi. Ang kaniyang asawang si Imelda ay wagas kung makagasta sa mga shopping spree ng mga alahas, sapatos, at kung anu-ano pang mga luho sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Literal na sakit ang dinanas ng mga biktima ng tortyur noong panahon ng Batas Militar. Isa dito si Liliosa Hilao, ang unang kaso ng pagkamatay habang nasa piitan. Magtatapos na sana bilang Cum Laude ang batang manunulat. Bagama’t matatapang ang kaniyang mga akda at kritik sa rehimen, hindi kailanman nakadalo sa demonstrasyon si Liliosa dulot ng kaniyang mahinang pangangatawan.

At siyempre, nariyan pa ang mga pekeng bank accounts ng pangulo, kaniyang mga kroni at iba pang malapit sa kaniya.

Biktima si Liliosa ng gang rape, truth serum, russian roulette at iba pa. Pinalabas na siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng muriatic acid ngunit sa katotohanan,binabad ang kaniyang lamanloob sa asido.

Hanggang sa ngayon, hindi pa lubusang nababawi ang mga ninakaw na yaman ng pamilyang Marcos na tinatayang mahigit $5 - $10 bilyon. (cnnphilippines.com/news/2015/11/25/ timeline-marcos-ill-gotten-wealth-jewelsproperties-paintings.html) Dahil sa tindi ng mga kalokohan mo, alam na alam mong hindi mo ako kayang bulagin kaya pilit mo akong binubulag at binubusalan. Isinalarawan ni Vizmanos ang kalagayan ng edukasyon bilang, “The present educational system under ML conditions is a retrogression to the Dark Ages. Atmosphere of martial law is antithesis to academic freedom. Open classroom discussion on social science, political science, and even current events is suppressed.” Isa rin sa mahigpit mong pinagbawalan ang kalayaan sa pamamahayag, “Irreconcilable contradiction is the correct description (the relationship between press freedom and martial law conditions).”

Sa mga tinaguriang Millenial, h’wag kayong mabulag sa mga nababasa n’yo sa kung saan-saan. Kaya madalas kayong maloko e. Nakalimutan mo na ang kakayahan mong magsaliksik at gamitin ang iyong researcher skills higit pa sa stalking skills mo kay EX at sa bago niya. Hindi tayo makapapayag na tulad ng Ex mong sinaktan ka, pinahirapan, ginawang tanga, hindi tinratong tao at iniwan ka ay babalik ng ganoon lang, parang walang nangyari. Pagkatapos ng lahat ng dinanas mong hirap sa kaniya, hindi man lang niya nakita ang pagkakamali niya at pangangailangang humingi ng tawad. Pero, nandiyan siya ulit,

Maraming taon na ang nakalipas. Ito ang masaklap na kuwento natin. Ito ang mga ala-ala ng wasak na kahapon at ang natapos ngunit hindi nagwakas na istorya.

Sa pag-aaral ni Xiao Chua, isang historian, mayroong iba’t-ibang klase ng paraan ng torture. Bahagi ng pisikal na tortyur ang Truth serum, Russian Roulette, Beating, Pistolwhipping, water cure, Strangulation, Cigar burn, Flat iron burns, Pepper torture, Animal treatment. Nariyan pa ang psychological, emotional at sexual torture. Ayon sa Amnesty International, sa kabuuan, 70,000 ang mga ikinulong; 34,000 ang biktima ng torture; 3,240 ang pinatay. (www.academia.edu/7968581/TORTYUR_ Human_Rights_Violations_During_The_ Marcos_Regime)

Ikaw rin ang dahilan kung bakit libolibo ang naiwan nang walang paalam, walang pasabi. Hindi mo alam kung paano naghihirap ang mga pamilyang naiwan na lamang na nagtatanong kung bakit o kung

