The Catalyst
P
U
P
Catalyst
Pro-Students, Pro-Masses
The
‘‘To Write not for the People is Nothing.’’
The Official Student Publication of the Polytechnic University
of the Philippines
“Refuse and Resist, Abolish ROTC!” VOL. XXVIII NO. 2 JAN -FEB 2014 – Abolish ROTC Network
03
NEWS
TUWID NA DAAN SANGA-SANGANG DAAN
08
FEATURE
Ten Commandments
07
LITERARY
ROTC Reserved officers training corps[e]
Graphics: Abigael de Leon
02
VOL. XXVIII NO. 2 JAN -FEB 2014
EDITORIAL
The Catalyst
“
This is the objective condition, the crisis in which the youth must take a stand. As students and intellectuals who can analyze the economic situation of the country, we must press forward for a genuine struggle. P
U
P
The
”
Catalyst
Pro-Students, Pro-Masses
‘‘To Write not for the People is Nothing.’’
The Official Student Publication of the Polytechnic University
of the Philippines
Kryzl Mendez Editor-In-Chief Jo e m a r Ve l a s q u e z Managing Editor
Lightning Hikes The recent power rate hike stormed the consumers with its unreasonable and sudden flash. A lightning that stroke every Filipino’s pocket and stolen the big portion of an average family income. People’s impoverished state has been worsen by the continuous price hikes of basic commodities and services indeed. Electricity, at all definition, is a matter of social service to the public provided by its government. But what the country faces is the nature of its administration that shamelessly protects the interests of big businessmen. It’s conspiracy to the simplest idea. With the Temporary Restraining Order (TRO) issued by the Supreme Court in effect, Metro Electric Company’s (MERALCO) P4.15 additional cost and P5.33 additional generation charge to average consumers has been temporarily not experienced. The highest power rate increase in the history of the Philippines making the country as one of the ten most expensive electric power charges. In fact, this is the third time that MERALCO has doubled the price of electricity. In 2001, the company only charged P4.87 kilowatt hour. In benefit of the Electric Power Industry Act (EPIRA) wherein the government encouraged privatization and fullownership of big businessmen of government-owned power plants, the year 2011 make the cost up to P10.35 kilowatt hour. And if the planned power hike will continue, the P14.50 cost of electricity will make each household pay a minimum of P900 a month bill. No wonder why progressive organizations seek to junk the EPIRA as this is just a mere justification of the existing monopoly of electricity in the country. EPIRA, as a matter of fact, is the materialization of foreign and ruling class interests in the country. This law liberates private and multinational companies from the constraints of the government policies. In deeper analysis, this law solidifies the role of a puppet president and the whole bureaucracy in a neo-colonial country – make laws to justify the plunders and oppression of the elite and of foreign capitalists. Despite the existence of Energy Regulatory Commission and Department of Energy, the government has no mandate over power hikes. It has intentionally lost control. The existence of electric power cartels is of no question. There are three stages of electric production and in all of
these; there is the presence of domination of businessmen. The first stage, transmission or the carrying of electricity from the power plant to the distribution company has Henry Sy as the biggest stake holder. SM owner controls almost 60% of the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), the country’s franchiser of electric transmission for 50 years and the remaining part goes to a corporation from China. In the generation field, only five capitalists stand out: Aboitiz Power Corp. (Jon Ramon Aboitiz), San Miguel Global Power Corp. (Danding Cojuangco), First Philippine Holdings Corp. (Lopezes), Global Power Corporation ( Metrobank owner George Ty) and DMCI Power Corp. (Consunji). Through their collaborative efforts, these capitalists effectively set the price of electricity and increase the charge whenever they like it. And EPIRA is also in effect creating the perfect combination of greed interests and powerless government tormenting the people. In electric distribution to the households, MERALCO in courtesy of Manuel V. Pangilinan and Gokongwei family control almost 60% of the whole sales of electricity in the country. It monopolized the net profit of the power industry. The yearly income of MERALCO has been up to 56.3% for the past six years. From a P2.6 billion in 2008, it has almost multiplied eight times in 2012, P16.3 billion. Only power players therefore gained from the social service of electricity to the people. And the people are overthrown by price hikes. According to a UP Professor, a crisis condition is needed by the youth to upsurge and take action. This is the objective condition, the crisis in which the youth must take a stand. As students and intellectuals who can analyze the economic situation of the country, we must press forward for a genuine struggle. A revolution is indeed needed to bring down the decaying system and establish a new one. The imperialist United States and his puppet Noynoy Aquino alongside his minions hunger for more power and profit and will only create more deadly lightning. The people, on the other hand, hungers for social change and progress for the conclusion of Philippine freedom. Our urgent task as the youth of this generation is to go out from the classrooms, organize and inform the people about the issues and mobilize them for an upsurge. We have a country to win back.
A p r i l l e Jo y A t a d e r o Jan Rhobert Melendrez Associate Editors Senior Staff Abigael de Leon Blessie Peñaflor Stella Marie Maragay Janica Agpaoa Wr i t e r s Crisby Delgado Arwilf Samudio A r i a n n e Jo y D o l a r Artists Abigael de Leon Layout Artist Junior Staff Shiena Mae Villas Denise Ann Florendo Jenna Zuñiga V i c t o r Va n E r n e s t H . V i l l e n a Aira Jane S. Leido Mary Anne Mae E. Baladjay M a r i a Ly r a D . Va l d e z Jaazeel Espiritu Rodrigo De Asis Wr i t e r s J e a n M e a g a n V. B u r i e l Leandro Villasis Jo h n P a u l o H u e r t o Gerardo Ocampo Jr. Artists Cristian Henry Diche Contributor MEMBER: Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM-PUP) College Editors Guild of the Philippines (CEGP)
NEWS
The Catalyst
“Refuse and Resist, Abolish ROTC!” – Abolish ROTC Network SHIENA MAE VILLAS DENISE ANN FLORENDO “Refuse and Resist, Abolish ROTC,” panawagan ng Abolish ROTC Network sa tuluyang pagtanggal ng Reserved Officer Training Corps (ROTC) sa mga pamantasan pagkatapos ang isa na namang insendente ng karahasan na dinanas ng isang Iskolar ng Bayan sa ilalim ng programa ng ROTC. Ang Abolish ROTC Network ay isang pambansang alyansa na pinangunahang buuin ng Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayan (SAMASA) sa komunidad ng PUP. Layunin nitong buwagin ang ROTC sa unibersidad at tutulan ang militarisasyon at anumang karahasan sa loob ng mga kampus. Sir, No, Sir. Ma’am, No, Ma’am. Enero 16 ng taong ito ng nagtamo ng anim na palo ng kahoy sa palad at pitong palo ng wooden rifle sa likod ng hita ang isang bagong opisyal ng ROTC na itatago natin sa pangalang “Sheena”, isang freshmen mula sa Institute of Technology na may ranggong C/2nd lieutenant. Ayon kay Sheena, ginawa ang hazing bilang parusa sa kanya at sa isa pa niyang kasama dahil sa hindi nila pagdalo sa tinatawag na Briefing Night ng mga kadete at opisyal noong Enero 15. Sinasabing dalawang higher ranking cadets ng ROTC na may ranggong C/ Captain ang kasangkot sa naganap na pang-aabuso. Dalawang araw matapos magsalita si “Sheena”, isa na namang Isko ang lumantad upang isiwalat ang pangaabusong kanyang dinanas sa mga opisyal ng ROTC noon pang 2012. Ayon sa pahayag ni “Nelson” (di rin niya tunay na pangalan), siya ay dinib-diban, pinaghubad ng saplot at nakaranas ng sekswal na pang-aabuso sa kamay ng mga militar na namamahala ng ROTC sa loob ng pamantasan taong 2012. Makasaysayang kabulukan Sinasabing itinatag ang ROTC upang mapunan ang kakulangan ng mga reserbang pwersa ng militar na kailangan sa oras ng kalamidad at sa oras na kailangan ng bansa na manananggol. Ngunit sa mahabang panahon ng pagiging mandatory ng ROTC, hindi nito nagampanan ang layunin nito na ituro sa kabataan ang pagka-makabayan at disiplinado. Bagkus sa maagang panahon ay ipinapakita na nito sa kabataan ang kultura ng karahasan at
mga maling gawi. Isa na dito ang pangaabuso sa mga kadete sa iba’t-ibang paraan na nagiging kayabangan sa bahagi ng mga opisyal at kahihiyan at pang-aabuso naman sa bahagi ng mga estudyante. Dahil sa kulturang kinamulatan ng mga bagong kadete na pumapasok sa programa ng ROTC kanila itong pinapasa sa pamamagitan ng pangaabuso sa iba pang may nais na maging opisyal. Puro karahasan at pasakit lamang ang hatid ng ROTC sa mga estudyante na nagpapakita ng pagiging kasangkapan nito na pasinayahan ang pangsariling interes ng mga namamahala nito. Hindi rin dapat ibaon sa limot ang brutal na pagkakapatay sa isang estudyante mula sa Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) na si Mark Welson Chua noong 2001. Si Chua na matapang na inilantad ang katiwalian sa ROTC Program ay pinaulanan ng palo at binugbog. Isang araw natagpuan na lamang ang kanyang bangkay sa ilog Pasig. NSTP (National Service Training Program) Dahil sa pagkamatay ni Chua, kasabay ang matinding paglaban ng mga kabataan, naging opsyunal ang ROTC at nagkaroon ng alternatibong programa sa ilalim ng NSTP (National Service Training Program) tulad ng CWTS (Civil Welfare Training Service) at LTS (Literary Training Service). Isang malaking tagumpay sa hanay ng mga kabataan ang pagiging opsyunal ng ROTC dahil maaari na silang tumanggi sa walang awa na pagsasanay ng AFP sa mga estudyante ng kolehiyo na sinasabing magiging reserbang pwersa ng bansa sa oras ng digmaan. Agad na isinabatas ang NSTP law na nagbabawal sa sapilitang pagpapakuha ng ROTC sa mga estudyante. Abolish ROTC Dahil sa balita ng karahasan sa ilalim ng ROTC sa loob mismo ng ating pamantasan, inihanay ng mga progresibong organisasyon sa ilalim ng Abolish ROTC Network ang mga batayan sa tuluyang pagtanggal ng ROTC sa mga Pamantasan. Anila, una ay ang pagiging daluyan nito ng karahasan, iba’tibang porma ng pang aabuso at pananakot. Sumunod ay ang pagiging dagdag bayarin nito sa porma ng mga kagamitang kailangan mong bilhin tulad ng uniporme at sapatos upang
makapasa. Dagdag pa, ito ay direktang pinamamahalaan ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines, malinaw na porma ng militarisasyon. Ayon kay, Paulo Mantua, tagapagsalita ng Abolish ROTC Alliance – PUP, makatwiran lamang ang pagabolish sa ROTC dahil sa matagal na panahon, hindi umano nito natupad ang layunin nito. Naging daluyan pa diumano ito ng student intelligence network (SIN) na ginagamit sa paniniktik sa mga lider-estudyante. Malinaw umanong ito ay ekstensyon ng karahasan, mersenaryong tradisyon ng militar at pasismo ng estado at dagdag pasakit sa pisikal at maging pinansyal.
