The Catalyst SONA 2014 Special Issue

Page 1

P

U

P

Catalyst

Pro-Students, Pro-Masses

The

‘‘To Write not for the People is Nothing.’’

The Official Student Publication of the Polytechnic University

Editoryal

SPECIAL ISSUE VOL. XXVIII NO. 4

“Hindi matuwid na daan ang ginagawa niya. Baluktot.”

of the Philippines

Jose Alden B. Celosa, 52, Drayber

Sa bingit ng

pagbagsak Sandal sa pader. Ito ang katagang maglalarawan kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino matapos ideklarang ‘unconstitutional’ ng Korte Suprema ang Disbursement Acceleration Program (DAP). Dumagdag lamang ito sa patungpatong na kaso ni Noynoy sa taumbayan dahilan upang lalong tumingkad ang panawagang pagpapatalsik sa kanya. Sapat na ang apat na taong panunungkulan ni Aquino upang kilalanin ang tunay na mukha ng rehimen. Isa na yata sa pinakamahabang tunggalian sa pagitan ng mga magsasaka at asendero ang kasalukuyang kalagayan sa Hacienda Luisita. Matatandaang ‘tambiyolo’ o raffle ang naging tugon ng kasalukuyang administrasyon sa hinaing ng mga magsasaka sa asyenda. Bago pa man ipatupad ang desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi na ang lupain nito, dali-daling pina-impeach ng Pangulo si Chief Justice Renato Corona. Ginamit din ang P6.1 mula sa kaban ng bayan para lamang suhulan ang mga senador at siguruhing matatanggal sa posisyon si Corona. At ang angkan ng Pangulo, ang mga Cojuangco, ang nakasalang na mawalan ng asyendang pagkukunan ng yaman dito. Sa hanay naman ng sektor ng mga manggagawa, patuloy ang pagbuwag sa mga unyon , kontraktwalisasyon at kahit ang pagtatanggal sa mga benepisyong dapat ibinibigay ng mga kumpanya. Tulad ng dinaranas ng mga manggagawa ng TV5 na ngayo’y pangatlo na sa malalaking midya sa bansa. Nakamintine dito ang polisiya ng kontraktuwalisasyon

na sumisikil sa karapatan at benepisyo nila. Sa batayang ito, mas mababa ang sweldong ibinibigay sa kanila. Tandaan nating si Manny Pangilinan ang isa sa mga sumuporta sa pagtakbo ni Aquino kaya’t ito na marahil ang ‘payback time.’ Ang mga kababayan naman nating nakatira sa mga komunidad ay pinapalayas upang pwersahang ipatupad ang interes ng mga pribadong kumpanya. Tulad na lamang ng demolisyon sa Brgy. Roque sa Quezon City. Dinemolish ang tahanan ng mga maralitang taga-lungsod sa naturang lugar para bigyang daan ang pagtatayo ng Business District ng pamilyang Ayala, may-ari ng Bank of the Philippine Islands (BPI), Ayala Land Inc., Manila Water Company at Globe Telecom. Isa nga pala sa may kontribusyon sa pagtakbo ni Aquino ang mga Ayala noong Eleksyon 2010. Ayon sa statistika ng gubyerno, 7.3% ang economic growth rate noong 2013 dahilan umano ng pag-unlad ng bansa. Ngunit mula sa 408,000 na naitayang nalikhang trabaho noong nakaraang taon, 317,000 na lamang ito ngayong taon. Hindi na nakakapagtaka kung madaming bilang ng mga nakakapagtapos ang nakatambay lang.

Nananatili ring hindi para sa lahat ang edukasyon sa ilalim ni Aquino. Kasabay ng muling pagsisimula ng klase ang pagsisimula rin ng panibagong kalbaryo ng kabataan. Nasa 287 pamantasan ang naka-ambang na magtaas ng matrikula samantalang walang tigil ang pagkaltas sa badyet ng mga state universities and colleges. Nagkakatotoo nga ang sinambit ng Pangulo, “We are gradually reducing the subsidy to SUCs to push them toward becoming self-sufficient and financially independent, given their ability to raise their income and to utilize it for their programs and projects..” Kung susuriin, sina Henry Sy at Lucio Tan ay isa sa mga nagmamay-ari ng mga unibersidad sa Maynila. Kaya naman hinahayaan ang limos na badyet sa edukasyon upang itulak sa pribatisasyon ang mga SUCs at magkamal ng kita mula sa mga estudyante. Isang taon na mula nang maisawalat ang iskandalong yumanig sa bansa. Nagsimula ito sa isang negosyante, si Janet Napoles, na gumamit ng pekeng non-government organizations (NGOs) at lumustay ng P10 billion. Ngunit sa pagkakadawit ng mga pangalan ng mga pulitikong nagmula sa magkabilang partido, nailantad ang kalakaran sa ilalim sundan sa p. 4

DAPAT MANAGOT

LAHAT NG SANGKOT! SUMAMA SA SONA NG MAMAMAYAN Ι J U LY 2 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The Catalyst SONA 2014 Special Issue by The Catalyst - Issuu