anong nangyari. Mga tanong na hindi na yata masasagot pa. Ika-19 ng Marso, huling nakita si Carlos B. Del Rosario o Charlie, 27 taong gulang, propesor sa Philippine College of Commerce (ngayon ay Polytechnic University of the Philippines) habang nagdidikit ng poster sa loob ng kampus sa Lepanto, Maynila. Inaasahan si Charlie na dumalo sa isang pagtitipon noong gabing iyon ngunit hindi siya dumating at kailanman hindi na nakita. Siya ay isa sa mga nagtatag ng Kabataang Makabayan, grupo ng mga kabataang kilalang kritiko ng rehimen at kumukundena sa neokolonyalismo at hindi pantay na relasyong Pilipinas at Amerika. Siya ang kauna-unahang desaparecido na naitala bago pa man opisyal na ipataw ang Batas militar. (www.bantayog.org/?p=1007) Nasundan pa ito ng maraming kaso ng desaparecido at hanggang ngayon, nadadagdagan pa. Sila ay biktima ng desperasyon ng rehimeng Marcos na panatilihin ang paghahari-harian sa naghihirap na bayan. Bakit nga ba hindi kita kalilimutan? Bakit ba may mga sakit na hindi mawala-wala? Simple lang. Wala kasing hustisya! Hanggang ngayon ay wala pa ring nananagot sa karumal-dumal na bahaging iyon ng kasaysayan. Ang mahigit dalawang dekada ng rehimeng Marcos ay hindi lamang isang mapait na kahapon na dapat kalimutan ng mga dumanas nito at maging ng mga salinlahi nito. Hindi ito ang kalilimutan mo na lang sapagkat matagal nang nakalipas. Hindi ito ‘yong tipong mag-mo-move-on ka kahit walang closure. Ito ang bahagi ng kasaysayan na paulit-ulit nating aalalahanin, aalamin ang katotohanan, at paghahanguan ng aral.

Para pa rin kay M,

binabalikan ka at gustong kalimutan mo na lang ang nakaraan. Imbyerna ‘di ba? Nakooooooo! H’wag kang ano. Nariyan ang mga mahahalagang link na makakatulong sa’yo, hindi man sa pagmomove-on, kun’di sa pag-aaral ng kasaysayan. H’wag mo itong babalewalain tulad ng pambabalewala niya sa’yo. I-search mo na lang. Kung siya nga nagawang maghanap ng iba, kaya mo din maghanap ng bagong kaalaman. Gusto mo na siyang makalimutan dahil sa mapait niyong nakaraan? H’wag. Ang

bawat karanasan ay bahagi ng kasaysayan. Ituring mo na lang siya bilang ang Martial Law ng buhay mo.

P.S. Ayan ha? Binigyan na kita ng mga links. Pasensiya ka na walang attachment. Nalilink lang pero walang attachment. Wala na kasing space. Walang space pero walang attachment. Malabo ba? Mas Malabo pa rin siya. Hugot aside, online sources na ‘yan, like you know what to do, Millenial. *wink*

P.P.S Hindi ka pa ba kuntento? Parang siya lang, hindi nakuntento sa’yo. Hayaan mo na, nandito lang kami 4u, bes. Kung may gusto kang itanong o kailangan mo ng kausap, naghihintay lang kami sa rm. 206 Charlie del Rosario bldg. Sanay na kaming maghintay pero ayos lang may tiwala kami sa’yo. Darating ka. Umaasa kami (as always). Higit sa lahat, matuto kang umibig muli. Umibig sa bayan at sa sambayanan, higit kanino pa man. Ipagpatuloy ang kasaysayan ng pag-ibig at paglaban.


TEAM CAPTAIN

AMBOY Many Pakyaw aka Ant Man Dating That’s My Tambay sa GenTan, ngayo’y isang Marlen Hero na rin. Sinanay siya ng kanyang trinor Kuts Cockroach sa pagboxing at pagpapatulog ng mga kalaban niya. Like for example si Mayweatherweather lang, natalo niya via anonymous decision noong May 1 sa Los Begas, USA. Dahil dito, hindi niya na kinailangan ng modern technology at anju para makapasok sa Abangers, langgam at abs lang sapat na. Though maraming nagtataka paano siya naging Abanger, mapagtitiwalaan naman ang skills niya sa loob ng ring at MGM Gym. Kahit lagi siyang missing in action, save by the bill pa rin tayo kay Ant Man basta hindi ka lang beki. Abangan na lang natin ang mga next actions niya bilang newest Abanger Hero sa bansa.