03
VOL. XXVIII NO. 2 JAN -FEB 2014
04
NEWS
VOL. XXVIII NO. 2 JAN -FEB 2014
The Catalyst To solve classroom deficiencies,
Thousands of aspiring Iskolar ng bayan took the PUP College Entrance Test (PUPCET) last January 25 and February 15. PUPCET results will be announced on March 24. PHOTO: SHIENA MAE VILLAS
Protesta laban sa CCL, ikinasa SHIENA MAE VILLAS Sinalubong ng protesta ng kabataan at mamamayan ang tapat ng Korte Suprema noong Pebrero 18 upang kundenahin ang pagsasabatas ng Batas Republika Blg. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 na mas kilala sa tawag na Cybercrime Law (CCL). Sa loob ng halos isang taong pagkakaantala ng desisyon, ganap ng idineklarang konstitusyonal ang CCL kung saan kabilang ang Section 4(c)4 o ang probisyon sa online libel Kung babalikan, pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Cybercrime Law noong Setyembre 12, 2012 at ipinatupad noong Oktubre
3,2012 ngunit naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) na pina-epektibo sa loob ng 120 na araw. Ang agarang pagsasabatas nito ay napigilan ng sunodsunod na kilos protesta na labis na maapektuhan ng nasabing batas. Isang araw matapos ang TRO, ginawang indefinite ang pagpipigil sa pagpapatupad nito noong Pebrero 5,2013. “Kinukundena ng kabataan at mamamayan ang pagpapatupad ng cybercrime law bukod sa pinakamalaking maapektuhan nito ay ang mga kabataan dahil sila ang mga may aktibong partisipasyon sa mga gawaing online. Nilalabag nito ang mga kalayaan sa pananalita, sa pagpapahayag,
at sa pamamahayag. Isa rin sa mga maapektuhan ay ang mga progresibong organisasyon at institusyon ng kabataan tulad ng mga pahayagang pangkampus na ginagamit ang internet bilang alternatibong midyum sa paglalabas ng balita at kaalaman na pumupukaw sa interes ng kabataan at mamamayan.”, ani Rose Valle Jaspe ng College Editors Guild of the Philippines. Aniya, nilalabag ng CCL ang nakasaad na “no law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, and of the press or the right of the people peaceably to assemble” sa Article III, Section IV ng Konstitusyon ng Pilipinas.
Sa paglaban ng kababaihan para sa hustiya at edukasyon,
One Billion Rising, inilunsad DENISE FLORENDO Pebrero 14, 2014 – RISE! RELEASE! DANCE! Libulibong mamamayan ang bumangon sa buong bansa para tutulan ang kapabayaan ng gobyerno sa mga biktima ng bagyong Yolanda, korapsyon, pribatisasyon, komersyalisasyon at ang walang tigil na pagtaas ng mga presyo ng bilihin. Ang OBR ay isang pandaigdigang kampanya na nagsimula noong 2012 upang wakasan ang karahasan na nararanasan ng mga kababaihan, magkamit ng hustisya at itaguyod ang gender equality. Ito ay pinangunahan ng Gabriela Women’s Party, Kabataan Partylist at iba pang
progresibong organisasyon. Ang OBR na ginanap sa Morayta ay dinaluhan ng mga estudyante mula sa National University (NU), University of Santo Tomas (UST), University of the East (UE), University of the Philippines (UP) – Diliman and Manila, Polytechnic University of the Philippines (PUP), Philippine Normal University (PNU), Far Eastern University (FEU), Rizal Technological University (RTU), Technological University of the Philippines (TUP), Technological Institute of the Philippines (TIP), University of Caloocan City (UCC) at Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST). “We will rise, not only against physical violence,
but also against the spate of tuition hikes hounding our educational institutions, the commercialization of education, and the growing joblessness in the country – problems that violate the basic rights of students and the youth all over the country,” pahayag ng Kabataan Partylist representative na si Terry Ridon. Ang OBR sa University Belt ay nagtapos sa isang martsa patungo sa makasaysayang Mendiola Bridge upang patuloy na hingin ang hustisya at panugutin ang administrasyong Aquino sa kanilang pagkukulang hindi lang sa mga kababaihan at mga kabataan, kundi pati na rin sa lahat ng mamamayan.
Different student orgs evicted from office MARY ANN MAE BALADJAY Student organizations in the Polytechnic University of the Philippines (PUP) will be forced to leave their offices to solve university’s classroom deficiency. According to Marjoelyn Rovidillo, SecretaryGeneral of Commission on Student Organizations and Accreditation (COSOA), all unaccredited organizations per college will leave their offices despite the uncertainty where they will be transferred. Furthermore, Rovidillo added that in College of Communication, organizations shared offices due to scarcity of enough facility and room. Due to affiliations with the administration in College of Engineering and Architecture (CEA) Building, organizations maintained their offices. In Main campus however,
organizations are driven out of offices forcibly without prior notice. “Hindi kami tumututol sa pagdadagdag ng mga classrooms para sa kapwa naming mag-aaral ngunit dapat pa ring maglaan ng maayos na opisina para sa mga student orgs dahil nararapat lamang na malapit ang mga opisina sa kanilang constituents. Isa lang itong manipestasyon na hindi dapat maipasa sa kanila ang solusyon upang maibsan ang lumalalang kakulangan sa budget,” Rovidillo asserted. COSOA is the independent constitutional commission of the PUP Student Council that is mandated to develop an effective working relationship between the Student Council and different campus organizations. Of all 172 student organizations in PUP, only 85 are accredited by the said institution.
16th ANAK-PUP Congress held,
Tiotangco elected SR ABIGAEL DE LEON With 17 votes out of 21, Ma. Alexi Tiotangco is elected as the new Student Regent on the 16th Alyansa ng Nagkakaisang Konseho (ANAK-PUP) Convention and Congress held last January 27 – 31 at the Manila Room, Hasmin Building, PUP-Main. Officers of the Executive Committee of the federation consists of: Tiotangco of College of Social Science and Development of PUP-Main, President, Charley Urquiza of the Central Student Council of PUP-Main, Co-President, Lovely Carbon of the College of Accountancy and Finance of PUP-Main, Executive Vice President, Sylvia Patricia Sarmiento of the College of Law, Secretary-General and John Reggae Vecindario of PUP Ragay, Treasurer. As per existing rules, the president of the federation is automatically the Student Regent representing the students in the Board of Regents (BOR), the highest policy making body of the said university.
The five-day event is filled with discussions and trainings that enhances the leadership skills of the student leaders from branches and extensions. One of the resource speaker, Raymond “Mong” Palatino, former Kabataan Partylist Representative, presented the role of student and youth in nation building. “Ang huling mensahe ko sa inyo, maging aktibista kayong lahat or at least for the cause of activism. Learn from history but more importantly create history,” reiterated Palatino. In unity to the youth and students mobilization last January 30, delegates of ANAK-PUP participated in the protest action in Mendiola to condemn Aquino Administration’s price hikes and the continuing commercialization on education. ANAK-PUP is the university system-wide student council federation with the aim of uniting the student leaders for the advancement of the interests of the studentry and of the people.
NEWS
The Catalyst
VOL. XXVIII NO. 2 JAN -FEB 2014
05
Upang sagutin ang mga hinaing ng mga iskolar,
PUP Admin, humarap sa dialog SHIENA MAE VILLAS Humarap sa isang dialog kasama ang mga Iskolar ng Bayan si Presidente Emanuel de Guzman at kanyang mga pangalawang pangulo upang bigyang kasagutan ang mga hinaing ng mga estudyante noong Enero 28 sa Gymnasium. Ilan sa mga usaping inihain ng mga estudyante ay PE Uniform, Student Information System, Sports developmental fee at paglilipat ng pondo ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral, The Catalyst, at iba pang publikasyon, sa kani-kanilang bank account. Pangunahing tinalakay ang PE uniform na ikalawang semestre na ay hindi pa nagagamit ng mga freshman. Ayon kay G. Adam Ramilo, ang bidding process ang nagpapatagal sa pamamahagi ng
mga uniporme. Binigyang-diin naman ng kasalukuyang Pangulo ng Sentral na konseho ng magaaral, Charley Urquiza, na hindi dapat sapilitan ang pagpapabili ng uniporme sa mga estudyante. Aniya, “Labag sa karapatan ng mga estudyante ang automatic na pag-sama ng pe uniform fee sa miscellaneous fee ng freshmen. “ Matapos ang mahabang diskusyon, nangako lang ang Presidente de Guzman na maglalakip ng tanong sa SIS, “Do you already have a PE uniform?” sa proseso ng enrolment ng freshmen. Samantala, matigas ang Presidente na hindi tatanggalin o ibababa ang Student Information System (SIS) fee sa kabila ng matagal na hinaing ng ilang mga estudyante dahil sa mahal
ng binabayaran para dito subalit pasakit kada enrolment. Isa pang usapin ay ang Sports developmental fee na kinukuwestiyon ng mga atleta kung saan napupunta dahil wala pa rin ang allowance at kagamitang matagal na umanong pinangako. Muli, ang matagal na bidding process ang idinadahilan ng administrasyon. Ipinangako muli ng administrasyon na magkakaroon na ng allowance at supply ang mga atleta. Bagama’t pinipigilan pa rin ng administrasyon ang paglilipat ng pondo ng konseho. Tagumpay namang maitututring ang binitiwang salita ni Presidente de Guzman ukol sa pondo ang ating publikasyon, “ilipat na ang lahat ng ililipat (pondo ng The Catalyst)”.
Aprubado na ng Commission on Higher Education (CHED) ang proposal ng University of the Philippines at Ateneo De Manila University ukol sa Academic Calendar Shift kung saan ililipat ang pagbubukas ng klase sa buwan ng Agosto sa halip na Hunyo. Ayon sa CHED, masusing pinag-aralan ang nasabing proposal ng mga unibersidad dahil maaari itong maka-apekto sa malawak na sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas. Ang polisiyang ito ay nakabatay sa ASEAN Integration 2015 kung saan pagdating ng taong 2015, ang sampung bansa na kasama sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay magtataguyod ng kaisipan na tinatawag na “Asean Economic Community” na magtatag ng isang “highly competitive single market and production” sa pamamagitan ng integrasyon ng ekonomiya. “Ang academic shift na ito ay magbubukas ng iba’tibang opurtunidad hindi lamang sa mga estudyante na naghahangad na lumipat ng ibang educational institution abroad kundi pati na rin para sa mga unibersidad na naghahangad nito.” pahayag ng kasalukuyang legal counsel
ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na si Joseph Noel Estrada. Sinasabi rin nila [school officials] na mas mainam ang ganitong setting para sa mga estudyante dahil mas mababawasan ang pagkakaroon ng class suspension na dulot ng madalas na pagbuhos ng masungit na panahon. "[They can] easily come to us, at tayo rin pwedeng magpadala ng mga estudyante, exchange programs, research programs. Pati mga graduates natin and professionals, meron nang mutual recognition. Ibig sabihin, professionals natin dito, professional din sa mga member ASEAN” dagdag ni Estrada. Ngunit ito’y mariing tinututulan ng National Union of Students of the Phiippines (NUSP). Anila, ang pagbabago ng academic calendar ay hindi lamang nagtatapos sa isyu ng pagbabago ng simula ng klase sapagkat papaigtingin nito ang komersyalisasyon sa edukasyon at globalisasyong umaalipin sa sambayanan. “Change in academic calendar is a change in academic priorities and the patterning of academic programs to produce super-profit for big
foreign companies, including ASEAN and U.S. top business corporations. Moreover, what is most needed to be underscored is the real raison d’etre behind such shift – the so-called “internationalization” of education to suit the political and economic thrusts of neoliberal globalization under the name “ASEAN Economic Community 2015.”, mula sa pahayag na inilabas ng NUSP. “While Filipino students are being packaged as globally competitive and internationally at par with foreign students, this largely means that Filipino students are being honed to leave the country to serve the global masters as global slaves. This is largely undue Filipino students as they should be encouraged to stay in the country and serve their fellow citizens,” pagbibigay diin ng NUSP. Inilinaw rin ng NUSP na ang gantong sistema ay hindi praktikal para sa bansa dahil isa itong agricultural and tropical country. Hindi ito aangkop sa agrikultural na kalendaryo ng bansa. Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang administrasyon ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ukol dito.
“DEFEND”
Anonymous
UMAKSYON-PUP, muling binuo SHIENA MAE VILLAS
Academic Calendar Shift, ipapatupad na sa ilang Unibersidad DENISE FLORENDO
focus Matagumpay na nailunsad ang panimulang pagtitipon ng iba’t-ibang sektor sa loob ng pamantasan at mga progresibong organisasyon upang muling itatag ang Ugnayang Multisektoral para sa mas mataas na badyet sa E d u k a s y o n ( U M A K S Y O NPUP) noong Pebrero 11 sa NALLRC Multimedia Function Room. Pinangunahan ito ng Office of the Student Regent at Sentral na Konseho ng Mag-aaral. Layunin
ng UMAKSYON-PUP ay mapagkaisa ang buong komunidad ng PUP para sa pagpapanawagan ng mataas na badyet sa edukasyon at paglaban para sa batayang karapatan ng mamamayan. “Pinagkakaisa natin ang buong komunidad ng ating pamantasan sa tulong ng UMAKSYON-PUP upang paigtingin ang laban para sa karapatan natin sa edukasyon para sa mga estudyante, guro, kawani at sa buong komunidad ng PUP”, ani Ma. Alexi Tiotangco, PUP Student Regent.
KM@50, inilunsad sa PUP SHIENA MAE VILLAS Dinaluhan ng mga kabataan at ilang dating miyembro ng Kabataang Makabayan ang panimulang pagdiriwang ng KM@50 bilang paggunita sa ika-50 na anibersaryo ng nasabing organisasyon ng kabataan, noong Pebrero 19. Kabilang sa mga pangunahing tagapagsalita ay sina Bonifacio Ilagan na nagbahagi ng kanyang karanasan bilang kasapi ng KM noong Sigwa ng Unang Kwarto at si Vencer Crisostomo mula sa Anakbayan na naghimok sa kabataan na ipagpatuloy ang nasimulang laban ng Kabataang Makabayan. Nagbahagi rin ng mensahe ng pagpupugay sa mga kabataan ang mga
representante ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) bilang bahagi ng pakikibaka ng iba’t-ibang sektor sa lipunan. Ito ay sa pangunguna ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), League of Filipino Students (LFS), Anakbayan, Student Christian Movement of the Philippines (SCMP), Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (KARATULA), Institute for Nationalist Studies (INS), at Kabataan Partylist. Layunin ng aktibidad na imulat ang kabataan sa kilusan sa panahon noon at ngayon. Isa rin itong pagbibigay pugay at pagkilala sa patuloy na laban ng kabataan kasama ang sambayanan.
06
VOL. XXVIII NO. 2 JAN -FEB 2014
Unang
FEATURE
Pag-ibig
Naaalala mo pa ba ang iyong first love? E ang iyong first dance? First crush at maging ang iyong first kiss? Marinig pa lamang ang mga salitang ito may naaalala ka na kaagad tao o kaya nama’y pangyayari na sadyang nagpapatunay na napakahalaga sa ating karanasan ang mga una. Pero hindi lang naman ito puro patungkol sa pag-ibig . Nandyan din ang “First Birthday” na napakahalaga sa atin at pati na rin sa pamilya natin. Sa pagbaybabay sa kasaysayan ng Pilipinas, may matitisod pa tayong isang “first”. Hindi man ito naabutan ng karamihan sa atin, lalo na ng mga kabataan, may malaking ambag ito sa lipunang ating ginagalawan. Minsa’y may mga kabataang natutong umibig. Pag-ibig na hindi makasarili pagkat ito’y pag-ibig para sa bayan. Pag-ibig sa bayan ang naghudyat ng pagdaluyong ng mga mamamayan sa lansangan sa unang kwarto ng 1970 upang igiit ang kanilang mga karapatan, o ang tinatawag nating First Quarter Storm. Sigwa ng Unang Kwarto (First Quarter Storm)
Sumiklab ang Sigwa ng Unang Kwarto sa gitna ng sumisibol na matinding pagibig ng kabataan para sa bayan. Enero 26, 1970, itinakda ang pagkilos ng mga kabataan sa harap ng kongreso (Pambansang Museo ngayon) kasabay ang patatalumpati ng dating pangulong Marcos ng kanyang State of the Nation Address. Ayon sa salaysay ni Jose F. Lacaba sa kanyang librong “Days of Disquiet, Nights of Rage”, Marahas na itinaboy ng kapulisan ang mga kabataan noong natapos ang talumpati ni Marcos. Sapat na upang makatakas si Marcos sa pagkilos na isinasagawa ng mga kabataan bilang pagpapakita ng galit sa umiiral na sistema. Nagpatuloy ang mga pagkilos ng kabataan at tumagal ang daluyong nila hanggang Marso. Sa bawat pagkilos ay sinasalubong sila ng mga tauhan ni Marcos ng dahas. Ngunit sa kabila ng matinding pandarahas ng estado, may mga kabataang hindi nagpagapi sa takot, sila ay ang Kabataang Makabayan. Umabot pa sa 50,000 hanggang 100,000 ang bilang ng demonstrador. Naganap ang Sigwa ng Unang Kwarto dahil sa matiyaga at puspusang pagsisikap ng mga kabataan at ng mamamayan sa mga gawaing magmulat, mag-organisa at magpakilos. Ayon sa salaysay ng miyembro ng KM noong panahon ng FQS, hindi sila natakot lumabas sa kanilang mga silidaralan. Habang patuloy ang halos arawaraw na pagkilos, walang kapaguran ang KM na tumungo sa mga komunidad,
makipamuhay sa masa. Magmulat, magorganisa at mag-pakilos. Tagumpay ng Kabataan at mamamayan
Dekada ’60, nabuo ang iba’t-ibang pambansang –demokratikong organisasyon ng mga kabataan at isa na dito ang Kabataang Makabayan na itinatag noong Nobyembre 30,1964. Ang ilan pang samahan ng mga kabataan ay ang mga Samahang Demokratiko ng Kabataaan (SDK), Kilusang Kabataan para sa Demokrasya (KKD), Samahan ng Progresibong Kabataan (SPK)Molave, Makabayang Samahan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) at Kabataang Makabayan (KM) na may pinakamalaking bilang ng kabataang demonstrador. Marami rin ang mga nabuong organisasyon tulad ng KKKP (Kilusang Kristiano ng Kabataang Pilipino), STAND (Student Alliance for National Democracy) Alithea, Samahang Radikal at iba pa. Ang pinakatampok rito ay ang Kabataang Makabayan, ang kaunaunahang organisasyon ng mga kabataang pilipino na may kumprehensibong pambansa-demokratikong programa, dahil hindi lamang nila ipinaglaban ang karapatan ng kabataan,lumaban din sila para sa malawak na hanay ng masa. Nilabanan nila ang mga pangunahing suliranin ng sambayanan- ang panghihimasok ng mga dayuhan, pagiging atrasado ng pagsasaka at ang ginagawang pagnenegosyo ng iilan sa ating pamahalaan. Naganap ang Sigwa ng Unang Kwarto dahil sa matiyaga at puspusang pagsisiskap ng kabataang makabayan at ng mamamayan na magmulat, mag-organisa at magpakilos. Isa ang Kabataang Makabayan sa pinakamalakas at konsolidadong organisasyon ng kabataan sa panahon ng Sigwa. Sila rin ang natatanging organisasyon ng kabataan na may pinakaprogresibong paraan ng pagsalungat sa gobyerno. Ang kanilang paniniwala, digmaan at tanging digmaan lamang ang paraan na kanilang nakikita upang wakasan ang bulok na sistema ng pamahalaan. Samantalang sa pagpasok naman ng dekada 70 nakatulong ang KM sa pagbuo ng mga proresibong unyon at transpormasyon ng iba pa sa pamamagitan ng
mga kabataang nagtatrabaho na kasapi ng KM. Napagkaisa din ng KM ang mga magbubukid sa PIlipinas na naglunsad ng malaking demonstrasyon sa Maynila noong Abril 11,1969 na nilahukan ng 20,000 katao. Sa panahon ding ito inilunsad ang Pambansang Demokratikong Paaralan at ginamit bilang batayang dokumento ng pag-aaral ang librong Makibaka para sa Pambansang Demokrasya (Struggle for National Democracy o SND) na unang nalimbag noong 1967. Ang pag-aaral na ito ay nagpalalim ng pag-unawa ng mga aktibista ng KM at ng iba pangorganisasyon. Sadyang napakalaki ng ambag ng mga kabataan sa panahon ng FQS at sa kasaysayan. Dahil sa pagkakaisa ng kabataan, kasama ang malawak na hanay ng masa, magsasaka at manggagawa, nagkakamit ang tagumpay.
The Catalyst na dinaranas ito ng sambayanan, hindi mo ba tinanong sa sarili mo kung ang tama ba ang karaniwang ito o kung mas tama bang karaniwang lumaban para sa ibasura ang kasalukuyang sistema? Sila’y umibig at lumaban. Ikaw, paano ka umibig? Inumpisahan na ng mga Kabataang Makabayan noong panahon ng FQS ang pakikibaka para sa karapatan hindi lang ng kabataan, lalo’t higit ang karapatan ng sambayanan. Lumipas ang mga dekada, tumindi ang kahirapan ng nakararami, nagpapatuloy ang rebolusyon ng mga Kabataang Makabayan! ARTICLE: SHIENA MAE VILLAS GRAPHICS: LEANDRO VILLASIS ABIGAEL DE LEON
Rebolusyong nagpapatuloy Ang Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970 ay palatandaan ng muling pagsigla at pagsulong ng rebolusyong Pilipino. Ang sinimulang pakikibaka ng sambayanang lumalaban, mula pa sa panahon ni Bonifacio, maging sa panahon ng First Quarter Storm, ay nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Ang dahilan ng pagkilos ng kabataan ngayon ay tulad din ng dahilan nila noon, kung may pagbabago man, lalong lumala ang krisis na dinaranas ng nakararami. Minimithi ng bawat paglaban ay ang pagbabago sa pamamahala ng gobyerno na tila ang mga pinaglilingkuran ay hindi mga Pilipino bagkus mga dayuhang ginagamit ang kapangyarihan upang untiunting maangkin ang kung anong meron tayo. Laganap ang pangangamkam ng iilang pakiwaring hari sa mga lupang katutubo, mga lupang sakahan – tanging kabuhayan ng mga magsasaka. Patuloy ang hindi makatarungang pagtrato sa mga manggagawa, mababang pasahod, sobra-sobrang lakas paggawang hinihingi. Tumitinding korapsyon at garapalang panloloko sa sambayanan. Ang mga kabataan ay nawawalan ng karapatan sa pagaaral dahil maging ito ay hindi na natin maabot. Araw-araw, lingid sa ating kaalaman ay maraming winawasak na tahanan. Ang mga ito’y nagiging karaniwan sa paningin lalo na kung ipagsasawalang bahala na lamang. Sa tagal ng panahon
Sila’y umibig at lumaban. Ikaw, paano ka umibig?
07
LITERARY
The Catalyst
VOL. XXVIII NO. 2 JAN -FEB 2014
Krimeng Pangkalawakan
Ten Commandments ni Abigael de Leon Thou shall have no other gods before me for I am a jealous god and hungers your time to work and work Thou shall not use the name of the Lord in vain for I am the beginning and end; I create contracts and I destroy it Thou shall observe the Sabbath day and keep it holy for I am the controller of your wage and I demand your totality to serve my machines to feed my capital to save my wealth from loss Thou shall honor your father and your mother for I command this so your labor and toiling days will be long Thou shall not commit murder for I am the one who is justified to kill and torture your protesting brethren Thou shall not commit adultery for I am the one exulted to
ni Jeric Jimenez
take your wife for your debts Thou shall not steal for I am the one and only harvester of the nation’s wealth of blood and sweat Thou shall not bear false witness against your neighbor for you must never expose my dirty tricks and oppose the ruling and exploiting class Thou shall not covet your neighbor’s wife for you must attend to your wife until the day I claim her as my property Thou shall not desire your neighbor’s house or anything he owns for you must remain pacified and contented on the leftovers I give you. These I command you all as the Supreme Almighty God of the rotten society. I beseech thee to halt the class struggle so your slavery at my foot will be forever. *Special Citation (Poem Writing) 9th Gawad Emman Lacaba Lunduyan 2013
Sila’y Na-delubyo ni Lionelle Andrew D. Tan
Sardinas sa umaga, Sardinas sa gabi, Hindi nakakasawa, Bagkus nakakasuka! Nakakasuka ang pang-ba-baboy sa isda, Delatang may balot ng mukha, Ni Mayor, Ni Congressman, Ni Governor, Ni Secretary, Sila'y na-delubyo, Delubyo ng kahangalan, Sila'y na-delubyo, Delubyo ng kapabayaan,
Kinulayan nang dilaw ang bawat supot, At bilang ang bawat pag-abot, Ang pagkaing karampot, Sa mga nasalanta'y pinagdadamot. Sila'y na-delubyo, Delubyo ng kasakiman, Sila'y na-delubyo, Delubyo ng kahuwaran. Sila'y hindi pinatay ng bagyo, Sila'y pinatay nino? Pinatay nino? Nino? Ng hari ng delubyo, Si Aquino. GRAPHICS: CRISTIAN HENRY DICHE
Ah… Krimen na palang maituturing ang pagtalab ng aking mga salag Krimen na palang matatawag ang pagbaon sa iyong damdamin ng aking mga sundang Magkakasala na pala ako kung masyado nang matalas ang mga salita’t di na gumagaralgal ang aking pluma Magsasalsal na pala ako sa kulungan dahil sa di bulag na blog at sa di nagigibang software Pwes, mahal kong mambabatas, na sinong manunukso sa iyo’t magpapayamot ay! Mapapatawan mo na ng kaparusahan? na sinong makahuhuli ng kabobohan mo’t kasinungalingan tiyak na magsasalsal na ng kulungan – Krimeng Pangkalawakan! Tunay naman talagang walang silbi ang iyong mga sinasabi Tunay namang walang ginagawa ang mabababaw mong argumento di tumataas ang iyong diskurso at panay lamang duro. Tunay nama’t wala nang mahabang pagtatalo pa na puro ka upo, laging namimirwisyo wala sa wisyo at puro lamang sweldo. Kung krimen na sa iyo ang pagngawa kung sala na ang pagtula at kung kasalanan na ang pagtatanong paninisi’t pamumuna; ah… pwes… mahal kong mambabatas, dadami pa kaming sa iyo’y asiwang-asiwa!
Satisfactory RatingThe Catalyst September 2010 – 71% January 2014 – 51%
VOL. XXVIII NO. 2 JAN -FEB 2014
Ako po si Noynoy Aquino; ipinagmamalaki ko sa buong mundo: Pilipino ako.At talagang napakasarap maging Pilipino sa panahong ito.
ARTICLE: APRILLE JOY ATADERO GRAPHICS: CRISTIAN HENRY DICHE ABIGAEL DE LEON PAGE LAYOUT: ABIGAEL DE LEON
Government Debt April 2013 – PHP 5.31 trillion 2012 – PHP 5.1 trillion
TUWID NA DAAN
Kont
SANGA-SANGANG DAAN
Sistemang limi manggagawa u sa isang kump na buwan lama at kakaunti o w matatanggap
EDUKASYON
Two-tie
Unemployment Rate April 2012 – 6.9 % December 2013 - 7.1%
Migrant Rate – Noong 2013, 4,295 lumilipad patungong ibang bansa kada araw
MANGGAGAWA
3.5% to 10% up to more than 300% tuition fee increase At least
Underemployed/Employed – 11.88M
MAGSASAKA DepEd – 1,199private schools
ang nagtaas
ng tuition fee
CHED – 343 colleges and university ang
pinayagan magtaas ng tuition
Roadmap on Public Higher Bawasan ang bilang ng mga SUCs Education Reform (RPHER) State Abandonment on Education pagdadagdag ng mga taon sa high school kung saan sila ay tuturuan ng mga technical/vocational skills. Ang tanging patutunguhan ay ang pagiging skilled/ semi-skilled workers sa mga kumpanyang pagmamay-ari ng mga dayuhan o kaya’y sa ibang bansa na sasahod lamang ng mababa –
cheap labor. Sources: KARAPATAN, Pinoy Weekly, Ibon Foundation, Social Weather System, National Statistics Office, National Statistical Coordination Board, Alliance of Concerned Teachers, Ecumenical Institute for Labor Education and Research INC., College Editors Guild of the Philippines, www.bayan.ph., www.gmanetwork.com, the official gazzette, www.gov.ph.
Ang sahod ng sa produktong nito na gumaw mas marami p upang magkar ang mga kapita
KARAPATANG PANTAO
Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms
29% Lupang Naipamahagi o 17,476 ektarya kada buwan
Forced evacuatio Threat/harassme Indiscriminate fir Restriction or vio dispersal of mass assemblies and gatherings – 2,78
WALANG
(July 1, 2010
MARALITA
KAKULANGAN 47,584 guro 19.579 silid-aralan 60 million aklat 2.5 million upuan 80,937 water and sanitation facilities 770 paaralan para sa 23.9 million mag-aaral ngayong 2013-2014
Pangangamkam ng Lupa Indonesian Company – 120,000 ektarya sa Mindanao Palawan Palm & Vegetable Oil Mills, Inc. (Singapore at Malaysia) – 15,000 ektarya sa Palawan Ayala Company – 2,000 ektarya sa Batangas (sa kabila ng desisyon Korte Suprema na ito ay “Public Domain”
D
4
Meralco (Lopez)
JuneThe 2013 Catalyst – July 2013
VOL. XXVIII NO. 2
JAN -FEB 2014 Php0.254/kwh + Php4.15/kwh + Php5.33 (Generation Charge)
Oil – nagtaas ng PHP 2.00 sa gasolina at PHP 1.50 sa diesel Sardinas – PHP13.25 Kape – nagtaas ng PHP1.50 Asukal – PHP38.00 Mantika – PHP40.00 Bigas – PHP35.00
Manila Water Co.,(Ayala Co.)
P5.83/cu.m. + VAT +environmental fee = 7.81/cu.m. Maynilad Water Services (Manny Pangilinan)
P8.58/cu.m. + VAT +environmental fee=11.41/cu.m. MRT at LRT ticketing system,
ibibigay na ang karapatan sa Ayala Co.
Family Living Wage
Php 1,054 a day
Sahod
Php 456 a day
Kabuuang Kita ng Top 40 Mayayamang Pamilya:
traktwalisasyon
itado ang panahon ng upang makapagtrabaho panya karaniwan ay anim ang,mababa ang sahod walang benepisyong
ered Wage System
g manggagawa ay ibabatay g kanyang nalilikha. Layunin awa ang mga trabahador ng pang produktong maibebenta roon ng mas maraming kita alista.
$47.4 Billion Oplan Bayanihan Ito ang programang ipinapatupad ni PNoy upang labanan ang mga “banta”sa seguridad ng bansa. Ito ay nakabatay sa United States CounterInsurgency Guide. Sa ilalim ng Oplan Bayanihan, pinagmumukha nitong banta sa kaligtasan ng bansa ang mga taong nagsisiwalat ng maling gawi at nananawagan para sa nararapat na karapatan at kalagayang tinatamasa ng mamamayan.
Extrajudicial killings (EJK)– 142 Frustrated EJK – 164 Enforced disappearance – 16 Torture – 76 Rape – 3 (menor de edad) Illegal arrest without detention – 247 Illegal Arrest and detention – 293
on – 30,678 ent – 31,417 ring – 7,012 olent s actions, public
81
G HUSTISYA
– April 30, 2013)
Gov’t hospitals na nasa bingit ng privatization Philippine Orthopedic Center Philippine Lung center Philippine Heart Center Pantawid Pamilyang Pilipino Progam National Center for Mental Bibinibigyan ng Php 900-1400 ang mga Health mahihirap sa kundisyon na ang kanilang mga anak na may edad 7 -14 ay papasok sa eskwela at ang ina at sanggol ay tatanggap ng arugang pangkalusugan.Hindi nito nireresolba ang kahirapan. Ang pagbibigay ng monthly allowance (kadalasan ay hindi naibibigay) ay hindi ang pangunahing pangangailangan ng mamamayan.
