3 minute read

KWENTO NI NANAY

Anita Sasaki EVERY GISING IS A BLESSING!

Noon nakaraang buwan ng Mayo ay buwan nga ating mga minamahal na INA, ang ilaw ng ating mga tahanan. Binabati po namin kayong lahat mga INA, NANAY, INAY, INANG, MAMA, MOMMY, MONSHIE, MUDRA, MOMMARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGMAMAHAL. You are the moving force behind your children.

Advertisement

Sa ating Inang Kalikasan na lubha nating naabuso… Nilikha ng Dios ang ating mundo para tayo ay mabuhay ng maayos ngunit hindi natin inalagaan. Kaya andiyan ang mga baha dahil sa kalat nating mga basura, baha, landslides, lindol dahil sa kinalbo nating mga bundok. Ang ating mga isda na namamatay dahil sa mga dinamita ginagamit nang mga gahaman sa pangingisda.

Anita Sasaki

At sa ating Inang Bayan… Maraming salamat po Panginoon at lagi pong gabayan Ninyo ang mga namumuno sa gobyerno namin po. Gabayan mo po silang lahat para sa ikauunlad at katiwasayan nang aming bansa at ang buong mundo.

Since January 2020, we were all bothered by this corona virus or Covid-19 not only in Japan and the Philippines but the whole world. It’s a pandemic. March quarantine then lockdown. Tamang tama Mahal na Araw na sinabi “Stay At Home. “ Nasara ang ating mga malls, sinehan, mga eskuwelahan at ang mga simbahan. Nakakalungkot at nakakatakot dahil hindi natin nakikita ang kalaban nating VIRUS. Maraming nagkakasakit. Namamatay. Pati mga tumutulong na mga doctors, nurses at medical technicians. Hindi lang sila ang ating mga frontline heroes. Pati mga janitors na naglilinis sa mga hospitals at other facilities, mga grocery sta, nagtitinda sa mga palengke. Sa panahon ngayon, hindi lang mga sundalo ang ating mga bayani.

Nakakalungkot dahil sarado ang ating mga simbahan. Ano man ang ating mga reliyon o paniniwala, meron tayong kanya kanyang simbahan na pinupuntahan. Pero dapat “Stay at home ” lang po tayo. At bilang isang pamilya tayo ngayon magkakasama, nananalangin at ito ang mga simbahan. Nasarahan man ang mga simbahan pero maraming simbahan ang nabuo dahil sa sama-sama tayong pamilya na nagdarasal. Ito ang tunay na simbahan. Hindi ang building o ang nakikita nating malalaking ekstraktura. Kundi ang pamilya sama samang nananalangin. This is the real meaning of the church.

Di pareho noong bago dumating ang Covid-19, tayong lahat ay halos wala nang oras sa pamilya o sa bahay. Abala tayo sa pag hahanapbuhay, paaralan at iba pa. Para tayong nasa “rat race”. Habol tayo nang habol sa pera. Kaya madalas tayong pagod, galit at depressed. At diyan tayo nagkakasakit. Diyan tayo nagkaka cancer, high blood, sakit sa puso, diabetic at ngayon ay ang covid-19. Kung di pa sinuwerte ay ang hahantungan natin ay sa kahon na maliit o malaki.

Umabot ang Stay at Home sa Pilipinas ng 2 buwan. Sa Japan naman, wala kaming “lockdown” kundi “State of Emergency “. Ngunit ngayon sa Japan ay dapat Mayo 30, 2020 tatapusin ang state of emergency pero noong Mayo 25, 2020 ay tinapos na. Sa atin naman sa Pinas iba iba ang pagtatapos nila ng “lockdown “. Nasa kung saan ang humaba or nag “curve” na ang mga city. Sa June 1, hindi na lockdown meron tinatawag sila na GCQ (General Community Quarantine).

Sana sa pagtatapos ng “Stay Home” sabi nila balik na tayo sa normal nating buhay. Huwag na po. Mas mainam na maging new normal po tayo dahil hindi po maganda ang dating normal natin. At least level up tayo. Ang dating Normal natin ay hindi po tayo aware nang ating pag alaga sa washing of our hands, mag alcohol after, mag gargle tayo paggaling sa labas. Huwag na tayong mag beso-beso or shake hands. Kaway kaway na lang po. Maintain natin ang social distancing. Avoid crowded places.

Ngayon ko lang naisip bakit ang bahay ng mga Hapon ay usually pagpasok mo una lagi ang banyo at kitchen. Kasi pagpasok nila ng bahay, hugas kamay sila at gargle muna bago ang lahat. At normal sa kanila ang naka mask, konting sipon lang naka mask na sila.

At higit sa lahat manalangin tayo at magpa salamat sa Dios na tayo ay buhay. Inalagaan Niya tayo sa panahon ng covid-19. Maraming salamat po!

This article is from: