08
CAL WEEK 2018
Tudla at Nasa Puso/d, inilunsad ng Patlang at LAMBAT EMELITA AGUILAR AT JASMINE GRACE RIVERA
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-10 taon ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) at buwan ng Panitikang Filipino, itinampok ng Publikasyong Patlang ang kanilang folio na pinamagatang “Tudla” at ang librong “Nasa Puso/d” ng Lunduyan ng mga Bulakenyong Artista at Manunulat (LAMBAT) noong ika-30 ng Abril sa Bulacan State University (BulSU) Hostel. Ang “Tudla” ang kauna-unahang isyu ng Patlang, opisyal na publikasyon ng mga mag-aaral ng Malikhaing Pagsulat (MP) na nasa pormang pamphlet at libreng naipamahagi sa mga mag-aaral. “Ito ay libre dahil nagnanais ang patlang na marami ang maka-access sa aming mga likha,” sabi ni Rissia Lleva, punong-patnugot ng nasabing publikasyon. Samantala, ang ikalawang libro ng LAMBAT na “Nasa Puso/d” ay inilathala ng Balangay Productions sa pakikipagtulungan sa National Book Development Board (NBDB), ahensya ng gobyerno na layong suportahan ang industriya sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga
CAL launches theme...
FROM PAGE 04
Meanwhile, recognized groups which showed outstanding performances were the visual arts group, the literature group and the cinema group who earned the 1st, 2nd and 3rd. CAL also launched its own theme song entitled “Sulong, CAL” during the opening ceremony of the college week. The theme song’s lyrics was composed by Elimore Cabanilla of BATA 4A and the musical score was created by Gillian Rose Bongkingki who is also from BATA 4A. Moreover, the song was performed by fourth-year Theater Arts student Melbelline Caluag. According to Cabanilla, because of her excitement, she was able to come up with the lyrics after she was requested to write a song for the college. “May something sa puso ko na tuloytuloy lumabas habang nagsusulat ako. Siguro dahil na rin naniniwala ako na if you love what you’re doing, everything will follow ‘yong pagmamahal sa sining, pagmamahal sa kurso, pagmamahal sa aking mga guro at pasasalamat sa unibersidad at kolehiyo na humulma ng pagkatao ko,” Cabanilla shared. PAGE 09
Naghandog ng makabuluhang tula si Nieky Quitain sa paglulunsad ng Tudla at nasa Puso/d. Photo by Irish Gaile Ocampo
Pilipinong manunulat at palimbagan.
ng MP.
Ilan sa mga contributor ng nasabing libro ay ang mga dating mag-aaral mula sa kursong MP na sina Michael Angelo Santos at Julius Gregor.
“Nagkakaroon sila ng venue para sa mga output nila sa klase at matutunan nila kung paano i-share ‘to sa community,” aniya.
Naniniwala naman si Maricristh Magaling ng Departamento ng Araling Pilipino (DAP) na malaki ang naitutulong ng pagtitipong tulad nito sa mga mag-aaral
Nagtanghal ng musika at nagbahagi ng mga akda na tumatalakay sa iba’t ibang isyung panlipunan ang ilang magPAGE 11
Bagsakan Palabas, idinaos ng Hiraya Kolektib at Patlang
ADAM ANGELO TIZON
Upang ipagdiwang ang nagdaang buwan ng Panitikang Filipino at ika-10 anibersaryo ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL), isinagawa ng Hiraya Kolektib at Patlang ang Bagsakan Palabas noong Mayo 2 sa tapat ng Valencia Hall. Bukod sa mga binasang akda ay naipalabas din sa nasabing aktibidad ang ilang mga eksena mula sa pelikula ng direktor at alumnus ng KAL na si Mark Mirabuenos na nasaksihan hindi lamang ng mga mag-aaral ng KAL kung ‘di pati ng mga mag-aaral mula sa ibang kolehiyo “Bali itong Bagsakan Palabas ay pinagsama-samang performatibong pagtatanghal ng mga tula, awit at pagpapalabas ng maikling pelikula,” pagpapaliwanag ni Manuel Diel III, presidente ng Hiraya Kolektib. Dalawang taon nang isinasagawa ang Bagsakan Palabas ngunit inamin
ng Patlang, publikasyon ng Malikhang Pagsulat, na sila pa rin ay nangangamba sa bilang ng mag-aaral na dadagsa sa kanilang programa. “No’ng una may pangamba na baka walang mahikayat na pumunta dahil nagsimula kami na kami, kami lang tapos dumagsa na lang. ‘Yon din siguro ‘yong disadvantage sa pag-o-organize ng event, walang kasiguraduhan kung makikipag-cooperate ‘yong mga dumadaan,” sabi ni Rissia Lleva, punongpatnugot ng Patlang. Sa kabila ng kawalan ng tiyak na dami ng manonood, naging matagumpay ang Bagsakan Palabas dahil sa pagtangkilik ng mga BulSUan. “Successful siya. Marami kasi kaming nahikayat, maraming pumunta, nagawa siya nang maayos. Nakakagulat nga na ang daming nag-perform na dumadaan lang naman,” ani Lleva.