Self-rated hunger December 2013: 18.1% December 2012: 16.3% Self-rated poverty December 2013: 55% September 2012: 47%
Demolisyon
4,452,405 katao
KALUSUGAN
Housing budget
0.73% ng 2014 Budget
pagtaas sa Php100.00 ng bawas sa sahod para sa kontribusyon sa PHILHEALTH
Sa halip na higher budget para sa kalusugan, Sin tax law ang ipinasa.
SinTax
batas na nagdagdag ng tax sa presyo ng sigarilyo at alak kung saan ang tax na malilikom ay ilalaan sa pondo para sa kalusugan. Ito raw ay para din sa pag-kontrol sa bisyong maraming Pilipino
Nangarap ang bawat Pilipino ng pagbabago – pagbabagong para sa interes ng nakararami. Pagbabago na kung saan ay malaya nilang matatamasa ang kanilang karapatan. Ang mga magsasaka ay magtatanim, at aani sa kaniyang sariling lupa, ang mga manggagawa ay magkakaroon ng maayos na trabaho at sweldong nakakasapat para bumuhay ng pamilya, lahat ay nakakapag-aral, tayo’y mabubuhay para sa pag-unlad ng bayan. Nagsasalita ang mga datos. Sa tatlong taon ng administrasyon ni PNoy, nagpatuloy at lalo pang tumitindi ang kahirapang nararanasan ng sambayanan. Karaniwan na nga ang pagtaas ng presyo ng langis, susundan ng pagmahal ng mga bilihin pangunahin ang mga karaniwang pangangailangan, hindi na abot-kayang, matrikula, mababang sahod, kawalan ng trabaho, kagutuman, kahirapan. Karaniwan na ang mga band-aid solutions ng gobyerno. Ang kaniyang mga programang ipinapatupad ay para lamang sa kapakanan ng mga dayuhang negosyante, mayayaman, kanyang mga katrabaho, kapamilya, kaibigan. “Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?” – Inaugration Message 2010 Matagal nang nagtiis ang sambayanang Pilipino. Hinagad natin ang pagbabago sa bulok na sistema. Marapat nang wakasan ang panahon ng pagtitiis. Pinatunayan na ng kasaysayan na may naghihintay na tagumpay sa pagtindig at paglaban ng mamamayan.
10
FEATURE
VOL. XXVIII NO. 2 JAN -FEB 2014
The Catalyst
Imno ng Paglaban sa Pagtahak sa Tuwid na Daan
“Sintang paaralan..” Pangarap ng maraming kabataan ang makapagtapos ng kolehiyo at magkaroon ng disenteng kinabukasan. Sa lipunang tulad ng Pilipinas kung saan dominante ang interes ng iilan at nalulunod sa bukal ng kahirapan ang mamamayan, edukasyon ang nakikitang paraan sa pagbabago ng antas ng pamumuhay ng mga naghihirap. Kaya’t mahigpit ang kapit ng kabataan sa pagaaral na kahit anong diskarte handa nilang gawin makapasok lang sa mga primyadong unibersidad sa bansa. Tanging state universities and colleges (SUCs) ang mapupuntahan ng kabataan sapagkat ito lang ang may matrikulang relatibong mababa kumpara sa mga pribadong kolehiyo. Sa National Capital Region (NCR), P64.04 ang average tuition fee at P44.48 naman sa Region III. Dahil tungkulin ng estadong paglingkuran ang mamamayan nito, nakakatanggap ng subsidyo mula sa gubyerno ang mga SUCs. Subsidyong nagmula sa sentimong pinagpawisan at pinagpaguran ng mga magulang at pamilyang nagpapaalipin sa sahod at kita. Ito ang dahilan kung bakit iskolar ng bayan ang bansag sa mga estudyanteng nasa SUCs – buwis mula sa bayan ang nagpapa-aral sa kanila. Kahit sambayanan ang lumilikha ng yamang ginagamit sa mga pampublikong pamantasan, hindi nabibigyan ng kaukulang badyet ang mga SUCs. Karaniwan pa nga ang kaltas at mababang badyet. Sa katunayan, haharap sa pagkaltas ang badyet ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) para sa sweldo ng mga propesor at kawani o ang personnel services. Wala ring nakalaang badyet para sa capital outlay o ang pondong gagamitin sana sa pagpapaayos ng mga pasilidad ng pamantasan. “Tanglaw ka ng bayan..” Isang lamparang nagbibigay ng liwanag ang sintang paaralan sa kabataang nagmula sa pamilyang mahirap. Ang dose kada yunit nito ang nagsasakatuparan sa pangarap ng bawat kabataang Pilipinong nagnanais magaral sa abot-kayang halaga. Nasa 110 na lang ang mga SUCs sa kasalukuyan. Mula sa bilang na ito, mabibilang lang sa kamay ang mga pampublikong pamantasang may mababang matrikula at isa na dito ang PUP. Samakatuwid, kanlungan ng mga estudyanteng nagmula sa mahihirap na pamilya ang PUP. Subalit iba ang programa ng gubyerno para sa mga unibersidad na tulad ng sintang paaralan. Ang Roadmap on Public Higher Education Reform (RPHER) ni Noynoy Aquino ay mistulang papatay sa tanglaw ng kabataan. Layunin nitong bawasan ang bilang ng mga pampublikong unibersidad at itulak silang gumawa ng iba’t ibang iskema na pagkakakitaan upang bigyang katwiran ang mababang alokasyon ng badyet. Dito nagsisimula ang mga dagdag bayaring mas malaki pa sa matrikula ng bawat isa. Nitong nakaraang taon, sinimulang singilin ang Sports Developmental Fee para diumano tugunan ang mga pangangailangang kagamitan at pasilidad ng mga atleta. Ngunit ayon sa Commission on
Higher Education (CHED) Resolution No. 221 series of 2012, hindi dapat sinisingil sa mga estudyante ang pampagawa ng anumang pasilidad o kahit ang pagpapa-renovate nito. Samakatwid, iligal ang bayaring ito. Hindi rin naman napupunta sa mga dapat paglaanan ang bayaring ito dahil hanggang ngayon, matingkad pa rin ang hinaing ng mga atleta para sa moderno at maayos na pasilidad. Ang antigong gym naman ng pamantasan, sa kabila ng katotohanang ito’y kinakailangan ng mga iskolar ng bayan, ay hindi pa rin maipasa-ayos. Hindi raw ito pasok sa pamantayan ng paggagamitan ng badyet ng unibersidad. Sang-ayon sa Department of Budget and Management (DBM), kinakailangang moderno at pinagkakakitaan ang anumang paglalaanan ng subsidy ng gubyerno. Kaya naman, ang sampung milyong laan sa pagsasaayos ng gym ay nailipat sa pagpapaganda ng lagoon para maging mini-business center ng pamantasan. Kaparehong batayan din ang katwiran sa pananatili ng bayarin sa SIS. Hindi umano pasok sa specifications ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ang maintenance cost nito. Sa nakaraang dayalogo sa pagitan ni PUP President Emanuel De Guzman at ng mga iskolar ng bayan, inamin niyang isa itong income generating project ng unibersidad. Umaabot lamang sa 6 milyon ang maintenance nito ngunit tinatayang 30 milyon ang nakokolekta ng PUP mula sa SIS Fee. Kaya naman ang gastusin para mapanatili ang SIS ay pasanpasan ng mga isko’t iska. Tungkulin ito ng gubyerno. Tatlong bilyon ang pangangailangan ng PUP ngunit hindi ito mabigay-bigay ng pamahalaan. Sasagot ito sa kakulangan ng maayos at modernisadong pasilidad, libro, system maintenance ng SIS at iba pang kailangan sa pagpapaunlad ng edukasyon sa pamantasan. Samantalang may P1.3 trilyong nakabulsa si Noynoy mula sa kaban ng bayan. At hindi nasisilip kung napupunta ba talaga ang higanteng pork barrel na ito sa taumbayan. “Pandayan ng isip ng kabataan..” Binansagang pulang unibersidad ang PUP bilang ito ang pangunahing nagluluwal ng abante at progresibong hanay ng mga estudyante. Dahil nagmula sila sa mahirap na sector, higit nilang ramdam ang pangangailangang kumilos. Ang bawat pagaaral ay dinadala sa labas ng silid-aralan. Hindi nakakulong sa apat na sulok ang pagkatuto ng mga iskolar ng bayan. Aklat nila ang lipunang ginagalawan, propesor nila ang malawak na masa at pagsusulit nila ang pagsasagawa ng mapagpalayang pagkilos. Sapagkat ang kabataan ay bahagi ng lipunan paglabas nila ng perimetro ng unibersidad. Dito pinapanday ang mga aktibistang nakikibaka para sa pambansang demokrasya at batayang karapatan – ang mga tagapagtanggol ng dose kada yunit ng PUP. Tinapatan ng pagkilos ang bawat tangkang budget cut, pagtataas ng matrikula at dagdag bayarin ng administrasyon. Taong 2010, nagiwan ng marka ang sama-samang pagkilos ng mga iskolar ng bayan sa porma ng pagbabato
at pagsusunog ng mga sira-sirang upuan at pasilidad. Nabawi ang 2000% tuition fee increase sa PUP at inatras ang desisyon hinggil dito ng Board of Regents (BOR), pinakamataas na tagapagpatupad ng mga polisiya sa unibersidad. Nariyan din ang mga strike week na kagyat na nagkamit ng tagumpay tulad ng pagkaudlot ng Socialized Tuition Fee Scheme (STFS) na walang pinagkaiba sa Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) ng UP, ang pagbaba ng SIS Fee para sa mga first years (P225), ang kagyat na pamamahagi ng PE Uniform na naantala ng isang semestre at ang pagbitiw ng salita ni De Guzman na Ito ang imno ng paglaban ng kabataan sa hindi na gagawing compulsory ang pagbili nito at ang paglipat kanilang pagtahak sa tuwid na daan ni Noynoy ng pondo ng The Catalyst sa Aquino. Ang titik at letra ng mga iskolar ng sarili nitong bank account. bayan sa kanilang pagdagsa sa tarangkahan Patuloy ang paglaban ng mga iskolar ng bayan para sa mas ng kapangyarihan, doon sa Mendiola. matas na badyet at karapatan sa edukasyon. kabataang estudyante. Pinapaunlad ang Sa PUP binubuo ang kaisipang mapagapalaya sa sambayanan. kanilang sarili kasabay ng pag-unlad ng bayan at pagsulong ng pakikibaka ng masang Kaisipang tunay, palaban, at makabayan. anakpawis. Sa pagkilos lamang masusukat kung ginagamit ang mga natutunang aral sa “Kami ay dumating ng salat sa yaman loob ng pulang pamantasan. Hanap na dunong ay iyong alay..” Pumasok ang mga iskolar ng bayan sa PUP na sabik sa tunay na kalagayan ng sambayanan kaya naman paglabas nila dito, tila batang nagising sa mahimbing na bangungot ang karanasan nila. Namulat sila sa realidad, kung paano inaabanduna ng rehimeng Aquino ang kabataan at sinasawalang-bahala ang hinaing ng mamamayan. Sapagkat ang daang matuwid na pinamamandila ni Noynoy Aquino ay libingan ng mga pangarap ng kabataan. Nagbabago ang pagtingin ng kabataan sa sistemang ito na wala ng pag-asa na magbabago pa ang kalagayan ng bayan. Tinuturo dito ang solusyon sa sakit ng lipunan – ang paglaban at paghimagsik. Walang ibang dulong tutunguhin ang mamamayan kundi ang lumaban sa ganitong lipunan kung saan nagpapakasasa sa luho at yaman ang iilang hindi man lang pinapatakan ng pawis. “Gagamitin ang karunungan, Mula sa’yo para sa bayan..” Sama-samang namulat at na-organisa, sama-sama ring isasapraktika ng mga iskolar ng bayan ang kanilang natutunan. Hindi nagtatapos sa pagkamulat ang kilusan ng
“Ang iyong aral, diwa, adhikang taglay PUP aming gabay, Paaralang dakila, PUP pinagpala..” Ang pag-usbong ng mga iskolar ng bayan na militanteng pinanatili ang abot-kayang edukasyon ang dahilan ng pagiging dakila ng PUP. Dahil dito nagsisimula ang daluyong ng kabataan mula pamantasan patungong lansangan, ang paglaban ng kabataan para sa kanilang karapatan na pinagkakait ng guberno. Mapangahas ang mga iskolar ng bayan sa pagrehistro ng kanilang panawagan. Mataas na badyet sa edukasyon hindi sa kurapsyon. Kinabukasan para sa mamamayan hindi kamatayan. Prinsipyo ang gagabay sa kilusang kabataan nang magpatuloy pa ang pangangarap ng karaniwang tao na makapag-aral. Ito ang imno ng paglaban ng kabataan sa kanilang pagtahak sa tuwid na daan ni Noynoy Aquino. Ang titik at letra ng mga iskolar ng bayan sa kanilang pagdagsa sa tarangkahan ng kapangyarihan, doon sa Mendiola. ARTICLE: ABIGAEL DE LEON GRAPHICS: CRISTIAN HENRY DICHE
The Catalyst
CULTURE
VOL. XXVIII NO. 2 JAN -FEB 2014
11
TED PYLON’S KUMEMBOT EXPOSE
Half-man, half-marble from Romblon
vhong bong edition
Abigael de Leon
KOMIX presents Thesis sa Gitna ng Power Hike
PAALALA mula sa Pixel Offensive
Next CCTV footage, may CCTV camera palang nakalagay kay Ted.
