\
TED PYLON’S
Amalayer
KUMEMBOT EXPOSE
EDITION
Half-man, half-marble from Romblon
N
agising si Ted sa mahabang pagkakaidlip. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid. Wala pa ding pinagbago ang kanyang sintang paaralan. Mahaba ang pila sa gate dahil sa nagpapaka istrikto na naman ang isang lady guard, na minsan ay deadma lang, sa paghahanap ng ID ng mga estudyanteng pumapasok. Natanaw agad ni Ted ang ginagawang pagpapaganda sa panlabas na itsura ng PUP. Nakita pa niya ang Villa Kubeta na tinibag upang gawing kantina. Ang Stone henge na balak namang gawing fountain pati ang pagpipintura sa mga pader ng main building ay hidni nakaligtas sa kanyang pagsisiyasat maging ang inaayos na Condotel na balak gawing Call Center. Nasagap din ng kanyang tenga (kunwari may tenga siya) ang samu’t saring problema ng mga mamamayan. Nandiyan ang mapanlinlang na badyet sa edukasyon, ang mataas na presyo ng mga bilihin, ang makaambang na pagtaas ng pamasahe sa LRT at MRT. Lumalala rin ang paglabag sa karapatang tao. Nagdikit ang kilay ni Ted at hindi niya mapigilan ang sarili na mag-protesta ng mag isa sa kanyang kinatatayuan. TED: Mapagpalayang araw sa lahat ng mga iskolar ng bayan! Ako nga pala si Ted, ang sumbungan ng mga Isko at Iska. Ilang buwan lang akong naidlip, ngunit ganun pa rin at mas lumala pa nga ang problema ng mga iskolar ng bayan at mamamayan aa! Mukhang petiks na naman itong gobyerno at kailangan na naman nating ipressure nang may gawin naman.... blah blah blah... Dahil maraming nakamiss sa cute na marmol na ito, natigilan ang lahat ng mga nagdadaan at napatingin sa kaniya. Hindi na rin umusad ang pila sa gate dahil napokus na ang pansin ng mga ito sa kanyang sinasabi na kinainis ni lady guard. TED: Kaya upang tigilan ang pagpapahirap na ginagawa nitong si NoyNoy, marapat na magkaisa ang mamamayan sa gaganaping pagkilos ngayong araw na ito at sa mga susunod pa ( nasa katindihan na ng ahitasyon si Ted ng sinita siya ng lady guard dahil naingayan ito sa kanya) Bigla biglang hinatak si Ted ng guard at tinanong kung ano ang problema niya ,na kesyo nag iingay lang siya at walang katotohanan ang kanyang sinasabi. \
Isang segundo lang ang nakalipas nang tila sinaniban si Ted ng babaeng nasa kumakalat na video na nagtataray sa isa ring lady guard. Nagsalubong ang kanyang kilay. Hindi na rin niya napansin na parang magic na mula sa kanyang kamachohan (yes, macho talaga si Ted) ay biglang nagbago ang kanyang posture at nagkaroon pa siya ng stilettos na nagmumura sa taas. TED: Bakit ate? Totoo naman ang mga sinabi ko ha. Pag sinabi kong bulok ang sistema ng edukasyon, AMALAYER? Pag sinabi kong walang ginagawa itong si Pnoy kundi pagsilbihan ang mga dayuhan, AMALAYER? Kapag sinabi kong naghihirapan ang sambayanang pilipino, amalayer? You’re telling me amalayer? Yung mga iskolar ng bayan ay nagsisiksikan sa mainit na room dahil kulang ang badyet, sasabihin mong amalayer? ‘Pag sinabi kong puro pagpapaganda sa panlabas na anyo ng PUP ang ginagawa ng admin, amalayer? Pinagkaguluhan na sila ng mga esudyante. Dumating din ang iba pang ermingguard at pumagitna sa dalawa. Tila naman bumait bigla si ateng guard. Ted: Sorry ate? Sorry? It’s dat how you say sorry? Hinatak mo ko. If i say sorry ate sorry tanggap mo yun?? Anyway, hindi naman ikaw ang kaaway ko kundi si noynoy aquino na walang ginagawang matino mula ng umupo sa pwesto. Wala pa ring hustiya sa mga biktima ng maguindanao massacre, hindi pa din lumilitaw si palparan, matatapos na ang temporary restraining order para sa cyber crime law at higit sa lahat minamadali niya ang pagpasa sa K12 na dagdag pahirap sa mamamayan at madami nang pinaslang ng kanyang oplan bayanihan. . Ohmaygahd ate, si noynoy ang AMALAYER! He’s really a freakin’ layer. Kaya kung ako sa inyo, sumama tayo sa mga pagkilos upang yanigin itong pangulong ito na nanaknakan ng KAAMALAYERAN. Sa huli ay nagkasundo rin si Ted at ang lady guard na makikiisa pa nga sa pagkilos kasama ang mga iskolar ng bayan upang igiit ang karapatan para sa mas mataas na badyet na ating pamataasan at ng edukasyon. Kinabukasan, kumalat ang video ni Ted sa youtube at nagkaroon siya ng maraming fans.
IPAGLABAN ANG KARAPATAN SA EDUKASYON! ILANTAD ANG MAPANLINLANG NA BADYET NI AQUINO SA EDUKASYON! November 22 – Pagkilos ng Kabataan laban sa mapanlinlang na badyet sa edukasyon November 23 – Ikatlong taon ng kawalang hustisya sa mga biktima ng Maguindanao Massacre November 30 – Bonifacio Day