6 minute read
Jeff Plantilla / Jeepney Press
ISANG ARAW SA ATING BUHAY ni Jeff Plantilla
Minsan sa isang session ng English speaking group ng mga Japanese sa Nara, sinabi ko na ang mga Filipinong technical intern trainees na kilala ko ay mga bata pa, talented at well-educated.
Advertisement
May lisensiyadong professionals tulad ng mga engineers (civil, mechanical, computer). Ngunit bilang trainees sa Japan, maaaring hindi akma ang academic background sa trabahong ginagawa.
Meron din namang mga bata pang Filipino na dumating sa Japan para magtrabaho na ayon sa kanilang gustong propesyon tulad ng mga English assistant language teachers at engineers na naka-assign sa Japan mula sa company nila na nakabase sa Filipinas.
Impluwensiya sa mga komunidad
Sa Shiga, ang mga batang technical intern trainees ay may magandang ambag sa ilang komunidad ng mga Filipino doon. Sa mga church-based na komunidad, ang mga batang technical intern trainees ay naging active sa misa, recollection/retreat at ibang religious activities.
Dahil sa kanilang talent, may tumugtugtog ng gitara o ibang instrumento at kumakanta sa choir sa misa. Pag may mga social activities, sila ang kumakanta at sumasayaw, at tumutulong sa mga gawain. May magaling sa computer at nakakatulong sa paggawa ng mga report at sa paggamit ng computer at projector sa mga activities.
Ang komunidad ang kanilang naging sandalan sa kanilang pamumuhay dito sa Japan. Nagkaroon sila ng mga Ate at Kuya, minsan ay Nanay at Tatay sa komunidad.
Nagdala sila ng tulong at saya sa mga komunidad.
Dating role ng mga estudyante
Ang ganitong role ng mga batang technical intern trainees at mga professionals sa mga komunidad ay siyang ginagawa ng mga estudyanteng Filipino noong sila pa lamang ang mga batang Fiipinong sumasama sa mga komunidad ng mga Filipino.
Nakakatulong ang mga estudyante sa mga pagsusulat, sa pag-aayos ng mga reports, sa paggawa ng marami pang gawain sa komunidad.
Ang ilan sa mga estudyante ay nangangailangan din ng komunidad para sa kanilang research. Kaya't naging bahagi ang komunidad sa kanilang pag-aaral sa Japan (masteral at doctoral courses).
Bagong salta
Mula nung 2017, nagkaroon ng bagong mga batang Filipino na dumating sa Japan bilang estudyante na nag-aaral ng Nihonggo. Pagkalipas ng ilang taon, nag-aaral naman sila sa senmon gakko para sa caregiving course. Marami din ang nakapasa sa caregiving exam at nagtrabaho sa caregiving institutions.
Ang kaibahan nila ay ang kanilang kahandaan sa pagtatrabaho sa Japan. Ang pag-aaral ng Nihonggo ang una nilang ginagawa, bago ang pag-aaral sa senmon gakko. Ang kaalaman nila sa Nihonggo at yung natutunan sa senmon gakko ay malaking advantage sa kanilang pagtira sa Japan.
Nakakaya nilang sila lamang ang magsama-sama. Maaaring ito ang dahilan kung bakit hindi sila masyado malapit sa mga komunidad. Mas handa silang mamuhay sa Japan ng nagsasarili dahil sa kakayanan nilang mag Nihonggo.
At kung sila ay magkatrabaho na, maaaring hindi na sila involved sa komunidad sa weekends para may sarili silang oras sa pagpapahinga.
Pagbabago ng sitwasyon
Dumadami pa rin ang mga Filipino sa Japan dahil sa technical intern trainees, yung mga nag-aaral para maging careworkers sa Japan, ang mga assistant language teachers at maaaring iba pang trabaho.
Nguni't kung ikukumpara ang pagdami ng mga Filipino sa mga mula sa ibang bansa, mas marami ang dumarating na Vietnamese, Sri Lankans, Nepalese, Chinese at iba pa. Mas malaki ang porsiyento nila sa non-Japanese labor force ng Japan.
May malaking pangangailangan ang Japan sa mga workers. At kaya patuloy ang recruitment ng mga workers mula sa iba't-ibang bansa.
Pero bakit hindi natin magamit nang husto ang pagkakataong ito?
Malapit lang ang Japan sa Filipinas. Maayos ang pangkalahatang kalagayan ng seguridad at mga pasilidades sa Japan. May social at religious support ang mga Filipino mula sa mga kababayang narito, sa kanilang komunidad at sa simbahan (Katoliko, Protestante, at iba pa) na puwedeng takbuhan kung kailangan. Meron ding mga non-pro t organizations (NPOs) na tumutulong sa mga hindi Hapones kasama ang mga Filipino.
Alam din natin na marami ding lugar sa Japan na walang komunidad ng mga Filipino, simbahan o NPO. Pero maganda pa rin ang sitwasyon sa Japan para sa mga gustong magtrabaho dito.
Ang tanong, bakit hindi kasing dami ang dumarating na mga Filipino kumpara sa galing sa ibang bansa sa Asya?
Ano kaya ang dahilan?
Ayaw magtrabaho sa Japan?
May mga Filipino nurses na nakapasa sa nursing exam ng Japan sa ilalim ng
Japan-Philippine Economic Partnership Agreement (JPEPA). Nag-aral sila ng ilang taon para sa exam (sa Nihonggo) kaya’t hindi biro ang kanilang pagsisikap na maging nurse sa Japan.
Pero may ilan akong nakilalang ganitong nurses na wala na sa Japan.
Ang nakilala kong umalis ay nakapagtrabaho na sa ospital sa Japan. May 2 dahilan na lumalabas. Isang dahilan ay tungkol sa trabaho bilang nurse. Hindi nila nakikita na magiging maayos pa ang kanilang career bilang nurse sa Japan. Hindi nila nakikita na mapo-promote sila o may matutunan pang mataas na kaalaman o kakayanan. Kumbaga, routinary work ang ginagawa nila araw-araw. Dahil dito, mas gusto na nilang umalis sa Japan.
Ang pangalawang dahilan na nalaman ko ay tungkol sa dati nang plano na magtrabaho bilang nurse sa ibang bansa. Nagpunta sa Japan, nag-aral ng ilang taon, nakapasa sa exam, at nagka-trabaho pero nung dumating ang visa papuntang Amerika, umalis na.
Meron din namang iba na ayaw nang tumagal sa Japan pagkatapos ng ilang taon ayon sa kontrata dahil sa ibang bansa na gustong pumunta.
Sistema ng pagpapadala ng workers ang problema?
Meron ding sinasabi na ang problema ay ang sistema ng pagpapadala ng workers sa Japan. Matagal at maraming requirements bago makatanggap ng workers ang Japanese companies. Kung gusto man ng mga companies ang mga Filipino workers pero hindi naman sila
makakarating sa tamang panahon, mapipilitan silang kumuha sa ibang bansa na mas mabilis magpalabas ng kanilang manggagawa.
Hindi ba tayo ganun ka-organized kaya mabagal ang processing ng mga dokumento para sa ating workers?
Kahalagahan ng mga non-Japanese workers
Maraming ikabubuti ang pagdating ng mga non-Japanese workers sa Japan. Unang-una, ang pangangailangan sa kanila ng mga kompanyang ayaw pasukan ng mga Japanese workers. Dumarami na rin ang mga Hapones na nagre-retire at kailangan ng kapalit lalo na para sa mahihirap na trabahong mahalaga sa ekonomiya ng Japan. Nagkukulang ng workers ang mga maliliit na kompanya.
Mahalaga ang mga Filipino workers na dumarating sa mga komunidad dahil ang mga residenteng Filipino ay nagtatandaan na rin. Ang mga bagong dating na Filipino ang maaaring magbigay sigla sa mga komunidad na ito.
Kung dati ay tinutuligsa ang labor export policy ng pamahalaan, ngayon ay ipinaglalaban na ang kalayaang magkapagtrabaho sa ibang bansa.
Sana ang Japan ay mabiyayaan ng marami pang mga kababayang manggawa.