Medyo malabo dahil sa darkness na bumalot sa Teresa. Ted: May mga dumating pong mga malalaking tao, at binugbog ako, awtsu huhuhu pero hindi nila kinayang basagin ang aking makisig na pangangatawan at paninindigan. Kay raming hindi nakakapagaral, anong iyong naging tugon, Mr. President? Dagdag bayarin, pagtataas ng matrikula... ‘yan po ba ang daang matuwid? Araw-araw tayong binubugbog ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin, ngunit ano ang iyong tugon, Mr. President? Nganga. ‘Yan ba ang daang matuwid? Nandito po ako ngayon sa inyong harapan, walang halong takot o kaba dahil ako ay naninindigan para sa mga estudyante at mamamayan. Magpapatuloy tayo sa paglaban! Ako si Ted Pylon, Half-man, Half marble from Romblon, patuloy na nagsisilbi sa mga Iskolar ng bayan. Ako ang inyong tanging sumbungan! Kung sino man ang nagsasamantala sa mga Isko at Iska ay aking lalabanan pero hindi ko bubugbugin. *wink!
HARDCORE
ako, hindi pa ako nakakapaglinis Ted: Hindi ba’t pinasundo mo ako kay Boy Pick-up? Kaya alam mong dadating ako. Naimbey si Ted dahil sa feeling close at may I akbay pa siya, Mr. Pres.: Pare (with husky voice), itigil mo na ang pagiging sumbungan mo, parang awa mo na. Ibalato mo na sa akin ‘to, Puh-leaseeeeeeeeee. Pero wit epek kay Ted ang pagpapaawa, he stood up and said, “Mr. President, I will do what is right. Naniniwala po ako na dapat manindigan sa tama, at gagawin ko lang po ang tama para sa bayan.” Gumora na agad ang macho body ni Ted after speaking words of wisdom. *ting. Ting. Ting. (mala-flappy bird na message tone sa super smart phone ni Ted) Mr. President: “Bad Boy ka, humanda ka, babawian kita.” Pero keber lang si Ted sa pananakot sa kanya. *end of video.
STICKMAN NA MAY LAMAN Cristian Henry Diche
Kasing dilim ng gabi ang overflowing emotions ni Ted, feel na feel niya ang sakit ng kanyang makisig na katawan, pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang puso hanggang sa... “Ga..ganito ba ang tuwid na daan mo, Mr. President? Anak ng Teteng! Aray!”, G na G na bulalas ni Ted kahit may iniindang mga bugbog. Na-shock ang mga Iskolar dahil sa pagiging Bong (o Vhong?) niya at
sabay-sabay na napatingin sa kanya... ngunit, hindi ma-sight ang macho body ni Ted dahil sa sobrang dilim ng paligid dahil wit na afford ang kuryente. Dahan-dahang inalis ni Ted ang kanyang baseball cap at jacket... At dahil sa tikas ni Ted, umilaw ang kanyang katawan at nag-mala projector screen. Ted: Pinapunta n’ya ako sa opisina niya, sabi niya ‘dala ka ng foods’, samantalang walang makain ang mga Iskolar ng bayan at mga mamamayan. ‘Yan ba ang daang matuwid?! Nalokawaps ang mga Isko at Iska sa revelation ni Ted kaya all eyes at all ears ang naging peg ng audience kaya mega kwento pa si Ted. *May mala-CCTV footage na nagappear sa screen. Nakita si Ted na dumating sa lobby ng opisina with somebody. Mr. Pres.: Ikaw naman, binigla mo
FEATURE
VOL. XXVIII NO. 2 JAN -FEB 2014
Pagbalik-tanaw sa Pinag-ugatan ng Pork Scam
12
Naligtas si Benhur K. Luy mula sa iligal na pagdetine ni Janet Lim-Napoles upang diumano pigilan siyang isiwalat ang mga nalalaman niya.
Sistema ng Pork:
Magtatakda ang senador o konggresista ng ahensya o NGO Kumisyon na halos 40 – 60% sa mga negosyanteng tulad ng 20 imaginary NGOs ni Napoles at Ghost Projects ng mga pulitiko Napoles kapalit ang pangalan
Pinabulaanan ni Napoles na walang katotohanan ang scam lalo na ang mga artikulong inilabas ng Philippine Daily Inquirer.
Hindi sinang-ayunan ng Senado ang pagiimbestiga sa Pork Barrel Scam at kahit si Noynoy Aquino ay tutol dito dahil masisiwalat lamang ang katiwalian nila sa pusisyon. Nariyan ang paggamit ng pork barrel funds upang suhulan ang sinumang bumotong patalsikin sa pwesto si Chief Justice Corona na noo’y nagdesisyong ipamahagi na ang Hacienda Luisita.
The Catalyst
Top 4 Senador na nagpagamit ng kanilang pork sa mga pekeng NGOs Bong Revilla Jr. – 22 beses Juan Ponce-Enrile – 21 beses Jinggoy Estrada – 18 beses Ferdinand Marcos Jr.–4 beses
Sa esensya, partihan ng mga negosyante’t pulitiko hanggang sa wala nang matira para sa mga serbisyong papakinabangan ng mamamayan
Naglabas ang Supreme Court ng Warrant of Arrest order kay Janet Lim-Napoles sa kasong illegal detention. Hindi sa katiwalian o anomalya o pagnanakaw ng pondo ng bayan.
Biglang nawala sa mata ng publiko si Napoles. Kasabay din nito ang paglabas ng Commission on Audit (COA) Report na naghahayag ng kawalang kredibilidad ng mga special allotment release order (SARO) ng Department of Budget and Management (DBM). Sa katunayan, panahon pa ni Gloria Arroyo nang huling maglabas ng audit ang COA at wala pang ina-audit sa mga ginastos ng administrasyong Aquino.
Sa presyur ng pagkilos ng mamamayan, naitulak ang Senado na imbestigahan na ang Pork Barrel Scam.
Sigaw sa Pugadlawin
araw ng pagsimula ng martsa ng mga makabayang organisasyon ng kabataan laban sa katiwalian at pagpapanagot kay Noynoy at sa iba pan pulitiko na ginagawang negosyo ang kaban ng bayan.
Million People March
mobilisasyong nagsimula sa isang online post na kumalat sa mga social networking sites. Patunay na ang mamamayan ay handa nang kumilos para buwagin ang sitema ng pork barrel at kurapsyon sa gubyerno.
Uminit ang usapin pati ang imahe ni Noynoy sa taumbayan kaya naman nag-anunsyo ang presidente ng reward sa sinumang makakahuli kay Napoles. Hindi pa man lumilipas ang gabi, kusang sumuko si Napoles hindi sa pulis kundi kay Noynoy.
Sumingit sa prime time si Presidente Noynoy Aquino upang ipahayag ang pakikiisa niya sa pagbabasura ng pork barrel system. Taliwas sa pagtatanggol ng presidente sa P1.37 trilyong pork na hawak niya.
Note:
Kahit hindi kapartido ni Noynoy, sinusuportahan ng mga pulitiko ang mga programa ng pangulo upang higit na magkaroon ng impluwensya at sumabay sa kumpas ng rehimen.
Patronage Politics
depinisyon ni Budget Secretary Florencio “Butch” Abad sa PDAF sa kadahilanang ito ay nakakonsentra sa mga vote-rich areas tulad ng National Capital Region. Ngunit sa Palawan region, hindi PDAF kundi Malampaya Funds ang pork barrel ng mga tagatangkilik ng administrasyon dito.
ARTICLE: ABIGAEL DE LEON GRAPHICS: CRISTIAN HENRY DICHE
FEATURE
VOL. XXVIII NO. 2 JAN -FEB 2014
Nakakulong na si Napoles, nagsimula na ang hearings sa Senado ngunit hindi pa rin nababasura ang PDAF. Tuloy pa din ang kilos protesta laban sa pork at kurapsyon ng mga karaniwang tao.
Muling nanawagan ng pagkilos ang nag-organisa ng Million People March upang paigtingin pa ang laban sa pork at paglantad sa pulitika ng pagsasamantala at pagnanakaw sa administrasyon. Tinawag itong “EDSA Tayo” na may prayer vigil sa kahabaan ng EDSA.
Luneta 2.0 Rock and Never Porkget paggunita sa Martial Law ng sektor Rage Against Pork ng kabataan sa pamamagitan ng pagbalik ng mamamayan sa Luneta upang muling i-rehistro ang disgusto ng taumbayan sa Pork Barrel King Noynoy Aquino.
pagdaluyong sa lansangan upang kundenahin ang kasalukuyang rehimen at sistema ng kurapsyon.
Sa pagharap ni Benhur K. Luy sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee, binunyag niya ang sabwatang nagaganap sa pagitan ng mga pulitiko at negosyante partikular kay Napoles. Sa kabila ng panawagan ng mamamayan, wala pa ring kongkretong aksyon ang gubyerno kaya’t muling idinaos ang isang malawakang pagkilos upang ipakita kay Noynoy ang galit ng mga Pilipino. Nagtipon sila sa Ayala bitbit ang panawagang pangutin ang rehimen at ilipat sa batayang sebisyo ang pondong winaldas ng iilan. Isiniwalat ni Jinggoy Estrada ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ng administrasyon na umano’y ginagatasan din ng mga pulitiko maliban pa sa PDAF
At upang ilihis ang atensyon ng mga Pilipino, nagsayang ng 30-minuto si Noynoy Aquino sa prime time upang ipagtanggol ang bagong pangalan ng pork, ang DAP.
Naisawalat na rin ang kabutihang dulot ng pork – ibayong pagyamanin ang mga political dynasties.
Bise Presidente Jejomar C. Binay 200 M Pork
Sa kabuuang kita ng Binay:
P1.178 B kada taon
P100 M kada buwan
P3.3 M kada araw Kasagsagan ng bagyong Yolanda nang iproklama ng Supreme Court ang PDAF bilang unconstitutional. Ginamit rin ng mga pulitiko ang nangyaring kalamidad upang maglabas ng pondo na hindi naman mararamdaman ng mga biktima.
Sa Kasalukuyan
May panibagong lumantad at higit pang pinatunayan ang katiwalian sa sistema ng pork barrel. Ito ay sa katauhan ni Dennis Cunanan at Ruby Tuason. Gumugulong na rin ang paghahanda para sa People’s Initiative na ayon kay dating Chief Justice Renato Puno, ito ang ligal na solusyon upang wakasan ang monopolyo ng iilan sa gubyerno at ng kanilang pagpapanitili sa kahirapan sa bansa. Nangangailangan ng 10% registered voters at 3% sa bawat Legislative District na pirma upang mapagtagumpayan ito. Ngunit ang People’s Initiative ay isang ligal na pamamaraan lamang, hindi pa rin magtatapos ang pagdaluyong ng kabataan sa lansangan. Ang kriminal na kapabayaan at katiwalian ni Noynoy ang kumitil sa 18,000 nating kababayan sa Tacloban at sa iba pang bahagi ng Eastern Visayas. Dapat panagutin ang inutil na presidente na walang ginawa kundi lumikha pa ng mga diskarte kug paano higit na makapgnanakaw at makapaglilingkod sa pansarili, iilan at dayuhang interes. Ang pagpapatalsik kay Noynoy ay unang hakbang pagpapabagsak ng umiiral na bulok na sistema at pagtatayo ng bagong lipunang walang namamatay at naghihirap na mamamayan at nagnanakaw na presidente.
13
Pagbalik-tanaw sa Pinag-ugatan ng Pork Scam
The Catalyst
14
COMMUNITY
VOL. XXVIII NO. 2 JAN -FEB 2014
BUDGETARY OUTLAY January – March 2014
ITEM
QUANTITY
UNIT PRICE
15,000
February Regular Issue 16 page
15,000
March Regular Issue 12 page
15,000
Php 8.04
Php 120,600.00
20 pcs. 1 (12x10)
250/pc 20/sq. feet
Php 20,000 Php 5,000 Php 2,400 Php 2,000
Anniversary -Food -T-shirt -Tarpaulin -Operating Expenses Office Equipment -Desktop Computer
Php 2.68
TOTAL
Newspaper January Special Issue 4 page
Php 13.4
Php 40,200.00
Php 201,000.00
The Catalyst
ORG Voice
STUDENT COMMISSION ON AUDIT
What is Student Commission on Audit?
1
Petty Cash Fund
Php 55,000.00
Php 15,000.00
cata post 1. Paano mo pinalipas ang “Araw ng mga Puso”? 2. Anong masasabi mo sa bagong disenyo ng PE Uniform?
Student Commission on Audit is an institution that promotes good governance with the attributes of honesty, transparency, accountability, credibility, efficiency, and effectiveness for the enhancement of trust of the student councils/organizations and foster a better quality of life for studentry. As the Student Councils/organizations Supreme Audit Institution, the Commission on Audit is vested by the Constitution with: the power and duty to audit and settle accounts pertaining to revenues and receipts, as well as expenditures or uses of funds and property owned or held in trust by the Student Councils/Organizations. Authority to prescribe accounting and auditing rules and regulations, responsibility to recommend measures necessary to improve the efficiency and effectiveness of student government operations. Who are allowed to join the institution? Any bonafide student of the Polytechnic University of the Philippines with at least 12 units of academic load is allowed to join Student Commision On Audit. SCOA gladly accepts students who have experienced auditing accounts and other activities with regards to this field. SCOA is also open for students who have no experience in this field as long as they are willing to learn. Look for Harline Honrado at the Constitutional Commissions Office, 2nd floor, Charlie Del Rosario Building.
FEELING MO MAGALING KA?
SALI NA SA THE CATALYST! PUNTA KA SA OPIS NAMIN ROOM 206 2ND FLR. CHARLIE DEL ROSARIO BLDG. DALA KA FOODS. KITAKITS!
CAMPUS LIFE 1. Oo, dapat September na lang para makapag-adjust pa ang mga parents sa mga gastusin. 2. Hindi, gagastos na naman sila, andami na namang canteen eh. -Chris G. Samperoy ABE 1-2 1. Hindi, para kahit minsan naman maiba ang Pinas. 2. Hindi, kunti na ng alang ang luntiang lugar dito, babawasan pa. -Maria Lyra Valdez ABE 1-2 1. Hindi, kuntento na ako dito eh. 2. Ayoko, magtatapon lang sila sa tubig, kawawa na naman -Jesylyn D. Canindo BEED 4-1D
1. Sang-ayon ka ba sa pagpapalit ng academic calendar? 2. Kapag nailipat na ang tindahan/kainan sa lagoon, kakain ka ba dito?
1. Hindi, kinasanayan na kasi at wag na tayong makipagsabayan sa iba. 2. Hindi, mas magandang ipreserve na lang natin ang lagoon. -Mary Joy N. Pascual BEED 4-1D 1. Hindi, kawawa naman, mahirap sa summer, may pasok sila, iba ang panahon nila. 2. Hindi, mas ok na idevelop na lang at gawing green park na lang. -Bernadette S. Salinero BEED 4-1D 1. Partly, oo, nakaka-experience na kasi tayo ng paiba-ibang panahon. 2. Hindi, lagoon yan, patayo na lang sila ng bagong canteen. -Mariz E. Silvela BSIT 1-4
OPINION
The Catalyst
VOL. XXVIII NO. 2 JAN -FEB 2014
Lucid Pen Blessie Penaflor
Tubong Lugaw Pamilyar ka ba sa otso pesos na unli lugaw sa Teresa? Ito ang patok na pagkain sa mga taong gustong makamura. Sa isang estudyanteng nangangalam ang sikmura ngunit walang sapat na pera, sulit na sulit na ‘di ba? Pero minsan ba naisip mo, magkano kaya ang tinutubo nila? Sa dami ng mga taong pabalikbalik at sinusulit ang unlimited na lugaw, at sa otso pesos na halaga nito, may posibilidad kaya na malugi sila? Sa isang kilong bigas na nagkakahalagang P29 bawat kilo., Maari nang mapakain ang sampung tao. Kung susumahin, halos doble ang kanilang kikitain. Idagdag man ang P3 na pampalasa at P10 na rekado, aabot lamang sa P42 ang magagastos nila bilang puhunan. Ganito maikukumpara ang kita ng mg a dayuhang namumuhunan sa ating bansa. Kaya hindi na nakapagtatakang tila sila kabuteng bigla na lamang nagsulputan. Bulag
lamang ang hindi makapuna na ang ilan sa mga pangunahing dahilan nang pagtatayo nila ng negosyo sa bansa
Masasabi mo bang patungo na tayo sa pagunlad kung iilan lamang ang napapasasa sa magandang ekonomiya? At ang higit na masaklap- sila ay mga dayuhan. Panahon na upang kumilos. ay ang murang lakas paggawa at mga insentibog ipinagkakaloob sa kanila. Isa sa mga insentibong ito ay ang Income
Tax Holiday (ITH) -anim na taong eksemsyon sa babayarang buwis sa mga bagong rehistrong empresasa bagong bukas na negosyo o industriya; 4 na taon sa mga bagong rehistrong empresa sa umiiral na negosyo industriya; 3 taon sa mga nagpapalawak na empresa; eksemyon mula sa lahat ng bayarin, lisensya, at buwis, liban sa amilyar na sinisingil ng lokal na gobyerno. Subalit sa kabila ng mga insentibong ito, agresibo pa ring nanawagan ang mga dayuhang samahan sa komersyo at negosyo, kabilang ang American at European Chambers of Commerce upang amyendahan ang konstitusyon ng Pilipinas ng 1987. Ito ay dahil pinagbabawal nito sa mga dayuhang magmay-ari ng lupa at maghigpit sa pag-aaring susing empresa na hanggang 40% lamang. Isang tahasang hakbang upang tuluyan nang madomina at dambungin ang mga lokal na rekurso.
Ang mabilis na paglago ng dayuhang pamumuhunan ay bunga na rin ng mahigpit na pagtataguyod ng gubyerno sa polisiya nito sa pamumuhunan. Anumang sektor ng industriya ay nasakop na nila. Sinasabing ang layunin ng gubyerno ay ang patatagin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga dayuhang namumuhunan. Subalit bakit sa patuloy nilang pagsulpot, tila unti unti nang nawawalan ng puwang ang mga lokal na negosyo sa ating bansa. Unti-unti silang nalulugmok at nangangapa sa bayang kanilang kinamulatan. Masasabi mo bang patungo na tayo sa pag-unlad kung iilan lamang ang napapasasa sa magandang ekonomiya? At ang higit na masaklap- sila ay mga dayuhan. Panahon na upang kumilos. Huwag nating hayaang tayo mismo ang maging dayuhan sa sarili nating bayan. Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino!
Paalala lang
Walang Pangalan Stella Marie Maragay "Ang hirap maging mahirap." Nakakatawa mang pakinggan, ito ang isa sa pinakamasakit na realidad sa'ting lipunan. Magsumikap ka raw para mapaunlad ang iyong sarili, para sa mahal mong pamilya, pero may mga pagkakataon na bakit napakahirap din yata nito? Sa kaso ko, isa kong 'working student', mahirap para sa iba, pero sa tingin ko, mas mahirap yung gusto mong mag-aral, pero kailangan mo munang tustusan ang pangangailangan ng pamilya mo. Maraming kabataan ang imbes na mag-aral ay nasa pagawaan. At mayroon namang nasa pamantasan nga, ngunit ginigipit naman ng pataas nang pataas na bayarin, na kung tutuusin ay hindi naman dapat. Karapatan ang makapag-aral, hindi ba? Ngunit bakit naging pribilehiyo na yata ang karapatang ito? Dahil sa kanila. Sila na ganid. Sila na ang nais lamang ay kumita at puro pansariling interes ang iniisip. Sila na kasabwat ang dapat
15
ay tumitiyak na ang nasasakupan nya'y may pag-unlad na aasahan. Pero ano? Nagkaroon ng sabwatan. Sabwatang isinasawalang bahala ng nakararaming mamamayan. O kung hindi man, uunawain, ngunit mananahimik lang din. Gusto mong malaman kung sino ang sila na tinutukoy ko? Walang iba kundi ang pangulo nating inutil, na ang tanging mahusay na ginawa ay ang pagtanggal ng wangwang sa kalsada. Bukod tanging yun lamang, at tirahin ang sinundan nyang administrasyon. Sa taong 2016, tatlo na lamang ang matitirang state university sa bansa sa balangkas ng Roadmap on Public Higher Education (RPHER) ni Noynoy, patunay na unti-unting inaabanduna ng pamahalaan ang edukasyon. Sa ngayon, pondo muna ang binabawasan, pero sa mga susunod na taon, mismong mga state university na ang mababawasan— at maaaring isa ang PUP sa mawawalang state university sa ating bansa.
Ilang beses nang tinangkang pataasin ang matrikula sa ating sintang
Ang pagtahimik ay tila pagsang-ayon na rin. Maaari kang magsawalang-bahala, ngunit isang araw, mapagtatanto mo ang lahat, at huli na para sa gagawin mong pagkilos. Hihintayin pa ba nating dumating tayo sa puntong yun? paaralan, ngunit lahat ng ito ay nabigo. Bakit? Dahil sa sama-samang pagkilos
ng mga iskolar ng bayan.ngayong humaharap ulit tayo sa ganitong kalagayan, tinatawag ng pagkakataon ang bawat isa na lumiban muna sa klase at magprotesta. Ang edukasyon ay karapatan at hindi pribilehiyo o negosyo. Wala dapat binabayarang mas malaki pa sa matrikula ang mga iskolar ng bayan. Hindi nawawala ang mga isyung dapat pagtuunan ng pansin sa loob at labas ng unibersidad. Nasa ating pagpapasya kung paano natin ito titingnan. Kung bilang nasa hanay ng mga nananawagan o sa gilid ng daan at nakamasid lamang. Ang pagtahimik ay tila pagsang-ayon na rin. Maaari kang magsawalangbahala, ngunit isang araw, mapagtatanto mo ang lahat, at huli na para sa gagawin mong pagkilos. Hihintayin pa ba nating dumating tayo sa puntong yun? Sa puntong wala ka nang magagawa kundi magsisi na lang? Pwede rin. Walang sisihan.. Dahil ilang beses kayong pinaalalahanan.
Oi! Pssst! May gusto ka bang sabihin? Ipasa na ang iyong mga sanaysay sa The Catalyst Office at abangan ito sa....UNZIPPED! Ice yan ‘tol!
28 Mula freshie, graduate ka na agad-agad! Bilis no? Dahil ang ibig sabihin ng Catalyst ay bagay na nagpapabilis ng proseso ng pagbabago. Kewl diba? Orayt. Lakad lang.
Mapulang pagpupugay ang ipinapaabot ng tarangkahan ng sintang paaralan sa mga bagong iskolar ng bayan! Gayundin ang opisyal na pahayagan ng mga PUPian, ang The Catalyst! Tambling na!
TO WRITE NOT FOR THE PEOPLE IS NOTHING.
Dahil bahagi ka na ng kulay pamantasang utak ang puhunan, pula ang dyaryo na ito? Hmmm. Para magpakilala ka sa Utak ng Himagsikan! Makikita mo siya diyan sa may malaking kakulay ng catwalk, poste, kapag gabi naman makikita mo gate, sahig, building at ng siya sa silong ng bahay niya. Sa kanya buong pup! Hihi simbolo ipinangalan ang literary folio ng TC, ang din ito ng pagiging palaban Mabini Sessions I, II, at XP. at may paninindigan ng publikasyon na ito.
Awaaaard! Ang Mabini XP ay nagkamit ng unang gantimpala sa taunang Gawad Emanuel Lacaba ng College Editors Guild of the Philippines. Awards paaa!
Tanong: bilang bagong PUPian, kilala mo na ba ang presidente ng ating sintang paaralan? Clue: nagsilbi siyang Punong Patnugot ng The Catalyst noong 19891990. - tomoooooooooooo! Si Dr. Emanuel de Guzman! Dahil diyan bigyan ng jacket!!! Sulong lang!
Dito sa PUP, malalaman ng buong university ang birthday mo kapag super sweet ng mga kaibigan mo para ipost ang mukha mo, edad, at birthday mo sa mga poste at pader ng campus. February 25, 1986 naman ang kaarawan ng The Catalyst. Oha? Ilang taon na ang TC? Orayt!
Alam mo yong kabataang makabayan? Organisasyon ito ng mga kabataan bago pa man ang panahon ng martial law. Otapos? Kuwento ko lang. Noong panahon ng martial law, dahil sa matinding represyon, naging underground ang operasyon ng mga publikasyon, isa na rito ay ang Malaya(TC noon). Noong nagwakas ang panahon ng diktadurya, isinilang na ang The Catalyst. Awesome!
Tinatawag ka na ni inang kalikasan kaya eto ka, nakaabang sa pintong de buhat... Pst. Oi, oi, oi, bawal yan! *wink! Silip ang art folio ng The Catalyst. Silip o Sining Lipunan dahil ito ay kalipunan ng mga litrato at dibuho na nagsisiwalat ng kalagayan ng lipunan.
TAON
Nakita mo siya, may ka-HHWWPSSP (holding hands while walking pa-sway pa-sway pa) sa #uso#na#ang#hashtag#sa freedom park. Wasak. Sawi. Saklap. Pero Ok #mga#social#networking#sites lang yan. Mahal ka naman ng mga Catapeep! #trending #nanaman! #dahil #diyan Patuloy na isinusulong ng bumubuo ng TC #addusonfacebook #pupthecatalyst ang karapatan at interes ng mga mag-aaral at and #followusontwitter@Pupthecatalyst sambayanan sa pamamagitan ng pagsulat at pakikibaka.
The Catalyst
“Pro-students, Pro-masses” at “To write not for the people is Ikaw nothing.”Ang prinsipyong ba ay tangan ng bawat miyembro nalulungkot, ng publikasyon. nababalot ba ng poot, maraming Dahil sa isinigaw mo, hinanakit sa mundo? nagulat ang buong sintang Hanapin ang nakatagong paaralan at ipinatawag lagoon sa... hanapin mo ka sa ... sa kauna-unahang nga di ba? (clue: dalawang pagkakataon, nasampahan ng sementadong kawal mula kasong Libel ang apat na editors sa panahon ng mga kastila ng TC na sina, Karlo Cusi(Editor ang nagbabantay sa lagusan) in Chief), Katherine Garcia Doon ka mag-emote. (Managing Editor), Rheanne Minsan na ding humarap Camille Garcia (News Editor) sa matinding problema ang at Rowena Cahiles (Features ating publikasyon. Ika-8 ng Editor). Ito ay isinampa ni dating Abril 2008 ng matanggap ng Vice President for Finance dating Editor in Chief na si Dr. Gloria T. Baysa dahil sa Jesse Aspril ang tawag mula artikulong pinamagatang “Krisis kay dating presidente Guevarra ng Kawalan ng Pangulo sa PUP” na nagsasabing tinanggal na na tumalakay sa kinaroroonan sa proseso ng enrollment ang ng pondong nalikom mula sa The Catalyst at Central Student Human Rainbow Project. wala Council fee. namang nangyari sa kaso kaya tulad mo, napatunayang hindi ka nagkasala.
PRO-MASSES
VOL. XXVIII NO. 2 Bakit JAN -FEB 2014
Ano? Naibuhos mo na ba lahat-lahat? Osya. Labas ka na dyan. Paglabas sa pintong may dalawang kawal, sumigaw ka ng, “walang tunay na kalayaan!”. Ang The Catalyst ay isang autonomous institution, isa ito sa malayang publikasyon sa buong bansa.
Freshie ka dba? May new circle of friends ka na ba? Hihi para maitaguyod ang malayang pamamahayag at pagkakaisa ng mga publikasyon, naitatag ang Alyansa ng Kabataang Mamamahayag – PUP noong 1995 sa pangunguna ng TC. Ito ay nagsisilbing sandigan ng mga publikasyon sa PUP upang labanan ang iba’tibang uri ng represyon
Bahagi din ang The Catalyst ng College Editors Guild of the Philippines, ang pinakamalawak at pinakamatandang alyansa ng mga student publications sa Pilipinas at sa Asya Pasipiko. Naging Pambansang tagapangulo nito ang Dating EIC ng TC na si Jose Cosido. More friends! Mas happy!
Hanggang saan aabot ang P20.00 mo? Ice cream na may chocolate sa ibabaw at dulo ng cone? 25.00 na kaya yun. Pero ang The Catalyst fee, nananatiling beinte pesos, ang pinakamababang publication fee sa bansa. Tagumpay! Narating mo na ang opisina ng TC!
PRO-STUDENTS
16
Kilalanin ang mga ninuno ni Ted. Sila Zhezheyn de Delmeshen, Theo Makalyo, Lola Sela at ang kanyang apong si Chi Chi Chaka Pani Panda na nagtransform bilang si Starla Booba... sila ang naging unang mukha ng KATA X-payls na naging sumbungan ng mga isko.
Nasa linear park ka noong makasalubong mo ang feeling sosyal mong klasmeyt at sabi niya, ”hey, what’s with your porma? It’s so chaka.” Sus! Feeler! Dedma na lang. Haha. Duh! Chakalyst ang lampoon issue ng TC na unang lumabas noong 2006. Ang lampoon ay isang satirikal na paraan ng pagsusulat. Naglalaman ito ng mga totoong balita ngunit isinulat sa nakakatawang istilo.
Maraming beses nang napatunayan ng The Catalyst ang tagumpay na nakakamit sa sama-samang pagkilos. Tagumpay natin na hawak mo na ang TC ngayon! Yahoo! Sige katok lang upang maging manunulat at dibuhista para sa bayan!
NG PAGSULAT, PAGMULAT AT PAKIKIBAKA
ARTICLE: APRILLE JOY ATADERO PAGE DESIGN: ABIGAEL DE LEON