3 minute read
Jasmin Vasquez /Jeepney Press
MOVING ON ni Jasmin Vasquez
Iba ang Buhay kapag may Relasyon ka kay Jesus
Advertisement
Kung noon napakagulo ng aking buhay at pag-iisip, maniwala ka at sa hindi, ngayon ay unti unti ng nagiging maayos ang aking buhay.
Kapag pala maayos ang relasyon mo sa Panginoon, lahat ng bagay sa iyong buhay, kahit ano mang klaseng problema ang dumating sa iyong buhay ay hindi ka Nya pababayaan.
Kung aalalahanin ko lamang ang aking mga nakaraan, sa lahat ng mga trials ko sa buhay, kung iyong iisipin ay hindi madali, ngunit dahil alam kong kasama ko ang Panginoon, kaya nalampasan ko lahat ng mga problema sa buhay. Paano na lamang kung wala si Jesus sa aking buhay.
Ako’y nag research how many Christians ang meron dito sa Japan na unti-unting tumataas muli. Ngayon, humigit-kumulang isa hanggang dalawang milyong Hapones ang mga Kristiyano (mga isang porsyento ng populasyon ng Japan), at ang mga simbahan ay matatagpuan sa buong bansa ng Japan.
Tulad ng bansang Korea, walang imposible na tumaas ng tumaas pa ang bilang ng mga Kristiyano, lalo pa ngayon na ibat-ibang group ng Kristiyano ang meron ngayon sa Japan.
Siguro kung magiging Christian nation ang Japan, mababawasan na ang mga suicidal incident lalo na sa mga batang mahihina ang loob na ang palaging gustong gawin ay tapusin na lamang ang kanilang buhay. Parami na rin ng parami ang mga taong pumapatay. Ilan ito sa mga bagay na siguradong unti unti ay mawawala kung lahat magiging Kristiyano. Mga kabataan na nabubuntis at tinatapon ang kanilang sinisilang na anak. Lahat ng iyan ay ilan sa mga layunin ng mga namumuno sa mga Christian Group.
Kamakailan lamang nagdaos ng concert evangelism ang group ng Jesus the Gospel sa Suwa Kohan Park stage sa tapat ng Suwa Lake. At naimbitahan ang inyong linkod na umawit. Mayroon din mga special guest from Singapore na nag handog ng awit, mga kapwa Pinoy at Hapon na nag perform, umawit at sumayaw kasama ang mga cute na mga youth.
Ako lamang po ang umawit ng Tagalog, ngunit may mga Japanese na marahil ramdam nila ang aking inaawit kaya naman sila din ay napapataas ng kanilang kamay habang pini feel nila ang aking awit. Ito ay isang tanda na open sila na tanggapin si Jesus sa buhay nila. Nakakagulat pero talagang iba si Jesus pag kumilos walang imposible sa Kanya.
Imagine, wala ng batang mapapariwara ang buhay, wala ng taong papatay at magpapakamatay dahil na depress sa buhay. Lahat puro pagmamahalan na lang kung lahat tayo ay magiging Christian.
Pag dumating na ang Rapture, tayong lahat ay maliligtas. It occurs in the parousia: "those who are alive and remain unto the coming (παρουσία) of the Lord, shall be caught up together with them in the clouds to meet the Lord in the air" (1 Thessalonians 4:15–17, KJV).
Iba ang buhay kapag may relasyon ka sa Diyos, palagi kang ligtas at matuwid ang buhay. Palaging may mabuting direksyon at desisyon sa buhay.