3 minute read

MOVING ON by Jasmin Vasquez

MOVING ON MOVING ON by JasminVasquez

Ang sarap ng pakiramdam ng mga tilamsik ng tubig na nagmumula sa itaas ng bundok papunta sa talon (falls) na umagos pababa sa lupa na para bang ikaw ay tinatapik at pinaghehele dahil sobrang nakakarelax at pandalian ay malilimutan mo ang stress mo at pagkabugnot dahil sa sobrang init ng panahon na iyong nararamdaman.

Advertisement

Matagal tagal din tayong nag stay at home. Walang mapasyalan dahil lahat ng puntahan mong park ay sarado dahil sa pandemic covid-19 na yan. Ang daming mga events na hindi natuloy. Ang pinaka nakaka stess pa ay yung marami sa atin ang nawalan ng hanapbuhay. Yung iba naman halos isa o dalawang linggo na lamang ang pasok sa trabaho. Hindi mo na alam kung paano mo mababayaran yung mga bills mo. Dahil ano mang sakuna ang mangyari sa atin, mananatili pa rin ang dating ng ating mga bayarin sa bahay, kuryente, tubig, gas, telepono at marami pang iba. Ang pinaka masaklap pa nyan yung budget para padala sa Pilipinas para sa ating mga pamilya. Hindi natin pwede ikatuwiran na wala na tayong maipapadala. Lalo na at hindi naman lahat ng tao sa Pilipinas ay nakakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Kung sino pa ang nagbabayad ng sapat na buwis, iyon pa ang karamihan sa hindi nakikinabang sa kaban ng bayan. Yung mga dati namang walang hanapbuhay na mahirap daw, iyon ang inuuna nilang bigyan. May pandemic man o wala, matagal ng ganoon ang buhay nila. Kaya nga sila dumami ng dumami dahil alam nila palagi sila ang uunahin ng gobyerno. Mahirap na nga ang buhay, anakan pa ng anakan tapos isisi sa gobyerno bakit ganoon ang buhay nila. Kung iisipin mo pa lang sobrang stressful na. Katulad ngayon humina na ang trabaho dito sa Japan. Parang sasabog na ang utak ko kakaisip paano na kaya ang buhay namin, nating lahat. Saan kaya tayo pupulutin.

Ang init ng panahon ngayon at nangyayari sa buong mundo ay lalo pang nakakapag-init ng ulo. Kaya naman hindi ko na mapigilan na lumabas at pumunta sa lugar na paborito kong puntahan upang makalanghap ng sariwang hangin at ramdamin ang nakakawala ng stress na lamig ng humahampas na tubig na nagmumula sa isang falls. Hay, sobrang relaxing. Sa simula ay medyo mapapagod ka lang dahil maglalakad ka ng pataas pero pag narating mo ang falls, sobrang ganda. Kung kayo ay mapapasyal dito sa aming lugar, pwede ko kayong samahan.

Ayun nga ng marating ko mismo ang paanan ng falls ay talaga namang napakasarap ng pakiramdam. Biruin nyo ang tagal mong di naka pasyal tapos napakainit pa sa loob ng aking bahay dahil wala naman akong aircon. Hehehe. Minsan nakiki aircon lang ako sa kaibigan. Parang ayaw ko ng umalis at doon na lang maghapon. Kung mayroon nga lamang kubo doon ay baka natulog muna ako saglit. Sobrang sarap ng feeling kapag andoon ka na. Huwag kayong mag alala dahil wala masyadong nagpupunta doon kaya safe sa covid-19. Kung meron man, siguro sobra pa ang daliri mo sa kamay. Matarik kasi ang daan saka marami ang hindi alam ang daan papunta roon. Minsan may isang grupo ng mga taga Tokyo ang dumayo doon at talaga naman natuwa sila. Napakaganda kasi at makakalapit ka talaga sa mismong falls.

Ano nga ulit yung problema ko kanina? Nalimutan ko! Hehehe. Ganyan nga po ang pakiramdam kapag andoon ka sa mismong lugar na iyan Fudo Falls po ang pangalan ng lugar na matatagpuan sa Takamori Shimoina District Nagano.

Libre po, walang entrance fee. Kaya para sa mga katulad kong sobrang stress na sa buhay, maganda mag explore sa mga ganitong lugar. Nakaka feeling young pa ang sarap ng haplos ng hangin sa iyong skin at yung tubig na nagmumula sa falls nakaka refresh mg face.

Hanggang sa muli! Ingat po tayong lahat. Let’s pray para po sa kaligtasan nating lahat at sana matapos na po ang Covid-19. God bless us all!

This article is from: