The Catalyst November 2013 (Wall News)

Page 1

Wall News November 2013 Ang itim na laso ay sumisimbulo ng pagkundena ng The Catalyst sa apat na taong kawalan ng hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao Massacre, kung saan 32 ay mula sa larangan ng pamamahayag.

ed i to rya l

Sa hagupit ng DAP ni Aquino

Ilang malalakas na bagyo na ang nagdaan pero hindi pa rin natitinag ang administrasyong Aquino. Pilit pa rin nitong nililihis ang atensyon ng mamamayan nang hindi umalingasaw ang korapsyon sa Malacanang. Sa nakalipas na tatlong taong panunungkulan ni Noynoy, kabi-kabilang kontrobersya na ang kinasangkutan nito. Pangunahin ang usapin ng P10 Billion Pork Barrel Scam na isinuplong ni Janet Lim Napoles sangkot ang 21 na senador at 285 representative mula mismo sa gobyerno. Sa kabilang banda, gumawa ng mga taktika si Aquino upang hindi madawit ang sarili nang pumutok ang isyu ng Presidential Development Assistance Fund o PDAF. Mariin umano niyang tinututulan ang laganap na korapsyon at pananagutin ang mga sangkot dito. Subalit saan mang panayam ay hindi niya binabanggit ang P1.37 Trillion na natatanggap niya sa Presidential Fund. Malalaking mga protesta ang naging sagot ng taumbayan at huwad na pagkampi naman ang tugon ni Aquino. Ang pagpapasiklab ng kaguluhan sa Zamboanga City ang nagsilbing panakip butas sa kontrobersyang kanyang kinasasangkutan. Ginamit ang midya upang bulagin ang mga mamamayan at maibaling ang atensyon nito nang sa gayo’y hindi siya madiin. Hindi pa man humuhupa ang usapin ng PDAF ay bumula na ang bibig ni Senator Jinggoy Estrada nang ibunyag niya ang Disbursement Acceleration Program o DAP kung saan siya at ang iba pang mga senador tulad nina Juan Ponce Enrile

at Bong Revilla ay tumanggap ng P50 Million mula kay Aquino bilang suhol upang mapatalsik sa pwesto si dating Chief Justice Renato Corona. Mariin itong ipinagtatanggol ni Aquino, iginigiit na ito’y konstitusyonal at hindi ninakaw mula sa kaban ng bayan. Ang DAP ay ginagamit umano upang pondohan ang Project NOAH upang makatulong bilang babala sa mga papalapit na bagyo sa bansa. Subalit nang rumagasa si bagyong Yolanda at pumatay ng higit-kumulang na 10,000 katao at 600,000 ang nawalan ng tahanan, 300 mga sundalo at naglalakihang tangke lamang ang naging tugon niya para rito. Isinantabi ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayang nasalanta. Bukod pa rito ang TESDA’s Training-forWork-Scholarship program para sa 150,000 estudyante na hinugot din umano sa DAP. Kung gayo’y isang malaking katanungan kung saan napupunta ang orihinal nitong budget na P3 Billion para sa taong 2013. Ang kaban ng bayan na dapat sana’y nagsisilbi sa interes ng mga mamayan ay nagiging piging na pinag-aagawan ng mga pulitiko. At ang palasyo ay kumukupkop sa mga baboy na opisyal na walang ibang ginawa kundi magpataba at magpakasasa sa pinaghirapan ng mga mamamayan. Nagsisilbi rin itong puhunan upang lalong lumakas ang kanilang kapit sa pampulitikang kapangyarihan. Nilililinlang tayo na ito’y ginagamit ng wasto sa pamamagitan ng mga serbisyong panakipbutas lamang at hindi pang-matagalan. Ang sambayanang Pilipino ay kailanma’y hindi nasapatan sa mga serbisyong sosyal ng gobyerno. Ang badyet

At ang palasyo ay kumukupkop sa mga baboy na opisyal na walang ibang ginawa kundi magpataba at magpakasasa sa pinaghirapan ng mga mamamayan.

para sa edukasyon na P34.7 Billion ay kulang na kulang pa upang magkaroon ng 19,579 silid-aralan, 60 Million textbooks, 2.5 Million na upuan, 80,937 na palikuran at pasahod para sa karagdagang 47, 584 na kaguruan sa taong 2014. Dagdag pa ang 79 budget cuts sa 100 State Colleges and Universities sa bansa. Patunay lamang ito na hindi edukasyon ang prayoridad ng ating gobyerno. Ang trilyong piso na ibinubulsa ng mga politiko ay sapat na sana upang milyong kabataan ang makatapos ng pag-aaral, tulong para sa mga nasasalanta ng kalamidad, makapagpatayo ng mga pampublikong ospital, dagdag sa sahod para sa mga manggawa, subsidya para sa mga magsasaka at ibang pang benepisyo na tiyak na makakatulong sa mga mamamayan. Subalit ang lahat ng ito’y nagiging pangarap na lamang para sa mga kababayan nating nakararanas ng matinding hirap at pananamantala. Ang dugo at pawis na inilalaan nila para sa buwis ay nagiging pataba na lamang ng mga pulitiko habang tayo ay namamatay na sa gutom. Isang malaking kabaliktaran sa ipinagmamalaki ni Aquino na pagratsada umano ng ating ekonomiya na kung tutuusi’y gasgas na magmula pa sa rehimeng Ramos. Sa likod ng maraming maskara, hindi maitatago ni Aquino ang mga kabulukan sa kanyang pamumuno. Sa mahabang linya ng mga naging presidente ng bansa ay lagi’t laging namamayagpag ang isyu ng kurapsyon, subalit kailanma’y hindi ito nawakasan. Matalino ang mga mamamayan at kayang sumuri sa mga tunay na umaalipusta sa kabang yaman. Pilit niyang inihihiwalay ang kanyang sarili upang magmukang inosente at idiin ang ilang mga sangkot na opisyal upang siya ang lumabas na biktima. Ang mga ganitong iskema ay matalas nang nasusuri ng mga mamamayang kabisado na ang kanyang mga palabas. Lalo lamang niyang ginagalit ang mga mamamayan dahil sa mga pambobola nitong laos tulad ng pagpanig umano nito sa mga paglaban kontra kurapsyon. Hindi maitatago ng palasyo ang pinakamalaking baboy sa bansa. Malayo na ang narating ng ating gobyerno at magpahanggang nagyo’y marami pa rin itong pasikot-sikot upang maging malinis sa mata ng publiko at mapigilan ang mga tuloy-tuloy na pagkilos. Ang pagbabasura sa buong sistema ng Pork Barrel ang matagal ng ipinapanawagan ng taumbayan sa taingang-kawali na si Aquino. Kung mamamayang Pilipino ang kanyang tunay na ‘’boss’’, disin sana`y matagal nang

May space pa oh. Ikaw lang ang kukumpleto dito.Apply na sa Cata! Bitbitin lang ang regi/ schedule at 1x1 picture. Kita tayo sa opis. :D


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.