ISANG ARAW SA ATING BUHAY ni Jeff Plantilla
Ikinatutuwa ng mga tao sa ibang bansa ang mga videos ng biruan ng mga Filipino, lalo sa mga seryosong bagay. Ang isang video tungkol sa bagyo ay popular. Ito ay video tungkol sa mga ginagawa ng mga Filipino habang may bagyo, at may pamagat na “Bagyo Ka Lang! Pinoy Kami!” Ayon, may ilang hinarap ang hangin at ulan ng bagyo nang walang takot – o dahil may sira? Maraming litrato at video ang tungkol sa baha - may nagbabasketbol, nagsu-swimming, nag-iinuman sa gitna ng kalyeng binaha, namamasyal sakay ng lumulutang na sofa, nagkakape o nanood ng TV sa loob ng bahay na binaha at minsan ay may kasalan pa sa gitna ng baha. Kahit ang malaking pinsalang ginawa ng bagyong Odette ay hindi rin naging dahilan para maging lungkot lang ang sentimyento ng taong naapektuhan. Bangon muli, simula muli. Itinatayo muli ang bahay na nasira, ang kabuhayang nawala. Basta’t masagip ang buhay, kakayanin ang iba pang problema. May isang kilalang folk singer-writer na may kantang ang sinasabi ay tawanan ang problema. Isa pang folk singer-writer naman ang hindi sang-ayon, dapat daw ay siniseryoso ang problema. Tama silang pareho – siniseryoso ang problema pero hindi kailangang maging malungkot o di kaya ay depressed. Lakas ng loob at linaw ng isipan ay kailangan sa seryosong pag-aayos ng problema, at kung ang pagbibiro ay paraan para magkaroon ng lakas ng loob at maging kalmado – bakit hindi.
Living with the Virus
14
Nung unang lumabas ang AIDS,
kinatatakutan ito nang husto ng tao. Ito ay dulot ng isang virus – HIV o human immunodeficiency virus. Maraming namatay dahil sa HIV-AIDS na walang tamang gamot. Nguni’t pagtatagal, may gamot na nadiskubre at kaya maraming mga may HIV-AIDS ang namumuhay nang normal. Hindi na maaalis ang virus sa kanilang katawan, pero kayang pigilan ng gamot ang masamang epekto ng HIV-AIDS at maibabalik ang dating sigla. Ito ang sinasabing “living with the virus.” Tinatanggap na ang katotohanang ang HIV-AIDS ay bahagi na ng buhay – bagong buhay. Ganun rin ang iniisip na mangyayari sa COVID-19. Umaasa tayo na pagtatagal ang virus na COVID-19 ay magiging katulad ng karaniwang flu virus na taon-taon lumalabas. Tayo na lamang ang mag-iingat na hindi ma-infect, may bakuna na magagamit, o kung mai-infect, may gamot.
Psychosomatic effect Hindi ba kung tayo ay aburido o naguguluhan kung ano ang tamang desisyon, para tayong nanghihina? Pero kapag luminaw ang ating isip at may desisyon na, hindi ba biglang may sigla ang katawan? Ganito ang nangyari sa isang workshop nung hindi malaman kung para saan ang gagawing next activities. Nanglulumo ang mga tao, nanghihina. At nung nagdesisyon ako ng susunod na activity na nagustuhan nila, biglang bumalik ang sigla at para silang nabunutan ng tinik. May tinatawag na psychosomatic effect na ang ibig sabihin ay kung ang iyong pag-iisip ay hindi maganda, magdudulot ito ng masama sa
January - February 2022