Duh! Chakalyst

Grease Phowsxzz aka Black Widow Bagama’t chinichikang may dalawang nationality, loyal na loyal naman siya sa kanyang paglilingkod sa Abangers at sa mga Filifinos. Isa siyang babae sa puting damit aka White Lady sa umaga at hero in black suit aka Black Widow sa gabi. No need for kung anek anek na burloloy at anju, experience lang sa pulpolitics and other things sa pamumuno. Gaya nga ng lagi niyang sinasabi, gubyernong may phowsxzzo at walang iwanan kahit maiwanan ng tren. Kahit out na siya sa Presidency, who knows, manalo pa siya ng Most Dramatic Award ng Pagconcede at magpasabog pa. Dahil nga anak siya ng Panday, hindi na sisikatan ng araw ang mga walang sense sa government dahil isang bala lang sila ng Da Queen.

Bongbong into the Room aka Black Panther

Leni “Laylayan” Rowbeedo aka Scarlet Witch

A prince who idolize much ang kanyang Daddy Dear and his deeds. He won’t apologize for his father sabi nga niya. Kaya naman, tinanggap niya kaagad ang duty bilang Abangers Hero dahil love naman daw siya ng madlang pipol. Like occupy mango tree para lang ipakita ang kanilang suporta sa pagsayaw ng ‘Bongbong into the room’ sa Malalakanyang at pagbalik ng glorious days ng Martian Law. Siya rin ang pinakamayaman sa Abangers dahil sa ill-gotten wealth (yamang mula sa maysakit at madlang pips) ng kanyang angkan sa Wakanda Iloco. So far, out na siya sa Bisebisehang President with reservations nga lang. Kaya G na G si koya dahil mas madami pa daw sa minions ang supporters niya para makuha ulit ang trono.

Siya ang pinakabata sa lahat ng Abangers dahil perstaym lang makipagbattle sa fliptop at sumabak sa pulpolitics. Dagdag pa dito ang girl power niya kaya pink aura lagi ang makikita sa kanya kahit sa loob ng mga poolling precincts. Sinasabi ring dahil sa Tsinelas Administration ng kanyang asawa kaya siya pumatok as Abangers Hero sa bansa. Nagawa niyang talunin ng very slight si T’cholla kaya naman secured na ang kanyang seat sa Abangers as Bisebisehang Presidente next to Ironman. Anyways, independent at kering-keri niya ang kanyang sarili kahit minsang humihiwalay siya sa Liberated Farties (LP) for presscons and stuff. Like kaya niyang rumampa sa spotlight dahil fresh na fresh to serve si Mareng Leni! Pak ganern!

Alone Kayakotonoh aka War Machine Risa Huntehberos aka Sharon Carter Single and ready to mingle daw like what others say. Pak na pak sa rampahan at magaling na agent ni Captain Amboy. Kilala ring queso de bola ng mga commies dahil pula sa labas, dilaw naman sa loob. Like pretending to be revolutionary pero part pala ng SHIELD (Strategy for Homeland to be under US Intervention and Enforcement). ‘Pag tapos matalo ng tatlong beses, finally pumasok na siya sa Magic 12! Yes naman! Salamat sa ginamit niyang funds mula Flinghealth para sa kanyang campaign at magic votes ng Liberated Farties. Kaya naman, dahil sa kanyang purple and yellow costume with matching red kuno, isa siya sa mga inaasahang magtatanggol kay Winter Soldier Mar. Sino pa bang magtutulungan kundi sila sila rin? Aura! Kalokohan ni: Piyaya Baril Ramiless | Kurtain Liquid Sosa Drowing-drowingan ni: Kwistian Henwi Bitch Pagninilay(out) ni: Abiwaiting D’Lion

Mahigpit na alyado at kasangga ni Iron Man sa anumang labanan. Malapad ang noo kaya hindi nakakapagtaka ang dami niyang alam. As in. Daig niya pa Google sobrang dami niyang alam. Mapapasigaw ka na lang ng “Guess who’s back bishes!” Sa katunayan, ngayon lang ulit lumabas sa limelight si War Machine thanks to his buddy. Hindi lang siya double, triple, quadruple agent sa ilang beses niyang paglilipat ng Partido. But sorry, he’s not running for the senate kaya ayun, bago pa man siya ma-beast mode, nagconcede na siya. “Many elections. That’s how many I’ve flown to my dreams. Every one of them could’ve been my lost but I run them. No regrets.” Dramarama pero at least, hindi na siya balimbing this time.

TEAM

IRON MAN


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.