El periodico

Page 1

EL

PERIODICO Setyembre 27, 2013

Bolyum 1, Isyu 1

Violet Lecture Series Masining Na Pagpapahayag Ng Mga Mag-aaral Ng Edukasyong Pang-sekondarya Selebrasyon Ang mga mag aaral ng II-Math at II-TLE ay nagsagawa ng ibaâ€&#x;t-ibang aktibidad na naglalayung makapagpahayag. Ito ay ang Campus Press Freedom Week, Buwan Ng Wika at Violet Lecture Series.

03

Pagdiriwang ng Campus Press Freedom Week

Ang mga aktibidad na isinagawa ay bilang pakikilahok sa mga pagdiriwang. Ito binigyang pansin ng mga mag-aaral upang lubos nilang maipabatid ang iba pang mga displina ukol dito. Campus Press Freedom, Buwan ng Wika, Violet Lecture Series, ito ang kabuuan ng mga aktibidades na isinagawa sa Filipino 3. Pinangunahan ito ng II- Math/ TLE sa patnubay ng kanilang butihing guro na si Mr. Randy T. Nobleza.

pg. 2

LGBT

.05

Palalahad ng karanasan bilang kasapi ng grupo ng LGBT.


Isyu #1: Setyembre 27, 2013

2

AKTIBIDADES ON THE GO! Same sex marriage Tanging lalaki a babae lamang ang nilalang ng Diyos. Ngunit hindi maitatanggi na sa panahon ngayon mayroon ng nabibilang sa mga tinatawag na bakla at tomboy. At dahil doon, nais nilang magkaroon ng pag-iisang dibidb sa magkaparehong kasarian. Mahigpit na tinututulan ito ng simbahang katoliko kaya umani na rin ng sarisaring reaksyon ang isyung ito. Gayunpaman, ilang bansa na rin sa buong mundo ang nagpapatupad ng legal na pagpapakasal sa parehong babae at lalaki. Isa lamang ang Estados Unidos sa maraming bansa tulad ng Argentina Belgium, Iceland,Netherlands, Norway, Portugal, south, Africa Spain at Sweden. Hati ang opinion ng ilan ukol sa ganitong usapin. Sa mga esyudyante mula sa school of secondary teacher education na aking nakapanayam walo sa sampu ang nagsabi na tutol sila sa pagiisang dibdib ng magkaparehong kasarian. Ayon sa kanila labag ito sa banal na utos ng diyos. Ngunit ayon kay pastor Regen Luna: ang homosexuality ay hindi kasalanan kapag ito ay nasa loob ng isang loving, committed, responsible, monogamous, relationship. Ngunit kung ito ay casual sex lamang ito ay kasalanan halimbawa prostitution.

Campus Press Freedom, Buwan ng Wika, Violet Lecture Series, ito ang kabuuan ng mga aktibidades na isinagawa sa Filipino 3. Pinangunahan ito ng II- Math/ TLE sa patnubay ng kanilang butihing guro na si Mr. Randy T. Nobleza. Sa gawaing ito, maraming naipasok na mga napapanahong paksa katulad na lang ng pagdami ng bilang ng LGBT, ang mga saloobin sa Same Sex Marriage, at ang patungkol sa Political Dynasty. Ang mga paksang ito ay nakapagdagdag ng impormasyon sa mga nakasaksi. Isa ring magandang epekto nitong aktibidades na ito, particular na, ng pinagusapan ang LGBT ay ang pagkaalam ng saloobin ng nasa ganitong sitwasyon. Sa panahon ng pagtalakay nito, maraming katanungan ang nasagot mismo ng mga taong kinakasangkutan ng LGBT, na nagging dahilan upang mas maunawaan at matanggap sila ng lipunang kanilang kinabibilangan. Isang daan ang naging ganap ng aktibidades na ito. Hindi lang mga saloobin at kaalaman ang naging bunga kundi nakatulong din ito sa nmga mag-aaral na mas umunlad ang kumpiyansa sa sarili sa pamamagitan ng pagtatalakay sa harap ng maraming tao, at nagkaroon ng karunungan kung papaano magsagawa ng seminar. Sa kabuuan, ang mga aktibidades na ito ang naging dahilan na maisakatuparan ang mga bungang nasambit.


Isyu #1: Setyembre 27, 2013

Pagdiriwang ng Campus Press Freedom Week “Saloobin mo, ipahayag mo!” Taon-taon, nagkakaroon ng Campus Press Freedom Week ang Marinduque State College. Ito ay upang mabigyan ng kalayaan ang bawat isa na maipahayag ang kanilang mga saloobin, opinion, damdamin at mga hinaing tungkol sa iba‟t – ibang usapin. Sa pamamagitan nito, malaya ang bawat isa lalaong-lalo na ang mga estudyante na ipahayag ang nais nitong sabihin sa paraang paslita at pasulat sa freedom wall. Noong ika-25 ng Hulyo, 2013, mula 12:30 hanggang 2:00 ng hapon, nagsagawa ng ng isang maiksing programa ang Education. Tinalakay dito ang usapin tungkol sa “pagpapakasal ng magkaparehong kasarian at ang kontobersyal na Reproductive Health Law. Si Bb. Ginalyn Lupig ang napiling tagapagsalita upang talakayin ang Same Sex Marriage at si Bb. Eloisa Malco sa usapin tungkol sa Reproductive Health Law. Malayang naibahagi ng mga tagapagsalita ang kani-kanilang saloobin at opinion tungkol sa mga paksang tinalakay. Gayun din ang mga tagapakinig na kung saan isa-isa silang nagbigay ng kani-kanilang mga opinyon. Sa katunayan, nagkaroon ng maikling debate kung payag ba sila nagawing legal ang pagpapakasal ng makaparehong kasarian at kung payag ba sila sa pagpapatupad ng RH-law. Syempre hindi maiiwasan ang konting pagtatalo sapagkat ang bawat isa ay may kanyakanyang pananaw. Nagging maayos ang daloy ng talakayan sapagkat lahat ng dumalo ay nakiisa upang maging maayos ang program. Natapos ito sa pagkilala sa mga dumalo at nagpadaloy.

3

By: II-Mathematics II - TLE

RH LAW “PABOR o HINDI” Ang pamilyang Pilipino ay pinagbuklod-buklod upang magkaisa.Ito ang pundasyon ng isang bansang Malaya sa pagharap sa mas malawak na mundo ng patimpalak. Ngunit sa kasalukuyang panahon, nagiging mababaw at baluktot ang pananaw ng tao. Ang mga balita at impormasyonna napakikinggan ng tao mula sa tagapaghatid ay nagdadala ng malalim na palaisipan sa bawat isa. Sa araw at buwan na lumilipas, maraming katanungan ang hindi pa ganap na nabibigyang kasagutan sapagkat may mga sitwasyon na nakaaapekto sa buhay ng tao. Itoay ang kahirapan. Hindi maipagkakaila na ang ating bansa ay isa sa nangangailangan ng pagkakaisa upang mapaunlad at mapatibay ang pundasyon nito. Batid sa ating lahat na ang pagdami ng populasyon ang isa sa dahilan kung bakit nararanasan ng mas nakararami ang kagipitan sa mga pangangailangan. Kung kaya’t masusing pinag-aralan ng mga dalubhasa at ng mas mataas na estado ang mga posibleng lunas na makatutugon sa suliraning ito. Sa patuloyna paghahanap ng posibleng kasagutan sa mga suliraning ito, naipatupad ang Reproductive Health Law. Bagaman maraming tumututol dito, sa kabilang banda, marami rin naman ang sumasang-ayon dito. Sa pag-iral ng batas na ito, dalawang pangunahing katanungan ang umusbong sa bawat isip ng tao na naghati sa dalawang tugon. Pabor ba tayo dito o hindi?Dalawang katanungan at tugon na nagawang humati sa sambayanan. Ang mga mayayaman at edukado na sumagot na pabor daw sila sa batas na ito sa kadahilanang tumutulong ito sa pagpapababa ng bahagdan na tinatawag na population rate.


Isyu #1: Setyembre 27, 2013 Sa kabilang banda, ang mga mahihirap at relihiyoso na hindi alam ang maaaring idulot ng patuloy na pagtaas ng populasyon, ay ang sumagot na hindi daw sila saang-ayon sa pagpapatupad ng batas na ito dahilan sa hindi daw ito ang hinangad na mangyari ng Panginoon. Mababatid na ang dalawang partido, ang mga pro at anti, ay may kani-kaniyang pinaniniwalaan at ipinaglalaban. Mapupuna na kinailangan ng Kongreso ang napakahabang panahon at napakasusing proseso na naglagay sa mga mambabatas na bumoto at ibigay ang kanilang panig sa pagigina pabor nila sa nasabing batas o hindi. Hindi lamang ang mga mambabatas sa Kongreso ang nagbigay ng kani-kaniyang panig sa usaping ito kundi pati na rin si Bb. Malco ng II-TLE ay nagbigay ng kanyang tugon. Maituturing na hindi lamang ang Kongreso ang may pakialam sa ganitong usapin kundi pati na rin ang lahat na may kaalaman sa usaping ito. “Sa kasalukuyang panahon, maraming bibig ang nangangailangan ng kasagutan sa kahirapan maraming nagugutom ang naghahanap ng kabusugan at lalong maraming mahirap ang nasasabik sa kaginhawahan.”, aniya. Dagdag pa niya, “Dapat nating tingnan ang para sa hinaharap at sa susunod pang henerasyon at salinlahi.”

Buwan Ng Wika: Wika Natin Ang Daang Matuwid

Ika 29 ng Agosto taong 2013, muling nagtipon ang mga studyante ng II math at TLE, kasama ang mga IV AB ENGLISH ng MARINDUQUE STATE COLLEGE, upang ipagdiwang ang BUWAN NG WIKA na may temang “WIKA NATIN ANG DAANG MATUWID” . Ang nasabing programa ay pinasimulan ng isang panalangin at ng pambansang awit ng Pilipinas. Ito ay sinundan ng pambungad na pananalita na nagmula kay ginoong Randy T. Nobleza, Direktor ng GAD” o “Gender Advancement and Development” at guro ng nasabing mga studyante.Nagpatuloy ang pagtitipon sa makaalamang pananalita na ibinigay ng panauhing pangdangal na si ginoong Lester Frajenal na tumokoy sa DEYNASTIYANG POLITIKAL SA MARINDUQUE. Natapos ang pananalita ni ginoong Frajenal na naginiwan ng mga impormasyon tungkol sa nasabing usapin.

4

Ang Agosto ay kilala bilang Buwan ng Wikang Pambansa, kaya naman kapag sumasapit na ang Buwan ng Agosto, bawat paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo ay nagdiriwang . Binabalikan ang mga nakaraan ukol sa pagbuo ng ating wikang pambansa, wikang Filipino at higit sa lahat ang pagbibigay-pugay at pagkilala sa napakahalagang ambag o kontribusyon ni Manuel L.Quezon sa ating ngayong ginagamit sa tuwina na wika. Kaya naman tinagurian siyang “Ama ng Wikang Pambansa”.

Ang Wika ay isang napakahalagang elemento na siyang nag- uugnay sa mga tao, sa mga lugar sa isang bansa, at higit sa lahat, inuugnay nito ang mga bansa sa daigdig. Isipin nalang natin kung wala tayong wika, papaano natin masasabi ang ating mga nararamdaman at papano natin maipahahayag ang ating mga saloobin? Kung walang wika, hindi rin tayo magkakaroon ng komunikasyon, at kapag walang komunikasyon walang mabuting mangyayari. Alam naman natin na dahil sa wika at komunikasyon ay nagkakaroon tayo ng ugnayan sa mga bansa sa boung daigdig na siyang nagiging dahilan ng pagtaas ng ating ekonomiya. Wika at komunikasyon ang ating pundasyon para magkaroon ng mga establisemyento at imprastraktura ang ating bansa na indikasyon ng isang daang matuwid. Wika at komunikasyon din ang magsisilbing tagapamayapa ng ating bansa.Kaya naman mahalin at gamitin natin sa mabuti ang ating ng sa gayon ay sama- sama nating maabot ang pinapangarap nating “Daang Matuwid”.


5

Isyu #1: Setyembre 27, 2013

Marinduque: Tinaguriang Politikal Na Distastiya Ang Marinduque ay tinaguriang puso ng pilipinas na nagtataglay ng magagandang tanawin na nagiging patok sa mga turista na hinati sa anim na distrito. Ito ay ang Boac, Mogpog, Sta. Cruz, Torrijos, Gasan at Buenavista. Ang Marinduque rin ay tinaguriang polotikal na dinastiya o pagkakaroon ng iisang pamilya na namumuno. Ang pagkakaroon ng politikal na dinastiya ay laganap din sa ibang bansa. Sinasabi na ang pagkakaroon ng politikal na dinastiya ay sanhi ng korupsiyon sa gobyerno. Sinasabi rin ng iba na ito raw ay nakadepende sa galing ng namumuno kung papaano nito papalaganapin ang kaayusan ng patakarang pinaiiral. Ayon sa aking nakapanayam noong Agosto 3, 2013 na si Lolita Gayondalo mula sa Torrijos, nasabi niya na “ang Marinduque ay isang politikal na dinastiya ng pamilyang Reyes dahil sa tagal at pauli ulit na pamumuno ng kanilang angkan na umabot ng 40 taon”.

Nakatawag pansin din ang pangalan ni Hon. Carmencita Reyes na dating Congresista ng lalawigan ng Marinduque na tinaguriang “Queen of Marinduque” dahil sa galing ng kanyang pamamalakad at pamumuno at sa dami ng mga proyektong naisagawa sa kanyang posisyon at ng kanyang asawa na si Edmund O. Reyes Jr., at ngayon na naluklok bilang bagong Congresista na si Gina O. Reyes. Samakatuwid, talamak pa rin sa atin ang pagkakaroon ng politikal na dinastiya na umabot na 200 pamilya ay nabibilang sa pagiging pulitiko pero nasa ating mga mamamayan pa rin ang susi sa ating kaunlaran dahil tayo ang pipili ng taong karapat dapat na maluklok sa posisyon sa gobyerno na gagawa ng kanilang responsibilidad bilang pulitiko.

Dangal ng lahing Marinduqueño Ang Marinduque ay ang puso ng Pilipinas na nag-uumapaw sa kagandahan sa mga tanawin dito. Ito ay isang tumpok na lupa na animo‟y lumutang sa gitna ng karagatan, at animo‟y isang balintataw at bahay lamang ng anay dahil sa anyong kaliitan. Ang islang ito ay katulad ng isang dalaga na umaani ng libo-libong kariktan at kinababaliwan ng ibang lalawigan.


6

Isyu #1: Setyembre 27, 2013

Ano nga ba ang Violet Lecture Series? Kung ating lilimiin ang tatlong salitang ito ay agad nating mahihinuha na binibigyang pansin nito ang kulay na lila. Ang kulay na popular sa atin na sumisimbolo sa kapangyarihan at karangyaan, royalty ika nga. Subalit sa kabila nito ay hindi natin maitatago ang kulay na ito ay sumisimbolo rin sa isa sa mga natatanging yaman ng daigdig at isa sa tinuturing na espesyal at natatanging nilikha ng Diyos, ang mga kababaihan. Gayunpaman, kung ating titingnan ang tatlong salitang ito sa isang malawak na pagpapakahulugan ito ay tumutukoy sa kasarian na umiiral sa kasalukuyan na mula sa orihinal na dalawang kasarian ay umusbong ang bagong klasipikasyon nito. Ang pag-angat ng iba pang kasarian na kalimitan nating tinatawag na mga bakla o tomboy na mas kilala sa tawag na LGBT.

Kaugnay nito naglunsad ng isang programa ang grupo ng II-Math/TLE mula sa eskwelahang ng Edukasyong Pangsekondarya sa pangunguna ng kanilang butihing guro at siya ring direktor ng Gender Advancement and development Unit(GAD) upang lubos nating maunawaan ang tungkol sa mga usaping nakapaloob ditto. Ang una ay ang sitwasyon ng mga kababaihan sa kasalukuyan, ang organisasyon na kanilang kinabibilangan at ang kanilang mga pangkabuhayan. Ang ikalawa ay ang pagtanggap ng lipunan sa ikalawang kasarian. Ang ikatlo ay ang hindi maipaliwanag na pagdami ng LGBT at ang huli ay ang Anti-Discrimination Bill for LGBT‟s na kasalukuyang isinulong ngayon sa kongreso.

SYMPOSIUM para sa “Violet Lecture Series”, Isinagawa !! Bilang parte ng aktibidades para sa unang semestre, ang mga mag- aaral ng Bsed II- Math/ TLE ay nagsagawa ng symposium na may temang “Violet Lecture Series”. Nakapaloob sa usaping ito ang tatlong paksa na tatalakayin na piling mag- aaral: Pagdami ng Bilang ng LGBT ; Mr. Carlo Zulueta, pagtanggap ng Lipunan sa Ikalawang Kasarian; Melty Francisco at Anti- Discrimination for third Sex Bill; Eloisa Malco. Ang nasabing aktibidad ay idinaos sa Audio-visual room noong ika-10 ng Setyembre 2013. Ang programa ay pormal na pinasimulan ng isang pambungad na pananalita ng kanilang butihing guro sa Filiino III na siya ring Direktor ng Gender Advancement and Development Unit(GAD). Nagbigay siya ng ilang pahayag tungkol sa gender development at tinalakay ang tungkulin ng mga kababaihan, ang kasalukuyang organisasyon na kanilang kinabibilangagn na binuo para sa proteksyon ng mga kababaihan at ng kanilang kabuhayan. Sinundan ito ng pagpapadaloy ng ibat-ibang paksa na nagbigay linaw tungkol sa mga isyung napaloob dito. Ilang masiglang bilang din ang ipinalabas upang pansamantalang mang-aliw sa mga manunuod kabilang na ang kanilang espesyal na panauhin ang „The Bright Lights‟. Bilang parte ng programa ilang estudyante ang hiningan ng komento at reaksyon sa nasabing paksa. Ang iba ay nagbahagi ng kanilang sariling karanasan bilang kasapi ng ikatlong kasarian. Ito ay sinundan ng pagbibigay ng sertipiko ng pagkilala sa kanilang guro at sa grupong „The Bright Lights‟. Binigyan din nila ng sertipiko ang iba pang mga nagsipagdalo sa nasabing programa. Ang programa ay natapos ng ibigay ng pangulo ng matematika na si Jhon Harvey Lawig at ng pangulo ng TLE na si Sheila Marie Maglacas na siya ring emcee ng programa ang pangwakas na pananalita.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.